_KABANATA-1-5-GROUP-1-TVL-HE-BACON-1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang Home Economics ay isang mahalagang bahagi ng edukasyon na

naglalayong mapalawak ang praktikal na kasanayan ng mga mag-aaral sa

pagluluto. Sa pamamagitan nito, natututunan ng mga mag-aaral ang mga aspeto ng

wastong nutrisyon, pagpaplano ng pagkain, at pagsasagawa ng Iba't ibang lutuin.

Ang mga kasanayang ito ay hindi lamang nagbubunga ng masarap ng pagkain

kundi naglalayong mapabuti rin ang kanilang pangkalahatang kalusugan. Sa

madaling salita, Ang Home Economics ay nagbubukas ng mga pintuan patungo sa

masusing pag-unlad at pagsanay ng mga praktikal ba kasanayan ng mga mag-aaral

sa larangan ng pagluluto.

Ang pag-aaral ng Home Economics ay nagbibigay daan sa mahabang

pag-unlad ng praktikal na kasanayan ng mga mag-aaral. Sa pagluluto, nailalabas

ang kanilang pagkamalikhain at mas makakuha sila ng wastong nutrisyon. Sa

pag-aayos ng bahay, natutunan ang kahalagahan ng organisasyon at kalinisan. Ang

pagsasanay sa pamilya at personal na pamamahala ay nagbubukas ng oportunidad

para sa masusing pag-unawa sa mga relasyon at pagpaplano para sa hinaharap. Sa

bawat aspeto nito, ang Home Economics ay nagtataguyod ng kahandaan at

kasanayan na nag-aambag sa buhay ng mga mag-aaral sa iba’t ibang aspeto ng

kanilang pagsasarili at lipunan.

1
Sa aspeto ng disiplina, Ang Home Economics ay nagtuturo sa tamang

pag-organisa at pagpaplano ng gawain sa bahay. Ito'y naglalaan ng mga estratehiya

para sa maayos na pamamahala ng oras at pinapalakas ang kahusayan sa

pagpapatupad ng mga gawain. Ito rin ay nagtuturo ng pagkakaroon ng disiplina sa

bawat isa, at respeto sa kapwa. Ang mga mag-aaral ay natututunan din ang

importansya ng disiplina sa pagtutok sa kanilang mga responsibilidad at pag-unlad

na siyang nagbubunga ng masigla at maayos na pamumuhay.

Dagdag pa rito, Ang Home Economics rin ay nagbibigay importansya sa mga

sa mga hakbang na nagpapamalas ng kalinisan at kaligtasan sa paghahanda ng

pagkain. Ito ay kinapapalooban ng tamang paghugas ng mga kamay bago magluto,

paglinis ng mga kagamitan, at pagsunod sa tamang food safety practices. Ang mga

mag-aaral ay tinuturuan ng kahalagahan ng malinis na kapaligiran sa kusina at ang

epekto nito sa kalusugan ng mga kumakain. Ang pangangalaga sa kalinisan habang

nagluluto ay nagpapabawas ng panganib ng pagkalat ng sakit at nagtuturo ng

responsableng pamamahala sa kusina.

Itinuturo ng Home economics ang indibidwal kung paano lumikha ng isang

maayos na pangangalaga sa kapaligiran na nagtataguyod ng mga positibong

relasyon at kagalingan sa emosyon sa loob ng bahay. Ayon kay Coon (2019), ang

pag aaral ng may kinalaman sa mga pamamaraan ng pagtuturo ng home economics

ay isinasagawa sa pamamagitan ng eksperimental, survey, deskriptib, at historikal

na mga teknolohiya at tumatalakay sa mga pamamaraan na ginagamit sa home

economics, Sa deskriptibong pagsusuri, ipinakikita ang kasalukuyang kalagayan at

uri ng mga pamamaraan, samantalang sa historikal na teknolohiya, sinusuri ang

2
pag-unlad ng mga ito sa paglipas ng panahon. Ito ay nagbibigay daan sa masusing

pagsusuri ng mga aspeto ng home economics na pag-aaral.

Sa pananaliksik na ito ay ating malalaman na ang Home Economics ay isang

larangan ng pag-aaral na naglalayong mapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral

sa aspeto ng pangangasiwa ng bahay, pagluluto, kalinisan, wastong disiplina, at iba

pang praktikal na kasanayan sa pang araw -araw. Ito rin ay nagbibigay ng malawak

na hanay ng kasanayan na maaaring mapakinabangan sa Iba't-ibang larangan ng

trabaho, nagpapalawak sa kakayahan ng isang tao at nag-aambag sa kanyang

pangkalahatang pag-unlad.

BATAYANG TEORETIKAL

Ginabayan ng mga teoryang may kinalaman sa karanasan ang isasagawang

pag-aaral na ito ng mga mananaliksik. Ayon sa teoryang Goal setting ni Edwin

Locke at Gary Latham (1960s-1970s) ay nagpapakita na ang pagtatakda ng tiyak at

mahihirap na mga layunin ay maaaring magbigay inspirasyon sa isang indibidwal

na magsumikap at magtagumpay. Sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga layunin,

ang isang tao ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng pagsusumikap upang

makamit ang mga ito at magkaroon ng patuloy na pag-unlan Ang pag aaral na ito

ay makatutulong sa mga mag aaral sa kursong Home Economics, at Persepsyon sa

Kahalagahan ng Home Economics sa pagpapaunlad ng Praktikal na Kasanayan ng

mga Mag-aaral ng JCECA. Ito ay makatutulong sa kanila na mahubog at

madagdagan ang kaalaman at ideya sa mga naitakda nilang layunin sa buhay. Sa

pamamagitan ng pag susumikap at inspirasyon ng bawat mag aaral, Ang

3
pagpapahalaga at pagpupursigi sa inspirasyon ng bawat mag-aaral ay mahalaga sa

pagpapalago ng kanilang kaalaman at kasanayan.

BALANGKAS KONSEPTWAL

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng input-process-output model sa paggawa

ng paradaym na batayang konseptwal ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng input

frame, nais malaman ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

Una, ano ang mga praktikal na kakayahan na makukuha sa Home Economics sa

magagamit ng mga mag aaral sa pang araw araw na buhay. Ikalawa, paano

makakatulong ang home Economics sa pag papaunlad ng kasanayan sa pag luluto

pag aalaga sa sarili at pangangalaga sa kalusugan ng mga mag aaral ng JCECA .

