Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Ang Pilipinas ay isang kapuluan na binubuo ng higit sa pitong libong pulo (7,600) na nabibilang sa

tatlong malalaking pangkat: Luzon, Visayas, at Mindanao


150 na wika at dayalekto ang ginagamit sa ating bansa. Tagalog ang nangungunang wika na
ginagamit ng 5.4 milyong sambahayan
Kahulugan ng Wika:
►Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon.
►Mula sa pinagsama samang makabuluhang tunog, simbolo,at tuntunin ay nabubuo ang salitang
nakapagpapahayag ng kahulugan.
►Behikulong ginagamit sa pakikipag usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa.
Lingua ay nangangahulugang “dila”at “wika” o linguwahe
►Tradisyunal at popular na pagpapakahulugang sistema ng arbitraryong vocal symbol o mga
sinasalitang tunog na nalilikha sa pamamagitan ng posisyon ng dila.
Ang kahulugan ng Wika ayon sa ilang Dalubhasa:
►Ayon kay, Paz, Hernandez at Peneyra (2003) - Ito ay tulay na ginagamit para maipahayag at
mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin.
►Ayon kay Charles Darwin - ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbibake
ng cake o ng pagsulat.
►Ayon kay Henry Allan Gleason Jr. - ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang
kultura.
Ang wika ay masistemang balangkas
ano mang wika sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa tiyak na balangkas.
Ponema –tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog ng isang wika.
Halimbawa: letrang "B" ang kaakibat na tunog ay "ba" letrang "T" ang kaakibat
na tunog ay "ta"
Ang tunog na nabububo sa pagbigkas ng letra/simbolo ay tinatawag na ponema
Uri ng Morpema
1. Morpemang Salitang ugat - uri ng morpema na walang panlapi. Ito ay ang payak na
anyo ng isang salita, salitang nagtataglay ng kahulugan.
Halimbawa: Indak, ganda, sayaw, sipag, sulat, tuwa.
2. Morpemang Panlapi - Ito ay uri ng morpema na idinurugtong sa salitang-ugat na maaring
makapagpabagong kahulugan ng salita ngunit hindi nakakatayong mag-isa ang mga panlapi at
kailangan idugtong sa salitang-ugat upang magkaroon ng kahulugan.
Halimbawa: Halik: Nang + halik = Nanghalik
3. Morpemang Ponema /a/ at /o/ - Kung nagbabago ang kahulugan (kasarian) dahil sa
pagdagdag ng ponemang /a/ o kontradiksyon ng /o/.
Halimbawa: Kusinero Mario Doktor
Kusinera Maria Doktora
Morpolohiya- tawag sa makaagham na pag-aaral ng morpema. Sintaksis- tawag sa
makaagham na pag-aaral ng pangungusap.
Dalawang uri ng ayos ng pangungusap:
1. Karaniwang Ayos 2. Di karaniwang Ayos
Di - Karaniwang Ayos - Binubuo ng simuno sa unahan at panag-uri sa hulihang bahagi.
Halimbawa: Si Anna ay sumasayaw.
Karaniwang Ayos - Binubuo ng panaguri sa unahan at simuno sa hulihang bahagi.
Halimbawa: Sumasayaw si Anna
Binubuo ng panaguri sa unahan at simuno sa hulihang bahagi.
Diskurso -tawag sa makahulugang palitan ng pangungusap ng dalawa o higit pang tao.
Halimbawa: talakayan at debate.
ANG WIKA AY SINASALITANG TUNOG
Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Ang wikang filipino ay
may dalawamput isang ponema na napapangkat sa dalawa:
1. Ponemang katinig: b,k,d,g,h,l,m,n,p,r,s,t,w,y,ng,ñ
2. Ponemang Patinig: a.e.i.o.u
Saggital Diagram o OSCAR
Ang enerhiya ay ang presyur na nalilikha ng papalabas na
hiningang nagbubuhat sa baga na siyang nagpapakatal sa mga
babagtingang tinig at gumaganap bilang artikulador. Lumilikha ito
ng tunog na minomodipika naman ng bibig na siyang nagiging
resonador. Ang bibig gayundin ang guwang ng ilong ay itinuturing
na resonador.
Apat na bahagi sa bibig ng tao na mahalaga sa pagbigkas ng tunog:
◽Dila at panga(sa ibaba) ◽Ngipin at Labi(sa unahan)

◽Matigas na ngalangala ( sa itaas) ◽Malambot na ngalangala (sa likod)

Paraan ng artikulasyon - paraan ng pagpapalabas ng hangin.


