Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SED FIL 312

KOMUNIKASYON ay ang proseso ng pagpapadala at pagpapalitan ng mga mensahe sa pagitan ng isang


nagpadala at isang tatanggap.

Ito ay nagmula sa Latin na communicatĭo na nangangahulugang magbahagi, lumahok sa


isang bagay o ibahagi. Sa pamamagitan ng proseso ng komunikasyon, ang mga tao ay
nagbabahagi ng impormasyon sa bawat isa, na ginagawang pagkilos ng pakikipag-usap
ng isang mahalagang aktibidad para sa buhay sa lipunan.

Elemento ng Komunikasyon

1. Pinagmulan ng mensahe - Ang nagpadala ng mensahe, maaring isa o dalawa o higit pa.
2. Ang mensahe - Tumutukoy sa ipinadalang salita o mensahe, maaring masaya, malungkot, inpormatib o anumang
gustong ipahatid.
3. Ang daluyan ng mensahe - Maaring ipahatid sa pamamagitan ng sulat, telegrama o anumang elektronikong
kagamitan o gamitin ang di-verbal na komyunikasyon.
4. Ang tagatanggap ng mensahe - Tinutukoy dito ang tumanggap ng mensahe.
5. Ang Tugon o Pidbak - Tinutukoy dito ang sagot o tugon agad na sagot o naantala ang sagot o matagal ang kasagutan.

Komponent ng Komunikasyon

S – Setting - Saan nag-uusap? Isaalang-alang ang pook, kung saan nag- uusap, maaring malakas o mahina ang boses na
gagamitin.
P – Participants - Sino ang nag-uusap? Mahalagang bigyan pansin kung sino ang mga nag- uusap.
E – Ends - Ano ang layunin sa pag-uusap? Isaalang-alang ang paggamit ng wika, ang tono ng wika at ekspresyon ng
mukha.
A – Act of Sequence - Paano ang takbo ng usapan? Paano sisimulan ang komunikasyon?
K – Keys - Pormal ba o impormal ba ang usapan? Isaalang-alang kung sino ang taong kausap.
I – Instrumentalities - Ano ang midyum ng usapan? Pasulat ba o pasalita? Mahalagang malaman kung ano ang daanan o
tsanel ng komunikasyon na siyang may kontrol o nagbibigay ng limitasyon ng mensahe o impormasyon sa
komunikasyon.
N – Norms - Ano ang paksa o tapik ng usapan? Kilalanin natin kung sino ang kausap.
G – Genre - Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo? Naglalarawan? Kailangan mabatid ng kausap kung siya ay
nagpapaliwanag, nakikipagtalo o nagsasalaysay.

Modelo ng Komunikasyon

Modelo ni Aristotle

3 sangkap ng komunikasyon batay sa retorika


1. Nagsasalita
2. Ang sinasabi
3. Ang nakikinig

Nagsasalita-mensahe-tagapakinig

Modelo ni Claude Shanman at Weaver Ayon kay Claude Shanman at Weaver lima(5) ang sangkap ng komunikasyon.

1. Pinanggalingan
2. Tagapaghatid (Transmitter)
3. Senyas o Kodigo
4. Tagatanggap ng paghatid (Receiver)
5. Distinasyon Modelo ni Shanman at Weaver

Pinanggalingan - Tagahatid Senyas o Kodigo- Distinasyon -Tagatanggap ng pahatid


Modelo ni Schram Si Wilder Schram ay nagsasabing tatlo rin ang elemento ng komunikasyon
1. Ang pinanggalingan
2. Ang mensahe
3. Ang distinasyon

Pinanggalingan -Mensahe -Distinasyon

Ayon kay Wilder Schram


1. Ang pinanggalingan: halimbawa: taong nagsasalita
2. Ang mensahe: halimbawa: porma ng tinta sa papel
3. Ang distinasyon: halimbawa: taong nakikinig

Mga sagabal

1.Edad - Mahalagang malaman kung ilang taon ang mga tagapakinig o tagatanggap upang maiangkop ang wikang
gagamitin.
2. Pinag-aralan - Kilalanin ang mga tagatanggap ng mensahe o tagapakinig kung ito’y mga pangkat ng propesyonal.
3. Hanapbuhay - Mahalagang malaman ng tagapagsalita ang hanapbuhay ng mga tagapakinig.
4. Kalagayang Sosyal - Nagkakaroon ng suliranin dito lalo na sa mga katawagan na ginagamit ng mga tao sa kanilang
antas ng buhay na kanilang ginagalawan at pook na kanilang kinabibilangan.

