Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 522

SECRETLY IN LOVE WITH MY BROTHER'S BEST FRIEND (BEST FRIEND SERIES 1)

~GIRLONFIRE28~

©️

Mahal na mahal ni Sheena ang best friend ng kaniyang kapatid na si Lance De Asis.
Nasa high school pa lang siya ay lihim na niyang tinatangi ang binata at hanggang
sa magdalaga na siya.Maraming pagkakataon na gusto na niyang aminin ang totoo
ngunit palagi siyang naduduwag. Hanggang isang gabi, nangyari ang isang pangyayari
na magpapabago sa kanilang relasyon bilang magkaibigan. At malalaman na may
katugunan pala ang kaniyang pagmamahal kay Lance.Sumugal sila sa isa't isa at
sumumpa na magsasama hanggang sa pagtanda nila. Ngunit paano kung ang masayang
pagsasama ay subukin ng tadhana? Mapaninindigan nga ba nila ang hanggang wakas na
pagmamahal sa isa't isa o pipiliin na lang na bumitaw sa relasyong punong-puno ng
pagdududa?

CHAPTER ONE

CHAPTER ONE

SHEENA POV

ANG PAGOD na nararamdaman ko kanina dahil sa dami ng trabaho sa hospital ay parang


tuyong dahon na tinangay ng hangin nang madatnan ko sa bahay namin ang lalaking
lihim kong ginawang inspiration mula pa noong nasa high school ako. Si Lance.

Nasa sala ito ng bahay namin at prenteng nakaupo habang kausap ang mga kaibigan
nito. Lima sila sa kanilang grupo, tatlong lalaki at dalawang babae. Si Kuya Simon,
si Kuya Joven, at si Lance, na never kong tinawag na kuya kahit anim na taon ang
agwat ng edad sa akin. At ang dalawang babae naman sa grupo nila ay si Ate Madeline
at Ate Kristine. Matalik silang magkakaibigan mula pa noon at saksi ako sa tibay ng
kanilang samahan. Dekada na ang pagkakaibigan nilang lima pero hanggang ngayon ay
going strong pa rin ang samahan nila. At kitang-kita ko kung paano sila patatagin
ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan. Hindi biro ang pagkakaibigan nilang lima
at sobrang nakakahanga iyon.Isang tikhim mula sa likuran ko ang nagpabalik sa
naglalakbay kong isip habang nakatingin kay Lance.

"Kanina ka pa?" ani Kuya Simon na siyang kumuha ng atensyon ko mula kay Lance.

Napatingin sa amin ang mga kaibigan ni Kuya at sabay-sabay na ngumiti sa akin at


binati ako.

"Kadarating ko lang, Kuya," sagot ko at saka binati ang mga kaibigan nito.

Tumayo si Ate Madeline at Ate Kristine at bineso ako.


"How's work, bunso?" si Ate Madeline at inakbayan ako kahit magkasingtaas lamang
kami nito.

"Okay lang. Araw-araw na pagod pero keri lang."

"Nag-i-enjoy ka naman ba sa pagiging Medtech mo?"

"Oo naman, Ate."

"Ganyan talaga kapag mahal mo ang ginagawa mo kahit anong pagod masaya ka pa rin,
ani Ate Kristine. "Parang love lang din, 'di ba, Sheena?" May halong tudyo na
dagdag pa nito sabay kindat sa akin.

Hindi naman ako nakakibo kaagad. May alam ba si Ate Kristine 7 Piping tanong ko sa
isip ko.

"Di ba, Sheena? lyong kahit nasasaktan ka na sa sobrang manhid niya, mahal mo pa
rin," ulit nito at nagtaas-baba ang isang kilay habang may naglalarong ngisi sa mga
labi.

Nagbaba.ako ng tingin nang mapansin kong nasa akin ang atensyon ng limang nilalang
sa harap ko.

"Bakit? In love ka ba?" Napatingin ako kay Kuya Joven dahil sa tanong nitong iyon.

"Kanino?" Mabilis na nabaling ang tingin ko kay Lance. Seryoso ang mukha nito. "May
boyfriend ka na?"

"Ha? A-Ah, wala." At nag-iwas ng tingin dito. Pailalim kong tiningnan si Ate
Kristine nang marinig ko ang mahinang tawa nito sa tabi ni Ate Madeline. Nasa mukha
pa rin nito ang ngisi.

"Wala pang boyfriend ang baby ko," ani Kuya Simon na ikinasimangot ko.

"Paano magkaka-boyfriend ang kapatid mo, eh binabakuran mo."

Natawa si Kuya Simon sa sinabi ni Ate Madeline.

"Ganoon talaga baby ko 'yan, eh," lumapit ito sa akin at inakbayan ako. "At hindi
puwedeng kung sino-sino lang ang manligaw dito."

Napagitnaan ako ni Kuya Simon at Ate Madeline.

"Protective, huh?" Si Kuya Joven.

"Of course, dadaan muna sa akin ang magtatangkang manligaw dito sa baby ko." At
parang batang ginulo ang buhok ko.

"Hindi na baby 'yan, Dude. Makakagawa na nang baby 'yan."

"Gago!" Sinamaan ng tingin ni Kuya si Kuya Joven dahil sa sinabi nito.

"Totoo naman-"

"Hep! Hep! Hep!" Awat ko na kay Kuya Joven dahil masama na ang tingin ni Kuya dito.
"Baka kung saan pa makarating 'yan. For sure, nandito kayo para mag-bonding at
hindi magkapikunan. Enjoy lang kayo at ako'y magpapahinga muna bago maglinis ng
katawan. Amoy hospital pa ako. Hindi na nakatutol si Kuya Simon nang alisin ko ang
braso nito sa balikat ko at umakyat na sa hagdan para pumunta sa kuwarto ko.Nasa
may gitna na ako ng hagdan nang lingunin ko sila at ngitian. "Enjoy, guys! Don't
mind me, kaya kagaya nang dati puwede kayong mag-ingay.

"Join us, Sheena."

"Tingnan ko, Ate Made."

"Okay.

Isang palihim na sulyap pa ang ginawa ko kay Lance bago tuluyang umakyat ng hagdan
at pumasok sa kuwarto ko.Pagkababa pa lang ng bag ko ay dumiretso na ako sa banyo
para maglinis ng katawan ko. Hindi na ako nagbabad dahil higang-higa na ako. At
pagkalipas nga ng ilang sandali ay pabagsak akong nahiga sa kama ko.Hindi ko
maiwasang hindi mapangiti sa kabila ng pagod dahil hindi ko inaasahan na madadatnan
ko si Lance dito sa bahay namin.

Kung gaano kasi sila kadalas dito sa amin noong nag-aaral pa silang lima ay bihira
na lang ngayong may kanya-kanya na silang trabaho. Si Kuya Simon ay busy sa auto
shop nito na mayro'n ng limang branch. Si Kuya Joven naman ay isang sikat na
photographer na ngayon at kung saan-saan na napapadpad dahil sa mga sikat na
client. Si Lance naman ay iba ang napiling karera, isa itong Philippine Navy.
Balita ko ay mataas na ang ranggo nito. Si Ate Madeline naman ay isang successful
na designer at may sarili ng fashion clothing store. Si Ate Kristine naman ay isang
professor sa isang sikat na unibersidad dito sa Maynila.

Nakakatuwa dahil lahat sila ay naging successful sa kanya-kanyang napiling karera.


At ang mas nakakatuwa ay nanatili ang pagkakaibigan nila kahit ang layo na nang
narating nilang lahat.Habang ako naman ay dalawang taon pa lang sa pagiging Medtech
at wala pang napapatunayan sa buhay kun'di ang maayos na trabaho ko.Sa edad kong
bente tres ay wala pa akong nagiging nobyo. Bukod kasi sa istrikto ang Papa at Kuya
Simon ko ay hindi ko magawang magpaligaw sa iba dahil nasa iisang tao lamang ang
atensyon ko. Si Lance. High school pa lang ako ay crush na crush ko na siya at
aminado akong nauwi sa mas malalim na feelings ang dating paghanga ko sa kanya.

Hindi ko rin alam kung bakit siya gayong sa mga kaibigan ni Kuya ay si Lance ang
bihirang makipag-usap sa akin. Magiliw naman siya pero hindi kagaya ni Kuya Joven
na malapit sa akin. Well, maybe dahil makulit talaga si Kuya Joven habang si Lance
nama'y isang tanong isang sagot sa akin. Madaldal lang siya kapag ang mga kaibigan
ang kasama nito.

"Hay, heart, tatanda ka na lang na hindi pa rin napapansin ng lalaking gusto mo.
Parang timang na pagkausap ko sa sarili ko.

Nakatitig ako sa kisame pero mukha ni Lance ang nakikita ko. Ganoon kalala ang
nararamdaman ko sa kanya pero ni minsan hindi ako nagpakita ng motibo sa kanya. At
wala siyang alam na gustong-gusto ko siya dahil ayokong mailang siya sa akin sa
oras na malaman nya iyon. Masaya at kontento na ako sa brother/sister na turingan
namin sa isa't isa kahit ang gusto ng puso ko ay mas higit pa roon. Walang kaideya-
ideya si Lance na nasasaktan niya ako sa tuwing malalaman ko na may girlfriend na
ito. Dalawa na ang naging girlfriend niya pero parehong hindi nagtagal iyon, kung
ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ay hindi ko alam. Hindi rin ako nagtatanong
kay Kuya Simon dahil ayokong malaman niya na may feelings ako sa kaibigan nito.

"Hay..." Napapabuntong-hiningang bumangon ako sa aking kama at nagdesisyong bumaba


para maghapunan kahit late na.

Hindi ko na sila nakita sa sala, malamang nasa kubo sila at nag-iinuman. May kubo
kasi kami sa may likod-bahay. At mula noon hanggang ngayon ay ang kubong iyon ang
naging tambayan nila sa tuwing narito sa bahay.
Dumiretso ako sa kusina at nagtingin ng makakain. Napangiti ako nang makita kung
ano ang pagkaing naroon. Ang favorite kong chicken afritada. Hindi ko alam kung
anong mayro'n sa lutong iyon at gustong-gusto ko.Nagsandok ako ng kanin at sa plato
na rin inilagay ang ulam. Sanay na akong kumaing mag-isa kaya kahit walang kasabay
ay ganado pa rin ako.

"Nandito ka pala."

Nabitin sa ere ang gagawin kong pagsubo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Napakagat-labi ako nang manuot sa ilong ko ang amoy nito. Mula noon hanggang
ngayon, ang bango-bango pa rin nito at mukhang wala itong planong magpalit ng
pabango.

"Sheena."

"Ha?"

Umupo ito sa upuang nasa harapan ko. "Kako, kumusta ka na?"

"Ah, m-mabuti naman ako. I-Ikaw?" Gusto kong kaltukan ang sarili ko dahil nauutal
ako kapag kausap ito.

"I'm good. Na-miss kita, Sheena."

"Ha?"

"Well, it's been four months nang huli kitang makita. Busy ka raw mas'yado sa
trabaho mo kaya sa tuwing bababa ako ng barko ay wala ka rito.

Tipid akong ngumiti. "Yeah, medyo na-busy lang. Kain ka pala, nakalimutan na kitang
alukin."

Tumawa ito. "Thank you pero tapos na kami bago ka pa dumating."

Hindi na ako nagsalita at ipinagpatuloy ang pagkain Ramdam ko ang pagbilis ng t***k
ng puso ko dahil nararamdaman ko ang tingin nito sa akin.

"Still favorite, huh?" Narinig kong turan nito.

"Ha?"

"Kako, favorite mo pa rin pala 'yan. Nagustuhan mo ba? Ako ang nagluto niyan para
sa 'yo. Muntik ka pa ngang maubusan dahil naparami ang kain ng kuya mo at ni Made,
inawat ko lang sila kasi para sa 'yo 'yan pero nilantakan na nila kahit wala ka
pa."

Wala sa loob na napatitig ako rito. Hindi ko inaasahang lulutuan niya ako ng
favorite ko.

"I-Ikaw ang nagluto nito para sa akin?"

"Yup. I'm not good when it comes to cook kaya pasensya ka na sa lasa. Sa YouTab ko
lang pinanuod kung paano lutuin 'yan. Nagmadali pa nga ako kasi late na nasabi ng
kuya mo na uuwi ka ngayon. Mabuti na lang may stock kayong ingredients kaya
nakaluto ako bago ka pa dumating," litanya nito na ikinatulala kong lalo.

Siyempre, kinilig ako at umasa na naman ang puso ko.


"T-Thank you, Lance. Hindi ka na sana nag-abala pa, nariyan naman si Nana Rosie,
eh," tukoy ko sa aming cook.

"You're welcome. Hindi naman abala sa akin ang lutuan ka. Na-miss kita kaya gusto
kitang mapasaya kahit sa simpleng bagay lang."

"O, thank you. I really appreciate it. At hindi lasing pinag-practice an ang lasa.
It taste good, Lance."

Lumabas ang maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin nang ngumiti.

Parang lalong nalaglag ang puso sa ngiting iyon.

"Thanks, Sheena. Masaya akong malaman na pasado sa 'yo ang luto ko.

Gumanti ako ng ngiti rito at tinapos ang pagkain ko kahit naiilang ako sa presensya
nito. Buong akala ko'y aalis na ito nang tumayo pero lalong naghurumintado ang puso
ko nang ilapag nito ang isang bago ng tubig sa harap ko.

"Water mo."

"S-Salamat, Lance."

"You're welcome. Finish your food, lalabas muna ako. Baka hanapin na nila ako lalo
na nang kapatid mo." Lumapit ito sa akin at ginulo ang buhok ko. "It's good to see
you again, Sheena."

Napapangiting hinabol ko ito ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa


paningin ko.

"What the..." Wala sa loob na napahawak ako sa dibdib ko. Para akong mahihimatay sa
kilig. "Ano 'yon? Bakit bigla siyang naging sweet sa akin?" Naisatinig ko habang
hawak pa rin ang dibdib.

"Kalma, heart. Huwag mong bigyan ng kahulugan iyon. Na-miss ka lang niya bilang
kapatid. Yeah, tama... bilang kapatid lang 'yon kaya kumalma ka riyan, okay?" Saka
tinapik-tapik ko ang dibdib ko at inubos ang laman ng basong ibinigay ni Lance sa
akin.

Lutang na lutang ang pakiramdam na tinapos ko ang pagkain ko at matapos hugasan ang
plato ko ay bumalik na ako sa aking kuwarto.

Nagbasa muna ako ng sinusubaybayan kong kuwento sa isang online platform na


nadiskubre ko sa Feekbook. Gustong-gusto ko 'yong kuwento kasi nakaka-relate ako sa
bidang babae, same situation kasi kami na nagmahal nang palihim sa isang lalaki na
may mahal na iba.

Feeling ko, ako 'yong nasa kuwento kaya tuwang-tuwa ako kapag nag-a-update iyong
writer. Matapos kong basahin ang double update ay nag-decide na akong matulog dahil
maaga pa ang pasok ko bukas.At hanggang sa pagtulog ko ay dala-dala ko ang guwapong
imahe ni Lance.

CHAPTER TWO
CHAPTER TWO

SHEENA POV

SOBRANG gaan ng pakiramdam ko paggising ko kinabukasan. At alam kong si Lance ang


dahilan niyon. Hindi ko kasi ini-expect na nandito siya sa bahay namin.

Sa paglipas ng mga taon ay walang nagbago, lihirn ko siyang ginawang inspirasiyon.


At masaya naman ako sa bagay na 'yon.

Pagkatapos kong gumayak ay lumabas na ako ng aking kuwarto. Wala na akong balak
mag-breakfast dahil maaga ang pasok ko ngayon.

"Sheena."

Palabas na ako ng pinto nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Mabagal ang
ginawa kong paglingon at parang may paruparong nagliliparan sa loob ng tiyan ko
nang magtama ang mga mata namin ni Lance.

"Lance, ikaw pala. G-Good morning." Sinikap kong umaktong normal sa harap nito
kahit parang sumirko ang puso ko pagkakita sa kaniya.

Bakit ba kasi ang guwapo ng lalaking 'to?

"Good morning, Sheena. Paalis ka na?" Mula sa pagkakaupo ay tumayo ito at naglakad
palapit sa akin. "Aalis ka na nang hindi man lang nagkakape or kumakain?" seryoso
ang mukha nito.

"Medyo na-late ako ng gising, eh. Sa hospital na lang ako kakain."

"Pumapayag ang kuya mo na aalis ka ng bahay na wala man lang laman ang tiyan mo
maski ano? Buti hindi ka pinapagalitan ni Tita at Tito sa ginagawa mo," may halong
sermon na sabi pa nito.

Lihim akong kinilig.

Tumingin ito sa orasang pambisig at kapagkuwa'y tumingin sa akin at nagtanong.


"Anong oras ba ang pasok mo?"

"8:00 am ang in ko, eh."

"Great! You have 45 minutes left. Puwede ka pang kumain," nakangiti ng sabi nito at
walang pakundangang hinawakan ang kamay ko sabay hila sa akin papasok ng kusina.

Tila balewala rito ang ginawang paghawak sa kamay ko habang ako

nama'y tila aatakehin sa puso sa sobrang kilig. Nakakapaso ang tila kuryenteng
dumadaloy sa kamay ko galing sa kamay nito pero wala akong lakas na bawiin 'yon.
Hinayaan ko siyang hilahin ako at pinaghila ng upuan bago pinaupo.

Namamangha ako sa ikinikilos nito ngayon. Siguro dahil hindi ako sanay na
binibigyan niya ako ng atensyon dahil nasanay ako na hindi niya mas'yadong
kinikibo. Lance is a man of few words. Kung gaano ka hyper si Kuya Simon at Kuya
Joven ay kabaliktaran naman ni Lance. Kaya nagtataka rin ako kung paano nag-swak
nang ganoon ang friendship nila.

Habang abala ito sa pagtitimpla ng kape ay titig na titig lang ako sa kan'ya.
Gumala ang paningin ko sa kabuuan nito, tumigil liyon sa malapad nitong likuran.
He's a Philippine Navy at hindi nakakapagtaka na ganito katikas ang pangangatawan
niya. Batak sa ehersisyo ang katawan nito at nag-init ang mukha ko nang mapadako sa
puwet nito ang mga mata ko.

He has a nicest butt. Hakab na hakab 'yon sa short na suot nito. Makailang ulit
kong pinilig ang ulo ko para alisin ang kagagahang pumasok sa isip ko. Ang umbok
kasi talaga niyon.

Maghunus-dili ka, Sheena. Piping sikmat ko sa aking sarili.

Minsan ko pang tinitigan 'yon at halos lumubog ako sa kinauupuan ko nang mahuli
niya akong nakatitig doon. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha.

Natigilan ito pero mabilis ding nakabawi at ngiting-ngiting naglakad palapit sa


akin.

"Hot offee and sandwich for you." Sabay lapag niyon sa lamesa.

Tumikhim muna ako para kalmahin ang nagwawala kong puso dahil sa labis na kilig
bago tumingin dito at nagpasalamat.

Thank you, Lance."

Umupo ito sa katapat ng upuan ko. "You're welcome. Eat well."

Nagsimula na akong kumain. At yes, ilang na ilang ako. Nakangiti kasi ito habang
pinapanuod akong kumain. At hindi ko kinakaya 'yon.

"Ikaw? Kain ka," alok ko.

"Sige lang. Hihintayin ko pa ang tropa, mukhang napasarap ang mga tulog nila, eh."

"Kaya nga, eh. Naparami siguro ang inom niyo kagabi."

"Sakto lang."

Bagama't nalilang ay nagawa kong ubusin ang isang sandwich na may palamang ham at
ang kape ko.

"Salamat sa breakfast, Lance. Nabusog ako." Tumayo na ako at tangkang liligpitan


ang tasang ginamit ko pero kinuha nito 'yon sa kamay ko.

"Ako na niyan. Mayroon ka na lang 33 minutes."

"Pero-

"Come on, fix yourself. Ako na ang bahala rito."

Wala na akong nagawa kung 'di ang pumasok sa banyo para dali-daling mag-toothbrush.
Paglabas ko ay wala na si Lance sa kusina. At nang maalala ko na naiwan sa kama ko
ang laptop ko ay kaagad kong binalikan bago tuluyang lumabas ng aming bahay. Para
lang matigilan nang makita ko si Lance na nakaabang sa labas ng aming bahay habang
lulan ng kotse nito. Nakabukas ang bintana sa gawi nito.

"Hop in," nakangiting utos nito.

"Ha?"
"Come on, Sheena. You only have 26 minutes, mali-late ka na kung hindi ka pa
magmamadaling sumakay."

Nang mapag-isip-isip ko ang sinabi nito ay nagmamadali na nga akong umikot sa


kabila para sumakay.

"Dito ka maupo sa tabi ko. Magmumukha akong driver mo kung diyan ka sa backseat
uupo," anito nang pasakay na sana ako sa blackseat.

"Sorry" Nakangiwing sabi ko, saka nagmamadaling sumakay sa tabi nito. Lihim akong
napamura nang hindi ko ma-gets kung paano ilo-lock ang seatbelt. Hindi kasi 'yon
kagaya ng sa kapatid ko.

"Tss. Paano ba 'to-" kulang na lang ay hindi ako huminga nang basta na lang
dumukhang si Lance. Sobrang lapit ng mukha nito sa akin na tipong isang maling
kilos ko lang ay tatama na ang mukha nito sa mukha ko.

Pigil ang hininga ko habang ikinakabit nito ang seatbelt. Gosh, ang bango niya
talaga! Amoy palang ang pogi na.

"Done"

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay lumayo na ito sa akin. "Salamat.
Nakakaloka 'tong sasakyan mo, nangangain yata ng shunga 'to" Sinikap kong mag-
astang normal sa harap nito.

Nakatutok sa unahan ang mga mata ko pero ramdam ko ang panaka-nakang sulyap ni
Lance sa akin. Pakiwari ko'y may gusto itong sabihin na hindi lang masabi-sabi.

Paglingon ko rito ay nahuli ko itong nakatingin sa akin.

Kiming nginitian ko siya. "May sasabihin ka ba?" Hindi na nakatiis na tanong ko.

Nag-iwas ito ng tingin at itinutok ang tingin sa daan. Hinintay ko siyang magsalita
pero hanggang sa makarating sa tapat ng hospital na pinagtatrabahuhan ko ay hindi
na ito nagsalita.

Thank you sa paghatid, Lance."

"You're welcome." Nang mapansin nito na hindi ko na naman maalis ang seat belt ay
muli itong dumukhang para alisin iyon.

"Salamat, ha. Nakakatakot 'tong sasakyan mo." Tumawa lang naman ito.

Muli akong nagpasalamat bago tuluyang bumaba at naglalakad papasok sa entrance pero
hindi pa man ako tuluyang nakakapasok nang may humawak sa kamay ko.

"Lance!"

"Naiwan mo sa koste ko." Sabay abot ng laptop ko na nakalagay sa bag.

"Thank you. Sobrang naaababala na kita. Ingat ka pauwi." Pagkasabi ko niyon ay


nagmamadali na akong pumasok sa loob.

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Ang mga kasamahan ko sa hospital na nakakita
kay Lance ay panay ang ngisi sa akin habang nagtatanong ang mga mata. At alam kong
gusto nilang malaman kung sino si Lance. Pero nunka kong isi-share sa kanila kung
sino siya. Ayokong pagtawanan nila ako kapag nalaman nila ang pinakatago-tago kong
sekreto.
Magaan ang pakiramdam na nagsimula akong magtrabaho. High na high ako sa kilig ng
mga sandaling iyon dahil mas'yado akong pinakilig ng lalaking inspirasiyon ko. At
aaminin kong ito na yata ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Ang mapansin at
bigyan ako ng importansiya ng taong lihim kong minamahal sa loob ng lagpas isang
dekada na.

AT NANG dumating ang uwian ng hapon na iyon, kaparehong araw ay halos malaglag ang
panga ko nang madatnan sa labas ng hospital ang taong pinagkakaguluhan ng mga
katrabaho ko. Si Lance at Kuya Joven.

Dali-dali akong lumapit sa kanila. Kaagad akong nakita ni Kuya Joven at hinawi nito
ang mga taong nakaharang dito. Hindi naman kasi lingid sa

akin na famous na si Kuya Joven. Kilalang magaling na photographer na kasi ito.

"Hi, Sheena."

"Anong ginagawa niyo rito?" Saka palitan ko silang tiningnan.

"May pinuntahan kami kanina, malapit lang dito kaya nag-decide kami na hintayin ka
na para hindi ka na mahirapang umuwi. Si Lance.

May kung ano na namang damdamin ang lumukob sa buong pagkatao ko.

"Salamat sa inyo pero hindi na sana kayo nag-abala pa."

"Hindi ka naman abala, bunso, ikaw talaga." Si Kuya Joven at inakbayan ako. "Tara
na?"

"Sure."

Teka lang, Ma'am Sheena. Ipakilala mo naman muna kami sa mga Adonis na sundo mo,
oh," animo'y kinikilig na ungot ni Martina. Ang nurse na kasamahan ko sa loob ng
Lab.

"Iyon lang pala, eh. Guys, ito si Kuya Joven," pagpapakilala ko at si Lance naman
ang binalingan. "Siya naman si Lance, mga best friend sila ng Kuya Simon ko. Okay
na?"

Sabay-sabay silang tumango habang may ngiti sa kanilang mga labi.

Pasimpleng lumapit si Martina sa akin. "Single ba sila?"

"Ay 'yan ang hindi ko alam," sagot ko sabay tingin ulit sa dalawa. "Kung single daw
ba kayo?"

"Single and ready to mingle," game na sagot ni Kuya Joven. Kay Lance natuon ang mga
mata naming lahat.

At aaminin kong gusto ko ring malaman kung single pa ba siya para libre ko pa
siyang pangarapin.

"Single but taken."

Sabay-sabay na pa-ohh ang mga kasamahan ko habang ako nama'y tahimik. May kung
anong kirot akong naramdaman sa puso ko. Taken na pala siya, meaning may mahal na
siya.
Ligwak na naman tayo, heart. Piping pagkausap ko sa puso ko.

"Hoy, Sheena, bakit nakatahimik ka na riyan?" Untag ni Martina.

"Ha? Ah, hindi, ah. Narinig niyo na ang sagot nila kaya mauuna na kami sa inyo,
ha?" Umuoo lang naman ang mga ito habang kilig na kilig pa rin

sa dalawa habang ako nama'y walang buhay na sumakay sa backseat ng sasakyan ni


Lance.

Kung anong saya ng nararamdaman ng puso ko kanina ay kabaliktaran naman ngayon na


para akong na-friend zone nang walang kalaban-laban.

Dala-dala ko ang bigat ng pakiramdam na 'yon hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Salamat sa pagsundo, guys!" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko nang sabihin ko
'yon.

"You're most welcome, bunso."

Ngumiti lang ako sa kanila bago tuluyang nagpaalam na magpapahinga muna. Nadaanan
ko pa sa sala ang iba pang kaibigan ni Kuya Simon. Binati ko lang sila at pumasok
na sa aking kuwarto.

Ini-lock ko ang pinto ko at pabagsak na humiga sa aking kama. Nanlambot ako sa


nalaman ko, hindi ko alam na taken na pala siya ulit.

Baka may naiwan sa barko. Pagpikit ko ay mukha pa rin ni Lance ang nakikita ko sa
aking balintataw.

"Argh! Leave me alone, please lang..." parang tangang sabi ko at nagpabali-balikwas


sa aking kama.

Hindi ko alam kung anong puwesto ang gagawin ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil
wala naman akong karapatang masaktan pero nasasaktan ako nang malaman na may mahal
na si Lance.

Ang tagal ko siyang lihim na minahal at baka nga panahon na para turuan ko ang
sarili ko na tumingin sa iba. Mukhang tatanda akong dalaga kung si Lance ang
hihintayin ko.

CHAPTER THREE

CHAPTER THREE

SHEENA POV

SA LOOB ng limang araw na palagi kong nadadatnan sa bahay ang mga kaibigan ni Kuya
Simon, pinilit kong palihim na idistansiya ang sarili ko sa kanila. Lalo na kay
Lance ngunit kung kailan narnan nagpasya na akong mag-lie low sa nararamdaman ko sa
kaniya ay saka naman ito dikit nang dikit sa akin.
Makailang beses niya akong inihatid sa trabaho ko kahit anong tanggi ko sa kaniya.
Minsan, may araw na gusto ko na lang magdamdam sa kaniya dahil paano ako makakaahon
sa pagmamahal ko sa kaniya kung dikit siya nang dikit sa akin. Kaso iyon nga, wala
naman siyang alam na mahal ko siya at wala akong balak na sabihin 'yon kahit
kailan.

At ngayon nga ay sinadya kong gumising nang maaga para tulog pa sila bago ako
umalis. Ayon kasi kay Kuya Simon, dalawang linggo ang bakasyon ng mga kaibigan nito
at susulitin yata 'yon dito sa bahay. Mapepera lang sila pero mga kuripot, mas
gustong dito sa bahay mag-stay kaysa mag-rent ng place para sa kanilang lima.

Ingat na ingat ang ginawa kong pagbaba ng hagdan para hindi ako makalikha ng ano
mang ingay. Tuwang-tuwang ako nang tuluyang makalabas ng bahay.

Kaagad akong nag-abang ng masasakyan papunta sa hospital na pinagtatrabahuhan ko.


Lumipas ang araw na 'yon na magaan ang loob ko, at nagpasya akong huwag umuwi sa
bahay.

"Nagpaalam ka ba sa Mama mo?" tanong ng kaibigan kong si Rachel.

Sa bahay nila ako makikitulog ngayong gabi para makaiwas kay Lance, desidido na
kasi talaga ako.

"Siyempre naman," sagot ko.

"Mabuti na 'yong sigurado, baka mamaya hanapin ka nila, eh."

"Nagpaalam ako kay Mama at Papa. Kahit naman nasa tamang edad na ako, takot pa rin
ako sa kanila."

"Apir!" natatawang sabi nito at nakipag-apir sa akin.

Pareho kasi kaming dalawa na hindi pa pinapayagang magsarili ng aming mga magulang.
Kagaya ko kasi ay mag-isa ring babae sa pamilya

si Rachel. Tatlo silang magkakapatid habang kami naman ay dalawa lang ni Kuya
Simon.

"Paano kaya tayo magkaka-boyfriend nito, bes?" pagbibiro nito. "Kung strikto si
Papa, mas doble naman sina Kuya Richard at Kuya Richmond, peste," tukoy nito sa mga
kapatid na lalaki.

"Sinabi mo pa, ganiyan din si Kuya Simon sa akin. Twenty-three na ako pero baby pa
rin ang tingin sa akin."

"Hindi nila alam, puwede na tayong gumawa ng baby. Sabay kaming napahagikhik sa
kalokohan nito at nag-apir.

"Isa na lang ang problema natin, Bes, 'yong makakatuwang nating gumawa, dagdag pa
nito.

"lyan talaga ang napakalaking problema natin sa ngayon."

Hindi ito umimik at tila may naisip na kalokohan dahil bigla na lang may naglarong
ngisi sa mukha.

"Hindi ko gusto 'yang ngisi mo, ah."

"Unwind tayo sa weekend, bes."


Tiningnan ko ito ng makahulugan. "Anong klaseng unwind 'yan, aber?"

"Beach tayo, o kaya mall mall ganern. Magpaganda tayo, bes. Kailangan din nating
mag-relax-relax paminsan-minsan, ah. Kailan pa ba tayo huling nagpa-spa?"

"Last year?"

"See? Ang tagal na, kaya sa weekend mag-relax tayo. Call?"

Napangiti ako. Why not? Maige na rin 'yon para may dahilan ako kung bakit wala sa
bahay sa weekend.

"Call?"

"Sure."

"Yown! Excited na ako sa weekend, bes. Ngayon pa lang magpaalam na tayo."

"Sige-sige!" Maging ako ay excited na rin sa pagre-relax na gagawin namin sa


darating na weekend.

At dala-dala ko ang excitement na 'yon hanggang sa dumating ang araw na iyon.

Bitbit ang bag na naglalaman ng ilang pirasong damit ko ay lumabas na ako ng aking
kuwarto. Alas sais pa lang iyon ng umaga pero paalis na

ako dahil maaga ang usapan namin ng kaibigan kong si Rachel.

"Paalis ka?" Napatda ako sa gagawing paglabas nang marinig ko ang boses ni Lance
mula sa aking likuran.

"Yes." Hindi nag-abalang lumingon na sagot ko.

"Hindi ka magpapaalam sa kuya mo?" usisa pa rin nito.

"Nagpaalam na ako kay Mama at Papa."

"Pero sa akin hindi?" Mabilis akong napalingon nang marinig ang boses ni Kuya
Simon. Salubong na salubong ang mga kilay nito. "Aalis ka nang hindi nagpapaalam sa
akin, baby girl?"

Napasimangot ako sa itinawag nito sa akin. "Kaya walang nagtatangkang manligaw sa


akin, eh, dalaga na ako pero baby girl pa rin.

"So?"

"Eh, aalis na ako, Kuya."

"At sinong kasama mo?"

Napairap ako. As usual, umiral na naman ang pagiging tatay-tatayan nito sa akin.

"Sinong kasama mo, Sheena?"

"Si Rachel."

"Si Rachel lang?" Naninigurong tanong pa nito.


"Oo nga."

"Walang lalaki?"

Tss. Wala."

"Ilang araw?"

"Two days lang kami, Kuya. Sige na, aalis na ako-

"Walang lalaki, Sheena, ha?"

"Wala nga, kulit."

"Okay"

Lihim akong napangiti nang sa wakas ay nag-okay na ito. Kaagad na akong nagpaalam
dito ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalabas nang tawagin na naman nito ang
pangalan ko.

"Kuya, late na ako!"

"Saan ang punta n'yo?"

"Kuya!"

"Saan?"

"Tss. Diyan lang sa tabi-tabi. Bye na!" Minsan ko pang tinapunan ng tingin si Lance
bago nagmamadaling tumakbo palabas ng bahay.

Nang tawagin ni Kuya Simon ang pangalan ko ay hindi na ako nag-abalang lumingon
dahil maaantala na naman ang pag-alis ko.

NASA isang beach resort kami ni Rachel dito sa Lian Batangas. Dito namin napiling
magpalipas ng weekend at mukhang tama ang desisyon naming dito pumunta dahil
napakaganda ng lugar na napili namin. Kung maganda iyon sa picture ay 'di-hamak na
mas maganda sa personal.

Sa isang site lang namin nakita ang beach resort na ito habang nagsi-search kami ng
magandang puntahan.

"Ang ganda dito, 'no?" nakangiting saad ko habang nasa puting buhanginan ang mga
mata.

"Sinabi mo pa, bes. Sulit na sulit ang bayad natin dito. Sobrang ganda."

True."

"Balikan natin 'to, ah," anito na abala sa pamumulot ng mga makikinis na kabibe.

At dahil nakatungo, hindi ko napansin ang taong papasalubong sa akin kaya't muntik
na akong matumba sa buhanginan kung wala ang maagap na brasong pumupulot sa aking
beywang.

At kulang na lang ay malaglag ang panga ko nang makita kung sino ang may-ari ng mga
brasong iyon.
"Lance!" Gulat na bulalas ko at saka bumitaw mula sa pagkakayakap nito. "Anong
ginagawa mo rito?"

Alanganin itong ngumiti. "Hi, Sheena."

"H-Hi. Ah, anong ginagawa mo rito?" muling tanong ko kahit may hinala na ako kung
bakit narito ito. At napatunayan kong tama ang kutob ko nang mayamaya ay nakita
kong naglalakad papalapit sa amin ang grupo ni Kuya Simon.

Ngiting-ngiti kumaway sa akin ang mga ito.


"Baby girl! Dito rin pala kayo pupunta? What a coincidence, huh?" nakangiting sabi
nito o mas lamang ang ngisi.

"Coincidence o sinadya mo talagang sundan ako, Kuya?" Mukhang nasukol ko ito pero
kaagad ding nakabawi at ngumisť sa akin.

"Coincidence, siyempre. Small world, isn't it? Dito lang din pala kayo pupunta, eh,
sana sumabay na lang kayo sa amin."

"Oo nga, Sheena. Ang luwag-luwag ng van ni Lance, eh." Singit ni Kuya Joven na kay
Rachel nakatutok ang mga mata. Nagtatanong ang mga mata nito nang tumingin sa akin
bago muling sinulyapan ang kaibigan ko

"Si Rachel, kaibigan ko. Rachel, si Kuya Joven, isa sa kaibigan ni Kuya Simon
Pakilala ko sa kanila sa isa't isa.

Ipinakilala ko rin si Rachel sa iba pang kaibigan ni Kuya.

"Nice to meet you, guys," ani Rachel.

Natawa ako nang mahuli ko itong inirapan si Kuya Joven.

"Anong plano niyo today?" ani Ate Kristine.

"Mag-ikot-ikot lang, Ate tapos mamaya mag-Island hoping kami."

"Great! 'Yan din ang plano namin. Sumama na lang kayo sa amin, bunso," alok ni Ate
Made.

Natigilan ako. Anong silbi ng unwind na gagawin ko kung kasama ko pa rin pala ang
lalaking gusto ko nang alisin sa sistema ko?

"Baby girl, ano?" untag ni Kuya Simon at inakbayan ako. "Sama na lang kayo sa amin
para masaya."

"Para masaya o para mabantayan mo ako?"

"Para mabantayan ka-este para masaya tayong lahat. Kaya tara na, baby girl.

Napasimangot na lang ako nang hilahin ako ni Kuya at sapilitang isinama sa grupo
nito. Sa isang restaurant kami pumunta, kakain daw muna.

Natatawa na lang ako habang pinapanuod sila na nagkakagulo na parang mga batang
paslit. Nagkakatinginan kami ni Rachel at mayamaya ay mapapailing. Tila balewala
kasi sa mga ito na nakakakuha na sila ng atensyon mula sa ibang mga guest ng resort
na 'yon. Bukod kasi sa makukulit ay hindi maikakaila na ang lalakas ng karisma ng
grupo ni Kuya.

May kung anong kurot akong naramdaman nang mapatingin kay Lance at Ate Made.
Nakaakbay kasi si Lance sa babae habang ngiting-ngiti. Alam kong walang malisya
'yon pero hindi ko maiwasang magselos at lihim na masaktan.

"Sheena, anong gusto mo?" Sunod-sunod na kurap ang ginawa ko nang magtanong si Ate
Made sa akin.

"K-Kahit ano, Ate." Inalis nito ang braso ni Lance at lumapit sa akin.

"Pili ka na rito sa menu nila. Don't worry, si Lance ang magbabayad niyan. 'Di ba,
Lance?"

"Sure. No problem," nakangiting sagot ni Lance. "Si Sheena pa ba? Malakas sa akin
'yan, eh. 'Di ba, bunso?"

Ouch! Bunso talaga? Lihim na pagmamaktol ng puso ko.

"Thank you." Nag-iwas ako ng tingin dahil nagwawala na ang puso ko habang
nakatingin sa guwapong mukha nito.

Pumili na ako ng gusto kong kainin at maging ang kaibigan ko. Ibinigay ko kaagad
kay Ate Made ang order namin ni Rachel at kaagad lumapit sa counter.

Muling sinalakay ng selos ang puso ko nang magkasamang umuorder si Ate Made at
Lance. Nakaakbay na naman si Lance sa huli.

Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil mas'yado nang masakit sa mata ang nakikita
kong sweetness nilang dalawa.

Tumikhim si Rachel at hindi ko napaghandaan ang nang-aarok nitong tingin nang


lingunin ko siya.

"What?"

Tinaasan ako nito ng kilay. "May gusto ka kay Lance, 'no?" bulong nito.

Nanlaki ang mga mata ko. "What?!"

"Tss. Halatang-halata ka, bes."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo -^ prime prime

"Sus, sa akin ka pa ba magkakaila?"

"Hindi nga kasi-

Pabiro nitong hinila ang buhok ko sabay ngisi. "Ipapaputol ko ang ulo ko kapag mali
ako."

Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi nito. "Ulo talaga? Hindi ba puwedeng kamay
muna?"

"Ulo talaga. Dahil sure ako na tama ang kutob ko. Kitang-kita sa mga mata mo,
gaga."

Napailing na lamang ako at kunwaring nagkalikot ng cellphone ko na animo'y may


hinahanap na kung ano. Natigil lang ako sa ginagawa ko nang makita kong pabalik na
sa table namin ang dalawa. Umupo sa tabi ni Ate Kristine si Lance, sa tapat ko.

Bigla akong nagtaka sa sarili ko dahil nang akbayan at harutin ni Lance si Ate
Kristine sa mismong harapan ko ay wala akong selos na naramdaman na kagaya nang
nararamdaman ko sa tuwing kay Ate Made siya malambing.

Weird. Kay Ate Made nagseselos ako pero kay Ate Kristine hindi?

Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko nang mahuli ako ni Lance na nakatitig sa


kaniya. Hindi ko alam kung saan ibabaling ang tingin ko kaya't tumungo na lang ako.

Tahimik kaming kumain at kapagkuwa'y sama-sama ring lumabas para maglakad-lakad.

PAGSAPIT ng alas tres ng hapon, natuloy ang Island hoping namin. Sa iisang bangka
lang kami sakay dahil pang siyaman daw ang capacity niyon at pito lang naman kami.

Nag-enjoy kaming lahat habang naglalayag sa malawak na karagatan. Tuwang-tuwang ang


mga kaibigan ni Kuya habang kami naman ni Rachel ay enjoy na enjoy sa pagmamasid sa
paligid at madalas na sabay napapa-wow sa mga nakikita namin. Mas lalo naming na-
enjoy ang island hoping dahil hindi malakas ang alon.

May mga pagkakataong tumatayo ako at idinidipa ang mga braso sa sobrang saya ng
pakiramdam ko. Hindi ko kasi alam kung kailan ako huling nag-unwind nang ganito.
Sabi nga lang ng ibang kasamahan ko sa trabaho. Ako 'yong tipo ng babae na boring
kasi bahay at trabaho lang daw ang alam ko.

Well, totoo namang wala akong hilig gumala dahil kapag off ko, inilalaan ko sa
pagpapahinga ang araw na 'yon. But I'm not boring.

Talaga ba?

"Ay! Oh my God...!" Malakas na tili kasabay ang malakas na pagbagsak ng kung ano sa
tubig.

"Made!"

"Made!" Magkasabay na sigaw ni Kuya Simon at Lance sa pangalan ni Ate Made at


kapagkuwa'y sabay na tumalon sa dagat.

Napadungaw kaming lahat sa ibaba at nakita kong nag-uunahan sa paglapit kay Ate
Made si Kuya Simon at Lance.

"Ang likot-likot kasi!" natatawang sabi ni Ate Kristine.

Si Kuya Simon ang unang nakalapit at mahigpit nitong niyakap si Ate Made. Yumakap
din si Ate så leeg ni Kuya at hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin na
bahagyang natigilan si Lance bago lumapit sa mga kaibigan nito. Pinagtulungan
nilang lakyat si Ate Made, maging ang life guard na kasama namin ay tumulong na
rin.

Basang-basa ang mga ito nang makaakyat sa bangka. Nakayakap pa rin si Ate Made sa
kuya ko habang si Lance ay pasulyap-sulyap sa dalawa.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang rumehistrong sakit sa mukha nito nang
halikan ni Kuya Simon sa noo si Ate Made.

Palihim kong tiningnan ang mga ito at may kung anong ideyang pumasok sa isip ko.

Wala sa loob na napahawak ako sa dibdib ko at bahagyang hinimas 'yon. Tama ba ang
kutob ko?
Chapter 4

SHEENA POV

NAPAIKTAD ako nang maamoy ang pamilyar na arnoy ni Lance. Alam kong siya ang umupo
sa tabi ko kahit hindi ako lumingon dahil bukod sa alam ko na ang tunog ng mga
yabag ng mga paa niya ay kabisado ko na rin ultimo amoy niya. Well, gano'n naman
talaga kapag gustong-gusto mo ang isang tao. Lahat ay kinakabisa, inaalam ang mga
bagay na gusto at ayaw. Ultimo kaliit-liitang detalye tungkol sa taong 'yon ay alam
mo.

Pero mukhang may nakaligtaan akong mahalagang bagay tungkol kay Lance. Hindi pa man
ako sigurado sa kutob ko pero ngayon pa lang nagdadasal na ako nang palihim na
sana'y sa pagkakataong ito ay mali ako. Na sana'y hindi totoo.

"Hi!" Parang tumalon ang puso ko nang marinig ang baritonong tinig ni Lance.

Umusod pa siya palapit sa akin dahilan para mapadikit ang braso niya sa braso ko.
At ayon na naman ang kakaibang kiliting hatid ng pagkakadaiti ng aming mga balat.

Pagkatapos ng island hoping namin kanina ay humiwalay na kami ni Rachel sa mga ito.

Ha?" Napapitlag ako nang dunggulin niya ang braso ko.

"Sabi ko hi." Nakangiting ulit niya.

"Oh, eh 'di hello," sagot ko na ikinatawa niya.

"Wala kang kasama?"

"May nakikita ka ba?" Balik-tanong ko sa kaniya. Gigil niyang pinisil ang braso ko.
Gustong-gusto ko siyang singhalan dahil hindi siya aware na apektado ako sa
ginagawa niya. 'Yong wala lang sa kaniya habang ako ay tila kakapusin na ng
paghinga dahil sa lihim na kilig.

"Manang-mana ka talaga sa kuya mo, pilosopo."

"Hindi ako pilosopo, kita mo ng mag-isa ako tapos itatanong mo pa kung may kasama
ako."

Namilog ang mga mata ko nang walang paalam na inakbayan niya ako. Oh my God! Piping
usal ko.

Naging triple ang kabog ng dibdib ko dahil sa pag-akbay niya sa akin. Ito

ang unang beses na ginawa niya 'yon sa akin. At kung hindi ko napigilan ang sarili
ko, malamang sumandig na ako sa dibdib niya.

Sa kabila ng kilig na nadarama ko ay umiral pa rin ang pagiging dalagang Filipina


ko. Pasimple kong inalis ang braso niya sa balikat ko at medyo umusod palayo sa
kaniya. Lihim akong nagpasalamat nang hindi umalma si Lance.

Walang kaming imikan. Pareho kaming nakatanaw sa papalubog na araw.

"Sheena." Tawag niya sa pangalan ko kapagkuwan. Hindi ako lumingon kahit naramdaman
kong nakatingin siya sa akin.

Palagi akong natatakot na baka mabasa niya sa mga mata ko kung ano ang tunay na
damdamin ko para sa kaniya.

"Hmm?" Nanatili sa papalubog na araw ang atensyon ko.

"Nagka-boyfriend ka na ba?"

Hindi ko napigilang hindi siya lingunin. "No."

"Really?" Saglit niya akong pinagmasdan at pagkuwa'y tumango-tango.

"Totoo pala 'yong sinabi ni Simon sa amin na wala ka pang nobyo."

Paano ako magkakaroon ng nobyo kung 'yong lalaking gusto ko, eh hindi ako makita
bilang babae. Malungkot akong tumanaw sa kulay orange na kalangitan. Useless ang
bakasyon ko kung 'yong taong iiwasan ko ay nandito rin naman sa tabi ko. Hay...

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit wala kang nobyo. Imposible naman na walang nanliligaw sa 'yo sa ganda mong
'yan."

Boys...

"Single by choice." Simpleng sagot ko.

"Oh, so paano pala ako magtatanong sa 'yo about courting kung wala ka pang
experience."

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. At kinunutan siya ng noo. "Are you kidding
me? Nakailang girlfriend ka na tapos hindi mo pa alam kung paano manligaw ng babae?
Are you serious?" Eksaheradang sabi ko.

Nagtaka ako kung bakit kakaiba ang tingin niya sa akin at pagkuwa'y sumilay ang
pilyong ngiti.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa mga past relationships ko? Hmm?"

Gusto kong tuktukan ang sarili ko dahil sa lumalabas sa bibig ko. Namahimik ka na
lang Sheena. Ikakapahamak mo yang kadaldalan mo

"Hindi ko alam na updated ka pala sa love life ko, Sheena, ha," tudyo niya.

Inirapan ko siya. "Feeling mo naman. Best friend ka kaya ng kuya ko, natural
nagkukuwento siya sa amin about his friends, depensa ko. "Hindi lang naman tungkol
sa 'yo ang alam ko."

"Bakit parang ang depensive naman ng sagot mo."

Patay! "Hindi, ah! Mas'yado lang talaga kayong bida pagdating kay Kuya. Kaya marami
akong alam tungkol sa inyo."

Lord, sana maniwala siya.

Tumango-tango si Lance at ilang sandaling natahimik bago muling nagsalita.


"Ilang taon ko nang kaibigan si Simon pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon
na makalapit sa 'yo nang ganito kalapit," nakangiting sabi niya.

"Kasi sa inyong magbabarkada ikaw 'yong pinakatahimik noon pero mukhang hindi na
ngayon."

"Well,.." Tila nag-isip siya saglit bago sumagot. "Bukod sa tahimik ako, hindi mo
rin naman kami kinakausap at parang balewala sa 'yo ang presensya namin kapag nasa
bahay ninyo ang tropa."

Kung alam mo lang, Lance.

"Honestly, akala ko ayaw mo sa amin na barkada ng kuya mo. Akala ko rin naiirita ka
sa tuwing nasa inyo kami kasi hindi mo naman kami pinapansin, lalo na ako. Ni hindi
mo nga ako tinitingnan, eh."

Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang magtama ang mga mata namin. Kung alam
lang niya na ang tanging dahilan kung bakit hindi ko siya matingnan noon ay dahil
gustong-gusto ko siya. At hanggang ngayon, takot na takot pa rin akong tumingin sa
mga mata niya. Kaya mula noon hanggang ngayon, tanging nakaw na sulyap at tingin
lang ang kaya kong gawin sa takot na mabuko niya ako.

"Ganyan pala ang pagkakakilala mo sa akin?"

"No." Dumiretso siya ng upo. "Sorry na-offend ba kita?"

"Hindi naman. Ayos lang 'yon.

"You sure? Baka mamaya hindi mo na naman ako kausapin kapag magagawi ako sa inyo,
ha?" pagbibiro niya.

"Hindi," natatawang sabi ko. At nang mga sumunod na sandali ay unti-unti nang
nawala ang pagkailang ko kay Lance hanggang nasanay na ako sa presensya niya.

Ilang sandali pa kaming nag-usap ni Lance. At kung saan-saan na napunta ang pag-
uusap namin. Nagtanong siya tungkol sa trabaho ko at sinagot ko naman 'yon ayon sa
kagustuhan ng puso ko. Marami rin akong nalaman tungkol sa kaniya dahil kusa siyang
nagkwento sa akin na labis na ikinagalak ng puso ko. Naging masaya ang bawat
sandali na kausap ko siya. Hindi boring kausap si Lance.

Sa dami ng pinag-usapan namin, hinintay ko talaga na mabanggit niya ang tungkol sa


courting na sinasabi niya kanina na hihingin niya sa akin. Pero lumalalim na ang
gabi ay hindi na niya na nabanggit ang tungkol doon.

"Bro!"

Napalingon ako nang makita si Kuya Simon na nakatayo sa di-kalayuan. Gusto ko


siyang singhalan dahil sa pang-iistorbo sa aming pag-heart to heart talk.

"What?" tanong ni Lance sa kapatid ko.

"Anong what? Bakit nandito ka?" may pagtatakang tanong din ni Kuya kay Lance.

"Nagpapahangin," nakangising sagot niya.

"Bumalik ka na sa cottage natin. Hinahanap ka na ng barkada dahil nawala ka na lang


bigla," aniya sa kaibigan at lumingon sa akin. "At ikaw, Sheena, bumalik ka na sa
cottage ninyo ni Rachel. Malamig na rito at huwag kang magpapaniwala sa sinasabi ng
ungas na 'yan."

"Tado, wala akong masamang sinasabi sa kapatid mo," reklamo ni Lance sabay tayo.

"Dapat lang, kapatid ko 'yan. Huwag mong tataluhin dahil magkakasaulian tayo ng
kandila, bro."

Lihim akong nasaktan nang tumawa nang malakas si Lance na para bang diring-diri sa
sinabi ni Kuya Simon.

"Don't worry, bro. Hindi ko kakataluhin ang kapatid mong 'to." Ngali-ngali ko
siyang sikuhin nang lumapit pa sa akin at guluhin ang buhok ko. "Bukod sa hindi ako
nagkakagusto sa masyadong bata, hindi ko rin ma-imagine na magiging nobya ko ang
babaeng parang kapatid ko na

rin. Sheena is our little sister, bro.

"Mabuti na 'yong malinaw, bro." Nagtapikan pa sa balikat ang mga ito.

"Halika na, Sheena. Ihahatid ka namin ni Lance sa cottage mo baka may kumursunada
pa sa 'yo, eh. Mahirap na."

Wala na akong nagawa nang akbayan ako ni Kuya Simon at igaya pabalik sa cottage
namin ni Rachel,

"Huwag ng lalabas, ha. Bilin ni Kuya nang makarating kami sa tapat ng cottage.

"Okay"

"Sige na, pasok ka na sa loob at aalis na kami." Asar na asar na pumasok ako sa
loob. "Good night, baby girl. Pahabol ni Kuya at hinalikan ako sa noo.

"Good night."

"Aalis na kami."

"Ge." Isasara ko na sana ang pinto nang maagap na pigilan ni Lance. "Bakit?"
Literal na nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya ako sa pisngi.

"Good night," aniya sa may tainga ko.

"Hoy, tarantado! Bakit mo hinalikan ang kapatid ko?" Ani Kuya sabay hila kay Larice
palayo sa akin.

"Brotherly kiss lang 'yon. Halika na nga." At muling tumingin sa akin. "Good night,
Sheena."

Hindi pa man ako nakakatugon nang hilahin na siya ni Kuya palayo sa cottage ko.
Ngunit bago sila tuluyang makalayo, isang lingon pa ang ginawa ni Lance at isang
simpatikong ngiti ang pinakawalan bago ako kinawayan. Tuluyan nang nalaglag ang
sumisirkong puso ko dahil sa halik na ginawa niya.

Oh! Lance! Bakit mo ba ako pinaparusahan nang ganito? Pa-move on na dapat ako, eh!

Hays.... Tila nangangarap na kinapa ko ang pisnging hinalikan ni Lance at pakiwari


ko'y nakadikit pa rin ang kaniyang labi sa aking pisngi.
"Hoy!"

"Hoy ka rin!" Napatalon ako sa gulat nang tapikin ni Rachel ang balikat ko. "Bakit
ka ba nanggugulat, ha?" Yamot na sita ko. "Bigla-bigla ka na lang sumusulpot,
kainis!"

Pabiro niyang hinila ang buhok ko. "Gaga! Anong bigla na lang sumusulpot, for your
information kanina pa ako nakatayo sa likuran mo. Hindi mo lang napansin dahil
abala ka sa pagngisi habang hawak 'yang pisngi mong hinalikan ni Lance, 'no?"

Kung gano'n, nakita niya pala ang ginawang paghalik sa akin ni Lance.

Walang imik na tinungo ko ang kuwarto namin. Sumunod naman siya at tumayo sa
harapan ko habang matamang nakatingin sa akin. Nakakrus pa ang mga braso niya sa
tapat ng dibdib.

"What?" tanong ko.

"Ingat ka sa nararamdaman mo, Sheena. Alam kong nakita mo rin 'yong nakita ko
kanina habang nag-I-Island hoping tayo. Tukoy niya sa ginawang pagsagip ni Lance
kay Ate Madeline at ang pag-aalalang rumehistro sa mukha ni Lance.

Hindi ako umimik. Umupo ako sa kama. Tinabihan niya ako.

"Kaya pala hindi ka pa nagbo-boy friend, eh may hinihintay ka palang manligaw sa


'yo."

"Hindi, ah." Kaila ko.

"Sus, ako pa ba? Huwag kang ipokrita, girl. Halatang-halata ka."

Napabuntong-hininga ako at napatulala na lamang. Bakit kasi ang hirap turuan ng


puso ko na magmahal na lang ng iba. Bakit kailangang sa lalaking ang tingin lang sa
akin ay kapatid ang minahal ng puso ko?

Napalingon ako kay Rachel nang tapikin ang hita ko. "Huwag na huwag mong hahayaan
na maging alipin ka ng sarili mong damdamin, girl. Hindi masamang ma-in love pero
dapat alam mo kung kailan ka dapat huminto."

"Sana nga madaling turuan ang puso, dahil kung oo noon ko pa nagawa." Sa wakas ay
inamin ko sa kaibigan ko ang tunay kong nararamdaman para kay Lance.

Nakikisimpatyang inakbayan niya ako. "Magagawa mo 'yan kung desidido kang gawin
pero kung hindi mahirap talaga."

Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Hamo kung talagang bokya ka kay Lance, irereto kita sa mga pinsan ko. Gusto mong
makipag-blind date?" Mayamaya ay tanong niya na ikinatawa ko. "Huwag kang tumawa,
seryoso ako. Marami akong pinsan na hindi naman nalalayo ng kaguwapuhan kay Lance,
'no? May mas pogi pa nga kasya sa kaniya, eh." Pagbibida niya.

"Loka, hindi naman hitsura ang basehan ko. Nagustuhan ko siya kasi si Lance 'yon.
Ewan ko ba, may kung ano sa kaniya na hindi ko makita sa ibang lalaki. Kahit alam
kong may mga naging girlfriend na siya, hindi tumitigil itong puso ko na mahalin
siya." Pag-amin ko dahilan para pumalatak ang kaibigan ko.

"Patay tayo diyan. Mukhang tinamaan ka ngang talaga sa lalaking 'yon."


Magkasabay kaming humiga sa kama at sabay ding nagpakawala ng malalim na buntong-
hininga.

At nang gabing 'yon ay naging mailap sa akin ang antok. Gusto kong kutusan ang
sarili ko dahil buong gabi na laman ng isip ko si Lance.

Chapter 5

Chapter 5

SHEENA POV

"GOOD MORNING!

Napatda ako sa pagbaba ng hagdan nang marinig ko ang boses ni Lance. Hindi agad ako
nakahuma dahil hindi ko alam na hindi pa pala siya nakakaalis.

Pagkatapos kasi ng kaganapan sa beach ay pinanindigan ko na ang pag-iwas sa kaniya.


At ang alam ko kahapon pa dapat siya nakaalis pasakay ng barko.

"Hey, sabi ko good morning." Untag niya sabay harang sa puno ng hagdan para siguro
hindi ako makadaan.

Tila namamalignong napatitig ako kay Lance. "Good morning. Nandito ka pa pala?"
Pagkuwa'y sabi ko.

"Yeah, I'm still here." Nakangiti niyang sagot na agad ding nabura nang makitang
seryoso ang mukha ko. "Wait, nasasawa ka na ba sa mukha ko? It seems like you don't
like that I'm still here in your house-"

"No." Maagap na sansala ko. "Hindi naman ako ganiyang tao. Nagulat lang ako na
nandito ka pa pala. Well, nabanggit kasi ni Kuya Simon sa akin na kahapon ang alis
mo, so ang ini-expect ko nasa barko ka na. "Yon lang 'yon at wala nang iba."

Muling sumilay ang matamis niyang ngiti sabay lapit sa akin at inakbayan ako na
ikinatigil ng paghinga ko. Alam kong akbay-kapatid lamang 'yon pero hindi ko
maiwasang hindi lagyan ng malisya dahil gustong-gusto ko siya. Matagal na. At ang
hirap sa part ko.

"Thank you, Sheena. Akala ko talaga ayaw mo na ako rito, eh."

Pasimple akong lumayo sa kaniya at nginitian pagkuwan. "Bakit pala hindi ka natuloy
sa pag-alis mo?"

"Change of mind."

"Oh? Akala ko ikaw 'yong tipo ng lalaki na naka-set na lahat, eh."

"I am"

"Parang hindi naman kasi nga dapat paalis ka na kahapon, 'di ba?"

"I have my reason, Sheena."


Nagkibit-balikat ako. "Sabi mo, eh. Anyway, excuse me, may lakad ako."

Nilampasan ko na siya at bumaba ng hagdan pero sumunod siya sa akin hanggang sa


labas. "What? May kailangan ka ba? Natatawa kong tanong dahil sunod siya nang
sunod.

Tila batang nagkamot ito sa ulo.

"Ano? Puwede bang sabihin mo na, aalis na kasi ako."

"Yong sinabi ko sa 'yo sa beach last time." Kumunot ang noo ko.

Hindi ko alam kung alin doon dahil marami siyang sinabi sa akin.

"Yong tips about c-courting, well baka lang may-you know, may mai-suggest ka kung
paano mag-first move."

Napatanga ako sa kaniya ng ilang sandali at pagkuwa'y tumawa.

"Seryoso ka ba talaga diyan?"

Yes.

"Why me? I-I mean, nandiyan ang mga tropa mo, si Kuya Simon, si Kuya

"Pagtatawanan lang nila ako kung sa kanila ako hihingi ng tips, Sheena. You know
them, lalo na ang Kuya Simon mo, right?"

Napatango na lamang ako nang maalala na number 1 alaskador nga pala si Kuya Simon
sa grupo ng mga ito.

"Tips lang, Shee, kung paano magpakilig ng babae."

Tila nagkapira-piraso ang puso ko dahil sa hiling nito. Ni wala siyang idea na
nasasaktan niya ako kaso wala, eh. Hindi ko naman puwedeng ipagsigawan ang letseng
nadarama ko para sa kaniya dahil hindi 'yon magugustuhan ni Papa at Kuya Simon.
Wala akong choice kun'di ang taimtim na manalangin na sana ako na lang ang gusto
niyang pakiligin kaso alam ko namang imposible 'yong mangyari.

Haist...

"Shee, please?" Nakikiusap na ang tono nito.

"Mag-search ka na lang sa gogolo, mas matutulungan ka niya, Lance." Pagkasabi ko


niyon ay tinalikuran ko na siya pero maagap siyang humabol at pinigilan ang isang
braso ko.

Awtomatikong nag-alburoto ang puso ko dahil sa pagkakadaiti ng mga balat namin.

"Lance, wala akong alam sa pagpapakilig na 'yan. Ano namang puwede kong ibigay na
tips sa 'yo, eh hindi ko pa naman naranasang kiligin dahil sa isang lalaki." Liar!
Sigaw ng isang bahagi ng isip ko.

"So, hindi mo talaga ako bibigyan ng tips?" Umiling ako bilang sagot na ikinalaglag
ng balikat nito. "Grabe ka sa akin, Shee." Pagdadrama nito.

Ikaw ang grabe sa akin! Nasasaktan na ako sa mga pinaggagagawa mong hinayupak ka.
"Shee-

"Excuse me, Lance. Ba-bye na talaga. Pagkasabi ko niyon ay nagmamadali na akong


umalis.

Eksakto namang may dumaan agad na dyip at nakasakay ako kaagad patungo sa hospital
na pinagtatrabahuhan ko.

Pagdating sa hospital ay kaagad na akong sumabak sa trabaho ko. Sa sobrang busy


namin ng araw na iyon hindi na namin namalayan ang pagdaan ng mga oras. Bandang ala
una na nang hapon nang matapos ang mga dugong kailangan kong i-check isa-isa.

Doon pa lamang ako nag-take ng break. Pumunta ako sa canteen at doon nag-lunch
kasama ang ibang nurse at empleyado ng hospital.

Ewan ko, habang kumakain ay naisipan kung mag-isip ng mga tips para kiligin ang
isang babaeng kagaya ko. At natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nagta-type sa
notes ng cell phone ko.

"Magpadala ng sweet notes sa umaga?"

Nagitla ako sa biglang pagsulpot ni Rachel sa likuran ko at binasa ang itina-type


ko.

"Ano 'yan? At anong sweet notes ang pinagsasasabi mo riyan?" Ani Rachel sabay upo
sa tapat ko at may makahulugang tingin sa akin.

Dali-dali kong itinigil ang ginagawa ko at itinago ang cell phone ko. "Wala lang
'yon."

Inismiran niya ako. "Ano nga?"

"Wala nga lang 'yon." Patuloy na tanggi ko at ipinagpatuloy ang pagkain. "Kumain ka
na rin."

Hindi ko na pinansin ang presensya ni Rachel hanggang sa matapos

akong kumain. Nang tumayo na ako ay sumabay siya sa akin pabalik sa

puwesto ko. Habang daan ay wala siyang ginawa kun'di ang kulitin ako

tungkol sa nabasa niya sa cell phone ko pero nanatiling tikom ang bibig

ko.

At bago kami maghiwalay para bumalik sa kaniya-kaniyang trabaho ay mahigpit niyang


ibinilin na hintayin ko siya mamaya at sabay kaming uuwi. Umoo na lang din ako para
matapos na ang pangungulit niya s

akin.

Alas singko ng hapon natapos ang ship ko. Alas otso ng umaga hanggang alas singko
ng hapon ang oras ng pasok ko buong linggo. Last week kasi ay panggabi ang ship ko
at alternate kami ng isang MedTech na kasamahan ko.

"Tara?" Bungad ni Rachel sa akin nang madatnan ko sa labas ng hospital.


"Pauwi?" Balik-tanong ko.

Umabresyete siya sa akin. "Nope. May date tayo ngayon."

"What?" Eksaheradang sambit ko sabay kalas dito. "Anong date?"

Ngumisi lang ang kaibigan ko. "Di ba sabi ko sa 'yo hahanapan kita ng date para
maka-move on ka na riyan sa lihim mong pagsinta sa best friend ng kuya mo,
remembered?"

"Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang saad ko. Buong akala ko'y nagbibiro lamang siya
nang sabihin 'yon.

"Malamang seryoso ako. Best friend tayo at hindi ako masaya na nakikita kitang
pinapahirapan ang sarili dahil nagmahal ka ng taong hindi ka naman nakikita as a
woman." Deretsang sagot niya. "Mahal kita, Sheena at hindi ako ang tipo ng kaibigan
na tatayo lang sa isang tabi at panunuorin kang nasasaktan."

Napangiti ako sa pagkakataong iyon. "I'm touch, Chel. Thank you pero hindi mo
kailangang totohanin ang blind date na sinasabi mo. Baka mamaya, killer or maniac
'yang makuha mo, kaya ayoko-"

"Gagi! Anong tingin mo sa akin, ipapahamak ka? Don't worry dahil okay si Grey

"Gaano ka-okay?"

"Isang daang porsyento, Day. Kilala ko si Grey at promise okay na okay ang isang
'yon." Itinaas pa niya ang kanang kamay na tila nanunumpa.

"Siguraduhin mo lang, ha?"

"Naman! Ako'ng bahala sa 'yo, chillax ka lang."

Hindi na ako kumontra nang hilahin niya ako pasakay sa taxi. Pareho kaming commute
nang pumasok kanina kaya wala kaming sariling sasakyan ngayon.

"Baka nga pala sabihin mo hindi tayo sinundo, pero nag-suggest siyang sunduin tayo
ako lang ang tumanggi dahil kako hindi ko pa nasasabi sa 'yo ang tungkol sa
kaniya." Paliwanag niya kapagkuwan.

"Alam ko namang hindi ka basta-basta mapapasakay sa sasakyan ng mga taong hindi mo


kilala kaya kahit nag-insist siya tumanggi talaga ako." Dagdag pa niya na
ikinangiti ko.

"Kilalang-kilala mo talaga ako, ah,"

"Naman, ako pa ba?

Nagkatinginan kaming magkaibigan at sabay na natawa.

Mahigit bente minutos lamang ang lumipas at pumarada na sa tapat ng isang kilalang
restaurant ang taxi na sinasakyan namin ni Rachel. Magkasabay kaming bumaba at
pumasok sa loob pagkatapos makabayad sa taxi driver.

"Chill lang, Sheena. Double date 'to kaya hindi ako chaperone, okay?"

"Oo na. Sana lang 'wag tong makarating kay Kuya, malilintikan ako roon. Tinawanan
ako ni Rachel.
"Sus, kaya single ka pa rin, eh. Mas'yado kang binebeybi ng Kuya mo. Jusko, bente
tres ka na, Day, dapat hinahayaan mo nang ma-in love para naman-oh, in love ka na
nga pala. Sa maling tao nga lang." Hirit pa niya.

"Paano mo naman nalamang maling tao si Lance, aber?"

"Ay basta, maling tao siya para sa 'yo, tapos!"

Napailing na lamang ako at nagpatinaod sa paghila nito sa akin. Sa isang pang-


apatang upuan niya ako dinala at mayroong dalawang lalaking nakaupo.

Parehong nakayuko kaya hindi ko pa mabistahan ang mukha nilang dalawa kung guwapo
ba o keri lang.

Tumikhim si Rachel para kunin ang atensyon ng dalawang lalaki at gano'n na lamang
ang pag-awang ng mga labi ko nang makita ang hitsura ng dalawang lalaki.

Maging ang kaibigan ko ay natigagal din sa tabi ko habang nakatingin kay Kuya Joven
at Lance.

"Hi, ladies!" Si Kuya Joven ang unang bumati at nakangiting tumayo. "Sit down,
ladies. Itinuro pa nito ang dalawang bakanteng upuan sa tapat nila pero walang
kumilos sa amin ni Rachel para umupo.

"Hey, upo na kayong dalawa." Si Kuya Joven pa rin.

Nagkatinginan kami ni Rachel bago muling bumaling sa dalawa.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko matapos makabawi sa gulat.

"Oo nga, anong ginagawa ninyong dalawa rito? We're supposed to have a date with
Grey and Ashton, Bakit kayong dalawa ang nandito?" Si Rachel at nagpalingon-lingon
sa paligid para siguro hanapin ang dalawang lalaki na dapat ay makaka-date namin.

"Chel, anyare?" Naguguluhan kong tanong sa kaibigan ko.

"Ewan ko, teka baka maling resto ang napuntahan natin. Sandali i-check ko-

"Don't bother, Rachel. Si Kuya Joven nang tatawagan ni Rcahel ang ka-date namin.
"Nasa tamang resto kayo."

"Kung nasa tamang resto nga kami, paanong nangyari na ikaw ang nandito gayong si
Ashton ang ka-meet ko at si Grey naman kay Sheena? Don't tell me, nagpanggap kang
si Ashton-"

"No, of course not." Maagap na sagot ni Kuya Joven. "Walang pagpapanggap na


naganap, okay?"

"So bakit kayo nga ang nandito? Kailan ka pa naging si Ashton at si Grey naman
'yang kaibigan mo?" Pigil ang inis na tanong ni Rachel.

"Maupo muna kayo at nang makakain-"

"Ah, Kuya Joven," sansala ko.

"Yes, bunso?"

"Ah, ano kasi naguguluhan ako. Puwede bang paki-explain muna kung anong
nangyayari?"
"Ikaw na lang, P're." Turo nito kay Lance na wala pa ring imik sa kinauupuan nito.

"Yon ang isa ko pang ipinagtataka, ang tahimik niya ngayon na para bang inis na
hindi maintindihan.

"Bakit ako?" Asik nito sa kaibigan.

"Bakit hindi ikaw? Ikaw ang nagpaalis kay Grey at Ashton 'di ba?"

"Anong ako? Ikaw ang nagpaalis sa kanila, P're."

"Na sinang-ayunan mo rin."

"Yeah, dahil tama ka na baka malintikan tayo kay Simon kung hindi natin gagawin.
Kung hahayaan nating makipag-blind date si Sheena sa lalaking may malaking atraso
sa kaniya." Si Lance.

Nagkapatong-patong yata ang gatla sa noo ko habang nakikinig sa pinag-uusapan


nilang dalawa. Kung ganoon, personal nilang kilala ang

Grey na 'yon at may atraso sa kuya ko?

Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila.

Sabay silang napatingin sa akin.

"Sheena." Si Lance na seryoso pa rin ang mukha. "Ginawa lang namin 'yon dahil hindi
magugustuhan ng kuya mo kung pababayaan lang naming makipagkita ka sa Grey na
'yon." Paliwanag niya sa seryosong tono. "Hindi mo siya kilala at inisip lang namin
ang kaligtasan mo

"That's true kaya sana'y 'wag mong masamain ang ginawa naming pangingialam sa date
mo." Segunda naman ni Kuya Joven.

"Hindi naman masama ang loob ko pero nagtataka lang ako kung paano ninyo nalaman na
may date ako kay Grey at si Rachel kay Ashton. Are you guys stalking us?"

"Nope!" Sabay na sagot ng dalawa na may kasama pang iling.

Nagkatinginan kami ni Rachel at kagaya ko, mukhang hindi siya kumbinsido.

"Maupo na kayong dalawa para hindi masayang ang date na ipinunta niyo rito. Si Kuya
Joven na sa kaibigan ko nakatingin.

Mukhang may pagnanasa pa yata ito sa kaibigan ko.

Nang hindi tumalima ang kaibigan ko ay tumayo si Kuya Joven at pinaghila ng bangko
si Rachel.

"Have a seat, Rachel."

Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang pero nahamigan ko ng lambing ang boses ni
Kuya Joven nang sabihin 'yon.

"Siguraduhin mo lang na worth it ang ipinunta namin dito dahil malilintikan ka sa


akin. Asik nito sabay tingin sa akin nang makahulugan. "Ituloy na natin ang double
date, Day. Mukhang pabor na pabor naman sa 'yo, eh. Pero medyo kalmahan mo lang,
baka mahalata ni Lance na in love na in love ka sa kaniya."
"Baliw!"

"Sus, totoo naman. Ayusin mo 'yang mga mata mo, mas'yadong halata ang feelings mo
for him."

Palihim kong sinipa ang paa niya para tumahimik. At mukhang nakuha naman niya ang
gusto kong iparating dahil tumahimik na siya at nagsimula na namang makipagtalo kay
Kuya Joven.

Habang ako nama'y hindi alam kung paano kikilos ng normal sa harap ni

Lance na maya't maya kong nahuhuli na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong
tumatakbo sa isip niya ngayon pero ramdam kong may mali.

Gusto ko tuloy umasa na baka nagseselos siya pero masamang maging assuming.

Pagkatapos kumain ay nagpresenta si Kuya Joven na ihatid si Rachel at si Lance


naman ang kasama ko. lisang bahay lang naman ang uuwian namin kaya hindi na ako
tumutol.

Naging napakatahimik ng loob ng sasakyan ni Lance. Walang nagsasalita sa aming


dalawa hanggang sa makarating kami sa tapat ng aming bahay.

Sheena.

Napahinto ako sa pagbaba nang marinig ang pagtawag ni Lance.

Nilingon ko siya. "Bakit?"

"Ilang taon ka na?"

"Twenty-three."

Too young para magmadali kang makipagrelasyon."

"Ha?"

"Wag mong madaliin ang pakikipagrelasyon, may tamang panahon para riyan. Hindi ka
mauubusan-"

"Excuse me?"

"Sheena, I'm sorr-"

"Hindi ako nagmamadali at lalong hindi ako takot maubusan ng lalaki, Lance." Inis
na sagot ko.

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nainis sa kaniya nang ganito. Para bang
ipinapamukha niya sa akin na atat na atat ako sa lalaki.

"I'm sorry, Sheena. Mali ang choice of words ko-"

"Excuse me." Padabog akong bumaba ng sasakyan niya pero maagap niya akong nahabol.

"I'm sorry."

"I'm tired, Lance. Gusto ko ng magpahinga. Excuse me." Hindi ko na siya hinintay na
makasagot, binawi ko ang kamay ko at iniwan na siya.
Ni hindi ko na siya nilingon maski nang tawagan niya ako.

Chapter 6

Chapter 6

SHEENA POV

PABAGSAK akong dumapa sa karna ko at sumubsob sa unan. Aaminin ko na medyo sumama


ang loob ko kay Lance dahil sa sinabi niya.

"Argh! Kung alam mo lang impit akong tumili para mailabas ang sama ng loob ko.
Makailang ulit kong ginawa 'yon habang nakasubsob sa unan ko para walang makarinig
sa akin.

Tumigil lamang ako nang tumunog ang cell phone ko. Walang ganang kinuha ko 'yon sa
bag ko. Binasa ko ang message mula sa kaibigan ko at sinabing nakauwi na raw ito sa
kanila.

"Okay, good night, Chel." Reply ko sa kaniya.

Ilalagay ko na sana sa bedside table ang cell phone ko nang muling tumunog 'yon.
Dali-dali kong tiningnan sa pag-aakalang galing pa rin kay Rachel ang message pero
natigilan ako nang mabasa kung kanino galing ang message. Kay Lance.

Nanginginig ang mga kamay na binasa ko ang laman niyon. "I know your mad at me. I'm
sorry, Sheena."

Nag-isip ako ng puwede kong i-reply. Nakailang type na ako pero palagi ko lang
binubura at sa huli ay pinili kong huwag na lang mag-reply. Inilagay ko na sa
bedside table ang cell phone ko at muling sumubsob sa unan.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa ganoong puwesto nang may kumatok sa
pinto ng kuwarto ko.

"Sheena!"

Agad akong napabalikwas ng bangon nang marinig ang boses ni Kuya Simon. Sa takot na
baka nagsumbong sa kaniya si Lance ay hindi ako sumagot, sa halip ay nagtulog-
tulogan ako.

"Sheena!"

Pero muling kumatok si Kuya kasabay ng pagtawag sa pangalan ko. Napilitan akong
tumayo at binuksan ang pinto.

"Yes, Kuya?" tanong ko nang mabungaran ang kapatid ko.

"Sabi ni Mama late ka na raw umuwi. Saan ka galing?"

Patay. "Sa work, Kuya."

Nang-aarok niya akong tiningnan. "Sa work? 8 to 5 lang ang trabaho mo 'di ba? At
kahit magkabuhol-buhol ang traffic sa daan, hindi kakain ng tatlong oras ang
papauwi dito sa bahay."

Patay kang bata ka. Wala akong maisip na idahilan dahil tiyak na malalaman din ni
Kuya kung saan ako pumunta. Handa na akong aminin na makikipag-blind date sana ako
nang biglang sumulpot si Lance sa likuran ni Kuya.

Tumikhim ito para kunin ang atensyon ni Kuya Simon.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Kuya.

"Huwag mo nang gisahin 'yang kapatid mo dahil magkasama kami kanina kaya late na
siyang nakauwi." Tumingin pa ito sa akin matapos sabihin 'yon sa kapatid ko.

"Saan mo dinala si Sheena? At teka nga muna, bakit kayo magkasama?" Salubong ang
mga kilay na nagpalipat-lipat ang tingin ni Kuya sa amin ni Lance.

Kinakabahan ako sa nakikitang kaseryosohan sa mukha ni Kuya pero si Lance ay nakuha


pang ngumiti sabay akbay sa kapatid ko.

"Niyaya ko siyang kumain sa labas-" Hindi natapos ni Lance ang sasabihin dahil
binaklas ni Kuya ang braso nitong nakaakbay sa kapatid ko. "P're."

"Kayong dalawa lang?" Seryoso ang tono na tanong ni Kuya Simon.

"No. Kasama namin si Joven at Rachel. Kaming apat kay-"

"Double date?"

Sana nga date 'yon pero hindi, Kuy- Naputol ang pag-iisip ko nang tumawa si Lance.
Namamangha akong napatingin sa kaniya maging si Kuya Simon.

"Anong nakakatawa? Lance, seryoso ako rito at alam mo ang number 1 rule ko, hindi
ba?" Doon tumigil sa pagtawa si Lance at sumeryoso na rin kapagkuwan.

Bigla akong nakaramdam ng tensyon.

"May rules ako, Lance, at ipapaalala ko sa 'yo na hindi nagbabago-

"Of course. At wala akong nilalabag sa rules mo, P're. And it's not a date or
whatsoever. Kumain lang kami at isa pa, alam mo namang parang kapatid ko na rin si
Sheena kaya relax ka lang, okay?"

Tila nakahinga naman ng maluwag si Kuya habang ako'y tila nagkapira-piraso na naman
ang puso.

"Mabuti na 'yong malinaw, Lance

"Yeah. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko tataluhin ang kapatid mo, P're. Baby
sister natin 'yan." Mahinang sabi ni Lance pero narinig ko pa rin naman.

Sumama yata ang pakiramdam ko. Ang sakit naman kasi sa dibdib na yong lalaking
pinapantasya mo, kapatid lang ang tingin sa 'yo.

Nang makita kong okay na silang magkaibigan ay walang ingay na isinara ko ang pinto
ng kuwarto ko, saka bumalik sa kama. Ipinasya kong itulog na lamang ang sama ng
loob ko pero hating gabi na't lahat ay dilat na dilat pa rin ang mga mata ko at
gising na gising pa rin ang diwa ko.

Inis na inis na ako sa sarili ko, ilang beses ko nang sinabi na magmo-move on na
ako pero wala. Hanggang ngayon mahal ko pa rin si Lance at hirap na hirap na ako
kung paano itago ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Siguro kailangan ko nang tanggapin na hindi niya ako mamahalin bilang babae. Na
hanggang pagmamahal-kapatid lamang talaga ang kaya niyang ibigay sa akin.

Tanggapin mo na kasi, Sheena... tanggapin mo na...

Hanggang sa nakatulugan ko na ang pangungumbinsi sa sarili ko na nakalimutan na si


Lance.

KINABUKASAN, kasalukuyan akong nag-aalmusal nang lapitan ako ni Lance.

"Good morning." Bati niya sabay upo sa tapat ko.

"Good morning." Ganting bati ko na hindi na nag-abalang tumingin sa kaniya.

"Galit ka pa ba sa akin?"

Doon ako napatingin sa kaniya na gusto kong pagsisisihan agad dahil nagtama ang mga
mata namin.

"Hindi ako galit."

"Pero sumama ang loob mo sa akin."

"Medyo." Pag-amin ko.

"Then I'm sorry. Hindi ko dapat sinabi 'yon, nadala lang ako."

Ramdam ko naman ang senseridad sa paghingi niya ng sorry kaya nginitian ko siya.
"Okay, apology accepted"

Umaliwalas ang mukha niya. "Thank you, Sheena. Thank you!"

"Welcome. Salamat din pala sa pagsalo mo sa akin kagabi kay Kuya."

"Wala 'yon. Ayoko rin namang magalit sa 'yo ang kapatid mo. At saka, hindi naman
makakadagdag sa kaguwapuhan ko kung ibubuko kita sa kapatid mo, 'di ba?"

Natawa ako. "Yes. Ang lakas makabakla kung magsusumbong ka."

"Sinabi mo pa."

Mayamaya'y sabay na kaming tumatawa ni Lance at natapos ko ang pagkain ko nang


hindi ko namamalayan.

"Thahatid na kita sa work mo."

Natigilan ako sa paghuhugas ng kamay nang marinig ang sinabi ni Lance.

"Pambawi ko 'yon dahil sa sinabi ko kagabi."

Hinarap ko siya at nginitian. "Tinanggap ko na 'yong sorry mo 'di ba? Okay na tayo,
hindi mo na kailangang bumawi."

"Pero gusto kitang ihatid, Sheena. Pumayag ka na para hindi ka na mahirapan at saka
samantalahin mo na habang hindi pa ako umaalis. Matagal na ulit bago ako bumalik,
for sure mami-miss mo ako."
Kung puwede nga lang 'wag ka na munang bumalik para makalimutan na kita.

"Ihahatid kita, ah. Mami-miss kita kapag nakaalis na ako, Shee."

"Bahala ka na nga. Mas matatagalan ako sa pakikipagtalo sa 'yo." Ang sabihin mo,
masyado kang marupok, Sheena. "Hindi kaya!"

"Ha? Anong hindi kaya?"

Huli na nang ma-realize ko na nasabi ko pala ang pakikipagtalo ko sa sarili ko.


"Ah, I mean, hindi na ako makikipagtalo sa 'yo." Palusot ko na mukhang bumenta
naman.

"Good. So tara na?"

"Wait lang, papaalam lang ako kay Mama." Pinuntahan ko si Mama sa kuwarto nila ni
Papa. Gising na sila at mukhang may pinag-uusapan.

"Anak, paalis ka na?" Si Mama.

"Yes, Ma, aalis na po ako." Lumapit ako sa kanila ni Papa at binigyan ng halik sa
pisngi. "Alis na po ako, ah."

"Ingat ka, Sheena." Si Papa.

"Opo, thanks, Pa."

"Nasa likod ng pinto ang susi ng kotse para hindi ka na mag-commute."

"Ah, Pa, kasi ihahatid daw po ako ni Lance papasok." Nagkatinginan ang mga magulang
ko at pagkuwa'y sabay na tumango-tango. "Sige po, Pa, Ma, mauna na po ako. Muling
paalam ko bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

May kinuha lang ako sandali sa kuwarto ko at bumaba na rin agad. Nadatnan ko sa
sala si Lance na agad tumayo nang makita ako.

"Shall we?" Aniya.

Tumango ako bilang sagot at sumunod na sa kaniya palabas ng bahay. Pinagbukas niya
ako ng pinto ng sasakyan niya bago siya umikot sa kabilang side.

Mayamaya pa'y tinatahak na namin ang daan patungo sa hospital na pinagtatrabahuhan


ko. Makalipas ang ilang sandali, nasa tapat na kami ng hospital.

Bago bumaba ay kinuha ko muna ang bagay na gusto kong ibigay kay Lance. "O, para sa
'yo."

"Ano 'to?" tanong niya habang tinatanggap ang nakatuping papel na inaabot ko sa
kaniya. "Love letter ba 'to?"

"Sira, hindi!" Natatawa kong sagot.

"Eh, ano 'to?"

"Buksan mo para makita mo." Ingos ko sabay baba. "Thank you sa paghatid, Lance."
Pasalamat ko bago isinara ang pinto ng sasakyan niya at naglakad papasok sa
hospital.
Hindi pa man ako nakakalayo nang may humawak sa braso ko.

"Lance. Siya ang pumigil sa akin. "Bakit?"

Ngumiti siya na halos ikalaglag ng puso ko. "Thanks sa tips, ha."

"Wala 'yon. Sana lang makatulong sa 'yo ang mga pinaglalagay ko ro'n.

"I think so, Sheena. Thank you, ah." Muli niyang pasalamat sabay halik sa pisngi
ko. "I have to go." Ginulo pa niya ang buhok ko na parang bata bago tuluyang
bumalik sa sasakyan niya.

Ako nama'y hindi na nakagalaw sa kinatatayuan ko. Magkahalong tuwa at lungkot ang
nararamdaman ko ng mga sandaling 'yon habang habol ng tanaw ang papalayong sasakyan
ni Lance. Tuwa dahil nararanasan kong mahalikan ng lalaking lihim kong minamahal,
kahit walang malisya sa kaniya ang halik na 'yon. Lungkot dahil mukhang may gusto
na siyang ligawan nang totohanan at sa akin pa mismo galing ang tips kung paano
niya pakikiligin ang babaeng gusto niya.

Ginawa ko 'yon pagkagising ko kaninang umaga. 'Yon 'yong way ko ng pasasalamat sa


kaniya dahil sa pagsalo niya sa akin kagabi kay Kuya Simon. At isa pa, naisip ko na
dapat hayaan ko siya kung saan siya masaya at kung sino ang magpapasaya sa kaniya.
Mabuting tao si Lance at deserve niyang maging masaya.

Ang swerte ng babaeng mamahalin niya. At alam mong hindi ikaw 'yon, Sheena, kaya
tama na.

Malungkot akong napangiti at bahagyang tumingala para supilin ang mga luhang kanina
pa nagbabadyang tumulo.

"Yong pakiramdam na hindi ko pa nararanasang magkanobyo peгo broken-hearted na agad


ako. Ang saklap, mga besh!

Life was so unfair. Patuloy na pagmamaktol ng puso ko habang binabagtas ang


mahabang pasilyo patungo sa working place ko.

GIRLONFIRE28

Thank you sa mga nandito sa story ni Lance at Sheena.

Chapter 7

Chapter 7

SHEENA POV

PINAGMAMASDAN ko si Lance mula sa puwesto ko. Nasa kubo silang lima ng mga kaibigan
niya. Paalis na siya bukas at ngayon ang padespedida party niya. Sina Kuya Simon at
Kuya Joven ang naghanda niyon para sa kaniya dahil tulad ng sabi ni Lance sa akin,
matatagalan pa ang pagbalik niya.

Hindi pa man pero ramdam ko na ang bigat sa dibdib ko dahil hindi ko na siya
makikita araw-araw.
Kanina pa nila ako niyayaya na maki-join sa kanila pero sabi ko magpapahinga muna
ako. Kahit ang totoo ay wala akong ginawa kundi ang palihim na pagmasdan si Lance
na masayang-masaya habang kasama ang mga kaibigan niya.

Hindi ko magawang alisin ang mga mata kay Lance. At palagay ko, hindi ako
magsasawang pagmasdan ang guwapong mukhang 'yon habang-buhay.

Ang sabi ko, magmo-move on na pero ayaw talagang makisama ng puso ko. Mas gusto
niyang masaktan kaysa ang tumigil na sa pagmamahal.

Naramdaman yata ni Lance na may nakatingin sa kaniya kaya nagawi sa direksyon ko


ang mga mata niya. Huli na para mag-iwas ako ng tingin kaya ngumiti na lamang ako
sa kaniya nang magtama ang mga mata namin.

Nag-alburoto ang puso ko sa kilig nang gumanti ng ngiti sa akin si Lance.


Nakakainis pero ngiti pa lang niya, buo na ang araw ko.

Naramdaman kong may tumabi sa akin. Hindi ako nag-abalang lumingon dahil nakatutok
kay Lance ang mga mata ko. Hanggang sa ibinalik na niya ang atensyon sa
nagkakasiyahang mga kaibigan.

"You should tell him what you feel."

Napalingon ako nang magsalita si Mama na siyang tumabi sa akin.

"Ma."

"If you like someone, you should tell them. Hindi masarap sa pakiramdam 'yong
naghihintay ka. Seize every moment, Anak. Mas magiging masaya ka kapag nagawa mong
magtapat ng nararamdaman mo sa kaniya."

Nginitian ko si Mama. "Hindi ko na po itatanong kung paano at kailan niyo nalaman


ang tungkol sa nararamdaman ko dahil alam kong ang isasagot niyo sa akin ay dahil
nanay kita kaya alam ninyo.

Tumawa si Mama at ginulo ang buhok ko. "Mismo.

"Sabi na, eh." Muli kong tiningnan si Lance.

"Bakit hindi mo aminin sa kaniya?"

Malungkot akong umiling kay Mama. "Hindi po matutuwa si Papa at si Kuya Simon kapag
ginawa ko 'yon."

"Why? Dahil babae ka?"

Yes, Ma. Alam niyo naman kung gaano ka-conservative type of person si Papa at si
Kuya. Hindi nila ikakatuwa kung gagawin ko po 'yon."

"Eh paano malalaman ni Lance ang nararamdaman mo?"

"Wala naman po akong planong ipaalam sa kaniya, Ma. Masaya na po akong nakikita
siya.

Nakangiting tumango-tango si Mama. "Anak, alam ninyo ng kuya mo ang naging takbo ng
relasyon namin noon ng papa ninyo bago kami nauwi sa kasalan, hindi ba? Hindi
naging madali lalo na sa parte ko na unang umibig sa papa ninyo. Kagaya mo kay
Lance."
"Magkaiba naman po tayo, Ma. Ikaw po mahal din ni Papa, eh ako?"

"Hindi rin naman ako agad minahal ng papa mo, trinabaho ko pa 'yon."

Natawa ako sa "trinabaho" na word ni Mama. At halatang proud na proud pa siya.

"Kaya kapag hindi mo sinabi 'yan, mahihirapan ka talaga, Anak. Kaya kung ako sa
'yo, seize every moment, confess your feelings. Maniwala ka, gagaan ang pakiramdam
mo kapag nagawa mo 'yon. Well, it'll be liberating but who cares, ang importante ay
ikaw at wala kang masasagasaan."

May punto naman ang lahat ng sinabi niya pero natatakot ako sa maraming bagay.

"Paano kung i-reject niya ako, Ma?" May pag-aalangang sabi ko. "Natatakot po ako
lalo na't kapatid lang ang trato niya sa akin. Baka pagtawanan niya ako or worst,
baka magbago siya ng pakikitungo sa akin, Ma. At isa pa, baka po masira ang
friendship nila ni Kuya Simon at hindi ko po kayang gawin 'yon."

Nakakaunawang tumango si Mama. "Naiintindihan ko naman ang mga inaalala mo, Anak.
Pero kung palagi kang maduduwag, hindi mo

malalaman. Hindi ka magkakaroon ng peace of mind kasi puro ka what if's. Huwag mo
ring alalahanin ang papa at kapatid mo kung sakali dahil maiintindihan ka rin nila.
Pamilya mo kami kaya mauunawaan ka namin.

Napangiti ako. "Pag-iisipan ko po, Ma."

"Do it. Baka pagbalik ni Lance taken na siya, eh 'di mas lalong hindi mo masasabi
sa kaniya."

May punto talaga lahat ng sinabi ni Mama. Kaya naman buong gabi na pinag-isipan ko
ang mga sinabi niya. At tama siya, malamang na hindi ko na masasabi kapag taken na
si Lance dahil ayokong makasira ng relasyon nang may relasyon. Kaya kung aaminin ko
bago siya umalis bukas, wala akong masasagasaan.

Paggising ko kinabukasan, hindi birong determinasyon kinailangan ko para magawang


sabihin kay Lance ang nararamdaman ko. Mukhang pinapanigan ako ng pagkakataon dahil
si Kuya Simon na mismo ang nagyaya sa akin na sumama para ihatid sa airport si
Lance.

Hindi na ako nag-isip, agad na akong pumayag na ihatid si Lance.

Pagkaraan ng ilang sandali ay naka-ready na kami sa pag-alis. Kaming tatlo lamang


nila Kuya Joven ang maghahatid dahil may lakad daw si Ate Madeline at Ate Kristine
kaya hindi makakasama sa airport.

"Mag-iingat kayo, mga anak." Bilin ni Mama nang ihatid kami sa labas ng << gate.
"Lalo ka na, Lance, mag-iingat ka."

"Opo, Tita Elena. Maraming salamat po sa inyo ni Tito Victor sa palaging pag-ampon
sa akin dito sa bahay ninyo." Ani Lance na humalik kay Mama at nagmano naman kay
Papa. "Sana po welcome pa rin ako kapag nakabalik na ako," dagdag pa niya.

Sabay namang sumagot ng oo ang mga magulang ko at muling nagpaalala na mag-ingat si


Lance.

Pagkatapos ng paalaman ay sumakay na silang tatlo sa sasakyan habang ako nama'y


naiwan pa sa labas dahil nilapitan ako ni Mama.
"Ma, sasabihin ko na po." Mahina kong sabi.

"Talaga?"

"Opo, Ma."

Pasimple niyang tinapik ang braso ko. "Good luck, Anak."

"Thanks, Ma." Humalik ako sa pisngi niya at kay Papa bago ako tuluyang sumakay sa
sasakyan.

Kaming dalawa ni Lance ang nasa backseat habang si Kuya Simon ang nasa driver's
seat at katabi niya sa unahan si Kuya Joven.

Napuno ng tawanan at biruan nilang magkakaibigan ang loob ng sasakyan habang ako
nama'y tahimik lamang sa kinauupuan ko

Alumpihit na ako dahil iniisip ko kung paano ako makakahanap ng tiyempo na aminin
ang lahat gayong hindi nauubusan ng kuwentuhan ang tatlo. May pagkakataon na
isinasali nila ako sa kuwentuhan pero madalas hindi dahil tungkol sa mga babae ang
pinag-uusapan nila. Hindi ko rin mabilang kung ilang beses nasali si Ate Madeline
sa usapan nilang tatlo.

Habang palapit nang palapit sa airport ay nawawalan na ako ng pag-asa na masabi ko


pa ang gusto kong sabihin. Pero mukhang iniaadya ng pagkakataon na masabi ko dahil
pagdating sa airport ay nagpaalam sandali si Kuya Simon at Kuya Joven na may
bibilhan lang para ipadala kay Lance.

Naiwan kaming dalawa ni Lance. Alumpihit na naman ako dahil kung kailang kami na
lamang dalawa ay saka naman ako biglang naduwag.

Come on, Sheena. Buo na ang loob mo 'di ba? Sabihin mo na para matapos na 'tong
kabaliwan mo. Udyok ng isang bahagi ng isip ko.

"Something wrong?" pabulong na tanong ni Lance.

Gusto kong tumango at sabihin na ang lahat ng nararamdaman ko, pero awtomatikong
umiling ang ulo ko. Hindi ko maibuka ang bibig ko kahit napakarami kong gustong
sabihin.

"Hey, are you okay? Bakit parang tense na tense ka?" May pag-aalalang tanong ni
Lance.

"Ah, Lance kasi-ahm may gusto ako-" Nag-ring ang cell phone niya kaya naudlot ang
pagsasalita ko.

"Excuse me, Sheena, tumatawag si Madeline. Sagutin ko lang, ah, baka may
nakalimutang sabihin."

"S-Sige lang. Binigyan ko siya ng pilit na ngiti bago ako tinalikuran. Medyo
dumistansya kasi siya sa akin nang sagutin ang tawag ni Ate Madeline.

Habang masaya siyang nakikipag-usap sa kaibigan ay nakatingin lamang ako sa kaniya.


Hinintay ko siyang matapos sa pakikipag-usap.

Pagkalipas ng ilang sandali, sa wakas ay natapos din ang tawag ni Ate Madeline.
Bumalik siya sa tabi ko.

"Sorry, ha. Umiral na naman ang kadaldalan ng babaeng 'yon."


Tatawa-tawa niyang sabi. Nasa mga mata niya ang kasiyahan.

"Okay lang."

"Anyway, ano nga 'yong sinasabi mo kanina? Nasaan na ba tayo?"

Nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko pero sa huli, nagdesisyon akong aminin na


talaga.

Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago nagsalita. "Lance, bago ka


umalis gusto ko sanang sabihin sa 'yo na-na g-gusto kit

"We're here!"

Sabay kaming napalingon ni Lance nang marinig ang boses ni Kuya Joven. May bitbit
siyang dalawang paper bag habang si Kuya Simon naman ay isang paper bag ang bitbit.

"Para sa akin ba 'yang lahat?" Tuwang usal ni Lance at kinuha ang mga paper bag sa
mga kaibigan. "Thank you sa inyong dalawa, alam na alam 8 ninyo ang gusto ko."

"Naman. Basta pagbalik mo, pasalubong namin, ha?" Si Kuya Joven.

"Of course. Kailan ba ako umuwi na walang pasalubong sa inyong lahat?"

"Never."

Nagtawanan ang dalawa, maliban kay Kuya na biglang naging seryoso ang mukha.

"Oh, wait," binalingan ako ni Lance. "Sorry, Sheena. Ano nga 'yong sinasabi mo?
Gusto mong sabihin na gusto mo ang alin?"

"Ah... 'yon ba. Ahm... ano, ah wala 'yon." Lihim akong kinakabahan dahil sa akin
nakatingin si Kuya.

"Hindi, mukhang importante 'yong sasabihin mo, eh. Come on, Shee, spill it now."

"Naku, w-wala talaga 'yon."

"Oh, come on. Sige na, ano 'yon?"

"Wala nga-"

"Wait, may gusto kang ipasalubong ko sa 'yo pagbalik ko 'no? Tama?"

Puno ng kaplastikan akong tumawa. "Ah, ool Sana, kaso 'wag na lang, nakakahiya
kasi."

Inakbayan niya ako, "Sus, ikaw talaga. Hindi mo kailangang mahiya sa akin, Shee.
Ano ba 'yong gusto mo para hindi ko makalimutan?

Napilitan akong mag-isip ng puwede kong ipabili sa kaniya kuno at thank God dahil
naniwala naman silang tatlo.

"Yon lang pala, eh. Don't worry, hindi ko kakalimutan ang gusto mong pasalubong."

"Thank you, Lance."

"You're welcome." Mariin akong napapikit nang hagkan ni Lance ang noo ko at
mahigpit akong yakapin. "Mag-iingat ka palagi, ha? I will miss you, Shee.

Pigil-pigil ko ang pag-alpas ng mga luha ko. Pero hindi ko napigilang yakapin siya
pabalik nang mas mahigpit.

Mahal na mahal kita, Lance! Gusto ko sanang isigaw.

"Mami-miss kita, Shee..." bulong ni Lance. Mariin akong napapikit nang maramdaman
kong hinalikan niya ang ulo ko.

"M-Mami-miss din kita." Pasimple kong pinunasan ang pamamasa ng mga mata ko bago
lumayo sa kaniya.

Nang mga sumunod na sandali ay sa dalawang kaibigan naman nagpaalam si Lance


hanggang sa tawagin na ang mga pasahero ng eroplanong sasakyan niya.

"Good bye for now, guys!" Malakas na sabi ni Lance habang paatras na naglalakad
papasok.

Mabigat ang pakiramdam na kumaway ako sa kaniya maging ang mga kaibigan nito.

"Ingat sa serena, p're!" Pahabol na pagbibiro ni Kuya Joven.

"I will. Bye, guys! Bye, Sheena!" Kumaway ito nang kumaway hanggang sa tuluyan nang
mawala sa paningin namin.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko at gusto ko ng umiyak ng mga sandaling 'yon pero


pinigilan ko dahil kasama ko si Kuya.

Nang hindi ko na kinaya ay nagpaalam ako sa dalawa na mag-restroom

muna. At pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa loob ng cubicle

ay agad nang tumulo ang mga luha ko. Tila may sariling isip ang mga

'yon na kusang tumutulo kahit pigilan ko. Impit akong napahikbi.

Hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya.

Pagkatapos kong pakawalan ang mga luha ko ay agad akong

naghilamos para mawala ang pamumula ng mga mata ko. Nag-retouch na rin ako nang
kaunti para mas hindi halata. Nang masigurong ayos na ang hitsura ko ay saka pa
lang ako lumabas at binalikan sina Kuya.

Hindi na rin naman kami nagtagal. Una naming inihatid si Kuya Joven bago kami umuwi
ni Kuya sa bahay.

"May gusto ka ba kay Lance?" Walang paligoy-ligoy na tanong ni Kuya nang mapagsolo
na kami sa loob ng sasakyan.

"K-Kuya...

"May gusto ka ba kay Lance?" Ulit niyang tanong.

"K-Kuya-"

"I want an honest answer, Sheena."


Sunod-sunod akong napalunok-laway dahil sa nakikitang kaseryosohan ng mukha niya.
Wala na akong choice kun'di magsabi ng totoo.

"O-Oo, Kuya."

Napasinghap siya sabay iling. "Kailan pa?"

"T-Teenager pa lang ako."

Hindi agad nakakibo si Kuya at pagkuwa'y pagak na tumawa nang makabawi. Pailing-
iling siyang tumingin sa akin. "Seriously?"

"Kuya, pinigilan ko. Sinubukan kong kalimutan 'yong nararamdaman ko para sa kaniya
pero hindi ko nagawa. Gabi-gabi sinasabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko na siya
pero sa tuwing gigising ako sa umaga, siya pa rin ang laman nito." Naiiyak na sabi
ko sabay turo sa tapat ng puso ko.

Pumalatak ito at frustrated na napahilamos sa sariling mukha.

"I'm sorry, Kuya."

Tumingin siya sa akin. "Bakit ka nagso-sorry?"

"K-Kasi minahal ko ang best friend mo."

Nagtaka ako nang ngumiti si Kuya. Eksaktong napatapat kami sa stop light kaya
huminto muna kami.

Binalingan niya ako. "I told him and to Joven not to mess with you dahil takot ako
na baka masaktan ka. Mahal ko sila bilang mga kaibigan ko at mahal kita dahil
kapatid kita. I don't want them to mess with you dahil alam kong sa huli, nasa iyo
pa rin ang loyalty ko. Pero anong magagawa ko kung ikaw ang na-in love kay Lance?
Kaya ko bang saklawan ang
damdamin ng nag-iisang kapatid ko?"

Hindi ako makapaniwala na ganito ang magiging reaksyon niya. Buong akala ko
magagalit siya sa akin.

"Thank you, Kuya. Akala ko magagalit ka sa akin kapag nalaman mo kaya ginawa ko ang
lahat para 'wag mong malaman."

Gigil niyang pinisil ang pisngi ko na ikinangiwi ko. "Hindi ako galit. Well, medyo
nagulat, oo. Na-realize ko na hindi ka na pala talaga little girl na baby namin ni
Papa. Dalaga ka na pala talaga, bunso, at in love na

Napasimangot ako. "Matagal na akong ganap na dalaga, Kuya, five years ago na."

"Sabi ko nga. Pero ipapaalala ko lang sa 'yo na hindi ako mangingiming basagin ang
pagmumukha ni Lance kapag sinaktan ka niya."

"Hindi niya alam na mahal ko siya, Kuya. At kung nasasaktan man ako sa pag-alis
niya ngayon, hindi niya kasalanan 'yon."

Bumuntong-hininga ito saka muling nagmaneho nang umabante na ang sasakyan sa unahan
namin.

"Sasabihin mo ba kay Lance?"

Malungkot akong napangiti. "Dapat sasabihin ko na kanina pero hindi natuloy. Mabuti
na rin 'yon kasi hindi ko pa yata kayang ma-reject."

Bumuntong-hininga na naman ito bago sumulyap sa akin. "Dalaga ka na talaga. Hindi


ko sasaklawan ang damdamin mo, pero sana lang alam mo kung hanggang saan puwedeng
lumaban. Masarap ma-in love pero mahirap lalo na kung komplikado."

"Natatandaan ko 'yan, Kuya."

"Good. Isa lang ang gusto ko, maging responsable ka sa sarili mo. Magtira ng
pagmamahal sa sarili, bunso."

"Noted, Kuya. Salamat, ha." Pagkasabi ko niyon ay naglalambing na humilig ako sa


balikat niya.

Katakot-takot na paalala pa ang ibinigay sa akin ni Kuya Simon hanggang sa


makarating kami sa bahay. At lahat ng iyon ay isinapuso ko dahil alarm kong para sa
akin 'yon.

Laking pasalamat ko na lang na hindi ako nagkaproblema kay Kuya. Hindi siya nagalit
sa akin o maski ang utusan ako na kalimutan ko na ang kaibigan niya.

Hindi ko man nasabi kay Lance, at least napatunayan ko na

susuportahan ako ng pamilya ko sa bawat desisyong gagawin ko sa

buhay ko. Hindi nila sasaklawan ang damdamin ko at 'yon ang mahalaga.

GIRLONFIRE28

Thank you sa mga nandito. Andiyan ba kayo hehe

Chapter 8

SHEENA POV

SIMULA nang umalis si Lance, pakiramdam ko bumagal ang paglipas ng bawat araw.
Ramdam ko 'yong kahungkagan sa dibdib ko dahil sa pag-alis niya. Sa loob ng
dalawang linggong pagtira niya sa bahay, nakasanayan ko na siyang makita at
makasama.

Ngunit sa kabila ng lungkot na aking nadarama, sinikap kong magpatuloy sa buhay ko.
Ayokong lunurin sa matinding lungkot at pangungulila ang puso ko. Kaya nagpaka-busy
ako sa mga araw, linggo at mga buwang lumipas.

Natuto akong gumala kapag walang pasok at sumasama rin sa mga hiking ng mga
kasamahan ko sa trabaho. And I enjoyed it. Hinayaan ako ng pamilya ko dahil alam
kong gusto nila akong tulungan.

May mga pagkakataong gustong-gusto ko siyang kumustahin pero grabeng determinasyon


ang ginawa ko para 'wag 'yong gawin. Bihira na rin akong gumamit ng social media
dahil alam kong makikita ko siya.

Hanggang sa unti-unti, hindi ko na naiisip si Lance. Hindi na kasingdalas nang dati


na halos siya na lang ang laman ng isip ko. Na tipong hirap na hirap akong matulog
sa kakaisip sa kaniya.

Sobrang malaking tulong na nagkaroon ako ng sariling mga kaibigan bukod kay Rachel.

Nakangiting nag-inat-inat ako nang umagang 'yon habang nagmumuni-muni.

"Happy birthday, Sheena!" Masayang bati ko sa aking sarili.

Yes, kaarawan ko ngayon at wala akong pasok. At siyempre, wala rin akong planong
gumala dahil may plano si Kuya na ilibre kami ng pamilya namin. Kakain daw kami sa
labas at manunuod ng sine. Chance na rin para makapag-bonding kami kasama ang
parents namin. Medyo matagal na rin kasi nang huli kaming lumabas na magkakasama.

"Tumatanda na tayo, self. Ano nang plano natin sa buhay?" Nakangiti pa ring
pagkausap ko sa sarili ko.

"Thank you, Lord. Nadagdagan na naman po ang edad ko. Sana po more more years pa -^
* Mahihinang katok sa labas ng pinto ang nagpahinto sa akin.

"Sheena, Anak, gising ka na ba?" Boses ni Mama.

Bumangon ako at binuksan ang pinto.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday,
happy birthday to you!" Pagkanta ni Mama nang buksan ko ang pinto.

"Thank you, Ma.." naluluhang pasalamat ko.

"Make a wish and blow your candle." Dagdag pa niya sabay umang ng maliit na
chocolate cake na dala niya.

Pumikit ako at taimtim na nag-wish pagkatapos ay hinipan ko na ang kandila. "Thank


you, Ma."

"You're welcome, Anak. Puwede bang malaman kung anong winish mo?" May halong
panunudyong tanong niya.

"Wish ko po ay good health for all of us."

"Asus! 'Yon lang?"

"Ma!" Natatawang sabi ko.

"Bakit? Nagtatanong lang naman ako, ah. Malay ko bang may iba ka pang wish."

"Like?"

"Hmm," kunwari siyang nag-isip. "Katulad ng sana ay magkanobyo ka na this time."

Inakbayan ko si Mama na parang kapatid ko lang. "Baka mamaya, umiyak kayo kapag
nagkanobyo na ako. Alam niyo namang may pangako ako sa sarili ko na kung sino ang
unang magiging nobyo ko ay siya na talaga forever."

Natigilan si Mama pero mayamaya ay tumawa na rin. "Ang swerte ng lalaking 'yon,
Anak."

"Eh bakit parang naiiyak ka, Ma?" Tudyo ko. Nanginig kasi ang boses ni Mama nang
sabihin 'yon.
"Siyempre, excited akong magkaroon ka ng nobyo pero bigla akong natakot kasi baka
mag-asawa ka naman agad. Hindi pa pala ako ready na mawala ka sa amin ng papa at
kuya mo. Bigla kong na-realize na kahit 24 ka na, you're still my baby girl."

Na-touch ako lalo na nang makita kong mangilid ang mga luha ni Mama

Naglalambing na niyakap ko siya. "Makakagawa na ako ng baby, Ma. Biro ko dahilan


para makatikim ako ng kurot kay Mama.

"Ayoko pa! 'Wag muna, Anak."

"Di ba gusto niyo na ni Papa ng apo?"

"Oo nga pero sa kuya mo at hindi sa 'yo!" Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
"Hindi pa ako ready, ipaubaya mo na muna sa kuya mo ang pagbibigay sa amin ng apo."

"Ang daya, 'pag kay kuya ready na, sa akin hindi pa." Kunwaring hinampong sabi ko.

"Bata ka pa naman, Anak. Saka dapat kuya muna bago bunso.

"Sige na ng-

"Puwede bang makisali sa yakapan ninyong mag-ina?" Bungad ni Papa at pumwesto sa


gitna namin ni Mama. "Happy birthday, Sheena, Anak. Bati niya kapagkuwan.

"Thanks, Pa. Puwede na akong magnobyo?"

"Puwedeng-puwede na. Basta 'yong maayos na lalaki naman sana, Anak. At sana 'yong
mapagkakatiwalaan ko sa nag-iisang prinsesa ko. Kung puwede nga lang sana 'yong
kilala na namin ng mama mo, eh."

Nagkatinginan kami ni Mama sa hiling na 'yon ni Papa.

"Di ba, Mama? Mas maige sana kung kakilala na natin para masiguro nating sa maayos
na lalaki mapupunta itong baby natin?"

"Oo naman," sang-ayon ni Mama. "Pero kung sakaling hindi pa natin kilala, eh 'di
kilalanin natin. Bigyan natin ng chance ba."

Tumango si Papa. "Tama ka naman, Mama." Binalingan niya ako. "Basta, kung
magpapaligaw ka dito sa bahay, ha?"

"Yes, Pa." Nakangiting sagot ko at yumakap dito.

Mayamaya'y nagyaya na si Mama para bumaba dahil nakaluto na raw si Ate Myra, ang
kasambahay namin.

Kasalukuyan kaming nag-aalmusal nang pumasok sa dining si Ate Myra. May dala siyang
isang bungkos ng mga bulaklak habang sa isang kamay ay may isang katamtamang laki
ng paper bag.

"Saan galing 'yan?" Si Papa ang unang nagtanong.

"Wala pong nakalagay, Kuya Victor, pero para raw po ito kay Sheena sabi ng delivery
man."
"Para sa akin?" Nang labot ni Ate Myra sa akin ang mga bulaklak ay tinanggap ko
'yon. "Ang gaganda naman nito. Kanino kaya galing?" Tiningnan ko ang card na kasama
ng mga bulaklak pero simpleng "Happy birthday, Sheena" lang ang nakalagay.
"Kanino galing?" Si Mama ang sumunod na nag-usisa. Umiling ako. "Wala pong
nakalagay, eh."

"Baka sa manliligaw mo, 'di kaya?" Si Papa na seryoso ang mukha. "Papuntahin mo
rito para makilala namin ng mama mo kung sino man yan.

"Wala akong manliligaw, Pa." Ingos ko.

"Wala, eh kanino galing 'yan?"

"Baka may secret admirer ako, Pa." Nakangiting sabi ko sabay arnoy sa mga bulaklak
na nasa kandungan ko. Ang gaganda niyon at talagang na-apprreciate ko kung sino man
ang nagpadala nito para sa akin.

Habang inaamoy-amoy ko ang mga bulaklak ay napatingin ako sa paper bag na


nakapatong sa dining table. Kinuha ko 'yon at binuksan para makita kung ano ang
laman.

Napasinghap ako nang makitang isang pares ng gold earrings ang laman niyon.

"Wow! Ang ganda naman niyan, Anak. Mukhang mamahalin 'yan, ah." Puna ni Mama nang
makita rin ang pair of gold earrings.

Kaya lang kagaya ng mga bulaklak, walang ibang nakalagay sa card kuri'di "happy
birthday at hope you like it" lang. Walang pangalan ng nagpadala.

Hanggang sa matapos kaming mag-almusal ay wala kaming idea kung kanino galing ang
mga 'yon.

Bandang alas otso ng umaga, nakatanggap ako ng long distance call from unknown
number.

"Hello?" Bungad ko sa nasa kabilang linya.

"Happy birthday, baby girl!"

Sandaling tila tumigil sa pag-inog ang mundo ko. Hindi ko na kailangang itanong
kung sino siya dahil boses pa lamang niya ay kilalang-kilala ko na.

Biglang parang gusto kong umiyak dahil ngayon ko napagtanto na sobrang na-miss ko
pala siya.

"Hey! I said happy birthday." Untag niya.

"T-Thank you." Tanging nasabi ko.

"Bakit parang hindi mo ako na-miss? Hindi ka rin yata, natuwa na tinawagan kita.
Hinampong sabi niya.

"Of course I do. H-Hindi ko lang ini-expect na maaalala mo ang birthday ko.

Tumawa siya sa kabilang linya. "Puwede ba naman 'yon? Siyempre, hindi ko


makakalimutan ang birthday mo."

Na-touch ako. Masaya ako. Sobra.

Hindi ako nakaimik dahil nabibikig ang lalamunan ko.

I missed you, Sheena. Ang daya mo, wala kang paramdam sa akin for the past few
months. Gusto ko tuloy isipin na iniiwasan mo 'ko or baka may nagawa akong
ikinagalit mo kaya hindi ka na nag-reach out."

Tumikhim muna ako, saka umiling na para bang nakikita niya ako. "Na-busy lang a-
ako, Lance."

"Ganon?"

"Oo, gano'n."

"Hindi ka galit or-"

"No. Bakit naman ako magagalit sa 'yo? Na-busy lang talaga ako."

Bumuntong-hininga ito. "Okay sabi mo, eh. Sana i-seen mo 'yong mga messages ko sa
'yo kapag hindi ka na busy."

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero nahamigan ko ng lungkot ang boses niya.

"Sige, i-check ko minsan."

"Thanks. Anyway, sana nagustuhan mo 'yong regalo ko sa 'yo."

Natigilan ako at pagkuwa'y nanlaki ang mga mata nang ma-realize kung aling regalo
ang sinasabi niya. "Sa 'yo galing 'yon? 'Yong flowers at gold earrings?"

"Yeah. Nagustuhan mo?"

Hindi agad ako nakaimik.

"Hey, kumusta, did you like it?"

Tumikhim muna ako para alisin ang pagbabara ng lalamunan ko bago sumagot. "O-Oo
naman. Sobrang nagustuhan ko. Hindi mo naman

kailangang gawin 'yon pero thank you."

"You're welcome. Masaya ako na nagustuhan mo."

"Ang ganda, eh. Salamat uli, ha."

"Basta ikaw, baby girl."

Mariin akong napapikit para kalmahin ang naghuhurumintado kong puso. Parang ang
sarap na namang umasa.

Ilang sandali pa kaming magkausap ni Lance. Ang dami niyang kuwento sa akin at
masaya akong malaman ang mga nangyari sa buhay niya sa nakalipas na mga buwan na
iniwasan kong makibalita sa kaniya.

"Kumusta 'yong tips na ibinigay ko, nagamit mo naman ba?"

"Hindi pa. Nag-iipon pa ako ng lakas ng loob. Maybe soon."

Sana wag muna. "Oh, eh 'di good luck sa 'yo."

"Thanks, baby girl."

"Welco-, ay kabayo!" Napasigaw ako nang may tumulak sa akin. Muntik na akong
mapasubsob, mabuti na lamang at nakahawak ako agad.

"Sorry, bunso, napalakas ba?" Tumatawang tanong ni Kuya na siyang tumulak sa akin.

"Ay, hindi. Kainis 'to." Angil ko.

"Sorry na. Ito o, pambawi ko sa 'yo. Happy birthday!" Sabay abot ng bulaklak at
isang maliit na box.

"Naks, may bulaklak talaga, Kuya? Anyway, thanks."

"You're welcome, Ganda 'no?"

"Mas maganda 'yong nauna, Anak."

Sabay kaming napalingon nang marinig ang boses ni Mama.

"Hi, Ma!" Nagbeso ang dalawa.

"Hi, Anak. Kumain ka na?"

Tumango si Kuya. "Tapos na, Ma. But wait, anong ibig ninyong sabihin na maganda
'yong una? Unang ano ho?"

"Ah, 'yong bulaklak na pinadala sa kapatid mo kanina."

"Sino hong nagpadala?" Usisa ni Kuya.

"Hindi pa namin alam, walang pangalan, eh."


Saka ko pa lang naalala si Lance. Pagtingin ko sa cell phone ko ay nasa kabilang
linya pa pala siya. "H-Hello, naku sorry. Dumating kasi si Kuya."

"No problem."

"Pasensya-"

"Sino 'yang kausap mo?" Biglang singit ni Kuya.

"Ah, s-si Lance, Kuya." Nagkatinginan si Mama at Kuya. "B-Bumati lang siya.

"Ah, pakausap nga." Napilitan akong ibigay kay Kuya ang cell phone ko. At ang loko,
ini-loud speak ang cell phone.

"Napatawag ka, P're?" Bungad nito kay Lance.

"Bumati lang ako sa kapatid mo." Dinig kong sagot ni Lance.

"Yon lang?"

Tinanong ko rin kung nagustuhan niya 'yong regalo ko. Naalala mo 'yong gold
earrings na sinabi mong gustong-gusto ni Sheena? Binili ko na for her at nagustuhan
daw niya."

Napasinghap si Mama habang si Kuya nama'y nang-aarok na tumingin sa akin.

"So 'yong bulaklak sa 'yo rin galing?"

"Yes, P're. Today is her birthday kaya may regalo ako."


"Oh," napatango-tango si Kuya. "Mahal 'yong earrings na 'yon, ah."

Narinig kong tumawa si Lance. "Yeah, but I don't mind. Si Sheena naman 'yon so
walang problema basta maibigay ko 'yong gusto niya."

Nag-iwas ako ng tingin kay Mama at Kuya. At habang naririnig ko ang pag-uusap ng
magkaibigan ay hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng kasiyahan at umasa na naman.

"Sige na, ingat ka riyan." Mayamaya'y paalam na ni Kuya sa kaibigan.

"Thanks, P're. Pakausap nga ulit sa baby girl natin."

Sabay na napaubo si Mama at Kuya.

Ibinalik ni Kuya ang cell phone sa akin. Naiilang ako sa tinging ipinupukol nila sa
akin kaya inalis ko sa pagkaka-loud speak ang cell phone.

"Happy birthday again, Sheena. Enjoy your special day." Ani Lance.

"Thank you, lalo na sa mga regalo mo."


"You're welcome. So paano, next time na lang ulit kasi may family date pala kayo."

"Oo, treat ni Kuya."

"Sana nandiyan ako para makasama ako sa family date ninyo." Natawa ako. "Family
date nga, eh."

"Oh, bakit? Family naman ako, ah. Ako 'yong nawalay ninyong kapatid."

Aray!

"Di ba?"

"O-00." Sang-ayon ko na lang. "Sige na, ibababa ko na 'to. Ingat ka na lang diyan."

Thanks, kayo rin. Have fun, Sheena. I missed you."

Hindi ako umimik dahil alam kong nakikinig ang pamilya ko.

"Sabi na hindi mo talaga ako na-miss, eh." May hinampong sabi niya.

"-I missed you too..." Napangiti ako nang sabay na namang umubo si Mama at Kuya.
Pero si Kuya ang pinaka-oa sa pag-ubo.

"Sa wakas inamin mo rin. Oh, sige na happy birthday na lang ulit, baby. Enjoy,
bye!"

"Bye... Pagbaling ko sa pamilya ko ay pareho silang nakatingin sa akin.


Nakahalukipkip pa si Kuya habang nakasandal sa pader. "What? Bakit ganiyan kayo
makatingin sa akin?"

"Masaya 'yan?" Seryosong tanong ni Kuya Simon.

Malawak akong ngumiti dahil hindi lang ako masaya kundi masayang-masaya. "Oo naman.
Masaya ako dahil kumpleto tayo ngayon at ililibre mo kami. 'Di ba, Ma?"

"Oo naman." Si Mama.

"Tss! Ang plastic mo."


Sabay kaming natawa ni Mama dahil sa ginawang pag-irap ni Kuya. Ang cute kasi niya.

GIRLONFIRE28

11

Thank you po sa inyong nandito. Light story lang to hehe.

11

Chapter 9

Chapter 9

Chapter 9

SHEENA POV

"HINDI pa ba nangangalay 'yang pisngi mo?"

Napalingon ako sa kanan ko kung saan nakaupo si Kuya Simon. Nasa loob kami ng
sinehan at isang family movie ang napili naming panuorin.

"Ako ang nangangalay sa ginagawa mo, Sheena." Aniya pa.

"Bakit ba? Wala naman akong ginagawa, ah. Nanunuod lang ako."

"Talaga ba? Eh, bakit ngiting-ngiti ka pa samantalang nakakaiyak na 'yong eksena?"

"Ha?" Tumingin ako sa unahan at totoo nga na wala namang nakakatawa o masaya sa
eksena.

Nag-iiyakan kasi ang mga bida dahil namatay ang kanilang padre de pamilya na
magkakaaway silang magkakapatid.

Napatingin ako kay Mama at Papa na nasa kaliwa ko. Napangiwi ako nang makita kong
panay ang pahid ng luha ni Mama at singhot nang singhot. Affected siya sa eksena.

"See? Lahat kami naiiyak na, maliban sa 'yo na kulang na lang ay mapunit ang mga
labi sa maya't mayang pagngiti. Daig mo pa ang nakadroga."

Hinampas ko sa braso si Kuya. "Grabe ka naman sa nakadroga, Kuya."

"Tss! Totoo naman."

"Hamo na, masaya lang ako. Birthday ko naman ngayon kaya pagbigyan mo na akong
ngumiti. Okay?"

"Ewan ko sa 'yo. Nakakatakot ka." Pailing-iling na ibinalik na ni Kuya ang atensyon


sa panunuod.
Nanuod na rin ako pero mayamaya lamang ay muling napunta sa ibayong mundo ang isip
ko. Simula nang makausap ko si Lance kaninang umaga, hindi na mawala-wala ang ngiti
sa mga labi ko. Pinipigilan ko naman pero namamalayan ko na lang na nakangiti na
naman ako. At para sa akin ito na ang pinakamasayang birthday ko. Hindi dahil
nakatanggap ako ng mamahaling regalo mula kay Lance kundi dahil naalala niya ako.
Hays, Lance. Ano bang ginawa mo para mahulog ako sa yo nang ganito. Balewala na
naman yong effort ko na hindi ka kausapin sa nakalipas na mga buwan.