Ikatlo, ano ang mga positibong epekto ng pag aaral ng Home economics sa skills at

kaalaman ng mga mag aaral sa JCECA. Ang process frame, ay nagpapakita ng mga

proseso na ginawa ng mga mananaliksik at ang teoryang ginamit sa pagtalunton ng

pag-aaral ito. Samantala, ang output frame naman ay sumasaklaw sa resulta ng,

Persepsyon sa kahalagahan ng Home Economics sa pg papaunlad ng praktikal na

kasanayan ng mga Mag-aaral ng JCECA

4
Pigura 1. Paradaym ng Pag-aaral

5
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang “Persepsyon sa Kahalagahan ng Home

Economics sa pagpapaunlad ng Praktikal na Kasanayan ng mga Mag-aaral ng

JCECA” upang tukuyin ang mga kasagutan sa mga sumusunod:

1. Ano ang mga praktikal na kakayahan na makukuha sa Home Economics na

magagamit ng mga mag-aaral sa pang- araw araw na buhay?

2. Paano makatutulong ang Home Economics sa pagpapaunlad ng kasanayan sa

pagluluto pag aalaga sa sarili at pangangalaga sa kalusugan ng mga mag aaral ng

JCECA?

3. Ano-ano ang mga positibong epekto ng pag aaral ng Home Economics sa skills

at kaalaman ng mga mag aaral sa JCECA?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito na may pamagat na “Persepsyon sa Kahalagahan ng

Home Economics sa pagpapaunlad ng Praktikal na Kasanayan ng mga

Mag-aaral ng JCECA” ay makatutulong sa mga sumusunod:

Mag-Aaral: Ang pananaliksik na ito ay higit na importante sa mga mag aaral dahil

natututuhan nito ang kaalaman sa pamamahala ng tahanan. Ito'y nagtuturo ng

praktikal na kasanayan na maaaring magamit nila sa pang araw araw na

pamumuhay.

6
Guro: Ang pananaliksik na ito mahalaga rin sa mga guro dahil ay nagbibigay ito

sa kanila ng pagkakataon na maging tagapagtaguyod ng mahalagang aspeto ng

edukasyon na naglalayong magbigay kasanayan sa mga mag-aaral. Ito'y

nagbibigay ng kahulugan sa kanilang papel bilang gabay sa lag-unlad ng mga

estudyante hindi lamang sa akademikong aspeto kundi pati narin sa mga praktikal

na aspeto ng buhay. Ang pagtuturo ng Home Economics ay nagbibigay sa mga

guro ng kakayahan na maging instrumento sa paghubog ng mga Mag-aaral na may

bukas na mayaman sa kasanayan at kaalaman sa pang Araw-araw na buhay.

Administrasyon sa Mga Susunod na Mananaliksik: Ang pagaaral na ito ay

mahalaga sa mga susunod na mananaliksik upang malinang ang kanilang

kamalayan sa pagtataguyod ng isang maunlad at malusog na kinabukasan.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang kalagayan ng antas ng

kaalaman ng mga mag-aaral sa pagpapaunlad ng Praktikal na kasanayan ng Ika-

labing isang baitang sa paaralan ng JC Excellente Christian Academy Inc.

Ang pagsisiyasat na ito ay patungkol sa pagsusuri sa mga mag -aaral na

tutugon sa aming pananaliksik patungkol sa Pagpapaunlad ng kasanayan sa

ika-labing isang baitang ng TVL HE sa JC Excellente Christian Academy Inc. sa

pamamagitan ng pagbibigay ng mga kuwestyunaryo sa 30 na estudyante ng sa

gano'y makakuha kame ng malaking impormasyon tungkol sa aming pagsusuri.

7
Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay mixed-method research, ito ay

isinasagawa sa pammagitan ng pagsusurvey at pagbibigay ng kuwestyunaryo na

ipapamahagi sa 30 na estudyante ng ika-labing isang baitang ng Tvl HE sa JC

Excellente Christian Academy Inc.Ang pagpili ng partisipante at ang bilang ng

respondente ay bahagi ng aming delimitasyon upang masiguro ang

representatibilidad ng resulta. Sa pamamagitan ng qualitative at quantitative na

analisi, layunin namin ang makakuha ng malalim na pag-unawa sa antas ng

kaalaman at pagsusuri sa Pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral.

KAHULUGAN NG MGA TERMINOLOHIYA

Ang mga terminolohiyang ginamit ay binigyang kahulugan sa pamamagitan ng

operasyonal at konseptwal na pagpapakahulugan.

1. KAHALAGAHAN- Kahalagahan ay tumutukoy sa kahalagahan ng isang

bagay, Maaari itong maging emosyonal, ekonomiya, kultura, o panlipunan,

depende sa paggamit nito. Sa konteksto ng mga praktikal na kakayahan,

maunawaan ang mga halaga ay maaaring makatulong sa pagkuha ng desisyon,

pagpaplano, adaptasyon, pag-aaral, at pag-uugali. Ang pagkilala ng kahalagahan

ng isang tao ay humantong sa mas maraming oras at pagsisikap sa pagpapatupad

ng kanilang mga layunin.

2. HOME ECONOMICS - Ang Home Economics ay isang larangan ng pag-aaral

na naglalayong magbigay ng praktikal na kaalaman at kasanayan sa iba'ty ibang

aspeto ng pagpaplano at pamamahala sa tahanan at sa personal na buhay. Layunin

nito ang pagtuturo ng mga kasanayang pangkabuhayan tulad ng pagluluto,

8
paglilinis ng bahay, pagbabadyet, pangangalaga sa kalusugan, pag-aasawa,

pag-aalaga ng anak, at iba pa. Sa pamamagitan ng Home Economics, ang mga

mag-aaral ay tinuturuan na maging epektibong mamamahayag, tagapag-organisa,

at tagapagplano ng kanilang mga gawain sa tahanan, na naglalayong mapabuti ang

kalidad ng kanilang pamumuhay at ng kanilang pamilya.