Antas ng Komunikasyon

1. Intrapersonal na komunikasyon (Pansarili) -Ito ang komunikasyong pansarili. Nagaganap sa isang indibidwal
lamang.
2. Interpersonal na komunikasyon (Pang-iba) -Ito ang komunikasyong nangyayari sa dalawa o mahigit pang tao.
3. Komunikasyong Pampubliko -Isinasagawa ang komunikasyon sa harap ng maraming mamamayan o tagapakinig.
4. Komunikasyong Pangmasa -Ito ay komunikasyong gumagamit ng mass-media, radio, telebisyon at pahayagan.
5. Komunikasyon na Pang-organisasyon -Ang komunikasyon na nangyayari sa loob ng mga organisasyon o samahan
gaya ng PASADO.
6. Komunikasyong Pangkultura -Ang komunikasyon para sa pagtatanghal o pagpapakilala ng kultura ng isang bansa.
7. Komunikasyong Pangkaunlaran -Ang komunikasyon pangkaunlaran tungkol sa industriya, ekonomiya o anumang
pangkabuhayan.

Sangkap at Proseso ng Komunikasyon

1.Konteksto -Tumutukoy sa kalagayan kung saan nagaganap ang komunikasyon.


a. Kontekstong Pisikal – Tumutukoy sa kalagayan na pinangyarihan ng komunikasyon.
b. Kontekstong Sosyal – Sa kontekstong sosyal ay tumutukoy kung ano ang relasyon ng mga kalahok sa
komunikasyon.
c. Kontekstong Pangkasaysayan - Sa kontekstong ito, maaring may kaugnayan o walang kaugnayan sa mga
nauna nilang pinag-uusapan.
d. Kontekstong Kultural – Ang kontekstong kultural ay tumutukoy sa kinagisnan ng bawat indibidwal.
e. Kontekstong Sikolohikal – Tumutukoy sa kasalukuyang kalagayan ng indibidwal.
2. Kalahok - Tumutukoy sa mga taong kasali sa komunikasyon. Sila ang tagahatid o tagatanggap ng impormasyon.
3. Mensahe - Tumutukoy ito sa pinag-uusapan o paksa ng mensahe, ideyang gustong ilipat sa pamamagitan ng wasto at
tamang wika at kilos.
4. Midyum o Daluyan - Tumutukoy ito sa daluyan o daanan ng inihahatid na mensahe.
5. Pidbak o tugon - Tumutukoy sa sagot o tinanggap na mensahe.
6. Ang Ingay - Ang ingay ay may epekto rin sa komunikasyon. May mga panlabas na ingay na naririnig, gaya ng tunog,
nakikita sa kapaligiran, iba’t ibang tanawin.

URI ng Komunikasyon

Alin mang uri ng komunikasyon ang gagamitin o kasangkutan ng isang indibidwal, maaring isagawa sa dalawang
uri ng komunikasyon: ang verbal at di-verbal na komunikasyon.

1.Verbal na komunikasyon -Ito ay gumagamit ng salita o wika sa pagpapahayag ng kasipan, damdamin o saloobin sa
paraang salita.
2.Di-verbal na komunikasyon -Ito ang komunikasyon na naipapahayag ang damdamin o gusto sa pamamagitan ng
senyas, ekspresyon ng mukha, simbolo at iba pa, gaya ng mga sumusunod:

a.Ekspresyon ng mukha -Nakikita o nababasa sa mukha kung ano ang gustong ipahayag ng isang indibidwal,
kung gusto, ayaw, masaya, malungkot, natatakot, nababahala, nagugulat, nasasaktan.
b. Pandama (sense of touch) -Ang bawat paghawak o pagdampi ng tao sa kapawa ay may taglay na iba-ibang
kahulugan.
c. Mata -Kung anu ang nararamdaman ng isang tao ay nakikita sa kanyang mata. Kaya kung kaharap natin ang
ating kausap kailangan na tignan natin ang kanyang mga mata.
d. Galaw o Kilos (body language) -Tumutukoy sa mabilis na pagkilos maaring nagmamadali, kamot ng ulo,
hindi sigurado o hindi alam, pagkibit- balikat, maaring hindi alam o ayaw, padabog sa pagsara ng
pinto at iba pa
e. Awit o Musika -Naghahatid ng damdaming masaya, malungkot, masigla. Ang hindi masabi ng bibig ay daanin
na lang sa awit o musika.
f. Pananamit -Nagpapakilala ng lahi o tribung pinagmulan, panahon at kasaysayan, nagpapakilala rin ng antas
ng buhay, uri ng hanapbuhay, edad ng tao, pook na kinaklalagyan.

DISKURSO

Ang salitang diskurso ay mula sa wikang Latin na discursus na nangangahulugang “running to and from” na
maiiugnay sa pagsalita at pagsulat na komunikasyon. Interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga
impormasyon.

Si Webster (1974) ay may iba’t ibang depinisyon para sa terminong ito. Ayon sa kanya, ang diskurso ay tumutukoy sa
berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Maaari rin daw itong isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng
isang paksa, pasalita man o pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon. Samakatwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo
ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso, ay sinonimus sa
komunikasyon.

