Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

ARALING PANLIPUNAN

Ikaapat na Markahan – Modyul 2


Ikalawang Linggo

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung
paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

2
Aralin Bahagi at Lugar ng
\
2
Aming Tahanan

Ano ang target ko?

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang nagagawa mong:


Makagawa ng payak na mapa ng loob at labas ng
tahanan.

Ano ako magaling?

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga sumusunod ang isang mapa?

A. B. C.

2. Ang mapa ay larawan ng isang lugar na nagpapakita


ng iba’t-ibang katangian nito. Kinakatawan ang aktuwal ng
anyo ng pook kung iguguhit ito sa papel o sa anumang patag
na bagay. Ang pahayag ay __________________.
A. Mali po B. Tama po C. Siguro po
3. Matatagpuan sa silid-tulugan ang mga sumusunod MALIBAN
sa __________.
A. Kama B. Kumot C. Plato
4. Kung iguguhit mo ang inyong bahay. Ano ang iguguhit mo sa
itaas?
A. Sahig B. Pintuan C. Bubong
5. Alin sa mga larawan sa ibaba ang mapa ng isang tahanan?
A. C.

3
B.

Ano ang balik-tanaw ko?

Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang pangungusap at Mali


kung di wasto .
_____1. Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang
bagay o lugar.
_____2. Ang kaliwa ,kanan, itaas, ibaba, harapan at likuran ay
tinatawag na mga panturong direksyon.
_____3. Ang distansya ay nagpapakita ng layo o lapit sa pagitan
ng dalawang bagay o tao.
_____4. May 3 pangunahing direksyon. Ito ay ang Hilaga, Silangan
at Kanluran.
_____5. Ang Silangan ay ang pangunahing direksyon na tumutukoy
sa direksyong pakanan.

Ano ang gagawin ko?

Ito ang tahanan nina Marian. Ano ang


masasabi mo sa kanilang tahanan? Sa palagay mo,
ano ang mga bahagi ng bahay? Anu-ano ang mga
bumubuo nito? May bawat lugar ba tayong
ginagalawan sa ating tahanan? Matututunan mo
ang mga ito sa ating aralin ngayon.

4
Ano ang kahulugan?

Pag-aralan natin ang larawan sa ibaba. Basahin ang maikling


kuwento tungkol dito.

Nagpapagawa ng bahay ang pamilyang Santos. Binisita


ito ng dalawang anak nila na sina Dara at Cardo.Tuwang tuwa
ang dalawang bata ng makita nila na buo na ang kanilang
bahay. May bubong na ito.Nalagyan na rin ng pinto at bintana.
Napinturan na rin ang kisame at dingding. Malinis na rin ang
sahig nito. Kinabukasan , ang araw ng kanilang paglipat. Nilibot
nila ang loob nito.Una nilang pinuntahan ang sala. Kumpleto na
ito ng gamit.May sofa na at nakadikit na rin sa dingding ang
bago nilang TV. Sumunod ay ang kanilang bagong silid-tulugan.
Nagtatalon ang dalawang bata dahil malaki ang kanilang
kuwarto.May mga gamit na rin ito.Lumabas sila at pumunta sa
kusina.Nakahanda na rin ang mga gamit doon. Kaya dali –dali
silang tumungo sa silid-kainan.Naupo sila sa bago nilang
mesa.Ang huli nilang tinungo ay ang banyo.Nakita nila doon
ang bagong shower at iba pang kagamitan.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Sino ang nagpapagawa ng bahay?___________________
2. Sino ang bumisita sa bagong bahay?___________________
3. Anu-ano ang mga bahagi ng bahay na nakita nila Dara at
Cardo?___________________________
4. Anu-ano ang mga lugar na pinuntahan nila sa loob ng
bahay?______________________
5. Pansinin ang inyong bahay, May mga bahagi din ba ito?
Anu –ano ang mga ito?__________________________

5
Ano pa ang gagawin ko?

A. Panuto. Tingnan ang larawan ng bahay. Isulat sa patlang ang


bahagi ng bahay na tinutukoy ng pangungusap. Hanapin ang
sagot sa kahon.

dingding pinto bintana bubong sahig

__________1. Ito ang bahagi ng bahay na makikita sa ibaba.


Inaapakan natin ito.
__________2. Bahagi ng bahay na nasa itaas. Ito ang nagsisilbing
takip upang hindi tayo maulanan at maarawan.
__________3. Ito ang labasan at pasukan natin sa bahay.
__________4. Nagtatakip sa bahay natin sa harap, likod
at sa magkabilang gilid.
__________5. Bahagi ng bahay kung saan maaari tayong sumilip
o dumungaw .
B. Panuto. Iguhit sa loob ng kahon ang tinutukoy na bahagi ng
bahay .

