Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
CULIPAPA NATIONAL HIGH SCHOOL

Petsa: September 6,
2023
BANGHAY ARALIN
School: Culipapa National High Grade Level: 10 – Unang Markahan
School

Teacher: Joenalene M. Garinga Learning Araling Panlipunan


Area:

I. LAYUNIN Sa pamamagitan ng pagbibigay ng nga gawain, ang mga mag-aaral sa ikasampung


baitang ay inaasahang magagawa ang mga sumusunod na may wastong
kahusayan:

A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga hamong
Pangnilalaman panlipunan upang maging bahagi ng mga pagtugon na makapagpapabuti sa
pamumuhay ng tao. AP10PK1-1a-1

B. Pamantayan sa Pagganap  Naipaliliwanang ang konseptong kontemporaryong isyu at kahulugan ng lipunan


ayon sa tatlong sosyologo na sina Emile Durkheim, Karl Marx at Charles Cooley;

 Nakagagawa ang mag aaral ng Photo Essay tungkol sa mga sanhi at implikasyon
ng mga hamong panlipunan upang maibahagi sa buhay ng tao at ito’y nag-uugnay
tungo sa pagbabago upang mapigilan ang ganitong isyu sa kapaligiran.

*Bago pa man magsimula ang Panimulang Gawain ay sabay-sabay na babasahin


ng mag-aaral ang kanilang mga layunin sa araw na ito.
C. II. NILALAMAN

Paksa  Kaligiran at Katangian ng mga Isyu at Hamong Panlipunan


Sanggunian  AP10 Learning Module, Unang Markahan - Module 1
Kagamitan  Laptop, Smart TV, LM, Bondpaper at iba pa
Kasanayan  Pagsulat at Pagbasa
Subject Integration  Math, English, Science, ESP, Mapeh, ICT, Filipino
III. PAMAMARAAN
PANIMULANG GAWAIN
a. Balik - Aral
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba sa loob ng tatlong minuto. Isulat ang inyong
sagot sa kwaderno. (Pagkatapos sagutin ang mga katanungan ay pipili ng isa
hanggang dalawang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang kasagutan.) Indicator
3

Mga Katanungan:
 Subukan mong ilarawan ang iyong lipunan. Ano-anong mga suliranin ang iyong
nakita?

Purok 4-A (Sto. Niño), Culipapa, Hinoba-an, Negros Occidental


09958704047 | 302614@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
CULIPAPA NATIONAL HIGH SCHOOL

 Paano ito nakaaapekto sa iyong pamumuhay?


 Paano tinutugunan ng inyong komunidad ang mga nabanggit na isyu at hamon?

b. Pagganyak Gawain A: Headline-Suri


Indicator 1,3,4, 6

Suriin ang larawan sa ibaba. Sagutin ang mga katanungan na:

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang pananaw mo sa mga larawang nakikita ninyo?


2. Bakit maitutring itong Isyung Panlipunan?
3. Paano kaya natin mapigil ang isyung pangkapaligiran sa ating lipunan?

*Pipili ang guro ng isang mag-aaral mula sa hanay ng mga babae at isa naman
mula sa hanay ng lalaki na sasagot sa mga katanungan.

c. Paglalahad  Matapos nating talakayin ang mga larawan o iba’t -ibang headlines, ano kaya sa
inyong palagay ang magiging topiko ngayong araw? Indicator 3

Purok 4-A (Sto. Niño), Culipapa, Hinoba-an, Negros Occidental


09958704047 | 302614@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
CULIPAPA NATIONAL HIGH SCHOOL

PANTANGING GAWAIN
a. Pangkatang Gawain Gawain B: Isagawa Ko!
PANUTO: Ang buong klase ay hahatiin sa apat na grupo, bawat pangkat ay
bibigyan ng Task Card. Sa loob nito ay may nakalagay na ginupit-gupit na mga
larawan (“Puzzled Pictures”) tungkol sa iba’t-ibang Isyung Panlipunan at Rubriks sa
Pagmamarka. Ang mga mag-aaral ay bibigyan lamang ng 3-5 minuto sa paggawa.
Indicator 1, 2, 3, 4, 5

Mga Gawain:
1. Buuin ang nasabing “Puzzled Pictures”.
2. Tukuyin kung anong uri ng Isyung panlipunan ang ipinapakita sa larawan.
3. Gumawa ng “essay” na nagpapakita at nagpapaliwanag sa sanhi at
implikasyon ng mga hamong panlipunan kaugnay sa larawang binuo.
4. Ibabahagi nila ang kanilang output sa klase.