Isang tapik sa braso ang pumutol sa pangangarap ko nang gising.

"Bakit na naman ba?" Kunwari ay inis na tanong ko kay Kuya. "Manuod ka na lang
kasi."

"Puwede bang tigilan mo muna 'yang kakangiti mo?"

"Oo na." At para makapag-concentrate na siya sa panunuod at hindi ma-distract sa


kakangiti ko, kinuha ko sa bag ko ang face mask at saka isinuot. Sa pamamagitan
niyon ay malaya akong makakangiti hangga't gusto ko.

Mahina akong natawa nang pumalatak si Kuya habang umiling-iling.

Nang mga sumunod na sandali ay tumahimik na siya dahil hindi na niya nakikita na
nakangiti ako.

Pagkatapos ng pelikula na halos hindi ko naman mas'yadong naintindihan ay sama-sama


na kaming lumabas ng sinehan. Para kaming magkakatropa. Nakaabresiyete si Mama kay
Papa habang ako naman ay kay Kuya Simon.

"Kakain na ba tayo, 'Ma?" tanong ni Kuya kay Mama.

"Maglakad-lakad muna tayo, 'Nak. Medyo busog pa naman ako. Ikaw ba, Papa?" tanong
ni Mama kay Papa.

"Busog pa rin naman ako. lyang birthday girl ang tanungin natin baka gutom na.

"Busog pa rin ako, Pa. Gala na lang muna tayo."

Napagkasunduan nga naming apat na mamasyal muna bago kumain. Lalo akong naging
masaya nang araw na iyon dahil inilibre kami ni Kuya ng shopping. Tuwang-tuwa ako
dahil bihirang maging galante si Kuya kaya dapat samantalahin na.

Ilang damit din ang napili ko at isang pares ng sapatos.

"Anong mayro'n at sobrang galante mo yata ngayon, Kuya?" Puna ko habang nakapila
kami nito sa counter.

"Birthday mo, 'di ba?"

"Ilang taon na akong nagbi-birthday pero ngayon mo lang ako inilibre ng shopping.
So, bakit?" Pangungulit ko sabay hawak sa braso niya.

"Birthday mo nga."

"Sus, siguro may girlfriend ka na no?" Napangiti ako nang magkulay-kamatis ang
mukha ni Kuya at hindi makatingin ng diretso sa akin. "Naks! So may lovelife ka na
nga?"

"Huwag ka ngang maingay.


"Asus! Sinong malas na babae, ha?"

"Siraulo!" Pabirong binatukan ako ni Kuya dahilan para magtawanan ang mga kasama
naming nakapila sa counter.

Para kaming mga batang nagkulitan.

Pagkatapos bayaran ni Kuya ang pinamili namin ni Mama ay naglakad-lakad pa muna


kami ng ilang sandali bago pumunta sa isang restaurant kung saan may reservation si
Kuya Simon.

Naging masaya ang family date namin. Bandang alas nuebe ng gabi nang magpasya
kaming umuwi.

Pagdating sa bahay ay kaagad na akong nagpaalam kay Mama na aakyat na sa kuwarto ko


para magpahinga.

Pagpasok sa kuwarto ko, pasalampak akong umupo sa kama at pagkuwa'y humiga. Habang
nagpapaantok, naisip kong tingnan ang social media account ko. Napaawang ang mga
labi ko nang makita kong mayro'n akong 178 notifications.

"Hala! Sabog na pala ang notif ko." Na-excite akong tingnan isa-isa.

Puros mga birthday greetings 'yon mula sa mga kaibigan ko, katrabaho at pinsan.
Mayro'n ding galing kay Kuya Simon na naka-tag sa akin. Binasa ko isa-isa ang mga
comments sa post niya at ini-like ang mga 'yon. Nag-thank you rin ako sa iba.

Sunod kong tiningnan ang post ni Rachel, may kasamang picture naming dalawa. Nag-
thank you rin ako sa kanilang lahat. Ini-scroll ko pa, mayro'n ding post mula kay
Kuya Joven, Ate Kristine at maging kay Ate Madeline. Sobrang na-touch ako sa mga
messages nila para sa akin. Pakiramdam ko, napaka-espeyal ko kahit ngayong araw
lang.

Ngiting-ngiti ako habang nagbabasa sa mga greetings nila nang biglang may mag-
appear na mukha ko kasama si Lance. Napahawak ako sa dibdib ko dahil biglang
bumilis ang t***k ng puso ko.

"Hala! Nag-post din siya... Oh, my God!" Para akong maiihi sa kilig habang dahan-
dahang binabasa ang nakalagay sa caption. "Hindi puwedeng matapos ang araw na 'to
na hindi ko nababati ang taong isa sa pinakamalapit sa puso ko." Namimilipit sa
kilig na basa ko.

Hindi pa tapos pero parang aatakehin na ako sa puso.

"To you, our baby girl, happiest birthday! May the Lord grant all your heart
desire. God Bless You, and I miss you!" Basa ko sa huling caption.

"Oh, my God!" Tinakpan ko ng unan ang mukha ko saka ako impit na tumili. At
pagkuwa'y tila bulateng inasinang nagpagulong-gulong ako sa kama.

Literal na namilipit ako sa kilig dahil sa greetings ni Lance para sa akin. Para
akong ballw na nagpapadyak sa sobrang kilig.

Ilang minuto ang lumipas bago naka-recover sa kilig ang puso ko. Umupo uli ako at
paulit-ulit na binasa ang caption ni Lance.

"Whoa! Lord, grabe. Grabe po... Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang binabasa ang
mga comments sa post ni Lance.
At Diyos ko, tuluyan na yata akong mahihimatay dahil sa mga comments sa post niya.

"Naks, girlfriend mo, Sir? Happy birthday." Basa ko sa isang comment.

Karamihan sa comments ay happy birthday at kung girlfriend daw ba ako ni Lance.


Wala mang reply si Lance pero hindi na mahalaga 'yon.

Nagbabasa pa ako ng mga comments nang biglang lumitaw ang pangalan at mukha ni
Lance sa LCD screen ng cell phone ko.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Tumatawag siya? Hala! Anong gagawin ko? Sasagutan ko ba?" Nanginginig ang kamay ko
habang nakatingin sa cell phone ko.

Sa sobrang pagkataranta ay nasagot ko ang tawag niya sa pangalawang tawag niya.


Kaagad na nag-appear ang mukha niya sa screen.

At wala na, tuluyan na akong naloka nang bumungad sa akin ang guwapo niyang mukha.
At pakiramdam ko, naging triple ang taglay niyang kaguwapuhan dahil nakasuot ito ng
uniform ng isang Navy.

Kalma, heart. Utang na loob, please?

"Hi, birthday girl!" Nakangiting bati niya sa akin.

"H-Hi." Nauutal na ganting bati ko.

"Kumusta ang family date?"

Utang na loob, wag ka munang ngumiti! "M-Masayang-masaya.."

"Wow! That's good to hear. Pareho tayo, masayang-masaya." Ang lawak ng ngiti niya
at nakakahawa 'yon kaya napangiti na rin ako.

"Hindi mo ba itatanong kung bakit ako masaya ngayon?"

Huwag mong sasabihing may girlfriend ka na, tang'na! "B-Bakit nga ba?"

"May good news ako." Aniya at inilapit sa screen ang dibdib nito kung saan may
nakalagay na tatlong stars at sa kabilang side ay ang nameplate niyang L. De Asis.

"Nakita mo?" Lumayo na siya sa screen.

"Yong stars, yes. Para saan ba ang stars na 'yan?"

"Promoted ako! From a captain to Vice Admiral, baby! Did you hear that? Na-promote
ako!" Mababakas ang matinding tuwa sa mukha niya maging sa boses niya. "Na-promote
ako, baby!"

Tumambling na naman ang puso ko dahil baby na lang ang tawag niya sa akin at wala
na ang girl.

"Wow, talaga?" Pati ako ay natuwa na rin para sa kanya.

"Yes! Gustong-gusto kong ibalita 'to sa mga kaibigan ko pero hindi ko sila
mahagilap, mabuti na lang sinagot mo ang tawag ko. I am very happy.

Tila may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko dahil kasali ako sa gusto niyang
makaalam ng big achievement niya.

"Congratulations! Deserve mo 'yan dahil magaling ka naman talaga, Vice Admiral


Lance De Asis!"

"Naks, buo ah. Bagay ba?" Tumayo ito ng tuwid at ipinakita sa akin ang kabuuan
niya. Napakatikas niya sa suot na uniform. Wala akong masabi sa taglay niyang
kaguwapuhan.

"Hey, bagay ba sa akin?" Untag niya.

"Ah, o-oo. Bagay na bagay..."

Muli siyang umupo. "Thank you, Sheena."

"You're welcome. Deserve na deserve mo 'yan pero teka anong rank ba 'yan?" Tanong
ko dahil wala naman akong mas'yadong alam sa nature ng trabaho niya. Basta ang alam
ko navy siya.

"Rank 2"

Nanlaki ang mga mata ko. "Sa lahat ng navy?"

"Uhuh."

"Wow! Grabe naman pala talaga ang achievement mo. Congratulations!"

"Thank you. Excited na rin akong sabihin sa mga kaibigan ko. Sayang nga, wala akong
kasama nang tanggapin ko ang award kanina.

Nagkagulatan na lang kanina na may award pala ako. Vice Admiral na ako, baby girl!"

"Oo nga, congratulations ulit. Ang galing galing mo. For sure matutuwa rin ang mga
kaibigan mo kapag nalaman nila 'tong achievement mo."

"Yeah, sana sagutin nila ang tawag ko mamaya."

Try mo ulit silang tawagan."

"Yeah, I will. Pag-uwi ko magsi-celebrate tayong lahat, ha.

"Naks, sige ba para matikman ko naman ang libre ng isang Vice Admiral Lance De
Asis."

"Sure, maliit na bagay. Basta pag-uwi ko soon."

Parang kinikiliti ang puso ko sa bawat ngiting ibinibigay niya sa akin.

"Soon? Bakit, kailan ba ang uwi mo?" Pasimple kong tanong. Grabe, Sheena, para-
paraan?

"Secret."

Napasimangot ako. "May gano'n?"

"Basta, surprise na lang kung kailan. Magugulat na lang kayo nasa harapan niyo na
ang kaguwapuhan ni Vice Admiral Lance De Asis." Napangiti ako. "Okay."

Nang magsimula na naman siyang magkuwento ay mataman akong


nakinig sa kaniya at totoong napakasaya ko para sa achievements niya.

Tumagal pa ng kalahating oras ang kuwentuhan naming dalawa bago siya nagpaalam sa
akin.

"Thank you talaga, Sheena."

"Wala 'yon. Thank you rin pala sa birthday gift mo saka sa pagbati mo online at sa
pag-share ng achievement mo. I really appreciate it."

"Oo naman, ikaw pa ba?"

Nagtama ang mga mata namin. Ilang segundo rin 'yon bago ako nag-iwas ng tingin.

"So, paano? Good night na?" Aniya.

Tumango ako. "Good night."

"Okay. Happy birthday ulit. Good night and sweet dreams, baby girl."

"Ingat. S-Sweet dreams..."

Nagpalitan kami ng ngiti bago tuluyang tinapos ang tawag. Wala na siya sa screen
pero titig na titig pa rin ako roon at parang nakikita ko pa rin ang mukha niya.

Pabagsak akong humiga at ipinatong ang cell phone sa dibdib ko. Napatitig ako sa
kisame at pagkuwa'y nagtakip ng mukha gamit ang mga palad ko.

Lord, parang ayaw ko pa pong matapos ang araw na 'to pero hindi ko na po kinakaya.
Kotang-kota na po ako sa kilig. Puwede po bang bukas naman yong iba?

Hays.... Ang sarap na namang umasa.

GIRLONFIRE28

Good morning people! Thank you sa inyong lahat na nandito para samahan ako sa
kuwento ng pag-ibig ni Lance at Sheena. Kinikilig din ako sa comments niyo hehe

"

Chapter 10

Chapter 10

SHEENA POV

"GOOD MORNING, EVERYBODY!" Masayang bati ko sa pamilya ko habang pababa ako ng


hagdan.

Natanaw ko kasi silang nasa sala at mukhang maaga ang tsismisan nilang tatlo.
Sabay-sabay silang napatingin sa akin.

"Good morning!" Muling bati ko nang tuluyan na akong makalapit sa kanila. Tumabi
ako kay Kuya. Nagtaka ako nang walang bumati sa akin pabalik bagkus ay mataman
silang nakatingin sa akin.

Natawa ako. "Mày dumi ba ako sa mukha at ganiyan kayo kung makatingin?" Kinapa ko
pa ang mukha ko saka pinunasan. "Mayro'n pa ba?"

"Mukhang may hang over ka pa, Sheena." Si Kuya.

"Ha? Anong hang over, Kuya, eh hindi naman ako nag-inom?"

"Hang over sa kilig ang ibig kong sabihin."

"Hindi, ah." Deny ko na ikinaismid ni Kuya.

"Huwag mo nang ideny dahil halatang-halata naman." Walang prenong sabi niya na
ikinangiti ko.

Maging si Mama ay napangiti rin maliban kay Papa na parang naguguluhan sa pinag-
uusapan namin.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Kuya. "Sinong nagpapakilig sa 'yo,


Sheena? May manliligaw ka na agad?"

Lumipat ako sa tabi ni Papa. "Wala, Pa."

"Yong totoo?" Paniniyak niya.

"Wala nga ho, Pa. Saka kung mayro'n man, kayo ni Mama ang unang makakaalam,
promise."

"Sigurado ka?"

"Yup!" Mukhang nakumbinsi ko naman si Papa dahil hindi na niya ako kinulit tungkol
doon.

Habang si Mama nama'y pangiti-ngiti lang sa kabilang side ni Papa.


Nakipagkuwentuhan pa ako sa kanilang dalawa bago nagpaalam na

papasok na ako at sa hospital na lang mag-aagahan.

Medyo late na kasi ako dahil mas mahaba pa ang ginawa kong pagtunganga kaysa ang
mag-ayos ng sarili ko. Hindi pa kasi ako nakaka-get over sa mga nangyari kahapon at
kagabi ay mayro'n na naman. Ang aga kong nakatanggap ng message mula kay Lance.
Simpleng good morning at ingat sa work lang 'yon pero grabe 'yong kilig ko.
Pakiramdam ko, buo na ang araw ko.

At bago pa ako tuluyang ma-late sa trabaho ay muli na akong nagpaalam sa kanila.

Nasa labas na ako nang sumunod si Kuya at sinabing ihahatid niya ako na kaagad ko
namang sinang-ayunan. Pagsakay ko pa lang sa kotse niya ay binuksan ko ang radio.
Eksakto namang ang kantang "Crazy For You by Madonna" ang tugtog.

Masaya at feel na feel na sinabayan ko ang kantang 'yon. Ginawa ko pang mic ang
kamao ko.

"If you read my mind, you'll see I'm crazy for you...! Crazy for you baby... oh
yeah! Crazy for you!" Bigay todong pagkanta ko habang pabaling-baling pa ang ulo
ko.
"Because I'm crazy for you, touch me- awtomatikong napahinto ang pagkanta ko nang
biglang tumigil ang tugtog. "Kuya, ba't mo pinatay."

"Ang pangit ng boses mo. Ang sakit sa tainga."

Napaingos ako sa panlalait nito sa boses ko. "Ang ganda kaya."

Hindi siya umimik.

"Nakita ko 'yong post ni Lance, ah."

Napahinto ako sa tangkang pagbuhay uli ng radio nang marinig ang sinabi ni Kuya.
Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya at sa daan nakatutok ang mga mata niya.

"Uhm, nag-thank you ako."

Hindi siya umimik.

"May problema ba, Kuya?" Doon siya tumingin sa akin. "Kuya."

"Sinabi ko na sa 'yo na hindi ko sasaklawan ang damdamin mo pero

hindi ko maiwasang mag-alala sa 'yo, Sheena."

"Kuya, okay ako. Masaya naman ako."

"Ngayon oo, paano bukas? Sheena, ayokong makitang nasasaktan ka. Kaya sana hangga't
walang sinasabi sa 'yo si Lance maghinay-hinay ka muna sa nararamdaman mo."

"Kuya..."

"Mahal mo si Lance at lahat ng gawin niya para sa 'yo ay hindi mo maiiwasang bigyan
ng mas malalim pang kahulugan, Pero, Sheena, kilala ko si Lance likas na sa kaniya
ang maging galante at malambing. At ayokong masyado mong paasahin ang sarili mo,
masasaktan ka, Sheena. Mababakas ang pag-aalala sa tinig ni Kuya habang sinasabi
'yon.

"Naiintindihan ko ang pag-aalala mo para sa akin, Kuya, at gusto kong magpasalamat


dahil doon. Pero sa maniwala ka't sa hindi, sinubukan ko siyang kalimutan. I tried
my very best for the fast years pero sa tuwing may gagawin siyang nakakapagpakilig
sa akin, hindi ko maiwasang hindi umasa na baka may special feelings din siya para
sa akin na hindi lang niya kayang aminin. Na baka inaalala niya ang friendship niyo
kung sakaling susugal siya."

Bumuntong-hininga ito. "Paano kung hindi? Paano kung wala?"

Nanikip ang dibdib ko at nakagat ang ibabang labi.

"Sheena, huwag mong isipin na kontrabida ako sa kaligayahan mo dahil hindi gano'n
'yon. Kaibigan ko si Lance at kilala ko siya. At kung sakaling may gusto nga siya
sa 'yo, ako ang unang makakaalam niyon dahil alam ko kung paano siya tumingin sa
isang babae. Hindi ko pa nakikitang tumingin siya sa 'yo na may malisya, na gusto
ka niya."

Nalungkot ako bigla pero hindi ko ipinahalata sa kaniya bagkus ay nginitian ko siya
nang matamis.

"Gets kita, Kuya, pero puwede bang huwag mong sirain ang magandang mood ko? Alam
kong kabaliwan 'tong nararamdaman ko sa kaibigan mo pero masaya ako. Si Lance ang
nagpapasaya sa akin. Kontento na ako sa kung ano ang kaya niyang ibigay, kung
pagmamahal kapatid man 'yon, okay lang. Basta alam kong mahal niya ako."

Napailing-iling si Kuya at makailang ulit na nagpakawala ng napakalalim na buntong-


hininga.

"I'm okay, Kuya, kaya hayaan mo na ako, ha? Masaya ako promise."

"Okay. Nakikita ko namang masaya ka talaga."

"Thanks, Kuya."

"Kuya's always here for you, Sheena. Huwag na huwag kang mahihiya na magsabi sa
akin, ha?"

Sa pagkakataong iyon ay tunay na ang mga ngiti ko. Humilig ako sa balikat ni Kuya.
"I know. And I love you for that, Kuya. Hayaan mo,

magiging supportive din ako sa lovelife mo."

Tipid siyang tumawa at parang batang ginulo ang buhok ko at pagkuwa'y napangiti
kami sa isa't isa.

"Kalmahan mo lang, ha?" Pakiusap pa niya.

"I will

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa hospital. Nagmamadali na akong bumaba


dahil may sampung minuto na lamang ako.

Bago tuluyang pumasok ay kinawayan ko pa muna si Kuya na hindi pa rin umaalis,


mukhang hinihintay pa niya akong makapasok sa loob.

Nang magsimula akong magtrabaho, pinilit kong iwaksi sa isip ko ang mga bagay na
walang kinakaman sa trabaho ko. Maging ang sinabi ni Kuya ay kinalimutan ko muna at
nagtagumpay naman akong gawin 'yon.

Pag-uwi ko ng araw na 'yon ay muli akong nakatanggap ng message mula kay Lance.
Nagdalawang-isip ako kung magre-reply ba ako o hindi pero sa huli, nanaig na naman
ang sigaw ng puso ko.

Naging gano'n ang routine namin ni Lance araw-araw. Sa umaga, magmi-message siya sa
akin at kung minsan nama'y simpleng quotes ang ipapadala niya. Pagdating naman ng
gabi, mag-iiwan siya ng voice message para mag-good night at may pagkakataong
tatawag siya para mangumusta.

Hindi naman napagod si Kuya Simon sa kakapaalala sa akin na maghinay-hinay ako


habang walang sinasabi si Lance sa akin. Maging si Rachel na best friend ko ay
hindi rin nagkulang ng paalala sa akin.

Pero sa paglipas ng mga araw at linggo ay mas lalo lang yumabong ang nararamdaman
ko para kay Lance. At tama si Kuya noon na lahat ng gawin niya para sa akin ay
bibigyan ko ng mas malalim na pakahulugan.

"Ibang klase talaga. Nakakakanta pa kahit tambak na ang trabaho."

Napatigil ako sa pagkanta. At mula sa ginagawa ko ay nag-angat ako ng tingin.


Nakatayo sa harapan ko si Rachel sabay patong sa table ng mga blood at urine sample
na tatrabahuhin ko.

"Ang dami yatang pasyente ngayon, ah."

"Tss. Huwag mong ibahin ang usapan."

Natawa ako. "Hindi naman, ah. Napansin ko lang na ang daming blood at urine sample
ngayong araw. Hindi na nauubos 'tong ginagawa ko, eh." Sagot ko na totoo naman.

Late na nga akong nakakain ng lunch para mabawasan na ang mga

Muli kong itinuon ang pansin at atensyon sa trabaho ko. Nang mga sumunod na sandali
ay naging mas abala na kaming lahat. Sobrang dami talagang pasyente ngayon.

Mag-aalas singko na pero ang dami pa rin talaga. Uso kasi ang dengue kaya kapag may
lagnat ay inaagapan na nilang patingnan.

Mapabata man o matanda. At karamihan sa mga bata ay positive sa dengue.

Lagpas alas singko na pero wala pa ang kapalitan kong Med-Tech kaya hindi ako
makapag-out basta-basta kahit gustong-gusto ko nang umuwi.

Pasado alas sais na ng dumating si Patricia, ang kapalitan kong Med-Tech.

"Girl, sorry. Na-late ako, ha? Nagsuka kasi 'yong anak ko kaya hindi ko kaagad
naiwan." Hinging paumanhin ni Patricia sa akin.

"Hala, eh kumusta na siya ngayon?"

"Okay naman na noong umalis ako. Pasensya ka na talaga, ha."

Nginitian ko siya. "Okay lang, ano ka ba? Siyempre, anak mo 'yon natural lang na
uunahin mo siya."

"Salamat, Sheena."

"Wala 'yon, so paano? Uuwi na ako, ah."

"Sige. Ingat ka pauwi. Pasensya na ulit."

Nakangiti akong tumango at lumabas na.

"Pauwi ka na?" Tanong ni Rachel nang makasalubong ko sa hallway.

"Oo, ikaw? Six ang out mo 'di ba? Tara sabay na tayo." Alok ko.

"Straight duty ako, besh."

"Ha? Bakit?"

"Hindi raw makakapasok si Luna," tukoy nito sa kapalitang nurse sa emergency room.
"Kaya ayon no choice, straight ang duty ko. Kaasar nga, uwing-uwi pa naman na ako."
Nakabusangot ang mukha nito at halata na rin ang iniindang pagod dahil sa maghapong
trabaho.

"Kawawa naman pala ang beshy ko."

"Kawawa talaga dahil pagod na ako. Gusto ko nang umupo, magpahinga at matulog."
pasyenteg naghihintay ng result ng mga test nila. Tanghali pa lang ay pagod na ako
pero nawala 'yon nang maka-recleve ako ng message mula kay Lance at sinabing may
surprise daw siya sa akin ngayon. At yon ang dahilan ng pagkanta at pagngiti ko sa
kabila ng stress at pagod sa trabaho.

"Si Lance na naman?"

Napangiti lang ako at hindi sumagot. Ibinalik ko ang atensyon sa ginagawa ko.

"Pag ikaw paiyak-iyak sa mga susunod na araw, ingungudngod talaga kita. Ilang beses
na kitang sinabihan na huwag masyadong umasa pero sige ka pa rin."

"Pabayaan mo na nga ako. Maging masaya ka na lang kaya sa akin 'no?"

"Ang hirap namang maging masaya kung alam kong wala namang kasiguraduhan 'yang
pagmamahal mo sa kaniya. Ang tigas ng bungo mong bata ka."

"Masaya ako, Chel."

"Ewan ko sa'yo."

"Hindi mo kasi naiintindihan, eh. Mahal ko si Lance at hindi 'yon basta infatuation
lang. Alam mo 'yong pakiramdam na gusto ko siyang makita sa bawat oras? Kaso
imposible dahil nasa magkaibang mundo kami. Alam mo 'yong marinig ko lang ang boses
niya, buo na ang araw ko. Parang magic. Kapag naririnig ko siya, nagugulo ang buong
sistema ko." Paliwanag ko sa kaniya. "Alam mo 'yon?"

"Malamang hindi. Hindi ko pa naman naranasang ma-in love nang kagaya ng sa 'yo, eh.
Fling fling lang ako at crush crush. Kaya kahit mawala sila, hindi big deal sa akin
kasi hindi ko hinahayang mabaliw na kagaya mo."

"Hmm. Ang sarap kayang ma-in love." Nakangiting sabi ko.

Inirapan niya ako na ikinatawa ko.

"Saka mo na sabihin 'yan kapag sure ka nang mahal ka rin ng taong mahal mo. Sa
ngayon, tamang assume assume ka pa, eh."

"Tse!" Inirapan ko rin siya.

"Tse ka rin!" Nag-irapan kaming dalawa at pagkuwa'y sabay na tumawa.

"Diyan ka na nga, balik na ako sa trabaho ko. Baka mahawa pa ako sa kabaliwan mo."

"Ge

Naawa naman ako. "Pareho tayo, besh. Gusto ko na ring umupo, magpahinga at
matulog."

"Sana all makakauwi na. Pero sige na, umalis ka na at alam kong pagod ka na rin. At
ako nama'y may pasyente pa. Aniya at bineso ako.

"Alis na ako, ah." Paalam ko.

"Uhm, ingat ka."

"I will. Bye, besh." Pagkasabi ko niyon ay umalis na ako.

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag nang makalabas ako ng hospital.


"Mukhang ginabi ka yata, Sheena." Puna ni Kuya Rigor, ang guwardya.

"Oo nga po, eh. Na-late ho kasi si Pat kaya ginabi na ho ako." Nakangiting sagot
ko.

"Gano'n ba. Kanina pa nga kita inaabangan, may lalaki kasing naghahanap sa 'yo
kanina kaso mukhang umalis na. Nawala na 'yong sasakyan niya rito sa labas, eh."

"Ah, baka po si Kuya Simon. Hindi bale ho, tatawagan ko na lang ho siya. Binalingan
ko si Kuya Rigor nang hindi umimik.

Sa ibang direksyon siya nakatingin. Sinundan ko ang tinitingnan niya at sa isang


magarang puting kotse nakatuon ang mga mata niya.

"Ayan pa pala 'yong lalaking sinasabi ko sa 'yo, Sheena." Anito nang balingan ako.

Napakunot ang noo ko. "Alin ho?"

"Yong sakay ng puting kotse na 'yan. Siya ang naghihintay sa 'yo kanina, akala ko
umalis na."

Pumarada sa mismong tapat namin ang sasakyan. Hinintay ko ang pagbaba ng taong
lulan niyon.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Lance na siyang bumaba ng magarang sasakyan.
Lance...

Napakaguwapo niya.

"Lance!"

"Hi, Sheena!" Sambit niya sa pangalan ko habang nakapaskil ang napakagandang ngiti
sa kaniyang mga labi. "Na-surprise ka 'no?"

Napatitig ako sa mukha niya. Hindi ko maipaliwanag ang sayang lumukob sa buo kong
pagkatao nang makita siya.

"N-Nakauwi ka na pala..." mahinang sambit ko nang makabawi.

"Yes!" Para akong tuod na hindi makakilos nang sugurin niya ako ng yakap at
mahigpit na ikulong sa mga bisig niya. "I've missed you, Sheena."

I've been missing you too, Lance. Sa loob-loob ko.

Nanginginig ang mga kamay na gumanti ako ng yakap sa kanya. Naramdaman ko ang mga
munting kuryente na dumadaloy sa buong pagkatao ko. Habang yakap ni Lance, tila
tuyong dahon na inilipad ng hangin ang lahat ng pagod na nararamdaman ko kani-
kanina lang

Nakaramdam ako ng munting pagtutol nang tapusin ni Lance ang yakap na 'yon.
Nakangiti siyang tumingin sa akin.

"Na-surprise ka 'no?"

"0-0o. Ito pala 'yong surprise na sinabi mo sa message kanina."

"Yes. Actually, nasa inyo ako nang mag-message ako sa 'yo kanina. Nandon ang buong
tropa, nagpaalam lang ako sandali para sunduin ka. Kanina pa akong 4:30 dito,
mukhang napaaga ang dating ko."

Namilog ang mga mata ko. "Isang oras at kalahati kang naghintay?" Bigla akong
nahiya nang tumango siya. "Hala, sorry." Agad kong hingi ng paumanhin at
ipinaliwanag kung bakit late na ako nakalabas.

"It's okay. Hindi naman ako nainip. Na-miss kita."

Sumirko yata ang puso ko nang magtama ang mga mata namin. First time kong mailang
nang gumala sa mukha ko ang tingin niya.

"L-Lance..."

"Parang lalo kang gumanda ngayon. Tama si Joven at Madeline, blooming ka nga
ngayon."

Nag-init ang pisngi ko at hindi na nagawang magsalita dahil sa labis na saya. Kahit
nang magyaya na siyang umuwi ay tango lang ang naging sagot ko.

Inalalayan niya akong sumakay sa kotse niya at lalong nawindang ang puso ko nang
pagsakay niya ay inabot sa akin ang napakagandang bouquet of flowers.

GIRLONFIRE28

11

Thank you po sa inyong lahat na nandito.

Chapter 11

Chapter 11

Chapter 11

SHEENA POV

"ANONG GINAGAWA natin dito?" takang tanong ko kay Lance.

Inihinto kasi niya ang sasakyan sa tapat ng isang parke na nadadaanan pauwi sa
bahay namin.

Hindi slye sumagot. Nagtaka ako nang bumaba siya at umikot sa gawi ko at binuksan
ang pinto.

Lance, bakit tayo huminto rito?"

Ngumiti siya. "Baba ka muna. Please?" Pakiusap niya nang hindi ako kumilos.

"Okay" Bumaba ako kahit naguguluhan kung bakit kailangan naming huminto rito.

Kulang na lang ay hindi ako huminga nang kunin niya ang isang kamay ko at mahigpit
na hinawakan.

Pumasok kami sa loob ng parke. Tanging mga ilaw mula sa mga poste ang nagsilbing
liwanag.

"L-Lance.." Mayamaya'y sambit ko sa pangalan niya.

"Hmm....?" Sagot niya habang sa ibang direksyon nakatingin.

Mula sa mukha nito ay bumaba ang tingin ko sa magkahugpong naming mga kamay.

"L-Lance, 'y-yong kamay ko." Sinubukan kong bawiin 'yon pero hindi ako nagtagumpay.
Mas lalo lamang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Yong kamay ko, Lance."

Nailang ako bigla pero mas lamang ang kaba. Daig ko pa ang batang may kasamang
matanda na ayaw akong mawala sa tabi niya kaya ganoon na lamang kahigpit ang
pagkakahawak ni Lance. Naghatid 'yon ng kakaibang kilig na tumagos hanggang sa
kaibuturan ng aking puso.

"Kamay ko, Lan-"

"Hawak ko." Itinaas pa nito ang magkahugpong naming mga kamay.

"Alam ko pero puwede bang bitiwan mo na? Hindi naman ako

mawawala, eh."

Doon siya tumingin sa akin. "Ayoko."

"L-Lance..."

"Gusto kong hawakan ang mga kamay mo para maiparamdam ko sa 'yo na importante ka at
ayaw kong mawala sa tabi ko," sabi niya.

Nahigit ko ang aking hininga habang nakikipagtitigan sa kaniya.

"A-Ano bang sinasabi mo?"

"Wala ka pa rin bang idea kung bakit kita dinala rito?" Napaatras ako ng dalawa
nang hawakan na rin nito ang isa pang kamay ko.

Syet! Ito na ba 'yon? Muntik na akong mapasubsob sa dibdib niya nang hilahin niya
ako palapit sa katawan niya. Kahit mahina ang paraan niya ng paghila ay sapat na
'yon para mapadikit ako sa katawan niya.

Nagwala ang buong sistema ko dahil sa pagkakadikit ng aming mga katawan.

"S-Sheena..." paanas na sabi niya.

Hindi ako sumagot bagkus ay tiningnan ko siya na para bang sinasabi ng mga mata ko
na gusto ko ang ginagawa niya. Napaiktad ako nang tumaas ang isang kamay niya at
haplusin ang pisngi ko. Bigla akong nilamig habang magkahinang ang aming mga mata.

"S-Sheena... can I." Narinig ko siyang sunod-sunod na bumuntong-hininga. "C-Can I


kiss you?" mahina niyang tanong.

Saglit akong napatulala. Tatanggi ba ako? Ito na 'yong pangarap ko, nasa harap ko
na.

Siyempre hindi! Kahangalan kung ipagkakait ko sa sarili ko ang maranasang mahalikan


ng lalaking mahal na mahal ko. Ang tagal ko 'tong hinintay. Ang tagal kong
ipinagdasal na sana ay mangyari 'to at heto na.
"Sheena..." untag niya.

Isang mabagal na tango ang naging sagot ko sa kaniya. Nang ngumiti si Lance ay
hindi ko na rin napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi.

Napapikit ako nang hawakan ni Lance ang magkabilang pisngi ko para langat ang ulo
ko at tuluyan niyang sinakop ang mga labi ko. Kusang yumakap ang mga kamay ko sa
kaniyang leeg habang patuloy niyang sinasamba ang mga labi ko.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ganito pala ang pakiramdam na mahalikan sa unang
pagkakataon at ang taong mahal mo ang gumawa

niyon. Parang nakulong ako sa mundong kami lang dalawa ang naroon.

Nagmistula akong tuod habang hinahalikan ni Lance. Ramdam ko ang bawat galaw ng
labi niya sa mga labi ko. Ito ang unang beses na mahalikan ako kaya hindi ko alam
kung ano ang gagawin.

"Open your mouth, baby, pagkuwa'y paanas na utos ni Lance.

Napasinghap ako nang mag-iba ang paraan ng paghalik ni Lance. Mas naging malalim at
mapaghanap. Sa isang iglap, nagawa kong ibuka ang mga labi ko, at hayaang palalimin
ang paraan ng paghalik ni Lance. Hanggang sa namalayan ko na lamang na gumaganti sa
bawat hagod ng mga labi niya. Pinaikot ko sa batok niya ang mga kamay ko.

Tumagal ang halik na 'yon hanggang sa dumako ang mga labi niya sa pisngi ko.
Napangiti kami sa isa't isa nang matapos ang halik. Pareho kaming naghahabol ng
paghinga dahil sa tagal ng aming halikan.

"L-Lance..."

"Kung alam ko lang na ganito kasarap ang mahalikan ka, sana matagal ko nang ginawa.
Sana matagal na akong naglakas-loob na labagin ang rules ni Simon. Muli niyang
hinaplos ang magkabilang pisngi ko, gumapang 'yon patungo sa gilid ng mga labi ko.

"S-Sheena, I think this is the right time to tell you what I really feel for you."

Kulang na lang ay tumigil ako sa paghinga habang nakikinig sa sinasabi niya.

"L-Lance..."

"I love you..." masuyo niyang sabi.

Napasinghap ako, hindi ko napaghandaan ang araw na 'to. Kaagad na namuo ang mga
luha ko. Tears of joy dahil may katugunan pala ang pagmamahal ko para sa kaniya.

"L-Lance... totoo ba?"

"Yes... I love you, Sheena. So much." Pinahid niya ang mga luha ko nang tuluyan ng
tumulo 'yon. "I love you." Puno ng pagmamahal na ulit niya.

"I-I love you, too." Pag-amin ko na ikinalaki ng mga mata niya.

"Mahal mo rin ako?" Tumango ako. "Really? Kailan pa?"

"Matagal na."
"Oh, God!" Tuwang-tuwa sabi niya at binuhat ako, saka pinaikot-ikot sa

ere.

Napatili ako. "Lance! Baka mahulog ako."

"It's okay. Sasaluhin kita."

Sa takot na baka mahulog ay mahigpit akong napayakap sa leeg niya. Manghilo-hilo


ako nang tumigil kami sa pag-ikot habang parehong tumatawa.

Pinagpantay niya ang mga mukha namin. Masuyo niya akong tiningnan. Yong tinging
matagal kong pinangarap na ibigay niya sa akin.

"I love you," sabi niya.

"I love you, too."

"Mahal kita at mahal mo rin ako. So ibig bang sabihin nito ay tayo na?"

Tumango ako.

"Oh, God. Hindi nga? Tayo na talaga? Well, it's okay kung gusto mong ligawan muna
kita."

Napangiti ako. Nakakakilig na gusto niya akong ligawan kahit alam niyang mahal ko
rin naman siya.

"You're smiling, baby. But answer me first, tayo na ba or liligawan muna kita?"

Tumango ako.

"Anong oo? Tayo na?"

Nakangiting tumango uli ako.

"Say it, baby. I want to hear it."

"Oo, t-tayo na. G-Girlfriend mo na ako at boyfriend na kita..."

"Wait," luninga-linga siya sa paligid. "Hindi naman siguro sila magagalit kung
sumigaw ako 'no? What do you think?"

Natatawa ako sa hitsura nito saka umiling. "Hindi naman siguro."

"Yeah, I think so." Mayamaya ay medyo lumayo siya sa akin at bumwelo, saka sumigaw.
"Wohoohoo! Yes! Girlfriend ko na si Sheena! Girlfriend ko na siya!"

Sumuntok-suntok pa siya sa ere habang sinasabi iyon. Napatingin na sa amin ang mga
taong nakatambay sa parke.

Isinubsob ko ang mukha sa dibdib niya nang muli niya akong ikulong sa

mainit niyang mga bisig. Nahihiya ako dahil pinagtitinginan na kaming

dalawa.

"Baby" tawag niya kapagkuwan.


"Hmm?"

"Thank you for making me the happiest man on earth.

"Thank you rin and I love you."

"Say it again, baby," paanas na utos niya.

"I love you, Lance."

Pinakawalan niya ako at inilayo ng bahagya sa katawan niya.

"And I love you, too, Sheena baby" Madamdaming pahayag niya.

Unti-unting bumaba ang mukha niya sa mukha ko at namalayan ko na lang na sakop na


niya ang mga labi ko. Napapikit ako habang ninanamnan ang tamis ng unang halik mula
sa lalaking mahal ko na ngayon ay nobyo ko na. Sa wakas.

Ang banayad na halik ni Lance ay unti-unting naging masidhi at mapaghanap. Ginawa


ko ang isinisigaw ng puso ko. Sinabayan ko ang kaharutan ng mga labi ni Lance. Sa
isang iglap, nakalimutan naming dalawa na hindi lang kami ang tao sa lugar na 'yon.

Tila nawalan na kami ng pakialam sa ibang tao dahil ng mga sandaling 'yon, kami
lang ang mahalaga. Ang mga puso naming nagkakaunawaan na.

Napaungol ako nang sipsipin niya ang dila ko.

"Sheena." Sambit ni Lance sa pangalan ko.

"Hmm..." napaungol ako at napabaling ang ulo para mas bigyan siya ng access sa
paghalik sa akin. "Hmm..."

"Sheena. Hey, Sheena."

Natigilan ako sa ginagawang pagganti ng halik kay Lance nang maramdaman kong
kasabay ng pagtawag sa pangalan ko ay ang mahinang tapik sa pisngi ko.

"Hey, Sheena, wake up." Ang mahihinang tapik sa pisngi ko ay lumipat sa braso ko at
medyo lumakas na. "Sheena, wake up."

Doon ako napadilat. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Lance.

"Lance..." naguguluhang anas ko.

"Yes, it's me, I'm sorry kung ginising na kita, ha? Umuungol ka kasi baka kako
nananaginip ka ng hindi magand-

"Nananaginip ako?" Iginala ko ang mga mata ko at nakita kong nasa loob pa rin ako
ng sasakyan. "H-Hindi tayo pumunta sa parke?" Parang hangin na lang na lumabas sa
bibig ko ang tanong na 'yon.

"Parke? Anong parke?" Pati si Lance ay tila naguluhari na rin. "Nandito na tayo sa
tapat ng bahay niyo. Actually, mag-iisang oras na tayo rito pero hindi kita
ginising kasi ang sarap ng tulog mo."

Kung ganon hindi totoo yong nangyari sa amin ni Lance? Hindi siya nagtapat at hindi
rin niya ako hinalikan? At lalong walang kami?
Tumingin ako sa labas. Nasa tapat na nga ng bahay namin ang sasakyan ni Lance. Wala
kami sa parke. Syet! It was just a dream.

Sunod-sunod ang ginawa kong pagbuntong-hininga, saka inis na napahilamos.


Nakakahiya ka, Sheena!

"Hey, may problema ba?" Nag-aalalang tanong niya kapagkuwan.

"Wala. Pasensya ka na kung nakatulog ako sa kotse mo. Sana ginising mo ako." Hindi
makatingin na sabi ko.

Nahihiya ako sa kaniya at lalong-lalo na sa sarili ko. Syet, Sheena! Ang tanga-
tanga mo.

Tumawa ito. "It's okay. Nakita ko kasing masarap ang tulog mo at napakawalang puso
ko naman kung gigisingin kita. Mukhang pagod ka, eh."

Sana ginising mo pa rin ako para hindi kita napanaginipan! Para hindi ako umasang
tayo na. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya.

"Hey, it's okay, Sheena." Natatawang aniya nang mapansin na medyo nalungkot ang
mukha ko. "Walang kaso sa akin kung tinulugan mo ako. Ayos lang talaga."

Hindi okay sa akin. Hindi!

"Halika na, baba na tayo para sa kuwarto mo na maituloy ang pagtulog mo. Mas
magiging kumportable ka sa kama kaysa rito."

Pilit ko siyang nginitian. "Sige, salamat. Pasensya na ulit, ha. Naabala pa kit-"

"Hey, I said it's okay, Sheena. Giit niya.

Tumango na lamang ako at saka walang kibong bumaba.

Hindi ko na siya hinintay at tangkang papasok sa bahay pero pinigilan niya ako.

"Yong flowers mo naiwan mo." Sabay abot sa akin ng mga bulaklak na

ibinigay niya.

Napilitan akong tanggapin 'yon. "Thank you."

Magkaagapay kaming pumasok at bumungad sa amin ang buong tropa nila na


nagkakasiyahan sa sala. Binati nila kaming lahat.

Tumayo pa sina Ate Madeline at Ate Kristine at bineso ako.

"Hi, Sheena. We're here again." Si Ate Kristine.

"Oo nga, mukhang may party-party kayo, ah. Pilit kong pinasigla ang boses ko.

Yeah, welcome party 'to para kay Vice Admiral Lance De Asis."

"I see. Have fun, guys. Mauna na ako sa taas, ah. Medyo pagod kasi ako." Paalam ko
pero pinigilan ako ni Ate Madeline. "Ate."

"May flowers ka rin, ah." Aniya habang nakatingin sa mga bulaklak na yakap ko.

"Rin?"
"Oo. Mayro'n din kami ni Kristine niyan, 'di ba, Tine?" Baling nito sa kaibigan.

"Oo, mayro'n din kami niyan. Galing kay Vice Admiral. Bukod sa pa-flowers niya may
mga pasalubong pa siyang iba sa amin and for sure mayro'n din para sa 'yo."

Hindi ko alam kung paano magri-react. Para akong itinaas sa pinakaitaas tapos
biglang binitawan at bumulusok sa pinakababa.

"Pati si Mama binigyan niya."

Napatingin ako kay Kuya Simon nang marinig ang sinabi niya.

Tumawa ako. Hindi ko alam kung anong klaseng tawa ang kumawala sa lalamunan ko.

"Wow, talaga?" Kunwari ay masayang sambit ko habang hindi malaman kung saan
ibabaling ang tingin ko.

"Ganiyan ka-generous si Vice Admiral, Sheena." Si Kuya Joven.

"Wow naman. Iba talaga kapag promoted." Tanging nasabi ko.

Nang mga sandaling 'yon ay gusto ko nang pumunta sa kuwarto ko para bigyan ng
kaliwa't kanang sampal ang sarili ko.

'Yong asang-asa na ako na espesyal ako dahil may pabulaklak 'yon pala ay mayro'n
kaming lahat. Saklap.

Hindi naman masyadong masakit. Parang kagat lang ng dinosaur.

GIRLONFIRE28

11

Thank you po sa inyong lahat. Palambing ng vote kapag may extra po kayo. Salamat

Chapter 12

Chapter 12

SHEENA POV

RAMDAM ko ang kirot sa dibdib ko habang nakahiga sa kama ko. At wala naman akong
sinisisi kung bakit nasasaktan ako ngayon dahil kasalanan ko naman 'to. Kasalanan
ko dahil sa pagiging hopia ko na espesyal ako kay Lance. Or should I say, espesyal
naman talaga ako pero hindi sa paraang gusto ko.

"Hays, matulog ka na lang, self." Pagkausap ko sa aking sarili at bumago ng


puwesto..

Mula sa pagkakahiga ay dumapa ako at sumubsob sa unan.


Hanggang kailan kaya ako aasa na magugustuhan din ako ni Lance? Kailan ako titigil
sa pagmamahal ko sa kaniya? Kapag ba nakita kong taken na siya? Kapag ba nakita
kong masaya na siya sa iba? O kapag nakita kong ikinasal na siya sa ibang babae?

"Arghh! Hanggang kailan, Sheena?" Gulong-gulo na ang puso't isip na bumago na naman
ako ng puwesto.

Hindi ako mapakali. Hindi ako mapalagay. Damang-dama ko ang pagtutol sa puso ko sa
isiping may pakakasalang iba si Lance. Pakiramdam ko kapag dumating sa puntong
'yon, guguho talaga nang bongga ang mundo ko.

You should tell him what you feel. Profess your love. Habang gulong-gulo ang isip
ay biglang sumagi sa isip ko ang sinabi noon ni Mama sa akin bago umalis si Lance.

Maraming beses ko namang sinubukang sabihin kahit noong nasa malayo siya pero
tuwing gagawin ko 'yon palagi akong pinapangunahan ng matinding takot.

Sunod-sunod na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago muli na namang napatulala sa


kawalan.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatunganga bago

nagpasyang itulog na lang ang lahat ng gumugulo sa isip ko. Pero pagkaraan ng
mahabang sandali ay dilat na dilat pa rin ang

mga mata ko. Hindi ako makatulog kahit patang-pata sa pagod ang katawan ko.

Pasado alas onse ng gabi nang magpasya akong lumabas ng k'warto, nakaramdam kasi
ako ng gutom. Na-realize ko na hindi pa nga pala ako naghahapunan dahil pagkatapos
kong umakyat ng kuwarto ay hindi na ako bumaba kahit nakailang tawag sa akin si
Mama at Kuya.

Dahan-dahan ang ginawa kong pagbaba ng hagdan upang hindi nila ako mapansin. Nag-
iinuman pa kasi ang magkakaibigan at malakas na nagtatawanan. Bakas ang kasiyahan
sa bawat hagalpak ng tawa nila.

Pasimple ko silang sinilip. Ang sarap nilang pagmasdan. Ang saya-saya nilang lima.

Sa pagkakataong 'yon ay totoo na ang ngiting pinakawalan ko bago tuluyang dumiretso


sa kusina.

Naghanap ako ng puwedeng makain pero wala akong nagustuhan sa mga pagkaing naroon.
Puro karne kasi. Mukha namang masasarap kaso hindi ako mahilig sa meat.

Hanggang sa noodles na lang ako nauwi. Wala pang kinse minutos ay naluto ko na
'yon, naglaga rin ako ng itlog.

Hindi pa man ako tapos kumain ay pinagpapawisan na ako dahil maanghang ang noodles
na kinakain ko.

Nangangalahati na ako sa kinakain ko nang maamoy ko ang pamilyar na amoy na pumasok


sa kusina.

"Hi!" Nanigas ako nang marinig ang masayang boses ni Lance.

Dahan-dahan akong lumingon at agad na napatayo nang makita kong gumiwang ang
katawan niya. Kaagad ko siyang hinawakan sa braso
at sa beywang saka pinaupo.

"Thank you, baby girl." Natatawang sabi niya.

"Mukhang nakakarami na kayo, ah." Puna ko at bumalik sa upuan.

"Medyo. Ang kulit kasi ni Joven, ayaw niyang pumayag na hindi namin ubusin 'yong
alak na dala ko." Halatang may amats na si Lance dahil bukod sa medyo iba ng
magsalita ay namumungay na rin ang mga mata.

"Kain." Alok ko habang nakatungo saka sunod-sunod ang ginawang magsubo at paghigop
ng sabaw.

Nag-angat ako ng tingin nang tumawa si Lance.

"Baka naman madala mo na ako niyan, ha?" Nakangiting sabi niya habang namumungay pa
rin ang mga mata. Napangiti ako at pagkuwa'y napailing nang walang anu-ano'y

sumubsob ito sa lamesa.

"Gusto mo ba ng kape?" alok ko.

Nag-angat siya ng ulo at tumingin sa akin. "Puwede?"

"Oo naman. Sandali at ipagtitimpla kita." Sabi ko sabay tayo.

Ipinagtimpla ko siya ng kape. Mabuti na lang at pareho kami na black coffee ang
gusto kaya palagi kaming may stock.

"O, kape ka muna para mawala ang amats mo."

Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko habang iniaabot dito ang tasa ng
kape. At ayon na naman ang tila kuryenteng dumaloy sa mga kamay ko nang magdikit
ang mga balat namin.

"Thank you," aniya.

Ngiti lang ang naging sagot ko sa kaniya.

"Sheena... mayamaya ay tawag niya.

"Yes?"

"Bakit pala hindi ka naki-join sa amin? Nakailang patawag ako sa 'yo kay Simon,
ah."

"Pasensya ka na, pagod lang talaga ako kanina. 'Di ba nga nakatulog

pa ako sa sasakyan mo habang papauwi."

"Yon ba talaga?" Paniniyak niya.

"Ha? Anong Ibig mong sabihin?" takang tanong ko.

Humigop muna ito ng kape at mukhang nakalimutan niyang mainit yon dahil napangiwi
siya nang mapaso ang dila.

"Mainit pala. Natawa ito.


"Malamang kape 'yan, eh. Hipan mo muna kasi."

"Sabi ko nga." Hinipan nga niya ang kape saka muling humigop. Pagkatapos ko namang
maubos ang kinakain ko ay tumayo na ako, saka niligpitan ang kinainan ko.

"Sheena..."

Muntik ko nang mabitawan ang bowl na hinuhugusan ko nang biglang magsalita si


Lance. Pigil ang paghinga ko nang pagharap ko sa kaniya ay halos maglapat na ang
mga katawan namin sa sobrang lapit.

Awtomatikong napaatras ang mga paa ko dahilan para bumangga sa lababo ang puwetan
ko.

"L-Lance...may k-kailangan ka ba?" nauutal na tanong ko.

"Wala, pero nasusuka ako."

"Ha? Nasusuka-, Lance!" Nataranta ako nang muntik na siyang matumba mabuti na
lamang at naging maagap ako sa pag-alalay sa kaniya kaya hindi siya tuluyang
natumba.

"Nasusuka ako." Daing niya.

Inilapit ko siya sa lababo. "Isuka mo na para guminhawa ang pakiramdam mo." Sa


nanginginig na mga kamay ay sinimulan kong hagurin ang likod niya.

Mayamaya pa'y inilabas na nito ang mga nainom at nakain. Napangiwi ako nang maamoy
ang maasim niyang suka. Ang sakit sa ilong pero hindi ko siya magawang iwan dahil
baka kung mapaano siya.

"Iwan mo na ako. Ang baho ng suka ko, Sheena." Tila nahihiya niyang pagtataboy sa
akin.

"Sige lang, ilabas mo lang 'yan

Huwag mo akong alalahanin, hindi ko ikamamatay ang amoy ng suka mo

Sumuka na naman siya nang sumuka. Parang ako ang nahihirapan sa bawat pagduwal
niya. Hindi ako tumigil sa paghagod sa likod niya kahit nangangawit na ang braso ko
dahil ang tangkad ni Lance.

"Okay ka na ba?" Kusang lumabas ang malambing na tanong sa bibig

ko.

Nagmumog muna ito bago sumagot. "I think so."

"Okay, halika, maupo ka muna." Inalalayan ko siyang makaupo.

"Thank you, Sheena."

Napailing na lamang ako nang sumubsob siya sa lamesa at mayamaya lamang ay payapa
na ang paghinga.

"Lance... tawag ko pero walang tugon mula rito.

Lumapit ako sa kaniya at sinilip ang mukha niya, saka ko na-realize


na nakatulog na siya sa kinauupuan niya.

Pinagkasya ko na lang ang sarili sa pagtitig kay Lance. Ilang sandali pa, umangat
ang kamay ko pero nabitin lang sa ere dahil

nagdalawang-isip ako kung gigisingin ko ba siya o hindi. Pero alam kong hindi siya
kumportable sa puwesto niya, malamang sasakit ang likod niya o baka mahulog pa siya
tapos mabagok.

Ang on mo na, Sheena, Piping sikmat ko sa sarili ko.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nagdesisyong tawagin si Kuya para magpatulong
na dalhin sa guest room si Lance. Ngunit pagdating ko sa sala ay wala na roon ang
magkakaibigan. Tanging si Ate Myra ang naroon at nagliligpit ng pinag-inuman.

"O, Sheena, gising ka pa pala?" aniya nang makita ako.

"Kumain ako, Ate. Ahm, tulog na ba sina Kuya?"

"Ay oo, umakyat na ang kuya mo. Mukhang lasing silang lahat. Sina Madeline naman at
Kristine ay nasa guest room na rin pati si Joven

"Ah gano'n ba?" Napapalatak ako. "Paano kaya 'yon?"

"Paano ang alin?" Tumigil si Ate Myra sa pagliligpit at muling bumaling sa akin.

"Ate, kasi si Lance..."

"Ay oo nga, nasaan na ba ang isang 'yon?"

"Ate nasa kusina siya kaya hinahanap ko si Kuya. Nakatulog kasi siya pagkatapos
sumuka."

"Ay siya, gisingin mo na lang dahil tulog na ang mga kaibigan niya. At saka hindi
rin siya mabubuhat ng mga 'yon dahil mga lasing na rin."

"Ay sige, Ate, gigisingin ko na lang."

"Sige, ikaw na ang bahala sa kaibigan ng kuya mo. At ako'y tatapusin > na ito para
makatulog na rin ako. Hating-gabi na."

Tumango lang ako at binalikan na si Lance sa kusina. Tulog na tulog pa rin ito
habang nakasubsob sa lamesa.

"Lance..."

Gumagalaw-galaw ang ulo niya.

"Lance..." marahan kong tinapik-tapik ang pisngi niya. Mabagal niyang iminulat ang
mga mata. "Lipat ka sa kuwarto para makatulog ka ng

maayos."

Tiningnan lamang niya ako at muling sumubsob sa lamesa.

"Lance... lipat ka muna sa kuwarto." Inuyog ko ang balikat niya.

"Hmm..." Umungol ito.


"Lance, gumising ka muna, please? Para makatulog na rin ako." Doon siya nagmulat ng
mga mata. Namumungay ang mga mata niyang nakatunghay sa akin.

Inalalayan ko siyang makatayo. Inilagay ko sa balikat ko ang isang braso niya.


Hinawakan ko 'yon habang ang isang kamay ko ay nasa beywang niya. At pagkuwa'y
nagsimula na kaming maglakad kahit pagiwang-giwang.

"Sheena... anas niyang sambit sa pangalan ko nang malapit na kami sa guest room.
dalawa ang guest room namin, isa ang ukupado ni Ate Madeline at Ate Kristine. At
dito sila ni Kuya Joven sa isa pa.

"Nandito na tayo, teka lang." Gamit ang isang kamay ay binuksan ko ang pinto.
Muntik na namang matumba si Lance.

Inakay ko siya hanggang kama. Hinanap ko si Kuya Joven pero wala siya sa kuwartong
'yon.

Nasaan yon?

"Lance!" Nataranta ako nang paghiga niya ay nadala niya ako, bumagsak ako sa ibabaw
niya.

Ramdam ko ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako kumportable sa posisyon
naming dalawa dahil babae ako at lalaki siya.

Akma akong aalis sa ibabaw niya nang pumaikot ang mga braso niya sa katawan ko.
Napasinghap ako.

"Lance, ano ba?" Pinilit kong makawala sa pagkakayakap niya. Dapat masaya ako dahil
naranasan kong mayakap ni Lance pero hindi ko kayang gawin 'yon dahil alam kong
lasing siya.

"Lance, please let me go." May halong pakiusap na sabi ko.

Pero sa halip na pakawalan ay lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. At


muli akong napasinghap nang kasingbilis ng kidlat ay nagawa niya akong pailaliman.
Idinagaan niya sa akin ang kaniyang buong bigat.

Oh, God! Sheena, itulak mo siya. Sampalin mo siya! Lasing si Lance, hindi niya alam
ang ginagawa niya... Nataranta ako at nanulak.

"Lanc-" Naumid ang dila ko nang walang anu-ano'y sakupin ni Lance ang mga labi ko.
Marahan ngunit mariin at mapusok. Dagli akong hindi nakapag-isip dahil nalulunod
ako sa ginagawang paghalik ni Lance sa

akin.

Magkahalong tuwa at takot ang nararamdaman ko ng mga sandaling yon.

Nilabanan ko ang sarili kong damdamin. Alam kong mali 'to pero hindi ko ikinakaila
na gusto ko.

Napatulala na lamang ako nang maramdaman ang isang palad ni Lance sa dibdib ko.
Dumadama at pumipisil. Hindi sapat ang tilang suot ko para hindi ko maramdaman ang
init na hatid ng bawat pisil ng palad ni Lance.

Nagtatalo ang puso't isip ko kung hahayaan ko ba siya o pipigilan ko siya dahil
lasing siya.
Mali 'to, Sheena. Please, pigilan mo siya- Natigilan ako sa pag-iisip nang
pakawalan ni Lance ang mga labi ko at nagsalita.

"Hirap na hirap na akong pigilan ang nararamdaman ko para sa 'yo, Ang tagal ko nang
kinikimkim sa puso ang totoo na...na mahal na mahal kita." Mahina niyang sabi pero
sapat na upang marinig ko.

"Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob kasi natakot ako... naduwag ako noon na
aminin sa 'yo pero ngayon ay hindi na..."

Tila tuyong dahon na tinangay ng hangin ang lahat ng agam-agam sa puso ko matapos
ang pagtatapat na 'yon ni Lance.

Chapter 13

Chapter 13

SHEENA POV

NAPASINGHAP ako kasabay ng tila pagkakagising sa masarap na pagkakatulog nang


maramdaman ko ang kamay ni Lance sa pagkababaé ko. Hindi ko namalayang nagawa na
niyan ipasok ang isang kamay sa loob ng panjama at panty ko.

Sandali akong napatulala at pagkuwa'y nanulak.

"Lance, huwag!" Pilit kong inalis ang kamay niya sa pagkababaé ko.

Ramdam ko ang matinding init dahil sa ginagawa niya pero mali 'to. Oo nga at mahal
ko siya pero hindi ko pala kaya. Hindi sa ganitong paraan ko gustong ibigay ang
iniingatan kong puri.

Pero naging pangahas at agresibo si Lance, marahil dahil sa espirito ng alak sa


katawan niya.

"Lance, please! Huwag!" Pinilit kong makaalis sa ibabaw niya pero mas lalo niya
akong dinaganan dahilan para lalo akong hindi makaalis sa pagkakadagan niya.

Nagpumiglas ako.

"Please, I want you..."

Napatigil ako sa pagpupumiglas nang marinig ang sinabi niya. At bago pa man ako
makahuma ay nagawa na niyang maghubad sa harapan ko.

As in naked.

Malakas akong napasinghap.

Pakiramdam ko, huminto sa pag-inog ang mundo ko nang makita ko ang malapad niyang
dibdib. Ang mumunting balahibo roon ay sinundan ko pababa, pababa hanggang sa
makita ko nang tuluyan ang hiwaga ng kaniyang pagkatao.
Sunod-sunod akong napalunok-laway habang nakatitig sa bagay na yon. He is huge and
long.

Hindi ko maipaliwanag ang init na bumalot sa buong pagkatao ko habang nakatitig sa


kaniya.

Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkagulat nang muli na naman akong mapasinghap.
Kinuha kasi ni Lance ang isang kamay ko at dinala sa hiwaga ng pagkatao niya.

"Lance! Please, mali 'to." Sa kabila ng halo-halong emosyong

namamahay sa buong pagkatao ko ng mga sandaling 'yon ay nagawa ko pa ring mag-isip


ng tama. Nanginginig ang kamay na binawi ko 'yon at nag-iwas ng tingin mula sa
pagkalalaki niya.

Malaking pagkakamali 'to dahil oo nga at mahal ko siya pero wala

kaming relasyon! Sa isiping 'yon ay muli akong nagpumiglas.

Ngunit mukhang natalo na si Lance ng espirito ng alak dahil hindi ko


napaghandaan ang kasunod niyang kilos. Itinaas niya ang damit ko at nagawang i-
unhooked ang bra ko, saka walang sabi-sabing ipinasok sa bibig niya ang isang
dibdib ko.

"Lance, 'wag! Please, 'wag..." Nataranta ako nang sipsipin niya' yon.

Itutulak ko sana siya palayo pero mabilis niyang nahuli ang pulsuhan ko at
pagkuwa'y itinaas ang magkabilang kamay ko sa ulunan.

Nagkakawag ako pero walang silbi 'yon.

"L-Lance..."

"I want you..." anas nito sa pagitan ng paghalik sa dibdib ko.

Napaluha na lamang ako nang salitang isubo ni Lance ang magkabilang dibdib ko.

Hanggang sa unti-unti na akong nadarang sa ginagawa niya. Sa madaling sabi,


hinayaan ko na siyang sambahin ang katawan ko.

Naroon pa rin ang pag-aalinlangan pero hindi ko ikakaila na sa paglipas ng mga


sandali ay gusto ko na ang pangahasan ni Lance. Hanggang sa tuluyan na akong
madarang at nagpaubaya.

Nang hubarin ni Lance ang natitirang saplot ko sa katawan ay doon ako tila kinain
ng hiya. Lalo na ng makita kong titig na titig siya sa katawan ko, partikular sa
mayayamang dibdib ko pababa sa gitnang bahagi ng katawan ko. At bago pa man magbago
ang isip ko, sinakop na ni Lance ang dibdib ko.

He took one of them inside his warm mouth and swirled his wet tongue around it.

Napaliyad ako dahil sa kakaibang sensasyon na hatid ng mainit na bibig ni Lance.


Hindi ko alam kung saan ko ipapaling ang ulo ko. Tila may sariling isip ang mga
kamay ko na yumakap sa leeg niya habang patuloy sa ginagawang pagsamba sa dibdib
ko.

"Oh, Lance!" Napasinghap ako nang maramdaman ang kamay niya sa pagkababaé ko.
Dumadama at humihimas.

Napadaing ako nang ipasok niya ang isang daliri sa loob ko. May kirot at hapdi pero
gusto ko.

Mariin akong napapikit nang alisin niya ang kamay sa pagkababaé ko at ipalit ang
mga labi niya. Naibagsak ko ang ulo sa kama. Shock turned Into waves of please.

"Lance...huwag!" pigil ang paghingang napasabunot ako sa buhok niya. And I almost
collapsed when he started to lick my most sensitive spot, sending so much of
pleasures.

His lips gently kissing my feminity.

"L-Lance, please" usal ko habang pabaling-baling ang ulo dahil sa patuloy na


pagdedeliryo.

Hindi ko na alam kung para saan ang pakiusap kong iyon. Kung para patigilan siya sa
ginagawa o para mas pag-igihan pa.

Wala pa akong karanasan sa ganitong klaseng kamunduhan ngunit hindi ako mangmang
para hindi maintindihan amg ginagawa niya ngayon.

Nagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa patuloy na pagtaas-baba ng

eskpertong dila ni Lance sa pagkababaé ko. Hindi pa siya nasiyahan, mas


pinaghiwalay niya ang mga hita ko at muling hinalikan nang masidhi ang bahaging
'yon ng katawan ko.

Napakagat-labi na lang ako, tuluyang nanghina ang aking depensa, nanlalatang


napahiga ako at nimanman ang sarap at kiliting dulot ng maharot na dila ni Lance.

Hinayaan ko na siya sa gusto niya, na gusto ko rin.

And to my surprise, mas naging mapusok ang bawat pananalakay ni Lance sa pagkababaé
ko.

Lance... Gusto ko nang maiyak dahi sa hindi maipaliwanag na kaligayahang idinudulot


niya sa akin.

Hindi ko alam kung gaano niya katagal na sinamba ang bahaging yon ng katawan ko
basta napatulala na lamang ako nang may mamuong tension sa puson ko kasunod ng
panginginig ng katawan ko. May tila kumawala sa buong pagkatao ko at alam kong
dahil 'yon sa narating ko na ang mala-paraisong pinagdalhan sa akin ni Lance sa
pamamagitan ng dila at bibig niya.

Napaarko ang likod ko nang muli niyang sambahin ang pagkababaé ko. At nang tila
magsawa ay saka siya umangat at pinagpantay ang mga mukha namin.

"L-Lance..." usal ko nang magtama ang mga mata namin.

"I want you... now."

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang paghiwalayin niya ang mga hita ko gamit ang
mga tuhod niya. And then he positioned himself between my legs.

Halos malagutan ako ng hininga dahil sa antisipasyong hatid ng daliri ni Lance na


humihimas pa rin sa pagkababaé ko.
"L-Lance!" Kinain ng matinding kaba at takot ang buong pagkatao ko nang itutok ni
Lance ang tigas na tigas niyang pagkalalaki sa akin.

"L-Lance!" Halos panawan ako ng ulirat nang bigla niyang idiin 'yon sa loob ko at
nagpipilit makapasok.

"S-Sandali...masakit!" Bahagya akong nanulak dahil sa pagsigid ng

kirot.

"Sshh... it's alright." Saglit lang siyang huminto at pagkuwa'y nagtangka na namang
pumasok.

Awtomatikong napaatras ang balakang ko kasabay ng pagtulo ng dalawang butil ng luha


sa gilid ng mga mata ko.

Hindi pa man niya naiipasok nang buo ang kaniya pero pakiramdam ko may napunit ng
kung ano sa loob ko at napakasakit niyon.

"Lance, m-masakit..." pahikbi ako at nanulak.

"I'm sorry" Buong akala ko'y huhugutin na niya ang kaniya ngunit nagkamali ako.

Tila humiwalay ang kaluluwa ko nang muli niyang idiin ang sarili sa akin at
tuluyang maipasok ang halos kalahati niyon. Tumulo ang masaganang luha ko. Napaiyak
ako dahil sa pinaghalong sakit at sa realisasyon na wala na ang pinakaiingatan kong
dangal.

I totally gave it to the man who owned my heart. Wala na. Naisuko ko na sa lalaking
mahal ko pero hindi ko naman nobyo.

Nang sakupin ni Lance ang mga labi ko kasabay ng mabagal niyang paggalaw ay
napagtanto ko na wala na talaga. As in wala na. Hindi na lang puso ko ang nagawang
angkinin ni Lance kun'di maging ang buong pagkatao ko.

Nagsimulang gumalaw si Lance. Naroon pa rin ang kirot ngunit unti-unti nang
nababawasan sa bawat paggalaw ni Lance. Hanggang sa ang kirot ay nahalinhan na ng
hindi maipaliwanag na kiliti at sarap na ngayon ko lamang naranasan sa buong buhay
ko.

"Lance, oohh!"

Ang mabagal na paggalaw ni Lance ay unti-unting bumilis, dumiin at rumubdob.

Hanggang sa tuluyan ng masanay ang katawan ko sa laki niya at wala na ang kirot.
Purong kiliti at sarap na lamang 'yon.

Lance, I love you bulong ng aking puso habang nagpapaubaya sa lalaking


pinakamamahal ko.

And few moments later, I started begging for more. More and more. Habang
nagpapaubaya sa kapusukan ni Lance. Isang bagay lang ang nasiguro ko. May takot
ngunit walang pagsisisi maski katiting sa puso ko.

"L-Lance... I love you," hibang na usal ko, kasunod nang marahang paggalaw ng aking
katawan.

Nang mga sumunod na sandali ay tila kami naghahabulan sa bilis ng pagsasalpukan ng


aming mga katawan na para bang may takot maiwan.

Mariin akong napakapit sa balikat ni Lance dahil sa bilis ng paggalaw niya.

Napanganga na lamang ako nang ilagay ni Lance ang magkabilang binti ko sa mga
balikat niya, at pagkuwa'y minasahe ang sensitibong parte ng pagkababaé ko habang
walang tigil sa pag-atras abante sa loob ko.

"Oh, my! Lance! Uhmp, Lance!"

"Uhm, yeah! I'm coming!" Narinig kong sabi ni Lance.

Mas naging triple ang bilis ni Lance. At ilang sandali pa,

matagumpay naming narating ang dako pa roon.

Bumagsak ito sa aking katawan kasabay ng pagdaloy ng mainit na likido sa aking


loob. Napaungol ako at napayakap sa kaniya.

Nang maubos ang katas niya sa loob ko ay saka pa lamang niya inalis ang sarili sa
akin at pabagsak na humiga sa tabi.

Pareho kaming naghahabol ng paghinga. At nang mga sandaling 'yon ay walang


maririnig na ano mang ingay kun'di ang marahas naming

paghinga dahil sa pagod.

Nakisabay ang malakas na kabog ng dibdib ko.

"L-Lance..." mayamaya'y anas ko pagkuwan.

Nilingon ko si Lance nang hindi siya sumagot.

Napabuntong-hininga ako nang makita kong tulog na pala siya at payapa na ang
paghinga.

Napatitig ako sa guwapong mukha niya at pagkuwa'y napatitig sa kisame Hindi ko alam
kung gaano ako katagal na nakatulala bago

iginupo ng antok at pagod dahil sa ginawa namin ni Lance.

NAGISING ako sa pakiramdam na tila may pares ng mga matang nakamasid sa akin
kasabay ang malakas na lagabog.

"Anong ginawa mo, Lance! I trust you! We trusted you, damn it!"

Pupungas-pungas akong bumangon nang marinig ang galit na boses na iyon ni Kuya
Simon, kasunod ang malakas na lagabog.

Una kong nakita si Mama na umiiyak habang nakatingin sa akin. Nasa mga mata niya
ang matinding sakit at disappointment.

Nasa tabi nito si Papa na hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya. Para siyang
natuklaw ng ahas at hindi makakilos.

Naroon din si Ate Madeline at Ate Kristine na waring hindi

makapaniwala.
Anong nangyayari? Nasagot ang tanong ko nang muling sumigaw si Kuya. Napatingin ako
sa kaniya at nakita ko siyang hawak sa leeg si Lance habang inaawat ni Kuya Joven.

Bumaba ang tingin ko sa sarili ko at maliban sa puting kumot na nakabalot sa


katawan ko ay wala akong kahit anong saplot sa katawan.

Huh! Napasinghap ako.

Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig nang ma-realize kung anong nangyayari
sa paligid.

Oh, God!

"Pvtang'na, Lance! Sa mismong pamamahay pa namin?! Dito ka pa talaga gumawa ng


milagro at sa kapatid ko pa?!" Sigaw ni Kuya Simon kasabay ang malakas na suntok na
pinakawalan nito sa mukha ni Lance.

Magkasabay na sumigaw ng tama na si Ate Madeline at Ate Kristine, habang si Kuya


Joven naman ay pilit na inilalayo si Kuya kay Lance.

"Simon, please, enough!" Si Kuya Joven.

Tinabig ni Kuya ang kamay niya at muling nilapitan si Lance na wala

pa ring imik at hindi man lang lumaban.

"Hindi ko mapapatawad ang hayup na 'yan, Joven! Pinagsamantalahan niya ang


kapatid-"

"K-Kuya, t-tama na..." anas ko.

Nabaling sa akin ang atensyon nilang lahat.

Umigting ang panga ni Kuya at humakbang palapit sa akin.

"K-Kuya.."

"Anong ginawa ni Lance sa 'yo? Pinuwersa ka ba niya? Pinilit ka ba

niya? Ni-rape ka ba niya, Sheena?!" Dumagundong ang boses ni Kuya sa kabuuan ng


kuwartong 'yon.

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Mama.

"K-Kuy-

"Tell me! Pinilit ka ba niya?!"

Napatingin ako kay Lance. At bigla akong nilamig nang magtama ang mga mata namin,
wala na ang fondness at adoration na palaging nasa mga mata niya noon sa tuwing
titingin sa akin.

"Pinilit ka ba niya?! Kailangan naming marinig ang sagot mo!"

5
Napapitlag ako sa pagsigaw na 'yon ni Kuya. At bago pa man makapag-isip ay sunod-
sunod na akong umiling.
"Sheena..." bigla ay parang nawalan ng lakas si Kuya.

"I-I'm sorry, Kuya...pero hindi niya ako pinilit."

"Fvck! Fvck! Fvck!" Sigaw nito habang pinagsusuntok ang matigas na pader.

Napasubsob na lamang ako sa mga tuhod ko at doon ay umiyak nang umiyak dahil sa
kagagahan ko.

"Stop it, Simon." Rinig kong saway ni Lance kay Kuya.

"Stop it?! How could you say that, Lance?!" Galit na sigaw ni Kuya." She's my
sister!"

"Don't worry, I'm going to marry your sister." Pinal na sabi ni Lance.

"Bakit? Mahal mo ba siya?!"

Kulang na lang ay hindi ako huminga nang mga sandaling 'yon. Naghintay ako sa sagot
ni Lance. Na ulitin niya ang pagtatapat niya sa nararamdaman niya pero lumipas na
ang ilang sandali ay walang sagot mula sa kaniya.

"Pakakasalan ko siya."

Dapat ay masaya ako sa sinabi niya dahil pananagutan niya ang nangyari sa amin pero
hindi.

Mahabang katahimikan ang namayani sa loob ng kuwartong 'yon at pagkuwa'y narinig ko


ang mga papalayong yabag.

"Ayusin mo 'yang sarili mo at mag-uusap-usap tayo." Boses ni Mama at kasunod ang


papalayong yabag.

Lalong naglandas ang mga luha ko nang malakas na sumara ang

pinto. Galit si Mama, alam ko.

Ngayon ko na-realize kung gaano kalaking problema ang ginawa ko.

GIRLONFIRE28

Thank you po sa inyong lahat

Chapter 14

Chapter 14

SHEENA POV

WALA na silang lahat sa k'warto na 'yon pero hindi ko pa rin magawang kumilos.
Hindi ko maramdaman ang pagsisisi na ibinigay ko kay Lance ang sarili ko, pero
nagsisisi ako na sinaktan ko lang silang lahat.
Muling namalisbis ang mga luha ko, at parang batang napasigok.

Ilang sandali pa ako sa ganoong estado bago nagpasyang ayusin ang aking sarili.

Nang tangkain kong tumayo ay kaagad akong napabalik sa kama kasabay ng mahinang
ungol dahil sa pagsigid ng kirot sa katawan ko, partikular sa gitnang bahagi ng
katawan ko. Masakit 'yon na para bang nararamdaman ko pa rin na naroon ang
pagkalalakí ni Lance.

Napahikbi ako, saka pinilit na tumayo. Paika-ikang pinulot ko ang mga nagkalat kong
damit na pinaghahagis ni Lance kagabi at isinuo. Pagkuwa'y lumabas na ako ng
kuwarto at dumiretso sa kuwarto ko. Pagpasok ko pa lamang ay muli na namang
naglandas ang mga luha ko.

Padapa akong humiga sa kama at sumubsob sa unan.

"Sheena."

Hindi pa man ako nagtatagal sa kuwarto ko nang marinig ko ang boses ni Ate Mya mula
sa labas ng pinto kasabay ng mahina niyang pagkatok.

"Sheena." Ulit niya nang hindi ako sumagot. Medyo lumakas na rin ang pagkatok niya.

"Ate, susunod na ako," sabi ko.

"Sige. Bilisan mo na raw."

"Sige..." Mayamaya nama'y narinig ko na ang papalayong mga yabag ni Ate Myra.

At sa halip na bumangon at sumunod ay umayos pa ako ng higa at nagtalukbong ng


kumot. Parang hindi ko kayang humarap sa kanilang lahat ngayon. Nahihiya ako,
pakiramdam ko ang baba kong babae na nagawang makipagsiping sa lalaking hindi ko
naman karelasyon. Nasasaktan ako, sobra. Dahil alam kong nasaktan ko si Mama at
Papa at hindi ko alam kung paano ako hihingi ng sorry sa kanila. Na-disappoint ko
sila, alam ko.

"Sheena..."

Napatingin ako sa pinto nang marinig na naman ang katok.

"Sheena, si Ate Kristine 'to."

Nagdalawang-isip ako kung pagbubuksan ko ba siya o hindi.

"Puwede ba akong pumasok?" Muling sabi ni Ate Kristine.

Napilitan akong tumayo at buksan ang pinto. Bumungad sa akin ang nag-aalala niyang
mukha.

Niluwagan ko ang bukas ng pinto. "Pasok ka, Ate."

"Thank you."

Nang umupo ako sa kama ay upo rin siya sa tabi ko.

Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Pinilit ka ba niya?"
Napatingin ako kay Ate Kristine dahil sa naging tanong niya.

"A-Ate..."

"Pinilit ka ba ni Lance?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Muling nangilid ang mga luha ko nang maalala ang
nangyari kagabi. Siguro nga pinilit ako ni Lance noong una, pero alam ko sa sarili
ko na 'yong mga sumunod na nangyari ay gusto ko rin at buong puso akong pumayag.
Dahil kung ayaw ko, dapat sumigaw ako para humingi ng saklolo sa mga magulang ko
pero hindi ko 'yon ginawa dahil gusto ko rin.

Hinawakan ni Ate Kristine ang mga kamay ko.

"Parang kapatid na kita, Sheena kaya please, sabihin mo sa akin kung anong nangyari
at humantong kayo sa gano'n. I won't judge you, Sheena. Ang gusto ko lang ay
malaman 'yong totoo. Kung pinilit ka ba ni Lance dahil kung oo, it considered a
rape. At alam mong hindi
papayag ang Kuya Simon mo na hindi magbayad ang nagkasala sa 'yo kahit sino pa
'yan. Kung sakaling ginawa ni Lance sa 'yo 'yon, alam kong dito na matatapos ang
samahan nilang dalawa or worst ang samahan naming lima."

Bigla akong kinain ng konsensya. At hindi ko matatanggap na ako ang maging dahilan
ng pagkasira ng samahan nila.

"Kaya kailangan mong magsabi ng totoo. At kung walang pilitang nangyari sa pagitan
niyo ni Lance, much better. Ikakatuwa namin 'yon, Sheena dahil kung sakali,
magkalamat man ang samahan nilang dalawa at least may pag-asa pang maayos. Pero
kung pinilit ka niya, wala na. Dahil simula't sapol, nilinaw ni Simon sa aming
lahat na don't mess up with you."

Napatingin ako sa kaniya nang pisilin niya ang mga kamay ko.

"Ate..." Biglang tumulo ang mga luha ko dahil pawang simpatya ang nasa mga mata
niya habang nakatingin sa akin. Walang mababakas na panghuhusga at galit.

At dahil doon umiling ako bilang sagot sa tanong niya.

"Sheena..."

"Ate, hindi niya ako pinilit." Kitang-kita ko nang magliwanag ang mga mata niya.
"H-Hindi niya ako pinilit, Ate, nakakahiya mang aminin sa 'yo pero gusto ko 'yon."
Napaiyak ako matapos kong aminin ang totoo.

"Gusto mo... bakit?"

Hindi ako nakaimik. Muli akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Bakit ka pumayag?" Hindi pa rin ako umimik. "Mahal mo ba si Lance?"

"Ate..."

Nginitian niya ako. Para bang sinasabi ng ngiting iyon na ayos lang.

Napaawang ang mga labi ni Ate Kristine nang sunod-sunod akong tumango bilang sagot
sa tanong niya. Waring hindi siya makapaniwala sa isinagot ko.

"Kailan pa?" Pagkuwa'y tanong niya.


Mapait akong napangiti. "M-Matagal na..."

"Oh, God." Nabitawan niya ang kamay ko, saka napahilamos sa sariling mukha. "Alam
ba niya?"

"H-Hindi..."

"Shucks!" Aniya at kinabig ako palapit sa katawan niya.

Mahigpit akong niyakap ni Ate Kristine. Umiyak ako sa mga bisig niya dahil
kailangan ko talaga ngayon ng taong makakaintindi sa akin.

"Sshh... tahan na. Nangyari na ang mga nangyari, wala na tayong magagawa para
baguhin iyon. Ang kailangan nating gawin ngayon ay ayusin ang problema."
Pinakawalan niya ako at hinaplos ang buhok ko. "

Huwag ka ng umiyak, kahit maubos 'yang mga luha mo wala ng magbabago. Ayusin mo ang
sarili mo at harapin ang mga magulang mo, okay?"

Napasinghot ako bago sunod-sunod na tumango.

"Good. Now, stand up and fix your self. Naghihintay sila sa 'yo sa baba."

"Ate..."

"Don't worry, nandito lang ako para sa 'yo. Hmm?"

"Thank you."

Ngumiti siya. "You're welcome. Sige na, ayusin mo na yang sarili mo at bababa muna
ako para pakalmahin ang kapatid mo."

"Salamat, Ate."

Ngumiti lamang siya at tuluyan nang lumabas ng silid ko. Inayos ko ang sarili ko
tulad ng utos ni Ate Kristine.

Pagkaraan ng ilang sandali ay lumabas na ako. Nasa puno na ako ng hagdan nang
tumigil ako at nagdalawang-isip kung tutuloy ba o hindi.

Sa huli, pinili kong humarap sa kanila para matapos na.

Sa tabi ni Ate Kristine ako umupo. Hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil
nahihiya ako.

"Anong plano mo sa anak ko, Lance?"

Napatingin ako kay Papa. Nagtama ang mga mata namin at ibig kong mapaiyak nang
makita ang malamig niyang tingin sa akin. Wala na rin ang fondness at adoration sa
mga mata niya.

"Kagaya ho ng sabi ko kanina, pakakasalan ko siya." Buo ang boses na sagot ni


Lance.
Nabaling ang tingin ko sa kaniya at sunod-sunod akong umiling para sabihing huwag.
Naghiwalay lamang ang mga mata namin nang magsalita si Papa.

"Ang taas ng tingin ko sa 'yo, Lance. Hindi kita itinuring na iba, alam mo 'yan.
Kaya ang sakit sa akin na ikaw ang aahas sa anak ko sa loob mismo ng pamamahay ko.
At hindi ako magpapaka-plastic sa 'yo, pero ngayon, pakiramdam ko nag-alaga ako ng
ahas na siya palang tutuklaw sa akin."

Napuno ng guilt ang dibdib ko nang makita kong tumulo ang mga luha ni Lance bago
tumungo.

"Para na kitang anak, Lance, sampu ng mga kaibigan mo. Lahat kayo, itinurin kong
sariling mga anak. Napakasakit ng ganiwa ninyong ito sa akin." Bakas ang hinanakit
sa boses ni Papa habang sinasabi 'yon.

Buong pag-uusap ay nakatungo lamang ako habang kinakain ng matinding guilt. Kasalan
ko 'to dahil nagpadala ako sa damdamin ko, hindi ko inisip ang mararamdaman ni Papa
at ni Mama. Naging makasarili ako, mas'yado akong nagpadala sa bugso ng damdamin
ko.

"Huwag po kayong mag-alala, Tito, Tita," aniya sa mga magulang ko. "Hindi ko po
tatakbuhan si Sheena. Pananagutan ko ho 'yong ginawa ko. Aalis lang ho ako ngayon,
pero babalik ho ako."

Napatingala ako nang tumayo na si Lance habang kay

Papa at Mama pa rin nakatingin.

"Babalik ho ako, pakakasalan ko ho si Sheena." Pinal na

sabi niya bago tuluyang nagpaalam sa mga magulang ko.

Nang makalabas na siya ng pinto ay dali-dali akong tumayo at sumunod sa kaniya.

Sa garahe ko na siya naabutan.

"Lancel" tawag ko.

Napahinto ito sa tangkang pagsakay sa sasakyan niya nang marinig ang boses ko.

"May aasikasuhin lang ako pero huwag kang mag-alala, babalik din ako para pormal na
hingin ang mga kamay mo." Malamig niyang sabi.

Marahas ang ginawa kong pag-iling. "No. Lance, huwag mong gawin 'to, please?"

Kumunot ang noo nito. "Ayaw mong panagutan ko yong ginawa ko?"

"Yes. Hindi mo ako kailangang panagutan, Lance. Hindi mo 'ko kailangang pakasalan
dahil hindi mo naman ako pinilit. Umalis ka na lang at huwag ng bumalik, please?"

Tumawa ito ng mapakla.

"Lance, please... lumayo ka na lang at kalimutan natin ang nangyari. Ako na ang
bahala sa parents ko, ipapaliwanag ko sa kanila ang lahat."

"At sa tingin mo gano'n lang 'yon kadali?! Hindi mo ba narinig ang sinabi sa akin
ng papa mo?"

"L-Lance, kakausapin ko sila. Ipapaintindi ko na hindi

natin kailangang magpakasal, na hindi mo 'ko kailangang panagutan." Umiiyak na sabi


ko.
"Nasabi ko na sa kanila at may isang salita ako, Sheena." Pagkasabi niyon ay
tinalikuran na niya ako at tangkang sasakyan sa kotse pero hinila ko siya sa braso.

"Lance, please... makinig ka sa akin! Hindi mo 'ko kailangang pakasalan! Hindi mo


kailangang gawin 'yon!

Kumunot ang noo nito. "Bakit hindi? May ginawa ako, pinakialaman kita na dapat ay
hindi ko ginawa. Hindi ako ang tipo ng lalaki na tatakasan ang responsibilidad ko."

Marahas akong umiling. "Alam ko, pero mahalaga sa akin ang kasal at sagrado 'yon,
Lance!"

"At sa tingin mo hindi ko alam 'yon? Nangangarap din akong maikasal sa taong mahal
ko balang-araw, Sheena."

Sandali akong natigilan at napatitig sa kaniya nang pumiyok ang boses niya.

"Kung pangarap mong maikasal sa babaeng mahal mo balang-araw, hindi mo na magagawa


'yon kung itutuloy mo ang pagpapakasal sa akin."

"Buo na ang desisyon ko, Sheen-"

"No." Maagap na putol ko. "Ako mismo ang magsasabi sa mga magulang ko na hindi tayo
magpapakasal. Eh, ano kung pinakialaman mo na 'ko? Hindi ko naman ikamamatay ang
pagkawala ng virginity ko.
Kakalimutan ko na lang 'yon at gano'n din ang gawin mo." Matapang na sabi ko kahit
ang totoo ay parang hinahati ang puso ko.

Of course, mahalaga sa akin ang bagay na nakuha niya pero alangan namang pumayag
akong maikasal sa kaniya dahil lang may nangyari na sa aminng dalawa.

"Kakausapin ko ang mga magulang ko at si Kuya-"

"Hindi na magbabago ang isip ko, Sheena.

"At bakit hindi? Lance, alam mong sagrado ang kasal at para lang 'yon sa dalawang
taong nagmamahalan! Kaya nga hindi mo 'ko puwedeng pakasalan dahil lang sa ikaw ang
nakauna sa akin."

"At bakit hindi puwede?" Mariin ngunit mahina niyang tanong.

Nakipagtitigan ako sa kaniya at nag-ipon ng lakas ng loob para itanong ang isang
bagay na alam ko na ang sagot. "Bakit, Lance? Nagmamahalan ba tayo? Mahal mo ba
ako?"

Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil nagawa kong itanong ang bagay na 'yon.

Tila may libo-libong karayom ang sabay-sabay na tumusok sa puso ko nang mga
sandaling 'yon dahil hindi siya sumagot.

Mapakla akong tumawa. "See? Hindi mo ako mahal kaya huwag mong ikulong ang sarili
mo sa kasal na gusto mo. Para lang 'yon sa dalawang taong nagmamahalan nang wagas,
Lance..."

At sa ating dalawa, ako lang ang nagmamahal. Gusto ko pa sanang idugtong 'yon.

Napabitaw ako sa pagkakahawak sa braso niya nang makita ko ang pagdaan ng iba't
ibang emosyon sa mga mata niya.
"L-Lance..."

"Kapag hindi kita pinakasalan, mas maraming mawawala sa akin, Sheèna. Isusumpa ako
ng kapatid mo na best friend ko. Itatakwil ako ng mga magulang mo, ng mga taong
nagmahal at tumanggap sa akin kung sino ako mula noon kahit walang-wala pa ako.
Binigyan nila ako ng tahanan, ng isang masayang pamilya."

Tila dinakot ang puso ko nang makita kong tumulo ang mga luha niya habang nasa
mukha ang matinding paghihirap.

"Sheena, ang mga magulang mo ang nagbigay sa akin ng pamilyang hindi ko naranasan
sa tunay kong mga magulang! Ang pamilya mo lang ang tumanggap sa akin kahit kahit
wala pa akong napapatunayan sa buhay. At si Simon, siya ang isa sa mga taong
ayokong mawala sa buhay ko dahil hindi ko lang siya basta kaibigan kundi parang
kapatid ko na siya. Siya ang taong umalalay sa akin noong panahong naliligaw ako ng
landas, Sheena..." umiiyak na sabi niya.

"Hindi ko kaya na kamuhian ako ng mga taong tumanggap sa akin nang buong-buo...
hindi ko kaya..."

Kitang-kita ko ang sakit at paghihirap sa mukha niya.

14

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya pero sa nakikita kong sakit sa mga mata
niya. Ngayon ko na-realize na mas malalim pa pala ang pagkakaibigan na mayro'n
sila, higit pa sa pagkakaalam ko. At ako pa yata ang sisira niyon.

Bawat patak ng luha niya, ay mas lalong nadagdagan ang guilt sa puso ko.

GIRLONFIRE28

11

Maraming Salamat po sa inyo. Isang hi naman hehehe

"

Chapter 15

Chapter 15

SHEENA POV

HABANG nakatanaw sa papalayong sasakyan ni Lance ay mas palala nang palala ang
guilt na nararamdarman ko. Isa lang ang nasa isip ko ngayon, 'yon ay ang hindi
puwedeng masira ang magandang pagkakaibigan ni Lance at ni Kuya Simon.

"Kailangang may gawin ako. Lasing si Lance kagabi at dapat hindi ako nagpadala sa
damdamin ko." Naisatinig ko bago marahang tinuyo ang pisngi ko na kanina pa basa ng
mga luha.
Nang tuluyan ng mawala sa paningin ko ang sasakyan ni Lance ay saka ako bumalik sa
loob ng bahay. Wala na sa sala ang mga magulang ko. Tanging si Ate Kristine at Kuya
Joven na lamang ang naroon na sabay na tumayo at lumapit sa akin nang makita ako.

"Sheena." Si Kuya Joven at parang bata akong ikinulong sa mga bisig niya. Ramdam ko
ang simpatya niya.

Ayoko ng umiyak ngunit tila may sariling isip ang mga luha ko na kusang
nagsibagsakan. Sumubsob ako sa dibdib ni Kuya Joven at doon ay tahimik na lumuha.

Hinayaan niya lang ako at mayamaya'y naramdaman kong may yumakap sa aming dalawa.

"Sshh... tahan na, Sheena. Everything is going to be

alright." Si Ate Kristine na siyang yumakap sa amin. Napasinghot ako bago lumayo sa
kanilang dalawa.

"Huwag ka ng umiyak, Sheena." Si Kuya Joven.

Napahikbi ako. "Ayokong masira ang friendship niyo, Kuya."

Sabay silang ngumiti sa akin.

"Sinong may sabi sa 'yo na masisira ang friendship namin?" Si Ate Kristine.

"Galit si Kuya Simon kay Lance dahil sa nangyari. At hindi ko alam kung paano sila
pag-aayusin o kung magkakaayos pa ba sila..."

"Of course they will," hinawakan ni ate Kristine ang kamay ko. "Mas'yado ng malalim
ang pagkakaibigan nilang dalawa, Sheena. Magkaibigan na sila bago pa man kami
mapasama sa grupo nila. At alam namin na hindi 'yon basta-basta masisira dahil sa
nangyari. Galit lang si Simon pero lilipas din 'yon at magkakaayos din silang
dalawa."

"Oo nga, Sheena, kaya huwag ka ng umiyak," segunda ni Kuya Joven.

"Hindi ko lang maiwasang hindi ma-guilty at sisihin ang sarili ko. Kakauwi lang ni
Lance at ngayon niyo lang ulit siya nakasama. Dapat nag-i-enjoy at nagba-bonding
kayo ngayon pero dahil sa nangyari, nasira ang lahat..." Nanlalambot ang mga tuhod
na umupo ako sa couch.

Ramdam ko pa rin kasi ang sakit ng gitnang bahagi ng

katawan ko at kanina pa ako natatakot umuhi.

Tinabihan ako sa couch ng mga ito, pinagitnaan nila ako.

Napatingin ako kay Kuya Joven nang akbayan niya ako at kabigin ang ulo ko pasandig
sa balikat niya. "Cheer up, Sheena. Magiging maayos din ang lahat and please, stop
blaming yourself."

Umiling ako. "Kasalanan ko naman talaga, Kuya. Lasing si Lance kagabi at ako ang
nasa tamang huwisyo pero hinayaan kong mangyari 'yo-"

Inilayo niya ako sa kaniya at humarap siya sa akin.

"Kuya..."
"Listen. Kahit lasing si Lance, alam niya ang ginagawa niya. Imposibleng hindi niya
alam 'yon, Sheena dahil maraming beses na rin akong nalasing and believe me, alam
ko ang mga ginagawa ko pero hindi ko na kontrolado. Na kahit subukan mong kontrahin
ang sarili mong galaw hindi ko magawa dahil naging sunod-sunuran na lang ang
katawan ko sa sinasabi ng utak ko."

"Pero hindi ako lasing, Kuya, eh. Dapat hindi ko hinaya-"

"Then tell me why you allowed that to happen?"

Nagkatinginan kami ni Ate Kristine. Tipid siyang ngumiti sa akin na para bang
sinasabi ng ngiting iyon na safe ang sekreto ko sa kaniya.

"Sheena." Untag ni Kuya Joven nang makalipas ang

ilang sandali at hindi pa rin ako umimik.

Nahihiya ako na aminin sa kaniya kung bakit ako pumayag na mangyari 'yon. The more
na maraming makaalam, the more chances na makarating kay Lance ang nararamdaman ko
para sa kaniya.

"Dude, hayaan na muna natin si Sheena, baka hindi siya kumportableng sagutin ang
tanong mo. Alam mo naman kaming mga babae kapag ganiyang usapin nahihiyang mag-open
up sa opposite s*x namin." Si Ate Kristine.

"Okay." Nakakaunawang tumango si Kuya Joven at muli akong inakbayan, saka nagpayo
nang nagpayo para palubagin ang loob ko.

Pero kahit anong pagpapalubag-loob ang sabihin nilang dalawa sa akin ay hindi
naging sapat 'yon para mawala ang guilt sa dibdib ko. At hindi na 'yon mawawala
hangga't hindi ko nakikitang maayos si Kuya Simon at Lance.

"Maniwala ka, Sheena, magiging maayos din ang lahat. At kilala ko 'yang si Lance,
may prinsipyo at paninindigan 'yon." Patuloy na pangungumbinsi ni Kuya Joven.

Malungkot akong ngumiti sa kanilang dalawa. " Maraming salamat sa inyo, sobrang na-
apprreciate ko' to."

"Wala 'yon, ikaw pa ba?" Si Ate Kristine.

Ilang sandali pa nila akong kinausap hanggang sa magpaalam ako na pupuntahan muna
si Kuya Simon.

Nalaman ko sa kanilang dalawa na nasa likod-bahay ang kapatid ko.

Pinuntahan ko siya na agad ko namang nakita. Kasama niya si Ate Madeline.

Natigilan ako sa tangkang paglapit nang makita kong hinawakan ni Ate Madeline ang
magkabilang pisngi ni Kuya at pagkuwa'y mabilis na hinalikan.

Na-shock ako sa nakita ko. Alam kong matalik silang magkaibigan pero hindi
naghahalikan ang magkaibigan lamang.

Sila ba ni Kuya? Sa loob-loob ko.

"Mag-usap kayo ni Lance, pakinggan mo muna siya, silang dalawa." Dinig kong sabi ni
Ate Madeline kay Kuya.
"Pinakialaman niya ang kapatid ko, Madie-"

"Lasing si Lance kagabi, 'di ba?"

"Kahit lasing siya hindi niya dapat pinakialaman ang kapatid ko." Matigas na sagot
ni Kuya.

Mababakas sa boses niya ang gigil at matinding sama ng loob.

"Simon, please. Ikalma mo muna ang sarili mo, puwede ba? Narinig mo naman ang
sinabi ni Lance, 'di ba? Hindi niya tatakbuhan ang kapatid mo. Pakakasalan niya si
Sheena at kilala mo si Lance, may isang salita siya."

Hindi umimik si Kuya. Nakatungo lamang ito. Itinaas ni Ate Madeline ang mukha niya.

"Madeline..." tila nahihirapang saad ni Kuya.

"Ano bang inaalala mo? Wala ka bang tiwala sa kanila? Kay Lance? Kay Sheena? Simon,
hindi na sila mga bata. Malalaki na sila at alam kong alam nila kung ano ang
pinasok nila."

Umiling-iling si Kuya. "Hindi ko alami... natatakot ako para sa kapatid ko."

"Naiintindihan ko naman, natural lang 'yon dahil kapatid mo si Sheena at mahal na


mahal mo siya."

"Sobra, Madie. At baka makapatay ako kapag sinaktan nila ang kapatid ko. Alam mo
ang isa sa rules ko 'di ba?"

"Yes and I understand. But please, Hon, hayaan mo silang ayusin ang problemang ito.
Malalaki na sila at may sariling mga isip. Huwag mo silang pangunahan, ha? Lalo na
si Lance, kilala mo ang kaibigan nating 'yon."

Hindi umimik si Kuya. Nakita kong niyakap siya ni Ate Madeline at masuyong hinaplos
ang buhok.

"Magiging maayos din ang lahat, Hon. Babalik si Lance mamaya 'di ba? Mag-usap
kayong dalawa, ha?"

"Mahal na mahal ko si Sheena, Hon." Sa halip ay sagot ni Kuya. "Ayokong makita


siyang nasasaktan dahil para sa akin siya pa rin ang baby girl ko. Utang ko sa
kaniya ang buhay ko, Hon... kung hindi kay Sheena, matagal na akong wala sa mundong
'to. Kaya gagawin ko ang lahat para sa kapatid ko, Hon..."

Napaluha ako nang marinig ang pag-uusap nila. At minsan pa'y nakita ko nang
hinalikan ni ate Madeline
ang kuya ko. Mukhang may relasyon silang dalawa at kung alam ba 'yon ng mga
kaibigan nila, hindi ko alam.

Kahit lumuluha ay nagawa ko pa ring ngumiti, masaya ako para sa kuya ko.

Hindi ko na sila nilapitan. Bumalik ako sa loob ng bahay at naglakas-loob na


puntahan ang mga magulang ko sa kanilang kuwarto.

"Pasok."

Nakadalawang katok na ako nang marinig ang boses na 'yon ni Mama.

Nanginginig ang mga kamay na pinihit ko ang seradura at mabagal na itinulak pabukas
ang pinto. Bumungad sa akin ang malungkot na mukha ni Mama na nakaupo sa edge ng
kama habang si Papa nama'y nasa may bintana at nakatanaw sa malayo.

"Ma..." Nasaktan ako nang tingnan lamang niya ako at hindi pinansin. Habang si Papa
nama'y tumingin din at pagkuwa'y nagpaalam kay Mama na lalabas muna.

Parang dinaklot ang puso ko nang dumaan si Papa sa harap ko at hindi man lang ako
tiningnan. Pagkalampas na pagkalampas niya ay nag-uunahang namalisbis ang mga luha
ko.

"Ma..." mabagal akong humakbang palapit kay Mama. Tumigil ako ilang hakbang mula sa
kaniya. "Ma, I'm sorry ..." umiiyak na hingi ko ng tawad.

Hindi umimik si Mama. Tahimik siyang umiyak habang nakatingin sa akin.

Unti-unting akong napaluhod sa paanan ni Mama. Humawak ako sa mga tuhod niya at
paulit-ulit na humingi ng tawad.

"I'm sorry, Mama... I'm so sorry po..." Napahagulhol na ako dahil sa kalamigan ni
Mama sa akin.

Sumubsob ako sa mga hita niya habang umiiyak at patuloy na nag-so-sorry. Lalong
lumakas ang iyak ko nang maramdaman kong haplusin ni Mama ang buhok

ko.

Tumingala ako sa kaniya. "I'm sorry, Mama..."

"Anong nangyari, Anak?" Mababakas ang sakit sa boses ni Mama nang itanong 'yon.
"Bakit?"

"Ma..."

"Ang sabi ko, aminin mo kay Lance ang nararamdaman mo pero hindi ko sinabing ibigay
mo sa kaniya ang sarili mo."

"I'm sorry po, Ma. Inaamin ko po na naging marupok ako para hayaang mangyari 'yon.
Pero, Ma, hindi po ako magpapakasal kay Lance."

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Mama. "Anak."

"Mahal ko si Lance, Ma, pero ayokong magpakasal sa kaniya. Hindi niya kasalanan
lahat, may kasalanan din ako kaya hindi siya dapat magipit sa sitwasyong 'to."

"Hindi magugustuhan ng Papa mo kapag narinig niya ang sinasabi mo, Sheena. Kahit
saang anggulo tingnan, ikaw pa rin ang agrabyado sa nangyari. Malaki ang

nawala sa 'yo, Anak, at hindi ko alam kung papayag ang Papa mo na hindi ka
pakasalan ni Lance."

"Pero, Ma-"

"Mamaya na tayo mag-usap, ha? Gusto ko munang magpahinga, Sheena. Sumasakit ang
ulo." Pagkasabi niyon ay nahiga na nga si Mama.

Wala akong nagawa kun'di ang tumayo at lumabas na muna at hayaang magpahinga si
Mama.

Dumiretso ako sa kuwarto ko at itinulog na lamang ang lahat ng gumugulo sa utak ko.
KINAHAPUNAN, dumating nga si Lance. Paglabas ko ng kuwarto ay nasa sala na silang
lahat. Si Mama at si Papa. Si Kuya Simon, katabi niya si Ate Madeline. Si Kuya
Joven at Ate Kristine, saka si Lance. May isa pang matandang lalaki sa tabi ni
Lance.

Ngumiti siya sa akin kaya napilitan akong ngumiti pabalik.

"Ako ho si Jaime, ang lolo-lolohan ni Lance," pakilala ng matandang lalaki sa tabi


nito. "Naparito ho kami para pormal na hingin ni Lance ang kamay ng inyong anak
para pakasalan," dagdag pa niya.

Uupo sana ako sa tabi ni Mama pero sinabi nilang sa tabi ni Lance ako umupo. Sa
kabila ng pagkailang ay wala akong nagawa kun'di umupo sa tabi ni Lance.

Nagsimulang mag-usap si Papa at ang lolo Jaime ni

Lance.

"Kung papayag kayo ay magaganap ang kasal sa lalong madaling panahon," ani Lolo
Jaime.

"Pabor ho 'yon sa amin dahil babae ang anak ko. Kung sakaling magbunga ang ginawa
nila, at least hindi pa halata ang tiyan niya."

Tumikhim ako upang kunin ang atensyon nilang lahat.

"A-Ah... mawalang galang na ho pero puwede po bang mag-usap muna kami ni Lance
sandali?" Lakas-loob na sabi ko.

"Sheena." Si Papa.

"Pasensya na po, Papa, mag-uusap lang po kami ni Lance sandali." Pagkasabi ko niyon
ay si Lance ang binalingan ko. "Please?"

Nakahinga ako ng maluwag nang tumayo ito. "Excuse us ho."

Sa likod-bahay ako pumunta, sumunod siya sa akin. Kaagad ko siyang hinarap.

"Lance, please? Ayokong magpakasal."

Kumunot ang noo nito. "Nag-usap na tayo tungkol dito kanina 'di ba?"

"Oo, at seryoso ako nang sabihin sa 'yo na hindi natin kailangang magpakasal."

"Paano kung mabuntis ka? Gagawin mong bastardo ang anak ko?"

"No. I mean, hindi ako mabubuntis."

"Bakit parang siguradong-sigurado ka? Oo, maaaring lasing ako kagabi at malabo sa
akin ang mga nangyari pero hindi maikakaila ng pulang mantsa sa kobre kama na
nagalaw kita. We had s ^ * x Sheena. At malaki ang posibilidad na magbunga 'yon
dahil hindi ako baog." Nagtangis ang mga ngipin niya.

No! Hindi s*x 'yon. We made love!

"I'm safe." Lalong nadagdagan ang gatla niya sa noo.


"Safe? Bakit nagpi-pills ka?"

"No." Sagot ko na may kasama pang iling. "Safe ako dahil katatapos ko lang ng
monthly period ko." Pagdadahilan ko kahit alam ko namang walang basehan iyong
sinabi ko.

Ang gusto ko lang, makumbinsi ko siyang huwag akong pakasalan.

"Bumalik na tayo sa loo-"

"No! Lance, please naman, oh. Kalimutan na lang natin yon. Isipin na lang natin na
hindi nangyari 'yong kagabi, na panaginip lang 'yon."

Isang napakagandang panaginip.

"Kalimutan na lang natin 'yon at magtulungan tayong kumbinsihin ang pamilya ko na


hindi natin kailangang mapasubo sa isa't isa."

Hindi pa rin siya umimik. Nilapitan ko siya at hinawakan ang mga kamay. "Hindi mo
ako kailangang panagutan,
Lance."

"Sheena..."

"Hindi ako mabubuntis, I'm safe. Sigurado ako roon at kung mangyari man 'yon,
puwede pa rin naman tayong maging mga magulang sa kaniya, na hindi natin kailangang
maging mag-asawa." Matatag na sabi ko kahit sa loob-loob ko ay parang sinasakal ang
puso ko habang na-i-imagine 'yon.

Ang hirap yata niyon pero go lang, Sheena. Kaysa naman matali ka sa lalaking hindi
ka mahal. Mas mahirap 'yon, mas masakit 'yon.

Hindi sumagot si Lance, mataman niya akong pinagmasdan at hindi ko kayang basahin
ang nilalaman ng isip niya ngayon.

GIRLONFIRE28

Thank you so much guy's! Ingat po dahil maulan ang panahon natin ngayon. Labyaaa!

"

Chapter 16

Chapter 16

SHEENA POV

PARA akong nabunutan ng tinik sa lalamun nang pumayag si Mama na ipagpaliban muna
ang kasal namin ni Lance, lalo na ng makumbinsi niya si Papa at si Kuya na hayaan
muna kaming dalawa ni Lance na mag-usap.

Laking pasalamat ko na kahit masama ang loob ni Mama sa akin ay naiintindihan pa


rin niya ang gusto kong mangyari. At tinulungan pa rin niya akong makumbinsi si
Papa.

Natapos ang pag-uusap ng araw 'yon na matiwasay. Tuloy pa rin ang kasal pero hindi
muna sa ngayon. At malaking na bagay na sa akin 'yon dahil mas makakapag-isip
kaming pareho ni Lance. Kung mahal lang ako ni Lance, hindi naman magiging mahirap
para sa akin na pakasalan siya dahil 'yon naman talaga ang gusto ko, ang pangarap
ko noon pa man. Sino bang ayaw maikasal sa taong mahal niya 'di ba? Takot lang
akong sumugal dahil hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang tunay na nilalaman
ng puso ni Lance para sa akin.

Hindi ko kayang hulaan. At kung pagbabasehan ko ang mga ginagawa niya para sa akin
noon, iisipin ko na mahal niya rin ako pero nang malaman ko na hindi lang niya 'yon
sa akin ginagawa, na maging sa mga kaibigan

niya at maging sa mama ko mismo, na-realize ko na mali ako.

Isang linggo na ang nakalipas mula nang mamanhikan si Lance sa bahay at gano'n na
rin katagal nang huli ko siyang makita.

Sa loob ng isang linggo, kita at ramdam ko na agad ang malaking pagbabago lalo na
sa loob ng bahay namin. Ang daming nagbago. Nawala 'yong magandang samahan namin ng
pamilya ko, 'yong ingay at kulitan sa tuwing magkakasama kami. Wala na rin 'yon
lambing nila sa akin though naiintindihan ko naman dahil na-disappoint ko sila.
Pero nakakalungkot at masakit.

Hindi na rin pumunta sa bahay ang mga kaibigan ni Kuya. Wala na ring araw-araw na
message si Lance sa akin.

At sa araw-araw na lumilipas, ramdam ko 'yong bigat sa dibdib ko, na araw-araw kong


dala-dala sa pagpasok ko sa trabaho. Minsan, kapag hindi ko na kaya, iniiyak ko na
lang para kahit papa'no gumaan ang pakiramdam ko.

"Baka naman gusto mo nang i-share sa akin ang problema mo?"

Nabitin sa ere ang gagawin ko sanang pagsubo nang marinig ang boses ni Rachel mula
sa likuran ko. Kasalukuyan kasi akong nanananghalian dito sa canteen ng hospital na
pinagtatrabahuhan ko.

Naghila siya ng bangko at umupo sa tabi ko.

"Kanina pa kita nakitang pumasok dito pero parang

wala pang kabawas-bawas 'yang pagkain mo. Ano bang nangyayari sa 'yo?" tanong niya.

Mababakas ang pag-aalala sa tinig ni Rachel. Wala pa kasi siyang alam tungkol sa
nangyari sa akin dahil hindi magkasabay ang pasok namin nitong nakaraang linggo.
Ayoko namang sa chat or text ko sabihin dahil mas'yadong mahabang paliwanagan ang
mangyayari.

"Tapusin mo muna 'yang pagkain mo bago tayo mag-usap." Aniya pa at um-order ng


sariling pagkain.

Pareho kaming tahimik habang kumakain hanggang sa matapos 'yon.

"Now, tell me what's going on with you? Ang daming nagsabi sa akin na para kang
lutang these fast few days at nag-aalala na rin daw sila sa 'yo." Basag niya sa
katahimikan kapagkuwan.
Tumingin ako sa kaibigan ko at sinimulang ikuwento ang mga nangyari sa akin.
Pagkatapos kong maikuwento ang lahat ay nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa
akin.

"Sa tingin mo, tama bang ituloy namin ang kasal?" tanong ko pagkalipas ng ilang
sandali.

Hindi siya umimik.

"Rachel, kailangan kong marinig ang opinion mo tungkol dito. Itutuloy ko ba?
Susugal ba ako? Naguguluhan ako kung susundin ko ba ang gusto ng puso ko o ang
sinasabi ng utak ko."

Nangalumbaba ito at tila nag-isip, saka nagsalita. "Sa

tingin mo, saan ka magiging mas masaya? Kapag sinunod mo 'yang utak mo o 'yang puso
mo?"

"Hindi ko alam..."

"Tssl Ang hirap kasi sa 'yo, duwag kang aminin ang totoo sa kaniya na mahal mo siya
pero ang lakas naman ng loob mong magpa-churba."

"Rachel naman, eh. Tulungan mo na lang akong mag-isip."

"Oo na, ito na! Kung ako sa 'yo, magpapakasal ako kay Lance. Bakit? Dahil mahal mo
naman si Lance at alam mo sa sarili mo na magiging mabuting asawa ka sa kaniya. At
isa pa, kilala mo si Lance, mabuting tayo 'yon kaya for sure magiging mabuting
asawa rin siya sa 'yo. At saka paano nga kung magbunga ang churbahan ninyo? Okay
lang ba sa 'yo na lumaking hindi kasama ng anak mo ang tatay niya?" litanya niya.

"Kaya mo bang makita na may ibang pamilya si Lance? Na may ibang anak na
kinakarga?" dagdag pa niya.

Hindi ako nakaimik.

"Pumikit ka," utos niya.

"Ha?"

"Sabi ko pumikit ka, bilis."

Naguguluhan ma'y pumikit na rin ako.

"Now, imagine in mo na mag-aasawa ng iba si Lance. Kaya mo ba?"

Sinunod ko ang utos ni Rachel. At tama siya, hindi ko pala kayang makita na sa iba
ikakasal si Lance. At kung magiging mag-asawa kami, mas malaya kong maipadarama sa
kaniya ang tunay na nilalaman ng puso ko. Mas malaya ko siyang maaalagaan.

May ngiti sa mga labing nagmulat ako ng aking mga mata. Nakangiti rin si Rachel.

"So, ano? Nakapagdesisyon ka na ba?"

Marahan akong tumango. "Magpapakasal ako sa kaniya, " pinal na sabi ko.

""Di ba? Hindi mo kayang makita na may ibang pamilya si Lance. At isa pa, kung
sakaling hindi ka pa nga mahal ni Lance kagaya ng iniisip mo, eh ano naman? Eh 'di
gawin mo ang lahat para mahalin ka rin niya. Ipakita at patunayan mo sa kaniya na
hindi siya nagkamali na pakasalan ka. At kapag mag-asawa na kayo, mas maiipadama mo
na sa kaniya kung gaano mo siya kamahal, ewan ko na lang kung hindi ka pa niya
mahalin. At hello, hindi ka naman mahirap mahalin 'no? Wala na siyang lugi sa 'yo
dahil bukod sa maganda ka, mabait ka pa at mapagmahal."

Natawa ako. "Binobola mo na ako niyan, eh."

"Hindi, ah. Totoo 'yon, promise."

"Sige na nga, naniniwala na ako."

"Dapat lang."

Sabay kaming napatawa ni Rachel. At habang kausap ko siya, sobrang gumaan ang
pakiramdam ko. Kaya

naman ng mga sumunod na sandali ay naging maayos na ang pagtatrabaho ko.

Bumalik ang dating sigla ko sa mga ginagawa ko.

KINAHAPUNAN, habang nagpapaalam sa mga katrabaho ko ay nakatanggap ako ng text


message mula kay Lance.

Anong oras ang out mo? Susunduin kita. Basa ko sa laman ng text message niya.

Wala sa loob na napangiti ako dahil sa simpleng text na 'yon ni Lance. It's been a
week nang huli akong makatanggap ng text mula sa kaniya.

Nagta-type pa lamang ako ng reply nang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag siya.

Nanginginig ang mga kamay na sinagot ko 'yon at itinapat sa tainga ko. "H-Hello?"

"Nabasa mo ba ang text ko?" Aniya sa kabilang linya.

"O-Oo. Magre-reply na sana ako kaya lang tumawag ka na. Nakapag-out na ako, palabas
na ako ng hospital."

"Okay. Wait for me, papunta na ako riyan."

"S-Sige."

"Bye."

Tinapos na niya ang tawag kaya nagmadali na akong lumabas ng hospital.

"Hi, Sheena!"

Napalingon ako nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Si Harry pala, na
nakangiting naglakad papalapit sa akin. Doktor siya rito, at kung hindi ako
nagkakamali ay maglilimang pa lamang siya rito sa pinagtatrabahuhan ko. Minsan na
rin siyang nagpahaging sa akin ng panliligaw pero hindi ko binigyang pansin. Kung
tutuusin ay mabait naman at may hitsura si Harry pero hindi ko siya maaaring
magustuhan dahil si Lance ang gusto ko.

"Hil" ganting-bati ko sa kaniya.

"Pauwi ka na ba?" tanong ni Harry.


"Oo. Tapos na ang trabaho ko, eh."

"Great. Pauwi na rin ako, eh. So, hatid na kita?" Nakangiting offer niya sa akin.

"Don't worry, libre 'yon. Gusto lang kitang ihatid para hindi ka na maghintay ng
masasakyan pauwi."

"Ah, Harry, kasi-"

"Hindi na niya kailangang maghintay dahil nandito na ako, pare," anang seryosong
tinig mula sa likuran ko.

Napaiktad ako nang may pumaikot na braso sa beywang ko. Narinig ko ang impit na
tili ng mga kasamahan kong nakasaksi sa ginawa ni Lance.

"Nakakainggit ka naman, Sheena. Dalawang matikas na fafa!" sabi ni Carla, isang


nurse dito.

"Pasensya ka na, pare, may lakad kami ngayon." Seryoso ang mukha ni Lance habang
nagsasalita.

Daig pa niya ang maghahamon ng away habang diretsong nakatingin kay Harry.

"Ah, gano'n ba? Pasensya na, akala ko wala pang sundo si Sheena kaya ihahatid ko
sana siya," sabi ni Harry bago tumingin sa akin. "Sa ibang araw na lang kita
ihahatid, Sheena. Ingat ka pauwi and see you tomorrow, "paalam niya bago nauna nang
umalis.

"Let's go," seryoso pa ring sabi ni Lance. Hindi man lang niya ako tiningnan at
basta na lang ito bumitaw sa akin at dumiretso sa kinapaparadahan ng sasakyan niya.

Galit ba siya?

Napapitlag ako nang padabog na isinara ni Lance ang pinto ng kotse niya.
Magkasalubong ang mga kilay nito habang nagmamaneho.

Hinayaan ko na lamang siya dahil nakakatakot ang mukha niya.

Walang imikan na binagtas namin ang mahabang kalsada. Napatingin ako sa kaniya nang
sa halip na kumanan ay kumaliwa kami.

"Lance, saan tayo pupunta?" tanong ko. Hindi na kasi ' yon ang daan pauwi sa amin.

Hindi siya umimik. Tila malalim ang iniisip na para bang hindi siya puwedeng
istorbohin sa pagmamaneho niya. Mukhang mainit ang ulo niya at hindi ako sanay.
Nasanay ako sa Lance na magiliw at maamo ang mukha.

"L-Lance..." tawag ko uli. Muli ay hindi siya umimik. Para akong nakikipag-usap sa
pipe. "May problema ka ba?"

"Wala," matabang niyang sagot.

"Wala, eh bakit parang galit ka?"

"Wala nga," may bahid ng iritasyon na sagot niya.

Tumahimik na lamang ako at hindi na nagtanong pa. Baka lalo lamang uminit ang ulo
niya.
"Sino ba 'yon?" tanong ni Lance kapagkuwan.

"Si Harry 'yon, doktor sa hospital na pinagtatrabahuhan ko."

"Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mong magpakasal sa akin?"

Mabilis akong napatingin sa kaniya.

"May relasyon ba kay-"

"Wala," maagap na putol ko sa ano mang sinasabi niya.

"Wala akong relasyon kay Harry at wala siyang kinalaman sa mga desisyon ko sa
buhay. Lalo na pagdating sa pagpapakasal ko sa 'yo."

"Pero kung hindi ako dumating para sunduin ka, magpapahatid ka ba sa kaniya?"

"H-Hindi."

"Bakit?"

"Dahil hindi ako sanay na may naghahatid sa akin pauwi maliban sa 'yo at kay Kuya
Simon. At isa pa, kaya ko namang umuwing mag-isa."

Bumuntong-hininga ito at hindi na muling nagsalita.

Nahihiwagaang napatingin na lamang ako sa kaniya. Napakahirap talagang basahin ng


laman ng utak ng lalaking 'to. Gusto ko sanang isipin na baka nagseselos siya pero
ayaw ko ng mag-assume.

"Kaninong bahay 'yan?" tanong ko nang tumigil kami sa tapat ng isang may hindi
kalakihang bahay.

"Sa anak ni Lolo Jaime. Gusto ka raw nilang makilala kaya dinala kita rito."

"Ah, gano'n ba?" sagot ko at napatango-tango na lamang.

Nang bumaba na siya ay bumaba na rin ako, saka sumunod sa kaniya palapit sa isang
maliit na gate.

"Lolo Jaime! Ate Jenny!" Malakas na tawag niya.

Mayamaya nama'y may lumabas na babaeng sa tantya ko ay nasa edad kuwarenta, kasunod
nito si Lolo Jaime.

Binuksan ng babae ang gate. "Lancel Mabuti't nakarating kayo." Nakangiting


binalingan niya ako. Ikaw na ba si Sheena?"

"Opo. Magandang gabi po." Magalang na bati ko.

"Magandang gabi rin. Tama si Tatay, ang gandang bata mo naman pala talaga," magiliw
na aniya. Niluwagan niya ang bukas ng gate. "Pasok muna kayo at sa loob na tayo
magkuwentuhan."

Nagpatiuna na ito. Sumunod kami ni Lance. Kaagad akong nagmano kay Lolo Jaime nang
makalapit kami sa kaniya.
"Mano po, Lo."

"Kaawaan ka ng Diyos." Nakangiting sabi niya sa akin.

Nagmano rin si Lance sa kaniya at pagkuwa'y magkakasabay kaming pumasok sa loob.

Hindi kalakihan ang bahay, simple rin pero malinis at maaliwalas ang loob. Nasa
tamang pwesto ang mga kagamitan na halatang alaga at iniingatan.

"Maupo ka, Sheena. Huwag kang mahihiya rito, ha?" Anang babae.

"Salamat po-"

"Siya si Ate Jenny, anak ni Lolo Jaime." Maagap na pagpapakilala ni Lance. "Ate
Jenny, si Sheena, fiancee ko."

Mabilis akong napalingon kay Lance. Hindi ko inaasahan na ipapakilala niya ako sa
ganoong paraan.

Nagtama ang mga mata namin. At gusto kong magpapadyak sa kilig nang at last ay muli
siyang ngumiti sa akin.

Sandaling naghinang ang aming mga mata. Gumanti ako ng ngiti sa kaniya. Ang saya ng
pakiramdam ko dahil pagkatapos ng mga nangyari, ngayon lang ulit kami nagngitian
nang ganito.

Bumalik ang fondness at adoration sa mga mata niya.

Gusto kong maiyak sa tuwa.

Isang tikhim ang nagpahiwalay sa pagtititigan naming

dalawa.

Ang nakangiting mukha ni Lolo Jaime ang nalingunan namin.

"Daig pa ang kalamay sa lagkit ng titigan niyo, ah." Nasa boses nito ang panunukso
sa aming dalawa.

Tumawa si Lance at inakbayan ang matanda. "Kayo talaga, Lo."

"Talaga naman."

Napangiti ako habang pinapanuod ang sweetness nilang dalawa.

"Sheena, halika."

Nabaling kay Ate Jenny ang tingin ko. Sumama ako sa kaniya pero bago tuluyang
makalayo ay narinig ko pa ang sinabi ni Lolo Jaime.

"Ay sus, talaga naman. Ikaw nga'y matutong magpakatotoo sa sarili mong bata ka.
Nasa harap mo na ang katuparan ng mga pangarap mo, huwag ka ng tumingin sa iba."

Narinig kong tumawa si Lance hanggang sa hindi ko na marinig ang pag-uusap nila.

Sa kusina ako dinala ni Ate Jenny.


Chapter 17

Chapter 17

SHEENA POV

PAGKATAPOS naming maghapunan kasama ang mag-ama ni Lolo Jaime at Ate Jenny, ay
nagpresenta akong tumulong sa pagliligpit ng aming kinainan.

Hinayaan naman nila ako kaya naiwan kami ni Ate Jenny sa kusina habang si Lolo
Jaime at Lance ay nagpaalam na tatambay muna sa balcony.

"Sheena, salamat pala dahil pinaunlakan mo ang request ko kay Lance na isama ka
rito, ha?" sabi ni Ate Jenny kapagkuwan.

Nakangiting tumingin ako sa kaniya. "Wala 'yon, Ate. Actually, hindi ko alam na
dito kami pupunta, wala kasi siyang sinabi dahil basta na lamang niya ako sinundo
at may pupuntahan daw kami."

Natawa ito. "Siraulo talaga 'yang Lance na 'yan, hindi ka man lang pala tinanong
kung gusto mo rin akong makilala, eh."

