Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Ampalaya sa Pinggan ni Peepo

I.

Joem Antonio (Joachim Emilio B. Antonio) isang guro, manunulat, guro sa pagsusulat, asawa, at
ama. Natanggap niya ang kanyang M.A. sa Humanities na may Espesyalisasyon sa Kasaysayan
mula sa University of Asia and the Pacific (UA&P), ang kanyang Ph.D. sa Malikhaing Pagsulat mula
sa University of the Philippines, Diliman (UP), at kasalukuyang nagtuturo ng mga mag-aaral sa
post-gradwal na antas sa UA&P. Si Joem ay nagwagi ng walong Don Carlos Palanca Awards.
Maliban sa malikhaing pagsulat, si Joem ay mahilig sa iba't ibang larangan ng kultura.
Pinakikinabangan niya ang musika, tula, pelikula, aklat, dula, comics, pagguhit, sitcoms, stand-up
comedy, at game design. Kasalukuyang naninirahan si Joem sa Maynila, Pilipinas kasama ang
kanyang asawa at tatlong anak. Ilan sa kanyang nailathalang aklat para sa mga bata ay kasama
ang "Sa Tapat ng Tindahan ni Mang Teban" sa ilalim ng Lampara Books, at "Narding Carpio and
the Monstrous Wall" sa ilalim ng Chikiting Books ng Vibal Group. Noong 2020, inilathala ng Nestlé
NIDO ang tatlong kuwento na isinulat niya para sa tatak: "Let's Make Pancakes!", "Let's Play
Outside!", at "Let's Eat Lunch!", na sinundan noong 2022 ng "Let's Get Up!", "Let's Learn More!",
"Let's Work Out!", at "Let's Eat Yummy!" Bukod dito, isinulat din ni Joem ang "Beware the Snake,"
isang aklat para sa mga bata na tumatalakay sa personal na mga hangganan. Karamihan sa
kanyang pagsusulat ay naglalarawan ng mga tunay na karanasan sa buhay at lubos na makaka-
relate lalo na sa mga bata. Ang kanyang mga akda ay nagpapakita rin ng aral at mga ideya na
maaari nating ibahagi sa lahat ng nagnanais na maranasan ang ganitong buhay.

II.

Ang kwentong ito ay tungkol sa pagkamuhi ng isang batang lalaki sa isang gulay. Ito ay dahil ito ay
mapait. Kahit pa paano lutuin ng kanyang ina, hindi pa rin tinatanggap ni Peepo ang ampalaya. Sa
kwentong ito, makikita natin kung paano nalampasan ni Peepo ang pait ng ampalaya at
nagtagumpay sa pagkain ng masustansiyang gulay. Layunin ng kwentong ito na ipaalam sa mga
bata ang kahalagahan ng masustansiyang pagkain at ang mga benepisyo nito sa kanilang buhay.
Bagama't may pananakot sa bata para kainin ang ampalaya, itinatampok din sa akda ang
pakinabang na nakukuha ng katawan sa pagkain. Layunin rin nito na ipakita sa mga mambabasa
ang pagbabago ng pananaw ng pangunahing tauhan tungkol sa isang bagay na una niyang hindi
gusto at kung paano ito nagbukas ng kanyang isipan sa kabila ng kanyang mga unang pagtutol.

III.

Nais kong bigyang pansin ang kwentong ito bilang isang magaling na akda na hindi lamang
nagbibigay ng aral ng pagtanggap at pagbabago, kundi nag-aalok din ng magandang halimbawa
ng simple at kaakit-akit na paraan ng pagkukuwento na tugma sa pang-unawa at damdamin ng
mga batang mambabasa. Ang pagbuo ng mga salita at usapan sa kwento ay simple ngunit
epektibo. Ginagamit ang mga pangkaraniwang salita na madaling maunawaan ng mga bata, may
iilan sa mga salita ang paulit-ulit na nakakatulong sa pagpapaunlad ng kaisipan ng mga bata sa
pamamagitan ng pagtutok sa mga mahahalagang konsepto at pag-uugnay ng mga ito sa kanilang
sariling karanasan at kaalaman. Ang ganitong estilo ng pagsasalaysay ay maaaring magbigay ng
repetisyon na makakatulong sa kanilang pag-aaral at pag-unawa. Ang akda ay gumamit rin ng
mga “fictional” na mga salita tulad ng “kindat ng pinya” at “kakainin ng ampalaya”. Hindi ko
matatawag na kaakit-akit ang mga ilustrasyon sa kwentong ito sapagkat sa pabalat-ng-libro pa
lamang makikita na natin ang imahe ng isang ampalaya na naging isang halimaw at ang batang
natatakot. Ngunit ito ang isa sa pananakot ng akda sa mga bata na nagsilbing daan upang mas
matutunan nilang mahalin at kainin ang mga masusustansiyang pagkain tulad ng ampalaya.

IV.
Sa aking perspektibo, nagustuhan ko ang mismong layunin, ang estilo, at ang paraan ng
pagbabagong pananaw sa kwento. Ito ay kakaiba sa nababasa kung kwento. Nagustuhan ko rin
ito dahil sa kakaibang konsepto nito na nagbibigay diin sa kahalagahan ng pagiging bukas sa
bagong karanasan at pagbabago. Ang kwento ay hindi lamang nakakatawa kundi nagbibigay din
ng aral sa mga mambabasa lalong-lalo na sa mga batang hindi mahilig sa gulay. Karapat-dapat
lamang na irekomenda ang aklat dahil sa damang puno ito ng pagtuturo. Dahil na rin sa angking
aral na napulot ko at mapupulot natin dito, kinakailangan lamang na ibahagi natin ang
magandang nakapaloob sa kwentong ito. Mas mapapaunlad ko ang kwentong ito sa
pamamagitan ng pagpapalit ng pabalat-ng-libro kung saan papalitan ko ito ng mas makulay na
anyo ng isang ampalayang naka-akbay sa isang masayang bata. Sa nakaka engayong ilustrasyong
ito, mas lalo nating mauudyok ang mga batang bumasa nito dahil na rin sa takot. Mapapaunlad
ko rin ito sa pamamagitan ng pagsama ng mga interactive elements sa kwento tulad ng mga
tanong, activities, o mga challenges na makakatulong sa pagpapalalim ng pag-unawa ng mga bata
sa kwento. Ang kwentong ito ay may mabuting layunin na isang mabuting aklat rin kung saan
ito’y nagpapalabas ng kanilang imahinasyon at kakaibang pag-iisip, na mahalaga sa kanilang pag-
unlad at paglago.

V.
Natutunan ko sa kwento na kinakailangan ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa kahit anong
gulay o pagkain na inihahanda ng pamilya. Hindi lahat ng tao ay nakakaranas o nakakain ng mga
bagay na mayroon tayo ngayon. Ang pagiging mapagkumbaba at pagpapahalaga sa simpleng
bagay tulad ng pagkain, kahit na ito ay ampalaya, ay mahalaga. Hindi lahat ng tao ay nabibigyan
ng pagkakataon na maranasan o matikman ang mga bagay na karaniwan nating kinakain araw-
araw. Hindi rin madali ang pagkakaroon ng pera upang makabili ng isang gulay, nangangailangan
ito ng tiyaga. Sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa bawat pagkain na inihahanda ng pamilya,
nagiging mas mapanagot tayo sa wastong paggamit ng mga resources at sa pagpapahalaga sa
mga biyaya na meron tayo. Ito rin ay nagtuturo sa atin na maging mapagbigay at maunawain sa
mga bagay na hindi natin karaniwang kinakain o naiintindihan.

You might also like