4TH EL FILI 2023-2024

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CEBU PROVINCE
BARTOLOME AND MANUELA PAÑARES MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Poblacion, Barili, Cebu, Philippines
DIAGNOSTIC TEST SA FILIPINO 10
S.Y. 2023-2024
PANGALAN:_______________________________________TAON AT SEKSYON:___________________ISKOR:_______
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Titik lang ang isulat sa patlang bago ang bilang.
_____1. Ang taong Filibustero ay isang taong _______________.
a. Hindi sumang-ayon sa batas ng pamahalaan c. hindi nakikisama sa kapwa
b. Hindi pumanig sa mga rebelde d. hindi naniniwala sa Diyos
_____2. Sino sa mga tauhan sa nobelang El Filibusterismo ang sumasagisag sa pag-ibig ni Rizal?
a. Basilio b. Kapitan Tiyago c. Juli d. Maria Clara
_____3. Ano ang reaksyon ng mga Kastila nang nabasa na nila ang Noli Me Tangere?
a. Nagustuhan nila ito b. nagalit c. nainggit d. namangha
_____4. Anu ano ang mga tunay na isyu na kinakaharap ni Rizal kaya naisulat niya ang nobela?
a. Kalupitan ng mga mananakop b. pang-aagaw ng lupa c. pagkasira sa kalikasan d. a&b
_____5. Hindi naikasal sa simbahan si Jose Rizal at Leonor Rivera dahil pinaratangan siyang erehe. Ano ang ibig
sabihin ng salitang erehe?
a. Hindi sumang-ayon sa batas ng pamahalaan c. hindi naawa sa kapwa
b. Hindi nakapagsulat at nakapagbasa d. hindi naniniwala sa Diyos
_____6. Grupo ng mga tao na naging magiting at determinadong ipinaglaban ang kalayaan ng bansa pagkatapos
mabasa ang El Filibusterismo.
a. Katipunero b. Demonstrador c. Raliyista d. Oposisyon
_____7. Tumutukoy sa isang napapanahong isyu na halos pinag-uusapan ng lahat.
a. Kontrobersiya b. Tsismis c. Scam d. Vlog
_____8. Isang uri ng babala na may layuning takutin ang tao na patayin siya.Ito ay na nauuso sa panahon ni Rizal.
a. Palosebo b. Pahamak c. Paskil d. Papel na may Tintang pula
_____9. Sino ang kaibigan ni Rizal na tumulong sa kanya upang mailimbag ang kanyang nobela?
a. Valentin Rosales b. Valerie Concepcion c. Val Gomez d. Valentin Ventura
_____10. Saang lugar isinulat ni Rizal ang malaking bahagi ng kanyang nobela?
a. Paris, Madrid b. Paris, France c. Germany d. London
_____11. Bakit hindi agad nailimbag ang nobela ni Rizal? Dahil sa problemang __________
a. Politikal b. Pinansyal c. Pampamilya d. Panrelihiyon
_____12. Ilang kabanata meron ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo?
a. 64 at 39 b. 59 at 39 c. 39 at 63 d. 62 at 32
_____13. Saang kabanata inilalarawan ang anyo o hitsura ng bapor tabo?
a. 1&2 b.1&3 c. 1 d. 2
_____14. Alin sa sumusunod ang maaring simbolismo ng lipunang walang direksyon?
a. Ilog pasig b. Bapor Tabo c. Kubyerta d. kweba
_____15. Nahahati ang sakay ng bapor tabo, ang mga mayayaman at tanyag ay nasa:
a. Ilalim ng kubyerta b. gitna ng kubyerta c. ibabaw ng kubyerta
_____16. Binigyang diin ni Rizal sa kanyang nobela ang pagpapahalaga sa sariling wika at pagtaguyod ng edukasyon.
Ano ang implikasyon dito?
a. Ang lahat na Pilipino ay dapat mag-aral c. Magpunyagi sa pag-aaral ng wika
b. Ang mga kabataan lamang ang mag-aral d. Magpunyagi sa pag-aaral at ipagmalaki ang wika
_____17. Nang naghukay si Simoun ng lupa isang gabi, bakit nakilala ni Basilio na si Simoun ay si Ibarra?
a. Nailawan ang kanyang mukha c. Nakita siya ni Basilio habang papauwi
b. Tinulungan siya noon sa paglibing ng kanyang ina d. Tinulungan siya noon nang dinakip siya
_____18. Ano ang kasingkahulugan ng salitang indulgencia?
a. Kahirapan b. utang na loob c. kasalanan d.kapatawaran
_____19. Ano ang kasingkahulugan ng salitang sobresaliente?
a. Aprobado b. Excellent c. Good d. Satisfactory
_____20. Ang pagsakop ng bansa sa mga dayuhan ay tinatawag na:
a. Kolonyalismo b. Materyalismo c. Eksistensyalismo d. Realismo
_____21. Alin sa sumusunod ang hindi naging suliranin sa panahon ng kolonyalismo?
a. Pagkasira sa kalikasan b. inhustisya c. pang-aabuso d. kahirapan
_____22. “Sinadyang magpatalo ng dalawang pari upang mabigyang kasiyahann ang heneral.” Anong uring ugali ito?
a. Nagpapabilib upang mabigyan ng pabor c. nagpapanggap na kaibigan kahit isang kaaway
b. Nagpapabilib sa sarili upang gustuhin d. nagpapanggap na magaling
_____23. “Nilait si Placido Penitente ng kanyang guro sa Pisika na si Padre Millon kaya siya nagwawala sa lansangan.”
Anong uring paninindigan mayroon si Placido Penitente?
