Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

MOTHER TONGUE BASED-

MULTILINGUAL EDUCATION

Unang Markahan – Modyul 4

ikalawang Linggo
Ikaapat na Linggo

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

2
Alamin Natin

Magandang araw! Handa ka na ba sa bago mong


aralin? Sa modyul na ito ay muli na naman mahahasa
ang iyong angking galing at kakayahan sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain na
nakapaloob dito. Matututuhan mo rin dito ang tungkol sa
ngalan ng tao, lugar, hayop, bagay at pangyayari.
Pagkatapos ng aralin ito, inaasahan na matututuhan
at maisasagawa mo ang mga sumusunod:
⮚ Nakikilala ang pangngalan. MT2GA-la-2.1.1
⮚ Napapangkat ang mga pangngalan.
⮚ Nagagamit ang pangngalan sa pangungusap.

Aralin
Pangngalan
4

Subukin Natin

Handa ka na bang simulan ang bagong aralin?


Huwag kang mag-alala kung hindi mo pa ito alam, tiyak
kong sa mga susunod na pagsubok ay kayang-kaya mo
na ito. Sunding mabuti ang panuto!
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang pangalan
ng larawan.

_____1. A. tsinelas C. cellphone


B. lamesa D. baso

3
_____2. A. pusa C. kabayo
B. aso D. kambing

_____3. A. palengke C. munipyo


B. eskwelahan D. simbahan

_____4. A. Mahal na Araw C. kaarawan


B. Bagong Taon D. binyag

_____5. A. guro C. presidente


B. bombero D. doctor

Balikan Natin
Natatandaan mo pa ba ang nakaraang aralin?
Mabuti! Bago tayo magpatuloy ay magbalik-aral muna
tayo.
Panuto: Bilugan ang salitang may kambal-katinig o
klaster.
1. Pagkatapos kumain naghugas ng plato si Maria.
2. Naligo sa ulan ang mga magkakapatid kaya sila ay
inuubo.
3. Mahilig kumain ng prutas si Maria.
4. Nagkaroon ng pagtatanghal ang mga mananayaw sa
plasa.
5. Si Brenda ay mabait at masunuring bata.

4
Tuklasin Natin
Panuto: Isulat sa patlang ang pangalang tumutukoy sa
larawan at bilugan sa bawat bilang ang salitang
tumutukoy sa pangalan nito.
pari Boracay baboy baso kaarawan

1. Tao Bagay Lugar Hayop Pangyayari


__________

2. Tao Bagay Lugar Hayop Pangyayari

__________

3. Tao Bagay Lugar Hayop Pangyayari

__________

4. Tao Bagay Lugar Hayop Pangyayari

__________
5. Tao Bagay Lugar Hayop Pangyayari

__________

Talakayin Natin

Ano ang Pangngalan?


Ang Pangngalan ay salita o ngalan na tumutukoy
sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at
pangyayari.

5
Halibawa:
Pangyayari – Kaarawan, Pasko, Bagong Taon
Bagay – Baso, Relo, Damit
Hayop – Baboy, Kalapati, Baka
Lugar – Boracay, Taguig, Simbahan
Tao – Pari, Kuya, Doctor, Abby
Panuto: Tumingin sa iyong paligid at magbigay ng tig-
limang (5) halimbawa ng ngalan ng tao, bagay, hayop
at pangyayari. Isulat ito sa nakikitang talahanayan.
Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari

Pagyamanin Natin
Upang mapagyaman mo pa ang iyong kakayahan
gawin ang sumusunod na gawain na inihanda ko para sa
iyo. Alam kong kayang-kaya mo ito kaya simulan mo na
ang paggawa!
Gawain 1
Panuto: Pangkatin ang mga nasa loob ng kahon ayon sa
uri nito. Isulat ang iyong sagot sa talahanayan sa ibaba.
Jose P. Rizal Taguig plorera leon
kuwaderno bumbero pasko ilog
isda kaarawan ahas parke
radyo suklay langgam kambing
doktor palaruan tabo pista
palengke Janice Araw ng mga Puso
Bagong Taon Pedro