Ayon sa Diksyunaryo Ingles-Filipino (1984), ito ay nangangahulugang magsulat at magsalita nang may katagalan o
kahabaan. Sa Webster’s New World Dictionary (1995), ito ay isang pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o
pasalita. Ito rin ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang
paksa.

Mahalaga na:

1. Maging mapanuri hindi lamang sa salita kundi sa kulturang nakapaloob dito.


2. Mahusay maghinuha ng mga impormasyon (kilos at salita).
3. Kritikal na pang-unawa sa pag-unawa ng mga mensahe.
4. Isaalang-alang ang apat na dimension 4k (konteksto, kognisyon, kakayahan at komunikasyon)

Konteksto ng Diskurso

Ang isang tao ay nakikipagtalastasan sa iba sa anumang oras, espasyo at konteksto. Ang mga kontekstong iyon ay
madalas na ituring bilang mga partikular na kumbinasyon ng mga taong bumubuo sa isang sitwasyong pangkomunikasyon.
Samakatwid, ang konteksto ng isang diskurso ay maaaring:
a. Interpersonal
b. panggrupo,
c. pang-organisasyon,
d. pangmasa,
e. interkultural at
f. pangkasarian.
Katangian

Masasabing ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa.
Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso, ay sinonimus sa komunikasyon.
Maraming pagkakaiba ang diskursong pasalita at pasulat.
May kani-kaniyang kalikasan atpangangailangan (requirements) ang bawat isa.
Maging ano man ang anyo ng diskurso, mahalagang taglayin ng mga partisipant nito ang komunikatib kompitens at ang
linggwistik kompitens

Teorya

May iba’t ibang paliwanag at mga prinsipiyo kung paano mauunawan ang mensahe ng bawat pahayag.

Speech Act Theory- ang wika ay isang mode of action. Ibig sabihin, ang anumang kaparaan sa paghahatid ng mensahe ay
makakatulong upang mauunawaan ang mensahe. Ang produksyon o paglikha ng mga simbolo, salita o
pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag tinatawag na speech act ay mismong paraan upang
mapalinaw ang mensahe. Ang wikang mismong ginagamit ay may sariling puwersa upang ipaunawa
ang mga nais ipabatid at mangyayari.

Tatlong Komponent

1. Lukyusyonari- Ito ang akto ng paggamit ng referring expression (pariralang pang-ngalan) atpredicating expression
(pariralang pandiwa) upang mag pahayag ng proposisyon.
Halimbawa:
Pagtatanong, Panghihikayat, Pagbibigay impormasyon, atbp.

2. Ilokyusyonari- Ito ang pagganap sa akto ng pagsasabi ng isang bagay. Abilidad ng isang ispiker upang piliin ang angkop
na varayti ng wika para sa isang tiyak na sitwasyong sosyal.
Halimbawa:
Pagsagot sa tanong, Nahikayat, Pagbibigay ng dagdag na impormasyon, atbp.

3. Perlokyusyonari- Ang panghuling component ay ang pagsasabi sa isang bagay na kadalasang nagdudulot ng mga konsikwens
sa damdamin at isipan ng tagapakinig.
Halimbawa:
“Bea, magusap tayo mamaya!” (dahil sa tonong ginamit, nagkaroon ng konsikwens sa isip ng tagapakinig na kung bakit sila mag-
uusap at kung emosyon ang ipinakikita o ipinahihiwatig ng nagsalita).

Ethnography of Communication -kailangan ang obserbasyon at pakikisalamuha upang mapag-aralan ang kultura o wikang
ginagamit sa isang komuninad. Dahil ang anumang gawi at mga nakasanayang gawain ng mga tao ay
may kabuluhan kung paano ang isang tao makikipagkomunikasyon.
Communication Accomodation Theory naman- isang paraan upang maunawaan ang mga pahatid na mensahe ay ang
pagsusuri ng estilo na ginagamit ng tao sa pakikipag-usap upang mapalagay o ma-accomodate ang
kausap. Sa pag-a-accommodate maaring bigyang diin ang mga kanilang katangian, ito ay tinatawag na
divergence, at convergence naman kung kung may matinding pangangailangan para sa social
approval. Kadalasang ginagawa ito sa mga karaniwang tao.
Pragmatic Theory- ito naman ay inirekomenda na upang masuri ang tunay na konteksto, isa-isahin ang bawat sangkap ng
pangungusap. Ibig sabihin kilalanin kung ano-anong mga kaisipan ang taglay ng pahayag sa
pamamagitan ng pagkilala nito salita sa salita, parirala sa parirala, at sugnay sa sugnay.
Variationist theory- ito ay naka pokus sa baryaston ng wikang ginagamit ng mga taong sangkot sa isang diskurso.
Kinapapalooban ito ng pagkakaiba-iba ng tono, intonasyon,gamit at salita gayon din ang estrakturang
panggramatika ng isang ispiker

You might also like