Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

MOTHER TONGUE BASED-

MULTILINGUAL EDUCATION

Unang Markahan – Modyul 5

Ikalimang
Unang Linggo
Linggo

Magandang araw! Kumusta ka na? Binabati kita at


natapos mo ang unang antas ng iyong pag-aaral.

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

2
Alamin Natin

Ngayon ay nasa panibagong yugto ka ng iyong


buhay bilang mag-aaral sa pangalawang baitang.
Handa ka na bang magsimula para sa mga bago mong
aralin?
Narito ang iyong mga gawain sa Filipino para sa
linggong ito. Handa ka na bang matuto at tuklasin ang
panibagong kaalaman na matututuhan mo?
Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang
maisasagawa ang layuning ito:

⮚ Nakikilala ang bahagi ng pangungusap (Simuno at


Panaguri).
MT2GA-le-f-2.5

Aralin
Simuno at Panaguri
5

Subukin Natin

Ihanda na ang iyong lapis para sa paunang gawain.


Alam kong makakaya mo ito.
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Piliin at bilugan
ang titik ng tamang sagot.
1. Si Marty ay masayang naglalaro sa loob ng kanilang
tahanan. Ano ang simuno sa pangungusap?
A. masayang C. naglalaro
B. tahanan D. Marty

3
2. Ang mga doktor at nars ay bayaning maituturing dahil
sa kanilang serbisyo sa pakikipaglaban sa pandemyang
dulot ng COVID-19. Ano ang simuno sa pangungusap?
A. COVID-19 C. pakikipaglaban
B. pandemya D. mga doktor at nars
3. Ang nanay ay masayang nagluluto ng sinigang. Anong
bahagi ng pangungusap ang may salungguhit?
A. Parirala C. Simuno
B. Pangungusap D. Panaguri
4. Si Moymoy ay mabilis maglaro ng suduko. Ano ang
panaguri sa pangungusap?
A. Si Moymoy
B. ay mabilis
C. maglaro ng suduko
D. ay mabilis maglaro ng suduko
5. Nagluto ng masarap na keyk ang ate. Ano ang simuno
sa pangungusap?
A. ate C. nagluto
B. keyk D. masarap

Balikan Natin

Nasisiyahan ka ba sa iyong ginagawa? Ipagpatuloy


ang iyong pagkatuto. Ngayon naman ay ating
malalaman kung ang nakaraang aralin ay iyong
naunawaan.
Panuto: Isulat ang PR kung ang pahayag ay Parirala at P
kung Pangungusap sa patlang ng bawat bilang.
__________1. sa kalsada
__________2. Ang mayor ay isa sa lingkod bayan.
__________3. Ang mga konsehal ng bayan ay naglibot sa
buong barangay upang mamahagi ng ayuda.
__________4. mataas ang lipad

4
__________5. Malawak ang sakahan ni Mang Pilo.

Tuklasin Natin
Pagmasdan ang mga larawan at subukang
gumawa ng mga pangungusap tungkol dito. Alam kong
kaya mo itong gawin.

Talakayin Natin
Talagang mahusay ka na sa paggawa ng
pangungusap. Tunay na may pagkatuto sa iyo. Ating
pag-aralan ang mga pangungusap na nabuo.
Basahin ang mga pangungusap na nabuo.
1. Lumilipad ang paru-paro.
2. Mabilis ang takbo ng bisikleta.
3. Ang aming pusa ay malambing.
4. Ang doktor ang gumagamot sa mga maysakit.
5. Naghuhugas ng kamay si Elsa.
Ngayon ay ating sagutan ang mga sumusunod
na tanong mula sa pangungusap na nabuo.
Sa unang bilang ano ang pinag-uusapan sa
pangungusap? Anong impormasyon ang tungkol sa
paru-paro?
Sa pangalawang bilang ano ang pinag-uusapan
sa pangungusap? Anong impormasyon tungkol sa
bisikleta?
Sa pangatlong bilang sino ang pinag-uusapan sa
pangungusap? Ano ang impormasyon tungkol sa
pusa?
Sa pang-apat na bilang sino ang pinag-uusapan
sa pangungusap? Ano ang impormasyon tungkol sa
5
doktor?
At sa panghuling bilang sino ang pinag-uusapan
sa pangungusap? Ano ang impormasyon tungkol kay
Elsa?
Nakapahusay mo sa pagsagot ng mga tanong.
Alam mo ba na ang mga salitang paru-paro, bisikleta,
pusa, doktor at Elsa ay tinatawag na simuno.
Ang simuno ay bahagi ng pangungusap na pinag-
uusapan o paksa sa pangungusap. Ito din ay maaring
sumagot sa tanong na sino at ano.
Samantala, ang mga salitang lumilipad, mabilis ang
takbo, malambing, ay gumagamot sa maysakit at
naghuhugas ng kamay ay tinatawag na mga
panaguri.
Ang panaguri ay bahagi ng pangungusap na
nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pinag-
uusapan o sa simuno.

