Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

para sa Mag-aaral

EsP 7
Ikalawang Markahan Unang Linggo Day 1-2
Mga Layunin:
• Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos- loob.
• Nahihinuha ang kahalagahan na ang isip at kilos-loob ang
nagpapabukod-tangi sa tao.
• Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa
tao.
• Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip
at kilos-loob.
• Nakapagninilay ang isip at kilos-loob na bumubuo sa pagkatao at
nakatutulong sa pagtuklas ng katotohanan at sa pagpili ng kabutihan
• Nakapagtatala ng pasya o kilos patungo sa katotohanan at kabutihan
gamit ang speech balloon.
EsP7PS-IIa-5.1 EsP7PS-IIa-5.2
Sinulat nina:
LORENA M. VIAJANTE ZENAIDA J. BALDELOVAR
Laparay National High School Tambanan National High School
Talusan District Naga District
0
Unang Araw

l. MAIKLING ARALIN

Katangi-tangi kang tao na nabubuhay sa mundong


ito. Wala kang katulad. Ikaw ay espesyal, mayroon
kang taglay na kakayahan na siyang nagpapabukod-
tangi sa iyo. Sa araling ito, matutuklasan mo ang
tungkol sa taglay mong kakayahan. Ano ang taglay
mong kakayahan na nagpapabukod-tangi?
Ngayon, tingnan mo ang mga larawan sa ibaba.

May tatlong uring nilikha na may buhay sa mundo:


ang halaman,
ang hayop at
ang mga tao.
halaman hayop tao

https://flic.kr/p/CHxPke https://flic.kr/p/974C7h http://2040.neda.gov.ph/about-


ambisyon-natin-2040/

Ang halaman ay kailangang alagaan upang lumaki at dumami.


Ang hayop ay may damdamin kaya sila’y nasasaktan dahil sa
kapabayaan o pagpapahirap, natatakot sa kalamidad, nagagalit kapag
pinakitunguhan nang hindi tama subalit kumakalma sa tuwing
pinakitaan ng pagkalinga.
Ang tao ay higit sa lahat naiiba sapagkat ang tao ay nilikha ayon sa
“Wangis ng Diyos”. Ang tao ay tinatawag na kaniyang Obra Maestro.

Paano naiiba ang tao sa ibang nilikha?


Ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap:
 ang isip
 ang puso

1
 ang kamay o katawan

• ISIP. Ang isip ay may kakayahang mag-isip, alamin ang diwa


at buod ng isang bagay. Ito ay may katangiang: manghusga,
mangatwiran, magsuri, mag-aalala at umunawa.

• PUSO. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa


buong pagkatao ng tao.
• KAMAY o KATAWAN. Ito ay sumasagisag sa pandama,
panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita. Ito ang
ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa.

Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam


at magpasya nang malaya. Ang kapangyarihan niyang mangatwiran ay
tinatawag na isip. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at
isakatuparan ang pinili ay tinatawag na kilos-loob.

Tunghayan ang talahanayan sa ibaba:

Isip Kilos-loob
Gamit Pag-unawa Pagkilos/Paggawa
Tunguhin Katotohanan Kabutihan

 Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan,


kaya’t patuloy siyang nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa
nang naaayon sa katotohanang natuklasan.
 Ang katalinuhan ay hindi nasusukat sa dami ng nalalaman at taas
ng pinag-aralan kundi kung paano ginagamit ang kaalaman upang
ilaan ang sarili sa pagpapaunlad ng kanyang pagkatao, paglilingkod
sa kapwa at pakikibahagi sa pamayanan.
 Sa pamamagitan ng kaalamang natuklasan, maaari siyang
gumawa para sa ikabubuti ng kanyang kapwa. Dahil ang isip ng tao
ay may limitasyon at hindi ito kasing-perpekto ng Maylikha, siya ay
nakadama ng kakulangan. Kaya’t ang paghahanap ng isip sa
katotohanan ay hindi nagtatapos; ang katotohanan ang tunguhin
ng isip.

 Ang kilos-loob ay :
• umaasa sa ibinigay na impormasyon ng isip
• nagbibigay ng kapangyarihan sa tao
• ugat ng mapanagutang kilos.
2
 Ang kilos-loob ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de Aquino ay
isang makatwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat ito ay
pakultad (faculty) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
Kung kaya’t ang tunguhin ng kilos-loob ay ang kabutihan.
 Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob ayon sa
kaniyang kalikasan - ang magpakatao. Kailangang gamitin ang isip
sa pagkalap ng kaalaman at karunungan upang makaunawa ang
kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng
pagkatao.

