GIYA-for-Learners-in-EsP7-Q2-W2 final

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Ikalawang para sa Mag-aaral

EsP 7
IkalawangMarkahan Ikalawang Linggo Day 1-2
Mga Layunin:
• Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao.
• Nahihinuha na bukod-tangi ang tao kaya ang pagpapasya ay dapat
patungo sa katotohanan at kabutihan.
• Nakapagtatala ng pagpapasya tungo sa katotohanan at kabutihan.
• Naipaliliwanag ang gamit ng isip at kilos-loob sa mabuting pagpapasya.
• Naisasagawa ang tungkulin na nais isakatuparan gamit ang isip at kilos-
loob
• Napahahalagahan ang pagbuo ng pagpapasiya gamit ang isip at kilos-
loob
EsP7PS-IIb-5.3 Esp7PS-5.4
Sinulat nina:

RICHEL L. DEMICELLIO MAE ANN T. SAAVEDRA CECILIA A. PANES


Malangas NHS Malangas NHS Kabasalan NHS
0
Unang Araw
I. MAIKLING ARALIN

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Ano ang kanilang mga


kakayahan? Alin sa tatlo ang mas nakahihigit?

 Ang unang larawan ay isang uri ng halaman na


namumukadkad. Ang halaman ay nangangailangang
alagaan upang lumaki at dumami. Kumukuha siya ng sapat
na sustansiya para makayanan niyang suportahan ang
sarili.

 Ang pangalawang larawan naman ay nagsasaad sa


kaukulang pag- aalaga sa hayop.

 Ang hayop ay may damdamin nasasaktan, marahil sa


kapabayaan o pagpapahirap. Natatakot sa kalamidad o sa
epekto ng pangyayari na hindi inaasahan. Nagagalit kapag
pinakitunguhan ng hindi tama subalit kumakalma sa tuwing
pinakitaan ng pagkalinga.

 Ang pangatlong larawan ay nagpapakita ng iba’t ibang


kakayahan ng isang nilikha na kung tawagin ay “Kawangis
ng Diyos” ang TAO.

Ang mga larawang ipinakita ay mga nilikha ng Diyos na may


buhay at may iba’t ibang kakayahan. Pero alin sa tatlong nilalang
ang mas nakahihigit o natatangi?

Ang tao ang mas nakahihigit sa lahat o natatanging nilikha


dahil siya ay may tatlong mahahalagang sangkap.
1
ISIP - ito ay may kapangyarihang maghusga,
mangatwiran, magsuri, mag-alala at umunawa ng
kahulugan ng mga bagay.

PUSO - dito nanggagaling ang pasya at emosyon. Lahat


ng kasamaan at kabutihan ng tao ay dito
natatago.

KAMAY o KATAWAN - ito ang karaniwang ginagamit sa


pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa,
sumasagisag sa pandama, panghawak at paggalaw.
Ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng
isip at puso sa kongkretong paraan, ito rin ang
instrumento sa pakikipag-ugnayan sa ating kapwa.

Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang maka-


alam at magpasya nang malaya kaya nga ang tao ay tinatawag na
kanyang obra maestro.

Ang tao ang natatanging nilikha dahil sa kanyang katangiang


taglay na nagpapatingkad sa kanya. Sadyang natatangi ang tao
dahil sa kanyang isip na nakaka-alam at kilos-loob na
nagpapasya/pumipili, hindi tayo magiging tao kapag hindi natin
ginamit sa tama ang kakayang ito.

Malaking gampanin ang kumilos tayo ng tama isang taong


mapanagutan sa paggamit ng isip at malayang kilos – loob.

II. PINATNUBAYANG PAGSASANAY

Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na


sitwasyon. Bilang isang nagdadalaga at
nagbibinata, ano ang iyong iisipin at gagawin sa
mga sitwasyong ito. Gamit ang ilustrasyon na
angkop sa speech balloon, isulat sa iyong
kuwaderno ang iyong iisipin at gagawin sa bawat

2
Maingat ang tatay mo sa kaniyang gamit, kaya’t maayos niya itong
tinatago. Alam niya kung nagalaw ang mga ito at nagagalit siya kapag
pinakiki-alaman nang hindi nagpapaalam sa kaniya. Isang araw dinala
mo sa paaralan ang martilyo nang hindi niya alam. Sa kasawiang
palad, nawala mo ito. Natatakot ka kung paano mo sasabihin sa kanya
dahil siguradong pagagalitan ka. Ano ang gagawin mo?