Natawa na rin ako. At sa totoo lang sobrang bait ni Ate Jenny sa akin. Asikasong-
asikaso niya ako mula pa kanina at ang dami niyang kwento. Hindi ko maramdaman na
ito ang unang pagkikita namin.

"Nang malaman ko kay tatay na ikakasal na pala si Lance at galing sila sa


pamamanhikan, nagtampo talaga ako. Hindi kasi nila ako isinama, eh pangako nila
'yon kay nanay na kasama ako dahil ako representative ni nanay." Napansin kong
bigla siyang lumungkot kahit nakangiti.

At dahil feeling close na kami ni Ate Jenny, nalaman ko kaagad kung bakit siya
nalungkot. Matagal na palang namatay si Nanay Carmen, ang nanay niya at asawa ni
Tatay Jaime. Naaksidente daw habang papauwi sa bahay nila galing sa mansion ng mga
De Asis. Nalaman ko rin na si Nanay Carmen pala ay ang yaya ni Lance mula pagka-
baby niya. Kaya naiintindihan ko na kung bakit sobrang malapit si Lance sa pamilya
ni Tatay Jaime.

"Mabait si Lance, Sheena. Dati pa naman, bata pa lang 'yan ay mabait na talaga.
Kaya nga kahit malaki na 'yan hindi makaalis-alis si

Nanay sa mansion nila dahil sa kaniya. Feeling ko nga mas mahal pa ni. Nanay 'yan
kaysa sa akin, eh. Pero hindi ako nagseselos dahil nauunawaan ko kung bakit sobrang
napamahal si Nanay sa kaniya, bukod sa mabait ay mahal na mahal niya talaga si
Nanay," patuloy na kuwento ni Ate Jenny.

Mataman akong nakinig sa kaniya dahil nakakatuwang malaman ang mga nakaraan ni
Lance bago ko siya nakilala dahil kay Kuya Simon.

"Kaya noong namatay si Nanay, isa si Lance sa sobrang naapektuhan. Hindi niya
matanggap na 'yong nag-iisang taong nagbigay sa kaniya ng importansya at pagmamahal
ay wala na, iniwan na siya. Saksi ako kung paano siya nagluksa sa pagkamatay ni
Nanay, Sheena. Naligaw nga siya ng landas dahil doon, eh."

"Gano'n po?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Malungkot siyang ngumiti. "Oo, Sheena.
Pagkatapos kasing mamatay ni Nanay, hindi na ako pinabalik ng mommy niya sa
mansion. Hanggang sa 'yon nga, nalaman namin ni tatay na naging maloko si Lance.
Out of cast kasi 'yan sa pamilya niya, palibhasa siya lang ang mabait kaya gano'n,"
patuloy pa niya.

"Hindi po ba okay ang pamilya ni Lance, Ate? At saka, paano po siya bumalik sa
dating siya na mabait?" Puno ng kuryusidad na tanong ko.

"Dahil kay Simon, sa Kuya mo." Napaawang ang mga labi ko. "Si Kuya po?"

Bumalik ang magandang ngiti sa mukha ni Ate Jenny. "Oo, si Simon. Actually noong
nalaman ko kay Tatay na kapatid ni Simon ang mapapangasawa ni Lance sobrang natuwa
ako kaya excited akong makilala at makita ka."

Napatango-tango ako. "Alam niyo po ba kung paano nagkilala si Lance at si Kuya? Ang
alam ko po kasi sa campus na sila unang nagkakilala at naging magkaibigan, eh."

Nakangiti siyang urmiling. At nagsimulang magkuwento sa history sa kung paano


nagkita ang dalawa. At hindi ako makapaniwala sa nalaman ko na minsan sa buhay ni
Lance ay nagtangka siyang mag-suicide at si Kuya ang nagligtas sa kaniya.

Habang nakikinig sa kuwento ni Ate Jenny ay hindi ko namalayang umiiyak na pala


ako. Hindi ko lubos maisip na gano'n pala kabigat ang pinagdaanan ni Lance bago
siya naging successful. At ngayon ko mas naintindihan kung bakit ayaw niyang masira
ang

friendship nila ni Kuya. At kung bakit niya nasabi sa akin na si Kuya ang tumulong
sa kaniya noong naliligaw siya ng landas. Naiintindihan ko na rin kung bakit ayaw
niyang magalit sa kaniya ang mga magulang ko. Kung bakit niya sinabi na si Papa at
si Mama ang nagbigay sa kaniya ng pagmamahal at ng isang masayang pamilya. Na
tinanggap at minahal siya ng mga magulang ko kahit noong walang wala pa siya.

Gano'n pala kalalim 'yong pinagmumulan niya.

Pagkatapos magkuwento ni Ate Jenny ay basang-basa na ng mga luha ang pisngi ko.
Ngayon ko kasi mas na-realize kung gaano kahalaga kay Lance ang pamilya ko. At
hindi ko kayang sirain ng tuluyan ang samahang 'yon.

"Kaya proud na proud kami ni tatay kung anuman ang narating ni Lance ngayon,
Sheena."

Napahikbi ako. "Proud na proud din po ako sa kaniya, Ate

"Alam ko. Kaya thank you sa 'yo. Mahalin mo si Lance, ha? Huwag mong sasaktan ang
batang 'yon, mahal na mahal namin ni tatay si Lance." Bikig ang lalamunang sabi
niya.

Tumango ako na ikinangiti niya.

"Salamat, Sheena."

"Salamat din po, Ate. Ang laking tulong po sa akin ng mga sinabi niyo. Kaya
maraming salamat po talaga." Taos pusong pasasalamat ko.

"Walang ano man. Ngayon pa lang din kami bumabawi kay Lance kasi matagal din kaming
nawalay sa kaniya. Napalayas kasi kami dati sa tinitirhan naming bahay kaya
napilitan kami ni Tatay na umuwi sa Capiz. At alam naming ang pamilya niya ang may
gawa niyon. Hinanap lang kami ni Lance, at ibinalik dito. Nakakahiya man pero siya
ang nagpatira sa amin sa bahay na 'to. Gusto niya nga sa mas magandang bahay pero
tumanggi kami ni tatay. Maayos na kami rito," dagdag na kuwento pa niya bago ako
niyayang lumabas.

Kanina pa kasi kami tapos magligpit, mas matagal pa nga ang naging kuwentuhan
namin.

Magkasama naming tinungo ang balcony kung saan naroon pa rin si Lolo Jaime at
Lance. Masayang nag-uusap ang dalawa na parang may nakakatuwang topic.

Napangiti ako. Nasaksihan ko kasi kung gaano kagiliw si Lance sa matanda. At habang
pinagmamasdan ko siya, mas lalo akong napamahal sa kaniya. Mas lalong lumalim ang
pagmamahal at
paghanga ko sa kaniya. At hindi ko nakikita ang sarili ko na magkakaroon ng
sariling pamilya na hindi siya ang kasama ko.

Habang pinagmamasdan ko si Lance, ang daming eksena ang pumasok sa utak ko. Gusto
ko siyang pagsilbihan, at alagaan. Ang dami kong gustong gawin at magagawa ko lang
'yon kapag asawa ko na siya.

Isang tapik sa braso ang pumutol sa pangangarap ko. Napatingin ako kay Ate Jenny.

Nginitian niya ako bago ibinalik ang tingin kay Lance. "Ang swerte ni Lance sa
'yo."

"Ate..."

Nakangiting tumingin uli siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "Nakikita ko
sa mga mata mo kung paano mo siya tingnan. At sigurado ako na mahal na mahal mo
siya."

"Halata po ba?"

"Halatang-halata." Pabiro pa niyang sinundot ang beywang ko kaya napatawa ako na


narinig ni Lance.

Napatingin siya sa amin ni Ate Jenny at kinawayan kami na lumapit.

Lumapit naman kami at nakisali sa kuwentuhan nila. "Ilang dosenang plato ba ang
hinugasan niyo at ang tagal ninyong nakatapos?" natatawang tanong ni Lolo Jaime sa
amin ni Ate Jenny.

Tawa lang ang naging sagot namin. Nang mga sumunod na sandali ay masaya kaming
nagkuwentuhan na apat. Nang medyo lumalalim na ang gabi ay panay na ang tingin ko
sa relong pambisig ko. Hindi ko alam kung paano yayayain si Lance pauwi dahil hindi
pa matapos-tapos ang kuwentuhan nila ni Lolo Jaime. Nahihiya naman akong magyaya.

Naghintay pa ako ng ilang sandali na si Lance ang magyaya pauwi. Mag-a-alas diyes
na kasi at may duty pa ako bukas. Antok na antok na ako dahil pagod din ako sa
maghapong trabaho, idagdag pang kulang talaga ako sa tulog nitong mga nakaraang
araw dahil sa mga iniisip ko.

Hanggang sa hindi ko na kinayang labanan ang antok, kusang bumigay ang mga mata ko.

Hindi ko alam kung gaano na katagal ang naitulog ko, naalimpungatan lang ako dahil
sa pakiramdam na umangat ako sa

na!"
Natatarantang kinuha ko ang mga damit ko, saka itinago sa likuran. Pero lalo akong
nataranta nang maiwan ang panty ko.

Naunahan ako ni Lance na damputin 'yon at iniabot sa akin habang may naglalarong
kapilyuhan sa mukha.

"Lancel" Napasimangot ako nang makita ko ang pagpipigil nito ng tawa.

"What? Ikaw na nga 'tong tinulungan, aahh!" Daing niya nang hampasin ko ang dibdib
niya.

Tumawa ito. "Mahilig ka pala sa pula, ha?" Aniya habang nakatingin sa kamay ko.

Huli na nang ma-realize ko na ang panty ko pala ang ipinanghampas ko sa kaniya.

Dama ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa kahihiyan.

"Lance!" Napamulagat ako nang agawin niya sa akin ang panty ko at itago sa kaniyang
likuran. "Akin na 'yan!"

"Nice bikini, huh?" Puno ng kapilyuhan ang boses niya maging ang pagmumukha.

"Lance, isa! Akin na sabi 'yan!" Pero sa halip na ibigay ay itinaas pa niya.

Nagtatalon ako para maabot 'yon pero hindi ko makuha-kuha.

Hiyang-hiya na ako habang si Lance ay tuwang-tuwa.

Hindi ako sumuko, pinilit kong abutin ang panty ko. Bumwelo ako at tinalon uli.
Mukhang hindi napaghandaan ni Lance 'yon, bumagsak siya sa ibabaw ng kama, kasama
ako. Nakasubsob ako sa dibdib niya.

Parang tumigil sa pag-inog ang mundo ko nang pag-angat ko ng mukha ay sumalubong sa


akin ang matiim niyang titig. Titig na tila tumatagos hanggang sa kaluluwa ko.

"L-Lance..." anas ko. Agad nagkagulo ang sistema ko sa init na hatid ng mga titig
ni Lance.

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ang mainit na hininga ni Lance na
tumatama sa mukha ko.

"L-Lance..." Pigil ang paghinga ko nang unti-unting bumaba ang mukha ni Lance at
sakupin ang mga labi ko.

Hindi ako nakakilos habang nanlalaki ang mga mata.

Oh, God. Totoo po ba 'to? Kung panaginip po ito, puwede bang

ere.

Pagdilat ng mga mata ko ay mukha ni Lance ang nakita ko." L-Lance..."

Kaya pala ako umangat sa ere ay dahil binuhat niya ako.

"I-Ibaba mo na ako," utos ko pero hindi niya ginawa. "P-Pauwi na ba tayo?"

Nagtaka ako nang ipasok niya ako sa isang katamtamang laki ng kuwarto. Kinabahan
ako.

Maingat niya akong ibinaba sa kama.

Nagtatanong ang mga matang tumingin ako sa kaniya.

"Dito na tayo matutulog."

"Ha?" Napabalikwas ako ng bangon at tila biglang nawala ang antok ko.

Magtatabi kami? Hala! Jusko! Hindi ako ready... Tumigil ka nga, Sheena. Saway ng
kabilang bahagi ng isip

ko.

"P-Pero, Lance may pasok ako bukas at-at w-wala akong dalang pamalit man lang,"
nauutal-utal na sabi ko.

Naging triple yata sa bilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako ready.

"May dala akong damit mo, nasa bag ko."

"H-Ha? Ah, uniform, oo uniform wala ako kaya-"

"May dala rin ako."

Napanganga na lamang ako. Prepared pala siya? Huh, ang galing.

"Bago kita sunduin, dumaan muna ako sa inyo. Ipinagpaalam kita sa mga magulang mo
at ikinuha ng damit."

Napatango-tango na lamang ako. "Ah, gano'n ba..."

"Don't worry, solo mo ang kama. Matutulog lang tayo." Tunog defensive na paliwanag
niya.

Bakit?

Ay anong bakit? Tumigil ka nga, Sheena. Saway ko sa malanding parte ng utak ko.

May kinuha si Lance sa bag at mas lalong nawala ang antok ko

nang mahulog ang mga 'yon. Napatingin ako sa sahig at nawindang

ako nang makitang mga damit ko 'yon. Nasa pinakaibabaw ang pulang

panty ko.

Tangkang kukunin ni Lance 'yon pero nauhan ko siya. "Ako

huwag Niyo muna akong gisingin? Piping dasal ko habang mabilis na kumakabog ang
dibdib.

Habang hinalikan ako ni Lance, parang may nag-aawitang mga ibon sa paligid at-ah
basta! Hindi ko kayang ilarawan ang eksaktong nararamdaman ko ngayon. Basta masaya
ako. Masayang-masaya....

GIRLONFIRE28
11

Thank you so much for reading! Nababasa ko po comments niyo, Salamat po sa mga nag-
iiwan ng comments.

"

Chapter 18

Chapter 18

SHEENA POV

MATAGAL ang halik na pinagsaluhan namin ni Lance. Katunayan na pareho kaming


naghahabol ng paghinga nang pakawalan niya ang mga labi ko.

Ilalayo ko sana ang mukha ko sa kaniya pero hindi ko magawa dahil hawak niya ang
likod ng ulo ko. Kaya halos maduling ako sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa
isa't isa.

"L-Lance.." usal ko. Nalilito ako sa nakikita kong emosyon sa mga mata

niya.

Naroon ang kaseryosohan, na para bang may gusto siyang tiyakin na hindi ko alam
kung ano 'yon at naroon din ang pagsuyo habang nakatitig siya sa akin.

Gusto ko sanang itanong kung ano ang tila gusto niyang tiyakin pero nawalan ako ng
lakas ng loob para itanong 'yon. Sapat na muna sa akin ang pagsuyong mababanaag sa
mga mata niya.

Ilang sandali pang magkahinang ang aming mga mata bago niya muling tinawid ang
distansya ng mga labi niya. Hinalikan niya uli ako at hindi naman ako tumutol.

Habang nagpapaubaya kay Lance, I feel alive and happier. Ibang-iba ang pakiramdam
na dumadaloy sa bawat himaymay ng pagkatao ko ngayon. Mas masaya ako ngayon dahil
alam kong nasa huwisyo si Lance, hindi siya lasing at alam niya ang ginagawa niya
ngayon,

Nang mga sumunod na sandali ay naging mabilis ang kilos ni Lance, nagawa niyang
pagpalitin ang puwesto namin. Ako naman ang nasa ilalim ng katawan niya.

"Lance..." Bigla akong naalarma nang magsimulang gumawa ng sariling landas ang mga
palad niya sa katawan ko.

Kinabahan ako dahil alam kong nasa kabilang silid lang si Ate Jenny at nasa sala
naman si Lolo Jaime.

Baka marinig nila kami-Naputol ang anumang pag-iisip ko nang maramdaman ang isang
palad ni Lance sa loob ng damit ko. Dumadama at pumipisil sa isang dibdib ko.
"Lance- Tuluyan nang nilipad ng hangin ang pagtutol na gagawin ko sana nang siillin
niya uli ng mainit na halik ang mga labi ko.

Nang mga sumunod na sandali ay tuluyan na akong nagpaubaya sa kaniya. Hinayaan ko


siyang makialam sa katawan ko. Ni hindi ko na namalayang nahubaran na pala niya ako
at tanging ang maliit na saplot ang naiwan sa mga katawan namin.

Iniwan ni Lance ang mga labi ko, at dumausdos pababa ang mga labi niya, hanggang sa
makaabot sa dibdib ko. Ramdam ko ang pag-alon ng tiyan ko nang mas lalo pang bumaba
ang mga labi ni Lance. Pinigilan ko ang mapasinghap nang maramdaman ang mainit
niyang hininga sa bandang puson ko. Pigil na pigil ko ang paghinga nang dahan-dahan
niyang hilahin pababa ang panty ko.

"Lance!" Hinawakan ko ang kamay niya. Bigla akong nahiya.

Sapat na kasi ang liwanag na naggagaling sa lampshade para makita niya nang malinaw
ang parteng 'yon ng katawan ko.

Lumamlam ang mga mata niyang nakatunghay sa akin. Para siyang aliw na aliw na hindi
ko maintindihan.

ko nang tuluyan niyang ibaba ang panty ko at hinalikan ang pagkababaé ko.

"Lance, please, nakakahi" naumid ang dila ko kasabay ng panlalaki ng mga mata

"Oh, Lancel" Hindi ko napigilang usal sa pangalan niya nang maramdaman ang

paglikot ng dila niya roon.

Hindi pa siya nakontento at mas ibinuka pa ang mga hita ko. Hiyang-hiya ako ng mga
sandaling 'yon at hindi alam kung paano ikikipot ang mga hita ko. Dahil kung
gagawin ko 'yon maiipit ang ulo niyang nasa pagitan ng mga hita ko.

Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko sa takot na baka marinig kami ni Ate Jenny
at Lolo Jaime na gumagawa ng milagro.

Hindi ko alam kung saan ibabaling ang ulo ko dahil sa masarap, nakakakilig, at
nakakakiliting sensasyong hatid ng mainit na dila ni Lance sa pagkababaé ko.

"Oh, Lancel Uhm, yes!" Nahihibang na anas ko habang patuloy niyang pinagsasawaan
ang pagkababaé ko.

Nagsimula nang manginig ang mga binti ko, maging ang puson ko. Ramdam ko ang
mabilis na pagbuo ng orgasmo ko.

"Lance Nakaramdam ako ng pagtutol nang itigil niya ang ginagawa at tuluyang Iwanan
ang pagkababaě ko.

Pagmulat ng mga mata ko ay ang maitim na titig ni Lance ang sumalubong sa akin.

"Sheena."

"Lance."

Magkasabay na sambit namin sa pangalan ng isa't isa bago tila gutom na inabot ang
mga labi ng bawat isa. Kasabay ng mapusok at mainit na halikan, pinaghiwalay ni
Lance ang mga hita ko at pumwesto roon, saka dahan-dahang itinulak ang sarili
paloob.

Napaawang ang mga labi ko nang tuluyang makapasok ni Lance. Sabay kaming napaungol
nang mapag-isa ang aming mga katawan.

Ramdam ko ang munting kirot sa pagkababaé kó. Ngunit sandali lamang 'yon at kaagad
napalitan ng nakakakiliting pakiramdam. Ramdam na ramdam ko ang init ng pagkalalaki
ni Lance na pumupuno sa kaloob-looban ko.

Muling umawang ang bibig ko nang magbago ang tempo ng pag-ulos ni Lance sa akin.
Mula sa mabagal at tila nananantiya ay naging senswual at mapang-akit, na para bang
hinihikayat ako na sabayan ang bawat galaw niya. Napapaatras ang balakang ko sa
tuwing ididiin niya ang sarili na may halong gigil at the same time ay may pag-
iingat na masaktan ako. Daig ko pa ang isang babasaging bagay na dapat pakaingatan
ng mga sandaling 'yon.

"Oohh, Lance!" Mahinang ungol ko. Pati paghinga ko ay unti-unting nagkaroon ng


tunog dahil sa sarap na ipinapadama ni Lance sa akin ngayon.

Kung noong unang beses na may nangyari sa amin ni Lance ay puno ng

panggigigil at diin ngayon nama'y puno ng senswualidad. Ramdam na ramdam ko ang


bawat paghugot baon ni Lance sa loob ko. At sa tuwing mapapalayo siya sa akin ay

hinahabol ko siya.

Sumabay ako sa bawat indayog ng katawan niya, sumayaw kaming dalawa na ang
nagsilbing musika ay ang mahihinang anas namin at ang tibok ng aming mga puso o mas
tamang sabihin tibok ng aking puso.

"Sheena! Ohh!"

Napangiti ako nang marinig na sinambit niya ang pangalan ko.

Lalong humigpit ang hawak ko sa magkabilang braso niya nang maramdaman ang
nalalapit kong orgasmo. Lance was hitting the right spot over and over again
hanggang sa manginig ang mga binti ko.

"Fvck! Ooh! I'm coming," anas niya.

Nag-umpisa nang manginig ang buong katawan ko.

"Lancel" Paanas na sambit ko sa pangalan niya.

"Sheena, oohl Baby, I'm coming!"

Bumilis nang bumilis ang indayog ng katawan ni Lance. Mabuti na lamang at matibay
ang kama, hindi nasira sa likot at gasław namin ni Lance

"A-Ako rin humillingal na sagot ko.

"Yes, baby! Uhm, yeah, come with mef Mahina niyang sabi

paulit- saya ng puso ko. na tila kinikiliti ang puso ko sa tuwing tatawagin niya
akong baby, Ang

Mahigpit niyang hawak ang magkabilang hita ko habang tinitriple ang pagbayo
Iminulat ko ang mga mata ko at walang kapantay na kasiyahan ang naramdaman ko nang
makita kong nakatingala si Lance habang bumabayo.

"I'm coming-Ahh!" anas ni Lance kasabay nang pagbagsak sa ibabaw ko.

"Lance!" impit na sambit ko.

Ang sarap sa pakiramdam na sabay naming narating ang lugar kung saan niya ako
isinama. Magkalapat ang mga dibdib namin kaya dama ko ang malakas na kabog ng puso
ni Lance.

Bagama't humihingal pa ay nagawa ko pa ring ngumiti nang isiksik niya ang mukha

sa leeg ko..

Hindi ko napaglaban ang damdamin ko, kusang humaplos sa buhok niya ang isang kamay
ko habang ang isa ay sa likod niya.

Pumikit ako at ninamnam ang masarap na pakiramdam na 'yon. At habang nakapikit,


nakita ko ang sarili ko sa piling ni Lance. Sa piling lang niya.

Naramdaman kong inalis ni Lance ang sarili sa loob ko pero nakadagan pa rin sa
katawan ko ang pawisan niyang katawan.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong puwesto. Nakasiksik lang siya sa
leeg ko habang ako nama'y nakayakap sa batok niya. Inaantok na ako pero wala akong
lakas para paalisin siya sa pagkakadagan sa akin.

Sinubukan kong imulat ang mga mata ko ngunit kusang bumabagsak ang mga talukap ko.

"Sheena.." Nadinig kong sabi ni Lance.

"I love you, Lance.." Bago tuluyang tangayin ng kamalayan ay nagawa ko pang aminin
ang totoong nararamdaman ko para sa kaniya.

NAGISING ako sa pag-iingay ng cell phone ko. Araw-araw kasing naka-set ang alarm
clock ko.

Babangon na sana ako nang maramdaman kong may mabigat na bagay na

dumagan sa tiyan ko. Napatingin ako sa kanan ko, braso pala ni Lance 'yon.

Pinatay ko muna ang pag-iingay ng cell phone ko para huwag maabala ang tulog ni
Lance bago inalis ang braso niya sa tiyan ko.

Nang maalis ko 'yon ay maingat akong bumangon. Napangiti ako nang ma-realize na
nakadamit na ako. Tumingin ako kay Lance na tulog na tulog pa rin, alam kong siya
ang nagdamit sa akin.

Aminado ako na ito na ang isa sa pinakamasayang umaga ng buhay ko. Ito ang isa sa
pangarap ko, ang gumising sa umaga na mukha ni Lance ang unang masisilayan ko.

Dumukhang ako sa kaniya at puno ng pagmamahal na tinitigan ang guwapong mukha niya.
Hindi ko napigilang haplusin ang mukha ni Lance.

Tila napapasong binawi ko ang kamay ko nang bahagya siyang gumalaw. Isang sulyap pa
ang ginawa ko sa kaniya bago tuluyang lumabas ng silid.

Sa kusina ako dinala ng mga paa ko. Naabutan ko roon si Ate Jenny na abala sa
kusina.

"Sheena, gising ka na pala." Nakangiting sabi niya nang makita ako. "Good morning
po, Ate, bati ko naman

Bigla akong nahiya nang ngumiti siya sa akin na may halong panunukiso sa

mukha,

"Mukhang good na good ang morning mo, ah."

Nag-iwas ako ng tingin na ikinatawa ni Ate Jenny.

"Sus, huwag kang, mahiya sa akin. Hindi ko naman masyadong narinig." Aniya at
sinundan ng tawa.

Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko sa panunukso ni Ate Jenny sa akin.


Tuwang-tuwa siya habang ako nama'y kinakain ng matinding hiya.

Laking pasalamat ko nang sa wakas ay tantanan na niya ako. Nagkakape ka ba,


Sheena?" Mayamaya'y tanong niya.

"Oo naman po, Ate."

Ipinagtimpla niya ako ng kape. Ininom ko 'yon habang siya naman ay bumalik na sa
ginagawa niya.

"Ate, puwede po ba akong makiluto?" Lakas-loob na tanong ko. Binalingan niya ako.
"Oo naman. Ano bang lulutuin mo?"

"Breakfast po sana ni Lance. Mahilig po siya sa fried rice sa umaga, eh. Saka,
gagawan ko po sana siya ng favorite niyang soup."

Nakangiting napatango-tango si Ate Jenny at hinayaan akong makialam sa kanilang


kusina. Kaagad ko namang inihanda ang gagawin kong carrot soup. Ako lang ang
nakakaalam sa recipe ko na yon at wala akong balak i-share sa iba dahil gusto kong
ako lang ang gumawa niyon para kay Lance.

Pahimig-himig pa ako habang nakaharap sa niluluto ko. Pati fried rice ay nagawa ko
na rin.

Pagkatapos kong magluto ng almusal ni Lance ay naligo na ako, saka nagbihis ng


uniform ko para paggising ni Lance ay naka-ready na ako.

Naglagay na rin ako ng manipis na makeup para mukha naman akong presentable

sa trabaho ko. Pagkatapos kong gumayak ay bumalik ako sa kusina. Hindi ako
mapakali, tinikman ko uli ang carrot soup na ginawa ko.

"Good morning."

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Lance. Mabagal ang ginawa kong paglingon.

"G-Good morning." Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya.

"Naka-ready ka na pala, late na ba ako?"

Tumingin ako sa relong pambisig ko. Mag-a-alas siyete pa lang ng umaga. "Hindi pa
naman masyadong late. Puwede ka pang mag-almusal. Nilutuan pala kita ng soup at
'yong favorite mong fried rice sa umaga." Pagbibida ko at muling tinikman ang
niluto

ko.

"Patikim."

Nanigas ako nang maramdaman ang hininga ni Lance sa kanang pisngi ko.

"A-Ah, sige wait lang. Ikukuha lang kita ng kutsara-"

"No need. Yang ginamit mo na lang."

"Ha? Ah, s-sigurado ka?" Parang nagbubuhol-buhol ang dila ko sa kaba.

Nang tumango siya ay napilitan akong lagyan ng soup ang kutsarang ginamit ko at
inilapit sa bibig niya. Bahagya akong tumingkayad para maabot ko ang bibig niya.

Tinanggap niya 'yon. Pigil ang hininga ko habang hinihintay ang hatol niya sa
niluto

"M-Masarap ba?" Tanong ko nang hindi siya magbigay ng komento.

Hindi siya sumagot kaya ikinuha ko uli siya at sinubuan.

"A-Ano, m-masarap ba?"

"Yes, masarap Sagot niya habang direstong nakatingin sa mga mata ko. "Sarap na
hindi ko inakala.."

Nag-init ang pisngi ko nang makita ang kapilyuhan sa mga mata niya. Saka ko lang
na-gets ang ibig niyang sabihin.

"Baliw!"

Humalakhak ito. Nag-eco sa buong kabahayan ang tawa niya.

"Siral

"Bakit? Ano bang iniisip mo? Soup ang tinutukoy ko rito, ah"

"Hmp. Ewan ko sa 'yo" Inirapan ko siya na mas ikinatawa niya

ko

Naging napakasaya ko ng umagang 'yon. Pinakamasaya na yata sa buong buhay ko.

PAGKATAPOS naming mag-almusal nang sabay-sabay ay nagpaalam na rin kami

sa mag-ama na aalis na. May pasok pa kasi ako at mali-late na ako kung hindi pa
kami aalis.

Wala kaming imikan ni Lance habang daan. Tila may anghel na dumaan at pareho kaming
nawalan ng imik.

Hindi naman nagtagal ay nasa harap na kami ng hospital na pinagtatrabahuhan ko.


"Thank you sa paghatid, Lance." Nakangiting pasalamat ko. Unti-unting nabura ang
mga ngiting iyon nang hindi umimik si Lance. Mataman lang siyang nakatingin sa
akin. Parang may gusto na naman siyang siguraduhin na hindi ko pa rin alam kung.ano
'yon.

"L-Lance..."

Para akong aatakehin sa puso nang abutin niya ang kaliwang kamay ko habang
nakatingin pa rin sa akin.

Tumikhim ako upang alisin ang pagbabara sa lalamunan ko. "Lance..."

Awtomatikong napaawang ang bibig ko nang may kunin siya sa bulsa niya at tumambad
sa akin ang maliit na pulang kaheta.

"L-Lance..." Unti-unting nanubig ang mga mata ko.

"Marry Me, Sheena."

Natutop ko ang bibig ko gamit ang libreng kamay ko. Nag-uunahang namalisbis ang mga
luha ko.

"Lance.."

"Marry me."

Umiiyak na tumango ako.

"Thank you." Nakangiting sabi niya habang isinusuot sa palasingsingan ko ang


singsing na 'yon.

Pakiramdam ko ng mga sandaling 'yon ay ano mang sandali ay sasabog na ang

puso ko.

Ang impit na iyak ko ay nagkaroon ng tunog nang halikan niya ang likod ng palad ko.

Chapter 19

SHEENA POV

TANGKANG bubuksan ko na ang pinto sa gawi ko para makababa na ako nang pigilan ako
ni Lance sa kaliwang braso ko

Napalingon ako sa kaniya habang may pagtatanong sa aking mga mata

"Thahatid kita sa loob," aniya.

"Ha? Ah, hindi na-"

"I insist. Pagkasabi niyon ay bumaba na siya ng kotse niya


Wala akong nagawa kundi ang mapasunod na lang ng tingin sa kaniya. Umikot siya sa
gawi ko at siya na mismo ang nagbukas ng pinto. Pigil ang kilig na inabot ko ang
kanang kamay niyang nakalahad sa harapan ko para alalayan akong makababa.

"T-Thank you," pasalamat ko nang makababa na ako. "Pero kahit 'wag mo na akong
hinatid, hindi naman ako maliligaw, eh

"I insist, Sheena. Pinal na sabi niya.

"Okay, ikaw ang bahala," sagot ko na lang. Mukhang kahit anong pagtanggi ang gawin
ko ay siya pa rin ang masusunod sa huli. Useless kong makipagtalo pa ako.

"Let's go, baka late ka na."

"Okay."

Magkaagapay na kaming naglakad papasok. Pagpasok pa lamang namin ay ramdam ko na


ang mga matang nakamasid sa amin. At alam kong si Lance talaga ang tinitingnan
nila. Hindi naman maikakaila kung gaano siya katikas, kaguwapo, at kung gaano
kalakas ang dating niya. At hindi kataka-taka na makaagaw siya ng atensyon mula sa
mga kasamahan ko at sa iba pang taong naroon

"Good morning, Sheena

"Good morning, Len, ganting-bati ko sa kasamahan kong nurse

Nakasalubong namin siya, at nasa mukha niya ang paghanga kay Lance.

"Ang guwapo naman ng dyowa mo," bulong niya nang mapatapat sa akin. "Wala na bang
kapatid iyan?" dagdag pa niya na ikinatawa ko.

"Ikaw talaga, Len."

"Balitaan mo 'ko kaagad kapag may kapatid pa 'yan, ha? Magandang palahian yan,"
pilyang sabi pa niya.

"Loka-loka. Diyan ka na nga. Mauna na kam- Nahigit ko ang aking paghinga nang
abutin ni Lance ang kamay ko. Nawala kay Elen ang atensyon ko at nalipat sa
magkahugpong naming mga kamay ni Lance

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin, at napakunot ang noo ko nang makita si Doc.
Harry sa di-kalayuan mula sa amin. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni
Lance sa kamay ko. At mukhang hindi siya aware sa bagay na 'yon. Bumilis din ang
lakad niya kaya medyo nahihila na niya ako.

"Good morning, Sheene. Nakangiting bati ni Doc. Harry nang

madaanan namin siya. Ang magandang ngiti niya ay agad nabura nang mapatingin sa
magkahugpong naming mga kamay ni Lance "Good morning din,

Harry." Nakangiti ring bati ko. "First name basis, ah. Mahinang sambit ni Lance
ngunit sapat na para malinaw kong marinig.

"Ano 'yon?" tanong ko kunwari.

"I said let's go, mali-late ka na kung makikipag ngitian ka pa." Pabulong na lang
ang huling sinabi niya kaya hindi na narinig ni Harry 'yon.
"Okay." binalingan ko si Harry. "Mauna na kami sa 'yo. Have a nice de-

"Let's go." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila na ako ni Lance
palayo kay Doc. Harry.

Napailing-iling na lamang ako habang napapangiti nang lihim. Pinagseselosan ba niya


si Doc. Harry? Sa loob-loob ko Tumigil ako nang malapit na kami sa puwesto ko

"Why?" Kunot ang noong tanong ni Lance.

"Hanggang dito ka na lang, Lance. Hindi ka na puwede sa

loob.

"Oh, okay"

Salamat sa paghatid, ha. Ingat ka pauwi."

Tumango lamang siya at binitawan na ang kamay ko. Paatras

akong naglakad Nakatayo pa rin si Lance sa puwesto niya. "Umalis ka na," sabi ko.

Nasa may pinto na ako pero nakatayo pa rin siya at nakatingin lang sa akin Hindi
niya alintana ang mga matang nakatingin sa kaniya. Malapit kasi siya sa mahabang
upuan kung saan nakapila ang mga pasyenteng naghihintay ng turn nila ngayong araw

"Naghihintay yata siya ng goodbye kiss mo, Ineng. Pagbigyan mo na, anang lalaking
nakaupo sa mahabang upuan. Pakiwari ko'y nasa edad singkwenta ang lalaki.

Kaagad nag-init ang pisngi hang ako sa ilalim ng lupa dahil se matinding hiya.
Pagkatapos kasi ng sinabi ni tatang ay kaniya kaniyang tukso na rin ang mga
matatandang naroon

"Sige na, Ineng Mukhang hindi talaga aalis ang nobyo mo kapag walang kiss. Muling
udyok ni tatang.

Aliw na aliw sa amin ang mga naroon.

Tumingin ako kay Lance at sa pamamagitan ng tingin ay ipinarating ko sa kaniya na


kailangan na niyang umalis Tumango naman siya kaya buong akala ko'y aalis na siya
pero naglakad siya palapit sa akin at hinalikan ako sa mga labi ko. Mabilis na
halik lamang 'yon pero natulala ako

Nang makabawi ay likod na lamang ng papalayong si Lance ang nakita ko. Pakiramdam
ko ay pulang-pula ang mukha ko nang mapatingin sa mga nag-aabang na pasyente. Nasa
mukha nilang lahat ang panunukso at pagkaaliw sa ginawang eksena ni Lance.

Bagay na bagay kayo ng nobyo mo, Ineng." anang isang babaeng nasa edad kuwarenta.
May kalong itong batang babae. Mukhang mabait at mahal na, mahal ka, dagdag pa niya
na ikinagalak ng puso ko.

Nginitian ko silang lahat at saka yumuko bilang paggalang." Maraming salamat po. At
m-magandang araw po sa inyong lahat." Magalang na pagbati ko sa kanila bago
nagmamadali nang pumasok sa loob.

Ang nakangising mukha ni Patricia ang nabungaran ko. "Good morning, Pat
"Good na good talaga ang morning lalo na kung may pahalik pa bago umalis." Nasa
tinig niya ang panunukso.

Mukhang nasilip niya ang eksena sa labas kanina. Hindi ko pinansin ang panunukso
niya at kaagad sinimulan ang trabaho ko.

Tatawa-tawa naman siyang nagpaalam sa akin at sinabing kahit gusto niya akong
kulitin ay kailangan na niyang umuwi dahil naghihintay na ang mag-ama niya.

Mag-ama? Ang sarap siguro sa pakiramdam na may matatawag kang mag-ama Napangiti ako
nang kaagad umariba ang imagination ko. Nakita ko sa imagination ko si Lance habang
naghahabulan sila ng baby namin sa garden. Tapos lalapitan ko sila at pupunasan ko
ng pawis ang mukha at katawan ng mag-ama ko.

Isang tikhim ang pumutol sa paglalakbay ng utak ko. Mabilis akong lumingon. Si Ram
pala ang lalaking nurse na kasamahan ko, sa emergency room din siya naka-duty

"Iba talaga kapag may taga-hatid na. Pangiti-ngiti nang mag-isa, tudyo niya.
"Tss! Tsismoso, pagbibiro ko na ikinstawa niya

"Hindi ako tsismoso, sadyang kalat na kalat lang dito sa

hospital na may taga-hatid ka na raw Kaya pale mukhang nalugi ang mukha ni Doc.
Harry, eh."

Napatingin ako kay Ram. "Ha?"

"Anong ha? Alam mo namang type ka niya tapos makikita niyang may taga-hatid ka na
pala. Ouch 'yon, oy Humawak pa ito sa dibdib niya na wering nasasaktan.

Sira. Bumalik ka na nga sa trabaho mo Pagtataboy ko pero hindi umalis si Ram. "Hoy,
sabi ko bumalik ke na sa trabaho mo."

"Sandali naman. Gusto ko munang huminga, Sheena Kanina ko pa gustong umupo dahil
pagod na ako sa dami ng pasyente sa emergency room. Mag-a-alas nuebe pa lang ng
umaga pero pakiramdam ko wala na akong lakas. Pabagsak siyang umupo. Halata ang
pagod sa mukha ni Ram.

"Anong mga cases nila?"

"Puro aksidente. 'Yong iba, high blood."

"Oh," tanging nasabi ko at itinuloy ang ginagawa. Hinayaan ko namang magpahinga


muna sì Ram.

Hindi rin naman siya nagtagal at lumabas na rin. Mukhang huminga lang talaga siya
sandali dahil hindi naman talaga biro ang trabaho ng mga nurse na naka-duty sa
emergency room. Hindi kasi nawawalan ng pasyente roon.

Habang sila ay pagod, ako nama'y sobrang ganadong magtrabaho ngayong araw. At kung
may makakakita sa akin ngayon ay baka mapagkamalan akong naloloka na. Hindi kasi
mabura-bura ang mga ngiti ko habang maya't maya ang sulyap sa singsing na suot ko.
Sobrang ganda ng singsing na ibigay ni Lance sa akin at alam kong mamahalin 'yon.
Kung kailan at saan niya binili, hindi na mahalaga 'yon.

NAGING napakasigla ko buong maghapon. Hindi ko ramdam ang pagod kahit ang daming
trabaho. Basta masaya lang ako. Sayang lang dahil wala ang kaibigan kong si Rachel
ngayon. Gustong-gusto ko pa namang i-share sa kaniya ang lahat ng ito at gusto kong
ipakita sa kaniya ang singsing ko.
Di bale, marami pa namang pagkakataon. Sa loob-loob

ko.

KINAHAPUNAN, hindi ko inaasahan na madadatnan ko sa entrance hall ang lalaking


laman ng isip ko buong araw.

Hindi pa niya ako nakikita dahil may kausap ito sa cell phone. Medyo nakatagilid
kasi siya sa gawi ko.

Hinintay ko muna siyang matapos sa kausap niya bago ako lumapit at kunin ang
atensyon niya. "Lance."

Itinago niya muna sa bulsa ng kaniyang pantalon ang cell


phone bago bumaling sa akin.

"Kanina ka pa riyan?" Tanong niya.

Umiling ako. "Hindi naman, kalalabas ko lang. Bakit?"

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ang nakita kong discomfort se mukha niya.
Nawala rin naman agad 'yon at napalitan ng ngiti kaya napangiti na rin ako.

"Tara na?" Pagkuwa'y pagyayaya niya.

"S-Sean?"

"Saan mo ba gusto?" Balik-tanong niya na ikineirap ko kunwari

"Lance, saan nga?"

Tumawa ito. "Sa bahay niyo. Gusto kong sabay nating ipaalam sa pamilya mo na
pumayag ka ng magpakasal sa akin. Gusto ko ring sabihin sa kanila kung kailan ang
kasal natin."

"K-Kailan ba?"

"The soonest the better"

"Bakit parang nagmamadali ka? May gusto ka bang takasan?" pagbibiro ko.

Nice try, Sheena Sa loob-loob ko.

"Sino namang tatakasan ko?"

"Aba, malay ko ba? Baka mamaya may nabuntis ka tapos ayaw mong panagutan kaya gusto
mong madaliin ang kasal natin."

"Ganiyang klase ba ng lalaki ang pagkakakilala mo sa akin?" Tila hinampong sabi


niya.

"Biro lang. Biglang bawi ko at nauna nang maglakad papunta sa kinapaparadahan ng


kotse niya.

Pagkalipas ng ilang sandali ay lulan na kami ng kotse niya patungo sa bahay namin.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin kami sa bahay.

"Pasok ka, alok ko at nauna nang pumasok. Sumunod naman


siya sa akin.

Tahimik ang buong kabahayan nang dumating kami.

"Sheena, nakauwi ka na pala. Si Ate Myra na galing sa kusina.

"Oo, Ate. Sina Papa?"

"Nasa taas sila ng mama mo," sagot niya bago binati si Lance na nakatayo sa tebi ko
Inalok din niya ng kape si Lance na agad namang pinaunlakan ng huli.

"Dito ka muna, ha? Tatawagin ko lang sina mama at saka magbibihis na rin muna ako
Paalam ko kay Lance.

"Sure Take your time."

"Sige Binalingan ko si Ate Myra. "Ikaw muna ang bahala kay Lance, Ate Bilin ko bago
iniwan ang mga ito at umakyat sa teas

Pinuntahan ko muna sa kuwarto ang mga magulang ko para ipaalam na nasa baba si
Lance bago ako dumiretso sa kuwarto ko Nag half bath lang ako, sake nagbihis at
bumaba na rin kapagkuwan

Nadatnan ko sa sala ang mga magulang ko kasama si Lance at naroon na rin si Kuya
Simon Siya ang unang nakakita sa akin

"Maupo ka na rito, Sheena, para marinig na namin ang gusto ninyong sabihin ni Lance
Seryoso ang tinig na utos ni Kuya Simon

Nag-aatubili ma'y lumapit na ako sa kanila. Sa tabi ni Lance ako umupo Matamang
nakinig ang mga magulang ko nang magsimulang magsalita si Lance at sabihin ang
plano niya para sa aming dalawa. Sinabi rin niya na pumayag na ako sa kasal. Na
mukhang hindi inaasahan ni Papa dahil rumehistro ang gulat sa mukha niya sabay
tingin sa akin.

"In three weeks po ay kailangan kong umalis at gusto ko po sana na kasal na kami ni
Sheena bago ang pag-alis ko," sabi ni Lance.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng pamilya ko sa amin ni Lance hanggang sa mapako ang


tingin ni Papa kay Lance.

"Kailan ang plano mo?"

"Dalawang linggo po mula ngayon. Nag-umpisa na po akong mag-ayos ng mga papel ko at


malapit ko na pong makumpleto ang mga kailangan ko."

"Dalawang linggo mula ngayon?!" Si Mama. "O-Opo, Tita."

"Bakit sobrang bilis naman yata?"

Kung nagulat ang mga magulang ko sa sinabi ni Lance ay mas doble sa akin. Hindi ko
inaasahan na magiging gano'n kabilis. Hindi naman kasi nabanggit ni Lance sa akin
kanina na 'yon ang plano niya. Ang buong akala ko'y magsasabi pa lamang kami.

Iba't ibang klaseng damdamin ang lumukob sa buong pagkatao ko ng mga sandaling
'yon. Excitement, kaba, tuwa at mayro'n ding takot Takot dahil hindi ko alam kung
saan kami dadalhin ng desisyong magpatali sa isa't isa habang-buhay.

Siguradong-sigurado ako kay Lance Pero ang tanong. siguradong-sigurado rin ba siya
sa akin? Gusto ko sanang marinig ang mga salitang magbibigay sa akin ng assurance
habang-buhay.

Chapter 20

Chapter 20

SHEENA POV

HABANG palapit nang palapit ang araw ng kasal namin ni Lance ay palala nang palala
ang kaba ko. Katunayan, ilang gabi na akong hindi mapagkatulog kaya sa tuwing
papasok sa trabaho ay mukha akong bangag sa laki ng eye bags ko.

Sino bang hindi kakabahan gayong limang araw na lamang at magaganap na ang kasal na
hindi ko naman pinlano. Ang bilis ng mga pangyayari at sa totoo lang ay hindi pa
rin masyadong nagsi-sink in sa utak ko ang lahat. Kaya siguro ganito kalala ang
kaba sa dibdib ko.

Sunod-sunod na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago inis na bumangon. Sumandal


ako sa headboard ng kama habang balot na balot sa kumot. Kanina pa ako nilalamig
pero hindi ko mapatay ang aircon dahil kay Rachel na nag-sleepover dito sa bahay
ngayon.

Pagka-out namin sa trabaho ay sabay na kaming umuwi dito sa bahay. Hindi ako
nasundo ni Lance na nakagawian na niya nitong mga nakaraang araw. May lalakarin daw
kasi siya at hindi na ako nagtanong kung ano o saan.

Muli akong napabuntong-hininga nang makita kong himbing na ang tulog ng kaibigan ko
sa kabilang side ng kama habang ako nama'y dilat na dilat pa rin ang mga mata.

Makalipas ang ilang sandali ay sinubukan ko uli na matulog pero bigo pa rin akong
makatulog. Ala-una na pero wala, dilat pa rin talaga ako. Kahit ipikit ko ang mga
mata ko, gising na gising naman ang diwa ko.

"Lance, please, patulugin mo naman ako." Naisatinig ko, saka muling bumangon at
muling humiga. Hindi ko na alam kung anong puwesto ang gagawin ko.

"Argh, Sheena, matulog ka na!" Inis na pagkausap ko sa sarili ko.

Tangkang babago na naman ako ng puwesto nang may humila sa buhok ko dahilan para
mapadaing ako.

Ang nakabusangot na mukha ni Rachel ang nalingunan ko.

"Tama 'yan, matulog ka na para makatulog na rin ako. Buwisit ka!" Nasa mukha niya
ang tinitimping inis.
"Sorry, nagising ba kita?" Nakangiwi kong tanong.

Inirapan niya ako. "Anong nagising mo 'ko? Ang sabihin mo, hindi ako makatulog
dahil ang likot-likot mo. Antok na antok na ako, alam mo ba yon?"

Alanganin akong ngumiti at napakamot sa ulo ko. "Sorry na... akala ko kanina ka pa
tulog, eh."

Bumangon na rin ito at ginaya ako na nakasandal sa headboard ng kama.

"Rachel, hindi ako makatulog.

"Mukha nga."

"Pasensya ka na, ha?"

"Okay lang, ganiyan daw talaga kapag malapit ng ikasal. Pero utang na loob, Sheena,
sana naman magpatulog ka na, madaling araw na, o

"Sorry na. Sige na, matulog ka na."

"Tss! Paano ako makakatulog, eh ang likot-likot mo. Ano ba kasing iniisip mo?"

Humarap ako sa kaniya. "Sa tingin mo, tama 'tong gagawin kong pagpapakasal sa
kaniya?"

"Bakit naman hindi? Mahal mo naman 'yong tao, 'di ba?"

Mabagal ang naging pagtango ko. "Pero hindi ako sure kung-kung mahal niya rin ako,
Rachel."

"Bakit hindi mo siya tanungin? At isa pa, ikaw ba nasabi mo na sa kaniya na mahal
mo siya?"

"Minsan. Pero hindi ko alam kung narinig niya."

"Eh 'di ulitin mo."

"Paano kung sabihin niyang hindi niya ako mahal kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya?"

"Seriously, Sheena? Kung walang nararamdaman sa 'yo si Lance, eh 'di sana hindi na
naulit 'yong isang gabing pagkalimot niya. Sa 'yo na rin nanggaling na naulit 'yong
churbahan niyo nang hindi siya lasing. Meaning, alam na alam na niya ang ginagawa
niyong eklabush. Sigurado naman ako na hindi ka manhid para hindi maramdaman 'yon
sa bawat bayo, ungol at hingal niya, 'di ba?"

"Rachel!" saway ko sa kapilyahan niya. "Ano namang kinalaman ng bayo, ungol at


hingal sa pagmamahal niya?"

"Aba'y malaki. Kapag mahal ka ng lalaking nangangabayo sa 'yo, with feelings 'yon.
"Yong tipong ang swabe ng bawat sundot at hugot niya tapos sabay kayong mapapa-
aahh!"

Natawa ako dahil with feelings ang pagkakasabi niya ng ahh. Pinatirik pa niya ang
mga mata.
"Baliw. Kailan ba kita makakausap ng matino, ha?"

"Matino ako, oy. Pero seryoso, Sheena, huwag ka ng masyadong mag-overthink kasi
nararamdaman ko naman na mahal ka rin ni Lance. Hindi ko lang alam kung anong
pumipigil sa kaniya para sabihin sa 'yo yon pero ikaw na ang bahalang umalam, ha?
Sa ngayon, matulog na muna tayo dahil mag-a-alas dos na."

Pagkasabi niyon ay bumalik na siya sa pagkakahiga habang ako ay nakaupo pa rin.

"Tulog na, Sheena..." paanas na aniya pa.

Napilitan na rin akong humiga at pinilit na makatulog ng gabing yon.

Paggising ko kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag mula kay Lance na kung puwede ay
mag-leave muna ako sa trabaho. Kaya naman pagpasok ko ng araw na iyon ay kaagad
akong nagpaalam sa pinaka boss namin sa hospital. Pumayag naman agad si Dr. Javier
sa request ko.

Nag-duty pa ako hanggang tanghali. At pagsapit ng tanghalian ay nag-out na rin ako


dahil susunduin ako ni Lance. Ayon sa kaniya nang tumawag kanina ay may pupuntahan
daw kaming dalawa.

Paglabas ko pa lamang ay kaagad ko nang namataan si Lance na nakasandal sa gilid ng


kotse niya. Hindi muna ako lumapit sa kaniya bagkus mula sa kinatatayuan ko ay
pinagmasdan ko siya at hindi nakaligtas sa akin ang makailang ulit niyang pagbunga
ng hangin at pagbuntong-hininga.

Hindi na ako nakatiis. Nilapitan ko na siya. "May problema ba?"

Mabilis na lumingon sa akin si Lance at kaagad tumuwid ng tayo.

"Hi! Nandiyan ka na pala." Nakangiting sabi niya pero hindi umabot sa mga mata niya
ang ngiting iyon.

Doon pa lamang, batid ko nang may problema siya. Inulit ko ang tanong ko at medyo
nadismaya ako nang hindi ko nakuha ang sagot na gusto ko. Sa halip, nagyaya na
siyang umalis.

Sa isang korean restaurant niya ako dinala. Kaagad niyang ipinakilala sa akin ang
head ng event organizer na nag-aasikaso ng nalalapit na kasal

namin. Pinakita niya sa akin ang plano at totoong nagustuhan ko 'yon. Hindi magarbo
kagaya nang napag-usapan namin ni Lance, Hindi naman mahalaga sa akin kung magarbo
o simple, ang importante ay yong taong makakasama ko na sumumpa sa harap ng
Panginoon.

Pagkatapos kong sang-ayunan ang plano ng team niya ay kaagad na in siyang nagpaalam
sa amin ni Lance dahil marami pa raw silang aasikasuhin.

Naiwan kami ni Lance sa restaurant na 'yon at napansin ko ang pananahimik niya.


Habang kumakain kaming dalawa, para siyang wala sa sarili at mayroong mabigat na
problema. At sa tagal ng pagkakakilala namin, ngayon ko lamang siya nakitang ganito
kabalisa. At hindi ako sanay na makita siyang tahimik at tila may malalim na
Iniisip.

"Lance," tawag ko pero mukhang hindi niya narinig kaya inulit ko.

"Ha? Ah, sorry may iniisip lang ako. May sinasabi ka ba?"
Payak akong ngumiti. "May problema ka ba?"

"Sheena..."

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "K-Kung tungkol sa


pagpapakasal mo sa akin ang problema mo, b-bibigyan kita ng chance para umatras.
Mahal kita, Lance. At ayaw kitang ikulong sa isang kasal na labag sa loob mo."

Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil sa wakas ay nasabi ko uli sa kaniya ang
tunay na nararamdaman ko. At gusto ko ring palakpakan ang sarili ko dahil kusang
lumabas sa bibig ko ang sinabi ko na bibigyan ko siya ng pagkakataong umatras.
Siguro dahil mas'yado ko siyang mahal para ikulong sa isang relasyon na hindi siya
handa at napasubo na lamang.

Ilang sandali na ang lumipas pero wala akong narinig na sagot mula kay Lance. Nag-
angat ako ng tingin. Natigilan pala ito. Mukhang ikinagulat niya nang husto ang
sinabi ko. Hinayaan kong tumanim sa isip niya ang mga sinabi ko.

"Bakit naman ako aatras?" mayamaya ay tanong niya.

"Dahil hindi mo ako dapat pakasalan dahil lang sa may nangyari na sa atin. At dahil
mahal kita, Lance. K-Kung nagdadalawang-isip ka pa sa pagpapakasal sa akin, umatras
ka na. Huwag na nating ituloy..." sabi ko sa matatag na boses.

Parang may bahagi sa aking puso na unti-unting namamatay.

Sinalubong ko ang mga mata ni Lance. Kung kanina ay pagkabalisa ang mababasa roon
ngayon nama'y pagkaaliw.

"Lance, seryoso ako. K-Kung may pagdadalawang-isip ka pa sa akin, please ngayon pa


lang umatra-"

"Makinig ka sa akin," putol niya sa sasabihin ko. Hinawakan niya ang kamay kong
nasa ibabaw ng mesa.

Masuyo niyang pinisil ang palad ko.

"L-Lance..."

"Hindi ako aatras sa kasal natin dahil bago kita alukin ng kasal, sigurado na ako
sa 'yo. I wanted to have a perfect woman for me... and that's definitely you."

Kaagad namuo ang mga luha sa mga mata ko.

"Matutuloy ang kasal natin in four days, Sheena. Sigurado ako sa 'yo, sigurado ako
sa sarili ko. At siguradong-sigurado ako sa ating dalawa. Ikaw ang gusto kong
tanungin kung sigurado ka na ba talaga sa akin."

Sunod-sunod na pagtango ang ginawa ko na ikinangiti ni Lance. Dinala pa niya ang


kamay ko sa mga labi niya at masuyo niyang kinantalan ng halik.

"L-Lance..."

"I'm going to ask you again. Will you marry me, Sheena?"

"Yes," sagot ko na halos hangin na lamang na lumabas sa bibig ko.

Umaliwalas ang mukha niya bago muling kinantalan ng halik ang kamay ko.
Nang bumalik kami sa pagkain ay nawala na ang agam-agam sa puso ko. Tuloy na tuloy
na talaga ang pag-iisang dibdib namin ni Lance apat na araw mula ngayon.

Parehong magana na tinapos namin ang pagkain at pagkuwa'y magkahawak-kamay na


naglakad palabas ng restaurant na 'yon.

Nagtaka ako nang biglang tumigil sa paglalakad si Lance kaya napatigil din ako.
Bahagya akong tumingala para sana itanong kung bakit pero napansin kong naggalawan
ang mga ugat niya panga. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng pagkakahawak ni Lance
sa kamay ko.

"Lance" pag-aalala kong tawag sa kaniya pero hindi niya ako pinansin kaya sinundan
ko na lamang ang direksyong tinitingnan niya.

Napuno ng pagtatanong ang isip ko nang makita ang isang lalaking

kamukha ni Lance na nakatayo 'di-kalayuan mula sa amin.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa at halos lisa lamang ang hulma ng
kanilang mga mukha pero mas mukhang may edad ang lalaking kamukha ni Lance.

"Hello, brother," anang lalaki at nagsimulang humakbang palapit sa amin.

Halos madurog ang mga buto ko sa kamay sa sobrang higpit ng hawak ni Lance. Mukhang
hindi siya aware sa bagay na 'yon.

"You must be Shee-" Hindi na natapos ng lalaki ang pagsasalita dahil halos
kaladkarin na ako ni Lance palayo sa lalaking kamukha niya.

Tumawa nang nakakaloko ang lalaki at muling nagsalita. "Hindi mo ba ako ipapakilala
sa mapapangasawa-"

Humarap si Lance sa lalaki. "Damn you!"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Lance. Ngayon ko lamang siya nakitang magalit
at ngayon ko lang din narinig na magsalita ng gano'n.

Tumawa lang ang lalaki at tila hindi man lang naapektuhan sa pagmumura ni Lance. Sa
halip ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa bago ibinalik sa mukha ko ang tingin.

"Let's go, Sheena." Nagpatinaod na lamang ako nang muli akong hilahin ni Lance
paalis.

Pagdating namin sa parking lot ay nakita ko ang bahagyang panginginig ng mga kamay
niya nang bubuksan ang pinto ng kotse niya. Kitang-kita ko ang pinipigilan niyang
galit, siguro para huwag akong matakot.

Pero hindi ako takot, mas lamang ang pag-aalala ko sa nakikitang galit sa mukha
niya. At sa pagkakataong 'yon, sinunod ko ang gusto kong gawin. Mula sa likuran
niya ay lumipat ako sa kaniyang harapan at walang pagdadalawang-isip na niyakap ko
siya nang mahigpit. Mahigpit na mahigpit na yakap. Gusto kong maramdaman niyang
kakampi ako anuman ang mangyari.

Gumanti siya ng yakap pagkatapos makabawi. Awang-awa ako sa kaniya nang maramdaman
ko ang panginginig ng katawan niya. Para bang may naalala siya na ayaw na niyang
maalala pa.

"Sshh... I'm here. I'll always be here for you, Lance," pangako ko.
Humigpit lalo ang yakap niya sa akin at ibinaon ang mukha sa balikat ko. "I'm so
grateful you're here with me right now..."

Napangiti ako. Hindi ko siya binitawan hanggang sa unti-unti na siyang

kumalma.

GIRLONFIRE28

Thank you sa inyong lahat! Ito po pala ay may contract ha, possible po na mag-lock.
Hindi naman po sobrang haba ng story na 'to. Thank you po!

17

Chapter 21

Chapter 21

SHEENA POV

NANG medyo kumalma si Lance ay niyaya ko na siyang umalis.

"Hep!" Maagap kong pinigilan ang kamay niya nang tangkang sasakay sa driver's seat.

Nasa mga mata niya ang pagtataka nang igaya ko siya sa passenger seat.

"Sheena."

"I know how to drive." Nakangiting sabi ko. "Ako muna ang driver mo ngayon." Hindi
ko na siya hinintay na makatutol. Kaagad ko nang binuksan ang pinto at bahagya
siyang itinulak papasok.

Mahina siyang tumawa at umiling, saka tumingin sa ibang direksyon. Pero muling
bumaling sa akin nang hindi pa rin ako umalis sa tabi niya.

"What?" Kunot noo niyang tanong.

"Pasten your seatbelt."

Napapalatak naman siya habang nagkakabit ng seatbelt at pagkatapos ay tumingin uli.


"Happy?"

Ubod-tamis ko siyang nginitian. "More than happy."

"Tss, kulit."

Bago ko isara ang pinto sa gawi niya ay ginawa ko ang kanina ko pa gustong gawin.
Kusang tumaas ang mga kamay ko patungo sa noo niya at hinaplos iyon. Kunot na kunot
kasi ang noo niya.
"Ayan, okay na. Medyo nabawasan na ang gatla." Pagkasabi ko niyon ay dali-dali ko
nang isinara ang pinto sa gawi niya at umikot sa kabila.

Napasandal ako sa pinto ng sasakyan at hinimas-himas muna ang sariling dibdib para
kalmahin ang paghuhurumintado ng puso ko. Ang bilis kasi ng kabog ng dibdib ko.
Para akong teenager sa inaakto ko.

Sunod-sunod na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago binuksan ang pinto at


pumwesto sa driver's seat. Inilahad ko ang kamay kay Lance para hingin ang susi.
Walang imik na ibinigay niya 'yon sa akin.

Medyo kabado man ay nagawa kong i-start ang sasakyan ni Lance. Medyo nanibago ako
dahil matic ang sasakyan niya. Marunong naman ako sa matic pero mas gamay ko ang
manual.

Habang nagmamaneho ay panaka-naka kong sinusulyapan si Lance. Nakatingin siya sa


labas ng bintana. Maya't maya ang pagtangis ng mga ngipin niya. Nang lilingon siya
sa akin ay kaagad kong ibinalik ang tingin sa daan. Kunwari ay focus na focus ako
sa pagmamaneho.

Malayo-layo na ang nararating namin pero hindi ko alam kung saan ba kami pupunta ni
Lance. Saan ko ba siya luuwi?

Muli ko siyang sinulyapan. Nakasandal siya sa upuan habang nakapikit. Kunot na


kunot na naman ang noo niya. Nang mapadaan kami sa stop light, nagkaroon ako ng
pagkakataon para titigan si Lance. Naroon na naman ang kagustuhan kong haplusin ang
noo niyang kunot na kunot. Akmang gagawin ko 'yon nang magmulat ng mga mata si
Lance at luminga sa akin. Tila napapasong dahan-dahan kong binawi ang kamay ko at
ibinalik sa manibela.

Napapahiyang nginitian ko si Lance at nag-iwas ng tingin. Eksakto namang umusad na


ang nakatigil na sasakyan sa unahan namin kaya sumunod na rin ako.

At dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta, nagpasya ako na dalhin siya sa isang
lugar na alam kong kakalma at gagaan ang pakiramdam niya.

Pagkalipas ng ilang sandali, inaakyat na namin ang kahabaan ng Sta. Rosa road
patungo sa Tagaytay. May alam akong breathtaking view roon na ilang beses na naming
napuntahan ni Rachel. Walang traffic kaya mabilis lamang kaming nakarating doon.

Nakapikit pa rin si Lance nang maiparada ko na ang sasakyan niya. Hindi ko masabi
kung tulog ba siya o ano. Hinayaan ko pa siya ng ilang minuto pa hanggang sa
magpasya na akong kunin ang atensyon niya.

Tinapik ko siya nang mahina sa braso. "Lance..." kasabay ang masuyong pagsambit sa
pangalan niya.

"Hmm..."

"Baba tayo?" Doon siya nagmulat ng mga mata at tumingin sa paligid.

Rumehistro ang pagkamangha sa mukha niya nang makita kung anong klaseng lugar ang
kinaroroonan namin ngayon.

Tumingin siya sa akin. "Nasa Tagaytay tayo?"

Nakangiti akong tumango at pagkuwa'y nauna nang bumaba ng sasakyan. Kinausap ko


muna ang lalaking nakabantay sa gate ng private property ng tita ni Rachel. Yes,
tita ni Rachel ang may-ari kaya puwede kaming pumasok anytime.
"Maraming salamat po!" Palasamat ko sa guwardya.

"Pasok na lang kayo." Mabait na sabi niya.

"Salamat po uli." Pagkatapos kong magpasalamat ay binalikan ko si Lance. "Baba ka


na."

"Private property 'yan, Sheena." Pag-aalangan niya.

"I know. Pero may permiso tayo para makapasok kaya bumaba ka na." Hinawakan ko ang
kamay niya at hinila siya pababa.

Sandaling nanigas at natensiyon ang katawan ni Lance, pero kaagad ding na-relax ang
katawan niya at napabuntong-hiningang nagpatinaod sa paghila ko sa kaniya.

Walang imikan na dinala ko siya sa pinaka paborito kong spot. Isang napakagandang
hardin ang private property na kinaroroonan namin at sa ibaba ay walang ibang
makikita kun'di puro puno. Luntian ang buong paligid at kaysarap sa mga mata.
Sobrang tahimik ng lugar. Mayro'n ding modern kubo na puwedeng pag-stay an.

"This place is so peaceful and... perfect." Mayamaya ay mahinang usal ni Lance


habang nakatanaw sa ibaba.

"Yes, it is."

Humarap siya sa akin. "Thank you for bringing me here, Sheena."

"You're welcome." Nakangiting sagot ko, saka nagpaalam na maiiwan ko muna siya.

Hindi man niya sabihin, alam kong gusto niya munang mapag-isa. At bago ko siya
iwanan, nagbiro pa ako na bawal tumalon sa ibaba na ikinatawa niya.

Gamit ang susi na ibinigay sa akin ng guwardya kanina ay binuksan ko ang pinto ng
modern kubo at pumasok. Wala naman akong ginawa kun'di humilata. At dahil sa
masarap na klima ng Tagaytay, hindi ko napigilang makaramdam ng antok hanggang sa
makaidlip ako.

Naalimpungatan ako nang maalala si Lance. Bumalikwas ako ng bangon at kaagad siyang
hinanap sa labas. Tila nakahinga naman ako ng maluwag nang matanaw ko siyang
nakaupo sa mahabang upuan sa lilim ng mayabong na puno ng mangga.

Nakatalikod siya sa gawi ko at nakaharap sa magandang tanawin kaya hindi niya


nalamayan ang paglapit ko.

Tahimik at maingat na pumwesto ako sa likuran ni Lance. Mukhang malalim ang iniisip
niya kaya hindi pa rin niya napapansin ang

presensya ko.

Lumipat ako sa harapan niya at pumwesto sa bakal na bakod. Ipinatong ko roon ang
mga braso ko at tumanaw sa ibaba.

"It's okay to cry when there's too much on your mind. Parang ulap, umuulan kapag
masyado nang mabigat." Mayamaya ay makahulugang usal ko.

Hindi siya umimik kaya nagsalita uli ako. "Crying could sometimes be extremely
effective in easing the deal seek in your mind. Not because you're a wimp."
Wala pa rin siyang reaksyon. Lilingon na sana ako nang may mga brasong yumakap sa
leeg ko. Nahigit ko ang paghinga ko nang maramdaman ang malapad na dibdib ni Lance
sa likuran ko. Nakapaikot sa leeg ko ang mga braso niya habang nakadikit ang pisngi
niya sa gilid ng ulo ko. Sobrang intimate ng puwesto namin at parang hindi ako
makahinga sa samo't saring damdamin.

Tumaas ang mga kamay ko at humawak sa mga braso niyang nasa tapat ng dibdib ko.
Hinaplos-haplos ko 'yon.

"I'm always here for you, Lance..."

Hinagkan ni Lance ang ulo ko. "Thank you, Sheena."

Muling namayani ang mahabang katahimikan. Tila kontento na kami sa presensya ng


isa't isa.

"Sheena." Mayamaya ay sambit niya.

"Hmm?"

"Kapag nalaman mong hindi ako perfect, itutuloy mo pa rin ba ang pagpapakasal sa
akin?"

Natigilan ako. Nahamigan ko ng takot at pag-aalala ang tinig niya.

Dahan-dahan kong inalis ang mga braso niya at humarap ako sa kaniya. Hinaplos ko
ang pisngi ni Lance. "Wala namang taong perpekto, Lance. Lahat ng tao may mga
pagkakamali sa buhay, even me. Hindi naman kita minahal dahil perfect ka, minahal
kita dahil alam ko na mabuti kang tao. And yes, pakakasal pa rin ako sa 'yo kahit
malaman ko ang lahat ng tungkol sa 'yo."

Hinagkan ni Lance ang noo ko at pagkuwa'y iginaya ako paupo sa mahabang upuan na
kinauupuan niya kanina.

Habang magkatabi kaming nakaupo, ramdam ko ang paninigas niya na para bang takot
siya na hindi ko alam kung bakit at saan.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na abutin ang kamay niya at pagsiklupin ang mga
palad namin. Gusto kong ma-feel niya na handa akong makinig at manatili sa tabi
niya. Tumingin siya sa akin at mukhang nakuha niya ang ibig sabihin ng ginawa kong
pagpisil sa palad niya.

"I'm a little scared, Sheena. But...but I think you deserve to know about the
darkest times of my life. Before meeting your brother," simula niya.

Damang-dama ko sa boses niya ang panginginig. Lalo kong hinigpitan ang hawak sa
kamay niya. "Makikinig ako..."

"I-I was molested when I was 12 years old, Sheena."

Parang bombang sumabog sa harapan ko ang sinabi ni Lance. Pakiramdam ko sandaling


nag-hang ang utak ko at hindi kaagad nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya.

"N-Not just once, but s-several times in five months," dagdag pa niya na ikinatulo
ng mga luha ko.

Hindi ko magawang magsalita. Basta nakatingin lang ako sa kaniya na may pagtatanong
sa mga mata.
"B-By m-my stepdad. He a-abused me. Paulit-ulit... paulit-ulit, Sheena. H-Hindi ko
magawang lumaban because I was kid.."

Parang sinaksak ng patalim ang puso ko nang makita kong masaganang naglandas ang
mga luha ni Lance. Nasa mga mata niya ang pandidiri sa sarili.

"Pakiramdam ko ang dumi-dumi... lalo na kapag naaalala ko kung paano niya ako
binaboy... ang pagkatao ko!"

Tutop ko ang bibig ko habang umiiyak na nakikinig sa kaniya. Kinakilabutan ako ng


mga sandaling 'yon. Hindi ko ma-imagine na nangyari sa isang Lance De Asis ang
lahat ng 'yon.

Habang nagkukuwento siya nang naranasang pangbababoy mula sa amain ay tulo nang
tulon ang mga luha niya. Diring-diri siya sa sarili.

"Tama na! Tama na, Lance. Please, tama na..." Pagpapatigil ko sa kaniya dahil
pakiramdam ko sasabog na ang utak ko sa mga inaamin niya sa akin.

Hindi ako ready. Hindi ko kayang marinig lahat. Ayoko!

Awang-awang niyakap ko siya nang mahigpit. Para siyang batang nag-breakdown sa mga
bisig ko.

"Sshh... tahan na. Tama na, Lance, tama na..." pag-aalo ko sa kaniya habang
marahang hinahagod ang likod. "Tama na, Lance..."

Umiyak siya na parang bata. Kailanman ay hindi ko naisip na makikita ko siyang


ganito kahina. Nasanay ako sa Lance na laging masaya, nakangiti at palatawa. Akala
ko kilalang-kilala ko na siya, hindi pa pala. Ngayon ko na-realize na sa kabila
pala ng masasayang tawa, magagandang ngiti, at nangungusap na mga mata niya ay may
itinatagong madilim na karanasan.

At sobrang galing niyang magdala.

Hinayaan ko siyang umiyak. Hindi ko siya binitawan. Sa kabila ng mga narinig ko,
hindi nagbago ang damdamin ko sa kaniya bagkus mas lalo ko siyang hinangaan at
minahal.

"Hindi kita deserve, Sheena... marumi ako."

"Sshh." Saway ko. Inilayo ko siya nang bahagya sa akin at sinapo ang mukha.
Tiningnan ko siya nang puno ng pagmamahal.

"Hindi ka marumi... mabuti kang tao, Lance."

"Hindi kita deserve kaya kahit mahal kita... hindi kita niligawan. Takot akong
sumugal dahil kahit anong narating ko sa buhay ko ngayon, hindi kayang baguhin ng
pagiging Vice Admiral ko ang nakaraan ko, Sheena." Puno ng sakit ang tinig na sabi
niya.

Nagsimula uli siyang magkuwento tungkol naman kay Lander, ang kapatid niyang nakita
namin kanina. Sa dami ng sinabi niya, wala akong naintindihan dahil isang bagay
lang ang tumatak sa isip ko. Yon ay ang sinabi niya kani-kanina lang na mahal niya
ako.

Mahal ako ni Lance... mahal niya ako...


GIRLONFIRE28

11

Thank you!

11

Chapter 22

Chapter 22

SHEENA POV

HINDI kita deserve kaya kahit mahal kita... hindi kita niligawan. Parang sirang
plaka na paulit-ulit kong inulit sa isip ko ang mga salitang 'yon.

Tama ba ako ng dinig? Mahal ako ni Lance? Mahal niya ako...

Kahit luhaan ay nagawa kong ngumiti. Hindi ko kayang ipaliwanag 'yong saya sa puso
ko ngayon.

Tuloy pa rin sa pagkukuwento si Lance habang tumutulo pa rin ang mga luha. Mayamaya
ay huminto siya nang kusa at kumunot ang noo habang nasa mukha ang pagtataka.
Napansin niya siguro na hindi na ako nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Sheena," usal niya kapagkuwan.

"P-Puwede mo bang ulitin 'yong sinabi mo?" Wala sa loob na hiling ko. Lalong
nagkaroon ng gatla ang noo niya. "Please?"

"Alin do'n?" malat ang boses na tanong niya. "Sobrang dami ko ng sinabi, hindi ko
na kayang uliti-"

"Kahit do'n lang sa part na hindi mo ako deserve kaya kahit mahal mo ko hindi mo
'ko niligawan."

Malungkot siyang ngumiti saka dahan-dahang tumango bago tumingin sa malayo.

Ginagap ko ang kamay niya kaya muli siyang tumingin sa akin. "Sheena

"Mahal mo 'ko?" tanong ko.

Ilang sandaling pinagmasdan lang niya ang mukha ko. Mayamaya, marahang tumango.

"Yes. I love you." Madamdaming pahayag niya.

Ilang sandali akong napatulala. Pagkatapos, napakurap-kurap uli at napatikhim. Tama


na ang narinig ko. Hindi na lang ako nag-a-assume o namamali ng dinig. Hindi ako
dinadaya ng pandinig ko.

"P-Puwede bang pakiulit?" Gusto ko pang mas makasiguro.

"I love you. I love you so much, Sheena. But-"

"Sshh!" Maagap kong inilagay sa tapat ng bibig niya ang daliri ko para

huwag na siyang makapagsalita. "lyon lang ang gusto kong marinig at iklaro, Lance.
Mahal mo 'ko period. No buts. Sa tindi nang bugso ng damdamin, hinawakan ko ang
isang kamay niya at walang pagdadalawang-isip na dinala sa mga labi ko at matunog
na hinalikan.

Paulit-ulit kong ginawa 'yon habang nakatingin sa kaniya kaya kitang-kita ko nang
muling maglandas ang mga luha niya.

Patuloy kong hinalikan ang likod ng palad niya. Gusto kong ipadama sa kaniya na sa
kabila ng lahat ng narinig at nalaman ko, walang nagbago sa nararamdaman ko para sa
kaniya. I love him even more.

"S-Sheena..." sa wakas ay usal ni Lance nang tila mahanap ang kaniyang boses. "P-
Pakiramdam ko hindi kita deserve. H-Hindi ako karapat-dapat sa isang napakabuting
babaeng kagaya mo. Y-You deserve better.." Nasa mukha at boses niya ang matinding
paghihirap.

Umiling-iling ako. "I deserve you. Kahit ano pang nakaraan mo, tanggap ko. lyong
maruming Lance na sinasabi mo, hindi ko siya nakikita. Ang nakikita ko, iyong Lance
na minahal ko kasi mabuti siyang tao."

Muli akong napaiyak nang humikbi si Lance na parang bata. Para bang hindi siya
makapaniwala na kaya ko siyang tanggapin sa kabila nang mga ipinagtapat niya. Na
para bang ang ini-expect niya ay basta ko na lamang siyang tatalikuran at iiwan.

"Sshh... tahan na." Pagpapatahan ko.

"I know I'm not the best man on earth kaya hindi ko alam kung anong ginawa ko para
dumating sa buhay ko ang isang babaeng kagaya mo. Na sa halip na pandirihan ako ay
yayakapin pa ako nang buong puso. And yes, hindi ko ini-expect na ganiyan ang
magiging reaksyon mo. Hindi ako makapaniwala na pagkatapos mong malaman ang totoo,
magagawa mo pa rin akong tingnan nang ganiyan..." nanginginig ang boses niya dahil
sa pag-iyak.

"L-Lance..."

"Paano mo nagagawa 'yan, ang tingnan pa rin ako nang ganiyan? Punong-puno ng
pagmamahal at paghanga. Bakit..."

Pareho na kaming luhaan ng mga sandaling 'yon. Hindi ko kinakaya' yong nakikitang
self doubt sa mga mata niya. Hindi ako makapaniwala na ganito kababa ang tingin
niya sa sarili niya dahil sa nakaraan niya.

"P-Paano mo nagagawa 'yan...?" ulit niya.

Sa halip na sumagot, kinabig ko siya palapit sa katawan ko at mahigpit na niyakap.


Gumanti siya ng yakap. Mas mahigpit. Mas mainit.

Ilang sandaling nasa ganoong posisyon lang kami. At mayamaya, mabagal na sabay
kaming bumitaw sa isa't isa.
"Sheena."

"Lance."

Sabay naming bigkas sa pangalan ng isa't isa.

"Because I love you, Lance. Wala nang maraming rason. And please, hayaan mo 'kong
burahin ang lahat ng mapait na nakaraan mo. Nandito lang ako para sa 'yo...
hinding-hindi ko bibitawan ang mga kamay mo," pangako ko.

Walang ano mang sinabi si Lance pero nangungusap ang mga mata niya.

"Mahal na mahal kita. Ilang beses ko na ring nasabi sa 'yo 'yan pero ngayon, hindi
ko na lang basta sasabihin bagkus mas ipaparamdam ko pa sa 'yo. Huwag na huwag mong
sasabihin na marumi ka, na hindi ka karapat-dapat para sa akin dahil ako lang ang
makapagsasabi kung sino ang nararapat para sa akin."

Napasinghot si Lance. "G-Gusto mo pa rin akong maging asawa?"

Nakangiting tumango ako. "Yes. Ikaw pa rin ang gusto ko. Ikaw lang..."

Nagkaroon ng lambong ang mga mata niya. "Ang tagal kong naduwag, ang tagal kong
natakot na aminin sa 'yo na mahal kita. Pinilit kong kalimutan ka, sinubukan kong
magmahal ng iba. Dahil palaging sinasabi ng isip ko na hindi ako nababagay sa 'yo.
Pero alam mo bang sa tuwing mahuhuli kitang nakatitig sa akin biglang nagbabago ang
isip ko. Hindi mo alam na sa tuwing titingnan mo ako nang gano'n, nabo-boost ang
tiwala ko sa sarili ko. At sa tuwing sasabihin mong proud ka sa akin, masayang-
masaya ako at nabubuhayan ng pag-asa. Pag-asa na darating ang araw na may ibibigay
din sa akin si Lord, na isang taong tatanggapin ako nang buong-buo. At yayakapin
ako sa kabila ng mga imperfections ko. Ang sarap marinig na proud ka sa akin..."

Napangiti ako. "I always proud of you, Lance. Kahit anong klaseng achievements ang
nakukuha mo noon, maliit man o malaki, palagi akong proud sa 'yo."

"Ang masarap marinig, Sheena. Ang sarap marinig... dahil alam ko na kapag sa 'yo
nanggaling, totoo. Hindi kayang magsinungaling ng mga mata mo. And thank you for
always telling me you've proud of me." sinsero niyang sabi.

Sinapo ko ang pisngi niya. "Always know your worth, Lance. Marami kaming proud sa
'yo. Si Papa, si Mama at si Kuya Simon. Pati sina Kuya

Joven, lahat kami proud sa 'yo..."

"Sana nga proud pa rin sa akin ang pamilya mo pagkatapos ng ginawa ko."

"Oo naman. Palagi kaming proud sa 'yo, Lance. Nandito lang ako para sa yo," pangako
ko.

Marahang hinalikan ni Lance ang noo ko.

Pagkatapos ay tahimik kaming tumanaw sa ibaba ng bangin na puro luntiang mga


halaman ang makikita. Muli kaming nagkuwentuhan, marami akong nalaman sa kaniya at
napatunayan ko na hindi ko pa pala talaga lubos na kilala si Lance. Ang daming bago
na natuklasan ko sa kaniya. Nalaman ko rin kung bakit galit siya kay Lander. Ang
kapatid pala niya ang dahilan kung bakit mas lumala ang self doubt niya. At si
Lander pala ang isa sa dahilan kung bakit gusto niyang madaliin ang kasal namin.
Nagsisimula na naman daw manggulo ang kapatid niya simula noong tumaas ang ranggo
niya sa trabaho. Lalo na nang malaman daw ni Lander na magpapakasal na kami. Sinabi
niya rin sa akin kung gaano katuso si Lander at pailalim kung lumaban. Nalaman ko
rin ang ikinakatakot niya sa pagsulpot ni Lander.

"At iniisip mo na kapag umalis ka na uli ay mapapaniwala niya akong ikaw siya?"
manghang tanong ko.

"Yes. Dalawang beses na niyang nagawa sa akin at nagtagumpay siya. Kilala ko si


Lander, hindi siya papayag na maging masaya ako. Kapatid ko siya, pero siya ang
kauna-unahang nagpapamukha sa akin na hindi ako magiging masaya dahil marumi ako.
Palagi niyang ipinapamukha sa akin na kailanman walang tatanggap sa akin kapag
nalaman ang sekreto ko. Na sa sobrang dumi ko, hindi ko deserve maging masaya. Para
sa kanila ni Mommy, isa akong salot, basura at kahihiyan sa pamilya namin."

Hindi matatawarang sakit ang rumehistro sa mukha ni Lance habang sinasabi 'yon. At
hindi ko siya masisisi dahil mas masakit talaga na makatanggap ng panghuhusga mula
sa kapamilya kaysa sa ibang tao. Kapag sinabi kasing pamilya, sila 'yong unang-
unang aasahan mong magtatayo sa 'yo sa tuwing madadapa ka. Pero sa case ni Lance,
pamilya niya mismo ang humihila sa kaniya pababa.

Kaya pala ayaw niyang itakwil siya ng pamilya ko.

"Kung nagawa niyang mapapaniwala ang mga naging girlfriend mo noon, hindi ako,
Lance."

"Sheena..."

"Kahit nakapikit ako kaya kitang kilalanin, Kahit pagtabihin kayong dalawa sa
madilim na lugar kaya kong sabihin kung sino si Lance at kung sino si Lander.
Maaaring magkamukha kayong dalawa pero magkaiba kayo. Kilala ka ng puso ko, Lance.
At kung hilahin ka niya ulit pababa, hihilahin kita pataas. Hahawakan ko ang mga
kamay mo at hinding-hindi bibitawan..."

"God, Sheena, I love you so much." Dinala niya ang kamay ko sa mismong tapat ng
puso niya. "Feel that, baby? Ikaw lang ang nakakagawa niyan sa akin-"

Pinatahimik ko siya sa pamamagitan ng masuyong halik. Sandali lamang siyang nabigla


at nang makabawi ay gumanti ng halik. Parang may sariling isip ang mga braso na
pumaikot sa leeg ni Lance. Yumakap ang mga braso niya sa akin at hinapit ako
palapit.

Mas dumiin at mas lumalim ang halik na aming pinagsasaluhan.

Pareho kaming naghahabol ng hininga nang maghiwalay. Sandaling pinagmasdan ni Lance


ang mukha ko bago muling inilapat ang mga labi sa mga labi ko. The kiss was much
passionate, gentler and sweeter this time. Nakakalunod, nakakadarang.

Muli naming tinapos ang mainit na halikan na parehong may magandang ngiti sa aming
mga labi. Nagkatitigan kaming dalawa at alam kong parehong mugto ang mga mata namin
ngayon.

Pagkatapos ng mahabang iyakan ay parang gusto ko munang tumawa. Gusto kong pawiin
ang lahat ng alalahanin sa puso't isip ni Lance kaya naman niyaya ko siyang
mamasyal. Kaagad naman siyang sumama sa akin.

Sa isang sikat na pasyalan dito sa Tagaytay kami pumunta.


"Are you serious?" Tanong ni Lance nang mag-rent ako ng kabayo at walang takot na
sumampa sa kabayo. "Hey, baka-"

"Come on, Lance. Napagod akong umiyak, at alam kong ikaw rin kaya kailangan nating
mag-recharge."

"Marunong ka ba talaga niyan?" Tukoy niya sa pagpapatakbo ng kabayo.

"Oo naman. Hindi naman ako tanga para sumakay kung hindi, 'di ba?"

"But..." tatanggi pa sana siya pero hindi na nagawa nang bigyan ko siya ng mapang-
akit na tingin. "Fine." Saka naiiling na sumampa sa likuran ko at walang kaabog-
abog na ipinulupot ang mga braso sa beywang ko.

"Huwag masyadong mahigpit, baby. Hindi ako makahinga." Naramdaman kong natigilan si
Lance bago mahinang tumawa.

"Baby...yeah baby. I like it." Mayamaya ay usal niya sabay halik sa pisngi ko.
"Let's go, baby."

Ako naman ang napangiti.

Daig pa namin ni Lance ang teenager nang mga sandaling 'yon. Nang magsimula kaming
umikot sa field ay paharot-harot lang si Lance sa akin ngunit nang simulan kong
patakbuhin nang mabilis ang kabayo ay napuno ng hiyaw niya ang paligid.

"Baby, oh, God! slowly!" Hiyaw niya habang mahigpit na nakayakap sa akin.

Tawang-tawa naman ako. Nakailang ikot kami sa malawak na field bago tuluyang
bumaba. Hindi pa doon natapos ang lahat. Sumakay pa kami ni Lance sa ibang rides at
talaga namang nag-enjoy siya. Iba 'yong saya ko ng mga sandaling 'yon dahil nakita
uli siyang ngumiti at masaya.

Ang Super Viking swing ang huling sinakyan namin. Umalingawngaw ang malakas na tawa
ni Lance nang muntik na akong matumba pagkababa ko. Nahilo kasi ako.

Nang makabawi ay niyaya ko muna siyang maglakad-lakad.

Napatingin ako kay Lance nang hawakan niya ang kamay ko.

"Thank you, baby." Malambing na sabi niya na ikinagalak ng puso ko." Alam na alam
mo kung paano pagaanin ang loob ko."

"You're welcome. Masaya ako na nakakangiti ka na uli."

That's because of you. I love you, Sheena."

"I will always love you, Lance." Nakangiting sagot ko. "May gusto ka pa bang
sakyan?"

"Mayro'n pa sana kung okay lang sa 'yo."

"Of course! Saan mo pa gustong sumakay para makapila na tayo." Nagtaka ako nang
gumuhit ang simpatikong ngiti sa mga labi niya.

"Sa 'yo." Walang gatol na sagot niya na ikinaawang ng mga labi ko.

"Baliw!" Napahalakhak si Lance nang hampasin ko ang dibdib niya.


"Gusto kong sumakay sa 'yo-"

"No. Pakasalan mo muna ako bago maulit 'yon."

Natatawang inakbayan niya ako. "Sayang pero 'di bale tatlong gabi na lang naman.
Nakatiis nga ako ng isang dekada na patanaw-tanaw lang

sa 'yo, ngayon pa ba?"

Napangiti na lang ako.

GIRLONFIRE28

11 Thank you, guys! Mahal kayong lahat ni GIRLONFIRE28!

Chapter 23

Chapter 23

SHEENA POV

NAPAMULAT ako nang maramdaman ang pagpisil sa pisngi ko. Bumungad sa akin ang
nakangiting mukha ni Lance na agad na nakapagpangiti sa akin.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakasandal sa balikat niya dahil
siguro sa pagod. Nandito uli kami sa private property ng tita ni Rachel. Pagkatapos
naming mamasyal ni Lance ay bumalik kami dito.

"Pasensya ka na, tinulugan na pala kita." Akma akong babangon pero maagap na
pumigil ang mga kamay ni Lance.

"Okay lang. Alam ko namang napagod ka dahil para kang kiti-kiti kanina. Sobrang
hyper mo," natatawa niyang sabi sabay pisil sa ilong ko.

"Nagugutom ka na ba?" mayamaya ay tanong ko.

"Yes, baby. Gusto ko ng kumain." Nasa mukha na naman niya ang pilyong ngiti.

Tinampal ko ang dibdib niya. "Ewan ko sa 'yo."

Pinaikutan ko siya ng mga mata na kunwari ay naiinis pero tinawanan lamang ako.
Hindi naman talaga ako naiinis, hindi ko rin nararamdaman na binabastos niya ako.
Natutuwa pa nga ako dahil makulit na siya uli at para bang tuluyan na niyang
nakalimutan ang mga napag-usapan namin ngayong araw. At 'yon naman talaga ang gusto
ko, ang kalimutan na niya 'yon.

Nakaramdam ako ng ihiin. Akma akong babangon pero pumigil na naman ang kamay ni
Lance.
"I'm sorry. Nagbibiro lang ako sa sinabi-"

"Alam ko." Nakangiting sabi ko dahilan para umaliwalas ang mukha niya.

"Hindi ka galit?" Nasa tono niya ang pag-aalala.

"Anong tingin mo sa akin, mababaw? Naiihi lang ako kaya bitawan mo muna ako,
puwede?" Natawa ako nang dali-dali niyang binitawan ang mga kamay ko at hinila ako
para makatayo. "Kaya ko na po."

Mukhang balak pa niyang sumama hanggang sa loob ng banyo.

"Hindi mo kailangan ng tagahubo or tagahugas?"

Napatawa ako. "Sira! Napakaharot mo, doon ka na nga" Humalakhak si Lance nang
irapan ko siya. "Manyakis." Pahabol ko bago tuluyang isara ang pinto ng banyo.

"Manyakis agad? Hindi ba puwedeng caring lang?" Hirit pa niya bago muling tumawa.

"Sira

"Hindi mo talaga ako kailangan diyan? Hindi mo kailangan ang tulong ko?"
Pangungulit niya.

"Hindi

"Sayang naman."

Habang umiihi ay nakangiti lamang ako. Masaya na uli si Lance kaya masaya na rin
ako.

Napaiktad ako nang pagbukas ko ng pinto ng banyo ay mabungaran ko si Lance na


nakasandal sa hamba niyon.

Pinakatitigan niya ang mukha ko. Napalunok ako nang tumaas ang kamay niya at
banayad na haplusin ang pisngi ko. Wala sana akong balak na maulit ang nangyari sa
amin hangga't hindi pa kami kasal pero kapag ganito siya nang ganito sa akin ay
baka magbago ang isip ko.

Ang landi, Sheena. Sikmat ng kontrabida kong isip.

"Mahal na mahal kita. Thank you for always being here with me."

Tss. Akala ko naman kung ano na. Ngumiti ako. "Mahal din kita, Lance."

Pagkatapos naming maglambingan sa kuwarto ay sabay kaming lumabas at pumunta sa


maliit na kusina ng modern kubo para kainin ang take out food namin kanina bago
umuwi.

Maganang pinagsaluhan namin ni Lance ang pagkain habang masayang nagkukuwentuhan.


Pagkatapos naming kumain ay tumambay muna kami sa balcon. Hindi na rin naman kami
nagtagal dahil naninigas na ako sa ginaw. Kakaiba kasi ang lamig dito sa Tagaytay,
nanunuot talaga sa kalamnan ang ginaw.

Magkatabi kaming nahiga ni Lance sa katamtamang laki ng kama. Nakaunan ako sa


dibdib niya habang ang isang kamay ay nakayakap sa katawan ko.

"Nararamdaman mo ba?" Mayamaya ay tanong niya.


"Alin?"

"lyong tibok ng puso ko..."

"Hmm," sagot ko at lalong idinikit ang tainga sa tapat ng puso niya.

"Ikaw lang ang kayang gumawa sa akin niyan." Pagtatapat niya.

Kilala ko si Lance, alam ko kung paano siya tumingin sa babaeng mahal niya.
Bumangon ako nang maalala ang sinabing iyon ni Kuya Simon sa akin dati.

Bumangon din si Lance, nasa mukha niya ang pagtataka.

"May sinabi sa akin si Kuya Simon dati," panimula ko. Hindi ako nagdalawang-isip na
sabihin sa kaniya 'yon. Para sa akin kailangan naming pag-usapan 'yon.

"Ibig sabihin magaling akong artista kung ganoon dahil napaniwala ko siya na wala
akong gusto sa 'yo. Hindi kita puwedeng tingnan sa paraang gusto ko kapag nakikita
niya dahil paulit-ulit niyang sinasabi sa amin ni Joven na huwag kaming
magkakamaling pakialaman ka. Na kapatid ka niya kaya dapat kapatid lang din ang
turing namin sa 'yo dahil hindi daw niya gustong magkagulo kami. Naiintindihan ko
siya, kung nagkaroon din ako ng kapatid na babae gagawin ko rin ang ginawa niya. I
tried my best na huwag kang mahalin sa paraang gusto ko dahil sa pagkakaibigan
namin ni Simon. But I failed. Lalo na sa tuwing mahuhuli kitang nakatingin sa akin
na para bang ako ang pinakaguwapong nilalang sa mundo," pagtatapat niya.

Napangiti ako. So nahuhuli niya pala ako.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Wala kang alam na sa tuwing gagawin mo 'yon kinikilig
ako. Sa tuwing walang nakatingin, sinasamantala ko' yon para matitigan kita nang
walang takot. Gusto kong isigaw sa lahat na gustong-gusto kita... na mahal na mahal
kita pero naduwag ako."

"Lance.." Nalulunod ang puso ko sa naririnig na pagtatapat mula sa kaniya. "Bakit


kasi ang duwag mo." Paninisi ko na ikinatawa niya.

"I'm sorry. Pakiramdam ko lang kasi hindi ka nababagay sa akin. Hindi ako bagay sa
'yo. You're so special, Sheena."

"Talaga?" Pakiramdam ko kumukuti-kutitap ang mga mata ko ng mga sandaling 'yon.

"Yes. Pero noong nag-24th birthday ka, hindi na ako nakapagpigil. Nagsimula na
akong magparamdam sa 'yo."

"Naramdaman ko, Lance at umasa ako na may espesyal ka ring nararamdaman para sa
akin." Napanguso ako nang maalala 'yong flowers pag-uwi niya. "Umasa na ako na
espesyal ako pero hindi lang

pala ako ang binigyan mo ng bulaklak at pasalubong, lahat pala kami."

Tinawanan niya ako. "Baka makahalata si Simon kung ikaw lang ang bibigyan ko. Pero
espesyal naman talaga 'yong ibinigay ko sa 'yo, hindi ko alam kung napansin mo pero
may something sa bulaklak na 'yon na wala sa kanila."

Namilog ang mga mata ko. "Seryoso?"


"Yup. So hindi mo nakita?" Umilling ako, lumungkot siya. "Sayang"

"Ano ba ang nakalagay do'n? Hindi ko na kasi tiningnan na mabuti. Na-disappoint


kasi ako na lahat pala kami mayron at walang espesyal sa pagbibigay mo sa akin ng
mga 'yon."

Kahit anong pilit ko, hindi niya sinabi kung ano ang espesyal sa mga bulaklak na
'yon. Sana nandoon pa dahil hindi ko naman 'yon itinapon. Nasa kuwarto ko lang.

Marami pa kaming napag-usapan ni Lance hanggang sa may maalala akong itanong sa


kaniya na sobrang mahalaga sa akin.

"Nagkaroon ka ba ng espesyal na feelings para kay Ate Madeline?"

Tumawa siya bago umiling.

"Nakita ko kung paano mo siya tingnan noon, Lance. Minsan nga nahiling ko na sana
dumating ang araw na tingnan mo rin ako nang ganoon." May selos na lumukob sa puso
ko. Selos na kaagad ding napawi nang hawakan ni Lance ang mga kamay ko.

"Wala akong espesyal na feelings para kay Made."

"Bakit nakikita ko na nasasaktan ka sa tuwing magkalapit sila ni Kuya Simon? Akala


ko nagseselos ka.

Tumawa siya. "Ang linaw talaga ng mga mata mo. But yes, totoong nasasaktan ako not
because I love her the way I love you. Totoo rin na nagseselos ako sa tuwing
makikita ko silang sweet na sweet sa isa't isa."

Nasaktan ako. "Eh 'di mahal mo nga siya. Bakit ka magseselos kung hindi mo mahal?
Ang gulo mo, Lance."

"Hindi ko nga siya mahal. Bakit mo ba ipinipilit?" Natatawa pa niyang sabi.

"Huwag mo akong pagtawanan dahil nasasaktan ako. Nakakainis ka, ang gulo mo."

"Magulo pero mahal mo."

"Oo na. Pero puwede bang paki-explain munang mabuti. Hindi kita ma-gets. Bakit ka
masasaktan kung hindi mo naman siya mahal? Ang gulo mo, promise."

"Look at me." Utos niya sabay angat ng baba ko. "Listen. Nasasaktan at nagseselos
ako hindi dahil mahal ko si Madeline bilang babae kundi dahil sa inggit. I know
mali 'yong mainggit pero wala eh, inggit na inggit ako sa kanilang dalawa dahil
malaya nilang ipakita at iparamdam sa isa't isa na mahal nila ang isa't isa. Habang
ako... palihim lang na tumitingin sa 'yo. Kapag nandiyan ang kuya mo, hindi kita
puwedeng tingnan nang may malisya dapat pagtinging kapatid lang. Nasasaktan ako
dahil hindi kita puwedeng tingnan sa paraang gusto ko. Lahat ng gawin ko kailan
walang bahid ng malisya at ang hirap niyon sa part ko dahil mahal na mahal kita,
Sheena. Gustong-gusto kitang mahalin pero bawal.

Nag-init ang mga mata ko. Ang sarap pala talagang marinig ang mga salitang 'yon
mula sa lalaking mahal ko.

"Araw-araw, hinihiling ko na sana dumating ang isang umaga na malaya na kitang


mahalin..."

Tila tuyong dahon na inilipad ng hangin ang lahat ng agam-agam sa puso ko. Walang
duda, mahal ako ni Lance.
"Sana pala matagal ko nang sinunod ang payo ni Mama sa akin na aminin sa 'yo ang
nararamdaman ko. Sana hindi na tayo nasaktan pareho."

"Sheena..." Parang nagulat siya na alam din ni Mama ang nararamdaman ko para sa
kaniya.

"Alam mo bang para akong pinapatay sa selos sa tuwing titingnan mo sila tapos
nasasaktan ka? At yes, pinagseselosan ko si Ate Madeline noon pa. Naisip ko pa nga
na siya 'yong babaeng tinutukoy mo sa sinasabi mo noong lasing ka na may mangyari
sa ati-"

"What?" Manghang sabi niya. "Wait-"

"Yes. I thought siya 'yong mahal mo na hindi mo magawang pagtapatan kasi nga
nakikita ko na nasasaktan ka. At kaya ayokong magpakasal sa yo noong sinabi mong
magpapakasal tayo. Akala ko siya ang maha-" Pinatahimik niya ako sa pamamagitan ng
mga labi niya.

Magaan niyang hinalikan ang mga labi ko na kaagad ko rin namang tinugon. Pareho
kaming naghahabol ng hininga nang pakawalan namin ang mga labi ng isa't isa.
Pinagdikit niya ang mga noo namin habang magkahinang ang mga mata.

"Wala akong ibang iniisip ng gabing 'yon kundi ikaw... ikaw lang, Sheena.

Alam kong mali na sinamantala kita pero hindi ko na kinaya. Pakiramdam ko kapag
hindi ko pa ginawa, sasabog na ang dibdib ko. Ang tagal kong nagkunwaring walang
espesyal na feelings para sa 'yo dahil kay Simon at sa sarili kong insecurities.
Mahal na mahal kita at ang Harry na 'yon ang nag-trigger sa akin na sumugal. Nang
makita ko kung paano ka niya tingnan, natakot ako. Na kung hindi pa ako kikilos,
tuluyan ka nang mawawala sa akin. At hindi ko yata kaya lyon kaya sumugal ako kahit
alam kong maraming magbabago. Ang saya ko nang gabi na 'yon dahil akin ka na at
wala ng balak pakawalan pa kahit kailan pero parang gumuho ang mundo ko nang
marinig ko mula sa 'yo na hindi ka magpapakasal sa akin. Na ayaw mo. Ang sakit..."
litanya niya habang may nginig ang boses.

"Kasi akala ko nga hindi ako ang mahal mo, na hindi ako 'yon at napagkamalan mo
lang akong si Ate Madeline. Akala ko siya ang babaeng tinutukoy mo ng gabing 'yon.
And I thought gusto mo lang akong pakasalan dahil pakiramdam mo obligasyon mo ako.
At ayoko niyon. Ang gusto ko mahal mo rin ako kaya pakakasalan mo ako."

Humugot muna ng malalim na buntong-hininga si Lance bago nagpatuloy. "I'm sorry.


Wala akong kamalay-malay na nasasaktan na pala kita dahil sa kaduwagan ko. Kung
hindi pa dahil sa Harry na 'yon na aali-aligid sa 'yo baka hanggang ngayon
tinitikis ko pa rin ang sarili ko. Baka hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi sa
'yo na mahal kita." Napangiti ako. "Pinagselosan mo talaga si Harry?"

"I can't help it. Halatang-halata namang gusto ka niya. At kung nagkataon, wala
akong sinabi sa doktor na 'yon." Biglang umasim ang mukha niya na ikinangiti ko.

Lukot na lukot ang mukha niya. "Ayan ka na naman sa pagda-down sa sarili mo."

"Totoo naman-"

"From now on, ayoko nang maririnig na minamaliit mo ang sarili mo, Lance. Be proud
of yourself. Hindi lahat ng dumaan sa pinagdaanan mo noon ay kagaya mong nakabangon
at mag-isang kinayang lumaban. At isa pa, bakit ka manliliit eh ang laki-laki mo
kaya," pilyang sabi ko.
Mabilis niyang na-gets ang sinabi ko at sa isang iglap ay nagawa niya akong
pailaliman.

"Naughty, huh? Huwag mo akong simulan baka hindi mo kayang tapusin, baby..." Naging
malagkit ang paraan ng pagtingin niya sa akin.

Napangiti ako at hinawakan ang likod ng ulo niya saka matunog na hinalikan ang
kaniyang noo.

"Matulog na tayo?" Mayamaya ay yaya ko.

"Ayaw mo talagang mag-hmm tayo? Para mas masarap at mahimbing ang tulog mo?" May
kasamang harot at kamanyakan ang tono niya.

Umiling ako. Madali naman siyang kausap dahil umalis na sa ibabaw ko, saka humiga
sa tabi ko. Iniangat niya ang ulo ko at pinaunan sa dibdib niya.

I'm home... Unti-unti na akong tinatangay ng antok nang marinig ang pagtawa ni
Lance.

"Matulog ka na... paos na sabi ko.

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Sure ka na bang walang hmm?" hirit niya.

Binigyan ko siya ng pinong kurot sa tagiliran na ikinadaing niya at sinabing


matulog na kami.

Sabay kaming natulog ni Lance ng gabing 'yon at nakontento na kaming magkayakap


lang.

KINABUKASAN, tinanghali kami ng gising. Hindi ko kailangang gumising ng maaga dahil


naka-leave ako sa trabaho ko. At ganoon din si Lance.

Ang tatlong araw na natitira sa aming dalawa bago ikasal ay sinulit naming dalawa.
Wala kaming ginawa ni Lance kun'di mamasyal, magkuwentuhan, at mag-open ng mga
bagay-bagay tungkol sa aming dalawa. At masasabi ko na mas nakilala ko si Lance sa
loob ng tatlong araw na 'yon.

Bawat sandali ay ipinaramdam niya sa akin na mahal na niya. At ganoon din ako sa
kaniya.

Kinagabihan bago ang aming kasal ay ibinalik na niya ako sa bahay. Umalis din siya
agad dahil may kailangan pa daw siyang asikasuhin para bukas.

Pagpasok ko pa lamang sa kuwarto ko ay kaagad ko nang tiningnan ang bulaklak na


bigay ni Lance noong dumating siya. Lanta na 'yon dahil ilang linggo na pero hindi
ako sumuko na hanapin kung ano 'yong sinasabi ni Lance na ikina-espesyal ng
bulaklak na bigay niya para sa akin.

Mayamaya ay napamulagat ako nang makita ang maliit na kulay pulang hugis pusong
papel sa bandang gitna ng bulaklak. Excited na binuklat ko 'yon.

"I love you a little more each time." Malakas na basa ko sabay tutop sa bibig ko.
Hindi lang 'yon basta notes dahil kilalang-kilala ko ang hand

written ni Lance. It's him..

Magkahalong kilig at tuwa ang nararamdaman ko ng mga sandaling 'yon. Thank you,
Lord. I promise, aalagaan at pasasayahin ko palagi si Lance. Piping pangako ko kay
God.

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at nag-type ng text para kay Lance.

Nabasa ko na. I love you! Nilagyan ko pa sa dulo ng emoji na halik, yakap at


nagpupuso-puso ang mga mata bago isinend. Pagkuwa'y pabagsak akong humiga sa kama
at natulog na nakangiti.

KINABUKASAN, dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Nasa bridal car pa lamang
ako pero naiiyak na ako sa pinaghalong kaba at excitement.

Nakita kong naglakad palapit si Mama at Papa sa akin. Binuksan ko ang pinto ng
bridal car. Tinulungan akong makababa ni Papa.

"T-Thank you, Papa..." naluluhang sabi ko. Hindi siya umimik. Basta niyakap niya
lang ako nang napakahigpit. "I love you, Pa..."

Narinig ko siyang suminghot. Parang ayaw akong pakawalan ni Papa ng mga oras na
'yon.

"H-Hindi pa ako handang ipaubaya ka sa iba, baby. Ang bilis... parang kahapon lang
buhat-buhat pa kita pero ngayon, ikakasal ka na. Magkakaroon ka na ng sariling
pamilya..."

Nang pumiyok ang boses ni Papa ay napaiyak na ako. Bigla ko siyang na-miss dahil
ilang linggo niya akong hindi kinibo at kinausap. Ngayon lang uli...

GIRLONFIRE28

Thank you, Guys! Happy Sunday!

11

Chapter 24

Chapter 24

LANCE POV

DALAWANG oras pa bago ang kasal namin ni Sheena pero naka-ready na ako. Hindi ko na
matandaan kung nakailang pabalik-balik na ako sa harap ng malaking salamin para
tingnan ang sarili ko kung okay na ba.

Gusto kong guwapo ako para sa araw na 'to. At habang pinagmamasdan ko ang sarili ko
sa harap ng malaking salamin, hindi ko mapigilan ang maya't mayang pagngiti.
Napatitig ako sa aking sariling repleksyon.

Nagniningning ang mga mata ko. Parang ngayon ko lang yata nakitang kumislap nang
ganito ang mga mata ko.
I love you, Lance... Parang mapupunit ang mga labi ko habang paulit-ulit na
inaalala ang unang beses na marinig ko mula sa mga labi ni Sheena ang mga salitang
'yon.

Apat na salita pero literal na niyanig ako niyon. Pakiramdam ko nawala lahat ang
alcohol sa katawan ko ng gabing 'yon. Hearing those words from Sheena was really
mean to me.

Nang gabi ring 'yon ay isang desisyon ang ginawa ko kahit alam kong baka ikasira ng
pagkakaibigan namin ni Simon 'yon. And yes, sinadya kong mahuli kami ni Simon na
magkatabi sa iisang kama ng umaga na yon. Nakadamit na ako nang madatnan niya pero
hindi gago si Simon para hindi maintindihan ang mga nangyayari.

Hindi biro ang sapak at mura na inabot ko kay Simon pero pakiramdam ko, worth it
lahat 'yon lalo na ngayon na ikakasal na ako sa babaeng mahal ko.

Ang daming panahon ang nasayang dahil sa pagiging duwag ko but I can say now taking
risk is all worth it.

Sobrang suwerte ko. Iyong ang sarap lang marinig na may isang espesyal na tao na
magsasabing proud siya sa akin. Na tanggap niya ako. Na kahit gaano kadilim ang
pinagdaanan ko, hindi ko naramdaman na pinandirihan niya ako. The way she looked at
me. God, it's heaven. Her genuine smile melt my heart.

Napatingala ako nang mamasa ang mga mata ko.

"Whoa!" Kabadong buntong-hininga ko, saka inayos ang necktie ko na kulay pula.

Pula ang kulay ng motif namin ngayon.

Isang sulyap pa sa salamin ang ginawa ko bago tuluyang lumabas at sumakay sa kotse
ko. Hindi naman kalayuan ang simbahan sa hotel na tinuluyan ko kagabi kaya mabilis
ako na nakarating.

May isang oras pa bago ang kasal pero nasa simbahan na ako.

"Hindi ka naman ho halatang excited, Sir. Pagbibiro ng isa sa wedding coordinator


namin ni Sheena.

Abala sila sa pag-aayos ng mga palamuti sa simbahan.

"Oo nga, eh. Napaaga ako. Mas okay na rin 'yon para makita ko kung maayos na ang
lahat bago pa dumating ang bride ko. I want the best for her."

Sabay-sabay na kinilig ang mga ito at nagsikuhan pa.

"Sana all, Sir." Anang pinaka-head nila.

Tumawa lang ako at cheneck ang kung anu-ano para masiguro kung maayos na.

Napangiti ako nang pagkalipas ng ilang sandali ay maayos na ang lahat. Sobrang
ganda.

"Perfect." Usal ko na ikinatuwa ng mga coordinator.

"Thank you, Sir. Ang suwerte ho ng pakakasalan niyo," anang babaeng photographer.

"No. Ako ang masuwerte sa kaniya."


Sabay-sabay na napa-ooh ang mga ito na ikinatawa ko.

Hindi nagtagal ay pinapila na nila kami sa may hulihang bahagi ng simbahan, kasama
ang mga kasali sa entourage.

And I can't explain this feelings. Nangangatog ang mga tuhod ko habang naglalakad
patungo sa altar.

ILANG minuto na akong nakatayo sa may harap ng altar. At ilang minuto na rin akong
pinagpapawisan nang malagkit. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon habang
naghihintay sa pagdating ni Sheena. Ang pagdating ng babaeng bumuo sa pagkatao ko.

After two weeks, pagkatapos kong sumugal na baliin ang pangako ko kay Simon na
huwag na huwag pakikialaman si Sheena ay heto na, ikakasal na kaming dalawa. Ang
tagal kong inasam na mangyari ito

kaya siniguro ko na almost perfect ang lahat kahit sobrang ikli lang ng naging
preparation.

"My sister is madly in love with you."

Napatigil ako sa pagkikiskis ng mga palad ko nang marinig ang sinabi ng kaibigan
kong si Simon sa tabi ko. He is my best man. Laking pasalamat ko na pumayag pa rin
siya na maging best man ko kahit hindi pa kami nagkakausap nang maayos pagkatapos
ng mga nangyari.

So alam niya? "Simon."

"Of course, I knew," aniya.

Marahil nabasa niya ang pagtataka sa mukha ko. "Mahal na mahal ka ng kapatid ko,
Lance. At gustong-gusto kitang sapakin dahil pinakialaman mo siya kahit sinabi kong
huwag."

"I'm always ready, Simon. You can punch me until you're satisfied."

"I will do that-"

"Sshh!" Mahinang saway ni Joven sa aming dalawa.

Sabay kaming napatingin ni Simon sa kaniya. He also my best man.

"Nasa simbahan kayo mga 'tol. Ipagpabukas niyo na 'yan, baka pumasok na ang bride."

Pareho kaming tumahimik ni Simon pero seryoso pa rin ang mukha niya habang
nakatingin sa akin.

"I'm sorry but I'm not sorry at all." Mayamaya ay sabi ko.

"Aba't!"

"Kung hindi ako naglakas ng loob, baka hanggang tanaw pa rin ako sa kaniya ngayon.
Alam ko, nangako ako na hindi pakikialaman si Sheena and I did for the longest
time, Simon. Nandoon ka nang sinubukan kong makipagrelasyon sa iba dahil takot ako
na masira ang pagkakaibigan natin. Akala ko, mapaninindigan ko na itago at
sarilinin na lang ang pagmamahal ko sa kaniya habang-buhay but I was wrong. Hindi
ko kinaya, Simon, at patawarin mo 'ko dahil hindi ko natupad ang pangako ko sa
'yo," sinsero kong paghingi ng paumanhin.
Sinalubong ko ang mga mata niya. Nagsukatan kami ng tingin.

"Gaano mo kamahal ang kapatid ko?" Mayamaya ay tanong niya.

"Higit pa sa buhay ko, Simon." Matatag na sagot ko na ikinasipol ni Joven.


"Whoa! What a sweet lover boy!" Tudyo pa niya.

"Tumahimik ka, Joven. Nag-uusap pa kami niyang best friend mo."

"Natin, dude." Nakangising sagot naman ni Joven.

Pumalatak si Simon at binalingan ako. "Alam mong mahal ko ang kapatid ko, Lance.
Wala akong ibang hangad para sa kaniya kundi ang makita ko siyang masaya. Kaya
kahit gusto kong basagin 'yang pagmumukha mo right at this moment ay hindi ko
magawa dahil alam kong sa 'yo siya magiging masaya," aniya at pagak na tumawa.

"Marami pa tayong kailangang pag-usapan, Lance, bago ko tuluyang ipagkatiwala sa


'yo ang kapatid ko. Marami ka pang dapat ipaliwanag sa akin pero sa ngayon,
ibibigay ko muna sa 'yo ang araw na 'to."

"Yown! Sa wakas hindi dadanak ang dugo," singit na naman ni Joven.

"Thank you," pagkuwa'y sinserong palasamat ko at inilahad ang kamay.

Napangiti ako nang tanggapin niya ang pakikipagkamay ko. Pinigilan kong mapangiwi
nang pigain niya ang palad ko.

Nagkatinginan kami. Mata sa mata. Lalaki sa lalaki.

"Alagaan mo ang kapatid ko, Lance. Protektahan mo siya at all cost. Huwag na huwag
mo siyang sasaktan at paiiyakin dahil diyan tayo magkakaproblema," may halong
pagbabanta niyang sabi.

"I promise. Hindi ko siya sasaktan. Poprotektahan ko siya," pangako ko. Muli niyang
piniga ang kamay ko. "Pawis na pawis ang kamay mo, kadiri.

"I can't help it. Kinakabahan ako," pag-amin ko na ikinatawa niya.

Umiling ito at ngumiti sabay tapik sa balikat ko. "Relax, darating ang kapatid ko.
Mas'yado ka niyang mahal para hindi siputin ngayon."

Kahit papa'no ay napanatag nang bahagya ang kalooban ko.

Muli kong pinagkiskis ang mga palad ko habang hindi na naman mapakali sa
pagkakatayo ko.

"Relax, para kang tanga sa hitsura mo-Oh, nandiyan na raw ang bride mo

Mabilis akong napatingin sa pintuan ng simbahan.

PARANG tumigil ang lahat nang sa wakas ay bumukas ang pinto ng simbahan at matanaw
ko ang babaeng lahat-lahat sa buhay ko.

Oh, there she is.

Nangilid ang mga luha ko. Aaminin kong mula ulo hanggang paa ang kaba ko habang
wala pa siya kanina dahil natatakot ako na baka biglang magbago ang isip niya. Na
baka hindi siya dumating. At ang takot na nararamdaman ko kanina ay parang tuyong
dahon na tinangay ng hangin.

Pinigilan kong umiyak pero kusang naglaglagan ang mga luha ko nang marinig ko ang
boses ni Sheena habang nasa bungad ng simbahan. Kumakanta siya?

"Oh, God.." Dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko at kaagad na-realize na kaya
pala hindi ko narinig 'yong wedding song na pinili ko para sa kaniya ay dahil siya
mismo ang kakanta.

Kinilabutan ako nang pumailanlang sa buong simbahan ang malamyos na boses ni


Sheena.

"Lucky bastard..." Dinig kong sabi ni Simon.

"He is," segunda ni Joven.

Hindi ko na sila nagawang lingunin dahil ayokong lubayan ng tingin si Sheena.

Hindi lang mga labi ko ang nanginginig ng mga sandaling 'yon kundi pati buong
katawan ko. I knew that song. I Choose You ni Ryann Darling.

And I'd say I do

For the rest of my life

With all that I have, I do...

Oh, God! Walang patid sa pamamalisbis ang mga luha ko. Ang hiling ko lang, ang
maikasal sa babaeng mahal ko pero hindi ko in-expect na kakantahan niya ako habang
naglalakad papalapit sa akin.

Every day... every moment

Every breath you take...

I choose you...

Bawat linya ay tagos sa puso ko. Parang isinulat ang kantang 'yon para lang sa
akin.

Nasa gitna pa lamang siya pero gusto ko na siyang lapitan at sunduin para ikulong
sa mga bisig ko. Para akong baliw na umiiyak habang tumatawa. Pati ang dalawang
best men ko ay naririnig kong sumisinghot sa tabi ko.

Oh Lord Jesus! Salamat po, Ama. Salamat sa babaeng ibinigay Mo sa

akin.

This is more than just a wedding

This is etched into eternity...

Seeing her singing that song to me while walking down the aisle touched my heart
and soul... it brought tears to my eyes.

Grabe! Napakasuwerte ko. Deserve ko po ba talaga siya? Bigla na naman akong


napatanong sa sarili ko.
Tuloy pa rin sa pagkanta si Sheena hanggang sa makalapit sa mga magulang niya na
naghihintay sa gitna para ihatid sa akin ang kanilang anak.

And I'll give you my whole heart

For my whole life

And I'd say I do

For the rest of my life...

Nang kantahin niya ang linya na 'yon ay ilang hakbang na lamang ang layo niya sa
akin. Magkahinang ang aming mga mata habang tinatapos niya ang kanta.

Every breath you take...

I choose you...

Nakangiting tinapos niya ang kanta. Napahikbi ako.

Nanginginig ang mga kamay na tinanggap ko ang kamay niya nang iabot sa akin ng
kaniyang mga magulang.

"Take care of my precious daughter, Lance." Seryosong bilin ni Tito Victor.

"Gagawin ko ho..." Pagkatapos kong magmano sa mag-asawa ay iniwan na nila kami ni


Sheena.

"Thank you for doing this to me, baby. Sobrang na-apprreciate ko. Napapatanong na
naman ako kung deser-"

"Sshh!" Tinakpan niya ng palad ang bibig ko dahilan para hindi ko maituloy ang
sasabihin ko. "We deserve each other, okay?"

Napatango na lamang ako bago siya niyakap nang mahigpit.

"I love you, Sheena. My baby girl..." bulong ko.

"I love you too, Lance."

Muli kaming nagyakapan at pagkuwa'y magkahawak-kamay na naglakad patungo sa altar.

Sinimulan naming mangako sa isa't isa. At sabay na ipinakita sa lahat ang


pagmamahal na matagal naming itinago sa mga puso namin.

Nagsimula na kaming magpalitan ng vows and promises habang isinusuot ang mga
singsing na simbolo ng pagmamahal namin sa isa't isa.

Sa nanginginig na boses ay nagawa ko pa ring sabihin ang laman ng puso ko para kay
Sheena.

"Isang bagay lang ang gusto kong ipangako sa 'yo, Sheena, 'yon ay ang pakamamahalin
kita hanggang sa huling hininga ko. Palagi kong pipiliin ang maging mabuting tao
para maging karapat-dapat ako para sa 'yo. Walang hanggang pasasalamat sa pag-ibig
mo. Mahal na mahal kita, Sheena. Let's grow old together..." nanginginig ang boses
na pakiusap ko.

"Let's grow old together, baby..."


Nakangiti siyang tumango at sumunod na nagbigay ng vow sa akin. Nagsisimula pa lang
siya pero damang-dama ko na ang bawat mga katagang lumalabas sa bibig niya dahil
alam kong galing lahat 'yon sa kaniyang puso. Walang kodigo.

"Nagsisimula pa lang tayo, Lance. Alam kong maraming-marami pa tayong pagdadaanan.


Sobrang haba pa ng tatahakin nating dalawa pero sa lahat ng 'yon, isa lang ang
sigurado ako. Pakamamahalin kita." Tumikhim muna siya bago nagpatuloy.

"Pangako, na simula ngayon hindi mo lang ako magiging asawa, magiging best friend
mo rin ako.

Subukin man ang pagsasama natin, nangangako ako na hinding-hindi ko bibitawan ang
mga kamay mo." Sinapo niya ang mukha ko.

Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niya.

"I will always be your home, w-whenever you feel lost... j-just come back home to
me..."

Home... Doon na nagkaroon ng tunog ang pag-iyak ko.

"You knew how much I love you, Lance. I will do love you endlessly. Always and
forever..."

Mahigpit kong hawak ang mga kamay niya.

"I now pronounced you as husband and wife. Mr. De Asis, you may now
kiss your wife, nakangiting anunsyo ng pari.

Nakangiting iniangat ko ang kaniyang belo at tinitigan siya nang mabuti.

Sinapo ko ang mukha niya. And then I claimed her lips and we kissed passionately.

Masigabong palakpakan ang narinig namin nang maghiwalay ang mga labi namin.

Tumingin kami sa mata ng isa't isa at nagpalitan ng I love you. Binati kami ng mga
piling taong nakiisa sa kasal namin ni Sheena. Halos pamilya lahat ni Sheena ang
bisita namin mula sa iba't ibang lugar. Tanging ang mga kaibigan ko ang nagsilbing
pamilya ko sa araw na yon. Saka ang ilang malalapit na kaibigan sa trabaho na
inimbitahan ko. At kahit sila lang, hindi ko na maramdamang may kulang.

Masayang naganap ang picture taking. Pinakamagulo si Joven at Kristine na lahat


yata ng pose ay gustong gawin.

Nang mag-usap si Rachel at Sheena ay hinayaan ko muna silang dalawa pero nanatili
ako sa tabi ng aking asawa. Hindi niya binibitawan ang kamay ko kahit may iba
siyang kausap.

Nang lumingon ako ay nakita ko si Tito Victor. Seryoso ang mukha na lumapit siya sa
amin ni Sheena at bumati.

"Congratulations!"

"T-Thank you po, Tito Victor."

"Thank you po, Pa!"

Magkapanabay na sagot namin ni Sheena.


Yumakap sa kaniyang ama ang asawa ko at nagsabi ng I love you. Nag-I love you rin
si Tito Victor sabay halik sa noo ni Sheena. That moment melt my heart. Ang suwerte
ng mga anak na mayroong ama at ina na nagmamahal sa kanila.

Ang saklap lang dahil hindi ako naging suwerte sa magulang. Sayang, maagang nawala
si Daddy.

Napakurap ako sabay tingala nang mag-init ang mga mata ko.

"Lance"

Napatingin ako sa mag-ama nang tawagin ako ni Tito Victor. "T-Tito."

"Asawa ka na ng anak ko, puwede mo na akong tawaging papa."

Nagkatinginan kami ni Sheena at sabay na napangiti.

"T-Thank you po, P-Pa." Tumango lamang siya.

"Alagaan mo si Sheena, Lance, at huwag mong sasaktan."

"Pangako po, Pa."

Tumango siya at tinapik-tapik ang balikat ko. "Malwan ko muna kayo at aasikasuhin
ko ang iba niyong bisita. Congratulations uli."

Nagkatinginan uli kami ni Sheena nang maiwan kaming dalawa.

Pagkatapos namin sa simbahan ay pumunta na kami sa reception. At kagaya sa simbahan


kanina, maganda rin ang pagkakaayos ng reception namin at hindi halatang minadali
ang preparation.

Ang kasiyahang nararamdaman ko ay mabilis na nabura nang mula sa kinauupuan ko ay


makita ko ang unwanted guest. Si Lander. Panganay siya sa akin pero hindi ko na
tinawag na kuya.

Mabuti na lang at kausap si Sheena ng mga tita niya.

Nagtatangis ang mga ngipin ko kasabay ng pagkuyom ng mga kamao ko nang ngising aso
siyang kumaway sa akin.

Marahas akong napatayo at mamalaki ang hakbang na nilapitan ko siya sabay tulak.

"What are you doing here, Lander?! Don't you dare to ruin my weddin-"

"Relax, little brother," ngising asong sabi niya. "I'm not here to ruin your
wedding day, I just came here to congratulate you, my little brother.
Congratulations!"

Matalim ko siyang tiningnan. Tumawa lang ito.

"Chill, little brother. Mas'yado kang praning, alam mo ba 'yon?"

Umigting ang panga ko nang lumampas ang tingin niya sa akin at tiningnan ang asawa
ko.

