Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

p

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

2
Ano ang target ko?

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang naisasagawa


ang mga layuning ito:
1. Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa
pag-unawa ng napakinggang teksto
2. Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa nabasang
kuwentong kathang-isip at tula

Aralin
Tekstong Kathang-Isip at Tula
6

Ano ako magaling?

Ako’y natututwa sa iyong mahusay na


paggawa sa mga Gawain sa naunang
mga aralin. Ngayon alam kong
magugustuhan mo itong panibagong
aralin na inihanda ko. Kapupulutan mo
ito ng magandang aral.
Magsimula ka na!
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Makikita ang pangunahing ideya sa __________.
A. unahan, gitna, o huling pangungusap ng teksto
B. pamagat ng teksto
C. wala sa nabanggit
2. Maiuugnay ang sariling karanasan kung ___________
napakinggan o nabasa.
A. napanood sa telebisyon ang teksto
B. nauunawaan ang teksto
C. ako ang gumaganap na tauhan sa teksto
3. Ang kuwentong “si Pagong at si Kuneho” ay isang __________.

1
A. Alamat B. Balita C. Pabula
4. Ang “Alamat ng Saging” ay isang __________.
A. Pabula B. Alamat C. Balita
5. Ang isang __________ ay may simula, gitna at wakas.
A. kuwento B. pangungusap C. salita

Ano ang balik-tanaw ko?

Ngayon ay magbalik aral tayo!

Bilugan ang titik ng kilos o bagay na angkop sa larawan.

A. Iba’t-ibang palakasan
B. Mga laro gamit ang bola
C. Mga gawaing pampahina

A. Mga palamuti
B. Mga gantimpala
C. Mga kagamitan

A. Mga magagandang
katangian
B. Mga panawagan
C. Mga hinahangaan

A. Mga letra
B. Mga prutas
C. Mga bilang

A. Mga kagamitan sa
opisina
B. Mga kagamitan sa kusina
C. Mga kagamitan sa paaralan

2
Ano ang gagawin ko?

Ikaw ba’y nasasabik ng magbasa


ng panibagong kuwento
Samahan mo ako’t basahin natin

Yehey! Naka Perfect Tayo!


Ni Aldz Sacristan
Isang araw, abalang-abala si Lito Lapis at Pamela Pambura
sa kanilang paboritong gawain. “Yehey! Malapit na matapos si
Dominic sa kanyang pag-aaral sa Filipino,” masayang sigaw ni
Lito Lapis. Habang abala naman si Pamela Pambura sa pag-aalis
ng maling sagot ni Dominic sa kanyang papel. “Tiwala ako sa
kakayahan ni Dominic” pagmamalaking wika ni Pamela
Pambura “naniniwala ako na makakakuha na naman siya ng
mataas sa kanilang pagsusulit bukas, masipag at matiyaga si
Dominic” dagdag pa niya. Sina Lito Lapis at Pamela Pambura ay
laging magkatuwang sa tuwing may gawain sa paaralan si
Dominic tulad ng pagsusulit at pagsusulat sa kuwardeno.
Tinutulungan nila si Dominic na isulat ang lahat ng letra at salita sa
bawat linya ng papel o kuwaderno ni Dominic. At sa tuwing
magkakamali si Dominic dali-daling binubura ni Pamela ang
maling letra at isunusulat ni Lito ang bawat tamang letra o salita.
Naalala na naman tuloy ng magkaibigan ang isang karanasan
na hinding-hindi nila malilimutan.
(mula sa Aldz Sacristan(2018), Yehey! Naka Perfect Tayo!,
www.youtube.com/watch?v=Z-lo4sf-S4o)

Nagustuhan mo ba ang iyong binasa


? Sagutan mo ang mga inihandang
tanong sa ibaba upang lalo mo pang
mapagyaman ang iyong kaalaman.
3
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano-anong mga bagay ang ginagamit natin sa
pagsusulat?
A. Lapis, pambura at papel
B. Bag, lapis at sapatos
C. Uniporme, kuwaderno at aklat
2. Bakit tinulungan nina Lito Lapis at Pamela Pambura si
Dominic sa kuwento?
A. dahil tamad mag-aral si Dominic
B. dahil masipag at matiyagang mag-aral si Dominic
C. dahil makulit at malikot si Dominic
3. Ano ang pangunahing ideya ng kuwento?
A. Sina Lito Lapis at Pamela Pambura ay laging
magkatuwang sa tuwing may gawain sa paaralan si
Dominic tulad ng pagsusulit at pagsusulat sa
kuwardeno.
B. Si Dominic ay isang masipag at matiyagang
magaaral.
C. Naalala ng magkaibigan ang isang karanasan na
hinding-hindi nila malilimutan.
4. Tutularan mo ba sina Lito Lapis, Pamela Pambura at
Dominic? Bakit?
A. Opo, sapagkat nakita ko po sa kanila ang
pagtutulungan
B. Hindi po sapagkat kailangan ni Dominic na magsulat
mag-isa
C. Marahil, dahil nakita ko po sa kanila ang
pagtutulungan bilang magkakaibigan
5. Paano mo ipapakita ang pakikiisa sa iyong kapwa?
A. Pakokopyahin ko ng sagot sa takdang-aralin ang
kaklase kong lumiban sa klase para hindi siya
mahirapan.
B. Hindi ko sasabihin sa aming guro na nabasag ng
aking kaklase ang aming bintana sa silid-aralan para
hindi siya mapagalitan.
C. Tutulungan kong tumayo ang batang nadapa na
kalaban ko sa paligsahan sa pagtakbo.

