RAT_MAPEH_Grade-5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of
Education
Pangrehiyong Pagtataya sa Natamong Kasayanan sa MAPEH 5
S.Y. 2023-2024
Pangalan: __________________________________ Petsa:_____________
Baitang at Seksyon:__________________________ Marka o Iskor: _____

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at pangungusap. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na larawan ang tinatawag na “dotted quarter note”?

A. B. C. D.

2. Ang ay isang anyo ng musika na tumutukoy sa disenyo o


istruktura na may isang berso lamang at hindi inuulit ang pag-awit.
A. Binary C. Unitary
B. Strophic D. wala sa nabanggit

3. Ilang bahagi mayroon ang awiting “Santa Clara”?


A. Apat C. Isa
B. Dalawa D. Tatlo

4. Pansinin ang piyesa ng awit na “Music Alone Shall Live”. Ilang sukat
mayroon ang awit?

A. 10 B. 11 C. 12 D. 13
5. Ano ang wastong bilang ng kumpas ng nakapangkat na nota at pahinga sa
ibaba ayon sa sukat?

A. apat B. anim C. dalawa D. tatlo

6. Humahaba ang duration ng kumpas ng nota o pahinga kung ito ay lalagyan ng


tuldok. Piliin sa ibaba ang angkop na mga nota at pahinga na nararapat sa
kumpas na tatluhan?

A. C.

B. D.

7. Ano ang mangyayari sa tono ng notang D kung ito ay magiging notang Db?
A. Bababa ito ng kalahating tono
B. Tataas ng kalahating tono
C. Tataas-baba ang tono
D. Hindi kumilos ang tono nito

8. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng tamang paggamit ng F-clef?


I. Sa range ng boses ng babae lamang magagamit ang F-clef.
II. Hindi kailanman ginagamit sa range ng boses ng mga babae ang F-clef.
III. Sa range ng boses ng mga lalake o tenor na kung saan may
pinakamataas na boses ng lalake.
IV. Sa range ng boses ng mga lalake o baho na may pinakamababang
tono sa lahat ng boses.
A. I, II B. I, III C. I, IV D. III, IV

9. Ano ang mabubuong salita gamit ang pitch names na makikita sa ibaba?

A. BEAD B. DEED C. FACE D. FADE


10. Naipapangkat-pangkat natin ang bilang ng kumpas sa bawat sukat sa
pamamagitan ng palakumpasan. Paano mo mahahati-hati ang bilang ng kumpas
ng notasyon sa ibaba na ayon sa nakalaang palakumpasan gamit ang barline?

11. Ano ang ngalang pantono o pitch name ang nasa ikatlong espasyo ng
limguhit o staff sa iskalang C-Major?

A. C B. D C. F D. A

12. Anong uri ng range ang mayroon lamang na kaunting distansya ang pagitan,
mula sa mababa hanggang sa mataas na tono?
A. Long B. Narrow C. Short D. Wide

13. Anong uri ng iskala ang mayroong limang tono na kadalasang ginagamit sa
awiting pambata at katutubong awit?
A. Iskalang C-Mayor C. Iskalang F-Mayor
B. Iskalang Pentatonic D. Iskalang G-Mayor

14. Ang pagdiriwang o selebrasyon ay bahagi ng mayamang kaugalian at


kultura ng mga Pilipino na siyang nakakapagbuklod sa bawat isa. Anong
selebrasyon ang ipinagdiriwang ng bawat bayan bilang parangal sa santong
patron ng bayan at kinapapalooban ng mga palaro at masasayang tugtugin?
A. Pistang Bayan C. Araw ng Kalayaan
B. Pasko at Bagong Taon D. Araw ng mga Puso

15. Pagmasdan ang larawan. Anong teknik sa pagguhit na


nakapagbibigay ng ilusyon ng lalim, layo at kapal sa iginuhit na
bagay sa pamamagitan ng paulit-ulit ang pagguhit ng pinag- krus
na linya.
A. contour shading C. cross hatching
B. layering D. pointillism
16. Ano ang kahalagahan ng mga artifacts gaya ng Manunggul Jar at
Balanghay sa kultura ng mga Pilipino?
A. Nagpapayahag na ang mga Pilipino ay maraming talento.
B. Nagpapakita ito ng mayamang at malalim na pagpapahalaga sa
kasanayan, sining at kultura ng bansa.
C. Nagsisilbing patunay na naniniwala ang mga sinaunang tao sa langit at
impyerno.
D. Nagbibigay daan upang maging inspirasyon ng iba para gumawa ng
mas magandang gamit.