Tandaan:
Ang tao ay natatangi na nilalang dahil siya ay may:
• Isip na nakaaalam
• Kilos-loob na nagpapasya/pumipili
• Ang gamit ng isip ay umunawa
• Ang gamit ng kilos-loob ay umunawa
• Ang tunguhin ng isip ay katotohanan
• Ang tunguhin ng kilos-loob ay kabutihan
Kaya, nararapat na sanayin, paunlarin, at gawing ganap ang isip at
kilos-loob upang mabigyang halaga ang kakayahan ng tao.

II. PINATNUBAYANG PAGSASANAY

Gawain: “Paghambingin Mo Ako”

PAnuto: Sa pamamagitan ng larawan,


paghambingin ang gagawin ng dalawang
nilikha sa sitwasyon. Sagutin ang mga
tanong sa ibaba at isulat ang sagot sa
kwaderno.

3
https://vdocuments.site/esp-7-modyul-5-isip-at-kilos-loob-lbestrada.html

Mga Tanong:
1. Ano ang pagkakaiba sa mga tugon ng lalaki at ng aso?
Sagot: ________________________

2. Ano ang taglay ng tao upang maunawaan at sundin niya ang


paalalang ito?
Sagot: _____________________

3. Ano ang palatandaan na ang tao ay may kilos-loob?


Sagot: _____________________

4. Ano ang palatandaan na ang tao ay may isip?


Sagot: ____________________

III. DI-PINATNUBAYANG PAGSASANAY


Panuto:Sa iyong kuwaderno, kopyahin ang graphic organizer sa ibaba.
Isulat sa mga patlang nito ang mga konsepto kaugnay na nahinuhang
kakailanganing pag-unawa mula sa babasahin.

Clue: Sagot sa tanong na: Paano naging bukod-tanging nilalang


ang tao?

4
Ang tao _____________ na nilalang dahil siya ay may :

Isip na ________________ Kilos-loob na ________________

Ang gamit ng isip ay ____ Ang gamit ng kilos-loob ay __


______________________ ___________________________

Ang tunguhin ng isip ay Ang tunguhin ng kilos-loob ay _


___________________ __________________________________

Kaya, nararapat na ______________, ________________, at


_______________ ang isip at kilos-loob upang mabigyan ng
halaga ang kaloob ng Diyos sa tao.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin
ang pinaka-angkop na sagot at isulat ang titik ng napiling sagot sa
iyong kuwaderno.

1. Sa pamamagitan ng kilos-loob, ano ang nahahanap ng tao?


a. karunungan
b. katotohanan
c. kaalaman
d. kabutihan

2. Aling kapangyarihan ng isip na hindi taglay na katangian nito?


a. maglapat ng mga pagpapasya
b. mangatwiran
c. mag-alaala
d. umunawa sa kahulugan ng buhay

5
3. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
a. umunawa
b. mag-isip
c. magpasya
d. magtimbang ng esensiya ng mga bagay

4.
Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos.

Ang pahayag ay:


a. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos.
b. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang
mga magulang.
c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa
mabuhay, maging malusog at makaramdam.
d.Tama, dahil katulad ng tao ay kailangan din silang alagaan.

5. Bakit tinawag na obra maestra ng Diyos ang tao?


a. Sapagkat ang tao ay modelo ng lahat ng bagay
b. Sapagkat ang tao ay nilikha upang mamahala sa mga nilikha ng
Diyos
c. Sapagkat ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos
d. Sapagkat ang tao ay nilikhang perpekto

6
Ikalawang Araw

I. MAIKLING ARALIN

Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam at


magpasya nang malaya. Ang kapangyarihan niyang mangatwiran ay
tinatawag na ISIP. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at
isakatuparan ang pinili ay tinatawag na KILOS- LOOB.

Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip.


Naiimpluwensiyahan ng isip ang kilos-loob, dahil hindi nito nanaisin o
gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan. Ito rin
ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili, kung
kaya’t ang kilos-loob ang siyang ugat ng mapanagutang kilos.

Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa kasamaan; hindi nito kailanman


magugustuhan ang mismong masama. Nagaganap lamang ang pagpili
sa masama kung ito ay nababalot ng kabutihan at nagmumukhang
mabuti at kaakit-akit.

