Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Colegio de San Gabriel Arcangel

008 San Martin, Fatima 1, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Daang Barrio, Poblacion, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 2019
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 2

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

PINAL NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA PAGBASA AT PAGUSUSRI NG IBA’T IBANG TEKSTO


TUNGO SA PANANALIKSIK

Name: _______________________________________ Score: _____________


Grade and Section: ____________________________ Teacher: ___________________________

I. Ibigay ang mga hinihingi ng mga sumusunod na pahayag.

_________________1 Ayon sa kanya, ang pagbabasa ay isang psycholinguistic guessing game.


Nakapaloob sa gawaing ito ang panghuhula at pagbuo ng eskima.
_________________2. Ayon sa kanya, ang pagbabasa ay ang pangunahing kailangan ng tao
upang marating ang kaniyang mga pangarap o mithiin sa buhay.
_________________3. Ayon sa kanila, ang pagbabasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-
interpreta ng mga impormasyong nakatakda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na
midyum.
_________________4. Ito ay nakapagbabago sa pananaw, paniniwala, damdamin at maging sa
pag-uugali ng isang tao kung maging bukas lamang ang kaniyang isipan sa mensaheng iparating
sa kaniya.
_________________5. Ito ay layunin ng pagbabasa na nagpapalawak ng kaalaman at
nakapagpapatalas sa isipan ng tao.
_________________6. Ito ay layunin ng pagbabasa na nakapag-impluwensiya ng tamang pag-
uugali at kilos tulad ng mga aral sa buhay na nararapat na pamarisan.
_________________7. Ito ay layunin ng pagbabasa na nakapagaalis ng pagkabagot tulad ng
pagbabasa ng komiks, magasin, isports at iba pa.
_________________8. Ito ay layunin ng pagbabasa na nakatutulong sa pagtuklas ng mga
matatayog na mga kaaalaman na maaaring sandata ng tao para guminhawa ang buhay.
_________________9. Dahil sa pagbabasa, naiintindihan ng tao ang nangyari ngayon para sa
paghahanda sa maaari pang mangyari.
_________________10. Ito ay isang interaktibong gawain dahil hindi lamang tumatanggap ng
bagong pilosopiya, konsepto at pananaw ang mambabasa ngunit nagbibigay at naglalahad din siya
ng kanyang kaalaman at saloobin bilang tugon sa kanyang binabasa.

II. Basahin at unawain ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Proseso ng pagbasa na hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo at maging sa


