Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

SANTIAGO, PAUL BENEDICK JARATA REPLEKTIBONG SANAYSAY

STEM-10

FPL

711 BY TONEEJAY

Bakit ng aba ito ang aking napiling kanta na mairereplek ko sa aking buhay? Ano nga ba ang koneksyon ng
larawan ng aking pagkabata sa kantang ito? Ang kanta na aking napilii ay ang kanta ni TONEEJAY na 711
dahilang nilalaman ng kantang iyon ay akinmmaihahalintulad sa aking sariling buhay at mga pangarap. Base sa
aking pagkakaintindi sa kantang 711, ang mensahe sa kantang iyon ay ang pagtukoy ng kompositor ng kanta sa
kanyang mga pangarap at plano sa buhay para sa kanyang minamahal. Kaniyang iniisip kung matutupad nga ba
niya ang kayang mga plano, isinaad rin niya na kahit hindi na niya makamtan ang mga bagay na pinapangarap
niya basta’t maibigay lamang niya ang buhay na gusto ng kaniyang minamahal. Ito’y sumisimbulo ng tunay na
pagmamahal na gagawin ang lahat kahit kapalit pa nito’y sariling mga kagustuhan, at handang magsikap para
matupad ang mga pangarap nila ng kaniyang iniibig.

Inihahalintulad ko dito ang aking sarili, parehas kaming nangangarap nang mataas para sa isang tao na
mahalaga at minamahal naming nang lubusan. Subalit ang tinutukoy ko ay ang aking ama’t ina o sabihin na
nating buong pamilya. Gusto ko na matupad ko ang aking mga pangarap para sa kanila habang sila’y
nabubuhay pa at may maayos na kalusugan. Pinipilit ko na magsumikap kahit na minsa’y may mga oras na
gusto ko na sumuko, ngunit sa tuwing maaalala ko ang aking mga pinangako sa aking sarili at pamilya,
nagagawa kong bumangon muli at ituloy ang pagtupad sa aking napakaraming plano. Kung si TONEEJAY ay
tumutukoy sa isang babaeng kaniyang iniirog, ako nama’y siyang kabaliktaran, isinasantabi ko na mahulog sa
isang babae dahil naniniwala ako na maaaring maging destraksyon ito sa pagkamit ng aking mga plano’t
pangarap.

Alam kong mali sa karamihan ang aking paniniwala, sapagkat minsan ay naiisip ko na maaari rin naman itong
maging motibasyon sa pagkamit ng mga pangarap. Ngunit mabalik tayo sa aking larawan na ginamit ko para sa
replektibong sanaysay na ito. Itong larawan na ito ay noong ako ay paslit pa lamang na katatapos lang na
gumradweyt ng preparatorya. Noong kami ay nasa entablado upang kuhanin ang aking diploma at magtanghal
ng maikling talumpati bilang mensahe sa aming mga magulang, guro o kamag-aral. Sa aking pagkatanda,
nabanggit ko sa aking maikling talumpati na ang pag-gradweyt kong iyon ay para sa aking mga magulang a
sumuporta at nagpaaral sa’kin upang makapagtapos ng preparatorya. Ito ang aking kabuuang repleksyon para sa
aking larawan ng pagkabat at sa kantang aking napili, nawa’y maintindihan at makakuha ng aral ang
makakabasa nitong aking sanaysay.

You might also like