Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO IV

(Pansangay na Pagpapakitang Turo sa Ortograpiyang Filipino


na nilalapatan ng mga pedagohiyang 2C2IR)

Sangay: Zamboanga del Sur


Tagapagpapakitang Turo: Juris D. Pailden
Asignatura: Filipino
Baitang: IV (Ikaapat na Markahan)
Petsa at Oras: April 14, 2024, 9:25-10:25
I. LAYUNIN

A. Pamantayang Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Nakasusulat ng sariling kuwento o tula


Pagganap

C. Mga Kasanayan sa  Natutukoy ang wastong baybay ng salitang hiram kaugnay ng ibang asignatura
Pagkatuto. Isulat and  Naisusulat nang wasto ang baybay ng salitang natutuhan sa aralin at salitang
code ng bawat hiram kaugnay ng ibang asignatura (MELC, F4PU-IIa-j-1)
kasanayan  Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito
(MELC, F4PL-0a-j-1)

II. Nilalaman Pagsulat ng Wastong Baybay ng Salitang Natutuhan sa Aralin at Salitang


Hiram Kaugnay ng Ibang Asignatura

Integrasyon:
Filipino IV – Nasasagot ang mga tanong tungkol sa pinanood (MELC-F4PD-
Iia-86)

Arts IV - discusses the rich variety of cultural communities in the Philippines


and their uniqueness and the distinctive characteristics of these cultural
communities in terms of attire, body accessories, religious practices, and lifestyles
(A4EL-Ia)

Arpan IV – Natutukoy ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas


gamit ang mapa. (AP4aab-iC-4)

Music IV – Identifies aurally and visually various musical ensembles in the


community. (MU4TB-IIIf-3)

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina ng Curriculum Guide sa Filipino, Department of Education, p.79
Gabay ng Guro
KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat, pp. 16-22

2. Mga pahina ng Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa 4, pp.43-48, pp. 93-98


Kagamitang Pang-
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa 4, pp.43-48, pp. 93-98
teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resources (LR)
B. Iba pang Laptop, projector, marking pen, manila paper, mga pirasong papel
kagamitang panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Basahin muna ang “Rubrik ng Pagpapahalaga” bilang gabay sa pagsasagawa ng
nakaraang aralin aralin.
at/o pagsisimula Buuin Mo!
ng bagong aralin Balikan natin ang kuwentong “ Pista sa Barangay”. Buuin natin ang mga salitang
matatagpuan dito. Sa 30 Segundo ay bumuo kayo ng isang salita sa mga titik na
ibinigay sa inyo. I dikit ang mga ito sa isang papel. Sumigaw ng “Ay, Ok!” na
hudyat na kayo’y tapos na.

Unang Pangkat

l e - d a t a
Sagot: de-lata

Pangalawang Pangkat

y o n s i s p r u
Sagot: prusisyon

Pangatlong Pangkat

d o a c h m e
Sagot: mechado

Pang-apat na Pangkat

e t t e j o m a r
Sagot: majorette

B. Paghahabi sa Paramihan Tayo


layunin ng aralin Panuto: Balikan ang mga salitang napag-aralan sa mga nakaraang aralin na
(Pagganyak) matatagpuan sa mga pahinang 43-48 sa inyong batayang aklat. Sa loob ng limang
minuto, hanapin at isulat niyo ang mga salita na sa tingin niyo ay hindi tunay o
orihinal na salitang Filipino. Ang bawat tamang sagot ay katumbas ng isang puntos.

Sa bahaging ito ay naipapakita ang konstruktibistang pedagohiya dahil sila ang bubuo sa
konsepto ng aralin. Ito rin ay nagpapakita ng kolaboratibong pedagohiya sa pagtuturo.

