Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Filipino 2

Unang Markahan Modyul 3


IKatlong Linggo

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampublikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din
itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mga kompetensi. Kaya mo ito!

1
Ano ang target ko?
Magandang araw! Kumusta ka na? Handa ka na
bang magsimula para sa mga bago mong aralin?
Narito ang iyong mga gawain sa Filipino para sa
linggong ito. Handa ka na bang matuto at tuklasin ang
panibagong kaalamang iyong matututuhan.
Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang
maisasagawa mo ang layuning:
Nasasabi ang mensahe sa kuwentong kathang-isip.

Ano ako magaling?

Magaling! Napagtagumpayan
mo ang mga naunang mga
aralin.

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba, sa


pamamagitan nito ay hulaan at isulat ang pamagat ng
kuwento sa bawat bilang. Hanapin ang sagot sa loob ng
kahon.

1. Ang ____________ at ang ____________

2
2. Ang ____________ at ang ____________

3. Si ____________ at si _____________

4. Ang ____________ at ang ____________

5. Ang ____________ at ang ____________

A. Kalabaw B. Tipaklong
C. Langaw D. Langgam
E. Daga F. Pagong
G. Matsing H. Leon
I. Aso J. Uwak

Aralin Mensahe sa Maikling


3
Kuwentong Pabula
3
Ano ang balik-tanaw ko?

Tayo na’t magbalik aral!

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung tama ang


pahayag ukol sa paggamit ng magalang na pananalita.
1. May mga magagalang na salita batay sa
sitwasyon ng pag-uusap.
2. Kapag ang isang bata ay hindi gumagamit ng
magagalang na salita, igagalang din siya ng
iba.
3. Kapag nalilito, gumamit ng magalang na
pananalita para humingi ng paumanhin.
4. Kapag nagkamali ka, ipilit mong tama pa rin
ang iyong sinabi.
5. Kapag hindi sang-ayon, sigawan ang kausap
para siya’y makinig.

Ano ang gagawin ko?

Basahin ang kuwento sa


ibaba at sagutan mo ang
mga tanong pagkatapos nito.

4
Ang Uhaw na Uwak

May isang uhaw na uhaw na Uwak na gustong uminom


sa isang pitsel na naiwan sa mesa. Maliit lamang ang
bunganga ng pitsel kaya hindi maipasok ng Uwak ang ulo
upang sipsipin ng tuka ang tubig. Hirap na hirap abutin ng
Uwak ang kaunting tubig sa malalim na sisidlan. Kahit na
anong pilit ay hindi mabawasan ang sobrang pagkauhaw ng
ibon.
Tumingala siya at luminga-linga sa paligid. Alam niyang
may kasagutan sa alinmang problemang kinakaharap natin.
Tama siya! Sa isang iglap ay naisip niya ang tanging
kasagutan. Lumipad siya sa labas at tumuka ng isang
munting bato at inihulog sa loob ng pitsel. Nagpabalik-balik
siya sa paglalagay ng mumunting bato hanggang sa
umabot ang tubig sa maliit na bunganga ng pitsel. Nakainom
ang Uwak at natugunan ang pagkauhaw niya sa isang iglap
lamang.
Aral: Ang bawat suliranin ay madaling sagutin kung ating
iisipin.
(mula sa Pinoy Edition (2020), Ang Uhaw na Uwak pinoyedition.com/
mga-pabula/ang-uhaw-na-uwak/)

Ngayon naman ay pagsikapan mong


sagutan ang mga katanungan sa
ibaba.

1. Sino ang nauhaw?


5
A. Agila B. Uwak C. Maya
2. Bakit hindi siya makainom sa pitsel?
A. Maliit lamang ang bunganga ng pitsel.
B. Maliit lamang ang bunganga ng baso.
C. Maliit lamang ang bunganga ng balde.
3. Ano ang naisip ng uwak para siya ay makainom?
A. Tumuka ng isang munting bato at inihulog sa loob
ng baso.
B. Tumuka ng isang munting bato at inihulog sa loob
ng balde.
C. Tumuka ng isang munting bato at inihulog sa loob
ng pitsel.
4. Sa iyong palagay, nakainom ba ang uwak?
A. Oo B. Hindi C. Ewan
5. Kung ikaw si Uwak, gagawin mo rin ba ang ginawa
niya? Bakit?
A. Opo, para mawala ang aking uhaw.
B. Hindi, titiisin ko na lang ang aking uhaw.
C. Ewan, maghihintay na lang ako na may
magbigay ng tubig.
Ano ang kahulugan?

