Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

2

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS


Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy
na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

1
Alamin Natin

Magandang araw! Kumusta ka na? Binabati kita at


natapos mo ang unang antas ng iyong pag-aaral. Ngayon
ay nasa panibagong yugto ka ng iyong buhay bilang mag-
aaral sa pangalawang baitang. Handa ka na bang
magsimula para sa mga bago mong aralin?
Narito ang iyong mga gawain sa Filipino para sa
linggong ito. Handa ka na bang matuto at tuklasin ang
panibagong kaalamang iyong matututuhan?
Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang
maisasagawa mo ang layuning:
1. Nagagamit ang mga magagalang na pananalita.
F2PN-Ia-2

Subukin Natin

Handa ka na ba sa pauna
nating gagawin? Alam kong
makakayanan mo ito.
Panuto: Itiman ang kung ang pahayag ay
gumagamit ng magagalang na pananalita at kung
hindi.
1. “Maaari po ba akong makihingi ng tubig?”
2. “Paraan nga diyan, Gio!”
3. “Magandang umaga po, Bb. Marisa.”
4. “Maaari niyo po ba akong turuang magluto?”
5. “Saan ba ang bahay ninyo at ako’y pupunta?”
2
Aralin
Magagalang na
1 Pananalita
Tuklasin Natin

Ngayon ay inaasahan kong


ikaw ay nananabik na basahin
ang kuwento sa ibaba. Iyo itong
unawaing mabuti at ikaw sana
ay masiyahan sa iyong
pagbabasa.

Ang Paanyaya

Linggo ng hapon habang nanonood ng telebisyon si


Lani ay tumunog ang telepono.
Lani : Hello! Magandang hapon. Sino po sila?
Jackie : Hello! Si Jackie ito. Nandiyan po ba si Lani?
Lani : Si Lani ito. Bakit ka napatawag?
Jackie : Inaanyayahan kita sa aking kaarawan na
magaganap bukas. Isama mo ang iyong
bunsong kapatid.
Lani : Sige, umasa ka na pupunta kami.
Jackie : Maraming salamat. Aasahan kita.
(mula sa Luz S. Almeda et.al (2013) Ang Bagong Batang Pinoy –
Ikalawang Baitang Filipino, pahina 51)

3
Naintindihan mo ba ang iyong binasa? Tignan
natin kung ito’y iyong natatandaan pa.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang tumawag sa telepono?
A. Jackie
B. Lani
C.Nanay
2. Ano ang mahalagang mensahe niya para kay Lani?
A. Paanyaya sa binyag
B. Paanyaya sa pista
C.Paanyaya sa kaarawan
3. Paano ipinakita ni Lani ang pagiging magiliw niya sa
pakikipag-usap sa telepono?
A. Binabaan niya ng telepono si Jackie
B. Kinausap niya ng may paggalang si Jackie
C.Hindi sinagot ni Lani ang tawag sa telepono.
4. Kung ikaw naman si Jackie, iimbitahan mo rin ba ang
iyong mga kaibigan sa iyong kaarawan?
A. Oo
B. Hindi
C.Ewan
5. Anong magagalang na pananalita ang ginamit nila
sa pakikipag-usap sa telepono?
A. Gumamit sila ng pagbati, paanyaya at
pasasalamat
B. Gumamit sila ng pahintulot
C.Gumamit sila ng paumanhin

Talakayin Natin
Masasabi mo ba ang mga
magagalang na pananalita na
ginamit sa kuwento?
Sa oras na ito ay dagdagan naman
natin ang iyong mga nalalaman
tungkol sa magagalang na salita.
4
Magalang na Pagbati:
“Magandang umaga/tanghali/hapon/gabi sa inyong
lahat”, “Ikinagagalak po namin kayong makita”, “Paalam
na”, “Kumusta ka?”
Magagalang na pananalita sa Pagbibigay ng Reaksiyon:
“Sa aking palagay…”, “Sa tingin ko po…”, “Kung ako
ang tatanungin…”, “Sumasang-ayon po ako…”, ”Tama”,
“Hindi po ako sang-ayon”, “Salungat po ako”, “Mali po”,
“Maaaring tama ka”,, “May punto ang iyong sinabi”
Magagalang na pananalita sa Pagsagot ng Telepono:
“Hello po”, “Sino po sila/kayo?”, “Maaari po bang
malaman kung ano po ang mensahe niyo?”, “Maraming
salamat po”, “Paalam na po”

Pagyamanin Natin
Ngayon naman ay subukan mong
sagutan ang mga inihanda kong
gawain sa ibaba. Masiyahan ka
sana at alam kong kaya mo ito.

