Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Biyaya ang mga Magulang

Ikaapat ng hapon, ako'y pauwi na.


Mula sa paaralan, di masukat ang saya.
Animo'y may karera, sa bilis ng mga paa.
Ano kaya ang meryendang inihanda ni Ina?

Sa tarangkahan pa lamang ay amoy ko na,


Ang umuusok na bibingka at mainit na tsaa.
"Halina, anak, aniya." Alam kong nagugutom ka."
"Kaya't kumain na. Paborito mo ito, di ba?"

Pagsapit ng dilim, ako'y nag-alala,


Alas siyete na, wala pa si Ama.
Mayamaya ay dumarating na at may supot na dala.
Ah! alam ko na. Bistida ko ang laman pagka't pangako niya.

Masaya ang salu- salo sa oras ng hapunan.


Walang humpay ang kuwentuhan at tawanan
Umaapaw ang galak sa piling ng mga magulang.
O! kaysarap balik -balikan ng aking kabataan.

Paglipas ng panahon ako'y ganap nang dalaga.


Wala nang alinlangan at pag-aalala,
Pagka't pagharap sa daigdig, kung may sigalot,
Sila ang papawi sa pangamba at takot.

Salamat, salamat, Dakilang Maylikha,


Mapag-arugang magulang sa aki'y biniyaya.
Baon ko ang tagubilin na anuman ang mithiin,
Landas na matuwid ang laging tatahakin.

You might also like