"Masarap ba siya?"
Nagpantig ang tainga ko. Galit na itinulak ko siya dahilan para mapasandal siya sa
pader. "Pvtang'na mo, Lander!" malutong na pagmumura ko habang nakaumang ang mga
kamao ko sa mukha niya.

Para siyang demonyong tumawa.

"Nagtatanong lang ako -^ *

Nanggagalaiti sa galit na dinuro ko siya. "Umalis ka sa harap ko, pvtang'na mo ka!"

"Galit na galit? Gustong manakit?"

Kung hindi lamang dumating ang dalawa sa kasamahan ko sa trabaho na inimbitahan ko


ay baka nakapatay na ako ng mga sandaling 'yon.

GIRLONFIRE28

11

Thank you! Sana anjan pa rin kayo. Anjan pa ba kayo hahah. well-appreciated ko po
kayong lahat

Chapter 25

Chapter 25

SHEENA POV

HINDI MATAPOS NA KALIWA'T KANAN na pagbati ang natatanggap ko mula sa mga bisita
namin ni Lance. Walang katumbas na pasasalamat ang sagot ko sa kanilang lahat lalo
na sa mga kaibigan ni Lance na nakiisa sa amin para sa araw na 'to. Ganoon din sa
mga kamag-anak ko na bumiyahe pa kahit malayo para lang makarating sa kasal ko.

Nalaman ko na si Papa ang nag-imbita sa kanilang lahat. Naklisa rin ang ilan sa
malalapit na kaibigan ko sa hospital. Hindi sila lahat nakapunta dahil naka-duty
ang iba. Na ayos lang naman basta kasama ko ang pamilya ko at ang asawa ko,
siyempre.

"Congratulations, beshy!" Masayang bati na naman ni Rachel sa akin. Natawa ako.


"Pang-ilang congratulations mo na ba 'yan, ha?"

"Hindi ko na binilang. Basta congratulations, sobrang saya ko para sa' yo.


Nakakaloka rin ang galawan niyo ni Vice Admiral, eh. Akala ko, kilig now iyak later
ang drama mo pero hindi dahil kilig now, forever later ang nangyari."

"Oo nga, eh. Hanggang ngayon parang nananaginip pa rin ako. Ang hirap paniwalaan na
asawa ko na si Lance na dati ay pinapantasya ko lang nang palihim. Napakasaya ko,
Rachel." Nangingilid ang luhang sabi ko.

Hinila niya ako paupo sa bakanteng upuang malapit sa puwesto namin


kanina.

"Masaya rin ako para sa 'yo. And infairness, sobrang kinilig ako sa wedding ninyo.
Ramdam na ramdam 'yong love sa buong simbahan kanina lalo na noong naglalakad ka sa
aisle habang kumakanta, grabe, besh! Goosebumps and teary eyed ako the whole time.
At 'yong vow mo, grabe. Naiyak ako sa part na sinabi mong I will always be your
home w-whenever you feel lost just come home to me. Ang ganda niyon, besh. Damang-
dama naming lahat kung gaano mo kamahal si Vice Admiral, litanya niya at suminghot.

"liyak ka na naman. Parang ikaw ang pinakasalan, ah." Pagbibiro ko.

"Na-touch ako, eh. Saka doon sa part na sinabi ni Vice Admiral na mahal na mahal
kita, Sheena, let's grow old together. Ang sweet kaya niyon."

Napangiti ako. Kung kinikilig si Rachel, ano pa ako?

"Grabe 'yon, sobrang perfect ng kasal ninyo, promise."

"Thank you, besh. Mas lalong naging perfect dahil nandito kayong lahat para sa amin
ni Lance." Yumakap ako sa kaibigan ko at niyakap niya rin ako pabalik.

Ilang sandali pa kaming nag-usap bago siya nagpaalam sa akin na mag-restroom muna.

Nang mapagsolo ako, kaagad hinanap ng mga mata ko si Lance. Gumala na sa buong
reception hall ang mga mata ko ngunit bigo ako na makita siya.

Where is he? Piping tanong ko sa sarili ko, saka umalis sa puwesto ko at


nagsimulang hanapin ang asawa ko.

Napakunot ang noo ko nang malapit na ako sa exit pero hindi ko pa rin siya makita.

Nasaan kaya siya? Tuluyan na akong nakarating sa labas sa paghahanap sa asawa ko.

Hindi ko pa rin siya nakita.

Pabalik na sana ako sa loob nang mamataan ko si Lance sa 'di-kalayuan mula sa


puwesto ko. Kausap niya ang dalawang Navy na bisita niya. Hindi muna ako lumapit
dahil mukhang seryoso ang pinag-uusapan nilang tatlo.

Napakunot ang noo ko nang tapikin ng isang navy ang likod ng asawa ko na para bang
pinapakalma.

What happened? May problema ba sila? Nasagot ang tanong ko nang makita kong sinipa
ni Lance trash bin dahilan para matumba 'yon at tumapon ang mga lamang basura.

Sumenyas si Lance sa dalawang kasama, at may itinuro siyang direksyon. Tumango ang
dalawang lalaki at pagkuwa'y iniwan si Lance.

Mabilis akong nagkubli nang makita kong lilingon ang asawa ko. Nagpalipas muna ako
ng ilang sandali bago siya nilapitan.

Nakatalikod siya sa gawi ko, at sa lalim yata ng iniisip ay hindi niya namalayan
ang paglapit ko.

"May problema ba?" Napapitlag siya nang magsalita ako, saka dahan-dahang pumihit
paharap sa akin.
"Baby." Ngumiti siya pero alam ko kapag totoo 'yon o hindi.

"Bakit nandito ka? Kanina pa kita hinahanap sa loob, eh. May problema na rito?"

"Wala naman, kinausap ko lang 'yong mga kasamahan ko."


"Tungkol saan?"

"Wala 'yon, sa trabaho lang, baby."

"Sure ka? Ayos ka lang?" Paniniguro ko.

Tumango siya at kinabig ako palapit sa katawan niya. "Of course. I'm more than
okay, baby."

"Okay sabi mo, eh. Tara na sa loob? Hinahanap ka ng mga tito ko."

"Sure. Let's go."

Bago kami bumalik sa loob ay napansin ko pa ang ilang beses niyang paglinga sa
paligid. Pakiramdam ko naging balisa si Lance.

Hindi na ako nag-usisa dahil kung gusto niyang malaman ko ay kusa niyang sasabihin
sa akin.

Nang mga sumunod na sandali ay pareho kaming naging abala ni Lance. Pero kahit busy
ako sa pamilya ko, maya't maya ko siyang hinahanap. Hindi ako mapakali dahil alam
ko na may iniisip siya.

PASADO alas siyete na ng gabi nang isa-isang magpaalam ang aming mga bisita.
Hanggang sa iilan na lamang ang natira kabilang ang mga navy na bisita namin.

Mga bandang alas siyete y medya nang magpaalam si Lance sa mga magulang ko na
pupunta na kami sa hotel kung saan kami tutuloy ngayong gabi.

"Sige, mag-iingat kayong mag-asawa," bilin ni Papa sa asawa ko.

"Yang anak ko, Lance, ingatan mo 'yan. Maliwanag?" Si Mama at suminghot-singhot sa


tabi ni Papa.

"Makakaasa ho kayo, Ma, Pa ," sinserong sagot ni Lance sa mga magulang ko bago
binalingan si Kuya Simon na animo'y barumbado na nakatayo.

Angas-angasan kasi ang hitsura niya.

"Mauna na kami, bayaw." Paalam ni Lance dahilan para magkantiyawan ang mga kaibigan
nila.

"Naks, level up na, ah. Hindi na p're, bayaw na." Si Ate Kristine.

"Akala ko nga kuya na, eh." Si Ate Madeline.

"Huwag nang kuya, Made, ang sagwa. Tapos ikaw, magiging ate ni Lance soon."

Nagtawanan kami sa pagbibiro nilang magkakaibigan. Pati si Lance ay

tumawa na rin sa wakas. Bumalik na ang dating sigla sa mukha niya.

Muli kaming nagpaalam sa kanilang lahat. Nakakatatlong hakbang pa lamang kami ni


Lance nang magsalita si Kuya Simon.
"Yang kapatid ko, De Asis, Buo mo siyang kinuha sa amin kaya siguraduhin mong hindi
mo siya wawasakin- kusang natigilan si Kuya at umiling. "Winasak na nga pala,
bulong niya pero dinig din naman.

"Hamo na, P're. Kasal naman na, eh." Hirit ni Kuya Joven.

"Ano pa ba? O, siya, umalis na kayo. Nakakahiya naman baka masyado na kaming
nakakaabala."

"Nakuha mo, P're. Kanina pa uwing-uwi si Vice Admiral, eh," ani Kuya Joven at
ngiting asong tiningnan si Lance. "Ready na ba 'yang baril mo?" Tumingin pa ito sa
pagitan ng mga hita ni Lance. "Nasa kondisyon na ba 'yan?"

"Bunganga mo, tado!" Tinuktukan siya ni Lance sa ulo.

Nagtawanan ang magkakaibigan at pinagtabuyan na kaming dalawa.

"Good luck sa honeymoon, newlyweds!" Sabay na pahabol ni Ate Kristine at Ate


Madeline nang pasakay na kami sa sasakyan.

"Dahan-dahan lang ang putok, Vice Admiral! Baka dumanak ang t***d!" Hirit pa rin ni
Kuya Simon na ikinahagikhik ng dalawang babae. "Slowly but surely!" dagdag pa niya.

Hindi na siya pinansin ni Lance, bagkus ay inalalayan na akong makasakay.

Nagtaka ako kung bakit ibang sasakyan ang sinakyan namin pero hindi na ako
nagtanong. Isang kaibigan niyang navy ang driver ng sasakyan. Hinatid niya kami sa
isang hotel. Hindi 'yon ang hotel na sinabi ni Lance sa akin kahapon pero hindi na
rin ako nagtanong kung bakit iba na.

"Thank you." Pasalamat ni Lance sa kasamahan.

Sumaludo naman ang huli at muli kaming binati ng congratulations, pagkuwa'y umalis
na.

"Let's go, baby."

Nagpatinaod ako nang igaya ako ng asawa ko papasok ng elevator. Wala kaming imikan
hanggang sa makarating sa floor na sadya namin. Nagawa niyang buksan ang pinto na
hindi binibitawan ang kamay ko.

Pagpasok pa lang namin sa kuwartong 'yon ay parang kinikiliti na ang

puso ko. Paanong hindi? Tumambad lang naman sa aking harapan ang mga pulang petals
sa sahig patungo sa malapad na kama na may hugis

puso sa pinakagitna gamit ang mga pulang petals.

Oh, my God. Parang sasabog ang dibdib ko sa tindi ng antisipasyon nang pumailanlang
ang malamyos na awitin na nanggagaling sa maliit na speaker na nakapatong sa
bedside table. That song.. I choose you ni Ryann Darling ang kantang kinanta ko
para sa kaniya kanina. Sobrang tagos sa puso ang meaning niyon. Eksakto sa
nararamdaman ko para kay Lance.

Napahawak ako sa dibdib ko. Never in my life had I imagined that I would experience
something like this from Lance.
And everything that is happening right now is a dream come true.

"May I have this dance?" Mayamaya ay bulong ni Lance sa may tainga ko.

Dahan-dahan akong lumingon. "L-Lance..."

Inilagay niya ang mga braso ko sa mga balikat niya at pagkuwa'y pumaikot ang
sariling mga braso sa katawan ko.

Mabagal kaming nagsayaw habang magkahinang ang mga mata namin.

"Am I dreaming?"

Napangiti ako at bahagyang natawa. "Gusto ko rin sanang itanong 'yan sa 'yo."

"Sa tingin ko hindi. Totoo 'to, baby. And I want to stay like this forever... with
you."

"Then let's spend the rest of our lives together," sabi ko.

"We will. I love you, Sheena De Asis." Puno ng pagmamahal na usal niya.

"I love you too, Lance." Sumubsob ako sa dibdib niya. Ang saya. Dati kasi pangarap
ko lang ang lahat ng ito pero ngayon hindi na.

Pagkatapos naming magsayaw, ininom namin ang champagne na naka-ready na.

"What?" Natatawang tanong ko nang mapansin ang maya't mayang pagtitig ni Lance.

"Thank you."

"I love you." Sa halip ay sagot ko na halos ikapunit ng mga labi niya.

Nangangalahati na ang laman ng champagne nang magpalaam ako sa

kaniya na maliligo. Huwag na araw pero nagpumilit ako. Ramdam ko na

kasi ang panlalagkit ng mga balat ko.

Ini-on ko ang electric water heater para maligamgam na tubig ang gamitin ko. Agad
akong nakaramdam ng ginhawa nang maramdaman ang pagbagsak ng mainit-init na tubig
sa aking balat.

Pero hindi pa man ako natatagalan sa ilalim ng shower nang maramdaman ko na may
yumakap sa hubad kong katawan mula sa aking likuran.

"Can we start here?"

Bigla akong nakaramdam ng panunuyo ng aking lalamunan nang dumantay sa balat ko ang
mga palad ni Lance.

Pinihit niya ako paharap sa kaniya. Agad kong nabasa ang pagnanasa sa kaniyang mga
mata.

"L-Lance..." usal ko. Agad na uminit sa loob ng banyo. Pakiramdam ko lalong uminit
ang tubig na bumubuhos sa aming dalawa.

"I want you, baby. Right now, right here..." bulong niya sabay hawak sa likod ng
ulo ko at siniil ako ng mapusok at mainit na halik.

Habang nagsasalo sa mainit na halik ay nagsimula nang gumawa ng sariling landas ang
mga palad ni Lance. Bawat dantay ng palad niya sa katawan ko ay naghahatid ng libo-
libong kuryente. Ilang beses akong napalunok.

Napaarko ang katawan ko nang makarating sa pagkababaé ko ang palad ni Lance. He


played my clit. He rubbed it.

"Hmm... Lance!" Mabilis ang kilos na binuhat n'ya ako at pinaupo sa bathroom sink.

Napanganga na lamang ako nang gigil niyang lamasin ang magkabilang dibdib ko bago
palitang isinubo.

Nahigit ko ang paghinga nang paghiwalayin niya ang mga hita at pumwesto doon.
Ginawa niya 'yon na hindi iniiwan ang dibdib ko.

Napahawak ako sa braso ni Lance nang maramdaman ang kahabaan niya sa mismong bukana
ng pagkababaé ko. Dinunggol-dunggol niya ang pagkababaé ko.

"Oohh!" Ungol ko. Ang sarap kasi ng ginagawa niya. Nakakaliti.

Iniwan niya ang dibdib ko. Bumaba 'yon sa tiyan ko, sa puson, hanggang sa ibabaw ng
pagkababaé ko.

"O, Lance!" hindi ko napigilang usal nang maramdaman ang paglikot ng dila niya
roon. Bumaba ang tingin ko sa asawa ko na nakaluhod sa sahig at abala sa
pagpapaligaya sa akin.

Napasabunot ako sa buhok niya nang patigasin niya ang dila at ipasok sa loob ko.
Makailang ulit niyang ginawa 'yon na halos ikabaliw ko. Hindi pa siya nakontento at
mas ibinuka pa ang mga hita ko at maging ang pagkababaé ko.

"Lance, ang sarap...." hibang na sabi ko habang hindi alam kung saan ibabaling ang
ulo.

Bumabaluktot na ang mga daliri ko sa paa. Mahabang hinimod ni Lance ang pagkababaé
ko bago susundutin ng dila tapos sisipsipin, Paulit-ulit na ikinatirik ng mga mata
ko.

Impit akong napahalinghing nang pati daliri niya ay nasa pagkababaé ko na.

"So wet, baby." Binilisan niya ang paglabas-masok ng daliri sa akin, ganoon din ang
pagtaas-baba ng dila niya sa clit ko. Pakiramdam ko, inihahagis ako sa malayo at
bubulusok paibaba.

"Oh, Lance! Yes! hibang na hibang na ako sa ginagawa niya.

Ramdam ko na ang namumuong tensyon sa loob ko. Kakapusin na ako ng paghinga.

"Lance, baby! Oohh, yes! I think I'm-"

"Hold it, baby," mariing utos niya. Mabilis siyang tumayo at pinagpantay ang mga
mukha namin. "Sabay tayo..."

"Sig-Oh, Lance!" Napanganga na lamang ako nang basta siyang pumasok.

"Sheena!" Ungol niya habang mabagal na umuulos sa loob ko.


Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang pagkalalaki na pumupuno sa loob ko.

Lalo akong nahibang nang magbago ang tempo ng pag-ulos ni Lance. Naging senswual at
mapang-akit.

"Lance, faster, please," hiling ko na may kasamang daing.

"Like this?" Nagsimulang mas bumilis ang galaw niya. Mas marubdob, mas masidhi, mas
mainit.

"Baby, I'm coming," aniya.

Nag-umpisa nang mangatal ang mga katawan namin.

"Lance, yes! Uhm, faster!"

"Oh, baby! I'm... yes...my baby!

Pagkatapos nang sunod-sunod na hugot baon ni Lance ay sabay kaming napaungol sa


sarap.

We both reached the climax.

Habol ang paghinga na napasubsob si Lance sa dibdib ko. "I love you, wife."

"I love you, too..." Napangiti ako kahit pagod ang pakiramdam.

Naglinis lang kami ng mga katawan at pagkuwa'y binuhat ako ni Lance papunta sa
kama.

Hindi pa man ako nakakabawi sa pagod pero muling humiling ng isa pa ang asawa ko.
Walang pagdadalawang-isip na pinagbigyan ko siya.

Makailang ulit naming dinala ang bawat isa sa mundong kaming dalawa lang ang
magkasama.

GIRLONFIRE28

Nag-lock na po pala to. Pasensya na po, contracted po kasi ito at naabot na niya
ang lahat ng kailangan para mailock ng app. Sana po may matira pa sa inyo na
magbabasa. Medyo bababaan ko na lang po ang WC para kayanin ng free coins n'yo. Sa
okay po sa Yugto. Maraming Salamat po agad sa mga maiiwan pa na sasamahan ako
hanggang sa ending nila.

Chapter 26

Chapter 26
LANCE POV

NAALIMPUNGATAN ako sa pag-iingay ng cell phone ko. Napatingin ako sa asawa ko,
himbing na himbing siyang natutulog. Pinagod ko siya, alam ko.

Sa takot na magising ay kaagad akong bumangon at tiningnan kung sino ang tumatawag
nang dis oras ng gabi.

Napakunot ang noo ko dahil unknown number ang caller. Sa pag-aakalang emergency
call ang tawag ay napilitan akong sagutin iyon.

Pagtapat ko pa lamang ng cell phone sa aking tainga ay kaagad akong nakarinig ng


pag-iingay mula sa kabilang linya.

"Hello? Who is this?" tanong ko.

Lalong nangunot ang noo ko nang hindi siya sumagot bagkus ay tumawa. Kaagad
sumiklab ang galit sa dibdib ko nang makilala ang tawa na iyon. Hindi ako maaaring
magkamali dahil iisang tao lamang ang may kakayahang buhayin ang lahat ng galit sa
dibdib ko.

Isang sulyap pa ang ginawa ko sa himbing kong asawa bago nagmamadaling umalis sa
tabi niya at lumabas.

"What do you want?!" pigil ang pagsigaw na tanong ko.

Tawa lang ang isinagot niya sa akin dahilan para lalo akong manggalaiti sa galit.

"Fvck you, Lander!" Malutong na pagmumura ko sabay putol sa tawag niya. Pero
sadyang tarantado ang kapatid ko dahil muli siyang tumawag.

"Ano bang kailangan mo?!" sigaw ko. Kulang na lang ay pumasok ako sa cellphone ko
at basagin ang bungo niya.

Tumawa lang siya. Mukhang lasing.

"Tigilan mo na ako dahil malapit nang masagad ang pasensya ko sa 'yo!

"I'm not scared. lyon nga 'yong gusto ko, eh, ang masagad ka para lumabas ang tunay
mong anyo."

"Tantanan mo 'ko, Lander!" Tiim-bagang na sabi ko.

"Okay. But please, be careful dahil baka bukas makalawa magising ka na lang na nasa
akin na ang asawa mo."

"Damn you!"

"You know, I love to eat leftovers. Lalo na kung tira-tira mo, little brothe

"Fvck you!"

Lalong lumakas ang tawa niya sa kabilang linya.

Sa tindi ng galit na nararamdaman ko ng mga sandaling 'yon ay naibato ko ang cell


phone dahilan para magkabasag-basag iyon. Nagtaas-baba ang dibdib ko. Gusto kong
sumigaw pero hindi ko puwedeng gawin dahil baka mabulabog ko ang mga nasa katabing
kuwarto at pati ang asawa ko.
Bukod sa lakas ng kabog ng dibdib ko, nagsimula na rin akong panlamigan pero pawis
na pawis ako.

Binuksan ko ang bintana malapit sa puwesto ko at sumagap ng hangin upang payapain


ang galit na nasa dibdib ko. Makailang ulit akong humugot at bumuga ng hangin.

Makailang ulit kong ginawa 'yon at nang medyo kalmado na ay pumunta ako sa maliit
na kusina. Uminom ako ng malamig na malamig na tubig at nakatulong 'yon para mas
gumaan ang pakiramdam ko.

Pagkalipas ng ilang sandali, bumalik na sa normal na tibok ang puso ko. Isang
buntong-hininga ang pinakawalan ko bago bumalik sa kuwarto namin.

Tulog na tulog pa rin si Sheena. Maingat akong bumalik sa tabi niya. Sumandal ako
sa headboard ng kama at mariing ipinikit ang mga mata.

And yes, may panic disorder ako. Nalalaban ko 'yon, matagal na. Si Lander lang ang
kayang sirain ang mood ko. Alam na alam niya kung paano ako gagalitin kaya hangga't
maaari ayoko siyang makita, makausap, o kahit ang marinig lang ang boses niya.

At hindi ko alam kung anong trip niya para guluhin na naman ako. Ilang taon na
siyang nanahimik, akala ko tuloy-tuloy na pero heto na naman siya. Huling ginulo
niya ako noong kasintahan ko pa si Crizanta. At ngayon, mukhang kami ni Sheena ang
gusto niyang guluhin pero hinding-hindi ako papayag na gawin niya sa asawa ko ang
ginawa niya sa mga ex ko.

Magkakamatayan muna kami bago niya makuha sa akin ang asawa ko.

Sukat sa isiping 'yon ay muli akong napatitig sa asawa ko. Hinaplos ko

ang noo niya.

"Hinding-hindi ka niya maaagaw sa akin kagaya ng ginawa niya sa mga naging ex


girlfriend ko. Hinding-hindi, Sheena. Ilalaban kita hanggang sa huling hininga ko."
Puno ng pangako na sambit ko habang titig na titig sa kaniya.

Huwag kang mag-alala dahil kahit nakapikit ako kaya kong malaman kung sino ka at
kung sino si Lander. Kahit pagsamahin pa kayo sa madilim na lugar, makikilala pa
rin kita dahil kilala ka ng puso ko. Napangiti ako nang maalala ang sinabi na iyon
ni Sheena sa akin.

"Naniniwala ako sa 'yo. Alam kong totoo lahat ng sinabi mo. At panghahawakan ko
iyon, baby." Isang matunog na halik ang iginawad ko sa labi ng asawa ko bago umayos
ng higa sa tabi niya.

Iniangat ko ang ulo niya at pinaunan sa bisig ko. Umungol siya at bahagyang
nagmulat ng mga mata.

"L-Lance? Bakit gising ka pa?" paos na tanong niya at yumakap sa tiyan ko.

"Nagising lang ako. Matulog ka pa," sagot ko.

"Okay... tulog ka na rin, hmm..."

"Okay," paanas na sagot ko at pumikit na rin.

Humigpit ang yakap niya sa akin at mas sumiksik sa dibdib ko.

Napangiti ako. I'm home. Kapag yakap niya ako nang ganito, alam kong hindi ako nag-
iisa. May taong sasamahan ako at hahawakan ang mga kamay ko palagi.

Dahil sa mahigpit na yakap ni Sheena ay naging madali na lang sa akin ang makatulog
ng gabing 'yon.

PAGGISING ko kinabukasan, ang napakagandang ngiti ng asawa ko ang bumungad sa akin.

"Baby..." paos na sabi ko.

"Good morning, hubby." Nakangiting bati niya at dumukhang pang lalo sa mukha ko.

Nakakahawa ang mga ngiti niya kaya napangiti na rin ako.

"Good morning. Ang sarap gumising araw-araw kapag ganiyan kaganda ang misis. Ngiti
mo pa lang, buhay na buhay na ang dugo ko."

Napahagikhik ang asawa ko sabay hampas sa dibdib ko. "Bolero!"

"Totoo nga. Ngiti mo pa lang, wala na. Hulog na hulog na ako." Napangiti ako nang
magkulay-kamatis ang buong mukha niya.

Para bang hindi siya sanay na pinupuri ko siya. Sabagay, ngayon lang naman ako
naging vocal sa kaniya ng totoo kong nararamdaman. Ngayon kasi, malaya na akong
gawin at sabihin ang tunay na nilalaman ng puso ko. Hindi ko na kailangang pigilan
ang sarili ko.

"Ang aga mong mangbola, Mister."

"Totoo nga." Para akong teenager na kinikilig habang nakikitang kinikilig din ang
asawa ko.

"Oo na, pero bumangon ka na kasi naka-ready na ang breakfast mo. Umalis siya sa
kama at kinuha ang tray na nakapatong sa maliit na mesa.

"Hmm, breakfast in bed!" Malambing na sabi niya at inilagay sa may tabi ko ang
tray. "Bangon na po, Mister."

Hindi ako bumangon. Para akong nabato-balani habang nakatingin sa kaniya. Bigla
akong napaisip. Paano kaya kung hindi ako sumugal? Sino kaya ang masuwerteng lalaki
na makakaranas ng ganito?

"Gandang-ganda ka sa akin 'no? Pagbibiro niya sabay hila sa magkabilang braso ko.
"Mamaya mo na ako titigan, kumain ka muna."

"Nananaginip ba ako?" Wala sa sariling tanong ko.

Tumawa siya. "Hindi. Totoo ako kaya kailangan mo nang masanay na gigising ka sa
umaga na magandang misis ang una mong makikita."

Napahalakhak ako nang bigyan niya ako ng pamatay na kindat. Ang sarap pala talagang
kiligin. Siguro kung titingnan ko sa salamin ang sarili ko, makikita ko kung paano
magningning ang mga mata ko ngayon.

Shes the sweetest girl I've known.

Bago pa humulagpos ang pagtitimpi ko na huwag siyang halikan at angkinin ay


nagpaalam muna akong gagamit ng banyo.

Para akong gago na habang nagto-toothbrush ay nakangiti pa rin.


Hindi na ako nagtagal sa banyo, lumabas na rin ako. Napahinto ako sa tangkang
paglabas nang makita ko na may kausap sa telepeno si Sheena. Nakatalikod siya sa
gawi ko kaya hindi niya ako nakita.

Mabagal ang ginawa kong paglapit sa kaniya.

"Sino ka?" Dinig kong sabi niya sa kausap. "Anong kailangan mo? Hello? Hello-
bastos!"

"Sheena."

Agad siyang lumingon. Halata ang inis sa maganda niyang mukha.

"Sino 'yong kausap mo? Bakit parang nainis ka?" usisa ko.

"Hindi ko alam, eh. Kumusta daw ako tapos nang tinanong ko kung sino, hindi naman
sumagot. Pero boses lalaki siya. Pero baka na wrong number lang siya, hindi ko
nabosesan, eh. Kumusta lang ang sinabi niya. Tapos ayon, binabaan na ako ng
telepeno." Paliwanagan niya.

Bigla akong kinabahan. Mukhang kilala ko na kung sino ang caller na iyon. At hindi
iyon wrong dial.

Nagngitngit ang kalooban ko. Hindi ko alam kong naitago ko ba sa asawa ko ang
pagtiim ng bagang ko.

"Lance, okay ka lang?"

Napakurap ako nang hawakan ni Sheena ang braso ko. "Ah, yeah. I'm okay."

"Huwag mo nang intindihin iyon, baka namali lang talaga ng tawag." Aniya pa bago
ako iginaya pabalik sa kama. "Kain na tayo."

Pinilit kong ibalik ang saya ko pero kahit anong gawin ko hindi na naalis ang pag-
aalala sa puso ko. Hindi para sa sarili ko kundi para sa kaligtasan ng asawa ko.

Alam ko kung gaano katuso si Lander at mukhang wala siyang planong tigilan ako.

KAHIT binabagabag pa rin ng pag-aalala ay itinuloy pa rin namin ni Sheena ang plano
na pag-alis papuntang Boracay.

Bandang alas tres ng hapon nang makarating kami sa hotel na tutuluyan namin.
Nagpahinga lang kami saglit at nagyaya na si Sheena na maglakad-lakad daw sa tabing
dagat. Gusto raw niyang manuod ng sunset kaya sinamahan ko siya.

Pinili naming pumwesto sa kakaunti ang mga tao.

Wala kaming imikan. Pareho lang kaming nakatanaw sa papalubog na araw. Naramdaman
kong sumandal si Sheena sa balikat ko.

Wala pa ring imik na inakbayan ko siya at kinabig palapit sa katawan ko.

"Okay ka lang ba?" Mayamaya ay tanong niya sabay layo nang bahagya sa akin. "Okay
ka lang?"
"Yes, of course. Bakit?" sagot ko.

"Parang hindi normal ang bilis ng tibok ng puso mo. Tapos kanina ka pa buntong-
hininga nang buntong-hininga. Ano bang iniisip mo?"

"Ikaw."

"Ha?" Nagulat siya. "Bakit? Magkasama na nga tayo tapos iniisip mo pa ako?"
natatawa niyang sabi.

"Lagi ka namang laman ng isip ko. Katabi man kita o hindi."

"Sus! Unti-unti na talagang lumalabas 'yang pagiging cheesy mo. Para kang
manliligaw sa mga padali mong 'yan, Mister." Pabiro pa niyang sinundot ang beywang
ko na ikinaiktad at ikingiti ko.

"Nanliligaw naman talaga ako. Hindi pa kita niligawan, 'di ba?"

Kumislap ang mga mata niya sabay bungisngis.

"What?" Nahawa na rin ako sa pagiging palatawa niya.

"Ang cute mo sa gusto mo akong ligawan. Sobrang baliktad lang ng nangyari sa atin.
Dapat ligaw, sagot, kasal tapos honeymoon pero-"

"Pero ang nangyari, honeymoon, kasal, honeymoon, ligaw tapos sagot at honeymoon
ulit?" ako na ang nagtuloy ng sasabihin niya.

"Oo!" Namula ang mukha niya.

"Ibahin mo kasi ako." Pagyayabang ko at mabilis siyang siniil ng halik sa mga labi.

GIRLONFIRE28

11

Salamat po sa mga nandito pa. Well-appreciated po kayo ni GIRLONFIRE28. Sa Mga bago


dito, updated na rin po si Tinang at Tinong ko. Muahhh!

Chapter 27

Chapter 27

SHEENA POV

BEING Lance's wife is a dream come true. Sa loob ng isang linggong honeymoon sa
Boracay ay masasabi ko na mas nakilala ko na siya. At sa loob ng isang linggo na
iyon ay wala siyang ginawa kundi ang pakiligin, pangitiin at patawanin ako. Tinutoo
niya ang sinabi na kahit mag-asawa na kami ay liligawan pa rin niya ako dahil hindi
niya lyon nagawa bago kami maging mag-asawa.
Sinabi ko namang hindi na kailangan iyon pero mapilit siya. Gusto raw niyang gawin
iyon para sa akin.

Napangiti ako kahit mag-isa nang maalala kung gaano kami kasaya sa Boracay. Tatlong
araw nang tapos ang bakasyon namin pero iyong kilig ko ay hindi pa rin nawawala.

"Mapunit ang mga labi mo niyan "

Gulat na napalingon ako sa bungad ng pinto ng kuwarto ko nang marinig ang boses ni
Mama. "Nandiyan po pala kayo, Ma."

Nakangiting naglakad si Mama palapit sa akin. Umupo siya sa kama ko.

"Sobrang sigla ng mukha mo. Masaya ka ba?" seryoso na tanong ni Mama. Mabilis akong
tumango. "Sobrang masaya po, Ma."

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may asawa ka na. Mas'yadong
naging mabilis ang mga pangyayari, Sheena. At hanggang ngayon pinipilit pa namin ng
Papa mo na tanggapin na nauna nang mag-asawa ang bunso namin kaysa sa kuya niya."
Bahagyang pumiyok ang boses ni Mama.

"Galit pa rin po ba kayo sa akin?"

"Hindi naman ako nagalit sa 'yo. Anak kita at ang nanay ang unang uunawa para sa
anak. Medyo nasaktan lang ako dahil ang bilis. Parang kamakailan lang, binibiro ka
pa namin ng papa mo na puwede ka nang magpaligaw tapos ngayon, kasal ka na at
malamang bukas makalawa magkakaroon ka na rin ng sariling anak."

"Ma." Niyakap ko siya nang pangilidan ng mga luha.

Mother's love talaga.

"Sorry po kung naging mabilis, Ma. Kahit ako po medyo naninibago pa

rin sa mga nangyayari. Minsan po nagugulat pa rin ako na paggising ko may lalaki
nang nakayakap sa akin. Na may lalaki na ako na katabing matulog.

Suminghot si Mama at bahagyang lumayo sa akin.

"Gusto ko nang maging lola, pero sabi ko kay Kuya Simon mo muna pero bida-bida ka."

Natawa ako sa word na bida-bida ni Mama, "Ma, naman eh."

"Totoo naman," aniya sabay baba ng tingin sa tiyan ko. "May laman na siguro iyan."

Wala sa loob na bumaba rin ang tingin ko sa tiyan ko at hinawakan bago tumingin kay
Mama. "Sa tingin niyo po, Ma?"

Ngumiti siya. "Aba'y hindi malayong may nagsisimula nang mabuo diyan dahil lagpas
isang buwan na ang unang intercourse niyo ni Lance. Tapos malamang nasundan pa iyon
bago kayo ikasal dahil magkasama na kayo. Idagdag pa iyong isang linggong honeymoon
ninyo, aba'y kapag wala pa namang nabuo riyan, ewan ko na lang talaga."

"Si Mama talaga," nag-iinit ang mukha na sabi ko.

"Anong mama ka riyan. Totoo naman kaya ihanda mo na iyang sarili mo dahil walang
madali sa pinasok mo. Pagpasok lang ni Lance sa butas mo ang madali."

"Ma!" Naiiskandalong saway ko sa kaniya na ikinairap niya.


"Tumigil ka nga, Sheena. Totoo ang sinasabi ko. Malaki ang posibilidad na may mabuo
na sa tiyan mo lalo na't regular ang monthly period mo."

Bigla akong kinabahan na parang na-excite. Posible nga na may laman na ang tiyan ko
dahil active kaming dalawa ni Lance sa intercourse the fast few days. Lalo na noong
nasa honeymoon kami.

"Huwag kang mag-alala, palagi kong ipagdarasal na mas pagtibayin ang

relasyon ninyong mag-asawa. At gusto ko ring ipaalala sa 'yo, Anak, na ang pag-
aasawa ay hindi biro. Magkakatampuhan at magkakatampuhan kayong dalawa kahit gaano
niyo kamahal ang isa't isa. Mag-aaway kayo at magkakapikunan, kasama naman sa lahat
ng relasyon iyon pero ang dapat ay pag-usapan agad," bilin niya.

"Tatandaan ko po, Ma."

"At isa pa, kapag bumukod na kayo ni Lance huwag na huwag mong gagawin ang mag-
alsabalutan. Hindi maganda iyong kapag nag-away kayo ay aalis ka sa bahay ninyo.
Pangit iyong gano'n na kada mag-aaway ay aalis ang isa sa inyo sa bahay. Kung ayaw
ko siyang makita dahil

dumadating naman talaga iyon kapag galit ang isang tao, eh di magkulong ka sa
kuwarto. Umiyak ka ro'n, sumigaw, tapos kapag nailabas mo na, kalma ka na. Saka
kayo mag-usap. Huwag na huwag aalis ng bahay, Sheena." Kabilin-bilinan niya.

Nakangiting tumango ako. "Salamat po sa paalala, Ma. Huwag po kayong mag-alala,


tatandaan ko po lahat ng sinabi niyo sa akin."

"Mabuti naman. Hindi naman ako masyadong nag-aalala dahil alam ko na magiging
mabuti kang asawa sa asawa mo. Nakita ko naman kung gaano mo siya kamahal. At
palagi kong ipagdarasal na sana'y maging maayos ang pagsasama niyo ni Lance. Sana'y
maging matatag kayong dalawa sa ano mang pagdadaanan niyo malaki man lyon o maliit
dahil talagang sa pagsasama ay may ganoon."

"Salamat po, Ma. Wala po akong hindi kakayanin para sa asawa ko."

Napangiti si Mama at niyakap ako. Pagkatapos naming mag-usap ay tinulungan niya


akong mag-ayos ng mga damit ko na dadalhin ko sa paglipat ng bahay kasama si Lance.
Hindi ko naman na iyon dinala lahat dahil kapag hindi makakauwi si Lance ay dito pa
rin ako kina Mama uuwi para hindi raw ako maiwang mag-isa sa bahay ayon kay Lance.

"Bakit kakaunti ang dadalhin mo?" mayamaya ay tanong ni Mama.

Nag-angat ako ng tingin kay Mama at ipinaliwanag ang naging pag-uusap namin ni
Lance. At natuwa pa si Mama dahil doon.

"Mabuti naman kung gano'n para kapag wala ang asawa mo, makakasiguro kami ng papa
mo na safe ka lalo na kapag buntis ka na."

Napangiti ako at wala sa loob na napahawak na naman sa sariling tiyan. Wala pa man
pero excited na ako. Ang maging isang ganap na ina ang isa sa pangarap ko maliban
sa maging asawa si Lance.

Pagkatapos naming mag-impake ni Mama ay sabay na kaming bumaba para mananghalian.


Pagkakain ay muli kaming nagkuwentuhan ni papa at ni mama. Inulan ako ng mga payo
mula sa kanilang dalawa na talaga namang tumatak sa isip ko.
KINABUKASAN, maaga akong gumising dahil kailangan ko nang bumalik sa trabaho ko.
Tapos na ang 2 weeks leave ko kaya back to work na.

Excited akong gumayak ng araw na iyon dahil na-miss ko rin ang mga kasamahan ko at
maging ang trabaho ko.

At kagaya ng inaasahan ko, pagdating ko pa lamang sa lobby ng hospital ay inulan na


ako ng panunukso mula sa mga kasamahan ko.

Hindi nila ako tinigilan sa pangunguna ni Rachel, sinundan pa nila ako

hanggang sa labas ng working place ko.

"Sshh! Huwag nga kayong maingay. Mapapagalitan tayo, ang iingay niyo, "saway ko sa
kanila pero hindi sila nakinig.

Todo tukso pa rin sila sa akin.

Pakiramdam ko mas mapula sa kamatis ang mukha ko ng mga sandaling 'yon dahil puros
kahalayan ang mga pinagsasasabi nila.

"Ginulat mo kaming lahat, Sheena! Kaloka, bigla-biglang married na ang status mo."
Si Patricia na kapalitan ko.

"Surprise kasi lyon," sabi ko na lang para tigilan na nila ako. Ngunit sadyang
excited silang malaman ang nangyari sa biglaang pag-aasawa ko.

"What is going on here?"

Tila may dumaang anghel dahil biglang tumahimik ang lahat at sabay-sabay na
lumingon sa pinanggalingan ng malamig na boses na iyon.

Lander? Pinanlamigan ako ng buong katawan nang magtama ang mga mata namin. Bigla
akong kinabahan. What is he doing here?

"Good morning, Mr. Cardova!" Sabay-sabay na bati ng mga kasamahan ko kay Lander.
Kilala nila si Lander.

Tiningnan ko sila isa-isa at ako lang yata ang nagulat sa aming lahat pagkakita sa
kaniya.

Cardova? Hindi ba't De Asis si Lance? Bakit nandito siya? Nasagot ang

mga tanong na iyon nang bumulong si Rachel.

"Siya si Mr. Cardova, ang bagong director ng hospital na 'to."

"Ano?!" Medyo napalakas ang boses ko nang sabihin ni Rachel iyon dahilan para
mapatingin silang lahat sa akin. "Ah, sorry po." Hinging paumanhin ko.

"Hello, I'm Lander Cardova." Naglahad siya ng kamay pero hindi ko tinanggap iyon.

Nakatingin lang ako sa mukha niya kaya kitang-kita ko kung paano kumislap iyon.

Paano nangyari iyon? Two weeks lang ako na nawala peroay bagong director? Paano?

Isang kurot sa tagiliran ang tila nagpagising sa akin. Si Rachel.


"Tanggapin mo na ang kamay ng bagong boss natin. Huwag mo siyang ipahiya," aniya.
"Pero nakakaloka, kamukhang-kamukha siya ng asawa mo, dagdag pa niya.

Hindi pa rin ako kumilos para tanggapin iyon. Umugong ang bulungan nang basta na
lamang akong umalis na hindi tinatangap ang pakikipagkamay niya. Alam kong
kabastusan ang ginawa ko pero naguguluhan ako. At the same time ay natatakot sa
presensya niya.

"Hoy, Sheena!" hinabol ako ni Rachel. "Saan ka pupunta?"

"Uuwi na ako."

"Pero"

Hindi niya ako napigilan.

Chapter 28

Chapter 28

SHEENA POV

SAKAY na ako ng jeep para umuwi sa bahay nang makatanggap ako rig tawag mula sa
kaibigan ko.

"Nasaan ka?" lyon agad ang bungad niya sa akin.

"Pauwi na ako, Rachel. Sabihin mo na lang kay Doc. Thesa na sa susunod na lang ako
magre-report, sumama ang pakiramdam ko, pagdadahilan ko na hindi kumagat sa
kaibigan ko.

"Galit si Doc. Thesa, Sheena. Mabilis na nakarating sa kaniya ang ginawa mo sa


bagong boss natin. At hinahanap ka niya."

"Kakausapin ko na lang siya, basta hindi muna ako babalik diyan ngayon, *pinal na
sabi ko at tinapos ang tawag ng kaibigan ko.

Ngunit hindi pa man natatagalan nang muli siyang tumawag.

"Rachel-"

"Bumalik ka muna ngayon. G na g si Doc. Thesa sa 'yo at baka tanggalin ka pa niya


sa trabaho. Alam ko kung gaano mo kamahal ang trabaho mo rito kaya kung ako sa 'yo
bumalik ka muna at makipag-usap sa kaniya.

Mukhang hindi siya nagbibiro, Sheena. Kilala mo 'yon kapag nagalit, naku! Kausapin
mo muna bago ka umalis, baka bigla kang tanggalin."
Napabuntong-hininga ako bago pinara ang jeep na sinasakyan ko.

"Bumaba na ako pero puwede bang sunduin mo ako sa labas?"

"Ha, bakit?" Usisa niya.

"Ah, basta. Saka ko na ipapaliwanag sa 'yo. Babalik ako diyan para makausap si Doc.
Thesa, mas gugustuhin ko pang mag-resign kaysa ang magkaroon ng bad record na
napatalsik ako sa hospital na iyan. Baka mahirapan akong makapag-apply sa iba kapag
nagkataon." Sabi ko at iyon naman talaga ang inaalala ko.

Sa ilang taong pagtatrabaho sa hospital ay kilala ko na ang ugali ni Doc. Thesa.

"Tatawagan kita kapag malapit na ako, ha." Sabi ko pa bago ibinaba ang tawag.

Sinubukan kong tawagan si Lance para masabi na agad sa kaniya ang

tungkol doon pero hindi siya sumasagot. Sa pang-apat na tawag ay sumuko na ako
dahil naisip ko rin na baka busy pa siya ngayon. Nag-iwan na lamang ako ng message
na tawagan ako kapag hindi na siya busy.

Nang may dumaang jeep pabalik ng hospital ay muli akong sumakay Tinawagan ko agad
si Rachel na malapit na ako. At pagbaba ko nga ay nakaabang na agad siya sa labas.

Sinalubong niya ako. "Mabuti naman at bumalik ka. Puntahan mo na

agad si Doc."

"Sige." Magkaagapay kaming naglakad papasok pero hinila ako ni Rachel sa bakanteng
lugar.

"Puwede mo bang sabihin sa akin kung sino si Lander Cardova at bakit kamukhang-
kamukha siya ng asawa mo? Kambal ba sila?"

"Kapatid siya ni Lance, Rachel."

"Talaga? Pero alam mo ba kung hindi ko alam na Lander ang pangalan niya,
mapagkakamalan ko siyang si Papa Lance mo, eh. Pareho silang guwapo at yummy."

Ito siguro iyong sinasabi ni Lance na kung hindi mo siya talaga kilala, aakalain
talaga na iisang tao lang sila ni Lander.

"Binata pa ba iyon? Ireto mo naman ako sa bayaw mo-" kusa siyang natigilan nang
makitang seryoso ang mukha ko. "Joke lang." Biglang bawi niya at niyaya na ako
papunta sa opisina ni Doc. Thesa.

Akma na siyang kakatok nang pigilan ko siya. "Bakit?" kunot ang noo niyang tanong.

"Sinong nasa loob?"

"Mga boss natin pati ang bayaw mo- I mean pati si Mr. Cardova."

Bumuntong-hininga ako. "Puwede bang dito ka muna hangga't hindi karni tapos sa
loob?" Dumaan ang pagtataka sa mga mata niya pero hindi na siya nagtanong bagkus ay
tumango na lamang. "Thanks, dito ka lang, ha? Bago ko na lang sabihin sa 'yo
lahat."
Saka pa lamang ako kumatok nang tumango ang kaibigan ko. Nang marinig ang boses ni
Doc. Thesa ay saka ko pinihit ang seradura bago mabagal na itinulak pabukas.

Kaagad sumiklab ang inis sa dibdib ko nang una kong mabungaran ang kapatid ni
Lance. Nakade-kwatro pa ang mga binti niya na akala mo'y kung sinong matinong tao.

"Good morning po," magalang na bati ko at isa-isa silang tinanguan maliban kay
Lander na pagpasok ko pa lamang ay iba na kung tumingin.

Hindi ako kumportable sa presensya niya. Kahit nakatingin lang siya sa akin
pakiramdam ko binabastos niya ako sa isip niya.

Tumayo si Doc. Thesa. "I want you to meet our new director, Ms. Monreal." Tumingin
siya kay Lander bago muling tumingin sa akin. "Mr. Lander Cardova is our new
director, and you should be courteous to him. I heard from others that you
embarrassed him in front of numerous people when he tried to approach you." May
bahid ng iritasyon na litanya niya.

Sa halip na sumagot nang pabalang ay mas pinili ko na humingi na lang ng pasensya


alang-alang sa mga boss ko.

"Pasensya na po, hindi ko po alam na may bago po-"

"What an excuse, Ms. Monreal?" Istrikta niyang sabi habang nakataas ang isang
kilay. "Why are you behaving so unprofessionally?"

Hindi ako nakaimik. Kulang na lamang ay lamunin ako ng semento ng mga sandaling
iyon. For the first time, may nagsabi sa akin na unprofessional ako which is not
true. Ilang taon na akong nakakatanggap ng award for being most approachable
employee in this fvcking hospital. At dahil sa Lander na 'to makakatanggap ako ng
ganitong salita. Sobrang nagngitngit ang kalooban ko.

"Dra. Thesa is right, Ms. Monreal," segunda ni Dr. Alvarez. "You should have
respect for him whether you know him or not," dagdag pa niya.

Hindi na ako nakaimik habang ginigisa nila. Naisip ko na kung magrarason pa ako mas
lalo lamang hahaba.

"Pasensya na po, hindi na po mauulit." lyon na lang ang sinabi ko para tapos na.

"Kay Mr. Cardova ka mag-sorry dahil siya ang ipinahiya mo sa mga tao," mariing utos
ni Doc. Thesa.

Tm-

"Na, it's okay," nakangiting putol ni Lander sa sasabihin ko. Tumayo pa siya at
humakbang palapit sa akin.

Pasimple akong umatras. Habang nakatingin sa mga mata niya ay alam ko na agad ang
pagkakaiba nila ni Lance. Nangungusap ang mga mata ni Lance kapag tumitingin pero
sa isang 'to ay hindi. Mapanganib siya kung tumingin.

"It's okay. You don't have to say sorry," aniya at humarap sa mga boss ko.

"By the way, I completely understand her reaction." Muli siyang tumingin sa akin at
ngumiti. "Nice to meet you, Sheena."
Nang ilahad niya ang kamay ay wala akong nagawa kundi ang tanggapin lyon dahil
nakatingin ang mga boss ko. Mabilis lamang iyon at maagap ko ring binawi ang kamay
ko.

Muli akong kinausap ng mga boss ko at pinaalalahan na huwag nang mauulit ang
pamamahiyang ginawa ko. Sinabi pa ni Doc. Thesa na kung mauulit pa iyon ay
mapipilitan siyang patalsikin ako dahil dinudungisan ko raw ang magandang record ng
hospital nila.

Huh! Hindi ko na hihintayin ang araw na iyon dahil magre-resign ako. At hindi ko
matatanggap na tatlong beses niya akong tinawag na unprofessional dahil sa lintik
na Lander na 'to.

Kunwari pa niya akong ipinagtanggol para magmukha siyang mabait sa harap ng mga
boss ko.

Bago tuluyang lumabas ng opisina na iyon ay isang matalim na tingin ang iniwan ko
sa kaniya pero ngumiti lang siya.

Paglabas ko ay wala na si Rachel sa labas, baka kinakailangan na sa trabaho niya.

Nang bumukas ang elevator ay sumakay na ako. Pasara na sana iyon nang may kamay na
pumigil. Kaagad binundol ng kaba ang dibdib ko nang makitang si Lander ang may-ari
ng kamay na iyon.

Akma akong lalabas pero sumara na iyon agad kaya nakulong ako sa loob kasama si
Lander.

"What do you want?!" singhal ko sa kaniya.

Ngumiti siya. "Lance was right. Hindi ka nga kagaya ng mga naging girlfriend niya
na kayang-kaya kong linlangin." Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang
paa, saka muling bumalik sa mukha ko ang mga mata niya.

"No doubt kung bakit patay na patay sa 'yo ang kapatid ko. Ibang-iba ka sa mga
naging girlfriend niya na pinagsaluhan naming dalawa. At mukhang pagdating sa 'yo
mahihirapan akong mapapayag siya kahit makihat-" hindi ko na siya pinatapos
magsalita. Kaagad na lumagapak sa kanang pisngi ang palad ko.

Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko habang sapo ang nasaktang pisngi. Nang
makabawi ay agad na bumalik ang ngisi sa mukha niya.

"Ibang-iba ka ngang talaga. Pero mas gusto ko iyang ganiyan, mas nanggigigil ako sa
'yo. Mas nakaka-thrill kapag pa-hard to get ang

babae."

Matalim ko siyang tiningnan. "Nagtataka ako kung paano kayo naging magkadugo ni
Lance. Mabuti siyang tao habang ikaw, demonyo. Halimaw ka!"

Napaatras ako nang tila demonyo siyang tumawa.

"You can call me whatever you want, Sheena, but I'm not Lander Cardova for nothing.
And remember this, what Lander wants, Lander gets.

Matapang akong tumingin sa kaniya. "Not this time. Hindi mo ako maloloko dahil
malayo ka pa lang naaamoy ko na ang nakakasulasok mong amoy, Lander Cardova."
"Let's see."

"Hinding-hindi kita papatulan!"

"Hindi mo 'ko kailangang patulan para makuha kita." Nakangisi niyang sabi at bumaba
sa dibdib ko ang tingin niya.

Laking pasalamat ko nang bumukas na ang elevator. Walang lingon likod na lumabas
ako at malalaki ang hakbang na naglakad. Halos takbuhin ko na ang papalabas ng
hospital na iyon.

Hulog ng langit na kaagad may dumaang jeep, sumakay ako at umuwi sa bahay ng mga
magulang ko.

Nagtaka pa si Mama nang makita ako pero nagdahilan na lamang ako para hindi na siya
mag-usisa kung bakit bumalik agad ako.

Kaagad kong tinawagan ang asawa ko para sabihing umuwi muna. Sa makalawa pa kasi
ang balik niya pero hindi na ako makapaghintay. Gusto kong ipaalam agad sa kaniya
ang plano ng kapatid niya. Pero kagaya kanina, bigo na naman akong makausap ang
asawa ko. Hindi ko alam kung bakit kanina pa siya hindi tumatawag o nagpaparamdam
sa akin.

Posible kayang hindi pa niya nababasa ang message ko? Ganoon ba siya ka-busy?

Habang naghihintay ng return call ni Lance, gumawa na ako ng resignation letter


para maipasa ko na. Pagkatapos ng nangyari kanina, wala na akong balak na pumasok.

Dasal ko na lang na sana maaprobahan ang resignation letter ko para magawa kong
makapag-apply sa iba. Mahal ko ang trabaho ko at mga kasamahan ko dahil doon ako
nag-umpisa pero para sa pagsasama namin ni Lance ay handa kong iwanan ang hospital
na iyon pati ang

mga naging kaibigan ko.

MAGHAPON akong naghintay ng tawag o text mula kay Lance pero wala maski isa.

Sabi mo tatawag ka every now and then, pero bakit pagabi na ni isang tawag at text
ay wala pa rin akong natatanggap mula sa 'yo? Ano na kayang nangyari? Sana okay ka
lang, Lance.

Hindi ako mapakali sa loob ng kuwarto ko. Nag-aalala na ako. Ang daming negatibong
bagay ang pumapasok sa utak ko lalo na't nagsimula nang manggulo si Lander.

Lord, ang gusto ko lang po ay maging masaya kami ng asawa ko. Alisin Niyo na po sa
landas namin ang mga taong gusto kaming guluhin, please? Piping dasal ko habang
uupo-tayo at pagkuwa'y magpapalakad-lakad.

Lance... ano na bang nangyari sa 'yo? Tumawag ka na, please...

Hindi na naman ako nakatiis. Muli kong sinubukang tawagan si Lance at kulang na
lang ay tumalon ako sa tuwa nang sagutin niya ang tawag ko sa wakas.

"Lance! Bakit ngayon-" Mahihinang katok sa pinto ng kuwarto ko ang pumutol sa


pagsasalita ko.

Baka si Mama.
"Hello, Lance?" sabi ko habang lumalapit sa pintuan at binuksan iyon...

"Lance!" para lang magulat nang makita ang asawa ko.

"Hi!" nakangiti niyang wika habang nasa tainga pa rin ang cellphone.

Nang makabawi sa pagkagulat ay hinampas ko siya sa dibdib niya. " Pinag-alala mo


ako, buwisit ka!"

Tumawa siya at walang ano-ano'y ikinulong ako sa mga bisig niya.

"I miss you..." bulong niya kasabay ang paghigpit ng mga yakap.

Bago pa man madala sa mga haplos ng kamay niya ay agad na akong bumitaw. Hinila ko
siya papasok at ini-lock ang pinto.

"Magsisimula na ba tayo?" pilyong sabi niya.

"Baliw, hindi." Hinila ko siya paupo sa kama.

Malamlam ang mga mata niya nang tumingin sa akin.

"I missed you..." Paglalambing niya.

"I missed you, too. But Lance, we need to talk first." Nagsimulang gumapang ang
kamay niya sa likod ko patungo sa leeg. "Lance, mag-usap tayo."

"About?" anas niyang tanong.

"About Lander." Diretsang sagot ko na ikinatigil niya sa panghaharot sa akin

Bahagya siyang lumayo. "What about him?"

"Galing ako sa hospital kanina para sa pagre-report ko sana pero...

"Pero?"

"Nalaman ko na si Lander na ang bagong director ng hospital."

"What?!" Bigla siyang tumayo at nagpalakad-lakad.

"Sabi niya, what Lander wants, Lander gets."

"Syet! Nagsisimula na naman siya!" naulinigan kong sabi niya.

"Huwag kang mag-alala, nakapag-email na ako ng resignation letter ko- * Natigilan


ako.

Nakita ko ang pagkabalisa sa mukha ni Lance. Bigla akong napatayo nang makita kong
sinapo niya ang dibdib na para bang biglang nahirapang huminga.

"Lance!" Dinaluhan ko siya at mas lalo akong nag-aalala nang paghawak ko sa braso
niya ay nanlalamig ang katawan niya. "Lance! Hey, Lance! What happened?"

"Bakit ayaw niya akong tigilan..."

"Ha? Hey, Lance, baby. Come on, breath in breath out. Like this, come on ..." sabi
ko habang nag-i-inhale exhale.

Ginaya naman niya ako. Nahihirapan kasi siyang huminga.

"One more, baby. Come on, breath in breath out." Makailang ulit naming ginawa iyon
hanggang sa medyo umayos ang paghinga niya.

Inalalayan ko siyang umupo sa kama at dali-dali kong binuksan ang bintana.


Binalikan ko siya agad at tumayo sa harapan niya.

Naluluhang sinapo ko ang mukha niya at iniangat nang bahagya. "Look at me, baby."

Nagtama ang mga mata namin. May tuwang lumukob sa buong pagkatao ko nang makita
kong mas umayos na ang paghinga niya.

"Are you okay now? Hmm?" Hinaplos ko ang magkabilang pisngi niya. Hindi ko na
kailangang itanong kung ano iyong nangyari kani-kanina lang. I knew it.

"Okay ka na, hmm?" Pinaliguan ko ng halik ang buong mukha niya. "I love you... oh,
God! I love you... I love you, baby."

Hinawakan niya ang kamay ko na nasa mukha niya dahilan para mapatingin ako sa
kaniya.

"Okay ka na, 'di ba? Nakakahinga ka na nang maayos?"

Tumango siya. "Thank you, baby."

Nginitian ko siya nang matamis kahit gusto kong pumalahaw ng iyak ng mga oras na
iyon. Sobrang kinabahan ako sa nakita ko. Nakita ko kung paano magtaas-baba ang
dibdib niya. Mabuti na lang at hindi ako nataranta.

Thank you po, Lord. Okay ang asawa ko. Okay na siya...

GIRLONFIRE28

11

Salamat po sa mga nandito pa! Sana po mag-iwan kayo kahit heart heart hehe. need
lang po para sa retention namin. Slaamat po.

"

Chapter 29

Chapter 29

SHEENA POV

PAGKATAPOS ng nangyari kay Lance kanina ay hinayaan ko na muna siyang


makapagpahinga. Hindi ko na muna binuksan ang paksa tungkol sa kapatid niya.
Mukhang doon siya nag-trigger kaya nag-panic siya. Mabuti na lang din at hindi ko
sa text o sa tawag nasabi ang tungkol doon. Kung nagkataon baka hindi lang iyon ang
nangyari. Pasalamat na lang din ako dahil hindi nauna ang pagkataranta ko.

Minsan ko pang pinagmasdan ang guwapong mukha ng asawa ako na ngayon ay payapa nang
natutulog. Yes, nakatulog siya sa mga bisig ko pagkatapos niyang kumalma.

Hindi ko na muna siya gigisingin para mas makapagpahinga ang isip niya.

Napabuntong-hininga ako, saka lumabas muna ng kuwarto. Balak kong magluto ng


pagkain para kay Lance para may kakainin siya pagkagising.

Naabutan ko sa kusina si Mama.

"Nasaan ang asawa mo?" agad na tanong ni Mama nang mapansin na wala sa tabi ko si
Lance.

"Nasa kuwarto po, Ma," sagot ko.

"Bakit hindi mo pa pakainin? Tapos na kami ng papa mo, nauna na kami dahil baka
busy pa kayo ni Lance sa paggagawa ng baby, eh." Aniya na may halong panunukso sa
tono.

"Dumali si Mama."

"Hindi ba kayo gumawa?"

"Hindi po, tulog po si Lance, Ma. Pero baka mamaya po paggising niya." Pagsakay ko
sa biro ni Mama. Kinurot niya ako sa tagiliran.

"Landi mo, 'Nak! Pero ayos lang iyan kahit maya't mayain ninyo para makabuo na kayo
agad. Saka kapag bagong kasal, ganiyan talaga, putok dito putok doon na para bang
hindi nauubusan ng enerhiya," dagdag pa ni Mama.

"Ang ingay mo, Ma." Naiiskandalong saway ko. Hindi ako kumportable sa pagiging
bulgar ni Mama.

"Sus, ano? Sa akin ka pa nahiya?" Tinaasan niya pa ako ng kilay.

"Hindi lang ako kumportable na pag-usapan ang putok dito putok doon na iyan, Ma."

"Kow, tigilan mo ako. Ngayon ka pa hindi magiging kumportable, eh bumukaka ka na sa


asawa m-"

"Ma!" Saway ko na ikinatawa niya bago nagpaalam sa akin na aakyat na sa taas para
matulog. Natawa pa ako nang magbiro siya na susubukan nilang magpaputok daw ni
Papa.

Napapangiti na sinundan ko na lamang ng tanaw si Mana na paakyat na ng hagdan.


Aaminin ko na medyo gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos naming magbiruan ni Mama.

Nagsimula na akong maghanap ng puwedeng iluto para sa asawa ko. At nang makahanap
ay kaagad ko ng inasikaso para paggising niya may pagkain siya na tiyak na
magugustuhan niya.

Inabot ako ng kulang isang oras bago natapos iyon. Itinabi ko muna iyon saka
lumabas ng kusina para balikan sa kuwarto ang asawa ko.

"Sheena."

Napaiktad ako sa gulat nang biglang may magsalita. Napalingon ako sa pinanggalingan
ng boses at napatda ako nang makita si Kuya Simon sa sala na prenteng nakaupo
habang nakade-kwatro.

"Kuya, nandiyan ka pala. Kanina ka pa?" Nilapitan ko siya at bumeso.

"Hindi pa naman natatagalan pero sapat na para makita ko na tulala kang naglalakad.
Anyare sa 'yo?" Nahamigan ko ng pag-aalala ang tono niya.

Wala akong nagawa nang hilahin niya ako paupo sa couch. Sa tapat niya.

"Sabi ni Mama kanina nang tumawag ako dumating daw si Lance."

"Uhm, nasa kuwarto." Maikling sagot ko.

Mataman akong tiningnan ni Kuya. "Kung nandiyan pala siya, eh, bakit ganiyan ang
mukha mo? Don't tell me nag-away na agad kayo?"

"Hindi. Bakit naman kami mag-aaway?" Makailang beses pa akong umiling.

"Hindi?" Tumango ako. "Hindi pala, eh, anong problema mo? Dati-rati naman malaman
mo lang na nandiyan si Lance kulang na lang lumabas iyang puso mo sa sobrang kilig
at saya. Tapos iyang mga mata mo parang bituing nagniningning sa kalangitan. So
anong mayro'n at parang ang lungkot ng mukha mo ngayon? Kung hindi naman kayo nag-
away,

sabi mo."

Tumingin ako sa mga mata ni Kuya. "Alam mo bang may panic attack si Lance, Kuya?"

Rumehistro ang gulat sa mukha niya. "Sinabi na niya sa 'yo?" Sa halip ay balik-
tanong niya sa akin.

"So, alam mo nga?"

"Yes"

Napakunot ang noo ko. "Alam mo pero hindi mo man lang sinabi sa akin, Kuya."

"Of course. Kung may magsasabi man sa 'yo ng tungkol doon hindi ako lyon, Sheena.
Yes, kaibigan ko si Lance, pero wala akong karapatan para pangunahan siya na
sabihin sa 'yo o sa kahit kanino ang tungkol sa bagay na iyon. Siya lang ang may
karapatang magsabi sa 'yo niyon. Na kay Lance ang decision kung ipapaalam niya sa
'yo o hindi," litanya ni Kuya.

Hindi ako nakaimik dahil may katwiran naman siya.

"Kailan niya sinabi sa 'yo ang tungkol doon?"

"Hindi niya sinabi..."

Kumunot ang noo niya. "Paano mo nalaman?"

"Nakita ko..."
"Sheen-"

"Nakita ko, kani-kanina lang, Kuya. Akala ko kung anong nangyari sa kaniya dahil
nahirapan siyang huminga tapos nang hawakan ko siya sobrang lamig niya. And that
moment I knew it. Hindi ko na kailangang itanong sa kaniya kung anong nangyayari."
Napaiyak na ako nang tuluyan.

Sumubsob ako sa mga palad ko. Ngayon lang yata nag-sink sa utak ko ang lahat. Bigla
akong natakot dahil hindi joke ang magkaroon ng panic attack, anxiety, trauma o
kung anu-ano pa. Because nowadays marami ng namamatay dahil hindi nila nakakayanan
iyon. May mga taong nakakaranas iyon pero binabalewala lang ng iba dahil akala nila
ay nag-iinarte lang o nagpapansin ang taong may ganoon. But it's not.

"I was scared, Kuya. Si Lance iyon, eh. Mahal na mahal ko siya at nasanay ako sa
Lance na masayahin at palatawa. Ganoon ko siya nakilala, tapos malalaman ko na deep
inside his jolly personality may panic attack siya na nilalabanan niya," umiiyak na
sabi ko.

Lumundo ang couch na inuupuan ko bago ko naramdaman ang braso ni Kuya Simon sa
balikat ko. Inakbayan niya ako.

"I'm sorry, babygirl. Hindi lang talaga maganda na sa akin manggaling ang tungkol
doon.

"N-Naiintindihan ko naman, Kuya. Pero hindi ko alam kung may balak ba siyang
sabihin sa akin iyon o wala."

"Siyempre sasabihin niya lyon sa 'yo. Baka humahanap lang siya ng tamang
pagkakataon para sabihin. Or baka hindi pa siya ready na ipaalam sa 'yo."

Napalabi ako sabay punas ng luha ko.

"Huwag ka nang umiyak. Tingnan mo ang pangit mo na." Pagbibiro niya para siguro
pagaanin ang loob ko.

"Kailan nagsimula iyon, Kuya?"

"Matagal na iyon. Hindi naman siya madalas atakehin, malakas naman ang loob ni
Lance. Sa pagkakatanda ko, huling malalang atake niya noong makita niya mismo na
may ka-s*x na iba ang girlfriend niya. Kaya kahit gusto naming magtanong ng tropa
about it hindi na namin sinubukan kasi mas'yado traumatized iyon. Mas'yadong
nakakalalaki."

Ilang sandali akong napatulala. Nakita mismo ni Lance na may ka-s*x na iba ang ex-
girlfriend niya?

"Alam mo ba kung sino ang lalaki, Kuya?" Wala sa loob na tanong ko. Hindi agad
nakaimik si Kuya kaya nagsalita uli ako. "Si Lander ba?"

Rumehistro ang pagkagulat sa mukha niya at napatuwid ng upo sa tabi ko.

"Kilala mo ba siya? Si Lander?" Ulit ko.

"Sheena-" Hinawakan ko ang braso niya na ikinatigil niya sa pagsasalita.

"Kuya, may sasabihin ako sa 'yo. Sa 'yo ko muna sasabihin 'to dahil ayokong mag-
alala si Papa at si Mama." Hindi siya umimik at naghintay ng sasabihin ko.
"Kuya, ginugulo ni Lander si Lance. I mean kami."

"What?!" bulalas niya kasabay ng pag-igting ng kaniyang panga." Paanong


panggugulo?"

"Bago kami ikasal ni Lance, nagpakita si Lander sa amin at doon ko siya nakilala
kung sino siya. Nalaman ko na kapatid siya ni Lance," pagkukuwento ko sa kaniya.

Matamang nakinig si Kuya sa akin. Ikinuwento ko sa kaniya lahat pati ang nangyari
kanina sa hospital. Ang pangbabastos ni Lander sa akin, ang pagre-resign ko at ang
pag-atake ng panic attack ni Lance,

Pagkatapos kong ikuwento kay Kuya ang lahat ay hindi ko alam kung ano ang tumatakbo
sa isip niya ngayon. Walang ibang mababakas na emosyon sa mukha niya ngayon kun'di
galit.

"Kuya, natatakot ako." Mayamaya ay sabi ko. "Hindi ko siya kilala pero pakiramdam
ko hindi siya gagawa ng mabuti. Sabi niya, lahat ng gusto niya nakukuha niya."

Muling umigting ang panga ni Kuya.

"Anong puwedeng gawin, Kuya? Baka may gawin siyang masama sa aki

"No. Don't say that!" Awat niya. "Walang puwedeng manakit sa 'yo kahit sino. Huwag
kang mag-alala, kilala ko si Lance. Hindi ka niya pababayaan at maging ako.
Tutulungan ko siya para protektahan ka, naiintindihan mo?"

Tumango ako.

"Good. Tama lang na nag-resign ka na sa hospital na iyon. Matalino ka at magaling,


madali lang sa 'yo na makapasok sa ibang hospital. Sa ngayon, dumito ka muna sa
bahay. Hangga't maaari huwag ka munang lumabas o pumunta sa kung saan."

"Salamat, Kuya. Natatakot lang talaga ako para sa amin ni Lance."

"Thank you dahil sinabi mo agad. Pagkagising ni Lance, kakausapin ko siya." Pinal
na sabi niya.

Muli akong nagpasalamat kay Kuya bago nagpaalam sa kaniya na sisilipin ko muna si
Lance sa taas. Pumayag naman siya, may tatawagan din daw muna siya.

Tulog na tulog pa rin si Lance nang datnan ko sa aking kuwarto. Nagdalawang-isip


ako kung gigisingin ko ba siya o hindi. Alas nuebe na kasi ng gabi at hindi pa siya
naghahapunan.

Sa huli, pinili kong humiga na lamang sa tabi niya. Sa paglapat pa lamang ng likod
ko sa kama ay agad na akong hinila ng antok hanggang sa tuluyang makatulog.

PAGGISING ko ay maliwanag na. Si Lance agad ang hinanap ng mga mata ko pero wala na
siya sa tabi ko. Hinanap ko siya pati sa banyo pero wala rin siya roon kaya
nagmamadali akong bumaba ng hagdan.

Si Mama ang nadatnan ko roon at kaagad tinanong kung nasaan ang

asawa ko.

"Si Lance po, Ma?" kabadong tanong ko. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang kabog
ng dibdib ko nang hindi ko magisnan si Lance.

"Kanina pa umalis, mga bandang alas-otso yata iyon."

"Alas-otso- anong oras na ho ba?" Napatingin ako sa wall clock at nagulat nang
makitang alas onse na pala ng umaga.

Ganoon kahaba ang itinulog ko? "Saan daw po pupunta, Ma?"

"May kikitain lang daw siya. Ewan ko ba sa batang iyon, bigla na lang nagmadaling
umalis pagkatapos niyang makipag-usap sa tumawag sa kaniya."

"Ano ho?!" Napalakas ang boses ko. Mas lalong nilamon ng kaba ang dibdib ko.

Napatayo ako at nagpalakad-lakad.

"Ano bang problema mo, Sheena?"

"Ma, si Kuya ho? Dito po siya natulog kagabi 'di ba?"

"Oo, nakita ko pa nga silang nag-usap, eh. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan
nila dahil pareho silang mainit, eh. Baka kako dahil sa 'yo na ngayon lang nasabon
ng kuya mo ang asawa mo. Kumalma din naman agad tapos pumasok dito sa loob ang kuya
mo paglabas niya hinanap niya si Lance. At nang sinabi kong nagmamadaling umalis,
ayon, nagmamadali ding umalis ang kuya mo. Hindi ko alam kung saan sila pupun- teka
nga!" Biglang hinto niya. "Ano bang nangyayari, Sheena?"

"Ma, si Lance..."

Lumapit si Mama sa akin at niyugyog ang balikat ko. "Ano bang problema, Sheena? At
bakit parang takot na takot ka?"

Sa halip na sagutin ang tanong ni Mama ay tumakbo ako paakyat ng hagdan.

"Sheena! Ano bang nangyayari sa 'yong bata ka?"

Hindi ko pinansin si Mama. Halos mangadapa na ako sa pag-akyat sa sobrang


pagmamadali.

Hindi ko alam. Basta takot na takot lang ako ng mga sandaling 'yon.

Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang cellphone ko. Kaagad kong idinial ang numero
ni Lance pero hindi siya sumagot. Sinubukan ko uli pero wala pa rin. Nang hindi pa
rin siya sumagot sa pang-anim na

missed call ko, si Kuya Simon ang tinawagan ko.

"Kuya!" Halos sumigaw na ako pagkasagot na pagkasagot niya. "Nasaan ka? Kasama mo
ba si Lance? Saan kayo pumunta?"

Walang sagot mula sa kabilang linya.

"Hello? Kuya, si Lance! Nasaan kayo? Hello! Hello!" Sumigaw na ako sa labis na
pangamba,

"S-Sheena..." Narinig kong kakaiba ang boses niya. "Nas tabi mo ba si Mama?"
"Wala... Kuya, si Lance. Nasaan siya? Nasaan kayo?" Ang tahimik na pagluha ko ay
unti-unting nagkaroon ng tunog hanggang sa maging hagulhol na.

"K-Kuya... Kuya, si Lance."

"I'm sorry."

Pagkadinig ko niyon ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Naramdaman ko


na lamang na bumagsak ako sa sahig.

GIRLONFIRE28

11

Thank you! Slaamat sa mga pa heart react guys! need ko lang po talaga. Slaamat

"

Chapter 30

Chapter 30

SHEENA POV

NANG BALIKAN ako ng malay tao, ang nag-aalalang mukha ni Mama ang bumungad sa akin.

Nagpalinga-linga ako at napagtanto ko na nasa loob pa rin ako ng aking kuwarto at


nakahiga sa aking kama.

Napabalikwas ako nang maalala si Lance at si Kuya Simon.

"A-Anak..." basag ang boses na sabi ni Mama.

Mabagal ang ginawa kong paglingon sa kaniya. Hindi ko pa man naririnig pero malakas
na ang kutob ko na may hindi magandang nangyari sa asawa ko.

"M-Ma..." nanginginig ang boses na sabi ko. "A-Ang asawa ko ho, Ma."

Nang yakapin ako ni Mama ay awtomatikong naglaglagan ang mga luha ko.

"Ma, si L-Lance... ano pong nangyari?" umiiyak na tanong ko. Sinapo niya ang mukha
ko.

Lalong binalot ng takot ang puso ko nang makita ko ang pamumula ng mga mata ni Mama
na para bang pinipigilan niya ang umiyak sa harap ko.

"Anak, lakasan mo ang loob mo, ha?"

"Ma, please? Nasaan si Lance? Si Kuya? Nasaan ba sila?" Tumaas na ang tono ko dahil
sa matinding pag-aalala. "Ma, please! Sabihin niyo sa akin kung anong nangyari sa
asawa ko?!"
"Ang asawa mo..."

Parang may biglang bumara sa lalamunan ni Mama. "What happened, Ma? Okay naman si
Lance, 'di ba? Sabi niyo umalis siya at sinundan ni Kuya. Okay sila 'di ba?" Hindi
ko gusto ang nararamdaman ko-iyong pakiramdam na ano mang sandali ay may sasabog na
masamang balita sa harap ko..

"N-Naaksidente ang asawa mo, Anak.

Nanlamig ako. Nanginig din ang buong katawan ko. "No! Hindi totoo iyan, Ma! Hindi
totoo iyan!" Sumigaw ako at napahagulhol ng iyak.

Awang-awang niyakap akong muli ni Mama para patahanin. Kung ano-anong pampalubag
loob na salita ang sinabi niya sa akin pero hindi niyon nabawasan ang sakit at
takot na nararamdaman ko.

Hindi ko kakayanin na mawala si Lance nang ganito kaagat Oh, God... bago pa lang po
kami bumubuo ng pamilya. Huwag Niyo naman po siyang babawian nang ganito kaaga sa
akin. God, please? Dasal ko habang umiiyak.

Gulong-gulo ang utak ko. Sa sobrang takot at pangamba ni hindi ko na alam kung
paano ako nakarating ng hospital. Basta natagpuan ko na lamang na naglalakad sa
pasilyo ng isang pribadong hospital kung saan dinala raw ni Kuya Simon ang asawa
ko.

Mahigpit na hawak ni Papa at ni Mama ang tig-isang kamay ko. At doon ako kumukuha
ng lakas para maging matatag ng mga sandaling ito.

Ilang metro pa ang layo namin sa operating room nang humahangos na sumalubong si
Kuya Simon. Kaagad niya akong dinaluhong ng mahigpit na yakap.

"Sshh... tahan na. Lakasan mo ang loob mo, ha?" Pag-aalo niya habang masuyong
hinahaplos ang buhok ko. "Makakaligtas si Lance. Kilala natin siya, matapang ang
asawa mo. Makakaligtas siya, Babygirl..."

"K-Kuya... hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin. Mahal na mahal ko


siya...mahal na mahal." Humihikbing anas ko.

"Sshh... hindi mawawala si Lance, baby." Inilayo niya ako nang bahagya at sinapo
ang mukha ko. "Hindi mawawala sa atin si Lance, hmm?" Nabasag ang boses ni Kuya
Simon.

Sa nanlalabong mga mata dahil sa luha, nakikita ko pa rin ang sakit sa mga mata
niya. At alam ko na kagaya ko nag-aalala rin siya para sa matalik na kaibigan.

"Makakaligtas si Lance, maniwala lang tayo sa Kaniya, ha?" Tinuyo niya ang mga luha
ko.

Napahikbi ako at saka sumubsob sa dibdib ni Kuya.

LAGPAS APAT na oras na yata kami sa labas ng operating room pero wala pa ring
doktor na lumalabas mula sa loob.

At habang naghihintay ng paglabas ng doktor, wala akong ginawa kun'di ang umiyak at
taimtim na magdasal para sa kaligtasan ng asawa ko. Habang si Kuya Simon at mga
kaibigan nila ay hindi na rin mapakali sa isang tabi.
Sabay-sabay na dumating kanina ang tatlo, humahagulgol din lalo na si Ate Madeline
at Ate Kristine.

Lahat kami ay nag-aalala pero hindi matatawaran ang pag-aalala na nararamdaman ko


ngayon.

"It's been fucking five hours! Hindi pa rin tapos ang operation?" sabi ni Kuya
Joven. Mukhang pati siya ay nauubos na rin ang pasensya.

Kagaya ni Kuya Simon, hindi rin siya mapakali. Maya't maya ang lakad nilang
magkakaibigan.

"Kahit gaano katagal, Joven, basta makaligtas lang si Lance. Kahit abutin pa ng
isang araw ang operation, as long as ligtas siya," sagot ni Ate Kristine.

"Ano ba kasing nangyari? Paano siya naaksidente?" Si Ate Madeline.

Walang sumagot. Tumahimik ang lahat. Tanging impit na hikbi ko lamang ang maririnig
ng mga sandaling 'yon.

Mariin akong pumikit. Naramdaman kong may yumakap sa akin. "He's going to be
alright, Sheena... Lance going to be alright." Ani Ate Madeline.

Hindi ko alam kung ako ba ang kinukumbinsi niya o ang sarili niya.

Mayamaya ay umupo rin sa tabi ko si Ate Kristine. "Makakasama pa natin si Lance,


bunso. Gagaling siya. Bubuo pa kayo ng sariling pamilya, magkaka-baby pa kayo ng
marami. Makikita pa niyang ikasal kaming mga best friend niya."

"Yes, bunso," segunda ni Ate Madeline. "Nangako siya sa amin na walang a-absent sa
kasal ng bawat isa sa amin kaya gagaling pa siya. Kailangan niyang tuparin iyon
dahil mapapatay ko siya kapag hindi," dagdag pa niya na binuntutan ng pilit na
tawa.

Pero kahit anong pagpapagaan ng loob ko ang gawin nila, hindi niyon nabawasan ang
pag-aalala ko.

Pakiramdam ko pagod na pagod na ako kahit nakaupo lang naman ako sa isang tabi.

Nang pakiramdam ko hindi ko na kayang maghintay, walang imik akong tumayo at


naglakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta gusto ko lang sumagap ng
sariwang hangin. Para akong nasu-suffocate.

Naglakad lang ako. Sa maliit na chapel dito sa loob ng hospital ako dinala ng mga
paa ko. Pagpasok ko pa lamang, dinig ko na ang impit na iyak mula sa kung saan.
Nakita ko ang isang babae na nakaluhod malapit sa unahan. Siguro nasa peligro din
ang pamilya niya.

Sa kabilang side ako pumwesto. Nanginginig ang mga tuhod na lumuhod ako. Hindi pa
man ako nagsisimulang magdasal pero nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko.

Halos hindi ko na makita ang imahe Niya sa unahan, Pati mga labi ko ay nanginginig
na rin dahil sa pagpipigil ko na huwag humagulhol ng iyak. Habang patagal kasi nang
patagal si Lance sa loob ng operating room, mas palala nang palala ang takot ko.

Diyos ko, huwag Niyo po sanang pabayaan ang asawa ko. Huwag Mo po siyang bawiin sa
akin. Nagsisimula pa lang po kami gumawa ng magagandang memories together... hindi
po pa ako handa, Diyos ko
Yumugyog na ang mga balikat ko dahil sa pag-iyak.

Alam ko po na hindi ko pa birthday, pero baka po puwedeng ito na lang lyong hingin
kong regalo Sa'yo? Kailangan ko po si Lance... iligtas Mo po siya, ha? Masyado na
pong maraming pinagdaanan si Lance, ibigay Niyo na po ito sa kaniya. Hayaan Niyo po
ako na mahalin at alagaan si Lance. Iligtas Niyo lang po siya, gagawin ko po ang
lahat. Ibalato Niyo na po si Lance sa akin, Diyos ko... wala na po akong ibang
hihilingin basta huwag Niyo lang siyang kunin sa akin. Napahagulhol na ako at
napasubsob sa mga palad ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong estado bago ko naramdaman na may
tumabi sa akin.

Si Kuya Simon.

Awang-awang niyakap niya ako.

"T-Tapos na ang operation ni Lance." Napabitaw ako sa kaniya at luhaang tumingin.

"O-Okay siya, 'di ba?" nanginginig ang boses ko.

"Of course, he's o-okay." Basag ang boses na sagot niya. "He's going to be okay.
Hihintayin na lang natin siyang magising and for sure, mamaya o bukas gigising na
siya."

Naniwala ako sa sinabi ni Kuya Simon na magigising na si Lance pero hindi nangyari
iyon.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang lumipas ang 48 hours after the
operation pero hindi nagising si Lance. And the doctors declared my husband is
comatose.

This is a nightmare.....

MATULING tumakbo ang mga oras, mga araw at mga linggo hanggang sa maging buwan na.
Habang patagal nang patagal na hindi nagigising si Lance ay nawawalan na ako ng
pag-asa.

Pakiramdam ko any time soon ay bibigay na ako dahil kahit anong dasal at
pagmamakaawa ang gawin ko sa Kaniya, walang magandang senyales kung babalik pa ba
sa akin ang asawa ko. Kung magigising pa ba siya at kung makakasama ko pa ba siya?
O kung tuluyan na siyang mawawala sa akin.

"Sheena."

Hindi ako kumibo kahit narinig ko ang boses ni Kuya Simon. Naramdaman kong
tinabihan niya ako pero hindi pa rin ako kumilos.

"Umuwi ka muna sa atin," aniya.

"Dito lang ako, Kuya. Hindi ko iiwan si Lance. G-Gusto ko ako ang unang magigisnan
niya..."

Nagpakawala nang sunod-sunod na buntong-hininga si Kuya Simon bago kinuha ang kamay
ko.
"Kahit ngayong araw lang, umuwi ka muna. Nanlalalim na ang mga mata mo dahil sa
ilang linggong puyat. Hindi magugustuhan ni Lance kapag nalaman niya na
pinapabayaan mo ang sarili mo."

"Dito lang ako, Kuya," pinal na sabi ko na ikinailing niya.

"Sheena, please. Baka ikaw naman ang magkasakit kapag hindi ka nakinig sa amin.
Nag-aalala na kaming lahat sa 'yo, lalo na sina Papa at Mama. Huwag kang mag-alala
ako ang magbabantay kay Lance, ako ang bahala sa kaniya habang wala ka."

"Kuya."

"Please? Gawin mo 'to para kay Lance. At para mas mapanatag ang loob mo, kasama
kong magbabantay sa kaniya si Joven mamaya. Papunta siya rito para samahan ako,"
pangungumbinsi pa niya.

Hindi tumigil si Kuya Simon para lang mapauwi ako hanggang sa dumating na si Kuya
Joven.

"Sige na, bunso. Pahatid ka na sa kuya mo, ako muna ang maiiwan dito habang
hinahatid ka niya," pangungumbinsi din niya sa akin.

"H-Hindi ninyo pababayaan si Lance?"

Sabay na tumango si Kuya at Kuya Joven. Sa huli, napapayag nila ako na umuwi muna.

"Tawagan niyo agad ako kapag nagising siya, ah. Huwag niyo siyang

iiwan dito kahit saglit."

"Promise, bunso. Kami ang bahala sa asawa mo, okay? Si Kuya Joven.

"Salamat, Kuya. S-Salamat sa inyong I-lahat."

"Ops! Don't cry, bunso. Mas nasasaktan kami ng Kuya Simon mo kapag nakikita ka
naming ganiyan. Laban lang, ha? Huwag na huwag panghihinaan ng loob. Magigising ang
asawa mo, maniwala ka

Nangingilid ang mga luha na tumango ako at muling nagpasalamat kay Kuya Joven.

Sinilip ko lang sandali si Lance na nasa loob ng ICU at pagkuwa'y hinatid na ako ni
Kuya Simon pauwi.

Pagdating sa bahay ay kitang-kita ko ang saya sa mukha ni Papa at Mama nang makita
ako na kasama ni Kuya.

Pinilit kong kumain bago umakyat sa kuwarto ko at hinang-hinang humiga sa aking


kama.

Napatingin ako sa puwesto ni Lance sa kama ko at bigla na namang tumulo ang mga
luha ko. Walang tunog na umiyak ako nang umiyak habang yakap-yakap ang unang
ginagamit ni Lance. Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iyak.

KINABUKASAN, isang napakasamang biro ang bumungad sa akin ng umagang 'yon.

"Gising na si Lance. He's all right, bunso, physically and mentally... but he can't
remember us."
Oh, God! Ano po bang klaseng pagsubok 'to? Ayoko pong magtanong

pero bakit si Lance? Bakit po kami?

"K-Kuya, a-anong ibig mong sabihin?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot sa
mismong tanong ko.

Nang kumpirmahin ni Kuya Simon sa akin ang hinala ko, tuluyan nang bumigay ang puso
ko.

Nanginginig ang mga labi na napahikbi ako. Hikbi na nauwi sa malakas na hagulhol.

Bumukas ang pinto. Pumasok si Mama at maagap akong nilapitan. Inalo niya ako at
pinakalma.

Sinamahan nila ako ni Papa na bumalik ng hospital. Pagkahinto pa lamang ng kotse ay


agad na akong umibis at mabilis na tumakbo papasok.

Dumiretso ako sa kuwarto na pinaglipatan kay Lance. Pagpasok ko pa lamang ay


sumalubong na sa akin ang walang emosyon niyang mga mata.

"L-Lance! Oh, God!" Tangkang lalapitan ko siya nang matigilan ako.

"Who are you?"

Natutop ko ang bibig ko.

Oh, God... ito po ba ang kapalit ng kilig na pinaranas Mo sa akin?

GIRLONFIRE28

Mga langga, pa heart comment please at pa-vote na rin kapag may extra po kayo.
Maraming Salamat po.

11

Chapter 31

Chapter 31

SHEENA POV

HINDI ko alam kung paano tatanggapin na sa paggising ng asawa ko ay isang


istranghera na lamang ako sa kaniya. Na walang ibang mababanaag sa mga mata niya
kundi kalituhan at pagtatanong. Pagtatanong kung sino-sino ba kami sa buhay niya.

"S-Sino kayo?" muling tanong ni Lance at isa-isa kaming tinapunan ng tingin.


"Anak, Lance, kami ang pamilya mo." Si Mama ang naglakas-loob na sumagot sa asawa
ko.

Hindi ko magawang makapagsalita habang nakatingin sa kaniya. Nasasaktan ako. Ang


sakit na bago pa lamang kami nagsisimula na maging masaya, pero nawala pa iyong
ala-ala niya. At kasama ako sa hindi na niya maalala.

"Pamilya ko ho kayo?" maang na tanong pa ni Lance. "Bakit hindi ko ho kayo kilala?"

Naluluhang tumango si Mama at bahagyang lumapit kay Lance.

"Ako ang Mama Elena mo."

"Pero-"

"At ako naman ang iyong Papa Victor, ako ang iyong biyenan. At lagpas isang buwan
ka nang in coma kaya nandito ka sa hospital." Si Papa at hinawakan ako sa kamay
saka hinila palapit sa tabi ni Lance. "At itong si Sheena, anak namin siya, siya
ang iyong asawa."

Lalong napuno ng kalituhan ang mukha ni Lance. "Asawa ko ho?" Tiningnan niya ako.
"A-Asawa kita?"

Umiiyak na marahan akong tumango.

"S-Sandali lang. B-Bakit... hindi ko kayo maalala? Bakit hindi kita maalala?"

Napayuko ako at napahikbi.

Eksakto namang pumasok ang doktor ni Lance at siya mismo ang nagpaliwanag sa aming
lahat.

"You are suffering from amnesia.

"A-Annesia? D-Dok, ang ibig ninyong sabihin-"

"Well," may kalakip na simpatya ang kislap ng mga mata ng mabait na doktor nang
sumulyap sa gawi ko. "Isa iyan sa ipinaliwanag ko na sa inyo noong una pa lamang na
hindi siya magising pagkatapos ng matagumpay na operation niya, hindi ba? Matindi
ang natamo niyang head trauma sa nangyaring aksidente nang mabangga ang sinasakyan
niyang kotse. Masyadong nakalog ang utak niya at pinalala pa iyon nang pagkakaroon
ng pagdurugo sa loob. Masuwerte pa rin naman ang asawa mo dahil nakaligtas siya
kahit malala ang pagkakabangga niya. Gano'n pa man, hindi natin maiiwasan ang mga
ganitong pangyayari. Ang pagkawala ng kaniyang memorya. Sa tagal niyang in coma,
in-expect ko na iyon kaya sinabi ko na sa inyo noong una pa lamang ang posibilidad
sa ganitong pangyayari."

"Kung ganoon ho, Dok, may pag-asa pa ho bang maalala niya kaming lahat. Lalo na po
ang anak ko na asawa ni Lance." Si Mama.

"Well, sa ngayon, hindi pa natin masasabi dahil may mga test pa kaming kailangang
gawin sa kaniya bago matukoy kung anong klaseng amnesia ba ang mayro'n siya.
Anyway, ang amnesia kasi ay maraming klase, may selective amnesia, may partial
amnesia, may temporary amnesia at may permanent amnesia. Na ipagdasal nating lahat
na sana'y hindi permanent amnesia ang kaniyang natamo mula sa aksidente."

Napahagulhol ako ng iyak dahil sa huling klase ng amnesia na sinabi ng doktor.


What if... what if permanent amnesia? So ano iyon, habang-buhay niya ako na hindi
maaalala? Na hindi kilala? Paano na kami? Diyos ko...

Nilapitan ako ni Kuya Simon at mahigpit na niyakap. "Sshh... hindi pa naman sure
kung anong klaseng amnesia, bunso. Magtiwala lang tayo sa Kaniya, ha?" Pang-aalo
niya sa akin.

"Huwag kayong mag-alala," anang doktor at tumingin sa akin. "Misis, hindi pa naman
tayo sigurado sa bagay na iyon. Malay natin, temporary amnesia lang ang nangyari sa
asawa mo. Basta sa ngayon, ang tanging kailangan niya ay pang-unawa, pagmamahal, at
pagtitiyaga ng mga taong nagmamahal at nakapaligid sa kaniya."

Maging si Mama ay napaiyak na rin.

Mahigpit akong napayakap sa kapatid ko. Diyos ko, sana po hindi permanent amnesia.
Huwag naman po, Diyos ko...

Nanlalambot ang pakiramdam na umupo ako sa pahabang upuang nasa loob ng kuwarto ni
Lance.

LANCE POV

ANIM na araw mula nang magising daw ako mula sa isang buwang pagkaka-coma ay narito
pa rin ako sa hospital. Hindi pa ako makalabas dahil may hinihintay pa raw ang
doktor ko na resulta ng test na ginawa sa akin.

"Huwag mong pilitin ang sarili mo na makaalala agad, Lance. Baka mas makasama lang
iyon sa 'yo," payo ng doktor ko habang inaalis na ang plaster cast sa aking kanang
braso.

Maayos ko nang naiigalaw ngayon kaya aalisin na raw niya.

"Pero, Dra. Rocillo, hanggang wala akong maalala sa nakaraan ko hindi ako
matatahimik. Nakaka-frustrate lang na maski sarili kong pagkatao hindi ko kilala.
Hindi ko alam kung anong klaseng tao ba ako."

"I know. Napakahirap talaga ng kalagayan mo ngayon. Pero nasa tabi mo naman ang
iyong asawa, mga kaibigan at mga biyenan mo. Sila ang aalalay at gagabay sa 'yo
habang wala kang maalala sa nakaraan mo. Nakikita ko naman kung gaano ka kamahal ng
mga taong nagpakilalang pamilya mo, eh, kaya huwag kang mag-alala na mas'yado. Lalo
na si Sheena, iyong asawa mo. Mahal na mahal ka niya, Lance. Kahit hindi mo siya
kilala, hindi siya umaalis sa tabi mo."

At iyon ang mas nakaka-frustrate. Nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan ko siya
kahit hindi ko naman sinasadya. Gusto kong maalala si Sheena. Gustong-gusto ko pero
sadyang mailap ang alaala ng nakaraan ko. Kahit anong pilit ko na hagilapin sa isip
ang lahat... wala talaga akong maalala at sumasakit lamang ang ulo ko pagkatapos
kong pilitin ang sarili ko.

Nakaka-frustrate. Sobra.

"Nabanggit ni Sheena sa akin noong isang beses na makausap ko siya habang tulog ka
na bago pa lamang kayong mag-asawa. Katatapos pa lamang daw ng honeymoon ninyo
noong maaksidente ka."

Napatitig ako sa mabait na doktor. Nasa mga mata niya ang tuwa habang nagkukuwento
sa akin tungkol kay Sheena na asawa ko raw.
"Nakita ko kung paano ka niya alagaan from day one until now. Hindi ko siya kilala
personally, but I really admire your wife, Lance. Nakakahanga iyong babaeng kagaya
niya na hindi ka iniwan sa ganitong klaseng sitwasyon. Habang comatose ka, dito na
siya tumira. Palagi ko siyang naaabutang umiiyak habang nakapikit at alam ko na
taimtim siyang nagdarasal para sa 'yo."

Nag-init ang mga mata ko habang nakikinig sa mga kuwento niya.

"Masuwerte ka dahil hindi siya umalis sa tabi mo," aniya pa at pagkuwa'y may kinuha
sa bulsa ng doctor coat niya.

"Wait, ipapakita ko sa 'yo iyong picture ninyong dalawa sa cellphone ko. Natuwa
lang ako nang makita ko kayo sa ganoong ayos, may edad na ako pero kinikilig ako sa
inyo."

Napangiti ako.

"Heto, o, tingnan mo kung paano ko nasabi na mahal na mahal ka nig asawa mo.
Inilapit niya sa akin ang cellphone niya na nasa gallery.

Nakita ko roon ang picture namin ni Sheena. Nakahiga karning dalawa sa hospital
bed, hawak-hawak ni Sheena ang kamay ko habang nakatapat sa dibdib niya. May isa
pang kuha na tulog si Sheena sa upuan sa gilid ng kama ko, hawak na naman ang kamay
ko na nakadikit sa pisngi niya. Ang pangatlong larawan ay nakadukhang si Sheena sa
akin habang nakangiti. Nasa noo ko ang kamay niya na waring hinahaplos ang noo ko.

May kung anong damdamin ang lumukob sa buong pagkatao ko. Pinangilidan ako ng mga
luha.

Akala ko wala na pero may dalawang larawan pang ipinakita si Dra. Rocillo sa akin
dahilan para tuluyang bumigay ang puso ko. Ang isa ay nakahalik sa mga labi ko si
Sheena at ang huli ay ginugupitan niya ako ng kuko sa paa.

"See? Ganiyan ka niya alagaan, Lance. She really loves you."

Napangiti ako habang nakatitig sa huling larawan na iyon.

"Maraming salamat po sa pagpapakita sa akin ng mga iyan, Dra. Rocillo. Hindi ko man
po siya naalala, nararamdaman ko po na espesyal siya sa puso ko."

Ngumiti ang mabait na doktora at ilang sandali pang nakipagkuwentuhan sa akin


tungkol sa mga taong palaging nasa tabi ko. Sinabi niya sa akin ang kung ano ang
mga observation niya sa nagpakilala ko na pamilya. At umaasa raw siya na dahil sa
mga sinabi niya ay mahahanap ko sa puso ko ang ilang sagot sa mga gumugulo sa isip
ko.

"But, please, Lance. Don't force yourself na maalala sila, ha? Naniniwala ako na
temporary amnesia lang ang pinagdadaanan mo ngayon. Sasabihin ko agad sa 'yo kapag
may result na ang huling examine ko sa 'yo, okay?"

"Maraming salamat ho talaga, Dra. Rocillo. Kahit papa'no ho malaking bagay sa akin
ang mga ikinuwento niyo.

"Of course. Bilang doktor mo, wala naman akong ibang hiling kundi ang

tuluyan ka nang gumaling at makalabas ng hospital na 'to. Hindi dahil

umay na ako sa pagmumukha mo kundi mula nang ma-admit ka rito sa hospital namin
hindi na nawalan ng bantay na pulis sa labas ng hospital na 'to. At minsan kapag si
Sheena lamang ang nandito, mayro'n din diyan sa labas.

Ikinagulat ko ang tungkol doon.

"Pulis ho?"

"Yes. For security reasons daw iyon ayon sa mga kaibigan mo."

Bakit kailangan kong pabantayan sa mga pulis? Nasa panganib ba ako? May gusto bang
pumatay sa akin? God, anong klaseng tao po ba ako? Mga tanong sa isip ko na hindi
naman nabigyan ng kasagutan ni Dra. Rocillo. Aniya pamilya ko lang daw ang
makakasagot ng tungkol sa bagay na iyon.

Isa pa sa ipinagtataka ko, bakit wala ang pamilya ko, bakit pamilya lang ni Sheena
ang dumating para bisitahin ako. Wala ba akong sariling pamilya? Ina, ama o maski
kapatid man lang?

Marami pang sinabi si Dra. Rocillo bago tuluyang magpaalam sa akin na lalabas daw
muna siya dahil may iba pa siyang pasyente na kailangang puntahan. Babalik na
lamang daw siya mamaya.

Nang maiwan akong mag-isa ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Laman pa rin ng
isip ko ang sinabi ni Dra. Rocillo. May mga pulis na nakabantay sa akin? But why?
Sino ba talaga ako?

"Baby..."

Kaagad nag-landing ang mga mata ko sa nakabukas na pinto ng silid ko. Nakatayo roon
si Sheena. Ang asawa ko raw. At napakaganda niyang babae.

"Hi!" Nakangiting bati niya sa akin saka ipinatong ang mga dala-dala sa mesa.

Hindi ako kumibo. Nakatingin lamang ako sa kaniya.

Naglakad siya palapit sa akin. May tila malambot na bagay ang humaplos sa puso ko
nang halikan niya ako sa mga labi. Matunog ngunit magaan.

Natilihan ako. Ramdam ko ang pagkabuhay ng kaibigan ko dahil sa ginawa niya: Gusto
kong pagalitan ang sarili ko dahil sa tuwing hahalikan niya ako nabubuhay ang dugo
ko sa bawat himaymay ng pagkatao ko.

"Sorry, ah," aniya matapos ang halik na iginawad niya sa akin. "Sorry dahil medyo
natagalan akong bumalik. Dumaan pa ako sa church, eh.

Pinag-pray ko na sana bumalik na ang alaala mo. M-Miss na miss na k-kita, eh."
Purmiyok ang boses niya nang sabihin iyon.

"S-Sheena..." kusang lumabas ang lambing sa boses ko nang sambitin ang pangalan
niya.

"Why? May kailangan ka ba? May masakit ba sa 'yo?" Puno ng pag-aalala ang boses
niya maging ang kaniyang mukha.

"I-I'm sorry. I'm sorry because I have no idea who you are or who I am.

H-Hindi kita maalala... hindi-"

"Sshh!" Maagap niyang tinakpan ng hintuturo niya ang bibig ko. "It's okay. And yes,
nasasaktan ako kasi hindi mo ako kilala, hindi mo ko maalala pero mas gugustuhin ko
pang ganito tayo habang-buhay kaysa ang tuluyan kang mawala sa buhay ko. Mas hindi
ko k-kaya i-iyon..."

May namuong luha sa mga mata niya.

"Sheena..." Lalo akong na-frustate dahil kitang-kita ko ang sakit na bumalatay sa


mga mata niya. Sheena... Kusang tumaas ang aking palad patungo sa napakaganda at
napaka-amo niyang mukha.

"Mas matatanggap ko pang hindi mo 'ko kilala kaysa ang mawala ka sa akin, Lance. At
least buhay ka, nandito ka sa tabi ko, nahahawakan kita at nayayakap."

Napalunok ako. "I'm sorry, h-hindi ko sinasadya kung nakalimutan man kita. Hindi ko
ginusto na maging ganito. Gusto kong magalit sa sarili ko dahil wala akong magawa
ngayon kahit nasasaktan ka na. Hindi talaga kita maalala..."

Masuyo kong pinahid ang mga luha niya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko.

"L-Lance, baby. I love you. Kahit anong mangyari mamahalin pa rin kita. Ikaw lang."

"I'm sorry, Sheena."

"Sshh, it's okay. Pasensya ka na, hindi ko lang mapigilan ang mapaiyak, ha? Miss na
miss na kasi kita, eh. Miss ko na iyong paglalambing mo sa akin. Miss na miss ko
na, L-Lance..."

Hindi na ako nakatiis. Hinalikan ko siya sa kaniyang mga labi. Ramdam kong
natigilan siya sa ginawa ko pero kalaunan ay kusa na rin siyang turnugon at
nagpaubaya sa paghalik ko sa kaniya.

Hindi siya naaalala ng isip ko pero hindi kayang ikaila ng malakas na tibok ng puso
ko ngayon na espesyal siya sa akin.

Kinabig ko siya at mariing hinalikan. Sheena....

GIRLONFIRE28

#vote THANK you guys... Palambing naman ng votes and comment Thank nang sagad sa
inyo.

Chapter 32

Chapter 32
LANCE POV

ANG NAALIMPUNGATANG diwa ko ay tila hinihila nang mainit na bagay na humahaplos sa


pisngi ko, patungo sa tuluyan kong pagkagising.

Kaysarap ng haplos na iyon, para akong hinihele.

Nagmulat ako ng mga mata, at ang nakapikit na mukha ni Sheena ang una kong
namulatan. At ang palad pala niya ang masuyong humahaplos sa pisngi ko.

Sheena... Parang lumukso ang puso ko dahil sa ginagawa niya. Natagpuan ko na lamang
ang sarili ko na malamlam ang mga matang napatitig sa kaniya.

Sa tuwing magigising ako na siya ang una kong namumulatan, ramdam ko ang kakaibang
pintig ng puso ko. Kakaiba dahil tatlong babae ang madalas dumalaw sa akin dito sa
hospital pero sa kaniya ko lang nararamdaman iyon. At sa dalawa pang babae na
nagpakilalang mga best friend ko ay kapanatagan ang nadarama ko sa tuwing nandito
sila.

Sheena... patawad kung hindi pa kita maalala. Sana lang bumalik na ang alaala ko
para hindi na kita nasasaktan nang ganito.

"Sheena..."

"H-Ha?" Pabigla siyang dumilat, akmang babawian niya ang palad na humahaplos sa
pisngi ko pero maagap ko siyang nahawakan sa pulso niya.

"Lance... ah sorry, ha? Nagising ba kita?"

"Hindi naman," nakangiting sagot ko.

Naaliw ako sa hitsura niya, na para bang nahuli ko siya na may ginagawang kasalanan
sa akin.

"Nagugutom ka na ba? Gusto mong kumain? Umihi o dumu-"

Natigilan siya nang tumawa ako. Mas'yado kasi siyang aligaga.

"I'm okay. Sit down," utos ko nang tumayo siya.

Masunurin naman siyang bumalik sa pagkakaupo sa upuang nasa gilid ng kama ko.

"Siya nga pala, inayos na ni Kuya Simon ang lahat para sa paglabas mo mamaya,"
aniya kapagkuwan.

"Saan ako uuwi?"

"Sa akin, siyempre, maagap niyang sagot.

"I mean, saan? Sabi mo asawa kita, wala ba tayong sariling bahay?

"Ah, sa bahay muna ng pamilya ko. Hindi kasi pumayag ang pamilya ko na lumipat tayo
sa bahay na binili mo para sa ating dalawa. Doon daw muna tayo sa kanila
pansamantala habang hindi pa bumabalik ang alaala mo."

"Hindi ba nakakahiya lyon?" alangan kong sabi.

"Bakit naman nakakahiya? Pamilya ka namin, Lance. Hindi pa man tayo mag-asawa,
palagi ka na sa bahay namin. Best friend kayo ng kuya ko," di ba? Nag-aaral pa lang
kayo noon labas-masok ka na sa bahay namin pati sina Kuya Joven, hanggang sa
magkaroon na kayo ng mga trabaho. Sa tuwing uuwi ka, hindi maaaring hindi ka
tatambay sa bahay namin," kuwento niya.

Napatitig ako sa kaniya at matamang nakinig sa mga kuwento niya. Baka sakaling may
maalala ako kahit ano lang mula sa nakaraan ko.

"Palagi kayong nakatambay sa bahay namin noon, kaya nga nagkaka-crush ako sa 'yo,
eh."

Napangiti ako nang mamula ang mukha niya, mukhang hindi niya sinasadya na aminin sa
akin ang tungkol sa pagkakaroon niya ng crush sa akin.

Aliw na aliw ako habang nakikinig sa mga kuwento niya, may parte sa puso ko na para
bang nangyari talaga ang mga iyon. Nakikita ko rin sa mga mata niya kung gaano
katotoo ang mga magagandang memories na sinasabi niya sa akin. At lalo akong
nasabik na maalala ang lahat ng iyon.

Gusto kong maalala kung paano ko siya niligawan. Kung paano ko siya inangkin sa
unang gabi namin bilang mag-asawa. Nararamdaman ko kung gaano siya kabuting babae,
at marahil iyon ang isa sa nagustuhan ko sa kaniya.

"B-Bakit?" tanong niya nang mapansin na titig na titig ako sa kaniya. Bakit ganiyan
ka kung makatingin?"

"Iniisip ko lang kung paano ako nanligaw sa 'yo."

"Hindi mo 'ko niligawan."

"What? Paano kita naging asawa kung hindi ako nanligaw sa 'yo? Fixed marriage
tayo?"

"Hindi, ah," aniya na may kasama pang iling. Tila nag-isip siya sandali bago muling
nagsalita. "Nauna ang honeymoon natin."

Nakita ko na parang nahiya siya bigla habang ako nama'y tahimik at napaisip.
Pinilit ko ba siya?

"What do you mean? Inangkin kita kahit hindi kita girlfriend? Pinilit kita-

"No. Hindi mo 'ko pinilit. Sa una, ayoko naman talaga kasi lasing ka that time pero
wala, eh. Bumigay din ako sa huli kasi gusto ko rin lyong nangyari. And then the
next morning, iyon na. Naabutan tayo ng parents ko tapos niyaya mo 'kong
magpakasal. Siyempre tumanggi ako noong una kasi akala ko ibang babae ang gusto
mo."

Namamangha ako sa lahat ng sinasabi niya. Parang hindi ko mapaniwalaan na hindi ko


siya agad niligawan.

Marami pa siyang sinabi sa akin, tumigil lamang kami sa pag-uusap nang dumating ang
kapatid niyang si Simon na best friend ko raw. Kasama niya si Dra. Rocillo at
sinabi na puwede na akong umuwi dahil tapos nang asikasuhin ang paglabas ko.
Nagbilin pa siya sa akin at sa asawa ko na huwag daw pipilitin na bumalik ang
alaala ko dahil kusa raw iyong babalik sa tamang panahon.

Medyo nabawasan ang frustration ko sa sitwasyon ko dahil hindi naman daw permanent
amnesia ang mayro'n ako ngayon. Walang eksaktong araw o buwan kung kailan babalik
but Dra. Rocillo assured na babalik din ang alaala ko. At iyon ang panghahawakan
ko.

Ang kailangan lang ay pagkatiwalaan ko ang mga taong nakasama ko sa mga panahon na
lumalaban ako para sa sarili kong buhay.

Bago kami umalis ay kinausap din muna ni Dra. Rocillo ang asawa ko raw. Hindi ko
alam kung anong pinag-usapan nila dahil isinama siya ni Dra. Rocillo sa opisina
nito.

Pagbalik ni Sheena, tuluyan na kaming lumabas ng hospital at umuwi sa bahay ng


pamilya niya.

PAGDATING sa bahay ng mga Monreal, hindi ko inaasahan na may inihanda pala silang
pa-welcome party para sa akin.

"Welcome home, Anak!" ani Mama Elena at naiiyak na niyakap ako.

Ganoon din ang ginawa ni Papa Victor. "Salamat sa Diyos at tuluyan ka nang
nakalabas ng hospital," aniya.

"Maraming salamat po," nanginig ang boses ko. "Hindi ko man ho maalala ang lahat
pero nararamdaman ko ho na pamilya ko kayo."

Bahagya akong tumingala upang pigilan ang pamumuo ng mga luha ko

Mahigpit din akong niyakap ni Madeline at Kristine, Maging si Joven ay ganoon din.
Sinabi pa nitong group hug daw kaya nakulong ako sa katawan nilang apat.

Nang pakawalan nila ako, agad hinanap ng mga mata ko ang asawa ko na bigla na
lamang nawala sa tabi ko,

"May kinukuha lang siya, Anak" ani Mama Elena, mukhang napansin niya na may
hinahanap ako.

"Ah, sige po, M-Ma."

"Siya nga pala, may bisita ka pa bukod sa amin. Sabi ni Sheena, isa sila sa
mahahalagang tao sa buhay mo kaya inimbitahan namin sila rito."

"Sino ho?" Sinundan ko ang tinitingnan ni Mama Elena.

Isang matandang lalaki at isang babae ang nakita kong nakatayo sa 'di kalayuan mula
sa puwesto ko. Umiiyak ang babae habang ang lalaki nama'y nakangiti ngunit
masasalamin ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"S-Sila ho ba ang pamilya ko?" mahinang tanong ko habang hindi sila nilulubayan ng
tingin.

"Lance, Anak." Sambit ng matandang lalaki.

Mabagal ang ginawa kong paghakbang palapit sa kanila.

"Salamat sa Diyos at ligtas ka na," anang babae na umiiyak. "Ako si Ate Jenny mo at
ito naman si Tatay Jaime ko na lolo-lolohan mo."

Hinayaan ko silang yakapin ako. At kagaya ng pamilya Monreal, dama ko ang


kapanatagan ng loob ko habang yakap nila.
Marami silang sinabi sa akin para siguro maalala ko sila pero wala talaga.

Pagkalipas ng ilang sandali, muli kong hinanap si Sheena pero hindi ko pa rin siya
nakikita sa sala ng malaking bahay na iyon.

Habang nagkakasiyahan ang lahat, iniwan ko sila at hinanap si Sheena.

Isang babae ang nakasalubong ko. "Hi, did you see my wife?"

"Lance, ikaw pala." Bakas din ang katuwaan sa mukha niya.

Napag-alaman ko na siya si Ate Myra na kasambahay pala rito. Nang malaman ko sa


kaniya na nasa taas daw si Sheena ay umakyat din ako.

Hindi ko maintindihan pero gusto ko siyang makita palagi.

Akmang kakatok ako sa nakasarang pinto na itinuro ni Ate Myra nang matigilan ako.

Napatitig ako sa malaking wedding portrait namin ni Sheena na nasa bungad ng pinto.
Mas lumapit ako at masuyong pinasadahan ng tingin ang wedding portrait naming
dalawa.

Napangiti ako. Bagay na bagay kaming dalawa. Napakaganda mo, Sheena. Piping usal ko
habang hinahaplos ang mukha ni Sheena sa portrait.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napaluha.

Nagpupunas ako ng mga luha nang biglang bumukas ang pinto ng kuwartong 'yon.
Bumungad ang asawa ko. Rumehistro ang pag-aalala sa mukha niya nang makitang may
luha ako.

"Bakit? Anong nangyari? May masakit ba sa 'yo?" Sunod-sunod ang pagtatanong niya at
hinawakan ako sa braso ko.

"Bakit, Lance?"

Umiling ako at pumasok sa kuwarto. Para lang lalo akong mapaluha nang makita ang
hitsura ng kabuuan ng kuwarto. Puros larawan naming dalawa ang nakadikit sa wall.
Mayro'n ding mga solong larawan ko, puro stolen shots iyon.

Nawala ang atensyon ko sa ayos ng kuwarto nang lumapit sa akin si Sheena habang
tangan ang isang hugis puso na cake.

"Sheena..."

"Ngayong araw ang 2nd monthsary natin as husband and wife. Happy 2nd month, Lance.
Masaya ako kasi maii-celebrate natin 'to na gising ka na. lyong unang buwan kasi
natin, comatose ka pa noon, eh kaya ako lang mag-isa ang nag-celebrate sa
hospital."

"I'm sorry" lyon ang katagang lumabas sa bibig ko.

Tumingkayad siya at magaang hinalikan ang mga labi ko.

"It's okay. In time, babalik din ang alaala mo at maaalala mo 'ko."

"Sheena..."
Ikinawit niya ang braso sa batok ko. "Mahal na mahal kita, Lance. At

hinding-hindi ako magsasawang hintayin na bumalik ang alaala mo.

Hindi ako mapapagod na ipaalala sa 'yo kung sino ako sa buhay mo."

Kusang namutawi ang magandang ngiti sa mga labi ko habang nakikipagtitigan kay
Sheena. At habang magkahinang ang aming mga mata, alam ko at sigurado ako na hindi
siya nagsisinungaling sa akin.

Na lahat ng sinasabi niya ay pawang totoo.

Masaya naming icinelebrate ang pangalawang buwan namin bilang mag-asawa.

ISANG BUWAN ang matuling lumipas.

"SINANGAG na maraming bawang, pritong itlog, pritong tinapa at mainit na mainit na


kape!" masiglang anunsyo ni Sheena nang dumulog ako sa mesa.

Kami lamang dalawa ang nasa bahay ngayon dahil may pinuntahan ang mga byenan ko.

"Wow!" sabi ko nang makita ang mga iyon na inihanda ni Sheena. Bigla akong nagutom
dahil sa mabangong amoy ng mga iyon.

"Mga favorite mo iyan. Kahit iyan at iyan ang kainin mo tuwing umaga, wala kang
reklamo. Pabor na pabor pa nga sa 'yo, eh. Ikaw ang taong hindi mahirap lutuan.
Kaya dati, kapag kasama ka ni Kuya Simon, ako ang nagpripresinta na magluto ng
almusal mo. Mabuti na lang hindi ako nahahalata ni Mama noon." May pagmamalaki sa
tinig niya.

Lihim akong natigilan. May biglang kudlit ng malabong anag-ag ng eksenang iyon...

"O, kain ka na," malambing na sabi niya at siya pa mismo ang naglagay ng pagkain sa
plato ko.

Sa loob ng isang buwan sa piling ni Sheena. Napatunayan ko na kung gaano siya


kabait, kalambing, at kung paano siya mag-alaga at magmahal sa akin. Hindi na ako
magtataka kung bakit ko siya minahal at pinakasalan.

She's a wife material.

"Baby, kain na. Lalamig ang sinangag, hindi na iyan masarap kapag malamig na."

"Share tayo." Alok ko pero umiling siya. "Why?" kumunot ang noo ko.

"Hindi ko rin alam, eh. Parang mas gusto kong panuorin ka na lang kumain kaysa ang
kumain din."

Napatitig ako sa kaniya.

"Hindi sa away kitang makasalo sa pagkain, ha. Talaga lang na wala akong ganang
kumain ngayon. Hindi maganda ang sikmura ko paggising ko, eh," kuwento niya.

"Okay, ikaw ang bahala." Sabi ko na lang at nagsimula ng kumain.


Mauubos ko na ang laman ng plato ko nang lagyan na naman niya iyon. Napaawang ang
mga labi ko dahil Inilahat na niya sa plato ko

Punong-puno ang plato ko at parang huling kain ko na 'to sa sobrang dami.

"Ubusin mo iyan, ah." Tuwang-tuwa niyang sabi.

"Are you serious? Busog na ako, Sheena- Napatigil ako sa pagsasalita nang padabog
siyang tumayo. "Sheena."

"Ubusin mo lyan! Pinagpaguran ko iyan!"

Nagtaka ako sa biglang pagbabago ng mood niya.

"Pero busog na talag-"

"Wala akong pakialam, basta ubusin mo iyan!"

"Busog-, okay okay, uubusin ko." Bigla akong nataranta nang umiyak siya sa harapan
ko. "Stop crying. Okay, uubusin ko 'to lahat."

"Wala kang ititira?"

Umiling ako. "Wala kaya huwag ka ng umiyak."

"Sige." Bumalik siya sa pagkakaupo sa tapat ko at nangalumbaba na pinanuod akong


ubusin ang pagkain.

Bawat subo ko ay ngiting-ngiti siya.

Nahihiwagaang napatitig na lamang ako sa kaniya. Why is she acting strange?

GIRLONFIRE28

#vote! Thank you ulit sa mga nandito pa. Sana Basahin niyo hanggang dulo hindi to
sobrang haba. Muahhh!

Chapter 33

Chapter 33

SHEENA POV

Mahirap maghintay sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan. Pero para sa akin,
handa akong maghintay at magtiis para kay Lance. Parte iyon ng buhay na pinili ko
nang magpakasal ako sa asawa ko. At ngayon ko napatunayan na tama pala ang mga
magulang natin na ang pag-aasawa ay hindi puro saya, at hindi tin puro kilig.

Kapag gumawa ka na ng desisyon sa buhay mo, paninindigan mo na iyon lalo na sa


pagkakaroon ng sariling pamilya. 'Ika nga raw wala nang bawiin.

Magdadalawang buwan na si Lance dito sa bahay namin. Wala pa rin siyang naalala
pero maayos naman kaming dalawa. Namumuhay kami bilang mag-asawa kahit hindi niya
pa maalala ang lahat.

Minsan, parang gusto ko na ring ipagpalasamat na nakalimutan niya ang lahat dahil
kasama sa nakalimutan niya ang madilim na nakaraan niya. Nawala rin ang panic
attack niya. lyon nga lang, minsan nalulungkot ako dahil kahit okay naman kami
hindi na siya kagaya ng dati na makulit at sweet sa akin.

Naiintindihan ko naman dahil alam ko na nangangapa pa siya. Basta isa lang ang
sigurado, na sa lahat ng mga nangyayari ay hindi pa rin nagbabago ang nadarama ko
para kay Lance.

Mahal na mahal ko si Lance, sure na sure ako sa bagay na iyon pero hindi ko
maintindihan ang sarili ko kung bakit nitong mga nakaraang araw ay paiksi nang
paiksi ang pasensya ko sa kaniya.

Sa katunayan ay nagtalo kami kaninang umaga. Nagluto kasi ako ng ginisang ampalaya
para sa kaniya pero hindi niya kinain. Wala raw siyang pakialam kahit magalit ako
dahil hindi niya talaga gusto ang ampalaya. At ang weird na dahil lamang doon ay
nagalit ako at nag-walk out. Hanggang ngayon ay hindi ko siya feel na kausapin
kahit ilang beses siyang nagtangka na kausapin ako.

Tinanong na din ako ni Mama at Papa kung bakit mas'yado raw mainitin ang ulo ko
nitong mga nakaraan. Hindi ko naman masagot dahil hindi ko rin alam kurig bakit
nagkakaganito ako.

"Sheena."

Mula sa binabasa kong pocketbook ay nag-angat ako ng tingin. Ang seryosong mukha ni
Kuya Simon ang sumalubong sa akin.

"Hi, Kuya!" Tumayo ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Sabi ni Mama magkaaway kayo ni Lance?"

Nanulis ang nguso ko na ikinatawa ni Kuya. "Anong klaseng mukha iyan, Sheena?"

"Nakakainis kasi lyang kaibigan mo, Kuya, eh."

"Bakit ba? Ano bang ginawa niya para mainis ka sa kaniya nang ganiyan?"

"Hindi niya kinain ang ampalaya na niluto ko, eh. Ang arte-arte niya kaya kahit
kailan hindi ko na siya ipagluluto. Bahala siya sa buhay niya!" Muling binalot ng
matinding inis ang dibdib ko habang nagsusumbong sa kapatid ko.

Hindi nagkomento si Kuya, nakatingin lang siya sa akin.

"Nakakainis, eh. Siya na nga 'tong inaasikaso tapos hindi man lang marunong mag-
appreciate sa effort ko. Kahit ang sama ng pakiramdam ko kanina paggising ko,
pinilit ko pa ring bumangon nang maaga para lutuan siya. Kahit sino maiinis sa
kaniya!" Patuloy na himutok ko.

Nagkandaiyak pa ako sa labis na inis.

"Huwag na huwag siyang magpapakita sa akin! Buwisit siya!"

Doon na natawa si Kuya Simon at ginulo ang buhok ko.

"Anong nakakatawa?" inis na tanong ko.


"Ikaw. Nakakatawa ka, ikaw ba talaga iyan, bunso?" Sinipat-sipat pa niya ang mukha
ko.

"Sa tingin mo?" angil ko pero tinawanan niya lang ako.

"Alam mo, tama si Mama. Ang weirdo mo nga pala talaga."

"Hindi ako weird."

"Sino ba sa inyo ni Lance ang may amnesia, ha? Hindi ba't alam mo naman na hindi
iyon kumakain ng ampalaya dati pa? Pakainin mo na iyon ng kahit ano huwag lang
ampalaya, bunso. Alam mo iyon, 'di ba?"

Natigilan ako. Oo nga pala. Bakit ko ba nakalimutan iyon?

"See? Nakalimutan mo?"

"Nawala sa isip ko, eh," pag-amin ko. "Basta paggising ko kaninang umaga gusto ko
siyang lutuan ng ampalaya tapos papanuorin ko siyang kumain. Kaso ayon, hindi niya
kinain kaya inaway ko siya."

Muling natahimik si Kuya at matamang pinagmasdan ang kabuuan ko

"Bakit?" Mayamaya ay tanong ko sa kaniya.

"Madalas ba kayong mag-ano ni Lance?" Out of the blue ay tanong ni Kuya Simon.

"Ha? Anong mag-ano?"

"Mag-ano, ah," napakamot pa sa ulo si Kuya. "Magtalik ba. I mean, gaano kayo
kadalas magtalik ng asawa mo.

"Bakit mo tinatanong ang mga ganiyan, Kuya? That's too personal-

"Sasagot ka lang, Sheena," sansala niya.

Napilitan naman akong aminin ang totoo na mula nang makalabas ng hospital si Lance
at makauwi rito sa bahay ay dalawang beses pa lamang na may nangyari sa amin. Two
weeks ago na iyong huli at hanggang ngayon ay hindi pa nauulit iyon.

"Baka buntis ka na kaya ganiyan ka ngayon." Walang pasakalyeng sabi ni Kuya Simon
na agad senigundahan ni Mama na hindi ko namalayang nasa tabi ko na rin pala.

"Iyan nga rin ang iniisip ko, Simon. Lately, napapansin ko na pabago-bago ang mood
niyang kapatid mo at tuwing umaga na lang ay si Lance ang pinagdidiskitahan niyan."

Nabaling ako kay Mama habang may pagtatanong sa aking mga mata.

"Oo, Anak. Hindi ka yata aware na palagi mong inaapi si Lance nitong mga nakaraang
araw, ah. Biruin mong lulutuan mo siya ng pagkarami-raming sinangag tuwing umaga
tapos ipapaubos mo sa kaniya. Kaya tingnan mo iyang asawa mo, tumataba na."

Hindi ako nakakibo at napaisip.

"Pero, Ma, nagkaroon naman ako ng monthly period noong isang linggo, eh

"Kahit na ba. Ang mabuti pa, sasamahan na kita sa hospital para makasiguro tayo.
Para kung sakali, masabi natin kay Lance ang kalagayan mo, kawawa naman ang asawa
mo na palaging taga salo ng init ng ulo mo. Tapos kanina, inaway mo na naman dahil
sa ampalaya. Ikaw yata ang may amnesia dahil nakalimutan mo na hindi siya kumakain
niyon."

