Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

MGA BAHAGI NG PANANALITA

PALAGITLINGAN AT PALATULDIKAN:
ISANG MODYUL SA PAGKATUTO

IPINASA KAY:

DR. SABINA LUNARIA BELENZO

BILANG BAHAGI NG PAGTUPAD


SA KAHINGIAN NG KURSONG FIL 202

IPINASA NI:

CHARIZZA MARIE S. VIZCONDE


NOBYEMBRE 2023
UNANG SEMESTRE

1
PALAGITLINGAN

A. MGA LAYUNIN

Pagkatapos ng pagtalakay, inaasahan na ang mga estudyante ay kayang:


 Maitalakay at maipaunawa ng maayos ang mga sumusunod na gamit ng
gitling.
 Nabibigyang linaw, katuturan, at kahalagahan ang gamit ng mga gitling.
 Matutunan at magamit ang mga tama o wastong paggamit ng gitling.
 Malaman ang pinagkakaiba-iba ng mga gamit ng gitling.

B. PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang pagkakagamit ng mga gitling ng naka-bold na
salita sa mga pangungusap.

1. Wala na bang pagibig sa puso mo?


2. Di makatulog sa kaiisip.
3. Mag-tanim ay ‘di biro, maghapong nakaupo.
4. Taga-hugas ka raw ng pinggan sa may Ermita.
5. Kapag ako ay nag-mahal, ang lahat ng ito’y magagawa.

C. PAGTALAKAY SA PAKSA

Sa pagsusulat ng isang sanaysay, kuwento, talata o


pangungusap, ang paggamit ng wastong bantas ay mahalaga upang
maging malinaw ang nais ipahiwatig ng may- akda. Isa sa mga ito ay
ang giting (-) o Hyphen sa wikang Ingles.

Ano nga ba ang GITLING? Ang gitling ay tanda upang paghiwalayin ang mga
inuulit na salita o mga inuulit na pantig na salita.

2
WASTONG GAMIT NG GITLING

Ang gitling ay ginagamit nang tama ayon sa mga sumusunod na pamamaraan:

1. Sa mga salitang inuulit:

1.1 Inuulit ang buong unang dalawang pantig kung may dalawang pantig
lamang ang salita.

Halimbawa:

araw-araw

ano-ano

gabi-gabi

1.2 Kung mahigit sa dalawang pantig ang salita, ang unang dalawang pantig
lamang ang inuulit.

Halimbawa:

suntok-suntukin

dala-dalawa

balu-baluktot

1.3 Isinasama ang unlapi sa unang bahaging inuulit.

Halimbawa:

pabalik-balik

nagkawasak-wasak

TANDAAN:

Ginagamit ang gitling sa salitang inuulit. Hindi ito ginagamit sa salita na may
mga pantig na inuulit ngunit walang kahulugan kapag hindi inulit.

Halimbawa: paruparo

3
2. Sa Paghihiwalay ng Katinig at Patinig

2.1 Ginagamit ang gitling upang paghiwalayin ang pantig na nagtatapos sa


katinig at ang sumusunod na pantig na nagsisimula sa patinig.

Halimbawa:

mag-aklas tag-araw

may-ari pag-asa

2.2 Ginagamitan ng gitlingang salita kahit nagtatapos sa patinig ang unang


pantig kapag pangngalang pantangi ang kasunod nito.

Halimbawa:

maka-Duterte

taga-Antipolo

pang-Araw ng mga Patay

2.3 At kapag salitang banyaga at nasa orihinal na baybay ang kasunod na salita.

Halimbawa:

maki-computer

pa-cute

3. Sa Piling Tambalan

3.1 Ginagamit ang gitling sa mga tambalang salita na nananatili ang kahulugan
ng dalawang salitang pinagtambal.

Halimbawa:

lipat-bahay ngiting-aso

basang-sisiw pamatid-uhaw

3.2 Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa:

tubig na tabang = tubig-tabang

4
bahay na kubo = bahay-kubo

kahoy sa gubat = kahoy-gubat

4. Sa Pasulat na Oras

Ginagamit ang gitling upang ihiwalay ang numero sa oras at petsang


may ika- gayundin sa pagbilang ng oras, numero man o binabaybay, na
ikinakabit sa alas-.

Halimbawa:

ika-8 ng umaga

alas-3 ng hapon

5. Sa Pagsulat ng Praksyon

Kapag isinusulat ng paletra o patitik ang mga yunit ng praksyon, ito ay


ginagamitan ng gitling.

Halimbawa:

isang-kapat (1/4)

pito at dalawang-katlo (7 2/3)

limang-kawalo (5/8)

6. Sa Kasunod ng “De”

Ginagamitan ng gitling ang salitang may unlaping de- mula sa Espanyol


na nangangahulugang “sa pamamagitan ng” o “ginawa o ginamit sa paraang”.

Halimbawa:

de-kolor

de-kahon

de-susi

7. Sa Kasunod ng “Di”

Ginagamitan ng gitling ang salitang pinangungunahan ng di- (pinaikling


hindi) at nagkakaroon ng kahulugang idyomatiko, tila kasabihan, malimit na

5
kasalungat ng orihinal nito at malimit na may mapagbiro o mapang-uyam na
himig.

Halimbawa:

di-maliparang uwak

di-kagandahan

8. Sa Apelyido

Ginagamitan ng gitling ang mga apelyido ng babaeng nag-asawa upang


ipakita ang orihinal na apelyido noong dalaga pa.

Halimbawa:

Gloria Macapagal-Arroyo

Juana Tiambeng-Baltazar

9. Sa Paghahati ng Salita Sa Dulo ng Linya

Ginagamitan ng gitling ang salita na nahahati sa dulo ng linya kapag isinusulat.

