Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GNED 12: Dalumat ng/sa Filipino

Activity Sheet

PANUTO: Basahin ang mga ibinigay na maikling kwento. Tukuyin kung anong teoryang
pampanitikan ang naiaplay sa bawat maikling kwento. Magtala ng mga linya o
pangungusap mula sa kwento na nagpapatunay kung bakit ito ang teoryang dapat na
iaplay. Maaaring higit sa isa ang teorya sa isang panitikan.
“TATA SELO ni Rogelio Sikat”
TEORYANG PAMPANITIKAN: Teoryang Realismo
Bakit ito ang teoryang naiaplay?
Sapagka’t pinakita kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento, ang akda rin ay nagiging salamin
sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at
suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan
ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga
mambabasa na magpuksa sa mga katulad na suliranin. Sa kwentong TATA SELO ay
masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan, ang pang-aapi sa mga mahihirap at
pagturing dito na mababang uri.

Mga patunay:
Nagsimula ang lahat ng ito ng paalisin si Tata Selo sa lupang kanyang sinasaka. Dahil sa
kahirapan sa buhay ng magkasakit ang asawa ni Tata Selo ay naisanla niya ang kanilang
lupang sinasaka kay Kabesa Tano upang mayroon silang pampagamot. Ngunit kalaunan ay
ninais ni Kabesa Tano na paalisin na sina Tata Selo sa lupang sinasasaka nila. At pinalo nya ito
ng tungkod dahil tumatangi siya dito. Doon tinaga ni Tata Selo si Kabesa Tano at ito’y namatay.
Ipinakita din dito ang pagpapahirap ng hepe at alkalde kay Tata Selo na nilagay na nila ang
batas sa kanilang mga kamay na sa totoong lipunan ay nagyayari din namn.
TEORYANG PAMPANITIKAN: Teoryang Moralistiko

Bakit ito ang teoryang naiaplay?


Sa aking palagay Moralistiko ang isa din sa teoryang nailapat dito sapagka’t tinapakan ang
moral ni Tata Selo bilang isang masipag na magsasaka, Nakiusap ito na wag siyang paalisin sa
lupang sinasaka ngunit imbis na kausapin ng maayos si Tata Selo ito’y sinaktan at pinalo. Kaya
nasagad ang pasensya ni Tata Selo at kinitil nya ang buhay ni Kabesang Tano kahit alam nya
na ito’y mali ngunit sa kanyang palagay ito ang nararapat na gawin.

Mga patunay:
Bakit niya Babawiin ang saka? Tanong ni Tata Selo. “ Dinaya ko ba siya sa partihan ? tinuso ko
na ba siya? Siya ang may ari ng lupa at kasama niya lang ako. Hindi ba’t kaya’t madaming
nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?
“Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.
Dito pinahayag na nasagad ang pasensya ni Tata Selo dahil sa binawi ang kanyang Sakang
lupa kaya nagawa niya ang mga bagay na iyon.

You might also like