Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
SCHOOL DISTRICT OF SAN MIGUEL
STA. TERESA ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN FOR CLASSROOM OBSERVATION


SCHOOL YEAR 2022 - 2023
Paaralan STA. TERESA ELEMENATRY SCHOOL Antas Four

Guro JULIE ANN S. CABOTAJE Asignatura EsP

GRADE 4 Petsa APRIL 29, 2023 Quarter IKATLO


Lesson Plan
Week 11 Observed by BENITO S. PORTILLO, JR - HT III

OBSERVABLE
CONTENT
I. LAYUNIN INDICATORS AND
ANNOTATIONS
Nakasusunod sa mga batas/panuntunang pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng Objective 7: Planned, managed, and
KASANAYAN SA implemented developmentally sequenced
PAGKATUTO (Isulat ang kapaligiran kahit walang nakakakita (EsP4PPP - IIIe - f–21) teaching and learning process to meet
curriculum requirements and varied
code ng bawat kasanayan)
teaching contexts (PPST 4.1.2)

II. NILALAMAN
A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay


Pahina 143-147
ng Guro

2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag- Pahina 230-238
aaral
Objective 6: Used differentiated,
developmentally appropriate learning
experiences to address learning gender,
B. Kagamitan Powerpoint presentation, tsart, laptop needs, strengths, interest and experiences
(PPST 3.1.2)

Gumawa ng Web Organizer para maipakita ang sumusunod na katanungan. Objective 2: Used range of teaching
A. Balik-aral at/o strategies that enhance learner
achievement in literacy and numeracy
pagsisimula ng bagong Bilang mag-aaral dito sa Sta. Teresa ES,paano mo mapapahalagahan o ( PPST 1.4.2)
aralin maipagmamalaki ang mga nakagisnang kultur ana mayroon dito sa atin?

(Music Integration) Objective 1: Applied knowledge on


context within and across the curriculum
(PPST 1.1.2)
B. Paghahabi sa layunin Ipaawit ang kantang “Kapaligiran”
ng aralin
Magtanong tungkol sa awitin

Mahalaga ang may maayos at malinis na kapaligiran. Kayamanang maituturing Objective 2: Used range of teaching
strategies that enhance learner
achievement in literacy and numeracy
ang pagkakaroon ng tahimik, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran. Isang ( PPST 1.4.2)

C. Pag-uugnay ng mga malaking hamon sa bawat isa ang pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan nito.
halimbawa sa bagong May mga tao na gumagawa lamang ng mabuti dahil alam nila na may ibang
aralin taong nakakakita sa kanila.

Bilang isang mag-aaral, kaya mo bang makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa


kapaligiran?

D. Pagtalakay ng bagong “Ang Kahangang-hangang Mag-aaral” Objective 1: Applied knowledge on


context within and across the curriculum
konsepto at paglalahad ng (PPST 1.1.2)
bagong kasanayan #1 ni Richard S. Elacion

(Science Integration)

Nakagawian ng Mababang Paaralan ng Sta. Teresa sa pangunguna ng kanilang


punong guro na panatilihing malinis at kaaya-ayang tingnan ang buong paligid
ng paaralan. Nagpapatupad sila ng Clean as You Go (CLAYGO) policy, Clean
Up Drive, at Solid Waste Management na kung saan ay hinihiwalay ang mga
Address: Brgy. Sta. Teresa, San Miguel, Iloilo
School ID: 116756
Websites: Facebook Page: Sta. Teresa Elem School I E-mail: 116756@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
SCHOOL DISTRICT OF SAN MIGUEL
STA. TERESA ELEMENTARY SCHOOL

nabubulok at hindi nabubulok na basura.

Kaya naman bilang pagtugon sa mga programa ng paaralan tungkol sa


pagpapanatiling malinis ang kapaligiran ay ipinaalala sa mga batang mag-aaral
sa ikaapat na baitang sa pamamagitan ng kanilang guro na si Ginoong Richard S.
Elacion ang kahalagahan ng pagsunod at pagkakaroon ng disiliplina sa
pagtatapon ng basura.

Si Miell ay itinalataga bilang lider para pamunuan ang paghihiwalay ng mga


nabubulok at di nabubulok na basura. Sa tulong narin ng kanyang mga kapwa
mag-aaral ay pinapanatili nilang malinis ang paligid ng kanilang silid aralan sa
pamamagitan ng pagwawalis nito sa umaga bago mag umpisa ang klase kahit
hindi sila inuutusan at nakikita ng kanilang guro. Magalang na kinakausap ni
Miell ang mga kaklase niyang hindi nakakasunod sa panuntunan sa pagtatapon
ng basura.