Itanong sa mga bata ang sumusunod na mga tanong:


May napansin ba kayo sa mga salitang ito?
Ano kaya ang mga salitang ito?
Huwag munang iwasto ang kanilang mga sagot.
C. Pag-uugnay ng Ipaliwanag sa mga bata na ito ay ilan sa mga hiram na salitang natutuhan sa aralin.
mga halimbawa sa Ilahad ang bagong aralin at ang mga layunin na inaasahang matutuhan ng mga mag-
bagong aralin aaral.
(Paglalahad)
D. Pagtalakay ng Hayaang ang mga bata ang magwawasto ng kanilang mga sagot sa gawaing
bagong ‘Paramihan Tayo’ habang pinapanood ang video tungkol sa mga wastong baybay ng
konsepto at mga hiram na salitang matatagpuan sa pahina 43-48. Panoorin din ang ilan sa mga
paglalahad ng salitang ating napag-aralan sa mga asignaturang Arts, Music at Araling Panlipunan.
bagong
kasanayan #1 Naipapakita dito ang RPMS indicator 7 para sa pagwawasto ng kanilang gawain.
(Pagtatalakay)
 Magbigay ng mga dapat tandaan o alituntunin bago ipapalabas ang video.
 Ipapakita ang videong.
Ang paggamit ng multi-media ay isang estratehiya. Ito ay gawa mismo ng tagapagpakitang
turo. Nagagamit ito sa mga batang may kapansanan. Magagamit din ito sa mga batang nasa
blended learning. Nalalapat dito ang indicators 3, 7,8 ng RPMS.

Pagkatapos mapanood ang video, sagutin ang mga tanong at isulat sa isang manila
paper.
Ano ang ibig sabihin ng hiram na salita?
Ano ang dalawang wika o lingwahe na pinagbabatayan natin sa mga hiram
na salita?
Ilan ang salitang hiram na ating napag-aralan sa asignaturang Filipino?
Magbigay ng isang salitang hiram mula sa asignaturang Musika, Arts, at
Araling Panlipunan.

Iwasto ang sagot ng bawat pangkat sa mga katanungan.

Basahin ang mga salitang hiram na napag-aralan sa mga aralin.

Bilangin ang wastong sagot ng bawat pangkat. Idagdag ito sa kanilang nakuha na
puntos.

E. Pagtalakay ng Spelling Bee


bagong konsepto
at paglalahad ng Panuto: Sa inyong pangkat magtalaga ng numero sa bawat kasapi mula 1-6.
bagong kasanayan Tatawag ako ng isang numero na sasagot. Babasahin ko ang isang hiram na salita at
#2 isulat ang wastong baybay nito sa isang papel. Bawat tamang sagot ay katumbas ng
(Ginabayang isang puntos. May 10 segundo kayo para isulat ito.
Pagsasanay)
1. gymnasium
2. klinika
3. kompositor
4. emeritus
5. komposisyon
6. sekundarya
7. konsiyerto
8. disenyo
9. temperatura
10. lokasyon

Number Heads Together


Ito ay istratehiyang mainam upang lahat ng bata ay nakakalahok sa gawain. Naibigay din ang
mga panuto na dapat sundin sa gawain. Nailalapat ang indicators 3,4,5 at 6 ng RPMS.

F. Paglinang ng Pangkatang Gawain


Kabihasaan Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto sa bawat gawain.
( Malayang Ipakita ang mga dapat tandaan sa pagsagawa ng pangkatang gawain.
Pagsasanay )
Gawain I
Gamitin ang mga salita sa patanong na pangungusap.
1. musika
2. piyano
3. relihiyon
4. notbuk
5. Disyembre

Gawain 2
Kumpletuhin ang mga sumusunod upang makabuo ng isang salitang hiram. Punan
ng letra ang bawat kahon.

1. m s k a

2. p ya o

3. el hi o n

4. n t uk

5. D i y mb
Gawain III
Kumpletuhin ang talata sa ibaba. Hanapin ang sagot sa kahon.

1. Ang pasko ay ipinagdiriwang sa buwan ng _________________. Puno ng


masasayang _____________ mula sa mga awiting tinutugtog gamit ang
tambol, trumpeta at ___________ . Ang pagdiriwang na ito ay isa sa
mahahalagang pagdiriwang ng ____________ ng Kristyano. At sa paskong
ito, isang ____________ ang natanggap kong regalo.

Gawain IV
Unawaing mabuti kung ano ang nasa larawan at isulat ang pangalan nito sa
salitang hiram.

1. Ako ay nakikinig ng masayang _____________________.

2. Gusto kung matutong tumugtog ng _______________________.

3. Ang aking ______________________ ay Kristyano.


4. Ito ang aking ___________________ sa asignaturang Filipino.

5. Maraming parol at makukulay na ilaw tuwing _________________.

Magtalaga ng isang kasapi sa pangkat na magwawasto sa gawain ng ibang


pangkat. Bigyan ng puntos ang bawat pangkat batay sa tamang sagot na nakuha
nila.

