Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

FILIPINO

Learning Area
Learning Modular Distance Modality(Learning-Led Modality)
Delivery
Modality
School Grade FIVE
Level
Teacher Learning FILIPINO
Area
Teaching Date Quarter 4TH
Teaching Time No. of Days 1 DAY

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ang


mag-aaral ay:
1. Nakatutukoy ng iba’t ibang uri ng pangungusap na
ginamit sa pagsasalaysay ng napakinggang balita at
sa pakikipagdebate tungkol sa isang isyu;
2. Nakagagamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa
pagsasalaysay ng napakinggang balita at sa
pakikipagdebate tungkol sa isang isyu; at
4. Napapahalagahan ang pagiging magalang at
makatotohanan sa pagsasalaysay ng balita at sa
pakikipagdebate ng isang isyu

A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa


napakinggan
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Nakabubuo ng nakalarawang balangkas


Pagganap
batay sa napakinggan

C. Pinakamahalagang ∙ Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa


Kasanayan sa pagsasalaysay ng napakinggang balita F5WG-IVa-e-
Pagkatuto (MELC) 13.1
(Kung mayroon, isulat
ang
pinakamahalagang
kasanayan sa
pagkatuto o MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon, isulat
ang pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap sa
Pagsasalaysay ng Napakinggang Balita at
Pakikipagdebate Tungkol sa Isang Isyu
III. KAGAMITAN PANTURO Modyul
A. Mga Sanggunian
a.Mga Pahina sa Gabay
ng Guro
MOST ESSENTIAL LEARNING
COMPETENCIES(MELC) MATRIX

b.Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag-
aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
https://lrmds.deped.gov.ph/
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo para
sa mga Gawain sa Learner’s Packet
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

A. Introduction BALIKAN
(Panimula)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat


pahayag sa bawat bilang. Piliin at isulat sa kuwaderno
ang titik ng tamang sagot.
Habang naglalakad sa tabi ng daan si George,
narinig niyang ibinalita ni Gng. Rose Cortez kay Micah
na mayroon silang kapitbahay na nag\kasakit ng
COVID-19. Dinala agad ito sa pagamutan para sa
karampatang lunas.

1. Alin ang angkop na pangungusap ang gagamitin ni


George kapag ibabalita niya sa kanyang ina ang
kanyang napakinggang balita?
A. May nagkasakit sa ating paligid.
B. Inay, may kapitbahay po tayong nagkakasakit ng
COVID-19. C. Inay, mag-ingat tayo upang hindi tayo
magkasakit ng COVID-19.
D. Inay, mamamatay na ang kapitbahay nating
nagkasakit ng COVID-19.

2. Alin kaya ang maging reaksiyon ng nanay ni


George sa ibinalita nito?
A. Naku! May ayuda na naman tayo mula sa
pamahalaan.
B. Aba! Mapalad ang maysakit dahil libre ang gamot
sa ospital. C. Naku! Nakakatakot huwag na kayong
maglaro sa labas ng bahay.
D. Aba! Bibisitahin ko sa ospital ang kapitbahay nating
nagkaCOVID19.

3. Gustong malamam ni George kung saang ospital


dinala ang maysakit, aling pangungusap ang
kanyang maaring itanong?
A. Saan siya inilibing?
B. Siya ay dinala sa ospital.
C. Saan ang bahay ng maysakit?
D. Saang ospital dinala ang ating kapitbahay na
nagkakasakit ng COVID 19?

4. Paano mo uutusan ang iyong kaibigan na manatili


sa bahay upang makaiwas sa pagkahawa ng
Coronavirus?
A. Pumasok kayo sa bahay ninyo.
B. Saan ba tayo dapat manatili sa panahon ngayon?
C. Manatili tayo sa bahay upang hindi tayo
mahawaan ng Corona Virus.
D. Magparty-party tayo para matakot ang
coronavirus na nasa paligid.

5. Alin ang nagpapahayag ng magalang na


pagbabalita?
A. Hoy! Makinig kayong lahat sa akin.
B. Mayroon po tayong kapitbahay na nagkakasakit
ng COVID 19.
C. Bakit ayaw ninyong maniwala sa aking ibinabalita
sa inyong lahat?
D. Bahala kayo may kapitbahay tayong nagkakasakit
ng COVID 19.

Magkakaroon ng debate ukol sa isyung “Manatili sa


Bahay Upang Maiwasan ang Pagkahawa ng COVID
19, Oo o Hindi”?

6. Alin ang dapat itanong kung hindi mo alam saan


gaganapin ang debate?
A. Saan gaganapin ang debate?
B. May gaganaping debate sa barangay.
C. Sama ka sa akin pupunta tayo sa debate.
D. Sino ang mga kasama mo papuntang Maynila?

