Hybrid Filipino 2 Q1 M4 W4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Filipino

2
Unang Markahan Modyul 4
IKaapat na Linggo

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampublikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy
na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

1
Ano ang target ko?

Magandang araw! Kumusta ka na? Handa ka na


bang magsimula para sa mga bago mong aralin?
Narito ang iyong mga gawain sa Filipino para sa
linggong ito. Handa ka na bang matuto at tuklasin ang
panibagong kaalaman na matutuhan?
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang
naisasagawa mo ang layuning:
• Nagagamit ang naunang kaalaman o
karanasan sa pag-unawa ng napakinggang
teksto at nakasasagot sa mga tanong tungkol sa
nabasang kuwentong kathang-isip at tula

Ano ako magaling?

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Makikita ang pangunahing ideya sa __________.
A. unahan, gitna, o huling pangungusap ng teksto
B. pamagat ng teksto
C. wala sa nabanggit
2. Maiuugnay ang sariling karanasan kung ___________
napakinggan o nabasa.
A. napanood sa telebisyon ang teksto
B. nauunawaan ang teksto
C.ako ang gumaganap na tauhan sa teksto
3. Ang kuwentong “si Pagong at si Kuneho” ay isang
__________.
2
A. Alamat B. Balita C. Pabula
4. Ang “Alamat ng Saging” ay isang __________.
A. Pabula B. Alamat C. Balita
5. Ang isang __________ ay may simula, gitna at wakas.
A. kuwento B. pangungusap C.salita

Aralin
Tekstong Kathang-Isip
6 at Tula

Ano ang balik-tanaw ko?

Natatandaan mo pa ba
ang nakaraang aralin?
Tayo na’t magbalik-aral!

Ano ang gagawin ko?

Handa ka na bang basahin ang


panibagong kuwentong inihanda
ko para sa’yo? Simulan mo na!

3
Ang Patimpalak
akda ni Babylen Arit Soner

Si Elen ay isang batang napakahilig kumanta. Wala


yatang araw na hindi maririnig ang tinig niya habang
umaawit. Lahat naman ay natutuwa sa kaniya sapagkat
tunay na maganda ang kaniyang tinig.
Minsan, naglalakad siya sa may palengke nang makakita
siya ng isang pangkat ng mga tao na nagsisiksikan sa
may pook paskilan. Hindi nakatiis at lumapit siya upang
makita at malaman kung ano ang kanilang
pinagkakaguluhan. Nakita niya ang isang nakapaskil na
patalastas.

Dali-dali siyang umuwi at sinabi ito sa kaniyang mga


magulang. “Inay, sasali po ako sa patimpalak na iyon,”
ang sabi niya. “Sige, anak!” sagot ng kaniyang ina.
“Kayang-kaya mo yan anak,” sabi naman ng kaniyang
ama. “Naku! Kailangan ko ng magsimula sa pagsasanay
para maging maganda ang aking pag-awit,”
nagmamadaling saad ni Elen sabay kanta ng isang awit
na madalas niyang awitin. Dahil doon, masayang
Nasiyahan ka
nagtawanan ang bamag-anak.
sa iyong binasa?
Masagutan mo sana ang mga
(mula sa Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue- Based Multi-lingual Education, pahina 159)

tanong sa ibaba tungkol dito.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

4
A. Elen B. Elena C. Emma
2. Saang larangan magaling si Elen?
A. pag-awit B. pagsayaw C. pagguhit
3. Ano ang tinutukoy sa patalastas?
A. Pambayang Paligsahan sa Pag-awit 2013
B. Pambayang Paligsahan sa Pagsayaw 2013
C. Pambayang Paligsahan sa Pagguhit 2013
4. Kanino niya binalita ang nabasang patalastas?
A. kaibigan B. guro C. magulang
5. Kung ikaw si Elen, sasali ka rin ba sa patimpalak sa
pag-awit?
A. Oo B. hindi C. ewan
Ano ang kahulugan?
Masasabi mo ba kung tungkol
saan ang iyong binasa sa itaas?
Ang patalastas ay isang paraan ng pag-aanunsiyo
ng produkto, serbisyo o mga gawain sa pamamagitan ng
iba’t ibang anyo ng komunikasyon. Ginagamit ito upang
mahikayat ang mga manonood, mambabasa, o mga
tagapakinig na magpatuloy sa inaanunsiyo gaya ng mga
taong dapat kausapin, mahalagang petsa, dapat o hindi
dapat gawin sa isang lugar, o ang benepisyong
makukuha mula sa produkto or sebisyo.
Ang pinakaunang anyo ng patalastas ay sa
pamamagitan ng bibig. Kalimitang isinisigawa ng mga
tindero’t tindera ang kani-kanilang paninda gaya ng
pagkain, kasangkapan, o anumang kagamitan. Ang
ikalawalang anyo ay ang mga nakasulat na patalastas
sa anyo ng poster. Sa kasalukuyan, mas malawak na at
mas marami ang mga patalastas dala na rin ng
makabagong teknolohiya gaya ng telebisyon, radyo, at
social media.
(mula sa Nofuente, Valerio. 1976. Mga salamangka ng mga patalastas sa telebisyon. Sagisag 2:5-6 (Pebrero 1976))

Ano pa ang gagawin ko?