Labis ang tuwa ng kanilang guro sapagkat nakita niya ang malasakit ng kanyang
klase para mapanatiling malinis ang paligid at maging ang loob ng kanilang
silid-aralan. Binigyan ng pagkilala ni Ginoong Elacion si Miell at iba pang mga
mag-aaral bilang “Eco Warriors” dahil sa kanilang disiplina at malasakit para sa
malinis na kapaligiran sa paaralan.

E. Pagtalakay ng bagong Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Objective 3: Applied a range of teaching
strategies to develop critical and creative
konsepto at paglalahad ng thinking as well as higher-order thinking
bagong kasanayan #2 1. Ibahagi ang mensaheng nais iparating ng kuwento. skills (PPST 1.5.2)

2. Anong mabuting asal ang ipinakita ni Miell sa kuwento na dapat natin tularan?

3. Paano mo maipapakita ang pakikiisa at disiplina sa pangangalaga sa ating


kapaligiran?

4. Bakit kailangan natin gumawa ng kabutihan sa kapaligiran

kahit walang nakakakita?

5. Bilang isang mag-aaral sa ikaapat na baitang, paano natin magaganyak ang


ating mga kamag-aral, kapamilya, at kapwa Pilipino na magkaroon ng disiplina
para sa kapaligiran?

Isa sa magandang pag-uugali na dapat taglayin ng bawat isa sa atin ay ang


pagkakaroon ng disiplina ngunit tila sa patuloy na paglipas ng panahon ay
nakakalimutan na ang kahalagahan ng pag-uugaling ito.

Napakaraming basura ang nagkalat sa ating kapaligiran na nakasisira sa ating


kalikasan. Ang mga ito ay labis na nakakaapekto sa pagpapanatili ng maayos na
kapaligiran. Tapon dito, tapon doon. Basura na sanhi rin ng pagbaha sa iba’t
ibang bahagi ng bansa. Napakalaking suliranin ang tone-toneladang basura na
nagdudulot ng labis na polusyon at sakit sa mamamayan.

Kung tutuusin ay madali lang solusyunan ang problemang ito. Kailangan ng


matinding disiplina sa sarili dahil madami ang walang pakundangang nagkakalat
at walang disiplina sa pagtatapon ng mga basura tulad ng mga supot, basyo ng
pinagkainan at upos ng sigarilyo na kailangang mapagsabihan at ipaliwanag ang
masamang epekto nito sa ating kapaligiran at kalusugan. Kung uugaliin natin ang
pagtatapon ng basura sa tamang lagayan ay malaking tulong ang simpleng
gawain na ito. Makakatulong rin ang paghihiwa-hiwalay ng basura, pagreresiklo
ng mga

hindi nabubulok tulad ng mga plastik at marami pang iba.Kung ito ay maiaayos
natin, masasalamin natin ang kalinisan at magandangkapaligiran, sakit ay
maiiwasan at matitinding karamdaman, maipagmamalakingpamayanan, may
disiplina at magandang halimbawa na tiyak na pamamarisan ng mga kabataan at
susunod pang henerasyon.

Address: Brgy. Sta. Teresa, San Miguel, Iloilo


School ID: 116756
Websites: Facebook Page: Sta. Teresa Elem School I E-mail: 116756@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
SCHOOL DISTRICT OF SAN MIGUEL
STA. TERESA ELEMENTARY SCHOOL

F. Paglinang sa Pankatang Gawain Objective 3: Applied a range of teaching


strategies to develop critical and creative
kabihasnan thinking as well as higher-order thinking
(Tungo sa Formative Unang Pangkat skills (PPST 1.5.2)

Assessment) COLLABORATIVE LEARNING: Plan


Suriin ang mga sitwasyon at lagyan ng tsek ( / ) kung ito ay nagsasabi ng activities that give students the
wastong disiplina sa pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-ayang opportunity to work and collaborate
together to learn and grow from each
kapaligiran at ekis (x) naman kung hindi. other. Collaborative learning has been
shown to not only develop higher-level
1. Tumutulong lamang sa paglilinis ng paaralan si Juan kung nakatingin ang thinking skills in students, but boost their
confidence and self-esteem as well.
kaniyang guro. (National Education Association)

2. Naglilinis si Carla ng silid-aralan kahit hindi araw ng kanilang paglilinis.


Objective 6: Used differentiated,
3. Pinabayaan lamang ni Rose ang kaniyang kamag-aral na magtapon ng basura developmentally appropriate learning
sa maling tapunan. experiences to address learning gender,
needs, strengths, interest and experiences
(PPST 3.1.2
4. Sumusunod si Jack sa programa ng kanilang barangay na “Tapat mo Linis
mo”.