6
Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang mga salita kung ito ay ngalan ng
tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. Isulat ang T kung
tao, B kung bagay, L kung lugar at P kung pangyayari sa
patlang ng bilang.
____________1. binyag
____________2. Boracay
____________3. buwaya
____________4. Kapitan
____________5. telebisyon
Gawain 3
Panuto: Kulayan ang sumusunod na nakakahon na mga
salita na makikita sa bawat bilang ayon sa kanilang
kategorya, pula sa tao, asul sa bagay, berde
sa hayop, dilaw sa lugar, lila sa pangyayari.
1. kapanganakan
2. kabayo
3. sundalo
4. kutsara
5. simbahan

Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari

Tandaan Natin

Laging alalahanin ang mga konseptong ito. Huwag


mong kalilimutan sapagkat ito ang magiging gabay mo
sa mga mas malalalim na gawain.

7
Ano ang Pangngalan?
Ang Pangngalan ay salita o ngalan na tumutukoy sa
ngalan tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.

Isabuhay Natin

Panuto: Tukuyin ang mga ginamit na pangalan sa bawat


pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat sa patlang
ng A kung tao, B kung bagay, C kung hayop, D kung
lugar at E kung pangyayari.
_____1. Tuwing Pasko naghahanda ang mag-anak.
_____2. Si Frielin ay may alagang kuneho.
_____3. Ilokano ang salita ng mga taga Abra.
_____4. Si Angel Locsin ay maganda at matulungin.
_____5. Pinaabot ni nanay ang sandok.
Tayahin Natin

Oras na para sagutin ang susunod na gawain. Dito


natin masusukat ang lalim ng iyong natutuhan!
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot na
tumutukoy sa mga salita na may salungguhit.
____1. Ang aking pamilya ay nagtungo sa Cavite noong
isang linggo.
A. tao B. bagay C. hayop D. lugar
____2. Naligo sa dagat ang pamilya Avila.
A. tao B. bagay C. hayop D. lugar
____3. Si Rodrigo Duterte ang ating presidente.
A. tao B. bagay C. hayop D. lugar
____4. Naglalaro ng trompo ang mga grupo ng
kalalakihan.
A. tao B. bagay C. hayop D. lugar
____5. Inuulam sa aming bayan ang salagubang.
A. tao B. bagay C. hayop D. lugar

8
Gawin Natin

Panuto: Punan ng angkop na pangalan na makikita sa


kahon ang bawat patlang para mabuo ang diwa ng
pangungusap.
Luneta Park mag-aaral laso
Baguio isda
1. Si Maria ay palaging nagtatali ng buhok gamit ang
kanyang pulang __________.
2. Nanghuhuli ng mga sariwa at malalaking __________ si
Mang Pedro sa ilog.
3. Namasyal ang mga mag-anak sa __________
pagkatapos magsimba.
4. Masiglang nakikilahok ang mga ___________ sa
talakayan.
5. Masayang namasyal ang pamilya sa _____________.
Repleksiyon
Pumili ng hugis ayon sa pagkatuto at kulayan ito.

Lubos na natuto sa aralin.

Katamtamang naintindihan ang aralin.

Nahirapang intindihin ang aralin.

AKING PAGNINILAY:
Ako ay _____________________________________ habang ginagawa ang
aralin. Natutuhan ko ang tungkol sa ______________________________________
at_______________________. Magagamit ko ito sa __________________________
_______________________________________________________________.

Sanggunian
Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue- Based Multi-lingual
Education: Rex Book Store Inc.

9
Development Team of the Module

Writer: ABIGAEL AYBEE P. BELISARIO

Editors:

Content Evaluators: MONALIZA D. CABALLERO

MYRZELLE YANZE

Language Evaluators: SHEILA MARIE D. ABONIN

DONNABEL F. BALANTAC

Reviewers: DR. JENNIFER G. RAMA

Illustrator: LEILA A. HIPOLITO, DES

Layout Artist: LEILA A. HIPOLITO, DES

Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER G. RAMA, EPS – FILIPINO
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

10

You might also like