* Gawing batayan ang rubriks sa pagmamarka bilang gabay sa pagtupad ng


gawaing ito.

b. Pag-uulat at
Paglalathala

* Pagkatapos ng pag-uulat, magbibigay ng marka ang guro at bibigyan ng


pagkakataon na kompyutin ng mga mag-aaral ang nakuhang puntos. Indicator
1, 2, 6

c. Pagtatalakay  Pagpapakahulugan at pagpapalalim ng pariralang “Kontemporaryong Isyu”


Ano ba ang kontemporaryong isyu? Ito ay tumutukoy sa mga isyu na

Purok 4-A (Sto. Niño), Culipapa, Hinoba-an, Negros Occidental


09958704047 | 302614@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
CULIPAPA NATIONAL HIGH SCHOOL

nangyayari sa kasalukuyan o tumutukoy sa mga napapanahong isyu. Sa


madaling sabi, ito ang pinag-uusapan sa ating lipunan ngayon. Maaring ito’y
maging pampersonal, pangkapaligiran, panlipunan o pang-ekonomiko.

 Pagpapakahulugan at pagpapalalim ng salitang “Lipunan” ayon sa tatlong


sosyologo na sina Emile Durkheim, Karl Marx at Charles Cooley.

 Pagproseso sa “Gawain B: Isagawaa ko!” sa pamamagitan ng mga


katanungan sa ibaba:
1. Anong larawan ang inyong nabuo?
2. Sa anong parte ng lipunan ito nararanasan?
3. Maituturing bang isyung Panlipunan ang ipinakita sa larawan? Bakit?
*Ipapabasa ng sabay-sabay sa mga mag-aaral ang mga importanteng
pangungusap na naglalaman ng kahulugan at konsepto ukol sa Kontemporaryong
Isyu. Sa pagtatalakay ang guro ay magsasalita dialect o vernacular upang mas
mapaliwanag ng malinaw ang mga konsepto. Indicator 1,2,3,4

PANGWAKAS NA GAWAIN
a. Pagsusuri  Paano mo masasabi na ang isang pangyayari ay isang Kontemporaryong Isyu?
Indicator 3,4

b. Paglalahat  Basi sa tatlong sosyologo, ano ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kanilang


pagpapakahuluan sa salitang “Lipunan”? Indicator 3

c. Paglalapat  Bilang isang mag-aaral, paano ka magiging kabahagi sa paglutas ng mga isyung
panlipunan? Indicator 3
d. Pagpapahalaga  Bakit mahalagang maunawaan mo ang kahulugan ng Kontemporaryong at
Lipunan? Indicator 3
e. Ebalwasyon PANUTO: Ngayon, subukin mong sagutin ang pagatataya upang matukoy ang lawak
ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tinalakay. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot. Indicator 3, 4, 5, 6

1. Ayon sa kanya, ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan


nagaganap ang mga pangyayari at Gawain.”
A. Charles Cooley C. Emile Durkheim
B. Karl Marx D. Floyd Michael
2. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
A. Lipunan C. Komunidad
B. Bansa D. Organisasyon
3. Ito ay tumutukoy sa mga isyu na nangyayari sa kasalukuyan o tumutukoy sa
mga napapanahong isyu.
A. Isyung Pangkultural C. Isyung Pangmatagalan
B. Kontemporaryong Kaalaman D. Kontemporaryong Isyu

Purok 4-A (Sto. Niño), Culipapa, Hinoba-an, Negros Occidental


09958704047 | 302614@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
CULIPAPA NATIONAL HIGH SCHOOL

4. Bakit mahalaga na magkaroon tayo ng kaalaman sa Kontemporyong Isyu?


Lahat ng pagpipilian ay tama maliban sa isa____________.
A. Ito’y magiging daan upang maging mulat sa mga nangyayari sa ating
Lipunan.
B. Isang paraan ito upang matanto na may bahagi kang dapat gampanan sa
lipunang iyong kinabibilangan.
C. Upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa isang lipunan at sa bansa
D. May bahaging ginampanan ang gobyerno lamang sa pagkakaroon ng mga
suliraning ito at tayo’y may gampanin sa paglutas nito.

*Pagkatapos ng Ebalwasyon, bibilangin ng guro ang mga mag-aaral na Nakapasa at


Di Nakapasa.
IV. KASUNDUAN I
KARAGDAGANG SHARE YOUR IDEA!
GAWAIN Sitwasyon:
May 5 na kaso ang naitalang positibo sa CoVid-19 sa lalawigan ng Negros Oriental
ayon sa Inter-Agency Task Force. Sang-ayon ka ba na ibalik pa rin sa Enhanced-
Commmunity Quarantine ang Negros Oriental? Bakit? Ipaliwanag. Isulat ang iyong
sagot sa kwaderno.

Prepared by:

JOENALENE M. GARINGA
AP 10 Teacher

Checked by:

LORIBELLE F. LISONDRA
Teacher In -charge

Purok 4-A (Sto. Niño), Culipapa, Hinoba-an, Negros Occidental


09958704047 | 302614@deped.gov.ph

You might also like