Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Laguna
Bayan ng Lumban
BARANGAY MAYTALANG II
Tanggapan ng Punong Barangay

KATITIKAN NG ASEMBLEYANG PAMBARANGAY NG KGG. SANGGUNIANG BARANGAY NG


MAYTALANG II LUMBAN, LAGUNA NA GINANAP NOONG IKA-26 NG OKTUBRE, 2019 SA
BARANGAY HALL NG MAYTALANG II SA GANAP NA IKA 5:00 NG HAPON.

MGA DUMALO:

KGG. CYNTHIA S. MIRAS --------------------------------- Punong Barangay


KGG. EILEEN M. SAN JUAN ---------------------------------- Kagawad
KGG. RONALD L. SABIDO --------------------------------- Kagawad
KGG. JOVITA S. GAYATON --------------------------------- Kagawad
KGG. JAYSON N. DUGAN --------------------------------- Kagawad
KGG. JERRY T. LAVA --------------------------------- Kagawad
KGG. APOLINARIO M. AGUILA --------------------------------- Kagawad
KGG. DANILO C. LAVA --------------------------------- Kagawad
KGG. GLENDEL P. SABIDO --------------------------------- Sk Chairperson
BB.MIKEE M. BACUBE --------------------------------- Ingat-Yaman

HINDI DUMALO:
Wala
Ang Barangay Assembly ng Kgg. Sangguniang Barangay ng Maytalang II Lumban, Laguna ay
tinawag sa kaayusan ng Kgg. Tagapangulo, Cynthia S. Miras, na isinagawa noong ika-26 ng Oktubre,
2019 sa ganap na ika-5:00 ng hapon.Pinangunahan ng panalangin ni Pastora Gina Villena at sa pag-awit
naman ng Lupang Hinirang ni Kgg. Glendel P.Sabido,Sk Chairman Sinundan naman ng pag-awit ni
Bb.Maylin Felizco ating Daycare Worker ng “Himno ng Lumban”. Matapos nito ay dumako na ang
tagapagsalita na si Gng. Roma Amor G.Sandoval na siya rin guro ng palatuntunan sa pasalista na kung
saan ang lahat ng mga Kagawad ay nakatugon sa pagtawag ng kanilang mga pangalan. Dahil sa may
sapat na bilang ay nagpatuloy na ang Kapulungan sa mga programa ng Barangay Assembly.

Dumako na ang tagapagsalita sa programa,pananalita ng pagtanggap (Welcome Remarks)


pagtawag ng kalihim sa Punong Barangay Kgg.Cynthia S. Miras binati ng ating Punong Barangay Kgg.
Cynthia S. Miras ang lahat ng dumalong residente ng barangay at sa mga dumalong panauhin
pinasalamatan niya ito sa pagbibigay nila ng oras sa pakikinig sa mga nagawa at isasagawang pang mga
proyekto ng Pamahalaang Barangay sa ating nasasakupan.

Matapos nito ay dumako na ang kalihim sa pagpapakilala sa mga panauhin:

Unang pinakilala ang konsehal ng Bayan na si Kgg. Edgardo “bogz” Gonzales


pinasimulan ng konsehal ang pasasalamat sa pag-imbita sa kanya sa assembly ng Brgy
Maytalang II, isang karangalan daw ang maimbitahan siya sa pagtitipon na iyon. Sumunod ang
pagbati sa lahat ng mga dumalo, sa mga Kagawad ng barangay sa Punong Brgy, at sa mga Senior
Citizen na malapit sa kanya,at pinasalamatan din nya ang mga kabarangay na dumalo at
makikinig sa mga pag-uulat ng mga kawani ng barangay,matapos nito ay pag-anyaya din sa mga
kabarangay na kung sakaling nangangailangan ng tulong ay wag mag-atubiling lumapit sakanya
at kung anong kaya nyang itulong ay ito’y kanyang ibibigay.

Matapos nito ay dumako na ang kalihim sa pagpapakilala sa Pangulo ng Liga ng


Barangay Kgg. Ariel D. Añonuevo pinasimulan ni Abc Ariel ang pagpapasalamat at isa-isang
binati ang lahat ng mga dumalo at mga kawani ng barangay,una sa kanyang talumpati ay ang
pagtalakay nya tungkol sa pagdadaos ng soba sa bawat barangay,kung ano ang kahalagahan at
layunin ng soba,ayon din sa kanya pasasalamat sa pag-imbita sa kanya sa assembly ng Brgy
Maytalang II, at pagkagulat nito sa daming mga dumalo sa aming assembly,pag-puri at
kagalakan na makita na madaming nagsidalo sa ating assembly kasunod ang pagpapakilala sa
kanyang sarili at ang mga maari nyang matulungan sa ating barangay ay lumapit lang sa ating
butihing Abc Ariel muli siyang nagpasalamat matapos nitong magbigay ng mensahe.