Oo nga ___
Pero _____

Hindi ko na
lang aaminin Kaya
na kinuha ko nararapat na
ang martilyo
___________
natatakot
akong
pagalitan eh.

https://www.pinterest.ph/pin/74302363849
7921347/

III. DI- PINATNUBAYANG PAGSASANAY

Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Bilang isang


nagdadalaga at nagbibinata, anong pagpapasya ang iyong
gagawin kung ikaw ang nasa sitwasyon? Dapat ang
pagpapasyang iyong gagawin ay patungo sa katotohanan
at kabutihan.

1. Habang pumipila si Anton sa kantina nakita niya ang kanyang


bestfriend na malapit na sa unahang pila at niyaya siyang
pumuwesto na sa kanyang likuran upang mapadali ang pagkuha
ng pagkain. Kung ikaw si Anton anong pagpapasya ang iyong gagawin?

_________________________________________________________
3
2. Pakiramdam ni Monique siya ang pinag-uusapan at
pinagtatawanan
ng dalawa niyang kaklase. Nasabi na ito ng kanyang kaibigan at
balak nilang komprontahin ang mga ito pagkatapos ng klase. Kung
ikaw si Monique, anong pagpapasya na dapat patungo sa
katotohanan at kabutihan ang iyong gagawin?

_______________________________________________________

_______________________________________________________

3. Kitang-kita ni Romnick na ninakaw ng kanyang kaklase ang


cellphone
ng kanyang kaibigan ngunit binantaan siyang susuntukin kung ito’y
magsusumbong. Kung ikaw si Romnick anong pagpapasya ang
iyong
gagawin?

_______________________________________________________

_______________________________________________________

Pamantayan sa Pagwawasto
Kraytirya 3 2 1
Kaalaman/ Malalim ang Katamtaman Mababaw ang
Pag-unawa pag-unawa sa ang lalim ng pang-unawa sa
sitwasyon na pag-unawa sa sitwasyon na
binibigyang sitwasyong binibigyang
reaksiyon binibigyang reaksiyon
reaksiyon
Gamit ng Isip at Ipinakita ang Ipinakita ang Hindi
Kilos-loob mataas na gamit tunguhin ng isip masyadong
ng isip at kilos- at kilos-loob nabigyang
loob pokus ang gamit
at tunguhin ng
isip at kilos-loob
Organisasyon Maayos at Hindi gaanong May kalabuan
malinaw ang maayos at ang pagkakabuo
pagkakabuo at malinaw ang at pakakalahad
pagkakalahad pagkakabuo at ng reaksiyon
ng reaksiyon pagkakalahad
ng reaksiyon
4
IV. PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot at isulat ang letra na iyong napili sa
kuwaderno.

1. Bakit natatangi ang tao?


a. dahil sa kanyang kakayahang gumalaw
b. dahil siya ay puno ng kaalaman
c. dahil sa kanyang isip at kilos-loob
d. dahil sa kanyang kakayahang umunawa

2. Bakit sinasabing kawangis ng Diyos ang tao?


a. dahil sa kakayahan niyang magpasya nang malaya
b. dahil sa kakayahan niyang manghusga
c. dahil sa kakayahan niyang umunawa
d. dahil sa kakayahan niyang magpatawad

3. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Ang halaman at hayop ay


ganap na nilikha ng Diyos.”?
a. Lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos.
b. Ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga
magulang.
c. May mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay,
maging
malusog at makaramdam.
d. Katulad ng tao ay may pangangailangan din silang alagaan
upang, lumaki, kumilos at dumami.

4. Bakit mahalagang pangalagaan ng tao ang kanyang isip at kilos-


loob?
a. Upang ito ay hindi mabalewala
b. Upang hindi masira ang tunay na layunin nito
c. Upang ang tao ay matutong gumawa
d. Upang maisakatuparan ang mga pangarap ng tao

5. Gusto mong maging kasapi ng E-Club pero wala kang perang


pambayad upang ikaw ay makasali rito.
Ano ang gagawin mo?

