Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

MOTHER TONGUE BASED-

MULTILINGUAL EDUCATION

Unang Markahan – Modyul 2

Ikalawang Linggo
ikalawang Linggo

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong
tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit
ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

2
Alamin Natin
Sa modyul na ito, ay muli mo na naman mahahasa ang
iyong kakayahan at galing sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga aralin. Malilinang at mapauunlad mo pa ang iyong
kaalaman sa pagbabasa at pagsusulat.
Pagkatapos ng araling ito inaasahan na matututuhan at
maisasagawa mo ang mga sumusunod:

⮚ Nababasa nang may pang-unawa ang mga salitang may


kambal-katinig. MT2PWR-Ic-d-7.4
⮚ Naisusulat ang mga letra ng alpabeto sa paraan na kabit-
kabit. MT2PWR-Ia-i-3.3

3
Aralin
Kambal-Katinig
2

Subukin Natin
Handa ka na bang simulan ang bagong aralin? Huwag
kang mag-alala kung hindi mo pa ito alam, tiyak kong sa mga
susunod na pagsubok ay kayang-kaya mo na ito. Maaari mo
nang simulan ang pagsagot.
Panuto: Hanapin ang pangalan ng bawat larawan at bilugan
ang titik ng tamang sagot.

1.
A. dyip B. dram C. awto D. tren

2. A. gulay B. prutas C. isda D. karne

3. A. motor B. bike C. dyip D. kotse

4. A. kamay B. paa C. ulo D. braso

5. A. timba B. silya C. mesa D. gripo

Balikan Natin

Ngayon ay magbalik-aral tayo at sagutan ang gawain sa


ibaba.

Panuto: Basahin ang mga salita sa Hanay A at hanapin ang


salitang-ugat nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang ng bilang.

4
Hanay A Hanay B
____________1. mahiyain A. laba
____________2. lumalakad B. sayaw
____________3. magdilig C. dilig
____________4. sumasayaw D. lakad
____________5. maglalaba E. hiya

Tuklasin Natin
Ngayon ay simulan mo na ang pagtuklas sa bagong
kaalaman. Inaasahan kong ikaw ay nananabik nang muling
matuto. Handa ka na ba?
Basahin at unawaing mabuti ang tula.
Mga Kaibigan
akda nina Rianne Tiñana at Edgar Pestijo

Masarap isipin, ganoon din kung damhin,


Na sa iyong buhay, may mga kaibigang tunay,
Ito ang nangyari sa mga batang kagiliw-giliw,
Priscilla, Grace, Bruno at Placido.
Si Bruno ay magaling sa pagkukuwenta,
Pagbabasa ang hilig nitong si Priscilla,
Sa anumang aralin, sikat sina Grace at Placido,
Kaya guro nila, tuwa ang nadarama.
(hango sa Grace Urbien-Salvatus et.al (2013)
Mother Tongue- Based Multi-lingual Education: Rex Book Store Inc., p. 15)

Naunawaan mo ba ang tulang iyong binasa? Handa ka na


bang sagutan ang mga tanong tungkol sa tula? Sige sagutan mo
na ang mga ito!
Isulat sa patlang ang tamang sagot.
1. Ano ang pamagat ng tula?
___________________________________________________
2. Sino-sino ang magkakaibigan?
___________________________________________________
3. Saan magaling si Bruno?
___________________________________________________
4. Ano ang hilig ni Priscilla?
___________________________________________________
5. Saan naman sikat sina Grace at Placido?
___________________________________________________

5
6. Gusto mo bang magkaroon ng kaibigan na gaya nila? Bakit?
___________________________________________________

Talakayin Natin

Bigyan pansin ang mga salitang hango sa tulang iyong


binasa. Pag-aralan at basahin ang mga salita.
Priscilla Placido
Grace Bruno
Habang ikaw ay nagbabasa mayroon ka bang napansin
sa mga salita? Ano ang napansin mo sa dalawang
magkasunod na letra sa unahan ng mga salita?
Magaling! Ang lahat ng salita o ngalan na iyong binasa ay
nagsisimula sa dalawang magkasunod na katinig, ang tawag
dito ay kambal-katinig o klaster.
Ano ang kambal-katinig o klaster?
Ang kambal-katinig o klaster ay binubuo ng dalawang
magkakasunod na katinig sa loob ng isang pantig ng salita.
Isinusulat ang mga ito nang may tamang espasyo ng mga letra.