Punto ng artikulasyon- paggamit ng mga aparato ( labi, ngipin, gilagid, ngala-ngala, glottal) sa
pagpapalabas ng hangin
Mga Katinig:

Mga Patinig:
ANG WIKA AY ARBITRARYO
Ang isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi matututong magsalita kung paanong
ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay
panlipunan.
►Bawat indibidwal ay nakakadebelop din ng sariling pagkakakilanlan sa pagsasalita na ikinaiba niya
sa iba.
ANG WIKA AY GINAGAMIT
Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan,kailangan na ito ay
patuloy na ginagamit.
►Ang isang kasangkapan na di ginagamit ay nawawalan ng saysay tulad ng wika.
ANG WIKA AY NAKABATAY SA KULTURA
Paano nagkakaiba iba ang mga wika sa daigdig? Ang sagot, dahil sa pagkakaiba-iba ng kultura ng
mga bansa at mga pangkat. ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang
walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng
isang wika.
ANG WIKA AY NAGBABAGO
Dinamiko ang wika, hindi ito maaring tumangging magbago.
►Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon.
►Ang isang wika ay maaaring magbago kapag nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo bunga
ng pagiging malikhain ng mga tao at sa pamamagitan nito nakakalikha sila ng mga bagong salita.

MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA:


Teoryang Bow -wow - Ang wika ng mga tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng
kalikasan.
Teoryang Pooh-pooh - Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon sa teoryang ito, nang
hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng masidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
Teoryang Yo-he-ho - Pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang tao ay
natutong magsalita bunga di umano ng kanyang pwersang pisikal.
Teoryang Ta-ra-ra-boom-ae-ay - Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay
may mga ritwal sa halos lahat ng gawain, tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani,
pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto.
Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagigaw at incantation o mga bulong.
►Ang wika raw ng tao ay nag-ungat sa mga tunog na kanilang nalilikha sa mga ritwal na ito na
kalauna'y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba'tibang kahulugan.
Teoryang Ta-ta - Ayon sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong
lumikha ng tunog at kalauna'y magsalita. Tinawag itong tata na sa wikang Pranses ay
nangangahulugang paalam o goodbye, sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay
kumakampay ang kamay ng pababa at pagtaas ng galaw ng dila kapag binibigkas ag salitang tata.
Teoryang Ding-dong - Kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika ang tao,
ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng bagay-bagay sa paligid. Ngunit
ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng
tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat
isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna'y nagpabagu-bago at
nilapatan ng iba't-ibang kahulugan.
KAHALAGAHAN NG WIKA
1. Instrumento ng Komunikasyon - Ang wika pasalita man o pasulat, ay pangunahing
kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan.
►Microlevel - Ang dalawang tao ay nagkakaunawaan sa pamamagitan ng epektibong
paggamit ng wika.
►Macrolevel - Ang mga bansa ay nakakapag-ugnayan dahil sa wika. Iba-iba man ang wika ng
mga bansa, nakahahanap parin sila ng komong wikang kinakasangkapan upang magkaroon ng
unawaan.
2. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman - Maraming kaalaman ang
naisasalin sa ibang saling-lahi at napapakinabangan ng ibang lahi dahil sa wika.
Halimbawa: ►Mga nobela ni Rizal ►Ang pagtuklas ni Benjamin Franklin sa kuryente.

3. Nagbubuklod ng Bansa - Ang wika ang nagbubuklod sa isang bansa tungo sa isang
minimithi at nagsisilbing susi sa pagkakaunawaan.
Halimbawa: Pagaalsa/Pag-aaklas.

4. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip - Ang wikang nakasulat na ating nababasa o


wikang sinasalita ng mga tauhan sa pelikula na ating naririnig na nagdidikta sa ating isipan upang
gumana at lumikha ng imahinsayon at nalilinang ang ating malikhaing pag-iisip.
Filipino – Wikang Pambansa ng Pilipinas
Dayalekto – Iba’t ibang bersyon o pamamaraan ng pananalita
Tagalog – gamit ng 5.4 mlyong sambahayan

Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng ibat ibang pangkat ng mga Pilipinong gumagamit ng ibat
ibang wika at diyalekto. Humigit kumulang 150 diyalekto ang umiiral sa ating bansa. Ang kalagayang
ito ang naging pangunahing dahilan kung bakit kinakailangang magkaroon tayo ng isang wikang
mauunawaan at masasalita ng karamihan sa pilipino. Ang wikang ito ang magbubuklod sa atin bilang
mamamayan ng bansang pilipinas at tatawaging wikang Pambansa.