7. Paano mo ibabalita ang ukol sa gaganaping


debate?
A. Magkaroon ng bebate ukol sa “Manatili sa Bahay
Upang Maiwasan ang Pagkahawa ng COVID-19”.
B. Hoy! Makinig kayo may debate Manatili sa Bahay
Upang Maiwasan ang Pagkahawa ng COVID-19”.
C. Hihintayin natin ang debate sa “Manatili sa Bahay
Upang Maiwasan ang Pagkahawa ng COVID-19”.
D. Nagkaroon ng bebate para kay “Manatili sa Bahay
Upang Maiwasan ang Pagkahawa ng COVID-19.

8. Gusto mong malaman kung kailan gaganapin ang


debate, alin sa pangungusap sa ibaba ang iyong
gagamitin?
A. May gaganaping debate.
B. Kailan gaganapin ang debate?
C. Makinig kayo sa gaganaping debate.
D. Hala! May debate na naman sa ating bayan.

9. Bakit kailangang maging magalang ang mga


kalahok sa pakikipagdebate tungkol sa isang isyu?
A. Para maging masaya ang usapan.
B. Para magkaintindihan silang lahat.
C. Upang maganda ang pagsasama ng mga
kalahok.
D. Upang maiwasan ang pang-iinsulto ng opinyon ng
mga kalahok at mapanatili ang kaayusan sa
pagdedebatae.

10. Alin ang magalang na pag-aanyaya mo sa iyong


mga kaibigan na makinig sa nasabing debate?
A. Basta makinig kayong lahat sa debate.
B. Gusto niyo bang makinig ng magandang debate?
C. Mga kaibigan makinig tayo sa gaganaping
debate.
D. Mga kaibigan, inaaanyayahan ko po kayong lahat
na makinig sa debate

BALIK-ARAL
Panuto: Pagmasdan at pag-aralan ang mga larawan
sa ibaba. Sagutin ang kasunod na mga tanong.

Pamprsosesong Tanong:
1. Alin sa dalawang larawan ang nagbabalita?
Nagdedebate? 2. Ano ang pinag-uusapan sa balita?
3. Ano ang isyu ng debate?
4. Anong bantas ang ginamit sa pamagat ng
debate?
5. Kung ikaw ay kasali sa debate, anong sagot ang
pipiliin mo, Oo o Hindi? Ipaliwanag ang iyong sagot.
6. Matutukoy mo kaya ang mga pangungusap na
patanong sa bawat larawan? Ano-ano ang mga ito?
7. Mayroon bang mga pangungusap na pasalaysay
na ginagamit sa pagbabalita at pagdedebate ayon
sa larawan A at B?
8. Naalala mo pa ba ang mga uri ng pangungusap?
Ano-ano ang mga ito?
ARALIN
1. Naalaa mo pa ba ang mga uri ng pangungusap
ayon sa gamit?
2. Ano-ano ang mga pamantayan sa pagsasalaysay
ng balita? Dapat Bang Manatili sa Bahay sa Panahon
ng Pandemya?

Basahin ang sumusunod na punto sa pagkatoto.


Pangungusap – ay lipon ng mga salita na buo ang
diwa. Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang
simuno at panag-uri.

Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit


1. Pasalaysay o Paturol - ay nagsasalaysay ng
katotohanan o pangyayari. Lagi itong
nagtatapos sa tuldok (.). Mga Halimbawa
a. Marami ng mga tao na nagkakasakit ng
coronavirus.
b. Ang daigdig ay ang tanging planetang may
buhay.
2. Patanong - ay nag-uusisa tungkol sa isang
katotohanan o pangyayari. Tandang pananong
(?) ang bantas sa hulihan nito.
Mga Halimbawa a. Saan nagsisimula ang
coronavirus? b. Ilan na lahat ang bilang ng
nagkakasakit ng COVID-19
2. Padamdam - ay nagsasabi ng matinding
damdamin gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat,
paghanga, panghihinayang at iba pa.
Karaniwang nagtatapos ito sa tandang
panamdam (!). Maaari ring gamitin ang tandang
pananong (?).
3. Mga Halimbawa a. Ay! Tama pala ang sagot ko.
b. Naku! Mayroong sunog sa kabilang kalye.
4. Pautos - ay nagpapahayag ng obligasyong
dapat tuparin. Mga Halimbawa a. Mag-aral kang
mabuti. b. Hugasan mo ang iyong mga kamay.
5. Pakiusap - ay nagpapahayag ng pag-utos sa
magalang na pamamaraan. Gumamit ng mga
salitang maari, paki- at puwede. Nagtatapos ito
sa tuldok. Mga Halimbawa a. Pakiabot ng bag ko.
b. Maaari po bang humiram ng bolpen mo?