4
Ano ang kahulugan?

Maikling kuwento ba ng iyong


binasa? Naging madali bang unawain
ang nilalaman ng kuwento? Natukoy
mo ba ang pangunahing paksa ng
kuwento? Alamin natin kung bakit…

Ang bawat kuwento ay may pangunahing ideya.


Nakatutulong ang pagbibigay ng pangunahing ideya upang
maintindihan ang nilalaman ng narinig o binasa.
Halimbawa:
Ang maikling kuwento ay naglalaman ng maiksing salaysay
tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng
isa o ilang mga tauhan. Ito ay nahahati sa tatlong banghay:
simula, gitna at wakas.
Simula - dito nalalaman ang pinangyarihan at nakikilala
ang mga tauhan.
Gitna - dito nalalaman ang suliranin ng tauhan.
Wakas - pagtatapos ng kuwento o pagbibigay ng
solusyon sa suliranin.

Ano pa ang gagawin ko?

5
Sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga katanungan, alamin natin ang
iyong mga natutuhan.

Gawain 1
Iguhit sa patlang ang lapis kung tama ang ipinapahayag ng
pangungusap at pambura kung mali sa bawat bilang.

_____1. Hindi magkasundo sina Lito Lapis at Pamela pambura.


_____2. Masipag mag-aral si Dominic.
_____3. Hinahayaan ni Lito Lapis at Pamela Pambura si Dominic na
magkamali sa pagsusulat.
_____4. Masaya si Lito Lapis at Pamela Pambura na natutulungan
si Dominic sa pag-aaral.
_____5. Mabuting magkaibigan sina Lito Lapis at Pamela Pambura.

Gawain 2
Basahin ang tula sa ibaba. Sagutin ang mga tanong dito.
Batang Bayani
Dukha siyang tinawag ng lahat
Talino’y subok at totoong matapat
Sa ati’y tumulong kahit anong hirap
‘Yan ang batang isang papuri’y nararapat
Ating kilalanin bigyan ng palakpak
Papuri’t alay ay mabangong bulaklak
Nararapat sa puso niyang busilak
Buhay inilaan kahit mapahamak.

1. Tungkol saan ang tula?


2. Anong mensahe ang hatid sa atin ng tula?
3. Bakit dapat papurihan ang bata?
4. Bakit dapat siyang alayan ng bulaklak?

Gawain 3
Buuin ang diwa ng talata sa pamamagitan ng pagsulat ng
tamang salita na makikita sa loob ng kahon sa ibaba.
Simula:

6
Nasa _________ sina Alvin at Rina. May _______ si Rina sa
halamang-tubig. Mga maliliit na mga _________ ito. Parang
gulaman ang mga ito.
ilog hayop nakita
Gitna:
Nakakita ng _________ na hayop ang dalawa. Sa isang
munting garapon nila ito __________ at ___________ sa bahay.
maliliit inilagay inuwi
Wakas
Pagkalipas ng ilang ________, nagbago ang mga butete.
May mahabang _________ na ang mga ito. Kalaunan, ang mga
ito ay naging _________.

paa araw palaka

Ano ang natamo ko?

Ngayon ay pag-isipan mo kung ano ang


iyong natutunan sa araling ito.

Ang maikling kuwento ay kinapupulutan ng magandang


aral at kadalasang ginagamit bilang kuwentong pambata. Ang
pangunahing ideya ay maaaring matagpuan sa pamagat,
unahan, gitna o huling bahagi ng teksto.

Ano pa ang kaya kong gawin?

7
Natuwa ka ba sa mga natutuhan mo?
Naghanda pa ako ng mga gawain mo
upang lubos mong matandaan ang
aralin.

Balikan at basahing muli ang kuwentong “Yehey! Naka


Perfect Tayo!” ni Aldz Sacristan at tukuyin ang simula, gitna at
wakas nito. Hanapin ang bawat bahagi ng kuwento sa mga
kahon sa ibaba at isulat sa patlang.
Simula:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________
Gitna:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Wakas:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Sina Lito Lapis at Pamela Pambura ay laging magkatuwang sa tuwing may


gawain sa paaralan si Dominic tulad ng pagsusulit at pagsusulat sa
kuwaderno.
Tinutulungan nila si Dominic na isulat ang lahat ng letra at salita sa bawat
linya ng papel o kuwaderno ni Dominic. At sa tuwing magkakamali si
Dominic dali-daling binubura ni Pamela ang maling letra at isunusulat ni Lito
ang bawat tamang letra o salita. Naalala na naman tuloy ng magkaibigan
ang isang karanasan na hinding-hindi nila malilimutan.
Isang araw, abalang-abala si Lito Lapis at Pamela Pambura sa kanilang
paboritong gawain. Malapit na matapos si Dominic sa kanyang pag-aaral

8
Kumusta na ang target ko?

Basahin ang tula , pagkatapos ay sagutin ang tanong sa ibaba.