3. KASANAYAN - ay tumutukoy sa kakayahan, kaalaman, o kakayahang makamit

ang isang tiyak na layunin o gawain. Ito ay ang resulta ng pag-focus at

pagpapatupad ng isang tiyak na gawain hanggang ito ay maging epektibo at

matagumpay. Ang pagsasanay ng kasanayan ay isang mahalagang bahagi ng buhay

ng isang tao, na nangangailangan ng kaalaman at kakayahan, pamumuno,

productivity, at tagumpay. Kaalaman at kakayahan humantong sa mas mahusay na

pagkuha ng desisyon, pamumuno, at productivity.

4. PERSEPSYON - Persepsyon ay isang aktibong proseso na indibidwal ay

gumagamit ng pandama at karanasan upang bumuo ng mga kahulugan at

interpretasyon sa mga karanasan at impormasyon, mahalaga sa ang batayan ng

pag-unawa sa mundo at mga pangyayari sa paligid.

5. PRAKTIKAL- ay nagpapakita ng kakayahang matugunan ang mga hamon o

pangangailangan sa isang epektibong paraan. Sa konteksto ng pagpapaunlad ng

praktikal na kasanayan, ang pagpapaunlad ay nagbibigay ng pagkakataon na

direktang pagpapalakas ng kaalaman at pagpapabuti ng produktibidad. Ang

pagpapaunlad ay mahalaga sa pagpapabuti ng mga kakayahan at kaalaman ng

isang indibidwal, nagbibigay-daan sa mas malaking tagumpay sa ibang aspeto ng

9
buhay at naglalayong maging epektibo at produktibo sa mga tunay gawain at

sitwasyon sa buhay.

KABANATA ll

BANYAGANG LITERATURA

Sinusuri ng artikulong ito ang papel ng edukasyon sa home economics sa

ika-21 siglo.Nagsisimula ito sa pagpapaliwanag kung paano maaabala ang limang

hinaharap na global megatrends (globalisasyon, urbanisasyon, digitalization,

cybersecurity, at sustainability) bilang resulta ng pandaigdigang pandemya ng

COVID-19. Masu. Ang kahalagahan ng mga megatrend na humuhubog sa home

economics ay pinagbabatayan ng mga pandaigdigang megatrends, na inilathala

bago ang pandemya, at ang pagsusuri sa teksto ng mga publikasyong literacy na

ginawa bilang mga katalista para sa paghubog ng home economics para sa susunod

na 100 taon. ay galugarin sa buong presentasyon. Ang tool na Voyant ay

nagpapakita ng visualization ng aklat na Creating Home Economy Futures: The

Next 100 Years at inihahambing ito sa iba pang mahahalagang dokumento ng

literatura na nagbibigay ng impormasyon sa larangang ito. Ang papel pagkatapos

ay ginalugad kung paano ang pagtuturo at pagkatuto ay humantong sa muling

pagpoposisyon ng home economics bilang isang disiplina at ang muling

pagpoposisyon ng home economics literacy bilang isang pangunahing diskarte para

sa larangan na manatiling may kaugnayan sa hinaharap. Kabilang sa mga priority

area para sa edukasyon ang food literacy; ang kapakanan ng mga indibidwal,

10
pamilya, at komunidad; at upang mabawi ang lugar ng tahanan. Pendergast, Donna

(2021).

Sa pag-aaral naman, nina Gardner at Boyd (2019) binigyang diin nila ang

kritikal na pagsusuri sa implikasyon ng edukasyong pangkabuhayan sa pag-unlad

ng mga praktikal na kasanayan, partikular sa konteksto ng Australia at United

Kingdom. Sa gitna ng pagbabago at pag-unlad ng mga pang-ekonomiya at

panlipunang hamon, mahalagang unawain ang papel ng Home Economics sa

paghubog ng mga mag-aaral bilang responsableng indibidwal sa lipunan. Sa

kanilang pagsusuri, sinuri nila ang mga benepisyo at hamon na dala ng ganitong

uri ng edukasyon, anuman ang bansang pinagmumulan. Sa pamamagitan ng

paghahambing ng mga sistema ng edukasyon at karanasan ng mga mag-aaral sa

dalawang bansa, kanilang naipakita ang mga pagkakaiba at pagkakapareho na

mayroon sa pagtuturo ng Home Economics. Tinukoy din nila ang mga

pangunahing aspeto ng edukasyong pangkabuhayan na nagpapakita ng mga

positibong epekto sa pag-unlad ng mga praktikal na kasanayan, tulad ng pagluluto,

pangangasiwa ng tahanan, pamamahala ng oras, at pagbabadyet. Sa kabila ng mga

benepisyong ito, kinilala rin ng mga mananaliksik ang mga hamon na kaakibat ng

pagtuturo ng Home Economics, tulad ng pagpapatupad ng mga kaukulang

programa at pasilidad, pagkakaroon ng sapat na kagamitan at materyales, at ang

pangangailangan para sa patuloy na pagpapabuti ng kurikulum at mga pamamaraan

ng pagtuturo. Sa kabuuan, ang kanilang pag-aaral ay naglalayong magbigay ng

masusing pag-unawa sa kahalagahan at epekto ng Home Economics sa

pagpapaunlad ng mga praktikal na kasanayan ng mga mag-aaral, hindi lamang sa

11
loob ng lokal na konteksto kundi maging sa isang pandaigdigang perspektibo. Sa

gayon, ang kanilang mga natuklasan ay nagbibigay ng pundasyon para sa patuloy

na pagsusuri at pagpapabuti ng mga patakaran sa edukasyon at implementasyon ng

Home Economics sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Sa pag aaral nina Smith at johnson (2019) natuklasan mula sa isang

cross-national study na naglalayong suriin ang epekto ng edukasyong

Pang-ekonomiya sa pagpapabuti ng kabutihang-buhay ng pamilya sa iba't ibang

mga bansa. Sa pamamagitan ng komprehensibong pagsusuri, natagpuan ng mga

mananaliksik na mayroong positibong ugnayan sa pagitan ng pagtanggap sa

edukasyong Pang-ekonomiya at pag-unlad ng mga pamilya sa buong mundo. Ang

mga resulta ng pag-aaral na ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng

pagpapalaganap ng Home Economics education bilang isang makabuluhang

hakbang sa pagtulong sa mga pamilya na mapaunlad ang kanilang

kabutihang-buhay.

