Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

“ANG KABATAAN AT EDUKASYON NI RIZAL”

GROUP 7
CBEA 01 402A

Members:
ANGOYA, Joyzhel
DETERA, Lance Kian
VALDEZCO, Glen Nazrel L.

VALDEZCO

Ang Kabataan Ni Rizal

Introduction

• June 19, 1861 - petsa ng kapanganakan


• Calamba, Laguna - lugar ng kapanganakan
• June 22, 1861 - petsa ng pagkakabinyag
• Nickname - Pepe, Pepito, Joselito
• Padre Rufino Collantes - nagbinyag kay JPR
• Padre Pedro Casañas - ninong ni Pepe
• Mariano Herbosa - pamangkin ni Fr. Casañas at maging asawa ng kanyang Ate Lucia
(bayaw ni Pepe)
• Lt. Gen. Jose Lemery - ang gobernador heneral ng Pilipinas nang ipinanganak si JPR

Kahulugan ng Kanyang Pangalan

• Jose - mula kay San Jose (St. Joseph)


• Protacio - mula kay Gervacio Protacio na galing sa Calendario de
Iglesia Catolica
• Mercado - pangalan na ginamit ni Domingo Lamco (ninuno ng erpats ni Rizal) noong 1731
mula sa mercado (tindahan).
• Rizal - mula sa salitang Castila na 'Ricial' na ang ibig sabihin ay bukirin ng trigo na may
umusbong.
• Alonzo- lumang apelyido ng kanyang nanay
• Y - at
• Realonda - mula sa apelyido ng ninang ni Donya Teodora
Key notes:

● June 19, 1861. Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay isinilang sa
Calamba, Laguna. Sa pagitan ng alas onse at alas dose ng gabi
● At kahit na ikapito na si rizal sa kanilang magkakapatid ay nahirapan pa rin ang
kanyang ina sa panganganak dahil kahit na sobrang liit ng sanggol ay napakalaki
naman ng kaniyang ulo.
● Ayon sa talaarawan ni Rizal na pinamagatang Memorias de un Estudiante de
Manila or pagtinranslate in filipino (Mga Alaala ng Isang Mag-aaral sa Maynila),
ginamit niya ang ngalang P. Jacinto bilang isang pen name, sinulat ni rizal dito na
muntik nang ikamatay ng kaniyang ina ang panganganak nito sa kaniya at ang
tanging nagligtas sa kanyang ina ay dahil daw sa pamamanata nito sa Birhen ng
Antipolo.
● Ang pamilya Rizal ay may kayang pamilya, sila ay mga negosyante, at magsasaka
na nangungupahan sa lupa ng mga prayleng domenikano.
● Makikita ang katayuan ng kanilang buhay sa itsura pa lamang ng kanilang bahay na
bato at sa lokasyon nito na katabi ng plaza at simbahan.
● Mayroon din silang pribadong aklatan na may mahigit na 1,000 aklat at karuwahe na
sumisimbolo ng yaman nung panahon ng kastila.
● June 22, 1861, tatlong araw ang makalipas nang siya ay pinanganak. Bininyagan si
Rizal sa simbahang Katoliko ng kura paroko na si Padre Rufino Collantes sa
kanilang bayan sa calamba. Ang kanyang naging ninong sa binyag ay si Padre
Pedro Casañas na taga-Calamba.
● at ang sinabi mismo ni Padre Rufino Collantes sa ina ni rizal habang binibinyagan
niya si pepe ay “alagaan mong mabuti ang batang ito at siyang magiging malaking
tao.” Kaya ayun naman ang ginawa ng kaniyang ina.

Ang Edukasyon Ni Rizal

IMPORMAL NA EDUKASYON
● Unang guro ni Rizal ang kanyang ina na si Dona Teodora Alonzo
● Itinuro sa kanya ng kanyang ina ang:
○ pagdadasal
○ kantang pang simbahan,
○ mga gawi at gawain sa bahay,
○ Alpabeto,
○ pangalan at iba’t ibang katangian ng mga puno’t halaman na matatagpuan sa
kanilang bahay.

