Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

MOTHER TONGUE BASED-

MULTILINGUAL EDUCATION

Unang Markahan – Modyul 6

Unang Linggo
Ikaanim na Linggo

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

2
Alamin Natin

Sa modyul na ito ay muli na namang mahahasa ang


iyong angking galing at kakayahan sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga gawain na nakapaloob dito.
Matututuhan mo rin ng mas malalim ang tungkol sa
kuwento at tula. Ito ay makakatulong na mahasa ang
iyong galing at kaalaman sa pagbabasa.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na matutuhan


at maisagawa mo ang mga sumusunod:
⮚ Nalalaman ang pagkakaiba ng kwento at tula.
MT2LC/RC-lf-4.4
⮚ Naibibigay ang pangunahing kaisipan ng kwento o
tula.
⮚ Naibibigay ang buod ng kwento at nakikiisa sa
talakayan habang nagbabasa ng kwento sa
pamamagitan ng pagbibigay komento at
pagtatanong gamit ang buong pangungusap.

3
Aralin
Kuwento at Tula
6

Subukin Natin

Handa ka na bang simulan ang bagong aralin? Tiyak


kong kayang-kaya mo ito basta’t sundan mo lamang
ang mga panuto.
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pamagat kung
ito ay kuwento, gumuhit ng puso ( ) at araw ( ) kung
ito ay tula.
________1. Ang Alamat ng Pinya
________2. Sino Ang May Sala?
________3. Si Tipaklong at Si Langgam
________4. Aklat
________5. Bunga ng Pagsisikap

Balikan Natin

Natatandaan mo pa ba ang nakaraang aralin?


Bago tayo magpatuloy ay magbalik-aral muna tayo.
Panuto: Isulat ang S kung ang salitang may salungguhit
ay Simuno at P naman kung ito ay Panaguri.
______1. Ang pinakadakilang bayani ng Pilipinas ay si
Jose P. Rizal.
______2. Si Manuel L. Quezon ang tinaguriang ama ng
Wikang Pambansa.
______3. Dapat nating igalang ang ating bandila.
______4. Napiling huwarang mag-aaral si Edna.
______5. Matapat sa kanyang bayan si Jose Abad Santos.

4
Tuklasin Natin
Inaasahan kong ikaw ay nananabik na sa iyong
bagong aralin. Halina’t kilalanin ang mga tauhan sa ating
babasahin at sabay nating alamin ang mga pangyayari
nito.
Ang Batang Matapat
akda ni Babylen Arit Soner
Maagang pumasok si Mona sa paaralan. Nakakita si
Mona ng isang pitaka sa kanyang paglalakad papunta
sa paaralan. Ibinigay ni Mona kay Gng. Maulawin ang
napulot niyang pitaka. Ipinagbigay alam ni Gng.
Maulawin ang pagkakapulot ni Mona sa pitaka
pagkatapos ng pagtataas ng watawat. Pinuri at
pinasalamatan ng may-ari ng pitaka si Mona.
(mula sa Babylen Arit Soner et.al (2013) Mother Tongue-
Based Multi-lingual Education, pahina 148)

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
A. Mona B. Gng. Maulawin C. Maulawin
2. Ano ang napulot ni Mona papunta sa paaralan?
A. Pitaka B. Pera C. Pagkain
3. Saan naganap ang pangyayari sa kuwentong iyong
nabasa?
A. Bahay B. Silid-Aralan C. Palengke
4. Anong pangyayari ang naganap sa kuwento?
A. Nadapa si Mona habang naglalakad papasok
sa silid-aralan.
B. Nawawala ang pera ni Mona sa bulsa.
C. Nakakita si Mona ng isang pitaka sa kanyang
paglalakad papunta sa silid-aralan.
5. Kung ikaw si Mona, gagawin mo rin ba ang kanyang
ginawa?
A. Hindi po, baka ako ay pagbintangan.
5
B. Opo, sapagkat iyon ang dapat gawin.
C. Opo, para ako ay purihin at pasalamatan.

Ang iyong nabasa ay isang halimbawa ng kuwento.


Aalamin natin ang mga bahagi nito pagkatapos mong
basahin ang tula sa ibaba.
Ang Sakit na Dulot
akda ni Babylen Arit-Soner

Ayon sa eksperto’t mga manggagamot


Mayroong isang sakit na nakakatakot
Sambahayana’y nangangamba
Lamok ay kalabanin ang naiisip nila
Kalinisa’y pairalin sa tuwi- tuwina
Upang sakit na dala’y di na lumaganap pa.

