STEM 11 - KPWK 1st Semester, 2nd Quarter Notes

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Yunit III

Aralin 1 – Panahon ng mga Kastila


"Malaking kahihiyan para sa bansa kapag mayroong ginagamit na wikang dayuhan subalit di
nag-aangkin ng sariling wikang pambansa. Kailangang magkaroon ng wikang pambansa
upang malinang ang pambansang paggalang at pagkilala sa sarili." - Dr. Isidro Dyan na isang
dalub-wika mula sa Malaysia

1. Ginagamit natin ang wika upang makapagtalastasan upang maiparating natin ang
ating damdamin at naiisip. Sa tulong ng wika maaari din nating ipabatid ang ating
nais sa ating kapwa.
2. Mahalaga ang wika sapagkat ito ang siyang napagiisa nito ang mga mamamayan ng
lipunan at ang mga bansa.
3. Gamit ang wika nagkakaintindihan at nagiging madali pagkikipag-usap ng bawat tao
pati na rin ang mga karatig bansa.
 Ang wika ay sumasalamin sa kultura ng mamamayan.
 Simbolo ng pagkakatulad ng mga mamamayan
 Ang dahilan ng pagkakasama-sama at diwa ng mga mamamayan
 Nagiging dahilan upang magkaintindihan ang mga tao
4. Nagkakaron ng kaalaman sa gramatika sa sarili, sa kapwa at sa Lipunan.

Malayo-Polinesyo
- Angkang kinabibilangan ng mga wikang Indonesian (Tagalog, Visayan, Ilocano,
Pampango, Samar-Leyte, Bicol at iba pa sa Pilipinas) at Malay
- Sumunod ang laki sa wikang sakop ng angkang Indo-European (pinakamalaki) na
kinabibilangan ng Espanyol at Ingles

Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896)


- Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.

Kultura at Wika ng Pilipinas


- Epiko - Kaalamang Bayan
- Alamat - Sariling Pananampalataya
Kasulatan sa Tanso ng Laguna o Laguna Copperplate Inscription
- Pinakalumang kasulatan na nahanap sa Pilipinas.

Doctrina Cristiana (1953)


- Naglalaman ng bersyon ng mga dasal at tuntuning Kristiano na nasa paraang bay
baybayin.

Bago pa lamang masakop ang Pilipinas sa Imperyalismo ng Espanya ay mayroon ng mga


naunang mga magagandang kultura at wika ang Pilipinas. Mayroong epiko, mga alamat,
kaalamang bayan at sariling pananampalataya. Mayroon din sariling paraan ng pagsusulat
gamit ang Baybayin. Nakapagsusulat ang mga Pilipino sa mga dahon, kawayan o bato.
Malaki ang naging bahagi ng mga Kastila para maimpluwensyahan ang mga Pilipino ng sarili
nilang kultura. Karamihan sa mga natalang kultura at kaugalian ng ating mga ninuno ay
sinunog at isa sa naging patakaran ng mga Kastila upang maiwasan ang pagkakaiisa ang
mga Pilipino ay ang hindi nila pagtuturo ng wikang Espanyol. Inaral nila ang salitang tagalog
dahil natakot sila na kapag natuto ng wikang Espanyol ang Pilipino ay magdulot ito ng
pagkakabuklod at magresult sa isang rebolusyon laban sa mga Kastila.

Ang edukasyon noon ay dinidiktahan din ng mga paring Kastila at tanging mga mayayaman
lamang ang nakakapag-aral. Ngunit matapos ang labing-siyam na taon ay nagkaroon ng
mga pagbabago sa palakad ng Espanya. Nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga
mayayamang Pilipino sa Europa nagdulot sa pagdating ng liberalismo. Doon sa Europa
namulat ang mga Pilipino sa modernong ideya nina Locke at Rousseau. Tinawag silang mga
Illustrado isang halimbawa nila ay sina Rizal, Lopez-Jaena, Del Pilar at marami pang iba.
Nagtatag sila ng isang grupo na tinawag na Kilusang Propaganda na ang naglalayuning
gawing parte ng Espanya ang Pilipinas at gawing mamayang Kastila ang mga Pilipino.
Magdudulot ito ng pantay na karapatan atpagkakataon na magkaroon ng kinatawan sa
Cortez. Kanilang sinumulang binuo ang La Solidaridad isang peryodiko na nagsasaad ng
mga akdang tumatalakay sa mga platapormang pagbabago sa Pilipinas. Espanyol ang
wikang ginamit nila sa peryodikong ito ngunit hindi ito nagtagumpay dahil malibang sa
kakulangan ng mga kagamitan ay hindi rin makuhang magkaisa ng mga Illustrado.
Aralin II – Panahon ng Rebulusyunaryong Pilipino
Sa mahigit kumulang tatlong daang taong pananakop ng mga kastila, ay unti-unting
namulat ang mata ng mga Pilipino sa kaapihang kanilang dinanas.