Kung babalikan ang ating kasaysayan, makikitang hindi naging madali ang pagpili sa wikang
pagbabatay ng wikang pambansa. Mahaba at masalimuot ang prosesong pinagdaanan nito.
Sa pamamagitan ng timeline ng mga pangyayaring nagbigay daan sa pagkakahirang sa filipino bilang
wikang Pambansa.

1934:
Dahil nga sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba’t ibang pulo at sa dami ng wikang umiiral
dito, naging isang paksang mainitang pinagtalunan, pinag isipan at tinalakay sa kumbinsiyong
konstitusyunal noong 1934 ang pagpili ng wikang ito. Marami sa mga deligado ang sumang ayon sa
panukalang isa sa mga umiiral na wika sa bansa ang dapat maging wikang pambansa subalit
sinalungat ito ng mga maka-ingles na naniniwalang higit na makakabuti sa mga Pilipino ang pagiging
mahusay sa wikang Englis.
Subalit naging matatag ang grupong nagmamalasakit sa sariling wika. Iminungkahi ng grupo ni Lope
K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa pilipinas. Ang
mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel L. Quezon na noo’y pangulo ng pamahalaang Komonwelt ng
Pilipinas.

1935:
Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay daan sa Probisyong pang wika na nakasaad
sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing: “Ang Kongreso ay gagawa
ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang Wikang Pambansang ibabatay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika. Hanggat hindi itinatakda ng batas, ang wikang Englis at Kastila ang
siyang mananatiling opisyal na wika.”

1937:
Noong Disyembre 30,1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Wikang Tagalog
upang maging batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa Bisa ng
kautusang tagapagpaganap blg 134. Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon

1940:
Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap blg 134, nagsimulang ituro
ang Wikang Pambansa na batay sa tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado.

1946:
Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa araw ng pagsasarili ng Pilipinas noong
Hulyo 4,1946 ay ipinahayag ding ang Wikang Opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng
Batas Komonwelt bilang 570.

1959:
Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa Wikang Pambansa . Mula tagalog ito ay naging
Pilipino sa bisa ng kautusang pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero ang kalihim
ng edukasyon noon. Sa panahong ito ay higit na binigyang halaga at lumaganap ang paggamit ng
wikang Pilipino. Ito ang wikang ginagamit sa mga tanggapan, gusali, at mga dukumentong
pangpamahalaan at sa mass media tulad ng diyaryo, telebisyon ,radyo, magasin at komiks.

1972:
Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensyong Konstitusyunal noong 1972 kaugnay sa
usaping pangwika. Sa huli, ito ang naging probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo
XV,
Seksyon 3, Blg 2: “ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng hakbang na
magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na Wikang Pambansang kikilalaning
Filipino”

1987:
Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating pangulong
Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.
Nakasaad sa Artikulo XIV Seksyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing:
Seksyon 6 Artikulo XIV
Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino, samantalang nililinang ito ay dapat pagyamanin at
pagyabungin pa, salig sa umiiral na wika. Sa Pilipinas at sa iba pang wika. Alinsunod sa itinadhana ng
batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng
hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang gamit na wika sa pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.

Napakalayo na nga ng nalakbay ng ating Wikang Pambansa upang maging isa itong wikang
nagbubuklod sa mga Pilipino. Marami itong pagsubok na nalampasan hanggang sa maisabatas at
magamit sa lahat ng mga Pilipino sa nakaraan, sa kasalukuyan, at maging sa hinaharap upang lalo
pa tayong magkaintindihan at mapalawig ang ating pagkakaisa tungo sa pag unlad at
pagtatagumpay.
WIKANG OPISYAL AT WIKANG PANTURO
Ayon kay Virgilio Almario, ang Wikang Opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal
na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng
komunikasyon, lalo na sa anyong, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o ahensya ng gobyerno.

Ang Wikang Panturo naman ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang
wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga
aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.

Sa pangkalahatan nga ay Filipino at English ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga
paaralan. Sa pagpasok ng k to 12 curriculum, ang mother tongue o unang wika ng mga mag aaral
ay naging opisyal na wikang panturo mula kindergarten hanggang grade 3 sa mga paaralang
pampubliko at pribado man.

Ayon kay Deped Secretary Brother Armin Luistro,fsc “Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa
tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makakatulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng
mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural”

Noong mga unang taon ng pagpapatupad ng K to 12 ay itinadhana ng Deped ang labindalawang


lokal o panrelihiyon na wika o dayalekto para magamit sa mtb-mle. Subalit sa taong 2013 ay
nadagdagan pa ito ng pito kayat sa kasalukuyan ay labinsiyam na wika at dayalekto na ang
ginagamit.