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang usapan sa telepono. Piliin sa loob ng
kahon ang mga wastong sagot at isulat sa patlang.
anuman maraming salamat Hello
Maaari Pakisabi

Marie : _______! Sino po sila?


Mark : Hello! Si Mark ito. _______ ko bang makausap
si Angelo?
Marie : Si Marie po ito. Wala po si Kuya Angelo. May
ipagbibilin po ba kayo?
5
Mark : _______ dalhin niya ang kaniyang bola bukas.
Maglalaro kami ng basketbol pagkatapos ng
aming klase.
Marie : Iyon lamang po ba ang bilin ninyo?
Mark : Oo, iyon lamang. _______, Marie.
Marie : Wala pong _______.
Pagsasanay 2
Panuto: Isulat kung ano ang dapat sabihin sa mga
sitwasyon:
1. Isang umaga nakasalubong mo ang iyong guro sa
pagpasok mo sa paaralan.
2. Gabi na nang dumating ka sa bahay at nadatnan mo
sa sala na nanonood ng TV ang iyong tatay.
3. Isang hapon nang pauwi ka galing sa paaralan,
nakasalubong mo ang iyong tiyahin.
4. Nakasabay mo sa kantina ang inyong bagong guro.
5. Nadatnan mo sa bahay na may bisita ang iyong
nanay.
Pagsasanay 3
Panuto: Punan ng angkop na magalang na pananalita
ang bawat patlang sa diyalogo. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.
Sa akin pong palagay Sumasang-ayon po ako
Sang-ayon po ako Tama po
Sumasalungat po ako

Guro: Nabasa na ba ninyo ang balita tungkol sa pagbaha


sa Marikina? Ano ang masasabi ninyo tungkol sa balita?
Sean: (1) __________, dapat palaganapin ang balita para
mag-ingat ang mga taong nakatira malapit sa ilog ng
Marikina.
Feliz: (2) _________. Kapag nalaman ng nakararami ay
maaaring maiwasan ang sakuna lalo na sa mga bata.
Guro: Julian, sang-ayon ka ba sa sinabi ng kapitan ng
barangay na dapat magtanim ng puno ang lahat?

6
Julian: (3) _________. Kung maaari nga ay dapat pati ang
mga bata ay maturuang magtanim ng mga puno.
Guro: Gabriel, sa tingin mo, tama ba ang sinabi ng kapitan
na wala silang magagawa sa pagpigil sa maling
pagtatapon ng basura dahil walang pondo ang kanilang
barangay?
Gabriel: (4) _________. Maaari silang makipagtulungan sa
lahat ng magulang, sa pamamagitan ng pagtuturo sa
bawat pamilya kung paano ang pagtatapon ng basura sa
tamang lugar.
Nina: Ako rin po. (5) _________ dapat ay gumawa ng mga
paraan ang lahat para mapangalagaan ang kalikasan.
Tandaan Natin
Alamin naman natin kung ano
ang iyong mga natutuhang
mabuti sa aralin.
Mahalagang maalala at magamit ang magagandang
pananalita sa pang-araw-araw na buhay. Maaaring simulan
sa tahanan, paaralan at sa mga kaibigan.

Isabuhay Natin

Kung ito ay nararanasan mo sa


iyong buhay ano ang iyong
gagawin sa mga sumusunod na
pangyayari?

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang magagalang na


pananalitang angkop sa bawat sitwasyon.

7
____A. “Kailangan ko ng aklat sa Filipino. Manghihiram
ako sa inyo.”
____B. “Puwede po ba akong manghiram ng aklat sa
Filipino na gagamitin namin?”
____C. “Pahiram nga ng aklat sa Filipino na gagamitin
namin!”

____A. “Lola, tulungan ko na po kayo sa pagtawid.


Aalalayan ko po kayo”
____B. “Lola, bilisan ninyo ang paglalakad baka
masagasaan kayo.”
____C. “Lola, mauna na ako sa iyo kasi mabagal kayo
maglakad.”

____A. “Lola, ang daming gulay nito. Bakit ka nagpunta


dito?”
____B. “Lola, ang daming gulay na pasalubong ninyo.
Marami pong salamat.”
____C. “Lola, bakit nagdala pa kayo? Nahirapan pa kayo
sa pagdadala.”

____A. “Naiwan ko sa bahay ang aking lapis. Kunin ko


muna itong lapis mo.”
____B. “Pahiram naman ng lapis. Naiwan ko kasi sa
bahay ang lapis ko.”

8
____C. “Maaari ba akong manghiram ng lapis mo?
Naiwanan ko kasi sa bahay ang aking lapis.”