Propaganda
- Isang kilusan o Samahan na binubuo ng mga Pilipinong Ilustrado na nakapag-aral sa
Espanya na naglalayon ng pagbabago sa mapayapang paraan.

Propagandista
- Tawag sa kilusang propaganda.
- Mga tao sa likod ng propaganda.

Hangarin ng reporma ng mga propagandista:


1. Sa harap ng batas, kailangang pantay-pantay ang pagtingin saPilipino at Kastila.
2. Maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
3. Sa kortes ng Espanya, kailangang ibalik ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino
4. Maging Pilipino ang mga kura paroko.
5. Ang pagkakaroon ng kalayaang pangkatauhan ng mga Pilipino sa pamamahayag at
papanalita.
Ang karamihan sa mga propagandista ay may talino, may damdaming makabayan, may
dakilang katapangan at lakas ng loob. Sila'y pawang mga nagsipag-aral o nakatapos sa
unibersidad at mga anak ng mga nakakariwasa sa buhay. Sila ay sina:
1. Jose Rizal 6. Antonio Luna
2. Marcelo H. Del Pilar 7. Pedro Serrano Laktaw
3. Graciano Lopez-Jaena 8. Isabelo Delos Reyes
4. Mariano Ponce 9. Pascual Publete
5. Jose Ma. Panganiban
La Solidaridad
- Isang pahayagan/ dyaryoo sa wikang Espanyol at nagging pangunahing tinig ng
kilusang propaganda.

Himagsikan laban sa Kastila


- Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang hinihinging pagbabago ng mga
Propagandista.
- Sa pagkakalansag ng LaLigaFilipina nang ipatapon si Rizal sa Dapitan, itinatag ni
Andres Bonifacio ang Katipunan.
Katipunan (Kataas-taasang kagalang-galangang Katipunan nang mga anak ng bayan o
K.K.K)
Ilan sa mga naghimagsik ang mgasumusunod:
1. Andres Bonifacio
2. Emilio Jacinto
3. Apolinario Mabini
Aralin III – Panahon ng Amerikano
Paglaban ng Pilipino at Amerikano sa mga Kastila:
- naganap noong panahon ng tag-init ng taong 1898 pagkatapos na dumating ang
sasakyang pantubig nina George Dewey at palubugin ang sasakyang pantubig ng
mga Kastila.
- Ginanyak nina Dewey na pumanig sa kanila ang mga Pilipino na pagtulungang
paalisin ang mga Kastila sa kanilang pamumuno at sila ay nagwagi.
- Sa pamamagitan ni Aguinaldo ay bumuo sila ng rebolusyong pamahalaan upang
maging malaya sa mga Kastila.

Mga nakilalang manunulat :


1. Cecilio Apostol - Sumulat ng Oda para kay Rizal.
2. Claro M. Recto - naging kilala sa larangan ng talumpati.
3. Lope K. Santos – Sumulat ng “Banang at Sikat”
4. Jose Corazon de Jesus – Kilala bilang “Makata ng Pag-ibig” at may sagisang na
“Huseng Batute” at “Huseng Sisiw.”
5. Severino Reyes – “Ama ng dulang tagolog” at sumulat ng walang kamatayang sugat.

Thomasites
- Unang guro ng mga Pilipino
- Pinakilala sa mga Pilipino ang Fairy Tale na ginamit nila sa pagtuturo.
- Pinakilala rin nila ang iba pang uri ng panitikan tulad ng Oda at pelikula.
Aralin IV – Panahon ng Hapon
Ang pananakop ng mga Hapon ay nagsimula noong 1941 hanggang 1945.

