Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

● Comfort women – mga kababaihang Pilipino na pinagsamantalahan ng

mga Hapones sa panahon ng kanilang pananakop sa Pilipinas


● Day of Infamy - tawag sa sorpresang pagbomba ng Japan sa Pearl Harbor
sa Hawaii, ang pangunahing himpilang pandagat ng USA sa rehiyong
Pasipiko noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
● Death March - isang malagim na pangyayari sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig kung saan pinalakad ng mga Hapones ang mga sundalong
Pilipino at Amerikano mula sa Bataan patungong Pampanga
● Greater East Asia Co-Prosperity Sphere - programang inilunsad ng Japan
alinsunod sa layunin nitong masakop at mapakinabangan ang kalakhang
Silangan at Timog-silangang Asya kalakip ang prinsipyo nitong “Asya para
sa mga Asyano” noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
● Mickey Mouse Money - tawag sa salaping inilabas ng pamahalaan ng Japan
sa Pilipinas na nagdulot ng implasyon o pagbaba ng halaga ng salapi
● Puppet Government - tawag sa pamahalaang itinatag ng mga Hapones sa
Pilipinas; mga Pilipino ang mga namumuno sa pamahalaan ngunit sunod-
sunuran naman ang mga ito sa kagustuhan ng Japan
● Puwersang Axis - ito ay binubuo ng Germany, Italy, at Japan
● Adolf Hitler - siya ang namuno sa Nazi Germany
● Puwersang Allied - ito ay binubuo ng England, France, at USA
● Hideki Tojo - Siya ay punong ministro ng Japan noong panahon ng
kanilang pananakop sa mga bansa
● Trade embargo - ang pagpigil sa pagpasok ng mga pangunahing kalakal at
langis sa ibang bansa
● USAFFE - nangangahulugang United States Army Forces in the Far East;
ito ay hukbo na binubuo ng mga tropang Amerikano at Pilipino
● Kichisaburo Nomura - siya ang ipinadala sa Washington upang
makipagsundo sa USA
● Manila Massacre - tawag sa pagbomba sa Maynila ng mga Hapones
pagkatapos itong ideklara bilang Open City
● Kempeitai - tawag sa mga Sundalong Hapones
● Bigasang Bayan - programang itinatag upang magbenta ng murang bigas at
mais
● Hulyo 26, 1941 - petsa kung kailan nabuo ang USAFFE
● Disyembre 7, 1941 - petsa kung kailan binomba ang Pearl Harbor
● Marso 11, 1941 - petsa kung kailan iniwan ni Heneral Douglas McArthur
ang Corregidor patungong Australia
● Abril 9, 1942 - petsa kung kailan nangyari ang Death March
● Gerilya - tawag sa mga Pilipino at Amerikanong patuloy na nakipaglaban
sa mga Hapones sa panahon ng pananakop ng Japan sa Pilipinas
● HUKBALAHAP - nangangahulugang Hukbong Bayan Laban sa Hapon; ito
ang pinakamaimpluwensiya sa lahat ng mga gerilyang itinatag sa Luzon
● MAKAPILI - nangangahulugang Kalipunang Makabayan ng mga Pilipino;
ito ang tawag sa samahan ng mga Pilipinong nakipagtulungan sa mga
Hapones na nanghihimok sa mga Pilipino na makiisa at makipagsundo sa
Japan upang mawakasan ang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
● V-E Day - nangangahulugang Victory-In-Europe Day; tawag sa araw ng
pagtatapos ng digmaan sa Europa na napagtagumpayan ng puwersang
Allied
● V-J Day - nangangahulugang Victory in Japan Day; tawag sa pagsuko ng
Japan noong Septyembre 2, 1945 matapos ang pagbagsak ng puwersang
Allied ng bomba atomika sa Hiroshima at Nagasaki
● Walter Cushing - siya ang nagtatag ng kauna-unahang gerilya sa Luzon
● Luis Taruc - siya ang namuno sa HUKBALAHAP
● Ing Masala - opisyal na pahayagan ng HUKBALAHAP
● Labanan sa Gulpo ng Leyte - pinakamalaking labanan sa karagatan sa
kasaysayan
● USS Missouri - dito ginanap ang seremonya sa pagsuko ng Japan
● Heneral Douglas Mcarthur - siya ang dumaong sa Leyte sakay ng barkong
pandigma
● Oktubre 20, 1944 - bumalik si Heneral Douglas Mcarthur sa Pilipinas
● Oktubre 24-26, 1944 - petsa kung kailan naganap ang Labanan sa Gulpo ng
Leyte
● Pebrero 3, 1945 - pinasok ng mga hukbong Amerikano ang Maynila
● Mayo 6, 1945 - petsa kung kailan natalo ng mga pwersang Allied ang Axis
sa Europa
