Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

Mga Dahilan Kung Bakit Iilang Estudyante

Lamang sa Telbang National High School


ang Gustong Sumali sa Sports
Daniel Alam
Muntaha Alam
Drann Alamar
Jezabel Alcera
Trisha Aqui
Mariel Balbin
Jorelyn Bumacod
Jeremy Cabang
Calvin Cantillo
Lester Casas

Ipinasa kay:
Ginoong Arnold F. Leandado

Hunyo 2023
Liham Pagkilala:
Nais nang mga mananaliksik na kilalanin ang mga taong naging
inspirasyon upang mabuo at maisakatuparan ang pananaliksik na ito. Unang una sa
mga guro at kamag aral na walang sawang sumuporta sa layunin ng mga
mananaliksik upang matapos ang lahat sa takdang oras. Pangalawa sa tulong ng
pamilya, lalo na sa mga magulang na nagbibigay ng gabay sa lahat ng ginagawa ng
taga panayam. At higit sa lahat sa ating Panginoon na siyang tanging dahilan sa
lahat ng kaalaman at lakas. Lahat ng itoy naging instrumento para sa adhikaing
matapos ang pananaliksik nang matiwasay.
Pasasalamat:
Labis na nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa mga sumusunod na
indibidwal at sa iba pa na naging bahagi ng pag-aaral na ito. Sa inyong walang
sawang suporta tulong at kontribusyon, naisagawa at natapos ang pag-aaral na ito.
Sa mga respondante na pinaglaanan ng oras na sagutan ang mga binigay na
kuwestiyonaryo, salamat sa partisipasyon. Labis na mahalaga ang bawat datos na
inyong binigay at nakalap ng mga mananaliksik. Sa aming mga kamag aral na
walang sawang sumuporta, tumulong, at naging inspirasyon upang maisakatuparan
ang pag-aaral na ito. Kay Ginoong Arnold Leandado, Guro ng asignaturang
Pagbasa at Pagsusuri ng ibat ibang Teksto tungo sa Pananaliksik. Ipinaaabot ng
Mananaliksik ang boong pusong pasasalamat sa walang sawang pag gabay,
pagtulong, pag suporta at pag unawa habang isinasagawa ang pananaliksik na ito at
lalo na sa pagbabahagi ng inyong kaalaman ukol dito. Sa mga magulang na
tumulong at umintindi sa panahon ng pangangailangan, at sa pagbigay ng moral at
pinansyal na suporta, pagmamahal at suporta sa mga mananaliksik. Sa Poong
Maykapal na nagbibigay ng lakas, ng kaalaman, ng detirminasyon sa mga
Mananaliksik. Maraming salamat sa pagdinig ng mga dasal upang mabigyan ng
lakas ang mga mananaliksik upang matapos ang pag aaral na ito sa takdang oras.
Muli, malugod na nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa inyong lahat.
Talaan ng Nilalaman:

KABANATA 1 : Ang Suliranin at ang Sanligan nito

1.1 Introduksyon
1.2 Teoretikal-Konseptwal na Balangkas
1.3 Sanligan ng Pag-aaral
1.4 Layunin ng Pag-aaral
1.5 Mga tiyak na Layunin ng Pag-aaral
1.6 Paglalahad ng Suliranin
1.7 Kahalagahan ng Pag aaral
1.8 Lawak at Delimitasyon
1.9 Pagpapakahulugan ng Termino

KABANATA 2 : MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG AARAL

1.1 Mga Kaugnay na Literatura


1.2 Mga Kaugnay na Pag aaral

KABANATA 3 : Disenyo at Paraan ng Pananaliksik


1.1 Disenyo ng Pananaliksik
1.2 Populasyon
1.3 Respondente
1.4 Instrument ng Pananaliksik
1.5 Treatment ng Datos

KABANAT 4 : Presentasyon at Interpretasyon ng datos

KABANATA 5:
1.1 Paglalagom
1.2 Konklusyon
1.3 Rekomendasyon
KABANATA I

INTRODAKSYON:

Ang Isports ay isang programa ng paaralan na nagbibigay ng oportunidad sa


mga estudyante na makilahok sa iba't ibang uri ng palaro at laro para sa pisikal na
aktibidad at pagpapalakas ng kanilang katawan. Sa pamamagitan ng pananaliksik
na ito, ating malalaman kung ano ang mga pangangailangan at interes ng mga
estudyante sa Isports upang makapagbigay ng mas epektibong serbisyo ang
programa.

Hindi naman na lingid sa kaalaman nating lahat na ang mga estudyante


ay tutok talaga sa kanilang pag aaral, lalo na sa mga kabilang sa mga seksyon na
kung saan ay ginto ang mga Grado para sa kanila. Dahil na din sa kagustuhan nang
mga estudyante na makakamit ng mga matataas na grado, di na nila napag
tutuunan ng interes ang sarili nilang mga kagustuhan. At dahil nadin sa takot na
baka sila ay bumagsak, para sa kanila, ang pagsali sa Isports ay isa lamang
aktibidad sa paaralan na kung saan hindi sila kabilang.

Ang pag-aaral ng mga dahilan kung bakit iilan lamang na estudyante ang
sumasali sa sports ay mahalaga dahil mayroon itong potensyal na maging epektibo
sa pagtugon sa mga suliraning may kaugnayan sa kalusugan, nutrisyon, at
edukasyon ng mga kabataan. Ang pagsali sa sports ay nakakatulong sa pagpapabuti
ng kalusugan, pagkakaroon ng disiplina, at pagpapalakas ng mga kakayahan at
kasanayan sa buhay.

Kung iilan lamang ang sumasali sa sports, maaaring magdulot ito ng hindi
magandang epekto sa kalusugan ng mga kabataan. Maaring hindi sila aktibo sa
pisikal na aktibidad at maaaring magdulot ito ng panganib sa kanilang kalusugan.
Sa pag-aaral ng mga dahilan, maaari nating matukoy kung bakit iilan lamang ang
sumasali sa isports at makahanap ng mga solusyon upang mahikayat ang iba pa na
sumali.
Bukod dito, ang pagpapakalat ng kaalaman tungkol sa mga benepisyo ng sports ay
maaaring magdulot ng pagbabago sa pananaw ng mga kabataan tungkol sa sports
at pagpapakita ng kahalagahan nito sa kanilang buhay. Sa ganitong paraan,
maaaring mahikayat ang mas marami pang mga kabataan na sumali sa sports at
magkaroon ng aktibong pamumuhay.

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ayon kay, (Alcemos, 2017), Ang isports ay binubuo ng isang


pangkaraniwang pisikal na gawain o kasanayan na nagbuhat sa ilalim ng
napagkasunduan na mga patakarang hayag, at kasama ang layunin rekreasyon: para
sa pakikipag paligsahan, para sa sariling kasiyahan, upang makamtan ang
manguna, para sa pagsulong ng isang kasanayan, o kombinasyon ng mga ito.
Maraming estudyante ang natatakot na lumahok sa Isports ng kanilang paaralan at
nais na maging bahagi nito. Ang ibang estudyante naman ay maparaan kung kayat
nagagawa nilang pagsabayin ang kanilang pag aaral at pakikilahok sa mga pisikal
na aktibidad sa kanilang paaralan. Meron ding mga estudyante ang pinipili nang
mas pagtuunan ng pansin o interes ang pakikilahok kesa sa pag aaral.