Mailkling Katha
- Itinuturing na pinakamaunlad ang genre ng mailkling kuwento sa lahat ng sangay ng
pantikan noong panahong ng Hapon.
Tula
- Namalasak ang haiku noong panahong iyon. Ang Haiku ay isang uri ng tula na
nagtataglay ng lalabimpitohing pantig na may tatlong taludtod. Ang unang taludtod
ay may lilimahing pantig; ang ikalawa'y may pipitohing pantig; ang ikatlo ay may
lilimahing pantig (5-7-5).
- Binuhay naman ng manunulat na si Ildefonso Santos ang tulang tanaga. Ito'y may
katangiang ring katulad ng haiku ,nagkakaiba lamang sa sukat at tugma at bilang ng
pantig sa bawat taludtod na may pipitohing pantig.
Dula
- Bunga ng kahirapang ng buhay dulot ng digmaan. Ang mga tao'y humanap ng kahit
na kaunting mapaglilibangan sa mga dulaan.
Nobela
- Noong panahon ng mga Hapon, hindi nagkaroon ng pag-unlad ang pagsulat ng
nobela. Dahil sa paghihikahos buhay ng mga Pilipino at kakulangan sa mga
kagamitan tulad ng papel. Kaya hindi makapagpalimbag ang mga imprenta.
Aralin V – Pnahon ng Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan
Nobela
- Nagbalik sa romantisismo ang karamihan sa mga nobelang lumabas sa Liwayway
Magaizine.
Maikling Kuwento
- Naging paksain ang mga simulain ng bagong Lipunan.
Ang dula at dulaan
- Inuri ni Nicanor Tionson ang dula sa dalawa.
1. Dulang Palabas- Layunin ay magdulat ng aliw.
2. Dulang Paloob- “sumasalamin sa lipunan at sa pakikisangkot ng tao sa lipunang
iyon”.
Tula
- Kinailangang baguhin ayon sa takbo ng panahon.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa:

 Marso 26 1954- nagpatupad ng memorandum si Ramon Magsaysay kung kailan


ipagdiriwang ang Wikang Pambansa. Ayon dito, ipagdiriwang ito mula Marso 29-
Abril 4 ngunit ito’y binago at ginawang Agosto 13-19 taon taon.
 Agosto 12, 1959- Kahit kailan mababanggit ang wikang Pambansa, Pilipino ang
gagagamitin.
 Oktubre 24, 1967- Pinirmahan ni Pangulong Marcos ang kautusan na ang gusali at
mga opisana ng gobyerno ay pangangalanan sa Pilipino.
 Marso 1968- Ipinatupad ni Rafael Salas na ang ang mga pamuhatan sa lahat ng
opisina ng departamento ng ating pamahalaan ay nakasulat sa Pilipino.
 Agosto 7, 1973- Pilipino ang gagamitin sa pagtuturo mula sa mababang paaralan
hanggang sa kolehiyo.
 Hunyo 19, 1974- Inaprubahan ni Juan Manunel ang memorandum Blg. 25 na
isakatuparan ang edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo ay unibersidad.

Cecilia Munoz Palma


- Tumatag at namuno ng Rebolusyon ng Komisyong Konstitusyonal pagkatapos ng
rebolusyong EDSA.
Yunit IV
Aralin I – Mga Sitwasyong Pangwika
Gamit ng SMS
- Short Message Service
- Ito’y nilikha para mapadali ang komunikasyon ng mga tao.
Katangian ng Wika ng Text:
1. Palasak.
- Mas nagiging maikli at simple ang mga salita.
Halimbawa:
Sumagot – Last- lst Know- knw
smagot Regrets- rgrets
Text- txt Ikaw- Ikw

Dokumentarong Pantelebisyon
- Ito ay ang mga palabas na may intensyong magpakita ng detalyado at
napapanahong pangyayari na kakikitaan ng katotohanan ng buhay, kultura, at
pangaraw-araw na pangyayari sa buhay.