MONOLINGGUWALISMO, BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO


Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag usap sa kapwa ay isang katangiang
unique o natatangi lamang sa tao.
Ayon kay Chomsky, ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala
sa ibang nilalang tulad ng hayop.
Nagagamit ng tao ang wika upang makapagpahayag ng kanyang mga karanasan, kaisipan,
damdamin, hangarin, at iba pa batay sa pangangailangan at sa angkop na sitwasyon o pagkakataon
kaya naman masasabing ang wika ay natatangi lamang sa tao at hindi sa iba pang nilalang.

UNANG WIKA
Unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
Tinatawag din itong Katutubong Wika, Mother Tongue, o Arterial na wika at kinakatawan din ng
L1. Sa wikang ito pinakamatatas o pinakamahusay na naipapahayag ng tao ang kanyang mga
ideya,kaisipan, at damdamin.

►Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid
na maaaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao tulad ng kanyang tagapag-alaga, mga kalaro
mga kaklase, guro at iba pa. Madalas ay sa magulang din mismo nagmumula ang exposure sa isa
pang wika dahil bibihirang Pilipino ang nagsasalita lang ng iisang wika. Mula sa salitang pauli-ulit
niyang naririnig ay unti unti niyang natututunan ang wikang ito hanggang sa magkaroon siya ng
sapat na kasanayan at magamit sa pakikipag-usap sa ibang tao. Ito ngayon ang kanyang
pangalawang wika.
Sa padaraan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata. Dumarami pa ang mga taong
nakakasalamuha niya, gayundin ang mga lugar na kanyang nararating, mga palabas na kanyang
napapanuod sa telebisyon, mga aklat na kanyang nababasa,at kasabay nito ay tumataas din ang
antas ng kanyang pag-aaral. Dito’y may ibang bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala na
kalaunay natututunan niya at nagagamit na sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid niyang
nagsasalita rin ng wikang ito. Ito na ngayon ang kanyang pangatlong wika.
TUNGKULIN NG WIKA
KOMUNIKASYON
STEM 11 | SEM 1

Halimbawa:
7 NA TUNGKULIN NG WIKA AYON ● Pagsulat ng journal o diary
KAY M.A.K HALLIDAY
HEURISTIKO
1. Instrumental
2. Regulatoryo ➔ Ang tungkuling ito ay ang
3. Interaksyonal pagkuha o ang paghahanap
4. Personal ng impormasyon o datos.
5. Heuristiko Halimbawa:
6. Imahinatibo ● Panonood sa telebisyon ng
7. Impormatibo mga balita
● Pagtatanong
INSTRUMENTAL
IMAHINATIBO
➔ Ito ang tungkulin ng wikang
tumutugon sa mga ➔ malikhaing paraan ng
pangangailangan ng tao gaya pagpapahayag ng
ng pakikipag-ugnayan sa iba. imahinasyon.
Halimbawa: Halimbawa:
● Mga patalastas tungkol sa ● Pagsasalaysay, paglalarawan,
isang produkto, pagsulat ng tula, maikling kuwento, nobela.
liham.
IMPORMATIBO
REGULATORYO ➔ Ito ang kabaligtaran ng
➔ Ito ang tungkulin ng wikang heuristiko. Ito ang pagbibigay
tumutukoy sa pagkontrol sa ng impormasyon o datos sa
ugali o asal ng ibang tao. paraang pasulat at pasalita.
Halimbawa: Halimbawa:
● Pagbibigay ng panuto ng guro, ● Pagtuturo, panayam
mga babala
6 NA TUNGKULING NG WIKA
INTERAKSYONAL AYON KAY JAKOBSON
➔ Ang tungkulin ito ay nakikita sa ● Pagpapahayag ng damdamin
paraan ng pakikipag-ugnayan (emotive)
ng tao sa kanyang kapwa. ● Panghihikayat (conative)
Halimbawa: ● Pagsisimula ng
● Pakikipagbiruan pakikipag-ugnayan (Phatic)
● Pakikipagpalitan ng kuro-kuro ● Paggamit bilang sanggunian
(Referential)
PERSONAL ● Paggamit ng kuro-kuro
➔ Nakapagpapahayag ng sariling (Metalingual)
damdamin, emosyon o ● Patalinghaga (Poetic)
opinyon.
PAGPAPAHAYAG NG PAGGAMIT NG
DAMDAMIN KURO-KURO
➔ Ito ang pagpapahayag ng mga ➔ Ginagamit ang wika sa
saloobin, damdamin, at pamamagitan ng pagbibigay
emosyon. ng komentaryo sa isang
Halimbawa: kodigo o batas.
● Umiiyak, nagagalit Halimbawa:
● R.A 10533 - batas tungkol sa
PANGHIHIKAYAT K-12
➔ Ito ay ang tungkulin ng wika
upang makahimok at PATALINGHAGA
makaimpluwensya ng ibang ➔ Masining na paraan ng
tao. pagpapahayag gaya ng
Halimbawa: sanaysay, prosa at iba pa.
● Dapat na tayo ay Halimbawa:
sumampalataya sa Diyos dahil ● Tula, sanaysay
nakita niyo naman ang
delubyong hatid ng mga
sakunang ating nararanasan
ngayon.
● Ang mga drug addicts ay salot
sa lipunan kaya marapat na
lamang sila ay alisin at patayin

