Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

1

ARALINGPANLIPUNAN
Ikaapat na Markahan-Modyul 1
Unang Linggo
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.

2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain


at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto


at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Aralin Konsepto ng Distansiya at
1 Lokasyon

Ano ang target ko?

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na nagagawa mong:


Maipaliwanag ang konsepto ng distansiya at lokasyon at ang
gamit sa pagtukoy ng lokasyon.

Ano ako magaling?

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang


bilang.
__________1. Piliin sa larawan ang bagay na
malapit sa bata.
A. Bola B. Holen C. Lobo
__________2. Batay sa larawan sa itaas, anong bagay ang malayo sa
bata?
A. Lobo B. Holen C. Bola
__________3. Ang mapa ay isang larawang kumakatawan sa
kinalalagyan ng mga bagay o lugar.
A. Mali B. Siguro C. Tama
__________4. Ito ang tawag sa tiyak na kinalalagyan ng isang pook o
bagay.
A. Globo B. Lokasyon C. Mapa
__________5. Sumakay ng eroplano si Jose papuntang probinsiya.
Anong masasabi mo sa distansiya ng probinsya niya?
A. Malapit B. Malayo C. Napakalapit
Ano ang balik-tanaw ko?

Panuto: Lagyan ng masayang mukha kung ang pahayag ay


nagpapakita ng pagpapahalaga sa pag –aaral at malungkot
kung hindi.

1. Nagsasanay akong bumasa araw – araw.

2. Gumigising ako nang maaga para pumasok sa paaralan.

3. Nanonood lamang ako ng telebisyon buong maghapon.

4. Masaya akong gumagawa ng takdang – aralin.

5. Pinaghuhusayan ko pa ang pagguhit upang maging


mahusay.

Ano ang gagawin ko?

Tingnan ang larawan. Saan matatagpuan ang kalabasa?


Nasaan naman ang sibuyas? ang okra at talong?
Ano ang inilalarawan ng mga salitang ibinigay ninyo?
Ano ang kahulugan?

May mga salitang ginagamit upang tukuyin o ilarawan ang


lokasyon ng isang bagay. Halimbawa ng mga salitang ito ay
kaliwa, kanan, itaas, ibaba, harap at likod ,
Ang Lokasyon ay tumutukoy sa tiyak na kinalalagyan ng isang
bagay o lugar. Ang Distansiya ang tawag sa lapit o layo ng pagitan
ng dalawang bagay. Ito rin ang tawag sa iksi o haba ng lokasyon o
kinaroroonan ng isang pook.
Malapit ang mga bagay sa isa’t – isa kung ang mga ito ay
magkatabi, magkadikit, o ilang hakbang lang ang pagitan. Malayo
naman ang mga bagay sa isa’t–isa kung maraming hakbang ang
pagitan ng mga ito.

Ano pa ang gagawin ko?

A. Panuto: Pag – aralan ang larawan at sundin ang panuto.

1. Kulayan ng pula ang bagay sa kanan ng bentilador.


2. Kulayan ng asul ang nasa itaas ng halamang nasa kaliwa.
3. Kulayan ng rosas ang nasa kaliwa ng kabinet.
4. Kulayan ng dilaw ang nasa ibaba ng relo.
5. Kulayan ng berde ang halamang nasa ibaba ng kwadro.

B. Panuto: Tukuyin kung akma ang sinasabi ng bawat


pangungusap sa ibaba, Isulat kung tama o mali.

___________1. Malayo ang pinto sa kama.


___________2. Malayo ang upuan sa kama.
___________3. Malapit ang mesa sa upuan.
___________4. Malapit ang upuan sa bintana.
___________5. Malayo ang pinto sa mesa.
C. Panuto: Masdan ang distansiya ng mga bagay. Isulat kung
Malapit o Malayo ang mga ito.

______________1. .

______________2.

______________3.
______________4.

______________5.

Ano ang natamo ko?

• Distansiya ay ang lapit o layo ng pagitan ng dalawang


bagay o pook.
• Lokasyon ay ang tiyak na kinalalagyan ng isang pook o lugar.
• Kaliwa, kanan, itaas, ibaba harap at likod ay naglalarawan ng
lokasyon.
• Malapit at malayo ay naglalarawan ng distansiya.

Ano ang kaya kong gawin?

Gumawa ng mapa ng inyong bahay. Ipakita sa iyong larawan ang


tamang kinalalagyan ng bawat silid o bahagi. Gawin ito sa bond
paper.
Kumusta na ang target ko?

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang


bilang.
______1. Ano ang tawag sa lapit at layo ng pagitan dalawang
bagay o pook?
A. Distansiya B. Lokasyon C. Mapa
______2. Ang tiyak na kinalalagyan ng isang pook o bagay ay
tinatawag na _______________.
A. mapa B. lokasyon C. distansiya
______3. Isang larawang kumakatawan sa kinalalagyan ng mga
bagay o pook.
A. Distansiya B. Lokasyon C. Mapa
______4. Ang aso ay ___________sa bola.

A. malayo B. malapit C. nasa ibaba


______5. Ang ibon ay_____________sa puno.
A. malapit B. malayo C. mababa

Ano pa ang kaya kong gawin?

A. Panuto: Ito ay mapa sa labas ng bahay. Tukuyin ang mga


gusali na nakapaligid dito. Ilarawan ang lokasyon at distansiya
ng kinaroroonan ng bawat isa mula sa bahay. Piliin ang
tamang salita sa loob ng kahon.
kaliwa kanan malapit malayo harapan likod

1. Ang bahay ay nasa ___________________________ng


bookstore.
2. Ang istasyon ng pulisya ay nasa ______________ ng bahay.
3. Ang paaralan ay ________________ sa bangko.
4. Ang bahay ay nasa ___________________ ng istasyon ng pulis.
5. Ang bangko ay makikita sa gawing _____________ng istasyon
ng pulisya
B. Para sa karagdagang kaalaman, panoorin ang video gamit
ang link sa baba.
https://cut.ly/K1tJg9B
Sanggunian
 Miranda, Noel P., Ocampo,Odilan B,Araling Panlipunan (Kagamitan
ng Mag – aaral) Vibal Publishing,2012 Edition , pp.185 – 205.
 https://cut.ly/K1tJg9B
 https://cut.ly/K1tJg9B
 https://cut.ly/0oeSTDq
 https://cut.ly/GdQX0av
 https://cut.ly/C3HmEBE
 https://cut.ly/3xsQBX8
 https://cut.ly/N4XM9qP
 https://cut.ly/j1n5xRN
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE
Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS
Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ
Writer: WENILYN F. ALVAREZ
Content Evaluator: MARK JULIUS M. ESTEVES
Reviewers: FERDINAND PAGGAO
MARK JULIUS M. ESTEVES
Lay-out Artist : CRISELLE G. FERRERAS

Content Validator: CAROL C. JINAHON


REYNILDA D. BUNYI
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES

School Head In-charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)


DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-charge: MR. FERDINAND PAGGAO, EPS AP
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:


Schools Division of Taguig City and Pateros
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City
Telefax (02) 8533-1458; (02) 8514-7970
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like