MTB 2 Q1 M7 W7

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

MOTHER TONGUE BASED-

MULTILINGUAL EDUCATION

Unang Markahan – Modyul 7

Unang Linggo
Ikapitong Linggo

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

2
Alamin Natin

Sa modyul na ito ay muli na namang mahahasa ang


iyong angking galing at kakayahan sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga gawain na nakapaloob dito.
Matututuhan mo rin dito ang gamit ng bagong salita
mula sa dalawang pinagsamang salita na makakatulong
sa pagpapalalim sa iyong kaalaman sa wika.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na


matututuhan at maisasagawa mo ang mga sumusunod:

⮚ Nagagamit ang tambalang salita sa pangungusap.


MT2VCD-lf-h-3.3

3
Aralin
Tambalang Salita
7
Subukin Natin

Handa ka na bang simulan ang bagong aralin? Tiyak


kong kayang-kaya mo ito basta’t sundan mo lamang
ang mga panuto.

Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang titik ng angkop na


pangalan ng larawan sa bawat bilang.

______1. A. Bahaghari C. Batubalani


B. Bahay-kubo D. Batingaw

______2. A. Kapitbisig C. Kapitbahay


B. Kahilera D. Katapat

______3. A. Hatinggabi C. Takipsilim


B. Bahaghari D. Balikbayan

______4. A. Silid-aralan C. Kapitbahay


B. Batingaw D. Silid-aklatan

______5. A. Kapitbahay C. Bahay-kubo


B. Silid-aralan D. Batingaw

Balikan Natin

Natatandaan mo pa ba ang nakaraang aralin? Bago


tayo magpatuloy ay magbalik-aral muna tayo.

4
Panuto: Tukuyin ang may salungguhit na salita sa
pangungusap kung ito ay tauhan, tagpuan o suliranin.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Si Rey ay nagbakasyon sa Palawan.
A. Tagpuan B. Tauhan C. Suliranin
2. Nawala ang alagang tuta ni Lito.
A. Tagpuan B. Tauhan C. Suliranin
3. Sa hardin nakita sina Nora at Kara.
A. Tagpuan B. tauhan C. Suliranin
4. Masayang naglalaro sina Paula at Bing sa parke.
A. Tagpuan B. Tauhan C. Suliranin
5. Dumarami pa ang tinatamaan ng sakit na Covid-19 sa
buong mundo.
A. Tagpuan B. Tauhan C. Suliranin

Tuklasin Natin
Inaasahang ikaw ay nananabik na sa iyong bagong
aralin. Pagmasdan mo ang mga larawan, naiisip mo ba
kung ano ang mga ito?

Talakayin Natin
Ngayon ay ating tuklasin kung ano ang mga
larawang iyong nakita at mamangha sapagkat ito ang
ating pag-aaralan ngayon.
Ang iyong mga nakita ay bahay-kubo, silid-aralan at
bahaghari.
Alam mo ba kung ano ang tawag sa mga ito?
Ang mga salitang ito ay tinatatawag na tambalang
salita.
Ang tambalang salita ay dalawang salita na
5
pinagsama upang makabuo ng panibagong salita.
Ang bahaghari ay pinagsamang salita na bahag at hari
at ang bahaykubo naman ay pinagsamang bahay at
kubo na ang ibig sabihin ay maliit na bahay.
Pagyamanin Natin

Ngayon ay handa ka nang sagutan ang mga


inihanda kong gawain. Alam kong kayang-kaya mo ito!
Gawain 1
Panuto: Bilugan ang tambalang salita na makikita sa
bawat pangungusap.
1. Masayang nag-aaral ang mga bata sa kanilang silid-
aralan.
2. Aray ko po! Ang hapdi ng aking bungang-araw.
3. May kaibigan akong balat-sibuyas.
4. Nakapagtapos kami ng pag-aaral dahil kayod
kalabaw ang aking ama.
5. Naku! takip-silim na kailangan ko ng umuwi.
Gawain 2
Panuto: Bumuo ng mga tambalang salita gamit ang mga
salitang makikita sa loob ng kahon at gamitin ito sa
pangungusap.
kayod takip kapit
bahay balat silim
hari sibuyas bahag kalabaw
1. ______________________________________________________
2. ______________________________________________________
3. ______________________________________________________
4. ______________________________________________________
5. ______________________________________________________

6
Tandaan Natin

Alamin naman natin ngayon kung ano ang iyong


natutuhan sa araling ito.
Lagi nating isaisip na ang tambalang salita ay
dalawang magka-ibang salita na pinag-isa upang
makabuo ng panibagong salita at kahulugan.

Isabuhay Natin

Ihanda ang iyong sarili at simulang sagutan ang mga


gawain. Handa ka na ba?
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng tambalang
salita sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
Hanay A Hanay B
___1. balik – bayan A. papalubog na ang araw
___2. bahay – kubo B. taong galing sa ibang bansa
___3. kapit – tuko C. taong kalapit ang bahay
___4. takip – silim D. bahay na yari sa kubo
___5. kapit – bahay E. mahigpit ang pagkakakapit

Tayahin Natin

Panuto: Sipiin sa kahon at isulat sa patlang ang wastong


sagot upang mabuo ang tambalang salita sa bawat
pangungusap.
pawis tabing basang taas
urong kahoy hanap yaman
kapit bahay kisap
1. Matatayog ang mga punong__________ sa kagubatan.

7
2. Si Dora ang napiling ingat-__________ ng aming
barangay.
3. Ang pamilya nila Lito ang aming __________bahay.
4. Sumulong sa malakas na ulan si Jude kung kaya’t siya
ay tila __________-sisiw.
5. Pagsasaka ang __________buhay ni Mang Carding.

Gawin Natin

Panuto: Pumili ng limang tambalang salita sa ibaba at


gumupit ng mga larawan nito. Idikit ito sa bond paper o
malinis na papel.
a) anak – araw e) anak - pawis
b) takip – silim f) basang - sisiw
c) hating – gabi g) matang - lawin
d) kapit – bahay h) mata – pobre
Repleksiyon

PULSO NG MAG-AARAL

Madali Katamtaman Mahirap

Panuto: Sa loob ng ulap, iguhit ang iyong saloobin o


naramdaman habang isinasagawa ang mga pagsusulit.

Sanggunian
Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue- Based Multi-
lingual Education: Rex Book Store Inc.

8
Development Team of the Module

Writer: MICHAEL M. ALCANTARA

Editors:

Content Evaluators: MONALIZA D. CABALLERO

MYRZELLE YANZE

Language Evaluators: SHEILA MARIE D. ABONIN

DONNABEL F. BALANTAC

Reviewers: DR. JENNIFER G. RAMA

Illustrator: MICHAEL M. ALCANTARA

Layout Artist: LEILA A. HIPOLITO, DES

Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER G. RAMA, EPS – FILIPINO
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like