5
a. Pilitin mo ang Nanay mo na bigyan ka ng pera.
b. Lapitan mo ang iyong guro at humingi ka ng payo
c. Mangutang ka sa iyong kaklase
d. Basta sumali ka na lamang

Ikalawang Araw

I. MAIKLING ARALIN

Magandang umaga sa iyo! Ang tatalakayin


natin ngayong umaga ay tungkol sa paggawa o
pagbuo ng angkop na pagpapasiya tungo sa
katotohanan at kabutihan gamit ang isip at kilos-
loob. Ginagamit mo ba ang iyong isip at kilos-
loob sa iyong pagpapasya?

Ayon kay Santo Tomas de Aquino ang kilos-loob ay isang


makatuwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat ito ay
pakultad (faculty).
• Ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama kung kayat
ang tunguhin ng kilos-loob ay kabutihan.
• .Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa kasamaan, hindi nito
kailanman magugustuhan ang masama.
• Ang kilos loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng
isip.
• Ito rin ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at
pumili kung kaya’t ang kilos-loob ang siyang ugat ng
mapanagutang kilos.

Samantalang ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang


diwa at buod ng isang bagay. Ito ay may kapangyarihang:
• Maghusga
• Mangatuwiran
• Magsuri
• Mag-alala
• At umunawa

6
Basahin ang maikling kuwento. Alamin kung ano ang nakaligtaan ng
tauhan sa kuwento.

Si Marissa ay isang madaldal at matalinong bata. Isang


araw nahuli siya ng kanyang guro na nagpapakopya sa
kanyang kaibigan sa oras ng pagsusulit. At nang tanungin siya
ng kanyang guro kung bakit niya ito nagawa, ay dahil daw sa
pangungulit at panunumbat ng kaniyang kaibigan sa kaniya.
Nang ipatawag siya ulit ng kaniyang guro ay palaging sinisisi
nito ang kaniyang kaibigan na ito raw ang dapat sisihin at hindi
siya.

Ano ang nakaligtaan ni Marissa sa pagkakataong ito?

Ang nakaligtaan ni Marissa sa panahaong ito ay walang


anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos
para sa kanyang sarili.

Ang isip at kilos-loob ay walang ibang layunin kung hindi puro


kabutihan lamang. Sa kaso ni Marissa, walang pumilit sa kanya para
gawin ang bagay na ‘yun, dahil hawak niya ang kanyang isip at kilos.
Hindi maaaring isisi sa ibang tao ang kaniyang ginawang
pagkakamali.

Lahat tayo ay may ginagawang pagpapasiya sa buhay. Sa


pagpapasiya na ito ay ginagabayan tayo ng ating isip at kilos-loob.
Dapat sa pagpapasiya na ito ay sa kabutihan ng lahat dahil ang
tunay na tunguhin ng isip at kilos-loob ay kabutihan lamang.

7
II. PINATNUBAYANG PAGSASANAY
Panuto: Lagyan ng tsek (/ ) kung ang ginagawang pagpapasya ay
gamit ang isip at kilos-loob at ekis (X) kung hindi. Sumulat ng
pagpapasiya sa buhay na gamit ang isip at kilos-loob at ito’y pagnilayan.
Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Gamit Hindi
Sitwasyon Pagpapasya ang gamit
isip at ang isip
kilos- at kilos-
loob loob
Pumasok pa rin si
Tinanghali si Annabel ng Annabel dahil alam
gising isang umaga. Natukso niya bilang mag-aaral /
siyang pumasok dahil alam na tungkulin niyang
niyang may programa sa pumasok sa paaralan
kanilang paaralan. anuman ang itinakdang
gawain sa bawat araw.
Nagbilin ang nanay ni Lumabas pa rin si
Angelo na huwag siyang Angelo at nakipaglaro
lumabas ng bahay dahil sa kanyang mga
mamamalengke siya para sa kaibigan/alam niya kasi
kanilang pananghalian. na matatagalan sa
pag-uwi ang kanyang
nanay.
Nakita ni Roy na may Pumasok pa rin si
nakapaskil sa pintuan ng Roy dahil alam niyang
Principal na bawal pumasok. Tito niya ang Principal.
“Meeting is ongoing.”
III. DI-PINATNUBAYANG PAGSASANAY

Panuto: Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Kung ikaw ang


tauhan sa bawat sitwasyon sa ibaba anong pagpapasya ang iyong
gagawin gamit ang isip at kilos-loob. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. Inanyayahan si Abigail ng kanyang kaibigan na manood ng sine


na hindi nagpapaalam sa kanyang mga magulang. Kung ikaw si Abigail
anong pagpapasya ang iyong gagawin?
_______________________________________________________

_______________________________________________________.

8
2. Pinakiusapan si Angel kanyang nakatatandang kapatid na huwag
ipaalam sa kanilang mga magulang na siya ay mamamasyal
kasama
ng kanyang kasintahan. Kung ikaw si Angelo anong pagpapasya
ang
iyong gagawin?