Alam mo ba na maikling kuwento ang


iyong binasa?
Ano nga ba ang maikling kuwento? At
ano kaya ang halimbawa nito?

Ang maikling kuwento ay naglalaman ng maiksing


salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na
kinabibilangan ng isa o ilang mga tauhan.
Halimbawa: Pabula
Ano nga ba ang pabula?
Ang karaniwang pabula ay kuwento kung saan mga
hayop ang gumaganap at ang mga hayop na ito ay
kumikilos at nagsasalita na tulad ng tao.
Madalas na inilalarawan ng pabula ang dalawang
hayop na may magkaibang ugali at nagwawakas ang

6
kuwento na nagwawagi ang may mabuting ugali. Nag-iiwan
ito ng aral sa mambabasa.
Ano pa ang gagawin ko?

May inihanda akong mga gagawin


sa ibaba upang mapaunlad mo pa
lalo ang iyong kaalaman.

Gawain 1
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga larawan batay sa mga
pangyayari sa kuwentong “Ang Uhaw na Uwak” sa
pamamagitan ng pagsulat ng bilang 1-5 sa loob ng kahon.

Gawain 2
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang mga larawang
tumutukoy sa hayop. (redraw all the pictures)
1.

2.

7
3.

4.

5.

Gawain 3
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa bawat bilang. Isulat
kung ang damdaming nangingibabaw ay Natuwa,
Nalungkot, Nagulat, Natakot o Nagalit.
_________1. Isang dumaraang magsasaka ang naawa at
sumagip sa kanya at iniuwi siya sa bahay. ( Ang Pangit Na
Inakay)
_________2. Masasaya ang mga Gansa sa paglangoy nila sa
batis. (Ang Uwak at ang Gansa)
_________3. Nanginginig na ang mga Kuneho kapag tumitig
na ito. (Ang Aso at ang Leon)
_________4. "A basta! Nauna ako sa gitna ng tulay kaya ako
ang dapat na makadaan." (Ang Puti at Itim na Kambing)
_________5. Nang magising si Matsing ay nagulat siya sa
nakita niyang tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong.
(Ang Pagong at Ang Matsing)
Ano ang natamo ko?
Nagustuhan mo ba ang mga
gawaing inihanda ko sa iyo sa itaas?
Ngayon ba ay masasabi mo na lubos
mo nang natutuhan ang aralin?

Ang pabula ay isang maikling kuwento na


kinapupulutan ng magandang aral at kadalasang
ginagamit bilang kuwentong pambata. Ang pagbibigay

8
ng mensahe o reaksiyon sa isang teksto o sitwasyon ay
nakasalalay sa damdaming nadarama ng nagbabasa.
Ang mga pangungusap ay maaaring nagpapahayag ng
iba’t ibang damdamin tulad ng lungkot, tuwa, inis, takot,
galit, panghihinayang at iba pa.

Ano ang kaya kong gawin?


May mga inihanda pa akong
pagsasanay para mas lalo mo pang
mapagyaman ang iyong kaalaman.

Panuto: Basahin ang buod ng kuwentong “Si Langgam at


si TIpaklong” isinulat ni Virgilio Almario / halaw sa pabula ni
Aesop. https://buklat.blogspot.com/2017/12/si-langgam-at-tipaklong-pabula.html
“Si Langgam at si Tipaklong”
Sa panahon ng tag-init ay ginugugol ng tipaklong ang
kanyang oras sa paglalaro at pagpapakasaya habang ang
langgam ay abala sa pag-iimpok ng pagkain. Hindi niya
maintindihan kung bakit kailangang magtrabaho ng husto ng
langgam. Dumating ang tag-ulan at nangangatog sa lamig
at gutom ang tipaklong habang ang langgam ay
komportable at may sapat na pagkain. Doon naintindihan ng
tipaklong kung bakit kailangang magtrabaho ng husto ng
langgam sa panahon ng tag-init.
Panuto: Isulat ang T kung tama ang ipinapahayag na
sitwasyon at M kung mali batay sa buod na binasa.
___1. Sa panahon ng tag-init ay ginugugol ng langgam ang
kanyang oras sa paglalaro at pagpapakasaya.
___2. Hindi maintindihan ni tipaklong kung bakit kailangang
magtrabaho ng husto ng langgam.
___3. Dumating ang tag-ulan at nangangatog sa lamig at
gutom ang tipaklong.
___4. Habang tag-ulan, si langgam ay komportable at may
sapat na pagkain.
___5. Kailangang magtrabaho ng husto ni langgam sa
panahon ng tag-ulan.

