Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

1

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

2
Ano ang target ko?

Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang naisasagawa


mo ang mga layuning ito:
1. Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa
pag-unawa ng nabasa/ napakinggang kwento
2. Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa tekstong hango
sa tunay na pangyayari

Teksto sa Tunay na
Aralin
Pangyayari
7

Ano ako magaling?

Nasasabik ka na bang gawin ang mga


pagsasanay sa araling ito? Simulan na natin!

Isulat ang tsek (√) sa patlang ng bawat bilang kung naranasan


mo ang ipinapahayag ng pangungusap at ekis (X) naman kung
hindi.
__________1. Paborito tuwing Pasko ang bibingka at puto-
bumbong.
__________ 2. Makikita ang Araw, Buwan at Bituin sa kalangitan.
___________3. Ang Mt. Apo ang pinakamataas na bundok sa
Pilipinas.
___________ 4. Ang Lupang Hinirang ang pambansang awit ng
Pilipinas.

1
__________ 5. Tilapia ang pambansang isda.

Ano ang balik-tanaw ko?

Halika’t magbalik-aral tayo!

Tingnan ang mga larawang nasa loob ng bilog at tukuyin kung ito
ay nasa UNAHAN, GITNA o HULIHAN. Isulat ang sagot sa
nakalaang patlang.

1. ______________

2. ______________

3. ______________

4. ______________

5. ______________

Ano ang gagawin ko?

Basahin at unawaing mabuti ang


kuwento sa ibaba upang
masagutan mo nang maayos ang
mga tanong pagkatapos 2
Puno ng Buhay

Akda ni Grace Urbien-Salvatus

Isang bakasyon, umuwi sa Quezon ang pamilya Reyes.


Nakita nila ang maraming tanim na niyog sa daan. Hitik na hitik sa
bunga ang mga ito. “Ang mga iyan ay tinatawag na puno ng
buhay,” sabi ni Mang Herman kay Carlos habang itinuturo ang
mga puno ng niyog.
“Bakit po tinawag na puno ng buhay ang niyog, tatay?”
tanong ni Carlos sa kaniyang tatay. “Mamaya mo na sagutin iyan
at bababa na tayo,” sabi naman ni Aling Marina. “Matutuwa ang
iyong Lolo Mario at Lola Anselma sa ating pagdating,” dagdag
pa nito.
Pagpasok pa lamang nila sa bakuran ay napansin na ni
Carlos ang bakod na yari sa kahoy ng niyog. Napansin din niya
na ang bahay pala ay yari din sa niyog. Ang hagdan, sahig,
dingding, poste, at maging ang mesa at mga upuan ay yari sa
kahoy ng niyog. Ang bintana at bubong naman ay yari sa dahon
ng niyog. Nakita din niya ang nakapaskil na bulaklak na yari sa
tangkay ng niyog at ang dahon naman ay yari sa palapa nito.
“Kumain muna kayo at magpahinga sandali,” sabi ni Lola
Anselma habang nagmamano ang mga bagong dating. Sa
hapag kainan ay may nakahandang buko juice, buko salad at
sinukmani. “Ipapasyal ko ang aking apo mamaya sa niyugan,”
masayang sabi naman ni Lolo Mario.
Napangiti si Carlos. Ngayon ay alam na niya kung bakit
tinawag na puno ng buhay ang niyog.
(mula sa Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue- Based Multi-lingual Education, pahina 75-
76)

3
Ngayon ay sagutin mo ang mga
tanong sa ibaba ayon sa kuwentong
iyong nabasa.

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
A. Carlos, Mang Herman, Aling Marina, Lolo Mario, Lola
Anselma
B. Arthur, Mang Herman, Aling Lorinda, Lolo Mario, Lola
Anselma
C. Carlos, Mang Domeng, Aling Marina, Lolo Tasyo, Lola
Anselma
2. Saan sila umuuwi tuwing bakasyon?
A. Batangas
B. Laguna
C. Quezon
3. Ano ang napansin ni Carlos sa bahay ni Lola Anselma?
A. Ang bahay ay yari din sa abaca
B. Ang bahay ay yari din sa niyog
C. Ang bahay ay yari din sa pinya
4. Saan inihalintulad ni Mang Herman ang puno ng buhay?
A. Abaca
B. Niyog
C. Pinya
5. Bakit tinawag na puno ng buhay ang niyog?
A. Dahil marami siyang puwedeng paggamitan.
B. Dahil marami itong bunga.
C. Dahil ito ay mataas.

Ano ang kahulugan?

Palalimin pa natin ang iyong mga


natutuhan sa araling ito. Alam mo ba
kung bakit madali mong naintindihan
ang kuwentong iyong binasa?

