MTB 2 Q1 M1 W1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Unang Linggo

Administrator
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong
tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit
ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na
ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

1
Alamin Natin
Magandang araw! Kumusta ka na? Binabati kita at
natapos mo ang unang antas ng iyong pag-aaral. Ngayon
ay nasa panibagong yugto ka ng iyong buhay bilang mag-
aaral sa pangalawang baitang. Handa ka na bang
magsimula para sa mga bago mong aralin?
Narito ang iyong mga gawain sa Mother Tongue para
sa linggong ito. Sa modyul na ito, ay muli na naman
mahahasa ang iyong angking galing at kakayahan. Dito
mo matututuhan ang pagbabasa ng mga salitang may
maramihang pantig na palagiang binabaybay. Upang higit
na malinang at mapaunlad ang iyong kaalaman sa
pagbabasa at pagsusulat.
Pagkatapos ng aralin ito inaasahan na matututuhan
at maisasagawa mo ang mga sumusunod :

⮚ Nababasa ang mga salitang may maramihang pantig


na palagiang binabaybay. MT2PWR-Ia-b-7.3

Subukin Natin
Handa ka na bang simulan ang bagong aralin? Huwag
kang mag-alala kung hindi mo pa ito alam, tiyak kong sa
mga susunod na pagsubok ay kayang-kaya mo na ito.
Maaari mo nang simulan ang pagsagot.
Basahin at bilugan ang salitang naiiba ang bigkas.
1. A. salamat B. salamat C. salabat D. salamat
2. A. umaga B. umupa C. umaga D. umaga
3. A. hapon B. kahapon C. kahapon D. kahapon
4. A. tanghali B. tanghalan C. tanghali D. tanghali
5. A. paalam B. paalam C. palaka D. paalam
Aralin
Maramihang Pantig
1

Tuklasin Natin
Ngayon ay simulan mo na ang pagtuklas sa bagong
kaalaman. Inaasahan kong ikaw ay nananabik nang
muling matuto. Handa ka na ba?
Panuto: Isulat sa guhit ang nawawalang pantig upang
mabuo ang ngalan ng bawat larawan. Pumili ng pantig sa
loob ng kahon.

1. 2. 3.

is__________ hi__________ ngi__________

4. 5.

ha__________ pa__________
to pon pin da ri

Talakayin Natin

Gamit ang mga larawan sa tuklasin, handa ka na bang


sagutan ang mga tanong sa ibaba?
➢ Sa unang larawan, anong pantig ang idinagdag mo?
_______________________________________________
➢ Anong salita ang nabuo?
_______________________________________________

4
➢ Ano ang ngalan ng pangalawang larawan? Ano-
anong pantig ang pinagsama para mabuo ang salita?
_______________________________________________
➢ Anong pantig ang idinagdag mo sa pangatlong
larawan? Anong salita ang nabuo?
_______________________________________________
➢ Ano ang nasa pang-apat na larawan? Ano-anong
pantig ang pinagsama mo para mabuo ang salita?
_______________________________________________
➢ Anong salita ang nabuo mo sa panglimang larawan?
_______________________________________________
Ngayon ay iyong basahin ang mga salitang nabuo.
is+da = isda hi+pon = hipon
ha+ri = hari pa+to = pato
ngi+pin = ngipin
Habang ikaw ay nagbabasa may napansin ka ba sa
bawat salita? Ano ang ginawa sa mga salita? Tama.
Ang lahat ng mga salita ay hinati-hati sa bawat
pantig. Makakatulong ito para matuto kang bumasa
at mabaybay mo ng tama ang mga salita.

Pagyamanin Natin
Upang higit pang mahasa ang iyong kakayahan sa iyong
aralin, subuking sagutan ang mga gawain. Handa ka na
ba?
Gawain 1
Panuto: Isulat ang pangalan ng bawat larawan sa guhit.

1. 2. 3.

__________ __________ __________

5
4. 5.

__________ __________

Gawain 2
Panuto: Bumuo ng limang salita gamit ang mga pantig na
nasa kahon at isulat sa patlang na makikita.
ma ba Si la ta
ha na rap git ka
li ba kod Sa ba
u ko na Ba Sa

1. _______________
2. _______________
3. _______________

4. _______________
5. _______________

Gawain 3
Panuto: Pag-ugnayin ang mga pantig sa Hanay A at
Hanay B upang makabuo ng mga bagong salita. Isulat sa
patlang ang buong sagot.
Hanay A Hanay B
___________1. ba a. wa
___________2. ta b. kod
___________3. u c. lid
___________4. li d. na
___________5. gi e. ha

Tandaan Natin

Naunawaan mo ba ang iyong aralin ngayon?


Paano binabasa ang mga salitang may maraming pantig?

Ang pagbabasa ng salitang may maramihang


6
pantig ay ayon sa pagbaybay ng pantig. Ang
pagpapantig ng mga salita ay nakakatulong sa
pagbabasa at pagbaybay. Ang bawat salita ay
binabasa ayon sa pabaybay na bigkas nito.

Isabuhay Natin

Bilugan ang salitang may tamang baybay o spelling.


1. pareho pariho parehu
2. bakante balanke bakanti
3. nagsimba nagsemba nasemba
4. naglaru naglaro naglare
5. nagsolat nagsulat nagsulata

Tayahin Natin

Ngayon ay sukatin natin ang iyong natutuhan sa


modyul na ito. Tiyak kong kayang-kaya mo ito. Basahin at
intindihin ang panuto.
Panuto: Piliin at bilugan ang salitang may tamang baybay
upang mabuo ang pangungusap ng bawat bilang.
1. Ang kapatid niya ay masipag __________.
A. maaral B. mag-aral C. magara D. maaral
2. Ang mga prutas ay nasa __________.
A. misa B. mesa C. mese D. mina
3. Maraming halaman sa aming _________
A. harden B. hardin C. hadin D. hardi
4. Pinya ang__________ sa Tagaytay.
A. prodokto B. produkto C. produkto D. prodak
5. Kailangan sa ating katawan ang __________.
A. protas B. protosa C. prutas D. prut

7
Gawin Natin
Bumuo ng mga salitang may dalawang pantig na nasa loob
ng kahon at isulat sa patlang na makikita.
so ka ba La
ku sa ta bu
pa ta ma Ka
no ta la Pu

_______________________________ ________________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________

REPLEKSIYON

Panuto: Iguhit ang masayang mukha o malungkot


na mukha batay sa iyong sagot sa mga tanong.
Mga Tanong: Sagot:
1. Masaya ka bang ginagawa ang
aralin?
2. Nasundan mo ba ng mabuti ang
mga gawain?
3. Mahirap ba ang mga gawain?
4. May natutuhan ka ba sa aralin?
5. Nakakaaliw ba ang mga
inihandang gawain?

Sanggunian
➢ MTB-MLE kagamitan ng mag-aaral p.21,29
➢ FILIPINO kagamitan ng mag-aaral p.88,151, 152,
272,274
➢ MELC 2020

8
Development Team of the Module

Writer: JEAN F. BERNAL

Editors:
Content Evaluators: MONALIZA D. CABALLERO
MYRZELLE YANZE
Language Evaluators: SHEILA MARIE D. ABONIN
DONNABEL F. BALANTAC
Reviewers: DR. JENNIFER G. RAMA

Illustrator: LEILA A. HIPOLITO, DES

Layout Artist: LEILA A. HIPOLITO, DES

Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER G. RAMA, EPS – FILIPINO
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like