pagbigkas nang wasto sa mga simbolong nababasa.
a.Asimilasyon b. Komprehensyon c. Persepsyon d. Reaksyon
2. Proseso ng pagbasa na isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dat nang kaalaman
o karanasan.
a.Asimilasyon b. Komprehensyon c. Persepsyon d. Reaksyon
3. Proseso ng pagbasa na hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at
pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
a.Asimilasyon b. Komprehensyon c. Persepsyon d. Reaksyon
4. Ang __________ ay mabilisang pagbasa upang makuha and pangkalahatang ideya ng teksto.
a.Skimming b. Scanning c. Study Reading d. Critical Reading
5. Ito ay mabilis na pagbasa ngunit higit na nakapokus sa isang impormasyon. Hindi rin naglalayong
mabasa ang lahat ng detalye kundi pagtutok lamang sa salitang bahagi ng hinahanap na
impormasyon.
a.Skimming b. Scanning c. Study Reading d. Critical Reading
6. Upang masabi na interaktibo ang pagbasa, kinakailangan ang interaksyon sa pagitan ng
_________.
a.Manunulat at Teksto c. Manunulat at Mambabasa
b. Mambabasa at Teksto d. Mambabasa at Tagapakinig
7. Ito ay pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o ideya na kinatawan ng
mga salita o simbolo.
a.Pagbasa b. Pakikinig c. Pagsasalita d. Pagsusulat
8. Ang mga sumusunod ay mga bagay na mapaghahanguan ng tekstong impormatibo maliban sa isa:
a.Aklat b. Encyclopedia c. Internet d. Wattpad
9. Ito ay ay isang uri ng pagpapahayag na nagpapaliwanag ng mahahalagang impormasyon o
kaalaman na may taglay na lohikal na paghahanay ng mga kaisipan para sa lubusang pag-unawa.
a.Argumentatibo b. Deskriptibo c. Impormatibo d. Naratibo
10. Sa layuning ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop,
iba pang nabubuhay at di nabubuhay, gayundin ang pangyayari sa paligid.
a.Pagbibigay-kahulugan b. Pagpapaliwanag c. Pangangatwiran d. Pag-uulat o balita
11. Inilalarawan nito ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao, ideya, paniniwala at iba
pa.
a.Argumentatibo b. Deskriptibo c. Impormatibo d. Persweysib
12. Ito ay malikhaing paggamit ng wika tulad ng mga tayutay upang makabuo ng kongkretong imahe ng
inilalarawan.
a.Detalyadong Paglalarawan c. Kritikong Paglalarawan
b. Karaniwang Paglalarawan d. Masining na Paglalarawan
13. Gumagamit ng payak na anyo ng pananalita o paglalarawan.
a.Detalyadong Paglalarawan c. Kritikong Paglalarawan
b. Karaniwang Paglalarawan d. Masining na Paglalarawan
14. Nanghihikayat batay sa opiniyon ng may-akda at layunin nitong panigan ng mambabasa ang
kaniyang sinasabi.
a.Argumentatibo b. Deskriptibo c. Naratibo d. Persweysib
15. Tekstong nagkukwento ng mga pangyayaring maaring hango sa makatotohanan o hindi
makatotohanang karanasan.
a.Argumentatibo b. Deskriptibo c. Naratibo d. Persweysib
16. Sa tekstong persweysib, ang mga sumusunod ay paraan ng panghihikayat ayon kay Aristotle
maliban sa isa.
a.Ethos b. Locos c. Logos d. Pathos
17. Panghihikayat na nagbibigay-diin sa pagiging rasyonal at lohikal na manunulat o nagsasalita.
a.Ethos b. Locos c. Logos d. Pathos
18. Panghihikayat na ginagamitan ng emosyon o damdamin ng tao upang mapaniwala o maakay sa
isang bagay.
a.Ethos b. Locos c. Logos d. Pathos
19. Ito ay panghihikayat na tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat o ng nagsasalita.
a.Ethos b. Locos c. Logos d. Pathos
20. Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawahang katangiang madaling matukoy o “predictable”.
a.Round o bilog b. Kasama c. Katunggali d. Flat o lapad
21. Ito ang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad.
a.Round o bilog b. Kasama c. Katunggali d. Flat o lapad
22. Tauhan na tumatayong kontrabida na siyang sumasalungat sa pangunahing tauhan.
a.Round o bilog b. Kasama c. Katunggali d. Flat o lapad
23. Elemento ng tekstong naratibo na tumutukoy sa lugar at panahong pinagganapan ng mga
pangyayari.
a.Banghay b. Paksa c. Tagpuan d. Tauhan
24. Isang panauhan ng punto de vista na ang panghalip na ginagamit ay “ako”.
a.Unang Panauhan c. Pangatlong Panauhan
b. Pangalawang Panauhan d. Kombinasyong Pananaw
25. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tekstong argumentatibo maliban sa isa.
a.Editoryal b. Debate c. Posisyong Papel d. Talambuhay

26. Ito ay pagpapahayag ng mga dahilan at ebidensya upang maipagtanggol ang katuwiran ng isang
panig.
a.Argumento b. Katibayan c. Panukala d. Proposisyon
27. Ang argumento ay inilalahad sa pamamagitan ng paglalahad muna ng mga halimbawa o maliliit na
ideyang tumatayong pangsuportang kaisipan, at nagtatapos sa isang pangunahing kaisipan.
a.Pabuod o Induktibo b. Pasaklaw o Deduktibo c. Lohikal d. Ilohikal
28. Ang argumento ay nagsisimula sa paglalahad ng panlahat o pangunahing kaisipan, na
sinusundan ng mga pantulong na kaisipang sumusuporta sa naunang pangungusap.
a.Pabuod o Induktibo b. Pasaklaw o Deduktibo c. Lohikal d. Ilohikal
29. Ito ay naglalayong manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran o pagbibigay-argumento sa
isang paksa.
a.Argumentatibo b. Deskriptibo c. Prosidyural d. Persweysib
30. Ito ay nagbibigay panuto, naglalahad ng proseso kung paano binubuo ang isang bagay, at
nagpapaliwanag ng mga hakbang sa paraang kronolohikal.
a.Argumentatibo b. Deskriptibo c. Prosidyural d. Persweysib
III. Isulat ang mga bahagi ng bawat Kabanata ng Pananaliksik. 25 puntos.

KABANATA I
1.
2.
3.
4.
5.
6.
KABANATA II
7.
8.
9.
10.
KABANATA III
11.
12.
13.
14.
15.
16.
KABANATA V
17.
18.
19.

You might also like