9
Kumusta na ang target ko?

Panuto: Balikan at basahing muli ang kuwentong “Ang Uhaw


na Uwak”. Punan ng hinihinging impormasyon ng story map.
Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.
Pamagat
__________________

Tauhan Tagpuan
_____________________ _____________________

Suliranin Solusyon
________________________ ________________________
_
A. Hindi makainom si Uwak. D. Ang Uwak
B. Ang Uhaw na Uwak E. Sa Bahay
C. Tumuka ng isang munting
bato at inihulog sa loob ng pitsel.

Ano pa ang kaya kong gawin?

Para sa pangwakas na gawain, basahin ang pabulang


“Ang Lobo at ang Kambing” https://www.youtube.com/watch?v=HqEkWd3KCPc at
sagutan ang mga tanong sa ibaba.
Ang Lobo at ang Kambing
Gutom na gutom na ang Lobo. Sa paghahanap ng
hayop na mapapananghalian ay napatingala siya nang
matanawan sa mataas na batuhan ang nanginginaing
Kambing. Inisip ng Lobo kung paano niya mapapababa ang
bibiktimahin. "Kaibigang Kambing! Kaibigang Kambing!
Napakaganda mo lalo't tinatamaan ng sikat ng araw ang
balahibo mo." "Talaga? Salamat." Sandaling yumuko lang
ang Kambing na nagpatuloy sa panginginain. "Kaibigang
Kambing! Kaibigang Kambing! Nag-aalala ako sa
kapakanan mo. Baka madulas ka sa gilid ng batong

10
tinutuntungan mo!" "Kaya ko ito. Salamat sa pag-aalala mo,"
nagpatuloy sa panginginain at di man lamang tumingin ang
sumimangot na Kambing. "Kaibigang Kambing! Kaibigang
Kambing! Di ka dapat sobrang magkakain. Ang anumang
sobrang pagkain ay makasasama sa kalusugan natin." Sa
pakikialam ng makulit na Lobo ay galit na galit na umingos
ang Kambing na nagpatuloy sa masarap na panginginain.
Nang inaakalang ayaw ng Kambing sa mga pananalitang
naglalambing ay malakas na tinawag ito ng naglalaway na
sa gutom na Lobo. "Hoy, Kambing. Bakit nagtitiis ka sa
kaunting damo sa tuktok ng batuhan. Bumaba ka at
napakaraming damo kang makakain para sa iyong
pananghalian!" "Hoy, Lobo," galit na sigaw ng Kambing.
"Huwag mong akalaing napakabobo ko. Alam kong
pananghalian mo at hindi pananghalian ko ang puntirya mo
kaya pinabababa mo ako." Sa pagkapahiya ng Lobo ay
lumayo na ito.
Aral: Di lahat ng pag-aalala ay may katapatang kasama.
1. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
A. Lobo at Aso
B. Lobo at Kambing
C. Kambing at Baka
2. Bakit nag-aalala si Lobo kay Kambing?
A. Baka mahulog si Kambing
B. Baka madapa si Kambing
C. Baka madulas si Kambing
3. Ano ang naisip ng Kambing kung bakit gusto siya
pababain ni Lobo?
A. Gusto siyang gawing pananghalian.
B. Gusto siyang kalaro.
C. Gusto siyang yayain gumala.
4. Totoo bang kaibigan ni Kambing si Lobo?
A. Oo b. Hindi c. Ewan
5. Naniwala kaya si Kambing kay Lobo sa kanyang pag-
aalala?
A. Oo b. Hindi c. Ewan
Repleksiyon
11
Ako’y nasisiyahan sa _____________ ng araling ito tungkol
sa _______________. Marami akong natutuhan kagaya ng
____________ na maaari kong ___________ sa aking mga
____________. Nakatutuwa ang mga ginawa na mga
____________ sa kuwento na nagsilbing _______________ sa
akin.

Sanggunian
A. Aklat
Luz S. Almeda et.al (2013) Ang Bagong Batang Pinoy – Ikalawang
Baitang Filipino: Rex Book Store Inc.

Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue- Based Multi-


lingual Education: Rex Book Store Inc.

Jocelyn L. Lagarto (2017), Yamang Filipino-Batayan at sanayang


Aklat sa Filipino: Rex Book Store Inc.

Mary Ann C. Escoto et.al (2018) Baybayin Paglalayag sa Wika at


Pagbasa: Rex Book Store Inc.
B. Internet
Penielle Joy Antonio (2019), teacherfunfiles.blogspot.com
Pinoy Edition (2020), pinoyedition.com/mga-pabula/

EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS
12
Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ
For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

13

You might also like