Ang isport ay nauukol sa anumang anyo ng mapagkumpitensyang pisikal


na aktibidad o laro na ang layunin ay para gamitin, mapanatili o mapabuti ang
pisikal na abilidad at kasanayan habang nagbibigay ng kasiyahan sa mga kalahok
at sa ibang pagkakataon, kasiyahan sa mga manonood. Sa pagsali ng mga
estudyante sa isports nahahasa ang kanilang mga galing, at lakas sa pakikipag
laban.

TEORETIKAL NA BALANGKAS

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga teorya patungkol sa mga salik


na dahilan kung bakit iilang estudyante lamang ang lumalahok sa isports.

Ayon sa Teorya ng Self-determination Theory (SDT), may tatlong


pangangailangan ang mga estudyante na dapat matugunan upang mapanatili ang
kanilang motibasyon. Ang Self Determination Theory ay isang Sikolohikal na
teorya na nagpapaliwanag motibasyon at pag-unlad ng tao. Binuo ito ni Edward L.
Deci at Richard M. Ryan. Ayon nga sa teorya, ang tatlong pangangailangan ng
mga estudyante ay una, awtonomiya.

Ang awtonomiya ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na magpasya


at magkaroon ng kontrol sa kanyang mga desisyon. Sa konteksto ng Isports, ang
mga estudyante ay maaaring sumali dahil sa kanilang personal na interes at
pagpapasya na maglaro sa isport na ito.

Ang pangalawa ay ang kakayahan na tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na


magpakita ng kasanayan at galing sa mga aktibidad na ginagawa niya. Sa isports,
ang mga estudyante ay maaaring sumali dahil sa kanilang kagustuhang mapabuti at
mapalawak ang kanilang kasanayan sa isports na ito.

Pangatlo ay ang pagkakaugnay na tumutukoy naman sa pakikipag ugnayan ng


isang tao sa ibang tao o sa komunidad. Sa isports ang mga estudyante ay maaaring
sumali dahil sa kanilang kagustuhang makipag-ugnayan at makipaglaro sa ibang
mga estudyante sa kanilang paaralan o komunidad.

Bukod sa SDT, ang teoryang Social Learning Theory (SLT) ni Albert


Bandura ay maaari ding magbigay ng paliwanag kung bakit sumasali sa isports ang
mga estudyante. Ang SLT ay ang teorya ng panlipunang pag-aaral ay
nagmumungkahi na ang panlipunang pag-uugali ay natutunan sa pamamagitan ng
pagmamasid at paggaya sa pag-uugali ng iba. Ayon sa Teorya ni Albert Bandura
ang mga tao ay natututo sa pamamagitan ng mga karanasan at modelo na nakikita
nila sa kanilang paligid. Sa konteksto ng Isports, ang mga estudyante ay maaaring
sumali dahil sa kanilang nakikita na mga modelo na naglalaro at nag-enjoy sa
sports na ito.

Sa pagsali sa mga pisikal na aktibidad ng paaralan, kinakailangan na


magkaroon ang mga estudyante ng mga nasabing teorya. Maaari itong maging
dahilan upang ang mga estudyanteng ayaw sumali o natatakot na sumali ay mag
karoon ng lakas ng loob na sumali. Dalawang mundo ang ginagalawan at
inaasahang pagtatagumapayan ng isang estudyanteng atleta; Ang mundo ng
kompetesyon sa kanyang larangan at ang mundo sa loob ng silid aralan ( Luzano,
2008). Isang mahirap na obligasyon ang papasanin ng mga estudyante kapag sila
ay nakilahok sa isports ng paaralan habang sila ay nag aaral. Pero, sa isang banda
naman. Napupunan nito ang kasiyahan at pangarap ng isang estudyanteng gustong
maging atleta. Sa pamamagitan ng pagbabatay sa mga teoretikal na balangkas na
ito, ang pag-aaral ay naglalayong suriin ang mga dahilan kung bakit iilang
estudyante lamang sa Telbang National High School ang nagpapahayag ng interes
na sumali sa isports. Ito ay tatalakayin ang mga salik na kaugnay ng kanilang mga
pangangailangan sa loob ng sarili, mga impluwensiya sa lipunan, tagumpay,
motibasyon, at mga social support network upang makamit ang komprehensibong
pag-unawa sa mga salungatan at motibasyon ng mga estudyante sa pakikilahok sa
isports.

KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Ayon sa pag-aaral ng mga mananaliksik marami ng dalubhasa ang nag-aaral sa


mga dahilan kung bakit iilang mga estudyante ang nais na sumali sa isports.
Marami pa din ang hindi makaunawa sa totoong kahulugan ng isports.

Sa winning Essay ni J. Henson (2002), Ang isang manlalaro ay kinakikitaan


ng lakas ng loob at katatagan. May responsibilidad siyang kailangan gampanan,
ang ipakita sa kanyang tagapanood, tagabasa at tagapakinig na sa kagipitan,
lumalaban siya at pag nadadapa ay bumabangon at taas-noong binibigkas na kaya
niya. Na isa lamang sa nagpapatunay na ang isang manlalaro ay mapursige sa
bawat laban na kanyak sinasalihan. Na matalo man o manalo ay hindi nawawala
ang lakas ng loob at katatagan nito. Nagpapahayag lamang ito na kahit sinong tao
ay kayang lumaban, matalo man o manalo.

Ayon sa sanaysay ni Pessumal (2016), Ang pagiging estudyanteng atleta ay


hindi madali para isabay sa pag aaral. Marami ang mga pagsubok na dadaan na
maaaring makasagasa sa iyong pag-aaral. Maraming gumagawa nito para maging
varsity sa kanilang paaralan at maging iskolar ng isang paaralan.

Ang pagiging estudyanteng atleta ay talaga namang hindi madaling tayuan, lalo na
kung tutok din sila ng lubusan sa kanilang mga grado. Isa pa sa mahirap dito ay
kung napapabayaan na ng mga estudyanteng atleta ang kanilang pag aaral dahil sa
pagsali sa isports. Ngunit, sa kabilang banda naman. Marami pa rin ang mga
estudyante na napag sasabay ang pag aaral at ang pakikilahok. Bukod sa kanilang
mga kasanayan sa isports, nagagawa din nilang pamahalaan ang kanilang mga
oras.

-paradaym
SANLIGAN NG PAG-AARAL

Ang Pananaliksik na ito ay pinamagatang "DAHILAN KUNG BAKIT


IILANG ESTUDYANTE LAMANG SA TELBANG NATIONAL HIGH
SCHOOL ANG GUSTONG SUMALI NG ISPORTS". Ang mga katulong sa
Pananaliksik na ito ay ang mga estudyanteng nag aaral sa Telbang National High
School. Sila ay nasa edad labing- lima hanggang labing-pitong taong gulang.