Halimbawa:

Dumagsa sa Maynila ang mga laruang inangkat mula sa Tai-


wan. Mabenta sa merkado ang mga laruang ito dahil papara-
ting na ang Pasko.

Mga tanong hingil sa paksa


1. Ano ang gitling? Para saan ito?
2. Ano ano ang mga wastong gamit ng gitling?
3. Ano ang kahalagahan ng mga wastong gamit ng
gitling sa mga salita?

6
D. PAGSASANAY

A. Panuto: Ilagay ang wastong gamit ng gitling.

1. arawaraw 6. nagulat

2. daladalawa 7. MakaDiyos

3. isaisa 8. magAjax

4. magalis 9. makaRizal

5. nagisa 10. ika25 na anibersaryo

B. Bumuo ng limang pangungusap na ginagamitan ng mga salitang may


wastong gamit ng gitling.

1. ___________________________________________________________

2. ___________________________________________________________

3. ___________________________________________________________

4. ___________________________________________________________

5. ___________________________________________________________

PALATULDIKAN

A. MGA LAYUNIN

Pagkatapos ng pagtalakay, inaasahan na ang mga estudyante ay kayang:


 Mailalarawan kung ano ang tuldik.
 Maiisa-isa ang iba’t ibang uri ng tuldik.
 Mabibigyang linaw, katuturan, at kahalagahan ang gamit ng mga tuldik.
 Matutunan at magamit ang mga tama o wastong ang mga tuldik.

7
B. PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin ang angkop na sagot sa
bawat bilang.

____ 1. Ano ang tawag sa tuldik na ito? ( ’ )

A. bantas B. paiwa C. pahilis D. pakupya


____ 2. Aling tuldik ang gagamitin para sa salitang malumi?
A. ( ? ) B. ( ˆ ) C. ( ’ ) D. ( ` )

____ 3. Ang pakupya ay para sa salitang ________.


A. malumi B. mabilis C. maragsa D. mahina
____ 4. Sa anong salita ginagamit ang tuldik na ito? ( ` )

A. para sa salitang maragsa C. para sa salitang mabilis


B. para sa salitang malumi D. para sa salita na walang tunog
____ 5. Ang salitang lutò ay nangangahulugan ng _________.
A. ulam C. dinaya
B. nasobrahan sa pagkakaluto D. hilaw ang pagkakaluto

C. PAGTALAKAY SA PAKSA

Sa pakikipagtalastasan, kailangan ang wastong pagbigkas ng


mga salita upang magkaunawaan ang dalawang nag-uusap. Sa ating
wika, maraming salita na iisa ang baybay ngunit iba-iba ang
kahulugan.

Kaya naman ang paggamit ng tuldik ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging
palatandaan nang paraan ng pagbigkas ng tama sa isang salita. Ano nga ba ang
TULDIK?

Ito ay diin o marka na inilalagay sa ibabaw ng patinig ng salita upang ipahiwatig


ang tamang bigkas ng salita. Tinatawag din ito na accent o stress mark sa Ingles.
Ginagamit ito kung ang teksto ay hindi sapat upang maging tiyak ang kahulugan ng
isang salita.

8
URI NG TULDIK

1. Tuldik Pahilis ( ’ )

 Ang tuldik na pahilis ay ginagamit sa dulong patinig ng mga salitang


mabilis ang bigkas.

 Ang salita ay mabilis kapag tuloy-tuloy na binibigkas nang mabilis


hanggang sa dulong patinig.

HALIMBAWA:

pitó - seven

buháy - alive

bukás - open

2. Tuldik Paiwa ( ` )

 Ang tuldik na paiwa ay ginagamit sa dulong patinig ng salitang malumi.

 Ang salita ay malumi kapag binibigkas ng mabagal ngunit may impit na


tunog sa dulong patinig.

HALIMBAWA:
talà - star

punò - tree

lahì - race

balità - news

3. Tuldik Pakupya ( ^ )

 Ang tuldik pakupya ay ginagamit sa dulong patinig ng mga salitang


maragsa ang pagbigkas.

 Ang salita ay maragsa kapag binibigkas nang mabilis ngunit may impit
sa dulong patinig.

9
HALIMBAWA:
tayô - stand
talâ - list
yugtô - chapter
dugô - blood

Mga tanong hingil sa paksa:


1. Ano ang tuldik? Para saan ito?
2. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng tuldik?
3. Ano ang kahalagahan ng mga paggamit ng
tuldik sa mga salita?

D. PAGSASANAY

A. Panuto: Lagyan ng nararapat na tuldik ang mga sumusunod na salita ayon


sa kahulugan nito.

1. aso - dog 6. aso - smoke

2. kati - itch 7. kati – low tide

3. basa - read 8. basa - wet

4. baga - lung 9. baga - live ember

5. tubo - sugar cane 10. tubo - pipe

B. Gamit ang mga salitang nasa itaas, bumuo ng mga pangungusap ayon sa
tamang kahulugan at kudlit nito.

1. ___________________________________________________________

2. ___________________________________________________________

3. ___________________________________________________________

10
4. ___________________________________________________________

5. ___________________________________________________________

6. ___________________________________________________________

7. ___________________________________________________________

8. ___________________________________________________________

9. ___________________________________________________________

10. __________________________________________________________

TALASANGGUNIAN

 2013 Ortograpiyang Pambansa; Cabigao, Joey R.; May 2017


 Binagong Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino; Komisyon ng Wikang
Filipino; Edisyong 2013
 KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat; Almario, Virgilio S.; 2014
 https://www.slideshare.net/lionelle1995/tuldik

11

You might also like