PAGSISIMULA NG
PAKIKIPAG-UGNAYAN
➔ Ito ang tungkulin ng wika na
ginagamit upang
makipag-ugnayan sa kapwa at
makapagsimula ng usapan.
Halimbawa:
● Kamusta ka?
● Magandang umaga po.
● Saan ka galing?

PAGGAMIT BILANG
SANGGUNIAN
➔ Ipinakikita nito ang gamit ng
wikang nagmula sa aklat at iba
pang sangguniang pinagmulan
ng kaalaman upang
magparating ng mensahe at
impormasyon.
Halimbawa:
● "Ayon sa Google at
Wikipedia..."
● "Ayon sa aklat na sinulat ni
Jose Rizal..."
ANTAS NG WIKA
KOMUNIKASYON
STEM 11 | SEM 1

magkikita-kita sa ibang lugar


DALAWANG ANTAS NG WIKA dahil natural na nila itong
naibubulalas.
1. Pormal ➔ Makikita rin ito sa pagkakaroon
2. Impormal
ng kakaibang tono o ang
PORMAL tinatawag ng marami na
punto.
Ito ang mga salitang standard dahil
Halimbawa:
kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng
higit na nakararami lalo na ng mga
nakapag-aral ng wika.

a. Pambansa - Mga salitang


karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika/pambalarila sa lahat ng
mga paaralan.
➔ Ang wikang kadalasang
ginagamit ng pamahalaan at b. Kolokyal - Pang-araw-araw na
itinuturo sa paaralan. salita na ginagamit sa mga
Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan pagkakataong impormal. Maaring may
kagaspangan nang kaunti ang mga
b. Pampanitikan - Ito ang salitang salitang ito ngunit maaari rin itong
gamitin ng mga manunulat sa maging repinado ayon sa kung sino
kanilang mga akdang pampanitikan
ang nagsasalita nito.
➔ Mga salitang karaniwang
➔ Ang pagpapaikli ng
matatayog,malalalim,makukul
isa,dalawa o higit pang salita
ay at masining.
ay mauuri rin sa antas nito.
Halimbawa: “O, pagibig na
Halimbawa: nasa’n (nasaan), pa’no
makapangyarihan, pag ika’y pumasok
(paano) sa’kin (sa akin) at iba pa
sa puso ninuman, hahamakin ang
lahat masunod ka lamang.”(Florante at
c. Balbal - Tinatawag sa Englis na
Laura, Francisco Balagtas)
slang. Sa mga pangkat-pangkat
IMPORMAL
nagmumula ang mga ito upang ang
Ito ang salitang karaniwan, palasak, mga pangkat ay magkaroon ng sariling
at pang araw-araw na madalas codes.
gamitin sa pakikipag-usap at ➔ Mababang antas ng wika ito,
pakikipagtalastasan sa mga kakilala at bagama’t may mga
kaibigan. dalubwikang nagmungkahi ng
higit pang mababang antas,
a. Lalawiganin - Mga bokabularyong ang antas na ito ay bulgar
pandayalekto. ➔ Pinakadamiko sa lahat ng
➔ Gamitin sa mga partikular na antas ng wika.