Pamantayan sa Pagsasalaysay ng Napakinggang


Balita
1. Kawastuhan ♣ Ang datos ay inilahad nang
walang labis at walang kulang.
2. Katimbangan ♣ Inilahad ang mga datos na
walang kinikilingan sa alinmang panig na sangkot.
3. Makatotohanan ♣ Ang mga impormasyon ay
tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa lamang.
4. Kaiklian ♣ Ang mga datos ay inilahad nang
diretsahan, hindi maligoy.

MGA PAGSASANAY

B. Development A. Panuto: Punan ng hinihinging pangungusap ang


(Pagpapaunlad) mga graphic organizers sa ibaba. Hanapin ang
inyong mga sagot sa mga larawan A at B sa
Tuklasin (pahina 5).
B. Panuto: Basahin ang bahagi ng debate tungkol
sa isang isyu sa ibaba. Punan Ang mga puwang
na kasunod nito ng mga hinihinging
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno.

“Dapat Bang Alisin ang mga Puno na Nasa Tabi


ng Kalsada?”
Oo: Putulin ang mga punongkahoy Hindi lang
noong Yolanda nangyari ito. Pero pati na rin
noong ibang malalakas na bagyo gaya ng
Glenda, Sendong at Reming.

Hindi: Makitid ang ganitong pananaw! Pwede


namang gupitan ang mga puno oras na may
panganib. Gaya rin lang ng pagbababa ng
mga tarpoline kapag may bagyo.

Oo: Wala kayong awa sa mga taong


nabagsakan ng mga puno! Kapag nabagsakan
din ng mga puno ang mga linya ng kuryente ay
nagbibigay rin ito ng panganib ng
pagkakuryente at pagsisimulan ng sunog.

Hindi: Ang kailangan ay kagamitan para


maputol ang puno kung sakaling ito ay mabuwal
sa anumang rason, may bagyo man o wala.
Pangungusap na Patanong:
_______________________________________
Pangungusap na Pakiusap:
________________________________________
Pangungusap na Pautos:
__________________________________________
Pangungusap na Padamdam:
______________________________________
Pangungusap na Pasalaysay o Paturol:
______________________________

PAGLALAHAT

Ang mga pangungusap na pasalaysay o paturol,


patanong, padamdam, pautos at pakiusap ay
ginagamit sa pagsasalaysay ng napakingang balita
C. Engagement at sa pakikipag-debate tungkol sa isang isyu. Ang
(Pagpapalihan) kawastuhan, katimbangan, makato-tohanan at
kaiklian ay mga paman-tayan na dapat
isasaalangalang upang maging malinaw at kapani-
paniwala ang isinalaysay na balita. Maging magalang
sa pagtanggap ng opinyon ng katunggali para
mapanatili ang kaayusan sa pagdedebate ng isang
isyu.

PAGPAPAHALAGA
HEALTH INTEGRATION
Panuto: A. Basahin nang may pag-uunawa ang balita
sa ibaba. Isalaysay itong muli gamit ang iba’t ibang uri
ng pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno.
Ang Sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19) Ang
Coronavirus 2019 (COVID-19) ay isang sakit sa
palahingahan. Ang taong magkakasakit ay mahirap
huminga. Ang mga simtoma sa sakit na ito ay lagnat,
sipon, ubo at iba pa. Ito ay sanhi ng isang bagong
virus. Anumang edad ay maaring dapuan ng sakit na
ito. Madaling makahawa ang sakit na ito lalong-lalo
na kung mahina ang resistensiya ng isang tao. Sa
buong Pilipinas libo-libong mga tao ang namatay ng
dahil sa virus na ito. Kaya plano ng gobyerno na
bibigyan ng bakuna kontra COVID 19 ang lahat na
mamamayang Pilipino upang malabanan ang sakit
na ito. Kailangang kumain ang mga tao ng
masustansiyang pagkain, uminom ng bitamina C at
wastong oras sa pagpahinga upang mapalakas ang
resistensiya laban sa virus.
D. Assimilation PAGSUSULIT
(Paglalapat) ESP INTEGRATION

Panuto: Basahin nang may pag-uunawa ang mga


pahayag sa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong kuwaderno.

