Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Koro:

Bayan, muling magtipon


Awitan ang Panginoon
Sa piging sariwain
Pagliligtas Niya sa atin
I
Bayan ating alalahanin
Panahong tayo'y inalipin
Nang ngalan Niya'y ating sambitin
Paanong di tayo lingapin
(Ulitin ang Koro)
II
Bayan, muling magtipon
Awitan ang Panginoon
Sa piging sariwain
Pagliligtas Niya sa atin
(Ulitin ang Koro)
Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan
Kaloob sa lupa ay kapayapaan
Pinupuri Ka't ipinagdarangal
Sinasamba Ka dahil
Sa dakila Mong kaluwalhatian.

Panginoon naming Diyos Hari ng Langit


Amang Makapangyarihan
Panginoong Hesu-Kristo
Bugtong na Anak ng Diyos
Kordero ng Ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
Ng sanlibutan
Ikaw lamang ang Banal
Panginoong Hesu-Kristo
Kasama ng Espiritu
Sa luwalhati ng Ama
Amen, Amen,
Amen, Amen!
Unang Alay
Koro:
Kunin at tanggapin ang alay na ito.
Mga biyayang nagmula sa pagpapala mo
Tanda ng bawat pusong, ‘pagkat inibig mo,
Ngayo’y nananalig, magmamahal sa ‘yo.
I
Tinapay na nagmula sa butil ng trigo,
Pagkaing nagbibigay ng buhay mo.
At alak na nagmula sa isang tangkay ng ubas.
Inuming nagbibigay-lakas.
(Ulitin ang Koro)
II
Lahat ng mga lungkot, ligaya’t pagsubok,
Lahat ng lakas at kahinaan ko.
Inaalay ko’ng lahat buong pagkatao.
Ito ay isusunod sa’yo.
(Ulitin ang Koro)
Santo, Santo, Santo
Diyos makapangyarihan, Puspos
ng Luwalhati ang Langit at Lupa

Hosana, Hosana,
sa kaitaasan, pinagpala ang
narito sa ngalan ng Panginoon,
Hosana, Hosana sa kaitaasan..

Hosana, Hosana sa kaitaasan..


Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga
kasala-nan ng sanlibutan
Maawa ka sa amin

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga


kasala-nan ng sanlibutan
Maawa ka sa amin

Agnus Dei qui tollis


peccata mundi
Dona nobis pa-cem
Dona nobis pacem
Dona nobis pa--cem
O, Diyos, Ikaw ang laging hanap
Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng 'Yong pag-aaruga

Kita'y pagmamasdan sa dakong banal


Nang Makita ko ang 'Yong pagkarangal
Dadalangin akong nakataas aking kamay
Magagalak na aawit ng papuring iaalay
Koro
Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay
Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
Umaawit akong buong galak

Aking kaluluwa'y kumakapit sa 'Yo


Kaligtasa'y tiyak kung hawak Mo ako
Magdiriwang ang hari
Ang Diyos siyang dahilan
Ang sa iyo ay nangako
Galak yaong makakamtan

Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay


Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
Umaawit, umaawit, umaawit akong
Buong galak
Pananagutan

I
Walang sinuman ang nabubuhay
Para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay
Para sa sarili lamang

Koro:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling nya

II
Sa ating pag mamahalan at panglilingkod
Sa kanino man
Tayo ay nagdadala ng balita na kaligtasan

Koro
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling nya

You might also like