pook o lalawigan lamang Halimbawa: lespu (pulis), mga mura at
maliban kung ang mga taal na salitang may kabastusan.
gumagamit nito ay
● UBE (PURPLE YAM- 100
PAGHANGO SA SALITANG
KATUTUBO PESOS)
● DUROG (POWDERED-
Halimbawa: DRUGGED)
● GURANG (BICOL,BISAYA)
● BATO (STONE- SHABU)
● BARABARA (CEBU)
● BAYOT(CEBU) ● TOYO (SOYSAUCE- MENTAL
● SIBAT (CEBU) PROBLEM)
● BUANG (BISAYA)
● DAKO (BISAYA)
PAGBABALIKTAD/METATESIS
● BATA- ATAB
PANGHIHIRAM SA MGA WIKANG
BANYAGA ● KITA- ATIK
● MAGANDA- ADNAGAM
Halimbawa:
● BAKLA-ALKAB
● PIKON (PICK ON , ENG)
● SALVAGE (ENG)
PAGPAPANTIG
● CHICHA (SPA)
● PULIS-LESPU
● DEDBOL (DEAD BALL, ENG)
● PARTI- TIPAR
● VACUUM (ENGLISH)
● KOTSE- TSIKOT
● WHEELS (ENG)
● TAKSI- SITAK
● TONG (CHINA)
● TIGAS- ASTIG
● INDIAN (ENGLISH)
● KALBO- BOKAL
● DOROBO (JAPAN)
● KALIWA- WAKALI
● KOSA (RUSYA)
● SINO BA SILA- NOSI BALA
● CHICKS (ENGLISH)
SI
● CATS (ENGLISH)
● BASTED (BUSTED,ENGLISH)
● JINGLE (ENGLISH) PAGGAMIT NG AKRONIM
● GG - GALUNGGONG
PAGPAPAIKLI ● PG - PATAYGUTOM
● HP- HINDI PANSIN
Halimbawa:
● HD - HIDDEN DESIRE
● MUNTINLUPA - MUNTI
● KSP - KULANG SA PANSIN
● AMERIKANA - KANA
● TL - TRUE LOVE
● AMERIKANO- KANO
● PRUBINSYANO – SYANO
● KAPUTOL - UTOL- TOL PAGPAPALIT NG PANTIG
● PAKIALAM – PA ● DAYA- JOYA
● WALA - WA ● ASAWA- JOWA
● MALAY - MA ● BAKLA- JOKLA
● LAGPAK- PALPAK
PAGBIBIGAY NG BAGONG ● TORPE- TYOPE
KAHULUGAN SA SALITANG ● WALANGHIYA - WALANJO -
TAGALOG WALASTIK
● HIYAS (GEM- VIRGINITY)
● LUTO (COOK-GAMEFIXING) PAGHAHALO NG WIKA
● TAGA (HACK- COMMISSION)
● ANONG SAY MO
● MA-GET/GETS
● BAKAL BOY
● MA-TAKE
● BOW NA LANG NG BOW
● IN-SNUB- INISNAB
● PA- EFFECT- PA EPEK
● BINASTED
PAGGAMIT NG BILANG
● 14344- (I LOVE YOU VERY
MUCH)
● 1432 (I LOVE YOU TOO)
● 5254 (MAHAL NA MAHAL
KITA)
● 29 (LANSETA)
● 50-50 (NAGHIHINGALO)
● 123 (LOKO NANLOKO)

PAGDARAGDAG
● PUTI- ISPUTING
● KULONG - KULONGBIA -
COLOMBIA
● MALAY- MALAYSIA

KUMBINASYON
PAGBABALIGTAD AT
PAGDARAGDAG
Halimbawa:
● HIYA- YAHI- DYAHI
● WALA - ALAWS - ALAW
● HIND I- DEHINS – DEHIN

PAGPAPAIKLI AT PAGDARAGDAG
Halimbawa:
● PILIPINO- PINO - PINOY
● MESTISO - TISOY
● BAGITO- BAGET - BAGETS

PAGPAPAIKLI AT PAGBABALIKTAD
Halimbawa:
● PANTALON – LONTA -
TALON
● SIGARILYO - YOSI

PANGHIHIRAM AT PAGPAPAIKLI
● DEAD MALICE - DEDMA
● AMERICAN BOY - AMBOY
● FROM THE PROVINCE-
PROMDI
BARAYTI NG WIKA
KOMUNIKASYON
STEM 11 | SEM 1