Pagyamanin Natin

Lubos ang aking kasiyahan dahil madali mong


naunawaan ang ating aralin. Ngayon ay subukan mong
sagutan ang mga gawain na aking inihanda.
Gawain 1
Panuto: Kilalanin ang mga larawan at isulat ang tamang
sagot sa patlang upang mabuo ang mga pangungusap.

1. Mahimbing ang tulog ng __________.

2. Ang ________ ay regalo sa akin noong pasko.

3. Mabilis ang takbo ng mga ______ sa kalsada.

6
4. Ang _______ ay masayang nagtatanim sa
kanilang bakuran.

5. Ang mga __________ ay tagapagtanggol


laban sa mga nais sumakop sa ating bansa.

Gawain 2
Panuto: Suriin ang mga larawan at isulat sa patlang ang
kilos na ipinapahiwatig nito.

1. Ang payaso ay _______________________.

2. ______________ ang mga magkakaibigan.

3. Si Mario ay ___________________________.

4. Ang bata ay _________________________.

5. Ang batang Pilipino ay _______________.

Gawain 3
Panuto: Isulat ang tsek (√) kung ang may kahon na grupo
ng mga salita ay simuno at ekis (X) kung panaguri.
________1. Ang magiting na pulis ay tapat sa kanyang
tungkulin.
________2. Si Judy Abbott ay isang manunulat.

7
________3. Mahilig magtanim ng halaman si Bb. Balantac.
________4. Si Gng. Estel ay isang magaling na guro sa
Matematika.
________5. Ang mga mag-aaral ng Paaralang
Elementarya ng C.P. Tinga ay
mahusay sumayaw at umawit.

Tandaan Natin

Ngayon ay ating alamin ang iyong natutuhan sa


aralin.
May dalawang bahagi ng pangungusap ito ay
ang simuno at panaguri.
Ang SIMUNO ay ang pinag-uusapan o paksa sa
pangungusap. Maaring sumagot sa tanong na sino at
ano.
Ang PANAGURI ay nagbibigay ng impormasyon sa
pinag-uusapan o sa simuno.

Isabuhay Natin
Kaya mo bang isa-isahin kung sino-sino ang mga
naging katuwang ng pamahalaan para maisakatuparan
ang hangarin na maging ligtas ang bawat mamamayan
nitong panahon ng pandemya?
Panuto: Bilugan ang Simuno at ikahon ang Panaguri sa
bawat pangungusap.
1. Ang nars ay maingat na nag-aasikaso sa mga
pasyenteng maysakit.
2. Nililinis nang mabuti ng dyanitor ang mga kamang
ginamit ng mga may sakit.
3. Ang mga barangay tanod ay gabi-gabing
nagbabantay upang mapanatili ang katahimikan sa
paligid.

8
4. Ang mga pulis ay nagpapatupad ng batas para sa
kaligtasan ng mga mamamayan laban sa COVID-19.
5. Tanghali na nang dumating ang ambulansiya.

Tayahin Natin

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Masayang nagtatanim ng palay ang mga magsasaka.
Alin ang simuno sa pangungusap?
A. Masayang C. palay
B. nagtatanim D. ang mga magsasaka

2. Malakas ang pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas.


Ano ang panaguri sa pangungusap?
A. Bulkang Taal C. pagsabog
B. Batangas D. malakas ang
pagsabog

3. Ang batang si Dino ay _________________.

A. mahusay tumugtog ng piyano


B. magaling umawit
C. mahilig maglaro ng yoyo
D. mahusay sumayaw

4. Ang _______ ay tinaguriang hari ng


kagubatan.
A. aso B. pusa C. leon D. tigre
5. Si Jose P. Rizal ay Isang magiting na bayani. Ano ang
salitang may salungguhit? Ito ay ________.
A. Parirala C. Panaguri
B. Pangungusap D. Simuno

9
Gawin Natin
Panuto: Sumulat nang limang pangungusap gamit ang
mga salita sa loob ng kahon.
tindero drayber doktor
magsasaka mangingisda

1. __________________________________________________.
2. __________________________________________________.
3. __________________________________________________.
4. __________________________________________________.
5. __________________________________________________.
Repleksiyon

Kinagiliwan ko ang araling


ito tungkol sa ____________.
Natitiyak ko sa aking sarili na
may pagkatuto ako sa
pagsusuri ng _____________.
Lubos ang aking kagalakan
dahil natuto ako at
nasiyahan lalo na sa gawain
sa _____________ na naging
gabay ko sa araw-araw.

Sanggunian
Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue- Based Multi-lingual
Education: Rex Book Store Inc.

10
Development Team of the Module

Writer: MARICEL P. BALLARES

Editors:

Content Evaluators: MONALIZA D. CABALLERO

MYRZELLE YANZE

Language Evaluators: SHEILA MARIE D. ABONIN

DONNABEL F. BALANTAC

Reviewers: DR. JENNIFER G. RAMA

Illustrator: REI ASUNCION

Layout Artist: LEILA A. HIPOLITO, DES

Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS

DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief


DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER G. RAMA, EPS – FILIPINO
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

11

You might also like