AP9-Q4-W2-MODULE-2-SEKTOR-NG-AGRIKULTURA-1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 39

9

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Sektor ng Agrikultura
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Sektor ng Agrikultura
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon
pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung itoay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ayang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brandname, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Kagawaran ng Pangasinan 1


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat : Joseph C. Cruz
Tagalapat : Lawrence A. Ocampo
Tagapamahala
Tagamasid Pampurok : Ellen L. Fernandez, Ed. D
Punongguro : Genaro O. Manolid, Ed. D
Ulongguro sa Araling Panlipunan : Jovito Q. Idos
Pandistritong Koponan ng kasiguruhan sa kalidad
Tagapangulo, Public Schools District Supervisor: Ellen L. Fernandez, Ed. D
Pangalawang Tagapangulo : Harry Lloyd D. Ferrer, EdD
Mga Kasama
LRMDS Division Trainer : Tracy Lee L. Dugay
District ICT Coordinator : Jojemar B. Quinto
Pansangay na Tagapamanihala, OIC : Ely S. Ubaldo, CESO VI
Pangalawang Tagapamanihala : Marciano U. Soriano, Jr., EdD
Punong Tagamasid Pansangay, CID : Carmina C. Gutierrez, EdD
Tagamasid Pansangay, LRMDS : Michael E. Rame, EdD
Tagamasid Pansangay, Araling Panlipunan : Rustico P. Abalos Jr., EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division Office 1 Pangasinan


Department of Education – SDO Pangasinan 1
Office Address: Alvear St., East Capitol Ground, Lingayen, Pangasinan
Telefax: (075) 522-2202
E-mail Address: pangasinan1@deped.gov.ph
9
Araling Panlipunan

Ikaapat na Markahan – Modyul 2:


Sektor ng Agrikultura
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina
Paunang Salita ……………………………….…………………………… i

Alamin ……………………………………………………………………… ii

Sanggunian ……………………………………………………………… iii

Alamin ……………………………………………………………………… p.1

Subukin ………………………………………………………………….... p.2

Balikan ……………………………………………………………………. p.6

Tuklasin …………………………………………………………………… p.7

Pagyamanin …………………………………………………………….. p.19

Isaisip ……………………………………………………………………. p.20

Isagawa ………………………………………………………………….. p.21

Tayahin ………………………………………………………………….. p.23

Karagdagang Gawain …………………………………………………. p.27

Susi ng Pagwawasto ……………………………… ………………….. p. 28

Sanggunian ……………………………….…………………………….. p.29


Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul para


sa araling Sektor ng Agrikultura.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 modyul ukol sa Sektor ng


Agrikultura.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng salid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

i
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


ang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay


upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang


ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawaing naglalayong matasa o masukat ang antas


ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensiya.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

ii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang


ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag aaral ay naipamamalas ang pag- unawa sa mga sektor ng
ekonomiya at mga patakarang ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at puwersa
tungo sa pambansang pagsulong at pag- unlad.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad


at pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang ekonomiya nito tungo
sa pambansang pagsulong at pag-unlad.

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pampagkatuto:


Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa sektor ng
agrikultura.

iii
Mula sa araling ito, ikaw ay inaasahang makalinang ng mga sumusunod
na kasanayan:
1. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at
paggugubat sa ekonomiya at sa bansa.
2. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura,
pangingisda, at paggugubat sa bawat Pilipino.
3. Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang-ekonomiyang
nakatutulong sa sektor ng agrikultura

Alamin

Sa nagdaang-aralin ay napalalim mo ang iyong kaalaman


tungkol sa Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran.

Gawain 1: KANTANG BAYAN – ALAM KO!


Mag-isip ng limang bagay o anoman na pumapasok sa isip mo kapag
binabasa, naririnig o inaawit ang ‘Magtanim ay ‘Di Biro’?
Magtanim ay di biro Kay-pagkasawing-palad Halina, halina, mga
Maghapong Ng inianak sa hirap, kaliyag, Tayo’y magsipag-
nakayuko Di naman Ang bisig kung di unat-unat. Magpanibago
makatayo Di naman iunat, Di kumita ng tayo ng lakas Para sa araw
makaupo pilak ng bukas
Bisig ko’y Sa umagang pagkagising
namamanhid Lahat ay iisipin (Braso ko’y namamanhid
Baywang ko’y Kung saan may Baywang ko’y
nangangawit. patanim May masarap nangangawit. Binti ko’y
Binti ko’y namimintig na namimintig
Sa pagkababad sa tubig. pagkain. Sa pagkababad sa tubig.)
Pinagkunan: Retrieved from http://tagaloglang.com/Filipino-Music/Tagalog-
Folk-Songs/magtanim-ay-di-biro.html on January 13, 2015

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit ang limang bagay na ito ang naisip mo kaugnay ng awiting
“Magtanim ay Di Biro”?
2. Ano ang nabubuo o pumapasok sa isipan mo habang inaawit ang
“Magtanim ay Di Biro”?
3. Anong sektor ng ekonomiya nabibilang ang tema ng awitin? Ipaliwanag.

Gawain 3: KILALA KO ANG SEKTOR NA ITO!


Balikan natin ang awiting “Magtanim ay ‘Di Biro”. Kumuha ng isang
bagay sa loob ng silid-aralan o paaralan na sa iyong palagay ay maglalarawan
o nagmula sa sektor ng agrikultura. Humanap ng ka-triad at talakayin ang
bagay na napili at ang kaugnayan nito sa sektor.
1
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang naging batayan mo sa napiling bagay?
2. Paano mo ito iniugnay sa sektor ng agrikultura?
3. Para sa iyo, ano ang kahalagahan ng sektor na ito at sa buong
bansa upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa?
Patunayan.

Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang pinakatamang
sagot at isulat ang tamang sagot sa isang sagutang papel.
1. Ang sumusunod ay mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng
ekonomiya ng isang bansa maliban sa:
A. Likas na yaman
B. Yamang tao
C. Teknolohiya
D. Kalakalan
Para sa bilang 2, basahin ang sumusunod na talata at sagutin ang mga
tanong sa ibaba nito.
Noong nakaraang taon, umangat daw ng 7.2 porsiyento ang ekonomiya
ng Pilipinas at pumangalawa sa China. Maraming nasiyahan nang marinig
ang balitang ito. Napakagandang balita dahil pangalawa sa magandang
ekonomiya. Pero nang lumabas ang survey ng Social Weather Stations (SWS)
kamakailan na 12.1 milyong Pilipino ang walang trabaho, maraming
nadismaya at hindi makapaniwala. Nasaan na ang sinasabing magandang
ekonomiya. Hindi ito tugma sa laging sinasabi ng pamahalaan, gumanda
2. Kung ang konsepto ng kaunlaran ang pagbabasehan, malinaw na inilalahad
sa balita na ang ekonomiya ng bansa.
A. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay hindi
nangangahulugan ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay
ng mga mamamayan.
B. Hindi sapat na batayan ang paglago ng ekonomiya upang
masabing ganap na maunlad ang bansa.
C. Ang bansa ay patuloy pa ring nakaasa sa mga
manggagawang Pilipinong nakabase sa ibayong-dagat.
D.Hindi sapat na sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyonal
na panukat gaya ng GDP.
3. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong lalo na sa
mga probinsya ang nakaasa sa agrikultura para mabuhay. Alin sa
mga sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
A. pagmimina
B. pangingisda
C. paggugubat
D. paghahayupan

2
4. Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng
agrikultura ay ang pagkabulok o madaling pagkasira ng kanilang
mga ani o produktong agrikultural. Bakit nangyayari ito?
A. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
B. Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan
C. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to-
market road)
D. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.
5. Noong Hunyo 2014, natapos na ang Comprehensive Agrarian Reform
Program Extension with Reforms (CARPER). Kaya ang iba’t ibang
samahan at ang Simbahang Katolika ay nagkapit-bisig upang hilingin
sa pamahalaan na dagdagan pa ng dalawang taon ang implementasyon
nito. Gaano ba kahalaga ang repormang agraryo ng pamahalaan para
sa mga magsasaka?
A. Nagkakaroon ng sariling lupa ang mga magsasaka.
B. Natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema
ng sektor ng agrikultura.
C. Nabibigyang-pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng
maayos na sistema ng pautang, mga proyektong pang-
imprastruktura, redistribusyon ng lupa, at iba pa.
D. Lahat ng nabanggit
6. Ang Pilipinas ang isa sa pinakamayayamang bansa kung ang
pag-uusapan ay likas na yaman. Mataba ang mga lupain at hitik
ang ating mga anyong- tubig sa iba’t ibang yamang-dagat. Ngunit
kapansin-pansin sa mga datos na ang sektor ng agrikultura ang
may pinakamaliit na ambag sa ekonomiya ng bansa mula 2005-
2010. Ano ang nais ipahiwatig nito?

A. Kulang ang mga pasilidad at imprastruktura na tutulong sa agrikultura.


B. Mas prayoridad ng pamahalaan ang sektor ng industriya at serbisyo.
C. Kulang ang suporta na tinatanggap ng mga kababayan
nating nasa sektor ng agrikultura.
D. Lahat ng nabanggit
7. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga
hilaw na materyal upang ito ay maging isang produkto?
A. agrikultura
B. industriya
C.paglilingkod
D.impormal na sektor

3
8. Itinuturing ang agrikultura bilang primaryang sektor ng
ekonomiya samantalang ang industriya naman ang tinatawag na
sekondaryang sektor. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng
dalawang sektor na ito sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Alin sa
sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epektibong ugnayan o
interaksiyon ng dalawang sektor?
A. Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng
agrikultura samantalang ang industriya ay sa mga bahay-kalakal.
B. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura
samantalang ang mga entreprenyur naman ang kapitan ng
industriya.
C. Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng
agrikultura ay lubhang mahalagang sangkap sa sektor industriya
upang gawing panibagong uri ng produkto.
D.Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang
ang agrikultura ay nanatili sa tradisyonal na pamamaraan ng
pagsasaka.
9. Nakakatulong sa pag supply ng ating mga pangangailangan sa
karne at iba pang pagkain.
A. pangingisda
B. paghahalaman
C. paggugubat
D. paghahayupan
10. Tumutukoy sa pag aalaga at paglinang ng mga isda at iba
pang uri nito mula sa ibat ibang uri ng tubig pangisdaan.
A. forestry
B. farming
C. aquaculture
D. livestock
11. Tumutukoy sa uri ng pangisdaang gumagamit ng mga bangka
na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa sa mga gawaing
pangkalakalan o pag nenegosyo.
A. komersyal
B. municipal
C. aquaculture
D. freshwater
12. Tawag sa pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan upang
maging pansakahan na nagiging dahilan sa pagkasira ng natural na
tirahan ng mga hayop at halaman.
A. subdivision
B. conversion
C. logging system
D. forestry

4
13. Tawag sa ginagamit ng mga mangingisda na may malalaking
lambat na may pabigat, hinihila upang mahuli ang lahat ng isadang
madadaanan.
A. thrawl fishing
B. dynamite fishing
C. aquamarine
D. fishing vessel
14. Ito ay batas na nagbibigay proteksyon laban sa pang aabuso,
pagsasamantala, at pandaraya ng mga may ari ng lupa sa mga
manggagawa.
A. Batas Republika Bilang 1160
B. Agricultural Land Reform Code
C. Batas Republika Blg. 1190 ng 1954
D. Atas ng Pangulo Blg. 27
15.Ito ay itinadhana ng pamahalaan na naglilimita at naglalayon
ng wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng Pilipinas.
A. National Integrated Protected Areas System
B. Sustainable Management Strategy
C. Philippine Fisheries Code of 1998
D. Fishery Research Center

5
Balikan

Upang masukat kung gaano mo naunawaan ang nagdaang aralin. Narito


ang gawain na susubok sa iyong natutunan.

GAWAIN 1: NASA KAHON ANG SAGOT!


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin ang
konseptong pinahahayag sa binasang pangungusap. Piliin ang mga
sagot na makikita sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa
activity notebook.

Pag unlad Amartya Sen


Saudi Arabia Pilipinas
Grosss Domestic Product Feliciano Fajardo
Pagsulong Gross National Product

_______1. Ipinaliwanag nito na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung


mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya
ayon sa kanyang akda na “Development as Freedom”.

________2. Ayon sa ulat ng International Monetary Fund noong 2013, sa


anong bansa nagtamo ng mataas ng paglago ng ekonomiya dala ng kanilang
kinita mula sa langis.

_______3. Sinusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos


na produkto at serbisyo na ginawa sa isang takdang panahon sa loob ng
isang bansa.

_______4. Sinusukat ang halaga mg mga yaring produkto at serbisyo na


nalikha sa loob ng isang panahon.

______5. Tumutukoy sa pagbabago mula sa mababa patungo sa mataas


na antas ng pamumuhay.

6
Tuklasin
Gawain 2: IDEYA-KONEK
Ihalintulad ang sarili sa isang puno na nasa larawan. Sukatin natin
ang iyong kaa- laman tulad sa lalim ng ugat ng puno. Kung gaano kalalim
ang ugat ng isang puno, ganoon din kalalim ang kaalaman mo sa sektor ng
agrikultura. Sagutin ang tanong sa ibaba.

