Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

1

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

2
Ano ang target ko?

Magandang araw! Kumusta ka na? Handa ka na bang


magsimula para sa mga bago mong aralin?
Narito ang iyong mga gawain sa Filipino para sa linggong ito.
Handa ka na bang matuto at tuklasin ang panibagong kaalaman
na matututuhan mo?
Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang naisasagawa
mo ang layuning:
• Nasasabi ang mensahe, paksa o tema ng teksto
hango sa tunay na pangyayari

Aralin
Paksa o Tema ng Teksto
5

Ano ako magaling?

Nasasabik ka na ba sa mga
gagawin mo sa panibagong
aralin na ito?

Lagyan ng tsek (√) kung tama ang diwa o kaisipan ng bawat


pangungusap.
____1. Magaling na boksingero si Manny Pacquiao.
____2. Modelong bayani si Dr. Jose Rizal.
____3. Maipagmamalaki ang wikang Filipino.
____4. Sikat na mang-aawit si Kobe Bryant.
____5. Rosas ang ating pambansang bulaklak.

1
Ano ang balik-tanaw ko?

Halina, tayo na’t magbalik aral!

Isulat sa loob ng kahon ang T kung tama ang ipinapahayag ng


sitwasyon sa bawat bilang at M kung mali.
1. Si Itay ay gustong malaman ang balita tungkol sa
klima kaya gumamit siya ng dyaryo.
2. Hindi tama ang mga balitang ipinapakita sa
telebisyon.
3. Ang mga impormasyon ay tunay at hindi gawa-gawa
lamang.
4. Si Inay ay gustong malaman ang tamang pagluluto
ng Adobong Manok kaya nanuod siya sa telebisyon.
5. Ang patalastas ay dala rin ng makabagong
teknolohiya gaya ng radyo, telebisyon at social
media.

Ano ang gagawin ko?

Simulan mo nang basahin ang


kuwento sa ibaba!

Kilala ang Pilipinas sa mga magagaling at natatanging


manlalarong Pilipino. Kilala sila sa iba’t ibang uri ng larangan.
Sikat sila sa loob at labas ng bansa.
Isa na rito si Emmanuel o Manny “Pacman” Pacquiao.
Nakilala si Manny sa kanyang galing sa pagboboksing. Siya ay
nagmula sa General Santos City, Cotabato.
Nagbigay siya ng karangalan para sa ating bansa. Marami
siyang natamong medalya. Mahigit limampung laban na ang
naipanalo niya. Dahil sa kanyang tagumpay, siya ang naging

2
kauna-unahang boksingero na nagwagi sa walong iba’t ibang
dibisyon. Itinanghal din siya dati “Number 1 pound-for-bound
boxer” ng internasyunal na magasin.
Marami siyang katangian na dapat tularan. Ilan dito ang
pagiging madasalin, matulungin sa kapwa, at mapagmahal sa
bayan at pamilya. Higit mo pa siyang hahangaan dahil sa
panawagan niya na magkaroon ng kapayapaan.
(mula sa Jocelyn L. Lagarto (2017), Yamang Filipino, pahina 100)

Nasiyahan ka ba sa iyong binasa?


Tignan natin kung ito’y natandaan mo
pa. Sagutan mo na ang mga inihanda
kong tanong sa ibaba.

1. Sino ang magaling sa boksing?


A. Efren “Bata” Reyes
B. Manny “Pacman” Pacquiao
C. James Yap
2. Bakit sikat ang mga pilipinong manlalaro?
A. Kilala sila sa iba’t ibang uri ng larangan
B. Kilala sila sa pagbibigay ng tulong
C. Kilala sila na madasalin
3. Taga-saan si Emmanuel?
A. Davao
B. Cebu
C. Cotabato
4. Bakit natatangi si Manny Pacquiao?
A. Mapagmahal sa bayan at pamilya
B. Lumaki sa ibang bansa
C. Magaling sa basketbol
5. Ano sa palagay mo ang maaaring mangyari sa
panawagan ni Manny tungkol sa kapayapaan?
A. Magiging mapayapa ang bansa
B. Magiging magulo ang bansa
C. Magiging malungkot ang bansa

3
Ano ang kahulugan

Ngayon ay dagdagan natin ang iyong


kaalamaan tungkol sa paksa o diwa.

Ang paksa o diwa ay ang pinag-uusapan sa kuwento.


Naglalahad at naglalarawan ito ng ideya. Isa sa mga puwedeng
pagkunan ng paksa o diwa ng kuwento ay ang talambuhay.

Ang talambuhay ay isang akda na nakapaloob ang


mahahalagang bagay at impormasyon sa buhay ng isang tao.
Isinusulat ito sa paraang nagsasalaysay.

Ano pa ang gagawin ko?

Ngayon naman ay palawakin mo ang


iyong kaalaman sa mga gawaing
inihanda ko sa’yo.

Pagsasanay 1
Pagtapatin ang Hanay A sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
1. Presidente ng Pilipinas a. Lea Salonga
2. Magaling na boksingero b. James Yap
3. Pambansang Bayani c. Dr. Jose Rizal
4. Tampok na mang-aawit d. Manny
Pacquiao
5. Kilalang manlalaro ng basketball e. Rodrigo
Duterte

4
Pagsasanay 2
Isulat ang tamang impormasyon tungkol sa iyong sarili.
1. Ano ang iyong pangalan? _______________________
2. Ilang taong gulang ka na? _______________________
3. Kailan ang araw ng iyong kapanganakan? _______
4. Saan ka ipinanganak? ___________________________
5. Sino ang iyong mga magulang? __________________
6. Saan ka nakatira? ________________________________
7. Sino-sino ang iyong mga kapatid? ________________
8. Anong baitang ka na sa iyong pag-aaral? ________
9. Ano-ano ang mga hilig mong gawain? ___________
10. Ano-ano ang iyong pangarap sa buhay? ________

Pagsasanay 3
Bumuo ng isang talata mula sa ibinigay mong mga impormasyon
sa Pagsasanay 2.
Halimbawa:
Ako ay si Angel C. Locsin. Ako ay pitong taong gulang.
Ako ay ipinanganak noong ika-9 ng Hulyo, 2013.
Ako ay ipinanganak sa Santa Catalina, Negros Oriental.
______________________________________________________
______________________________________________________
_______________________________________________________
______________________________________________________

Ano ang natamo ko?