Dahil sa kakayahan ng tao na angat sa iba pang nilikha, inaasahang


gagamitin niya ang kaniyang kakayahang ito upang gawin at piliin ang
tama sa isang sitwasyon.

Paano niya gagamitin ang kakayahan niyang mag-isip at kakayahan


niyang pumili? Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Tama ba ang ginawa
ng tauhan sa sitwasyon na makikita sa larawan? Ang pasyang ginawa
ng tauhan ba ay nababatay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.

https://drugabuse.com/addiction/drug-abuse- https://pinoybadhabits.wordpress.com/2017/0
penalties/ 3/15/1-cheating-pangongopya/amp

Sakali mang nagkakamali ang tao sa paggamit niya ng kaniyang isip

7
ano ang kaya niyang gawin upang iwasto ito? Paano niya ito
magagawa.

Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang tama kahit


pa alam niya ito, may kakayahan pa rin siyang mag-isip ng paraan
upang baguhin at paunlarin ito.

Nakasalalay sa tao ang pagsaliksik at pag-alam kung alin ang higit


na mabuti upang ito ang kanyang piliing gawin. Samakatwid ang isip at
kilos-loob, tulad ng katawan, ay kailangang sanayin at linangin upang
magampanan ng mga ito ang kani-kanyang layunin. Kung hindi,
magagamit ang mga ito sa maling paraan na makahahadlang sa
pagkamit ng kaganapan ng tao.

Ngayon na ganap mo nang naunawaan hindi


lamang ang gamit ng isip at kilos-loob kung hindi pati
na ang tunguhin nito, mahalagang suriin mo ang
iyong sarili kung alam na ang mga ito at kung tugma
ba ang iyong ikinikilos o ginagawa sa kakayahang
taglay mo.

II. PINATNUBAYANG PAGSASANAY


Panuto: Nakatala ang ilang tungkulin ng isang kabataang katulad
mo. Suriin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng
paglalagay ng simbolong tsek (/) o ekis (×) sa tapat nito
kung alam mo ang mga ito at kung tugma ba ang iyong
kinikilos o ginagawa sa kakayahang taglay mo. Gabay mo
ang halimbawang ibinigay.

Tungkulin Alam ko Ginagawa Natuklasan


ko
Halimbawa: Sumusunod lang ako
sa uso at mga gusto ng
Pumili ng musikang  X
aking mga kaibigan
pakikinggan.
Wastong paggamit ng
computer, internet, at iba
pang gadgets.

8
Mag-aral nang mabuti kahit
walang pagsusulit
kailangang magreview
Pumasok nang maaga o sa
tamang oras.
Paggawa ng takdang-aralin
at proyekto at pagpapasa
nito sa takdang-oras.
Pakikiisa sa paglilinis ng
aming silid-aralan.
Tumulong sa mga gawaing-
bahay lalo na ang paggawa
ng gawaing nakatakda sa
akin.
Magkaroon ng mabuting
ugnayan sa kapatid.

III. DI- PINATNUBAYANG PAGSASANAY

Panuto: Bilang nagdadalaga at nagbibinata na may nakaatang na


tungkulin na dapat mong isabuhay, pag-aralan ang
sumusunod na sitwasyon. Isulat sa loob ng speech balloon
ang iyong iniisip at sa speech box naman ang sasabihin o
gagawin. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Ang aking inisip bilang nagdadalaga/nagbibinata.

Ang aking sasabihin o gagawin bilang


nagdadalaga/nagbibinata.

9
Niyaya ka ng iyong kaklase na mamasyal kahit na
mahigpit na ipinagbabawal ng iyong mga magulang dahil sa
COVID 19. Dahil sa pag-uwi mo nang gabi at hindi
1. pagpapaalam, sinita ka nila at hiningan ng paliwanag. Takot
kang sabihin ang totoo dahil baka lalo kang pagalitan.

Ano ang iyong iisipin at gagawin?

Bakit gabi ka
nang umuwi?
Hindi ka man lang
nagpaalam kung
saan ka pupunta
para hindi kami
nag-aaalala sa
iyo. Alam mo bang
hindi ligtas ang
ating kalusugan
dahil sa COVID 19?
Sabihin mo sa https://www.pinterest.co.uk/pin/42228
2902537217739/?nic_v2=1a7uZncF5
amin ngayon ang
nangyari.

2. Dahil sa social distancing na pinairal ngayon sanhi ng


COVID 19, inutusan kang gumawa ng kodigo ng iyong
kaklase para kopyahin niya sa pagsusulit.
Takot kang gawin iyon dahil baka mahuli ka ng guro.