(mula sa Babylen Arit Soner et.al (2013) Mother Tongue-


Based Multi-lingual Education, pahina 140)

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot ng bawat


bilang.
1. Ayon kanino ang sakit na nakakatakot? _______________
2. Ano ang dapat pairalin sa tuwi-tuwina? _______________
3. Ayon sa tula, saan nangangamba ang sambahayan?
_______________
4. Tungkol saan ang tulang iyong nabasa? ______________
5. Ano ang damdamin ng may-akda sa tulang nabasa?
_______________
Ang iyo namang nabasa ngayon ay isang halimbawa ng
tula. Nagustuhan mo ba ito?

Talakayin Natin
Ayon sa iyong mga nabasa, napaghambing mo ba ang
kuwento at tula?

6
Ano ang kuwento?
Ang kuwento ay produkto ng malikhaing isip ng tao at
naipapahayag ito sa pamamagitan ng pagsulat. Ang
kuwento ay binubuo ng mga sumusunod:
1. Tauhan – dito malalaman kung sino-sino ang
gumaganap sa kuwento at kung ano ang papel na
ginagampanan ng bawat isa, maaring bida, kontrabida
o taga-suporta.
2. Tagpuan – lugar kung saan nagaganap ang mga
pangyayari sa kuwento, gayundin ang panahon kung
kailan nangyayari ang kuwento.
3. Suliranin – mga problemang haharapin na dapat
masolusyunan ng mga tauhan na magiging simula ng
kawilihan ng mga pangyayari.
Ano ang tula?
Ang tula ay isang anyo ng panitikan na
nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay
binubuo ng mga sumusunod:
1. Saknong – grupo ng mga taludtod.
2. Taludtod – isang linya ng mga salita sa tula.
3. Tugma – pagkakapare-pareho ng dulong tunog ng
dalawa o higit pang taludtod sa isang saknong ng tula.
Alam mo na ba ang kaibahan ng kuwento at tula?
Kung ganun, handa ka nang sumagot sa susunod na
gawain.
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod kung ito ay bahagi
ng kuwento o tula. Isulat ang K kung Kuwento at T kung
Tula.
___1. Saknong
___2. Tauhan
___3. Suliranin
___4. Tagpuan
___5. Taludtod

7
Pagyamanin Natin

Gawain 1
Panuto: Basahin ang tula at sagutan ang mga tanong
tungkol dito.
Batang Bayani

Dukha siyang tinawag ng lahat


Talino’y subok at totoong matapat
Sa ati’y tumulong kahit anong hirap
‘Yan ang batang isang papuri’y nararapat
Ating kilalanin bigyan ng palakpak.
Papuri’t alay ay mabangong bulaklak
Nararapat sa puso niyang busilak
Buhay inilaan kahit mapahamak.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Tungkol saan ang tula?
A. Batang Bayani
B. Pagiging Matapat
C. Kagandahang Asal
2. Anong mensahe ang hatid sa atin ng tula?
A. Katapatan sa lahat ng oras
B. Kahit bata ay may magagawa rin
C. Ang may busilak na puso ay pinagpapala.
3. Bakit dapat papurihan ang bata sa tula?
A. Dahil siya ay may busilak na puso
B. Dahil sa kanyang kabutihan sa kapwa
C. Dahil siya ay tumutulong sa kahit sa anong hirap.
4. Anong nararapat para sa isang batang bayani?
A. Tulong
B. Palakpak
C. Papuri
5. Ano-anong katangian ang taglay ng batang bayani sa
tulang iyong nabasa?

8
A. Matulungin, masipag at mahiyain
B. Masipag, mahirap, malusog
C. Matalino, matapat at matulungin

Gawain 2
Panuto: Basahin ang kuwentong “Ang Mag-Anak” at
sagutan ang mga tanong na ginagamitan ng
kumpletong pangungusap. Sundin ang naunang gabay
sa pagsagot sa mga tanong.
Ang Mag-anak
Isang araw ng Sabado, abala sa hardin ang mag-
anak ni Mang Kanor. Malulusog ang mga halaman
nilang tanim. Habang nagdidilig ang Nanay at
nagwawalis naman si Karen, sina Tatay at Kuya Carlo ay
abala sa paggawa ng balag para sa kanilang mga
tanim. Nililibang ni ate Rona ang bunsong si Nitoy.
Pumipitas ng mga bulaklak sina Jeffrey at Minda para sa
altar nila sa bahay.
Isulat ang tamang sagot.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
Sagot: Ang mga tauhan sa kuwento ay sina
_______________________________.
2. Nasaan ang mag-anak ni Mang Kanor?
Sagot:
________________________________________________________
3. Sino-sino ang abala sa paggawa ng balag para sa
kanilang mga tanim?
Sagot:
_______________________________________________________.
4. Ano ang ginagawa ni Ate Rona sa bunso nilang si
Nitoy?
Sagot:
_______________________________________________________.