Ano ang alam ko sa


sektor ng agrikultura?

Suriin
SEKTOR NG AGRIKULTURA
Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura.
Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil
ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang
pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa
produksiyon.
Nahahati ang sektor ng agrikultura sa paghahalaman (farming),
paghahayupan (livestock), pangingisda (fishery), at paggugubat (forestry).

 Paghahalaman. Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad


ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at
abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at
labas ng bansa. Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB),
tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor na ito sa
Php797.731 bilyon noong 2012. Ito ay nagmula sa mga produktong
palay, mais, at iba pang pangunahing pananim ng Pilipinas. Kasama rin
dito ang produksiyon ng gulay, halamang- gubat, at halamang mayaman
sa hibla (fiber). Gayundin ang mani, kamoteng kahoy, kamote, bawang,
sibuyas, kamatis, repolyo, talong, at kalamansi.

7
 Paghahayupan. Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-aalaga
ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at pato. Ang paghahayupan
ay nakatutulong sa pag-supply ng ating mga pangangailangan sa karne
at iba pang pagkain. Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang
kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop. Mayroon ding mga
pribadong korporasyon na nasa ganitong hanapbuhay.

 Pangingisda. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga


pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa
pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating
bansa. Samantala, ang pangingisda ay nauuri sa tatlo - komersiyal,
munisipal at aquaculture. Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy
sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad
na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o
pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng
nasasakupan ng pamahalaang bayan. Ang munisipal na pangingisda ay
nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng
bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi
nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel. Ang pangisdang
aquaculture naman ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga
isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan -
fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat) (BOI, 2011). Sa
mga ito, ang aquaculture ang pinakamalaki ang naitala sa kabuuang
produksiyon ng pangisdaan na umabot sa Php92,289.9 bilyon noong
2012. Kasunod nito ang pangisdaang munisipal na may Php79,527.4
bilyon at komersyal na may Php65,894.2 bilyon. Bahagi din ng gawaing
pangingisda ay ang panghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-aalaga ng mga
damong dagat na ginagamit sa paggawa ng gulaman.

 Paggugubat. Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong


gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga
kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng
mga yaman nito. Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso,
at veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din
ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng
almaciga.

8
Makikita sa Talahanayan 2 ang natamong kita ng sektor ng agrikultura
para sa taong 2012. Batay rito, ang 50% ng kabuuang ani ay mula sa iba’t
ibang tanim kung saan ang may pinakamataas na bahagdan ay palay na nasa
20%. Samantala, nasa 6% naman ang pinagsama-samang dami ng tubo,
mangga, at pinya. Ang paghahayupan naman ay nakapagtala ng 13% kung
saan ang pagmamanukan ay may 11% na bahagi. Sa aspeto naman ng
pangisdaan, mayroong 19% na kinita para sa nasabing taon.

Sa kabuuan, nakapag-ambag ang sektor ng agrikultura ng Php1,247


bilyon (current prices) sa buong GDP ng bansa (Php10,565 B). Ito ay malaking
bagay sa Pilipinas na may malaking populasyon at umaasa sa bigas at
pagkaing nagmula sa tubig at pagsasaka.
Kahalagahan ng Agrikultura
Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng
mga sektor ng ekonomiya. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng
pamahalaan ang lahat ng sektor, partikular ang agrikultura sapagkat dito
nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa pangangailangan ng
mamamayan.

Dahil dito, ang agrikulura ay nararapat na bigyang-pansin upang


mapalakas at maging katuwang ng pamahalaan sa pagkakamit ng kaunlaran
ayon sa sumusunod na kahalagahan:
1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain.
Ang lupain ng Pilipinas ay akma na tamnan ng mga produktong
tulad ng palay, mais, tubo, patatas, at iba pa. Mayroon ding
inaaning mga prutas tulad ng mangga, pinya, kopra, at saging.
Mainam din ang temperatura dito bilang lokasyon sa pag aalaga ng
mga hayop na ginagamit sa mga pang-araw-araw na
pangangailangan ng mga tao. Mayroon ding sapat na
mapagkukunan ng mga pagkaing mula sa katubigan. Ang
agrikultura ay isang napakahalagang sektor sa bansa dahil ito ang
pinagmumulan ng mga pagkain ng mamamayan.
2. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto.
Nagmumula sa sektor na ito ang mga hilaw na sangkap mula sa
kagubatan, kabukiran, at karagatan na maaaring gamitin sa
produksiyon. Halimbawa, ang puno na pinagmumulan ng goma ay
gamit para sa paggawa ng gulong; bulak at halamang mayaman sa
hibla para sa tela at sinulid; kahoy para sa mga muwebles; at dahon
at ugat para sa pagkain, kemikal, o gamot.

9
3. Pinagkukunan ng kitang panlabas. Isang mahalagang
pinagkukunan ng dolyar ng Pilipinas ay mula sa mga produktong
agrikultural na naibebenta sa pandaigdigang pamilihan. Kabilang
sa mga iniluluwas ng bansa na pinagmumulan ng kitang dolyar ang
kopra, hipon, prutas, abaka, at iba pang mga hilaw na sangkap na
ginagamit sa pagbuo ng iba’t ibang produkto.
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Ayon sa
National Statistics Office (NSO) para sa taong 2012, 32% ng mga
Pilipinong may trabaho ay nabibilang sa sektor ng agrikultura.
Karaniwan silang nagtatrabaho bilang mga magsasaka,
mangingisda, minero, o tagapag- alaga sa paghahayupan.
5. Pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa mula sa Sektor
Agrikultural patungo sa Sektor ng Industriya at Paglilingkod. Sa
patuloy na pag- unlad ng teknolohiya na ginagamit sa agrikultura
at ang patuloy na pagliit ng lupa para sa pagtatanim dahil sa
paglaki ng populasyon, ang mga sobrang manggagawa ay
pinakikinabangan ng sektor ng industriya at paglilingkod batay sa
laki ng demand sa mga ito.

Suliranin sa Sektor ng Agrikultura

Malaki ang kontribusyon ng agrikultura sa ating pambansang


ekonomiya. Para sa taong 2012, ang 11% ng kabuuang kita ng ekonomiya ay
nagmula sa sektor na ito (NSCB). Sa pangkalahatan, kung ating titingnan ang
talahanayan 3, makikita ang naging kontribusyon ng agrikultura sa kita ng
bansa sa iba’t ibang panahon. Gayumpaman, kapuna-puna mula rito ang
mabagal na pag-unlad kung ikokompara sa sektor ng paglilingkod. Ilan sa
kadahilanan ay ang sumusunod: mapagkukunan ng mga pagkaing mula sa
katubigan. Ang agrikultura ay isang napakahalagang sektor sa bansa dahil ito
ang pinagmumulan ng mga pagkain ng mamamayan.