5. Itinapon ni Laine ang balat ng kaniyang pinagkainan sa bintana ng kanilang


silid-aralan. Objective 5: Manage learner behavior
constructively by applying positive and
non-violent discipline to ensure learning
environments (PPST 2.6.2)

Ikalawang Pangkat During the group activity, learners were


group accordingly and was given
different task to perform. Before the
Suriin ang mga sitwasyon at lagyan ng TAMA bago ang numero kung ito ay activity started, they were oriented by
nagsasabi ng wastong disiplina sa pagpapanatili ng tahimik, malinis at the teacher the classroom rules to be
abide during the activity proper, thus the
kaaya-ayang kapaligiran at MALI naman kung hindi. group activity was done with discipline.

________1. Inilagay ni Jan ang kanyang basura sa kaniyang bulsa dahil wala
siyang makitang tapunan.

________2. Pinitas ni Marie ang mga bulaklak kahit may nakalagay na karatula
na nagsasabing “Bawal Pumitas ng Bulaklak”.

________3. Binawalan ni Erish ang kanyang kaibigan na magtatapon sana ng


basura sa kanal.

________4. Nakilahok si Kiel sa programa ng kanilang barangay na “Plant a


Tree to Save Earth”.

________5. Araw-araw naglilinis ng kanal at bakuran si Janelle.

Ikatlong Pangkat

(Filipino Integration)

Bumuo ng pangungusap ayon sa dapat mong gawin bilang isang


disiplinadong mamamayan para sa sumusunod na larawan

Ikaapat na Pangkat
Objective 1: Applied knowledge on
context within and across the curriculum
Address: Brgy. Sta. Teresa, San Miguel, Iloilo
School ID: 116756
Websites: Facebook Page: Sta. Teresa Elem School I E-mail: 116756@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
SCHOOL DISTRICT OF SAN MIGUEL
STA. TERESA ELEMENTARY SCHOOL
(PPST 1.1.2)

Punan ang patlang sa pamamagitan ng pag-aayos ng salita sa loob ng kahon


upang mabuo ang tamang sagot.

Objective 6: Used differentiated,


developmentally appropriate learning
experiences to address learning gender,
Hanapin ang mga pag-uugali na may kaugnayan sa pagpapanatili ng needs, strengths, interest and experiences
(PPST 3.1.2)
tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran. Ang mga salita ay maaaring
makita nang patayo, pahiga o pahilis. Kulayan ng dilaw ang mga salitang Using different activities in the lesson
makikita patayo,asul kung pahiga at pula kong pahilis. will awaken the interest of the learners
to pay more attention and understand
better the objective of the lesson.

Objective 9: Selected, develop organized


and used appropriate teaching and
learning resources including ICT to
address learning goals

The teacher used laptop and television


in showing the word puzzle by making it
more interactive and interesting to the
learners.

G. Paglalapat ng aralin sa
pang-araw-araw na buhay

Ipabasa ang mga salitang nahanap.

H. Paglalahat ng aralin Ang kapaligiran ay dapat nating ingatan dahil ito ay nagsisilbi din nating tirahan

katulad ng ating sariling tahanan. Sariling disiplina ang kailangan upang

mabuhay, sumiglang muli ang naghihingalong bahagi ng kalikasan.

At upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran, may mga

Address: Brgy. Sta. Teresa, San Miguel, Iloilo


School ID: 116756
Websites: Facebook Page: Sta. Teresa Elem School I E-mail: 116756@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
SCHOOL DISTRICT OF SAN MIGUEL
STA. TERESA ELEMENTARY SCHOOL

panuntunan na pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng kalinisan ng kapaligiran.

Bilang isang disiplinadong mamamayan tayo ay dapat na:

1. Sumunod sa mga batas na may kinalaman sa kapaligiran.

2. Paghihiwa-hiwalay ng mga basura na nabubulok at di- nabubulok sa halip na

pagsunog sa mga ito, at pagresiklo ng mga patapong bagay.

3. Paggamit muli ng mga patapong bagay na puwedeng mapakinabangan.

Paghihiwa-hiwalay ng mga basura. Paglilinis ng mga maruming boteng


babasagin at

plastik.

4. Pakikiisa sa mga proyekto o programa ukol sa pagpapaganda at pagpapanatili


ng

kalinisan ng pamayanan.

5. Pagbibigay alam sa mga kinauukulan sa mga lumalabag sa batas na may

kinalaman sa kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.

I. Pagtataya ng aralin Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng Objective 10: Designed, selected,
organized and used diagnostic, formative
tamang and summative assessment strategies
consistent with curriculum requirements
sagot. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. The formative assessment was aligned
with the objective of the lesson.

