Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 4

Pangalan: Petsa:
Guro: Seksyon: Iskor: ____

I.Panuto: Tukuyin kung anong uri ng kapakinabangan ang tinutukoy sa bawat bilang. Hanapin
sa loob ng kahon ang sagot.

A. Kalakal at Produkto B. Turismo C. Enerhiya

_______1. Bulkang Mayon


_______2. ginto, pilak at tanso
_______3. Bangui Windmill
_______4. Gulay at prutas
_______5. Ma.Cristina Falls

II. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


6. Bagong lipat lang sa lugar ang mag-anak na Reyes. Napansin nila na malapit sa dagat ang
kanilang lugar at ang mga tao doon ay halos lahat ay may bangka. Ano ang posibleng maging
hanapbuhay ng mag-anak doon?
A. magsasaka C. mangingisda
B. maghahabi D. tubero
7. Alin sa mga sumusunod ang mga produkto sa pagsasaka?
A. paghahabi ng tela C. palay, mais at gulay
B. pilak at ginto D. perlas at kabibe
8. Ang mga lugar na maraming bato at luwad ay may hanapbuhay na __________.
A. pangingisda C. pangangaso
B. pagkakaingin D. paglililok
9. Sa Rosario Cavite ay madaming daing at tuyo na binebenta. Anong hanapbuhay mayroon sa
pamayanang ito?
A. pangingisda C. pangangaso
B. pagkakaingin D. paglililok
10. Ano ang isang pagbabago dahil sa malakihang pagpapatayo ng mga industriya, pagtatatag ng
kalakalan at iba pang mga gawaing pang-ekonomiya?
A. Polusyon C. Global Waming
B. Industriyalisasyon D.Climate Change
11. Ano ang maaaring epekto ng walang habas na pagpuputol ng malalaking punongkahoy sa
kabundukan at kagubatan at nagiging sanhi rin ng pagkasira ng mga pananim at ari-arian?
A. Polusyon C. Pagkakaingin
B. Pagbaha at pagguho ng lupa D. Chloroflourocarbons

12. Ito naman ay maaaring gawin sa mga bagay na pagtapon na ngunit maaari pang magamit,
kumpunihin, ibigay sa mga nangangailangan o ipagbili.
A. Reduce C. Recycle
B. Reuse D. Reforestation

13. Isang matalinong pangangasiwa naman ang pagbubuo ng mga bagong bagay mula sa mga
lumang bagay ay tinatawag na_________.
A. Reuse C. Reduce
B. Recycle D. Rotation
14. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong paggamit ng likas na yaman?
A. Pagsusunog ng basura
B. Bio-intensive gardening
C. Paggamit ng dinamita sa pangingisda
D. Pagtatayo ng pabrika sa malapit sa ilog at dagat

15. Tawag sa mahabang panahon ng tag-init.


A. windmill C. Climate Change
B. Reforestation D. El Niño Phenomenon

16. Ang iyong kamag-aaral na sina Anna at Marie ay nagyaya na maglaro kayo ng tumbang
preso at patintero, samantala si Pia at Christine ay nagyaya na maglaro ng computer games na
ang gumawa ay mga dayuhan. Sino ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kulturang kinagisnan?

A. si Pia C. si Anna Marie


B. sina Anna at Marie D. sina Pia at Christine

17. Paano maipapakita ang pagpapahalaga at pagmamalaki sa kultura?

A. Ipagmalaki na palagi kang nanonood ng K Drama.


B. Ipagmalaki na galing sa ibang bansa ang iyong mga damit.
C. Ipagmalaki na tumatangkilik ka sa mga larong video games na ginagawa ng mga
dayuhan.
D. Ipagmalaki ang mga natatanging kaugalian ng mga Pilipino gaya ng pakikisama,
bayanihan, at pakikiramay.

18. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa kulturang Pilipino


maliban sa isa.

A. Pagtangkilik sa larong Pinoy.


B. Pagkalimot sa ating tradisyon.
C. Paggalang sa watawat ng Pilipinas.
D. Pagsasaliksik sa mayamang kultura ng bansa.

19. Ang kultura ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Bilang isang


mamamayang Pilipino, sa paanong paraan mo maipagmamalaki ang kulturang Pilipino?

A. Panonood ng mga cultural dance


B. Pagbili ng mga Produkto ng iba’t ibang bansa
C. Panonood ng mga pelikulang Pilipino at banyaga
D. Pamamasyal sa ibang bansa kay sa mga pamanang pook o lalawigan ng bansa.

20. Paano ka higit na maging mabuting tao?

A. Hindi ako sasama sa kahit anong kultural na grupo.


B. Pag-aaralan na matutunan ang kultura ng ibang mga grupo.
C. Sasama sa pinakamagaling na grupong kultural sa sariling bayan
D. Nirerespeto ko ang paniniwala, kaugalian, at pagpapahalaga ng ibang tao.

III. Panuto: Isulat kung TAMA o MALI ang pahayag.


_____21. Patuloy sa paglalakad habang inaawit ang pambansang awit.
_____22. Ang kultura ng isang bansa ay binubuo ng dalawang bahagi- material at di- material.
_____23. Ang palalagay ng tato sa katawan ay isang halimbawa ng di-materyal na kultura.
_____24. Tiklupin ng maayos ang watawat.
_____25. Suutin ang sombrero habang nagflag ceremony.
_____26. Igalang ang paniniwala at tradisyon ng iba.
_____27. Ikahiya ang mga natatanging kaugalian ng Pilipino.
_____28. Irarap ang pag-awit ng Lupang Hinirang.
_____29. Tumutukoy sa pisikal na katangian ng isang lugar ang heograpiya.
_____30. Sa isang pamilyang Pilipino, ang ina ang siyang namumuno

SUSI NG PAGWAWASTO

1. B 21. D 41. MALI

2. A 22. B 42. TAMA

3. C 23. D 43. MALI

4. D 24. C 44. TAMA

5. A 25. A 45. MALI

6. A 26. B 46. TAMA

7. C 27. B 47. MALI


8. D 28. D 48. MALI

9. B 29. C 49. TAMA

10. C 30. D 50. TAMA

11. B 31. D

12. A 32. B

13. B 33. A

14. B 34. B

15. B 35. D

16. B 36. B

17. B 37. C

18. D 38. A

19. C 39. D

20. B 40. C
38. A

You might also like