10
A. PAGSASAKA
1. Pagliit ng lupang pansakahan.
Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng
panirahan, komersiyo, at industriya ay nagdudulot ng pagliit ng
mga takdang lupain para sa pagsasaka. Dahil dito, kinakailangang
mapalakas ang pagiging produktibo ng mga natitirang lupain sa
agrikultura upang makaagapay sa patuloy na paglobo ng
populasyon ng bansa na nasa 100 milyon ngayong 2014. Kaakibat
ng suliraning ito ang conversion o pagpapalit ng mga kagubatan at
kabundukan upang maging pansakahan na nagiging dahilan sa
pagkasira ng natural na tahanan (natural habitat) ng mga hayop at
halaman (Adler, 2002). Ang ganitong sistema ay nakapagdudulot ng
higit pang mga suliranin kung hindi magkakaisa ang mamamayan
at pamahalaan na mapabuti ang kalagayan ng ating kapaligiran.

2. Paggamit ng teknolohiya.
Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit
na makakamit sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya. Ang
makabagong kaalaman sa paggamit ng mga pataba, pamuksa ng
peste, at makabagong teknolohiya sa pagtatanim ay magiging
kapaki-pakinabang lalo sa hamon ng lumalaking populasyon. Ayon
kay Cielito Habito (2005), ang kakulangan ng pamahalaan na
bumalangkas ng isang polisiya na magbibigay-daan sa isang
kapaligirang angkop sa pagpapalakas ng ating agrikultura ang isa
sa mga kahinaang dapat matugunan. Dahil dito, ang pagpapatatag
sa antas ng teknolohiya sa sektor ng agrikultura ay
nangangailangan ng agarang atensiyon ng pamahalaan.

3.Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran.


Isa rin sa mga dapat na mabigyan ng atensiyon ay ang kakulangan
sa mga imprastrukturang magagamit ng ating mga magsasaka. Isa ito sa
mga nakita nina Dy (2005), at Habito at Bautista (2005) batay sa isinulat
nina Habito at Briones (2005) na kinakailangang matugunan. Ang Batas
Republika 8435 (Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997) ay
naghahangad ng modernisasyon sa maraming aspekto ng sektor upang
masiguro ang pagpapaunlad dito. Inaasahang sa wastong pagpapatupad
ay matutugunan ang ilang suliranin sa irigasyon, farm-to-market-road, at
iba pa. Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Benigno S. Aquino
III, ang pamahalaan ay nakapagsagawa ng mga kalsada at iba pang
kaugnay na proyektong nagkakahalaga ng P8.3 B. May kabuuang 1,147
na pamayanan ang naikonekta sa mga pangunahing daanan mula noong
2011.

11
4.Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor.
Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay magtutulak
upang higit na maging matatag ang agrikultura. Ayon sa Batas
Republika 8435, ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng
pamahalaan ay binigyang- diin bilang suporta sa implementasyon
ng modernisasyon sa agrikultura. Ang pagsusulong sa batas na ito
ay isang pagkilala sa napakaraming pangangailangang maaaring
hindi kayanin ng departamento nang mag- isa. Ang suliranin sa
irigasyon, enerhiya, komunikasyon, impormasyon, at edukasyon
ay mga tungkulin na maibibigay ng mga ahensyang ang
pangunahing responsibilidad ay tungkol sa mga nabanggit.
Halimbawa, ang Land Bank of the Philippines ay partikular na
makatutulong upang makapagpautang sa mga magsasaka upang
tugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa pagtatanim
tulad ng gastusin sa abono, butil, at iba pa.

5.Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya.


Isa sa mga nagpahina sa kalagayan ng agrikultura ayon kina
Habito at Briones (2005) ay ang naging prayoridad ng pamahalaan
sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga favored import sa
pandaigdigang pamilihan. Ito ay nabanggit din sa website na
oxfordbusinessgroup.com. Ang kawalan at pagbibigay ng bigat sa
industriya ang nagpahina sa agrikultura. Mas binibigyan ng
pamahalaan ng maraming proteksiyon at pangangalaga ang
industriya. Dahil dito, nawawalan ng mga manggagawa at
mamumuhunan sa sektor ng agrikultura. Mas pipiliin pa nila ang
pumunta sa industriya dahil sa mga insentibo rito na nagbunga sa
pagbaba ng produksiyon at kita sa agrikultura.

6.Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.


Isang malaking kompetisyon ang kasalukuyang hinaharap ng
bansa dulot ng pagdagsa ng mga dayuhang kalakal. Maraming magsasaka
ang nahihirapang makipaglaban sa presyo ng mga murang produkto mula
sa ibang bansa. Bunga ito ng pagpasok ng pamahalaan sa World Trade
Organization (WTO) kung saan madaling makapasok ang mga produktong
mula sa mga miyembro nito. Dahil dito, maraming magsasaka ang
naapektuhan, huminto, at sa kalaunan ay ipinagbili na lamang ang
kanilang mga lupa upang maging bahagi ng mga subdibisyon.

12
7.Climate Change
Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang nakaaapekto sa bansa
tulad ng pagdating ng bagyong Yolanda na may pambihirang lakas noong 2013.
Milyon – milyong piso ang halaga ng mga nasirang kabuhayan at personal na mga
gamit. Maaaring mabawasan ang epekto ng pagbabagong ito sa klima ng mundo kung
magkakaisa ang mga bansang iwasan ang mga dahilang nagpapalala at nagpapabago
sa klima ng mundo.

B. PANGISDAAN
1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda.
Mula sa aklat nina Balitao et al (2012), ang malalaki at komersiyal na barko
na ginagamit sa paghuli ng mga isda ay nakaaapekto at nakasisira sa mga korales.
Bunga ito ng pamamaraang thrawl fishing na kung saan ang mga mangingisda ay
gumagamit ng malalaking lambat na may pabigat. Ito ay hinihila upang mahuli ang
lahat ng isdang madaanan, maliit man o malaki. Dahil dito, pati ang mga korales na
nagsisilbing itlugan at bahay ng mga isda ay nasisira. Sinusugan ito ni Michael Alessi
(2002) na nagsabi na sa kabila ng mga polisiya sa Pilipinas, bukas sa lahat at halos
hindi nababantayan ng mga namamahala ang mga mangingisda kaya marami ng
reefs ang namatay o nasira. Kung hindi magbabago at mapipigilan ang mga
mangingisdang ito, darating ang panahong mauubos ang mga isda na isa sa mga
pangunahing pagkain ng mamamayan.