● Mga naging guro ni Rizal bago pumasok ng pormal na paaralan:


○ Maestro Celestino
○ Maestro Lucas Pandua
○ Maestro Leon Monroy
Key notes:

● Ang kaniyang naging unang guro ay ang kanyang ina na si Doña Teodora Alonso
Realonda o kilala rin sa tawag na donya lolay.
● Si Doña lolay ay natatangi kumpara sa ibang kababaihan noong araw kasi
nakapagaral siya sa Kolehiyo ng Santa Rosa, isang kilalang paaralan para sa
kababaihan noong panahon ng kastila.
● Madedescribe natin yung ina ni rizal bilang isang Mahinhin, may matatag na
kalooban, mahusay sa Matematika at Panitikan. Kaya naman naituro niya kay rizal
ang pagmamahal sa karunungan.

● Sa edad na taltlong taon ay tinuruan na niya si pepe sa pagbabasa ng alpabeto. Sa


edad ding ito, nakakasama na si Jose sa pagdarasal ng pamilya.

● Sa edad na lima, nagsimulang bumasa si Jose ng Bibliya na nakasulat sa wikang


Kastila.
● Sama-samang manalangin ang pamilya ni Rizal sa orasyon kapag takipsilim, sa
pagrorosaryo bago matulog, at gayon din sa pagsisimba.
● Pagkatapos ng rosaryo, malakas mantrip yung yaya ni rizal kasi bigla na lang siyang
tinatakot tungkol sa aswang at nagkukuwento rin ito tungkol sa mga engkantada, at
iba pang kababalaghan.
● Ito ang nagpukaw sa interes ni Jose sa mga alamat at kuwentong-bayan.
● Sa dami ng mga ikinwento ng kanyang ina ay ang kwento ng “batang gamugamo”
ang pumukaw sa atensyon niya. Ang summary ng kwento na to ay “Pinagbabawalan
ng inang gamugamo ang kanyang anak na lumapit sa ilawan upang di mapahamak.
Pero matigas ang ulo ng batang gamugamo at lumapit pa rin siya sa ilawan
hanggang sa hindi sinasadya ay nadikit siya apoy at namatay.
● Kaya ang sinabi ni Doña Teodora kay pepe na wag niyang tutularan ang batang
gamugamo para hindi siya mapahamak.
● Pero etong si pepe kabaliktaran yung nasa isip niya, mas hinangaan niya pa yung
batang gamugamo dahil sa lakas ng loob nitong lapitan ang liwanag kahit pa
ikakapahamak niya.

● Noong kabataan ni jose ay masasabi natin na siya ay maliit at sakitin.


● Dahil dito, hindi siya nakikipag-laro sa mga ibang bata sa labas ng kanilang bahay.
● So ang ginawa ng kanyang ama ay ginawan siya ng maliit na bahay-kubo para may
mapaglalaruan siya.
● Ang magkakapatid na Rizal ay magkakalapit sa isa’t isa.
● Sa mga kapatid na babae ni Jose, si Concha (Concepcion) ang pinakaclose niya
nung bata pa siya, at eto rin yung madalas niyang kalaro.
● Pero may masamang nangyari dito sa pinakapaboritong kapatid ni rizal, kasi sa edad
na tatlo si concha ay nagkasakit at namatay.
● So dahil nawalan ng matalik na kapatid at kalaro si pepe, sobrang nalungkot siya at
ito rin yung una niyang pagdadalamhati.

● Sa edad na lima, naipakita rin ni Rizal ang kanyang talino sa sining.


● gumuguhit na siya sa pamamagitan ng lapis
● at humuhubog ng magagandang bagay gamit ang luwad o wax.

● Sa edad na anim, laging binibiro si jose ng mga kapatid niya kasi mas mahaba pa
raw ang nilalaan nitong oras sa eskultura kesa sa paglalaro.
● Pero ang sinabi niya sa mga kapatid niya: “Sige, pagtawanan ninyo ako nang
pagtawanan ngayon! Balang araw, kapag patay na ako, ang taumbayan pa ang
gagawa ng mga monumento para sa akin.”
● Isa sa mga tinitingala at ginagalang ni Rizal sa Calamba noong siya’y bata pa ay si
Padre Leoncio Lopez,
● Siya ang kura ng kanilang bayan.
● Dahil din sakanya kaya natutunan ni rizal kung paano ang pagpapahalaga sa
karapatan ng ibang tao.