17. Bawat komunidad ay may kaniya-kaniyang likhang sining na nagbibigay ng


kuwento at ito ay pinapahahalagahan ng mga taong nakapaligid dito. Ano ang
isang lugar o gusali na pinaglalagakan ng mga bagay na may kinalaman sa
kasaysayan at mga bagay na may kinalaman sa sining at siyensiya?
A. simbahan C. mosque
B. mga lumang bahay D. museo

18. Ano ang tawag ng mga Ifugao at ibang taga-Cordillera sa Rice Terraces?
A. Hagdan-hagdan Palayan C. Palay-palayan
B. Pay-yo D. Bulubundukin

19. Ang Cordillera Rice Terraces ay kinilala ng UNESCO bilang Pandaigdig na


Pamanang Pook o World Heritage Site. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng pangunahing kahalagahan nito?
A. nagsisilbing atraksyon sa mga manlilikha lalo na sa mga dayuhan.
B. kinikilala ang kahusayan at galing ng mga katutubong Ifugao.
C. nagpapalakas ng ugnayan ng mga Pilipinong manlilikha at
binubuhay ang pagiging makabansa.
D. nagpapakita ng kakaiba at makulay na kultura ng mga Pilipino na
naging inspirasyon sa paggawa o paglikha ng magandang
likhang sining.

20. Siya ay isang manlilikha na gumamit ng sabay-sabay na elemento sa


pagpipinta na kung saan binigyan niya ng pansin ang mga kultura sa iba’t ibang
nayon sa bansa. Tinagurian din siyang “Master of Human Figure.”
A. Carlos “Botong” Francisco C. Vicente Manansala
B. Fernando Amorsolo D. Victorino C. Edades
21. Alin sa mga sumusunod na larawan ang ginamitan ng maliwanag at sari-
saring mga kulay sa pagpipinta?

Larawan 1 Larawan 2 Larawan 3 Larawan 4

A. Larawan 1 C. Larawan 3
B. Larawan 2 D. Larawan 4

22. Bakit mahalagang lugar ang Cordillera Rice Terraces sa ating kultura at
kasaysayan?
A. Ginawa nilang taniman ng palay ang bundok ng Banaue na madalas na
kinakain nating mga Pilipino.
B. Ang Rice Terraces ng Cordillera ang tanging monumento sa ating
bansa na walang impluwensya ng kolonyal na kultura.
C. Sinasalamin nito ang kultura ng mga sinaunang katutubong Pilipino at
sila ay maparaan sa paglikha ng solusyon sa problema.
D. Lahat nang nabanggit

23. Ang tawag sa likhang-sining ng nagpapakita ng likas na tanawin ay


landscape. Ito ay may pinagkakaisang diwa na kaakit-akit ang pagkakaayos ng
mga kulay at iba pang elemento tulad ng linya at hugis. Ano ang tatlong bahagi
ng isang landscape?
A. harmony, teknik at ilusyon
B. tekstura, dimension at kulay
C. foreground, middleground at background
D. pointillism, cross-hatching at contour shading

24. Ito ay nagpapakita ng natural na tanawin sa isang likhang sining. Ano ito?
A. Background C. Landscape
B. Foreground D. Middleground

25. Ang Pilipinas ay may mayamang kasaysayan ng sining at kultura. Paano mo


ito mapahahalagahan?
A. sa pamamagitan ng pagmamahal sa sariling sining at kultura
B. pagkilala at pagtangkilik sa sariling sining at kultura at sa
mga nakaimpluwensiya dito
C. pagbabahagi nito sa ibang tao at ibang lugar
D. lahat nang nabanggit
26. Pagsunod-sunurin ang mga paraan sa paglikha ng iba’t ibang variations ng
paglimbag gamit ang iba’t ibang kulay.
1. Lumikha ng tekstura o linya sa mga bagay na maaaring ukitan gamit
ang cutter.
2. Pintahan ng kulay ang inukit na bagay gamit ang isinawsaw na brush sa
pintura at idiin ito sa disenyong ginawa.
3. Pumili ng mga kulay upang ipakita ang napiling teorya sa pagkulay
para sa dibuho.
4. Iguhit ang disenyo sa pamamagitan ng lapis.
A. 2-1-3-4 C. 4-1-3-2
B. 3-4-1-2 D. 4-1-2-3