2. Epekto ng polusyon sa pangisdaan.


Binanggit din sa aklat nina Balitao et al (2012) ang patuloy na pagkasira
ng Laguna de Bay at Manila Bay dahil sa mga polusyon na nagmumula sa mga
tahanan, agrikultura, at industriya. Ang mga dumi ng tao, mga kemikal na
sangkap sa mga abono o pataba na gamit sa pagtatanim, at mga kemikal na
mula sa mga pabrika ay pumapatay sa mga anyong-tubig ng bansa. Dahil sa
polusyon, ang mga yamang-tubig ay naaapektuhan at maaaring makaapekto
rin sa mga mamamayan sa pagdating ng panahon.

3.Lumalaking populasyon sa bansa.


Ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga mamamayang Pilipino ay
nagdudulot ng mataas na pressure sa yamang tubig ng bansa at sa
lahat ng yamang-likas, sa kabuuan. Kung hindi magkakaroon ng
patuloy na pag-unlad, halimbawa sa teknolohiya, mahihirapang
makaagapay ang bansa sa lumalaking pangangailangan ng
mamamayan dulot ng pagdami ng tao. Kung magkagayon,
maaaring maganap ang sapantaha ni Thomas Malthus na ang
patuloy na paglaki ng populasyon ay maaaring magdulot ng
kahirapan na sa kalaunan ay kakulangan sa pagkain. Dahil
habang lumalaki ang bilang ng populasyon, unti-unti rin ang
pagbaba sa bilang ng mga yamang-dagat at lahat ng likas na yaman
dahil sa dami ng kumokonsumo.

13
4.Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda.
Ang mga magsasaka at mangingisda ay isa sa may pinakamababang
sahod na natatanggap. Dahil dito, sila ay nabibilang sa mga pangkat na
hikahos sa buhay. Ayon kay Jose Ramon Albert (2013), ‘hindi kataka- taka na
sa lahat ng sektor, ang mga mangingisda (41.4%) at magsasaka (36.7%) ang
may pinakamataas na poverty incidence noong 2009. Ito ay kapansin-pansin
na mas mataas nang bahagya sa kabuuang populasyon ng mahihirap sa ating
bansa (26.5%)’. Ang mababang kita sa uri na ito ng hanapbuhay ay hindi
naghihikayat sa mga batang miyembro ng kanilang pamilya na manatili sa
sektor. Dahil dito, karaniwan ng makikita ang kanilang pagpunta sa mga
kalunsuran upang makipagsapalaran.

B. PAGGUGUBAT
1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan.
Malawakan ang paggamit sa ating mga likas na yaman.
Mabilis na nauubos ito dahil sa mga pangangailangan sa mga
hilaw na sangkap sa produksiyon tulad ng mga troso at mineral.
a. Dahil dito, nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na
ginagamit ng mga industriya.
b. Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan ang
mga hayop kaya hindi sila makapagparami.
c. Nagiging sanhi rin ito ng pagbaha na sumisira sa libo-libong
ektaryang pananim taon-taon.
d. Naapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng
tubig na ginagamit sa irigasyon ng mga sakahan.
e. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho ng
lupa. Dahil sa kawalan ng mga puno, natatangay ng agos ng
tubig ang lupa sa ibabaw, kasama ang sustansiya nito. Hindi
nagiging produktibo ang mga pananim na itinatanim dito.
mapagkukunan ng mga pagkaing mula sa katubigan. Ang
agrikultura ay isang napakahalagang sektor sa bansa dahil ito
ang pinagmumulan ng mga pagkain ng mamamayan.

14
Ang Kahalagahan ng Likas Kayang Paggamit sa Pangingisda at Pagtotroso
Mula kina Balitao et al. (2012), kabilang sa kanilang iminumungkahi
upang matiyak ang likas-kayang paggamit sa pangisdaan ay ang tuwirang
ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan, samahang mangingisda, at ang
mga miyembro ng kapulisan upang matiyak ang tamang paraan ng
pangingisda. Ang samahang ito ay maaaring bumuo ng isang pangkat na ang
pangunahing adbokasiya ay pangalagaan ang karagatan at iba pang anyong
tubig na pangunahing pinagmumulan ng mga yamang- tubig, kasama ang
mga bakawan kung saan madalas na mangitlog ang mga isda. Kabilang sa
mga dapat na mabantayan ay ang paggamit ng mga lambat na masyadong pino,
pagbabawal sa pamaraang thrawl fishing, at paggamit ng mga pampasabog
na nagdudulot ng malaking pinsala sa karagatan. Dapat ding maging
mahigpit ang pamahalaan sa pabibigay ng mga lisensiya at pagkilala sa
malalaking kompanya na pangingisda ang negosyo. Siguraduhin na sila ay
susunod sa itinatakdang pamaraan ng pangisdaan at hindi manghuhuli ng
mga isdang nanganganib nang maubos. Ito ay mangangahulugan ng tunay at
tapat na implementasyon ng mga panuntunan upang masiguro ang
kaligtasan ng ating katubigan.
Sa isyu ng pagtotroso, mahalagang maipaalam sa bawat Pilipino ang
kahalagahan sa pag-iingat ng ating mga kagubatan. Ilan sa mga inisyatibong
maaaring gawin ay sa pamamagitan ng pagpapasok sa kurikulum tungkol sa
pag-iingat at likas- kayang paggamit sa mga produktong mula sa kagubatan.
Maaari ding gamitin ang mga social networking sites at media upang
maipabatid ang papel ng bawat isa upang mapangalagaan ang mga likas na
yaman.
Muling binigyang-diin nina Balitao et al. (2012) na ang pagkakaisa ng
mga mamamayan ay isang mahalagang hakbang upang masiguro ang
kaligtasan ng ating mga yaman mula sa kabundukan. Kanila ring kinikilala ang
kakayahan ng mga katutubo sa pag-aalaga sa kalikasan na nagpasalin-salin
na sa maraming henerasyon. Isa sa mga rekomendasyon na kanilang
iminungkahi ay ang gampanin ng pamahalaan na makabuo at tunay na
maipatupad ang isang polisiya na magpoprotekta sa ating mga kagubatan.
Sa lahat ng ito, inaasahan din na ang mamamayan ay maging kabahagi
sa paggamit ng tama at matalino para sa mga susunod na salinlahi ng mga
Pilipino. Ayon kay Michael Alessi (2002), ang pagbibigay-karapatan sa mga
mamamayan na pangalagaan ang mga natatanging yaman bilang
pangunahing pinagmumulan ng kanilang ikinabubuhay ay makapagtutulak
sa kanila na ingatan ang mga ito. Dahil kung dito sila kumukuha ng kanilang
kita, malaki ang kanilang interes na mapangalagaan ang mga ito.