____A. “Maraming salamat Kuya, sa ibinigay mong pera.”


____B. “Pambihira ka naman Kuya, kulang itong ibinigay
mo.”
____C. “Dagdagan mo naman itong ibinigay mo Kuya.”

Tayahin Natin

Panuto: Ano ang angkop na reaksiyon sa mga


sumusunod na sitwasyon? Isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot.
___1. Ikaw ang napiling sumali sa patimpalak sa pagguhit.
Alam mong may mas magaling pa sa iyo sa pagguhit.
A. Sasali pa rin ako dahil ako ang napili.
B. Sasabihin ko sa guro na may isa kaming kaklase na
mas magaling sa akin sa pagguhit.
C. Magtatanong ako sa guro bakit ako ang napili.
___2. Nanonood ka ng paborito mong palabas sa
telebisyon nang dumating ang iyong tatay at hiniling na
ilipat ang estasyon sa basketbol.
A. Pagbibigyan ko ang tatay na ilipat ang estasyon
sa palabas na basketbol.
B. Sasabihin ko sa tatay na maghintay na matapos
ako sa panonood bago ko ilipat ang estasyon.
C. Magagalit ako kay tatay dahil gusto niyang ilipat
ang estasyon ng telebisyon.
___3. Nais mong sumama sa pamimili ng iyong nanay

9
ngunit pinagbabantay ka sa nakababata mong kapatid.
A. Aalagaan ko na lang si bunso.
B. Isasama ko na lang si bunso sa palengke.
C. Pupunta kaming dalawa ng aking bunsong
kapatid kapag nakaalis na si nanay sa bahay.
___4. Nakatanggap ka ng regalo na laruang kotse pero
mas gusto mo ay laruang eroplano.
A. Paglalaruan ko na lamang ang laruang kotse.
B. Ibibigay ko ito sa kuya ko dahil paborito niya ang
laruang kotse.
C. Magrereklamo ako dahil ayaw ko sa laruang kotse.
___5. Mabait at matalinong bata si Lito. Paminsan-minsan
binibigyan niya ng baon niyang tinapay ang kaniyang
kaklase na si Ramon.
A. Hihintayin kong manghingi sa akin ang kaklase
kong walang baon.
B. Bibigyan ko rin ng pagkain ang kaklase kong
walang baon.
C. Ibibigay ko ang lahat ng aking baon sa kaklaseng
walang baon.
Gawin Natin

Panuto: Buuin ang mga pangungusap. Gamitin ang mga


salita sa loob ng kahon upang mabuo ang mga ito. Isulat
sa patlang ang tamang sagot.
minana masiyahin alitan
mahinahon nakatutuwa binibigkas
1. ___________ ng isang batang magalang ang “po” at
“opo” kapag siya ay nakikipag-usap sa mga
nakatatanda.
2. Kapag magalang ang isang bata, ____________ itong
kausap.
10
3. Nasisiyahan ka ba kung ikaw ay may ___________ mula
sa iyong lola?
4. Ang tunay na magkakaibigan ay bihirang magkaroon
ng _____________ o away.
5. Makatao ang taong _______________.
Repleksiyon

Ako’y nasisiyahan sa _____________ ng


araling ito tungkol sa _______________.
Marami akong natutuhan kagaya ng
____________ na maaari kong ___________
sa aking mga ____________. Nakatutuwa
ang mga ginawa na mga ____________
sa kuwento na nagsilbing
_______________ sa akin.

Sanggunian
A. Aklat
Luz S. Almeda et.al (2013) Ang Bagong Batang Pinoy – Ikalawang
Baitang Filipino: Rex Book Store Inc.
Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue- Based Multi-
lingual Education: Rex Book Store Inc.
Jocelyn L. Lagarto (2017), Yamang Filipino-Batayan at sanayang
Aklat sa Filipino: Rex Book Store Inc.
Mary Ann C. Escoto et.al (2018) Baybayin Paglalayag sa Wika at
Pagbasa: Rex Book Store Inc.

B. Internet
Penielle Joy Antonio (2019), teacherfunfiles.blogspot.com
Pinoy Edition (2020), pinoyedition.com/mga-pabula/

11
Development Team of the Module

Writer: MA. ZARINA C. MAGALIT


Editors:
Content Evaluator:
MYRZELLE YANEZA
MONALIZA D. CABALLERO
Language Evaluator:
SHEILA MARIE D. ABONIN
DONNABEL F. BALANTAC
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA
Illustrator: NATHANIEL C. MACAAMBAC
Layout Artist:
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER G. RAMA, EPS - FILIPINO
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

12

You might also like