G. Paglalapat ng Panuto: Basahin at unawain ang teksto na nasa kahon. Iwasto ang maling baybay sa
aralin sa pang-araw- hiram na salita na nasa loob ng panaklong. Isulat ito sa patlang. Idagdag ang iskor
araw na buhay ng bawat kasapi bilang puntos sa inyong pangkat. Bibigyan kayo ng tatlong minuto
(Paglalapat) para gawin ito.

Mayamang Kultura ng mga Subanen

Batay sa kasaysayan, ang aming lugar ay dating


(teritoryu) ________________ ng mga Subanen. Dahil sa
Allan Arguellas, R.A. 8371, muling kinilala at binigyang-halaga ang
pinterest.com kanilang mayamang kultura. Isa na rito ay ang kanilang
mga malikhaing (disinyo) ________________ na
ginagamit nila sa kanilang kasuotan. Nilikha ito mula sa
iba’t ibang (elementu)_____________. Sa larangan ng
(mosika), ____________ mayaman din sila. Kutapi ang isa
Kutapi sa mga instrumentong pangmusika nila. Marami rin silang
Istorya sa Kalinaw
Facebook Account awitin na mula sa sarili nilang (kumpusisyon, )
____________.

Iwasto ang sagot ng mga bata. Idagdag ang lahat ng iskor ng bawat kasapi.
Ang kabuuan ay magiging puntos ng pangkat.

Sa gawaing ito, napapahalagahan ang kultura ng isang pangkat-etniko sa isang lugar. (RPMS
indicator 9).
Integrasyon: Arts IV - discusses the rich variety of cultural communities in the Philippines and
their uniqueness and the distinctive characteristics of these cultural communities in terms of
attire, body accessories, religious practices, and lifestyles (A4EL-Ia)

Integrasyon: Numeracy

H. Paglalahat ng Kumpletuhin ang talatang ito sa paglalahat ng aralin.


Aralin Ang salitang __________ ay mga salitang walang _________ sa wikang
(Paglalahat) kung kaya ang mga ito ay tanggap na gamitin sa pakikipag-usap. (aralin.ph) Batay
sa KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (2013), sa pagbabaybay ay huwag
kalimutang unahin ang salitang ____________ bago ang salitang
__________________________.

Pagpapahalaga: Balikan ang “Rubrik sa Pagpapahalaga”. Hayaan ang mga bata


kung ilang puntos ang ibibigay nila sa kanilang mga sarili.

I. Pagtataya ng I. Panuto: Piliin sa kahon ang tamang salitang hiram na aangkop sa bawat
Aralin pangungusap. Isulat ito sa patlang.
1. Malapit sa ekwador ang __________ ng ating bansa.
2. Malaki at matayog ang ipinatayong _____________ sa aming barangay.
3. Nagtapos ang aking nanay ng kolihiyo dahil mayroon siyang ___________.
diploma gymnasium
mantika lokasyon
kompositor

II. Panuto: Hanapin ang salitang hiram na may wastong baybay. Isulat sa
patlang bago ang bilang ang buong salita.
__________ 4. a. kalendaryu
b. kalendaryo
c. kalindaryu
d. kalindaryo
__________ 5. a. talentu
b. talinto
c. talintu
d. talent

III. Isulat ang wastong baybay sa mga sumusunod na salita.


Idikta ang mga salitang ito.
a. notbuk
b. temperatura
c. klinika
d. kompositor
e. emeritus

6.
7.
8.
9.
10.

J. Karagdagang Gamitin ang sumusunod na mga salita sa pangungusap.


Gawain para sa
takdang aralin at 1. regalo
remediation 2. obispo
3. konsiyerto
4. konsehal
5. barangay
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan ng
iba pang Gawain para
sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyonan sa tulong ng
aking punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Inihanda ni:

JURIS D. PAILDEN
Teacher III, Campo Dos ES
Aurora East District

Iniwasto ni:

JORENDA C. BARTE
Tagapagdaloy, School Head Teacher II
Campo Dos ES, Aurora East District

Inaprobahan ni:

JESSIE S. TAŇOLA, EdD


District Supervisor
Aurora East

You might also like