15
Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura
Maraming batas at programa ang pamahalaan na ginawa upang mapalakas ang sektor ng
agrikultura. Hindi maitatanggi ang kasalukuyang kalagayan ng agrikultura at ng mga
mamamayang dito umaasa. Ang mga suliraning kinakaharap nito ay bunga ng mga nakaraan
at kasalukuyang desisyon na ginawa ng mga mamumuno ng bayan, gayundin ng mga
mamamayan na naging mapang-abuso sa likas na yaman ng bansa. Dahil dito, dapat nang
mapag-ibayo ang implementasyon ng mga batas at programa upang masiguro ang kaayusan
sa sektor ng agrikultura.

MGA BATAS TUNGKOL SA SEKTOR NG AGRIKULTURA


MGA BATAS TUNGKOL SA LUPA

1. Land Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng mga


Registration Act Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat.
ng 1902

Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing pampublilko


2. Public Land Act ng sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay
1902 maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain.

Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement and


3. Batas Rehabilitation Administration (NARRA) na pangunahing nangangasiwa
Republika Bilang 1160 sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa
pamahalaan. Kasama rin sa mga binibigyan nila ay ang mga pamilyang
walang lupa.

4. Batas Ito ay batas na nagbibigay-proteksiyon laban sa pang- aabuso,


Republika Blg. 1190 pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga
ng 1954 manggagawa.
Ito ay simula ng isang malawakang reporma sa lupa na nilagdaan ng
5.Agricultural dating Pangulong Diosdado Macapagal noong ika 8 ng Agosto 1963. Ayon
Land Reform sa batas na ito ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay
Code na may ari nito.Kabilang din sa inalis ng batas ang sistemang kasama.
Ang pagbili ng pamahalaan sa mga lupang tinamnan ng mga magsasaka
ay sinimulan. Ang mga lupang ito ay muling ipinagbili sa mga magsasaka
sa paraang hulugan at katulad ng presyong ibinayad ng pamahalaan sa
may ari ng lupa.

Itinadhana ng kautusan na isailalim sa reporma sa lupa ang


6. Atas ng
buong Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Marcos.
Pangulo Blg. 2
ng 1972
Kaalinsabay ng Atas ng Pangulo Blg. 2 ay ipinatutupad ang batas na ito
na sinasabing magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at
paglilipat sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka. Sinakop nito ang lahat
ng lupa na tinatamnan ng palay at mais. Hindi kasama rito ang malalawak na
7. Atas ng
lupain na tinatamnan ng niyog, tubo, pinya, at iba pang pananim.
Pangulo Blg. 27
Ang mga magsasaka ay binigyan ng pagkakataong magmay-ari ng
limang ektarya ng lupa kung walang patubig at tatlong ektaryang lupa kapag
may patubig. Ito ay kanilang bubungkalin.

Mga Patakaran at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng


Agrikultura
PAGSASAKA/PAGTATANIM

Batay sa CARP 2003, patuloy na isinasagawa ang sumusunod upang maikatuparan


ang nais ng pamahalaan na maiangat ang kalagayang pangkabuhayan ng mga magsasaka:
 Pagtatayo ng bahay-ugnayan para sa mga magsasaka upang
 masigurong
mayroon suportang maibibigay sa kanila;
 Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka;

 Pagsisiguro na ang mga anak ng mga magsasaka ay makapag-aaral kaya itinayo ang
Pangulong Diosdado Macapagal Agrarian Reform Scholarship Program; at
 KALAHI agrarian reform zones.
Ang lahat ng mga programa/gawain ay isinaisip at isinulong upang matiyak ang
kaayusan ng mga magsasakang tumanggap ng mga lupa sa pamamagitan ng reporma sa lupa.

PANGINGISDA
Pagtatayo ng mga daungan. Philippine Fisheries Fishery research. Ang
Upang higit na mapadali ang Code of 1998. Ito ang pananaliksik at pagtingin sa
pagdadala sa mga huling isda itinadhana potensiyal ng teknolohiya
sa pamilihan o tahanan, ng pamahalaan na tulad ng aquaculture marine
nagsisilbing sentro o bagsakan naglilimita at resources development, at post-
ng mga ito ang mga daungan. naglalayon ng harvest technology ay patuloy
Dahil dito, nagiging mas wastong paggamit sa na ginagawa upang masiguro
madali para sa mga yamang pangisdaan ng ang pagpaparami at
mamamayang maabot ang mga Pilipinas. pagpapayaman sa mga
produkto mula sa mga ito. yamang-tubig.

PAGTOTROSO
Community Livelihood
National Integrated
Sustainable Forest
Assistance Program
Prptected Areas
(CLASP) – paglilipat Management Strategy
System (NIPAS) – ito ay
teknolohiya o pagtuturo
programa na ang – ito ay pamaraan upang
sa mga mamamayan ng
pangunahing layunin ay matakdaan ang permanente
wastong paglinang sa mga
maingatan at at sukat ng kagubatan. Ito
likas na yaman ng bansa.
protektahan ay
Halimbawa, ang mangrove
ang kagubatan. Ito ay estratehiya ng pamahalaan
farming sa Bohol, plantasyon
paraan upang upang maiwasan ang suliranin
ng kawayan sa La Union, at
mailigtas ang mga ng squatting, huwad at ilegal na
plantasyon ng mga halamang
hayop at pananim dito. pagpapatitulo ng lupa at
medisinal sa Penablanca,
pagpapalit ng gamit sa
Cagayan.
lupa.

Buod
Sa pangkalahatan, ipinakikita nito na ang sektor ng agrikultura ay isang
mahalagang tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa. Katuwang ito ng
pamahalaan sa pagpapalakas at pagtugon sa mga pangunahing
pangangailangan ng mamamayan mula sa mga pagkain hanggang sa mga
sangkap ng produksiyon. Ang kasiguraduhang sapat ang kalakasang pisikal
at kasaganaan sa bawat tahanan ay maaaring may positibong epekto sa isang
bansa. Samantala, kung hihigit sa pangangailangan ng bayan ang magagawa,
maaari itong maging mga produkto na ikakalakal sa labas ng bansa. Sa
gayon, ang sektor ay magiging isang matibay na sandigan ng bayan upang
makamit ang inaasam nitong kaunlaran.

Pinagkunan: Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module. Pasig City: DECS.,

Habito C. And Briones, R Philippine Agriculture over the Years: Performance, Policies and Pitfalls, (2005.
Retrieved from https://www. google.com.ph/ search? q=Philippine+Agriculture+over+the+Years%3A+Performan

18
Pagyamanin

Gawain 4: CONCEPT DEFINITION MAP

Panuto: Mula sa mga impormasyon tungkol sa sektor ng agrikulturam bumuo ng


Conept Definition Map gamit ang modelo sa ibaba.