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang mga Pangkalahatang Layunin ng Pag-aaral na ito ay

1. Upang malaman ang mga dahilan kung bakit iilang estudyante lamang sa
Telbang National High School ang gustong sumali sa Isports.

2. Upang malaman ang mga negatibong pananaw ng mga estudyante patungkol sa


pagsali sa Isports.

3. Upang mabatid kung may solusyon ba ang mga negatibo nilang pananaw
pagdating sa pagsali sa Isports.
MGA TIYAK NA LAYUNIN NG PAG AARAL NA ITO AY
1. Upang mabigyan ng lakas ng loob ang mga estudyante na sumali sa isports.

2. Mabigyan ng sapat at tiyak na impormasyon ang mga estudyante na gustong


sumali sa isports.

3. Mabigyan ng Lakas ng Loob ang mga estudyante na nag nanais na lumahok sa


mga pisikal na aktibidad ng kanilang paaralan.

SULIRANIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay may paksang ''MGA DAHILAN KUNG BAKIT


IILANG ESTUDYANTE LAMANG SA TELBANG NATIONAL HIGH
SCHOOL ANG GUSTONG SUMALI SA ISPORTS'' ay naglalayong sagutin ang
mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang pagkakakilanlan ng mga estudyante batay sa kanilang:


a). pangalan (opsiyonal)
b.) taon/edad;
c.) kasarian;
d.) baitang at pangkat;
e.) trabaho ng mga magulang;
f.) Isports na nilalaro;

2. Interesado ka ba sa pagsali sa Isports?

3. Mayroon kabang karanasan sa pagsali sa Isports?


4. Sapat ba ang nakukuha mong suporta galing sa iyong pamilya sa pagsali sa
Isports?

5. Sasali ka ba sa Isports kung hindi maapektuhan ang iyong mga marka?

KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Ang Pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa


mga sumusunod.

Mga Mag-aaral - Ang pakikilahok sa mga aktibidad sa isports ay maaaring


mapabuti ang pisikal na kalagayan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
pagpapalakas ng kundisyon, lakas, at pangkalahatang kalusugan. Ang pagsali sa
mga isports ay nagpapalakas din ng mahahalagang kasanayan sa buhay tulad ng
pagtatrabaho sa grupo, disiplina, pamamahala ng oras, at pagtatakda ng mga
layunin. Ang mga kasanayang ito ay maaaring maipamana sa iba pang mga aspeto
ng buhay ng mga mag-aaral tulad ng kanilang pag-aaral, kinabukasan sa trabaho, at
personal na mga relasyon. Maaaring may mga mag-aaral na may mga natatagong
talento o tunay na hilig sa isports na hindi pa nila natutuklasan. Sa pamamagitan ng
pag-encourage sa partisipasyon at pagsusuri sa iba't ibang isports, maaaring
matuklasan ng mga mag-aaral ang kanilang mga kakayahan at talento, na maaaring
humantong sa mga potensyal na landas ng karera o panghabambuhay na mga hilig.
Mga Guro - Maaaring maging mas maunawain ang mga guro sa pagbibigay ng
karagdagang panahon para sa mga gawain o mga pagsusulit. Ang pagbibigay ng
mas mahusay na mga pagpipilian at solusyon sa mga mag-aaral ay maaaring mag-
udyok sa mga nag-aatubiling mag-aaral, lalo na ang mga nais sumali sa mga
isports ngunit nag-aalala sa mababang marka.

Mga Magulang - Karaniwan nang hinahawakan ng mga anak ang mga salamin ng
kanilang mga magulang, sinusipsip nila kung sino at ano kayo at iniuugnay ito sa
inyong mga pananaw at pag-uugali. Ang pagiging malaking impluwensya sa
kanilang buhay ay maaaring makaapekto sa mga tiyak na desisyon. Kung ang mga
magulang ay sumusuporta at nag-eengganyo sa kanilang mga anak na sumali sa
mga isports, malamang na mas bukas at handang subukan ng mga mag-aaral ang
paglahok.

Tagapangasiwa ng Paaralan - Pagkakaroon nila ng mas malalim na kaalaman


tungkol sa mga pangangailangan at interes ng mga estudyante. Sa pamamagitan ng
pag-aaral ng mga dahilan kung bakit iilan lamang ang gustong sumali sa isports,
maaaring matukoy ng mga tagapangasiwa ng paaralan kung ano ang mga
pangangailangan at interes ng mga estudyante sa larangan ng isports.
Ito rin ay para mapabuti ang mga programa ng isports. Sa pagkakaroon ng mas
malalim na kaalaman tungkol sa mga pangangailangan at interes ng mga
estudyante, maaaring mag-imbento ng mga bagong programa at mga aktibidad na
mas nakakatugon sa kanilang mga pangangailangan at interes. At panghuli ay ang
pagpapalakas ng programang isports ng paaralan. Sa pagkakaroon ng mas malalim
na pag-unawa sa mga pangangailangan at interes ng mga estudyante, maaaring
magpatupad ng mga kaganapan na makakatulong sa pagpapalakas ng pisikal na
aktibidad sa paaralan at sa pagpapalakas ng partisipasyon ng mga estudyante sa
mga programa ng sports.

Mga Mananaliksik sa Hinaharap - Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga


pagsusuri at pananaliksik, maaaring malaman ng mga mananaliksik kung ano ang
mga dahilan kung bakit iilan lamang ang gustong sumali sa sports. Halimbawa,
maaaring malaman na hindi sapat ang mga pasilidad ng paaralan, o hindi sapat ang
pondo para sa pagpapatakbo ng mga sports programs. Maaari ding malaman na
kulang ang kaalaman at kahandaan ng mga guro at mga magulang upang ipromote
ang mga benepisyong pangkalusugan at pangkatawan ng isports. Pagkakaroon ng
mas malawak na pag-unawa sa mga dahilan kung bakit iilan lamang ang gustong
sumali sa sports, maaaring makapag taguyod ng mga solusyon na magbibigay ng
mga pagkakataon sa mga estudyante na mas makilahok sa isports.

LAWAK NG DELIMITASYON

Sasaklaw ang pag-aaral ito, sa mga mag aaral sa Telbang National High
School, na mahilig sa isports. Aalamin ng mga mananaliksik ang mga dahilan kung
bakit iilang estudyante lamang sa Telbang National High School ang gustong
sumali sa isports, mula sa ika siyam na baitang at ika labing isang baitang taong
panuruan 2022-2023.

Sampung respondanteng mahilig sa isports na nag aaral sa Telbang National High


School ang pipiliin ng mga mananaliksik. Maingat at mabisang susuriin ng mga
mananaliksik ang mga dahilan kung bakit iilang estudyante lamang sa paaralang
ito ang gustong sumali sa isports.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA


Upang maging mas madali at ganap ang pag intindi ng mga mambabasa,
minarapat naming bigyan ng mga depinisyon ang mga sumusunod na
terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong papel na
ito.

Awtonomiya Ayon sa wabletoncouncil, ang aktibidad ay ang kondisyon, ang


estado o ang kakayahan para sa pamamahala ng sarili o isang tiyak na antas ng
kalayaan.