1. Ano sa sumusunod ang batas na nagpapanatili ng kaayusan at

pangangalaga sa kapaligiran ang dapat ipasunod sa ilog na malinis?

a. Huwag magtapon ng basura

b. Tumawid sa tamang tawiran

c. Iwasan ang pagtapak sa damuhan

2. Ano sa sumusunod ang batas na pagpapanatili ng kaayusan at

pangangalaga sa kapaligiran ang pinaiiral sa mga parke?

a. Manatiling tahimik sa lahat ng oras

b. Tumawid sa tamang tawiran

c. Iwasan ang pagpitas ng mga halaman at bulaklak

3. Anong batas sa pagpapaganda ng kapaligiran sa inyong paaralan ang

dapat mong sundin?

a. Manatiling tahimik sa lahat ng oras

b. Iwasan ang pagtapak sa damuhan

c. Basura Mo, Pakibulsa Mo

Address: Brgy. Sta. Teresa, San Miguel, Iloilo


School ID: 116756
Websites: Facebook Page: Sta. Teresa Elem School I E-mail: 116756@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
SCHOOL DISTRICT OF SAN MIGUEL
STA. TERESA ELEMENTARY SCHOOL

4. Ano ang hindi mo dapat gawin bilang isang mamamayang may disiplina

upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran?

A. Sumunod sa mga batas na may kinalaman sa kapaligiran.

B. Madalas na pagtapon ng basura sa kanto kung saan dumadaan ang trak

ng basura.

C. Paghihiwa-hiwalay ng nabubulok na basura at pagresiklo ng mga

patapong bagay.

5. Madalas ninyong nararanasan ang pagbaha sa inyong lugar. Ano kaya

ang dahilan kung bakit nangyayari ito?

a. Talagang mas malakas na ang buhos ng ulan sa ngayon.

b. Maling paraan ng pagtatapon ng basura na bumabara sa mga kanal.

c. Tinatakpan ng mga tao ang mga estero o kanal.

6. Naglalakad ka pauwi galing sa paaralan nakita mo ang iyong kamag-aral

na namimitas ng bulaklak sa parke kahit may karatula na nakalagay na

“Bawal Pumitas ng Bulaklak”. Ano ang iyong gagawin?

a. Pababayaan ko siya sa kaniyang pamimitas.

b. Babawalan ko siya at sasabihin na mali ang kaniyang ginagawa.

c. Sasamahan ko siya sa pamimitas ng bulaklak.

7. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran maliban

sa isa.

a. Paglahok sa Clean and Green Project sa inyong barangay.

b. Pagsama sa pag-aalis ng basura sa ilog na programa ng inyong barangay.

c. Pagsuporta sa pagpuputol ng mga puno sa kabundukan.

8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa

kapaligiran?

a. Pagtatanim ng mga puno, gulay at halaman sa bakuran.

b. Pagtatapon ng basura sa ilog tuwing madaling araw.

c. Paglilinis ng kapaligiran tuwing may nakakakita lamang.

9. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng may disiplina sa

Address: Brgy. Sta. Teresa, San Miguel, Iloilo


School ID: 116756
Websites: Facebook Page: Sta. Teresa Elem School I E-mail: 116756@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
SCHOOL DISTRICT OF SAN MIGUEL
STA. TERESA ELEMENTARY SCHOOL

pangangalaga sa kalikasan kahit walang nakakakita?

a. Si Janelle na nagwawalis sa loob ng silid-aralan tuwing nakatingin

lamang ang kaniyang guro.

b. Si Jan na araw-araw nagdidilig at nagtatanim ng halaman sa hardin ng

paaralan kahit hindi siya ang dapat gumagawa niyon.

c. Si Lerish na namumulot ng basura dahil nakikita ng punong-guro.

10. Alin sa mga barangay ang hindi nagpapakita ng pangangalaga sa

kapaligiran?

a. Barangay Masinop na sama-sama sa paghihiwa-hiwalay ng mga basura.

b. Barangay Malinis na tulong-tulong sa paglilinis ng kanal at kapaligiran

para sa paghahanda tuwing tag-ulan

c. Barangay Pag-asa na nagtatambak ng kanilang basura sa bakanteng lote.

J. Karagdagang gawain Gumawa ng komiks na naglalarawan ng pamayanan na may sariling disiplina at


para sa takdang aralin at
remediation nagtutulungan sa pangangalaga sa kapaligiran.

Address: Brgy. Sta. Teresa, San Miguel, Iloilo


School ID: 116756
Websites: Facebook Page: Sta. Teresa Elem School I E-mail: 116756@deped.gov.ph

You might also like