"Iyan din ang sinabi ko sa kaniya, Ma," sang-ayon ni Kuya.

"Baka naman stress lang ako, Ma-"

"Huwag nang makulit, Anak. Nanay mo ako, kaya alam ko kung may nagbabago sa 'yo o
wala. At ngayon, masasabi ko na sobrang weirdo mo. At isa pa, nasawa na talaga ako
sa asawa mo."

"But I'm really not, Ma, giit ko pa. Wala naman akong nararamdamang kakaiba sa
aking katawan, eh.

"Mas mabuti na lyong sigurado tayo, Sheena. Wala namang mawawala kung magpapatingin
ka sa doktor. At isa pa, hindi naman Imposible na mabuntis ka nga dahil may asawa
ka at magkasama kayo sa ilsang kuwarto. Kahit wala pang maalala lyang si Lance,
hindi naman iyon dahilan para hindi siya tayuan." Walang prenong sabi ni Mama.

"Unless you're on birth control pills or naka withdrawal method kayong mag-asawa."

Birth control? Withdrawal? Hindi ako nakahuma. May point si Kuya. Never akong
gumamit ng pills at lalong hindi karni withdrawal ni Lance dahil simula't sapol
palagi niyang inuubos sa loob ko ang katas na inilalabas niya.

Natauhan lamang ako nang hawakan ni Kuya ang kamay ko at igaya ako patayo.
"Sasamahan ko kayo ni Mama sa hospital."

"Sige, Anak. Hintayin lang natin ang Papa niyo para may maiiwan na kasama si Lance
kapag umalis tayo."

"Sige ho, Ma."

"Okay. Diyan na muna kayong magkapatid, magbibihis lang ako." Paalam ni Mama at
iniwan na kami ni Kuya.

Pagkaalis ni Mama ay namayani ang sandaling katahimikan.

"Kuya." Mayamaya ay pukaw ko.

"Hmm?" sagot niya habang busy sa cellphone.

"Kumusta pala iyong imbistigasyon? Umuusad na ba?"

Tumingin siya sa akin. At nang ngumiti siya sa akin ay alam ko na agad na positive
ang sagot niya. Hindi nga ako nagkamali dahil nalaman ko na tukoy na nila kung sino
ang lalaking lumapit sa sasakyan ni Lance habang naka-park sa isang restaurant nang
araw bago siya maaksidente. Napag-alaman ko rin kay Kuya na lumalabas sa
imbistigasyon ng mga pulis na hindi aksidente ang nangyari sa asawa ko dahil
sinadya pala iyon. May sumira sa preno ng sasakyan ni Lance at iyon ang dahilan
kung bakit siya nabangga ng araw na iyon.

Hindi pa man kumpirmado, pero malakas na ang kutob ko na walang

ibeeg

ya piyon sa asawa ko kundi ang baliw niyang kapatid. At


oras na mapatunayan iyon, hindi ko siya mapapatawad. Nang dahil sa kademonyohan
niya kaya muntik nang mamatay ang asawa ko.

"Huwag kang mag-alala, Sheena. Hindi kami titigil ni Joven hangga't hindi
nagbabayad ang taong gumawa niyon sa asawa mo. Pangako iyan, magbabayad sila."

Napangiti ako. "Salamat, Kuya Simon. Wala akong ibang gusto kundi ang makulong ang
taong nasa likod ng mga ito."

"Mangyayari lyon, Bunso."

Minsan pa kaming nagkuwentuhan ng kapatid ko. Tumigil lamang kami nang dumating na
si Papa.

Mayamaya ay nagyaya na rin si Mama na pumunta karni ng hospital.

Sumama ako sa kanila ni Kuya na hindi na nag-abalang magpalit ng damit. Tamad na


tamad talaga kasi ako. Hindi na rin ako nag-abalang magpaalam kay Lance dahil inis
na inis pa rin ako sa kaniya.

Nang mapadaan kami sa isang botika, inutusan ko si Kuya Simon na ibili ako ng
pregnancy test kit. Ibinili naman niya ako at huminto kami sa isang fastfood
restaurant para makiihi.

Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ko habang tinatahak ang makitid na


pasilyo patungo sa banyo ng fastfood restaurant na pinasukan namin.

Pagkatapat ko sa countertop, ipinatong ko roon ang supot na pinaglalagyan ng


pregnancy test kit na gagamitin ko, saka sandaling tinitigan ang sarili sa salamin.
Bumaba ang aking mga mata sa tiyan ko. Dahan-dahan kong iniangat ang suot na t-
shirt at hinimas-himas ang impis na tiyan. Pinuno ko muna ng hangin ang dibdib ko
bago sinimulan ang proseso.

It took me a couple of minutes bago natapos na lagyan ng urine ang mga nakahilerang
stick. Sigurista si Kuya dahil anim na klase iyon at iba't ibang brand pa.

Sumandal ako sa dingding habang pinalipat-lipat ang tingin sa mga stick. Sa bawat
segundong dumadaan ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko.

Mayamaya lamang, nagsimula nang magkaroon ng guhit ng pula ang mga stick. Umayos
ako ng tayo at tiningnan na mabuti ang stick.

"Isang guhit," bulong ko pagkakita sa dalawang magkasunod na pregnancy test kit.

Akmang babalik ako sa pagkakasandal sa dingding nang ang isang

guhit na pula ay unti-unting maging dalawa. Lahat ay naging dalawang red line.

Oh, God! Buntis ako? Magkaka-baby na kami ni Lance! Oh, thank you pof Thank you!
Tuwang-tuwang piping usal ko habang walang tunog na umiiyak.

Totoo pala talaga na nakakalyak kapag nalaman mo na buntis ka na dahil isang


napakalaking regalo sa isang babae ang magkaroon ng anak

Salamat po, Diyos ko.

Umiiyak pa rin na inayos ko ang mga pregnancy test kit na ginamit ko, saka lumabas
ng banyo at dumiretso sa kinapaparadahan ng sasakyan ni Kuya.
Pagpasok ko ay ang nagtatanong na mga mata nila ang bumungad sa akin. Walang imik
na inabot ko kay Mama ang supot at siya na mismo ang nagtingin niyon.

Kinuha ni Mama ang mga iyon, saka pinasadahan ng tingin at pagkuwa'y nangingilid
ang mga luhang tumingin sa akin.

"I knew it! Sinasabi ko na, buntis ka nga! Congratulations, Anak!" Tuwang bati ni
Mama sabay yakap sa akin.

"Congratulations, Bunso! Sa wakas, magkakaroon na ng baby sa bahay."

"Salamat, Ma. Salamat, Kuya. Sana bumalik na ang alaala ni Lance para maging masaya
na talaga tayong lahat."

"In God's will, Anak, mangyayari iyan."

Pagkatapos nila akong batiin ay dumiretso na kami sa hospital para mas malinaw.

LANCE POV

MAHIGIT dalawang oras na akong nasa sala ng bahay ng mga biyenan ko at naghihintay
sa pagbalik ni Sheena. Umalis kasi siya kasama ang kapatid at si Mama Elena.

Sinubukan ko nang magtanong kay Papa pero ang sagot lamang ay may pupuntahan daw
ang tatlo na hindi raw sinabi sa kaniya kung saan.

Hindi naman ako naniniwala. Iniisip ko na baka galit din sa akin si Papa Victor
dahil nag-away kami ni Sheena kanina. Sino ba kasing matutuwa kung tuwing umaga na
lang ay pinagtitripan niya ako. Noong una, gets ko pa at pinagbibigyan ko pa siya
pero nitong mga nakaraang araw ay

hindi ko na kinakaya ang mga trip niya.

Tulad na lamang kaninang umaga, ginising niya ako para lang pakainin ng ampalaya na
niluto niya. And take note, lahat ng niluluto niya ipapaubos niya sa akin kahit
magkandasuka-suka na ako,

Noong isang araw naman, naglaga siya ng talong tapos isinawsaw niya sa kape at
gusto niyang kainin ko.

Hindi ko na kinakaya ang mga ipinapakain niya sa akin kaya hindi ko talaga
kinakain. At iyon ang ilang araw na naming pinagtatalunan. At kanina nga lang ay
sinigawan niya ako dahil hindi ko kinain ang ampalaya niya.

Hindi ko alam kung ano ang trip ng babaeng 'yon. Nakakapikon din naman minsa-
Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang ugong ng dumating na sasakyan.

Kaagad akong tumayo at binuksan ang pinto.

Napatda ako nang pagbukas ko ay nasa harapan ko na si Sheena. Nakangiti pa siya


pero nang makita ako ay biglang sama ng mukha.

"Baby, saan kayo-" hindi ko natapos ang pagtatanong ko nang bigyan niya ako ng
isang pamatay na irap sabay tabig sa kamay ko.

Hinabol ko siya at humarang sa daraanan niya.

"Tabi!" Mataray na utos niya. Nang akma siyang aalis ay humarang uli ako. "Lance,
ano ba?"

"Kanina pa kita tinatawagan, ah. Hindi ka man lang sumasagot. Saan ka ba kasi
galing?"

"Itanong mo sa pagong."

Napamaang na lamang ako sa naging sagot niya. At hindi na sumunod nang umakyat siya
ng hagdan. Inihatid ko na lamang siya ng tanaw. Anyare sa babaeng iyon?

Isang tapik sa balikat ang pumukaw sa pagkakatulala ko.

"Pasensyahan mo na muna si Sheena," ani Simon.

"Ano bang trip ng kapatid mo? Minsan sobrang sweet, na kulang na lang langgamin
kaming dalawa sa sobrang tam-is, tapos ngayon naman parang tigre kung makaangil,"
himutok ko na ikinatawa ni Simon.

"Normal daw iyon, bayaw."

Naguluhan ako. "Paano naging normal iyong ang bilis niyang magbago ng mood?"

"Siya na lang ang tanungin mo para mas maganda. Ikaw naman ang gumawa niyon kaya
magtiis ka muna." Makahulugang usal pa niya bago ako iniwan.

Naiwan akong naguguluhan sa inaasal ng magkapatid na iyon.

GIRLONFIRE28

THANK you mga langga!

"

Chapter 34

Chapter 34

LANCE POV

PAGKATAPOS naming mag-usap ni Simon na wala rin naman akong nakuhang matinong sagot
ay sinundan ko na lamang ang asawa ko. Nang tangka kong bubuksan ang pinto ay saka
ko napagtanto na naka-lock pala iyon.

Nag-lock talaga siya? Ano ba talagang trip niya? Sa loob-loob ko.

Kumatok ako pero walang sumagot.

"Sheena?" Tawag ko kasabay ang muling sunod-sunod na pagkatok sa nakasarang pinto.


"Sheena, open the door."

Nakailang katok pa ako pero hindi man lang siya nag-abalang sumagot o pagbuksan ako
ng pinto.

Nanlulumong napatingin na lamang ako sa wedding portrait namin. Habang nakatingin


sa larawan ay pilit kong inalala ang nakaraan ko pero ilang sandali na akong
nakatunganga roon ay wala pa rin naman. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha,
saka bumaba ng hagdan.

Hinanap ko si Mama Elena, baka sakaling sa kaniya may matinong sagot akong makuha
hindi kagaya ng magkapatid na iyon. Nagkasabay pa ang saltik.

Sa kusina ko natagpuan si Mama Elena. Lalapit sana ako nang marinig ko na magsalita
si Papa Victor at binanggit ang pangalan ko.

"Alam na ba ni Lance?"

Napakunot ang noo ko. Alam ko ang alin?

"Hindi pa siguro. Inis pa ang anak mo sa manugang mo kaya baka hindi pa niya
nasabi, dinig kong sagot ni Mama dahilan para lalong kumunot ang noo ko.

"Dapat nga sabihin na niya para maunawaan ni Lance ang inaasal niya. Aba'y kahit
ako ang pagtripan mo, magagalit din ako sa 'yo."

"Sus, parang hindi mo naman alam na gano'n talaga iyon. Siyempre sa unang mga
buwan, moody talaga. Maarte at kung anu-ano ang trip."

Dala ng kuryusidad sa kung anong pinag-uusapan nila ay nagpakita na ako sa mga


byenan ko. Hindi nakaligtas sa akin ang palitan nila ng tingin.

"Gusto mong kumain?" mabait na tanong ni Mama Elena.

"Hindi ho, Ma. Busog pa ho ako. Itatanong ko lang ho sana kung saan ho kayo
nanggaling kanina ho? At ano ho iyong dapat kong malaman?"

Muling nagkatinginan ang mag-asawa.

"Ang mabuti pa si Sheena na lang ang tanungin mo. Mas maganda siguro kung siya ang
magsasabi sa 'yo," sagot ni Mama na agad sinang-ayunan ni Papa.

"Puntahan mo na lang ang asawa mo at mag-usap kayong dalawa." Si Mama sabay abot sa
akin ng bungkos ng mga susi. "lyang kulay silver ang susi ng kuwarto niyo."

Napangiti ako sa mag-asawa at magalang na nagpasalamat, saka nagpaalam na


pupuntahan ko muna ang anak nila. Nagmamadali akong bumalik sa taas. Gamit ang
duplicate key ng kuwarto namin ni Sheena ay binuksan ko iyon nang walang ingay.

Nadatnan ko siyang nakahiga sa ibabaw ng kama habang nakapikit. Tulog na kaya siya?
Dumukhang ako palapit sa kaniya upang tiyakin kung tulog ba siya o hindi. Para lang
magulat kaming pareho nang magmulat siya ng mga mata at magtama ang mga mata namin.

Pabalikwas siyang bumangon at lumayo nang bahagya sa akin. Medyo nainis ako sa
inaakto niya na para bang may nakakahawa akong sakit at diring-diri siya sa akin.

"Anong ginagawa mo rito? Doon ka sa labas, ayokong makita iyang pagmumukha mo."

"Ano bang problema mo? May isang linggo ka nang palaging bad trip sa akin, ah."
Nagulat ako nang sa halip na sumagot ay may inihagis siyang brown na supot.

Tumama iyon sa dibdib ko. Kinuha ko iyon, saka tumingin sa kaniya." Ano 'to?"

"Nandiyan ang sagot kung bakit bad trip ako sa pagmumukha mo!" Angil niya sabay
talikod sa akin.

Naiiling na sinilip ko ang laman ng supot at literal na nanlaki ang mga mata ko
nang makita kung ano ang mga iyon. Pregnancy test kit? At puro dalawang pulang
guhit ang naroon. Meaning? Positive?

Mula sa mga pregnancy test kit na hawak ko at napatingin ako sa asawa ko na


nakatalikod pa rin sa akin.

"Baby, you mean?"to

"Yes, I'm pregnant naiiyak na sabi ni Sheena nang humarap sa akin.

Bahagya namang napaawang ang bibig ko nang makumpirma ang sinabi ng asawa ko.

"Talaga?" Ang pagkabigla ko ay saglit lamang, nakangiti ko siyang hinila paupo sa


kama. "Buntis ka, magkakaanak na tayo, magiging daddy na ako?" pagkuwa'y excited na
sabi ko.

Ngunit ang pananabik na nararamdaman ko ay biglang napalitan ng pag-aalala nang


umiyak ang asawa ko.

"Hey, bakit? Hindi ka ba masaya? Ayaw mo bang magka-baby tayong dalawa?"

"Gusto. Pero hanggang ngayon hindi pa bumabalik ang alaala mo. Mas masaya sana kung
naaalala mo na ako. Tayo."

"I'm sorry. Sinubukan ko namang alalahanin ang lahat, eh. Pero sadyang madamot pa
sa akin ang lahat. Kahit naman wala akong maalala, nararamdaman ko naman na mahal
kita, eh. At pangako na kahit ganito, magiging masaya pa rin tayo. Magiging
mabuting asawa ako sa 'yo at ama sa magiging baby natin."

Lalong lumakas ang pag-iyak ni Sheena. Alam ko nahihirapan na siya. Kahit naman ako
nahihirapan na rin. Walang madali na araw-araw ay nangangapa ako kung sino ba
talaga ako. Kung ano lang ang sabihin nila iyon lang ang pinaniniwalaan ko.

"Kailan ba kasi babalik ang alaala mo, ha?"

"Hindi ko rin alam and I'm sorry. I'm so sorry, baby. Alam ko na nahihirapan ka na
pero sana huwag mo akong sukuan."

Napalabi siya. "Hindi naman ako sumusuko, eh. I love you, Lance. Nangako ako na
hindi kita iiwan at tutuparin ko iyon kahit hindi mo na ako kilala."

Isang maalab na halik ang iginawad ko sa mga labi niya para bigyan siya ng
kapanatagan ng loob. And Sheena was very much welcoming. Hindi lang niya basta
tinanggap ang halik ko, tinugon din niya. My expert lips moved gently but hungrily
against hers.

Hanggang sa tuluyan na kaming natangay at nag-init sa sumisidhing halik na


pinagsasaluhan namin. Ikinawit ni Sheena ang mga kamay sa batok ko. At ngayong
nalaman ko na buntis siya, hindi na ako nagtaka kung bakit parang masyadong
agresibo ang asawa ko ngayon.
Parang lalo akong nagliyab nang hilahin niya ako padapa sa katawan niya. Humaplos
ang kamay niya sa likod ko bago gumapang paitaas.

Maging ako ay naging malikot na rin ang mga palad. Bigla akong nanabik na angkinin
ang asawa ko. Matagal-tagal na rin ang huling pagkakataon na nagsiping kami dahil
nag-aalangan pa rin ako na

pakialaman siya kahit asawa ko siya. Gabi-gabi akong nagtitimpi na huwag siyang
angkinin pero ngayon parang hindi ko na magagawa iyon. Tuluyan na kasing humulagpos
ang

pagtitimpi ko.

Mainit na humahaplos ang isang kamay ko sa kaniyang hita, habang ang isa pa ay
abala sa pagmamasahe sa kaniyang dibdib.

Napangiti ako nang marinig ang mahinang ungol ni Sheena. Parehong hinihingal na
bumitaw kami sa mainit na halikan.

Pilyang ngumiti si Sheena bago inihaplos ang isang kamay sa dibdib ko sa eratikong
paraan. Napasinghap ako. At lalong nag-init ang katawan.

"Make love to me, Lance," pakiusap ni Sheena sa nang-aakit na tono.

Walang pagdadalawang-isip na muli kong inangkin ang mga labi niya. Napaungol ako
nang dumapo sa pang-upo ko ang magkabilang kamay ni Sheena. Pinisil-pisil niya ang
puwet ko dahilan para lalong sumiklab ang init sa buong pagkatao ko.

Awtomatikong pumulupot ang mga hita ni Sheena sa beywang ko. At nang itaas ko ang
pang-itaas niyang damit, saka isinubo ang magkabilang utong ay malakas na napaungol
si Sheena.

Nang mga sumunod na sandali ay isa-isa nang nahubad ang mga saplot sa naglalagablab
naming mga katawan. Hanggang sa saluhin ng malambot na kami ang mga hubad naming
katawan.

Nang abutin kong muli ang mga labi niya ay mas mapusok na halik ang ibigay ko sa
kaniya, mas nang-aangkin at mas marubdob. Maging ang mga palad namin ay tila may
sariling mga isip na nakialam sa bawat parte ng aming mga katawan. Hindi magkamayaw
ang mga palad namin kung saan hahaplos, saan dadama at kakapit.

"Lance... L-Lance..." tila hibang na sambit ng aking asawa.

"Sheena... Baby!" Mas hibang na sambit ko.

Hindi na lang kamay ko ang naglalakbay sa katawan niya pati na rin ang mga labi ko.
Nanginginig ang bawat himaymay ng katawan ko dahil sa matinding pananabik, at
pagnanasa para sa aking asawa na dalawang linggo ko yatang tiniis na huwag
pakialaman. Kaya ngayon ay para akong asong ulol na nilapa ang asawa ko.

Bawat daanan ng labi ko ay sinisipsip ko at marahang kinakagat-kagat.

"Lance!" impit na ungol ni Sheena.

Mula sa ginagawang pagsamba sa pagkababae niya ay nag-angat ako ng tingin at


napangiti nang makitang kagat-labi ang asawa ko habang mariling nakapikit.
Pabaling-baling ang ulo niya kasabay ang mahihinang anas at halingling. Naging tila
musika sa pandinig ko ang bawat halingling niya.

Dahil doon, mas lalo kong sinarapan ang pagkain sa kaniya.

At nang maramdaman ko na malapit na siyang labasan, mas naging mapusok ang bawat
sipsip ko sa kaniyang clit. Hindi pa ako nakontento, ipinasok ko na rin ang isang
daliri sa pagkababaé niya na ikinaiktad ng asawa ko.

"Lance! Uhm, Lance! Yes, yes, yes, baby!" Mas ipinagduldulan pa niya ang kaniyang
pagkababaé sa mukha ko.

Mas ginanahan ako. Kaya naman halos kainin ko na siya nang buo. Lumikha na nang
malakas na tunog ang bawat pagsipsip ko sa basang-basa niyang pagkababaé.

"You're so wet, baby.... anas ko habang patuloy na nilalantakan ang pagkababaé niya
na tila isang masarap na pagkain.

"Lance! Yes, baby! Oohh, yes!" Hinila niya nang mariin ang buhok ko na hindi ko
inalintana ang sakit ng anit ko.

"Lance, lalabas-Ahh!" Napahalinghing sa sarap si Sheena kasabay ng panginginig ng


katawan nang tuluyang labasan.

Umangat ako at pinagpantay ang mga mukha namin.

"Masarap?" Namumungay ang mga matang tanong ko.

Tila nahihiya siyang tumango at dagling nag-iwas ng tingin pero maagap kong
pinigilan ang mukha niya. "Look at me," utos ko.

"Lance..."

"Can you feel it?" Tukoy ko sa mabilis na pintig ng puso ko. "Can you feel my love?
Hindi ka man naaalala ng isip ko pero ito," tinuro ko ang tapat ng puso ko. "Kilala
ka niya. It's beating for you. Just for you, Sheena."

Naluha siya. "Lance.."

"My heart knows how much I love you."

"Prove it, baby. Make love to me.." utos niya na hindi ko na pinag-isipan.

Puno ng ingat na itinulak ko ang sarili ko papasok sa loob niya at ilang subok lang
ay tuluyan na akong nagtagumpay na mapag-isa ang aming

mga katawan.

Sinalubong niya ang bawat galaw ko. Pinantayan niya ang bilis ko, hindi niya ako
pinabayaang mag-isa. Kahit marubdob ang bawat bayo ko, may halong pag-iingat at
respeto pa rin iyon.

Sabay naming binibigkas ang pangalan ng bawat isa habang patuloy na nagtatagpo at
naglalayo ang mga kaselanan naming mag-asawa. Lalo kong napatunayan na mahal ko
siya.

Kilala siya ng puso ko.


PAGKATAPOS ng mainit na sandali sa pagitan namin ni Sheena ay agad siyang nakatulog
sa mga bisig ko.

Nang mahimbing na ang tulog niya ay saka ko siya dahan-dahang inalis sa bisig ko at
inilapat sa unan.

Habang pinagmamasdan ang mukha ng aking asawa, may anag-ag na eksena ang pumasok sa
isip ko.

Hindi masyadong malinaw pero hindi ko puwedeng ipagkamali na si Sheena ang kasama
ko sa eksenang 'yon. Nasa isang napakagandang lugar kaming dalawa. Sinubukan kong
pumikit at mas alalahanin pa ang ibang eksena pero hanggang doon lamang ang anag-ag
na iyon.

Huwag mong madaliin, kusang babalik ang alaala mo. Parang naulinigan ko pa ang
palaging bilin sa akin ng doktor ko.

Sa isiping 'yon ay tinigilan ko na ang pag-iisip at saka bumangon para maligo.


Habang naliligo ay bigla akong napakapit sa pader nang biglang kumirot ang ulo.

"Aah!" Sapo ang ulo na napaungol ako sa biglang pagsalakay ng kirot." Aray!
Masakit, aray!"

Habang dumadaing sa sakit ay muli ang paglitaw ng anag-ag na eksena sa isip ko pero
mas malinaw na. Isang lalaking kamukha ko ang nakikita ko pero sigurado ako na
hindi ako iyon. Umiindayog siya sa ibabaw ng katawan ng isang babaeng kilalang-
kilala ko. Si Trina, ang girlfriend ko.

Mga hayup! Sigaw ng utak ko habang pinapanuod ang nakakasulasok na eksenang 'yon.

"Argh! Aray, ang ulo ko..." Napaupo ako sa sahig habang sapo pa rin ang sumasakit
na ulo.

Habang namimilipit sa sakit ay unti-unti kong nakita nang mas malinaw ang mga
sumunod na eksena. Hindi na iyon eksena ng dalawang taksil

kundi eksena kasama ko si Sheena. Mga eksena sa pagitan naming dalawa. Parang
kidlat na gumuguhit sa isip ko agad na mapapalitan ng ibang eksena.

Maging ang eksena sa kasal namin ay naalala ko na. lyong kanta, lyong vow, iyong
honeymoon. Lahat! Napasinghap ako. Nanlaki ang mga mata ko dahil... oh, God!
Naalala ko na siya. I could now remember how I met her, how I feel in love with her
at first sight. Lahat! Kung paano ko pinigilan ang sarili ko na mahalin siya kahit
mahal na mahal ko siya!

Maging ang aksidente na nangyari sa akin, naaalala ko na! Kaagad nagtangis ang mga
ngipin ko. Of course it wasn't an accident. Sinadya iyon.

Nagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa pag-usbong ng galit na nararamdaman ko sa hayup


na Lander na iyon. Sisiguraduhin ko na magbabayad ka nang mahal!

Tumapat ako sa malamig na tubig mula sa shower para patayin ang galit na nasa
dibdib ko. Nang sa wakas ay kumalma na ako.

Balot ng puting tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan ko na lumabas ako ng banyo.

May kung anong mainit na kamay ang humaplos sa puso ko nang makita ang himbing na
asawa ko. Naaalala na kita, baby. At tama ka, asawa kita. Mahal na mahal kita at
gagawin ko ang lahat para lang maprotektahan ka, kayo ng magiging anak natin.

Habang nakatitig sa kaniya ay isang desisyon ang nabuo sa isip ko.

GIRLONFIRE28

#vote! Thank you po za inyong lahat!

Chapter 35

Chapter 35

SHEENA POV

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa malakas na tawanan mula sa kung

saan. Nang maalala ko ang nangyari sa amin kanina bago ako makaidlip ay si Lance
agad ang hinanap ng mga mata ko ngunit wala siya sa tabi ko

Sinilip ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot, nakasuot na ako ng may kalakihang t-


shirt. Napangiti ako nang makilala iyon. Kay Lance.

Tinatamad pa sana akong bumangon pero kumalam ang sikmura ko. Saka ko lang naalala
na hindi nga pala ako kumain ng tanghalian kanina dahil mas'yado akong naguluhan sa
balitang nalaman ko. Ang pagbubuntis ko. Masaya ako siyempre dahil magiging ganap
na ina na ako after nine months, ngunit hindi maalis sa isip ko ang pag-aalala.

Sana makaalala ka na, Lance. Para hindi tayo parehong nangangapa sa isa't isa. Miss
ko na iyong dating kami.

Napabuntong-hininga ako at muling bumalik sa pagkakahiga. Tinatamad talaga ako pero


muling tumunog ang tiyan ko. Nang maalala ang bilin ng doktor ko na huwag
magpapalipas ng gutom ay napilitan na akong bumangon. Suot pa rin ang t-shirt ni
Lance ay lumabas na ako ng kuwarto at bumaba. Nang makarating sa puno ng hagdan,
hindi na ako nagulat nang makita ang mga kaibigan ni Kuya Simon at Lance. Narinig
ko pa lamang ang malakas nilang tawanan ay alam ko nang sila iyon.

"Sheena!" Si Ate Kristine ang unang nakapansin sa presenya ko. Kaagad siyang tumayo
at lumapit sa akin, saka ako hinagkan. "Congratulations!" Masayang bati pa niya
sabay himas sa impis ko pang tiyan.

Hindi pa halata ang tiyan ko kahit 8 weeks na ang baby ko. Sabi ng doktor ko, wala
naman daw kaso iyon dahil sadyang may mga babae na maliit ang tiyan kapag
nagbuntis. Lalo na sa kaso ko na hindi naman ako malaking babae sa taas na 5'4"
tapos slim ang katawan ko.

"Congratulations, Bunso!" Masayang bati rin ni Ate Madeline sa akin nang makalapit.
Kagaya ni Ate Kristine, niyakap niya rin ako bago hinimas ang tiyan ko.

"We are so happy for you and Lancel Finally, magkakaroon na ng baby." Si Kuya Joven
na hinalikan ako sa noo.
Nginitian ko silang lahat. "Thank you, guys! Alam niyo na pala agad, ah."

"Excited kasi ang daddy at uncle, bunso. Tinawagan kami ni Lance at sinabing
pumunta kami rito dahil may sasabihin daw siya sa aming lahat. Kahit anong pilit
namin na sabihin na kung ano iyon, hindi namin napilit. Basta pumunta raw kami rito
para i-celebrate ang good news," ani Kuya Joven.

"Kaso on the way pa lang kami, nag-chat na ang Kuya mo sa group chat namin at
sinabing preggy ka na," segunda ni Ate Kristine na ikinatawa nilang tatlo maliban
sa asawa ko na nakasimangot.

Habang si Kuya Simon ay pakamot-kamot sa ulo at hindi makatingin kay Lance.

"lyong may pa-surprise sana ang asawa mo kaso nabuking na dahil sa kadaldalan ng
kapatid mo." Si Ate Kristine.

Nagtawanan ang magkakaibigan maliban pa rin kay Lance.

"Na-excite kasi masyado si Tito kaya inunahan na ang daddy sa pag-aanunsiyo." Pang-
iinis pa ni Kuya Joven.

"Pasensya na. Hindi ko naman sinasadya. Idi-delete ko naman sana kaso na-seen na
nila kaya hinayaan ko na," hinging paumanhin ni Kuya Simon habang kumakamot pa rin
sa ulo sabay tingin sa asawa ko." Sorry na, bayaw. Hamo at sa gender reveal ikaw
naman."

"Tss! Alangan namang ikaw na naman? Try mo kayang gumawa nang sa 'yo. Hindi iyong
inuunahan mo ako." Kunwari ay inis na sabi ni Lance.

"Sorry na nga."

Pinukol siya ng masamang tingin ni Lance bago naglakad palapit sa akin at hinawi
ang mga kaibigan na nasa tabi ko. Napatitig ako sa kaniya, napansin ko kasi na tila
may kakaibang kislap sa mga mata niya. He looks happier.

"May gusto ka bang kainin?"

Tumango ako. "Ano iyon?"

"Kahit ano," maikling sagot ko at nauna nang pumasok sa kusina matapos mag-excuse
sa mga kaibigan ni Kuya.

Aligagang sumunod sa akin si Lance. Hihilahin ko sana ang silya pero naunahan na
niya akong maghila. Inalalayan niya akong umupo. Nakapagtataka dahil mas'yadong
attentive si Lance ngayon na hindi naman siya ganito nitong mga nakaraang linggo.
Parang may iba sa kaniya ngayon.

"Ayos ka lang?" Hindi napigilang usisa ko.

Tumawa siya. "Of course. Maupo ka lang diyan, ako na ang bahala sa yo.

Nagkibit-balikat na lamang ako at umubob sa mesa. Bigla na naman akong nakaramdam


ng antok kahit kagigising ko lang. Hindi ko na napaglaban ang antok dahil kusa nang
sumura ang mga mata ko

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaidlip sa mesa.


NAALIMPUNGATAN na lamang ako nang may naramdaman na mabining haplos sa aking mukha.
Pagmulat ko ay si Lance ang nabungaran ko.

"Lance." Napatuwid ako ng upo, saka luminga sa paligid. Nasa kusina pa rin pala
kami.

"Bakit?" tanong ko nang mapansin na titig na titig na naman si Lance sa akin.

"Anong bakit?" Nasa boses niya ang pagkaaliw. Inirapan ko siya. "Huwag mo 'kong
tingnan nang ganiyan."

Tumawa siya. "Bakit, paano ba kita tingnan, hmm?"

"Ah, basta! Naaasiwa ako." Pagkasabi ko niyon ay padabog akong tumayo at nagmartsa
palabas ng kusina.

"Teka, baby! Saan ka pupunta?" Nagahol sa paghabol sa akin si Lance." Wait lang,
saan ka pupunta? Hindi ka pa kumakain, ah, sabi mo nagugutom ka na?"

"Busog na pala ako."

"Ha? Busog saan?"

"Basta busog ako." lyon lang at tinalikuran ko na siya at bumalik sa kuwarto ko.

Nag-lock ako ng pinto at humilata sa kama. Hindi pa man natatagalan ay unti-unti na


namang bumigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa muling nakatulog.

LUMALA pa ang pagiging antukin ko nang mga sumunod na mga araw. lyong tipong kung
saan na lamang ako abutin kaya hangga't maaari ay hindi ako lumalabas ng bahay kung
wala naman akong sadya sa labas.

Maging ang inis ko kay Lance ay lumala nang lumala. Palagi ko siyang

pinag-iinitan kahit wala naman siyang ginagawang masama o mali sa

akin. lyong kapag nakikita ko siya, buwisit na buwisit ako sa kaniya pero

kapag wala naman siya hinahanap-hanap ko siya.

Pero sa halip na mainis o patulan ako ni Lance, naging mas maunawain siya sa akin.
Nakapagtataka lang dahil parang hindi siya nalinis o napipikon gayong kahit ako sa
sarili ko ay nalinis na sa mga pag-iinarte ko. Palagi niyang in-assure sa akin na
huwag ko siyang alalahanin dahil naiintindihan niya ang pagiging emotional ko
lately.

Nakakainis lang na kahit simpleng bagay ay inliyakan ko. Nai-stress ako sa sarili
ko dahil ang laki ng ipinagbago ko. Kaya gusto ko na sanang matapos ang paglilihi
ko sa totoo lang.

At ngayon nga ay umiiyak ako at masamang-masama ang loob dahil lang hindi ko nakita
si Lance paggising ko. Tapos kapag nakita ko naman, aawayin ko lang kahit wala
namang dahilan.

"Tahan na, Sheena. Bawal sa buntis ang stress, alam mo naman lyan, 'di ba?"
pagpapatahan ni Mama sa akin.
Tinabihan niya ako sa couch. Kami lang ngayon dito sa bahay. Hindi ko alam kung
saan pumunta si Lance dahil tulog pa raw ako nang umalis ang lalaking iyon kasama
si Papa ayon kay Mama.

"Gusto ko pong makita si Lance, Ma."

Napailing si Mama. "Tapos kapag dumating ipagtatabuyan mo na naman. Ikaw talagang


bata ka."

Bigla na naman akong nalungkot. Simula kasi nang maglihi ako, aminado ako sa sarili
ko na napabayaan ko na si Lance. Hindi ko na rin siya nasasamahan sa doktor niya
dahil panay tulog nga lang ang ginagawa ko lately. Hindi ko na rin siya nalulutuan
ng pagkain dahil hindi ko gusto ang amoy ng bawang at sibuyas. Sobrang tamad ko at
sabi normal lang daw iyon kapag naglilihi. Ultimo pagsusuklay man lang
kinakatamaran ko nang gawin.

Nag-aalala rin ako na baka maghanap ng iba si Lance dahil isang buwan na yata
kaming walang labing-labing. At ako ang may problema, hindi ko trip at wala akong
gana. Ilang beses ko na siyang tinanggihan sa tuwing susubukan niyang umungot sa
akin. Nakakainis na kahit gusto ko siyang pagbigyan pero mas gusto kong matulog na
lang.

Napu-frustrate na napasubsob ako sa mga palad ko.

"Huwag ka nang umiyak, Sheena. In-assure naman ng doktor mo na ngayon lang iyan
dahil nasa stage ka pa ng paglilihi. Kapag nasa lagpas apat na buwan na iyang tiyan
mo, babalik ka na sa normal."

"Ma, baka maghanap na ng iba si Lance. Napapabayaan ko na siya, eh." Muli akong
napahikbi.

"Ikaw talagang bata ka. Hindi naman iyon gagawin ng asawa mo Naiintindihan ka niya,
Anak."

"Paano ho kung magsawa na siyang intindihin ako? Paano kung sa iba niya gawin iyong
hindi ko maibigay, Ma? Palagi ko siyang inaaway at tinatanggihan, eh."

"Sus, ikaw talaga, Anak. Huwag ka ngang mag-isip nang ganiyan. Hindi gagawin ni
Lance lyang mga iniisip mo. Hindi siya ganiyang klase ng lalaki.

"Nakaka-frustrate, Ma. Bakit kasi ang dami kong arte ngayon."

"Normal nga iyan, Anak. Hamo at kapag tapos ka nang maglihi, saka ka na lang bumawi
sa asawa mo. At saka hindi lang naman ikaw ang ganiyan, eh dahil noong ako ang
buntis sa Kuya mo mas malala pa ang naranasan ng papa mo kaysa sa asawa mo."

"Talaga ho?" Bigla akong nabuhayan ng loob ko.

"Oo naman. Mas malala pa sa nararanasan ni Lance pero tingnan mo nga, magkasama pa
rin kami ng papa mo hanggang ngayon. Hindi niya ako iniwan kahit pikon na pikon na
siya sa ugali ko that time."

"Paano ho kayo bumawi kay Papa?"

Nagtaka ako nang humagikhik si Mama na para bang may naalala na kapilyahan.

"Paano nga ho, Ma?" Muli siyang humagikhik na ikinailing ko. "Hala si Mama. Paano
nga ho?"
Pulang-pula ang buong mukha ni Mama na lumapit sa akin at may ibinulong. Nanlaki
ang mga mata ko nang marinig kung paano siya bumawi kay Papa pagkatapos niyang
maglihi.

"Puwede mong gawin kay Lance iyon para makabawi ka."

"Ma!"

"Anong Ma? Normal iyon, ano ka ba?" Sabi pa niya at muling humagikhik na animo'y
kinikiliti.

"Effective iyon, Anak."

"Ewan ko sa 'yo, Ma." Napatawa na rin ako sa kapilyahan ni Mama.

Nagtatawanan kaming dalawa nang magkasunod na dumating si Papa at si Lance.

"Anong mayro'n at mukhang masaya ang mag-inang may saltik, ha?" Si Papa habang
palipat-lipat ang tingin sa amin ni Mama.

"Wala naman, Vic. Naikwento ko lang sa anak mo kung paano ako bumawi sa 'yo
pagkatapos kitang pagtripan noong naglilihi ako kay Simon."

Napaawang ang labi ni Papa. "At itinuro mo sa anak mo, Elena?" Hindi makapaniwalang
bulalas ni Papa na ikinatawa ni Mama.

"Anong masama roon? Effective naman, 'di ba? Kaya nga gusto mong awayin kita
palagi, eh."

"Loka-loka ka talaga! At talagang binigyan mo ng ideya lyang anak mo." Napailing-


iling na lang si Papa at inakbayan si Mama. "Doon nga muna tayo sa kwarto at mag-
uusap tayo. Hindi ko gusto na tinuruan mo ang anak natin kung paano bumawi sa asawa
niya. Kinikilabutan ako."

Lalong lumakas ang tawa ni Mama.

"Halika. Talagang kailangan nating mag-usap, Elena." Binigyang diin ni Papa ang
salitang usap.

"Anong klaseng usap ba?"

"Masinsinang usap, Elena."

"Okay, mag-uusap tayo."

Napailing-iling na lamang ako habang habol ng tingin ang mga magulang ko na parang
mga teenager na umakyat sa hagdan habang magkaakbay.

Napangiti ako nang marinig ko ang malakas na tili ni Mama kasabay ng paglagapak ng
pinto ng kuwarto nila.

Mukhang ibang usap ang gagawin nila. Matindi. Wala pa ring kupas. May mga asim pa.
Sa loob-loob ko.

Napatingin ako kay Lance nang marinig ko na mahinang tumawa sa tabi ko.

Nakangiti siyang bumaling sa akin. Nasa mga mata niya ang pagkaaliw, malamang dahil
sa ka-sweetan ng mga magulang ko.
Nagtama ang mga mata namin.

"What?" tanong ko.

"Akyat na rin tayo?" Puno ng kapilyuhan ang mukha niya. "Mukhang

kailangan din nating mag-usap. Iyong masinsinang usap." Ipinagdiinan

din niya ang salitang usap.

"Ano sa tingin mo?" Kumindat-kindat pa si Lance. "Usap tayo?"

Napasinghap ako nang walang kahirap-hirap na binuhat niya ako paakyat ng hagdan.
Naikawit ko sa batok niya ang mga kamay ko sa takot na baka mahulog ako.

Pagdating sa kwarto ay maingat niya akong ideneposito sa ibabaw ng malambot na


kama.

Akala ko kung bakit niya itinaas ang damit ko, lyon pala ay para hagkan ang tiyan
ko na lumalaki na.

"Daddy loves you so much, baby." Dinig kong anas ni Lance habang paulit-ulit na
pinapatakan ng maliliit na halik ang tiyan ko.

Nang magsawa sa kakahalik sa tiyan ko ay saka siya nag-angat ng tingin. "I love
you, Sheena. Kayo ni baby ang buhay ko."

Bigla akong naluha. Habang sinasabi ni Lance iyon, pakiwari ko ay kilalang-kilala


na niya ako. Na para bang siguradong-sigurado siya na mahal niya ako.

GIRLONFIRE28

#vote Thank you po sa inyong lahat! Diyan lang kayo at mag-uusap lang kami ng asawa
ko hahahah. Char.

"

Chapter 36

SHEENA POV

MAKAILANG ulit na sinabi ni Lance sa akin kung gaano niya ako kamahal at ang anak
naming nagsisimula nang lumaki sa aking tiyan Nalulunod ako sa nakikitang
pagmamahal sa kaniyang mga mata habang nakatunghay sa akin.

Nakahiga ako sa malambot na kama habang siya naman ay nasa ibabaw ko. Nakatukod sa
magkabilang gilid ko ang magkabilang palad niya upang hindi niya kami madaganan ni
baby.

"Lance..." mahina kong usal sa pangalan niya.

"Puwede na ba tayong mag-usap? Hmm?" Napakalambing ng boses niya at parang hindi ko


siya kayang tanggihan ngayon.
Napakalamlam ng kaniyang mga mata na para akong inaakit.

"Usap naman tayo, oh. Panis na iyong laway ko, baby..."

Nag-init ang mukha ko nang ma-gets ang laway na sinasabi niya. Pinalo ko ang dibdib
niya na ikinatawa niya.

"Ano? Usap na tayo?" Nagtaas-baba pa ang kilay niya habang may naglalarong
kapilyuhan sa mukha.

"Saan ka muna galing kanina?" tanong ko.

"Sa hospital lang kami galing ni Papa. Sinamahan niya ako kasi may sumpong ang
misis ko."

"Sorry. I hate myself kasi napapabayaan na kita. Hindi na kita maasikaso at


masamahan dahil ganito na ako. Sobrang moody, sobrang tamad at antukin."

Napalabi ako nang tumawa pa siya.

"I understand. Hindi naman ako naiinis dahil alam ko na dahil sa pagbubuntis mo
kaya ganiyan ka ngayon."

"Hindi mo 'ko ipagpapalit? Hindi ka maghahanap ng iba para ibigay ang gust-Naumid
ang dila ko nang magaan niyang halikan ang mga labi

ko.

"Ganiyan ba kababaw ang tingin mo sa akin? Na porke hindi tayo nakakapag-labing


labing ay hahanap na ako ng kapalit mo?" hinampong sabi niya.

"Gano'n naman kadalasan, 'di ba?"

"Hindi ako, Sheena. Hindi kita minahal para lang sa s*x. Hindi ako gago para iwanan
at saktan ka para lang sa sandaling ligaya. Hindi ganon kababaw ang pagmamahal ko
sa 'yo, Sheena."

Napalabi uli ako at hinila siya palapit sa akin. "Thank you and I'm sorry dahil sa
ugali ko nitong mga nakaraan. Alam ko nahihirapan ka nang intindihin-Pinutol na
niya ang ano mang sasabihin ko.

Muli akong siniil nang maalab na halik ng asawa ko at huli na para umiwas pa. There
was no way I could resist my husband and his sweet kisses.

Sa pagkakataong yon ay nagpaubaya ako sa asawa ko hindi dahil sa obligasyon bilang


asawa kundi dahil gusto rin ng katawan at puso ko. Hinayaan kong madarang sa mainit
na labi ng asawa ko. And longing rushed through my veins.

Ilang minuto kaming nagsalo sa matamis na halik. Mayamaya ay bahagyang lumayo si


Lance sa akin.

"Usap tayo?" Namumungay ang mga mata na sabi niya. Napangiti ako sabay tango.
"Sige."

Kitang-kita ko kung paano nagliwanag ang mga mata ni Lance at pagkuwa'y nagmamadali
na ang bawat kilos. Sa isang iglap lang nagawa niyang alisin ang mga saplot namin
sa katawan.
"Lance!" Kumawala ang mahinang ungol sa lalamunan ko nang simulan niyang sambahin
ang katawan ko sa napaka ingat at napakalambing na paraan. Tila ako isang
babasaging crystal na ingat na ingat siyang mabasag.

"Lance.." Tumagal sa tiyan ko ang mainit niyang labi. Ilang minuto niyang hinalikan
iyon at hinaplos habang paulit-ulit na nagsasabi ng I love you sa anak namin na
para bang naririnig siya. Hindi pa man lumalabas ang anak namin, ramdam ko na agad
kung gaano niya kamahal si baby at ako.

Lance seductively twirled his tounge down to my flesh between my legs. Lalo niyang
pinadausdos ang dila pababa sa aking pagkababaé.

At bago pa ako tuluyang mawala sa huwisyo, bumangon ako sabay tulak sa kanya pahiga
sa kama. Nagulat siya sa ginawa ko pero walang pagtutol na lumabas sa bibig niya.

Walang pagdadalawang-isip na sinunod ko ang sinabi ni Mama sa akin kanina. Pumatong


ako sa ibabaw ni Lance na ikinaawang ng bibig niya.

"What are you doing?" paos na anas niya.

"My turn. I want to pleasure you. Can 17" Lakas loob na tanong ko.

Sunod-sunod na napalunok si Lance. "O-Of course... but you don't have to do, Oh,
fvck! Baby, you're torturing me." Reklamo niya nang dumapo ang mga kamay ko sa
tiyan niya, humahaplos at pumipisil. Itinapat ko ang pagkababaé ko sa kahabaan niya
at idiniin, saka iginiling ang balakang ko.

Sabay kaming napaungol sa kapangahasan ko.

"Oh, syet! Baby.." ungol ni Lance. Labis akong natuwa nang makita ko ang sarap na
nakalarawan sa guwapong mukha niya. Lalo akong ginanahan nang kumagat labi siya at
umungol sa senswual na paraan. Pakiramdam ko tama ang ginagawa ko.

Humawak ako sa headboard ng kama dahilan para tumapat ang mukha ni Lance sa dibdib
ko. Tila gutom na sanggol na isinubo niya iyon nang salitan. Yumuko ako dahilan
para magtama ang mga tingin namin. Batid kong parehong pagnanasa ang mababasa sa
mga mata namin.

"Like it?" Saka ko muling ikiniskis ang pagkababaé sa kahabaan niya.

"Where did you learn this, huh?" aniya habang minamasahe ang magkabilang dibdib ko.

Sige naman ako sa paggiling sa ibabaw niya. Pakiramdam ko, bawi na ako sa ilang
beses na pagtanggi ko sa kaniya.

"I have a best teacher."

Magsasalita pa sana si Lance pero napaawang na lang ang bibig niya. Lumiyad kasi
ako at inabot ang dalawang naninigas niyang kaibigan.

"Oh, syet, baby!" Ungol niya.

Umalis ako sa ibabaw niya at dumausdos pababa sa paanan niya. Lumuhod ako sa
pagitan ng mga hita niya and then I sucked his manhood sensually. Kaagad na humawak
sa buhok ko ang mga kamay n'ya kasabay ang masarap na ungol.

Punong-puno ng pagkalalaki niya ang bibig ko, hindi ko kinaya kaya iniluwa ko rin
iyon agad. Sa halip, nagtaas-baba ang palad ko sa kahabaan niya habang hinahalikan
ang mamula-mulang dulo niyon.

"Ah, yes, baby! You're torturing me... Ohh!" Mabigat ang bawat paghinga ni Lance na
tila malalagutan ng paghinga.

Nang mag-angat ako ng mukha, nahuli ko siyang nakatingin sa ginagawa ko.

"Oh, syet, baby! Enough!"

Pero hindi ako nakinig. Sinubukan ko kung makakaya ko bang isubo ang kabuuan niya,
pero hindi talaga kaya hinalik-halikan ko na lamang sa erotikang paraan.

"Oh, baby! Ang... sarap niyan. Yeah!"

Lihim akong napangiti at lalong sinilaban dahil sa ginagawang pagtugon ni Lance sa


ginagawa ko. Binilisan ko pa ang ginagawa ko na halos Ikabaliw ni Lance.

"Baby, yes, oohh! Faster, baby, please!" Narinig ko na sabi niya.

Sinunod ko siya. Lalo kong binilisan ang pagpapaligaya sa asawa ko. Nagtaas-baba
ang kamay at bibig ko sa kahabaan niya.

"Yes, faster, baby! Yes, yes, yes, like that! Aahh!" Nagsimulang manginig ang
katawan ni Lance.

Mabilis na hinugot ni Lance ang kahabaan mula sa bibig ko at nagtaas-baba ang


sariling kamay doon, kasunod ang paglabas ng puting likido mula sa pagkalalaki
niya.

Habol ang paghinga na bumagsak ang katawan niya sa kama. Ako nama'y tumabi sa
kaniya at sumubsob sa kilikili niya. Ngayon ako tinablan ng hiya dahil sa ginawa
ko. Maraming beses na kaming nagtalik ni Lance pero ngayon lang ako naging wild
nang ganito. At sa tanang buhay ko, ngayon ko lang ginawa ang magpaligaya ng lalaki
gamit ang bibig ko.

Hinablot ko ang kumot at tinakpan ang mukha ko na ikinatawa ni Lance.

"Bakit ka nagtatakip ng mukha, ha?"

"Nakakahiya," pag-amin ko.

"Bakit naman? Hinila niya ang kumot at pinihit ako paharap sa kaniya. Magkadikit
ang hubad naming mga katawan. "Bakit ka nahihiya?"

"Sobrang wild ko a while ago. Para na yata akong pornstar sa ginawa ko.

"Of course not. Huwag mo ngang isipin iyan. Mag-asawa tayo, walang masama kung
gusto mo rin akong paligayahin sa ganoong paraan. At isa pa, I loved it.

"You did?"

"Yes, I loved it. So you don't have to worry about. Gusto ko nga dalas-dalasan mo
pa, eh."

Napalabi ako. "Ayoko na, ang sakit pala sa panga."

Tumawa si Lance at pagkuwa'y mabilis ang kilos na nagawa akong angkinin nang walang
pasabi.

Nang mga sumunod na sandali ay walang ibang maririnig sa loob ng kuwarto kundi
mahihinang ungol at halingling naming mag-asawa. Saksi ang bawat sulok ng kuwarto
ko kung paano namin binigyang layo ang pagmamahal para sa isa't isa.

HINDI naging hadlang ang pagkawala ng alaala ni Lance para hindi kami maging
masaya. Pinanghahawakan ko ang sinabi niya na hindi man ako maalala ng isip niya
pero kilala ako ng puso niya.

Nang mga sumunod na araw pagkatapos ng "pag-uusap" narnin ay mas naging malambing
si Lance sa akin at mas naging maunawain. Gusto ko nang hilahin ang araw para
matapos na ang paglilihi ko dahil nahihirapan na rin naman ako. Pansin ko na rin
ang medyo pagpayat ko dahil sa laging kawalan ng gana sa pagkain. Hindi ako mapilit
ni Lance dahil isinusuka ko lamang iyon.

Speaking of... nasaan ba si Lance? Hindi ko siya nagisnan sa tabi ko kanina.

Bumangon na ako at tumayo. Papasok na sana ako sa banyo nang bigla akong mapatigil.
Biglang kumirot ang puson ko.

Napaigik ako sa sakit na parang may pinipilit sa loob ng tiyan ko.

"Ma! Ahh!" Napasigaw na ako sa hapdi. Nagsimula na akong mataranta. Sinubukan kong
lumakad palapit sa pinto para humingi ng saklolo pero napaluhod na ako sa sakit.
Humilab ang tiyan ko nang todo.

"Lance! Ma!" Tawag ko habang yakap ang sariling tiyan. "Oh, God! Ang baby ko.."
nahihirapang usal ko. Ang baby ko...

Sa takot na may masamang mangyari sa anak ko, pinilit kong gumapang palapit sa
pinto.

"Oh, God! Not my baby..." usal ko habang pinipilit buksan ang pinto. Nanginginig na
kasi ako at pinagpapawisan na rin nang malamig.

Pagbukas ko ng pinto, bumalandra sa harap ko si Lance. Nakabitin sa ere ang kamay


niya.

"Baby? W-What happened?" bumukas agad ang takot sa mukha niya.

Mayro'n pa siyang sinabi pero hindi ko na maintindihan dahil lalong sumakit ang
tiyan ko. Umiiyak na yakap ko ang tiyan ko. Patindi nang

patindi ang sakit na parang malalagutan na ako ng paghinga.

"Blood..." naulinigan kong sabi ni Lance habang nakayuko at nakatingin sa ibabang


bahagi ng katawan ko.

Pinanlamigan ako nang marinig iyon, saka dahan-dahang bumaba ang tingin ko sa
paanan ko. Dahil puting t-shirt ni Lance ang suot ko, kitang-kita ko ang pag-agos
ng pulang likido sa mga hita ko.

My baby...

"Oh, God, Sheena! You're bleeding!"


"Lance, ang baby..."

"Syet! You're bleeding!"

Lalo akong kinain ng takot nang sa nanlalabong mga mata ay nakita ko ang panic na
rumehistro sa mukha ni Lance.

God, not now! I need him... please not now.

Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko ng mga sandaling 'yon dahil iyong taong
inaasahan kong tutulong sa akin ay nauna pang mag-panic.

Takot na takot na napaiyak na lamang ako habang nakatingin sa asawa ko na


nakatulala na habang sapo ang sariling dibdib.

"L-Lance... please, labanan mo. I-I n-need you. W-We need you right now ..." parang
hangin na lamang na lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon.

"L-Labanan mo, L-Lance. K-kailangan kita ngayon..." anas ko habang nararamdaman ang
unti-unting pagdilim ng paningin ko.

"K-kailangan kita ngayon, L-Lance..." hanggang sa tuluyan nang magdilim ang paligid
ko at tuluyang akong bumagsak sa sahig.

GIRLONFIRE28

#vote Thank you mga langga. Nandiyan pa ba kayo. Huwag niyo akong iwan. Muahhh!
Goodnight

Chapter 37

Chapter 37

LANCE POV

NANG marinig ko ang malakas na pagtawag ni Sheena sa pangalan ko ay kaagad akong


nagkumahog para puntahan siya. Hindi ko na nagawang patayin ang kalan dahil sa
pagmamadali ko na puntahan ang asawa ko. Hindi ko maintindihan, biglang sinalakay
ng matinding fakot ang dibdib ko. Kung para saan lyon ay hindi ko alam.

"Lance! Ma!" Muling tawag ni Sheena.

Halos mangadapa ako sa bilis ng pag-akyat ko sa taas. Akmang bubuksan ko ang pinto
ng kuwarto namin nang bumukas na iyon.

"Baby? What happened?" Lalong nadagdagan ang takot na nadarama ko nang makita na
umiiyak na ang asawa ko habang tila namimilipit sa akin.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak, baby? Anong masakit? Sinong umaway sa 'yo?"
Natataranta na sunod-sunod na tanong ko.

Hindi siya umimik. Umiiyak lamang siya habang hindi na maipinta ang mukha.

"What happened, baby?" tanong ko uli at mula sa mukha niya ay bumaba ang tingin ko
sa kaniyang tiyan, pababa sa kaniyang mga hita.

"Blood..." mahinang usal ko. Dapat ang unang gawin ko ay buhatin siya at dalhin sa
hospital pero naunahan ako ng pag-atake ng panic ko.

Gusto kong abutin si Sheena pero nanigas ang mga binti ko kasabay ang paninikip ng
dibdib ko. Ibinuka ko na ang bibig ko upang sumugap ng hangin para makahinga ako
nang maayos. Pero bawat segundo ay pasikip nang pasikip ang dibdib ko. Maging ang
mga kamay ko ay hindi ko na maigalaw. Gusto kong sumigaw at humingi ng saklolo pero
hindi ako makasigaw. Ultimo magsalita ay walang lumabas sa bibig ko.

Diyos ko... huwag ngayon! Piping dasal ko at pinilit kalmahin ang sarili ko.

"L-Lance... please, labanan mo. I-I n-need you. W-We need you right now ..."
naulinigan ko pang pakiusap ng asawa ko.

"L-Lance, please. K-kailangan kita..."

Nakalugmok na sa sahig si Sheena pero naninigas pa rin ako. Dahilan para hindi ko
siya madaluhan agad.

"Anong nangyayari-Diyos kol Sheena, anak Naulinigan kong sigaw ni Mama Elena at
dinaluhan si Sheena. "Anak! Diyos ko, Sheena, anak! Tulong! Tulon-Lance, ano ba?!
Tulungan mo ang asawa mo!" Sigaw niya pero nakatingin lamang ako.

"Tulong! Tulong! Sheena, Anak!" Sumigaw nang sumigaw si Mama Eleria hanggang sa
humahangos na dumating si Simon.

"Ma, anong nangyari?"

"Hindi ko alam! Bilisan mo, dalhin natin sa hospital ang kapatid mo!" Umilyak na si
Mama Elena.

Mabilis namang kumilos si Simon at binuhat ang asawa ko, saka puno ng pagmamadali
na inilabas ng kuwarto. Dinig na dinig ko ang malakas na sigaw at iyak ni Mama
Elena.

Napatulala na lamang ako. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawala sa huwisyo
at nang bumalik sa reyalidad ay wala na ang asawa ko.

Tinawagan ko agad si Simon at nang malaman ko kung saang hospital niya dadalhin ang
asawa ko ay tila may pakpak na sumunod ako sa kanila. Habang daan, pinilit kong
kumalma.

Hindi ko na alam kung paano ako nakarating ng hospital. Hinang-hina ang pakiramdam
na napasalampak na lamang ako ng upo sa malamig na semento sa labas ng emergency
room.

Hindi ko alam kung paano pa mapapatawad ang sarili ko sa oras na may masamang
mangyari sa mag-ina ko. Ang gago ko! Wala akong kuwenta! Wala akong silbi!

Napasabunot na lamang ako sa buhok ko habang taimtim na nagdarasal sa kinauupuan


ko. Na sana'y walang masamang mangyari sa mag-ina ko. Sana po iligtas Mo sila sa
kapahamakan, Diyos ko...

Iniuntog ko sa pader ang ulo ko. Makailang ulit kong ginawa 'yon nang may marinig
akong mga yabag at huminto sa mismong tapat ko.

"Itigil mo iyan, Lance." Maawtoridad na utos ni Simon habang nakatayo sa harapan


ko.

Inilahad niya ang kamay sa akin. Hindi ko iyon inabot kaya napilitan siyang
sumalampak din ng upo sa sahig.

Hindi siya nagsalita. Panay lang ang buntong-hininga niya.

"Wala akong kuwenta, Simon..." garalgal ang boses na sabi ko. "Wala akong silbi.
Hindi ko man lang natulungan ang asawa ko. Paulit-ulit niyang sinasabi na kailangan
niya ako pero hindi ko siya natulungan....

and I hate myself for that. I feel useless. Wala akong kuwenta

Hindi pa rin siya umimik. Dinig ko ang mararahas niyang paghinga.

"Lakasan mo ang loob mo, tang'na ka." Mayamaya ay sabi niya Hindi ko nabakasan ng
paninisi ang boses ng kaibigan ko. Alam ko, na nalintindihan niya ang iniakto ko
kanina.

"Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. Ipagdasal na lang natin na ligtas ang mag-ina
mo."

Hindi na ako umimik at napayuko na lamang uli. Muling namayani ang katahimikan sa
pagitan namin. Tanging impit na iyak ni Mama Elena ang naririnig ko.

HABANG naghihintay sa paglabas ng doktor ay wala akong ginawa kun'di ang taimtim na
magdasal habang nakasalampak pa rin ng upo malapit sa pinto ng emergency room.
Kahit naiihi na ako ay hindi ako umalis doon.

Bawat segundong lumilipas, palala nang palala ang pangamba ko para sa kaligtasan ng
mag-ina ko. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming naghintay sa paglabas ng
doktor.

NANG sa wakas ay bumukas na ang pinto ng emergency room at lumabas ang babaeng
doktor, sabay-sabay kaming napatayo at sinalubong ang doktor.

"Dok, kumusta po ang mag-ina ko?" Nanginginig ang mga tuhod na tanong ko agad.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng doktor sa aming tatlo.

"Kayo ho ba ang pamilya ng pasyente?"

Sabay-sabay kaming sumagot ng oo at pagkuwa'y muli kong tinanong ang kalagayan ng


mag-ina ko.

Kaagad binundol ng kaba ang buong pagkatao ko nang makita ko ang lungkot at
simpatya sa mukha ng babaeng doktor.

"Dok, kumusta ho sila?" ulit ko.

"Wala naman hong nangyaring masama sa anak at apo ko, hindi ho ba, Dok?" Umiiyak na
tanong ni Mama Elena.

"I'm so sorry pero sa dami ng dugong nawala sa pasyente, hindi na ho nailigtas ang
baby."

Sabay-sabay kaming napasinghap sa sinabi ng doktor.

"Ikinalulungkot ko ho ang pagkawala ng baby ng pasyente. Mas'yado hong marami ang


dugo na nawala sa kaniya at hindi na ho nailigtas pa. I'm sorry."

Napahagulhol na lang si Mama Elena habang ako ay hindi nagawang makapag-react agad.
Para akong nabingi

"Dok, sigurado ho ba kayo? Baka naman nagkakamali lang kayo at-

"I'm so sorry, but she's already lost the baby. May posibilidad na nakaligtas sana
ang baby kung mas naagapan ang pag-ampat sa pagdurugo niya. But unfortunately, wala
na ho ang baby. And I'm sorry"

"Diyos ko! Paano 'to tatanggapin ng anak ko!" Lalong lumakas ang iyak ni Mama Elena
habang ako nama'y napasandal sa pader, at tila kandilang unti-unting nauupos ng mga
sandaling iyon.

May mga sinabi pang paliwanag ang doktor sa amin tungkol sa naging dahilan ng
biglang pagsakit ng tiyan ni Sheena at ang dahilan ng pagkakaroon ng bleeding ng
asawa ko para mag-cause ng miscarriage. Pero hindi ko na masyadong maunawaan ang
mga iyon dahil isang bagay lang ang paulit-ulit na naririnig ko. Iyon ay ang
maiiligtas pa sana ang anak ko kung nadala lamang agad ang asawa ko at naampat agad
ang pagdurugo. Na hindi nangyari dahil sa akin. Dahil wala akong kwenta.

Puno ng pagsisisi at galit sa sarili na malakas kong sinuntok ang pader na


sinasandalan ko kanina.

"Lance, stop it!" Kaagad akong inawat ni Simon.

"We lost our baby because of me, Simon! Nawala ang anak ko dahil sa

akin! Kung dinala ko kaagad siya sana hindi nawala ang baby ko! Sana buhay pa ang
anak ko!" Hindi ko na nakayanan ang sakit. Napahagulhol ako ng iyak habang
pinagsusuntok ang pader.

"Sana ako na lang ang nawala at hindi ang anak ko-" Napahinto ako nang haklitin ni
Simon ang balikat ko at pinihit ako paharap sa kaniya.

"Will you stop it?!" Gigil niyang sabi sabay hawak ng mariin sa balikat ko. "Hindi
mo kasalanan ang nangyari, Lance. Hindi mo ba narinig ang sinabi ng doktor?
Nagkaroon ng cervical insufficiency ang asawa mo kaya siya dinugo-

"Na kung naagapan ko lang sana, hindi sana nawala ang anak ko,

Simon! lyon ang sinabi ng doktor, 'di ba? Kung naampat agad-"

"Yes, sinabi niya iyon. At sa tingin mo ba, naniniwala ako na ginusto mong mangyari
iyon? Kilala kita, Lance! Ang pabayaan ang kapatid ko ang kahuli-hulihan mong
gagawin." Mataas ang tono na sabi niya.

"Tigilan mo na ang paninisi sa sarili mo. Walang may gusto ng nangyari. Walang may
gusto na mawala ang anak ninyo dahil lahat tayo ay sabik at excited sa pagdating
niya! Ang kailangan mong gawin ngayon ay lakasan ang loob mo dahil ngayon ka mas
kailangan ng asawa mol Halos sigawan na niya ako ng mga sandaling 'yon.

"Pare-pareho tayong nasasaktan ngayon, Lance. Ngunit higit kanino man mas dobleng
sakit para kay Sheena ang nangyaring ito, mas doble ang sakit sa kaniya ng
pagkawala ng baby ninyo. Kailangan ka niya ngayon, pumiyok ang boses ni Simon nang
sabihin iyon.

Hindi ko napigilan ang muling paglandas ng mga luha ko. Ang sakit. Hindi ko
matanggap na sa isang iglap nawala ang anak na pinaka aasam ko. Ang anak na
pinangarap ko sa piling ni Sheena.

Ang sakit. Pero tama si Simon, mas masakit ito kay Sheena at hindi ko alam kung
paano sasabihin sa kaniya na wala na ang anak namin. Hindi ko yata kayang sabihin
sa asawa ko ang napakasakit na balitang ito.

Habang tahimik na umiiyak sa isang tabi ay may naramdaman akong umupo sa tabi ko
sabay tapik sa likod ko.

"I'm sorry for your lost, bro."

Napatingin ako kay Joven. "Ang sakit, Jo. Ni hindi ko man lang siya nahawakan..."
nabasag ang boses ko.

"Masakit talaga iyan pero laban lang. Gano'n talaga, hindi natin kontrolado ang mga
bagay-bagay dahil tanging Siya lamang ang nakakaalam sa plano Niya sa bawat isa sa
atin. Magtiwala lang tayo sa kung ano ang plano Niya." Napasinghot din ito
kapagkuwan at inakbayan

ako.

"Laban lang, bro. Nandito lang kaming lahat para sa inyong mag-asawa. Si Made at
Kristine parating na rin iyon. Naipit lang daw sila sa traffic pero on the way na,"
aniya pa.

"Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Sheena 'to, Jo. Baka hindi niya matanggap-"

"Tutulungan natin siyang tanggapin. Wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang
nangyari. Baka may mas magandang plano si Lord sa inyo."

Plano? Ano nga bang plano Niya sa amin at binawi Niya agad ang anak ko? Bakit hindi
tatapos ang pagsubok sa akin? Kulang pa ba ang lahat ng sakit at hirap na
pinagdaanan ko? Kulang pa ba? Kasi durog na durog na ako, Diyos ko.

Ang daming tanong sa isip ko ngayon. Mga tanong na hindi ko alam ang sagot kung
kailan ba matatapos ang lahat ng sakit na nararanasan ko? Pakiramdam ko, ang malas-
malas ko at pati si Sheena ay nadamay sa mga kamalasan ko sa buhay.

Isang tapik sa hita ang pumukaw sa naglalakbay kong isip. Si Joven at itinuro si
Simon na nakatayo sa harapan namin.

"Pinapatawag ka ni Dok. Ibibigay yata sa 'yo lyong anak mo. Nabasag ang boses ni
Simon sabay tingala.

Inalalayan akong tumayo ni Joven hanggang sa makalapit sa pintong Itinuro ni Simon.

"Pasok na tayo," ani Simon.


Walang imik na pumasok kami sa silid na iyon. Kaagad kong nakita si Dok. Hindi ko
napigilan ang mapasigok nang makita ang isang maliit na jar na hawak niya na may
laman sa loob.

"Ito iyong baby mo, Mr. De Asis," aniya sabay abot ng jar.

"Oh, God! Ang baby ko..." awtomatikong naglaglagan na naman ang mga luha ko nang
makita ang anak ko.

Baby na siya. Maliit pero baby na siya. Oh, God!

"14 weeks na siya kaya baby na siya. Unti-unti na siyang nade-develop."

Napahagulhol ako habang yakap-yakap ang garapon na pinaglalagyan ng anak ko.

"I'm so sorry, Mr. De Asis. We did our best to save the baby. But please, be strong
because your wife needs you. Hindi ito magiging madali para sa asawa mo pero sa
tulong ninyong lahat makakabawi rin siya."

Tumango ako.

May mga sinabi pa ang doktor pero hindi ko na mas'yadong pinagtuunan ng pansin.
Yakap-yakap ko lamang ang anak ko hanggang sa makalabas kami ng silid na iyon.

Ang sakit.

"Magpakatatag ka, bro." Dinig kong sabi ni Joven na hindi umalis sa tabi ko.

Mayamaya ay may isang nurse na lumabas mula sa emergency room at sinabing gising na
raw ang asawa ko.

Hindi ako kumilos para pumasok at puntahan ang asawa ko. Parang hindi ko kayang
sabihin na wala na ang anak namin. Hindi ko kayang

makitang nasasaktan ang asawa ko. Hindi ko kaya...

GIRLONFIRE28

#vote Thank you sa inyong lahat, lablab muahhh

17

Chapter 38

Chapter 38

LANCE POV
"Lance, halika na." Naulinigan kong tawag sa akin ni Simon pero hindi pis rin ako
kumilos

Tila napako na ang mga paa ko sa kinatatayuan ko habang titig na titig pa rin sa
anak ko na nasa loob ng jar.

"Lance, kailangan ka ni Sheena. Puntahan mo na siya, pagtataboy si Joven sa akin at


saka ako itinulak palapit sa pintuan.

Nang buksan ni Simon ang pintuan ay muli akong napatigil, saka napaatras ng dalawa.

"Lance, ano ba?" Si Joven, parang naiinis na siya sa akin.

Napilitan akong humakbang pabalik sa tabi ni Simon, sabay abot sa kaniya ng anak
ko. Ayoko sanang bitawan ang anak ko pero hindi ko kayang dalhin kay Sheena ang
wala nang buhay naming anak.

"Puwede bang sa 'yo muna ang anak ko?" Pumiyok na naman ang boses ko.

Pakiramdam ko may malaking bato ang nakadagan sa dibdib ko ngayon. Ang bigat.
Sobrang bigat.

Puno ng ingat na kinuha ni Simon sa nanginginig kong mga kamay ang garapon.

"Pumasok ka na sa loob, iingatan ko 'tong pamangkin ko." Binigyan ako ng pilit na


ngiti ni Simon at pagkuwa'y mabilis na tumingala.

"Pasok na, Lance. Dito lang kami ni Simon sa labas. Kami muna ang bahala sa anak
mo." Si Joven at binigyan din ako ng pilit na ngiti.

"Salamat." At bago tuluyang pumasok ay inayos ko muna ang sarili ko.

Pagpasok ko ay kaagad kong nakita si Sheena, seryoso silang nag-uusap ni Mama


Elena.

"Ma, bakit hindi kayo sumasagot? Bakit ayaw niyong sabihin sa akin na okay kami ng
anak ko?"

Tila may punyal na tumarak sa dibdib ko nang marinig ang basag na boses ni Sheena.

"Ma, ang baby ko? Okay lang kami, 'di ba? Okay lang siya, 'di ba?" Nagsimula nang
manginig ang boses niya habang hawak sa

magkabilang braso si Mama Elena.

Napatingin sa gawi ko si Mama Elena, marahil naramdaman niya ang presensya ko.

Lumapit siya sa akin at malamig akong tiningnan sa mga mata ko

"Ikaw na ang magsabi sa anak ko. H-Hindi ko kayang makita na madurog ang anak ko,
Lance. Hindi ko kayang sa akin manggaling na wala na ang anak niya. Na w-wala na
ang b-baby niya... humikbi si Mama. "Isang bangungot sa isang ina ang mawalan ng
anak, Lance. Hindi ko kayang makitang madurog ang anak ko..."

"I'm sorry, Ma..." paghingi ko ng tawad. Kahit wala siyang sabihin, nararamdaman ko
na sinisisi niya ako dahil hindi ko agad nadala sa hospital si Sheena.
At hindi ko siya masisisi.

"H-Hindi ko alam kung paano matatanggap ng anak ko ang nangyari, Lance. Sabihin mo
na dahil kanina pa siya nagtatanong." lyon lang at tuluyan nang lumabas si Mama.

"L-Lance, ang anak natin? L-Ligtas naman siya, 'di ba?" Umaasam na tanong niya
paglapit ko pa lamang.

Hinila niya ako sa kamay. "Lance, bakit ayaw mo ring sumagot? Ang anak natin, okay
naman siya, 'di ba?"

Hindi ko magawang ibukas ang bibig ko para sumagot. Tila may nakabara sa lalamunan
ko.

Inabot ni Sheena ang kamay ko at pinisil. Nagsusumamo ang kaniyang mga mata.
"Lance, please? What happened?"

"I-I'm sorry... I-I'm so sorry..."

"B-Bakit? Bakit ka nag-so-sorry? W-Wala na ba s-siya? L-Lance, ang baby natin..."

Tila paulit-ulit na sinaksak ang dibdib ko nang magsimulang maglandas ang mga luha
ni Sheena. Bawat patak ng luha niya ay nag-iiwan ng ibayong sakit sa dibdib ko.

It's all my fault! Damn it! Dinamay ko pa siya sa mga kamalasan ko sa letseng buhay
ko na 'to!

"Lance, hindi naman siya nawala, 'di ba?" Nakangiti siya habang patuloy na tumutulo
ang mga luha.

Napahagulhol na lamang ako nang haplusin niya ang sariling tiyan at paulit-ulit na
sinabi na buhay ang anak namin. Na nasa tiyan pa niya ang

baby namin..

"Buhay siya, 'di ba? Nandito pa siya, 'di ba? Lance, 'di ba? Di ba?r" Sumigaw na
siya at nag-hysterical. "Lance, sumagot ka? Sabihin mong buhay pa ang anak natin!
Sumagot kar

"I'm sorry I'm so sorry, baby."

"No! Hindi ko kailangan ang sorry mo. Ang gusto kong marinig ay buhay ang anak ko!
Buhay ang anak ko, Lance! Buhay siya...buhay!"

Awang-awang niyakap ko nang mahigpit ang asawa ko. Pilit siyang kumakawala pero mas
hinigpitan ko ang yakap ko.

"Lance... ang anak natin. Hindi ko kaya..." Humihikbing anas niya habang mahigpit
na nakakapit sa braso ko. Na para bang sa akin siya kumukuha ng lakas. Sa isiping
'yon, pinilit kong supulin ang pag-iyak ko.

"Sshh... tahan na. Tama na, baby, tama na." Pag-aalo ko sa kaniya.

"Bakit? Bakit ang anak ko, Lance? Bakit ang anak ko..." sa bawat hagulhol ni Sheena
ay mas lalo akong nasasaktan.
Damang-dama ko ang sakit at hinagpis niya sa pagkawala ng anak namin. Umiyak siya
nang umiyak sa dibdib ko. Wala akong nagawa ng mga sandaling 'yon kundi ang yakapin
siya nang mahigpit.

Hindi ko siya binitawan hanggang sa unti-unting humina ang pag-iyak niya. At


binundol ng matinding takot ang buong pagkatao ko nang lumungayngay ang ulo ni
Sheena.

"Sheen! Sheena, baby! Hey!" Tinapik-tapik ko ang pisngi niya pero hindi siya
dumilat.

Napansin ko na nawalan ng kulay ang mga labi niya.

"Dok! Nurse, Dok!" Malakas na tawag ko. Kaagad naman kaming dinaluhan ng dalawang
nurse.

Tinulungan nila akong ihiga nang maayos ang asawa ko sa hospital bed. Kaagad nilang
cheneck ang blood pressure ng asawa ko at kung anu-ano pa.

"What happened?" Aligaga kong tanong.

"Normal naman po ang vital signs ng pasyente. Nawalan lang po ng malay ang asawa
niyo, Sir."

Medyo nakahinga ako ng maayos nang marinig iyon.

"Hayaan po muna natin siyang makapagpahinga, Sir. lyong mga ganiyang miscarriage ho
ay parang panganganak din. Kung minsan ho

Napasinghot ako. "H-Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko, Made, Tine. K-
Kung nadala ko lang siya agad, baka hindi nawala ang anak namin. Baka hindi
napahamak ang anak ko" Puno ng hinagpis ang boses ko.

Sobrang sakit lang.

"Pakiramdam ko, nadadamay sa kamalasan ko ang asawa ko. Simula nang maglakas-loob
ako na sabihin sa kaniya na mahal ko siya, ang dami nang nangyari. Wala pang isang
taon ang kasal namin pero sobrang dami ng sakit na pinagdaanan ni Sheena sa piling
ko. At natatakot ako na baka isang araw, magising na lang siya na puno ng pagsisisi
ang puso niya dahil sa akin. Baka pagsisisihan niya na minahal niya ako... baka
iwanan niya ako dahil sa mga kamalasan ko."

At lyon ang isa sa ikinakatakot ko. Ang ma-realize niyang malas ako sa buhay niya.

Nakikisimpatyang sabay na niyakap nila akong dalawa. Madami pa silang sinabi sa


akin para pagaanin ang loob ko ngunit tila hindi sapat iyon upang maibsan ang sakit
at pagdadalamhati na nadarama ko sa pagkawala ng anak namin.

Mayamaya ay nagpaalam ang dalawa na lalabas muna. Naiwan ako sa tabi ng asawa ko.
Hinayaan ko siyang makapagpahinga. Marahil dala ng pagod at stress, nakaidlip din
ako sa pagkakayupyop sa gilid ng kama.

NAALIMPUNGATAN ako nang marinig ko ang mahihinang hikbi. Kaagad akong napatuwid ng
upo. May kung anong kirot na naman sa dibdib ko nang mapagtanto na si Sheena ang
humihikbi.

Nakatihaya pa rin siya pero nakabaling sa kabilang direksyon ang mukha niya.
"Sshh, baby" Dumukhang ako para tingnan siya, at pahirin ang mga luha ngunit maagap
siyang umiwas. Ibinaling niya sa ibang direksyon ang mukha niya.

Nasaktan ako pero hindi ako nagpahalata.

"Huwag ka nang umiyak, please? Nasasaktan ako.."

Hindi siya umimik. Tahimik lamang siyang umiyak. Hinayaan ko muna siya dahil hindi
ko na alam kung paano pagagaanin ang loob niya.

"N-Nasaan ang anak ko?" Mayamaya ay tanong niya nang hindi nakatingin sa akin.

Nasasaktan ako dahil parang ayaw niya akong tingnan sa mga mata ko.

"Nasa Kuya mo- Sheena!" Nabigla ako nang bigla siyang bumangon

mas maselan pa dahil nawalan po ng anak. Masakit ho talaga iyan para sa magulang ng
baby lalo na sa nanay kaya more patience ho para sa kaniya," anang nurse na nag-
asikaso sa asawa ko.

Nakikisimpatya siyang tumingin sa akin. "We are so sorry for your loss, Sir.

Tipid ko siyang nginitian at tumango.

"Maiwan ko ho muna kayo, Sir. Huwag po kayong mag-alala, maayos po ang misis niyo.
Hayaan niyo po munang magpahinga."

"Thank you." Pasalamat ko, saka umupo sa silyang nasa tabi ng kamang kinahihigaan
ni Sheena.

"I'm sorry, baby. Patawarin mo ako kung hindi kita agad nadala rito." Kinuha ko ang
kamay niya at ikinulong sa mga palad ko, saka pinaghahalikan.

Makailang ulit kong ginawa iyon at pagkuwa'y pinakatitigan siya. Kahit nakapikit si
Sheena, ramdam ko ang sakit na dala-dala niya sa pagkawala ng anak namin.

Sumubsob ako sa gilid ng kama niya at doon tahimik na umiyak. Nasa ganoong estado
ako nang maramdaman ko ang pagyakap sa akin mula sa aking likuran.

"I'm sorry for your loss, dude! You need to be strong..." boses ni Madeline.

"Nandito lang kami, Lance," boses ni Kristine. Pinagitnaan nila akong dalawa.

Pahikbi ako nang parang batang hinaplos nila ang buhok at likod ko.

"Laban lang, dude. Huwag kang magpapatalo sa sakit, ha?" Si Madeline uli.

"Kailangan ka ni Sheena. Hindi madali 'to dahil alam namin kung gaano ka kasabik na
magkaroon ng anak. Pero siguro, hindi pa 'to para sa inyo ni Sheena. Baka gusto
lang Niya na mas i-enjoy niyo pa ang buhay na kayo lang munang dalawa." Si
Kristine.

"For sure naman bibigyan Niya ulit kayo, eh. Sa tamang panahon, darating uli ang
munting anghel sa inyong dalawa," dagdag pa niya.

"Yes, tama si Kristine, dude. Huwag kang mag-alala dahil nandito kami para sa 'yo.
Tutulungan ka naming maging malakas, Lance. Hindi ka namin hahayaang lumaban na
mag-isa. Lahat ng laban mo, kasama mo kaming apat, ha?"
pero agad ding napahiga.

"Huwag ka munang bumangon. Baka hindi mo pa kaya.. hindi pa kaya ng katawan mo."

Walang buhay niya akong tiningnan. "Gusto kong makita ang anak ko, Lance. G-Gusto
ko siyang makita... bago man lang siya tuluyang m-mawala sa buhay ko..."
kapagkuwa'y impit na umiyak.

"Okay. Kukunin ko lang sandali, ha?" Nang tumango siya ay dali-dall akong lumabas
at nilapitan ang mga kaibigan ko na nakaupo sa waiting area.

Kasama nila ang mga biyenan ko roon.

Si Simon ang unang nakapansin sa akin, sabay tayo nang makita ako. "How is she?"
Agad niyang tanong. "Gising na ba siya?"

Mabagal akong tumango. "G-Gusto raw niyang makita ang b-baby."

"Kaya ba niya? Baka magwala siya, Lance." Pag-aalala ni Simon sa kapatid.

Sunod-sunod akong napabuga ng hangin para umayos ang paghinga ko.

Kinuha ni Simon kay Papa Victor ang jar at iniabot sa akin. "Kailangan mo ba kami
sa loob?"

"Hindi na."

"Are you sure?" Paniniguro niya. "Yeah."

"Okay. Nandito lang kami sa labas." Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko.

Bumalik ako sa loob na dala ang anak namin. Pagkakita pa lamang ni Sheena sa
garapon na yakap ko ay kaagad na siyang humibi. Kitang-kita ko ang sakit na
rumehistro sa mga mata niya nang iabot ko ang garapon at makita ang anak namin sa
loob niyon.

"Oh, God... ang anak ko! Ang anak ko! Ang anak ko!" Malakas siyang napahagulhol ng
iyak habang yakap-yakap ang anak namin.

Para akong pinapatay sa sakit ng mga sandaling 'yon. Nakakadurog ng

puso. lyong sobrang nasasaktan ang asawa ko pero wala akong

magawa upang maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Kung

puwede ko lang akuin ang lahat, ginawa ko na sana.

Chapter 39
Chapter 39

SHEENA POV

PAGKALIPAS ng bente-kuwarto oras ay saka pa lamang ako pinayagan ng doktor na


makauwi sa bahay. Sa hospital kami nagpalipas ng gabi ni Lance. Magdamag akong
umiiyak habang si Lance ay tahimik na lumuluha sa tabi ko.

Hindi kami nag-usap. O mas tamang sabihin na hindi ko siya kinausap dahil sobrang
sakit. Hindi ko alam kung paano tatanggapin na ganito kaagang kinuha at binawi sa
akin ang anak ko. Bago ko pa lang na-i-enjoy ang pagdadalang-tao ko sa anak namin
ni Lance pero binawi agad. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil hindi ko
iningatan ang anak ko.

Ang sakit sa dibdib na hindi ko siya naprotektahan kaya maaga siyang nawala sa
akin.

At sobrang bigat. Sobrang sakit sa dibdib na uuwi ako ngayon sa bahay na wala na
ang anak namin ni Lance. Wala na ang baby ko. Parang kahapon nasa tiyan ko pa
lamang siya pero ngayon, nasa maliit na garapon na lang siya.

Habang nasa sasakyan pauwi, walang patid sa pagtulo ang mga luha ko. Kinabig ako ni
Lance palapit sa katawan niya at mahigpit na niyakap. Pero hindi sapat ang yakap
niya para maibsan ang sakit ng pagkawala ng baby namin.

Impit na pag-iyak ko ang maririnig sa loob ng sasakyan. Si Kuya Simon ang nag-drive
ng sasakyan ni Lance. Katabi niya si Mama sa unahan habang kami ni Lance ay nasa
backseat.

"Lance, ano pala ang plano sa baby?" Dinig kong tanong ni Kuya Simon.

Nagpakawala muna ng buntong-hininga si Lance bago sumagot. Na mas lalo kong


ikinaiyak. Dahil kapag below 24 weeks ang baby nang mawala, hindi pa puwedeng
bigyan ng death certificate. It's considered miscarriage pa rin.

Hinayaan ko silang mag-usap.

Pagdating sa bahay namin ay walang imik na umibis ako ng sasakyan at dumiretso sa


kuwarto ko dala pa rin ang baby ko. Binigyan naman kami ng medical certificate ng
hospital kaya puwede naming ipalibing ang anak ko. But not now. Hindi ko pa kayang
mawala siya nang tuluyan sa buhay ko.

Padapa akong humiga sa kama at doon ay walang tunog na umiyak na naman. Parang may
sariling isip ang mga luha ko na kusang tumutulo kahit pigilan ko.

Habang nakasubsob sa unan, hindi ko mapigilan na humiling na sana panaginip na lang


ang lahat ng ito para paggising ko, kasama ko pa rin ang baby ko.

Baby... napasigok ako.

Nasa ganoong estado ako nang maramdaman ko na bumukas at sumura ang pinto ng
kuwarto. Pero hindi ako nag-abalang lumingon dahil alam kong si Lance ang pumasok.

Mayamaya ay lumundo ang kama, umupo siya roon.

"Dinalhan kita ng pagkain, kumain ka muna," sabi niya.

Hindi ako kumibo. Narinig ko siyang bumuntong-hininga, saka idinantay ang kamay sa
likod ko at marahang hinagod.
"Kailangan mong kumain, Sheena. Baka kung mapa'no ka na, kagabi ka pa walang kain."

"Hindi ako gutom." Walang ganang sagot ko.

"But, baby-"

"Hindi nga kasi ako gutom." Hindi ko napigilan ang bahagyang pagtaas ng boses ko.

Natigilan si Lance at mayamaya ay bumuntong-hininga na naman." Okay. Sabihin mo na


lang kapag nagugutom ka na para mainit ko 'to kapag kakain ka na." Bilin niya, saka
umalis sa tabi ko.

"May aasikasuhin lang ako para sa p-paglilibingan ng-ng anak n-natin." Nabasag ang
boses niya nang sabihin iyon. "Babalik din ako agad." Pagkasabi niya niyon ay
lumabas na siya.

Nang marinig kong sumura ang pinto ay saka ko pinakawalan ang pag-iyak ko. Hindi ko
na kinaya, napahagulhol na ako.

"Ang anak ko... ang anak ko!" Puno ng hinagpis na sambit ko habang nakasubsob sa
mga tuhod ko. Kinuha ko sa tabi ko ang jar, saka ikinulong sa mga bisig ko.
Pakiramdam ko, winawasak ang dibdib ko

ngayon.

Ang sakit. Ni hindi ko man lang naramdaman na gumalaw sa tiyan ko ang anak ko.
Hindi ko man lang naranasan na magulat dahil sa pagsipa niya sa loob ng tiyan ko.
Hindi ko man lang nakita ang unang ngiti niya.

"Bakit kasi ang aga mong nawala, Anak... bakit iniwan mo na agad kami

ng papa mo." Niyakap ko nang mahigpit ang anak ko dahil hindi ko na 'to magagawa sa
mga susunod na araw ng buhay ko. At sa isiping 'yon, kinuha ko ang cellphone ko at
makailang ulit na kinuhanan ng litrato ang baby ko. Dinamihan ko na para kapag miss
na miss ko siya may titingnan ako.

Kumuha rin ako ng litrato na yakap ko siya, mayron ding nakahalik ako sa jar. At
kung anu-ano pang posisyon at anggulo.

Nasa huling shot na ako nang bumukas ang pinto, sumugaw roon si Mama.

Binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti bago sinabihan na pumasok

"Ma

"Anak."

Panabay na sambit namin ni Mama at pagkuwa'y niyakap ako. Muling naglandas ang mga
luha ko.

"Sshh... tahan na anak." Pag-aalo niya. Ramdam ko ang nginig sa boses ni Mama pero
hindi siya umiyak. "Alam kong masakit pero kailangan nating tanggapin ang
nangyari."

"A-Ang sakit lang kasi, M-Ma..."

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo dahil nanay din ako. At bilang nanay mo,
masakit sa akin na makita kitang ganito."

Niyakap ako ni Mama nang mahigpit bago siya muling nagsalita."

Nandito lang kami ng papa mo. Nariyan din ang asawa at Kuya Simon mo. Hindi ka
naman nag-iisa sa laban mong ito, eh, dahil nandito kami na pamilya mo."

"Magluksa ka ngayon, pero dapat alam mo kung kailan ka babangon. Hindi pa dito
natatapos ang buhay mo, Anak. Marami ka pang haharapin sa buhay at dapat palagi
kang malakas. Isipin mo na lang na isang anghel na ang anak mo ngayon, palagi
siyang nakabantay sa 'yo, Anak."

Napasigok ako. Ayoko munang magsalita dahil lalo lang sumasakit ang dibdib ko.

"Hindi ko alam kung bakit maagang kinuha ang apo ko sa atin. Lahat naman tayo hindi
alam ang tamang sagot, eh. Pagdating ng araw, masasagot ang tanong natin kung
bakit. Marahil may ibang plano si Lord sa inyong mag-asawa kaya ganoon. Baka mas
maganda iyong plano Niya kaysa sa plano ninyong mag-asawa, Anak. Maaaring gano'n,
hindi natin alam."

"Hindi ko naman Siya kinukwestiyon, Ma, kung bakit kinuha Niya ang

anak ko. Pero hindi ko mapigilang magdamdam kasi sinasaktan Niya ako nang ganito."
Napahikbi ako.

"Sshh... tahan na, Anak. Nandito lang ako...

Ilang sandali pa akong nakakulong sa mga bisig ni Mama bago ako humiwalay sa
kaniya. Niyaya ko siyang mag-selfie kasama ang baby ko. Pinagbigyan naman ako ni
Mama. Nakailang take din kami bago siya nagpaalam sa akin na lalabas muna para
ikuha ako ng pagkain. Hindi na ako tumutol dahil ayoko rin namang sobrang mag-
aalala sa akin ang pamilya ko.

Hindi naman nagtagal ay bumalik din si Mama dala ang tray na dala rin ni Lance
kanina.

"Kumain ka muna, Anak. Kailangan mong kumain para bumalik ang lakas mo."

Tumango ako at nagsimulang kumain. Hindi ko pa napag ngangalahati ang pagkain ay


umayaw na ako. Hindi naman na ako pinilit ni Mama dahil kahit papa'no may laman na
ang tiyan ko.

Pagkatapos kong kumain ay sinabi ko kay Mama na gusto ko munang mapag-isa. Hinayaan
niya ako at sinabi na tawagin ko na lamang siya kapag may kailangan ako.

Ilang sandali pa akong nagmukmok bago nagpasyang matulog para kahit papa'no ay
makalimutan ko muna ang bangungot na 'to sa buhay ko.

Mabilis naman akong nakatulog. Hindi ko alam kung gaano katagal ang naging tulog
ko, basta nang magising ako ay nag-aagaw dilim na sa labas.

Babangon sana ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Lance.

"Gising ka na pala, gusto mong kumain?" Malumanay niyang tanong, tila nananantiya.

"Kumain na ako kanina."


May dumaang sakit sa mga mata ni Lance. "That's good. Kailangan mo iyon para
mabilis bumalik ang lakas mo."

Tumango lang ako, saka bumalik sa pagkakahiga patalikod sa kaniya.

Naramdaman ko na lumundo ang kama at pagkuwa'y yumakap ang braso niya sa beywang
ko. Isiniksik niya ang mukha sa likod ng ulo ko. Habang nasa ganoong posisyon kami,
ramdam ko ang mabigat niyang paghinga pero hindi ako nagsalita.

Kapuwa kami tahimik na tila ba nagpapakiramdaman.

"Baby" Sambit niya kapagkuwan, Hindi ako sumagot.

Narinig ko siyang suminghot. Alam ko na kagaya ko, nasasaktan din siya ngayon.
Dapat pinapalakas ko ang loob niya ngayon, dapat sabihan ko siya na maging malakas,
matapang at matatag. Pero paano ko gagawin lyon kung ako mismo sa sarili ko ay
hindi yata kayang maging malakas ngayon. Pakiramdam ko, nawawala ako at hindi
magawang makabalik sa dapat ay nandon ako. Ang hirap maging matapang ngayon dahil
aminado ako na ito na yata ang pinakamasakit na nangyari sa buong buhay ko.

lyong mawalan ka ng kaanak ay sobrang sakit na, ito pa kaya na mismong anak ko ang
nawala sa akin.

"I'm sorry... I-I'm so sorry." Dinig kong sabi ni Lance.

Nag-uunahan na namang naglandas ang mga luha ko. Nanatili akong walang kibo at
nakatalikod sa kaniya.

"Sana hindi ako nag-panic. S-Sana nadala kita agad. S-Sana naampat agad ang
pagdurugo mo... at sana hindi nawala ang anak natin. Ang daming sana... pero dahil
sa akin, wala. W-Wala na ang baby natin. And I'm so sorry...I'm sorry, baby."

"H-Hindi mo kasalanan iyon." Tanging nasabi ko at pumihit paharap sa kaniya, saka


siya niyakap.

Pareho kaming napahagulhol habang magkayakap. At habang yakap niya ako ay sorry
lang siya nang sorry sa akin.

KINABUKASAN, muling nilukob ng walang kapantay na sakit ang puso ko dahil kailangan
na naming ilibing ang anak ko.

lyak ako nang iyak habang yakap ang baby ko. Ayoko pa siyang bitawan kahit kinukuha
na siya ni Kuya Simon sa akin.

"Kuya, sandali lang... gusto ko pang makasama ang baby ko." Napahagulhol na naman
ako.

Parang winawasak sa sobrang sakit ang buong pagkatao ko.

"Kailangan na natin siyang ilibing, bunso."

"Alam ko! Pero gusto ko pang makasama ang anak ko, Kuya. I-Ibalato mo na sa akin
'to, please? Ngayon ko na lang siya makakasama, eh... ngayon na lang."

Puno ng simpatya na tumango si Kuya at hinayaan muna ako na yakapin ang baby ko.
Habang si Lance nama'y yakap ako mula sa likuran ko, kagaya ko umiiyak din siya.
Pagkalipas ng ilang minuto pa, wala na akong nagawa nang muling kunin ni Kuya Simon
sa akin ang baby ko. Ayaw ko man pero kailangan na siyang ilibing.

Walang tigil sa paglandas ang mga luha ko habang inilalagay ni Kuya Simon sa maliit
na nitso ang anak ko.

Napahikbi ako nang tuluyang sarhan ni Kuya iyon. Mahigpit akong napayakap kay
Lance.

"Ang baby ko... Lance, ang baby ko!"

"I'm sorry. I'm sorry, baby." Sambit niya habang yakap-yakap ako. "Kung puwede ko
lang akuin ang lahat ng sakit gagawin ko para hindi ka nasasaktan nang ganito,"
garalgal ang boses na aniya.

Ilang minuto pa kaming nagtagal sa private cemetery na iyon kung saan pinayagan na
mailagak ang baby ko. Mabuti nga, nagawan ng paraan ni Lance at ni Kuya kaya
nabigyan namin ng maayos na tahanan ang anak ko.

Habang sakay kami ni Lance sa sasakyan niya na minamaneho ni Kuya pauwi ay wala
kaming imikan sa backseat. Magkahawak-kamay kami pero walang salitang lumabas sa
mga bibig namin. Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa bahay ng mga magulang
ko.

Pagkatapos naming ilibing ang anak ko, maghapon akong walang kibo at hindi
makausap. Nasa kuwarto lang ako, nakahiga.

Gusto kong tanggapin pero hindi madali. Hindi madaling tanggapin na kahit kailan
hindi ko na makikita at makakasama ang anak ko.

APAT na araw ang lumipas pagkatapos mailibing ng anak ko ay bumalik kami ni Lance
sa hospital para sa follow up check up ko.

Sasamahan sana ako ni Lance sa loob ng opisina ng doktor na nag-check up sa akin


pero nakiusap ako sa kaniya na ako na lang. Nag-aatubili man ay pumayag din siya sa
pakiusap ko.

Kinausap ko ng sarilinan ang doktor. Ang buong akala ko, kapag nakausap ko na siya
ay mababawasan ang bigat ng dibdib ko pero hindi pala, dahil kabaliktaran ang
nangyari. Mas lalong bumigat.

"May mga paraan pa naman, Misis. Iyong mga sinabi ko, mga possibilities lang iyon,
pero kung mas magdo-doble ingat tayo, pupuwede naman," pagbibigay assurance niya.

"Pero pupuwede rin na mawala na naman, 'di b * a deg

"Misis-"

"No. I can't." Matigas na sabi ko at padaskol na tumayo "Just keep it between the
two of us, Dok."

Nakakaunawang tumango ang babaeng doktor.

"Thank you." lyon lang at lumabas na ako ng opisina niya.

Kaagad tumayo si Lance nang makita ako. "Are you okay?"


"Yes. Let's go."

Nagahol pa sa pag-aalalay sa akin si Lance hanggang sa makasakay kami ng sasakyan


niya.

GIRLONFIRE28

#vote Thank you mga langga! Well-appreciated po kayo ni GIRLONFIRE28 Muahhh

Chapter 40

Chapter 40

LANCE POV

"ANONG ginagawa mo rito?"

Natigilan ako sa pagsasalin ng alak sa baso nang marinig ko ang boses ni Simon mula
sa likuran ko. Narito ako sa kubo na palagi naming tinatambayan na magbabarkada sa
tuwing narito kami sa kanila noon. At ngayon, dito pa rin ang favorite spot ko
dahil tanaw ang bintana ng kuwarto ng asawa ko.

"Shot tayo, bayaw," alok ko sabay abot sa kaniya ng basong sinalinan ko ng alak

Hindi niya tinanggap iyon, nakatingin lamang siya sa akin.

"Bakit gabing-gabi gising ka pa? At nag-iinom ka pang mag-isa, seryoso niyang puna.

Nagkibit-balikat lamang ako at tinungga ang laman ng baso na hindi niya ininom.
Napangiwi ako nang gumuhit ang init niyon sa lalamunan ko.

"Enough." Akma akong magsasalin uli nang agawin ni Simon sa akin ang baso at siya
mismo ang nagtagay sa sarili niya at uminom. Tatlong sunod na tagay ang ininom
niya.

Bumalot ang nakabibinging katahimikan sa pagitan namin ni Simon. Tanging mga huni
ng kuliglig ang aming maririnig.

Frustrated na napahilamos na lamang ako sa aking mukha. Halo-halong emosyon na kasi


ang nasa dibdib ko nitong mga nakaraang araw. Isang linggo na matapos mailibing ng
anak namin at isang linggo na rin na parang walang gana sa buhay si Sheena. Palagi
lang siya sa kuwarto namin, nakahiga, tulog, at umiiyak. At alam ko naman na dahil
iyon sa pagkawala ng anak namin. Nag-aalala rin ako dahil pati sa pagkain ay
nagpapabaya na siya. At mas lalo akong nasasaktan at nakokonsensya na wala man lang
akong nagawa kapag nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi na umiiyak siya nang
palihim.
Ang sakit na makita siyang gano'n, at hindi ko naman siya masisisi dahil ayon sa
doktor ay normal iyon sa isang babae lalo na kapag nakukunan. Na may mga sandali
raw na kapag nakunan ang babae ay sinisisi ang sarili nila dahil sa pagkawala ng
baby.

Normal daw kay Sheena na maramdaman iyong guilt, pagkalungkot at kung minsan nga
raw nagiging magagalitin pa. At kung nagi-guilty siya sa pagkawala ng anak namin,
ano pa ako? Na nandoon sa tabi niya ng mga oras na iyon pero hindi ko siya agad
nadala sa hospital.

Damn it! Pagmumura ko sa isip ko sabay tagay at sunod-sunod na nilagok.

"What happened?" Mayamaya ay tanong ni Simon.

"Nag-aalala ako sa kapatid mo." Walang paligoy-ligoy na sagot ko. "Hindi ko na alam
kung anong comfort ang gagawin ko dahil hindi rin niya ako mas'yadong
pinagkakausap, bayaw. Mas gusto niyang mapag-isa muna. Can't you see? Magdadalawang
linggo pa lang pero ang laki na nang ibinagsak ng timbang niya? Nag-aalala ako sa
kaniya. And at same time, nami-miss ko na siya," pumiyok ang boses ko dahil sa
huling sinabi ko.

Yes, damn it! I miss her! I miss my wife! I miss my comfort zone! I miss my home!
Home dahil siya ang tahanan ko.

Bumuntong-hininga ito bago nagsalita. "Hayaan mo, bukas kakausapin ko siya. Hindi
ko siya puwedeng pagalitan sa ginagawa niya dahil naiintindihan ko siya ngayon.
Alam mong mahal na mahal ko iyang kapatid ko, at nasasaktan din kami sa ginagawa
niya ngayon sa sarili niya."

Hindi ako nagsalita. Muling namayani ang katahimikan.

"Eh kung magbakasyon kaya kayong dalawa?"

Napatingin ako sa kaniya.

"Baka kailangan niyo iyon para magkaroon kayo ng solo time. Pumunta kayo sa lugar
na magiging masaya kayo pareho. Sa lugar na kahit papa'no gagaan ang pakiramdam
ninyong dalawa. You know what, kailangan niyo iyon dahil mas'yado na kayong
malungkot nitong mga nakaraan."

"lyan din ang naisip ko, bayaw. Pero hindi ko masabi kay Sheena dahil hindi ko pa
matantiya ang mood niya. Nahihirapan akong hulihin ang mood niya lately lalo na't
hindi siya masyadong nagsasalita sa akin," kuwento ko.

"Kahit gabi-gabi kaming magkasama sa kuwarto niya, hindi kami nag-uusap, eh. I
tried to start a conversation pero ramdam ko na ayaw niya. Na mas gusto niyang
matulog kaysa ang kausapin ako and I hate it! Pakiramdam ko, wala akong kwenta,
eh."

Napamura si Simon habang umiling-iling.

"Gusto ko siyang tulungan to overcome this hard situation, gusto kong iparamdam na
nandito ako para sa kaniya. Pero sa tuwing ilalapit ko

ang sarili ko, lumalayo siya."

"Galit ka sa kaniya?"
Marahas akong umiling. "No! Of course not. Naiintindihan ko naman siya pero hindi
ko maiwasang masaktan dahil sinasarili niya lahat. Kaya nga kami mag-asawa, 'di ba?
Dapat magkatuwang kami sa lahat ng ito, magkaramay, magkasangga at kapit-kamay.
But-damn it!"

"Lance."

"I hate it! Dahil pakiramdam ko, unti-unti na siyang bumibitaw sa mga kamay ko,
Simon!" Nabasag na nang tuluyan ang boses ko.

Wala eh, for the fast days. Ngayon ko lang nasabi sa kaniya ang nararamdaman ko.
Dahil sa lahat ng tao, alam ko na si Simon ang isa sa makakaintindi sa akin ngayon
maliban sa iba pa naming barkada.

Tumingala ako upang supilin ang pagtulo ng namumuong mga luha ko. Sunod-sunod akong
bumuga ng hangin para pagaanin ang dibdib ko na kanina pa naninikip.

"Magbakasyon kayong dalawa."

Napatingin ako kay Simon.

"Kung hindi ka makapag-isip kung saan kayo pupunta, ako na ang gagawa para sa inyo.
By next week kayo umalis. Kausapin mo na si Sheena at ako na ang bahala sa
pupuntahan ninyong mag-asawa. And please, sana mag-usap na kayo nang maayos. And
I'm hoping na pagbalik niyo, okay na kayong dalawa," aniya.

"I love you two, nasasaktan din ako dahil hindi kayo okay ngayon. And please,
Lance, sa pagbabakasyon niyo, aminin mo na rin sa kaniya na okay na ang alaala mo.
Na bumalik na lahat para alam na rin niya. Wala naman na tayong dapat ipag-alala
dahil wala na sa landas mo ang kapatid mo, 'di ba? Nakakulong na siya dahil
napatunayan na natin na siya ang mastermind sa pagsira ng brake ng sasakyan mo ng
araw na iyon."

Nag-alangan ako.

"Sa tingin mo ito ang tamang pagkakataon? Baka lalo siyang ma-stress dahil kay
Lander."

"Tantyahin mo na lang ang mood niya kapag nasa bakasyon na kayong dalawa. Basta,
huwag mo nang patagalin iyan. I-assure mo na lang na hindi na siya malalapitan ng
kapatid mo dahil nakakulong na siya at titiyakin natin na hindi na siya makakalabas
na hayop siya!" Umigting ang panga ni Simon dahil doon.

"Ako mismo ang gagawa ng paraan para hindi na makalabas ang hayop na iyon, Lance.
Pvtang'na niya. Baliw na iyang kapatid mo, eh. Sana siya na lang ang nawala at
hindi ang anak mo! Oh, God. Patawad po... nagiging makasalanan ako kapag napag-
uusapan iyang kapatid mo, buwisit!" palatak pa niya.

Napangiti ako kahit lumuluha.

He's the best best friend in the world. Napakasuwerte ko sa kaniya at sa ibang
barkada. Mas naging intact kami sa isa't isa nang malaman nila ang panggugulo ni
Lander. Lalo na ngayon na may pinagdadaanan kaming mag-asawa. They're always have
time for me. Kahit gaano sila ka-busy palaging may isa sa kanila na available para
makausap ko.

Sa kanila ko natagpuan ang isang pamilya. They're my family.

"Thank you for everything, Simon. Habang-buhay kong tatanawing utang na loob sa
iyo, sa inyo ang lahat ng ito. Lalo na ang pagtulong mo sa akin na mahuli si
Lander." Napakurap ako para pigilan ang paglandas ng luha ko.

Bago pa man kasi bumalik ang alaala ko ay gumagawa na pala ng sariling


imbistigasyon si Simon sa kaso ko. Nalaman ko iyon nang bumalik ang alaala ko dahil
malaki na pala ang progress sa kaso. Mas napadali lang ang pagdakip kay Lander
dahil napatunayan ko na siya ang huling taong kausap ng lalaking nahuli na sumira
sa brake ng sasakyan ko kaya nawalan ako ng preno ng araw na iyon dahilan para
maaksidente ako. And thanks to Simon na hindi niya ako pinabayaang mag-isa.

Thanks to my best friend....

DALAWANG araw pagkatapos naming mag-usap ni Simon ay sinunod ko siya sa payo na


magbakasyon muna kami ni Sheena para magkaroon ng solo time.

Kabado ako habang mabagal na lumalapit sa asawa ko na nasa kubo at may kung anong
pinagkakaabalahan.

Nang makalapit ako, hindi niya naramdaman ang presensya ko. Pumwesto ako sa likuran
niya at halos madurog ang puso ko nang makita ko kung ano ang pinagkakaabalahan
niya. Nakatingin siya sa album na pinagawa niya kay Simon. Album na puro picture
nila ng baby namin na nasa maliit na garapon.

Parang nilamukos ang puso ko lalo na nang mabasa ang cover na plastic. Tumutulo na
pala ang mga luha ni Sheena. Walang tunog siyang umiiyak habang titig na titig sa
mga larawan sa album. Parang pirnagpira-piraso ang puso ko sa sakit dahil sa
nakikitang sitwasyon ni Sheena.

"Oh, God!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mula sa likuran ni Sheena ay
mahigpit ko siyang niyakap.

Doon na nagkaroon ng tunog ang pag-iyak niya, saka sumandal sa dibdib ko. Wala
akong magawa kun'di halikan nang halikan ang ulo niya at yakapin nang sobrang
higpit.

"Sshh! Baby, sshh, tahan na, please..."

Sumigok siya at luhaang tumingin sa akin. "Ang sakit pa rin, Lance..."

"Sshh... alam ko. Alam ko iyon, pero tama na, ha? Nandito lang ako, baby. Nandito
lang ako, ibigay mo sa akin ang lahat ng sakit sa dibdib mo. Ibigay mo na lang sa
akin lahat..."

Ilang sandali ko siyang inalo bago tuluyang tumahan. Mugto na ang mga mata niya.

Tinabihan ko siya at muling niyakap. Ilang minuto kami sa ganoong posisyon.

"Baby" Tawag ko mayamaya.

"Hmm?"

"Let's take a vacation? Somewhere. lyong tayong dalawa lang tapos parehong
mapapatanag ang kalooban natin. I want us to relax sana, eh." May halong pakiusap
na sabi ko.

Natigilan siya at hindi agad nakahuma.

"Please? Para ma-relax ka at ako. Na-miss ko nang makita ang masayang mukha mo, eh.
I missed you...." Pag-amin ko. Hindi pa rin siya sumagot.
"Baby-"

"Sige."

Nabuhayan ako ng loob nang marinig ang naging sagot niya.

"Thank you, baby." Saka pinaliguan ko ng maliliit na halik ang noo at ulo niya
hanggang sa dumako sa mukha niya.

Nagtama ang mga mata namin. Puros kalungkutan ang mababasa sa mga mata niya.

"I love you, Sheena. You're not just my wife. You're my home, my peace, my
happiness. You're my safe place, baby.."

"love you too."

Napangiti ako nang kusa siyang yumakap sa akin. Walang pagdadalawang-isip na


gumanti ako ng yakap sa asawa ko.

You're my home, baby... I'm glad to be home...again.

GIRLONFIRE28

#vote# You're my home. my safe place...awaaw ikaw na talga Lance. Good morning mga
langga.

Chapter 41

Chapter 41

SHEENA POV

MALIWANAG na sa labas pero nakahiga pa rin ako at tamad na tamad bumangon.


Paggising ko kanina, wala na sa tabi ko si Lance. Baka umalis o baka nasa labas
lang, hindi ko alam.

Alam ko na hindi na healthy ang ginagawa ko sa sarili ko pero hindi ko alam kung
paano ulit magsisimula. Minsan, umaasa pa rin ako na baka panaginip lang ang lahat
ng ito. Na hindi totoo na wala na ang anak ko, pero kahit anong asa ko, wala. Dahil
araw-araw paggising ko, sinasampal ako ng reyalidad na wala na ang anak ko at wala
na akong magagawa kundi tanggapin iyon.

Na sana nga gano'n lang kadaling tanggapin. Na sana nga paggising ko kinabukasan,
okay na ako. Pero ang hirap, eh. Sobrang bilis ng lahat, hindi ako handa sa ganito.

Alam ko rin na sinisisi ni Lance ang sarili niya, at gano'n din ako sa sarili ko
dahil hindi ako naging maingat. Kahit pilitin ko na bumalik sa dati, parang ang
hirap na. Mahirap nang bumalik lalo na't alam ko na hindi na magiging madali sa
akin ang mabuntis uli. Yes, iyon ang sabi ng doktor ko noong huling usap namin.
Sabi niya, may problema daw ako sa cervix, at iyon ang dahilan kung bakit ako
nakunan. Cervical insufficiency, iyon daw ang tunay na dahilan kung bakit ako
dinugo ng araw na iyon. At kahit hindi niya ipinaliwanag sa akin kung ano ang ibig
sabihin niyon ay alam ko na iyon.

At alam ko na kung sakaling mabuntis ako uli, malaki ang posibilidad na maulit ang
nangyari dahil mahina nga ang cervix ko. Kumbaga, kapag bumibigat na si baby, hindi
kakayanin at kusang mag-o-open nang maaga kahit hindi pa dapat ma-open.

Sobrang nakakalungkot, nakakapanlumo, nakakadismaya, at nakakapaghinanakit. At


hindi ko alam kung hanggang kailan ko mararamdaman ang ganitong klaseng kahungkagan
sa puso ko. Pakiramdam ko, nawala ang kalahati ng pagkatao ko nang mawala ang anak
ko.

Nilalabanan ko naman, pero wala, eh. Sariling dugo't laman ko ang nawala sa akin
kaya sobrang sakit at apektado ako.

Mahal na mahal kita, Anak. Hindi man tayo nagkasama nang matagal pero mahal na
mahal kita. Tulungan mo akong makabangon, ha? Tulungan mo 'ko na tanggapin na
iniwan mo kami ng papa mo nang ganito kaaga. Tulungan mo 'ko, anak-" Sunod-sunod na
katok sa labas ng pinto ang pumutol sa pag-iisip ko.

Síno ba iyon? "Pasok," sabi ko.

Bumukas ang pinto at sumugaw roon ang kaibigan kong si Rachel. Ngiting-ngiti siya
sa akin pero tipid na ngiti lamang ang kaya kong sinukli sa kaniya.

"Pasok ka," alok ko dahil hindi siya kumilos para pumasok.

"Thanks, besh!" aniya.

Isinara niya muna ang pinto bago lumapit sa akin. Umupo siya sa may paanan ng kama
ko.

Mula sa pagkakahiga ay bumangon ako, saka sumandal sa headboard ng kama habang


yakap ko ang unan ni Lance.

At hindi ko napigilan na amoy-amuyin iyon.

"Kumusta ka na?"

Tumigil ako sa pag-amoy sa unan ni Lance nang marinig ang pangungumusta ng kaibigan
ko.

Tiningnan ko siya. "Heto, kinakaya ang sakit."

Mula sa paanan ng kama ay lumipat siya sa tabi ko. Tinapik-tapik niya ang hita ko
at puno ng simpatya na tiningnan niya ako.

"Kailangan mo talagang kayanin iyan. Alam ko na hindi iyan madali para sa 'yo pero
sana isipin mo rin kami na mga nagmamahal sa 'yo. Hindi ka puwedeng magpadala sa
sakit at kalungkutan na nararamdaman mo. Oo, nagluluksa ka ngayon, pero dapat tuloy
pa rin ang buhay, Besh. Nandito pa kaming lahat na nagmamahal sa 'yo," aniya.

Inabot niya ang kamay ko at pinisil iyon.


"Alam ko, nasabi na nilang lahat sa 'yo na may dahilan kung bakit 'to nangyari.
Pero sige, sasabihin ko pa rin para mas tumatak sa isip mo na hindi ka
pinaparusahan ni Lord kaya ka Niya binigyan ng ganitong klaseng pagsubok. Marahil
dahil may iba Siyang plano para sa inyo ni Lance. Baka gusto Niya munang ipa-enjoy
sa inyo ang buhay na kayo lang munang dalawa, since bago palang naman kayo, 'di
ba?"

"Iyon na nga, eh. lyong kakaumpisa pa lang namin pero ganito na. Ang daming
nangyayari na hindi ko alam kung bakit kailangan pang mangyari? Ano ba 'to?
Senyales Niya para sabihin sa akin na hindi kami para isa't isa ni Lance? Bakit
hindi na lang Niya sinabi sa panaginip ko, hindi iyong pati anak ko nadama-"

"Sheena!" bulalas niya. Namilog ang mga mata niya, halatang hindi makapaniwala sa
sinabi ko. "Hoy, umayos ka ngal Ano ba iyang pinagsasasabi mo? Naririnig mo ba
iyang sarili mo? Kilabutan ka nga, hoy!" sermon niya.

Hindi ako nakaimik. Hindi ko naman gustong sabihin lyon, nadala lang ako ng halo-
halong emosyon na ilang linggo ko nang dala-dala sa dibdib ko simula pa noong
maaksidente si Lance.

Hindi pa ako nakakabawi sa trauma sa nangyari sa kaniya pero ito na naman. Mas
masakit, mas malupit.

"Naiintindihan ko na iyang nararamdaman mo, besh. Pero my, God! Huwag mo namang
kuwestiyon nang ganiyan iyon plano Niya para sa yo. Stay positive, Sheena, ano ka
ba naman?"

Pagak akong tumawa. "Stay positive? Paano ako magiging stay positive kung puro
negative ang nangyayari sa amin ni Lance? Sa tingin mo ba, gusto kong maging
ganito, Rachel? Hindi. Hindi ko gusto na tutulog at gigising ako na puro negative
ang nasa utak ko."

"Kaya nga huwag kang mag-isip ng puro negatibo. Besh, nawala ang baby mo hindi
dahil sa kapabayaan mo o senyales keneme na sinasabi mo. Nawala siya kasi hindi
siya para sa 'yo. Nakalaan siya para maging isang anghel at hindi maging isang tao.
lyon ang gagampanan niya, Besh, maging isang anghel na sana unti-unti mong pag-
aralan na tanggapin," litanya niya na may kasamang diin.

Hindi ako umimik kaya nagpatuloy siya sa panenermon sa akin.

"Kung hindi man nawala ang anak mo ngayon, maipanganak mo man siya, magiging anghel
pa rin siya, Besh. At kung malaki na siya saka mawawala sa 'yo mas masakit iyon.
Bakit hindi mo na lang isipin na may mas magandang plano si Lord sa 'yo? Sa inyong
mag-asawa?"

Hindi pa rin ako umimik.

Napaiktad ako nang malakas niya akong hampasin sa binti na ikinatingin ko sa


kaniya.

"Nakakaloka ka! Hindi na ako magtataka kung bakit alalang-alala sa 'yo si Tita
Elena. Kaya pala tinawagan niya ako at nakiusap na dalawin kita kapag free ako.
lyon pala ang lala mo na, girl. Aba'y laban naman, oy."

"Wala ka kasi sa sitwasyon kaya akala mo madali-"

"Hindi ko kailangang malagay sa sitwasyon mo para malaman ko kung madali o hindi.


Taong hospital ako, tayo. Maraming senaryo na ako na nasaksihan kung paano
maghinagpis ang mga pamilya na namamatayan. Hindi ko sila kaanu-ano pero nadudurog
ang puso ko,

kaya/alam kong mas triple ang sakit sa mismong pamilya ng namatay. At iyang
nararamdaman mo, valid iyan. Hindi ko kinukwestiyon ang pagluluksa mo pero huwag
naman ang plano Niya sa 'yo. Huwag gandn, besh."

Bigla akong nahiya sa sarili ko. Bakit ko nga ba sinabi iyon?

"I'm sorry. Nadala lang ako ng emosyon ko," pagpapakumbaba ko.

Pinaikutan niya ako ng mga mata. "Sa Kaniya ka humingi ng tawad, at huwag sa akin."

Marahan akong tumango. Nakita kong umikot sa buong kuwarto ko ang mga mata niya
bago muling tumingin sa akin.

"Huwag ka rin kasing magkulong dito sa kuwarto mo, besh. Labas-labas din 'pag may
time. Mahihirapan ka talaga na makabangon kung ikukulong mo lang sa apat na sulok
ng kuwarto mo ang sarili mo. Subukan mong lumabas uli, makikita mo na marami pang
magagandang bagay sa labas na puwedeng magpangiti sa 'yo," aniya pa.

"Ang dami pang rason para lumaban, besh. Nandiyan pa ang mga magulang mo, si Kuya
Simon, ako. At higit sa lahat ang asawa mo. Nandito pa kaming lahat, kaya utang na
loob, maging positibo ka sa buhay mo. And please, huwag mong isipin na hindi si
Lance para sa 'yo kaya nangyayari 'to sa 'yo, pambihira ka. Kasi kung hindi kayo
ang para sa isa't isa, eh, 'di sana noong maaksidente siya namatay na siya, 'di ba?
Pero hindi, dahil nakaligtas siya at nabuntis ka pa niya. Ibig sabihin kayo talaga
ni Lance ang nakatadhana."

Kimi akong ngumiti. Mukhang na-stress sa akin ang kaibigan ko.

"Tapos ngayon, ngingiti-ngiti ka lang pagkatapos mo akong inisin? Hmp! "Inirapan


niya ako.

"Pasen-"

"Hep!" Pigil niya sa pagsasalita ko at ikinumpas pa ang isang kamay sa ere. "Wait
lang. Hindi pa ako tapos kaya bawal ka pang magsalita. Ako muna dahil ayoko nang
makarinig ng mga kanegahan mo, girl."

"Ano pa? Sa dami ng sinabi mo, naririndi na ako."

"Gusto ko iyon, ang marindi ka para talagang tumatak sa utak mo ang mga
pinagsasasabi ko." Muli niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko sabay palatak.

"Tss! Tss!" Sabay iling. "Go with your life, girl. Nangangalumata ka na, payat mo
na rin. Saka wala ka ng glow, in short ang tsakabels mo na,girl. Walang prenong
sabi niya.

"Nanlalait ka na," ingos ko.

"Hindi. Nagsasabi lang ako ng totoo. Lumabas ka na kasi ng kuwarto, magpa araw ka.
O, kaya subukan mong magtrabaho uli para naman malibang ka kahit papa'no."

"Aalis kami ni Lance sa Sabado. Nagyaya siyang magbakasyon kaming dalawa, pumayag
ako."

Kaagad lumarawan ang katuwaan sa mukha ng kaibigan ko sabay palakpak. "Really?"

"Hmm, baka sakaling bumalik ang sigla ko kapag naiba ang environment ko."
"Exactly my point. Mag-unwind ka, mag-relax, mag-chill."

"Thank you, Rachel. Kahit paano naalog ang utak ko sa mga panlalait mo."

Tumawa siya sabay hampas sa hita ko. "Hindi lait iyon, totoong ang tsaka mo na.
Pero seryoso, pag-isipan mong magtrabaho uli."

"Pagbalik namin ni Lance, susubukan kong mag-apply na uli."

"Hay, salamat! May nasabi ka ring maganda, girl."

Nginitian ko lamang siya at niyaya ko siyang samahan ako na dumalaw sa puntod ng


anak ko. Nang pumayag siya ay mabilis akong naligo at nag-ayos.

Hindi naman nagtagal ay lulan na kami ng sasakyan namin na minamaneho ni Rachel


patungo sa private cemetery.

LANCE POV

PAGDATING namin sa beach dito sa Cagayan, ay nagpahinga muna kaming mag-asawa.

Dito kami mag-i-stay for two weeks para sa bakasyon naming mag-asawa. Actually
nagulat kami ni Sheena na two weeks pala iyong ipina-book ni Simon, ang akala ko
kasi days lang or a week lang.

But, to be honest mas lamang ang sayang nararamdaman ko sa ginawa ni Simon dahil
matagal-tagal kong masosolo ang asawa ko. Magkakaroon uli kami ng time para sa
isa't isa.

Excited ako ngayon at gagawin ko ang lahat para mapasaya ang asawa ko.

At iyon ang ginawa ko.

KINAHAPUNAN, niyaya ko siyang maglakad-lakad sa dalampasigan. Pumayag siya kaya


masaya talaga ako.

Lingid sa kaalaman ni Sheena, habang naglalakad-lakad kami ay nagpa-reserve ako sa


isang sikat na restaurant para sa isang romantic dinner date.

At pagkatapos naming maglakad-lakad, dinala ko na siya roon. Pagpasok pa lamang


namin ay nakita ko na ang magandang set up ng table for two.

"Lance." Nagtatanong ang mga mata ni Sheena nang bumaling sa akin.

Nginitian ko siya sabay turo sa table na may nakasinding kandila sa gitna, basta
maganda ang arrange ng table.

"Special dinner date for my wife," nakangiting sabi ko sabay kuha ng bouquet of
flowers na nasa table. "Flowers you, baby."

Dumaan ang pagtataka sa mukha niya nang makita kung anong klaseng bulaklak ang mga
iyon. Of course, yellow tulips her favorite flowers. At alam kong nagtataka siya
kung bakit alam ko gayong may amnesia ako.

Binigyan niya ako ng tipid na ngiti sabay abot ng mga bulaklak. "Thank you. Hindi
ko alam na may paganito ka pa. Tulips flowers are my favorite."

I know, baby. "Anything for you, wife." Hinalikan ko siya sa likod ng palad niya
habang nakatingin sa mga mata niya. "I love you. Always."