LOKAL NA LITERATURA

Sa Pilipinas, maraming lokal na pag-aaral at literatura na tumatalakay sa

kahalagahan ng home sa pilipinas, mayroong maraming lokal na pananaliksik at

literatura na tumatalakay sa kahalagahan ng Home Economics sa pagpapaunlad ng

praktikal na kasanayan ng mga Mag-aaral. Isa sa mga halimbawa nito ay ang

pagaaral ni dr. Rosita M. Uy, "Enhancing students life skill through Home

Economics Education" (2016). Sa kanyang pananaliksik ipinakita ni Dr. Uy ang

mga benepisyo ng pagaaral ng home economics sa mga mag-aaral sa pilipinas,

kabilang ang pagpapalakas ng kanilang mga kasanayan sa pagluluto, pag-aasikaso

12
sa sarili, at pamanahong pamamahala. Sinusuri rin niya ang epekto ng

pagpapalakas ng programa ng home economics sa mga paaralan sa pag unlad ng

mga mag -aaral at komunidad.

Isa pang halimbawa ay ang pag-aaral ni Dr. Lourdes R. Simpol, "The Role of

Home Economics Education in Enhancing life skill of secondary school students

in northern Philippines " (2018). sa kanyang pananaliksik, binigyang diin ni Dr.

Simpol ang kahalagahan ng edukasyong home economics sa Pagpapaunlad ng mga

kasanayan sa mga mag-aaral sa hilagang bahagi ng pilipinas. Ipinapakita rin niya

kung paano nakakatulong ang mga ito sa paghahanda ng mga mag-aaral para sa

kanilang kinabukasan sa gitna ng mga hamon sa buhay.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin at maunawaan ang kahalagahan

ng kurikulum ng Home Economics sa pagpapaunlad ng praktikal na kasanayan ng

mga mag-aaral sa sekondaryang paaralan. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa epekto

ng kurikulum ng Home Economics sa mga mag-aaral, ang pananaliksik na ito ay

naglantad ng mga datos na nagpapakita ng mas mataas na antas ng kasanayan sa

mga aspeto ng pangangasiwa ng tahanan, pagluluto, at pamamahala ng mga

pinansyal na gawain sa mga mag-aaral na sumailalim sa nasabing kurikulum. Sa

tulong ng mga interbyu, surbey, at pagsusuri ng mga datos, natuklasan na ang

pag-aaral ng Home Economics ay may positibong epekto sa pag-unlad ng mga

praktikal na kasanayan ng mga mag-aaral, na nagbubunga ng mas malawak na

kaalaman at kahandaan sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Batay sa mga

natuklasan, mahalagang patuloy na bigyang-pansin at pagtuunan ng pansin ang

pagpapalakas at pagpapabuti ng kurikulum ng Home Economics upang maging

13
mas epektibo at makatulong sa mas malawak na pag-unlad ng mga kasanayan at

kaalaman ng mga mag-aaral sa larangan ng praktikal na pamumuhay. Cruz, (2019).

BANYAGANG PAG AARAL

Maraming pag-aaral ang nag-imbestiga sa persepsyon ng kahalagahan ng

home economics sa pagpapaunlad ng mga praktikal na kasanayan. Nalaman ni

Dewhurst (2011) na ang mga guro ng home economics sa Australia, Canada, Malta

at Scotland ay tiningnan ang Home Economics bilang isang mahalagang

kontribusyon sa edukasyon para sa napapanatiling pag-unlad. Samantala

binigyang-diin ni Suzuki (2020) ang halaga ng home economics sa paghahanda ng

mga mag-aaral para sa mga hamon sa hinaharap, lalo na kung isasaalang-alang ang

pagtaas ng kahalagahan ng tahanan bilang sentro ng parehong buhay tahanan at

trabaho.

Iminungkahi ni Benn (2009) ang praktikal na karunungan, pag-unawa sa

pagkakapare-pareho, at mga kasanayan para sa pang-araw-araw na buhay bilang

pangunahing layunin ng edukasyon sa Home Economics, at natagpuan ni Turkki

(2005) ang mga positibo at positibong saloobin patungo sa home economics sa

mga estudyanteng Finnish. Binigyang-diin ko ang isang makatotohanang pananaw.

Sa pangkalahatan, binibigyang-diin ng mga pag-aaral na ito ang kahalagahan ng

home economics sa pagtuturo ng mga praktikal na kasanayan sa mga estudyante

para sa napapanatiling pamumuhay at personal na paglago.

Ang Home Economics ay gumaganap ng aktibong papel hindi lamang sa

pang-araw-araw na buhay, kundi pati na rin sa akademiko, kurikulum, at

panlipunang larangan. Ang pagiging multidisciplinary, kabilang dito ang nilalaman

14
mula sa iba't ibang mga lugar na isinasaalang-alang para sa layunin ng

kumperensya (malusog na pamumuhay, nutrisyon, dietetics, fiber, tahanan,

pamilya, pagkonsumo, personal at family economics, disenyo, teknolohiya, atbp.)

na konektado sa isa't isa. Ang mga pangangailangan ay nagiging pangangailangan

ng mga indibidwal, pamilya, at lipunan. Ang edukasyon sa home economics at

literacy ay may mahalagang papel sa pagkuha ng kaalaman at kasanayan na

makakatulong sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay para sa mga indibidwal,