Kasunod na tinawag ng tagapagpakilala ang butihin at kagalang-galang na


Punumbayan Rolando G. Ubatay..at unang bahagi ng talumpati ni mayor ay ang pagbibigay ng
puri sa panginoon para maisakatuparan ang soba sa gabing iyon at sinundan ng pagbati sa mga
kawani ng barangay Maytalang II,sa iba pang panauhin at sa mga dumalo sa
pagpupulong.inumpisahan ng kgg na punumbayan ang kanyang talumpati ang patungkul sa
soba,kung bakit may ginaganap na soba at ito ay kanyang pinaliwanag,ganon din ang tungkol sa
ibang programa ng gobyerno tungkol naman sa Senior Citizen ay nabanggit ito ng ating Mayor
kung bakit hindi pa nakukuha ng mga Senior Citizen ang pera nakalaan para sa kanila agad
namang sinan-ayunan din at naintindihan ito ng ating mga Senior Citizen.Pinabatid din ni Mayor
na handa siyang tumulong sa mga programa na maaring gawin sa barangay lalo na’t sa
ikakaunlad ng barangay anumang proyekto o programa na gagawin sa barangay o maiitulong sa
kabarangay ng Maytalang II ay lumapit lamang sa kanyang tanggapan para sa agarang pagtugon
ng ating butihing Mayor.

Dumako na ang tagapagsalita para sa huling pagtawag ng kalihim sa huli nating


panauhin sa ating MLGOO Ms. Aprilyn L. Mayrong upang basahin mensahe ng DILG Sec. na
si Gen.Eduardo M. Año.

Barangay Muna: Nagkakaisang Barangay Kaagapay ng Bansang Maunlad!


Barangay Assembly Day for the Second Semester of 2017
October 26,2019

 Sa ngalan ng
 Kaya’t nagpapasalamat din ako sa mga resedenteng dumalo sa pagtitipong ito. Ang
inyong paglahok sa asembliya ay isang magandang halimbawa ng inyong pakikiisa sa
magandang layunin ng mga nakaupong barangay opisyal. Kada taon, hinihimok ng
DILG ang mga mamamayan na MAKIALAM MAKIISA, AT MAKILAHOK. Sa inyong
lahat, magandang gabi po.

 Ang nakaraang taon ay puno ng pagbabago. dala-dala ng administrasyon ni Pangulong


Duterte ang tunay na katapatan at malasakit sa mga Pilipino. Dito nag-uugat ang mga
proyektong ipinapatupad ng ating pamahalaan.

 Noong 2016 ay sinimulan natin ang pina-igting na kampanya laban sa droga, krimen at
katiwalian sa pamamagitan ng paglusad ng programang MASA MASID o “mamamayang
ayaw sa anomalya mamamayang ayaw sa iligal ng droga”. Ito ay naglalayong hikayatin
ang mga mamamayan, faith-based organizations at non-government organizations upang
labanan ang problema sa droga, krimen at katiwalian.

 Pagkatapos ng national launching, inilunsad din ito sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Sa
kasalukuyan marami na po tayong mga volunteers. Halimbawa lamang sa Cebu,
makaraan lamang ang ilan buwan nang ito ay ilunsad, umabot na sa 9,260 volunteers
ang nagparehistro sa MASA MASID.

 Para sa taong kasalukuyan ang ating Pangulong Rodrigo Duterte ay naglaan ng sapat
na pondo para sa anti-illigal drugs at anti- corruption initiatives ng pamahalaan,
kabilang na ang MASA MASID Program ng DILG.

 Subalit ganon man kalaki ang pondo para sa isang programa, ang tagumpay na
programang ito ay nakasalalay sa partisipasyon at tulong ng mamamayang Pilipino.

 Kaugnay nito kayo ay aking hinihikayat na wag matakot magboluntaryo para sa MASA
MASID. Tinitiyak ko sa inyo na mapapangalagaan ang pagkakakilanlan ng mga
volunteers na mag-uulat ng mga anomalya sa kanilang barangay. Gayundin ang mga
iba’t ibang organisasyon, na maging kaagapay sa MASA MASID upang mas mabilis na
masugpo ang kriminalidad at ang pagkalat ng iligal na droga sa Pilipinas.