"I love you, too. Let's eat?" aniya.

"Sure." Ipinaghila ko siya ng upuan, kinuha ko muna sa kaniya ang mga bulaklak at
ipinatong sa mesa, saka inalalayang makaupo.

"Thank you."

"You're welcome."

Asikasong-asikaso ko siya habang kumakain kaming dalawa. Nasa kalagitnaan na kami


ng pagkain nang sumenyas ako para lumapit ang lalaking may hawak na gitara. Nalaman
ko na magaling siyang kumanta.

"Good evening, Ma'am, Sir. Enjoy your date. Para po sa inyo ang kantang ito." Anang
lalaki at nagsimulang tumipa sa kaniyang gitara.

You're my always

You're my forever

You're my reality...

Nagkatinginan kami ni Sheena nang tugtogin at kantahin niya ang wedding song namin
na siya mismo ang pumili para sa akin.

You're my sunshine.

You're my best times...

And I'd choose you

In a hundred lifetimes...

Nakita ko siyang nagpahid ng luha bago napalabi.

"Ang dami mong pakulo..." humikbi siya.

Napangiti ako. "Gagawin ko ang lahat para bumalik iyong sigla mo. Para mapangiti
kita ulit. I miss your smiles, baby."

"Hindi mo ako pinapangiti, pinapaiyak mo 'ko." Humikbi na naman siya na ikinangiti


ko lalo.

Inabot ko ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa. Dumukhang ako para halikan iyon.
Ginawa ko iyon habang hindi siya nilulubayan ng titig.

"I love you, Sheena." Madamdaming sabi ko kasabay ang pagkanta ng kumakanta sa
lyrics ng kantang "I choose you" ni Ryann Darling.

I promise you I'm all in

No turning back. And I'd choose you forever...

"Let's dance?" Yaya ko sabay lahad ng kamay ko.

Walang kapantay na ligaya ang lumukob sa buong pagkatao ko nang abutin niya iyon at
pisilin.
Pagtayo pa lamang niya ay niyakap ko na siya agad.

God, please, give her back to me... I need her....

GIRLONFIRE28

#vote Maraming Salamat po sa inyong lahat! Sobrang tahimik niyo pero alam ko na
nandiyan lang kayo para samahan ako sa Story nila Sheena at Lance. Maraming Salamat
po talaga. Sana ma-vote niyo rin po para makasali sila sa ranking keme ni Dreame!
Muahhh!

Chapter 42

Chapter 42

SHEENA POV

HINDI ko inaasahan na may paganito si Lance para sa akin at aaminin ko na kahit


papa'no napasaya niya ako ngayon. At habang nagsasayaw kaming dalawa, ramdam ko ang
saya ko.

Nagustuhan ko ang pakulo ni Lance na ito.

Bigla kong na-realize na tama ang kaibigan kong si Rachel na kung lalabas lang ako
ng kuwarto, makikita ko na marami pang rason para maging masaya, para ngumiti, at
para lumaban sa mga pinagdadaanan ko ngayon.

Napangiti ako habang nakasandig sa dibdib ni Lance. Hindi naman kami nagsasayaw,
nakatayo lang kaming dalawa habang magkayakap. Mukhang balak pa niyang tapusin ang
kanta bago kami umupo.

May isang minuto pa ang lumipas bago niya ako niyayang umupo. Ipinagpatuloy namin
ang pagkain.

Napansin ko ang panaka-naka niyang sulyap sa akin na para bang may gusto siyang
sabihin na iniisip pa niya kung itutuloy o hindi. Ngunit sa huli, itinuloy niya na
rin.

"Baby," aniya.

"Hmm?"

"I have something to tell you." Nag-pause muna siya.

Hinintay ko siyang magpatuloy.

"My memories back." Pagtatapat niya na hindi ko naman na ikinagulat dahil ilang
araw ko nang napapansin na bumalik na iyong Lance na kilala ko bago siya
maaksidente.

At nadagdagan pa iyon nang bigyan niya ako ng yellow tulips na favorite flowers ko.
Doon pa lang kumbinsido na ako na bumalik na ang alaala niya.

Ngumiti ako. "Kailan eksaktong bumalik?"

"Hindi ka nagulat?"

"Napi-feel ko na kasi kaya hindi na ako nagulat. Saka ramdam ko naman these fast
few days na bigla kang mas naging sweet at mahaba ang pasensya. Noong wala kang
maalala, medyo cold at aburido ka minsan.

Tapos madalas kang umalis ng bahay na hindi ako kasama kaya naisip ko na baka
bumalik na ang memory mo."

Natawa siya. "Hindi ka galit na ngayon ko lang sinabi?"

Umiling ako bago isinubo ang huling pagkain na laman ng plato ko.

Halos sabay kaming natapos kumain, itinuloy namin ang pag-uusap. Inamin niya sa
akin na bumalik ang alaala niya bago pa malaman na buntis ako. At hindi na ako
nagtaka kung bakit umatake ang panic niya noong araw na mawala ang baby ko.

Pagkatapos naming magkuwentuhan tungkol sa kaniya, naglakad-lakad uli kami sa


buhanginan. Hindi na rin kami nagtagal dahil mas'yado nang malamig sa labas kaya
nagyaya na si Lance na bumalik kami sa hotel na inuukupo namin dito.

Nagkuwentuhan uli kami, nag-usap ng mga dapat pag-usapan. At aaminin ko na medyo


nabawasan ang bigat sa dibdib ko kahit papa'no. Na sana nga ay maging tuloy-tuloy
na ang pagbalik ng sigla ko dahil ayoko rin naman nang ganito ako na dagdag stress
sa mga taong nakapalibot sa akin.

Magaan ang pakiramdam na sabay kaming nakatulog ni Lance nang gabi na iyon.

Nang mga sumunod na araw namin sa beach, naging okay na ako. Ngumingiti na uli ako,
tumatawa sa mga funny jokes ni Lance, kinikilig na uli sa mga pa-sweets niya. At sa
ilang araw naming pagri-relax sa beach, ramdam ko iyong effort ni Lance para lang
mapasaya niya ako, para mapangiti at para ma-divert ang atensyon ko.

Akala ko tuloy-tuloy na iyon, ngunit sadyang hindi pa talaga ako okay dahil may
pagkakataon na nagigising ako ng hating-gabi na bigla na lang maiiyak. lyong bigla-
bigla na mapapahawak ako sa tiyan ko tapos isasampal sa akin ng reyalidad na wala
na pala siya sa akin.

Tulad ngayon, nanaginip ako na umiiyak daw ang anak ko at humihingi ng tulong kaya
paggising ko hilam sa luha ang mga mata ko dahil sa panaginip ko, hindi ko siya
natulungan.

Tutop ko ang bibig ko upang hindi magising si Lance na himbing na natutulog sa tabi
ko. Walang tunog akong umiyak. Nang hindi ko na kayang pigilan, maingat kong inalis
ang braso ni Lance na nakayakap sa tiyan ko at walang ingay akong bumangon at
umalis sa tabi ni Lance.

Sa banyo ako dumiretso, doon ko pinakawalan ang mahihinang hikbi ko.

"I'm sorry, Anak... patawarin mo ako dahil hindi kita natulungan, ha? Patawarin mo
si Mama...patawarin mo 'ko." Hilam sa luha ang mukha ko habang nakasalampak ng upo
sa sahig ng banyo.

Ang sakit. Ang sakit na hindi ko man lang nailigtas ang anak ko kahit sa panaginip
ko lang.

"I'm sorry, baby..." Impit akong napahagulhol habang yakap ang sarili ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong sitwasyon nang marinig ko na
bumukas ang pinto kasunod ang pagmumura ni Lance.

"Syet! Baby, what happened?" Kaagad niya akong dinaluhan at sinapo ang mukha ko na
basang-basa ng mga luha ko.

Sa nanlalabong mga mata ay nakita ko ang pagdaan ng pag-aalala sa mukha niya.


Mukhang naalimpungatan lang siya na wala ako sa tabi niya.

"Hey, what's wrong, baby?"

"Lance, iyong anak natin. Hindi ko siya nailigtas. Hindi ko siya natulungan-"

"Jesus Christ! Sshh! Sshh!" Dinaluhong niya ako nang mahigpit na yakap kasabay ang
mahinang pagmumura.

"Wala akong kwentang ina-"

"Sheena! Hey, baby!" Lumayo siya sa akin at muling sinapo ang mukha ko. "Please,
don't say that. Don't say that..." nabasag ang boses niya.

Paulit-ulit niyang tinuyo ang mga luha ko habang mababanaag din ang sakit sa mukha
niya.

Nagtangis ang mga ngipin niya at pagkuwa'y walang pasabi na kinarga niya ako at
ibinalik sa kama. Kumuha siya ng damit niya at pinalitan ang suot kong panjama.
Nabasa kasi iyon dahil sa pagkakasalampak ko nang upo sa sahig ng banyo.

Walang lakas na hinayaan ko siyang palitan ako ng damit.

"Stop crying, Sheena, please?" Pakiusap niya sabay abot ng tubig na nasa baso.
"Drink this."

Siya na mismo ang nagpainom sa akin. Ipinatong niya sa bedside table ang baso at
pagkuwa'y tinabihan ako sa kama. Nakasandal siya sa

headboard ng kama habang ako nama'y sa katawan niya.

"Sshh, tahan na, please?" Alo niya nang muli akong mapasigok. Mahigpit na nakayakap
sa katawan ko ang mga braso niya. Kumapit ako roon upang doon kumuha ng lakas dahil
hinang-hina na ako.

I feel bad dahil sa panaginip ko.

"Anong nangyari?" Pagkuwa'y tanong ni Lance matapos ang mahabang katahimikan.

"Nightmare," napasinghot muna ako bago nagpatuloy. "I feel bad, Lance. Humihingi ng
tulong sa akin ang anak natin but I f-failed." Muling nabasag ang boses ko.

"Ang sakit na kahit sa panaginip ko hindi ko man lang siya natulungan.... sana
kahit man lang doon may nagawa ako para sa kaniya, pero wala. Paano ako magkakaroon
ng peace of mind kung pati sa panaginip ko naging pabayang nanay ako?"
Naramdaman kong natigilan si Lance at pagkuwa'y sunod-sunod na bumuntong-hininga.

"Sana kahit man lang sa panaginip ko natulungan ko siya, L-Lance. Baka sakaling
hindi ganito kasakit kasi alam ko na may nagawa ako para sa kaniya kahit sa
panaginip lang. I feel bad..."

"Sshh... enough. Kapag ganiyan ka, pakiramdam ko wala rin akong kuwenta because I
was there."

Hindi ako nakaimik. Pareho kaming nawalan ng imik.

Mahabang sandali ang lumipas bago kami muling nag-usap.

"Let's forgive ourselves, Sheena. Para pareho tayong makaalis sa masakit na parte
ng buhay nating ito. Hindi madali, yes, but we have to. We need to. Hindi tayo
puwedeng ma-stock sa sitwasyon na 'to, baby. Kailangan nating umalis, kailangan
nating mag-move on. At magagawa natin iyon basta magkasama tayong dalawa, basta
hindi tayo bibitaw sa isa't isa. Magtulungan tayo, please? Let us fight together...
let us move on together para hindi masyadong masakit at mahirap... Please, baby,
please..."

Mariin akong napapikit nang marinig ang nakikiusap niyang tono.

"I try. We try, Lance. I'm sorry dahil ganito ako."

"I understand, baby"

"Thank you." Sabi ko.

"I love you." Sa halip ay sagot niya.

Tumingala ako nang bahagya para matingnan siya sa mga mata. "I love you, too."

Sabay kaming ngumiti sa isa't isa bago sabay ding inabot ang labi ng isa't isa.

Tumagal ang halik pero nang magsimula nang mangialam ang mga palad ni Lance ay
bumitaw na ako.

"Hindi pa ako ready..." sabi ko dahil alam ko kung saan papunta lyon.

Nakakaunawang tumango at ngumiti ang asawa ko. "Of course. I'm sorry, I'm just
carried away, baby."

"Next time..."

"No problem, baby. Let's go back to sleep, ha? I love you."

"I love you..."

Muli na kaming bumalik sa pagtulog.

NAMAMASYAL kami ni Lance ng araw na iyon. 8 days na kami dito sa beach at medyo
okay na kaming dalawa.

Masaya, nag-i-enjoy at nagri-relax. Pasyal dito pasyal doon. We enjoyed each other.
Para kaming mag-nobyo sa sobrang sweet at maalaga ni Lance.

Unti-unti, nakakalimutan ko na ang pait. Sana tuloy-tuloy na talaga.


Magkahawak-kamay kaming pumasok sa isang tindahan ng mga souvenirs para sa
pasalubong namin sa pamilya namin pagbalik ng Cavite. May ilang araw pa kami pero
nagpasya kaming mamili na ngayon para pasyal pasyal na lang sa mga huling araw
namin dito sa beach.

Kasalukuyan akong nagtitingin ng mga hand made bag nang may marinig akong matinis
na boses ng batang babae.

"Daddy! Oh, my God, Daddy!" Anang boses.

"Daddy! Daddy! Daddy!" Paulit-ulit at may pananabik na sabi ng bata.

Napatingin ako sa pinagmulan ng boses na iyon at para akong tinulos sa kinatatayuan


ko nang makitang tumakbo ang bata palapit kay Lance at walang pasabing tinalon ang
asawa ko. Kumarga ang bata kay Lance.

"Daddy! Daddy! I missed you, Daddy!"

"Baby, sino- Lance!" anang babaeng kasunod ng bata. "Lance, ikaw nga!

"I missed you, Daddy! Dito ka lang pala namin makikita, eh." Anang bata.

"Baby, listen he's-"

Wala sa sariling nabitawan ko ang bag na hawak ko dahilan para makuha ko ang
atensyon nilang lahat.

Napasinghap ako nang makita ko ang mukha ng bata. Kamukha siya ni Lánce.

What's going on? Is this a joke?

GIRLONFIRE28

#vote# Maraming Salamat sa mga moon mga langga! Good morning muah!

Chapter 43

Chapter 43

SHEENA POV

ILANG sandali pa ang lumipas bago ako nakahuma. Nagtatanong ang mga mata ko nang
magtama ang mga mata namin ni Lance.

"Baby, it's not what you think," sabi niya at akmang ibababa ang bata pero lalo
siyang nanguyapit sa leeg ni Lance.
"I'm sorry, but I'm not your-"

"Daddy, I missed you!" Muling sabi ng batang babae, sa tantya ko ay nasa limang
taon na ang batang babae. Walang nagawa si Lance nang pupugin siya ng halik ng bata
sa mukha niya.

Sinapo pa ng bata ang mukha ng asawa ko gamit ang maliliit na palad niya.

"I missed you, Daddy! I love you, Daddy!" Matatas niyang sabi, paulit-ulit.

"Baby, wait lang. Come to Mommy," anang babae na kasama ng bata.

Kukunin sana niya ang bata sa asawa ko pero hindi bumitaw ang bata. Sa halip mas
humigpit ang yakap niya sa asawa ko.

"Come on, Liera." Pinilit kunin ng babae ang batang babae na nangunguyapit sa leeg
ni Lance. "Leira, I said-"

"No, Mommy! Gusto ko magpakarga kay Daddy," giit ng bata na sumubsob pa sa leeg ni
Lance.

Habang nagkakagulo ang mag-ina yata ay nakatingin lamang ako kay Lance na ngayon ay
hindi alam kung ano ang gagawin dahil ayaw talagang bumitaw ng bata sa kaniya.

"I want my Daddy, Mommy!"

Sinubukang ilayo ni Lance ang bata sa kaniya pero daig pa nito ang tuko sa higpit
ng yakap sa leeg ni Lance.

"Ahm, L-Leira right?" ani Lance sa nanantiyang boses.

"Y-Yes, Daddy, it's me," tugon ng bata at tumingin sa mukha ni Lance. I'm your
daughter, Daddy."

Tumikhim si Lance at binalak na ibaba ang bata pero ayaw niya talagang bumaba.

"Leira," tawag ng babae, saka pinilit hilahin ang bata.

Nagawa naman niyang ilayo ang bata sa asawa ko pero pumalahaw ng iyak ang bata nang
tumayo si Lance at lumapit sa tabi ko. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko na
para bang gusto niyang iparating sa akin na wala siyang alam tungkol sa batang
ikini-claim siya as her father.

"Who is she, D-Daddy?"

Nagkatinginan kami ni Lance bago ibinalik sa bata ang tingin namin.

Parang may kung anong dumakot sa puso ko nang magsimulang maglupasay ang bata
habang iyak nang iyak.

Inaawat siya ng babae pero nagwala lang lalo at nagpumiglas ang batang babae.

Sabay kaming napasinghap ni Lance nang gumapang ang bata palapit sa kaniya at
manguyapit sa binti ng asawa ko. Binitawan ni Lance ang kamay ko, saka pilit
inaalis ang kamay ng bata sa binti niya.

"Leira, please, let go!" anang babae.

Pinagtitinginan na silang tatlo ng mga tao sa shop na iyon.


"Ah, baby, I'm sorry but I'm not your fathe-"

"No! You're my father, Daddy. Look at me? We have the same feature," giit pa rin ng
bata.

Nagsimula nang magbulungan ang mga nakakakita sa kanila. Habang ako, nakatayo pa
rin sa kinatatayuan ko at walang balak makialam dahil hindi ko naman alam kung
paano sisingit sa kanila.

"W-Why do you hate me, Daddy? Am I not lovable? I am a good and smart kid, Daddy,
so why do you still hate me?"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi ng bata lalo na nang makita kong naglandas ang mga
luha niya habang nakatingala sa asawa ko.

Umiling-iling si Lance, hindi alam kung paano papatahanin ang bata.

"W-Why do you hate me, D-Daddy..."

"No, I don't hate you, but I'm not your fathe-" Hindi natapos ni Lance ang
sasabihin nang magsimulang maghabol ng paghinga ang bata.

"Leira, anak!" anang babaeng kasama at dinaluhan ang bata na sapo na ang sariling
dibdib. "Leira, anak!"

"W-Why do you hate m-me, D-Daddy..." Bakas ang hinanakit sa boses ng bata habang
kay Lance pa rin siya nakatingin kahit hirap na hirap ng magsalita.

"Leira, anak! Leira!" Nataranta na ang babae dahil sa kalagayan ng anak. "Lance,
help me! Please, help me!" Umiiyak na ang babae habang nakikiusap sa asawa ko.

Tumingin sa akin si Lance, nanghihingi ng permiso.

"D-Daddy... w-why do you hate L-Leira?"

Kinabahan na ako dahil unti-unti nang nawawalan ng kulay ang mukha ng bata.

"Lance, please! Tulungan mo ang anak ko! Tulungan mo kami ng anak mo..."

Mo? Tama ba ang dinig ko? Sinabi niya na anak ni Lance ang batang iyon?

Para akong nabingi nang mga sandaling iyon. Lalo na nang makarining ako ng bulung-
bulungan sa paligid mula sa mga taong nakasaksi ng pangyayari ngayon.

"Lance, please, iyong anak mo! Tulungan mo siya, dalhin natin sa hospital!"
pagmamakaawa ng babae sa asawa ko.

Napilitang buhatin ni Lance ang bata nang tuluyang mawalan ng malay.

"Baby-" Maagap kong itinaas ang kamay ko para patigilin siyang magsalita.

"Unahin mo muna iyang-iyang anak mo." Nagkaroon ng pagbabara sa lalamunan ko nang


sabihin iyon.

"No, baby. She's not my-"

"Lance, tara na! Baka kung mapano ang anak ko!" anang babae pero hindi kumilos si
Lance para umalis.
Pinilit kong tatagan ang boses ko nang magsalita uli. "Sige na, tulungan mo muna
siya."

"Okay, baby. Dadalhin ko lang siya sa hospital tapos babalikan kita agad, ha?"

Tumango ako at wala ng nagawa kun'di ang sundan na lamang sila ng tanaw.

Itutuloy ko sana ang pamimili ko ng mga souvenirs nang matigilan ako. May narinig
kasi akong nag-uusap sa 'di-kalayuan mula sa akin.

"Hindi na naawa sa bata, nawalan tuloy ng ama, tsk!" Sabi ng isang babae.

Nahuli ko siyang tingin nang tingin sa akin maging ang kausap nito.

"Sinabi mo pa, nanginginig talaga ang laman ko sa ganiyang klase ng mga babae.
Keganda naman pero parang mauubusan ng lalaki, at sa may pamilya pa pumatol.
Nakakaawa tuloy iyong mag-ina na inagawan niya," dinig ko na sang-ayon ng isa pa.

"Pero kita niyo naman, mas matimbang talaga ang anak. Tingnan niyo nga, iniwan siya
para sumama sa tunay niyang mag-ina," anang isa pang babae.

"Siyempre naman, ang anak ay anak, hindi iyan mapapalitan kahit ilang babae pa."

"Hindi naman maipagkakaila na mag-ama nga-sila, jusko! Bulag na lang ang magsasabi
na hindi sila mag-ama. Aba'y magkawangis.na magkawangis, eh." Boses pa rin ng
pinaka unang nagsalita.

Alam ko na ako ang pinaparinggan nila pero hindi ko sila papatulan dahil wala naman
silang alam. At hindi ako kabit o kirida na kagaya nang iniisip nila sa akin
ngayon. They don't know me kaya wala akong pakialam sa kanila.

Sa halip na patulan, walang imik na ibinalik ko ang mga bag na napili ko at wala
nang balak bilhin iyon. Dahil nasa may pinto sila, wala akong choice kun'di ang
dumaan sa tabi nilang tatlo.

"Buti nga sa kaniya, iniwang mag-isa." Pagpaparinig pa nang dumaan ako.

"Kaya nga. Naku, hayaan niyo may balik iyan, makakarma din ang mga babaeng mang-
aagaw."

"Baka nga nakarma na-" Nagulat sila nang bumaling ako sa kanila at lumapit nang
taas noo.

Nagkatinginan ang tatlo at hindi makatingin sa akin.

"Hindi ako pumapatol sa matatanda dahil pinalaki ako na marespeto ng mga magulang
ko pero hindi ako papayag na bastusin niyo ako at pag-usapan na akala niyo naman ay
kilala niyo ako. And for your information, hindi ako kabit ng kahit na sino dahil
asawa ko ang lalaking kasama ko kanina!" Sa gigil ko ay tiningnan ko silang tatlo
mula ulo hanggang paa sabay balik sa mga mukha nila.

"Sa susunod na makita ko kayo, isasampal ko sa mga pagmumukha niyo ang marriage
contract naming dalawa. Naturingan kayong matatanda pero kung umasta kayo para
kayong mga batang kulang sa aruga." Nanginginig ang laman ko dahil sa inis.

Ang kakapal nila para sabihing kakarmahin ako, as if kilala nila ako. Hindi
nakaimik ang tatlo. Mukhang tinablan ng hiya.
"Kapag nagkaroon ako ng free time, tuturuan ko kayong tatlo kung paano ang tamang
asal, ha? Mukhang hindi kayo naturuan ng mga magulang niyo, eh." Gigil na gigil pa
ring sabi ko na ikinaawang ng mga bibig nilang tatlo.

"Next time, huwag kayong magsasalita laban sa isang tao na hindi niyo naman
kilala," dagdag ko pa bago sila tinalikuran at nagmamartsang umalis.

Sa hotel room na ako dumiretso. Uminom ako ng maraming tubig upang kalmahin ang
sarili ko.

Nanginginig pa rin ako sa sobrang gigil. Wala naman akong balak na patulan ang
pagpaparinig nila sa akin, pero hindi na ako nakatiis nang sinabi nila na
kakarmahin ako.

At sino sila para sabihin sa akin iyon?

Nanggigigil pa rin ako. Muli akong uminom ng tubig at nang hindi pa rin mawala ang
galit sa dibdib ko ay naligo na ako. Gusto kong mahimasmasan.

Eksaktong pagkatapos kong maligo ay narinig ko na tumunog ang cell phone ko.
Sinagot ko iyon nang makitang si Lance ang tumatawag sa akin.

"Baby," aniya sa kabilang linya.

Hindi muna ako umimik. May naririnig akong iyak ng bata mula sa kinaroroonan niya.

"K-Kumusta ang bata?"

Nadinig ko siyang bumuntong-hininga bago nagsalita. "Iyak pa rin siya nang iyak.
Hindi ako makaalis-alis dahil sa tuwing mawawala ako sa paningin niya nagwawala
siya."

Hindi ako umimik. Parang alam ko na kung ano ang sasabihin niya.

"Baby..."

"A-Anak mo ba siya?" Wala sa loob na tanong ko na ikinasinghap niya.

"No! Of course not. Sheena, ano ba namang klaseng tanong iyan?" Waring hindi
makapaniwalang bulalas niya sa kabilang linya.

"Wala akong anak sa ibang babae," dagdag pa niya.

"Malay ko ba? Sabi ng babae anak mo, eh. Kaya nga ikaw ang tinanong ko rigayon para
alam ko."

"Yeah, but I assure you na hindi akin si Leira."

"Okay. Mabuti na iyong malinaw. Pagod na ang isip ko at ayoko nang mag-isip nang
kung anu-ano ngayon."

Ilang sandali siyang nawalan ng kibo bago muling nagsalita. "Hihintayin ko lang
makatulog si Leira, tapos uuwi na ako. We need to talk later. Ayoko nang ganiyan ka
na pakiramdam ko pinagdududahan mo ako." May hinampong sabi niya.

"I'm so-"

"Daddy, come here... Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig ko ang boses
ng batang babae. "Come here, Daddy. Tabihan mo kami ni Mommy dito sa bed ko."
Paglalambing ng bata kay Lance.

Tumikhim ako at tumingala. "Sige na, tinatawag ka na." Pagkasabi ko niyon ay


pinutol ko na ang tawag ni Lance.

Nanlalambot ang mga tuhod na napaupo na lamang ako sa ibabaw ng kama.

Mayamaya ay tumunog uli ang cell phone ko. May dumating na message mula kay Lance..

"Baby, Leira is not mine. And Valerie is my ex-girlfriend, I can proudly say that I
am not the father of her daughter. It's Lander." Basa ko sa laman ng message niya.

Hindi ako nag-reply. Ipinatong ko ang cell phone ko sa ibabaw ng bedside table,
saka humiga na.

Kahit naiinis ako kay Lance ay hinintay ko siya. Naghintay ako sa kaniya pero alas
nuebe na ng gabi ay wala pa siya.

Habang naghihintay sa pagdating niya ay hindi ko mapigilan na hindi makaramdam ng


panibugho. Ex girlfriend pa rin niya ang babaeng 'yon at hindi ko alam kung
hanggang saan umabot ang relasyon nilang dalawa.

Bandang alas-onse na ng gabi nang dumating si Lance. Yes, gano'n siya

katagal na kasama ng mag-inang iyon at kahit sino naman siguro ay

makakaramdam ng selos lalo na't ex siya ni Lance.

Lumundo ang kama. Akma akong hahalikan ni Lance pero umiwas ako. Tinabig ko rin ang
kamay niya nang akma niya akong yayakapin.

"Sheena, I'm sorry kung ngayon lang ak-"

"Magpahinga ka na. Bukas na lang tayo mag-usap," sansala ko sa tangkang


pagpapaliwanag niya.

Useless lang din naman dahil sarado pa ang isip ko ngayon.

"Baby-"

"Lance, ano ba?" Inis na itinulak ko siya dahilan para muntikan na siyang mahulog
sa ibaba ng kama.

Dumaan ang pagkabigla sa mukha niya.

Napahinga ako nang malalim. "Alas-onse na, matulog ka na. Bukas ka na lang mag-
explain dahil hindi ko rin maiintindihan iyan."

Humiga ako patalikod sa kaniya.

Dinig ko ang mararahas niyang buntong-hininga habang naririnig ko siyang palakad-


lakad.

"Puwede bang mag-usap muna tayo bago ka matulog?" May halong pakiusap na sabi niya.

"Bukas na lang, inaantok na ako, Lance-"

"Sheena, please? Ayokong matulog nang ganito tayo. Hindi ako makakatulog hangga't
hindi ko nasasabi sa 'yo ang gusto kong sabihin. Kaya please naman, mag-usap muna
tayo? Para matutulog tayo na parehong may peace of mind."

Bumangon ako at humarap sa kaniya. Nainis ako dahil nabasa ko ang pagkaaliw sa mga
mata niya habang nakatingin sa akin.

"Pinagtatawanan mo ba ako?" Inis na tanong ko. "Lance, hindi ka nakakatuwa, baka


akala mo."

"Natutuwa lang ako dahil ang cute mong magselos."

"Hindi ako nagseselos! Naiinis ako sa 'yo dahil basta mo na lang ako iniwan para sa
mag-ina na iyon. Alam mo ba kung ano ang sinabi nila sa akin doon sa shop? Na mang-
aagaw ako, na kabit mo 'ko, na pumapatol ako sa lalaking may asawa, na inagawan ko
ng tatay iyong bata. Na k-kakarmahin ako..."

"Sheena..." halata ang pagkabigla sa mukha niya.

Umiwas ako nang akma niya akong hahawakan.

"A-Alam mo bang sa tanang buhay ko, first time kong bumastos ng mas matanda sa
akin? Okay na sa akin iyong mga unang sinabi nila, eh. Pero iyong karmahin ako?
Hindi ko matanggap iyon." Nangilid ang mga luha ko.

Grabe iyong impact sa akin ng word na iyon lalo na't wala pang isang buwan na
nawawala sa akin ang anak ko.

Hindi siya umimik.

"Bakit mo 'ko iniwan?" Puno ng pagdaramdam na sumbat ko.

Lalo siyang nawalan ng kibo.

"H-Hindi mo ba siya puwedeng dalhin sa hospital na kasama ako? Bakit kailangan mo


pa akong iwan sa shop na iyon?"

"Baby, sabi mo dalhin ko?" Nagugulumihang sabi niya.

"Pero hindi ko sinabi sa 'yo na iwan mo 'ko roon. Ikaw ang nagsabi na babalikan mo
na lang ako instead na isinama mo 'ko."

Napahawak siya sa kaniyang noo na tila pinoproseso ang sinabi ko. At nang ma-
realize siguro ang ginawa niya ay doon siya napailing-iling sabay hilamos sa
sariling mukha.

"Oh, God! I'm sorry." Umupo siya sa kama at mahigpit na hinawakan ang kamay ko pero
binawi ko rin agad.

Puno ng pagdaramdam ko siyang tiningnan. At nang mga sandaling 'yon, nilalamon na


naman ng negative vibe ang buong sistema ko.

At bigla-bigla, gusto ko siyang sumbatan, nagawa niyang madala agad sa hospital ang
batang 'yon habang ako hindi.

Alam kong mali iyon pero hindi ko maiwasan.

GIRLONFIRE28

#vote# THANK you guys! Muahhh!


Chapter 44

Chapter 44

SHEENA POV

HABANG nasa beach at tinatapos ang 2 weeks vacation, wala na akong ibang nasa isip
kundi ang makauwi sa Cavite. Kung ako lang ang tatanungin ay gusto ko nang tapusin
ang vacation na 'to dahil hindi naman ako nari-relax, mas nadagdagan lamang ang
stress ko dahil sa pagsulpot-sulpot ng mag-ina rito sa beach.

Hindi ko alam kung nananadya ba ang ina ng bata o talagang nagpupumilit ang bata na
makita si Lance. At hindi ako natutuwa na may ibang bata na nagki-claim sa asawa ko
na tatay niya. Maski naman sino sigurong asawa, hindi rin matutuwa kapag iyong
asawa mo tatawaging daddy ng ibang bata tapos kamukhang-kamukha pa niya. lyong
kapag may makakakita na magkasama sila tuwang-tuwa dahil kamukhang-kamukha raw ng
tatay ang bata.

Sa halip na nag-i-enjoy ako ngayon, hindi ko magawa dahil inaagaw ng bata ang
atensyon ni Lance sa akin. Kagaya na lang kanina, habang kumakain kami ng lunch
bigla na lamang silang sumulpot na mag-ina.

Hindi ko maiwasang balikan sa isip ko ang eksena kanina at kung papa'no sumama ang
loob ko dahil doon.

"Daddy!"

Nabitin sa ere ang kutsara ko na isusubo ko na sana nang makita ko ang batang
humahangos na lumapit kay Lance at walang kaabog-abog na kumandong sa asawa ko.

Nagkatinginan kami ni Lance, nasa mukha niya ang paghingi ng pasensya.

"Leire, ano ka ba?" Si Valerie at tinangkang bawiin si Leira sa asawa ko pero


sadyang matigas ang bata at hindi umalis sa kandungan ni Lance.

"I want to be with my Daddy, Mommy. Please?" Nagpa-cute pa ang bata sa ina.

"No, Anak. They're having lunch together. Let's go, please?"

"No, Mommy. Dito lang ako kay Daddy po, payag ka na po, mommy," giit ng bata.

lyong kahit sumasama na ang pakiramdam ko dahil nakakakuha na kami ng atensyon mula
sa ibang kumakain, hindi ko naman magawang sawayin ang bata. Naisip ko bata siya at
naghahanap pa ng kalinga ng isang ama.

Tumingala ang bata sa asawa ko. "Let me stay, Daddy... pagmamakaawa ni Leira.
Tumikhim si Lance at tumingin sa akin na ginaya ng bata.

"Kailangan ko po bang magpaalam sa kaniya to stay with you, Daddy?" Habang sinasabi
niya iyon ay sa akin siya nakatingin. "Can I have a little more time with my
Daddy?"

May narinig na naman akong bulungan. At alam ko, iniisip na naman nila na kabit at
mang-aagaw ako ng asawa ng iba.

Naikuyom ko ang mga kamao ko na nasa ilalim ng mesa. Ganito na lang ba? Ako iyong
magmumukhang kontrabida.

Nakikiusap ang mga mata ni Lance nang magtama ang mga mata namin. Nakita ko namang
sinubukan niyang paalisin ang bata pero sadyang makulit si Leira.

"Valerie, I having lunch with my wife. Let's talk later, okay?" Si Lance.

Medyo nabawasan naman ang pagkapahiya ko dahil medyo may kalakasang sinabi ni Lance
ang salitang wife. Marahil narinig din niya ang bulungan na kesyo, other woman niya
ako.

Sinubukan uli na kunin ni Valerie ang bata. "Anak, let's go.

"But, Mommy-"

"Leira, please? Huwag nang matigas ang ulo. Kumakain pa ang daddy-1 mean, ah let's
go." Pumalag pa ang bata pero binuhat na siya ni Valerie para isama palabas.

Mariin akong napapikit nang bago makalabas ang mag-ina ay may sinabi pa ang bata na
tuluyang nagpawala sa gana kong tapusin ang pagkain. Ramdam ko rin na
pinagtitinginan na kami ni Lance dahil narinig din nila ang sinabi ni Leira bago
umalis na bakit ko raw inagaw sa kanila ng mommy niya ang kaniyang Daddy.

Hindi ko na kinaya ang inis, hindi ko na tinapos ang pagkain at umalis sa


restaurant na iyon. Maagap namang sumunod si Lance. Hindi ko siya pinansin at
tuloy-tuloy na naglakad.

Hinawakan niya ako sa braso. "Baby, wait! Let's talk about it-"

Masama ang loob na tumingin ako sa kaniya. "Nandito tayo for having fun and relax,
sa tingin mo gano'n ang nararamdaman ko ngayon? I feel embarrassed, Lance. Sa
tuwing susulpot sila kung nasaan tayo, palagi akong napag-iisipan nang masama ng
nakakakita at nakakarinig na ako iyong third party. Do you realize how awful it was
for me?"

"Yes, I know. Pero bago ako umalis sa resto, I told them that you are my wife, not
a mistress."

"Let's go home, Lance. Mas lalo akong ma-i-stress sa lugar na 'to, I'm telling
you." Pagkasabi ko niyon ay tinalikuran ko na siya at bumalik sa hotel room.

Katatapos ko lang balikan sa isip ko ang eksenang iyon kanina nang marinig ko na
bumukas ang pinto. Mariin akong pumikit at nagkunwaring natutulog. Pagkatapos ko
kasing iwanan si Lance kanina ay ngayon lamang siya sumunod at hindi ko alam kung
saan siya pumunta.

Kahit nakapikit, ramdam ko ang mga titig ni Lance sa akin. Hindi ako kumilos para
iparating na mahimbing na ang tulog ko.
Narinig ko ang sunod-sunod na buntong-hininga ni Lance bago ko narinig ang pagbukas
ng pinto ng banyo. Kasunod niyon ay ang lagaslas ng tubig na nahuhulog mula sa
shower.

Napamulat ako ng aking mga mata nang marinig ko siyang kumakanta. Sa una ay mahina
lang hanggang sa medyo lumakas na. Nangingibabaw ang boses niya.

Sa kabila ng tampo ko sa kaniya ay hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Kahit


hindi ko siya nakikita, alam ko na bigay-todo ang pagkanta niya. Walang kamatayang
Forevermore ng Side A ang kinakanta niya.

You were just a dream

That I once knew

I never thought I would

Be right for you

I just can't compare

With anything in this world

You're all I need to be with forevermore...

Hay, ewan ko sa 'yo. Sa loob-loob ko at nakinig sa pagbirit niya.

Pagkatapos niyang mag-concert sa loob ng banyo ay naramdaman ko uli na bumukas ang


pinto. Narinig ko ang mga yabag niya malapit sa akin.

Binuksan ko ng kaunti ang isang mata ko at sinilip kung ano ang ginagawa niya.
Muntik na akong mapasinghap nang bumungad sa akin ang puwet niya, mabuti na lang
nakagat ko agad ang ibabang labi ko. Kumukuha pala siya ng damit sa closet at
hubo't hubad kaya kitang-kita ko ang makinis at maumbok niyang pang-upo.

Nakabukas pa ang isang mata ko nang bigla siyang pumihit dahilan para makita ko ang
pagkalalaki niya. Parang bigla akong pinagpawisan. At aaminin ko na matagal-tagal
ko na ring hindi nakita iyon dahil ang huling intimate namin ay noong pinayuhan pa
ako ni Mama na burnawi na lang. Kung bibilangin, isang buwan na yata iyon. Yes,
kahit nandito kami sa bakasyon ay wala pang ganap sa aming dalawa, though puwede
naman na kung sakali pero ayoko pa. Natigil ako sa pag-iisip nang lumundo ang kama
sa likuran ko.

At pagkuwa'y dumantay ang isang braso ni Lance sa beywang ko. Habang ang mukha niya
ay isiniksik sa likod ng ulo ko.

"I love you. I love you," anas niya sa may punong tainga ko.

Nanigas ako nang maramdaman ang mainit niyang hininga na tumatama sa tainga at
pisngi ko. Inulit-ulit niya iyon.

"I know you're awake, baby." Humigpit ang yakap niya sa akin. "Let's talk?"

"Wala akong sasabihin." Sabi ko, wala nang rason para magkunwari pa akong tulog
dahil napaiktad ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa dibdib ko.

Mariin akong napapikit dahil sa mainit na sensasyon na hatid ng palad niya. Pero
pinigilan ko ang mapaungol dahil hindi ko hahayaan na malaman niya na nagiging
marupok na ako.

"I love you, baby." Pinaghahalikan ang ulo ko at pati balikat ko na medyo litaw na.

"Kinausap ko si Valerie kaya hindi muna ako sumunod sa 'yo kanina. Kinausap ko siya
na wala akong responsibilidad sa anak niya, sa kanilang mag-ina dahil hindi akin si
Leira," pagkukuwento niya.

"Hindi ba talaga sa 'yo ang batang 'yon?"

Tumawa siya. "Yes. At sigurado ako sa bagay na iyon."

"Paano mo nasiguro, eh ex-girlfriend mo ang nanay niya."

Aliw na tumawa uli si Lance. "Kahit ex ko siya, sigurado ako sa sarili ko na hindi
akin si Leira. Kahit magpa-DNA pa kaming dalawa."

"Bakit?" Sa kawalan ng sasabihin ay iyon ang lumabas sa bibig ko.

"Anong bakit?"

"Bakit sigurado kang hindi sa 'yo?"

"Because I never had s*x with her."

Parang kiniliti ang puso ko dahil doon. "Ow? Maniwala."

"Totoo nga. I never had s*x with her kahit tumagal ng 1 year ang relasyon namin. I
can proudly say na wala akong anak maski kanino dahil wala akong ibang gustong
anakan kundi ikaw.."

"Talaga?"

"Uhuh, ikaw lang. Ikaw. Ikaw at ikaw lang. Hindi naman nakakaguwapo ang pagkakalat
ng lahi."

Doon na ako tuluyang napangiti.

"Wala akong gustong anakan kun'di ikaw. Kung magkaroon man ako ng isang basketball
team na mga anak, wala silang magiging ina kundi ikaw lang. Ikaw at ito lang ang
gusto kong lamnan," aniya sabay kapa sa tiyan ko. "Itong tiyan mo lang ang
tataniman ko."

Nagsimula nang maging maharot ang boses ni Lance habang nasa tiyan ko pa rin ang
isang palad. Habang ang labi niya ay abala sa paghalik sa pisngi ko.

"At bago ko malamnan ito, kailangan ko munang magpunla dito," dumausdos ang palad
niya sa pagkababaé ko.

Manipis na panjama lang ang suot ko kaya damang-dama ko ang palad niya na sinasalat
ang ibabaw ng pagkababaé ko.

"Magpupunla ako rito, para magkalaman ito." Bumalik sa tiyan ko ang palad ko.

"L-Lance!" Hindi ko na napigilan ang pag-alpas ng mahinang ungol nang bumalik sa


pagkababaé ko ang kamay niya but this time nagawa na niyang ipasok sa panjama ko.

"I love you, baby." Bulong niya sabay pasok ng mainit na dila sa butas ng tainga
ko.
Naghatid iyon ng libo-libong kuryente na mabilis dumaloy sa bawat

himaymay ng pagkatao ko.

"Lance, hmm..." Sinalat niya ang pagkababaé ko. Paulit-ulit kaya napapaungol na
ako.

"Let's make love, baby. I missed you." Hiling niya na parang this time hindi ko na
siya kayang tanggihan.

"Lance.." Mariin akong napapikit. Nakakakiliti ang sensasyon na hatid ng palad niya
na nakikialam sa pagkababaé ko pati ang dila niya sa tainga ko.

"You're so wet, baby. P-Puwede na ba tayong maglabing-labing? Hmm? paos ang boses
na sabi niya.

"Let's make love..."

Walang salitang lumabas sa bibig ko, sa halip kusa kong pinaghiwalay ang mga hita
ko para bigyan siya ng malayang access sa pagkababaé ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Lance bago ang mabilis at nagmamadaling kilos.

Sa isang iglap we both naked...

GIRLONFIRE28

#vote# Good morning.... ang aga ko nawet Charot... I imagine ko kasi ung ginawa ni
Lance na pagdama hahahaha. Bala kayo hehe bitin yarn.

Chapter 45

Chapter 45

SHEENA POV

"MISSED ME?" nanunudyong tanong ni Lance sa akin habang magkayakap kami sa ilalim
ng makapal na kumot.

Katatapos lang ng mainit na tagpo sa pagitan naming dalawa kaya pareho pa rin
kaming walang ano mang saplot sa katawan. Tanging kumot ang bumabalot sa aming mga
kahubdan.

"Missed? Hindi naman tayo nagkakalayo, bakit kita mami-miss?" sagot ko.
Dumaan ang lungkot sa mga mata niya at pinagkiskis ang tungki ng

mga ilong namin.

"Ako, na-miss kita. Oras-oras, minu-minuto." Napatitig ako sa mga mata niya.

"Palagi naman tayong magkasama, ah."

"Yes, magkasama nga tayo palagi pero kahit kasama kita araw-araw, pakiramdam ko
sobrang layo mo na sa akin. Iniisip ko palagi kung ano ang laman ng isip mo sa
tuwing ayaw mo akong kausapin.

"Lance..." Nagkaroon ng lambong ang mga mata niya.

"Nitong mga nakaraan, kabado ako sa tuwing gigising ako. Pakiramdam ko iiwan mo na
ako. Akala ko nga talaga bibitawan mo na ako nang tuluyan, eh. But thanks to your
brother, siya ang nagpaintindi sa akin na mas kailangan mo ang pang-unawa ko kaysa
ang pagdadrama ko para sa sarili ko. Thanks to him dahil tunay siyang kaibigan. At
dahil din sa kaniya kung bakit magkasama tayo ngayon. Na sa kabila ng pagsubok ay
heto tayo, magkasama at hindi bibitaw sa kamay ng isa't isa. Nagkaroon uli tayo ng
quality time na ilang buwang naputol dahil sa mga nangyari simula ng maaksidente
ako," mahabang litanya niya.

"Lahat ng magagandang nangyayari sa buhay ko, utang ko lahat iyon sa kapatid mo,
baby. Dahil sa kaniya kaya nakilala kita....dahil sa kaniya kung bakit magkasama
tayo..." dagdag pa niya.

Napangiti ako. Kita ko sa mga mata niya kung gaano kaimportante ang kapatid ko sa
buhay niya. Na para bang kapag si Kuya Simon ang nagsabi, lahat ay susundin niya,
na lahat ng sabihin ni Kuya ay alam niya na makabubuti para sa kaniya.

"Hindi ko alam kung dapat kong pasalamatan si Kuya Simon na rito niya tayo pinag
bakasyon, eh," pagbibiro ko na may halong katotohanan.

Tumawa si Lance at pinanggigilan ang ilong ko. Alam ko na gets niya ang ibig kong
sabihin.

"I promise na hindi na sila basta susulpot sa lugar kung nasaan tayo. Kinausap ko
na si Valerie, malinaw na sa kaniya ang lahat. Kung kailangan niya ang tulong ko
financially for Leira, ibibigay ko sa kaniya pero nilinaw ko na hanggang doon
lamang ang kaya kong ibigay dahil ayokong nag-aalala at nasasaktan ka."

"Siguraduhin mo lang, Lance, dahil kapag sinaktan mo 'ko ipapatapon kita sa dagat
kay Kuya."

Tumawa siya. "Hindi mo na kailangang gawin iyon dahil kapag sinaktan kita, ako na
mismo ang magtatapon ng sarili ko sa dagat. Hmm..." aniya at nagsimula na namang
humarot ang boses.

"Lance!" Napaiktad ako nang magsimula na namang makialam ang kamay niya sa
magkabilang dibdib ko.

"Hmm?" paos na sabi niya.

"Ang kamay mo."

"Nasa pagitan ng mga hita mo, bakit?"

Napaarko ang likod ko nang pakialaman na naman niya ang pagkababaé ko.
"Pagod na ako-Oohh!" Kusang tumakas ang ungol sa bibig ko.

"Let's make love again, baby..." saka marahang bumaba ang mga labi niya sa isang
dibdib ko. Sa simula ay padampi-dampi at pahalik-halik lang na tila nanunudyo.
Mayamaya ay tuluyan nang sumakop at sumipsip na may kasamang pakagat-kagat.

Lance sip it, then sucked it.

"Lance!" Napaalon-alon na naman ang katawan ko dahil sa kaliksihan ni Lance ngayon.


Tila hindi maubos-ubos ang init sa katawan niya gayong wala pa yatang isang oras
nang matapos kami sa unang pagtatalik.

Hindi ko naman siya masisisi dahil maraming beses ko siyang tinanggihan.

Ang mainit niyang mga labi sa magkabilang dibdib ko ay bumaba sa puson ko hanggang
sa marating na naman ang tunay na pakay.

Nakatagilid pa rin ako ng higa habang kinakain niya ako. Siya nama'y nakahiga rin
patagilid, hawak niya ang isang hita ko at ipinatong sa balikat niya.

Dumagasa na naman ang masarap na sensasyon, buhok niya ang nahagilap ko na


makakapitan.

"L-Lanceohh!" Muli ay nahibang na naman ako dahil sa galing ng eskpertong dila ni


Lance na patuloy na nananalakay sa pagkababaé ko.

Kagat ko ang ibabang labi ko habang tumitirik ang mga mata kasabay ang mahinang
daing at halingling.

"Lance..." Gusto ko nang maiyak sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Gustong-gusto


ko ang ginagawa niya.

Hanggang sa wakas ay matapos si Lance sa pagsamba sa pagkababaé ko. Bumalik siya sa


tabi ko.

Magkaharap pa rin kami habang magkapantay ang aming mga mukha.

"Let's grow old together, baby," hiling niya habang hawak ang isang hita ko at
itinaas.

"Of course... let's go old together-Ohh!" Napanganga ako nang magtagumpay na naman
siyang pag-isahin ang mga katawan namin.

Damang-dama ko ang pagkalalaki niya na pumupuno sa loob ko.

"Walang bibitaw, baby! Akin ka habang-buhay, maliwanag?" paos na sabi niya habang
patuloy sa pagsalubong sa katawan ko.

Magkaharap pa rin kami habang nakatagilid. Nakayakap ako sa leeg

niya habang ang kamay naman niya ay mariing pumipisil sa pang-upo ko. Sa tuwing
itutulak niya ang sarili sa akin, idinidiin naman niya ang pang-upo ko pasalubong
sa kaniya.

"Baby, akin ka lang, ' fib a^ prime prime nangungusap ang kaniyang mga mata habang
naghihintay ng sagot ko.

Tumango ako.
"I want to hear it..." hiling niya.

"Hindi pa ba sapat ang-Oohh!" Umalpas ang ungol ko dahil sa pagdiin niya ng sarili
niya sa akin. "Yes, Lance. Sa 'yo lang ako, noon, ngayon, bukas, at hanggang
wakas."

Kaylawak ng ngiti niya pagkatapos kong sabihin iyon.

"Lance, ohh! I love you!" Mahigpit akong napayakap sa kaniya.

"I love you, too, baby!"

Pareho kaming naghahabol ng paghinga habang lalong dumidiin ang pagsasalubong ng


mga katawan namin.

Nang hindi na makontento ang asawa ko, mabilis niyang binago ang posisyon namin.
Mula sa pagkakatagilid ay pumatong siya sa ibabaw ko.

Hindi pa man ako nakakabawi pero umarangkada na naman siya. Hinawakan niya ang
magkabilang binti ko at isinampay sa magkabilang balikat niya. Sa ganoong posisyon,
malaya siyang umulos sa ibabaw ko

Bumilis nang bumilis na tila may gustong maabutan. Habang ako ay tila takot maiwan
kaya bumilis na rin ang galaw ko. Nagsimulang sumalubong ang balakang ko.

"Baby, syet! I'm coming... I'm coming!" Umigting ang panga ni Lance habang pabilis
nang pabilis pa lalo.

Hindi ko na napigilan, nauna na akong makarating sa rurok ng kaligayahan. Nanginig


ang buong katawan ko habang si Lance ay patuloy sa nagmamadaling galaw.

"Syet! I'm coming, baby! Uhm, baby, malapit na ako!"

"Huwag sa akin," hiling ko.

Bahagyang natigilan si Lance at tumigil sa pag-ulos.

Kagaya kanina, dumaan uli ang pagkabigla sa mukha niya dahil sa hiling ko. Ngunit
sa huli ay ngumiti siya at mabagal na tumango, pagkuwa'y hinugot ang pagkalalaki
niya mula sa loob ko at ipinatong sa bandang puson ko.

At kagaya kanina sa unang pagtatalik namin, bahagya akong bumangon at hinawakan ko


ang pagkalalaki niya at hinagod ko iyon nang hinagod hanggang sa tuluyang labasan
si Lance. Nagtaas-baba ang kamay ko sa pagkalalaki niya hanggang sa maubos ang
katas ni Lance sa ibabaw ng tiyan ko.

"Ohh, ang sarap.." Ungol ni Lance habang nakatingala nang haplusin ko ang mamula-
mulang ulo ng pagkalalaki niya dahilan para pumintig-pintig iyon.

"B-Baby, ang sarap niyan." Nanginig pa siya dahil doon.

Inulit-ulit kong haplusin ang ulo ng pagkalalaki niya bilang pangbawi sa pambibitin
ko sa kaniya. Nang sa gayon, mapantayan ko ang satisfaction na ipinadama niya sa
akin kanina.

"Ooh, ang sarap..." Nanginig uli siya na parang nakikiliti sa ginagawa ko. "Enough,
baby." Hinawakan niya ang kamay ko para patigilin na ako. Okay na ako."
Nagtama ang mga mata namin. Humihingi ng pasensya na tiningnan ko siya. Pasensya
dahil hindi ako pumayag na sa akin niya iputok ang katas niya. Ayoko pa, hindi pa
ako handa, at the same time ay takot ako.

Nakakaunawang nginitian niya ako sabay halik sa tungki ng ilong ko. " It's okay,
baby."

Pagkuwa'y pareho naming inabot ang mga labi ng isa't isa. Ilang segundo ring
tumagal iyon bago niya ako binuhat patungo sa banyo para alisin ang katas niya sa
ibabaw ng tiyan ko.

Sabay na rin kaming naligo at thank God dahil wala ng round 3 sa banyo. Pagkatapos
naming maligo ay muli niya akong binuhat pabalik sa kama.

Magkayakap kami at nagpapakiramdaman.

"Lance." Mayamaya ay tawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

"Pagkatapos ng bakasyon natin, gusto ko sanang maghanap ng trabaho.

Naramdaman ko na natigilan siya nang ilang sandali bago sumagot." Are you sure?
Ayaw mo bang magpahinga na lang muna?"

"Gusto ko sanang malibang at maging abala. Kung hindi pa ako magtatrabaho at sa


bahay lang ako, baka mas mahirapan akong maka-move on sa pagkawala ng anak natin."
Habang sinasabi ko iyon ay pinaglalaruan ko ang maliliit na balahibo sa dibdib
niya.

"Kapag ikinulong ko ang sarili ko sa bahay, mas malulungkot ako, mas lalo lang
akong mangungulila sa anak natin. At least kung may trabaho na ako, magiging abala
ako at hindi ko na mas'yadong mararamdaman iyong sakit ang lungkot," patuloy ko
nang hindi siya umimik.

"Tapos ikaw, babalik ka na rin sa trabaho mo. Ayokong maiwang mag-isa sa bahay..."

"Okay. Kung sa tingin mo mas makakatulong para sa 'yo ang magkaroon ng trabaho, do
it. Pumapayag ako na magtrabaho ka uli pagbalik natin. Gusto ko ring maka-move on
na tayo, hindi man agad-agad at least man lang paunti-unti, 'di ba? Wala namang
ibang tutulong sa atin para mag-heal kundi tayo rin mismo. And I'm so proud of you
dahil gusto mo ring tulungan ang sarili mo," aniya.

Pinangilidan ako ng luha nang maalala na naman ang anak ko pero ginawa ko ang lahat
upang pigilan iyon. Nagtagumpay naman ako.

"Simon told me bago tayo umalis na walang mahirap kapag magkasama tayong dalawa.
Hindi ko rin makakalimutan iyong isang payo niya sa akin noong naabutan niya akong
nag-iinom sa bahay niyo," kuwento niya.

"Na ano?"

"Na kapag may dumating na pagsubok sa ating dalawa, hindi puwedeng pareho tayong
mahina. Kailangan daw kapag mahina ka, malakas ako. At kung ako naman ang mahina
dapat ikaw naman daw iyong malakas. At tama naman siya, dahil kung mahina ka at
naging mahina rin ako, walang hihila sa atin paitaas at sabay tayong bubulusok
paibaba."

Napangiti ako habang naluluha. Kung nandito lang si Kuya Simon, yayakapin ko siya
dahil hindi niya kami pinababayaan ni Lance. At napaka-suwerte ko dahil may Kuya
Simon ako sa buhay ko.

Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha nang mabasa ang pisngi ko Akala ko luha ko
pero kay Lance pala.

"You're crying. Why?"

"Masaya lang ako. Ang sarap lang sa pakiramdam na kapag hinang-hina na ako, ang
daming tao na handa akong damayan. Kahit masama ang loob sa akin ng mga magulang
mo, ni minsan wala akong narinig sa kanila. Ang sarap sa pakiramdam na
napapalibutan ako ng mga taong totoong nagmamahal sa akin nang buo. Ang tagal kong
naramdaman na napakarumi ko, takot sabihin sa iba ang naranasan ko noon pero nang
sabihin ko sa 'yo sa halip na pandirihan mo 'ko, niyakap mo pa ako. Gano'n din ang
ipinaramdam sa akin ng mga magulang mo nang aminin ko sa kanila ang totoo. Akala
ko, kapag nalaman niyo, isa-isa kayong mawawala pero hindi iyon ang nangyari,"
basag ang boses na litanya ni Lance.

Pati ako ay napaluha na rin.

"Maraming salamat sa pagtanggap, baby. Huwag na huwag kang mawawala sa akin, ha?
Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko... gusto kong tumanda na ikaw ang
kasama ko. Salamat sa pagtanggap at pag-stay sa tabi ko kahit anong bulok ng
nakaraan ko."

Bahagya akong bumangon at tumunghay sa kaniya. Tinuyo ko ang mga luha niya gamit
ang palad ko.

"Hindi naman kasi sukatan ng pagkatao mo ang nakaraan mo. At umasa ka na hindi ako
bibitaw. Magkahawak-kamay tayong babangon ulit, at magkasamang bubuo ng mga
pangarap," pangako ko na ikinatango ni Lance.

"I love you so much, Sheena..." pagkuwa'y damdaming pahayag niya.

"Mas mahal kita." Nakangiting sagot ko. "Tulog na tayo?"

Ang nangungusap niyang mga mata ay napalitan ng simpatikong ngiti.

"Ayaw mo ng round 37"

"Ayoko na. Sobrang tindi naman ng libido mo, nakadalawa ka na humihirit ka pa."
Pinalo ko ang dibdib niya na ikinatawa niya.

"Paano hindi titindi, eh naipon na. Tingnan mo nga, ang dami ng una at pangalawang
putok ko. Kung sa loob iyon baka makabuo uli tayo."

"Ayoko pa, Lance. Huwag muna ngayon, hindi ko na naman napigilan ang malungkot.

Kinabig ako ni Lance pahiga sa tabi niya. "Nagbibiro lang ako, baby. I love you.
Tulog na tayo.."

Pagkuwa'y sabay na kaming nakatulog.....

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa pag-iingay ng cell phone. Hindi iyon ang ring tone ko
kaya alam ko na kay Lance iyon.

Babangon sana ako nang maramdaman kong nauna na si Lance at sinagot ang tawag.

"What do you want? Nag-usap na tayo, 'di ba?" Bungad niya sa caller. Tumahimik si
Lance waring nakikinig sa sinasabi ng kausap niya.

"No. Hindi ako puwedeng pumunta riyan, Valerie."

Naalarma ako nang marinig kung sino ang kausap niya. Mayamaya ay naramdaman ko na
tumayo si Lance at bahagyang lumayo.

"Valerie, please stop using your daughter! You're perfectly aware that she is not
my daughter." Mahina ngunit may gigil na sabi ni Lance sa babaeng 'yon.

"I'm warning you, Valerie. Nang gagohin mo ako, wala kang narinig sa akin na maski
ano kaya utang na loob huwag mong guluhin ang buhay ko." May sinabi uli ang kausap
niya.

"Yes! Of course, I love my wife. Masaya na ako sa buhay ko kaya tigilan mo na ang
panggagamit sa anak mo para sirain ako. Maawa ka sa sarili mong anak na pinapaasa
mo na ako ang tatay niya kahit alam mong hindi ako. I never had s*x with you,
Valerie, alam mo iyan." Tumahimik uli si Lance.

"Ayoko ng gulo. This is the last time na guguluhin mo ako, Valerie. Just go on with
your life and I'll do the same!"

Mabilis akong pumikit nang marinig kong bumalik sa tabi ko si Lance. Ramdam ko ang
tensyon sa kaniya dahil nagtaas-baba ang dibdib niya habang nakayakap sa akin.

Sinasabi ko na nga ba, ginagamit ng babaeng 'yon ang bata para ipaako käy Lance.

Sa kabila ng inis para sa babaeng 'yon at napangiti ako. Masaya akong marinig na
mahal ako ni Lance at sigurado ako na walang anak sa iba ang asawa ko.

"I love you, babygirl." Dinig kong sabi ni Lance sabay dampi ng halik sa pisngi ko.

Pagkuwa'y umayos na ng higa sa tabi ko at muli kaming natulog.

GIRLONFIRE28

#vote# Goodnight.... Salamat sa inyong lahat

Chapter 46

Chapter 46

SHEENA POV

KAGAYA ng sinabi at ipinangako ni Lance sa akin, hindi na nga basta sumulpot sa


harap namin ang mag-ina ni Lander. Hindi ko na sila nakita hanggang sa makaalis
kami sa Cagayan. Kaya ang dalawang araw na natira sa amin ay talagang nasulit at
na-enjoy namin ni Lance.

Wala kaming ginawa sa loob ng dalawang araw kundi mamamasyal, mag-swimming, mag-
usap, magkuwentuhan at muling bumuo ng mga plano para sa future naming dalawa.
Napagkasunduan din namin na magkasama kaming a-attend sa counseling kapag pareho
kaming libre para mas madali kaming mag-heal. Na sabay kaming aalis sa masakit na
kabanata ng buhay namin na iyon. Sabay kami, walang maiiwan at walang mahuhuli.

"Bakit ang ganda ng ngiti ng Misis ko?" Dinig kong sabi ni Lance, tapos na pala
siyang maligo.

Pagkatapos ko kasing magbihis para sa pag-alis namin ngayon pabalik ng Cavite ay


hindi ko napigilang buksan ang kurtina ng bintana at tumanaw sa malawak na
karagatan. Kung saan kitang-kita ang pagsikat ng haring araw.

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang pinapanuod ang sunrise.

Naramdaman ko sa likuran ko ang asawa ko at nakidungaw rin sa bintana. Ipinatong


niya ang baba sa balikat ko habang ang mga braso ay pumaikot sa katawan ko.

"Kapag nakikita kitang nakangiti, ang saya ko pero naiiyak ako," aniya.

Hinawakan ko ang mga braso niyang nakapulupot sa beywang ko. "Ang ganda ng sikat ng
araw, 'no? Para bang ipinagyayabang niya sa atin na kahit mawala man siya sa gabi,
pagdating ng umaga ay babalik siya at sisikat ayon sa kagustuhan niya."

"Yeah, at ang araw na iyan ang patunay na kahit gaano kadilim sa gabi, pagdating ng
umaga ay may naghihintay na liwanag sa atin. Ang araw na iyan ang magpapatunay na
hindi habang-buhay ay nasa madilim na kabanata tayo ng ating buhay," makahulugang
usal niya.

Napangiti ako lalo. "And thank God, hinayaan Niya tayo na masilayan ang araw na
'yan."

"Yeah, at thank God dahil ibinigay Niya sa akin ang isang babaeng kagaya mo."

Malawak ang ngiting pumihit ako paharap sa kaniya. "Magbihis ka na, baka kung saan
na naman humantong ang pambobola mo, Mister"

Napahalakhak si Lance. "Mind reader ka ba? Alam na alam mo kung ano ang tumatakbo
sa isip ko, eh"

"Hindi ko na kailangang basahin ang laman ng isip mo para masabi ko na iba na naman
ang iniisip mo dahil diyan palang," sabi ko sabay tingin sa pagitan ng mga hita
niya. Namumukol ang harapan niya na tanging puting tuwalya ang nakatakip.

"Diyan pa lang buking na buking ka na po, Mister"

Malakas siyang tumawa sabay hawak sa kaibigan niya. "Kumalma ka naman, buddy.
Nabubuking tayo dahil sa 'yo, eh."

"Baliw!" Natawa na rin ako. As if naman kasi na naiintindihan siya ng kaibigan


niya. "Magbihis ka nga, baka ma-late na tayo sa flight natin."

"Okay"

Habang nagbibihis si Lance ay inayos ko na ang ibang gamit namin. Nagsusuot na ako
ng medyas nang umupo si Lance sa may paanan ko.

"Let me," kinuha niya ang medyas sa kamay ko at siya ang nagsuot sa mga paa ko.
Maging ang rubber shoes na susuotin ko ay siya na rin ang nagsuot sa paa ko.

Napangiti ako. Kinilig ako kahit sa ganito kasimpleng gesture lang ni Lance.

"Done."

"Thank you. You're so sweet." Hinagkan niya ang magkabilang palad ko.

"I love you." Puno ng pagmamahal na sabi niya.

"I love you, too. Pero tara na, late na tayo."

Sabay kaming napangiti sa isa't isa at pagkuwa'y magkahawak-kamay na nilisan ang


hotel iyon.

Dumiretso kami sa airport. Hindi naman nagtagal ay lulan na kami ng eroplano


pabalik ng Maynila.

Pagkalipas ng ilang sandali ay nasa NAIA na kami. Nag-abang kami ng taxi at agad
din namang nakasakay.

Hindi na kami nagpasundo para hindi na maabala si Kuya Simon.

Medyo na-traffic kami sa daan pero hindi naman kami nainip dahil kahit sa taxi ay
hindi maubos-ubos ang mga punchline ni Lance. Na pati taxi driver ay natatawa sa
mga banat niya.

"Tumigil ka na nga, ang dami mong alam," ingos ko.

Tumawa lang si Lance at hindi pa rin nagpaawat sa pagpapatawa sa akin.

Tumigil lamang siya nang makarating na kami sa tapat ng bahay ng mga magulang ko.
Inabutan ni Lance ng bayad ang taxi driver at hindi na kinuha ang sukli dahilan
para abot-abot ang pasasalamat ng lalaki.

Nasa gate pa lamang kami nang marinig ko na parang maingay sa loob ng bahay namin.
Mukhang may bisita sina-Mama...

At hindi nga ako nagkamali dahil pagpasok namin sa sala, naroon ang mga kaibigan
nina Kuya Simon at Lance, nagkakasiyahan silang apat.

"Whoa! Look who's here, guys!" Bulalas ni Ate Kristine na siyang unang nakapansin
sa amin.

Sabay-sabay na bumaling sa amin ang apat.

"Hey! Welcome back, strong couple!" Malakas na bati ni Ate Madeline at lumapit sa
amin. "I missed you both." Pagkuwa'y pareho kaming niyakap ni Lance.

"Thank you, Ate. Missed you, too."

Nagbigay daan si Ate Madeline nang lumapit din si Ate Kristine.

"Welcome home, beautiful couple! Kumusta ang vacation?" Bumeso rin siya sa amin.
"Nag-enjoy ba kayong dalawa?"
Sabay kaming tumango ni Lance na ikinangiti niya. "That's good to know."

Tapos nang mangumusta ang dalawang babae pero si Kuya Simon at Kuya Joven ay hindi
umalis sa kanilang mga kinatatayuan at nakatingin lamang sa amin ni Lance.

"Tatayo lang ba kayong dalawa diyan?" Si Lance sa kaniyang mga kaibigan.

Nagkatinginan ang dalawa sabay tingin uli kay Lance.

"Welcome home siyempre." Si Kuya Joven na lumapit na kay Lance. " Ang sarap ninyong
pagmasdan na dalawa," dagdag pa niya.

"Bakit?"

"Noong umalis kayo ang didilim ng awra niyo, eh. Pero ngayon, ang fresh ninyong
tingnan, bumalik ang liwanag sa mga mukha niyo," sagot ni Kuya Joven at tinapunan
ako ng tingin. "Lalo ka na, bunso. Bumalik na ang sigla ng mukha mo at medyo
bumalik na ang timbang mo

"Siyempre, palagi siyang binubusog ni Lance, 'di ba, bunso?" Singit ni Ate
Kristine. "Hindi kagaya mo."

"Tss! Ako na naman ang nakita mo Tumahimik ka nga muna, kinakausap ko pa silang
dalawa," saka muling bumaling sa amin ni Lance.

"Masayang-masaya kami para sa inyo, mukhang malaking tulong sa inyo ang 2 weeks
vacation. Nakaka-proud lang, kaya suwerte ni Lance sa 'yo, sobra." Tumingin siya sa
asawa ko. "Di ba? Lucky man..."

Napangiti si Lance at tiningnan ako, saka humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.

"She's my answered prayer."

"Whoahoo!" Sabay-sabay napasipol ang mga kaibigan ni Lance dahil sa sinabi niya.

"Ang tam-is, Man!" Si Kuya Joven. "Ganiyan nga, magmahalan lang kayong dalawa.
Tuparin ninyo ang sinumpaan ninyo na magsasama kayo sa hirap at ginhawa. Sa lungkot
at saya," payo pa niya.

"We will, pastor." Sagot ni Lance na ikinatawa ng magkakaibigan maliban kay Kuya
Simon. Ngumiti siya sa akin. Alam ko, masaya siya kahit hindi niya sabihin.

"Kuya.."

Humakbang siya palapit sa amin.

"Welcome home, babygirl." Niyakap niya ako kahit hawak ni Lance ang kamay ko.
"Masaya ako na makita kitang ganito uli," aniya pa.

"Salamat sa libreng bakasyon, Kuya. The best ka talaga."

Kumalas siya at ginulo ang buhok ko. "Basta para sa 'yo, gagawin ko lahat"

"Thank you, Kuya." Pagkatapos niya akong yakapin ay sila naman ni Lance ang
nagyakapan na parang magkapatid.

"Thank you, bayaw." Dinig kong sabi ni Lance.

"Anything basta para sa inyo ng kapatid ko, bayaw."


"Naks! From dude to bayaw, level up, men!" Tudyo ni Kuya Joven na ikinatawa na
naman nila.

"Group hug!" Anunsyo ni Ate Madeline at nakiyakap na rin. Napagitnaan nila kami ni
Lance.

Pagkatapos ng group hug ay nagpaalam muna kami ni Lance na papanhik muna sa taas
para makapagpalit ng damit.

Pagdating sa kuwarto ay pabagsak akong humilata sa kama habang si Lance ay sa banyo


dumiretso.

Habang nag-iisa sa kama, napatitig ako sa kawalan at kinapa ang dibdib ko. May
kirot, may lungkot, may sakit pa rin pero aaminin ko na medyo nabawasan na iyon.

Kinuha ko ang album na puro larawan namin ng baby ko. Nasa unang pahina pa lamang
ako pero naiiyak na naman ako pero pinigilan ko. Nangako na ako sa sarili ko na
magiging matatag at malakas ako.

"Tulungan mo si Mama, ha, anak? Hindi kita makakalimutan kahit anong mangyari dahil
para sa akin ikaw at ikaw ang panganay ko. Hindi man kita nahawakan pero sa puso ko
palagi ka lang nandito." Hinaplos ko ang larawan.

"Be our angel, ha? Gabayan mo kami ng papa mo lalo na at malapit na siyang bumalik
sa trabaho niya. Kahit wala ka na, mananatili ka sa mga puso namin. Mahal na mahal
ka namin, baby." Nanginig ang boses ko pero hindi na ako umiyak.

Napatingin ako sa bungad ng pinto ng banyo, nakatayo roon ang asawa ko. Mabagal
siyang humakbang palapit sa akin, saka tumabi sa kama.

"Tama ang mommy mo, anak. Kahit anong mangyari, mahal na mahal

ka namin. Bantayan mo kami lagi, ha? Lalo na ang mommy mo, anak." Nagkatinginan
kami ni Lance na parehong may malungkot na ngiti sa

aming mga labi.

Tinapos namin ang pagbubuklat ng album bago ko itinabi iyon. Kung noong una, parang
pinupunit ang puso ko ngayon ay medyo magaan na.

"Ayaw mong maki-join sa kanila? Sabi nila bumalik tayo sa baba," ani Lance nang
humiga na ako.

"Ikaw na lang, baby. Inaantok ako, eh. Parang gusto ko munang matulog pero ikaw
maki-join ka sa kanila," sagot ko.

"Sure ka? Puwede namang dito na lang din ako, sasamahan kita-"

"Heh! Tumigil ka nga, namimihasa ka na." Sansala ko.

Hindi ko kasi gusto ang kapilyuhan sa mga mata niya, mukhang may naiisip na namang
kamunduhan.

"Ayaw mo talaga?" Naging maharot na naman siya at dumukhang sa akin.

Tinulak ko siya sa dibdib at gigil na pinisil ang ilong. "Ayoko. Tumigil ka Lance,
napagbigyan na kita sa beach."
Damot naman ng misis ko." Reklamo niya at napahagalpak ng tawa nang batuhin ko ng
unan.

"Labas na, tutulog muna ako. Pasabi na lang sa kanila," utos ko.

"Masusunod ho, Kamahalan," pagbibiro niya na ikinangiti ko.

"Huwag dadamihan ang inom, ha?" Bilin ko nang nasa may pintuan na siya.

"Noted po, Misis." Kumindat-kindat pa siya bago isinara ang pinto pero mayamaya ay
muling bumukas at sumungaw ang ulo niya. "Ayaw mo talaga?"

"Ayaw..."

"Sure ka?"

"Sure na sure po, Mister."

"Okay." Inilapat niya ang pinto pero wala pang segundo ay bumukas na naman. "Ayaw
mo talaga, ha? Final answer?" Pangungulit niya na kinatawa ko na.

"Ayaw, final answer kaya layas na, Mister."

"Sayang naman final na pala." Pinahaba pa niya ang nguso, nagpapa-cute pa siya nang
batuhin ko uli ng unan.

Napapangiti akong mag-isa nang sa wakas ay lumabas na siya ng tuluyan.

Napatitig ako sa kisame, ako pala iyong tumawa. Puwede pala iyon. At aaminin ko na
iba ang gaan ng pakiramdam ko ngayon, siguro dahil kahit masakit pa rin ay unti-
unti ko nang tinatanggap ang nangyari.

Wala naman akong choice na iba kundi ang tanggapin iyon at magpatuloy sa buhay
kasama ang asawa ko.

ISANG LINGGO pa ang pinalipas ko bago itinuloy ang plano ko na mag-apply muli ng
trabaho. At bago ko gawin iyon, komunsulta muna ako sa doktor ko kung puwede na ba
at pinayagan naman niya ako dahil sa huling check up niya sa akin ay maayos na ako.

Sínubukan pa akong tulungan ni Lance na makahanap ng trabaho pero tumanggi ako


dahil kaya ko naman iyon. Hindi naman naging mahirap para sa akin na makahanap ng
panibagong hospital na papasukan ko dahil ilang taon na ako sa ganoong trabaho.

Sa isang pampublikong hospital ako nag-apply at awa ng Diyos ay natanggap agad ako
pagkalipas ng isang linggong paghihintay ng resulta ng apply ko. Sinubukan pa akong
pabalikin ng dati kong boss sa dating hospital na pinagtatrabahuhan ko pero
tumanggi ako. Kahit nalaman ko na wala na roon si Lander at iba na uli ang director
ay hindi na ako bumalik.

Mas pinili kong mag-apply sa iba.

At ngayon nga ang unang araw ko sa trabaho kaya naman maaga akong gumising. Excited
ako sa bagong working place ko at sa mga makakasama ko roon.

Pagkatapos kong gumayak ay nagmamadali na akong lumabas pero burnalik din agad para
hagkan ang album ng baby ko.

"Be with me, Anak. I need your support, ha? Kailangan ni Mommy mag-work para
makabangon uli sa pagkawala mo," pagkausap ko sa album at hinagkan iyon nang
paulit-ulit.

"Bye muna, anak." Pagkuwan ibinalik ko na iyon sa ilalim ng unan ko at tuluyan nang
lumabas.

Pagbaba ko ng hagdan ay napatda ako sa nakita kong Adonis sa sala.

"You're here?" Gulat na bulalas ko pagkakita sa asawa ko.

Back to work na rin kasi siya kaya hindi ko alam na darating siya ngayon.

"Ang sabi mo, Wednesday pa ang uwi mo?" tanong ko nang salubungin niya ako sa may
puno ng hagdan.

Matunog niya akong hinagkan sa aking mga labi.

"Hindi kita matiis, eh. Gusto kong ihatid kita sa unang araw ng trabaho mo kaya
nandito ako. So shall we?"

Napangiti ako. "Thank you. Tara na?"

"Sure."

Nagpaalam lamang ako sa mga magulang ko bago tuluyang umalis.

Napangiti ako nang ilang beses kong mahuli na tingin nang tingin sa akin ang asawa
ko.

"Baka mabangga tayo, Mister," natatawang paalala ko. "Mag-focus ka sa pagmamaneho


mo."

Hindi siya nakinig at ipinagpatuloy ay pagsulyap sa akin. Daig pa niya ang binatang
gustong manligaw. Gustong-gusto ko kapag simpatiko ang mga ngiti niya.

Kinikilig pa rin ako.

"Gandang-ganda ka na naman sa akin niyan?" hindi napigilang tudyo ko na ikitawa


niya.

"Palagi ka namang maganda sa paningin ko."

Napairap ako. "Bolero."

"Totoo. Paganda ka nang paganda sa paglipas ng mga araw, para kang bulaklak na
namumukadkad."

Napahagikhik ako nang wala sa oras. "Ewan ko sa 'yo."

"Seryoso nga, baby. Partida pa iyan, wala ka pang dilig lalo na kung palagi kitang
nadidiligan." Kumindat pa siya bago ibinalik sa daan ang tingin.

"Oo na lang."

"Mamaya, didiligan kita." Nakangisi niyang sabi.

"Baliw. Bilisan mo na, baka ma-late na ako sa first day ko."

"Sure, Kamahalan."
GIRLONFIRE28

#vote. Thank you po!

Chapter 47

Chapter 47

SHEENA POV

"HUWAG ka ng bumaba," pigil ko nang akma siyang bababa ng sasakyan.

Nasa harap na kami ng bagong tahanan ko simula sa araw na 'to.

"Why?" Nagtataka niyang tanong.

"Basta. Huwag mo na akong ihatid sa loob, keri ko na."

Nagkaroon ng gatla ang noo niya. "lyong totoo? Ikinakahiya mo ba?" Hinampong sabi
niya na ikinatawa ko.

"Baliw, hindi. Bakit naman kita ikakahiya?"

"Eh bakit ayaw mong ihatid kita sa loob? O kahit ang bumaba man lang?

"balik-tanong niya.

Napanguso ako. "Basta nga."

"Hindi ko tatanggapin ang sagot mo na basta, kailangan ko ng valid reason kung


bakit ayaw mo akong pababain?"

Wala akong nagawa kundi ang inguso ang grupo ng mga nurse sa labas ng hospital.
Tapos na siguro ang shift nila at nagpapahinga lang siguro doon bago umuwi.

"Mas'yado kang guwapo ngayon, baka pag-interesan ka nila, eh. Baka magkaroon pa
sila ng crush sa 'yo. Para sa akin lang iyang kaguwapuhan mo," diretsang sabi ko.

Pagbaling ko kay Lance ay nahuli ko siyang ngiting-ngiti habang pinamumulahan ng


mukha.

"Bakit namumula ka?"

"Kinikilig ako, tang'na." Parang siyang hiyang-hiya na nagtakip ng mukha.

Napatawa ako sa naging reaksyon niya.


"Ganito pala ang feeling kapag ikaw ang possessive sa akin. Masaya na masarap pala
talaga kapag ipinagdadamot ka rin sa iba," aniya pa na parang teenager na
kinikilig.

Ang cute ng reaksyon niya lalo na ang pamumula ng mukha niya.

"Natural ipagdadamot kita, asawa kita at akin ka lang," mapang-angkin na sabi ko.

"Syet!" Mahinang mura niya at tumingala pa. "Mas'yado mo na akong pinapakilig,


Misis. Ang mabuti pa bumaba ka na, at baka magbago pa ang isip ko at maluwi kita
nang wala sa oras."

Natawa ako. "Okay. Salamat sa paghatid."

"You're most welcome. Anything for my beautiful wife."

Pinaikutan ko siya ng mga mata habang pigil-pigil ang kilig. "Bababa na ako, kanina
pa tayo nagbobolahan, Mister."

Napahalakhak ito. "Hindi kita binobola, ah. Nagsasabi lang ako ng totoo, hayaan mo
mamaya patutunayan ko sa 'yo kung gaano ka kaganda sa paningin ko." Nasa mukha na
naman niya ang kapilyuhan.

Hinampas ko siya sa hita. "Oo na. Mamaya na tayo magbolahan, naalala ko may
briefing pa ako today."

"Okay, mamaya na lang. Susunduin kita mamaya, ha?"

"Sige. Mga 5 pm siguro out na ako pero agahan mo para hindi na ako maghintay, ha?"

"No problem, basta iyong usapan natin mamaya."

"Na ano?" Takang tanong ko. "May usapan ba tayo?"

"Nakalimutan mo agad? lyong dilig, 'di ba? Kailangan iyon kahit once a week, baka
matuyo ang flower mo, eh."

Napanganga ako at nang makabawi ay napatawa. "Siraulo!"

Tawang-tawa si Lance habang ako nama'y pinamulahan ng mukha dahil sa kapilyuhan


niya.

"Puro ka kalokohan, Lance!"

"Seryoso ako."

"Oo na lang. Sige na, bababa na talaga ako."

"Okay, baby. See you later."

"See you later. Ingat ka pauwi, ha?" Bilin ko saka siya binigyan ng mabilis na
halik sa kaniyang mga labi.

Pagkuwa'y bumaba na ako. "Bye, baby! Ingat, ha?" sabi ko uli bago tuluyang isinara
ang pinto.

Nakabukas pa ang bintana kaya kinawayan ko si Lance at paatras na naglakad.


"Bye!" Nag-flying kiss pa ako sa kaniya na kunwari naman niyang sinalo st dinala sa
mga labi ko.

Naiiling ako habang kinikilig. Para kaming mga bagets sa inaakto naming mag-asawa.

Isang kaway pa ang iniwan ko sa kaniya bago ako tuluyang tumalikod at naglakad
palapit sa entrance.

"Good morning, Ma'am." Mabait na bati sa akin ng guwardya na naka-duty sa entrance.

"Good morning din po, ganting bati ko at nilampasan na siya.

Dumiretso ako sa opisina ng pinaka-head ng hospital. Kumatok ako ng dalawa upang


ipaalam na narito na ako.

"Come in," anang boses lalaki sa loob.

Pinihit ko ang seradura at mabagal na itinulak pabukas ang pinto.

"Good mornin-" napatda ako at hindi natapos ang pagbating gagawin nang makita ko si
Rachel.

Anong ginagawa niya rito?

Matamis na ngumiti si Rachel sa akin at kumindat na para bang gusto niyang sabihin
na mamaya na niya sasagutin ang mga tanong ko.

"Ah, good morning po sa inyong lahat." Bati ko at bahagyang yumukod biglang


paggalang sa mga bosses ko.

"Good morning, Mrs. De Asis. You may have a sit." Si Dr. Madrigal, ang

pinaka-head dito.

Umupo ako.

Bago siya magsimula na i-brief kami ay ipinakilala muna kami ni Dr. Madrigal sa
isa't isa. Napag-alaman ko na ang apat na kasama ko rito sa loob ay pawang mga
newly hired nurses, kasama na ang kaibigan. kong si Rachel.

Tumagal ng kuwarenta minutos ang briefing ni Dr. Madrigal. Pagkatapos niyon ay


sabay-sabay na kaming lumabas at nagtungo sa mga working place namin.

Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon para usisain ang kaibigan ko kung bakit siya
napunta rito. Kaagad na kasi siyang napa-duty sa ER.

Lunch break na nang magkita kami ni Rachel sa canteen ng hospital kaya/nagkaroon na


ako ng pagkakataon para mag-usisa.

"Wala ka man lang pasabi na dito ka na rin? Kausap pa kita kagabi at ikinuwento ko
sa 'yo na ngayon ang start ng trabaho ko rito pero hindi ka man lang nagsabi sa
akin."

Ngumisi pa ang loka. "Kung sinabi ko sa 'yo, eh 'di hindi na surprise iyon?

"Buwisit ka." Tinawanan lamang niya ako.

Habang kumakain ay nalaman ko na pagkatapos kong sabihin sa kaniya kung saang


hospital ako nag-apply ay dali-dali rin siyang nagpasa ng application niya. 'Ika
niya kung nasaan ako ay dapat naroon din siya dahil best friend kaming dalawa.

"Mabuti na lang at natanggap ka rin," sabi ko kapagkuwan.

"Naman! Kung hindi nila ako in-hire, aba! Daig pa nila ang tumanggi sa grasya.
Maganda ang credentials ko, over qualified pa nga, eh." Pagyayabang niya na
ikinatawa ko.

"Yabang." Natatawa kong biro.

"Hindi ba totoo? Taon-taon may award ako na most kind nurse, ah."

"Eh 'di ikaw na. Sa 'yo na ang korona." Pagbibiro ko.

Sa buong durasyon ng pagkain namin ay kung saan-saan na napunta ang kuwentuhan


namin. Hanggang sa akin iyon mapunta.

"Masaya ako na okay ka na, besh. Nakaka-proud na unti-unti mong nalalampasan ang
mga nangyari nitong mga nakalipas na linggo. Basta tuloy lang ang laban, ha.
Nandito lang ako palagi para sa 'yo, alam mo iyan."

Nginitian ko siya. "Naman. At sobrang na-apprreciate ko na nagawa mong mag-resign


sa dati nating pinagtatrabahuhan para samahan ako rito."

"That's a friend are for," pagkanta niya. "Basta kung nasaan ka, nandoon din ako
para kapag may kumanti sa 'yo nandito ako para rumesbak agad-agad."

"Thank you, besh! The best ka talaga."

"Mas the best sa asawa mo?"

"Ay siyempre hindi, mas the best ang Mister ko. The best siya sa lahat ng bagay."
Puno ng pagmamalaki na sagot ko.

Umikot ang mga mata niya. "O, e, 'di ikaw na. Ikaw na ang may asawang the best. Sa
'yo na ang korona ni Pia Cayetano."

"Gaga, hindi Cayetano iyon."

"Ay hindi ba?"

Sabay kaming natawa sa kakulitan naming magkaibigan. Hindi namin namalayang


napapalakas na pala ang tawanan namin dahil pagtingin namin sa paligid ay nasa amin
ang mga tingin nila. Iba't iba ang kanilang reaksyon. May natatawa, may tila
naaaliw at siyempre mayro'n ding nakataas ang mga kilay habang salitan kaming
tinitingnan ni Rachel.

Nagkatinginan kami ni Rachel at sabay napakagat-labi.

"Mukhang badtrip sa atin ang grupo ng tatlong nurse doon sa dulo, besh, " aniya sa
mahinang boses.

"Ikaw kasi, e. Ang lakas ng tawa mo."

Pinandilatan niya ako. "Wow, ako lang ba? Ikaw rin kaya."

"Halika na, alis na tayo rito." Pagyayaya ko at sabay na kaming tumayo bitbit ang
platong pinagkainan.
Ibinagay lang namin iyon sa dishwasher, saka lumabas na ng canteen.

"Susunduin ako ni Lance mamaya, sabay ka na sa amin, ha?" Alok ko. Nalaman ko na
sabay kami ng out mamayang hapon.

"Sure. Kita na lang tayo sa labas mamaya."

"Ge, mamaya na lang."

Naghiwalay na kami ni Rachel at bumalik sa kaniya-kaniyang trabaho. Naging abala


ako ng mga sumunod na oras. Bandang alas kuwatro ng hapon nang maubos ang mga
samples na tinatrabaho.

Bago pa man dumating ang oras ng out ko ay dumating na ang kapalitan ko.

"Hi, bago ka?" Mabait niyang bungad sa akin nang madatnan ako sa loob ng
laboratory.

"Hello. Oo, ngayon ang first day ko."

"O, talaga. Kumusta naman ang first day mo rito? Hindi ka ba nahirapan?" magiliw na
tanong niya uli.

"Hindi naman. Naging maayos naman ang first day ko rito."

"O, nice. First job mo ba?"

"Ay hindi, bale ilang taon na rin ako sa ganitong trabaho. Nag-resign lang ako sa
dating hospital na pinagtatrabahuhan ko."

"O, talaga. Kaya pala hindi ka na nahirapan, eh. Akala ko first job mo, parang ang
bata mo pa kasi. Ilang taon ka na ba?"

"Turning 25 na ako." Lumarawan ang gulat sa mukha niya.

"Ay grabe, akala ko 19 or 20 ka pa lang. You look younger than your age. Kaloka,
tatlong taon lang ang tanda ko sa 'yo pero mukha akong auntie mo."

Natawa rin ako nang tumawa siya. Grabe naman kasi siya sa auntie, pero infairness,
ang bait niyang kausap.

"Thank you."

"Ay wait," natawa siya. "Ang dami ko nang tanong sa 'yo pero hindi pa natin kilala
ang isa't isa," aniya sabay lahad ng kamay. "Ako pala si Armilyn, 28 years old, may
dalawang anak na babae at isang asawa siyempre. Ikaw?"

"Ako si Sheena Monreal-De Asis na ngayon. I'm happily married, wala pa ulit baby."

"Wala pa ulit?" Kunot ang noo niyang tanong.

"Yeah. Unfortunately I got miscarriage during my 14 weeks pregnancy."

Lumarawan ang pagkabigla sa mukha niya. Hindi ko inaasahan ang kasunod niyang
ginawa. Niyakap niya ako at tinapik-tapik ang likod ko. Na-touch ako do'n, sobra.
Knowing na hindi naman niya ako kilala.

"Bago ang eldest ko ngayon, may panganay rin ako kaso kagaya mo nawala din siya. I
was 18 back then, mas'yado pa akong bata noon. Masyado akong selosa, palagi akong
stress, kaya ayon nawala ang unang baby ko. Akala ko nga hindi na uli ako magkaka-
baby, eh. But thank God, after 5 years of waiting, nakabuo uli kami ng asawa ko.
Noong una niya akong mabuntis, hindi pa kami mag-asawa noon. Alam mo na, bata pa,
mapusok kaya nauna ang keri bago kasal."

Pati ako ay natawa sa huling sinabi niya.

"Hindi ba puwedeng nagmahal lang," sabi ko.

"Nagmahal na may kasamang kakerihan, huwag kang mag-alala aminado naman ako riyan."

Ngumiti lang ako. Mayamaya ay umarangkada na naman ang bibig niya kaya hindi ako
makaalis-alis.

"Kaya ikaw, huwag kang mawawalan ng pag-asa, Sheena. Bawat mapait at masakit na
nakaraan ay may kapalit na mas magandang biyaya. Kaya ikaw, huwag na huwag kang
matakot na sumubok uli, ha?"

Nangingilid ang mga luha na tumango ako. Aminado kasi ako na ayoko pa uli dahil
takot na ako. Kaya hindi ako pumapayag na sa akin iputok ni Lance.

Nakakaunawang nginitian niya ako.

"Natakot ka, 'no?" Tumango uli ako. "Okay lang iyan, ganiyan naman talaga sa una
kasi masakit pa sa atin bilang ina. Masuwerte na lang tayo kung maunawaing asawa
ang napunta sa atin."

"Kaya n-nga..." sang-ayon ko sa nanginginig na boses.

Muli niya akong binigyan ng nakakaunawang ngiti at pinayuhan sa pinagdadaanan ko.


At tunay pala na masarap makausap iyong mga taong may kaparehong karanasan na
kagaya ng sa akin. Bigla akong nabuhayan ng pag-asa at gusto kong umasa uli.

"Pasensya na, Ate," hinging paumanhin ko dahil tuluyan na akong napaiyak sa harap
niya. "Thank you sa mga sinabi mo, malaking bagay ito sa akin. Dahil sa 'yo, parang
gusto ko ulit umasa."

"Oo naman. Tingnan mo nga ako, may dalawang baby girl na ako ngayon kasi nagtiwala
ako sa Kaniya, sa plano Niya para sa akin."

"Thank you."

"You're welcome, napaiyak tuloy kita." Nakangiting sabi niya at magiliw na


pinunasan ang mukha ko. "Sige na, umuwi ka na at baka naghihintay na ang Mister
mo."

Nang maalala ko na pinapaaga ko nga pala si Lance ay kaagad na akong nagpaalam kay
Ate Armilyn.

Bago ako umalis ay hiningi pa niya ang cell phone number ko para raw makapag-
kuwentuhan kami tungkol sa buhay-buhay namin. Na ibinigay ko naman dahil gusto ko
siyang mas makilala pa.

Magaan kasi ang loob ko kay Ate Armilyn, siguro dahil nakaka-relate kami sa isa't
isa.

Bago lumabas, dinaanan ko muna si Rachel sa nurse station pero nakalabas na raw ang
kaibigan ko. Baka sa labas na ako hinihintay.
At hindi nga ako nagkamali dahil nasa may pinto pa lamang ako ay natanaw ko na siya
na kausap ang asawa ko.

Malalaki ang hakbang na naglakad ako palapit sa kanila.

"Baby!" Agad na bulalas ni Lance nang makita ako. Sinalubong niya ako at walang
kaabog-abog na hinalikan ang mga labi ko. "Kumusta ang first day ng misis ko?"
aniya nang pakawalan ang mga labi ko.

Napatitig ako sa kaniya. "I love you." Nabasag ang boses ko.

"I love you, too, baby." Pagkasabi niya niyon ay nagpakulong ako sa mga bisig niya.
Sumubsob ako sa dibdib niya, at alam kong nagtaka siya sa inaakto ko.

Bigla ko lang naalala ang sinabi ni Ate Armilyn na ang suwerte ng babaeng may
maunawaing asawa. At iyon ang ginawa at ipinaramdam sa akin ni Lance nitong mga
nakaraan.

"Thank you..." anas ko habang walang tunog na umiiyak sa dibdib niya. Humigpit ang
yakap niya sa akin. Alam ko na nagtataka siya sa inaakto ko.

"What happened? Hmm?" Malambing na tanong niya.

"Wala... gusto lang kitang i-hug." Narinig ko siyang tumawa.

"Ikaw talaga. Pinag-aalala mo naman ako, eh. Bakit ka ba umiiyak, ha?" Inalayo niya
ako ng bahagya sa katawan niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Bakit?"

Nginitian ko siya habang lumuluha. "Wala, bigla ko lang na-realize na ang swerte ko
sa 'yo."

"Ayan ka na naman, eh. Pakikiligin mo naman ako." Nagkaroon ng lambong ang mga mata
niya nang sabihin iyon.

Nagkatitigan kami na parang kami lang ang tao sa mundo ng mga sandaling 'yon.

"Aray! Aray, whoa! Aray!"

Sabay kaming napatingin sa kaibigan ko na aray nang aray habang kinakamot ang
binti, braso at leeg.

"Aray! Ano ba iyan, aray!"

"Anong nangyayari sa 'yo?" tanong ko.

"Nangangati ako, ang dami kasing langgam dito pinangagat ako, jusko! Sobrang tam-is
naman kasi, jusko, a-aray!"

Nagkatinginan kami ni Lance at sabay na tumawa. Na-realize namin na nagbibiro lang


si Rachel na nangangati.

"Ang dami nang langgam dito, umuwi na tayo at sa bahay na ninyo ituloy iyan.
Nakakaloka kayong dalawa, mas'yado kayong nagpapa-inggit."

Tumawa si Lance. "Huwag ka nang mainggit, pag-uwi mo may naghihintay na rin naman
sa 'yo." Tukso niya sa kaibigan ko

Nakita kong pinamulahan ng mukha ang kaibigan ko at hindi makatingin sa akin.


Pagtingin ko naman kay Lance ay ngiting-ngiti siya kay Rachel.
Anong alam ni Lance tungkol sa kaibigan ko? Hmm? 'Di kaya may boyfriend na ang
kaibigan ko na hindi ko alam?

"Let's go. Naghihintay na sa 'yo si J." Banat pa ni Lance sa kaibigan ko na ngayon


ay kulay-kamatis na ang mukha.

GIRLONFIRE28

#vote# Thank you sa inyong lahat na nagbabasa ng love Story nilang dalawa.

Chapter 48

Chapter 48

SHEENA POV

SA PAGLIPAS ng mga araw ay mas nagiging maganda na ang takbo ng pagsasama namin ni
Lance. Bagama't hindi na kami araw-araw magkasama ay hindi naman kami pumapalya na
iparamdam sa isa't isa na walang magbabago sa nararamdaman namin sa bawat isa.

Sa halip ay mas lumalalim pa iyon sa pagdaan ng mga araw. At dahil back to work na
kami pareho, naging once a week na lang ang pagkikita naming dalawa. Pero
sinigurado naman namin na hindi lilipas ang isang araw na hindi kami mag-uusap. At
isa iyon sa hinahangaan ko sa asawa ko, kahit gaano siya ka-busy ay nagagawa niya
pa rin akong isingit sa oras niya.

At hindi lang oras niya ang ibinibigay niya sa akin dahil mas naging sweet si Lance
sa akin. Nandiyan iyong kahit nasa trabaho ako, may tatawag sa akin na may delivery
daw para sa akin na padala ng asawa ko. Kung anu-ano, may pagkain, may bulaklak,
may stuff toy. Araw-araw, pakiramdam ko ay nililigawan niya ako kaya araw-araw ay
parang kinikiliti ang puso ko.

Maging ang mga kasamahan ko sa trabaho ay hindi maiwasang kiligin at mainggit sa


akin. Pero siyempre, hindi lahat ay natutuwa dahil may isang grupo na palaging
nakatikwas ang kilay sa akin. Sa amin ni Rachel. Hindi namin alam kung ano ang
problema nila sa amin pero hindi na lang namin binibigyan ng pansin dahil gano'n
talaga, hindi natin mapi-please ang lahat. As long as wala naman kaming ginagawang
masama ay dedma na lang.

TAWA AKO NANG tawa ngayon dahil sa mga jokes ni Rachel. Magkasama kaming
naghihintay ng masasakyan dito sa labas ng hospital, tapos na kasi ang duty namin
para sa araw na 'to.

"Sana all palaging may dilig," aniya sabay irap sa akin.

"Anong lagi, once a week lang, ah." Pagsakay ko na totoo naman.


"Once a week nga pero sulit na sulit naman ang isang linggong pahinga mo. For sure
pag-uuwi ni Lance, nakakapito kayo bago siya umalis uli."

Napahagikhik ako. "Mag-asawa ka na rin kasi para may tagadilig ka na rin."

"Nasaan ang aasawahin?" Nakatikwas ang kilay na tanong niya.

Mayarnaya ay bigla akong may naalala. "Ay, wait lang! Ngayon ko lang naalala, sino
si J?"

"Sinong J?" Ngumuso pa siya.

"Sus, kunwari walang alam? lyong tinutukso sa 'yo ni Lance dati. Ikaw, ha? Sino si
J?" Pangungulit ko. "Bakit ba ngayon ko lang naalala iyon?"

Inirapan niya ako. "Wala iyon, huwag ka ngang magpapaniwala diyan sa asawa mo.
Pinagtitripan lang niya ako nang sabihin iyon," tanggi niya.

Pabiro kong sinundot ang tagiliran niya dahilan para mapaiktad si Rachel.

"Sino nga kasi ang J na iyon? Kung dyowa mo, bakit ayaw mong sabihin sa akin?
Pangit ba siya?"

"Wala nga iyon, ang kulit mo." Kunwari ay inis niyang sabi.

Hindi ko siya tinantanan pero talagang makunat sa impormasyon ang kaibigan ko dahil
kahit anong pangungulit ko ay wala akong napala.

"Kahit hindi mo sabihin, malalaman ko pa rin. Itatanong ko sa asawa ko kung sino


iyon."

"Bahala ka, wala nga kasi iyon." Inirapan niya uli ako.

Tumahimik na ako at itinuon sa daan ang mga mata ngunit biglang may kumislap na
ideya sa utak ko. J? Kilala ni Lance? Hmm? Isang J lang ang kilala ko na kilala ni
Lance at si Kuya Joven lang iyon. Wait! Don't tell me- Naputol ang pag-aanalisa ko
nang may humintong magarang kotse sa mismong tapat namin ni Rachel.

Nagkatinginan kami ni Rachel ngunit parehong pagtatanong ang mababasa sa mga mata
namin.

Sabay din naming ibinalik ang tingin sa magarang kotse at naghintay sa pagbaba ng
kung sino mang driver niyon. Imposible na si Lance ang sakay niyon dahil hindi
ganito ang kotse niya.

Sino kaya 'to? Pa-suspense pa kasi dahil ang tagal bumaba ng sakay.

"Sino kaya ang sakay niyan?" Hindi napigilang tanong ko na ipinagkibit balikat lang
ni Rachel.

Mayamaya nama'y nabigyan din ng kasagutan ang tanong ko nang bumukas ang pinto sa
gawing driver's seat at iluwa ang sakay niyon.

Awtomatikong namilog ang mga mata ko kasabay ng pagkislap ng ideya sa utak ko.

"Hi, girls!" ani Kuya Joven na litaw na litaw ang mapuputing ngipin dahil sa laki
ng mga ngiti.

"Hi, Kuyal Anong ginagawa mo rito?" Hindi agad siya sumagot dahil nakatutok ang mga
mata niya sa kaibigan ko.

Huling-huli ko nang kindatan ni Kuya Joven ang kaibigan ko.

Confirmed kung sinong J ang tinutukoy ni Lance noong nakaraang uwi niya.

Parang nakalimutan ni Kuya Joven na nasa harapan pa niya ako dahil parang ayaw na
niyang kumurap sa pagkakatitig sa kaibigan ko na ngayon ay kulay-kamatis na ang
kulay ng mukha.

Napangiti ako nang makita kong inirapan ni Rachel si Kuya Joven, na sa halip na
mainis ay tumawa pa at mukhang aliw na aliw sa kaibigan ko.

May something ba sa kanila? Kailan pa? lyong sa dami ng ganap sa buhay ko nitong
mga nakaraang buwan ay hindi ko na alam ang ganap sa buhay ng kaibigan ko. Dahil
kapag magkasama kami palaging buhay ko ang topic namin kaya wala akong kaalam-alam
na luma-love life na rin pala siya.

Pinandilatan ako ni Rachel ng mga mata nang pagbaling sa akin ay nahuli akong
nakangiti habang pinapanuod silang dalawa.

Tumikhim ako upang kunin ang atensyon ni Kuya Joven na napagtagumpayan ko namang
kunin.

"Bakit nandito ka? Magpapa-check up ka ba o magpapa-cute?"

Tumawa lang si Kuya Joven at isang simpatikong ngiti ang muling ibinigay sa
kaibigan ko bago sabihin ang sadya niya kung bakit siya narito.

"Napag-utusan ako ng asawa mo na sunduin ka."

"Sunduin ako? Bakit saan pupunta?"

Nagkibit-balikat lamang siya at hindi ko napilit na sabihin sa akin kung bakita.


Nang pasakayin niya kami ni Rachel sa sasakyan niya ay hindi na ako tumanggi.

Dali-dali akong sumakay sa backseat at ini-lock iyon dahilan para hindi mabuksan ni
Rachel. Walang choice ang kaibigan ko kundi ang tabihan sa unahan si Kuya Joven.

Pagkuwa'y umalis na rin kami at binaybay ang kalsada.

Pangiti-ngiti ako sa backseat habang naririnig ang mga diskarteng bulok ni Kuya
Joven sa kaibigan ko. At yes, kinikilig ako para sa kanilang dalawa. Wala namang
masama kung magkamabutihan silang dalawa dahil pareho naman silang hindi committed
sa iba.

"Saan ang punta natin, Kuya?" Nagtaka ako dahil ibang daan na ang binabagtas namin.
Hindi na iyon ang daan pauwi sa bahay ng parents ko.

"Basta. Bawal daw sabihin, eh."

Kahit anong pilit ko na sabihin niya sa akin kung saan kami pupunta ay hindi ko
napilit si Kuya Joven.

Pagkalipas ng ilang sandali ay tumigil ang sasakyan ni Kuya Joven sa gate ng isang
subdivision. Mukhang kilala na siya ng guwardya dahil nagbatiian pa ang dalawa bago
kami tuluyang pumasok sa loob.

Binuksan ko ang bintana sa gawi ko at awtomatikong napaawang ang bibig ko nang


makita na ang ganda ng subdivision. Malinis at puno ng iba't ibang klase ng halaman
ang nakatanim sa gilid ng kalsada. Mayro'n ding malawak na parang, at mayroong
palaruan ng mga mata.

"Ang ganda naman dito, Kuya!" Hindi napigilang bulalas ko. Dumungaw pa ako sa
bintana at sumagap ng malamig na simoy ng hangin.

"Pati bahay ang gaganda ng design," puri ko habang inisa-isang pagmasdan ang mga
bahay na madaanan namin.

Maganda siya dahil bukod sa hindi mas'yadong dikit-dikit ang pagkakagawa, malawak
din ang bawat harapan ng bahay.

"Besh, ang sarap tumira dito, 'no?" Sabi ni Rachel na nakadungaw din pala sa
bintana niya.

"Kaya nga, eh," sang-ayon ko.

"Kapag pumayag ka sa alok ko, dito tayo titira, sweetheart."

Mabilis ang ginawa kong paglingon kay Kuya Joven dahil sa sinabi niya. Napaawang
ang bibig ko. Anong alok?

"Hindi bale na lang. Mag-iipon na lang ako para makabili ng bahay dito," sagot ng
kaibigan ko.

Tumawa si Kuya Joven. "Matanda ka na at kuba na sa kakatrabaho mo pero hindi ka pa


makakabili ng bahay dito. Kung gusto mong tumira sa ganito kagandang subdivision,
ako lang ang pag-asa mo, sweetheart."

Ano raw? Sweetheart?

"Tss! 'Di bale na."

"Ayaw mo talaga sa offer ko? Wala ka nang lugi roon, ah." Hirit pa ni Kuya Joven.

"Ayokol"

"Final answer na ba iyan? Bahala ka, iaalok ko iyon sa iba."

"Eh 'di ialok mo, paki ko ba."

Naguluhan ako dahil hindi ko gets ang pinag-uusapan nilang dalawa. Hmm? Mukhang
maraming utang na kuwento sa akin itong kaibigan ko, ah. Sa loob-loob ko.

Natigil lang sa pagsasagutan ang dalawa nang huminto na kami sa tapat ng isang
napakagandang bahay.

"Here we are," anunsyo ni Kuya Joven. "Baba na kayo, ladies."

Agad naman akong bumaba, mas'yado akong excited dahil pangarap ko ring tumira sa
ganitong lugar. Abala ako sa pagtitingin sa paligid nang marinig ko si Kuya Joven.
Tumigil ako sa paghakbang at pasimpleng humakbang pabalik, umiral ang pagka-marites
ko.

"Ikaw, sweetheart? Ayaw mo pang bumaba?"

"Bakit kasi isinama mo pa ako rito?" dinig kong angil ng kaibigan ko.
"Dahil gusto kitang makasama."

Natutop ko ang bibig ko dahil kinilig ako sa banat ni Kuya Joven, medyo may pagka-
pranka kasi talaga siya. Sasabihin niya kung ano ang nasa isip niya.

"Okay na bang rason iyon? Totoo iyon kaya huwag mo akong irapan nang irapan baka
mahalikan kita ngayon din mismo."

Mabilis akong bumaling sa ibang direksyon nang bumukas ang pinto sa gawi ni Rachel
at padaskol na bumaba. Bumaba din si Kuya Joven at niyaya na kaming lumapit sa
magandang bahay.

Pumito si Kuya Joven gamit ang bibig at daliri. Tila senyales iyon dahil
awtomatikong bumukas ang pinto ng bahay.

Nasa unahan ako kaya nang bumukas 'yon ay ako agad ang nakakita ng loob. Napaawang
ang bibig ko nang mabasa ang naka-print sa malaking tarpaulin "Welcome Home, Mrs.
De Asis!" Ang nakalagay.

Home? Ibig sabihin bahay namin 'to? Nasagot ang mga tanong ko nang lumitaw sa
harapan ko si Lance. His wearing a V-neck cotton shirt na kulay gray.

"Welcome to our new home, baby." Nakangiting sabi niya.

Iginala ko ang mga mata ko sa paligid at talagang nagustuhan ko ang design ng sala.
Napakaganda, napaka-homey.

"Welcome home, babygirl!" Hindi na ako nagulat nang makita ko si Kuya Simon at i-
welcome ako. As usual, kumpleto ang barkada nila at nandito rin pala ang parents
ko.

"Atin talaga 'to?" Tila hindi makapaniwalang saad ko habang umiikot pa rin ang mga
mata ko sa kabuuan ng bahay.

"Yes, this is our new home. Did you like it?"

Bumaling ako sa asawa ko habang ngiting-ngiti. "I love it. Sobrang ganda nito."

"I'm glad you like it. Hindi ako nagkamali na bilhin ito para sa 'yo."

"Thank you! Sobrang na-apprreciate ko, pero kahit saan mo naman ako itira ay okay
lang. Basta magkasama tayo."

Kani-kaniyang kantyaw naman ang mga kaibigan niya at pamilya ko.

Nang mga sumunod na sandali ay naging mas I magulo pa sa bagong bahay namin ni
Lance.

At habang nagkakagulo sila ay niyaya ako ni Lance na mag-tour sa buong kabahayan.

Una niya akong dinala sa kusina at tuwang-tuwa ako nang makita roon si Lolo Jaime
at Ate Jenny.

"Lolo Jaime! Ate Jenny!" Bulalas ko at niyakap silang pareho. "Mabuti po nakarating
kayo, salamat po!"

"Sinundo kami ni Lance kahapon sa bahay, sabi niya matutuwa ka raw kapag nakasama
kami." Si Ate Jenny.
"Opo naman. Salamat po dahil nakapunta kayo." Masaya talaga ako dahil nandito sila.
Sila lang kasi ang maituturing na pamilya ni Lance maliban sa amin, eh.

Ilang sandali pa akong nakipagkuwentuhan sa mag-ama bago ako niyaya ni Lance na


mag-tour uli sa ibang parte ng bahay.

Ipinakita niya rin sa akin ang dalawang guest room sa baba. Aniya talagang sinadya
na dalawa ang guest room para sa kaniyang mga kaibigan. Sunod naming pinuntahan ay
ang master bedroom sa taas. Pagbukas pa lamang ng pinto ay sumalubong na sa akin
ang malawak na kuwarto.

"Grabe ang laki ng kama." Tuwang sabi ko."

"Pasok tayo, baby, para mas makita mo ang loob." Nilakihan niya ang bukas ng pinto
at iginaya niya ako papasok.

"Wow!" Parang batang sabi ko. "Sobrang ganda nito, baby" Iniwan ko sandali si Lance
at tiningnan ang mga gamit na naroon.

Nagulat ako nang pagbukas ko ng walk-in closet ay naroon na ang mga damit ko.
Binalingan ko si Lance habang nagtatanong ang mga mata pero ngumiti lang siya sa
akin.

"Grabe, lilipat na lang pala talaga ako," komento ko.

"Siyempre, para hindi ka na mapagod dahil ako ang papagod sa 'yo mamaya."

Napahagikhik ako sabay hampas sa dibdib niya. "Sira!"

"Anong sira ka riyan, siyempre kailangan nating testing-in ang kama kung matibay
nga ang pagkakagawa."

"Sus, dumali ka na naman." Napahagikhik ako nang pupugin niya ng halik ang mukha ko
sabay akay sa akin palapit sa malaking salamin.

Humarap kami roon, nakayakap siya sa likuran ko.

"Hindi pa tapos ang surprise ko sa 'yo." Nagtama ang mga mata namin sa salamin.

"Ano pa?" Sa halip na sumagot ay bahagya niyang itinulak pakanan ang gilid ng
salamin, umusod iyon dahilan para tumambad sa paningin ko ang isa pang kuwarto.
Tanging ang malaking salamin ang nagsilbing partisyon niyon sa aming kuwarto.

"Pasok ka, baby."

Pumasok ako nga ako at "Hala!" Bulalas ko nang tumambad sa paningin ko ang kabuuan
ng silid na iyon. "Oh, my God!" Para akong baliw na tumatawa habang lumuluha.

Ang silid na kinaroroonan namin ngayon ay nagmistulang nursery room. Ang darning
laruan at napapalibutan ng mga larawan namin ni Baby Angel ko. Ang mas
nakapagpaiyak sa akin ay ang isang malaking portrait na kaming dalawa ni Lance
habang may hawak ako na garapon. Our baby Angel.

Napasibi ako dahil sa magkahalong lungkot at tuwa. Mas lalo kong na-feel ang
pagmamahal ni Lance sa akin dahil alam niya kung ano ang magpapasaya sa akin. At
ang isa sa nagpapasaya sa akin ay ang makasama ang baby namin kahit sa larawan man
lang. Kahit doon man lang ay nababawasan ang pangungulila ko sa kaniya.

At masasabi ko na unti-unti nang nawawala ang sakit sa puso ko sa tulong ng pag-


attend namin ni Lance ng counseling. Yes, sa katunayan naka apat na attend na kami
at ang laki ng tulong niyon sa aming mag-asawa.

Masasabi ko na wala talagang mahirap kapag nagtutulungan kayong makaahon sa sakit


ng partner mo. At tutuparin namin ni Lance ang pangako sa isa't isa na sabay kaming
aahon, walang mauuna at walang mahuhuli. Walang maiiwan.

Binalingan ko si Lance at pagkuwa'y sinugod ng yakap. "Thank you for this. Sobra-
sobra na 'tong ginagawa mo para sa akin."

"Parang ayoko ng thank you lang." Nagkaroon ng lambong ang mga mata niya. "Habang
busy sila sa baba, i-try na kaya natin ang kama kung matibay. What do you think?"

"Mamaya na, hihintayin nila tayo sa baba." Nakangising sagot ko at bumalik na sa


master bedroom.

Naengganyo akong talunin ang ang malaking kama. Napairit ako nang pagbagsak ko ay
halos lumubog ako sa sobrang lambot.

Tawa nang tawa si Lance dahil hindi ako makaalis sa pagkakalubog ko.

"Tulungan mo ako, hoy-Ahh!" Napatili ako nang sa halip na hilahin ako ay patalon
ding humiga sa tabi ko.

Para kaming mga batang sabay na tumawa. Mayamaya ay tumigil siya at pinakatitigan
ako.

"Welcome to our love nest, baby. Dito tayo bubuo ng sariling pamilya... dito tayo
magkasamang tatanda." Habang sinasabi iyon ay unti-unting lumiliit ang distansya ng
mga mukha namin.

Lalapat pa lamang ang mga labi niya sa labi ko nang gulantangin kami ng malalakas
na katok.

"Hoy! Kayong dalawa diyan, mamaya niyo na sample an ang kama!" Boses ni Ate
Madeline.

"Mamaya ka na kumain, Lance, lintik ka gutom na rin kami." Si Kuya Joven, halos
gibain na nila ang pinto.

"Kain muna ng totoong pagkain bago iyan, Lance, namu ka." Boses ni Kuya Simon.

Natatawang napasiksik ako sa leeg ni Lance na ngayon ay mangot na mangot sa mga


istorbong bisita.

"Mamaya na lang pag-alis nila."

"Ano pa nga ba?" At hinila na ako para bumangon.


Chapter 49

Chapter 49

SHEENA POV

HABANG nagkakasiyahan ang mga bisita namin ni Lance ay niyaya ko si Rachel na i-


tour sa loob ng bahay namin.

Lihim akong napangiti nang pumayag siya. Bukod kasi sa gusto ko siyang i-tour ay
gusto ko ring makimesmes sa kanila ni Kuya Joven.

Sa taas ko siya dinala, sa terrace kami pumwesto.

"Ang ganda ng spot dito, kitang-kita ang magandang paligid," aniya habang gumagala
ang mga mata.

"Ano ba kasi iyong offer ni Kuya Joven sa 'yo para maging magkapit-bahay na tayo
rito," pasimple kong tanong pero mukhang na-gets niya ang gusto kong ipahiwatig.

Pinaikutan niya ako ng mga mata sabay ingos. "Sabi na, niyaya mo lang ako rito para
maki marites kang babae ka."

Napatawa na lamang ako dahil sukol na sukol na ako.

"Marites!"

"Hep, hep, hep!" Agad kong pinigilan ang isang braso niya nang akmang iiwanan ako.
"Dito muna tayo dahil marami kang utang na kuwento sa akin tungkol sa inyo ni Kuya
Joven."

Akma niyang babawiin ang braso pero hindi ako pumayag.

"Para saan pa't naging best friend tayo kung may itinatago ka naman sa akin? Hindi
mo ba kayang ipagkatiwala sa akin ang sekreto mo?" Kunwari ay hinampong sabi ko.

Pabiro niyang hinila ang buhok ko gamit ang libreng kamay.

"Totoo naman, ah. Ako, na alam mo ang buong pangyayari sa buhay ko tapos ako sa
'yo, hindi? Ano raw iyon?"

"Baliw! Seryoso ka?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" Balik-tanong ko.

"Eh, wala naman kasi talaga akong ikukuwento sa 'yo. Iyong kay Joven, wala lang
iyon dahil alam ko naman na pinagtitripan lang niya ako, 'no?"

Tumikwas ang kilay ko. "Paano mo naman nasabi na pinagtitripan ka lang niya?"

"Basta"

"Bakit nga?" Pangungulit ko.

"Dahil dalawang beses ko siyang nakita by accident sa mall na may kasamang babae."

"Baka Nanay niya lang."

"May nanay bang halos kaedad lang natin."


"O, eh baka pinsan lang."

"May magpinsan bang nagtutukaan sa loob ng sinehan?"

"Ay weh? Nakita mo?"

"Oo nga, nasa unahan ko lang siya. Hindi niya alam na nandon ako."

Napaisip ako. Matagal ko nang kilala si Kuya Joven pero parang hindi ko naman siya
nakitang nagpapalit-palit ng babae. Wala pa nga siyang naipakilalang girlfriend sa
amin, eh.

"Kaya tigilan mo na ang kakatukso sa akin diyan sa kaibigan ng Kuya mo, no. Hindi
ko siya trip."

"Hindi naman babaero si Kuya Joven, 'no? Baka nagkamali ka lang sa nakita mo," giit
ko.

"Malinaw pa ang vision ko kaya sigurado ako na siya iyon. Unless may kakambal siya
na identical twin niya, baka maniwala pa ako na hindi siya iyong nakita ko."

Napatango-tango ako. "Sabagay, walang kakambal si Kuya Joven, eh. Baka siya nga
iyong nakita mo, pero hayaan mo tatanungin ko para makasigurado tayo."

"Gaga, huwag na, oy. Hindi rin naman ako interasadong malaman."

Muli ko siyang iti-nour. Isinama ko siya sa nursery room ng aming mga future
babies. Kagaya ko namangha rin siya sa mga nakaroon.

"Suwerte mo kay Papa Lance. Hindi nasayang iyong kalahati ng buhay mo na inilaan mo
sa kaniya. Kung dati hanggang tanaw at sulyap ka lang, ngayon abot kamay mo na siya
at asawa mo na."

"Kaya nga, eh. Mas'yado akong ginulat ng tadhana. Bigla-bigla, naging asawa ko ang
lalaking dati ay pangarap ko lang."

Sunod ko siyang dinala sa kuwarto namin ni Lance. Hindi namin iyon nadaanan kanina
dahil sa pintong kahugpong ng nursery room kami dumaan.

"Wow! Ang lupit ng kamal Kahit magpagulong-gulong kayo ni Lance diyan mamaya."

"Masa-sample an na iyan mamaya." Napahagikhik ako nang iripan niya ako.

"Ang landi, jusko!"

"Loka, wala namang masama. Mag-asawa kami, ah."

"Wala naman akong sinabi na masama, gaga. Pero malay mo, diyan sa kama na iyan kayo
makabuo uli."

Natigilan ako sa sinabi niya at pagkuwa'y napangiti. May naisip ako para makabawi
sa asawa ko sa lahat ng mga ginawa niya para sa akin. Deserve niya siguro ang
reward ko. Sa isiping 'yon ay bigla akong nasabik at gusto nang hilahin ang oras.

Hindi mawala-wala ang ngiti ko nang bumalik kami ni Rachel sa baba at makasali sa
kasiyahan nila. Ang saya naming lahat. Naging isang pamilya kami ng mga sandaling
'yon. Pati mga magulang ko ay game na game na nakisali sa kantahan at sayawan.
Ang sarap tingnan na kasundo ng mga magulang ko ang itinuturing na pamilya ni
Lance.

Hindi rin nakaligtas sa akin ang pagsulyap-sulyap ni Kuya Joven sa kaibigan ko na


ngayon ay medyo may amats na. Marunong kasing uminom ang kaibigan ko, ako nama'y
patikim-tikim lang dati pero ngayon ay hindi na.

Bandang alas-onse ng gabi nang isa-isa nang magpaalam na matutulog na ang mga
bisita namin. Dito na kasi silang lahat matutulog dahil may mga inom na. Sabado rin
naman bukas kaya rest day talaga ng mga kaibigan ni Lance. Kami naman ni Rachel ay
off bukas, tinaon talaga ni Lance na wala akong pasok kinabukasan kaya kahit
magpuyat.

Lima na lamang kaming natira, si Kuya Simon, Kuya Joven, Rachel at kaming mag-
asawa.

Mayamaya ay tumayo na rin si Rachel at nagpaalam na matutulog na. Dahil may amats
na rin, muntik na siyang matumba mabuti na lamang at alisto si Kuya Joven. Kaagad
niyang naalalayan ang kaibigan ko.

"Bitawan mo nga ako!" Asik ni Rachel.

"Bakit, kaya mo bang maglakad papunta sa kuwarto?"

"Mas gushto kong gumapang kaysha magpaalalay sha'yo." Pabulol-bulol na ang


pagsasalita niya.

Sinabayan niya kasi si ate Madeline at Ate Kristine eh beterana sa inom ang mga
lyon.

"Bitaw na shabi, eh!" Pinalis ni Rachel ang kamay ni Kuya Joven. "Ano ba?!"

"Huwag ka ngang maarte. Tinutulungan ka na nga, eh."

"Bitawan mo na ako, nahahawakan mo na ang boobs ko!"

Napailing ako nang humagalpak ng tawa si Kuya Joven.

"Ambisyosa ka sa part na iyan, sweetheart. Wala ka kayang boobs."

Pati si Lance at Kuya Simon ay napatawa. Nagtatalo pa rin ang dalawa nang sumenyas
si Lance na umakyat na kami. Tumango ako.

"Lance, dude." Nakakadalawang baitang pa lamang kami ng hagdan nang tawagin ni Kuya
Joven ang asawa ko.

"Why?"

Ngumisi siya. "Hinay-hinay lang ang bayo, dude. Hindi pa naman yata naka-soundproof
ang kuwarto niyo baka umabot dito sa baba ang alulong mo."

Nag-duet pa sila ni Kuya Simon sa malakas na pagtawa. Kahit ako ay napatawa rin sa
kalokohan ni Kuya Joven.

"Tado! Anong akala mo sa akin, aso?" Lalong lumakas ang tawa ng dalawa. "Magsitulog
na kayo!"

"Mamaya, aabangan pa namin ni pareng Simon ang alulong mo. Awooo "
Umalingawngaw ang malakas na tawa ng dalawa, nag-ala taong lobo kasi si Kuya Joven,
nanghaba pa ang leeg nito.

Napahagikhik na lang ako sa kalokohan niya.

"Natutulog na iyong iba, huwag ka nang maingay kung ayaw mong sa labas kita
patulugin." Pagkasabi niyon ay pumanhik na kami ni Lance.

Hindi na niya pinansin ang mga kaibigan na tuloy pa rin sa pang-aasar sa kaniya.

LANCE POV

KANINA pa himbing na natutulog sa tabi ko ang asawa ko. Pagkatapos ng pangalawang


pagniniig namin ay kaagad na siyang iginupo ng antok at pagod. At katunayan, tulog
na siya nang suotan ko siya ng damit ko.

Mataman ko siyang pinagmasdan, napaka-amo ng mukha niya. Napapangiti ako habang


pinaglalaruan ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya.

At lalo akong napangiti nang maalala ang mainit na sandali namin kanina na hindi ko
maiwasang balikan sa isip ko.

Pagpasok pa lamang namin dito sa kuwarto kanina ay kaagad ko na siyang dinaluhong


ng mainit at mapusok na halik. Na mas sumudhi pa dahil kaagad kong naramdaman ang
pagtugon niya sa kapusukan ko.

Sabik na sabik ako sa kaniya dahil once a week na lang kami magkita at once a week
na lang din ang labing-labing namin na kung minamalas-malas pa ay wala. Lalo na
kapag eksaktong may monthly period siya kapag uuwi ako.

At aaminin ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na siya mismo ang
humiling na sa kaniya ako magpalabas. Ilang buwan ko na ring nakasanayan na sa
labas iputok sa tuwing lalabasan ako dahil ayaw niya. At inirerespeto ko iyon. Yes,
masakit sa puson kapag nabibitin ako, iyong tipong lalabas na pero kailangan ko
pang hugutin. Pero ni minsan hindi ako nagdamdam sa kaniya dahil doon. At kung may
pinagkakatampuhan man kami kung minsan, hindi dahil sa s*x iyon.