Ang Batang Huwaran
Mayroong isang bata
Ang ngalan ay Mena,
Magalang, Mabait,
Mata’y lubhang singkit.
Magalang sa matatanda
Si Mena
Na kahanga-hanga “Po” at “opo”
mga kataga Kay gandang
maririnig sa kaniya.
Lahat tayo ay humahanga,
Palabasa at siya ay magalang pa.
Halina, atin siyang tularan, Upang
maging Huwaran.
(mula sa Jocelyn L. Logarto et. Al (2017) Yamang Filipino
-Batayan at sanayang Aklat sa Filipino, pahina 58)

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang pamagat ng tula?
A. Ang Batang Palabasa
B. Ang Batang Huwaran
C. Ang Batang Dapat Tularan
2. Sino ang huwarang bata sa tula?
A. Mimi
B. Mena
C. Melanie
3. Ano ang pangunahing ideya ng tula?
A. Ang huwarang bata
B. Palabasa siya at magalang pa
C. Magalang sa matatanda si Mena
4. Kung ikaw ay isang huwarang bata, anong mga katangian
ang dapat mong taglayin?
A. Masungit, madamot, tamad
B. Mabait, magalang, palabasa
C. Nag-aaral, naliligo, kumakain

9
5. Paano mo ipapakita ang pagiging huwarang bata sa
kapwa?
A. Gumagamit ng “po” at “opo”
B. Padabog kumilos
C. Hindi sumusunod sa utos

Ano pa ang kaya kong gawin?

Basahin ang teksto sa ibaba at tukuyin ang pangunahing


ideya o kaisipan nito. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Sina Rina at Roy


Magkaiba ang kambal na sina Rina at Roy. Palaaral si
Rina, lagi niyang binabasa ang kanyang mga aralin. Palagi tuloy
matataas ang kanyang mga marka. Taliwas naman sa kanya si
Roy, mahilig siyang maglaro, madalas ay lumiliban pa siya sa
klase para maglaro. Kaya naman marami siyang markang
bagsak. Palagi tuloy siyang napapagalitan ng kaniyang ina.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
PULSO NG MAG-AARAL

Ako’y nasisiyahan sa _________________ ng


araling ito
tungkol sa __________________. Marami akong
natutuhan kagaya ng ___________________ na
puwede kong ___________________ sa aking mga
___________________. Nakatutuwa ang mga
ginawa ng mga ________________ sa kuwento na
nagsilbing __________________ sa akin.

10
Sanggunian
A. Aklat
Luz S. Almeda et.al (2013) Ang Bagong Batang Pinoy – Ikalawang Baitang
Filipino: Rex Book Store Inc.
Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue- Based Multi-lingual
Education: Rex Book Store Inc.
Jocelyn L. Lagarto (2017), Yamang Filipino-Batayan at sanayang Aklat sa
Filipino: Rex Book Store Inc.
Mary Ann C. Escoto et.al (2018) Baybayin Paglalayag sa Wika at Pagbasa:
Rex Book Store Inc.

B. Internet
Aldz Sacristan(2018), Yehey! Naka Perfect Tayo!,
www.youtube.com/watch?v=Z-lo4sf-S4o
Penielle Joy Antonio (2019),
EXECUTIVE teacherfunfiles.blogspot.com
COMMITTEE FOR HYBRID MODULE
Pinoy Edition (2020), pinoyedition.com/mga-pabula/
Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS
Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writer: MA. ZARINA C. MAGALIT


Content Evaluators: MYRZELLE YANEZA
MONALIZA D. CABALLERO
Language Evaluator:tumawag
Para sa katanungan, SHEILA MARIE
sa: D. ABONIN
DONNABEL
Schools Division of Taguig F. BALANTAC
City and Pateros Upper Bicutan Taguig City
Reviewers: DR. JENNIFER G. RAMA
Telefax: 8384251
Illustrator: NATHANIEL C. MACAAMBAC
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph
Lay-out Artist:
Content Validator:
Email Address: AILEEN C. RIEGO
sdo.tapat@deped.gov.ph
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-charge: DR. JENNIFER G. RAMA, EPS – FILIPINO
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
11
Para sa katanungan, tumawag sa:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City
Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

12

You might also like