9
5. Ano ang pinipitas nina Jeffrey at Minda para sa
kanilang altar?
Sagot:
_______________________________________________________.

Gawain 3
Panuto: Basahin at unawain ang tula pagkatapos
gumuhit ng poster at kulayan ito.

Sariling Awit
Katha ni Grace Urbien-Salvatus

Sariling awit ay tangkilikin


Taglay nito ang kultura natin
Mga liriko nito’y malinaw na bigkasin
Awitin ito nang buong damdamin.

CALABARZON March ating ipagmalaki


Nagmula dito ang maraming bayani
Pagkakaisa ang lagging mithi
Pag-unlad ng kabataan ang inuuna lagi.
(mula sa Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue-
Based Multi-lingual Education, pahina 106)

Tandaan Natin

Alamin naman natin kung ano ang iyong mga


natutuhan sa modyul na ito. Huwag kalilimutan ang iyong
mga aralin.
TANDAAN
➢ Ang kwento ay binubuo ng tauhan tagpuan at
suliranin.
➢ Ang tula naman ay binubuo ng saknong, taludtod at
tugma.

10
Isabuhay Natin

Ihanda ang iyong sarili at simulang sagutan ang mga


gawain. Handa ka na ba?
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong gamit
ang buong pangungusap. Sundan ang naunang bilang
at gawing gabay ito sa pagsagot.
1. Magtala ng isang pangyayari sa buhay mo na hindi mo
malilimutan.
Sagot: Ang isang pangyayari sa aking buhay na hindi ko
malilimutan ay noong lumabas kami ng aking pamilya at
namasyal sa parke.
2. Magbigay ng kuwento na iyong paborito at ipaliwanag
kung bakit.
Sagot:
________________________________________________________
3. Anong tula ang alam mo at natutunan nito?
Sagot:
________________________________________________________
4. Anong pangyayari sa buhay mo ang maiuugnay mo sa
kuwento na iyong binasa?
Sagot:
________________________________________________________
5. Kung ikaw ay susulat ng isang tula, ano ang pamagat
nito at bakit?
Sagot:
________________________________________________________

11
Tayahin Natin

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot ng


ipinapahayag ng bawat bilang.
_______1. Ito ay produkto ng malikhaing isip ng tao na
naipapahayag sa pamamagitan ng pagsulat.
A. Kuwento B. Tula C. Taludtod
_______2. Sila ang mga karakter na gumaganap sa
kuwento.
A. Lugar B. Suliranin C. Tauhan
_______3. Ito ay anyo ng panitikan na nagpapahayag ng
damdamin ng isang tao.
A. Sukat B. Saknong C. Tula
_______4. Bilang ng pantig sa bawat taludtod.
A. Sukat B. Saknong C. Tugma
_______5. Ito ay problemang haharapin na dapat
masolusyunan ng mga tauhan.
A. Tagpuan B. Suliranin C. Tauhan

Gawin Natin

Panuto: Magbasa ng paboritong kuwento at sagutan


ang mga sumusunod na tanong.
1. Ang pamagat ng kuwentong aking binasa ay
_____________________________________________________.
2. Ang mga tauhan sa nabasa kong kuwento ay sina
_____________________________________________________.
3. Ang lugar na pinangyarihan ng kuwento ay sa
_______________________________________________________.
4. Ang aking natutuhan sa aking nabasa ay
_______________________________________________________.
5. Ang nais kong ibahagi na mabuting asal ay
_______________________________________________________.

12
PULSO NG MAG-AARAL

Madali Katamtaman Mahirap

Panuto: Sa loob ng ulap, iguhit ang iyong saloobin o


naramdaman habang isinasagawa ang mga gawain.

Sanggunian

Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue- Based


Multi-lingual Education: Rex Book Store Inc.

13
Development Team of the Module

Writer: MICHAEL M. ALCANTARA

Editors:

Content Evaluators: MONALIZA D. CABALLERO

MYRZELLE YANZE

Language Evaluators: SHEILA MARIE D. ABONIN

DONNABEL F. BALANTAC

Reviewers: DR. JENNIFER G. RAMA

Illustrator: LEILA A. HIPOLITO, DES

Layout Artist: LEILA A. HIPOLITO, DES

Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER G. RAMA, EPS – FILIPINO
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

14

You might also like