pamilya, at lipunan. Habang umuunlad ang mga lipunan, nagbabago ang mga

pangangailangan ng mga indibidwal at pamilya. Samakatuwid, kailangan ang mga

pagbabago sa pagsasanay sa home economics, at ito ay makikita sa pag-update ng

kurikulum ng paksa. Ang mga layunin at nilalaman ng kurikulum ay dapat

sumasalamin at matugunan ang mga pangangailangan ng kasalukuyang lipunan at

dapat isaalang-alang ang pagdepende sa kultura at panlipunang pagpapasiya ng

larangan ng home economics. Ang kasalukuyang kurikulum ng home economics sa

mga pangunahing paaralan sa Slovenian ay may kasamang mga bahagi ng

nilalaman na kinikilala bilang mahalaga para sa pagtugon sa mga pangangailangan

ng lipunan. Ang mga ito ay may kaugnayan sa malusog na pamumuhay, nutrisyon,

kalusugan, hibla, pagkonsumo, ekonomiya, pamilya, kapaligiran at napapanatiling

pag-unlad. Isinasaalang-alang ang mga nakikitang pangangailangan ng lipunan,

ang paggamit ng mga gamit sa bahay, mga gamit sa bahay at pangunang lunas ay

dapat na higit pang isama sa edukasyon sa home economics sa Slovenia, at

hinihikayat ang mga mag-aaral na magkaroon ng mga kasanayang panlipunan at

komunikasyon. Higit pa rito, dahil ang pagsasanay sa home economics ay dapat

isagawa sa buong klase sa elementarya, kailangang mag-ingat upang matiyak na

ang paksang ito ay wastong isinama sa kurikulum. Nagbibigay-daan ito sa mga

15
mag-aaral na makakuha ng kaalaman at kasanayang kailangan sa lipunan at bumuo

ng mga angkop na kasanayan sa tahanan. Erjavšek, (2021).

LOKAL NA PAG AARAL

Sa panahon ngayon, ang edukasyon sa Home Economics ay patuloy na

nagbibigay-diin sa pagpapaunlad ng mga praktikal na kasanayan sa mga mag-aaral.

Ang banyagang literatura ay nagpapakita ng kahalagahan ng disiplinang ito sa

paghubog ng mga mag-aaral na may kakayahang harapin ang mga hamon ng

pang-araw-araw na buhay. Sa pamamagitan ng pagsasanay sa iba't ibang aspeto ng

Home Economics tulad ng pagluluto, pamamahala sa bahay, at personal na

pamumuhay, ang mga mag-aaral ay natututunan ang mga kasanayang kritikal para

sa kanilang tagumpay at kaganapan bilang indibidwal at miyembro ng lipunan. Isa

sa mga pag-aaral na nagpapakita ng epekto ng Home Economics education ay ang

pag-aaral ni C. B. Holmes et al. (2018), kung saan ipinakita nila na ang mga

estudyante na nakaranas ng edukasyon sa Home Economics ay may mas mataas na

antas ng mga praktikal na kasanayan kaysa sa kanilang mga kapwa. Ang pag-aaral

na ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtuturo ng mga kasanayang

pangkabuhayan at pang-araw-araw na buhay sa mga mag-aaral. Bukod dito, ang

pagsusuri ni J. Smith et al. (2019) ay nagpapakita rin ng positibong epekto ng

Home Economics sa pagpapaunlad ng praktikal na kasanayan ng mga mag-aaral.

Sa kanilang sistematikong pagsusuri, kanilang napag-alaman na ang mga

estudyante na may eksposur sa Home Economics ay mas mahusay sa mga

kasanayang tulad ng pangangalaga sa sarili, pagluluto, at pamamahala ng oras.

16
Sa isang kahalagahang pag-aaral na isinagawa ni A. Martinez et al. (2020),

ipinakita ng mga mananaliksik ang kritikal na papel ng Home Economics sa

paghubog ng mga praktikal na kasanayan para sa isang sustainable na pamumuhay.

Sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga kasanayang pangkabuhayan at pangangalaga

sa kapaligiran, ang edukasyon sa Home Economics ay nagbibigay ng pundasyon

para sa mga mag-aaral na maging responsable at mabisang mamamayan. Sa

kasalukuyang konteksto ng edukasyon, ang disiplina ng Home Economics ay

patuloy na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagpapaunlad ng mga praktikal na

kasanayan ng mga mag-aaral. Ang mga lokal na pag-aaral ay nagpapakita ng

malaking kontribusyon ng Home Economics sa paghubog ng mga mag-aaral na

may kasanayang mahalaga para sa kanilang pang-araw-araw na buhay at

hinaharap.

Isa sa mga mahahalagang lokal na pag-aaral ay ang pag-aaral ni G. Cruz et al.

(2017), kung saan kanilang ipinakita ang positibong epekto ng edukasyon sa Home

Economics sa kakayahang pamahalaan ng pamilya ng mga mag-aaral sa mataas na

paaralan. Sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga kasanayang pangkabuhayan at

pang-araw-araw na buhay, ang Home Economics ay naglalayong magbigay ng mga

kaalaman at kasanayan na mahalaga para sa isang maayos at maunlad na

pamilyang kinabukasan. Kasunod nito, ang pag-aaral ni M. Reyes et al. (2019) ay

nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa sekundarya sa

pagsasanay sa Home Economics at ang positibong epekto nito sa kanilang

kakayahang pangkabuhayan. Ang pag-aaral na ito ay nagpapatunay sa kahalagahan

ng integrasyon ng Home Economics sa kurikulum ng edukasyon upang matugunan

ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa paghahanda para sa kanilang

17
hinaharap. Bukod dito, ang pag-aaral ni L. Garcia et al. (2020) ay nagbigay ng

mahalagang pamantayan sa pagsusuri ng epekto ng kursong Home Economics sa

personal na pamumuhay ng mga mag-aaral sa sekundarya. Sa pamamagitan ng

pagtuturo ng mga kasanayang pangkabuhayan, pamamahala sa bahay, at iba pang

kaugnay na kasanayan, ang Home Economics ay naglalayong magbigay ng

solidong pundasyon para sa isang produktibong at responsable na buhay

SINTESIS

Ang pagsasanay sa Home Economics ay naglalayong magbigay ng mga

kasanayang pangkabuhayan at pang-araw-araw na buhay na mahalaga para sa

tagumpay at kaganapan ng mga mag-aaral. Mula sa mga lokal na pag-aaral,

itinatampok nito ang positibong impluwensya ng Home Economics sa kakayahang

pamahalaan ng pamilya, pag-unlad ng kakayahan pangkabuhayan, at pagpapalakas

ng personal na pamumuhay ng mga mag-aaral sa lokal na komunidad. Sa kabilang

banda, ang mga banyagang literatura at pag-aaral ay nagpapakita ng malawak na

saklaw ng mga benepisyo ng Home Economics sa iba't ibang kultura at lipunan,

nagpapalawak sa pang-unawa sa potensyal ng disiplina na magdulot ng

pangmatagalang pagbabago at pag-unlad.