4
May mga kuwentong isinusulat ng may-akda na ang
konsepto ng mga pangyayari ay maaring batay sa tunay na
buhay na naiuugnay ng mambabasa sa kanyang mga
karanasan sa araw-araw na pangyayari. Ito ay isang paraan
upang mas lalong maintindihan ang mensaheng nais iparating sa
mambabasa at madaling maiugnay ng mambabasa sa mga
panibagong konsepto.

Ano pa ang gagawin ko?

Masiyahan ka sana sa
pagsagot sa mga gawain sa
ibaba. Magsimula ka na!

Gawain 1
Isulat sa patlang ang TAMA kung ang ipinapahayag ng
pangungusap ay matatagpuan sa kuwento at MALI kung hindi.
______1. Nakita nila ang maraming tanim na niyog sa daan.
______2. Isang bakasyon, umuwi ang mag-anak sa Quezon.
______3. Kumain sila at nagpahinga.
______4. Namasyal sila sa palayan.
______5. Hitik na hitik sa bunga ang mga pananim na manga.

Gawain 2
Lagyan ng tsek (√) ang patlang bago ang bilang ng
pangungusap na naglalarawan sa puno ng niyog.
______1. Ang mga bahay at bakod ay yari sa kahoy ng niyog.
______2. Hindi matibay ang puno ng niyog.
______3. Maaaring inumin ito at gawing buko juice.
______4. Walang magandang dulot na naibibigay ang puno ng
niyog.
______5. Mga bintana at bubong ay yari sa dahon ng niyog.

5
Gawain 3

Pag-aralan ang larawan. Lagyan ng / o X ang iyong gagawin


kapag makita mong ganito ang iyong paligid.
_____ 1. Tawagin ang nanay para ipalinis ang bakuran.
_____ 2. Pabayaan ang kalata at hintaying dumating ang trak ng
basura.
_____ 3. Kunin ang walis at pandakot at linisin ang paligid.
_____ 4. Magdagdag ng basurahan para hindi nakasabit ang
ibang basura.
_____ 5. Huwag pansinin ang nakitang kalat sa paligid.

Ano ang natamo ko?

Alam mo na ba kung ano ang dapat mong


tandaan sa araling ito?

May mga kuwentong ang mga pangyayari ay hango sa


tunay na buhay na nauunawaan ng mambabasa sapagkat ito
ay naiuugnay sa sariling karanasan.

Ano ang kaya kong gawin?

6
Ngayon ay pagyamanin mo pa ang
iyong natutuhan sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga inihandang
karagdagang gawain na tiyak na
makakatulong sa’yo.

Basahin at piliin ang pangunahing kaisipan ng bawat talata.


Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang dengue ay maiiwasan kung ibayong pag-iingat ay
isasaalang-alang. Palitan nang madalas ang tubig sa plorera.
Linisin ang loob at labas ng bahay. Maging malinis sa tuwina.
A. Ang dengue ay maiiwasan kung ibayong pag-iingat ay
isaalang-alang.
B. Palitan nang madalas ang tubig sa plorera.
2. Kapag may sipon o ubo, iwasan ang pagdura kung saan-saan.
Takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing
nang hindi makahawa ng iba. Uminom ng maraming tubig at
magpahinga.
A. Kapag may sipon o ubo, iwasan ang pagdura kung
saan-saan.
B. Uminom ng maraming tubig at magpahinga.
3. Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay. Maraming
bitamina ang nakukuha sa mga ito. Nakatutulong din ang
mga ito upang mapanatiling malusog ang katawan.
A. Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay.
B. Nakatutulong ang mga ito upang mapanatiling malusog
ang katawan.
4. Uminom ng walo o higit pang baso ng tubig sa araw-araw.
Nakatutulong ito para sa mabilis na pagtunaw ng ating kinain.
Nasosolusyunan nito ang pagtigas ng dumi sa loob ng
katawan.
A. Uminom ng walo o higit pang baso ng tubig araw-araw.
B. Nakatutulong ito para sa mabilis na pagtunaw ng ating
kinain.
5. Iwasan ang pagkain ng junk food at pag-inom ng nakalatang
inumin. May mga kemikal ito na hindi mabuti sa katawan.
A. Iwasan ang pagkain ng junk food at pag-inom ng
nakalatang inumin.
7
B. May mga kemikal ito na hindi mabuti sa katawan.

Kumusta na ang target ko?

Basahin ang balita at sagutan ang mga tanong sa ibaba nito.