Komunikasyon
galing sa wikang latin na “communi anus” na nangangahulugan na “ibinabahagi”.
Aralin II – Kakayahang linggwistiko, istruktural, gramatika
Bahagi ng Pananalita
1. Pangngalan (Noun)
- salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop,
at pangyayari.

Mga Uring Pansemantika


1. Pangngalang Pantangi (Proper Noun)
- particular na pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari.
Halimbawa: Miguel, Muning, Talon ng Maria Cristina, Ilog Pasig

2. Pangngalang Pambalana (Common Noun)


- tumutukoy sa pangkahalatang diwa.
- nagsisimula sa maliit na letra.
Halimbawa: bata, lalaki, abogado, aso, relo, ilog, lungsod, banggaan

3. Tahas (Concrete)
- tumutukoy sa bagay na material.
- Nahahawakan, nakikita, naririnig, naamoy, nadarama, nalalasahan.
Halimbawa: tao, hayop, puno, pagkain

Dalawang Uri ng Tahas:


- Palansak (Mass Noun)- tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.
Halimbawa: buwig, kumpol, hukbo, lahi, tumpok, tangkal
- Di-palansak- tumutukoy lamang sa mga bagay na iisa.
Halimbawa: asin, bunga, balak

4. Basal (Abstract)
- tumutukoy sa hindi material kundi diwa at kaisipan.
Halimbawa: pag-ibig, oras, Kalayaan, pagkakaibigan
Mga Uring Pangkayarian
1. Payak
- salitang ugat
Halimbawa: laro, inom, bilis

2. Maylapi
- binubuo ng salitang ugat at panlaping makangalan
Halimbawa: naglaro, uminom, bilisan

3. Inuulit
- inuulit ang bahagi
1. Pag-uulit na di-ganap o pag-uulit na parsyal
- bahagi ng salitang ugat ang inuulit. (Halimbawa: bali-balita, Sali-salita, tagu-
tagumpay)
2. Pag-uulit na ganap
- pag-uulit sa buong pangalan. (Halimbawa: kuru-kuro, bayan-bayan, sabi-sabi)

4. Tambalan
- binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinag-iisa.
- Isinusunod sa (ang, ng, sa, mga)
Halimbawa: ang anak, ng anak, sa anak, mga anak

Mga Kakanyahan ng Pangngalan


1. Kausapan o Panauhan ng Pangngalan
- Nagsasabi kung ang pangngalan ay tumutukoy sa taong nagsasalita, taong
kumakausap, o taong pinag-uusapan.
Halimbawa: Ako si Don Diego, Ikaw si Don Diego, Siya si Don Diego

2. Kailanan ng Pangngalan
- Nalalaman kung ang pangngalan ay tumutukoy sa isa, dalawa, o higit pang tao,
bagay, hayop, pook, o pangyayari.
Halimbawa: Isahan: kapatid, dalawahan: kambal, Lansakan: kawan

3. Kasarian ng Pangngalan
- May sekso at walang sekso. Pag-uuwi ng pangngalan ayon sa kasarian
Halimbawa: panlalaki (Mario, kuya, Manong) , pambabae (Maria, ate, Manang) , di tiyak na
kasarian (estudyante, manok, kapatid)

4. Kaukulan ng Pangngalan
- Nagpapakita ng gamit sa pangungusap.

2. Panghalip (Pronoun)
- panghalili sa ngalan ng tao.

Mga Uri ng Panghalip:


1. Mga Panghalip na Panao
- Panghalili sa ngalan ng tao.

Panauhan Palagyo Paukol Paari


Isahan (una) Ako Ko Akin
Maramihan Kayo Ninyo Inyo
(ikalawa)
Dalawahan (Ikatlo) Sila Nila Kanila

2. Mga Panghalip na Pamatlig


- Panghalili sa pangalang itinuturo.