 Hinihimok ko ang lahat ng mga barangay na paigtingin ang pagmomobilisa sa mga


komunidad upang maging kabahagi sa ating kampanya. Ang kampanya laban sa droga
ay magtatagumpay sa tulong ninyo. Hikayatin natin ang mga kabarangay na maki-alam,
magmasid, makiisa. Kayo ang magiging mata at tenga ng gobyernong ito. Malaki ang
magiging bahagi ninyo sa pagsusulong ng tahimik at payapang Pilipinas para sa tuloy-
tuloy nating pag-unlad.

 Bilang panghuling mensahe, sa ating laban kontra droga, krimen at katiwalian, marami
pa tayong haharaping pagsubok. Marami pa tayong dapat na lampasan. Kaya Sulong
Barangay! Magmasid, makiisa at makilahok. Umaasa tayo ng tatanggapin ninyo ang
hamong ito.

 Mabuhay ang barangay!


 Maraming salamat po at magandang gabing muli!!!

BARANGAY ASSEMBLY DAY


For the Second Semester of 2019
October 26,2019

Sa ating minamahal na Punumbayan, Kgg. Rolando G. Ubatay, sa pangalawang


Punumbayan, Kgg. Belen B. Raga, sa mga Kagawad ng Sangguniang Bayan,Kgg. Rhoda Rabie.
Kgg. Irineo Baldovino at kay G. Vibert Javier ang MLGOO ng DILG, Sa ating mga panauhin
ngayong gabi, sa mga kagawad ng Sangguniang Barangay ng Wawa, sa hanay ng mga Bantay-
Bayan sa pamumuno ni Hepe Mauro Jacildo, sa mga Kagawad ng mga Lupon Tagapamayapa,
sa mga Kawani ng Pamahalaang Barangay, sa mga Guro, samahan ng mga mangingisda,
magsasaka, TODA, Senior Citizen, TABAKK, mga Kababaihan, mga mananahi, mga kabataan
at mga kabarangay na nagbigay ng panahon upang napakinggan ang pag-uulat ng inyong
lingkod barangay, sa inyong lahat isang mapayapa at magandang gabi ang aking pagbati.
Nandito na naman po kami sa inyong harapan upang ihain ang aming mga nagawa noong
nakalipas na 5 buwan. Napakabilis po talaga ng panahon parang kalian lang ng huli tayong
mag barangay assembly, October 9, 2016. Tapos eto na naman at magkakasama na naman po
tayo. Laking pasasalamat ko po at hindi po kayo nagsasawang sumuporta, makinig at
subaybayan ang aming administrasyon.
Ngayon po, simulan po natin sa Buwan ng Nobyembre, Araw ng undas, November 1, 2016.
taon taon nalang po tayo ay naririto at nagkikita kita sa barangay wawa. Dahil ito ang araw na
dinadalaw natin ang ating mga pumanaw na mahal sa buhay. Bilang paghahanda malayo
palang ay pinagpaplanuhan na namin kung paano maaayos, mapapaganda at magiging
maluwag ang ating kalsada. Ito po ay taunang hamon sa mg opisyales at ng bantay-Bayan ng
Wawa sapagkat napakalaki ng mga gawain at pesponsibilidad na nakaatang sa aming mga
balikat. Noong nakaraang taon matagumpay na naipatupad ang pinaghusay at pinagplanuhan
na ruta ng trapiko. At sa awa naman po ng Diyos at sa tulong na rin ng aking mga kagawad at
mga Bantay- bayan ilang sunod na taon na po naming naisasagawa ang kapayapaan at
kaayusan at katiwasayan ng daloy ng sasakyan dito sa ating barangay tuwing darating ang araw
ng UNDAS. Patunay lamang po na ang inyong inihalal sa Pamahalaang Barangay ay
nagpaplano at nag-iisip ng mga bagay na nakabubuti sa ating mga kabarangay.
Tayo din po ay tumalima at sumuporta sa adhikain ng ating gobyerno patungkul sa
pagsugpo ng droga sa ating bansa. Sinimulan nila sa matataas na sektor ng gobyerno, mga
kilalang personalidad, politiko, hanggang umabot sa pinaka mababang antas ng gobyerno ang
barangay. Kaya nagkaroon tayo ng “Oplan Tokhang”. Ang programang ito ay hindi para
ipahiya o manira ng pagkatao ng isang naging talamak sa ipinagbabawal na gamot. Noong
Nobyembre 18 hanggang 20 ay maayos na napasuko at napanumpa ang ilan nating mga
kabarangay na nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Tulad ng sinabi ko hindi namin layunin na
sila ay hiyain kundi ay tulungan sila na mapaayos ang kanilang buhay at makawala sa
impiyernong pinasok nila dulot ng droga, maayos naman natin itong naisagawa sa
pagtutulungan ng bawat isa sa atin.
Nobyembre din ng nakaraang taon ang inyo pong lingkod ay dumalo sa ilang mga seminar
at orientation na patungkol sa kaayusan at sa pagpapaunlad ng barangay.
Buwan naman ng disyembre ng magbahaging muli ng mga gamot ang CBK Power Company
sa ating barangay, na taon taon nilang ginagawa para makatulong sa ating mga kabarangay. At
ang gamot na kanilang binigay ay patuloy pa rin naming ipinamamahagi hindi lang sa ating
mga kabarangay bagkus maging sa kalapit barangay din natin na nangangailang ng tulong
medikal.
Disyembre din ng maglabas ng ordinansa ang munisipyo tungkol sa pagsesegregate ng
basura at paglalagay ng MRF (material recovery facility) sa lahat ng barangay sa Lumban.
Sinimulan nila sa programang ito sa pamamagitan ng orientation sa bawat barangay. Sa
programang ito maipapakita ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga mamamayan ng
barangay. Sisimulan ang pagsesegregate sa ating mga tahanan, dito ay paghihiwahiwalayin
ang iba’t ibang klase o uri ng basura, ito ay ang nabubulok, hindi nabubulok at recyclable.
Magkakaroon ng araw kung kaylan kokolektahin ang ating mga basura ayon sa klase o uri nito.