Balangkas Ayon sa Google, ang balangkas ay isang nakasulat na plano ng


mahahalagang bahagi ng isang sulatin na nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod
ng mga ito.

Isports Ayon sa Wikipedia ang isports ay nauukol sa anumang anyo ng


mapagkumpitensyang pisikal na aktibidad o laro na ang layunin ay para gamitin,
mapanatili o mapabuti ang pisikal na abilidad at kasanayan habang nagbibigay ng
kasiyahan sa mga kalahok at sa ibang pagkakataon, kasiyahan sa mga manonood.

Palakasan Ayon sa Google, Ang palakasan o isports (Ingles: sport, Kastila:


deporte) ay binubuo ng isang pangkaraniwang pisikal na gawain o kasanayan na
nagbuhat sa ilalim ng napagkasunduan na mga patakarang hayag, at kasama ang
iba't-ibang layuning rekreasyonal kagaya ng pakikipagpaligsahan, sariling
kasiyahan, pagkamtan ng premyo, paghirang ng kampeon, pagsulong ng isang
kasanayan, o kombinasyon ng mga ito.

Paligsahan Ayon sa Wikipedia, ang paligsahan ay isang kaganapan kung saan


dalawang pangkat o koponan, o dalawang indibidwal, ang nagpapagalingan o
nagpapahusayan.
Sikolohiya Ayon sa Wikipedia ang sikolohiya ay ang agham ng isip at ugali.
Kalakip sa sikolohiya ang pag-aaral ng kababalaghang may malay at walang
malay, pati na rin ang damdamin at pag-iisip.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Inilalahad sa kabanatang ito ang mga angkop sa literatura at mga pag
aaral tungkol sa “MGA DAHILAN KUNG BAKIT IILANG ESTUDYANTE
LAMANG ANG SUMASALI SA ISPORT”. Sa bawat indibidwal na nakapaloob
sa paksa nabibilang din dito ang mga nailathalang pananaliksik na nagbibigay ng
dagdag kaalaman at ganap na ideya para sa pag-aaral ng mga literatura.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA


Ang Isports ay nagbibigay ng maraming oportunidad para sa mga tao
upang mas higit na magamit ang kanilang kakayahan at upang maging bahagi ng
isang nakikiisang grupong nagpupunyagi, natutuwa, at lungkot sa pagkatalo.
Karagdagan pa, ang pakikipagpaligsahan ay isang malaking obligasyon na
haharapin nang mga estudyante kapag silay nakilahok dito. Naghahanda ito sa mga
indibidwal na harapin ang mga pagsubok sa buhay at upang matutong tumugon ng
positibo sa pagharap sa hamon at pagbabago. Ayon kay Rimm(2009), ang mundo
ng isports ay salamin kung paanong ang isa ay maaaring lumahok sa laro ng
paaralan at buhay. Ang mga atleta’y naglalaro at binibigay ang kanilang husay
manalo man o matalo. Dahil sa mga aktibidad na ganito sa paaralan, sila ay
nasasanay sa kanilang isport at edukasyon, mga tungkol sa kabutihan ng buhay,
sining, agham, negosyo at pamahalaan na nagdadawit ng tiyaga at disiplina sa
sarili. Ang mga nabanggit na babasahin ay nauugnay sa pag aaral na ito dahil,
pagdating sa Isports walang isang atleta ang hindi binibigay ang kanyang boong
lakas upang manalo sa paligsahan. Nakikita sa mga manlalaro ang pag poporsege
na manalo na siya namang nanghihikayat sa iba pang estudyante na lumahok din.
Ang mga nabanggit na babasahin ay nauugnay sa pag aaral na ito dahil, pagdating
sa Isports walang isang atleta ang hindi binibigay ang kanyang boong lakas upang
manalo sa paligsahan. Nakikita sa mga manlalaro ang pag poporsege na manalo na
siya namang nanghihikayat sa iba pang estudyante na lumahok din.

Sa pag-aaral ni Dy,et.al(2008), sa panahon ngayon, napakaraming mag-aaral


ang nawiwiling sumali sa mga programang pang-ekstra kurikular sa kani-kanilang
mga paaralan katulad na lamang ng isport. Maraming maidudulot na epekto sa pag-
aaral ang pagsali sa mga nasabing programa. Ito ay maaaring maging maganda
dahil ito ay nakakatulong sa pag-aaral o di kaya’y maging masama dahil kung
minsan ay nakakalimutan ng mga mag-aaral ang kanilang prayoridad sa pag-aaral
at dahil dito, napapabayaan na nila ang kanilang mga responsibilidad sa
akademiko. Sa nasabing babasahin sinasabi na marami talagang mag aaaral ang
nawiwiling sumali sa Isports kahit meron itong positibo at negatibong epekto sa
kanilang pag aaral.Sa nasabing babasahin sinasabi na marami talagang mag aaaral
ang nawiwiling sumali sa Isports kahit meron itong positibo at negatibong epekto
sa kanilang pag aaral.

Ang isport ay isang gawain o interes na nagbibigay ng maraming mga


positibong pagkakataon para sa mga bata. Gayunpaman, maaari rin itong maging
sanhi ng ilang problema. Maraming mga magulang na naniniwala na ang
pakikilahok sa isports ay siyang nagpapahusay at nagpapabuti sa pag-aaral ng bata
habang ang iba ay naniniwala na ang isports ay paraan ng tagumpay ng kanilang
mga anak. Hindi maitatanggi ng lahat na karamihan sa mga magulang ay tutol sa
gawaing ito ng anak. Sa paglipas ng panahon, nawawala, at binabaon na lamang sa
limot ng mga estudyante and pagsali dahil na din sa walang suporta kung kanino
man.

MGA KAUGNAY NA PAG AARAL


Ang pag aaral na ito ay mga teorya patungkol sa mga dahilan kung
bakit piling estudyante lamang ang gustong sumali sa sports.

Dalawang mundo ang ginagalawan at inaasahang pagtagumpayan ng


isang estudyanteng atleta: ang mundo ng kompetisyon sa kaniyang larangan at ang
mundo sa loob ng silid-aralan.

Ayon sa pag aaral ni Kirchner(2005), Ang paaralan ay naglalaan ng


oportunidad sa bawat bata upang mapaunlad ang mental, pisikal at sosyal na
potensyal nila nang sa gayon, sila ay maging aktibong miyembro ng samahan na
kinabibilangan nila. Ang gawaing ito ay isinasalin sa mga programa sa
pamamagitan ng mga aral o turo na pauunlarin sa bawat indibidwal bilang
kapasidad ng pisikal at sikolohikal na gawain na maaari nitong panangga sa
pagharap sa nagbabago at mapanghamong lipunan. Sa babasahin na nabanggit
nauugnay ang pag aaral na ito dahil katotohanan na nagbibigay oportunidad ang
paaralan sa mga estudyante upang umunlad ang kanilang mga potensyal upang
lalong maging matatag at aktibo silang miyembro ng mga samahan na kanilang
kinabibilangan. Sa babasahin na nabanggit nauugnay ang pag aaral na ito dahil
katotohanan na nagbibigay oportunidad ang paaralan sa mga estudyante upang
umunlad ang kanilang mga potensyal upang lalong maging matatag at aktibo silang
miyembro ng mga samahan na kanilang kinabibilangan.