Napakinggan mo mula sa radyo na may paparating


na napakalakas na bagyo sa ating bansa. Isa ang
inyong lugar na matatamaan sa mata ng bagyo.
Pinagsabihan ang lahat na mamamayan na
maghanda para maging ligtas sa panahon ng
sakuna. Sinulat ni: Daisy N.
Ragay

1. Batay sa binasa, alin sa sumusunod na


pangungusap ang maari mong sabihin upang
maisalaysay mo nang wasto ang balita?
A. Alam niyo na ba na may paparating na bagyo sa
ating bansa?
B. Magsilikas na tayong lahat dahil may paparating
na bagyo sa atin.
C. Huwag tayong maniwala sa mga balita dahil
walang katotohanan iyon.
D. Ayon sa balita na narinig ko mula sa radyo, may
paparating na napakalakas na bagyo sa ating bansa.
2. Kung ikaw ay magtatanong ukol sa balita, aling
pangungusap ang gagamitin mo?
A. Hala! Paparating na ang napakalakas na bagyo.
B. Matulog kayo nang maaga para maaga kayong
gumising.
C. Kailan dumating sa ating bansa ang napakalakas
na bagyo? D. Magsipaghanda tayong lahat dahil
paparating na ang napalakas na bagyo.
3. Paano mo uutusan ang iyong kapatid na
maghanda para sa paparating na bagyo?
A. Hoy! Matulog ka na.
B. Maghanda ka dahil may paparating na
napakalakas na bagyo.
C. Bakit maghahanda tayong lahat para sa
paparating na bagyo sa atin?
D. Pumunta ka na sa paaralan para maging ligtas ka
sa paparating na bagyo.
4. Ano ang maging reaksiyon mo sa napakinggang
balita?
A. Naku! Nakakatakot ang paparating na bagyo.
B. Mga kapitbahay alam niyo na ba ang balita ukol sa
bagyo? C. Gumising kayong lahat may darating na
mga pulis sa ating barangay.
D. Aray! Biglang sumakit ang aking ulo nang makita ko
ang mga itim na ulap.
5. Paano mo pakiusapan ang iyong kaibigan na ayaw
lisanin ang kanilang bahay?
A. Lumikas na tayo dahil nasa panganib na ang ating
mga buhay.
B. Lilisanin mo na ang iyong bahay dahil napakalakas
na ng bagyo!
C. Maari bang maglinis muna tayo ng bahay dahil
wala pang bagyo?
D. Maari bang lisanin mo ang iyong bahay para ligtas
ka sa paparating na bagyo?
6. Aling pangungusap ang sagot kung bakit
kailangang maging makatotohanan sa
pagsasalaysay ng balita?
A. Upang maging kapani-paniwala ang isinalaysay na
balita.
B. Upang maniwala ang lahat na nakikinig at
papalakpakan nila anumang sasabihin ng
nagbabalita.
C. Alin kaya ang aking paniniwalaan sa mga balita
na nagaganap ngayon sa ating bansa?
D. Huwag na kayong makinig ng balita dahil
nakakaaksaya lang ng panahon.
7. Gusto mong malaman kung kailan gaganapin ang
debate, alin ang itatanong mo?
A. Makinig kayo sa debate.
B. May debate ukol sa COVID-19.
C. Kailan gaganapin ang debate dito?
D. Sino-sino ang mga kasali sa gaganaping debate?
May gaganaping debate ukol sa “Dapat Ba O Di
Dapat Manatili sa Bahay sa Panahon ng Pandemya
ng COVID-19?”
8. Alin ang sasabihin mo kung iimbitahin mo ang
iyong kuya na manood ng debate?
A. Kuya manood po tayo ng debate.
B. Gusto mong manood ng debate?
C. Ay, manood ka mamaya ng debate.
D. Hoy! Manood ka ng nasabing debate.
9. Kung ikaw ay kasali sa debate at ang sagot mo ay
dapat, ano ang maari mong sabihin?
A. Manatili sa bahay para mawala na ang
coronavirus!
B. Hoy! Huwag pasaway manatili sa bahay para
mahuli ng mga pulis.
C. Huwag kang lalabas ng bahay dahil may mga pulis
na huhuli sa iyo.
D. Ang pagpapanatili sa bahay ay isang hakbang
upang makaiwas tayo ng pagkahawa ng coronavirus.
10. Ikaw ay isa sa mga tagapamahala ng nasabing
debate at malapit nang magsimula ang programa,
ano ang dapat mong sabihin sa mga tagapakinig?
A. Yeheey! Magsisimula na ang debate.
B. Magsiupo na tayong lahat at sisimulan na natin ang
debate. C. Huwag na kayong tatayo dahil narito na
ang mga kalahok.
D. Bakit kaunti lamang ang mga tagapakinig na
nandidito ngayon.
V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

Inihanda ni:
Ipinasa kay:

You might also like