● Si Jose ay mayroong tatlong tiyuhin na nakaimpluwensya sa paghubog ng kanyang


katauhan.
● Una ay si Tiyo Jose Alberto, siya ay nag-aral ng labing-isang taon sa isang
paaralang Ingles sa Calcutta, India at nakapaglakbay sa Europa.
● Siya rin ang nanghikayat kay rizal sa pag-ukit sa pamamagitan ng putik.
● Pangalawa ay si Tiyo Manuel, na isang mabulas na tao, siya naman ang nagturo
kay rizal ng mga laro gaya ng paglangoy, pagbubuno, pangangabayo at pisikal na
ehersisyo.
● Pangatlo naman ay si Tiyo Gregorio, na palabasa, siya ang nagpatingkad sa interes
ni rizal sa pagbabasa.

● Dahil sa mga impluwensya ng mga taong ito. Sa edad na walo, nalikha ni Jose ang
kanyang unang tulang pinamagatang “Sa Aking Mga Kabata.”
● Sa gayon ding edad nasulat niya ang kanyang unang dula na isang komedyang
Tagalog.
● Itinanghal ito sa pista sa Calamba at nagustuhan ng mga tao.
● Napanood ito ng isang gobernadorcillo mula sa Paete, Laguna at humanga siya sa
sulat ni rizal.
● kaya ang ginawa niya ay binili niya yung manuscript ng dula sa halagang dalawang
piso.

● Habang lumalaki si Jose, kumuha ng pribadong guro ang kanyang mga magulang.
● Unang kinuha ay si Maestro Celestino,
● sinundan ito ni Maestro Lucas Padua.
● at ang sumunod naman ay, si Maestro Leon Monroy,
● Si Maestro Leon Monroy, ay dating kaklase ng kanyang ama. Nanirahan ito sa
bahay nila rizal ngunit pagkalipas ng limang buwan, binawian ito ng buhay.
● At dahil nga namatay ang guro ni rizal, nagpasiya ang mga magulang niya na ipadala
siya sa paaralan sa Biñan para mas makapagfocus siya sa pagaaral.
DETERA

PORMAL NA EDUKASYON
● Hunyo 1869 sa isang Pribadong Eskwelahan sa Binan, Laguna
○ Naging guro niya dito si Justiniano Aquino Cruz
○ Laging napapaaway si Rizal kung saan ginagamit niya ang tinuro ng kanyang
Tio Manuel.
○ Siya ay pinagseselosan ng kanyang mga kamag-aral dahil sa kanyang galing
pang-akademiko.
○ Disyembre 17 1870 - nang umalis si Rizal dahil sa liham galing kay Saturnina
na umuwi na siya ng Calamba. Kasama niya si Arturo Camps sa pag-uwi.
○ Nakulong ang kanyang ina dahil sa sinasabing tangkang paglason sa asawa
ng kanyang kapatid na si Jose Alberto.

● Ateneo Municipal De Manila


○ Escuela Pia noong 1817 ngunit nagbago nang magbalik ang mga hesuita
noong 1859
○ Nakapasa sa San Juan de Letran si Rizal ngunit nagbago ang isip ng
kanyang ama.
○ Dito niya ginamit ang kanyang pangalan na Rizal kaysa sa Mercado dahil sa
paghihinala ng mga awtoridad
○ Hindi agad tinanggap si Rizal dahil sa kanyang liit at pagkahuli sa talaan.
○ Nakapasok lang dahil sa tulong ni G. Manuel Xeres na pamangkin ni Padre
Jose Burgos
○ Hunyo 10, 1872 - nakapasok si Rizal ng Ateneo

MGA KAGANAPAN SA MGA TAON NI RIZAL SA ATENEO:

● 1872-1873, ang unang taon ni Rizal sa Ateneo


○ Naging guro niya dito si Padre Jose Bech S.J.
○ Pumupunta siya sa Dalubhasaan ng Santa Isabel para mag-aral ng Wikang
Kastila
○ Itinira siya kay Titay na may utang sa kanyang mga magulang noon na 300
piso
○ Sumunod na taon ay itinira naman siya sa pangaserahan ni Donya Pepay.
○ Mahusay ang mga natamo ni Rizal na marka
○ Nagbakasyon si Rizal sa Calamba pagkatapos ng unang taon sa Ateneo at
dito niya lihim na binisita ang kanyang ina na kasalukuyan noong
nakabilanggo sa Sta. Cruz.