Sa kabilang banda, ayon kay Guillermo (2015), hindi sapat ang


katalinuhang dulot ng mga leksyon kung hindi balanse at produktibo ang isang
estudyante sa paraang nararapat niyang maipamahagi at mapaunlad ang kaniyang
natatanging kakayahan at talento. Ang kaalaman na kinabibilangan ng isang mag-
aaral ay hindi lamang saklaw ng apat na sulok ng silid kundi maging sa labas ng
paaralan. Dito pumapasok ang usapin patungkol sa mga paligsahan o ang
tinatawag na “School Activities” sa Ingles. Karamihan sa atin ay hindi alam ang
kahalagahan ng Palakasan. Halos lahat ng tao ay naniniwalang ang mga laro ay isa
lamang pisikal na aktibidad at karamihan ay hindi alam kung mahalaga ba ito sa
edukasyon. Sa katunayan, halos lahat ay iniisip na ang isports ay isang distraksyon
na siyang naglalayo sa atin sa mga akademikong layunin at responsibilidad. Sa
realidad, ang isport ay higit pa sa pisikal na aktibidad na siyang kumukuha ng
atensyon ng mga bata. Ito ay may mahalagang katayuan sa edukasyon at sa
pagpapaunlad ng kaalaman (Wilson, 2012). Ayon sa babasahing nabanggit,
nauugnay ito sa pag aaral dahil hindi talaga sapat ang katalinuhang galing leksyon
kung ang kanilang iba pang mga kakayahan o kaalaman sa ibang larangan ay
mababalewala lamang. Karamihan din lalo na sa mga magulang ang nagsasabing
ang pagsali sa Isports ay isa lamang distraksyon sa pag aaral ng kanilang mga
anak. Ngunit gaya nga ng sinabi ng babasahin, ang mga pisikal na aktibidad ay
nakakatulong din lalo na sa mga bata na umunlad ang kanilang iba pang potensyal,
kakayahan sa ibat ibang larangan.

Sa pag aaral ni Rimm (2009), ang pakikilahok sa mga laro ay


nagbibigay ng mga patnubay na maaaring pangkalahatan sa silid aralan at
habambuhay na tagumpay. Ang paglahok sa mga mahirap na paligsahan sa isport
sa paaralan ay nagtuturo sa mga bata sa pag-andar sa isang mapagkumpitensyang
lipunan. Ang ating lipunan ay mapagkumpetensya, sa pagsali sa mga ganitong
gawain ay naituturo sa mga anak kung paano makipagsabayan sa kompetisyon at
kung paano manalo at mawalan. Nalalaman ng mga bata na ang pagkapanalo at
pagkawala ay parehong pansamantala at hindi maaaring magdulot ng kawalan ng
pag-asa. Ang pakikilahok sa mga programang pampalakasan ay humihimok upang
matuto ang isang atleta ng mga patakaran, regulasyon at awtoridad. Bukod dito,
ang bawat miyembro rin ng isang koponan ay natututo kung paano maging mas
responsable at may pananagutan sa pagtulong sa bawat miyembro sa mga
pangangailangan kung saan ang grado ay nakataya. Nakatutulong din ang
pampalakasan na gawing magandang ehemplo ang bawat miyembrong kasapi dahil
sila ay nagiging tagahimok ng bawat isa tungo sa isang maayos na akademikong
hangarin (Wilson, 2012).

Ayon uli kay Wilson (2012), pinapalakas ng isport ang kompiyansa sa


sarili ng bawat manlalaro. Kung ang isang tao ay mahusay sa isang bagay,
paniguradong makakamit niya rin ang kompiyansa sa iba pang larangan.
Halimbawa, ang isang taong magaling sa basketbol ay paniguradong may tiwala sa
sarili na kaya niyang ipasa ang pagsusulit. Ang katiyakan ay magdadala ng
positibong resulta. Binanggit niya rin na ang isport ay nakadaragdag ng kasiyahan.
Ang mga tinatawag na “looner” sa paaralan ay katamtaman lamang ang katayuan
sa silid-aralan ngunit ng makakilala sila ng mga kalaro – mga bagong kaibigan –
sila ay unti-unting naging komportable sa pakikipagkapwa-tao. At bilang resulta
rin, nagagawa na ng mga estudyante na pag-igihan ang kanilang pag-aaral.
Nakadaragdag din daw ito ng enerhiya at nakakapagpababa ng depresyon. Ayon sa
kanyang pag-aaral , nakakatulong ang mga pisikal na aktibidad sa kalusugan ng
mga tao at pagtaas ng kanilang enerhiya. Ito ay nakakatulong din sa pagtaas
ngendorphins sa katawan kaya nagiging masaya at maganda ang kalagayan ng
kalooban ng isang tao. Ang kalagayan din na ito ay ang pinakamagandang
patnubay sa pag-aaral. Sa sikolohikal na pag-unlad naman, napag-alaman niya
mula sa kanyang pag-aaral na napapabilis ngmotor skills ang pagproseso ng utak
ng isang atleta. Napapaunlad ang kanilang pag-iisip tuwing sinasagawa nila ang
kanilang pisikal na aktibidad. Ayon rin sa kanya, ang pagsali ng isang mag-aaral sa
mga laro ay pagbibigay ng oportunidad sa sarili ng makitang lubusan ang mundo
lalo na kung ang kompetisyon na sinalihan ay pang internasyonal. Sa kompetisyon,
nakakakilala sila ng mga bagong tao, sa kabilang banda’y nakakakalap rin sila ng
mga kaalaman tungkol sa kanilang kultura, tradisyon, at pamumuhay. Nauugnay
ito sa pag aaral dahil sa mga epektong dulot nito. Nasabi na ang Isports ay
nakakatulong sa pisikal na estado ng mga atleta. Natutulungan din nito ang mga
batang nag iisa na maging palakaibigan sa iba at ang mga batang may depresyon
na mapabuti ang kanilang pag iisip. Sinabi din na sa mundo ng isports na
nagbibigay ito ng opurtunidad na makita ang mundo kung saan mararanasan ang
kompetesyon na mananalo ka at matatalo. Tinutulungan nito ang mga atleta sa pag
iisip na ang pagiging kampiyon at sawi ay parehong permanente lamang.

Ayon kay Eugenio (2014), sa pakikipaglaro natin sa labas ng ating


bahay ay natututuhan natin ang iba’t-ibang ugali na mayroon ang mga tao.
Mayroon sa kanila ang madaling maging kaibigan, mga batang matulungin, mga
batang hindi nagsasawang magturo sa atin ng maraming bagay na hindi pa natin
alam. Mayroon din namang mga kalarong ayaw tumanggap ng pagkatalo, kahit na
sila ay mandaya pa ay ipinipilit pa rin nila na sila ang tama. Sa mura pa lamang
nating edad ay nagkakaroon na tayo ng pagkakataon na maranasan ang iba’t-ibang
ugali ng tao na maaari nating makasalamuha sa ating paglaki. Ang mga pag-
uugaling ito ay madadala natin sa iba’t-ibang aspeto sa buhay, pati na rin sa ating
performans sa paaralan.