Alamin naman natin kung ano ang iyong


mga natutunang mabuti sa aralin.

Ang talambuhay ay isang akda na nakapaloob ang


mahahalagang bagay at impormasyon sa buhay ng isang tao.
Sa pagsusulat ng talambuhay, tiyakin na tama o wasto ang mga
impormasyong ilalagay dito.

5
Ano ang kaya kong gawin?

May mga inihanda pa akong


pagsasanay para mas lalo mo pang
mapayaman ang iyong kaalaman.

Gawan ng isang maikling talambuhay ang iyong sarili gamit ang


mga datos na makukuha sa patnubay na makikita sa ibaba.

Pangalan: ________________________________________
Gulang: __________________________________________
Araw ng Kapanganakan: _________________________
Tirahan: ___________________________________________
Pangalan ng Tatay: _______________________________
Pangalan ng Nanay: ______________________________
Bilang ng Kapatid: _________________________________
Baitang na Pinag-aaralan: _________________________
Pangarap: ________________________________________

Kumusta na ang target ko?

Basahin ang talambuhay ni Apolinario Mabini at sagutan ang


gawain sa ibaba. https://bayaningfilipino.blogspot.com/2009/09/talambuhay-
ni-apolinario-mabini.html
Isa si Mabini sa ating mga bayani. Isa siya sa dapat nating
ipagmalaki. Dapat natin siyang tularan. Bakit kaya? Kilala mo ba si
Apolinario Mabini? Ano ang alam mong katangian niya?
Matalinong mag-aaral si Apolinario Mabini. Nahinto ang
kaniyang pag-aaral sapagkat mahirap lamang siya.
Kahit mahirap, ibig niyang makatapos ng pag-aaral at
magtagumpay. Kaya’t naghanap siya ng trabaho at nakapasok
naman siya. Dahil sa sipag, talino at tulong ng mga tao,
nakapagtapos siya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nag-aral siya
nang mabuti at naging isang abogado.

6
Nagpakasipag siya sa kaniyang pag-aaral. Masipag din siya
sa paghahanapbuhay. Sa kasamaang palad, tinamaan siya ng
sakit na Polio. Naging dahilan ito ng kanyang pagkalumpo.
Ngunit, hindi naging sagabal ang kanyang kapansanan sa
kaniyang mga gawain. Tinulungan niya si Emilio Aguinaldo na
naging Pangulo noon ng ating bansa. Siya ang naging tagapayo
nito. Ibig niyang maging maayos ang pamahalaan. Ibig niyang
makatulong sa ating bansa. Gumawa siya ng plano para sa
ating kabutihan. Tunay siyang bayani na dapat nating tularan.
Jocelyn L. Lagarto (2017), Yamang Filipino, pahina 72
Isulat ang T kung tama ang ipinapahayag na sitwasyon at M
kung mali.
____1. Isang bayani si Apolinario Mabini.
____2. Hindi natin dapat tularan ang ating mga bayani.
____3. Hindi naging sagabal ang kapansanan ni Mabini sa
pagtulong sa bayan.
____4. Hindi hadlang ang kahirapan sa pagtatagumpay.
____5. Isa sa katangian ng isang bayani ay ang pagiging masipag
sa pag-aaral

Ano pa ang kaya kong gawin?

Para sa pangwakas na gawain, gawan ng isang maikling


talambuhay ang isa sa iyong kapatid. Gamitin ang mga datos na
makukuha gamit ang patnubay na makikita.

Pangalan: ________________________________________
Gulang: __________________________________________
Araw ng Kapanganakan: __________________________
Tirahan: ___________________________________________
Pangalan ng Tatay: _______________________________
Pangalan ng Nanay: ______________________________
Bilang ng kapatid: ________________________________
Baitang na Pinag-aaralan: ________________________
Pangarap: _______________________________________

7
PULSO NG MAG-AARAL

Ako’y nasisiyahan sa _________________ ng


araling ito
tungkol sa __________________. Marami akong
natutuhan kagaya ng ___________________ na
puwede kong ___________________ sa aking
mga ___________________. Nakatutuwa ang
mga ginawa ng mga ________________ sa
kuwento na nagsilbing __________________ sa
akin.

Sanggunian
A. Aklat

Luz S. Almeda et.al (2013) Ang Bagong Batang Pinoy – Ikalawang


Baitang Filipino: Rex Book Store Inc.
Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue- Based Multi-
lingual Education: Rex Book Store Inc.
Jocelyn L. Lagarto (2017), Yamang Filipino-Batayan at sanayang
Aklat sa Filipino: Rex Book Store Inc.
Mary Ann C. Escoto et.al (2018) Baybayin Paglalayag sa Wika at
Pagbasa: Rex Book Store Inc.

B. Internet
Penielle Joy Antonio (2019), teacherfunfiles.blogspot.com
Pinoy Edition (2020), pinoyedition.com/mga-pabula/

EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief
8

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS
Para sa katanungan, tumawag sa:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City
Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like