Pagyamanin Natin

Upang higit pang mahasa ang iyong kakayahan sa araling


ito ay subuking sagutan ang mga gawain. Handa ka na ba?
Gawain 1
Panuto: Basahin at bilugan ang salitang may kambal-katinig.
1. blusa abaniko silya
2. basura bloke bote
3. binili ulap klima
4. palasyo hari prinsesa
5. Blanco baso mesa
Gawain 2
Panuto: Pumili ng mga salita sa loob ng kahon na bubuo sa mga
pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
krus proseso blusa plano blangko

Kristo planta plawta bloke braso

1. Ang __________ ng yelo ay natutunaw.

6
2. Halos __________ ang sagot ni Mark sa pagsusulit dahil hindi siya
nakapag-aral.
3. Dalawang __________ ang layo niya sa bahay namin sa
simbahan.
4. Gustung-gusto niyang isuot ang puting __________.
5. Si Blessy ay marunong tumugtog ng __________.
Gawain 3
Panuto: Bilugan ang kambal-katinig na ginamit sa pangungusap.
1. Nakalaya na ang preso.
2. Nasa ibabaw ng mesa ang makulay na plorera.
3. Dalawang bloke ang layo ng sunog sa aming bahay.
4. Pinya ang produkto ng Bukidnon.
5. Pumasok si Mary sa klase.

Marunong ka na bang magsulat ng dikit-dikit?


Subukan mong magsanay sumulat ng dikit-dikit.

___________________________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
Napakahusay! Ikaw ay nakakasulat na ng maliliit at
malalaking titik sa paraan na kabit-kabit.

Tandaan Natin
Naunawaan mo ba ang iyong aralin ngayon? Ano ang
kambal-katinig?
Ang kambal-katinig o klaster ay binubuo ng dalawang
magkakasunod na katinig sa loob ng isang pantig ng salita.
Isinusulat ang mga ito nang may tamang espasyo ng mga
letra.

7
Lagi mong iisipin at tatandaan ang iyong mga pinag-aralan!
Lagi ring magsanay sa pagsusulat ng dikit-dikit.

Isabuhay Natin
Handa ka na bang gawin ang susunod na pagsasanay?
Gamitin sa pangungusap ang mga salitang kambal-katinig.
1. grado _______________________________________________
2. trumpeta ____________________________________________
3. prinsipe ______________________________________________
4. brilyante _____________________________________________
5. dyip _________________________________________________

Tayahin Natin

Ngayon ay sukatin natin ang iyong natutuhan sa modyul na


ito. Tiyak kong kayang-kaya mo ito. Basahin at intindihin ang
panuto.
Panuto: Basahin ang mga pangugusap . Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Nagbigay ng sulat si Placeda sa kanyang guro. Aling salita ang
may kambal-katinig?
A. guro B. Placeda C. sulat D. nagbigay
2. Alin sa mga sumusunod ang mga salitang may kambal-katinig?
A. miming B. prutas C. sawa D. buhos
3. Bago at maganda ang kanyang blusa. Aling salita ang may
kambal-katinig?
A. blusa B. bulsa C. maganda D. bago
4. Aling salita ang may kambal-katinig?
A. klima B. Pilipinas C. mainit D. malamig
5. Alin sa mga sumusunod ang may wastong baybay o spelling?
A. prinsesa B. platu C. bluke D. dyip

Gawin Natin

Panuto: Ayusin ang mga salita upang makabuo ng isang


pangungusap.
1. ang drayber tatay ko ay
8
___________________________________________________
2. trak Naghakot ng basura ang
___________________________________________________
3. Kris si isang mgandang ay babae
___________________________________________________
4. napuno ang dram ng tubig
___________________________________________________
5. ibinigay na premyo Malaki
___________________________________________________
Panuto: Kumuha ng lapis at papel, magsanay kang sumulat nang
iyong pangalan na nakadikit-dikit. Punuin ang isang buong papel
at panatilihing malinis at maayos ang iyong gawa.

Repleksiyon
Panuto: Iguhit ang masayang mukha o malungkot na
mukha batay sa iyong sagot sa mga tanong.

Mga Tanong: Sagot:


1. Masaya ka bang ginagawa ang aralin?
2. Nasundan mo ba ng mabuti ang mga
gawain?
3. Mahirap ba ang mga gawain?
4. May natutuhan ka ba sa aralin?
5. Nakakaaliw ba ang mga inihandang
gawain?

Sanggunian

A. Aklat

Luz S. Almeda et.al (2013) Ang Bagong Batang Pinoy – Ikalawang


Baitang Filipino: Rex Book Store Inc.

Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue- Based Multi-


lingual Education: Rex Book Store Inc.

9
Development Team of the Module

Writer: JEAN F. BERNAL

Editors:
Content Evaluators: MONALIZA D. CABALLERO
MYRZELLE YANZE
Language Evaluators: SHEILA MARIE D. ABONIN
DONNABEL F. BALANTAC
Reviewers: DR. JENNIFER G. RAMA

Illustrator: LEILA A. HIPOLITO, DES

Layout Artist: LEILA A. HIPOLITO, DES

Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER G. RAMA, EPS – FILIPINO
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

10

You might also like