Dahil sa mga Sports Program sa paaralan, maraming mga kabataan ang


nadiskubre ang kanilang mga sarili, na sila ay mas mahusay ng higit pa sa alam
nila at sa pinapangarap ng mga magulang nila dahil itinataya nila ang lahat para
lamang sa pag-eensayo sa mga inaakala nilang kahinaan nila (Rimm, 2009).
Maraming mga atleta ngayon ang inakalang hindi sila marunong maglaro, na sila’y
lampa at hindi kayang makipagsabayan sa kapasidad na nagagawa ng ibang tao.
Ngunit ng dahil sa programang ito, nadiskubre nilang may kakayahan pala sila, na
may ibubuga rin pala sila kahit paano.

Nais ng mga guro at magulang ang kanilang mga estudyante’t anak na


gawin nila ang mga bagay na mahusay sila at nirerespeto sila sa kanilang mga
pagsusumikap. Ang karanasang manalo ng isang tropeo mula sa isang laro ay isang
napakagandang alaalang mababaon, makukuhanan ng larawan, maipagdiriwang
kasama ang mga kakampi sa laro at isang tropeong maiuuwi sa tahanan at
maipagmamalaki ng mga magulang. Ito’y nagpapakita na isa itong bunga ng
pagsusumikap, pakikipagpaligsahan, pagtutulungan ng grupo at isang ambisyong
natupad - mga pag-uugaling makatutulong upang magtagumpay din sa akademiko
at buhay.

KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito tinatalakay ang mga pamamaraang ginamit sa pag


aaral at mga respondent sa pamamagitan ng pag sagot sa ginagawang Serbey
Kwestyuner na inilahad ng mananaliksik.
DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang disenyo ng pananaliksik para sa pag-aaral na ito ay isang


deskriptibong disenyo ng pananaliksik. Sa pamamagitan ng disenyo na ito, ang
mananaliksik ay maglalayong ma-describe at maipakita ang mga pangunahing
kinahuhumalingan ng mga piling estudyante sa Telbang National High School
upang sumali sa Isports.

Ang mga dahilan kung bakit piling estudyante lamang ang nais sumali
ay maaaring magkaiba-iba. Maaaring sila ay may malalim na interes sa isports at
nais nilang pag-ukulan ng oras at panahon ang mga ito upang maipakita ang
kanilang kakayahan. Maaari ring nais nilang magkaroon ng pagkakataon na
makapagbahagi ng karanasan at kaalaman sa iba pang mag-aaral at magkaroon ng
pakiramdam na sila ay isang bahagi ng isang grupo na may magkakaparehong
interes.

Bukod dito, maaaring kabilang rin sa mga dahilan ang paghahangad ng


mga estudyante na magkaroon ng dagdag na karunungan sa partikular na isport na
kanilang nais sumali, malaman ang mga teknik at diskarte sa pagsasanay, at
maging handa sa mga kompetisyon o laban sa ibang paaralan. Sa pamamagitan ng
disenyo ng pananaliksik na ito, magkakaroon ng mas malinaw na pagkakaintindi sa
mga dahilan kung bakit mayroong mga piling estudyante sa Telbang National High
School na nais sumali sa Isports. Magbibigay ito ng oportunidad na maunawaan
ang mga motibasyon at pangangailangan ng mga mag-aaral na ito, upang
maipakita ang kanilang kakayahan at magkaroon ng kasiyahan sa ginagawa nilang
isport.

POPULASYION
Ang pag-aaral na ito ay may pangunahing layunin na alamin ang mga dahilan
kung bakit iilang estudyante lamang ang gustong sumali sa isports. Ang mga mag
aaral sa Telbang National High School ang napiling populasyon ng mga
mananaliksik. At sa paaralang rin to isasagawa ang pag-aaral.
RESPONDENTE

Matatagpuan sa parteng ito ang paglalarawan ng mga mananaliksik sa


mga kalahok na kabilang sa kanilang pag aaral. Pinapakita rito na hindi basta-basta
kumukuha ng kung sino sinong kalahok ang mga mananaliksik, kundi may ginawa
rin silang pamantayan. Ang mga napiling kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga
mag aaral sa ika siyam na baitang at ika labing isang baitang. Sila ay nasa edad
labing limang hanggang labing pitong taong gulang.

INSTRUMENT NG PANANALIKSIK

Ang Pananaliksik na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pamimigay


ng katanungan. Personal na ipamimigay ang mga papasagutan na kwestyuner ng
mga mananaliksik sa mga napiling respondent.

TREATMENT NG DATOS

Ang pananaliksik na ito ay lubos na pinag isipan ng mga mananaliksik


at ang mga katanungan na inihanda para sa mga respondent na tumugon sa
tatanungin ay itatally. Ang mga datos na makakalap ay isasagawa gamit ang
tabyular na pormat upang maayos at organisadong malalabas ang resulta. Ang
purmolaryong gagamitin sa pagkuha ng porsyento ng tugon bawat tanong.
KABANATA IV

PRESENTASYON, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng presentasyon,at interpretasyon ng


mga nakalap na datos mula sa mga kasagutan ng mga mag-aaral sa junior at senior
students ng Telbang sa mga dahilan kung bakit iilang estudyante lang ang
lumalahok sa Isports ng TNHS. Ang datos ay buong husay na sinuri at inilahad ang
mga datos sa tabyular na paraan at talahnayan para sa mas malinaw na
interpretasyon ng pag aaral. Ang datos ay nahahati sa limang bahagi. Ang una ay
may kinalaman sa propayl ng mga tagasagot. Ang ikalawa ay kung interesado ba
ang mga estudyante na sumali sa isports. Ang ikatlo ay tumutukoy sa kung
mayroon bang karanasan ang mga estudyante sa pagsali sa Isports. Ang pang apat
ay kung sapat ba ang nakukuhang suporta ng estudyante sa kanilang pamilya sa
pagsali sa isports. At ang panghuli ay kung sasali ba ang mga estudyante sa isports
kung di maapektuhan ang kanilang mga marka.
BAHAGI 1. PROPAYL NG MGA MAG-AARAL

Ang bahaging ito ay maingat na sinuri at inayos kung saan itinala ng


mga Mananaliksik ang kaugnay na propayl ng mga Mag aaral sa mga dahilan kung
bakit piling estudyante lang ang nais sumali sa Isports.