Buwan ng enero ng maglabas ng memorandum ang munisipyo patungkol sa “Clean-up


Drive” sa dump site sa Brgy Lewin kung saan doon natin ibinabagsak ang lahat ng basura na
nakokolekta sa ating barangay at sa buong Lumban. Gayun din nagkaroon ng general cleaning
ang buong Lumban, na sabay sabay maglinis ang bawat barangay. Ngunit bago pa man
ipatupad ang memorandum na ito ay matagal na naming ginagawa ang “operation linis”
buwan-buwan at ito ay sa pangunguna po ng inyong lingkod at sa tulong na rin ng aking mga
kagawad at lahat ng mga kawani ng barangay. Upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa
ating barangay.
Pebrero naman ng nagkaroon ng health therapy seminar ang Izumi Wellnes Center tungkol
sa ibat iabng mga common na sakit na nararanasan ng bawat isa sa atin, gayun din sa mga
matatanda na nakaranas ng mild stroke at ito ay dinaluhan naman ng ilan natin mga
kabarangay.
Panatilihin po nating malinis ang ating bahay at kapaligiran lalo na ngayon “Fire
Prevention Month” upang makaiwas tayo sa sunog na siyang pinaka mapinsala sa ating mga
ari-arian at sa ating buhay,huwag po sana natin itong ipag-sawalang bahala.
Ngayon pong darating na Abril ay magkakaroon po ng paliga ang ating Barangay.
Programa po ng Pamahalaang Barangay para sa ating mga kalalakihan. Na naglalayong
bigyan ng inspirasyon ang lahat ng kalalakihan sa tunay na esensiya ng isang team player at
ibahagi ng isang grupo na nagsusulong ng isang paniniwala at adhikain upang makamit ang
tagumpay at pag-unlad gayun din upang maiwasan na rin ang masamang bisyo.
Sa darating pa pong mga araw ay ipagpapatuloy po namin ang paglilingkod sa ating mga
kabarangay sa pamamagitan ng mga sari-saring proyekto at program upang maiangat ang antas ng
paglilingkuran sa bayan.
At muli po ako po ay nagpapasalamat sa walang sawa ninyong pagsuporta sa inyong lingkod at
sampo ng aking mga kawani. Patuloy po tayong magkaisa at magtulungan para sa ating ikauunlad…
Isang mapayapang gabi sa inyong lahat.

Pinasalubungan ng palakpakan ang Punong Barangay dahil sa makatotohanan nitong pag-uulat.


.
Sapagkat wala ng nais magsalita ay ipinahayag na rin ng Tagapangulo ang pagtitindig ng
Barangay Assembly sa ganap na ika-10:00 ng gabi.

PINATUTUNAYAN NAMIN ANG KATUMPAKAN AT KAWASTUHAN NG


NILALAMAN NG KATITIKANG ITO.

Nagpatotoo:

You might also like