edad, hanapbuhay o trabaho, antas ng


pinag-aralan, kasarian, kalagayang
“MGA BARAYTI NG WIKA AY
panlipunan, rehiyon o lugar, pangkat
MAHALAGANG MATUTUNAN,
etniko o tinatawag ding
MAKATUTULONG ITO UPANG
etnolinggwistikong komunidad kung
TAYO AY HIGIT NA
saan tayo ay nabibilang at iba pa.
MAGKAUNAWAAN”
Ang Wika ay namamatay o nawawala Ipinakikita ng ibat –ibang salik
rin. Mangyayari ito kung hindi na panlipunang ito ang pagiging
ginagamit At nawawala Na ang heterogenous ng wika. Ang ibat-
pangangailangan dito Ng
ibang salik na ito ay nagreresulta sa
linguwistikang komunidad na dating
gumagamit nito. Maaari ring mamatay pagkakaroon ng ibat –ibang barayti
ang wika kapag marami nang tao ang ng wika.
nandarayuhan sa isang lugar at
napalitan na ng mga salitang dala nila
BARAYTI NG WIKA
Ang mga dating salita sa lugar. Minsan
may mga bagong salitang Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng
umuusbong para sa isang bagay na barayti ng wika dahil sa
higit ng ginagamit ng mga tao kaya pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa
kalaunay nawawala o namamatay na tao mula sa ibang lugar na may
ang orihinal na salita para rito. naiibang kaugalian at wika. Mula sa
pag-uugnayang ito ay may nalilinang
na wikang may pagkakaiba sa orihinal
PAANO MAIIWASANG MAMATAY
o istandard na pinagmulan nito.
ANG WIKA?
Ayon kina Paz, Hernandez at Peneyra Mga barayti ng wika:
(2003), hindi mamamatay ang isang ● Dayalek
wika hanggat may gumagamit pa rin ● Idyolek
ng mga ito bilang kanilang unang wika,
habang ginagamit pa sa pamilya, sa ● Sosyolek
pang araw araw na gawain at sa ● Gay Lingo
pakikihalubilo sa kapwa. Kapag ganito ● Conyo/Conyospeak
ang sitwasyon ,mananatiling buhay na ● Jejemon/Jejespeak
buhay ang wika. ● Jargon
● Etnolek
PAANO MAIIWASANG MAMATAY ● Register
ANG WIKA? ● Pidgin at Creole
Walang buhay na wika ang
maituturing na homogenous, dahil DAYALEK
ang bawat wika ay binubuo ng mahigit ➔ Ito ang barayti ng wikang
sa isang barayti. Masasabi lang kasing
ginagamit ng partikular na
homogenous ang wika kung
pare-parehong magsalita ang lahat ng pangkat ng mga tao mula sa
gumagamit ng isang wika.Subalit hindi isang partikular na lugar
ganito ang wika, sapagkat nagkaroon tulad ng lalawigan, rehiyon o
ito ng pagkakaiba-iba sanhi ng iba't bayan.
ibang salik panlipunan tulad ng
➔ Maaaring gumagamit ang mga Halimbawa:
tao ng isang wikang katulad ng ● marc logan- mahilig gumamit
sa iba pang lugar subalit naiiba ng mga salitang
ang punto o tono, may magkakatugma sa mga
magkaibang katawagan para nakakatawang pahayag
sa iisang kahulugan, iba ang ● pabebe girls- ginaya nang
gamit na salita para sa isang marami dahil ssa nausong dub
bagay o magkakaiba ang smash dahil sa kanilang
pagbuo ng mga pangungusap “pabebeng “ idyolek
na siyang nagpapaiba sa ● kabayan noli de
dayalek ng lugar sa iba pang castro-”magandang gabi
lugar. bayan”
● mike enriquez- “ hindi namin
Halimbawa: kayo tatantanan”
● Palitaw (Tagalog sa rizal) ● kris aquino-” ah,ha,ha
Dila dila (Tagalog sa teresa, nakakaloka!
morong..) ● ruffa mae quinto- “to the
highest level na talaga ito!”
● Mongo (Tagalog sa rizal) ● donya ina (michael v)-”anak
Balatong (Tagalog sa teresa, paki-explain, labyu!
morong..)
SOSYOLEK
IDYOLEK ➔ ito ang barayti ng wikang
➔ Kahit iisang dayalek ang nakabatay sa katayuan o
sinasalita ng pangkat ng mga antas panlipunan o
tao ay mayroon pa ring dimensyong sosyal ng mga
pansariling paraan ng taong gumagamit ng wika.
pagsasalita ang bawat isa. ➔ kapansin-pansing ang mga tao
ito ang tinatawag na idyolek. ay nagpapangkat-pangkat
➔ Sa barayting ito, lumulutang batay sa ilang katangiang tulad
ang katangian at ng kalagayang panlipunan,