Pangalan ng Edad Kasarian Baitang at Trabaho ng


mga mag- pangkat magulang
aaral,
mula junior
high school
1. Damo, 15 Babae. 9-Emerald Business
Joana Marie
A.
2. Raon, 15 Babae 9-Emerald OFW
Hershey
3. Obido, 15 Lalaki 9-Emerald Magsasaka
Chris Denver
A.
4. Ragudos, 15 Lalaki 9-Emerald Magsasaka
Jay Mark C.
5. Mendoza, 15 Lalaki 9-Emerald Business
Christian Jay
T.
Pangalan ng Edad Kasarian Baitang at Trabaho ng
mga mag- pangkat magulang
aaral,
mula senior
high school
1. Rabina, 16 Lalaki 11-Gas Logistics
Ruzzel Jomar Persephone Driver &
C. Vendor
2. Gutierez, 17 Babae 11-Gas Housewife
Kim Persephone
3. Poras, 17 Babae 11-Gas Housewife
Kaye Louis. Persephone
4. Aycardo, 16 Babae 11-Gas Bus Driver &
Altea Persephone OFW
5. Arevalo, 17 Babae 11-Gas Housewife &
Joan D Persephone Farmer

Ipinapakita sa talahanayan 1 ang mga kaugnay ng sampung profayl ng


mga mag aaral na binubuo ng pangalan, edad, kasarian, baitang at pangkat at
trabaho ng kanilang mga magulang sa pagsusulat ng mga dahilan kung bakit piling
estudyante lang ang sumasali sa isports.

BAHAGI 2. Mga Katanungan at Sagot ng mga tagatugon sa


Dahilan kung bakit piling estudyante lang ang sumasali sa isports.
Isasaad sa bahaging ito ang mga katanungan at kasagutan ng mga
tagatugon sa Dahilan kung bakit piling estudyante lang ang nais sumali sa Isports.
Ito ay maingat na sinuri ng mga Mananaliksik.

Talahanayan 2. Mga katanungan at Sagot ng mga tagatugon sa dahilan


kung bakit piling estudyante lang ang nais sumali sa Isports. At may katumbas na
kaukulang interpretasyon upang mas higit na maunawaan ang bawat indekeytors.

Talahayan 1. Mga dahilan kung bakit hindi sila lumalahok sa pisikal na


aktibidad ng kanilang paaralan.

Katanungan. Kasagutan Interpretasyon


Mga dahilan kung bakit hindi sila
nakikilahok sa Isports.
1. Bakit hindi ka Nahihiya Walang Tutok sa pag
sumasali/ interes aaral
nakikilahok sa
mga pisikal na 6 2 2 Di interesado
aktibidad ng
inyong paaralan?

Talahayan 1.2 Mga Isports na nais nilang salihan kung sila ay sasali sa
Isports.

Katanungan Kasagutan Interpretasyon


Mga Isports na nais nilang salihan kung sila ay sasali
2. Ano ang Volleybal Badminto Table Basketbal Chess
mga isports na l n Tennis l
nais niyong
salihan kung 6 1 1 1 1
interesado
kayo ay sasali
at bakit ito ang
inyong napili?

Talahayan 1.3. Mga motibasyon nila kung sila ay sasali

Katanungan Kasagutan Interpretasyo


Mga motibasyon nila kung sila ay sasali n
3. Ano ang Gantimpal Pag Kanilang Kanilang
mga ang papraktis sarili iniidolong
motibasyon makukuha manlalaro
niyo sa interesado
pagsali ng 3 2 3 2
Isports?

Talahayan 1.4. Mga kasagutan kung sasali ba sila ng isports kung magbibigay
ang mga guro ng dagdag na puntos sa kanilang akademik perpormansis.

Katanungan Kasagutan 1.4. Interpretasyon


Mga kasagutan kung sasali ba sila ng isports
kung magbibigay ang mga guro ng dagdag
na puntos sa kanilang akademik
perpormansis
4. Kung mag Oo Hindi
bibigay ba ng
karagdagang 10 0
puntos ang inyong
interesado
mga guro, sasali
ba kayo ng
isports?

Interpretasyon

Interesado - kung mas mataas ang sumang ayon


Di- Interesado - kung mas mataas ang di sumang ayon

KABANATA V
PAGLALAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Telbang National High School,


Alaminos City, Pangasinan, kung saan ang mga una at pangunahing mga mag-aaral
sa bawat baitang ang aming mga respondent. Ginamit namin ang isang metodo ng
checklist-questionnaire upang kolektahin ang kinakailangang impormasyon at
datos. Ang mga nakalap na datos ay magiging batayan para sa isang epektibong at
maaasahan konklusyon na ginagamit upang maunawaan ang mga tiyak na
kadahilanan at mahanap ang mga potensyal na solusyon. Ang pag-aaral na ito ay
umiikot sa mga kadahilanan o dahilan kung bakit nag-atubiling sumali sa mga
palakasan ang mga estudyante sa Telbang National High School. Layunin nitong
alamin ang mga negatibong at positibong epekto na nagresulta mula sa kanilang
mga desisyon.

Naglalayon itong malaman ang angkop na mga sagot sa sumusunod na


mga tanong: Bakit nag-atubiling sumali sa mga palakasan ang mga estudyante?
Ano ang mga kadahilanan na nakakaapekto sa kanilang mga desisyon? Ano ang
mga potensyal na solusyon na maaaring magbigay ng mga guro upang
makahikayat ng mga estudyante na sumali sa mga palakasan? Mayroon bang mga
benepisyo sa pagsali sa mga palakasan? Sa pamamagitan ng mga problema na
binanggit, maibibigay natin ang mga bagong solusyon at oportunidad sa mga
estudyanteng nag-aatubili na sumali.

KONKLUSYON

Batay sa mga natuklasan na inilahad sa pag-analisa at interpretasyon ng


mga nakalap na datos, maraming konklusyon ang maaaring maipahayag tungkol sa
limitadong partisipasyon ng mga estudyante sa mga aktibidad sa isports sa TNHS
(Telbang National High School). Nilikha ang kabanatang ito upang magbigay ng
mga paliwanag at pag-unawa sa kung bakit hindi gaanong popular ang paglahok sa
isports ng ilang estudyante. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga dahilan at
pagsusuri sa mga ito, maaaring makahanap ng mga solusyon at paraan ang mga
guro, magulang, at iba pang mga stakeholders upang palawakin ang partisipasyon
ng mga estudyante. Natuklasan na may iba't ibang mga dahilan na nagdudulot ng
limitadong partisipasyon sa mga aktibidad sa isports sa mga estudyante. Ang
pangunahing natuklasan para sa limitadong partisipasyon sa mga aktibidad sa
isports ay ang kakulangan ng interes sa mga estudyante.

Napatunayan ito sa mga sagot kung saan ipinahayag ng isang malaking


bilang ng mga estudyante ang kawalan ng interes o kawalan ng sigla sa mga pisikal
na aktibidad. Isa pang salik na nagpapabawas sa partisipasyon sa mga aktibidad sa
isports ay ang kahihiyan o panghihinayang sa sarili. Ipinahayag ng ilang mga
estudyante na nahihiya o nagdadalawang-isip na sumali sa mga pisikal na
aktibidad, marahil dahil sa takot na mausisa o malapitan ng mga kasamahan. Isa
pang salik ay ang masidhing pagtuon sa mga akademikong gawain bilang dahilan
para hindi sumali sa mga aktibidad sa isports. Nauuna nilang itinuturing ang
kanilang pag-aaral at inilaan ang karamihan ng kanilang oras at enerhiya sa mga
akademikong layunin, na nag-iwan ng kaunting espasyo para sa pagsasangkot sa
isports. Mayroon din kakulangan sa mga napiling uri ng isports, nang tanungin
tungkol sa mga isports na nais nilang salihan, nagpakita ng iba't ibang mga nais
ang mga estudyante.

