Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Talambuhay ni Efren G. Penaflorida, Jr.

Si Efren Geronimo Penaflorida, Jr. ay nakilala ng mga Pilipino noong siya


ay nagwagi bilang bayani ng Taon ng CNN noong 2009. Ito ay para sa kaniyang
Kariton Klasrum sa tulong ng samahang Dynamic Teen Company.
Isinilang si Penaflorida noong Marso 5, 1981. Ang tatay niyang si Efren, Sr.
ay isang drayber ng traysikel samantalang ang nanayniyang si Lucila ay isang
simpleng maybahay. Sa kabila ng katotohanang lumaki siya sa isang lugar na
malapit sa tambakan ng mgabasura at maruming tubig, nakapagtapos pa rin bilang
iskolar sa elementarya at sekondarya si Efren. Dalawang kurso ang natapos niya sa
kolehiyo na may mataas na karangalan: ang digri sa Computer Technology sa San
Sebastian College – Recoletos at Batsilyer sa Mataas na Edukasyon sa Cavite State
University.
Binuo ni Efren ang Dynamic teen Company noong kaniyang kabataan. Ito
ay isang grupong pangkabataang may layuning hikayin ang mga mag-aaral na
makatulong sa lipunan at paunlarin ang sarili, kaysa maging batang–kalye. Ang
gawaing ito ng kaniyang samahan ang naging dahilan kung bakit siya naging
nominado sa patimpalak na Bayani ng Taon ng CNN. Mula sa napakaraming
nominado mula sa mahigit isandaang bansa, napili siya bilang isa sa dalawampu’t
walong mga bayani noong 2009.
Mula rito ay natira si Penaflorida bilang isa sa sampung nominado hanggang
sa siya nga ang hinirang bilang Bayani ng Taon ng CNN noong Nobyemre 22,
2009. Ang parangal na ito ang nagbigay sa kaniya ng malaking halaga na
ginagamit niya sa kaniyang kawanggawa-ang magbigay ng edukasyon sa kariton.
(Sanggunian: Alab Filipino 5, pp.130-131)

You might also like