● Agosto 6, 1945 - binomba ng mga Amerikano ang Hiroshima
● Agosto 9, 1945 - binomba ng mga Amerikano ang Nagasaki
● Setyembre 2, 1945 - petsa kung kailan sumuko ang Japan sa puwersang
Allied
● Hulyo 4, 1946 - idineklara ng USA ang ganap na kalayaan ng Pilipinas,
tinatawag ito na Araw ng Kalayaan
● First Quarter Storm - tawag sa serye ng malawakang protesta ng mga
Pilipino laban sa pamahalaan na naganap sa unang tatlong buwan ng taong
1970
● Philippine Action Group - mga Pilipinong nakibahagi sa Vietnam War sa
panig ng South Vietnam na karamihan ay naglingkod sa mga pagpapagawa
ng mga imprastraktura para sa mga sibilyan
● Technocrat - tawag sa mga taong mahuhusay at maalam sa teknolohiya
● Vietnam War - digmaan sa pagitan ng komunistang Hilagang Vietnam at
kontra-komunistang Timog Vietnam
● Ferdinand Marcos - kinilala bilang “Most decorated war hero of the
Philippines” na naging pangulo ng Pilipinas noong 1965
● Manila Summit Conference - Isang pagpupulong na naganap sa Pilipinas
noong 1967 kung saan nabuo ang grupong ASEAN
● 1965 - taon kung kailan nahalal si Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas
● 1969 - taon kung kailan nahalal si Marcos sa kanyang ikalawang termino
● Batas Militar - isang uri ng pamahalaan kung saan higit na kinikilala ang
kapangyarihan ng militar kaysa sa karapatan ng mga sibilyan
● Commander-in-Chief - pinakamataas na pinuno ng hukbong sandatahan
ng isang bansa
● Constitutional Convention - kumbensiyong pampolitika na naglalayong
bumuo o isagawa ang pag-amyenda sa umiiral na Saligang Batas
● Media - pangkalahatang tawag sa anumang anyo ng pamamahayag,
pagbabalita, at paghahatid ng impormasyon sa masa
● Pamahalaang Parliyamentaryo - sistema ng pamahalaan kung saan
tinatawag na punong ministro ang pinakamataas na pinuno
● Pamahalaang Presidensiyal - sistema ng pamahalaan kung saan tinatawag
na president o pangulo ang pinakamataas na pinuno ng sangay na
ehekutibo
● Proclamation No. 1081 - opisyal na proklamasyon ng Batas Militar
● Pagsuspinde ng Writ of Habeas Corpus - pagkawala ng karapatan ng isang
dinakip na maghain ng petisyon sa korte ukol sa legalidad ng kaniyang
pagkakakulong
● Juan Ponce Enrile - inutusan ni Pangulong Marcos na pag-aralan ang
lawak at hangganan ng kapangyarihan ng Pangulo ng Pilipinas bilang
Commander-in-Chief batay sa isinasaad ng Saligang Batas ng 1935, siya ay
diumano’y tinambangan
● Alejandro Melchor at Jose Almonte - inutusan ni Pangulong Marcos na
pag-aralan kung paano ipinaiiral ang Batas Militar sa iba’t ibang bahagi ng
mundo
● Agosto 21, 1972 - petsa kung kailan binomba ang Plaza Miranda
● Plaza Miranda - dito naganap ang unang protesta laban sa plano ng
administrasyon Marcos
● CPP - Nangangahulugang Communist Party of the Philippines; sila ang
sinisi ng pamahalaan sa pagbomba sa Plaza Miranda
● Jose Maria Sison - siya ang namuno sa CPP
● Christians for Civil Liberty - nanguna sa isang martsa ng protesta sa Plaza
Miranda
● Benigno Ninoy S. Aquino Jr. - pangunahing kritiko at tagapagbatikos ng
administrasyong Marcos; nagpahayag siya ng kanyang privilege speech
● Setyembre 21, 1972 - petsa kung kailan idineklara ang Batas Militar
● Wack Wack Village - dito tinambangan ang convoy ni Juan Ponce Enrile
● Setyembre 23, 1972 - petsa kung kailan pinutol ng mga militar ang
operasyon ng media
● General Order No. 1 S. 1972 - kautusan na naglipat sa lahat ng
kapangyarihan ng pamahalaan sa kamay ni Pangulong Marcos
● Bagong Lipunan - bagong sistemang panlipunan at pampolitika
● Tunay na layunin ng pagdeklara ng Batas Militar - matanggal ang
kaguluhan at karahasan sa Pilipinas at mabuo ang Bagong Lipunan upang
umunlad ang bansa
● Enero 17, 1981 - petsa kung kailan opisyal na nagwakas ang pag-iral ng
Batas Militar
● Proclamation No. 2045 - kautusang opisyal na nagwakas sa pag-iral ng
Batas Militar
● Mga pangyayari bago ideklara ang Martial Law
- Pag-aaral ukol sa kaparaanan ng Martial Law