a. Ayaw magpapaapi b. Ayaw sumunod sa magulang c. Magalitin d. sumpungin
_____24. Si Kabesang Andang ang ina ni Placido ay nagsesermon upang maliwanangan ang anak. Siya ay___
a. Nagpapahalaga sa katanyagan c.Nagpapahalaga sa edukasyon ng anak
b. Nagpapahalaga sa kalusugan ng anak d. Nagpapahalaga sa pagtapos ng anak
Pahayag: “Ang mga kabataan ay walang karanasan at masyadong mapangarapin. Hindi ninyo alam na ang hinihingi ninyo’y
kamatayan at nakasisira sa lahi.” Ito ay winika ni Simoun kay Basilio dahil nais ng mga Kabataan noon na isulong ang
pagamit ng wikang Kastila sa mga paaralan.
____25. Nais ipahiwatig ni Rizal na ang pagtakwil sa sariling wika ay:
a. Nakakasira ng kasarinlan b. nakakaunlad ng bayan c. nakagigiba ng relasyon
____26. Ano ang damdamin ng nagsasalita sa pahayag?
a. galit b. nagtataka c. nanghihinayang d. umaasa
____27. Kapag marunong na ang katauhan, ay mahahango na sa pagiging _________.
a. alipin b. Indio c. bastardo d. mahirap
____28. Anu-ano ang dalawang mahalagang misyon ng mga kabataan na binigyang diin ng may akda?
a. Pagmamahal sa sariling wika at pagkaroon ng edukasyon c. Pagmamahal sa dayuhan at Mamamayan
b. Pagiging matapang at matalino d. Pagbuo ng Sariling Pamahalaan at Pagtakwil sa Dayuhan
____29. Ano ang hindi layunin ni Rizal sa pagsulat ng nobela?
a. mailantad ang maling pamamahala c. malabanan ang mga mananakop
b. purihin ang mga Kastila d. bumuo ng planong himagsikan
____30. Ayon sa akda, ano ang pinakamatibay na sandata upang makamit ang kalayaan?
a. armas b. pera c. tapang d. karunungan
____31. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng pang-aabuso ng isang dayuhan sa Pilipino?
a. pagbenta ng imported b. pagmaltrato ng isang OFW c. pag-asawa ng dayuhan
____32. Sinu-sino ang dalawang pinakamahalagang tauhan sa nobelang El Filibusterismo?
a. Simoun at Basilio b. Simoun at Maria Clara c. Padre Florentino at Damaso
____33. Sino sa mga tauhan ng El Filibusterismo ang may masamang imahe sa lipunan?
a. Pamahalaang Kastila b. Mga magsasaka c. Mga Kabataan d. Mga Mahihirap
II: Kilalanin ang ilan sa mga tauhan sa nobela. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
A.Kabesang Tales D.Pepay G.Ginoong Leeds J. Padre Fernandez M. Hermana Bali
B.Paulita Gomez E.Tandang Selo H. Don Custodio K. Basilio N. Doña Victorina
C. Simuon F.Mababang uri ng Tao I. Huli L. Padre Florentino O. Tiyo Camarroncocido
_____1. Isang misteryosong Amerikano na nagtanghal sa perya
_____2. Ang pari sa nobela na may mabuting kalooban at kaibigan ni Simoun/amain ni Isagani
_____3. Maganda at mapagmahal na anak ni Kabesang Tales
_____4. Nagbalat kayong mangangalakal at kaibigan ng Kapitan Heneral
_____5. Mahirap na estudyante, nilalait ng guro ngunit napakatalino at nakatapos ng medisina
_____6. Isang Espanyol na ikinakahiya dahil sa kanyang panlabas na anyo
_____7. Napakasipag na magsasaka ngunit nang lumaon ay inagawan ng lupa at naging rebelde
_____8. Napupusuan ni Isagani ngunit nagpakasal sa iba
_____9. Paring Kastila na kaibigan ni Isagani
_____10. Siya ay kilala bilang Buena Tinta
_____11. Naging saksi sa lahat na kapighatiang sinapit ng anak na si Tales hanggang siya ay napipi
_____12. Sila ang lulan sa bapor Tabo na nasa ilalim ng kubyerta
_____13. Siya ang naghimok kay Huli na humingi ng tulong kay Padre Camorra
_____14. Siya mapagpanggap na isang Europea na isa namang Pilipina
_____15. Mananayaw na matalik na kaibigan ni Don Custodio

You might also like