Masyadong mataas ang respeto ko sa kaniya. Ilang buwan na rin kaming withdrawal
method at kinakaya ko naman.

Napangiti ako nang maalala ang eksaktong nangyari kanina. lyong malapit na akong
labasan at huhugutin ko na sana pero nagulat na lamang ako nang sabihin niya na
huwag.

Hindi pa man ako nakakabawi sa gulat ay nagawa na niyang umibabaw sa akin at


nagsimulang gumiling. Wala na akong nagawa kanina kundi ang mapahalinghing sa
sarap. At sabayan ang asawa ko sa pagiging agresibo niya. Para akong naninigas sa
sarap kanina nang sa loob niya ako labasan. Na-miss ko ang pakiramdam na iyon kaya
talagang umulit pa ako.

At kung hindi pa siya iginupo ng antok at pagod ay talagang iisa pa sana ako. At
sisiguraduhin ko na dalas-dalasan ko na ang uwi para makabuo na ulit kami.

Medyo bitin pa ako dahil na-miss ko talagang pumutok sa loob ng asawa ko. Iba
talaga ang sarap kapag sa loob, eh.

Hindi bale, mamaya na lang paggising niya. Sa loob-loob ko bago masuyong hinaplos
ang buhok niya.
Ilang sandali ko pa siyang pinagmasdan bago ako tuluyang makatulog.

Ngunit hindi pa man napapasarap ang tulog ko nang maalimpungatan ako dahil sa pag-
iingay ng cell phone ko.

"Hello," mahinang sagot ko sa tumatawag sa pag-iingat na magising ang asawa ko.


Tulog na tulog pa rin siya sa tabi ko.

Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin at maingat na bumangon.


Lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa terrace.

"Hello? Who's this?" Unknown number kasi iyon.

Awtomatikong kumunot ang noo ko nang walang sumagot, bagkus impit na iyak ang
naririnig ko mula sa kabilang linya.

"Sino 'to?" Muli kong tanong.

"L-Lance..."

Napatuwid ako ng tayo nang makilala ang boses ng babaeng nasa kabilang linya. "What
do you want this time? Kung balak mo na namang manggulo, utang na loob tumigil ka
na, Valerie!"

"Hindi ako manggugulo, kailangan ko ng tulong mo, Lance."

Pagmamakaawa niya na hinding-hindi na bebenta sa akin.

"Tulong? Kulang pa ba ang ibinigay kong tulong sa 'yo para tigilan mo ako?"
Nanggigil na sabi ko.

Hindi alam ng asawa ko na nagbigay ako nang malaking halaga kay Valerie para lang
huwag kaming guluhin. At akala ko okay na, tatlong buwan na siyang walang paramdam
sa akin tapos heto na naman?

Maski sa mga kaibigan ko ay hindi ko na sinabi ang tungkol kay Valerie dahil akala
ko naayos ko na ang tungkol sa kaniya.

"L-Lance, please? Kailangan ko ang tulong mo..."

"Anong klaseng tulong na naman ang kailangan mo ngayon? Magkano na naman ba ang
kailangan mo para tumigil ka na!" Mahina ngunit mariing sabi ko.

Lalong lumakas ang iyak niya sa kabilang linya.

"Hindi ko alam kung magkano-"

"See?! Tumawag ka sa akin nang dis-oras ng gabi para lang sa pera?!" Puno ng
sarkasmong sabi ko.

"I'm sorry, Lance. Alam ko na malaki na ang naibigay mo pero kailangan ko ang
tulong mo ngayon dahil nasa hospital si Leira..."

Parang nanlaki ang ulo ko dahil sa sinabi n'ya pero agad kong pinigilan ang sarili
ko na iparamdam na nag-aalala ako para sa pamangkin ko. Baka nagsisinungaling
lamang siya.

"I'm sorry, pero hindi na kita matutulungan-"


"Lance! No, please, ikaw na lang ang alam kong makakatulong sa akin.... sa anak ko!
Ayaw siyang operahan ng mga doktor dahil wala akong pangbayad.

"Ano bang nangyari sa anak mo at kailangang operahan? Kung totoo man iyang sinasabi
mo?"

"Na-hit in run siya, L-Lance..."

Sandali akong napatulala at nawalan ng kibo.

"Lance, tulungan mo ako. Tulungan mo ang anak mo -^ prime prime

"Stop it! Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo na hindi ako ang ama ng anak mo,
Valerie." Pagkasabi ko niyon ay pinagpatayan ko na siya ng telepono ko.

Syet! Ano na naman bang drama mong babae ka! Maayos na ang buhay ko, guguluhin mo
na naman!

Sumagap ako ng hangin dahil sa bumundol na kaba sa dibdib ko. Huwag kang
magkakamali na guluhin na naman ang asawa ko, Valerie. Dahil kapag naubos ang
pasensya ko sa 'yo, isasama kita sa kulungan kasama ang ama ng anak mo!

Pagkatapos kong kumalma ay saka pa lang ako nagdesisyong bumalik sa loob.

Eksaktong pagsampa ko sa kama ay gumalaw ang asawa ko. Awtomatikong kinapa niya ang
kama kung saan ako nakahiga kanina. Umungol siya at kinusot-kusot ang mga mata bago
nagmulat.

"Bakit gising ka pa?" paos na boses na tanong niya. "Hindi ka pa natutulog? Anong
oras na ba?" Tumingin siya sa alarm clock na nasa may gilid niya. "Alas kuwatro na,
ah."

"Nakatulog na ako, baby. Nagising lang ako para umihi." Kaagad akong nakonsensya
dahil sa pagsisinungaling ko.

"Hmm, gano'n ba? Tulog pa tayo, maaga pa."

"Okay, let's sleep, baby" Bumalik ako sa pagkakahiga sa tabi niya at sumukob sa
kumot niya.

Mayamaya ay tulog na naman ang asawa ko ngunit ako ay hindi na muling nakatulog.
Laman ng isip ko si Leira. Nagtatalo ang puso't isip ko dahil kahit galit ako sa
ina niya, hindi ko pa rin maitatatwa na kadugo ko ang bata.

Anak siya ni Lander at pamangkin ko pa rin siya. Pero kung sakaling totoo man,
kailangan ko nang ipaalam sa asawa ko ang tungkol doon. Ayoko nang maglihim dahil
hindi niya ikatutuwa iyon at baka pagsimulan pa ng away naming mag-asawa.

Kinuha ko ang cellphone ko at may itinext para kumpirmahin ang totoong lagay ni
Leira.

GIRLONFIRE28

#vote# Thank you! Magsisimula na tayo sa second wave. Baka this December tapos ko
na rin ang story nila. Labyuuuu Guy's!
Chapter 50

Chapter 50

SHEENA POV

KINABUKASAN, paggising ko wala na akong katabi. Mag-isa na lamang ako sa kama,


tiningnan ko ang orasan sa may ulunan ko at nakita kong alas nuebe na pala ng
umaga.

Wala pa sana akong plano na bumangon pero naalala ko na may mga bisita nga pala
kami kagabi. Pagkatapos kong mag-inat-inat at gumamit ng banyo ay bumaba na ako.

Nasa gitna pa lamang ako ng hagdan pero dinig na dinig ko na ang ingay nila at ang
malalakas na tawanan. Mukhang gising na silang lahat. At tama nga ang hinala ko,
pagdating ko sa puno ng hagdan ay natanaw ko sila sa balcony.

Lumabas din ako at natawa sa narinig na banat ni Kuya Joven, ke aga-aga ay


bumabangka na siya.

"Good morning, Sheena!" Si Ate Jenny ang unang nakapansin sa akin.

"Good morning din po, Ate," ganting-bati ko. "Bakit ganiyan ang mga tingin ninyo sa
akin, ha?" Napansin ko kasi na mga nakangisi sila habang nakatingin sa akin.

"Mukhang pinagod ka ng asawa mo, ah." Si Kuya Simon.

Hiyang-hiya na napatingin ako kay Mama at kagaya ni Papa ay nakangiti rin siya.

"Kayo talaga, walang gano'n." Malakas silang nagtawanan. "Diyan nga muna kayo,
magtitimpla lang ako ng kape ko." Iniwan ko na sila at nagtungo ako sa kusina.

Nagulat pa ako nang madatnan ko si Lance, kaya pala wala siya sa balcony ay nandito
siya.

"Good morning, baby!" Masiglang bati ko sabay lapit sa kaniya at yumakap.

"Good morning, akala ko nasa taas ka pa. Dadalhin ko na sana 'to sa 'yo, "tukoy
niya sa isang baso na puno ng gatas.

"Para sa akin iyan?" Tumango siya. "Thank you. Pero puwede lagyan mo

kahit kaunting kape? Ayoko ng pure na gatas, nauumay ako, eh."

"Sure, baby" Kaagad naman siyang tumalima. Habang nagtitimpla siya ay napansin ko
na natigilan si Lance.

Magdadagdag lang siya ng kape pero inabot pa ng dalawang minuto. Tuloy-tuloy lang
siya sa paghahalo.
Napakunot ang noo ko nang dumako ang tingin ko sa mukha niya. Mukhang may malalim
siyang iniisip.

"Lance," agaw pansin ko kasabay ng tapik sa braso niya.

"H-Ha? A-Ano iyon? May sinasabi ka ba?"

Binigyan ko siya ng pilit na ngiti at kinuha ang gatas sa kamay niya. Ininom ko
muna iyon. Nangangalahati na ako nang ibaba ko muna iyon sa dining table at hinarap
si Lance.

"Is there something wrong?"

Dumaan ang pag-aalala sa mukha niya. "Ako lang 'to, Lance. Makikinig ako."

Tumitig siya sa akin nang ilang sandali at pagkuwa'y sinabi rin kung ano ang
bumabagabag sa kaniya ngayon. Pagkatapos niyang magkuwento ay hindi muna ako kumibo
at pinroseso muna sa isip ko ang sitwasyon.

Akala ko, wala na sa picture ang babaeng 'yon dahil ilang buwan nang walang
panggugulo.

"Baby, it's up to you. I will let you to decide," aniya nang hindi pa ako
nagsalita.

"Sigurado ka bang nagsasabi ng totoo ang babaeng 'yon? Akala ko wala ka nang
contact sa kaniya? Bakit ka niya natawagan?"

"Wala naman na talaga akong contact sa kaniya. At hindi ko alam kung paano o saan
niya nakuha ang cell phone number ko para makatawag siya sa akin."

Napabuntong-hininga ako. "Kung para sa bata, wala namang kaso sa akin kung tulungan
mo siya pero ang akin lang, sigurado ka ba na hindi niya ginagamit ang bata para
huthutan ka? O, baka gusto na naman niyang guluhin ka, tayo."

"Hindi niya puwedeng gawin iyon, ang guluhin tayo. As long as na naniniwala ka sa
akin na hindi akin si Leira, hindi niya tayo magugulo kahit anong gawin niya."

Muli akong humugot ng hininga. "Totoo ba na nasa hospital ang bata?"

"Yes. Totoo pala na na-hit in run at ulo ang napuruhan."

Ilang sandali muna akong nag-isip kung ano ba ang magandang gawin.

"Saang hospital nandon?" Sinabi naman niya kung saan. "Okay, papayag ako na
tulungan mo ang bata pero ako ang makikipagkita kay Valerie."

Bumukas ang gulat sa mukha niya at pagkuwa'y napalitan ng pag-aalala. "Baby"

"Isasama ko si Rachel. Ayoko lang na pumunta ka pa roon at pagpiyestahan na naman


tayo nang mga makakakita sa 'yo at sa bata. Ayoko nang maulit 'yong dati na
nagmumukha tayong masama dahil sa babaeng 'yon. Wala akong pakialam sa sasabihin
nila pero ayokong bigyan ng pagkakataon ang babaeng 'yon para isipin niya na
ipagpapalit mo ako para sa kanila."

"Hindi naman talaga kita ipagpapalit sa kanila o sa kahit na sino, Sheena," aniya.
"Kung tutulungan ko man sila dahil lang iyon kay Leira na pamangkin ko. Kahit sagad
hanggang buto ang alitan namin ng tunay ng ama, hindi pa rin mababago ang
katotohanan na pamangkin ko siya."
"Wala ring problema sa akin na magbigay ka ng tulong sa bata. Hindi ako madamot
pagdating sa pero, Lance, pero madamot ako pagdating sa 'yo."

Namula ang pisngi niya na parang kinikilig na naman. "Thank you, baby. Kaya mahal
na mahal kita, eh. Napabusilak ng puso mo."

"Gano'n naman dapat, 'di ba? Ikaw ang mayro'n kaya ikaw ang magbibigay ng tulong
pero tandaan mo na hanggang doon lamang iyon. Kaya para hindi na mag-assume ng kung
anu-ano ang babaeng 'yon ako na mismo ang haharap sa kaniya. Pupuntahan ko siya
ngayon, isasama

ko si Rachel," pinal na sabi ko. "Okay, baby. Pero ayaw mo bang ipag-drive kita
papunta sa hospital?"

"Hindi na. Marunong naman ako, 'di ba? Pahiram na lang ng lumang sasakyan mo-"

"Natin." Maagap na sansala niya. "Sasakyan natin, baby. Asawa kita kaya lahat ng
akin ay sa 'yo na rin. Pati ako, iyong-iyo lang. Buong puso at kaluluwa ko sa 'yo
lang."

Napalabi ako. "Dapat lang. Akin ka lang mula ulo hanggang paa."

Ang pag-aalala kanina sa mukha niya ay napalitan ng simpatikong ngiti. "Aling ulo
ba? Dalawa ang ulo ko, baby, Isang itim at isang mamula-mulang ulo-" Hinampas ko
ang dibdib niya pero hinuli niya ang kamay ko. "Aling ulo, ha?"

"Lahat. Kahit sampu pa ang ulo mo, basta akin lang iyan lahat. Maliwanag?"

Kinabig niya ako palapit sa kaniya at pumaikot sa beywang ko ang matitipuno niyang
braso. Pagkuwa'y isinandal niya ako sa pinto ng refrigerator.

"Mas maliwanag pa sa sikat ng araw, Kamahalan. Kung gusto mo, ipasok ko sa 'yo ang
ulo ko."

"Ang harot mo, Mister-Lance!" Nanlaki ang mga mata ko nang malandi niyang ikiskis
ang pagkalalaki niya sa may bandang puson ko. Hinampas ko ang dibdib niya.

"Lance, umayos ka nga! Baka may biglang pumasok dito, hoy!" Nakakaiskandalo ang
ginagawa niyang pagkiskis sa namumukol niyang harapan sa akin.

"Quicky tayo?" Namumungay ang mga matang hiling niya.

"Baliw! Anong quicky ka riyan, umayos ka nga, Lance!"

"Please? Ang tigas na, eh."

"Bahala ka, gawan mo nang paraan iyan."

"Ikaw ang may gawa nito kung bakit tumigas kaya kailangan mo akong tulungan."

"Bakit ako?"

"Ikaw, eh. Nagising tuloy ang ulo-" Sabay kaming napalayo sa isa't isa ni Lance
nang may tumikhim mula sa bungad ng pinto.

Pagtingin namin ay si Kuya Simon ang naroon. liling-iling habang nakahawak sa hamba
ng pinto.
"Ang aga-aga, ulo ang usapan.

Baka gusto ninyong pumasok ng kuwarto, mga kapatid."

Nagkatinginan kami ni Lance at sabay na napangiti.

"Pustahan tayo, pag-alis naming lahat dito, tiyak na lilibutin niyo ang buong bahay
sa sexcapade ninyong mag-asawa," ani Kuya.

"May problema ba ro'n kung sakali?" Si Lance.

"Wala naman. Humayo kayo at magpakarami." Lumapit siya sa amin at hinila si Lance
palayo sa akin. "Pahiram muna nitong asawa mo, may pag-uusapan lang kami sandali."

"Sige lang. Sa labas lang ako." Paalam ko at iniwan na silang dalawa sa kusina.

Bumalik ako sa balcony at sumenyas kay Rachel. Agad naman siyang lumapit sa akin.
Sinabi ko sa kaniya ang sadya ko at pumayag naman siya agad.

Pagkatapos naming gumayak ni Rachel ay nagpaalam na kami sa kanila. Hindi naman


sila nagtaka sa biglaan kong pag-alis dahil nagpalusot na lamang ako. Hindi ko na
sinabi sa mga magulang ko ang totoo dahil baka mag-alala lamang sila.

PAGDATING namin sa hospital na kinaroroonan ng anak ni Valerie ay agad na kaming


umibis ng sasakyan.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Rachel. Hindi kasi niya alam na hospital ang
pupuntahan namin, sinadya ko na huwag sabihin para hindi na siya makapag tanong
nang kung anu-ano sa akin.

"Bakit tayo nandito? Don't tell me, nag-apply ka na naman sa ibang hospital, ha?"

Natawa ako.

"Ay seryoso, huwag kang magkakamali dahil hindi na ako mag-re-resign para sundan ka
rito, namu ka!"

"Gaga, hindi. Mas'yado 'tong malayo sa bahay natin. Saka okay na ako sa trabaho
natin ngayon."

Kumunot ang noo niya. "Eh, bakit tayo nandito?"

"Basta." Nagpatiuna na ako papasok ng hospital. Sumunod naman si Rachel at sumabay


sa paglalakad ko.

Hindi na ako nagtanong sa mga taong hospital dahil alam ko na kung nasaan ang bata
at ang ina.

"Sino ba talaga ang sadya natin dito, Sheena, ha?"

Hindi ako sumagot. Mahigpit kong hawak ang bag ko na naglalaman ng pera. Dumaan
muna ako sa banko kanina bago dumiretso rito.

"Kinakabahan na ako sa 'yong gaga ka! Kaloka!"

Sumukay kami ng elevator at bumaba sa 4th floor. Paglabas namin ay natanaw ko na


agad ang ICU. Inulan na naman ako ng tanong mula sa kaibigan ko pero nanatiling
tikom ang bibig ko.
Ilang metro pa lamang ang layo ko ay natanaw ko na si Valerie. Agad niya rin akong
nakita at kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya nang ako ang makita instead na ang
asawa ko.

Mabilis siyang tumayo. Sinali niya ako habang nasa mukha ang disgusto.

"What are you doing here?" May bahid ng inis na tanong niya.

"Nandito ako para ibigay ang tulong na kailangan mo para sa anak mo."

"Bakit ikaw ang nandito?"

"Bakit? Asawa ko ba ang gusto mong nandito? Ini-expect mo bang siya ang pupunta
dito ngayon?" Balik tanong ko habang nakatikwas ang kilay.

"I'm sorry to disappoint you, Valerie."

Sumama ang tingin niya sa akin. Huh! Hindi mo ako maiisahan.

Chapter 51

Chapter 51

SHEENA POV

"BAKIT ikaw ang nandito? Threaten ka ba sa akin?"

Napatitig ako sa kaniya nang sabihin 'yon. May pagka-ambisyosa rin pala ang ex
girlfriend ni Lance.

HABANG nakikipagsukatan ng tingin kay Valerie, pinag-aralan ko ang mukha niya.


Maganda naman siya kung pisikal na anyo ang pag-uusapan. Pero feeling ko naman wala
ng maganda sa kaniya maliban sa kaniyang mukha dahil ngayon pa lang ay amoy na amoy
na ang bulok niyang ugali.

"Takot ka na iwanan ni Lance para sa amin ni Leira, right? Kaya talagang hinirang
mo siya at ikaw ang pumunta rito."

Sa halip na masindak ay lalong tumikwas ang isang kilay ko. Ibang klase rin ang
babaeng ito.

"Sino ba ang babaeng 'yan, Sheena?" Pikang singit ni Rachel at sinuyod ng tingin si
Valerie mula ulo hanggang paa, pagkuwa'y bumalik sa mukha ng babae. "Sino ka ba?"

"Ikaw, sino ka rin?" Sabay baling sa akin. "At talagang nagsama ka pa ng alalay mo
para puntahan ako."
"Wala kang pakialam kung sino ang gusto kong isama rito. Mas'yado ka lang talagang
disappointed dahil hindi ang asawa ko ang dumating dito kundi ako. Bakit? Pera lang
naman ang gusto mo kay Lance, hindi ba? Or wait, baka naman may gusto ka pang iba
maliban sa pera niya?" sabi ko sa mahinang boses pero sinigurado ko na may bahid ng
diin iyon.

Nakita ko ang pagdaan ng galit sa mga mata niya. At alam ko na dahil nasukol ko
siya sa huling sinabi ko.

"Ang dami kong kilalang mga ina pero namumukod tangi ka, Valerie. Alam mo kung
bakit? Dahil nasa peligro na ang buhay ng anak mo pero gusto mo pang unahin iyang
kalandian mo." Puno pang-uuyam na sabi ko.

"Aba't!" Nasukol ko na naman siya. Namula ang buong mukha niya.

"Dapat nga magpasalamat ka dahil pinayagan ko ang asawa ko na magbigay ng tulong sa


anak mo, eh. Pero naka-ungrateful mo dahil sa halip na pakitaan mo ako nang maganda
ay nakuha mo pa akong tarayan. At talagang iniisip mo na ipagpapalit ako ni Lance
para sa 'yo?"

Nang-uuyam pa rin na sabi ko.

Hindi siya umimik. Binigyan niya ako nang nakamamatay na tingin pero sunka ako na
magpapasindak sa kaniya.

Inismiran ko siya. "Mukhang hindi mo naman deserve ang tulong ko, so good luck na
lang sa 'yo." Binalingan ko si Rachel na manghang-mangha habang nakatingin sa akin.
"Let's go, besh."

Pagkasabi ko niyon ay nagpatiuna na akong umalis na hindi na ibinigay ang tulong na


dapat ay ibibigay ko para sa bata.

Sakay na kami ng elevator pababa nang tumawa si Rachel habang pumapalakpak.

"Nice one, besh! Grabe, ikaw ba talaga iyon? Ang taray mo, pak na pak! Binigla mo
ako, hindi mo man lang ako tenimbrehan na giyera pala ang pupuntahan natin,
kaloka!"

Tumawa lang ako.

"Pero, teka nga muna, besh. Sino ba kasi ang babaeng 'yon, ha? At anong connection
niya sa asawa mo? Bakit kailangan ninyo siyang tulungan? Anak ba ni Lance ang anak
niya-"

"Of course not!" Sansala ko sa anumang sasabihin niya. Hindi ko talaga feel marinig
na anak ni Lance si Leira.

Ayoko na may ibang anak si Lance sa ibang babae. Hindi talaga maganda sa pakiramdam
bilang asawa.

"O, eh sino sila sa buhay ni Lance? Ninyong mag-asawa?"

Bumuntong-hininga muna ako saka pahapyaw na nagkuwento sa kaibigan ko. Ilang


detalye lang, para lang alam ko kung bakit kami nandito.

Wala naman siyang sinabi o ikinomento na masama laban sa asawa ko. Tahimik lamang
siya pagkatapos ko siyang pahapyawan hanggang sa bumukas ang elevator sa 1st floor.

"Sheena, wait!"
Palabas na kami nang may tumawag sa akin dahilan para mapahinto ako.

"Wait lang!"

Paglingon ko, ang humahangos na si Valerie ang nakita ko. Mukhang tinakbo niya ang
hagdanan mula ika-pat na palapag hanggang dito sa unang palapag ng hospital.

Nang malapit na siya ay saka ko binirahan ng alis.

"Sheena, sandali!" Malakas na tawag niya at rinig na rinig ang taguktok ng takong
ng sapatos niya. Imagine, nasa peligro na ang anak pero nakuha pang mag-heels?
Ibang klase talaga.

"Bilisan natin, besh! Palapit na siya sa atin!" Hikayat ni Rachel at hinila pa ako
sa braso ko papunta sa parking lot.

"Sheena, wait lang! Sandali!"

Hingal na hingal siya nang tuluyan kaming maabutan.

Lihim akong napangiti nang makita ko na bitbit na niya ang sapin sa mga paa at sapo
ang dibdib habang naghahabol ng paghinga.

Tinaasan ko siya ng kilay habang naka-krus ang mga braso sa tapat ng aking dibdib.
Sumandal ako sa bumper ng kotse ni Lance at pinanuod siya kung paano maghabol ng
paghingi.

"Pasensya na sa mga nasabi ko kanina sa taas, pero kailangan ko ang pera ni Lance.
Nangako siya sa akin na tutulungan niya ako kaya kailangan mong ibigay ang pera
niya."

Hindi ko alam kung nakikiusap ba siya o ano dahil talagang ipinagdiinan niya ang
salitang pera ng asawa ko.

"Wala na akong balak na ibigay sa 'yo ang tulong na kailangan mo. Kahit siguro
sino, hindi gaganahan na tulungan ang inang kagaya mo na uunahin pa ang sarili
kaysa sa anak niya. Ikaw lang ang kilala ko na kailangan ng tulong pero ang angas
mo pa."

Ang pagpapaawa sa mukha niya ngayon ngayon lang ay kaydaling naglaho at napilitan
ng disgusto at nakamamatay na tingin.

See? May attitude talaga ang babaeng ito.

"Huwag mong ipagdamot ang tulong ni Lance para sa anak nami-"

"Anak mo!" Sansala ko.

"Anak namin ni Lance si Leira-"

"Talaga? Baka nakakalimutan mo na kahit minsan hindi nakipag-s*x sa' yo ang asawa
ko. Kung may Tatay man iyang anak mo, si Lander iyon at hindi si Lance."

Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa mukha niya.

"Gulat na gulat? Bakit? Akala mo ba hindi ko kilala si Lander, na ama ng anak mo?
Of course I knew him."
Hindi siya nakaimik. Napatingin siya sa mga mata ko. Nginitian ko siya

nang nakakaloko.

"Alam ko na si Lander ang ama ni Leira. At alam ko rin na nakakulong siya ngayon
dahil sa pagtataka niya sa buhay ng asawa ko. And believe it or not, unang kita ko
pa lang sa ama ng anak mo, alam ko nang hindi siya si Lance."

Tiim-bagang siyang tumingin sa akin, naikuyom din niya ang mga kamao.

"Kaya huwag na huwag mong ipagpipilitan sa akin na si Lance ang ama ng anak mo.
Mapapahiya ka lang, Valerie. Bukod sa matalas ang pakiramdam ko, kayang-kaya kong
tukuyin kung sino si Lance at kung sino si Lander. Kaya kung ginagawa mo 'to para
manggulo, magsasayang ka lang ng panahon mo."

Pagkasabi ko niyon ay binuksan ko na ang pinto ng sasakyan. Akma akong sasakay nang
hilahin niya ako sa braso ko.

Mabilis kong pinalis ang kamay niya.

"Ibigay mo sa akin ang pera at makakaalis ka na." Utos niya. "Hindi na rin ako
manggugulo."

"Nagbago na ang isip ko. Wala kang mapapala sa akin." Muli ko siyang tinalikuran.

"Akala mo ba matitiis ni Lance ang anak ko?!" aniya na ikinatigil ko sa tangkang


pagsakay sa kotse.

Binalingan ko siya.

"Kung ayaw mong ibigay ang pera ngayon, fine. Pero kahit hindi mo ibigay, may
makukuha pa rin ako kay Lance kagaya ng dati. Hindi niya kami matitiis na mag-ina
kaya sige, dalhin mo ang pera niya pero malamang bukas o sa susunod na mga araw
darating siya rito para mag-abot ng perang kailangan ko. Mas malaki pa ang ibibigay
niya kagaya ng dati."

Hindi agad ako nakahuma. Hindi ko alam ang tungkol sa sinasabi niyang pera na
ibinigay ni Lance sa kanilang mag-ina.

"So, hindi mo alam ang tungkol doon? At ang pagbisita niya noon kay Leira, hindi mo
rin alam?" Pagkuwa'y nakakainsulto siyang tumawa.

"So, hindi mo nga alam ang tungkol doon?" Pang-aasar pa niya.

"Alam ko. Alam ko na binigyan ka niya ng pera," palabang sagot ko.

Nagtagumpay akong mapapaniwala siya kahit ang totoo ay hindi ko talaga alam iyon.
Ngunit wala akong balak magmukhang tanga sa harap niya.

"Alam ko rin na binisita niya si Leira."

Gulat na gulat siya at paniwalang-paniwala.

"Lahat ng gawin niya ay alam ko dahil wala siyang itinatago sa akin. Gano'n kaming
mag-asawa, walang lihiman. Kaya nga alam ko na tumawag ka sa kaniya kagabi, 'di ba?
Kasi sinabi niya agad sa akin, kagaya ng dati." Binigyan diin ko ang salitang dati.
Kagaya ng pagbibigay diin niya kanina.

Hindi na siya nakapagsalita hanggang sa makasakay ako ng kotse. Nakatayo pa rin


siya roon kaya ibinaba ko ang bintana sa gilid ko.

"Bye, Valerie. Kung ako sa 'yo, sisimulan ko nang mamalimos para sa anak mo."

"Sheena!" Parang doon pa lamang siya natauhan.

Inismiran ko lamang siya at tuluyan nang umalis kuno. Kuno, dahil wala naman talaga
akong balak pagdamutan ng tulong ang bata dahil anu't anu pa man ay pamangkin pa
rin siya ni Lance. At siguro kahit hindi siya pamangkin ni Lance at nalaman ko ang
sitwasyon niya ay tutulong pa rin ako sa abot ng makakaya ko.

Sa kabilang parking lot ako nag-park uli, saka umibis ng sasakyan.

"Tutulungan mo pa rin ang bata kahit siraulo ang nanay niya?" Kunot ang noo na
tanong ni Rachel nang yayain ko siyang bumaba.

"Nanay niya ang siraulo, Besh, hindi naman iyong bata."

"Pero kahit na. Alam mo, 'wag na kasi mahihihasa iyon na palaging lalapit sa inyo
dahil alam niya na magbibigay at magbibigay kayo sa kaniya. Masasanay siya, besh,
kaya huwag na. At saka, hello? Ang tigas ng mukha ng babaeng 'yon na kailangan niya
ng tulong pero ang sama pa rin ng ugali, jusko! Kung ako sa 'yo kanina, pinatikim
ko ng mag-asawang sampal iyon para nagising sa kahibangan niya." Gigil na ang
kaibigan ko na ikinatawa ko.

"At nakukuha mo pang tumawa?"

"Eh anong gusto mo? lyakan ko ang babaeng 'yon?"

"Huh, sabagay. Huwag na, hindi siya worth it."

Napangiti kami sa isa't isa ng kaibigan ko bago bumalik sa loob ng hospital.

Kinausap ko agad ang nakakaalam tungkol sa gagawing operation para sa bata.


Ibinigay ko ang down payment na hiningi ni Valerie sa asawa ko. Nakiusap ako sa
doktor na huwag sabihin kay Valerie ang tungkol dito basta operahan na nila ang
bata. Sinabi ko rin na hayaan nilang gumawa ng paraan ang babaeng 'yon para sa anak
niya. Na palalabasin lang nila na papayag na silang operahan si Leira.

Pumayag naman ang doktor na pinakiusapan ko. Pagkatapos kong pumirma sa payment
slip ay hindi na rin naman kami nagtagal ng kaibigan ko at umalis na rin agad ng
hospital.

Bago dumiretso sa bahay ay dumaan muna kami sa private cemetery kung saan nakalagak
ang baby angel ko. Nagtirik lang ako ng kandila at naglagay ng sariwang mga
bulaklak. Nang maubos ang kandila ay umalis na rin kami.

Hindi na sumama si Rachel sa akin pabalik sa bagong bahay namin ni Lance,


nagpahatid na siya sa kanila. Kaya mag-isa na lamang akong umuwi sa bahay.

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko pa ang mga magulang ko na kakuwentuhan si Lolo


Jaime at Ate Jenny. Hindi na rin naman nagtagal ang mga magulang ko at nagpalaam na
rin. Hinintay lang daw talaga nila ako na makauwi bago sila umalis.

Nabanggit din niya na umalis lang sandali si Lance kasama ang kapatid ko, kaya pala
wala si Lance nang dumating ako. Wala na rin ang mga kaibigan nila dahil umuwi na
rin daw.

"Dito muna po kayo, Ate." Pigil ko sa pagpapaalam ni Ate Jenny at Lolo Jaime.
Bigla akong nainip kung pati sila uuwi na rin. Wala na kasing maiiwan kundi kami na
lang ni Lance kung sakali. Parang masyadong malungkot kapag kami lang dalawa.

"Sige, hihintayin namin na makabalik muna ang asawa mo bago kami umalis," sang-ayon
ni Ate Jenny na ikinatuwa ko.

"Dito na lang kaya kayo, Ate. Para kapag nasa trabaho si Lance may kasama ako."

"Ay, ikaw talaga. Nakakahiya naman, saka wala namang sinasabi si Lance na ganiyan,
naku."

"Papayag siya, Ate." Subukan lang niya na hindi pumayag, huh! May kasalanan pa sa
akin ang lalaking iyon. Humanda ka pag-uwi mo. Banta ko sa isip ko.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang magaling kong asawa. Siya na lamang mag-isa
ang dumating. Umuwi na rin siguro si Kuya Simon.

"Baby" Aniya at agad lumarawan ang pagtataka sa mukha niya nang akma akong
hahalikan pero umiwas ako kaya sa pisngi ko nag-landing ang halik niya na dapat ay
sa labi ko.

"Hey, something wrong?"

"Kailan ka pa natutong magsinungaling sa akin?" May bahid ng inis na tanong ko.


Lalong nadagdagan ang pagtataka sa mukha niya.

"What do you mean? Hindi ako nagsisinunga-"

"Talaga? Hindi ka nagsinungaling sa akin?"

"H-Hindi. Bakit ba?"

"Hindi? Kahit minsan?"

Napakamot siya sa kaniyang ulo. "M-Minsan..."

"Gaano kadalas ang minsan?"

Napaawang ang bibig niya sabay tawa. Akala yata ay nagbibiro ako.

"Huwag mo akong tatawan-tawanan, Lance, seryoso ako." Tumigil naman siya. "Bakit
hindi ko alam na binigyan mo ng pera dati si Valerie at binisita mo pa silang mag-
ina?"

Napaismid ako nang mawalan ng kulay ang mga labi niya. No reasonable doubt, guilty.

"Baby, it's not what you think, okay? Walang ibig sabihin iyo-"

"You shut up!" Tumigil naman siya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. " Alam mo
bang proud na proud ang babaeng 'yon nang sabihin na binibisita mo sila?"

"Baby, walang ibig sabihin iyon. Si Leira ang-"

"Ilang beses kang nagsinungaling sa akin?"

"I-Isa lang."

"Isa lang? Huwag mo akong pagtatatarantaduhin, Lance. Ilang beses?"


"Isa at kalahati."

Lalong naningkit ang mga mata ko sa sagot niya. Isa't kalahati? What the fvck?

"Kumalma ka muna, Kamahalan. Let me explain, okay?"

"Explain? Ngayon ka mag-i-explain kasi buko ka na."

Sukol na sukol na ang gago. Hindi na siya makatingin ng diretso sa akin.

"Tumingin ka sa akin, Lance De Asis!" Mariing utos ko. Tumingin naman siya.
"Gandahan mo iyang paliwanag mo, siguraduhin mong ikatutuwa koʻiyan dahil kung
hindi-" Sinadya kong bitinin ang sinabi ko.

"Kung hindi ay ano?"

"Hindi ka makakatabi sa akin ng isang buwan! At kapag tinupak ako, gagawin kong
dalawa o tatlong buwan!"

"Syet! Are you serious?" Bulalas niya habang nanlalaki ang mga mata.

"Try me." Panghahamon ko pero aba't ngumisi pa. "Huwag kang ngumisi, seryoso ako."

"Ang tanong, kaya mo bang walang labing-labing ng isang buwan?"

"Huh, kahit isang taon pa iyan kaya ko. Eh, ikaw?"

"Hindi. Alam mo namang makita ko lang ang hita mo nabubuhay na ang alaga ko."

Inismiran ko siya at tinalikuran na. Sumunod siya sa akin sa taas at abot-abot ang
paliwanag sa mga kasinungalingan niya.

"Maniwala ka, baby. lyon lang iyon, ayoko na lang nang gulo kaya nang humingi siya
ng pera ibinigay ko na. Mas mahalaga sa akin ang peace of mind mo kaysa sa perang
ibinigay ko sa kaniya."

Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko nang marinig iyon.

"Isang beses ko lang iyon ginawa at tumigil naman na siya, iyon din ang una at
huling beses na nakipagkita ako sa kanila. Kay Leira. Ipinaunawa ko lang sa bata na
Tito niya ako at hindi ama. lyon lang iyon, baby."

Hindi pa rin ako umimik.

"Maliwanag na ba? Hmm? O, kailan ko pang ulitin na mahal na mahal kita at wala
akong plano na palitan ka sa buhay ko. Kasama ko na ang Reyna ng buhay ko, hahanap
pa ba ako ng iba?" Pang-uuto na niya.

Inirapan ko siya. "Isang buwan ka pa ring hindi makakaungot sa akin."

Lihim akong napangiti nang halos malaglag ang panga niya. Huh! Nagsinungaling ka pa
rin kaya manigas ka!
Chapter 52

Chapter 52

LANCE POV

KULANG na lang ay malaglag ang panga ko sa sinabi ng asawa ko na isang buwan pa rin
akong hindi makakaungot sa kaniya pagkatapos kong ipaliwanag ang side ko. Akala
ko'y uobra ang pagpapa-cute ko sa kaniya ngunit hindi pala.

"Hindi ko naman yata kaya ang isang buwang walang kaldag, mahal. Bawasan mo naman
kahit mga dalawang linggo." Hirit ko pero kagaya kanina, matinding irap lang ang
sinagot niya sa akin.

"Kung magsisinungaling ka kasi dapat ginalingan mo na. Atrimitida pa naman iyong ex


mong hitad."

Hindi ko napigilan ang matawa dahil lumaki-laki pa ang butas ng ilong niya nang
sabihin iyon. Tss! Bakit ba nawala sa isip ko na baka nga sabihin ni Valerie ang
tungkol doon?

"Isang buwan kang huwag didikit sa akin, maliwanag?"

Napamulagat ako. "Are you serious? Wala na ngang labing-labing, tapos hindi pa ako
puwedeng dumikit sa 'yo? Pambihira ka naman, baby, eh ano na lang pala ang puwede?"

"Para sa 'yo rin iyon. Mas mahihirapan ka kung didikit ka sa akin tapos tatayo
iyang ano mo, eh bawal."

"Baby naman. Bawasan mo naman kahit dalawang linggo."

"No."

"Ang tigas naman ng puso, mahal ko." Paiba-iba na ang term of endearment ko sa
kaniya sa pag-asang baka mapa amo ko ang tigres kong asawa.

Pero irap at irap lang ang napapala ko pero hindi ako puwedeng sumuko. Kailangan ko
siyang mapalambot dahil ilang oras na lang ay gabi na naman.

Nang pumasok siya sa aming kuwarto ay para akong asong ulo na pasunod-sunod sa
kaniya. Hindi ko alam kung galit ba talaga siya o pinagtitripan lang ako. Paano ba
naman, pumasok sa kuwarto para kumuha ng damit tapos bumaba uli sa sala. Pagdating
sa sala, pumunta sa kusina tapos uminom ng tubig. Pagkainom ng tubig. umakyat uli
sa taas.

"Baby naman. Ano ba talagang trip mo?" Nakangusong tanong ko nang umupo siya sa
ibabaw ng kama.

"Hindi kita pinagtitripan. Ganiyan talaga kapag sinungaling, may nakukuhang reward.
Kaya magsinungaling ka pa para mas matinding pagkatigang ang makuha mo. Huwag mo
akong ngingitian nang ganiyan dahil seryoso ako."

Napakamot ako sa ulo. "Alam ko namang seryoso ka, mahal ko. Pero hindi mo ba
naiintindihan kung bakit kinailangan kong magsinungaling sa 'yo? Gusto lang kitang
bigyan ng peace of mind. Walang ibang kahulugan ang ginawa ko, mahal ko."
Nagpapaawa na ako pero hanep, ang tigas dahil tinalikuran na naman ako.

"Mahal ko-"

"Heh! Tantanan mo ako dahil hindi mo ako mauuto. Kahit anong rason mo, still
nagsinungaling ka pa rin sa akin. Maganda o masama man ang dahilan mo maiikonsedera
pa ring pagsisinungaling iyon, Lance."

Napaluhod ako sa harap niya. Pinapungay ko ang mga mata ko. "Hindi mo 'ko
mapapatawad?" Sabi ko sa nangongonsensyang tono. "Kung ang Diyos nga natin ay
nagpapatawad sa mga anak Niyang makasalanan, ikaw pa kaya?"

Pinigilan ko ang mapangiti sa pinaggagawa ko para mas makatotohanan ang pagda-drama


ko.

"Ang sabi ang pagpapatawad daw ang nakakagaan ng dibdib, ayaw mo bang gumaan ang
dibdib mo?" Hirit ko pa.

Nabuhayan ako ng loob ng makita kong nagpipigil na siya ng tawa niya.

"Hindi mo talaga ako mapapatawad? Luluhuran kita buong gabi kung gusto mo, mahal
ko-"

"Heh! Manigas kang lalaking ka." Nilamukos niya ang pagmumukha ko at nilapirot ang
ilong ko at pagkuwa'y lumabas na naman ng kuwarto.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod na naman sa baba.

"Anak ng-, magsinungaling ka pa, Lance. Whoa! Hirap!" Napailing na lamang ako at
pumasok sa kusina. Uminom ako ng tubig, nakakahapo palang manuyo ng tigre.

Pinagpawisan ako ng kakaakyat baba ng hagdan dahil sa panunuyo ko.

"Ano bang ginawa mo at parang galit sa 'yo ang asawa mo?"

Napalingon ako kay Lolo Jaime na nasa bungad pala ng pinto ng kusina. Naiiling siya
habang nakatingin sa akin.

"Lo

Naglakad siya palapit sa akin. "May kasalanan ka?"

"Mayro'n ho, Lo," sagot ko na may kasama pang pagtango. "Ang hirap hong suyuin, Lo,
eh."

Pumalatak ang matanda. "Ang babae kapag galit huwag mo munang susuyuin. Palamigin
mo muna ng ilang sandali."

"Baka lalo hong magalit, eh. Gusto ho nila iyong sinusuyo sila, 'di ba?"

Tumango ito. "Oo, pero ang mga iyan kapag sinuyo mo nang mainit pa lalong magagalit
at magmamatigas ang mga iyan. Hayaan mo muna ng mga isang oras, kunwari dedma mo
na."

Nag-alangan ako. "Sa tingin niyo ho effective iyan, Lo?"

"Oo man, ah. Gawain ko iyan dati sa Yaya mo noong kabataan namin. Huwag mong
pansinin, naku hindi makakatiis iyan, ang asawa mo na ang mangangalabit sa 'yo."
Sa sinabi ni Lolo Jaime ay nabuhayan ako ng loob. Kung effective kay Yaya,
posibleng effective din sa asawa ko.

Na puwede ring hindi, Lance. Kontra ng kabilang bahagi ng isip ko.

"Hayaan mo muna si Sheena, kunwari hindi ka apektado sa galit niya sa 'yo. Huwag mo
ring pansinin muna, Anak."

At dahil matanda na si Lolo Jaime at proven na niya kaya naniwala ako sa kaniya.

Hindi ko nga sinuyo ang asawa ko, sa halip pumunta ako sa mini library ko at may
inasikaso na mga papeles. Hanggang sa maging abala na ako at makalimutan ko na ang
tungkol sa panunuyo ko sa asawa ko.

Nagliligpit na ako ng mga nakapatong sa table ko nang makarinig ako nang sunod-
sunod na katok mula sa labas ng pinto.

"Sino iyan?" tanong ko.

"Lumabas ka na riyan, kakain na!"

Awtomatikong gumuhit ang simpatikong ngiti sa mga labi ko nang marinig ang boses ng
asawa ko na siyang kumakatok.

"Nakahain na, kakain na." Aniya pa at lumakas ang pagkatok.

"Busog pa ako." Pigil ang tawang sagot ko.

"Yes! Tama nga si Lolo Jaime. Yes! Mukhang hindi na nga ako natiis ng asawa ko.
Effective pala talaga iyon. Yes!" Mahinang sabi ko habang tuwang-tuwa na sumusuntok
pa sa hangin.

"Thanks, Lolo Jaime. You're my guardian angel!" Tuwang-tuwang lumiyad pa ako habang
nakataas ang magkabilang kamay, "Whoa! Nice, nice!"

"Hoy, Lance!"

Napahinto ako sa pagsi-celebrate nang kalampagin na ni Sheena ang nakasarang pinto.

"Lance! Bingi ka ba? Sabi ko kakain na!"

"Busog pa nga ako. Mauna ka na."

"Isa!" At nagsimula na ngang magbilang ang tigre. "Dalawa!"

"Busog pa nga ako!" Nilakasan ko na rin ang boses ko.

"Kapag hindi ka lumabas diyan, magiging dalawang buwan ang parusa ko sa 'yo-"

"Wait! Lalabas na ako!" Nagkukumahog na napatakbo ako palapit sa pinto at dali-


daling binuksan iyon.

Sumalubong sa akin ang inis na mukha ng asawa ko. "Busog ka?" aniya. "Hindi ka
kakain dahil busog ka 'ika mo?"

"Ay hindi, baby. Kanina pa nga ako gutom, eh. Tara na? Kain na tayo?" Biglang bawi
ko at inakbayan siya pababa pero agad din akong napabitaw dahil siniko niya ang
tiyan ko.
Ano na, Lance? Bokya ba tayo?

Wala akong nagawa kun'di ang pailing-iling na sumunod sa kaniya sa dining. Nagtama
ang mga namin ni Lolo Jaime.

Bumuka ang bibig niya. Okay ba? lyong ang sinabi niya.

Umiling ako at walang sound na nagsalita. "Bokya, Lo." Napasimangot ako nang
tawanan pa ako ni Lolo Jaime.

Tss. Mukhang kay Yaya lang effective iyon.

Sabi sa 'yo, eh. Kontra na naman ng isip ko.

Sabay-sabay na kaming dumulog sa mesa. Siyempre magkatabi kami ng misis ko. At sa


tuwing magtatama ang mga mata namin ay parati siyang nakairap sa akin.

"I love you." Sabi ko na walang sound. Nilakihan niya lang ako ng butas ng ilong.

Habang abala sa pagkain ang mag-ama ay abala naman ako sa pagpapa-cute sa asawa ko
pero walang ka-effect effect. Nang subukan ko siyang landiin sa ilalim ng mesa ay
isang malakas na tadyak ang napala ko.

Napangiwi ako at mahinang napadaing. Tinamaan niya kasi ako sa pagtadyak niya. Sa
takot na baka alaga ko na ang tamaan niya ay tumigil na ako at tinapos ang pagkain.

"Lo, hindi ho yata effective, eh." Bulong ko kay Lolo nang magkasabay kami papunta
sa sala. Tapos na rin siyang kumain at naiwan sa kusina ang dalawang babae.

"Effective iyan, tingnan mo nga. Sinundo ka pa para kumain."

"Ano ho ang next step natin?"

"Dedmahin mo pa rin kapag nasa kuwarto na kayo mamaya. Hintayin mong kalabitin ka
pero huwag ka munang bibigay. Kailangan mong magpakipot ng kaunti."

Napangiwi ako. Parang imposible na si Sheena ang mangalabit because I know her.
Kaya niya talaga ang walang labing-labing dahil simula nang maging mag-asawa kami,
isang beses pa lamang siyang nag-initiate na magkaroon kami ng labing-labing. Ako
ang palaging umuungot sa kaniya. Na hindi na niya matanggihan dahil uungot pa lang
ako pero iyong kamay ko ay nasa ilalim na ng panty niya.

"Paano kapag hindi ho nangalabit, Lo?"

Tumawa ito. "Wala na tayong magagawa kung hindi talaga."

Napapalatak na lamang ako at nagpalipas pa ng ilang sandali sa balcony ng bahay


namin. Nakipagkuwentuhan pa muna ako kay Lolo at nalaman ko na ayaw silang pauwiin
ng asawa ko at gusto ay dito na raw tumira ang mag-ama.

Ayaw sana ng matanda pero dahil iyon ang gusto ng asawa ko ay ibibigay ko sa
kaniya. Mabuti na rin iyon para may kasama siya rito kapag wala ako. Sa huli,
napapayag ko si Lolo Jaime na dumito na sila sa bahay. Marami namang kuwarto kaya
walang problema at isa pa, pamilya ko na rin sila kaya masaya ako na makakasama
namin sila dito.

"O, siya paano, Lance. Ako'y matutulog na, alam mo naman kapag matanda na, antukin
na." Mayamaya ay paalam ni Lolo Jaime.
"Sige ho, Lo. Ako naman ho'y tataas na rin. Good night ho."

"Good night, Anak. Sana ay masarap ang gabi mo." Pahabol pa niya sabay tawa.

"Sana nga ho, Lo

"Good luck" Pahabol pa niya bago tuluyang pumasok sa guest room na pinagamit ko sa
kanila kagabi.

Umakyat na ako at pumasok sa aming kuwarto ko. Pagpasok ko roon ay wala si Sheena.
Napangisi ako nang marinig ang paglagaslas ng tubig sa bathroom.

"Naks, nagri-ready na ang mahal ko." Wala pa mang pangangalabit na nangyayari ay


buhay na buhay na ang alaga ko. "Relax ka lang diyan, buddy."

Hinintay ko na matapos ang asawa ko. Nang bumukas ang pinto ay kaagad akong nag-
iwas ng tingin. Tampo-tampuhan kuno.

"Naka-on pa ang water hearter, ikaw na ang mag-off kapag tapos ka na." Aniya at
nilampasan ako.

Napapikit ako nang pagdaan niya sa tabi ko ay nanuot sa ilong ko ang mabango niyang
amoy. Sinamyo ko pa iyon bago walang imik na pumasok ng banyo.

Hindi na ako nagbabad dahil excited ako sa kalabitan session namin. Pero daig ko pa
ang pinagsakluban ng langit at lupa nang makita ko ang banig na nakalatag sa ibaba
ng kama.

Syet! Sino ang matutulog sa baba ng kama?

Tanga! Malamang ikaw! Sulsol ng kontrabida kong isip.

No way! Walang matutulog sa sahig. Hindi ako papayag na hindi kami magkatabing
matulog. No way! Sinamantala ko na wala si Sheena at ibinalik sa kama ang mga unan
at comporter, saka tiniklop ang banig.

Ibinalik ko iyon sa lagayan. Pagkatapos kong magdamit ay humiga na ako sa kama.


Eksakto namang bumukas ang pinto at pumasok ang asawa ko.

Sunod-sunod na lunok ang ginawa ko nang mabistahan ang suot niyang nighties. Syet!
Napamura ako dahil sa sobrang nipis niyon ay bakat na ang kaniyang panty.

At anak ng teteng! Wala siyang bra kaya bakat ang utong niya. lyong kaliligo ko
lang pero pakiramdam ko pinagpapawisan na ako.

Napatikhim pa ako para alisin ang nagbabarang laway sa lalamunan ko. Mukhang ako
ang unang bibigay sa larong 'to, Lo! Mukhang ako ang mangangalabit at hindi ang
asawa ko.

"Lunok pa more." Narinig kong sabi ni Sheena. Mahina lamang iyon pero sapat na para
marinig ko.

lyong malapit nang humulagpos ang pagtitimpi ko pero gusto kong panindigan na siya
ang unang bibigay at hindi ako.

Tumikhim uli ako sabay punas ng pawis sa noo ko. Pinagpapawisan na talaga ako.

"Syet!" Mahina akong napamura nang lumapit si Sheena sa kama at yumuko dahilan para
makita ko ang magkabilang dibdib niya.

Whoa! Lance, kalma kaya natin 'to. Huwag kang bibigay. Piping pangungumbinsi ko sa
sarili ko.

"Unan ko iyan." Aniya at hinatak ang unan na nakatakip sa pagkalalaki ko na ngayon


ay nagwawala na sa loob ng boxer short ko.

"Ehem! Ehem!" Napaubo ako.

"Mukhang may ubo ka."

"O-Oo, eh. Kaya hindi ako puwede sa sahig baka l-lumala pa, eh."

"It's okay." Sabay talikod.

"Saan ka pupunta?" Nasagot ang tanong ko nang pumwesto siya sa malapad na couch.
"Diyan ka matutulog?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Good night, Lance." Sumandal siya sa sandalan, pa-side view ang puwesto niya kaya
naman kitang-kita ko nang lumihis ang nighties niya dahilan para makita ko ang
pulang panty niya.

Tang'na! Mukhang nanadya siyang akitin ako, ah.

Pero hindi ako maaakit. Hindi.

"Okay. P-Puwede bang patayin ang ilaw? Hindi ako sanay matulog na maliwanag, eh."

"Oh, really? Akala ko ba hindi ka nakakatulog kapag madilim?" At lalo pa niyang


nalilihis ang nighties niya nang magkamot ng hita. Dahilan para lalong lumuwa ang
mga mata ko.

Oh, God! Patawarin Niyo na po ako sa pagsisinungaling ko sa asawa ko. Piping dasal
ko habang sunod-sunod na napapalunok laway.

Hindi pa yata tapos sa pang-aakit ang asawa ko dahil inipon pa niya ang buhok, saka
inilagay sa kabilang side dahilan para lumitaw ang mapuputi niyang leeg.

Syet! Syet! Puro mura na lang ang nagawa ko ng mga sandaling 'yon.

"Kaya pa ba?" Maharot na tanong ni Sheena habang nakatingin sa akin.

"O-Of c-course!" Nauutal na sagot ko.

"Oh, good boy. Kailangan mong kayanin dahil may 29 nights ka pang magmamaryang
palad." Pagkasabi niya niyon ay kumagat labi pa at kinindatan ako.

"Sheena!" Nauubos na ang pasensya na sabi ko.

"Good night, Mister Ko! Wet dreams, baby." Pinatulis pa niya ang nguso. "Muahhh!"

"Matitiis mo talaga ako?" Hinampong sabi ko.

"Parusa iyan sa pagsisinungaling mo."

"Hindi mo talaga ako mapapatawad?"

"Good night, Mister ko. Wet dreams..."


Napamura na lamang ako nang magtalukbong siya ng kumot.

"Hindi mo ako mahal..." pagdadrama ko sa pag-aakalang uobra pero wala talaga.


Napasimangot na lamang ako nang umaga ang katawan niya habang nasa ilalim ng kumot.

Tawang-tawa siya sa panglalandi sa akin, alam ko.

At para maibsan ang sakit ng puson ko, wala akong pagpipilian kundi ang magsarili
muna. Dali-dali akong pumasok sa banyo at pinaraos ang sarili. Mura ako nang mura
habang nagtaas-baba ang kamay sa kahabaan ko.

"Aahhh! Syet, ang sarap!" Sinadya kong lakasan ang ungol ko nang labasan na ako.
Narinig ko ang malakas na tawa ni Sheena.

Tss! Bruha talaga! Kapag ikaw ang nagyaya, huh, bahala ka! Magsarili ka rin....

liling-iling na muli akong naligo para patayin ang init sa buong katawan ko. 1
night down. 29 days more.... Syet! Seryoso ba 'to?

GIRLONFIRE28

#vote# Thank you po sa inyo! Good night.

Chapter 53

Chapter 53

SHEENA POV

AWTOMATIKONG gumuhit ang maganda kong ngiti paggising ko pa lamang kinabukasan.


Naalala ko kasi agad ang ginawa kong kalokohan sa asawa ko kagabi ay alam kong
nagtagumpay akong parusahan sa ginawa niyang pagsisinungaling sa akin about sa
babaeng 'yon.

Wala namang problema sa akin kung tumulong siya sa iba dahil hindi naman masama
iyon pero hindi ko lang nagustuhan na hindi niya sinabi sa akin. Though, na-touch
naman ako na ginawa niya iyon para sa peace of mind ko at para hindi na kami
guluhin ng babaeng 'yon pero hindi pa rin tama na nagsinungaling siya sa akin.

At sa ginawa ko kagabi, sana magtanda na siya at hindi na umulit. Naniniwala ako na


kahit gaano man kababaw na pagsisinungaling ay pagsisinungaling pa rin.

Pagkatapos mag-inat-inat ng ilang sandali ay bumangon na rin ako at gumayak para sa


pagpasok ko. Linggo ngayon pero may pasok na ako habang si Lance naman ay bukas pa
ang balik sa trabaho niya.

Habang naliligo, hindi ko talaga mapigilan ang mapangiti. Lalo na nang makita ko
ang brief ni Lance dito sa banyo, naalala ko ang pagsasarili niya kagabi dahil sa
pagpaparusa ko. Naalala ko rin kong paano ako humagikhik kagabi.

Inabot yata ako ng kinse minutos sa pagliligo. Nagulat pa ako dahil paglabas ko ng
banyo ay nasa ibabaw na ng kama ang uniform ko at plantsado na.

Napangiti ako. Oh, my Lance! Lumalabas ang pagkakarenyoso mo, ha. But sorry, hindi
pa rin nagbabago ang isip ko about sa parusa mo for the whole month.

Nang matapos gumayak ay bumaba na rin ako. Pagdating ko sa dining ay may nakahain
ng almusal. At ang guwapo kong asawa ay abala sa kung ano habang nakaharap sa
lababo.

Napatalon pa siya sa gulat nang pagbaling ay naroon na ako. Nasapo niya ang
sariling dibdib.

"Grabe ka namang manggulat, mahal ko. Anyway, good morning!" Nakangiting sabi niya.

Hindi agad ako nakahuma dahil napatitig ako sa kaniya, particular sa hitsura niya.
Nakasuot siya ng apron na hello kitty. Isang guwapo, matangkad at matikas na lalaki
abala sa kusina habang nakasuot ng apron na hello kitty? He's cute...

Hindi ko na naman napigilan ang mapangiti at kiligin. Mukhang mababawasan ang isang
buwang parusa kapag ganito siya nang ganito.

"Baka matunaw na ako niyan, mahal ko." Tukoy niya sa pagtitig ko sa kaniya.

"You're cute." Pag-amin ko na halos ikapunit ng mga labi niya sa sobrang pagngiti.

"I know. Upo ka na para makakain ka na po." Ipinaghila niya ako ng upuan at
inalalayan pang umupo. Pati paglalagay ng pagkain sa plato ay siya na rin ang
naglagay.

"Wait, wala ka pa palang gatas." Aniya at aligagang nagtimpla.

Bawat galaw niya ay nakasunod ang mga mata ko. Pagkatapos niyang lagyan ng kaunting
kape ang gatas ay bumalik na siya sa tabi ko.

"Kumain ka ng marami, ha. Kailangan full energy bago pumasok sa trabaho."

"Maupo ka na rin at sabayan mo 'ko," hiling ko. Nag-atubili pa siya. Maupo ka na


para makakain na tayo. Hindi ako makakalunok nang hindi ka kasabay."

"Oh, men!" Napaupo siya habang hawak ang dibdib.

Lihim akong napangiti dahil kitang-kita ko nang mamula na naman ang mukha niya.
Nakakatuwa siya kapag kinikilig.

Nagsimula na kaming mag-almusal. Pagkalipas ng ilang sandali ay tapos na rin kami


at magkasamang lumabas ng dining.

"Nasaan pala sina Ate Jenny?" Pagkuwa'y tanong ko nang maalala na hindi ko pa sila
nakikita.

"Maaga silang umalis, eh. Sisimba raw sila."

"Ay, okay. Hinatid mo?"

"Sa labas lang gate, itinawag ko sila ng taxi para ihatid sa simbahan. Birthday ni
Yaya ngayon, eh. Ipagtitirik daw nila ng kandila."

Napatingin ako sa kaniya. Naramdaman ko ang biglang paglungkot ng boses niya.

"Okay ka lang?"

"Yeah. Naalala ko lang si Yaya, Noong bata pa ako, kapag birthday niya isinasama
niya ako sa bahay nila para mag-celebrate kasama nina Lolo Jaime at Ate Jenny.
Bigla ko siyang n-na-miss..." nabasag ang boses niya sa huling sinabi.

Walang salitang lumabas sa bibig ko, basta nilapitan ko lamang siya para yakapin.
Nasabi na ni Ate Jenny sa akin noon kung gaano ka-close si Lance sa Yaya niya.

"Kung nasaan man ang yaya mo ngayon, alam ko na sobrang proud siya sa 'yo," sabi
ko. Hinaplos-haplos ko ang likod niya.

"I know. Siya lang naman ang palaging proud sa akin, eh. Kahit maka kalahati lang
ako ng tama sa exam ko noon, proud na proud na siya sa

akin."

Napaluha ako. Ramdam ko ang labis na pangungulila niya sa nag-iisang taong nagbigay
ng pagmamahal sa kaniya noong bata pa siya.

Narinig kong suminghot si Lance. Noon, kahit palagi siyang kasama ni Kuya Simon sa
bahay ay hindi ko yata siya nakitang malungkot pero ngayon, dami palang malungkot
na nangyari sa buhay niya. Nakaka-proud dahil magaling siyang magtago ng
nararamdaman niya.

Kumalas ako at tumingkayad para abutin ang pisngi niya. Tinuyo ko ang gilid ng mga
mata niya.

"Wala na man si Yaya ngayon, nandito naman ako. And I'm always proud of you. Palagi
akong proud sa 'yo, Lance."

"Thank you. But seriously, may mga pagkakataon na para kang si Yaya umakto."

Nagulat ako. "Really?"

"Yes. Lalo na kapag hinahaplos mo ang buhok ko kapag nalulungkot ako." Nangilid ang
mga luha niya. "Sayang nga, maaga siyang nawala s akin. At kung nandito pa siya,
sigurado ako na magugustuhan ka niya. Kagaya mo rin siyang magparusa kapag
nagkakamali ako."

"Ha?" Namilog ang mga mata ko. "Kagaya ko? You mean, inaakit ka rin niya?
Pinapakita rin niya ang legs niya-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil umalingawngaw na ang malutong na tawa ni


Lance sa buong kabahayan.

Napangiti ako habang pinanunuod ko siyang tumawa. Nawala na ang lungkot sa mga mata
niya at napalitan ng pagkaaliw.

Pulang-pula ang mukha niya nang tumigil sa pagtawa.

"May sense of humor ka talaga, ha? Kayang-kaya mong baguhin sa isarig iglap ang
mood ko."

"Eh, sabi mo pareho kaming magparusa. Ganon kita parusahan, eh kaya akala ko- Muli
na naman siyang tumawa dahilan para hindi ko na naman matapos ang sasabihin ko.

"Tama na, baka mapautot ka na niyan." Awat ko.

"Ikaw, eh." At naglalambing na yumakap sa akin. "Kayang-kaya mong baguhin ang mood
ko. Thank you so much. Binigyan mo uli ng kulay ang mundo ko."

"Linawin mo muna iyong sinabi mo na pareho kami ni Yaya nang way para parusahan ka.
Hindi ako matatahimik."

Humagalpak na naman siya ng tawa. Hindi ko namalayang nakikisabay na rin pala ako
sa pagtawa niya. Iniisip ko pa lang na si Yaya ang nagpapakita ng legs. Oh, sorry
po, Yaya! Patawad po gusto ko lang pong pasayahin itong lalaking pareho nating
mahal. Happy birthday in heaven po, Yaya. I promise na pakamamahalin ko po si Lance
hanggang sa huling hininga ko.

Natigilan ako nang biglang may napakalamig na hangin ang dumampi sa buong katawan
ko. Nagtuyuan ang mga balahibo ko.

Pagtingin ko kay Lance ay natigilan din siya. Nagkatinginan kami.

"Naramdaman mo iyon?"

"Yes, it's her. She's here, baby" Tumingin si Lance sa kung saan at ngumiti. "Happy
birthday, Yaya! I know you're here, watching me as always." Inakbayan niya ako. "I
want you to meet my wife, Yaya. One of these days, dadalhin ko siya sa 'yo. Sa
bahay himlayan mo para bisitahan ka namin. But please, palagi mong ipakiusap kay
God diyan sa heaven na huwag kukunin si Sheena sa akin, ha? Na palagi Niya kaming
pagtibayin para hindi kami magkahiwalay habang-buhay, Yaya, ha? She's my
everything, Yaya. She's my life..."

Napatingala ako kay Lance. Kitang-kita ko nang mag-unahang maglandas ang dalawang
butil ng luha niya. He's crying.

Muling humangin ng malakas at pagkuwa'y muling dumampi sa amin ang napakalamig na


hangin. Nakatingala pa ring niyakap ko sa beywang si Lance.

Nakaka-proud na ganito niya pinahahalagahan ang taong nagmahal at nag-alaga sa


kaniya noon.

LANCE POV

PAGKAHATID ko sa asawa ko kanina ay dito ako dumiretso sa private cemetery kung


saan nakalagak ang baby namin.

Hindi na muna ako umuwi sa bahay dahil malinip lang ako. Hapon pa ang labas ng
asawa ko mula sa trabaho niya.

Pagkatapos kong ilatag ang damit ko sa damuhan ay nagsindi ako ng kandila sa tabi
ng anak ko. Nag-alay rin ako ng tulips flower, kagaya ng favorite ng kaniyang
Mommy.

"Hello, Anak. Sana nagustuhan mo ang mga bulaklak na dala ko para sa 'yo. That's
your mom's favorite."

Nag-alay ako ng taimtim na panalangin para sa baby namin ni Sheena.

"Thank you, Anak, ha? Tinutulungan mo kami ni Mommy na makaahon sa sakit ng


pagkawala mo. Hindi naman madaling tanggapin, Anak, pero kailangan naming tanggapin
dahil iyon ang dapat. Kahit tanggap na namin na wala ka na, hindi na siguro
mawawala ang sakit. Tandaan mo na palagi ka naming mahal ni Mommy, ha?"

Bumuntong-hininga ako bago nagpatuloy. "Nandiyan si Yaya, ibinilin kita sa kaniya


na bantayan diyan sa heaven. Alam ko naman na masaya ka na diyan sa tunay na
tahanan mo. In time, makakasama ka rin namin ni Mommy Sheena, sa ngayon dito muna
kami."

Habang nasa puntod ng anak ko ay wala akong ibang ginawa kundi kausapin niya.
Hanggang sa makaramdam ako ng antok kaya ipinasya ko munang umidlip sa tabi ng anak
ko.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatulog basta nagising ako na pawis na
pawis dahil sa isang napakasamang panaginip. Ramdam ko ang bigat at paninikip ng
dibdib ko.

Kaagad akong uminom ng baon kong tubig para maibsan ang paninikip ng dibdib ko.
Hindi ako papayag na magkatotoo ang panaginip ko. Sa panaginip ko kasi ay nakatakas
daw si Lander mula sa kulungan at kinuha si Sheena at ginawan nang masama sa
mismong harapan ko.

Pvtang'na, hindi ko mapapayagang mangyari iyon! Dadaan ka muna sa bangkay ko bago


mo magawang lapitan ang asawa ko!

Nagtaas-baba ang dibdib ko at kuyom ang mga kamao na tumayo para siguraduhin na
hindi totoo ang laman ng panaginip ko.

Pagkatapos kong magpalaam sa anak ko ay umalis na ako.

Nagtatangis ang mga ngipin ko habang tinatahak ang mahabang kalsada patungo sa
kinaroroonan ni Lander. Hinding-hindi ako papayag na makawala ka sa mga kahayupan
mo, Lander. Sisiguraduhin ko na diyan ka na sa bilangguan malalagutan ng hiningat
Wala kang karapatang mabuhay nang malaya dahil sa mga kasalanan mo.

Habang palapit nang palapit sa lugar na sadya ko ay pasikip nang pasikip ang dibdib
ko

Diyos ko, huwag Mo pong iadya na magkatotoo ang panaginip ko.

GIRLONFIRE28

#vote# Thank you mga langga! Sorry nalate na po at short update lang. Nag xmas
party kasi ang anak ko at ano oras na natapos. Goodnight ??

Chapter 54

Chapter 54
LANCE POV

ANG PAG-AALALA sa dibdib ko ay awtomatikong nabawasan nang mula sa pagkakaupo ko sa


waiting area ay matanaw ko si Lander. Nakasuot siya ng uniform ng mga preso na
kulay dilaw. May dalawang pulis na nakaalalay sa magkabilang gilid niya. At habang
kausap ang isang pulis kanina ay sinigurado nila sa akin na malabong makalabas si
Lander dahil sa patong-patong na kaso.

Bago pa man ako dumating dito ay tinawagan ko na ang pulis na kaibigan ko upang
tiyakin na hindi totoo ang panaginip ko na nakatakas siya. Kahit natiyak ko na ay
dumiretso pa rin ako dahil gusto ko siyang makita ng sarili kong mga mata.

"Wow! Look who's here." Sabi ni Lander nang mamataan niya ako." Missed me, my
little brother?"

Hindi ako umimik. Tiningnan ko lamang siya.

"Matagal ka ring hindi nagpunta rito, ah. Na-miss kita. Hindi ka man lang ba tatayo
at bibigyan ako ng mahigpit na yakap?"

Hinintay ko munang lumayo ang dalawang pulis bago nagsalita. "Hindi ako nagpunta
rito para bigyan ka ng yakap, Lander," seryoso kong sabi.

Nakakaloko siyang tumawa.

"Oh, gano'n ba? Tapos wala ka ring dalang pagkain para sa akin? Eh, ano lang ang
sadya mo rito? O, wait. Gusto mong siguraduhin kung nandito pa ako, at kung buhay
pa ako, tama?"

Napatiim-bagang ako.

"Nandito pa ako, little brother."

"Hindi naman ako bulag kaya nakikita ko na nandito ka pa nga, Lander. At yes,
pumunta lang ako rito para makita ng mismong mga mata ko na nandito ka."

Kunwari niyang pinalungkot ang mukha, saka umupo sa silyang katapat ko. "Nang
sabihin ni Warden na may bisita ako, ikaw agad ang naisip ko.

At tama nga ako na ikaw ang nandito para dalawin ako kaso kitang-kita ko ang
disgusto sa mukha mo. Ramdam na ramdam ko na isinusuka mo na ako bilang kapatid mo.
Why?"

Hindi ako nagsalita. Habang daldal siya nang daldal sa harap ko ay wala akong
ginawa kun'di ang pag-aralan ang bawat galaw niya, ang bawat kisláp ng mga mata
niya. Pati ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Lahat.

"Next time, dalas-dalasan mo ang dalaw sa akin dito, ha? Sobrang lungkot dito sa
loob, Lance. Wala akong makausap kaya sana kahit isang beses lang sa isang buwan
makapunta ka."

Nakatingin lamang ako sa kaniya habang patuloy siya sa pagsasalita.. Hinayaan ko


siyang magdadaldal dahil baka sakaling madulas siya sa kung anong tumatakbo sa isip
niya.

"Aalis ka na?" Pagkuwa'y tanong niya nang tumayo na ako. "Ang bilis naman, Lance.
Wala ka pang kalahating oras dito, ah. Stay, please? Kuwentuhan muna tayo."
"I don't have so much time for you, Lander." Tinalikuran ko na siya, wala na akong
planong magtagal dito na kasama siya.

"Sana bumalik ka, Lance."

Napatigil ako sa akmang paglabas nang marinig ang sinabi niya. Pumihit ako paharap
sa kaniya.

"Ingat ka palagi, little brother. Stay strong sa inyo ni Sheena."

Naging matalim ang tingin ko sa kaniya nang marinig ko ang pangalan ng asawa ko sa
mismong bibig niya. Nang maalala ko na naman ang masamang panaginip kanina ay wala
sa loob na nakuyom ko ang mga kamao ko.

Binigyan ko siya ng isang nagbabantang tingin. Isang ngiti ang isinukli niya sa
akin at mapang-asar na kumaway.

Isa pang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kaniya bago ako tuluyang umalis sa
lugar na iyon. Sa isang simbahan ako dumiretso upang doon pahupain ang pait at pag-
aalala sa dibdib ko.

PAGPASOK ko pa lang sa bungad ng simbahan, ramdam ko kaagad ang kakaibang presensya


at ang biglang pagtatayuan ng mga balahibo ko. lyon na siguro ang sinasabi ni
Sheena na kapag nasa simbahan ka, may ramdam mo ang presence Niya. Inaamin ko
naman, hindi ako ang taong palasimba talaga. Hindi rin ako madalas magdasal, kapag

nakapag-thank you na ako ay ayos na. Nitong huli na lang ako naging madasalin dahil
sa asawa ko. Nakakahiya mang aminin, pero tinuruan pa niya ako na pagkatiwalaan
Siya. Siguro dahil sa dami ng pangit na nangyari sa buhay ko kaya naging malayo ang
loob ko sa Kaniya mula noong bata pa ako.

Ngunit mali pala iyon. Kabaliktaran pala iyon. Na kapag puro pasakit na ang
nararamdaman mo sa buhay dapat mas magtiwala ako sa Kaniya. Na sa dami ng
nangyayari sa buhay ko, dapat mas kumapit pala ako sa Kaniya, at hindi tuluyang
bumitaw at hindi nawala ang pananampalataya na nandiyan Siya.

Sa ilang buwan na pagsasama namin ni Sheena, ang dami niyang itinuro sa akin.
Palibhasa, nagkaisip siya at nagdalaga na napapaligiran ng mga taong mahal na mahal
siya. Lumaki siya na may kasama at guma-guide na pamilya.

At ang palagi kong sinasabi na si Sheena ang nagbigay ng kulay sa buhay ko, totoo
iyon. Nang dahil sa kaniya napatunayan ko na puwede pa pala akong maging masaya. Na
puwede pang magkaroon ng kulay ang dating black and white kong buhay.

Pagkaalala ko sa aking asawa, agad kong kinuha ang cell phone ko at nag-type ng
mensahe para sa kaniya. Thank you, wife. I love you. lyon ang laman ng message ko
sa kaniya at pagkuwa'y ibinalik ko na ang cell phone sa bulsa ko.

Namasa ang mga mata ko nang mapatingin sa unahan. Wala akong particular na
tinitingnan pero pakiramdam ko nakikipagtitigan ako sa imaheng hindi ko nakikita.

"I need you. Protect us..." Wala sa loob na sambit ko.

Hindi ko alam kung anong nangyari, pero ramdam na ramdam ko ang paggaan ng dibdib
ko. Na para bang nawala ang lahat ng burden ko.

Habang nakaupo ako, parami nang parami ang mga taong pumapasok para magsimba. Ang
simpleng pagdarasal ko lamang sana ay itinuloy ko nang um-attend ng misa. Tinapos
ko iyon at sa pangalawang pagkakataon, nangumpisal ako sa pari. Yes, second time ko
pa lang ginawa iyon. Ngayon at noong ikinasal kami ni Sheena.

Pagkatapos kong magdasal ng mga dasal na sinabi ni Father ay umalis na rin ako. At
habang nasa daan, ramdam ko ang gaan ng pakiramdam ko.

Nang mapadaan ako sa isang kilalang restaurant ay huminto ako at in-order an ang
asawa ko para sa lunch niya. May nadaanan din akong tindahan ng mga sariwang
bulaklak kaya bumili na rin ako sa para sa kaniya.

Bumalik na ako ng hospital para dalhan siya ng pagkain. Pagdating ko roon ay


nagtanong ako sa guwardya kung puwede akong pumasok para dalhan ng lunch ang asawa
ko. Laking tuwa at pasasalamat ko nang pumayag siya.

Bumalik ako sa loob ng sasakyan ko. Kinuha ko ang cell phone ko at muli sanang
magte-text sa asawa ko nang makita ko na may reply pala siya kanina sa sinabi ko na
thank you.

"love you, too but you are still grounded. No labing-labing pa rin." Malakas na
basa ko sabay tawa.

"Matigas ka talaga, ha? Hanggang kailan naman kaya iyan? Let's see kung kaya mo pa
ring i-resist ang charm ng asawa mo." Napapangiti kong kinuha sa backseat ang
favorite flowers niya.

Nang dumating ang break time niya ay saka pa lamang ako bumaba at pumasok sa loob
ng hospital dala ang pagkain at bulaklak.

"Hi, nakita mo si Sheena?" Tanong ko sa isang nurse na nakasalubong

ko.

Agad na tumango ang babae at napatitig sa mga dala ako."

"Ang sweet niyo naman po, Sir." Hindi napigilang komento niya na waring kinikilig
pa bago ituro sa akin kung nasaan ang asawa ko.

"Iba talaga si Sheena. Sana all." Dinig kong sabi niya.

"Thank you."

"Welcome, Sir." At nagpresinta siyang samahan ako kay Sheena.

Paliko na kami nang makasalubong ko si Rachel. Nagkagulatan pa kaming dalawa.

"Naks, ibang klase talaga ang isang Vice Admiral Lance De Asis. Ibang klaseng
magmahal sa misis, bigay-todo." Himig panunukso niya.

Napangiti ako at nagkibit-balikat. "Wala, eh. Hulog na hulog sa misis, eh.

Sabay na napahagikhik ang dalawa sa harap ko. Naghampasan pa sa balikat ang mga
ito.

"Taga sana all muna tayo nito, Rachel," anang babae.

"Kaya nga, eh."

At pagkuwan sinamahan nila akong dalawa sa kinaroroonan ng asawa ko. Agad kumislap
ang mga mata ko nang makita ko siya na may kasama na babaeng nurse.
Walang ingay na lumapit ako sa kaniya. Agad kong sinenyasan ang babaeng kausap niya
nang sasabihin sana na naroon ako.Hahalikan ko sana sa pisngi ang asawa ko pero
bigla siyang lumingon kaya ang dapat sa pisngi na halik ay nag-landing sa mga labi
niya.

Napahagikhik ang mga nakakita lalo na si Rachel, habang ang asawa ko nama'y
napaawang ang mga labi sabay tutop.

"Hi, Kamahalan," sabi ko at binigyan siya ng simpatikong ngiti.

Namumula ang mukha na hinampas niya ako sa dibdib. "Ano na narman iyan?"

"Lunch at flowers po para sa inyo, Kamahalan." Inabot ko sa kaniya ang mga iyon.
Nahihiya pa siyang tanggapin dahil sa mga kasamahan na ngayon ay namimilipit na sa
kilig.

Maging ang ibang naroon ay kinikilig na rin sa mga padali ko. At maging ako ay
kinikilig sa sarili ko. Ang sarap lang talagang magmahal nang malaya.

"Enjoy your lunch, baby. Hindi na rin ako magtatagal, baka atakehin na sa kilig ang
mga kasamahan mo."

Muli niya akong hinampas sa dibdib ko. "Yabang."

Natawa ako. "Totoo naman kaya. But seriously, aalis na rin ako. Dinala ko lang iyan
para sa 'yo. Hope you like it, baby."

"I do. Thank you." Sumenyas siya na mas lumapit ako, saka bumulong. "I love it, but
you're still grounded, Mister ko."

"It's okay, hindi suhol iyan."

"Really?"

"Yup."

"Sabi mo, eh. Thank you ulit at sige na, alis ka na. Baka nga atakehin na sila sa
'yo."

"Okay. Enjoy your lunch. Sunduin kita mamaya, ha?"

"Okay." Inabot ko na rin sa kaniya ang mga bulaklak na dala ko. " Salamat uli sa
flowers, alam na alam mo talaga kung paano hulihin ang kiliti ko."

"You're welcome. Gusto ko rin ng flowers, baby."

Nagulat siya. "Really?" Tumango ako. "Oh, sorry. Anong favorite flowers mo?"

"Bakit bibigyan mo ako?"

"Why not. So, anong flowers?"

Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. Inilapit ko ang bibig ko sa tainga
niya at saka siya binulungan. "lyong flower mo."

"Iyong flower.." Nagkulay-kamatis ang mukha niya at binigyan ako ng pinong kurot sa
tiyan. "Pervert!"

Ngumisi ako. "Give me your beautiful flowers later."


"Heh! Umalis ka na nga para makakain na silang lahat..." sabay nguso sa mga
audience na kinikilig

"Okay See you later." Hinalikan ko siya sa noo. "I love you. Bye na."

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at tumalikod na ako. Nginitian ko pa ang mga


audience namin bago tuluyang lumabas.

Habang lulan ng sasakyan ko, daig ko pa ang teenager na kinikilig sa nililigawan


ko.

SHEENA POV

PAGKAALIS ni Lance ay inulan ako ng panunukso mula sa mga kasamahan ko. Kilig na
kilig daw sila sa aming dalawa lalo na kay Lance. Well, kahit naman sino ay
kikiligin sa asawa ko na ubod ng guwapo.

Habang kumakain ay ayaw nila akong tigilan, kanina pa nila ako tinatanong kung ano
raw ang ibinulong ni Lance sa akin kanina bago umalis.

Wala sa loob na napahagikhik ako dahil sa kapilyuhan niya. Sabihin ba namang gusto
niya ng flowers. Tapos iyon pala ay ang flowers ko raw. Hay naku!

"Haysss! Ganito na lang ba tayo, Rachel?" Anang kasamahan namin.

"Na ano?"

"Na kinikilig na lang sa lovelife ng iba."

"Gano'n na nga lang talaga."

Nagtawanan kami at pagkuwa'y

tinapos ang pagkain.

Dahil sa pagiging romantiko ng asawa ko ay pati mga bosses ko ay kinikilig na rin


dahil nang makasalubong ko sa hallway habang pabalik sa laboratory ay tinukso rin
nila ako. Sabi pa ni Dr. Ellen, masuwerte daw ako dahil iilan na lang ang lalaking
nag-i-exist na kagaya ni Lance na marunong magpakilig sa asawa.

At siyempre, kung marami ang natuwa at kinikilig hindi mawawala ang magtataas ng
kilay sa akin.

"Pabida rin, eh, 'no?" Pasaring ni Marites sa akin.

"Huwag mo nang pansinin, Besh. Her name is well suited to her." Si Rachel na maagap
sinigundahan ni Jessa ang sinabi niya.

"Sinabi mo pa, Marites."

"Ke bago-bago, pabida at ang hilig gumawa ng eksena."

Sa halip na pansinin ay nilampasan ko na lamang ang tatlong bruha. Hindi ko alam


kung bakit badtrip sila sa akin eh wala naman akong ginagawang masama.

"Pabida!" Dinig ko pang sabi ni Marites.

"Hindi bale nang pabida kaysa naman sa 'yo, inggiterang chaka! Bleeh!" Naulinigan
kong banat ni Rachel.

Napatawa ako. Hindi talaga magpapatalo 'tong kaibigan kong ito.

Mas'yado akong masaya sa buhay ko para magpaapekto sa mga taong wala namang ambag
sa buhay ko.

PAGSAPIT ng hapon, sinundo nga ako ni Lance at hindi ko alam na dadaan pala kami sa
private cemetery.

Inalalayan niya akong bumaba sa sasakyan at magkahawak-kamay kaming pumasok sa


loob.

Napaawang ang bibig ko nang pagdating sa kinaroroonan ng baby namin ay tumambad sa


akin ang ayos niyon. May banig, may flowers, may kandila, may mga pagkain.

"Bakit may paganito ka? Hindi pa naman death monthsary ni baby angel, ah."

"Hindi pa nga. But today is our sixth month of being married, Kamahalan."

"Sixth month?" Wala sa loob na ulit ko at nag-count sa isip ko. Nahihiya akong
napatingin kay Lance. "I'm sorry nakalimutan ko na 23 na pala ngayon. Happy 6th
month of being married to the most handsome and most kind husband in the world."
Puno ng lambing na sabi ko, doon man lang makabawi ako dahil nawala sa isip ko.

"Happy 6th month of being married to the most beautiful woman in the

world. I love you, Sheena Monreal-De Asis..."

Parang kiniliti na naman ang puso ko. "I love you, too.

Mayamaya ay naging abala na sya sa paghahain habang ako ay busy sa pagkausap sa


baby angel namin.

Pinagsaluhan namin ang dala niyang pagkain.

"Cheers?" Inabot niya sa akin ang wine glass na sinalinan niya ng white wine
pagkatapos naming kumain.

Tinanggap ko iyon. "Cheers!"

"Cheers to our lifetime together, baby!"

"Cheers!" Muli kaming nag-toast.

Mayamaya ay kinabig niya ako pasandig sa dibdib niya. Sumandal ako. Nagkuwentuhan
kami ng mga bagay-bagay. Napag-usapan din namin si Valerie na iyon na ang huling
tulong na ibibigay niya para hindi na umabuso. Sinabi ko rin na tumawag ako sa
doktor na kausap ko nang puntahan ko si Leira. Successful naman daw ang operation
at stable na ang lagay ng bata.

Wala na kaming dapat isipin dahil basta magkasama kami at walang lihim sa isa't isa
ay hindi kami matitibag ng ano mang pagsubok at problema.
Chapter 55

Chapter 55

SHEENA POV

"NAKAUWI na pala kayong mag-asawa," bungad sa amin ni Ate Jenny nang dumating
kaming mag-asawa sa bahay.

Bandang alas siyete na kami nakauwi dahil masyado kaming nalibang sa kuwentuhan
kasama ang baby angel namin. Kaya lang kami nagkayayaan na umuwi na ay dahil
lumalamig na ang hangin sa labas.

"Ginabi na yata kayong mag-asawa," si Lolo Jaime.

"Opo, Lo. Dumaan pa ho kami sa sementeryo, eh," sagot ni Lance.

"Ay gano'n ba."

"Opo, eh. Kumain na ho ba kayo ni Ate Jenny?"

"Oo, Lance, nauna na kami ni Tatay. Gusto niyo bang ipaghain ko na kayong mag-
asawa? Nagluto ako, pasensya na kayo. Nakialam na kami ni Tatay sa kusina, ha."

Napangiti ako. "Ano ka ba, Ate, okay lang po. Magluto lang kayo kung ano ang gusto
ninyong kainin dito lalo na kapag wala kami ni Lance. Pero mabuti po at kumain na
kayo, tapos na kasi kami ni Lance, eh."

"Ay, gano'n ba? Ang dami ko pa namang niluto, Sheena."

"Hindi naman po masisira iyon, Ate. Bukas na lang po namin kakainin ni Lance, 'di
ba, baby?" Baling ko sa asawa ko.

"Yup, bukas na lang, Ate Jenny. Anyway, akyat na kami sa taas, Lo, Ate. Kayo na po
ang bahala rito. Matulog na rin kayo kung inaantok na kayo." Paalam ni Lance sa
mag-ama.

Pagdating sa kuwarto ay nauna na siyang mag-shower. Habang nakaupo sa malambot na


kama ay dinig na dinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa shower.

Today is our sixth month of being married. Parang ang bilis lang. Anim na buwan na
pala agad iyon. At sa anim na buwan bilang mag-asawa, dumaan agad kami sa mabibigat
na problema. Nakaka-trauma ang mga nangyari pero nakaka-proud din na nalampasan
naming dalawa. Tama lang talaga ang desisyon namin na um-attend ng counseling,
malaki talaga ang naging bahagi niyon sa buhay naming dalawa.

At sana, hindi lang six months ang i-celebrate namin. Sana maraming-maraming mga
buwan, mga taom at dekada pa ang pagsamahan naming dalawa.

"Anong iniisip mo?"

Napaiktad ako sa gulat nang magsalita si Lance. Sa sobrang lalim ng pagmumuni-muni


ko hindi ko namalayang tapos na pala siya.
Awtomatikong dumako ang mga mata ko sa mukha niya, pababa sa malapad niyang dibdib,
pababa pa sa bandang tiyan na may mumunting balahibo na kung susundan ang mga
balahibo na iyon ay abot hanggang sa ano niya. Natuon sa harapan niya ang mga mata
ko. At alam ko na sa ilalim ng puting tuwalya na nakabalot doon ay wala nang ibang
tabing.

"Puwede mong hawakan kung gusto mo?" Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga
mata namin ni Lance..

Kakaiba ang kislap ng mga mata niya ngayon.

Tumikhim ako para alisin ang panunuyo ng lalamunan ko. "Tapos ka na pala, maliligo
rin ako."

Tumayo na ako at akmang lalampasan siya nang pigilan niya ako sa beywang. Nanuot sa
ilong ko ang swube niyang amoy.

"Puwede bang exempted muna ako sa parusa mo tonight?" Nanindig ang mga balahibo ko
dahil sa pagtama ng mainit niyang hininga sa tainga ko.

"Baka naman, baby..."

Tumikhim ako. "Pag-iisipan ko muna."

Pagkasabi ko niyon ay kumawala ako sa kaniya at malalaki ang hakbang na tinungo ang
bathroom. Pagpasok ko ay kaagad akong napasandal sa likod ng pinto. Ang lakas ng
kabog ng dibdib ko.

Pagkatapos kong kalmahin ang sarili ko ay isa-isa kong hinubad ang mga saplot sa
katawan ko, saka tumapat sa shower.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagsasabon nang manigas ako dahil sa pagdantay ng mga
kamay sa likuran ko.

"Let me," paos na anas ni Lance at kinuha sa kamay ko ang sabon. Nagsimula siyang
sabunin ang likod ko, pagkuwa'y lumipat sa harapan ko at ang magkabilang dibdib ko
naman ang sinabon niya.

"L-Lance.!" Kusang nanulas ang mahinang ungol sa bibig ko nang pati pagitan ng mga
hita ko ay sabunin niya.

Nang mga sumunod na sandali ay napapikit na lamang ako, tuluyan na akong natangay
sa kapangahasan ng mga palad ng asawa ko. Nawalan na ako ng lakas upang pigilan
siya sa gusto niyang mangyari ngayon.

Saksi ang bawat sulok ng bathroom kung paano ako pinaligaya ni Lance sa pamamagitan
ng maharot at mainit niyang dila. Nang hindi pa siya makontento, sinimulan na rin
niya akong angkinin nang patayo habang nakatapat pa rin sa malamig na tubig mula sa
nakabukas na shower.

Naghalo ang mahihinang ungol at halingling naming mag-asawa. At minsa pa ay


inangkin namin ang isa't isa... buong pananabik, buong puso at buong pagmamahal.

"Lance!"

"Sheena!"

Sabay na sambit namin sa pangalan ng bawat isa nang sabay marating ang rurok ng
kaligayahan.

"I love you."

"I love you."

Nagkatinginan kami at sabay na napangiti dahil magkasabay na naman kaming magsalita


ng I love you.

Pagkatapos ng mainit na sandali namin sa bathroom ay nagbanlaw na

kami at nagtuyo. Pagkuwa'y binuhat ako ni Lance papunta sa kama, sa takot na


mahulog ay napayakap ako sa batok niya.

Pahiga niya akong ibinaba sa kama, at walang sabi-sabi na muli niyang sinamba ang
katawan ko.

"Lance!" Siniil niya nang maalab na halik ang mga labi ko.

Hanggang sa ang mga maaalab niyang halik ay nauwi na naman sa isang mapusok na
pagniniig.

Saksi ang bawat sulok ng aming kuwarto kung paano ako paulit-ulit na dinala sa
rurok ng kaligayahan ng asawa ko.

Walang kasawaan naming pinagbigyan ang aming mga sarili. Hanggang sa ang mga
katawan na namin ang kusang sumuko sa matinding pagod.

SA SUMUNOD na mga araw, nang bumalik sa trabaho si Lance ay si Lolo Jaime at Ate
Jenny ang naging kasa-kasama ko sa bahay.

Malaki ang pasasalamat ko sa kanilang mag-ama dahil kahit papa'no, nawawala ang
inip ko sa gabi sa tuwing wala ang asawa ko.

Naging abala kami ni Lance sa kani-kaniyang trabaho. Basta during weekend ay umuuwi
siya sa bahay. Sa isang linggo, dalawang araw at tatlong gabi kaming magkasama at
palagi naming sinusulit ang bawat sandali pero siyempre, tinuloy ko pa rin ang
isang buwang parusa niya. Hindi ko lang talaga siya natanggihan noong ika-anim na
buwan ng pagiging mag-asawa namin.

Sa paglipas ng mga araw, linggo at naging buwan, naging smooth lang ang lahat.
Mukhang dininig na ng Poong Maykapal ang lagi kong dinadasal sa Kaniya na palagi
Niya kaming pagtibayin na mag-asawa.

At mukhang hindi lamang iyon ang ibinigay Niya sa akin dahil isang umaga, nagising
ako na tila hinahalukay ang sikmura dahilan para magsuka ako nang magsuka.

Pinagpapawisan na ako nang malapot dahil ayaw tumigil nang pagsusuka ko. Wala naman
akong mahingan ng tulong dahil wala ang asawa ko. Huwebes pa lamang ngayon at
Friday pa ng gabi siya darating.

May kinse minutos yata akong suka nang suka kahit ubos na ubos na ang laman ng
tiyan ko. Nanlalambot ang mga tuhod na bumalik ako sa kama at humiga.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, wala namang ibang masakit sa akin.

Pinilit kong abutin ang telepono sa ibabaw ng bedside table at tumawag sa ibaba.

"Hello?" Boses ni Ate Jenny.


"Ate, si S-Sheena 'to-"

"Ha? Bakit? May problema ba? Nasaan ka?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Ate, nandito lang ako sa taas. M-Makikisuyo naman ng gatas, please?" Pakiusap ko
sa nanginginig na boses.

"Ha? Eh, bakit ganiyan ang boses mo? Teka, may sakit ka ba?" Bakas ang pag-aalala
sa tono niya.

"W-Wala naman, Ate. Pasuyo na lang ako ng gatas, ah. H-Hindi ko kayang bumaba."

"Ay, sige-sige! Sandali lang!" Nahamigan ko ng pagkataranta ang boses niya bago
ibinaba ang telepono.

Sunod kong tinawagan si Rachel para ipaalam na hindi muna ako makakapasok ngayon
dahil talagang hindi ko kakayanin. Sinabi ko lang na hindi maganda ang pakiramdam
ko kaya hindi ako makakapasok. Hindi ko pa rin naman kumpirmado ang hinala ko kung
bakit ako nagising na nagdududuwal at nagsusuka.

Eksaktong pagkatapos naming mag-usap ni Rachel ay bumukas na ang pinto ng kuwarto


ko at bumungad si Ate Jenny.

May dala siyang tray na may isang basong gatas at isang basong tubig. May kasama
ring gamot.

"Papa'no kang bata ka? Diyos ko, ang putla mo!" Aniya at inalalayan akong bumangon
mula sa pagkakahiga.

"T-Thank you, Ate."

Dinama niya ang noo ko at kumunot ang noo niya nang maramdaman niya na hindi naman
ako mainit.

"Wala ka namang lagnat, anong nararamdaman mo at bakit sobrang putla mo, ha?"
Kinuha niya ang gatas at inabot sa akin.

"Inumin mo muna 'tong gatas para kahit papa'no magkalaman iyang tiyan mo bago ka
uminom ng gamot. Nagdala na rin ako para sure. Kinakabahan ako, ang putla mo
talaga, eh."

Hindi pa ako nangangalahati sa gatas nang muling bumaliktad ang sikmura ko. Natutop
ko ang bibig ko sabay nagmamadaling pumasok sa banyo. Inilabas ko lang ang gatas na
ininom ko.

Habang nakayuko sa labatory sink ay naramdaman ko na may humimas sa likod.


Nakaramdam ako ng ginhawa at tuloy-tuloy na inilabas ang gatas at tubig sa katawan
ko.

"Diyos ko! Napapa'no ka bang bata ka-" Kusang natigilan si Ate Jenny at nagtama ang
mga mata namin sa salamin.

Nakita ko nang mamilog ang mga mata niya. "Buntis ka?" Bulalas niya sabay tutop sa
sariling bibig.

Hindi naman ako nakasagot dahil muli akong sumuka. Latang-lata ang pakiramdam mang
maubos na ang lahat ng laman ng tiyan ko.
"My God! Feeling ko buntis ka na uli. Morning sickness iyan."

"Hindi pa ako sure, Ate..." Napasandal ako sa pader at pumikit.

Naramdaman ko na pinunasan niya ang pawisan kong mukha. "Okay ka na ba? O, nasusuka
ka pa?"

"O-Okay na, Ate. Pakialalayan naman akong bumalik sa kama, nanlalambot ako...
Maingat naman niya akong inalalayan pabalik sa kama hanggang sa paghiga ko.

"Gusto mo bang tawagan ko si Lance para maipaalam ko sa kaniya ang nangyayari sa


'yo?"

Walang lakas na umiling ako habang nakapikit.

"Bakit? Ayaw mong sabihin sa kaniya?"

"Matataranta na naman iyon, Ate. Hindi pa naman ako sure, eh."

"Sige, ikaw ang bahala. Eh ang mama mo, ayaw mo rin bang tawagan ko? O, kahit ang
best friend mo?"

"H-Hindi na, Ate. Baka aayos din ang pakiramdam ko mamaya."

"Ay, sige. Pero ubusin mo na 'tong gatas para may laman ang tiyan mo. Pero itong
gamot 'wag na baka mamaya buntis ka, eh. Bawal kang makainom ng gamot."

"Okay, Ate. lidlip lang ako, ah."

"Sige lang. Babantayan kita."

Binigyan ko siya ng pilit na ngiti kahit nakapikit. Mayamaya nama'y tuluyan na


akong nakaidlip.

Bandang alas diyes ng umaga nang muli akong nagising at kagaya kanina, nagsuka na
naman ako. Pero hindi umalis sa tabi ko si Ate Jenny, inaalagaan niya ako.

Pagsapit ng tanghalian ay tumawag si Lance para tanungin kung kumain na ako.


Eksakto namang medyo ayos ako nang tumawag siya kaya hindi niya nahalata na masama
ang pakiramdam ko.

Pagkatapos naming mag-usap ni Lance ay pumasok si Ate Jenny na may dalang pagkain.

"Thank you, Ate. Mabuti na lang nandito ka para asikasuhin ako..."

Nginitian niya ako. "Walang-wala 'to kumpara sa lahat ng kabutihan ninyong mag-
asawa sa amin ni Tatay."

"Salamat talaga, At e^ prime prime

"O, sige na kainin mo na 'to para magkalaman na ang tiyan mo. Kanina ka pang umaga
hindi kumakain, eh."

Pinilit kong kainin ang pagkaing dala ni Ate Jenny. Nakakain naman ako ng kaunti
pero nang pakiramdam ko ay ilalabas ko na naman, tumigil na ako.

Iniwan uli ako ni Ate Jenny sandali at pagbalik uli ay may inabot sa akin na brown
na supot.
"Ano 'to, Ate?"

"Nakita ko si Diana kanina na lumabas ng bahay ng amo niya. Nang malamn ko na


papunta sila sa super market daw, nakisuyo ako na ibili ako ng pregnancy test kit
para sa 'yo. Para matiyak natin na may munting anghel na uli diyan sa tiyan mo.
Excited ako, eh."

Siya na mismo ang nag-alis ng pregnancy test kit sa supot.

"Lima lyan para sure. Try mo na!" Excited na udyok niya sa akin.

Kinakabahang pumasok ako sa banyo dala ang mga pregnancy test kit na pinabili ni
Ate Jenny.

Pagkatapos kong lagyan ng mga urine ang stick ay kabadong napasandal ako sa pader.

Lord, kung ano man po ang maging resulta Ikaw na po ang bahala sa akin.

Habang naghihintay sa resulta ay pinangingilidan na ako ng mga luha. Magkahalong


excitement at takot ang nararamdaman ko ngayon. Excitement dahil pinangarap ko uli
na magka-baby kami ni Lance. Takot dahil sa nangyari sa unang baby namin.

Diyos ko, kayo na po ang bahala.... Taimtim akong nagdasal habang nakapikit.

Nang sa tingin ko ay may result na, dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata.

Napasinghap ako sabay tutop ng bibig ko nang makita ko na lahat ng pregnancy test
stick ay mayroong tag dadalawang pulang guhit.

"Oh, my God! Oh, my God!" Awtomatikong naglaglagan ang masaganang luha ko.

"Oh, God! Thank you po sa blessings na 'to. Thank you po..." Impit akong
napahagulhol habang pinakatitigan ang mga stick.

"Sheena, matagal ka pa diyan?" Boses ni Ate Jenny habang kumakatok.

Nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ang pinto at pinapasok si Ate Jenny.

"Oh, my God! Buntis ka! Diyos ko, salamat po! Salamat po!" Umiiyak na ring sabi
niya at niyakap ako.

"Naku, ang ganda naman ng blessings ni Lord! Matutuwa ang asawa mo

kapag nalaman niya 'to!" Nagtatalon siya sa tuwa at pagkuwa'y isa-isa

uling tinitigan ang pregnancy test stick.

"Salamat, Lord! Salamat po sa blessings para sa wonderful couple na ito. Deserve na


deserve po nila ito..."

Of course we deserve this...

AT PARA mas masiguro ko na nagdadalang-tao na uli ako, niyaya ko si Ate Jenny na


samahan ako. Sa isang pribadong klinika kami pumunta para sa check up ko. Hindi
iyon sobrang layo sa subdivision na tinitirhan namin.

Habang naghihintay ng pagtawag sa pangalan ko ay nakaupo lamang ako at panay ang


himas sa tiyan ko.
"Next, Sheena De Asis po?" pagkuwa'y sabi ng nurse na nasa bungad ng pinto ng
doktor at nagpalinga-linga.

Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya.

Magiliw niya akong nginitian. "Pasok na po kayo, Ma'am."

"Thank you, puwede ko bang isama sa loob si Ate?"

"Sure po, Ma'am."

Pumasok kami ni Ate Jenny sa loob at sinimulan akong check up in ng doktor. Ang
dami niyang tanong at sinabi pero isa lang ang tumatak sa isip ko.

"Congratulations, Misis. You're 6 weeks pregnant."

Nang marinig ang siguradong magandang balita na iyon ay napaiyak na ako nang
tuluyan.

Chapter 56

Chapter 56

SHEENA POV

HABANG pabalik kami ni Ate Jenny sa bahay, hindi ko kayang pangalanan ang sayang
lumulukob sa buong pagkatao ko. At pagkatapos kong marinig ang mga bilin ng bagong
OBY-GYNE ko, wala akong ibang gagawin kundi ang sundin lahat ng advice niya sa akin
para sa kaligtasan ng baby ko.

Kaya pagdating sa bahay, pinilit kong kumain at ininom ang gatas na tinimpla ni Ate
Jenny. Nagpahinga rin muna ako.

Kinagabihan, tumawag uli sa akin si Lance para kumustahin ang maghapon ko sa


trabaho, hindi ko pa rin muna sinabi na masama ang pakiramdam ko para huwag siyang
mag-alala sa akin. At ang magandang balita ay balak kong sabihin kapag umuwi na
siya bukas ng gabi dahil araw naman ng pag-uwi niya.

Ngunit ang inaasahan ko na pag-uwi niya kinabukasan ay hindi yata matutuloy dahil
paggising ko kinabukasan ay tumawag siya.

"Susubukan ko pa ring makauwi sa Saturday night, baby. Nagkaroon kami ng biglaang


alis, eh."

Bigla akong nalungkot nang sabihin niya iyon. Kailangan daw nilang umalis patungong
China ngayon at baka bukas pa ang balik.

"Baby, please, huwag ka nang malungkot. Babalik naman ako, eh. Hindi lang puwede na
hindi ako kasama, lima kaming pupunta sa China ngayon." Paliwanag pa niya.

"Anong oras ang alis ninyo? Hindi ka ba makakasaglit?"

"Actually nasa airport na kami ngayon, baby."

Lalo akong nalungkot. Biglaan nga pala talaga.

"Pipilitin ko na makauwi bukas, ha?" Tumango ako na animo'y nakikita niya ako sa
kabilang linya.

"Galit ka ba?" Untag niya. Hindi kasi ako nagsalita dahil sumama ang

loob ko.

"H-Hindi."

"Promise?"

"Oo nga. Basta bumalik ka agad, ha?" Paglalambing ko.

"Of course, baby. Wala naman akong ibang uuwian kundi ikaw, eh. I miss you so
much."

Parang tuyong dahon na tinangay ng hangin ang sama ng loob ko at unti-unting


gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. Sigurado ako na kapag sinabi ko sa kaniya ang
tungkol sa pagbubuntis ko, hindi siya aalis kahit gaano kaimportante ang lakad niya
ngayon.

"Hey, I miss you, baby." Ulit niya.

"I miss you, too, Lance." Napangiti na lang ako nang paulit-ulit niyang sinabi na
miss na miss na niya ako.

Mayamaya ay narinig ko na may tumawag sa kaniya.

"Baby, sorry. Kailangan ko nang ibaba ang tawag, ha? Kailangan na naming pumasok sa
loob, eh." Paalam niya kahit narinig ko na ang sinabi ng kausap niya roon.

"Yeah, narinig ko nga. Sige na, basta mag-iingat ka, ha?" Bilin ko at pinigilan ang
pumiyok.

"I will. I hang up the phone, baby. I have to go. I love you so much!" Sunod-sunod
na matunog na halik ang pinakawalan niya sa kabilang linya.

"I'll see you, baby. I love you!"

"I love you-" sa hangin ko na lamang nasabi ang sagot ko dahil naging busy tone na
ang linya ng asawa ko.

Nalulungkot na napatingin na lamang ako sa cellphone ko. Pero agad ding nagbago ang
mood ko nang mapatingin sa impis ko pang tiyan, saka masuyong hinaplos iyon nang
paulit-ulit.

"Postpone ang announcement natin, baby. Pero hindi bale, uuwi rin naman si Daddy
pagkatapos ng trabaho niya, eh. Bawal kasing sabihin kapag nasa work siya, baby.
Kasi si Daddy Lance, mas'yado siyang tarantahin, eh." Pagkausap ko sa anak ko na
para bang naiintindihan niya ako.
Para mawala ang boredom ko, bumaba ako sa sala at nagpatugtog nang masasayang
awitin. lyong tipong kahit nakaupo ako ay mapapaindak ako sa saya ng tugtog. Ayon
sa doktor ko, makakatulong daw iyon para sa amin ni Baby, eh.

"Ate Jenny!" Napahagikhik ako dahil biglang labas niya mula sa kusina at
nagkekembot sa harapan ko. Sinabayan niya ang ritmo kanta.

"Ang tigas ng katawan mo, Ate!" Tawang-tawa ako.

"Hindi bale nang matigas basta napatawa ko si buntis." Nakangiti niyang sabi sabay
lapit sa akin. "Tama iyan, i-enjoy mo ang pagbubuntis mo. Tandaan mo bawal maging
malungkot ang buntis dahil ma-a-absorb ni baby iyan."

"Thank you, Ate. Sayaw ka pa." Udyok ko at pinagbigyan naman niya ako kahit parang
tuod sa tigas ang katawan niya.

Hindi siya tumigil hangga't hindi ko sinasabi.

"Tama na, Ate. Baka mabali na ang katawan mo, eh."

Tawa siya nang tawa na sumang-ayon, sumasakit na rin daw ang balakang niya.
Mayamaya ay nagpaalam siyang magluluto muna.

Habang nag-i-enjoy sa masayang musika, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa


kinauupuan ko.

NAALIMPUNGATAN lamang ako dahil sa mahihinang tapik sa pisngi ko. Pagmulat ko ng


mga mata ay si Kuya Simon ang nasa harapan ko.

"Kuya!" Napabalikwas ako ng bangon. "Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa? Sinong
kasama mo?" Naging sunod-sunod ang mga tanong ko.

"Ako lang mag-isa. Naisip ko lang na bisitahan, Babygirl. Masama bang pumunta si
Kuya dito?" Hinampong sabi niya.

Natawa ako. "Baliw. May sinabi ba ako? Nagtanong lang ako, ah."

Nginitian niya ako at ginulo ang buhok ko. "Bakit dito ka natutulog? At bakit halos
sumabog na 'tong bahay mo sa lakas ng tugtog mo, ha?"

Saka ko lang napansin na naka-off na pala ang amplifier.

"Napagtripan ko lang mag-sound trip, Kuya. Hindi kasi makakauwi si Lance ngayon
kaya heto, nililibang ko ang sarili ko para hindi ako mainip.

"Tumawag nga siya sa akin na bisitahan ka kaya nandito ako ngayon."

Napanguso ako. "Ay gano'n? Kung hindi niya sinabi sa 'yo na bisitahan ako hindi ka
pupunta?"

Natatawang pinisil ni Kuya ang ilong ko dahilan para malukot ang mukha ko.

"Hindi gano'n. Alam mo namang kapag Friday night hindi talaga ako pumupunta rito,
'di ba? Alam ko namang ME TIME ninyong mag-asawa, eh. Hindi na para umeksena ako o
kahit na sino sa amin."

"Sabagay, at kaya nandito ka kasi alam mo na wala kaming Me Time."

"Tuntawag ang asawa mo, eh. Tingnan ko raw ang asawa niya para sa kaniya."
Nahamigan ko ng panunukso ang boses ni Kuya Simon.

Sa sumunod na mga sandali ay nagkuwentuhan lamang kami. Hindi na siya umuwi at sa


bahay na natulog.

SATURDAY night, walang Lance na umuwi pero nakatanggap naman ako ng long distance
call mula sa kaniya na hindi pa sila tapos dahil nagka problema raw ang sadya nila
roon.

Siyempre, nalungkot ako pero wala naman akong magagawa kundi ang unawain ang
trabaho niya.

Habang hinihintay siyang umuwi ay nilibang ko na lamang ang sarili ko dahil bawal
akong ma-stress.

Pagsapit ng linggo, nagpasundo ako kay Kuya Simon para puntahan ang mga magulang
ko. Kina Mama ako nag-stay buong maghapon.

"Wala ka bang pasok, Anak?" tanong ni Mama.

"Off ko ngayon, Ma."

"Ay, gano'n ba? Ano pala ang ginagawa ng asawa mo sa China?"

"May ka-meeting daw sila do'n, Ma, para yata sa cruise ship. Hindi ko na masyadong
inusisa dahil hindi ko rin naman alam iyon."

Natawa si Mama. "Malamang hindi mo alam, puro dugo, ihi at dumi ang alam mo, eh."

"Malamang, Ma. MedTech ako, eh."

"Kaya nga."

Iginugol ko sa pamilya ko ang buong maghapon ko. Nakipag-bonding ako sa kanila. At


kahit maghapon ko silang kasama, hindi ko sinabi ang magandang balita na gustong-
gusto ko nang i-share sa kanila lalo na kay Mama. Nagtimpi ako dahil mas gusto ko
na si Lance ang unang makakaalam para kaming dalawa ang magsasabi sa pamilya ko at
mga kaibigan niya.

Laking pasalamat ko na lamang dahil habang kasama ko sina Mama ay hindi sumama ang
pakiramdam ko. Mukhang nakikiayon sa plano ko ang anak ko na ang daddy niya ang
unang makaalam ng tungkol sa kaniya.

PAGSAPIT ng hapon ay nagpahatid na uli ako kay Kuya sa bahay. Eksaktong pag-alis ni
Kuya ay siyang baliktad ng sikmura ko.

Patakbo kong tinungo ang lababo at doon sumuka nang sumuka. Mabuti na lamang at
palaging alisto si Ate Jenny para alalayan ako.

NANG sumunod na mga araw, hindi na ako pumasok sa trabaho. Nag-leave muna ako for
the whole week.

"Ayos ka lang, Sheena?"

Napalingon ako kay Ate Jenny na hindi ko namalayang nakapasok na pala rito sa
kuwarto.

"Oo, Ate, ayos lang ako."


"Hindi ka na nasusuka?"

"Hindi na, Ate. Maayos na ang pakiramdam ko."

"Mabuti naman. Kinakabahan ako kapag nagsusuka ka, eh. Para kang mapuputulan ng
hininga mo."

"Ang hirap kasing sumuka kapag wala nang maisuka, Ate."

Hindi na siya umimik kaya napatingin ako sa kaniya. Nahuli ko siyang titig na titig
sa tiyan ko.

"Bakit, Ate? May problema ba?" Lumapit siya sa akin at umupo sa harap ko sabay
himas sa tiyan ko.

"Ilang weeks na 'to?"

"Bale 7 weeks na siya ngayon, Ate. Last week tayo nagpa-check up, 'di ba? Bakit mo
naitanong?"

Himas pa rin niya ang tiyan ko. "Wala naman, napansin ko lang na parang ang bilis
niyang lumaki. Last week hindi pa iyan halata, eh. Ngayon, aba, nagyayabang na
iyang baby mo. Halata na ang baby bump mo, Sheena."

Inutusan pa niya akong tumayo at itaas ang damit ko na sinunod ko naman.

"Ayan, oh!" Turo niya sa tiyan ko.

"Oo nga, 'no? Bakit nga biglang bilis ng paglaki niya?"

"Kapag umuwi si Lance ngayong linggo kahit hindi mo sabihin alam na niya agad iyan.
Halatang-halata na kasi, eh." Hinimas niya uli ang baby ko.

"Behave ka lang sa tiyan ng mommy mo, baby, wala pa ang Daddy mo, eh. Ang tagal
umuwi."

Napangiti ako habang nakatingin sa tiyan ko.

Ang tagal umuwi ni Daddy, baby. Sa loob-loob ko at nagpaalam kay Ate na matutulog
muna ako.

Antukin na naman si buntis.

NAALIMPUNGATAN ako sa pakiramdam na may mga matang nákamasid sa akin. Kinusot-kusot


ko ang mga mata ko bago mumulat.

Napaawang ang bibig ko nang ang guwapong mukha ng asawa ko ang sumalubong sa mga
mata ko. Ibinukas-sara ko pa ang mga mata ko upang tiyakin na hindi ako dinadaya ng
paningin ko.

Mahinang tawa ang narinig ko habang nakapikit.

"Baby, I'm here. Hindi ka lang dinadaya ng paningin mo." Ang boses na iyon ang
magpapatunay na totoo nga siya at hindi guni-guni ko lang.

"God, I missed you so much, baby!"

Napangiti ako habang nakapikit pa rin.


"Bakit ayaw mong magmulat ng mga mata? Ayaw mo ba akong makita?

"Siyempre, gusto ko." Walang inbihasyon na naglambitin ako sa leeg niya dahilan
para mapahiga siya sa tabi ko.

"Na-miss mo 'ko?"

"Sobra! Almost two weeks kitang hindi nakasama." Nanghaba ang nguso ko na ikinatawa
niya.

"Me too. Kung puwede ko lang iwanan ang mga kasama ko, ginawa ko na."

Hindi ako umimik at sumiksik na lamang sa leeg niya. Bigla akong naadik sa amoy
niya. Sininghot singhot ko pa ang leeg niya.

Napahalakhak ang asawa ko. Malakas kasi ang kiliti niya sa leeg.

"Hey, baby, 'wag diyan!" Awat niya pero hindi ako natinag. Mas lalo kong inamoy-
amoy ang leeg niya.

"Baby, wait! Nakikiliti ako riyan!" Panay ang iwas niya pero panay rin ang sunod
ko.

"Huwag kang malikot."

"Bakit kasi trip mo iyang leeg ko. Mabuti na lang naligo muna ako

habang natutulog ka pa." Muli siyang humalakhak dahil kinagat ko siya sa leeg.

Nang ma-satisfy ang pakiramdam ko ay saka ko pa lamang siya

tinantanan. Napangiti dahil dahil butil-butil ang pawis ni Lance sa noo.

Malakas kasi talaga ang kiliti niya sa leeg.

"Grabe ka, baby. Inubos mo na agad ang lakas ko. Ang lakas ng trip mo, ha. Tumigil
siya sa pagtawa at napatitig sa akin.

Para bang may napansin siyang kakaiba sa mukha ko.

"Bakit parang ang blooming mo yata lalo ngayon?"

"Talaga?" Kulang na lang ay mapunit ang mga labi ko sa pagngiti.

"Yeah. There's something in your eyes, baby. You look happier."

Kumunot ang noo niya nang hindi mawala ang pagkakangiti ko. "What happened?"

Sa halip na sumagot ay umalis ako sa kama at tumayo sa may gilid.

Pinakatitigan niya ako. Lalong nadagdagan ang gatla niya sa noo." Anong mayro'n?"

Umikot ako ng dalawang beses bago humarap sa kaniya. Slow yata ang asawa ko ngayon
kaya para sabihin ang dahilan kung bakit ako masaya ay hinawakan ko ang laylayan ng
damit niya na suot ko, saka dahan-dahang itinaas.

Ang mga mata niyang nasa mukha ko ay unti-unting bumaba patungo sa tiyan ko.
Awtomatikong umawang ang bibig niya kasabay ang malakas na singhap.
Sandali siyang napatulala sa tiyan ko na parang 12 weeks na yata sa laki.

"Oh, my God! Oh, my God..." Nangingilid ang luha na tumingala siya sa akin.
"Baby..."

"I'm pregnant..."

"Oh, my God... Oh, my God!" Napaiyak ako nang mapaluhod sa kama ang asawa ko. Hindi
ko na mabilang kung nakailang sambit siya ng oh God.

At nang makabawi at dahan-dahan siyang bumaba ng kama at hinawakan ang t'yan ko.

"Magkaka-baby na tayo uli? Magiging daddy at mommy na tayo?"

Lumuluha na tumango ako.

"Oh, God! Praise God! Thank you po!" Pinaghahalikan niya ang tiyan ko at pagkuwa'y
tumingin sa akin. "Illang weeks na? Bakit hindi ko alam?"

"Turning 8 weeks na siya, baby. Dapat sasabihin ko sa 'yo pag-uwi mo last week kaso
hindi ka umuwi kaya hindi ko agad sinabi sa 'yo."

"Sing na ang nakakaalam? Nagpa-check up ka na ba? Kumusta na ang pakiramdam mo?


Nahihirapan ka ba? May gusto ka bang kainin? O ayaw

"Hey, relax!" Awat ko. Sunod-sunod na ang tanong niya.

"Sa unang tanong mo, si Ate Jenny ang unang nakaalam dahil siya ang kasama ko sa
doktor. Maliban sa kaniya wala akong pinagsabihan dahil ikaw ang gusto kong unang
makaalam since ikaw ang Daddy. Kung sasabihin ko sa pamilya natin, gusto ko tayong
dalawa ang gagawa niyon. Maayos ang pakiramdam ko, madalas magsuka lalo na sa umaga
but it's normal. Hindi pa ako nagki-crave ng mga pagkain."

Medyo nahingal ako sa dami ng tanong niya.

"Thank you, God. Sana sinabi mo dahil kung nalaman ko agad talagang uuwi ako kahit
hindi puwede."

"Alam ko kaya nga hindi ko sinabi agad. Matataranta ka na naman, eh."

Kumamot siya sa ulo niya at pagkuwa'y muling hinalikan ang tiyan ko.

Nang sumunod na mga sandali ay naging napakasaya naming mag-asawa.

KINABUKASAN, sinamahan ako ni Lance sa doktor ko. Gusto raw niyang makasiguro na
maayos ang lagay naming mag-ina. Nagtaka rin ang doktor ko kung bakit biglang laki
ng baby bump ko sa turn 8 weeks. Nag-suggest siya na magpa-ultrasound ako na agad
naming sinunod.

Habang nakahiga sa hospital bed ay hawak ni Lance ang kamay ko. Nakatutok ang mga
mata namin sa monitor ng ultrasound.

"Oh, look, Mommy!" anang doktor ko at may itinuturo sa monitor. "You have twin
fetal development! You having twins! Oh, my God!" bulalas ng

doktor.

Nagkatinginan kami ni Lance at sabay kaming napaiyak sa labis na tuwa.


"Congratulations!" Kinamayan niya kami ni Lance. "Kaya pala biglang litaw ng baby
bump mo. Mabuti at bumalik ka rito kahit after two weeks pa dapat ang balik mo. Mas
makakapag-ingat ka."

"Maraming salamat po, Dok."

"Oh, don't cry. Baka umiyak din ang kambal mo." Magiliw na sabi niya at binati uli
kaming mag-asawa.

Habang pinapayuhan niya kami ni Lance ng mga dapat gawin ay mahigpit na hawak ng
asawa ko ang kamay ko.

Nagtama ang mga mata namin. Pinagdikit niya ang noo namin sabay bulong.

love you, baby.."

"I love you."

Napangiti kaming dalawa at ibinalik ang atensyon sa mabait na doktor. Grabe ka,
Lord. Iba Ka pong manorpresa. Salamat po!

Chapter 57

Chapter 57

SHEENA POV

NATAWA ako nang pagbaba ng sasakyan ay halos buhatin na ako ni Lance hanggang sa
pagpasok sa bahay namin. Maging sa pag-upo ay todo alalay siya. Pareho kaming
nangingiti at nailyak sa sobrang kaligayahan.

Tinabihan niya ako sa couch. Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Parang puputok ang dibdib ko sa sobrang saya. Hindi pa ako nakakabawi sa


pagkabigla nang sabihin mo na magkaka-baby na tayo tapos nalaman natin na hindi
lang pala isa kundi dalawa. Hindi pa rin ako makapaniwala, baby," aniya sa akin.

"Pareho tayo. Hindi ko ini-expect na kambal ang baby natin. lyong mabuntis uli ako
ay isang napakalaking regalo na mula sa Kaniya tapos dalawa pa iyong ibinigay Niya.
Grabe si Lord manggulat, Lance."

Muli niyang hinaplos ang tiyan ko.

"Kailangan nating sundin ang mga payo ng doktor, ha? Ingat ka na sa pagkain ng mga
pagkaing hindi healthy. Kailangan din nating sundin ang payo na huwag ka munang
mag-aalis ng bahay dahil sa history ng miscarriage mo dati. Mas doble ingat tayo
ngayon dahil dalawa ang baby natin sa tiyan mo," aniya na agad kong sinang-ayunan.
"Tinapat na tayo ng OBY-GYNE mo na hindi magiging madali ang pagbubuntis mo lalo
na't kambal kaya kung kinakailangan na dumito ka na muna habang nagbubuntis ay
gawin natin, ha?" Mahahamigan ng pag-aalala ang boses niya.

"Magpapaalam ako sa pinaka-boss ko na kung puwede work from home muna ako habang
hindi ka pa nakakapanganak para ako mismo ang mag-aasikaso sa 'yo, lalo na sa mga
pagkain na kakainin mo. Narinig mo ang sinabi ng doktor mo, bawal palakihing
mas'yado ang babies sa tiyan mo."

"Opo, Daddy," sang-ayon ko. "lyon din naman sana ang sasabihin ko sa yo ngayon na
huwag mo muna akong iwanan. Lalo na't gustong-gusto ko ang amoy mo ngayon."

Natawa ang asawa ko.

"Ngayon lang ba?"

"Dati pa pero mas iba iyong pagkaadik ko sa amoy mo ngayon. Baka kasi gusto rin ng
mga baby natin na palagi kang nandito sa tabi namin."

"Magiging Daddy's boy and girl sila paglabas nila."

Napangiti ako. "Parang sure ka na agad sa gender nila, ah."

"Hoping lang, baby. But any gender naman basta ang mahalaga healthy kayong tatlo."
Nagkaroon ng lambong ang mga mata niya.

"Sa tulong at pag-aalaga mo, sigurado na iyan." Buo ang kumpinyansa na sabi ko.

Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya, saka muling hinamas ang tiyan ko.
Hindi pa siya nakontento at pinaghahalikan iyon.

"Huwag ninyong pahihirapan si Mommy, mga anak. Magtutulungan kami ni Mommy para
masilayan ninyo ang ganda ng mundo."

"Salamat po, Daddy."

"I love you," sagot niya sa akin.

"I love you more, Daddy Lance." Muli niyang hinalikan ang tiyan ko at pagkuwa'y
niyaya akong tumaas muna para makapagpahinga raw ako.

Kagaya kanina, halos buhatin na naman niya ako patungo sa kuwarto namin.

Puno ng ingat niya akong ibinaba sa kama.

"Thank you, Daddy"

"Anything for you. Gusto mo bang umidlip muna?" aniya at umupo sa gilid ko.

"Hindi ako inaantok, eh. Pero puwede ba akong makisuyo sa 'yo?"

"Sure. What is it?"

"Igawa mo ako ng resignation letter, please?"

Parang nagulat siya sa sinabi ko. Nasa mga mata niya ang pagtatanong na para bang
sinisiguro niya na final na ang desisyon ko.

But yes, the moment na nalaman ko na kambal ang baby ko sa tiyan ay agad akong nag-
decide na kailangan ko munang tumigil uli sa pagtatrabaho.

"Ayoko mang mawalan uli ng trabaho pero mas mahalaga sa akin ang kaligtasan ng baby
natin kaya magpapaalam na muna ako sa hospital na pinagtatrabahuhan ko," paliwanag
ko.

"Good decision, baby. Kahit naman wala kang trabaho kaya kitang bigyan ng maganda
at secured na kinabukasan. But it's up to you pa rin kung gusto mong bumalik kapag
nakapanganak ka na."

"Saka na natin pag-usapan iyan, Daddy."

"Sabi ko nga, saka na."