Sa pangkalahatan, ang kombinasyon ng mga lokal at banyagang ebidensya ay

naglalarawan ng kritikal na papel ng Home Economics sa paghuhubog ng mga

mag-aaral bilang ganap na mga indibidwal at mahusay na miyembro ng lipunan.

Ang integrasyon ng Home Economics sa kurikulum ng edukasyon ay nagbibigay

ng mga oportunidad para sa mga mag-aaral na matuto at bumuo ng mga kakayahan

at kasanayan na kinakailangan upang harapin ang mga hamon ng pang-araw-araw

18
na buhay. Sa ganitong paraan, ang Home Economics ay hindi lamang nagbibigay

ng praktikal na kaalaman, kundi nagpapalawak din ng pag-unawa at kakayahan ng

mga mag-aaral na maging produktibo at responsableng miyembro ng lipunan.

KABANATA III

METODOLOHIYA

Sa bahaging ito, tatalakayin ang disenyo ng pananaliksik, pamamaraan sa

pangangalap ng datos, pinagmulan ng datos, metodo sa pagsusuri ng datos, mga

kalahok, instrumentong ginamit, pamamaraan ng pagkalap ng datos, pagsusuri sa

datos, at kompyutasyong estadistika,

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag aaral ay tungkol sa "Persepsyon sa kahalagahan ng Home economics

sa Pagpapaunlad ng praktikal na kasanayan ng mga mag aaral ng

JCECA"Isinagawa sa pamamagitan ng mixed method research kung saan ito ay

deskriptib na pananaliksik. Layunin nitong mas makakuha ng mas kumpletong

pagsasalarawan at mas malalim na pag unawa sa suliranin ng pananaliksik .Sa

pamamagitan ng ganitong paraan ay mas mapagtitibay sa pag aanalisa ng mga

datos na nakalap at pagkakaroon ng resulta.

19
MGA KALAHOK SA PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng purposive sampling technique sa

pagkuha ng mga kalahok kung saan ito ay direkta pagpili batay sa layunin ng pag

aaral. Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay ang mga mag aaral sa JC

EXELLENTE CHRISTIAN ACADEMY na nasa ika-labing isang baitang na

kumuha ng strand na TVL -HE na may kabuuang tatlumpu. Napili ang mga

kalahok dahil sila ay may mga kaalaman patungkol sa Home Economics ,at sa

paraang ito makikita ang kakayahan ng mga mag aaral matapos ang pananaliksik

na ito.

INSTRUMENTO

Ang pananaliksik na may pamagat na “Persepsyon sa kahalagahan ng Home

Economics sa Pagpapaunlad ng Praktikal na Kasanayan ng ng Mag-aaral sa

JCECA”. Sa Pananaliksik na ito gumamit ang mga mananaliksik ng

kuwestyunaryong instrumento, Ito ay bahagi ng isang pananaliksik na naglalayong

masuri ang persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa kahalagahan ng Home

Economics sa pagpapaunlad ng praktikal na kasanayan. Layunin nitong alamin ang

mga opinyon, paniniwala, at karanasan ng mga mag-aaral kaugnay sa kanilang

pag-unawa at pagpapahalaga sa mga gawain at aralin sa larangang ito. Ang mga

tanong sa talatanungan at interbyu ay nakatuon sa pagtukoy ng antas ng kasanayan

at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa Home Economics, pati na rin ang kanilang

mga karanasan sa pakikilahok sa mga gawain ng kurso. Ang lahat ng impormasyon

na matatanggap ay ituturing na kumpidensyal at gagamitin lamang para sa layunin

ng pananaliksik.

20
PAMAMARAAN SA PANGANGALAP NG DATOS

Ang mga mananaliksik ay dumaan sa proseso ng pamamaraan ng

pangangalap ng datos.

Una, Gumawa ang mga mananaliksik ng kwestyuner na inaprubahan ni G. John

Dave Policarpio upang masigurado na maayos at tama ang mga katanungan.

Ikalawa, kinalap ng mga mananaliksik ang mga pormal na sulatin. Ikatlo,

ipinamahagi ng mga mananaliksik ang promal na sulatin sa mga mag aaral ng TVL

HE sa JC Excellente Christian Academy INC. Ikaapat, matapos ikalap at suriin ang

mga datos, nilikom ang mga pormal na sulatin upang saliksikin ang mga kasagutan

ng mga studyanteng sumagot ng mga ito. At panghuli, dito matutukoy ang

resultang mag bibigay kalinawan sa kongklusyon ng Persepsyon sa kahalagahan ng

Home economics sa Pagpapaunlad ng praktikal na kasanayan ng mga mag aaral ng

JCECA.

PAGSUSURI NG DATOS

Ang mga datos na nakuha mula sa kasagutan ng mga kalahok sa

kuwestiyonaryo at pag-sususri sa mga pormal na sulatin ay isinalaysay at sinuri sa

pamamagitan ng mga talahanayan at pigura. Layon ng talahanayan at pigura na

maipakita ang mga datos sa mas malinaw na paraan. Gumamit ng mga

mananaliksik ng mga pormula at pagkatapos ay bibigyan ng mga interpretasyon

ang mga ito na pagtitibayin ng mga literatura at pag-aaral. Ang pormulang ginamit

ay weighted mean at percentage sa bawat tugon sa mga katanungan.

21
KABANATA IV

PRESENTASYON, ANALISIS, AT INTERPRETASYON NG DATOS

Ito ay naglalahad at nagpapaliwanag ng mga datos na nakalap ng mga

mananaliksik mula sa talatanungan at interbyu sa mga kalahok sa nasabing

pag-aaral.

Talahanayan 1. Ang mga praktikal na kakayahan na makukuha sa Home

Economics na magagamit ng mga mag-aaral sa pang-araw araw na buhay.

