Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

ANG ABAKADA NG TUNAY NA PAGIBIG

Bago ang lahat


gusto kong malaman mo na ang tulang ito ay para sayo
Ang bawat letra na bumubuo sa mga salitang pinili ko
At ang mga puwang sa pagitan ng mga ito
Na kapag pinagsama-sama mo'y katumbas ng malaking puwang
Na gusto kong tanggalin mula sa puso mo.

Bago ang lahat


Nakikiusap ako sayo: makinig ka sana.
Para sayo ‘to.
Mahal kita.

Bago ang lahat ng nilikha


Bago ang una mong hininga
Bago mo pa nasambit ang una mong salita
Hindi pa naiimbento noon ang salitang “mahal”
Pero noon pa man…
Minahal na kita.

Bago mo pa naibalik ang mga sulyap na ninakaw


Bago mo pa natutunang humiling sa mga bulalakaw
Bago pa naging kayo
Bago pa niya sinungkit ang mga bituin para sayo
Nandun na ako, isa-isang pinupwesto at nililikha ang mga ito.
Bago mo pa natutunang tumingala sa alindog ng alapaap
At bago ka pa pumiglas at kumawala sa hinandog kong mga yakap
Minahal na kita.

Bago mo pa ako nakilala, minahal na kita.


Bago mo pa ako hinanap, minahal na kita.
Bago mo pa ako pinagpalit sa mundo, minahal na kita.
Araw-araw parin akong tumatawag sayo
Pero madalas, ang alingawngaw ng katahimikan lang ng hindi mo pagpansin ang nakakausap ko.
Pero hindi ako susuko
Kaya ngayon, kumakatok ulit ako sa puso mo
Bitbit ang mga liham at libro na sinulat ko para sayo
Basa pa ang tinta ng ilan sa mga ito
dahil.. Oo, hanggang ngayon.
mahal na mahal parin kita.

Hindi ko alam kung naaalala mo pa ‘to.


Pero tinago ko ‘to kasi alam ko hindi mo ‘to maintindihan
noong unang pagkakataong binasa ko sayo 'to.
Tinago ko to kasi, alam kong darating ang panahong 'to.
At umaasa akong sa aking muling pagsambit
ng mga piraso ng langit na inilimbag ko
Sa bawat pahina ng munting librong ito…
maunawaan mo…

“Ang ABaKaDa ng Tunay na Pag-ibig”

A- aalagaan kita
Isa kang bulaklak na hindi ko hahayaang malanta
Ang mga talulot mo ang pinakamaganda
Walang halong bola
at hindi ko kakailanganing magsinungaling
kasi mananatili ka talagang maganda
dahil asahan mo, aalagaan kita.

BA - babahagian kita ng buhay mula sa sarili kong hininga


Dahil ang pag-ibig ay hindi makasarili
Kahit dugo ko ang ipambili
Handa akong ialay ang aking buhay
makasama ka lang sa huli

KA - kakabisaduhin kita na parang isang romantikong tula


ang bawat berso at linya na bumubuo sa kunsino ka
Ay walang sawang uulit ulitin
Hanggang sa mabali ang sumpa
Hanggang sa ang pagmamahal ko at ang pagkukulang mo ay magtugma
Ikaw ang paborito kong tula

DA - dadamayan kita
sa bawat pagtawa, at pagtangis
sa bawat pagpunas mo ng pawis
Naaalala ko pa yung unang beses na nasaktan ka dahil sa pag-ibig Naaalala ko pa kung paano ka
nahulog
Kung ilang beses ka hinele ng “let me be the one” ni jimmy bondoc bago ka matulog.
Noong mga panahong ang pinakamalaking problema mo na sa love life ay ang hindi mo sya
makasama pagkatapos ng klase dahil cleaners ka.
Nandun ako, kasama mo habang naglilinis ka.
Pinupunasan ng basang basahan ang blackboard ng puso mo na tila ibang Abakada ang
natutunan.

E - eengganyuhin ka ng mundo
(na aralin at tanggapin) na ang pag-ibig ay isang emosyo’n
isang dapog na kung saan ang panggatong ay
nakukuha lamang sa mga tingin, sa mga haplos,
at sa mga salita ng taong ginawa mong diyos
Marami nang nasaktan at napaso sa mapandayang silakbo ng damdamin
Hindi ka man umamin, alam kong isa ka sakanila
Kaya naman nangako akong

GA - gagamutin kita
kapag duguan ka na’t nakahandusay
at pakiramdam mo'y wala ka nang lakas para mabuhay

HA - hahanapin kita
dahil

I - iiwan ka ng mundo
Pero ang tunay na pag-ibig ay mananatili
Katwiran nila: ang mga kontinente nga naghihiwalay, tayo pa kaya?
Pero hindi nila naiintindihan na sa konteksto ng pag-ibig
hindi ka kontinente, ikaw ang mundo ko
at habang mayroong kalawakan patuloy kang umiikot sa araw ko

LA - lalaban ako
kahit na tila mas marami ang dilim sa pagitan ng mga tuldok tuldok na liwanag sa langit

MA - mamahalin kita
kahit na ang ibig sabihin noon ay ang pagsalo ng lahat ng inani mong pasakit

NA - nanakawin ko
lahat ng kirot sa puso mo

NG sugat sa isip mo

Oo, alam ko maraming beses kang nagkamali, pero

PA - papakinggan parin kita


Papatawarin at papalayain ka
Dahil ganito ang tunay na pag-ibig

RA - raragasa ang dugo mula sa sugatan kong katawan


pero sa oras na kakailanganin mo ng tagapagligtas

SA - sasaluhin kita
gamit ang mga kamay na ikaw mismo ang nagpako, pangako

TA - tatanggapin kita at ang buo mong pagkatao,

U - uunawain ka kahit ilang beses ka paring nagpapatalo


pero sana, unawain mo rin ako
dahil hindi ko maipapangako
na sa piling ko'y puro lamang pagsuyo at pagsinta
dahil sa totoo lang, may mga araw na

WA - wawasakin kita
Pupungusan hanggang sa sukuan ka ng sarili mong damdamin
hanggang sa ang nadurog mong puso ay maaari ko nang salain
Maniwala ka, mas mahirap to para sakin
pero dahil mahal kita kailangan kitang subukin
Huwag kang mangamba.
dahil sa gitna ng lahat ng durog na bato at mga pader na tumumba yayakapin kita.

YA - yayakapin kita, ng sobrang higpit


hanggang sa ang mga piraso ng puso mo'y muling magdikit
yayakapin kita
hanggang sa ang tibok ng puso mo at ang tibok ng puso ko ay magtugma
ikaw, ang paborito kong tula.

You might also like