10
Jane, gumawa
ka ng kodigo
para gamitin
natin mamaya
sa pasulit.
Huwag mong
sabihin kahit
kanino ha?

https://lovepik.com/image-401550080/i-met-
my-classmates-on-the-way-to-school.html

3.
Kapos sa pera ang iyong pamilya sanhi ng kawalan ng trabaho dahil
sa pandemyang COVID 19. Niyaya ka ng iyong kaibigan na
magbenta ng droga upang magkapera.

Shane, alam kong


kapos ka sa pera dahil
nawalan ng trabaho
ang iyong tatay. Kung
gusto mo sama ka sa
akin sa pagtinda ng
droga sigurado
magkakapera ka nang
malaki.

http://dazedandconfusedintheclassroom.blogspot.
com/2008/11/social-acceptancepeer-
pressure.html

IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong, piliin at isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel .

1. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?


a. Pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
b. Tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
c. Pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili

11
d. Pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan

2. Bakit sinasabing ang tao ay nilikhang “kawangis ng Diyos”?


a. Dahil sa kakayahan niyang mag-isip
b. Dahil sa kakayahan niyang umunawa
c. Dahil sa kakayahan niyang makaalam at magpasya nang malaya
d. Dahil sa kakayahan niyang magpatawad

3. Ano ang kailangang alamin sa paggawa ng isang pagpapasya?


a. dahilan ng problema
b. gagawing pasya
c. maaring kalabasan
d. panandaliang solusyon

4. Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan


upang maimpluwensyahan ang kilos-loob.

Ano ang ibig sabihin ng pahayag sa itaas?


a. Walang sariling panindigan ang kilos-loob
b. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon
ng isip.
c. Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-
aaral nang mabuti.
d. Hindi maaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil
magkakaugnay ang mga ito.

5. Nawalan ng trabaho ang ama ng kapitbahay ni Jake bunsod ng


pandemyang COVID 19. Nakita ni Jake ang pagnanakaw nito sa
isa nilang kapitbahay. Nagmamakaawa itong huwag isumbong
dahil sila’y nagugutom na at walang makakain. Si Jake ay
kilalang maawain sa kanilang lugar kaya’t kanya itong
pinagbigyan.

Makatwiran ba ang ginawa ni Jake?


a. Opo, dahil sa ginawa ni Jake ay panandaliang naitawid sa gutom
ang kapitbahay niya.
b. Hindi, dahil hindi dapat katotohanan ang ipaiiral .
c. Opo, upang hindi makukulong ang kapitbahay niya at madidiin sa
kahirapan.
d. Hindi po, dapat manaig ang tamang pagpapasya

12
Mga Sanggunian:

Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Gabay ng Guro, 2015 Edisyon, pp. 50-58


Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Gabay ng Mag-aaral 2015 Edisyon, pp. 117-136

Mga Larawan
Hango mula sa:

https://flic.kr/p/CHxPke
https://flic.kr/p/974C7h
http://2040.neda.gov.ph/about- ambisyon-natin-2040/
https://vdocuments.site/esp-7-modyul-5-isip-at-kilos- loob-lbestrada.html
https://betonkabulija.blogspot.com/2018/06/t-m-frazier-king.html
https://pinoybadhabits.wordpress.com/2017/03/15/1-cheating-pangongopya/
https://www.pinterest.co.uk/pin/422282902537217739/?nic_v2=1a7uZncF5
https://lovepik.com/image-401550080/i-met-my-classmates-on-the-way-to-school.html
http://dazedandconfusedintheclassroom.blogspot.com/2008/11/social-
acceptancepeer-pressure.html
https://www.kissclipart.com/cute-teacher-cartoon-clipart-teacher-education-cli-5o0b5u/

Quality Assured/Evaluated by the Following:

Lotta G. Ferraris
Angelina V. Delgado
Kimfrancis S. Paniza
Ruby G. Siarza
Oryln E. Santos
Epimaco M. Paster, Jr.
Jhiro Dix B. Tompong
Wynner B. Elba - IT
Rynard M. Mangubat - IT

Mona Lisa M. Babiera


Education Program Supervisor in EsP

Reviewed by:

Evelyn F. Importante
OIC-CID Chief EPS

Jerry C. Bokingkito
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Aurelio A. Santisas
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Jeanelyn A. Aleman, CESE


OIC-Schools Division Superintendent

13

You might also like