3. Panghalip na Panaklaw
- Sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatan ng tinutukoy.
Halimbawa: isa, anuman, magkanuman, iba, alinman, lahat, saanman

4. Panghalip na Pananong
- Panghalili na ginagamit sa pagtatanong.
Halimbawa: alin-alin, kani-kanino, ilan-ilan

3. Pandiwa (Verb)
- Lipon ng mga salita na nagsasaad ng kilos o galaw

Mga Pokus ng Pandiwa


1. Kaganapang Tagaganap
- Nasa pokus sa tagaganap ang pandiwa + paksa
2. Kaganapang Layon
- Nasa pokus sa layon ng pandiwa +paksa
3.Kaganapang Tgatanggap
- Nasa pokus sa tagatanggap ang pandiwa + paksa
4. Kaganapang Ganapan
- Nasa pokus sa tagatanggap ang pandiwa + paksa
5. Kaganapang Kagamitan
- Nasa pokus sa kagamotan ang pandiwa + paksa
6. Kaganapang Sanhi
- Nasa pokus sa sanhi ang pandiwa + paksa
7. Kaganapang Direksyon
- Nasa pokus sa direksyon ang pandiwa + paksa

Mga Aspeto ng Pandiwa


1. Aspektong Perpektibo o Pangnagdaan
- Naglalarawan sa kilos o galaw na ginawa o katatapos pa lamang.
Halimbawa: nag-inum, nag-aral, uminom, nilamon

2. Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan


- Naglalarawan sa kilos o galaw na kasalukuyang ginagawa.
Halimbawa: naglalaba, umiinom, minamahal
3. Aspektong Kontemplatibo o Panghinaharap
- Naglalarawan sa kilos o galaw na gagawin pa lamang.
Halimbawa: gagawa, maglalaba
Di- Karaniwang Pandiwa
1. Maykaltas- ang salita ay nawawalan ng titig o pantig.
2. Maylipat- ang isa o dalawang titik ng salota ay nalilipat, at may ilang titik o pantig na
nawawala.
3. Maypalit- napapalitan ang isa o dalawang titik ng pandiwa.
4. Maysudlong- y nadaragdagan ang isa ao dalawang titik o kung ang pamdiwa ay may
dalawang hulapi.

Pokus ng Pandiwa
- Relasyong semantika ng pandiwa at simuno.

1. Pokus sa Tagaganap- nakapokus sa tagaganap


2. Pokus sa Layon- nakapokus sa layon
3. Pokus sa Ganapan- nakapokus sa ganapan
4. Pokus sa Tagatanggap- nakapokus sa tagatanggap
5. Pokus sa Gamit- nakapokus sa gamit
6. Pokus sa Sanhi- nakapokus sa sanhi
7. Pokus sa Direksyon- nakapokus sa direksyon.

Pang- uri (adjective)


Gamit ng Pang-uri
1. Panuring pangngalan
2. Panuring panghalip
3. Panuring ginagamit bilang pangngalan
4. Panuring kaganapang pansimuno

Kayarian ng Pang-uri
1. Payak- binubuo ng likas na salita lamang o walang laping salita
2. Maylapi- binubuo ng salitang-ugat na may panlapi.
3. Tambalan- binubuo ng dalawang salitang pinag-iisa.

Kailanan ng Pang-uri
1. Isahan
2. Dalawahan
3. Maramihan

Kasidhian ng Pang-uri
1. Lantay- tumutukoy sa likas na katangian ng isang pangngalan o panghalip.
2. Pahambing- tumutukoy sa paghahambing sa dalawanh tao, bagay, hayop, pangngalan, o
panghalip.

Dalawang Uri ng Pahambing


1. Paghahambing na magkatulad- pantay ang katangian. May panlaping (sing, kasing,
magsing, magkasing)
2. Paghahambing na di-magkatulad- hindi magkapareho. May dalawa itong uri:
a. Pasahol- ang hinahambing ay kulang o kapos. May (di-gaano, di-totoo, di-lubha, di-
gasino)
b. Palamanng – ang hinahambing ay mas nakakahigit ang katangian. May (labis, di-
hamak, mas, lalo, o higit)

3. Pasukdol- katangiang nakakahigit sa lahat ng pinaghahamibangan. May (pinaka, napaka,


hari ng, ubod ng, saksakan ng, atbp.)
Pang-uring Pamilang
1. Patakaran o Kardinal- ginagamit sa karaniwang paraan ng pagibilang ng pangngalan o
panghalip.
Halimbawa: isa, dalawa, talo