Kategorya Tiyak na Pahayag

● Sa Home Economics, natututo

ang mga estudyante ng mga

praktikal na kasanayan na

Pagluluto maaaring magamit sa

pang-araw-araw na buhay,

tulad ng pagluluto, gawaing

bahay, at pag-aalaga sa sarili.

● Paggamit ng mga natural at

sustainable na paraan ng

Paglilinis paglilinis upang mapanatili ang

kalusugan ng pamilya at

kalikasan.

Ipinapakita sa talahanayan na sa pag-aaral ng home economics

natututunan ng mga estudyante ang mahahalagang kasanayan tulad ng pagluluto, at

22
paglilinis, at iba pa na nagbibigay hindi lamang ng kakayahan sa pang-araw-araw

na buhay kundi pati naren sa ibang aspeto ng pamumuhay.

Talahanayan 2. makakatulong ang home economics sa pagpapaunlad ng

kasanayan sa pagluluto.

Kategorya Tiyak na Pahayag

makakatulong para malaman ang mga ● .Mapapaunlad o mahahasa pa

basic na kasanayan sa pagluluto ang mga skills o kaalaman ng

mga estudyante sa pagluluto.

● Makakatulong ito dahil mas

Pagpapalalim sa pag-unawa sa mga malalaman pa ang mga

sangkap at nutrisyon ng mga pagkain kasanayan sa pagluluto dahil

upang makabuo ng masustansyang matututo kapa sa iba't ibang

mga putahe skills nito.

Ang mga datos na nakuha natin ay nagpapakita na ang pag-aaral ng basic

na kasanayan sa pagluluto ay makakatulong hindi lamang sa pagpapaunlad ng mga

estudyante sa pagluluto, kundi pati na rin sa pagpapalalim ng kanilang kaalaman sa

mga sangkap at nutrisyon ng mga pagkain. Ito ay magbibigay sa kanila ng

kakayahan na makabuo ng masustansyang mga putahe. Bukod dito, ang pag-aaral

ng iba't ibang skills sa pagluluto ay magbibigay ng mas malawak na kaalaman at

kasanayan sa kanila sa larangan ng pagluluto.

23
Talahanayan 3. Ang mga positibong epekto ng pag-aaral ng home economics sa

skills at kaalaman ng mga mag-aaral ng JCECA.

Kategorya Tiyak na Pahayag

● karagdagang skills at

Pagpapaunlad ng kasanayan sa iba't experience, at maaari ring

ibang aspeto ng pamumuhay magamit sa kanyang guston g

maging trabaho sa hinaharap.

● Ang mga epekto nito ng

pag-aaral ng Home Economics

Pagpapalakas ng kakayahan sa ay mas magiging practikal ang

paggawang mga praktikal na bagay mga estudyante dahil sa H E ay

nagtuturo ng skills tungkol sa

pang araw-araw na buhay.

Ang pag-aaral ng Home Economics ay nagbibigay ng mga praktikal na

kasanayan at kaalaman sa mga estudyante tungkol sa pang-araw-araw na buhay. Ito

ay nagreresulta sa pagpapaunlad ng kanilang mga kasanayan at karanasan, na

maaaring magamit nila sa kanilang hinaharap na trabaho at buhay adulto. Ang

ganitong pag-aaral ay nagbibigay sa kanila ng kasiguraduhan at kakayahan na

harapin ang mga hamon ng totoong mundo.

24
KABANATA V

PAGLALAGOM NG MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON AT

REKOMENDASYON

Sa bahaging ito, tatalakayin ng mga mananaliksik ang lagom, konklusyon

at rekomendasyon.

Lagom

Sa pag aaral na ito,higit na binigyang- pansin ang paksang may kinalaman

pagpapaunlad ng praktikal na kasanayan ng mga mag aaral kung kaya ang

nasabing pananaliksik ay may kalahok na mula sa sa Jc excellente christian

academy inc. na kumuha ng strand na home economics na may kabuuang bilang na

tatlumpu(30). c Bilang karagdagan, sakop din ng papel na ito ang kahalagahan ng

home economics at ang mga makukuha nilang praktikal na kasanayan sa home

economics at paano ito mapapaunlad,gamit ang talatanungan at pag -aanalisa sa

gawain mula sa mga kalahok.

Layunin ng pananaliksik na matukoy ang "Persepsyon sa

Kahalagahan ng Home Economics sa Pagpapaunlad ng Praktikal na

Kasanayan ng mga Mag-aaral ng JCECA.”Makikita mula sa mga resultang

nakuha sa isinagawang surbey at interbyu na ang pag-aaral ng Home Economics ay

nagbibigay sa mga mag-aaral ng mahalagang kakayahan tulad ng pagluluto,

paglilinis, at iba pang mga aspeto ng araw-araw na buhay. Ito ay hindi lamang

tumutulong sa mga mag-aaral na malaman tungkol sa pagluluto at nutrisyon,

ngunit din ay nagbibigay sa kanila ng kaalaman tungkol sa kalidad ng pagkain at

nutrition. Bilang karagdagan, pag-aaral ng iba pang mga kakayahan sa pagluluto ay

25
nagbibigay sa mga mag-aaral na may isang mas malalim na kahulugan ng

pagsasanay. Home ekonomiya din nag-aalok ng mga praktikal na kakayahan at

kaalaman para sa mga mag-aaral, paghahanda ang mga ito para sa kanilang mga

hinaharap na karera at pagsasanay, na nagsisiguro ang kanilang kaligtasan at

kaalaman.

Konklusyon

Mula sa mga datos na nakalap sa mga mag-aaral na sa ikalabing isang antas

ng TVL Home Economics sa JC Excellente Christian Academy Inc., ang mga

sumusunod na konklusyon ay nabuo ng mga mananaliksik.

1. Natutukoy ng mga mananaliksik na ang pag-aaral ng pagluluto, lalo na sa

larangan ng paglilinis, ay nagbibigay daan sa pag-unlad at pagsasanay ng

mga kasanayan at kaalaman ng mga estudyante. Ito ay maaaring

makatulong sa pagpapahusay ng kanilang mga kakayahan sa pagluluto

sa pamamagitan ng pagtutok sa iba't ibang aspeto nito, kabilang ang

mga kasanayan sa paglilinis.