27. Ang PPAP ay isang gabay sa mga uri ng laro, ehersisyo at ibang mga
gawain upang makamit ang kakayahang pangkatawan. Ano ang kahulugan
ng PPAP?
A. Physical Pyramid Activity of the Philippines
B. Pyramid of the Philippines Activity and Physical
C. Philippine Physical Activity Pyramid
D. Physical Philippine Activity Pyramid

28. Alin sa mga sumusunod na gawain ang HINDI dapat mangyari sa paglalaro ng
striking o fielding games?
A. pagsalo ng bola
B. pagkakaroon ng sugat ng mga manlalaro
C. pagbato ng bola nang malakas at malayo
D. Pagsipa sa bola nang malakas at malayo upang makapunta sa base

29. Ang larong “taguan” ay isang laro at gawaing pampisikal na nakatutulong


sa pag-unlad ng ating katawan. Anong skill-related fitness ang
napauunlad nito?
A. lakas C. liksi at bilis
B. balanse D. koordinasyon

30. Alin sa mga sumusunod na kasanayan sa larong “siyato”, na isang uri ng


striking o fielding games, ang HINDI nagpapaunlad ng katangiang pisikal?
A. masalo ang bola
B. manatili lamang sa isang lugar ang manlalaro
C. maibato ito ng malakas at malayo
D. masipa ito ng malakas at malayo upang makapunta sa base

31. Ang larong invasion game ay nakatutulong at nakapagbibigay ng ________


sa bawat manlalaro.
A. katunggali C. sipag, tiyaga at talino
B. husay at halaga D. kasiyahan at kalusugan
32. Ang mga sumusunod ay dapat mong isaalang-alang bago maglaro; ang pagyuko ng
ulo, pag-unat ng mga braso at pag-inhale at exhale ay tinatawag na____________.
A. cool down C. bending
B. warm up D. practice

33. Ito ay isang laro kung saan ang isang taya ay may binabantayang lata na nasa
loob ng isang bilog na nangangailangan ng pagiging mapagmatiyag at alisto
ng taya.
A. Baseball C. Syato
B. Kickball D. Tumbang Preso

34. Ang tumbang preso ay halimbawa ng larong ______na kailangang asintado ang
pumupukol o tumitira sa lata at ang taya naman ay kailangang maging
mapagpasensya.
A. Invasion game C. Lead-up game
B. Fielding game D. Target game

35. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mo dapat isalang-alang sa paglaro ng


“Tumbang Preso”?
A. maging mapagpasensiya C. maging barumbado
B. maging mapagmatiyag D. maging alerto at aktibo

36. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagiging tunay na manlalaro o kalaro


ng iyong kamag-aral sa mga gawaing pisikal maliban sa ______.
A. ginagalang ang desisyon ng iba
B. pagiging patas sa desisyon ng laro
C. pagiging isang pasaway sa isang pangkat
D. pagiging maunawain sa mga suhestiyon ng iba

37. Ang sayaw na Cariñosa ay binubuo ng pito (7) bahagi. Alin sa mga
sumusunod na kasanayan ang HINDI mo dapat isakilos sa pagsayaw nito?
A. Tatlong Hakbang na may Pagtuturo ng Paa, Pang-aakit, Talikuran, at
Saludo
B. Taguan sa ilalim ng bahay, pagsindi ng ilaw sa mga baso at paghiga sa
sahig nito
C. Taguan at Hanapan sa Abaniko (pamaypay) at Pagluhod at Pagpaypay
D. Taguan at Hanapan sa Panyo at Pang-aakit sa Tulong ng panyo
38. Sa paglahok sa mga pisikal na aktibidad, nagiging aktibo ang isip at katawan.
Upang mapanatili ang tamang liksi at galaw ay maaari mong gawin ang mga
sumusunod, maliban sa isa. Ano ito?
A. makilahok sa mga training ng isport
B. manatiling malusog at malakas
C. pag-upo at paghiga maghapon
D. sumunod sa mga patakaran

39. Ang positibong emosyon ay mahalagang bahagi ng ating pangkalahatang


kalusugan. Alin ang hindi nagpapakita ng emosyonal na kalusugan?
A. may kontrol sa kanilang mga iniisip, damdamin, at pag-uugali
B. kayang harapin ang mga hamon ng buhay
C. may mabuting relasyon sa mga tao sa kanyang paligid
D. nadadaig ng stress, galit, at kalungkutan