● 1873-1874, pangalawang taon ni Rizal sa Ateneo


○ Guro pa rin niya si Padre Jose Bech S.J.
○ Mahusay ulit ang mga markang nakuha ni Rizal kaya’t siya’y ginantimpalaan
ng gintong medalya
○ Umuwi siya Marso 1874
○ Habang bakasyon ay ginugol niya ang kanyang sarili sa pagbabasa ng:
■ “Count of Monte Cristo” ni Alexander Dumas
■ “Travels of the Philippines” ni Dr. Feodor jagor
■ “Universal History” ni Cesar Cantu

● 1875-1876, pangatlong taon ni Rizal sa Ateneo


○ Nakilala ni Rizal si Padre Francisco Paula De Sanchez S.J. na kanyang
naging paboritong guro
○ Si Padre Sanchez ang paring naghihikayat kay Rizal na mag-aral at magsulat
ng mga tula kaya’t nagbalik ang sigla ni Rizal sa pag-aaral.
○ Naging panauhin ang Gobernador-Heneral na si Manuel Blanco Valderrama
at nagkaroon ng sayaw panglibang. Isa sa mga sumayaw ay si Soledad na
kapatid ni Rizal. Nang matapos ay tinanong ng Gobernador Heneral kung ano
ang gustong gantimpala ni Soledad, at ang hiniling naman nito ay ang
pagkalaya ng kanilang ina kung saan ito’y ibinigay ng Gobernador Heneral.
○ Ipinasok si Rizal bilang interno dahil napakagulo sa pangaserahan ni Doña
Pepay
○ Umuwi si Rizal na may limang medalya

● 1876-1877, pang-apat at panghuling taon ni Rizal sa Ateneo


○ Mga naging guro ni Rizal:
■ Padre Jose Villaclara - guro sa Pilosopiya at Agham, siya rin ang
nagsabi kay Rizal na tigilan na ang pagsusulat dahil siya’y
“nag-aaksaya lamang ng panahon”.
■ Romualdo De Jesus - guro sa eskultura
■ Peninsula Don Agustin Saez - guro sa pagpinta at paglilok
■ Padre Mineves
○ Mga kasamahang kinabibilangan ni Rizal:
■ Congregation Mariane
■ Akademya ng Panitikang Kastila
■ Katutubong Agham
○ Nakakuha ng pinakamatataas na mga marka at limang medalya
○ Nakatanggap ng Bachiller en Artes, at nakapagtapos sa Ateneo noong Marso
23, 1877
○ Ang nililok niyang mga imahen ng Mahal na Birhen at Sagrado Corazon na
nakalimutang dalhin ni Padre Lleonart ay inilagay sa itaas ng pinto ng
dormitoryo ng Ateneo.

MGA TULANG ISINULAT NI RIZAL HABANG NAG-AARAL SA ATENEO:


1. Maligayang Bati (Felicitation)
2. Ang Pagsakay: Immo sa Hukbo ng mga Pandigmang-Dagat ni Magallanes (El Embarque:
Himno a La Flota de Magallanes).
3. Ang Paghahamok: Si Urbiztondo, ang Kilabot ng Jolo (El Combanta, Urbiztondo, Terror de
Jolo).
4. Ang Unang Makaligid sa Daigdig at Kastilang si El Cano Espanol (El Cano, El Primero en
dar La Vuelta al Mundo).
5. Ang Kasawian ni San Eustaquio.
6. Isang Alalala sa Aking Bayan (Un Recuerdo a Mi Pueblo).
7. Matalik na Pagtutulungan ng Relihiyon at ng Edukasyon.
8. Sa Pamamagitan ng Edukasyon ay Tumanggap ng Liwanag ang Bayan.
9. Ang Kabayanihan ni Columbus.
10. Si Colon at si Juan II (Colon y Juan II).
11. Malaking Kaaliwan sa Gitna ng Malaking Kasawian.
12. Ang Pakikipag-usap ng Pamahalaan sa mga Mag-aaral.