kakanyahang natatangi ng paniniwala, oportunidad,
taong nagsasalita kasarian , edad at iba pa.
➔ Sinasabing walang dalawang ➔ ito’y isang mahusay na
taong nagsasalita ng isang palatandaan ng istratipikasyon
wika ang bumibigkas nito ng ng isang lipunan na siyang
magkaparehong nagsasaad sa pagkakaiba ng
magkapareho. Dito lalong paggamit ng wika ng tao na
napapatunayang hindi nakapaloob dito batay sa
homogenous ang wika kanilang katayuan sa lipunan
sapagkat may pagkakaiba ang at sa mga grupo na kanilang
paraan ng pagsasalita ng kinabibilangan.
isang tao sa iba pang tao ➔ para matanggap ng isang tao
batay na rin sa kani-kanilang sa isang grupong sosyal,
indibidwal na istilo o paraan ng kailangan niyang matutuhan
paggamit ng wika kung saan ang sosyolek nito
higit siyang komportableng
magpahayag.
GAY LINGO basahin lalo na nang hindi
➔ ito'y isang halimbawa ng pamilyar sa jejetyping
grupong nais mapanatili ang ➔ malimit makikita ang letrang h
kanilang pagkakakilanlan, at z sa mga salitang jejemon
kaya naman binabago nila
ang tunog o kahulugan ng JARGON
salita. ➔ mga natatanging
➔ ang unang intensyon sa bokabularyo ng partikular na
paggamit nila sa wikang ito ay pangkat na magpapakilala sa
para magkaroon sila ng kanilang trabaho o gawain.
sikretong lenggwaheng hindi
maiintindihan ng mga taong ETNOLEK
hindi kabilang sa kanila. ➔ barayti ng wika mula sa mga
etnolinggwistikong grupo.
CONYO/CONYOSPEAK ➔ ang salitang etnolek ay
➔ isang baryant ng taglish, nagmula sa pinagsamang
kung saan may ilang salitang etniko at dayalek.
ingles na inihahalo sa filipino ➔ taglay nito ang mga salitang
kayat masasabing may code nagiging bahagi na ng
switching na nangyayari. pagkakakilanlan ng isang
➔ sa conyo speak ay mas pangkat-etniko.
malala ang paghahalo ng
tagalog at english na REGISTER
karaniwang ginagamitan ng ➔ barayti ng wika kung saan
pandiwang ingles na make na naiaangkop ng isang
ikinakabit sa mga pawatas na nagsasalita ang uri ng wikang
filipino tulad ng “make basa , ginagamit niya sa sitwasyon
make kain, make lakad at at sa kausap.
madalas ding kinakabitan ng ➔ nagagamit ng nagsasalita ang
mga inglitik sa filipino tulad ng pormal na tono ng
pa, na lang, at iba pa. pananalita kung ang kausap
niya ay isang taong may mas
JEJEMON/JEJESPEAK mataas na katungkulan o
➔ sinasabing ang salitang kapangyarihan,nakatatanda o
jejemon ay nagmula sa hindi pa niya masyadong
pinaghalong jejeje na isang kilala.
paraan ng pagbabaybay ng ➔ ang di pormal na paraan ng
hehehe at ng salitang mula sa pagsasalita ay nagagamit
hapon na pokemon. naman kapag ang kausap ay
➔ ang jejemon o jejespeak ay mga kaibigan ,malapit na
nakabatay rin sa mga wikang kapamilya,mga kaklase o
english at filipino subalit kasing-edad at ng kasayahang
isinusulat ng may pampamilya o magbabarkada.
pinaghalo-halong numero,
mga simbolo at may
magkakasamang malalaki at
maliliit na titik kaya mahirap
PIDGIN
➔ ang pidgin ay umusbong na
bagong wika o tinatawag sa
ingles na “nobody’s native
language” o katutubong
wikang di pag-aari ninuman
➔ nangyayari ito kapag may
dalawang taong
nagtatangkang mag –usap
subalit pareho silang may
magkaibang unang wika kayat
di magkaintindihan dahil hindi
nila alam ang wika ng isa’t isa
➔ ito nagkakaroon ng tinatawag
na makeshift language.

CREOLE
➔ ang wikang nagsimula bilang
pidgin ay naging likas na wika
o unang wika na ng batang
isinilang sa komunidad ng
pidgin.
➔ nagamit ito sa mahabang
panahon, kaya nabuo ito at
nagkaroon ng pattern o mga
tuntuning sinusunod na ng
karamihan.
➔ ito na ngayon ang tinatawag
na creole, ang wika na
nagmula sa isang pidgin at
naging unang wika sa isang
lugar.

You might also like