- Pagbomba sa Plaza Miranda
- Matatapang na talumpati ni Senador Benigno “Ninoy” Aquino
● Civil disobedience - paglulunsad ng mapayapang kilos-protesta laban sa
pamahalaan
● Commission on Election (COMELEC) - tawag sa konstitusyonal na
komisyon ng pamahalaan ng Pilipinas na pangunahing nangangasiwa sa
pagpapatupad ng batas, proseso, at kaparaanang nauugnay sa pagsasagawa
ng halalan sa Pilipinas
● Impeachment trial - tawag sa konstitusyonal na paraan ng pagpapatalsik
ng opisyal ng pamahalaan
● People Power - tawag sa pinagsama-samang politikal na kapangyarihan ng
mamamayan na naglalayong ipaglaban ang karapatan, kalayaan,
katotohanan, at pagbabagong panlipunan na karaniwang isinasagawa sa
pamamagitan ng malawakang demonstrasyon
● People Power Revolution - isang serye ng demonstrasyon ng mga
Pilipinong tutol sa pamamahala ni Pangulong Marcos na nagsimula noong
1983 at naging ganap noong Pebrero 22-25, 1986
● Snap election - madaliang halalan; isang halalang isinagawa na karaniwang
mas maaga sa nakatakdang panahon ng halalan
● Manila International Airport - dito binaril si Benigno Ninoy Aquino
● Agosto 21, 1983- petsa kung kailan binaril si Ninoy Aquino
● Kahulugan ng “The Filipino is worth dying for” - Ang mga Pilipino ay
mahalaga, kaya ang mga sakripisyo na ginawa ng ating mga bayani ay sulit,
dahil ang mga ito ay nakabubuti para sa ating kalagayan at kinabukasan.
● Fabian Ver - inakusahan na siya ang may kagagawan ng asasinasyon ni
Ninoy Aquino
● Cardinal Jaime Sin - noong Arsobispo ng Maynila; siya ang humikayat sa
mga Pilipino na magtungo at magrally sa EDSA
● 1985 - taon kung kailan pinawalang-sala ng korte si Fabian Ver gayon din
ang ilang matataas na opisyal
● Lupus erythematosus - sakit sa bato, sakit na ikinamatay ni Pangulong
Marcos
● Imelda Marcos - asawa ni Ferdinand Marcos na naging kinatawan ng
Pangulo sa publiko sa mga panahong siya ay nagpapagamot dahil sa
karamdaman
● Batas Pambansa Blg. 883 - batas na inilabas ni Marcos na nagpatawag ng
snap election
● Corazon Aquino - biyuda ni Ninoy Aquino na tumakbo sa snap election
● Cardinal Ricardo Vidal - pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the
Philippines at Arsobispo ng Cebu na kumondena sa snap election
● Gringo Honasan - pinangunahan niya ang planong kudeta at pagdukot kay
Marcos sa Malacanang
● Yellow Revolution - ibang tawag sa PPR dahil sa paggamit ng mga
mamamayang dumalo sa demonstrasyon ng dilaw na laso matapos ang
asasinasyon kay Ninoy Aquino
● EDSA - nangangahulugang Epifanio de los Santos Avenue; dito naganap
ang karamihan sa mga demonstrasyon
● Kudeta - distabilisasyon ng pamahalaan
● Fidel Ramos - noong AFP Vice Chief, pinuno rin siya ng Philippine
Constabulary
● Camp Aguinaldo - dito lumantad sina Enrile at Ramos ng isang press
conference kung saa ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa posisyon
bilang miyembro ng gabinete
● Radio Veritas - dito iniere ang pahayag ni Cardinal Vidal
● Radyo Bandido - nagsilbing tagapaghatid ng mga pangyayari pagkatapos
nasira ang transmitter ng Radio Veritas
● Colonel Mariano Santiago - namuno sa paglusob at pagkontrol sa Channel
4
● Agosto 1985 - petsa kung kailan bumuo ng isang resolusyon na nagsasaad
ng impeachment complaint laban kay Marcos
● Pebrero 7, 1986 - petsa kung kailan idinaos ang snap election
● Pebrero 22-25, 1986 - petsa kung kailan naganap ang People Power
Revolution
● Pebrero 25, 1986 - petsa kung kailan idinaos ang inagurasyon ni Corazon
Aquino, at pinatalsik ang pamilyang Marcos mula sa Malacanang
● Claudio Teehankee - pinangasiwaan niya ang panunumpa ni Corazon
Aquino
● Pebrero 26, 1986 - petsa kung kailan nakarating ang pamilyang Marcos sa
Hawaii
● Hawaii - dito nanirahan ang pamilyang Marcos pagkatapos lisanin ang
Pilipinas
● Setyembre 28, 1989 - petsa kung kailan namatay si Ferdinand Marcos
dahil sa sakit sa bato, puso, at baga

You might also like