Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Assessment question in filipino

Grade 8

Panuto: Basahing mabuti at Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____1. Ano ang dapat nating pagyamanin at linangin Dahil ito’y itinuturing na yaman ng ating bayan?
a. Sanaysay c. Karunungang-bayan
b. Panitikan d. Kuwentong-bayan
_____2. Ito ay nakaugalian nangsabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating
mga ninunong naglalayong mangaral at umakay sa mga Kabataan sa pagkakaroon ng kabutihang-asal.
a. Salawikain c. Palaisipan
b. Kasabihan d. Bugtong
_____3. ang mata’y bukal ang kaparis.” Anong uri ng tayutay ang pahayag?
a, Pagtutulad c. Pagwawangis
b. Pagtatao d. Pagtawag
_____4. Ito ang uri ng pagpapahayag kung saan ikaw ay nagpapaliwanag. Kadalasan ay may kaugnayan ito sa mga
proseso.
a. Paglalahad c. Pagsasalaysay
b. Paglalarawan d. Pangangatuwiran
_____5. “ako si juan, kayumanggi ang aking balat at itim ang kulay ng aking buhok.” Anong pamamaraan ang
ginamit sa pahayag na ito?
a. Paglalahad c. Pagsasalaysay
b. paglalarawan d. Pangangatuwiran
_____6. Isa itong uri ng dula tungkol sa mga hari at reyna, mga prinsipe at prinsesa n amula sa mga kaharian sa
Europa na nakikidigma sa mga kaaway nilang muslim.
a. Moro-moro c. Senakulo
b. Sarsuela d. Katatakutan
_____7. Gurang, utol, ermat, erpat, ay mga halimbawa ng isang
a. Balbal c. Pambansa
b. Lalawiganin d. Kolokyal
_____8. Alin sa mga salita sa ibaba ang kasalungat ng mangmang?
a. Mabuti c. Masinop
b. Matalino d. Madugo
_____9. Alin sa sumusunod na islogan ang angkop sa aralin patungkol sa pagpapalaki sa anak?
a. Ang batang pinalaki sa luho ay hindi matututo.
b. Batang sinusunod lagi ang gusto, kaginhawahan ang matatamo.
c. Maging matalino upang hindimaloko
d. Lahat ng nabanggit
_____10. Itinuturing na isang uri ng print media na nanatiling buhay at bahagi ng ating kultura.
a. Komiks c. Aklat
c. Pahayagan d. Magasin

You might also like