Ngayon, alam kong nadagdagan
5 na
naman ang iyong kaalaman. Upang
mapagyabong/mapagyaman ito ay
Gawain 1
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo
ang mga salitang ginagamit sa paghahatid ng balita.
Isulat sa patlang ang sagot.
1. T E B L E S I O Y N – ______________________
2. R A Y D O – ______________________
3. D AY R Y O – ______________________
4. K U M P O Y T E R – ______________________
5. C L L E P O H N E – ______________________
Gawain 2
Panuto: Piliin sa loob ng kahon kung anong uri ng
kagamitang naghahatid ng impormasyon o patalastas
ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang
ang tamang sagot.
Radyo Cellphone Kompyuter
Telebisyon Dyaryo
______1. Uri ng midya o daluyan ng mga impormasyon at
komunikasyon na nagpapakita ng mga gumagalaw na
larawan.
______2. Uri ng midya o daluyan ng mga impormasyon at
komunikasyon ng mga tunog na naglalakbay sa ere.
______3. Ito ay nababasa kung saan naglalaman ng
balita na nakasulat sa papel.
______4. Ito ay isang makabagong teknolohiya na
pinagkukunan ng impormasyon o patalastas. Nadadala
rin ito kahit saan.
______5. Isang gamit na patuloy na pinauunlad upang
mas mapadali ang pakikipagkomunikasyon,

6
pagpapalaganap ng mga impormasyon at marami
pang iba.
Gawain 3
Bilugan ang mga larawan na nagpapakita ng patalastas
o balita sa bawat kahon.

Ano ang natamo ko?


Alam kong sa oras na ito ay
malinaw mo nang maipapahayag
ang iyong natutuhan.

Ang patalastas ay isang paraan ng pag-aanunsiyo ng


mga produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba't ibang
anyo ng komunikasyong pangmasa o pangmadla.
Ano ang kaya kong gawin?

Ang susunod na pagsasanay ay


magsisilbing gabay mo upang
mapalalim mo pa ang iyong
Panuto:mga natututuhan.
Iguhit ang bituin kung ang pahayag ay
tama at bilog kung mali.
________1. Ang patalastas ay isang paraan ng pag-
aanunsiyo.

7
________2. Ang pinakaunang anyo ng patalastas ay sa
pamamagitan ng mata.
________3. Ang pinakaunang anyo ng patalastas ay sa
pamamagitan ng bibig.
________4. Ang ikalawalang anyo ay ang mga nakasulat
na patalastas sa anyo ng poster.
________5. Ang ikatlong anyo ng patalastas ay ang
makabagong teknolohiya.

Kumusta na ang target ko?

Panuto: Pag-aralan ang patalastas. Isulat ang mga


hinihinging impormasyon tungkol dito.
Mag-audition na para sa
“BULILT CHAMPIONS!”
SUMALI AT Kung ikaw ay 7-9 ang edad, may
MAKISAYA!
NATATANGING TALENTO IKAW na ang
HANAP KO! Baka ikaw na ang manalo ng
Php 5,000, tropeo at maging kinatawan ng

barangay mo sa may natatanging talento. Magdala ng Birth Certificate, 2x2


ID at ng Registration Form. Makipag-ugnayan kasama ang magulang o
guardian sa barangay ng inyong munisipalidad para sa iba pang detalye.

____1. Ano ang inanunsiyong patimpalak?


A. Bulilit Champions
B. Patimpalak sa pagkanta
C. Patimpalak sa pagguhit
____2. Sino-sino ang maaaring sumali?
A. 8-10 ang edad at may natatanging talento
B. 7-9 ang edad at may natatanging talento
C. 5-7 ang edad at may natatanging talento
____3. Ano-ano ang mapapanalunan sa patimpalak?
A. Php 5,000, tropeo, maging kinatawan ng barangay
sa natatanging talento
B. Php 6,000, tropeo, maging kinatawan ng bayan
C. Php 10,000, tropeo, maging kinatawan ng “Bulilit
Champions”

8
____4. Sino dapat ang kasama ng mga sasali sa pagpunta
sa barangay?
A. Gng. Clarissa Monte
B. Magulang o Guardian
C. Wala
5. Saan sila pupunta kung nais nilang sumali?
A. Barangay B. Ospital C. Simbahan

Ano pa ang kaya kong gawin?


Panuto: Para sa pangwakas na gawain, magtala ng tatlong
impormasyon na napakinggan mo sa patalastas sa radyo o
sa telebisyon.
1.______________________________________________________
2.______________________________________________________
3.______________________________________________________

Repleksiyon
Ako’y nasisiyahan sa _____________ ng
araling ito tungkol sa _______________.
Marami akong natutuhan kagaya ng
____________ na maaari kong ___________
sa aking mga ____________. Nakatutuwa
ang mga ginawa na mga ____________
sa kuwento na nagsilbing
_______________ sa akin.

Sanggunian
A. Aklat

9
Nofuente, Valerio. 1976. Mga salamangka ng mga
patalastas sa telebisyon. Sagisag 2:5-6 (Pebrero 1976)

Luz S. Almeda et.al (2013) Ang Bagong Batang Pinoy –


Ikalawang Baitang Filipino: Rex Book Store Inc.

Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue- Based


Multi-lingual Education: Rex Book Store Inc.

Jocelyn L. Lagarto (2017), Yamang Filipino-Batayan at


sanayang Aklat sa Filipino: Rex Book Store Inc.
Mary Ann C. Escoto et.al (2018) Baybayin Paglalayag sa
Wika at Pagbasa: Rex Book Store Inc.
B. Internet
Penielle Joy Antonio (2019), teacherfunfiles.blogspot.com
Pinoy Edition (2020), pinoyedition.com/mga-pabula/

EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

10
Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ
11

You might also like