40. Ang katapatan ay nakabubuo ng tiwala at nagpapatibay sa relasyon, alin


sa mga sumujsunod ang nagpapakita ng katapatan?
A. pagtatago ng sikreto o di pagsasabi ng totoo
B. ang paggawa ng tama kahit walang nakakakita
C. ang paggawa ng kuwento na pabor sa nakikinig
D.ang pagsang-ayon sa gusto ng kausap

41. Paanong nakatutulong ang mabuting samahan sa ating kalusugan?


A. Ang magandang pakikitungo sa kapwa ay makapagbibigay ng
kasiyahan at kagaanan ng nararamdaman.
B. Ang pakikipag-away ay nakapagdudulot ng alalahanin sa buhay.
C. Ang pag-iipon ng matinding galit ay nagpapabigat sa kalooban.
D. Nagiging magulo ang isip ng taong walang pinagkakatiwalaan.

42. Si Roy ay maraming kaibigan sa kanilang lugar at maging sa paaralan.


Mahusay din siyang makisama at makihalubilo sa mga tao. Si Roy ay .
A. palaaway
B. mayabang
C. walang tiwala sa mga taong nakapaligid sa kanya
D. kayang tanggapin ang pagkatao at ugali o asal ng kaibigan, kamag- aral
o ka-trabaho

43. Paano pinalalala ng isang taong usisero o nakakasaksi ang sitwasyon


ng pambubully?
A. nakatahimik lang na tila sumasang-ayon sa pangyayari
B. inaalo ang bata o ang tao na binubully
C. humihingi ng tulong para matapos na ang pangyayari
D. pinapalayo na ang taong binubully
44. Sino-sino sa mga sumusunod ang maaaring makatulong sa ating pakikitungo sa
mga problemang mental, emosyonal at sosyal?
A. gabay tagapayo/guidance counselor C. kaibigan
B. magulang D. Lahat nang nabanggit

45. Ang paglaki ng dibdib at pagkakaroon ng regla ng mga kababaihan ay dahil sa


pambabaeng hormone na tinatawag na .
A. obaryo B. estrogen C. testis D. testosterone

46. May mga maling paniniwala na ang pagpapatuli ay nakapagpapabilis ng


pagtangkad ng isang lalaki. Alin sa mga sumusunod ang siyentipikong
pagpapaliwanag tungkol dito.
A. Hindi tatangkad ang isang lalaki kapag pinagpaliban ang
pagpapatuli.
B. Mabilis lalaki at tatangkad kapag nagpatuli agad.
C. Ang pagpapatuli ay ginagawa sa panahon ng pagbibinata kung kailan
mabilis ang pagtangkad at paglaki ng mga batang lalaki.
D. Tumatangkad pagkatapos na pagkatapos tuliin.

47. Ano ang dapat gawin ng isang babae kapag siya ay may buwanang dalaw
o regla?
A. huwag magbuhat ng mabibigat
B. huwag kakain ng maaasim at maaalat na pagkain
C. maligo araw-araw upang maging maganda ang pakiramdam
D. hindi dapat makilahok sa mga gawaing pampalakasan o pag- eehersisyo

48. Ano-ano ang mga negatibong epekto sa hindi inaasahang pagbubuntis?


A. Ang maagang pagbubuntis ay maaaring magdudulot ng pagtigil ng
kabataan sa pag-aaral.
B. May mga batang ina na nagpapakamatay dahil sa depresyon at hindi
pagtanggap ng kanilang mga magulang.
C. Maaari ring makakuha ng mga sakit sa maagang pagbubuntis katulad
ng (chronic respiratory diseases at body impairments).
D. Lahat nang nabanggit

49. Si Ruth ay isang masayahin at palakaibigang bata, kaya naman lahat ng mga
mag-aaral ay kilala siya. Anong aspeto ng kalusugan ang inilalarawan ng
sitwasyon?
A. Emosyonal
B. Mental
C. Pisikal
D. Sosyal
50. Ano ang mga palatandaan na ikaw ay nakakaranas ng sexual harassment?
A. Tinitingnan sa katawan na may ibang kahulugan.
B. Sinisipulan
C. Pagbanggit ng mga bagay na sekswal.
D. Lahat nang nabanggit

You might also like