2. Natukoy ng mga mananaliksik na ang pagtuturo ng kasanayan sa

pagluluto sa mga estudyante ay magdudulot ng pagpapaunlad at

pagpapahusay sa kanilang mga kakayahan. Sa pamamagitan ng

pagluluto, maaaring mas mapalawak at mapalalim ng mga estudyante

26
ang kanilang kaalaman at kasanayan sa iba't ibang aspeto ng

paghahanda ng pagkain. Ito ay magbubukas ng mga bagong oportunidad

at magbibigay-daan sa kanila upang mas lalo pang mahasa ang kanilang

mga kakayahan sa kusina.

3. Sa pag aaral ng home economics, sumang ayon ang bawat mag aaral na

batay sa naging resulta na nakuha sa talatanungan ay mapapa unlad o

mahahasa pa ang mga skills o kaalaman ng mga mag aaral sa pag luluto,

pag aalaga ng mga bata, at iba pang mga households, ito rin ay iyong

magagamit sa paghahanap ng trabaho sa hinaharap.

4. Ang pag-aaral ng home economics ay isang mahalagang bahagi ng

pagsasanay na hindi lamang nagtuturo ng teorya kundi pati na rin ang mga

praktikal na kasanayan na mahalaga sa pang-araw-araw na buhay ng mga

mag-aaral. Ang mga kasanayan sa pagtuturo tulad ng pagluluto, pag-aalaga

sa bahay, pangangalaga sa sarili, at pamamahala sa buhay ay naghahanda at

nagsisilbi sa mga mag-aaral para sa kanilang mga tungkulin bilang mga

indibidwal at miyembro ng lipunan. Ang ganitong mga kasanayan ay

hindi lamang naglalayong palakasin ang mga praktikal na kakayahan

ng mga indibidwal sa kanilang pang-araw-araw na gawain, ngunit

positibong nakakatulong din sa kanilang pag-unlad at kabuuan bilang

isang bansa.

5. Ang mga estudyante ay hindi lamang natututong magluto at mamahala ng

bahay, bagkus, sila ay binibigyan ng pundasyon upang maging responsable

at produktibong miyembro ng lipunan. Sa pag-unlad ng kanilang mga

kasanayan sa pagluluto at iba pang aspeto ng Home Economics, sila ay

27
nagkakaroon ng kakayahang magplano, mag-organisa, at magdesisyon

sa mga pang-araw-araw na hamon sa buhay. Sa ganitong paraan, ang

Home Economics ay nagiging daan upang mapalakas ang kanilang

kakayahan sa personal na pag-unlad at sa pagtulong sa ibang tao sa

kanilang paligid.

Rekomendasyon

Sa pagtatapos ng pananaliksik, masusing sinuri at sinala ng mga

mananaliksik ang mga datos mula sa mga kalahok upang makalikha ng mga

rekomendasyong magtataguyod pa sa antas ng kahalagahan ng home economics.

Para sa mga mag-aaral, Makiisa sa mga seminar, workshop, o webinar na

may kinalaman sa Home Economics. Makakakuha ka ng mga bagong kaalaman at

perspektiba mula sa mga eksperto sa larangan. Makipag-ugnayan sa lokal na

komunidad at hanapin ang mga grupo o organisasyon na nakatuon sa mga aspeto

ng Home Economics tulad ng pagkain, nutrisyon, pangangalaga sa kalusugan, at

iba pa. Makakahanap ka ng mga pagkakataon para matuto at magbahagi ng iyong

kaalaman. Kung ikaw ay isang estudyante, pagtuunan ng pansin ang mga aralin at

proyekto sa Home Economics sa paaralan. Makipag-ugnayan sa mga guro para

humingi ng dagdag na mga mapagkukunan at mga aktibidad upang palalimin ang

iyong kaalaman.

28
Para sa mga guro, Lumikha ng mga aktibidad at proyekto sa loob at labas ng

silid-aralan na nagpapakita ng kahalagahan ng Home Economics sa

pang-araw-araw na buhay ng mga mag-aaral. Maaari itong isama sa pagluluto,

pagtatanim, pagsasanay sa pangangalaga ng kalusugan at kagandahan, at iba pa

Magtakda ng mga personal na layunin para sa pagpapaunlad ng sariling kaalaman

sa larangan ng Home Economics. Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng

pagbabasa ng mga aklat, pag-aaral ng mga online course, o pag-uugnay sa mga

kapwa guro at mga propesyonal sa larangan. Makipag-ugnayan at magtulungan sa

iba pang mga guro ng Home Economics upang magbahagian ng mga karanasan,

ideya, at pinakamahusay na praktika sa pagtuturo. Ang pakikipag-ugnayan sa

komunidad ng mga guro ay makakatulong sa pagpapalakas ng bawat isa at sa

kabuuang pag-unlad ng larangan.

Para sa administrasyon, Siguraduhin na ang Home Economics ay may

sapat na espasyo at diin sa loob ng kirikulum. Magdagdag ng mga elektibo at

espesyalisasyon na nauugnay sa home economics upang bigyang-diin ang

kahalagahan nito. Tiyakin na ang mga paaralan ay may sapat at naaangkop na mga

pasilidad para sa mga aktibidad sa tulad ng Mga halimbawa: kusina, silid-aralan

atbp. Magtatag din ng mga programa at proyekto na nagtataguyod ng

pakikipagtulungan sa mga lokal na komunidad upang palakasin ang kahalagahan

ng home economics sa pang-araw-araw na buhay. maglaan din ng pondo para sa

mga pagpapahusay ng pasilidad, pagbili ng kagamitan, at iba pang

pangangailangan.

29
Para sa mga susunod na mananaliksik, Magsagawa ng pagsasaliksik

hinggil sa mga makabagong patakaran, konsepto, at teknolohiya sa larangan ng

Home Economics. Makipag- ugnayan rin sa mga eskperto at mag-aaral upang

makakuha ng mga ideya at pananaw sa mga aktwal na pangyayari. at magplano ng

detalyadong pananaliksik na may malinaw na layunin, metodolohiya, at balangkas.

pumili ng mga tamang sanggunian at instrumento ng pananaliksik na

makakatulong sa pagkuha ng wastong datos at impormasyon.

30

You might also like