Gayunpaman, tila limitado ang mga magagamit na napiling uri ng


isports, yamang ilang isports lamang ang may kaunting interes mula sa mga
estudyante. Ang kakulangan sa mga napiling uri ng isports na ito ay maaaring
magdulot pa ng limitadong partisipasyon. Sa mga estudyanteng ipinahayag ang
interes sa mga isports, iba't ibang mga motibasyon ang nagtulak sa kanila na
sumali. Kasama sa mga motibasyong ito ang pagnanais na kumita ng mga
gantimpala o pagkilala, ang pagkakataon para sa pagpapabuti ng sarili sa
pamamag.

1. Madaming mga estudyante ang nag nanais na sumali sa mga pisikal na aktibidad
ng kanilang paaralan. Ngunit sa madaming kadahilanan, ang kagustuhan nilang
yun ay naisasantabi. Isa na dyan ang Pagka takot na bumagsak, binabaon na
lamang nila ang kanilang interes sa limot at naka fokus na sa kanilang pag aaral.
Dahil dito, natatakot na ang mga estudyante na sumubok sa sumali.
- Jezabel Alcera
2. Dahil na din siguro sa di alam walang sapat na kaalaman ang mga estudyante sa
mga patakaran sa Isports. Isinasamtabi ang kagustuhan na maka kamit ng mga
gantimpala at mga pagkilala dahil sa walang sapat na kaalaman sa Isports.
- Jeremy Cabang

3. Isa pa ay sa kakulangan ng suporta na nang gagaling sa mga kaibigan,


magulang, at kapwa mag aaral. Dahil dito nababawasan ng lakas ng loob ang mga
estudyante na sumali sa Isports ng kanilang paaralan.
- Lester Casas

4. Isa ding dahilan ng mga estudyante kung bakit hindi sila sumasali sa isports
dahil sa takot silang bumaba ang kanilang grado na nagiging dahilan naman upang
panghinaan silang lalo na sumali o makilahok sa mga pisikalang aktibidad ng
kanilang paaralan.
- Trisha Aqui

5. Isang karagdagang dahilan kung bakit limitado ang mga mag-aaral na sumasali
sa mga palakasan ay ang kanilang pagbibigay-prioridad sa kanilang pag-aaral at
mga akademikong layunin. Dahil mahirap itong balansehin sa pagitan ng pag-aaral
at palakasan, mas pinaglalaanan nila ang karamihan ng kanilang oras at enerhiya sa
mga akademiko.
- Muntaha Alam

6. Kawalan ng Interest pagdating sa pagsali. Karamihan din sa mga. estudyante ang


walang interes sa Isports. Dahil na din sa tutok sa pag aaral o sa ibang bagay.
Ngunit karamihan ay walang interes.
- Drann Alamar

7. Isa ding dahilan ng mga estudyante kung bakit di sumasali sa Isports ay dahil sa
takot silang matalo at makutya ng kapwa estudyante o manlalaro.
- Mariel Balbin

8. Pag aaral ang nasa Isip; Sa ilang mga paaralan, ang kahalagahan ng pag-aaral ay
binibigyang-diin nang higit kaysa sa pagsali sa isports. Ito ay maaaring maging
dahilan kung bakit ilang estudyante ay hindi aktibo sa pagsali sa mga isports na
gawain. Ang kanilang pangunahing prayoridad ay ang magtagumpay sa larangan
ng pag-aaral at pagkuha ng mataas na marka.
- Jorelyn Bumacod

9. Isa din sa kadahilanan ay ang ayaw nilang bumaba ang kanilang mga marka sa
ibat ibang sabjek kayat ang kanilang interes ay nababalewala na lamang.
- Calvin Cabatic

10. Para sa mga guro, ang mga markang extracurricular ay idinagdag sa mga
huling marka, upang palakasin ang loob ng mga mag-aaral na kasali sa mga
palakasan.
- Daniel Alam

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK:
Nagsagawa kami ng pangangalap ng impormasyon sa internet upang
makahanap ng karagdagang impormasyon ukol sa napiling paksa.

Talaan ng Sanggunian:
Perez, C. D. (n.d.). Ang Pakikilahok Sa Isports Ng Mga Mag Aaral Ng SFHS Sa
Ika-Siyam Na Baitang Nina. (DOC) Ang Pakikilahok sa Isports ng mga Mag Aaral
ng SFHS sa Ika-Siyam na Baitang nina | Christian Dave Perez - Academia.edu.
Retrieved June 16, 2023, from
https://www.academia.edu/36128602/Ang_Pakikilahok_sa_Isports_ng_mga_Mag_
Aaral_ng_SFHS_sa_Ika_Siyam_na_Baitang_nina

Gallego, S. (2019, December 3). Ang Dakilang Kahalagahan Ng Paglalaro Ng


Palakasan Para Sa Mga Bata. Madres Hoy. Retrieved June 16, 2023, from
https://madreshoy.com/tl/ano-ang-kahalagahan-ng-isport-para-sa-mga-bata/

A. (2016, November 17). ISPORT. ISPORT | acelmos. Retrieved June 16, 2023,
from https://acelmos.wordpress.com/2016/11/17/ibat-ibang-klase-ng-isports/

Gallego, S. (2019, December 3). Ang Dakilang Kahalagahan Ng Paglalaro Ng


Palakasan Para Sa Mga Bata. Madres Hoy. Retrieved June 16, 2023, from
https://madreshoy.com/tl/ano-ang-kahalagahan-ng-isport-para-sa-mga-bata/

Portillo, G. (2019, September 23). Lahat Ng Kailangan Mong Malaman Tungkol


Sa Mga Pakinabang Ng Isport. Hombres con Estilo. Retrieved June 16, 2023, from
https://hombresconestilo.com/tl/mga-pakinabang-ng-isport-2/ Álvarez, C. (n.d.).
Paano Ang Mga Gawi Sa Palakasan Sa Mga Kabataan at Mga Bata? Lifestyle.
Retrieved June 16, 2023, from https://lifestyle.fit/tl/balita/urban-sport/pag-aaral-
ang-mga-kabataan-ay-nagsasagawa-ng-mga-kasarian-sa-isports/

See, E. (2015, September 5). Isports; Ano Ang Mga Mabubuting Naidudulot?
Isports; Ano ang mga Mabubuting Naidudulot? – Me and Only Me. Retrieved June
16, 2023, from https://seeellaine.wordpress.com/2015/09/05/isports-ano-ang-mga-
mabuting-naidudulot/

Jimenez, A. (2014, May 22). Bakit Mahalaga Ang Isport Sa Murang Edad? Bezzia.
Retrieved June 16, 2023, from https://www.bezzia.com/tl/kahalagahan-ng-isport-
sa-pagkabata/

All Rights Reserved

You might also like