1. 2. 3. 4. 5.

bubong bintana dingding sahig pinto


C. Panuto. Isulat ang Tama kung ang paglalarawan sa bahagi o
lugar ng bahay ay wasto at Mali kung hindi.
_______1. Nasa kusina ang kama at mga unan.
_______2. Matatagpuan sa silid-kainan ang mga kaldero at kawali.
_______3. Ang mga kaldero, kawali, at refrigerator ay matatagpuan
sa kusina.
_______4. May bubong ang bahay upang maprotektahan tayo
sa ulan at init ng araw.
_______5.Ang silid–tulugan ay lugar kung saan tayo natutulog at
nagpapahinga .
6
Ano ang natamo ko?

 May mga bahagi at iba’t ibang lugar ang ating bahay.


Ang mga bahagi nito ay ang kisame, bubong, dingding,
pinto, bintana, at sahig. May mga lugar din ito kung saan
tayo nagsasagawa ng ibat-ibang gawain. Ang mga ito ay
sala, silid- kainan, silid-tulugan, kusina at banyo o palikuran.
Makagagawa tayo ng payak na mapa o larawan nito.

Ano ang kaya kong gawin?


May mga bahagi at lugar ang ating bahay o tahanan. Iguhit ang
payak na mapa o larawan ng inyong sariling bahay. Gawin ito sa
bond paper.

Kumusta na ang target ko?

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga larawan ang bahagi ng bahay na tinatawag na
kusina?

A. B. C.
2. Kung gagawa ka ng isang mapa o larawan ng inyong
bahay, ano ang iguguhit mo upang may pasukan at
labasan ka?
A. Bintana B. Pader C. Pinto
7
3. Saang lugar ng bahay tayo kumakain?
A. Silid-tulugan B. Silid -kainan C. Sala
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang wasto?
A. Ang bahagi ng bahay kung saan tayo ay nagpapahinga ay
kusina.
B. Magandang pagmasdan ang bahay kung ito ay makalat
at marumi.
C. Ang bahay ay binubuo ng iba’t-ibang bahagi tulad ng bubong,
pader o dingding, pinto, bintana, kisame at sahig.
5. Ito ay lugar sa tahanan kung saan nagkukwentuhan at sama-
samang nanoond ng TV ang buong pamilya.Dito rin tinatanggap
ang mga bisita ng pamilya.
A. Kusina B. Sala C. Silid- kainan

Ano pa ang kaya kong gawin?

A. Iguhit ang pinakapaborito mong lugar ng inyong bahay.Sumulat ng


tatlong pangungusap kung bakit pinakapaborito mo itong lugar.

1. ___________________________________________________
2. __________________________________________________
3. ___________________________________________________
B. Para sa karagdagang kaalaman panoorin ang video sa link na ito.
https://www.youtube.com/watch?v=t7oD4vhL4pw
https://www.youtube.com/watch?v=0ow5Cbjw-2E

SANGGUNIAN

• http://clipart-library.com/clipart/map-cliparts_5.htm
• https://clipartix.com/home-clip-art-image-32729/
• https://www.freepik.com/premium-vector/isometric-apartment-layout-room-interior-
modern-house-indoor-plan-view-illustration_7560195.htm
• https://www.shutterstock.com/search/house+clipart

8
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ
Writer: LILIBETH B. OBIENA
Content Evaluators: JEANYLIN L. PASQUIN

Reviewers: FERDINAND PAGGAO


JEANYLIN L. PASQUIN
ALICIA C. CALCES
Lay-out Artist : CRISELLE G. FERRERAS
Content Validator: CAROL C. JINAHON
REYNILDA D. BUNYI
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-charge: MR. FERDINAND PAGGAO, EPS AP
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros


Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City
Telefax: (02) 8533-1458; (02) 8514-7970
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph; division_sds@yahoo.com

You might also like