_______________________________________________________

_______________________________________________________.
3. Nakita ni Arman na nangungupit si Razel ng pera sa pitaka ng
kanyang ama ngunit binantaan siya ni Razel na huwag
magsumbong
dahil susuntukin niya ito. Kung ikaw si Arman anong pagpapasya
ang
iyong gagawin?

_______________________________________________________

_______________________________________________________.

Pamantayan sa Pagwawasto

MGA
BATAYAN 5 3 1
Naibigay nang May kaunting Maraming
buong husay ang kakulangan sa kakulangan sa
Nilalaman
pagsagot sa nilalaman sa ginawang
ibinigay na ginawang gawain. gawain.
gawain.
Maayos at Hindi masyadong Hindi malinaw
malinaw ang malinaw ang ang
Organisasyon
pagkakabuo at pagkakabuo at pagkakabuo at
paglalahad ng paglalahad ng paglalahad ng
reaksiyon reaksiyon reaksiyon

9
IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat


lamang ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno.

1. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng tamang pagpapasya


gamit
ang isip at kilos-loob?
a. Nanghihingi ng tawad si Ana sa kanyang kapatid ngunit ayaw pa
rin
siyang kausapin ng kanyang kapatid.
b. Pinagalitan si Patricia ng kanyang nanay dahil siya ay
nagkasala,
ngunit sinusunod pa rin niya ang mga utos ng kaniyang nanay.
c. Pinagbati ng guro si Mike at Jake dahil matagal na silang may
alitan sa isa’t-isa ngunit sa kabila nito nagmamatigas pa rin si
Mike
at hindi kininikibo si Jake.
d. Palaging pinagsasabihan si Carlo ng kanyang nanay na huwag
maglalaro malapit sa ilog, ngunit patuloy pa rin siya sa paglalaro
sa
tabing ilog.

2. Alin ang gumagabay sa tao sa kanyang pagpapasya?


a. Damdamin c. Kabutihan
b. Isip at kilos-loob d. Kabanalan

3. Alin ang may kapangyarihang mag-alala at umunawa?


a. Kilos-loob
b. Isip
c. Puso
d. Diwa

4. Saan umaasa ang kilos-loob?


a. Sa ibinibigay na impormasyon ng isip
b. Sa lakas ng katawan
c. Sa mga balita na galing sa media
d. Sa salita na galing sa Diyos
5. Ano ang ugat ng mapanagutang kilos?
a. Kalayaan
b. Batas Moral
c. Katarungan
d. Kilos-loob
10
Mga Sanggunian:

Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Learner’s Module, pp. 117-136


Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Teacher’s Guide, pp. 50-58

Mga Larawan:

https://www.flickr.com/photos/148639386@N08/48756767936/
https://www.flickr.com/search/?text=animals
http://clipart-library.com/clipart/pT5oG5X7c.htm
https://www.pinterest.ph/pin/743023638497921347/
https://www.kissclipart.com/cute-teacher-cartoon-clipart-teacher-education-cli-
5o0b5u/

Quality Assured/Evaluated by the Following:

Lotta G. Ferraris
Angelina V. Delgado
Ruby G. Siarza
Riza Mae G. Desolong
Orlyn E. Santos
Epimaco M. Paster, Jr.
Jhiro Dix B. Tompong

Wynner B. Elba - IT
Rynard M. Mangubat - IT

Mona Lisa M. Babiera


Education Program Supervisor in EsP

Reviewed by:

Evelyn F. Importante
OIC-CID Chief EPS

Jerry C. Bokingkito
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Aurelio A. Santisas
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Jeanelyn A. Aleman, CESE


OIC-Schools Division Superintendent

11

You might also like