GALING SA HIRAP, NAGSUMIKAP, HINDI YUMAMAN PERO
NAGBAGO ANG ESTADO NG BUHAY
Published July 31, 2014 10:21pm
By ARTEO PATRICK BELLO

Ipinanganak kaming mahirap. Lumaki sa sakahan sa liblib


na lugar sa Albay. Minsan bago pa man lumitaw ang araw,
naglalakad na kami papunta sa bukid at sinasamantala ang oras
bago pa maging tirik ang sikat ng araw. Minsan, sa gitna ng
bukirin, sa ilalim ng puno, napapaisip ako at nangangarap. Sabi
ko sa sarili ko: hindi dapat ganito habambuhay. Gusto kong
maranasan ang tumanggap ng sahod sa kalagitnaan at
katapusan ng buwan. Ito lagi ang nakatatak sa isip ko habang
nagbubungkal ako ng lupain sa bukid. Pinagsikapan ko ang pag-
aaral. Ilang taon ang lumipas matapos akong magkolehiyo ay
natanggap ako sa trabaho. Masaya ang mga magulang ko sa
tuwing aabutan ko ng pera. Sikap at tiyaga lang talaga ang
kailangan para mabago ating buhay.
(mula sa http://www.gmanetwork.cominews/news/ulatfilipino/372849/galing-sa-
hirap-nagsumikap-hindi-yumaman-pero-nagbago-ang-estado-ng-
buhay/story/(Setyembre 3, 2017))

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang hanapbuhay ng tauhan sa balita?
A. Mangingisda
B. Magsasaka
C. Magtotroso
2. Ano ang kanyang pangarap?
A. Maranasan ang tumanggap ng sahod
B. Maranasan ang tumanggap ng kagamitan
C. Maranasan ang tumanggap ng kayamanan
3. Paano niya naabot ang kaniyang pangarap?
A. Nagsumikap magtinda
8
B. Nagsumikap magtanim
C. Nagsumikap mag-aral
4. Ano ang kailangan ng tao upang bumuti ang kaniyang buhay?
A. Sikap at tiyaga
B. Maghintay ng biyaya
C. Kumain ng marami
5. Ano ang nais iparating ng may-akda sa balita?
A. Sikap at tiyaga ang kailangan para mabago ang ating
buhay.
B. Ipinanganak kaming mahirap.
C. Pinagsikapan ko ang pag-aaral.

Ano pa ang kaya kong gawin?

Basahin ang talata sa ibaba at sagutin ang tanong sa ibaba.


Covid 19
Ang sakit na ito ay sinasabing nagmula sa siyudad ng
Wuhan, probinsya ng Hubie China. Marami na ang namatay dahil
sa inpeksyon at maraming bansa na ang apektado sa
Pandemya. Karaniwang sintomas nito ay lagnat, ubo’t sipon,
hirap sa paghinga.
Ang palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at
tubig ay simple at epektibong paraan upang maiwasan ang sakit.
Umiwas sa matataong lugar lalo na sa taong may lagnat at ubo.
Kumain ng masustansiyang pagkain at panatilihing malinis ang
katawan at kapaligiran.

1. Anong sakit ang kumakalat ngayon?


2. Saan nagmula ang sakit na ito?
3. Ano-ano ang karaniwang sintomas sa sakit na ito?
4. Ano ang dapat gawin upang makaiwas sa sakit na ito?
5. Ano ang dapat kainin upang mapanatiling malakas ang
ating katawan?

9
PULSO NG MAG-AARAL

Ako’y nasisiyahan sa _________________ ng


araling ito
tungkol sa __________________. Marami akong
natutuhan kagaya ng ___________________ na
puwede kong ___________________ sa aking mga
___________________. Nakatutuwa ang mga
ginawa ng mga ________________ sa kuwento na
nagsilbing __________________ sa akin.

Sanggunian

A. Aklat
Luz S. Almeda et.al (2013) Ang Bagong Batang Pinoy – Ikalawang
Baitang Filipino: Rex Book Store Inc.
Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue- Based Multi-
lingual Education: Rex Book Store Inc.
Jocelyn L. Lagarto (2017), Yamang Filipino-Batayan at sanayang
Aklat sa Filipino: Rex Book Store Inc.
Mary Ann C. Escoto et.al (2018) Baybayin Paglalayag sa Wika at
Pagbasa: Rex Book Store Inc.

B. Internet
Aldz Sacristan(2018), Yehey! Naka Perfect Tayo!,
www.youtube.com/watch?v=Z-lo4sf-S4o
Penielle Joy Antonio (2019), teacherfunfiles.blogspot.com
Pinoy Edition (2020), pinoyedition.com/mga-pabula/

10
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writer: MA. ZARINA C. MAGALIT


Content Evaluators: MYRZELLE YANEZA
MONALIZA D. CABALLERO
Language Evaluator: SHEILA MARIE D. ABONIN
DONNABEL F. BALANTAC
Reviewers: DR. JENNIFER G. RAMA
Illustrator: NATHANIEL C. MACAAMBAC
Lay-out Artist:
Content Validator: AILEEN C. RIEGO
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-charge: DR. JENNIFER G. RAMA, EPS – FILIPINO
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Para sa katanungan, tumawag sa:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City
Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

11

You might also like