2. Panunuran o Ordinal- ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng


pangngalan o panghalip.
Halimbadawa: una, pangalawa, pangatlo

3. Pamahagi- ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakabahagi o pagkakahati sa kabuuan ng


isang bagay. May panlaping (ika- at ka-)
Halimbawa: ikatlong bahagi, ikaapat na bahagi, katlo (1/3), kapat (1/4)

4. Palansak- ginagamit sa pagsasaad ng mga bukod na pagsasama-sama ng mga pangngalan


o panghalip.
Halimbawa: aanim, anim-anim, tig-anim, animan, dadalawa

5. Pahalaga- ginagamit sa pagbibigay halaga. May panlaping (tig)


Halimbawa: tiglilimampiso, tigsasampu

6. Patakda- may salitang pamilay na inuulit ang unang pantig ng salitang pamilang.
Halimbawa: aanim, pipito, wawalo,sasampo

Pang-abay (Adverb)
- Nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, at pagbibigay turing sa kapwa pang-abay.

1. Pang-abay ay may salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pandiwa mga katagang


laging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan
2. Pang abay na salita o parirala

Mga Uri ng Pang-abay


1. Pamanahon (adverb of time) – nagsasaad kung ginanap ang kilos ng pnadiwa. Sumasagot
sa tanong na KAILAN
2. Panlunan (adverb of place) – nagsasaad sa pook o lugar na pinangyarihan ng kilos at
sumasagot sa tanong na SAAN
3. Pamaraan (Adverb of Manner) – naglalahad kung PAANO isinasagawa ang kilos ng
pandiwa.
4. Pang agam- naglalahad ng pag-aalinlangan ng isang kilos ng pandiwa.
5. Panang-ayon (Adverb of Affirmation) – nagpapahayag ng ng pagpayag o pagkiling.
6. Pananggi – nagsasaad ng hindi pagsang-ayon
7. Panggano o pampanukat- nagsasaad ng dami, halaga, timbang, o sukat. Sumasagot sa
tanong na GAANO.
8. Pamitagan (Adverb of Respect) – nagsasaad ng respeto o paggalang.
9. Panuring – nagsasaad ng pagsasalamat o pagganti ng utang na loob.
10. Panulad – nagsasahad ng paghahambing.
11. Benepaktibo – nagsasaad ng benepisyo.
12. Kundisyunal – nagsasaad ng kundisyon o pasubali upang maganap ang kilos.
13. Kusatibo – nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa.

Pang-ugnay
- Ay mga kataga at salitang ginagamit na tagapag-ugnay ng mga salita, kaisipan, at
mga pahayag sa pangungusap.
3 uri ng pang-ugnay
1. Pangatnig o conjunction – ginagamit na tagapag-ugnay ng dalawang salita.
a. Pantuwang – pinaguugnay ang magkakasingkahulugan, magkakasinghalaga,
magkakapantay na mga bagay.
b. Pantulong – pinag-uuganay ang di makapag-iisa. (kung, kapag, upang, para, nang,
sapagkat, dahil sa)

2. Paminsay o Pasalungat – ginagamit sa pangungusap na magkasalungat ang kaisipan. May


(ngunit, bagaman, habang, kahit, datapwat, subalit)

3. Panubali – may pag-aalinlangan o pagbabakasakali. May (kung, pag, sana, baka, pagka,
kapag, sakali)

4. Pananhi – mula sa salitang sanhi o dahilan. Tumutugon sa tanong na “BAKIT”. May (dahil,
sapagkat, palibhasa, kasi, kundangann)

5. Panlinaw – pinaliliwanag. May (samakatuwid, kaya, gayunpaman, kung gayon, alalaon,


sana)

6. Panulad – ginagamit sa pagtutulad

7. Panapos – nagpapahayag ng layon o [agbabadyang nalalapit na pagwawakas sa


pagsasalita. May (upang, nang, sa wakas)

8. Pang-angkop (Literature) – KATAGAng ginagamit upang pag0ugnayin ang mga salitang


binibigyang turing nito (na, ng ,g)

Panimulang Pananaliksik

Ang pananaliksik ay isang paraan sa pangangaalap ng datos na nagtataglay ng mga


impormasyong totoo na may kaugnayan sa paksang pinag-aaralan.

You might also like