Ano ang mga


bumubuo dito?

Pamprosesong Tanong:

• Bakit mahalagang sektor ng ekonomiya ang agrikultura?


• Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat upang
maitaguyod ang sektor ng agrikultura? Ipaliwanag.

19
Isaisip
Gawain 5: Larawan. Kilalanin
Panuto: Batay sa iyong binasa, isulat ang bahaging ginagampanan ng bawat
gawaing nakapaloob sa sektor ng agrikultura

Pamprosesong Tanong:
 Ano-ano ang bumubuo sa sektor ng agrikultura?
 Paano nakatutulong ang sagrikultura sa pamumuhay ng tao sa
komunidad?
 Sa iyong palagay, sapat ba ang naitutulong o pagtugon ng sektor
ng agrikultura sa mga pangangailangan ng maraming Pilipino?
Bakit?
 Iugnay ang papel ng sektor ng agrikultura sa pagkakamit ng
kaunlaran ng bansa.

20
Isagawa
Gawain 6: CONCEPT WEB

Panuto: Batay sa binasang teksto, punan ang kahon ng mga salita na may
kaugnayan sa suliranin ng sektor ng agrikultura.

SULIRANIN NG
AGRIKULTURA

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang suliranin ng sektor ng paghahalaman, paggugubat,
paghahayupan, at pangingisda?
2. Ano-ano ang kasalukuyang solusyong ginagawa ng pamahalaan,
mga magsasaka, at mga nasa pribadong sektor?
3. Sa iyong palagay, paano mahihikayat ang kabataan na gumawa ng
mga hakbang na makatutulong sa sektor ng agrikultura?
4. Ano ang iyong maaaring maiambag upang maging kabahagi sa
pagtugon sa mga suliranin sa sektor ng agrikultura?

21
Gawain 11: Mangampanya Tayo!
Gumawa ng advocacy campaign upang palakasin ang sektor ng
agrikultura. I-upload sa social networking sites (halimbawa, Facebook,
blogs at iba pa) upang maging boses ng mga kabataan at mag-aaral.

RUBRIK SA PAGMAMARKA SA GAWAIN

INDIKADOR NATATANGI MAHUSAY HINDI KAILANGAN MARKA


MAHUSAY PANG
PAUNLARIN

4 3 2 1

Nilalaman Malinaw Na Hindi gaanong Hindi Walang


naipapahiwatig malinaw ang malinaw pagpapahala
ang ipinapahiwatig ang ga sa sektor
pagpapahalaga na ipinapahiwat ng
sa sektor ng pagpapahalaga ig na agrikultura
agrikultura sa sektor ng pagpapahala
tungo sa agrikultura ga sa sektor
pambansang ng
pagsulong at pag agrikultura
unlad

Pagkamalik Ang likha ay Ang likha ay Ang likha ay Ang likha ay


ahin orihinal orihinal hindi hindi orihinal
subalit kulang orihinal at at walang
sa kaanyuan kulang sa tunguhin.
kaanyuan

Kooperasyo Ang lahat ng Tatlo lamang Isang Walang


n ng Grupo miyembro ay na miyembro miyembro nagsagawa
nagsagawa ng ang lang ang sa mga
mga gawain nagsagawa nagsagawa gawain
ng mga sa gawain
gawain

Kabuuang Puntos

22
Tayahin
Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa bawat tanong. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Noong Hunyo 2014, natapos na ang Comprehensive Agrarian Reform


Program Extension with Reforms (CARPER). Kaya ang iba’t ibang samahan
at ang Simbahang Katolika ay nagkapit-bisig upang hilingin sa pamahalaan
na dagdagan pa ng dalawang taon ang implementasyon nito. Gaano ba
kahalaga ang repormang agraryo ng pamahalaan para sa mga magsasaka?
A. Nagkakaroon ng sariling lupa ang mga magsasaka.
BNatutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng
sektor ng agrikultura.
C. Nabibigyang-pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng
maayos na sistema ng pautang, mga proyektong pang-
imprastruktura, redistribusyon ng lupa, at iba pa.
D. Lahat ng nabanggit
2. Ang Pilipinas ang isa sa pinakamayayamang bansa kung ang pag-
uusapan ay likas na yaman. Mataba ang mga lupain at hitik ang
ating mga anyong- tubig sa iba’t ibang yamang-dagat. Ngunit
kapansin-pansin sa mga datos sa itaas na ang sektor ng agrikultura
ang may pinakamaliit na ambag sa ekonomiya ng bansa mula 2005-
2010. Ano ang nais ipahiwatig nito?

A. Kulang ang mga pasilidad at imprastruktura na tutulong sa agrikultura.


B. Mas prayoridad ng pamahalaan ang sektor ng industriya at serbisyo.
C.Kulang ang suporta na tinatanggap ng mga kababayan nating
nasa sektor ng agrikultura.
D. Lahat ng nabanggit
3. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga
hilaw na materyal upang ito ay maging isang produkto?
A. agrikultura
B. industriya
C.paglilingkod
D.impormal na sektor
4. Itinuturing ang agrikultura bilang primaryang sektor ng
ekonomiya samantalang ang industriya naman ang tinatawag na
sekondaryang sektor. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng dalawang
sektor na ito sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Alin sa sumusunod
na pahayag ang nagpapakita ng epektibong ugnayan o interaksiyon ng
dalawang sektor?

23
A. Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng
agrikultura samantalang ang industriya ay sa mga bahay-kalakal.
B. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura
samantalang ang mga entreprenyur naman ang kapitan ng industriya.
C. Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng
agrikultura ay lubhang mahalagang sangkap sa sektor industriya upang
gawing panibagong uri ng produkto.
D.Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang
agrikultura ay nanatili sa tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka.
5. Nakakatulong sa pag supply ng ating mga pangangailangan sa
karne at iba pang pagkain.
A. pangingisda
B. paghahalaman
C. paggugubat
D. paghahayupan
6. Tumutukoy sa pag aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang
uri nito mula sa ibat ibang uri ng tubig pangisdaan.
A. forestry
B. farming
C. aquaculture
D. livestock
7. Tumutukoy sa uri ng pangisdaang gumagamit ng mga bangka na
may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa sa mga gawaing
pangkalakalan o pag nenegosyo.
A. komersyal
B. municipal
C. aquaculture
D. freshwater
8. Tawag sa pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan upang
maging pansakahan na nagiging dahilan sa pagkasira ng natural na tirahan
ng mga hayop at halaman.
A. subdivision
B. conversion
C. logging system
D. forestry
9. Tawag sa ginagamit ng mga mangingisda na may malalaking
lamabat na may pabigat, hinihila upang mahuli ang lahat ng isadang
madadaanan.
A. thrawl fishing
B. dynamite fishing
C. aquamarine
D. fishing vessel