ANGOYA

● Unibersidad ng Santo Tomas (1877 - 1882)


○ Nagpatala si Rizal noong Abril 1877 habang siya 16 taong gulang pa lamang
○ Unang taon ay nag aaral siya ng Pilosopiya
○ 1878-1879, lumipat ng kursong Medisina dahil sa payo ni Padre Pablo
Ramon
○ Personal ding gusto ni Rizal ang Medisina upang magamot ang paningin ng
kayang ina
○ Isinabay din niya ang pag-aaral sa pagiging agrimensor sa Ateneo
○ 17 taong gulang si Rizal nang pumasa sa pagiging agrimesor ngunit hindi
agad nakuha ang titulo dahil siya’y menor de edad
○ Nagkaroon ng paligsahan sa Panitikan ang Liceo Artistico-Literario de Manila:
■ 1879 - Ipinasa ni Rizal ang A La Juventud Filipina at nanalo ng
unang gantimpala
■ 1880 - Ipinasa ni Rizal ang dulang alegorikal na El Consejo de los
Dioses (Ang Sanggunian ng mga Diyos).
○ 1880 - Itinayo ang Companerismo na isang samahan na may layunin
ipagtanggol ang sarili laban sa mga insulto ng mga Espanyol.

MGA IBANG ISINULAT NI RIZAL HABANG NAG-AARAL SA UST:


1. 1879 - Abd-el-Azis y Mahoma, tulang binigkas ni Manuel Fernandez, noong
Disyembre 8 bilang parangal sa Inmaculada Concepcion, patron ng Ateneo
2. 1880 - Junto Al Pasig (Sa Tabi ng Pasig), sarsuwelang itinanghal naman ng mga
mag-aaral ng Ateneo.
3. 1880 - A Filipinas, sonata para sa Samahan ng mga Iskultor
4. 1881 - Al M.R.P. Pablo Ramon, tula na nagpapahalaga sa kabutihan na ipinakita ng
nasabing rektor ng Ateneo.

● Unibersidad Central De Madrid (1882-1885)


○ Mayo 3, 1882 - Naglayag papuntang Espanya
○ Nobyembre 3, 1882 - Nagpatala sa kursong Pilosopiya at Pagsulat at sa
Medisina
○ Hunyo 21, 1884 - Nakuha ni Rizal ang degree of licentiate sa Medisina
○ 1885 - Naipasa ni Rizal ang Degree of Doctor of Medicine ngunit siya’y hindi
nakapagpasa ng thesis at ng mga ibang bayarin kaya’t hindi niya nakuha ang
Diploma.
○ Hunyo 19, 1885 - Nakuha ni Rizal ang degree of licentiate sa Pilosopiya at
Pagsulat
○ Dito niya sinimulang isulat ang Noli Me Tangere

● Paris (1885-1886)
○ Bago umalis ay pansamantalang siyang nanatili kay Maximo Viola na
nag-aaral ng medisina sa Barcelo.
○ Sa Barcelona rin niya nakilala si Eusebio Corominas na patnugot ng La
Publicidad
○ 24 taong gulang si Rizal nang magtungong Paris para mag-aral ng
optalmolohiya.
○ Nobyembre 1885 - Nakarating si Rizal sa Paris.
○ Naglingkod bilang katulong ni Dr. Louis De Weckert ang pangunahing
optalmolohista ng Pransya.

● University of Heidelberg (1886-1887)


○ Pebrero 3, 1886 - Nagtungo si Rizal sa Heidelberg, Germany upang
ipagpatuloy ang pag-aaral sa optalmolohiya.
○ Naglingkod bilang katulong di Dr. Otto Becker, isang kilalang optalmolohista
sa Germany.
○ Abril 22 1886 - Isinulat ni Rizal ang A Las Flores de Heidelberg (To the
Flowers of Heidelberg)
○ August 14, 1886 - Dumadalo si Rizal sa University of Leizpeg para sa mga
panayam tungkol sa historya at pilosopiya.
○ 1887 - Natapos ni Rizal ang kurso sa optalmolohiya sa University of
Heidelberg at inilathala ang Noli Me Tangere sa Berlin

You might also like