24
10. Ito ay batas na nagbibigay proteksyon laban sa pang aabuso,
pagsasamantala, at pandaraya ng mga may ari ng lupa sa mga
manggagawa.
A. Batas Republika Bilang 1160
B. Agricultural Land Reform Code
C. Batas Republika Blg. 1190 ng 1954
D. Atas ng Pangulo Blg. 27
11.Ito ay itinadhana ng pamahalaan na naglilimita at naglalayon ng
wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng Pilipinas.
A. National Integrated Protected Areas System
B. Sustainable Management Strategy
C. Philippine Fisheries Code of 1998
D. Fishery Research Center
12. Ang sumusunod ay mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng
ekonomiya ng isang bansa maliban sa:
A. Likas na yaman
B. Yamang tao
C. Teknolohiya
D. Kalakalan

13.Para sa bilang 2, basahin ang sumusunod na talata at sagutin ang mga


tanong sa ibaba nito.

Noong nakaraang taon, umangat daw ng 7.2 porsiyento ang ekonomiya ng


Pilipinas at pumangalawa sa China. Maraming nasiyahan nang marinig ang
balitang ito. Napakagandang balita dahil pangalawa sa magandang ekonomiya.
Pero nang lumabas ang survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan na
12.1 milyong Pilipino ang walang trabaho, maraming nadismaya at hindi
makapaniwala. Nasaan na ang sinasabing magandang ekonomiya. Hindi ito
tugma sa laging sinasabi ng pamahalaan, gumanda ang ekonomiya ng bansa.
Kung ang konsepto ng kaunlaran ang pagbabasehan, malinaw na inilalahad sa
balita na ang ekonomiya ng bansa.

A. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay hindi


nangangahulugan ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga
mamamayan.
B. Hindi sapat na batayan ang paglago ng ekonomiya upang
masabing ganap na maunlad ang bansa.
C. Ang bansa ay patuloy pa ring nakaasa sa mga manggagawang
Pilipinong nakabase sa ibayong-dagat.
D.Hindi sapat na sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyonal na
panukat gaya ng GDP.

25
14. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong lalo na sa mga
probinsya ang nakaasa sa agrikultura para mabuhay. Alin sa mga
sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
A. pagmimina
B. pangingisda
C. paggugubat
D. paghahayupan
15. Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng
agrikultura ay ang pagkabulok o madaling pagkasira ng kanilang
mga ani o produktong agrikultural. Bakit nangyayari ito?
A. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
B. Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan
C. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to-
market road)
D. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.

26
Karagdagang Gawain

Gawain 11: Mangampanya Tayo!


Gumawa ng advocacy campaign upang palakasin ang
sektor ng agrikultura. I-upload sa social networking sites
(halimbawa, Facebook, blogs at iba pa) upang maging boses ng
mga kabataan at mag-aaral.

RUBRIK SA PAGMAMARKA SA GAWAIN

INDIKADOR NATATANGI MAHUSAY HINDI KAILANGAN MARKA


MAHUSAY PANG
PAUNLARIN

4 3 2 1

Nilalaman Malinaw Na Hindi Hindi Walang


naipapahiwati gaanong malinaw ang pagpapahalaga
g ang malinaw ang ipinapahiwati sa sektor ng
pagpapahalaga ipinapahiwati g na agrikultura
sa sektor ng g na pagpapahalag
agrikultura pagpapahalag a sa sektor ng
tungo sa a sa sektor ng agrikultura
pambansang agrikultura
pagsulong at
pag unlad

Pagkamalikahin Ang likha ay Ang likha ay Ang likha ay Ang likha ay


orihinal orihinal hindi orihinal hindi orihinal at
subalit at kulang sa walang
kulang sa kaanyuan tunguhin.
kaanyuan

Kooperasyon ng Ang lahat ng Tatlo Isang Walang


Grupo miyembro ay lamang na miyembro nagsagawa sa
nagsagawa miyembro lang ang mga gawain
ng mga ang nagsagawa
gawain nagsagawa sa gawain
ng mga
gawain

Kabuuang Puntos

27
28
Subukin Tayahin
1. C 11. A 1. C 11. A
2. A 12. B 2. A 12. B
3. A 13. A 3. A 13. A
4. C 14. C 4. C 14. C
5. D 15. C 5. D 15. C
6. D 6. D
7. B 7. B
8. C 8. C
9. D 9. D
10. C 10. C
Balikan Isaisip Isagawa
1. Amartya Sen 1. Paghahayupan 1. Pagsasaka
2. Saudi Arabia 2.Pangingisda 2. Pangingisda
3. Gross Domestic 3. Paghahalaman 3. Paghahayupan
Product 4. Paggugubat 4. Paggugubat
4. Pagsulong
5. Pag unlad
Susi sa Pagwawasto
SANGGUNIAN

A. Mga Aklat

 Balitao, B., Cruz, N., Rillo, J. (2004). Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad


Makabayan Serye. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc.

 Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012).
Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City, Philip- pines: Vibal
Publishing House, Inc.

 Case, K. E., Fair, R. C., Oster, S. M. (2012).Principles of Economics.10th


Edition. Boston, MA: Prentice Hall

 Fajardo F. (1994). Economic Development. 3rd Edition. Manila: Navotas


Press.

 Farmer, R. (2002). Macroeconomics. 2nd Edition. South-Western:

 Imperial, C. M. (2004). Pana-panahon, Worktext para sa Araling Panlipunan


Ikaapat na Taon: Ekonomiks. Sampaloc, Manila: Rex Book Store

B. Iba pang Sanggunian

 2013. Retrieved from http://www.ft.com/cms/s/0/1497f650-c8d8-11e2-acc6-


00144feab7de.html#axzz39ucypQ5L on August 16 2014

 Abante-tonite online. (2013). Retrieved from http://m.abante-tonite.com/issue/


dec2013/pictures/t-27-08-2.jpg on November 7, 2014

 Albert, J. R. (2013). How Important is Agriculture in the Economy, retrieved from


www.nscb.gov.ph/beyondthenumbers/2013/04122013_jrga_agri. asp

 Balitao, B., Garcia, E., at Marcos L. 2006. Gabay ng Guro sa Pagtuturo


ng Araling Panlipunan IV (Ekonomiks). Pilipinas. Department of
Education (DepED)-Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).

 2.bp.blogspot.com/-S-wo-MsJijQ/T8kX87eYv3I/AAAAAAAAACo/Yv_hI-kHjeg/
s1600/LunaJ_caltex.jpg Retrived on November 7, 2018

29

You might also like