Sabay kaming napangiti sa isa't isa. At pagkuwa'y iniwan niya muna ako sa kuwarto
dahil igagawa na raw niya ako ng resignation letter ko. Tatawag na rin daw siya sa
office nila para magpaalam na work from home muna siya.

Habang mag-isa sa kuwarto, kinuha ko ang album ng baby angel ko, saka tiningnan
isa-isa ang mga larawan namin.

"Baby Angel, Mommy's pregnant with your siblings. Bantayan mo kaming lahat, ha?
Kahit magkaroon na kami ni Daddy Lance ng bagong mga baby, hindi ka na mapapalitan
sa puso namin. Ikaw pa rin ang panganay namin, Anak. Walang magbabago sa pagmamahal
namin para sa 'yo." Pagkausap ko sa panganay ko.

Masuyo kong hinaplos ang bawat larawan niya.

"Mahal na mahal kita, Anak. Hinding-hindi ka mawawala sa puso ko, sa puso namin ng
Daddy Lance mo." Tumingala ako upang supilin ang pagtulo ng namumuong mga luha ko.

Nami-miss ko pa rin ang panganay ko. Pero dahil bawal ma-stress si Buntis pinigilan
ko talaga ang malungkot na naman.

Tinapos kong tingnan ang mga larawan ni baby angel bago muling ibinalik sa
pinaglalagyan ang album.

Mayamaya ay nakaramdam ako ng antok. Hindi ko na napaglaban iyon kaya tuluyan na


akong nakatulog.

NANG sumunod na mga araw, mas naging maalaga si Lance sa akin. As in hindi na siya
umaalis sa tabi ko lalo na't madalas sumama ang pakiramdam ko. Kahit mapabayaan na
niya ang trabaho niya ay ayos lang sa kaniya basta ako ang uunahin niya.

Habang dumadaan ang mga araw, paselan nang paselan ang paglilihi ko. Palagi lang
akong nakahiga dahil may isang pagkakataon na muntik na akong mahulog sa hagdan
dahil sa biglang pagkahilo. Mabuti na lamang at palaging alisto si Lance kaya hindi
kami napahamak na mag-iina. Kaya simulan iyon, ayoko nang bumaba ng hagdan. Sa
kuwarto na lang ako nag-stay, at sa kahugpong na terrace ako nagpapa-araw tuwing
umaga.

Kapag may check up ako, hindi na rin ako pumupunta sa hospital.

Sinusundo na lang ni Lance ang doktor ko para iwas tagtag muna ako.

"Baby?" Naulinigan kong tawag ni Lance sa akin

Katatapos ko lang magsuka kaya medyo wala akong lakas.


"Hmm?"

"Gusto mong kumain?" Umiling ako bilang sagot "Gatas gusto mo?"

Umiling uli ako.

"Eh, anong gusto mo?"

"Hug mo lang 'ko..." Narinig kong tumawa ang asawa ko bago ko naramdaman ang
paglundo ng kama

"Ganito?" Pumupulot sa katawan ko ang braso ni Lance.

Sumiksik ako sa leeg niya at inamoy-amoy iyon.

"Thank you. Sorry din dahil hindi ka na nakakapagtrabaho online."

"Hey, it's okay. Mas mahalaga kayo ng mga anak natin kaysa sa trabaho ko," masuyong
sabi niya.

"Kapag tapos na akong maglihi, promise, babawi ako."

Tumawa lang siya habang panay ang himas sa tiyan ko.

"Baby, siyanga pala, kailan natin sasabihin sa pamilya mo ang tungkol dito?" aniya
kapagkuwan.

"Siguro kapag medyo maayos na ang pakiramdam ko? Ayokong makita nila akong ganito,
mukhang ilang araw nang walang ligo."

Lumakas ang tawa niya. Umuuga pa ang dibdib niya dahil sa pagtawa.

"Huwag mo akong pagtawanan."

"Aray!" Malakas niyang daing nang kurutin ko ang tagiliran niya. "Don't worry kahit
isang buwan kang hindi maligo, ikaw pa rin ang pinaka mabango para sa akin."

"Sus, maniwala! Kaya pala panay ang kusot mo sa ilong mo kapag katabi mo ako."

"Hindi, ah. Promise, walang kaso sa akin kahit hindi ka maligo, baby."

"Talaga?" Parang batang sabi ko.

"Of course. I love you." Puno ng pagmamahal na sambit niya kapagkuwan.

Nagmulat ako ng aking mga mata at tiningnan siya. "Gusto ko palang maligo ngayon,
paliguan mo 'ko

"Ngayon na?" Tumango ako. "Okay, sige. Sandali, ihahanda ko lang ang bathtub mo."

"Thanks."

"Anything for you, baby." Hinalikan niya muna ang noo ko bago umalis sa tabi ko.

Pumasok siya sa bathroom.

Mayamaya nama'y binalikan na niya ako, saka binuhat patungo sa bathroom. Maingat
niya akong ibinaba at isa-isang inalis ang mga saplot sa katawan ko.
Napalunok siya nang tumambad sa paningin niya ang kahubdan ko.

"Beautiful as ever..." wika niya sa paos na boses.

Napalabi ako. "Totoo ba iyan?"

"Of course. Wala nang mas gaganda pa sa 'yo sa paningin ko. Mas lalo ka pang
gumaganda araw-araw hindi lang dahil dala-dala mo ang bunga ng pagmamahalan nating
dalawa. Akala mo lang pumapangit ka kasi tamad kang maligo pero ang totoo hindi."

"Thank you. Palagi mong tinataas ang self-confidence ko."

Nginitian niya ako, saka inalalayang makaupo sa bathtub. At kagaya nang hiling ko,
pinaliguan nga ako ni Lance. Hinayaan niya muna akong magbabad at nang medyo
ginaganaw na ako ay saka niya ako kinuha sa bathtub at binanlawan.

Muli niya akong binuhat pabalik sa kama, binihisan at sinuklayan.

Gano'n ang routine namin ni Lance araw-araw habang nasa stage ako ng paglilihi.
Itintrato niya ako na parang prinsesa.

At wala na akong mahihiling pa dahil napakasuwerte ko na sa asawa ko.

EKSAKTONG 16 weeks o apat na buwan na ang ipinagbubuntis ko nang magdesisyon kami


ni Lance na sabihin na sa pamilya namin.

Hindi na rin ako nahihiyang humarap sa kanila dahil pagkatapos kong maglihi ay
bumalik na ako sa dati. Hindi na ako tamad maligo. Tumaas din lalo ang self-
confidence ko nang sabihin ng doktor ko kahapon na ang blooming ko na raw na
buntis.

Naniwala na ako dahil hindi na lang ang asawa ko ang nagsabi sa akin na blooming
ako. Minsan kasi pakiramdam ko kapag si Lance ang nagsabi, inuuto na lang ako para
pagaanin ang loob ko..

"Baby, okay na. Pupunta na sila rito mamaya," sabi ni Lance nang mapasukan kami ni
Ate Jenny sa kusina.

Tinutulungan ko siyang mag-prepare ng dessert para mamaya. Ang karamihan sa pagkain


ay ini-order lang ng asawa ko para hindi na raw kami mapagod.

"Okay. Umuo na rin sila Papa."

Lumapit siya sa akin at pumwesto sa likuran ko, niyakap niya ako at hinimas-himas
ang tiyan ko.

"Excited na ako na i-announce sa kanila," aniya.

"Me too." Nilingon ko siya nang bahagya. "Masu-surprise silang lahat"

"For sure iyan, imagine nagawa nating ilihim."

Napangiti ako. Mabuti na lang at pati sina Mama ay na-busy rin nitong mga nakaraang
linggo. Kamakailan kasi ay nagbukas ng panibagong brach ng auto supply store si
Kuya Simon at Lance, sina Mama ang tumao muna.

"Na-busy rin naman silang lahat kaya hindi sila nakahalata. Pero sigurado ako
nagtataka na sila kung bakit bigla-bigla mo silang pinapunta rito ngayon."
"Masasagot ang pagtataka nila later."

"Yeah."

Pagkatapos kong tulungan si Ate Jenny ay nagpasama ako kay Lance sa kuwarto namin.

Sinamahan niya akong maligo, takot kasi si Lance na iwanan akong mag-isa sa banyo,
baka raw madulas ako at mapaano.

Hindi na rin naman nagtagal ay narinig na namin ang pagdating ng mga sasakyan.
Kani-kaniyang silang busina kaya alam kong nandito na sila.

Magkasama kaming bumaba ni Lance. Sinadya kong magsuot ng maluwang na damit ni


Lance para hindi agad mapansin ang tiyan ko.

"ANONG mayro'n at bigla kang nagyayang mag-inom?" Bungad ni Kuya Simon sa asawa ko
nang dumating sa bahay namin kasama ang buong tropa nila.

"Oo riga, himala yata na biglang gusto mong mag-inom, sigunda ni Kuya Joven. "Akala
ko pa naman pinagbabawalan ka nitong si Sheena ne makainoman kami," dagdag pa niya
sabay tingin sa akin.

"Ay walang gano'n, Kuya." Sabat ko.

"Ay wala ba? Akala ko binawalan mo na, eh. Bihira na iyang makipagkita

sa amin. Mabuti nga at biglang nag-chat sa GC na pumunta kami dito

ngayon."

"Oo nga, bunso. Pero hindi ko naman ramdam dahil kauuwi ko lang din," si Ate
Madeline.

Kababalik lang niya galing New York para sa fashion show na dinaluhan niya. Isa
kasi siya sa napiling Filipino designer na inimbitahan para makasali sa show na
iyon.

"Hindi ko rin ramdam dahil na-busy rin ako." Si Ate Kristine at matamang
pinagmasdan ako kapagkuwan. "Parang may something sa yo, bunso," dagdag pa niya.

"Same thought, akala ko ako lang ang nakapuna," sang-ayon ni Ate Madeline.

"Anong something?" Patay malisya ko.

Napangiti ako nang lahat sila ay natuon ang pansin sa akin. Maging si Kuya Simon ay
mataman ang tingin sa akin. Eksakto namang dumating na rin sina Papa at Mama,
kasama si Rachel na iniwasan ko ring sagutin ang tanong lately.

"Ma, pupunta rin pala kayo rito?" Si Kuya Simon at isa-isa silang bumati sa parents
namin.

"Tumawag ang kapatid mo kanina, ah. Pumunta raw kami ng Papa mo rito," sagot ni
Mama sabay tingin sa akin. "Tumaba ka yata, Anak. Mukhang pinababayaan ka ni Lance
sa kusina, ah," walang prenong puna ni Mama.

Muling natuon ang atensyon nilang lahat sa akin. Napahawak ako sa braso ni Lance
bago kami nagkatinginan na dalawa.

"Anong mayro'n ngayon? Anniversary ninyo?" si Papa.


"Hindi ho, Pa. M-May gusto lang ho kaming i-share sa inyo ni Sheena ngayon kaya
pinapunta ho namin kayong lahat dito ngayon. Para isang announcement na lang ho."
Nakangiting sabi ni Lance.

Kani-kaniya silang kunot ng noo.

"Announcement? Tungkol saan?" Si Mama.

Muli kaming nagkatinginan ni Lance at pagkuwa'y sabay na napangiti.

Inutusan ko silang pumikit muna. Ini-on na ni Lance ang TV na connected sa cell


phone niya kung saan naroon ang ginawa niyang video ng pregnancy ko. Kasama ang
ultrasound ng mga baby namin.

"Puwede niyo nang ibukas ang mga mata niyo," sabi ko.

Nagmulat naman sila ng mga mata at sandaling napatulala sa harap ng TV.

"Sinong buntis?" Wala sa loob na tanong ni Kuya Simon na ikinasinghap ng lahat.

"I knew it!" Si Rachel.

Ang mga mata nilang nakatutok sa TV ay isa-isang nalipat sa akin. Lalong lumakas
ang singhap nilang lahat. Nakataas na kasi ang damit ko kaya kitang-kita ang baby
bump ko.

"Oh, my goodness! You're pregnant!" Bulalas ni Mama na ngayon ay umiiyak na.

"Sinasabi ko na nga ba!" Si Rachel.

"Oh, God! Buntis ka na uli!" Si Ate Madeline.

Napaiyak ako nang mapaluhod si Mama sa sahig at humagulhol ng iyak.

Pagkalipas ng ilang sandali ay luhaan siyang tumingin sa akin. "You're pregnant,


Anak! Kailan pa?"

"Yes, Ma. We're pregnant! And we are having a twins!"

Napanganga na lamang silang lahat sa amin ni Lance. Magkahalong gulat at tuwa ang
nasa mga mukha nila ngayon.

"Sabi ko na nga ba, may something sa 'yo, eh! OMG!" Bulalas ni Ate Madeline, saka
lumapit sa akin. "Congratulations, bunso! Grabe naman ang blessings ni Lord sa
inyo, not one but twins!"

Gumanti ako ng yakap kay Ate Madeline. Gano'n din ang ginawa ni Ate Kristine.

Masayang-masaya ang lahat na binati kami ni Lance.

Nagtawanan kami nang makatikim ng sapok sa ulo ang asawa ko mula kay Kuya Simon.

"Tarantado ka! Kaya pala kapag sinasabi ko na pupunta ako rito ang dami mong
dahilan para huwag akong pumunta."

Napakamot na lang sa ulo ang asawa ko dahil sa pangsasabon ng kapatid at Papa ko.

"Pa, Kuya, huwag na kayong magtampo kay Lance, ako po ang may gusto na huwag munang
sabihin sa inyo."

"At bakit?" Si Mama na nakatikwas ang kilay.

"Para po i-surprise kayong lahat. Saka, medyo nahirapan po ako sa paglilihi ko kaya
palagi lang pong nakahiga," paliwanag ko.

Agad naman nilang naintindihan at nang sumunod na mga sandali ay naging napakasaya
naming lahat dahil sa napakalaking blessings na natanggap namin ni Lance.

Hindi umalis si Mama sa tabi ko, aliw na aliw siya sa laki ng baby bump ko.

Naging napakasaya ko dahil napapalibutan ako ng mga taong mahal na mahal kami ni
Lance. At mukhang wala na akong iintindihin sa panganganak ko dahil sinagot na
nilang lahat.

GIRLONFIRE28

#vote# Thank you po sa inyong lahat! Happy ending na sila hehe charot!

Chapter 58

Chapter 58

SHEENA POV

"WOW! ANG GAGANDA naman nito." Aliw na aliw ako habang namimili ng mga gamit para
sa kambal namin ni Lance.

Tunay nga palang nakaka-excite mamili ng mga gamit ng baby, tapos lahat libre. Saan
ka pa, 'di ba?

Pagkatapos naming makapag-gender reveal last week ay ibinigay na agad ng mga


kaibigan ni Lance ang mga credit cards nila para sa pamimili ng mga gamit ng kambal
ko. Hindi ko akalain na tototohanin nila iyon kaya ngayon ay tuwang-tuwa akong
pumili ng mga kulay na para sa kanila. Baby boy and baby girl ang kambal namin kaya
tuwang-tuwa talaga kaming lahat. Bukod sa aming mag-asawa, excited na rin ang mga
Ninong at Ninang nila. Lalo na ang mga future lola at lolo.

"Baby, tingnan mo 'to, o. Ang gaganda, 'di ba?" Tukoy ko sa mga pares ng damit na
hawak ko.

"Oo nga, bagay sa kambal iyan, baby!" Sang-ayon ni Lance kaya inilagay ko na agad
sa tulak-tulak niyang cart ang tig dalawang pares ng damit na iyon.

Sunod naming pinuntahan ang tindahan ng mga crib.

"Wow! Ang gaganda nito!"

"Iyong pinaka maganda ang kunin mo, baby. Charge natin kay Ninong Joven ng kambal
iyan."

"Ay, sige-sige!" Tuwang-tuwa akong pumili at hindi ininda ang pagod sa kakalakad.

Medyo natagalan akong pumili ng crib dahil lahat ay maganda talaga. Kaya ilang
sandali akong nagsalawahan kung alin ang kukunin namin. Sa huli, ang isang pink na
crib na may combination na white ang pinili ko para sa baby girl namin. At para sa
baby boy ko naman ang light blue na may combination na red ang pinili ko.

"Baby, nakapili na ako," sabi ko at sinubukang kunin ang crib na napili ko.pero
nahirapan ako dahil sa laki ng tiyan ko. Mag-aanim na buwan na rin kasi ang kambal
sa sinapupunan ko.

"Baby, okay na. May napili na ak-" kusa akong natigilan nang pagtingin ko kay Lance
ay nakita ko siyang nakatingin sa ibang direksyon.

Sinundan ko ang direksyong tinitingnan niya pero hindi ko alam kun kanino o saan
siya particular na nakatingin. Medyo marami kasi ang tao ngayon dito sa mall. Bukod
sa weekend ay maraming naka-sale.

"Baby, sinong tinitingnan mo?" tanong ko pero wala pa rin tugon mula sa kaniya.

Nilapitan ko na siya at tinapik sa braso upang kunin ang atensyon niya. Nagtagumpay
naman ako.

"Yes, baby?" aniya nang humarap sa akin. Medyo nagulat pa siya na ipinagtataka ko.

"Nakapili na ako. Iyon,0.^ prime prime

"Wow! Ang ganda ng napili mo, baby," aniya.

Napakunot ang noo ko nang makita ko ang tila pagkabalisa sa mukha niya, tapos
lumingon uli sa direksyong tinitingnan niya kanina.

"Lance," tawag ko.

"Ha?"

"Okay ka lang?"

Natigilan siya ng ilang sandali bago sumagot. "Yeah, I'm okay. Tapos ka na bang
pumili ng crib?" pagkuwa'y tanong niya.

Lalo akong nagtaka sa inaakto niya. Katatanong lang niya kung nakapili na ako tapos
hindi yata siya aware na tinanong na naman niya.

"Lance, okay ka lang ba talaga?"

"Y-Yes. Bakit naman hindi ako magiging okay, baby?" Pinilit niyang ngumiti at
pasiglahin ang tono pero hindi ako manhid para hindi mapansin na may nagbago sa
awra niya.

Ang kasiyahang nasa mukha niya kanina pagdating namin dito sa mall ay napalitan ng
tila pagkabalisa.

"Don't worry, baby. I'm okay. Halika na, kunin na natin ang crib." Yaya niya at
nagpa-assist na nga sa saleslady para sa crib.

Nababaghan ako sa inaakto niya lalo pa't habang nakikipag-usap siya sa saleslady ay
panay pa rin ang lingon niya sa iisang direksyon.

Hindi ko tuloy mapigilang sundan ang tinitingnan niya. Tatanungin ko sana uli siya
kung bakit pero pinili kong huwag na lang, mukhang wala naman siyang balak sabihin
sa akin kung ano man iyon.

Nang sumunod na mga sandali namin sa mall ay naging mapagmatyag na ako sa bawat
kilos niya. Nasa counter na kami nang mapansin ko na natigilan na naman ang asawa
ko at may tila tinatanaw na naman.

Agad akong tumingin sa unahan nang lilingon na siya sa akin. Pinakiramdaman ko siya
habang nakapila kaming dalawa.

"Baby, puwede bang umuwi na tayo pagkatapos natin dito?" aniya kapagkuwan.

Lalo akong nagtaka. "Ha? Bakit?"

"Medyo sumama ang pakiramdam ko, eh. Sa ibang araw na lang natin bilhin iyong ibang
gamit, ha?"

Wala sa loob na napatango na lamang ako. Tila siya nakahinga nang maluwag dahil sa
pagpayag ko.

"Thank you, baby. Promise sa susunod tatagalan na natin, saka baka mas'yado kang
mapagod, eh."

"Okay" Nakangiting sagot ko.

Pagkatapos naming magbayad ay kaagad na niya akong niyaya paalis ng mall. Pati ang
lunch date namin na pangako niya ay hindi na niya naaalala pero hinayaan ko na
lang.

"Pasok ka na, baby." Inalalayan niya akong makapasok sa loob ng bahay.

"Magpahinga ka muna, ako na lang ang magpapasok ng mga gamit ng kambal. Bawal kang
magbuhat, remember?"

Nakangiti pa rin akong tumango kahit nag-aalala na ako sa mga ikinikilos niya
kanina pa. Nang bumalik siya sa labas para kunin ang mga pinamili namin ay tila may
nag-udyok sa akin na sundan siya ng tiyan.

Pumwesto ako sa may bintana. Kita ko siya mula sa puwesto ko. Pagkatapos niyang
ibaba ang mga pinamili namin ay hindi siya agad bumalik sa loob ng bahay.

Nakita ko nang kunin niya ang cell phone sa bulsa ng pants niya at tila may
tinatawagan. Lalo akong nilukob nang makita ko kung paano siya napahilamos sa mukha
niya, maging ang buhok niya ay makailang ulit niyang hinagod.

Hindi ko naririnig ang sinasabi niya pero nababasa ko sa mukha niya ang galit sa
kung sino mang kausap niya.

Napapitlag ako nang sipain niya ang hulihang gulong ng sasakyan niya. Pagkuwa'y
ibinalik sa bulsa ang cell phone, saka binitbit ang mga pinamili namin.

Umalis na ako sa pinagkukublihan ko at umupo sa couch na tila walang alam sa


nangyayari sa kaniya. Pagpasok niya ay tila walang nangyari, nakangiti siya sa
akin.

"Dadalhin ko lang 'to sa nursery room, baby. Huwag kang tataas mag-isa, ha?
Hintayin mo ako, okay?" Malambing na bilin pa niya.

"Okay. Dito muna ako."

Umakyat na siya sa taas bitbit ang dalawang crib. Habol ko siya ng tingin.

"Ano kayang problema niya? At sino ang kausap niya?" Mga tanong na kailangan kong
mabigyan ng kasagutan.

Posible kayang may babae si Lance? Pinilig ko ang ulo ko.

Hindi magagawa ni Lance iyon. Malaki ang tiwala ko sa asawa ko. Mahal na mahal niya
ako-" naputol ang pag-iisip ko nang makita kong pababa na ng hagdan ang asawa ko.

"Halika na, baby. Taas na tayo."

"Sige."

Todo alalay siya sa akin hanggang sa makarating kami sa kuwarto. Tinulungan niya pa
akong magbihis dahil hirap na akong gumalaw sa laki ng tiyan ko.

Pagkatapos niya akong bihisan ay nagpaalam siya na magluluto muna ng lunch namin.
Nag-sorry din siya dahil hindi na raw natuloy ang lunch date namin na pangako niya
sa akin.

Hindi ko na ginawang big deal iyon at sinabing ayos lang.

Hindi naman nagtagal ay bumalik na siya sa aming kuwarto at pinakain ako.

"Gutom ka pa ba?" aniya nang maubos ko ang pagkain ko. Kaunti lamang kasi iyon
dahil bawal na akong kumain ng marami.

"Gusto mo pa?"

"Di ba bawal na ako nang madami?"

"Cheat day mo." Nakangiting sabi niya. "Puwede naman iyon, alam ko na kulang na
kulang pa ang kain mo dahil dalawa ang sumasalo sa kinakain mo."

"Okay na ako, baby. Bawal mag-cheat." Makahulugang sabi ko na mukhang hindi niya
napansin na may laman ang sinabi ko.

"Isang beses lang, baby."

"Cheating pa rin iyon."

"Okay. Sorry, gusto ko lang namang mabusog ka."

"Busog na ako. Kumain ka na rin para makainon ka ng gamot mo."

Kumunot ang noo niya. "Gamot ko? Para saan?"

"Di ba sabi mo biglang sumama ang pakiramdam mo kanina kaya bigla kang nagyayang
umuwi?"

"Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko na ang tungkol doon." Biglang bawi niya at nag-
iwas ng tingin sa akin. "Baba lang ako, baby. Kakain muna ako para makainom na ng
gamot."
"Sige."

"Balik ako agad, okay?"

Tumango lamang ako at sinundan siya ng tingin habang palabas ng kuwarto. Ngumiti pa
siya sa akin bago tuluyang isinara ang pinto.

Nang mapag-isa na ako lalong lumakas ang hinala ko na may hindi siya sinasabi sa
akin.

At mas lumakas pa ang kutob ko nang pagsapit ng gabi ay napansin ko na hindi siya
makatulog. Akala niya siguro ay tulog na ako kaya bumangon siya at nagpalakad-lakad
sa loob ng kuwarto.

Mayamaya nama'y kinuha niya sa ibabaw ng bedside table ang cell phone niya at
pagkuwa'y lumabas ng terrace. Pinakiramdaman ko siya.

Nauulinigan ko na may kausap siya sa cell phone. Dala ng matinding kuryusidad ay


walang ingay akong bumangon at maingat na naglakad palapit sa kinaroroonan niya.

Hindi ko gusto iyong ganito na para akong nanunubok na may mahuli sa asawa ko. Pero
kapag hindi ko ginawa, hindi ako matatahimik. Kaya kahit kinakabahan sa puwede kong
marinig ay nilakasan ko ang loob ko.

"Para saan pa ang perang ibinigay ko sa 'yo kung hindi mo ginagawa ang pinag-usapan
natin?!" galit na sabi niya sa kung sino mang kausap niya.

Natutop ko ang bibig ko. Si Valerie agad ang pumasok sa utak ko dahil siya lang
naman ang alam kong binibigyan niya ng pera noon.

"Dapat lang!" Mababakas ang tinitimping galit sa boses niya. Tila may sinabi ang
nasa kabilang linya dahil sandaling natahimik ang asawa ko.

"Dapat lang dahil hindi ako nagpupulot ng pera na ibinibigay ko sa 'yol"

May babae ba siya? Hindi ko na napigilan ang mag-overthink. Kung shu-ano na ang mga
negatibong bagay ang pumapasok sa utak ko.

Nang hindi ko na kayang marinig ang sinasabi ni Lance ay nanginginig ang mga tuhod
na bumalik ako sa kama at nagkunwaring natutulog.

Mga limang minuto pa ang lumipas bago bumalik si Lance sa tabi ko. Impit akong
napaiyak nang maramdaman ko na niyakap niya ako. Nang mga sandaling 'yon ay hindi
sapat ang yakap niya para matahimik ang kalooban ko.

Knowing na may itinatago siya sa akin.

Nang gabing 'yon ay hindi ako nakatulog. Magdamag akong umiiyak at alam kong bawal
sa akin iyon pero hindi ko mapigilan. Sobrang sama ng loob ko.

KINABUKASAN, sinubukan kong tanungin si Lance pero ramdam ko na umiiwas siya at


tila ayaw pag-usapan iyon.

Bilang respeto na rin, hinayaan ko muna siya.

Naghintay ako ng ilang araw pa, na bakasakali ay mag-open siya sa akin. Mas lumala
kasi ang pagkabalisa niya, though, kapag kaharap niya ako ay pinipilit niya na
magmukha siyang masaya at okay pero alam kong hindi.
Hanggang isang umaga....

"Baby, aalis lang ako, ha." Paalam niya. "Naibilin na kita kay Ate Jenny at Lolo
Jaime, ha?"

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa malumanay na boses.

"Tumawag si bayaw, pinapapunta niya ako sa isang branch ng auto supply."

"Talaga? Bakit daw?" Hindi nakaligtas sa akin ang pagiging mailap ng mga mata niya.

Ilang araw na siyang hindi makatingin ng diretso sa akin kaya lalo akong
kinakabahan. What if naghanap siya ng iba dahil hindi ko na maibigay ang
pangangailangan niya? Alam ko namang matagal na ang huli dahil sa pagbubuntis ko.
Pinagbabawalan kasi kami ng doktor ko.

Pikit-mata kong tinanggap ang rason niya.

"Sige, ingat ka. Tawagan mo 'ko kapag nandon ka na, ha?"

"I will. Dito ka lang sa bahay, ha? Huwag kang aalis o lalabas ng bahay.

Hintayin mo 'kong makabalik, ha?"

Tanging tango lamang ang isinagot ko sa kaniya.

"Babalik ako agad, baby. I love you so much!" aniya sabay halik sa akin.

"I love you, too..."

"I have to go para makabalik ako agad. Basta ang bilin ko, huwag lalabas ng bahay."
Bilin pa niya bago tuluyang umalis.

PAGKAALIS ni Lance, hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko hindi ako matatahimik kung
nandito lang ako sa bahay kaya pagkaraan ng mahigit isang oras ay umalis ako sa
bahay.

Hindi na ako nakapag paalam kay Ate Jenny dahil naliligo pa yata siya. Agad na
akong lumulan ng taxi na kinontak ko at nagpahatid sa bahay ng mga magulang ko.

"Sheena!" Gulat na gulat pa si Kuya nang madatnan ko siyang mag-isa sa bahay.


"Anong ginagawa mo rito at sinong kasama mo?"

"Ako lang ako."

"Nasaan ang asawa mo? Bakit ka niya pinayagang pumunta rito nang mag-isa?" Sa
tanong ni Kuya na iyon ay lalong lumala ang kaba ko.

"Hindi ba't tinawagan mo si Lance, Kuya? Umalis siya sa bahay kanina sabi niya
inutusan mo siyang-"

"Wait, wait, wait." Itinaas niya ang kamay para pahintuin ako.

"Kuya.."

"Anong inutusan? Hindi ako tumatawag sa asawa mo para utusan siya dahil ayoko na
iiwanan ka niya lalo na't ang laki na ng tiyan mo."

Nanikip ang dibdib ko. So, he lied to me? S-Sino ang kikitain niya? Si Valerie ba-
"Sheena? What happened? Bakit ka umiiyak? May problema ba?" sunod-sunod na tanong
ni Kuya pero hindi na ako nakasagot.

"He lied to me, Kuya..." sumbong ko.

"Anong-"

"Sabi niya, tinawagan mo siya at inutusan pero hindi pala..."

"Hey! Sheena, calm down, bunso. Hindi ka puwedeng ma-stress,alalahanin mo iyan."

Inalalayan niya akong makaupo at pinainom ng tubig. Nakaramdam ako ng kiłot sa


bandang puson ko kaya pinilit kong ikalma ang sarili ko. Sa tulong ni Kuya ay medyo
naibsan ang stress ko. Hanggang sa makaidlip ako sa pagkakaupo sa couch.

NAALIMPUNGATAN ako nang may marinig akong tumatawag sa pangalan ko. Bumangon ako at
mabagal na lumabas para tingnan kung sino iyon.

Mula sa kinatatayuan ko ay kita kong nasa labas ng gate si Lance at tila galit na
kinakalampag ang bakal.

Mabagal akong lumapit at binuksan ang gate. Hindi ko napaghandaan ang matinding
galit na nakalarawan sa mukha niya habang nakatingin sa akin.

Agad nanikip ang dibdib ko.

"Lance."

"Hindi ba't sinabihan kita na huwag na huwag kang lalabas ng bahay?! Papatayin mo
ako sa pag-aalala sa 'yo, Sheena!" Mataas ang boses na sabi niya.

"Mahirap bang sumunod sa gusto ko? Ni hindi ka man lang nagpaalam sa mga tao sa
bahay kung saan ka pupunta! Bigla ka na lang umalis, Sheena!" halos mabingi ako sa
sigaw niya.

Ngayon lang niya ako nasigawan nang ganito kaya naman agad na naglaglagan ang mga
luha ko.

"Tapos iiyak-iyak ka?! Dadaanin mo 'ko sa iyak mo? Paano kung napahamak ka, ha?!
Ang mga anak nati-"

"Lance!" Dumagundong ang malakas na boses ni Kuya Simon.

Sa nanlalabong mga mata ay nakita ko siyang naglakad palapit sa amin at mabilis na


pinadapo ang kamao sa mukha ni Lance.

Napatili ako.

"Kuya, no!" Hinila ko nang tangkang muling sasapakin si Lance na ngayon ay hindi
agad nakahuma dahil sa gulat.

"Ganiyan mo ba tratuhin ang kapatid ko, ha?!" Sigaw ni Kuya.

"Bayaw-"

"Tang'na mo! Sino ka para sigaw-sigawan ang kapatid ko? Ganiyan mo ba siya tratuhin
sa bahay ninyo?!" Ramdam ko ang matinding galit sa boses ni Kuya.
"Ikaw na nga itong nagsinungaling, ikaw pa 'tong galit?! Ang tigas ng mukha mo, ah.
Pati ako idadamay mo diyan sa mga katarantaduhan mol Nagngalit ang mga ngipin ni
Kuya at hinila ang kuwelyo ng damit ni Lance.

"Kailan mo pa niloloko ang kapatid ko? Kailan pa?"

"Hindi ko siya niloloko-

Sabay silang napatigil nang mapahagulhol ako ng iyak

GIRLONFIRE28

#vote# Thank you po sa inyong lahat

Chapter 59

Chapter 59

SHEENA POV

"SHEENA!" Sabay na sambit ng dalawa sa pangalan ko.

Sabay din nila akong nilapitan ngunit nang akma akong hahawakan ni Lance ay tinabig
siya ni Kuya Simon. Sa galit ni Kuya ay napalakas iyon dahilan para muntik nang ma-
out of balance si Lance.

Inalalayan niya ako, saka muling binalingan si Lance. "Tingnan mo ang ginawa mo sa
kapatid ko! Alam mo na bawal siyang ma-stress pero anong ginawa mo, ha?!" Sigaw ni
Kuya.

"Hindi ko sinasady-" Hindi naituloy ni Lance ang paglapit sa akin dahil sumenyas si
Kuya na huwag lalapit. "Simon, I'm sorry. Hindi ko naman sinasadyang masigawan ang
asawa-"

"Just leave!" Wala ng matapos sabihin si Lance dahil sa maya't mayang pag-interrupt
ni Kuya.

"Magpapaliwanag ako! Nag-aalala lang ako dahil hindi siya nagpaalam sa aki-"

"Gago! Sa 'yo pa talaga nanggaling iyan?! Bakit, ikaw ba nagpaalam nang matino sa
kapatid ko? At talagang ginamit mo pa ako para sa pagsisinungaling mo, kung hindi
ka naman talaga sira ulo!"

"Kaya nga magpapaliwanag ako, Simon."

"Magpaliwanag ka sa pagong!" Pambabara ni Kuya dahil sa inis.

"Simon, kakausapin ko ang asawa ko."


Bumaling si Kuya sa akin. "Gusto mo bang kausapin ang asawa mo?"

Umiling ako bilang sagot.

"Nakita mo naman, 'di ba? Ayaw niya."

"Baby, magpapaliwanag ako. I'm sorry kung nasigawan kita. Nadala lang ako dahil sa
pag-aalala ko sa 'yo." Sinubukan ni Lance na magpaliwanag pero sarado ang isip ko
dahil mas'yado pa akong emosyonal.

"Baby, please."

"Umalis ka sa pamamahay namin, Lance, kung ayaw mong magkasakitan tayong dalawa!"

"Simon-"

"Leavel Tinuro pa ni Kuya ang nakabukas na gate. "Leave, now!"

Marahas na umiling ang asawa ko.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko kasama ang asawa ko, Simon," matigas na
tutol ni Lance.

Pagak na tumawa si Kuya.

"At sa tingin mo, pasasamahin ko pa siya sa 'yo pagkatapos ng ginawa mo?! Hindi ka
lang nagsinungaling sa kapatid ko, sinigawan mo pa siya sa mismong harapan ko! Kaya
umalis ka na bago ko pa makalimutan na kaibigan kitang hayop ka!" Nasa boses ni
Kuya ang matinding gigil sa kaibigan.

"Leave, now!" Pahabol na sigaw ni Kuya bago ako alalayan. Halos buhatin na niya ako
pabalik sa loob ng bahay.

Pinaupo niya ako sa couch at nagmamadaling nagtungo sa kusina. Pagbalik ay may dala
ng isang basong tubig. Ininom ko iyon para bumuti ang paghinga ko. Sinikap kong
huwag maging emosyonal at huwag nang umiyak dahil bigla akong nag-alala sa mga anak
ko.

Napasigok-sigok ako dahil sa halo-halong emosyon. Hindi ko matanggap na


nagsinungaling sa akin si Lance at nagawa niya pa akong sigawan.

"Bunso, okay ka lang? Walang masakit sa 'yo? Ang tiyan mo? Ayos lang ba?" Sunod-
sunod na tanong ni Kuya. Nakaluhod siya sa harap ko habang nasa mukha ang labis na
pag-aalala.

"Huwag kang umiyak, masama sa 'yo iyan. Alalahanin mo ang mga anak mo, ha? Hindi ka
puwedeng ma-stress, bunso. Kalma lang, okay?"

Tumango ako.

"Wala talagang masakit sa 'yo? Sabihin mo agad, okay? Para madali kita sa hospital,
bunso."

Ilang sandali kong pinakiramdaman ang sarili ko lalo na ang tiyan ko. Wala naman
akong kakaibang nararamdaman na masakit o ano. Naninikip lang ang dibdib ko dahil
sa sama ng loob kay Lance pero maliban doon ay wala na.

"A-Ayos lang ako, Kuya."


"Sure?" Tumango uli ako na ikinahinga nang maluwag ni Kuya. "Magsabi ka agad kapag
may naramdaman kang kakaiba."

Tumango uli ako. Muling nag-init ang sulok ng mga mata ko nang haplusin ni Kuya ang
magkabilang pisngi ko.

"Walang puwedeng manakit sa 'yo, tandaan mo iyan. Hinding-hindi ako papayag."

Nanginig ang mga labi ko. "Salamat, K-Kuya.."

"Dito ka muna, kakausapin ko lang ang asawa mo." Hindi na niya ako hinintay na
makasagot dahil nagmamadali na siyang lumabas.

Napapitlag pa ako dahil sa lakas ng pagkakasara niya sa pinto.

Mariin akong napapikit nang marinig ang malakas na pagmumura ni Kuya Simon mula sa
labas. Dama ko talaga ang galit niya at hindi ko siya masisisi dahil nasabi ko na
sa kaniya na nagsinungaling si Lance sa akin.

Sa kabila ng nadarama kong sama ng loob kay Lance ay hindi ko maiwasang hindi mag-
aalala sa kaniya. Kilala ko si Kuya Simon, bihira siyang magalit pero kapag nagalit
ay galit talaga.

Bagama't nag-alala para sa kanilang dalawa ay hindi na ako nagtangkang makialam at


tingnan sila sa labas para sa kapakanan ng mga anak ko.

Pagkalipas ng ilang sandali ay hindi ko na narinig ang galit na boses ni Kuya


Simon. Lihim akong nagpasalamat dahil mukhang kalmado na silang pareho.

Nahihirapan man dahil sa malaking tiyan ko, nagawa kong makaakyat ng hagdan patungo
sa dating silid ko rito sa bahay ng parents ko.

Hindi pala naka-lock ang pinto kaya nakapasok ako. Ayoko muna ng kausap kaya ini-
lock ko iyon bago lumapit sa kama ko at humiga.

"Mga baby ko, kapit lang kayo sa tiyan ni Mommy, ha?" sabi ko habang hinahaplos ang
malaki kong tiyan.

Napangiti ako nang sabay na bumukol ang magkabilang gilid ng tiyan ko.

"Naglalaro ba kayo, mga anak? Huwag masyadong lakasan ang sipa, baka mabutas ang
tiyan ni Mommy."

Mukhang gising na gising ang mga baby ko dahil hindi sila tumigil sa paggalaw sa
loob ng tiyan ko. At kung nandito si Lance, tuwang-tuwa na naman iyon. Gustong-
gusto niya kapag nakikita niyang gumagalaw ang mga anak namin at kukunin pa niya
ang machine para marinig niya ang heartbeat ng mga anak namin.

Naramdaman yata ng mga anak ko na sumama na naman ang loob ko nang maalala ang
ginawa ng daddy nila sa amin. Tumigil na sila sa pagsipa.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakahiga nang marinig ko ang pagkatok
kasabay ang pagtawag sa pangalan ko.

"Sheena." Agad kong nakilala ang boses ni Mama. "Buksan mo 'tong pinto, si Mama
'to," aniya pa.

Bumangon ako at pinagbuksan ng pinto si Mama. "Ma"


"Kumusta ka na? Ayos ka lang ba? Walang masakit sa 'yo?" sunod-sunod na tanong ni
Mama habang nasa mukha at boses ang pag-aalala para sa mga anak ko.

Kusa siyang pumasok at muling isinara ang pinto, pagkuwa'y inalalayan ako na
bumalik sa kama

"Anong nangyari? Tumawag sa akin ang Kuya mo at madaling-madali kaming pinauuwi ng


papa mo. Nadatnan pa namin silang dalawa ng asawa mo sa labas ng gate. Nag-away ba
sila?"

"Wala ho bang sinabi si Kuya sa inyo?" Balik-tanong ko.

"Aba'y wala. Basta ang sabi niya umuwi kami at narito ka nga raw. Pagdating naman
namin ay hindi ko na nagawang mag-usisa dahil umalis na sila."

Saan sila pupunta? "Okay na ho sila nang umalis ho?"

Nagkibit-balikat si Mama. "Parang hindi. Galit yata ang kuya mo, eh. Bakit ba? Ano
bang nangyari? Nag-away ba kayong mag-asawa at nalaman ng kuya mo kaya nagalit?"
tuloy-tuloy na usisa ni Mama.

Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga tanong niya dahil kahit papa'no ayoko pa
rin namang sumama ang loob ng mga magulang ko sa kaniya.

"Sheena," untag ni Mama.

"Kaunting misunderstanding lang ho, Ma." Pagtatakip ko sa pangloloko

sa akin ng asawa ko.

Muling umantak ang puso ko ngunit pinigilan kong umiyak sa harap ni Mama.

"Kaunti?" Nagdududa niyang tanong sabay tingin ng mataman sa akin. "

Paano naging kaunting misunderstanding kung ganiyan ang mga mata mo? Mukhang galing
ka sa matagal na pag-iyak, ah. At huwag kang umasa na maniniwala ako sa palusot mo
dahil anak kita. Kilala kita at hindi mo ugali ang umalis ng bahay niyo sa tuwing
magkakatampuhan kayong mag-asawa. Kaya sabihin mo sa akin kung anong ginawa sa 'yo
ng asawa mo para umalis ka sa inyo at para magalit nang ganoon ang kuya mo,"
mahabang litanya niya.

"Ma, kounting-

"Huwag kang magkakaila sa akin dahil bago sila umalis ng kuya mo ay nakita ko na
putok ang labi ng asawa mo. Imposible na ikaw ang may gawa niyon. Alam ko na si
Simon ang may gawa niyon, base sa masama niyang tingin sa asawa mo."

Nag-iwas ako ng tingin nang hawakan ni Mama ang kamay ko.

"Huwag kang magsisinungaling sa akin, Sheena. So anong dahilan ng pag-aaway niyo ni


Lance?"

Sukol na sukol na ako kaya wala akong choice kundi ang ikuwento kay Mama ang
pagsisinungaling ni Lance sa akin.

"Bakit niya ginawa iyon? May babae ba ang asawa mo at kailangan pa niyang
magsinungaling sa 'yo para lang makaalis ng bahay?"

"Hindi ko ho alam, Ma. Basta nitong nakaraan ho, palagi siyang balisa na parang may
problema. Sinubukan ko naman hong magtanong pero umiiwas ho siya. Ayoko naman ho
sanang pagdudahan si Lance pero bakit kailangan niyang magsinungaling sa akin,"
nabasag ang boses ko.

May awang bumalatay sa mukha ni Mama.

"Anak."

"H-Hindi ko ho alam ang gagawin ko kung sakaling may babae si L-Lance, Ma. Parang
hindi ko ho kayang tanggapin iyon..." Tuluyan na akong napaiyak.

Iniisip ko pa lamang na may ibang babae si Lance ay para na akong pinapatay sa


sakit. Paano pa kaya kapag nakumpirma ko nang babae nga niya ang kinatagpo niya.
Hindi ko yata kakayanin iyon.

"Anak, alam ko ang nararamdaman mo. Pero sana ay huwag mo munang pag-isipan ng
masama ang asawa mo. Sa tingin ko naman hindi magagawa ni Lance sa 'yo ang iniisip
mo. Mahal na mahal ka kaya ng asawa mo. 'Di ba nga ay halos hindi na siya
magtrabaho para sa 'yo? Parang ang hirap paniwalaan na lolokohin ka niya dahil lang
sa hindi mo na maibigay ang pangangailangan niya bilang lalaki. Hindi naman ganiyan
ang pagkakakilala ko sa asawa mo, eh," mahabang litanya ni Mama.

Puro pabor kay Lance ang sinasabi niya, marahil para pagaanin ang kalooban ko.
Ngunit hindi sapat iyon para gumaan ang bigat sa dibdib ko.

Namayani ang mahabang katahimikan bago muling nagsalita si Mama.

"Ganoon bang klaseng lalaki ang pagkakakilala mo kay Lance? Na iiwan ka dahil sa
s*x7"

Hindi ako nakaimik. Medyo na-guilty rin ako. Sapat na nga ba ang pagsisinungaling
niya sa akin kung sino ang pupuntahan niya para masabi ko na may ibang babae siya?

Pero bakit kasi kailangan niyang magsinungaling? Anong dahilan?

"Huwag mo munang pag-isipan nang masama ang asawa mo, Anak. Ang unfair naman sa
parte niya na ganiyan na kasama ang iniisip mo laban sa kaniya dahil sa
pagsisinungaling niya."

Napabuntong-hininga ako.

"Mag-usap kayong dalawa, Anak. Ayusin ninyo, mag-asawa kayo at hindi mag-nobyo,"
payo pa ni Mama.

Hindi na ako nakaimik at nakinig na lamang sa mga payo niya sa akin.

"Ipahinga mo muna ang isip mo. Bigyan mo muna siya ng pagkakataon para ipaliwanag
ang sarili niya. Naniniwala ako na hindi ka lolokohin ng asawa mo, Anak. Nakita at
naramdaman ko kung paano ka niya minahal at inaalagaan."

"Sana nga ho, Ma. Sana nga ho..." tanging nasabi ko.

"Tatawagan ko ang kuya mo kung saan sila pupunta ni Lance."

Tumango lamang ako at hindi na muling nagsalita hanggang sa magpaalam si Mama na


lalabas na muna para makapagpahinga ako.

Nakailang paalala pa siya sa akin na kumalma dahil bawal ang stress. Alam ko naman
iyon kaya sinikap kong matulog na lang muna kaysa ang mag-isip nang mag-isip ng mga
negatibong bagay.

PAGGISING ko, nag-aalalang mukha ni Lance ang namulatan ko.

"Anong ginagawa mo rito?" matabang na tanong ko.

Hindi ko siya kayang tingnan sa kaniyang mga mata sa takot na makumpirma na may iba
na siya.

Tinangka niya akong hawakan pero umiwas ako. Dumaan ang sakit sa mga mata niya pero
hindi ko pinansin iyon. Maski nang makita ko ang putok niyang labi ay hindi man
lang ako nahabag sa kaniya.

"Baby, let me explain, please?" Pagsusumamo niya.

"Explain? Tungkol sa pagsisinungaling mo?" Pumiyok ang boses ko.

Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama. Hindi ko siya hinayaang tulungan


akong makaupo nang maayos.

"Baby-

"Hindi ko kailangan ang tulong mo," malamig na sabi ko.

Frustrated na nahagod niya ang buhok, saka napahilamos sa sariling mukha.

"I'm sorry. I'm sorry kung nagsinungaling ako sa 'yo pero gusto kong sabihin sa 'yo
na wala akong ibang babae kagaya nang iniisip mo" Hinawakan niya ang mukha ko at
pinilit iharap sa kaniya.

Nasa mga mata niya ang pagmamakaawa.

"Oo, nagsinungaling ako kung saan ako pupunta pero maniwala ka hindi ako nambabae.
Sa tingin mo ba kaya ko talagang gawin sa 'yo iyon? Sa tingin mo, kaya ko kayong
ipagpalit ng mga anak natin para sa panandaliang ligaya at sarap? Hindi ako
perpektong tao, Sheena, pero ni minsan hindi ko inisip na ipagpalit ka sa ibang
babae."

Natigilan ako nang mamuo ang mga luha niya.

"Baby, wala akong babae. Bakit ko gagawin iyon gayong mayro'n na akong ikaw. At
sila..." sabay himas sa tiyan ko. "Kayong tatlo ang buhay ko... kayo lang, Sheena.
Please, maniwala ka naman..."

"Bakit kailangan mong nagsinungaling? Kung wala kang itinatago sa akin, hindi ka
magsisinungaling, Lance." Malamig pa ring sabi ko.

"Ginawa ko lang iyon dahil ayokong ma-stress ka pa."

Pagak akong tumawa. "At feeling mo ngayon, hindi ako stress? Lance, ang sakit, eh.
Alam mo na ayoko ng sinungaling. Mas gusto ko pang masaktan sa katotohanan kaysa
ang masaya nga pero puro kasinungalingan lang. Sa tingin mo ba hindi ako stress
ngayon? Tapos sinigawan mo pa ako na alam mong ayoko nang ganon."

"I'm sorry-" Pumiksi ako nang tangka niya akong yayakapin. "Sheena!"

"Hindi ko kailangan ang sorry mo, Lance. Ang gusto kong marinig, kung sino ang
katagpo mo at kung sino ang palagi mong kausap nitong mga nakaraan. Si Valerie
ba?!"
"Sheena!" Nanlaki ang mga mata niya.

"Siya ba ang katagpo mo?"

Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling. "No, Sheena."

"Kung hindi siya, sino?!"

"Mga pulis! Mga kakilala kong pulis! Hindi ko na alam kung sino pa ang hahagilapin
ko para lang matulungan ako. Pero isa lang ang sigurado,gagawin ko ang lahat para
maprotektahan ka! Kayo ng mga anak natin!"

"L-Lance..."

"Kung kailangang pati buhay ko ibibigay ko para lang masiguro ang kaligtasan
ninyong mag-iina ko, gagawin ko iyon. Kahit buhay ko, Sheena. Handa kong itaya para
sa 'yo... para sa inyo."

Kitang-kita ko ang iba't ibang emosyong dumaan sa mga mata niya. Takot, galit,
sakit, at pagmamahal.

GIRLONFIRE28

#vote# Thank you po sa inyong lahat!

Chapter 60

Chapter 60

SHEENA POV

"ANO BA TALAGA ang nangyayari, Lance? Ano bang problema mo?" Humulagpos na ang inis
ko

Sheena"

Kanina mo pa sinasabi na poprotektahan mo ako, kami ng mga anak mo. Kanino Sa


pagkakaalam ko wala akong kaaway Wala akong inaagrabyadong tao. Lancel

Basta pangako poprotektahan ko kayo

"Kanino nga?" Tumaas na ang boses ko na ikinatigil niya. "Paulit ulit ka na lang sa

poprotektahan na iyan, Lance. Puwede bang sabihin mo na lang kung kanino? Bakit
palagi kang may kausap na pulis? May kaaway ka ba? May gusto bang pumatay sa yo sa
akin? Sa atin? Ano?"
Sa tindi ng inis, pangamba at galit na rin ay nasigawan ko siya. Naiinis na ako sa
paulit-ulit niyang sinasabi

"Ayaw mo pa ring sabihin? Anong gusto mo, hulaan ko pa? Puwede ba, Lancel Sabihin
mo sa akin ngayon, may gusto bang pumatay sa akin at kailangan nfo akong
protektahan-

"Nakatakas si Lander"

Pakiramdam ko ay bigla akong nabingi nang marinig ang sinabi niya. Mahina lang iyon
pero para akong nabingi. Agad binundol ng matinding takot at pangamba ang puso ko

"Nakatakas sı Lander, Sheena, narinig mo ako? Nakatakas siya..."

Tila nalulon ko ang dila ko at hindi makapagsalita. O mas tamang sabihin na hindi
ko alam kung paano magri-react.

"Nakatakas ang hayup na iyon at iyon ang dahilan kung bakit palagı akong balisa,
Sheena Kung bakit kailangan kong makipagtulungan sa mga pulis para mahanap siya."
Gıgıl niyang sinabunutan ang sarili.

"Lance" Nakonsensya ako nang pagtingin niya ay nakita kong umiiyak pa rin pala siya

Sinabi ko na sa yo kung gaano katuso si Lander, 'di ba? At hindi ko alam kung
kanino pa ako puwedeng magtiwala at humingi ng tulong. Sheena. Hindi mo lang alam
na halos hindi na ako natutulog gabi-gabı para lang bantayan ka. Para lang masiguro
ko na hindi siya makakalapit sa 'yo "nabasag ang boses niya.

"Noong nasa mall tayo, nakita ko siya. Akala ko mamamalikmata lang ako, pero

nang tumawag ako sa pulis na kakilala ko pagkauwi natin ng bahay ay nalaman ko na


nakatakas pala siya dalawang araw na bago ko pa siya makita sa mall ng araw na iyon
Alam kong hindi na tayo safe sa lugar na iyon kaya niyaya na kitang umuwi," kuwento
pa niya

"Kaya ako nagsinungaling sa 'yo kanina para hindi ka na magtanong dahil ayoko nang
madagdagan ang mga kasinungalingan ko sa 'yo. Dahil ayokong malaman mo ang tungkol
dito, ayokong ma-stress ka. Ayoko nang mawala ang mga anak natin kaya hanggat kaya
ko poprotektahan kita. Hindi ko na nagawa iyon kay baby angel kaya nga bumabawı ako
sa kambal"

"Lance

"Hanggang ngayon kinakain pa rin ako ng guilt na nararamdaman ko dahil hindi ko


siya nailigtas noon. Kaya nga ginagawa ko ang lahat ngayon para sa kambal, gusto
kong bumawi, Sheena. Hindi mo lang alam kung anong klaseng takot ang naramdaman ko
nang pag-uwi ko sa bahay ay wala ka. Halos mabaliw ako sa pag-aalala at

paghahanap sa 'yo. Lalo akong natakot nang tinatawagan kita pero nasa kuwarto natin
ang cell phone mo Takot na takot ako dahil akala ko nakuha ka na niya akala ko may
nangyari ng masama sa 'yo at nabigo na naman akong protektahan ka" Walang tigil sa
paglaridas ang mga luha niya habang tila takot na takot.

"Takot na takot ako, Sheena. Lahat ng puwede mong puntahan, pinuntahan ko. Hindi mo
alam kung anong relieved ang naramdaman ko nang makita dito. Sobrang nag-aalala ako
kaya nasigawan kita, 'di ba sinabi ko sa 'yo, huwag kang aalis ng bahay. Na
hintayin mo akong makabalik pero umalis ka pa rin, eh."

Hindi na ako nakaimik. Tila nalulon ko na ang dila ko sa sano't saring damdamin
habang nakikinig sa sinasabi ng asawa ko.

"Balewala ang pambubugbog ni Simon sa akin kanina. At kung sakaling napatay niya
ako kanina dahil akala niya niloloko kita.. okay lang. Okay lang, Sheena, mamatay
pa rin akong nakangiti dahil bago ako nawala sa mundo sigurado naman ako na ligtas
ka. Na hindi ka napahamak. Na hindi napahamak ang mga anak natin. Walang patid sa
pagtulo ang mga luha niya.

"Mahal na mahal kita, sana alam mo iyan, Sheena. Kung kinakailangang ibigay ko ang
sarili kong buhay kay Lander para tigilan niya tayo, gagawin ko. Hindi bale nang
ako ang mawala huwag lang ang mga anak natin...huwag lang ikaw.. huwag lang kayong
mag-iina ko."

Hilam ang luhang natutop ko na lang ang bibig ko. Nilukob nang matinding konsensya
ang puso ko. Hindi ko lubos maisip na nagawa ko siyang pagdudahan gayong puro ako
ang laman ng isip niya. Na puro para sa akin pala ang

ginagawa niya

T'm sorry..." Mayamaya ay mahinang sambit ko.

Kahit luhaan ay nagawa pa rin niya akong ngitian.

"Huwag mong pagdudahan ang lalim ng pagmamahal ko para sa 'yo. Hindi ako
maghihintay ng dekada para lang mapasa akin ka tapos lolokohin lang kita"

I'm sorry, B-Bakit kasi palagi mong inililihim sa akin ang tungkol sa kaniya?

"Dahil ayokong madamay ka sa mga kabaliwan niya."

"Pero damay pa rin naman ako dahil asawa mo 'ko. At dahil sa kakalihim mo,

pinag-isipan pa kita ng masama"

"Okay lang"

"Hindi okay iyon, Lancel Sa kagustuhan mong protektahan ako ang ending
nagkakasakitan lang tayo. Kung sa una pa lang inamin mo na sa akin ang totoo at
least dalawa tayong lalaban. Dalawa tayo na poprotekta sa mga anak natin.
Responsibilidad natin sila, bakit ang hilig mong solohin?"

"Dahil gusto kong bumawi. Hindi ko nagawa kay baby angel iyon, kaya ngayon ay
gagawin ko sa kambal natın"

Napasibi ako na parang bata. Ngumiti si Lance at niyakap ako nang mahigpit.
Mahigpit na mahigpit na para bang may aagaw sa akin mula sa kaniya.

Binitawan lamang niya ako nang magreklamo na ako na naiipit ang tiyan ko.

Bahagya lamang siyang lumayo at pagkuwan pinagdikit ang mga noo namin habang
magkahinang ang aming mga mata.

"Hanggang wala pa akong balita kung nasaan si Lander, dito ka muna, ha? At least
dito may kasama ka kapag kailangan kong umalis saglit"

"Dito ako, tapos ikaw? Saan ka?"

"Babantayan kita. Sa tabi-tabi lang ako, magmamasid ako sa 'yo"


"Hindi na tayo magkakasama?"

Sinapo niya ang mukha ko

"Pansamantala lang iyon. Kailangan lang na mahanap agad si Lander. May nakausap na
akong agent na tutulong sa akin para madaling ma-trace kung nasaan siya. Pero
malakas ang kutob namin na nasa paligid lang siya, nagmamasid."

Binalot ng kaba ang buong pagkatao ko sa sinabi ni Lance. Kung gano'n, hindi talaga
ako pwudeng maglalabas muna. At ngayon ko mas naunawaan kung bakit gano'n na lang
ang galit ni Lance sa akin kanina. Alam ko na kung saan nanggagaling ang gigil niya
para masigawan ako nang ganon.

Nang ma-realize ang mali ko ay muli akong humingi ng pasensya sa asawa ko. At hindi
naman siya nagdalawang-isip na ibigay sa akin iyon.

Nang matapos ang mahabang pag-uusap namin ay saka pa lamang kami ganap na
nagkaintindahan.

Pumayag ako na dito na muna ako sa bahay ng mga magulang ko. In-assure naman niya
sa akin na may mga bantay kami rito just in case na magkamali si Lander na puntahan
ako rito. Pero sinabi rin naman niya na hindi basta basta magpapakita si Lander
dahil wanted siya ngunit sinabi rin ni Lance na hindi pa rin kami dapat

magpakampante.

Tuso si Lander, iyon ang paulit-ulit niyang pinapaalala sa akin

At ngayong alam ko na ang totoo, wala akong ibang gagawin kundi sundin ang lahat ng
gusto niya

NANG sumunod na mga araw ay dito na nga ako kila Mama tumira pansamantala

Nalaman na rin nila ang tungkol sa pagkakatakas ng kapatid ni Lance kaya pati sila
ay todo protekta sa akin Hindi ako iniwang mag-isa sa bahay ni Papa at Mama, lalo
na kapag wala si Lance na abala sa pagtulong para matugis ang baliw na kapatid.

Si Kuya Simon at Lance, okay naman sila ngunit ramdam ko ang gap sa pagitan nila
nitong mga nakaraan. Hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang ayaw magbaba ng
pride kaya hindi pa rin sila bumabalik na kagaya ng dati. Or baka pareho sila-
Sunod-sunod na katok ang nagpahinto sa iniisip ko.

Sheena? boses ni Mama

Bukas po iyan, Ma. Pasok po"

Bumukas naman ang pinto at pumasok si Mama na may dalang isang baso ng

gatas.

Inumin mo muna to"

"Salamat po, Ma pasalamat ko nang tanggapin ko ang baso. "Si Papa po?"

"Nasa baba lang Hinihintay ang pagdating ng doktor mo

"Gano'n po ba? Sina Kuya Simon at Lance po, wala pa po bang tawag na pabalik na
sila?"
Maaga kasing umalis ang dalawa kanina. Magkasama sila kapag umaalis. "Wala pa Pero
nag-text ang kuya mo na maayos silang dalawa ng asawa

mo."

"Okay po

Ininom ko na ang gatas. Pinatapos muna ako ni Mama bago nagtanong.

"Galit pa rin ba sila sa isa't isa?" Tukoy niya sa magkaibigan.

"Hindi ko po alam, Ma. Mukhang okay naman po sila, hindi lang ho masyadong nag-
uusap.Napabuntong-hininga si Mama at umupo sa may paanan ng kama ko.

"Sana'y bumalik na sa dati ang dalawang iyon. Napatunayan naman na ni Lance na


hindi ka niya niloloko, eh Nagpapasuyo pa siguro ang kuya mo, na ewan ko kung bakit
siya iyong nagpapasuyo eh siya iyong nambugbog Gusto pa yata na si Lance ang mag-
sorry sa kaniya"

"Baka nga ho, Ma-"

Naputol ang pag-uusap namin ni Mama nang bumukas ang pinto at sumilip si Papa.

"Nandito na ang doktor mo, Sheena, pagbibigay alam niya, saka niluwagan ang bukas
ng pinto

Pinapasok niya ang mabait na doktora.

"Kumusta ka na, Hija?" aniya

"Mabuti naman po, Dra"

Umalis si Mama sa may paanan ko at nagbigay daan sa doktora.

"Good Wala bang masakit sa 'yo?"

"Wala naman ho. Maliban lang po sa madalas akong kisigin lalo na sa gabi Kagaya
nang dati, sinabi niya uli na normal sa buntis ang kisigin. Tinuruan naman niya si
Lance at ako kung paano makakatulong para mapabilis ang pagkawala ng pulikat

"Ang lakas ng baby mo, ah" aniya habang pinapakinggan ang heartbeat ng mga

anak ko. "Magiging every week na ang check up ko sa 'yo, ha? Mas kailangan kitang

i-monitor, Hija. Sana lang i-mentain mo ang timbang mo hanggang sa dumating na ang
araw ng panganganak mo. Kailangan mong mas mag-doble ingat dahil baka biglang magka
problema kapag nagli-labor ka na

Marami pa siyang payo sa akin at lahat nang iyon ay sinang-ayunan ko

"Kaunting panahon na lamang naman at lalabas na ang mga anak mo Dra. Gusto ko po
sanang mag-normal delivery."

Ngumiti ang mabait na doktora. "Nakakabilib ang katapangan mong mag-normal

delivery kahit kambal ang anak mo. Lalo na't first time Mom ka dahil karamihan sa

naging pasyente ko, gusto ay via C-section kahit hindi naman kambal ang
ilalabas nila."

"Gusto ko pong maranasan ang panganganak in a natural way po sana" Lalong gumanda
ang ngiti niya, sabay tapik sa braso ko.

"No problem, Hija. Basta makisama nang maayos ang BP mo, wala naraang problema na
mag-normal delivery ka. You're in the third and final trimester, Hija. So, it's
safer for your twins to be born at 36 weeks. May 5 weeks na lang tayong hihintayin
para sa paglabas ng mga baby mo."

"Salamat po, Dra. Hindi po ako makakarating sa stage na to kung hindi dahil sa pag-
aalalaga ninyo sa akin at sa mga baby ko," taos pusong pasasalamat ko.

Salamat din sa yo dahil naging masunurin ka sa lahat ng bilin at payo ko. Hindi
madali pero ginawa mo at dahil diyan, ngayon pa lamang ay nakikita ko nang magiging
isang mabuting ina ka sa mga anak mo. At naniniwala ako na kaya ka Niya binigyan ng
dalawa ay alam Niya rin na magiging ulirang ina ka. Na kaya mo ang responsibilidad
sa kanilang dalawa. Ganiyan kalaki ang tiwala Niya sa 'yo, Hija"

Parang kiniliti ang puso ko sa pahayag niya.

Marami pa siyang kapuri-puring sinabi sa akin at sa pagiging masunurin ko sa kaniya

"Oh, paano? Mauuna na rin ako, Hija. Basta expect me every week para ma-monitor
kita" aniya at nagpaalam na

"Salamat po ulit, Dra, pahabol ko nang nas may pinto na siya.

"You're welcome. Ingatan ang sarili. 5 weeks na lang at mahahawakan mo na ang mga
anak mo. Take care of yourself. Bye!" "Bye po, salamat

Tuluyan nang lumabas ang doktora.

"Thahatid ko lang, anak," ani Mama at sumunod kay Dra. Palabas ng kuwarto ko

Nakangiting nahimas ko ang tiyan ko

"Narinig niyo iyon, mga anak? 5 weeks na lang magkikita-kita na tayo ng daddy
ninyo. I'm so excited to see you both"

Bigla akong nasabik nang malaman ko na 5 weeks na lang ang paghihintay ko bago ko
tuluyang mahawakan at makita ang mga anak namin ni Lance. Sobrang saya pa rin dahil
sa wakas, nalampasan ko ang lahat. Na umabot ako sa ganitong punto

Mas magiging masaya po ako, Lord, kung mahuhuli na uli si Lander. Nang sa gayon po
ay panatag na ang mga isip naming lahat. Nang sa gayon po ay palagi na lang sa tabi
ko ang asawa ko

Sana po hindi pa kalabisan kung hilingin ko na sana ay madakıp na ang lalaking


lyon. Sana po, Diyos ko

KINAGABIHAN, magkasamang dumating ang kapatid at asawa ko. Kinumusta lang ako ni
Kuya at lumabas na rin

Narwan kaming dalawa ni Lance. Napansin ko na parang balisa na naman siya Hindi ko
na kailangang magtanong, alam ko nang negative ang lakad nila

Ginagap ko ang kamay niya na ikinatingin niya sa akin


Nagtama ang mga mata namin Habang magkahinang ang mga tingin namin ay dinala ko sa
ibabaw ng tiyan ko ang kamay niya

Hindi ako nagkamali dahil unti-unting gumuhit ang magandang ngiti niya nang
maramdaman na gumagalaw ang mga anak namin

"Ang lilikot nila"

"Nagpapakitang gilas sa daddy, eh. Miss ka na raw kasi nila

I missed you both, mga baby ko, malambing na sabi niya sabay baba ng ulo sa tiyan
ko

Matunog niyang hinalık halikan ang tiyan ko

"Mahal na mahal ko kayo, mga anak Sana'y magkita-kita pa tayo Sana'y makita niyo pa
ako

Hindi ko alam kung bakit parang tinambol ng kaba ang dibdib ko s sinabi ni Lance

"Lance, bakit ganiyan ka magsalita?"

Nag-angat siya ng tingin. "Na?"

"Natural na magkikita-kita kayo ng mga anak natin"

"Yeah, sabi ko nga" Nakangiting sagot niya na para bang walang masama sa sinabi
niya

Eh, bakit may sana^ 7^ prime prime

"Ha? Sinabi ko ba iyon?" lyon lang at ang tiyan ko na naman ang pinagtuunan niya ng
pansin

Hindi ako mapakali dahil sa sana na sinabi niya. Iba ang dating niyon sa akin.
Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko ng mga sandaling yon.

GIRLONFIRE28

#vote# Thank you..... Good night!

Chapter 61

Chapter 61

LANCE POV

"SI SHEENA?"
Natigilan ako sa paghigop ng kape nang marinig ko ang boses ni Simon. Nilingon ko
siya at nakatayo siya sa bungad ng pinto ng kusina nila.

"Tulog na," maikling sagot ko at ibinalik ang atensyon sa kape ko

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.

"Gabing-gabi na kape pa rin?"

Hindi ako nagkomento. Inubos ko lang ang laman ng tasa ko, saka tumayo para
magtimpla uli. Hindi ko na alam kung pang-ilan ko na 'to ngayong gabi.

Pakiramdam ko acidic na ako sa sunod-sunod na pagkakape nitong mga nakaraan pero sa


kagustuhan kong mabantayan ang asawa ko ay ginagawa ko talaga.

Mula nang makatakas si Lander at hindi pa nahuhuli uli ay halos hindi na ako
tutulog para lang masiguro ang kaligtasan ng mag-iina ko. Ilang linggo na akong
tulog manok.

Pagkatapos kong magtimpla ay bumalik ako sa mesa.

Dalawang tasa ng kape ang tinimpla ko. Walang imik na inabot ko kay Simon ang isa.

"Salamat," aniya nang abutin ang tasa. "Wala bang lason 'to?"

"Mayro'n."

Napatawa siya. "Ikamamatay ko ba agad?"

"Sana."

"Mawawalan ka ng guwapong kaibigan niyan."

Hindi ako umimik.

Umupo siya sa silyang katapat ng inuupuan ko. "Pang-ilang kape mo na iyan?"

"Hindi ko na binilang," sagot ko habang sa kape nakatutok ang mga mata ko.

Namayani ang mahabang katahimikan.

"Anong balita sa kapatid mo? May lead na ba kung saan siya nagtatago? aniya
kapagkuwan.

"Negative"

"Tutulong ako sa paghahanap sa gagong iyon."

Doon ako nag-angat ng tingin. Nagtama ang mga mata namin.

Nagsukatan kami ng tingin. Mula nang bugbugin niya ako hindi pa kami nag-uusap nang
maayos. Ramdam ko na nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin. Though,
naiintindihan ko ang naging reaction niya ng araw na iyon pero nasaktan ako hindi
dahil sa mga suntok na pinakawalan niya sa mukha ko, kundi dahil pinagdududahan
niya ang pagmamahal ko sa kapatid niya.

Walang nagbaba o nag-iwas ng tingin sa aming dalawa,

"Unahan na lang tayo. Dahil kapag ako ang unang nakahanap sa kaniya, ako mismo ang
tatapos sa kapatid mong baliw. Mas'yado na siyang perwisyo sa buhay nating lahat,
Lance," tiim-bagang na aniya.

"Kung noon pa natin siya tinuluyan, hindi sana tayo nag-aalalang lahat ngayon dahil
sa pagkakatakas niya."

Dama ko ang galit sa boses niya. Hindi ako umimik.

"Malapit ng manganak ang asawa mo. At sana lang mahanap na ang kapatid mo bago pa
man dumating ang araw na iyon."

Nagulat ako nang hampasin niya ang lamesa dahilan para matapon sa kamay ko ang
mainit na kape.

"Tarantado ka ba?" angil ko sabay ihip sa napaso kong kamay.

Pero ngumisi lang si Simon.

"Hindi ka kasi nakikinig. Ang sabi ko, sana mahanap na ang kapatid mo bago pa
manganak ang asawa mo."

"Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para sa mag-iina ko. Ipapamukha ko sa
'yo kung gaano ko sila kamahal. At kung gaano sila kahalaga sa buhay ko."

Tinapunan ko siya ng masamang tingin nang tumawa siya sabay kamot sa ulo.

"Pasensya na," mapagkumbabang sabi niya kapagkuwan. "Hindi ko naman sinasadyang


saktan ka ng araw na iyon. Nadala lang ako ng emosyon ko. Kapatid ko iyong
sinigawan at sinaktan mo kaya nagpantig ang tainga ko. Pasensya na."

"Tss."

"Pasensya na talaga sa ginawa ko."

Napabuntong-hininga na lang ako at walang kibong inubos ang kape ko. Magtitimpla na
naman sana ako nang awatin niya ako.

"Tama na iyan, Lance. Baka iyang kape na ang ikamatay mo."

"Tss. Pabayaan mo nga ako, kailangan ko ito para labanan ang antok."

"Hindi mo na kailangang labanan. Bumalik ka na sa kuwarto ninyo ng asawa mo at


matulog. Ako muna ang bahala sa inyo."

Hindi ako nakakibo hanggang sa siya na mismo ang nagtulak sa akin palabas ng
kusina.

"Umakyat ka na. Ako muna ang bahala rito," ulit niya.

"Huwag ka ng tumanggi, pambawi lang 'to sa ginawa ko sa 'yo noong nakaraan."

Nagdalawang-isip ako pero sa huli, siya rin naman ang nasunod,

Bumalik ako sa kuwarto naming mag-asawa at pinilit na makaidlip kahit papa'no.

Ang idlip na plano ko ay hindi nangyari dahil paggising ko ay maliwanag na.


Napapikit pa ako nang tumama sa mga mata ko ang sikat ng araw na tumatagos sa
nakahawing kurtina.
Nang masanay sa liwanag ang mga mata ko, si Sheena agad ang hinanap ko. Napuno ng
kasiyahan ang buong pagkatao ko nang makita siyang himbing na natutulog sa tabi ko.

Masuyo kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya, tumagal iyon sa malaki niyang
tiyan. Anytime soon ay manganganak na siya.

Bumaba ang ulo ko sa tiyan niya at pinatakan iyon ng maliliit na halik.

"Mahal na mahal ko kayo, mga anak. Kamukha ko ba kayo o ang mommy ninyo? Sana tig-
isa kami para masaya."

Minsan ko pang pinaghahalikan ang tiyan ni Sheena bago maingat na umalis sa kama.
Dumiretso ako sa banyo at mabilis na naligo.

Eksaktong paglabas ko ng bathroom nang narinig kong tumunog ang cell phone ko.
Dali-dali kong kinuha iyon at mahinang sinagot

"Hello?" Walang sagot mula sa kabilang linya. "Hello?"

Nakailang hello na ako ngunit walang nagsasalita.

"Hello? Sino ka ba?" gigil na tanong ko.

Nang wala pa ring sumagot ay pinatay ko na at binlock ang numero na iyon para hindi
na makaabala pa.

Kasalukuyan akong nagbibihis nang may tumawag uli sa akin. Ang pulis na kaibigan ko
at sinabing may lead na sila kung saan nagtatago si Lander.

"Sasama ako." Pinal na sabi ko, saka tinapos ang pagbibihis.

Binigyan ko ng matunog na halik ang asawa ko na tulog pa rin, saka nagmamadali nang
bumaba at lumabas.

"Saan ka pupunta?"

Mabilis akong napalingon nang marinig si Simon. Kunot ang noo niyang naglakad
patungo sa akin.

"Saan ka pupunta?"

"May pupuntahan lang ako."

"Saan?"

"Tumawag ang kaibigan kong pulis, may lead na sila kung nasaan si Lander at sasama
ako sa paghuli sa kaniya. Hindi ako papayag na makatakas na naman siya."

"Sasamahan kita-^ prime prime

"Huwag na. Stay here," tanggi ko.

"Sasama ako, Lance."

"No. Maiwan ka na rito, please? Kailangan ng bantay ni Sheena, Simon. I can take
care of myself."

Rumehistro ang pagtutol sa mukha niya pero ako ang nasunod sa huli.
"Babalik ka, Lance. Mainit, buhay at humihinga!" pahabol niya nang makasakay na ako
ng sasakyan.

Tumango ako. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa may bintana sa gilid ng
driver's seat.

"Take care of my wife, Simon. What ever happens, please, please, take care of them.
Take care of my family..." Pinisil ko pa ang kamay niya.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Pvtang'na ka, Lance, bumalik ka." Malutong na mura niya sabay sapok sa ulo ko.
"Bumalik ka, tang'na ka!"

"Ang pamilya ko, Simon.. ang pamilya ko."

Pagkasabi ko niyon ay agad ko nang pinaharurot paalis ang sasakyan

ko. Tanging usok na lamang ang naiwan kay Simon na mula sa side mirror ay nakita
kong habol niya ako ng tingin.

Ano man ang mangyari, isa lang ang sisiguraduhin ko na hinding-hindi

siya makakalapit sa pamilya ko.

Pagkalipas ng mahabang sandali, nakarating ako sa lugar na sinasabi ng kaibigan


kong pulis.

Eksaktong paghinto ko sa tapat ng isang dating gasoline station ay tumunog ang cell
phone ko.

Sa pag-aakalang ang pulis na kaibigan ko ang tumawag ay sinagot ko agad ang tawag
na hindi tinitingnan ang numero.

"Hello, little brother of mine."

Nilukob ng matinding poot at galit ang dibdib ko nang mabosehan ang nasa kabilang
linya.

"Nasaan ka? Demonyo ka talaga, Lander!" Tumawa siya.

"Nasa tabi-tabi lang ako, Lance. At alam mo bang gustong-gusto kong makipaglaro sa
'yo ng hide and seek? Ang sarap mong pagmasdan habang natataranta sa paghahanap sa
akin," aniya at humalakhak pa.

"Baliw! Isa kang baliw, Lander!"

Ngunit lalo lang lumakas ang tawa niya.

"Kung alam ko lang na makakatakas ka sana tinapos na kita--"

"At iyan ang malaking pagkakamali mo, ang makampante na mabubulok ako sa mabahong
selda na iyon. At ngayong nakatakas ako, pagbabayarin kita sa lahat ng ginawa mo.
Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko na maranasan ang normal na buhay dahil palagi
akong hina-hunting ng mga alagad mo. But you know what funny is? lyong malayo pa
lang kayo naaamoy ko na kayo kaya hinding-hindi niyo ako mahuhuli

"Hayup ka, Lander!" Halos sumigaw na ako.


Nagtaas-baba ang dibdib ko.

"Nasaan ka?! Kung talagang matapang ka, magpakita ka sa akin. One on one tayong
dalawa para matapos na 'to!"

Tumawa siya. "Excited? Ayaw mo na ba ng hide and seek, little brother?"

"Wala akong panahon para makipaglaro sa 'yo! Tapusin na natin 'to, Lander. Isa lang
ang puwedeng matira sa ating dalawa!" Mariing usal ko.

"Nag-i-enjoy pa akong paglaruan ka. But don't worry, darating tayo diyan. Pero bago
ikaw, uunahin ko muna ang pamilya mo-"

"Habang nabubuhay ako ay hinding-hindi mo malalapitan ang pamilya ko! Mapapatay mo


muna ako bago iyon mangyari!"

Tumawa siya.

Nakuyom ko ang mga kamao ko. "You are nothing then and now but a little peace of s
^ t Lander. Isa kang demonyo at kung bibigyan ako ng pagkakataong mamili ng
magiging kadugo, hinding-hindi kita pipiliing hayup ka!"

Nagngangalit ang kalooban ko.

"Magpakita ka sa akin ngayon. Hindi ko kayang pumatay pero para sa pamilya ko,
gagawin ko."

"You're so sweet, Lance. I'm so proud of you." Patuyang sabi niya.

"Saan ka?!" sa halip ay tanong ko.

"I'm here, watching you right now. Say my regards to your dear wife, Lance."

Hindi ako nakakibo.

"Hindi ko pa siya natitikman pero titikman ko rin siya soon."

"Pvtang'na mo!" Sigaw ko at pinagpatayan siya ng tawag.

Hindi pa man ako nakakabawi sa sobrang galit nang muling tumunog ang cell phone.
Pero sa pagkakataong 'yon ay tiningnan ko muna kung sino, ang kaibigan kong pulis.

"Where are you?" Kaagad niyang bungad sa akin.

Sinabi ko kung nasaan ako. Natahimik siya sa kabilang linya at pagkuwa'y sunod-
sunod na nagpakawala ng buntong-hininga.

"What happened?"

"Lance, nakatakas na naman siya. Nandito na kami sa loob, nahaluglog na namin ang
buong area pero walang Lander na nakita. Pero may nag-confirm na nakita siya rito,
mukhang nakatunog siya bago pa man kami dumating"

Nanlulumong napasubsob na lamang ako sa manibela at pagkuwa'y napatuwid din ng upo


nang maalala ang sinabi ni Lander na nasa tabi-tabi lang siya.

Agad kong ipinagbigay alam kay Edwin ang tungkol sa bagay na iyon.

"Okay, we will search the area again."


"Thank you."

Pagkatapos ng tawag ay ibinalik ko na sa bulsa ko ang cellphone at pinaandar ang


sasakyan.

Binagtas ko ang makipot na daan patungo sa looban kung saan kumpirmadong nagtatago
si Lander. Malakas ang pakiramdam ko na hindi pa siya nakakalayo dahil ayon sa
kaniya ay nakikita niya ako.

Itinigil ko ang sasakyan ko sa likuran ng isang pulis car. Dala ko ang lisensyadong
baril na bumaba ako ng sasakyan.

Agad ko namang nakita ang ilang pulis na nagsasagawa ng search and operation.

Sumali ako sa paghahaluglog sa buong lugar pero bigo kami. Walang Lander na nakita.

Nanlulumong napahilamos na lamang ako at sumama na palabas ng building na iyon.

"Pasensya ka na, P're. Mukhang natunugan tayo ng kapatid mo," hinging paumanhin ni
Edwin, ang pulis na kaibigan ko.

Napabuntong-hininga ako.

"Sana ma-trace agad kung saan siya pumunta."

"Makakaasa ka, P're. Malaking tulong sa amin ang ibinigay mong record ng naging
pag-uusap ninyo kanina. Magagamit natin iyon na malakas na ebidensya laban sa
kaniya para mas madagdagan ang kaso niya. Huwag kang mag-alala, hindi kami titigil
sa paghahanap sa kaniya," pangako niya.

"Salamat, P're. Sana nga'y makatulong ang ibinigay ko sa inyo para matunton na
natin siya sa lalong madaling panahon. Hindi ako nag-aalala para sa sarili ko, mas
nag-aalala ako para sa pamilya ko."

Tinapik-tapik niya ang balikat ko. "Gagawin namin ang lahat para ma-trace ang
location niya."

Tumango ako at tinanggap ang pakikipagkamay niya bago kami tuluyang umalis sa lugar
na iyon na bigo.

Naka-convoy ako sa kanila.

NANG may madaanan akong gasoline station, surmenyas ako na mauna na sila dahil
magpapa-gas muna ako bago umuwi.

Bumaba rin muna ako habang nagsasalin ng gas ang gasoline boy para umihi.

Hindi naman nagtagal ay tapos na ako at agad na nagbayad bago sumakay.

Umalis na rin naman ako roon kapagkuwan.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo sa gasoline station nang makarinig ako ng
kaluskos mula sa likuran ko.

Kaagad akong naalerto at tangkang bubunutin ang baril ko gamit ang libreng kamay
nang maramdaman ko ang malamig na metal sa tapat ng sentido ko. Mula sa rearview
mirror ay nakita ko na dulo pala ng baril iyon.
Napalitan akong ihinto ang sasakyan ko.

"Subukan mong kumilos at sasabog ang utak mo." Rinig ko mula sa napaka pamilyar na
boses.

Lander.

Bahagya ko siyang nilingon habang nakatutok pa rin sa ulo ko ang dulo ng kaniyang
baril.

Hindi pala siya nag-iisa sa backseat, may katabi siyang isang lalaki na ngayon ay
may nakatutok na patalim sa tagiliran ko.

Sunod-sunod akong napalunok nang maramdaman ko na sabay na dumiin iyon sa tagiliran


at ulo ko dahilan para makaramdam ako ng kaunting hapdi.

Pero hindi ako nagpakita ng pagkatakot.

"Hindi mo ba kayang humarap sa akin na ikaw lang mag-isa?" Patuyang sabi ko.

"I can."

"Really? Bakit may kasama ka?"

Lander smirked at me. "Because Daddy wanted to. You knew him well, sigurista iyon."

Natigilan ako. Daddy? Ang demonyong iyon? Buhay pa pala ang demonyong iyon?

"You looked tense, little brother. Are you excited to see him again after how many
long years?"

"Anong kailangan niya sa akin?!"

"You will find out later. Siguro kagaya nang dati, your body" Aniya at humalakhak
na parang demonyo.

Pakiramdam ko ay tinakasan ng kulay ang mukha ko sa sinabi niya.

"Our dad is waiting for you."

Akma akong kikilos nang may tumakip na kung ano sa ilong at bibig ko. Ilang sandali
lang ay unti-unti nang dumilim ang paligid ko.....

SHEENA POV

HABANG palapit nang palapit ang araw na pinakahihintay naming lahat, palala nang
palala ang pag-aalala ko.

Hindi ako pinapatahimik ng salitang lumabas sa bibig ni Lance noon at hanggang


ngayon ay pinakaiisip ko pa rin iyon. Ayokong mag-isip nang masama ngunit hindi ko
maiwasan.

Kaya sa tuwing aalis si Lance, literal na parang sinasakal ng matinding takot ang
dibdib ko at kapag umuuwi naman siya ay napapaiyak talaga ako sa labis na tuwa.

Tulad na lamang ngayon, paggising ko kanina ay wala na siya sa tabi ko. At nalaman
ko kay Kuya Simon na umalis pala, na hindi pumayag na samahan niya dahil walang
maiiwan sa akin.
Habang lumilipas ang mga oras ay pakaba nang pakaba ang pakiramdam ko. Ayon kay
Kuya ay umaga pa siya umalis at magtatanghali na pero wala pa siya.

Lalo akong nilamon ng kaba nang subukan ko siyang tawagan ngayon pero hindi ko ma-
contact ang number niya.

"Lance, baby, nasaan ka na?" Naiiyak na ako sa nerbyos.

Hindi na ako mapakali sa kuwarto ko. Kahit hirap na hirap sa laki ng tiyan ay hindi
ko napigilang magpalakad-lakad.

"Lance, please? Umuwi ka na... umuwi ka na."

Napahinto ako sa pagpapa roo't parito nang may mahulog. Lumikha ng malakas na ingay
iyon.

Tuluyan na akong napaiyak nang makita ko na ang wedding portrait namin ni Lance ang
nahulog.

Natutop ko ang bibig ko. Basag ang bubog na salamin ng wedding portrait namin.

"Oh, my God! Lance..." Nilukob ng takot ang buong pagkatao ko lalo na nang maalala
ang kasabihan na kapag may nabasag, ay masamang pangitain.

"Oh, God...please, huwag po." Napahagulhol ako pero agad ding napahinto nang
maramdaman ko ang pagbulwak ng kung ano mula sa pagitan ng mga hita ko. Kasabay
niyon ang pagsalakay ng kirot sa tiyan ko.

Kirot na unti-unting naging matinding sakit.

"Kuya! Kuya!" Napasigaw ako nang makita ang dugo sa sahig.

"Kuya! Kuya Simon, help!"

Narinig ko ang mabilis na yabag paakyat ng hagdan.

"Kuya, tulong! Tulong! Tulong!"

Chapter 62

Chapter 62

62 SHEENA POV

"KUYA, ANG SAKIT!" Halos sumigaw na ako sa tuwing hihilab ang tiyan ko.

Kung kanina ay kaya ko pang tiisin ang sakit ngayon ay hindi na.
"Kuya! Ang sakit! Ang sakit..." Umiiyak na ako habang hindi na alam kung anong
puwesto ang gagawin sa backseat.

"Kuya, hindi ko na kaya!"

"Hingang malalim, bunso. Malapit na tayo sa hospital." Natataranta na rin si Kuya


at tila nakikipag karera kay kamatayan sa tulin ng pagmamaneho.

Napasigaw na naman ako nang humilab ang tiyan ko. Kung kanina ay parang kada
tatlong minuto, ngayon ay maya't maya na.

"Kuya, hindi ko na yata kaya..."

"Damn it! Don't say that, Sheena! Kailangan mong kayanin iyan! Huminga ka nang
malalim. Malapit na tayo sa hospital!"

Napapikit na lamang ako habang walang tigil sa paglandas ang mga luha ko.

"L-Lance... nasaan ka na ba kasi? K-kailangan kita, Lance..."

Lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung nasaan ang
asawa ko at kung ano na ang nangyari sa kaniya.

"Ma, sumunod na kayo agad!" Dinig kong sabi ni Kuya.

"Opo, malapit na kami pero si Sheena! Natataranta ako, Ma!" Tila may sinabi si Mama
dahil natahimik si Kuya.

"Opo, Ma. Hindi ko po alam, kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya
sumasagot. I don't know, Ma. Mamaya na po tayo mag-usap, malapit na kami."

"K-Kuya... h-hindi ko na kaya." Sa sinabi kong iyon ay muling magmura si Kuya.

Nang mga sandaling 'yon ay para na akong inilulubog sa hukay sa sobrang sakit.
Idagdag pa ang dugong umaagos sa binti ko patungo sa sahig ng sasakyan ni Kuya.

Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan at ang pagbukas ng pinto sa may gilid ko.

"Sheena! Sheena, please, kayanin mo. Nandito na tayo," ani Kuya at isinampay ang
isang braso ko sa balikat niya.

"Hold on, bunsol Hold on, please.."

Sa nanlalabong mga mata, nakita ko ang pagdating ng dalawang humahangos na nurse


habang tulak ang stretcher.

"Pakialalayan sa paa, please?" Dinig kong hiling ni Kuya bago ko naramdaman na


umangat ang katawan ko.

"K-Kuya, si L-Lance kailangan ko s-siya," mahinang sambit ko. Tila hangin na lamang
iyon na lumabas sa bibig ko.

"Tawagan mo siya, kailangan ko ang asawa ko...

"Darating siya, Sheena. Darating siya dahil nangako siya sa akin."

"Ang mga anak ko..." humikbi ako.


Mahigpit na hinawakan ni Kuya ang kamay ko habang sakay-sakay ako ng stretcher.

"Ang buntis! Naku, ang daming dugo!"

"Unahin niyo siya!"

"Tabi kayo! Tabi!"

"Diyos ko, ang babae!"

Ilan lang sa nauulinigan ko sa palagid ko.

"Sheena, nandito na tayo!" si Kuya na hindi binibitawan ang kamay ko.

Lance, ikaw dapat ang nasa posisyon ni Kuya. Ikaw dapat ang may hawak sa kamay ko
ngayon. Ikaw dapat ang nagpapalakas ng loob ko pero bakit wala ka? Bakit...?

"Anong nangyari sa pasyente?" anang boses babae.

"Bigla na lamang pong dumaing ng sakit ng tiyan. Manganganak na ho yata siya, Dok.
Please, gawin niyo po ang lahat para sa kapatid ko! At para mailabas ng ligtas ang
mga pamangkin ko."

"Ilang buwan na ang ipinagbubuntis--"

"Dok, hindi ko alam!" sigaw ni Kuya.

lyon na ang huling narinig ko bago tuluyang magdilim ang paligid ko.

PAGGISING ko, puting kuwarto ang unang nakita ng mga mata ko Umikot ang tingin ko
sa paligid, napansin ko na may mga aparatong nakakabit sa kamay ko, at sa ilong ko

Ang mga anak ko... Sa isiping 'yon ay agad na dumako ang tingin ko sa tiyan ko.
Malaki pa rin iyon ngunit wala ng matigas nang kapain ko gamit ang kamay na walang
nakakabit na aparato.

Ang mga baby ko. Awtomatikong naglaglagan ang mga luha ko nang masiguro na wala na
sila sa tiyan ko.

Wala akong nagisnang kasama sa kuwarto kaya wala akong

mapagtanungan kung nasaan ang mga anak ko.

Gusto kong makita ang mga anak ko. At sa isiping yon ay pinagtatanggal ko ang mga
nakakabit sa ilong at braso ko. Akma akong babangon pero malakas na daing ang
kumawala sa bibig ko nang maramdaman ang matinding kirot sa bandang puson ko.

Ngunit hindi ako sumuko. Muli akong nagtangkang bumangon at sa pangatlong subok ay
kinaya ko kahit sobrang sakit ng buong katawan ko. Wala akong gustong gawin ng mga
sandaling kundi ang makita ang mga anak at asawa ko.

"Guest ko silang makita-Aah!" Napadaing ako at bumalik sa pagkakahiga

Huminga muna ako ng malalim bago uli bumangon. Eksakto namang bumakas ang pinto at
napaawang ang bibig ni Mama nang makita ko.

"Sheena! Anong ginagawa mo?!" Nasa boses ni Mama ang labis na takot habang
nakatutok sa tiyan ko ang tingin. "Diyos ko! Dok! Dok, ang anak ko, Dok!" Hiyaw ni
Mama at patakbo akong dinaluhan.
"Anong ginawa mo? Bakit mo inalis ang mga nakakabit sa 'yo? Diyos ko, Dok!" Muli
niyang sigaw.

Hindi naman nagtagal ay may humahangos na doktor na dumating Maging ang doktor ay
napaawang ang bibig at pagkuwa'y aligaga akong dinaluhan.

"Dok, ang anak ko!" Umiiyak na si Mama.

"Calm down, Mommy, Nabigla lamang ho sa paggalaw ang anak ninyo kaya dumudugo ang
sugat niya," kalmado nang sabi ng doktor habang kinukuhanan ako ng mga vital signs.

Inayos niya ako ng higa at muling inilagay ang nasal cannula oxygen sa ilong ko.
Pati ang hand serum ay ikinabit uli

"Nasaan po ang mga a-anak ko?" nagawa kong itanong kahit ang daming masakit sa
katawan ko.

Lumapit si Mama sa akin. "Sheena, anak..."

"M-Ma, ang mga anak ko? S-Si Lance, nasaan po sila?"

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko bago tumingin sa doktor na abala pa rin sa
pag-aasikaso sa akin. May kung ano siyang kinakalikot sa may bandang puson ko.

"Your babies are both in NICU (Newborn Intensity Care Unit). Ayon sa OBY-GYN mo ay
34 weeks pa lamang sila at para maiwasan natin ang health problem in the future
kaya kailangan muna nilang mag-stay doon. At least 1 or 2 weeks para makumpleto ang
36 weeks. But don't worry, malalakas ang kambal mo kahit ang liliit nila. 1.7kg
lang ang baby girl at 1.8kg naman ang baby boy mo. Maliit sila, napaaga ang
panganganak mo, Mrs. Hindi na puwedeng ipagpaliban ang paglabas nila dahil dinudugo
ka na. Nawalan ka na rin ng malay kaya inilabas na namin sila via C-section na
pinayagan naman ng pamilya mo," mahabang paliwanag ng doktor.

Marami pa siyang sinabi tulad ng parating na raw ang oby-gyn ko pero hindi ko na
mas'yadong pinagtuunan ng pansin ang mga iyon dahil isang bagay lang ang tumatak sa
isip ko. Ligtas pareho ang mga anak ko.

Buhay sila pareho. Buhay ang mga anak ko. Sa isiping 'yon ay muli akong
napahagulhol ng iyak.

Thank you, Lord. Thank you po... Piping usal ko habang mariing nakapikit.

Narinig kong nagpaalam ang doktor kay Mama na lalabas muna at pagkuwa'y bumukas at
sumara muli ang pinto.

"Sshh, tahan na, anak. Huwag ka ng umiyak, baka makasama sa 'yo. Kailangan mong
magpalakas para sa mga anak mo."

"M-Masaya lang po ako, Ma. L-Ligtas ang mga anak ko."

"Of course, naagapan ang mga anak mo. At tama ang sinabi ni Dok, malalakas ang mga
anak mo kahit maliliit. Parang ikaw noong ipinanganak ko, maliit pero malakas.
Magpalakas ka na para makita mo na rin sila, Anak. Naghihintay sila sa 'yo..."

Tumango-tango ako. Tila may sariling isip ang mga luha ko dahil kahit anong
pagpipigil ko ay kusang nagbabagsakan.

Masayang-masaya ako dahil makakasama na namin sila ni Lance. Buo na kami at isa
nang ganap na pamilya. Magkakasama na kaming apat at magiging isang masayang
pamilya.

Buong pamilya. lyong may ama, ina at mga anak.

Lance

"Ma"

"Hmm?" Malambing na sambit ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko.

"S-Si Lance po, bumalik na po ba siya? S-Siya po ba ang nagbabantay sa mga baby
namin? Nagkita-kita na po ba ang mag-aama ko, Ma?"

Hindi nakaligtas sa akin ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Mama.

"Ma, nandito si Lance, 'di ba? Kasama ko siya sa operating room nang manganak ako,
'di ba?"

Hindi sumagot si Mama bagkus ay nag-iwas ng tingin.

Lalo akong napaiyak. Wala pa man siyang sinasabi pero parang alam ko na

"H-Hindi siya dumating, Ma? Wala siya?"

"Anak-"

Napahagulhol na ako.

"Ma, anong nangyari? A-anong nangyari sa asawa ko, Ma?" Lalo lang akong nagduda
nang yakapin ako ni Mama.

Kahit anong pagpapalubag loob ang sabihin niya, hindi naging sapat 'yon para gumaan
ang loob ko.

"Anak, tahan na. Alalahanin mong kapapanganak mo pa lang at kailangan mong lakasan
ang loob mo. Kailangan ka ng mga anak mo, Sheena."

Mahigpit kong hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa akin at muli ay napahagulhol
ako ng iyak.

"Tarma na ang kakaiyak, Mrs. Hindi makabubuti sa 'yo," anang doktor na kapapasok
lang.

"Kailangan mong magpahinga. Huwag kang masyadong umiyak, hindi iyan maganda sa
kalusugan mo, dagdag pa niya na senigundahan ni Mama.

Pinakalma ko ang sarili ko at nagpasalamat sa mabait na doktor.

"Take a rest, Mrs. De Asis. Kapag kaya mo na, pasasamahan kita sa nurse mo para
makita mo ang mga baby mo. Okay ba sa 'yo iyon?"

Walang imik na tumango ako. At pinilit na i-relax ang sarili ko.

Bandang alas nuebe ng gabi nang payagan ako ng doktor ko na puntahan ko ang mga
anak ko. Kahit hirap sa paglalakad ay pinilit kong makarating sa labas ng NICU
(Newborn Insensitive Care Unit).

Mahigpit na hawak ni Mama ang braso ko at inalalayan akong makalapit. Maging ang
nurse ay inalalayan din ako. They allowed me to go inside para makita ko ang mga
anak ko.

"This way, Mommy," anang nurse at iginaya ako sa bandang kaliwa." Here's your
babies, Mommy."

Pagkakita ko pa lang sa mga baby ko na nasa loob ng incubator ay napaiyak na naman


ako. Pinagmasdan ko silang mabuti.

"Ang liliit nila, Ma..." Nanginginig ang boses na sabi ko habang titig na titig sa
mga anak ko.

"Oo, Anak, pero kita mo naman, 'di ba? Ang lalakas nila, kailangan lang nilang
medyo lumaki pa bago natin sila iuwi sa bahay."

"Ma, bakit hindi pa bumabalik si Lance? Si Kuya Simon, nasaan din siya? Ma, gusto
ni Lance na kaming dalawa ang unang makakakita sa mga anak namin paglabas, pero
bakit wala siya?" Napasigok ako.

"Dapat kaming dalawa ang nandito, Mama. Hindi niyo ba siya sinubukang tawagan para
sabihing nanganak na ako?"

Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang patuloy na dumadaloy sa


magkabilang ko.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Mama sa akin.

LUMIPAS ang bente-kuwarto oras pero walang Lance na dumating para alalayan ako.
Walang Lance na nagpakita para samahan akong puntahan ang mga anak namin.

Walang Lance na humawak nang mahigpit sa kamay ko habang namimilipit ako sa sakit
nang tanggalin ng nurse ang catheter.

Kung masakit kahapon ang buong katawan ko, mas doble na iyon ngayon.

Habang nakaupo sa ibabaw ng kama, napatitig ako sa singsing na suot ko. Singsing na
simbolo ng sumpaan namin ni Lance nang ikasal kaming dalawa.

Narinig kong bumukas at sumara ang pinto ng silid na kinaroroonan ko pero hindi ako
nag-abalang lumingon man lang. Tahimik lamang akong lumuluha dahil sa pag-aalala sa
asawa ko.

Hindi ko alam kung nasaan siya. At maski si Kuya Simon ay hindi ko pa nakikita mula
nang manganak ako.

"Sheena."

Ang malungkot na boses ni Kuya Simon ang narinig ko.

Mula sa pagkakatitig sa singsing ko ay dahan-dahan akong nag-angat ng mukha.


Lungkot. lyon ang unang nabanaag ko sa mga mata ng kapatid ko.

"K-Kuya, si Lance? Kasama mo ba siya? Nakausap mo na siya?" Sunod-sunod na tanong


ko.

"I'm sorry..."

Dalawang salita pero para akong niyanig. Tinambol ng kaba ang puso ko.
"Anong sorry? Kuya, bakit? Nasaan na ba ang asawa ko? Sabi mo babalik siya, 'di ba?
Na nangako siya sa 'yo!"

"Ginawa na namin ang lahat para hanapin siya at ibalik dito para sa inyo ng mga
anak ninyo pero-"

"Pero ano, Kuya?!"

"Pero kaninang umaga nahanap namin ang sasakyan niya, at tanging sasakyan na lamang
niya ang nakita namin sa isang bangin."

Napasinghap ako. Bangin?

"Hindi tumitigil ang mga rescuer na hanapin si Lance, pero tinapat na nila ako na
kung sakaling mahanap siya, mas malaki ang posibilidad na wala na siyang buhay-"

"Hindi totoo iyan, Kuya!" Tumaas ang boses ko. "Huwag na huwag mong sasabihin na
wala na ang asawa ko! Hindi siya puwedeng mawala dahil magkasama naming palalakihin
ang mga anak namin!" Kulang na lamang ay pandilatan ko ng mga mata ang kapatid ko.

"Sheena-"

"No! Don't you dare to say that again! Hindi ako naniniwala na wala na ang asawa
ko! Buhay siya at babalik siya, mamaya, o bukas, o baka sa isang araw. O kaya sa
susunod na mga araw! Babalik siya, Kuya, babalik siya. Narinig mo? Babalik ang
asawa ko, babalik siyang buhay! Babalik siya...babalik siya!"

Napahagulhol ako ng iyak. Hindi ko na alam kung sino ang kinukumbinsi ko ng mga
sandaling iyon, kung si Kuya ba o ang sarili ko.

Hindi ko na alam...basta kailangan niyang bumalik dahil hindi ko kakayanin kapag


iniwan niya kami ng mga bata. Hindi ko kakayanin.... Hindi!

Chapter 63

Chapter 63

63 SHEENA POV

DALAWANG araw pa uli ang lumipas pero gano'n pa rin. Walang Lance na dumating at
nagpakita sa aming mag-iina.

At dahil nasa NICU pa ang mga anak ko, hindi ako makauwi sa bahay. Hihintayin ko
silang makauwi. Sabay-sabay kaming uuwi sa bahay at umaasa ako na bago dumating ang
araw na iyon ay babalik na ang asawa ko sa aming mag-iina.

Kahit gusto kong tumulong sa paghahanap sa asawa ko ay hindi ko magawa dahil hindi
ko pa kaya. Ayoko ring iwan ang mga anak ko rito sa hospital.

"Sheena. Kain ka muna, please. Hindi ka pa raw kumakain mula kahapon sabi ni Tita."
Nag-aalalang sambit ni Rachel.

Hindi ko siya pinansin at paulit-ulit na idinial ang number ni Lance kahit out of
reach na iyon. Ayoko siyang sukuan, hindi ako naniniwala na posibleng patay na siya
kagaya nang sinabi ng mga pulis sa akin kahapon nang pumunta sila rito.

"Lance, please, sagutin mo ang tawag ko."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Rachel. Naramdaman ko na tumabi siya sa akin.

"Alam kong mahirap tanggapin ang mga nangyayari ngayon, Sheena. Alam kong masakit
at nalintindihan kita. Pero sana intindihin mo rin ang sarili mo at ang mga anak
mo. Paano kung bigla ka na lang magkasakit dahil pinababayaan mo ang sarili mo?
Paano ang kambal mo? Sinong maliwan sa kanila? Gusto mo ba iyon? Wala na nga sa
tabi nila ang daddy nila pati ba naman ikaw?" Mahigpit niyang hinawakan ang karnay
ko.

"Lakasan mo ang loob mo dahil may mga anak ka na. Gawin mo silang rason at lakas
para magpatuloy ka sá buhay mo, Sheena. Kailangan malakas ka kahit gaano kahirap
ang pinagdadaanan mo ngayon."

"Hindi kami puwedeng iwan ni Lance, Rachel," napahikbi ako. "Paano na lang kami
kung hindi na siya babalik? Paano kapag hinanap siya ng mga anak namin? Anong
isasagot ko?"

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Rachel na nakahawak sa isang kamay ko at muli
ay napahagulhol ng iyak.

Hinayaan ako ni Rachel na umiyak nang umiyak na tila ba binigyan ako ng oras na
ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Awang-awa niya akong niyakap kapagkuwan.

Nang hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa barado kong ilong ay ikinalma ko
na ang sarili ko.

"Salamat, besh," mahinang usal ko ng pasasalamat dahil hindi siya umaalis sa tabi
ko simula nang dumating siya.

Nagdesisyon din akong kumain para lumakas ang katawan ko. Tama si Rachel, kailangan
kong maging malakas ngayon. Hindi ako puwedeng maging mahina dahil may mga anak ako
na kailangan din ako. At hindi ko sila puwedeng pabayaan para sa asawa ko.
Kailangan pagbalik ni Lance, okay kaming mag-iina niya.

Sa isiping 'yon ay tumigil na ako sa pag-iyak at tinapos ang pagkain ko. Mayamaya
ay nagpasama ako kay Rachel para puntahan ang mga anak ko.

Kahit papa'no nagawa ko pa ring ngumiti nang makita ang mga anak ko na lumalaban.

"Ang cute nila, besh," tuwang usal ni Rachel sa tabi ko.

"Kaya nga, eh," sang-ayon ko.


"Nasa harap mo ang magandang rason para maging malakas at matatag, besh."

Nagkakawag silang dalawa sa loob ng mga incubator nila. Nangilid ang mga luha ko
nang sabay din silang ngumiti na.

"Hala, besh! Ngumiti sila! Oh, our precious babies, palakas kayo diyan, ha?"

Mas lumapit pa si Rachel sa kinalalagyan ng baby girl ko.

"Hello, baby girl. I'm here again your beautiful Ninang. Bilisan niyo nang lumaki,
ha? Gusto ko na kayong makalaro, mga anak."

Habang abala si Rachel sa baby girl ko ay nasa baby boy naman ako. Ngumiti siya
ulit ay lumabas ang

dimple sa kanang pisngi niya.

Gustong-gusto ko na silang mayakap at ikulong lang palagi sa mga bisig ko. Gusto ko
na rin silang padedehin sa dibdib ko. Ang dami kong gusto pero kahit isa ay wala pa
akong puwedeng gawin.

Mahigit isang oras din kaming nag-stay doon at bumalik na sa kuwarto ko.

"Tumawag pala si Tita, mamaya raw siya babalik. Tatapusin lang daw niya ang
niluluto niya para sa 'yo," ani Rachel.

Umuwi kasi si Mama kanina sa bahay. Si Papa naman ay kasama ni Kuya Simon sa
paghahanap kay Lance sa ibaba ng bangin kung saan natagpuan ang sasakyan niya.
Iginiit ko na hangga't walang katawan hinding-hindi ako maniniwala na wala na ang
asawa ko.

Iniyakan ko silang dalawa at pinanindigan na hindi ako maniniwala na wala na ang


asawa ko hangga't hindi ko siya nakikita. Hangga't walang katawan sa harapan ko,
hindi ako maniniwala na iniwan na niya kami. Kaya nagdesisyon silang dalawa ni Papa
na sumama sa mga rescuer.

"Alam kong hindi mo kami iiwan, Lance," sabi ko habang nakatingin na naman sa
singsing na suot ko.

Agad akong napatingin kay Rachel nang marinig ko siyang malakas na suminghap.

"Bakit?" Agad na tanong ko.

Bigla akong tinambol ng takot nang makita kong nawalan ng kulay ang mukha niya.

"Rachel, bakit?"

Sa halip na sumagot, muli siyang tumingin sa cellphone niya na tila ba may gustong
siguraduhin. Suminghap na naman siya na ikinabahala ko lalo.

"Ano ba iyang nasa cell phone mo?" Inis akong tumayo at lumapit sa kaniya.

Tila namanhid ang buong katawan ko nang mabasa ang nasa ibaba ng cellphone niya.
Isang kagalang-galang na mataas na opisyal ng Philippine Navy ang nasawi. lyon ang
unang nabasa ko.

Hinablot ko kay Rachel ang cell phone niya at bumalik sa kama. Nilakasan ko ang
volume niyon para mas marinig ko. Inulit ko ang video mula sa umpisa. Wala pa man
pero nanginginig na ako.
"Kapapasok lamang ng nakakalungkot na balita, kinumpirma ng ating mga kapulisan na
wala na nga ang isa sa magiting na alagad ng ating bansa. Kinumpirma nila na
pagkasawi ni Vice Admiral Lance De Asis. Kamakailan lang ay napabalita na nawawala
siya at unang natagpuan ang kaniyang sasakyan sa isang may kalalimang bangin.
Ngunit ayon sa mga pulis hindi roon natagpuan ang katawan ni Lance De Asis ngayong
araw kundi sa isang abandonadong lugar. Sa kasalukuyan, ipinahinto na ang
ginagawang rescue and operation sa ibaba ng bangin. Ayon kay Gen. Bien Bueno, nasa
kanila na ang katawan ni Vice Admiral at-" Hinablot ni Rachel ang cell phone sa
kamay ko at pinatay kaya naputol ang video ng anchor.

1 hour ago pa lamang iyon mula nang i-upload.

Naramdaman kong tumabi uli si Rachel sa akin at mahigpit akong niyakap. Habang ako
ay nakatulala lamang sa kawalan at pilit pinoproseso ang laman ng balita.

Malinaw kong narinig ang pangalan ng asawa ko pero hindi pa rin ako naniniwala.

Kahit nang dumating na si Mama ay nakatulala lang ako sa kawalan. Hanggang sa hindi
ko na kinaya ang halo-halong emosyon, kusa nang bumigay ang katawan ko at nawalan
ng malay.

SA PAGGISING ko, ang mga kaibigan ni Lance ang sumalubong sa paningin ko.

Nakita kong mugtong-mugto ang mga mata nilang lahat. Narinig ko pa ang paghikbi ni
Ate Kristine at Ate Madeline habang si Kuya Joven ay dahan-dahang napalugmok sa
isang tabi.

At sa puntong iyon, binalot ng nakakakilabot na pakiramdam ang buong pagkatao ko.


Dahil bukod sa akin, silang apat na mga kaibigan ni Lance ang kayang sabihin o
tukuyin kung si Lance ba iyon o hindi.

Nanginginig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko unti-unti akong pinapatay ng mga
iyon.

Ang sigaw at iyak ko ang pumuno sa kuwartong 'yon.

Chapter 64

Chapter 64

Chapter 64

SHEENA POV

"HINDI nga sabi ako sasama!" Tumaas na ang boses ko.

"Sheena, kailangan mong sumama-"

"Ayoko nga sabi!" Putol ko sa sasabihin ni Kuya Joven.


Kanina pa nila ako pinipilit na sumama sa morgue, kung saan daw naroon ang mga labi
ni Lance. Pero buo ang loob ko na hindi sumama dahil hindi si Lance iyon.

"Sheena, please? Alam kong masakit dahil maging kami ay parang pinapatay sa sakit
sa masamang balita na ito. Pero ayaw mo bang makita sa huling sandali ang asawa
mo?"

Alam ko na nasasaktan din sila pero sa aming lahat, wala nang mas sasakit pa sa
nararamdaman ko.

"Hindi ako sasama, dito lang kami ng mga anak namin. Dito namin siya hihintayin..."

"Sheena, hindi na siya babali-"

"Hindi totoo iyan!" Pinalis ko ang mga kamay ni Kuya Joven na nakahawak sa mga
balikat ko at bahagya siyang itinulak palayo sa akin.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"Hindi pa patay si Lance! Hindi pa! Hindi pa..." Nanghihina akong napalugmok sa
baba ng kama. Umupo ako at sumubsob sa mga tuhod ko habang naghihinagpis sa sakit.

"Sheena, lakasan mo naman ang loob mo," boses ni Ate Madeline. Malat na rin ang
boses niya.

Naramdaman ko siyang tumabi sa akin at niyakap ako.

"Ayaw rin naming maniwala na wala na siya dahil mahal na mahal namin ang asawa mo.
Ilang dekada na ang pagkakaibigan namin kaya sobrang sakit din para sa amin ng
balitang ito."

Napahikbi ako.

"Kailangan natin siyang puntahan, tumawag ang Kuya Simon mo at ikaw na lang daw ang
hinihintay bago i-cremate ang asawa mo. Ayaw mo ba siyang makita kahit sa huling
sandali?" Napahikbi rin si Ate Madeline.

"Hindi na raw puwedeng iburol ang asawa mo dahil-"

"Kung gusto ninyong pumunta, pumunta kayo, pero hindi niyo ako mapipilit na sumama
dahil dito kami maghihintay na mag-iina niya. Hindi ako aalis dito dahil susunduin
kami ni Lance dito, Ate."

Nag-angat ako ng mukha at tiningnan silang tatlo.

"Pumunta kayo pero dito lang ako." Pinal na sabi ko.

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Kuya Joven bago lumapit sa akin at


hinawakan ang mga balikat ko.

Pinigilan niyang huwag maiyak sa harap ko pero hindi siya nagtagumpay na gawin
iyon. Kusang namasa ang mga mata niya.

"Hindi ako naniniwala na wala na si Lance, K-Kuya. Nangako siya sa akin na sabay
kaming tatanda... hindi ako naniniwala na hindi na niya tutuparin iyon..."
Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.

"Pero, Sheena, wala na siya."


Marahas akong umiling nang umiling bago muling sumubsob sa mga tuhod ko.

Nagtulong-tulong silang lahat na kumbinsihin ako na sumama pero hindi nila ako
napapayag. Sa huli, umalis silang tatlo para puntahan si Lance sa morgue habang ako
ay nanatiling nakasalampak ng upo sa sahig.

Si Rachel ang naiwan sa tabi ko habang si Mama nama'y nasa mga anak ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakasalampak sa sahig bago ako nilapitan ni
Rachel.

"Kayanin mo 'to, besh. Nandito lang kaming lahat para sa inyong mag-iina," basag
ang boses na sambit ng kaibigan ko.

Inakbayan niya ako at kinabig pasandig sa dibdib niya.

"Ibigay mo sa Kaniya ang lahat ng sakit na nararamdaman mo para kahit papa'no


gumaan naman ang dibdib mo," aniya.

Hindi ako umimik. Ayoko ng magsalita. Ayoko na ring makarinig ng kung anu-ano dahil
mas lalo lang akong nasasaktan. Mas lalo lang akong nababaon.

Mukhang naramdaman naman ni Rachel na ayoko na munang makipag-usap kaya hindi na


rin siya nagsalita pa.

Ilang sandali pa kami sa sahig bago nagpasyang tumayo at silipin ang mga anak ko.

Habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng hospital, ramdam ko ang mga matang


nakatutok sa akin. Marahil nagtataka sila kung bakit mugtong-mugto ang mga mata ko.

Hinatid lang ako sa pintuan ni Rachel, bawal kasi siya dahil nasa loob pa si Mama.
Dalawa lang kasi ang puwede sa loob.

Nilapitan ko ang mga anak ko, umiiyak silang pareho.

Agad na bumaling sa akin si Mama. "Anak."

"Dumede na po ba sila?" tanong ko habang nasa mga anghel ko ang tingin ko.

"Tapos na pero iyak sila nang iyak, eh. Baka alam nilang wala na ang daddy nila..."
nabasag ang boses ni Mama at kinabig ako palapit sa kaniya.

"Magpakatatag ka, Sheena. Nandiyan pa ang mga anak mo, kailangan ka nila."

"S-Susubukan ko ho..."

"Nasaan na pala ang mga kaibigan ng kuya mo?"

"Umalis na ho sila. Pupunta raw sa m-morgue.

Nagkaroon ng bara ang lalamunan ko nang sabihin 'yon.

Humigpit ang yakap ni Mama sa beywang ko.

"Hindi ka sumama, ayaw mo bang makita ang asawa mo?"

"Kapag sumama ako, parang tinanggap ko nang gano'n gano'n na lang na wala na nga
siya."
"Anak-"

"Ma, ayoko na munang pag-usapan," pigil ko kay Mama. "G-Gusto ko po munang ipahinga
ang utak at puso ko kahit sandali lang. Kahit sandali lang, M-Ma..."

"Okay, Anak."

"Salamat po, Ma. Gusto ko rin po muna sanang mapag-isa."

Nakakaunawang tumango si Mama at binigyan ako ng tipid na ngiti.

"Nandito lang si Mama, ha? Kapag hindi mo na kaya, ibigay mo sa akin ang lahat ng
sakit," aniya at iniwan ako sa tabi ng mga anak ko.

Pinagmasdan ko ang mga anak ko na ngayon ay pareho nang tumigil sa pag-iyak.


Nagkakawag sila na para bang tuwang-tuwa sila na makita ako.

May kung anong mainit na bagay ang humaplos sa puso ko nang pareho silang ngumiti
sa akin. Ngiting kayang pagaanin ang kalooban ko kahit sandali lang.

Nagtagal pa ako sa piling ng mga anak ko bago tuluyang bumalik sa kuwarto ko.
Sinabi na ng doktor ko na puwede na akong lumabas noong isang araw pero hindi ako
lumabas dahil hihintayin ko ang mga anak ko.

Dahil na rin siguro sa pagod kaya mabilis akong nakatulog kinagabihan.

PAGGISING ko kinabukasan, halos hindi ko na maidilat ang mga mata ko dahil sa


walang tigil na pag-iyak. Kahit yata sa pagtulog ay umiiyak ako.

Pumasok ako sa banyo ng hospital dala ang bimpo at binasa ng malamig na tubig at
inilapat sa mga mata ko. Makailang ulit kong ginawa 'yon, medyo naibsan naman ang
hapdi ng paligid ng mga mata ko. Naginhawahan ako kahit papa'no.

Pagkatapos kong gawin 'yon ay lumabas na ako. Napatda pa ako nang paglabas ko ng
banyo ay nakita ko si Kuya Simon na nakaupo sa may paanan ng kama.

"Bunso," aniya.

"Kanina ka pa, Kuya?"

"Hindi naman, kadadating-dating ko lang din. Si Rachel pala, nagpaalam na bababa


muna."

Tumango lang ako at tumabi kay Kuya.

Naramdaman kong nakatingin siya sa akin kaya nilingon ko siya.

"Bakit?"

Hindi siya sumagot bagkus ay bumuntong-hininga at may kung anong kinuha sa bulsa ng
pants niya.

Pagkuwa'y kinuha ang isang kamay ko at may inilagay doon.

Para akong namanhid nang ilang sandali habang nakatitig sa singsing na ibinigay ni
Kuya Simon sa akin.

Pasikip nang pasikip ang dibdib ko habang titig na titig sa wedding ring naming
mag-asawa. At ang singsing na to ang nagpamukha sa akin na hindi panaginip ang
lahat. Na totoong wala na ang asawa ko.

"Ibinigay iyan sa amin ni Papa kahapon, nakuha iyan sa daliri ng asawa mo kahapon
bago siya i-cremate."

Sa sinabing iyon ni Kuya ay para akong nawalan ng lakas. Napasandal ako sa balikat
niya habang nakatulala sa kawalan. Gusto kong umiyak pero parang biglang naubos ang
mga luha ko dahil wala nang tumulo.

"I'm sorry, bunso." Dinig kong sabi ni Kuya pero walang reaction mula sa akin.

Dinala ko sa tapat ng dibdib ko ang kamay ko na may singsing ni Lance.

"Nandito lang kami para sa 'yo, Sheena. Masakit pero kailangan nating tanggapin na
hanggang doon na lamang siya."

Hindi pa rin ako umimik.

"luuwi ko ba sa bahay ang abo niya o sa bahay ninyo?"

"Bahala ka na, Kuya." Pagkasabi ko niyon ay humiga ako at nagtalukbong ng kumot.

Naramdaman kong nakatingin siya sa akin at pagkuwa'y sunod-sunod na nagpakawala ng


mabibigat na buntong-hininga.

NANG sumunod na mga araw ay pinilit kong labanan ang sakit, at pangungulila.
Sinikap kong magpatuloy sa buhay para sa mga anak ko kahit parang ayoko nang
gumising. Dahil sa tuwing gigising ako, araw-araw akong sinasampal ng katotohanan
na mag-isa na lamang akong magpapalaki sa mga anak ko.

Hanggang sa dumating ang araw nang paglabas ng kambal ko mula sa incubator. Ang
pamilya ko ang kasama kong mag-uwi sa kanila na dapat sana ay si Lance.

"Anak, saan kayo tutuloy? Sa bahay nin-"

"Sa bahay po natin, Pa," maagap na sagot ko sa tanong ni Papa.

Hindi ko na kayang tumira sa bahay namin.

"Sige, Anak. Simon, sa bahay tayo," ani Papa kay Kuya.

Katabi ko siya sa backseat habang karga niya ang anak kong lalaki, sa tabi naman
niya ay si Mama na siya ang may karga sa anak kong babae.

Si Kuya ang driver namin at sa tabi niya ay si Rachel na hindi talaga ako iniwan
kahit isang araw lang. Natanggal na rin siya sa trabaho pero okay lang sa kaniya
basta raw madamayan niya ako.

Sina Ate Madeline, Ate Kristine at Kuya Joven, ramdam na ramdam ko rin ang
pagmamahal nilang lahat para sa aming mag-iina. Lahat sila, hindi nagkulang para
iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Na sila ang tatayong tatay sa mga anak ko
pero kahit gaano nila iparamdam ang pagmamahal at pagmamalasakit nila sa aming mag-
iina, pakiramdam ko ay kulang pa rin iyon. Iba pa rin sana kung si Lance ang
makakatuwang ko sa pag-aalaga at pagpapalaki sa mga anak namin.

Miss na miss na kita, Lance. Sobrang daya mo... Piping usal ko at tumingala para
pigilan ang mga luhang gustong kumawala mula sa mga mata ko.

Nang makita kong nakatingin si Kuya Simon sa akin mula sa rearview mirror ay nag-
iwas ako ng tingin at tumingin sa labas. Isinandal ko ang ulo ko sa gilid ng
bintana, saka mariing pumikit.

Buong biyahe namin ay tanging ingit lang ng kambal ang maririnig at ang mahihinang
buntong-hininga ni Papa sa tabi ko.

PAGDATING sa bahay ng mga magulang ko ay na-surprise ako sa pagbukas ng pinto.

"Welcome home, twins!" Malakas at sabay-sabay na sambit ng mga kaibigan ni Kuya at


Lance.

Nagmistulang may kids party sa loob ng bahay namin.

"Welcome home, little Lance and little Sheena!" Si Ate Madeline at nagbigay daan
para makapasok kaming lahat.

"Maraming salamat sa effort ninyong lahat para sa pa-welcome party sa mga anak ko.
I really appreciate it."

Nginitian ko sila kahit gusto ko na namang umiyak dahil na-imagine ko kung gaano
kasaya kung si Lance ang sumalubong sa aming mag-iina.

Tama na, Sheena. Dalawang linggo nang wala ang

asawa mo. Paalala ng kabilang bahagi ng isip ko.

Muling umantak ang puso ko sa katotohanan na iyon.

Nang sumunod na mga sandali ay pinagkaguluhan na nila ang mga baby ko. Nakahiga
sila sa crib na binili namin ni Lance.

Tuwang-tuwa silang lahat habang nilalaro ang kambal habang ako, nakaupo sa isang
tabi at pinapanuod silang lahat.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko habang nakaupo sa couch.

"Kumusta ka na, Anak?" boses ni Papa sa tabi ko.

"O-Okay lang po," sagot ko.

Napatingin ako kay Papa nang kunin niya ang kamay ko na nakapatong sa hita ko at
marahang pinisil.

"I need to be okay-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil tuluya nang bumigay
ang depensa ko. Walang pasintabi na basta na lang naglaglagan ang mga luha ko.

Awang-awa na niyakap ako ni Papa. Para akong batang paslit na ngayon lang ulit
nakapiling ang isang ama.

"Ang sakit pa rin, Pa. Alam kong kailangan ko nang tanggapin pero ang hirap
po...ang sakit." Pasigok ako at mahigpit na yumakap kay Papa.

Walang salitang sinabi si Papa pero damang-dama ko ang simpatya niya sa bawat hagod
at haplos niya sa buhok at likod ko.

Pinilit kong ikalma ang sarili ko pagkatapos kong umiyak sa mga bisig ni Papa.
Pinilit ko ring maki-celebrate sa pa-welcome party nila sa mga anak ko.

Habang nakikisabay sa kanila, ramdam ko ang kahungkagan sa puso ko. Ang daming
plano ang bigla na lang naglaho. Mga plano naming dalawa ni Lance na hindi na
mabibigyan ng katuparan.

Nang makatulog na ang mga anak ko, nagpaalam na ako sa kanila na itataas na ang mga
anak ko sa kuwarto namin.

SA PAGDAAN ng mga araw, pinilit kong ipakita sa lahat na maayos na ako. Pero ang
totoo ay hirap na hirap pa rin akong gumising sa umaga. Nakakapagod ding
magkunwari.

Sa harap ng mga magulang at sa harap ng mga kaibigan ni Lance ay nakangiti ako.


Pinapakita na kaya ko, na okay na ako. Pinapakita ko na matatag at malakas ako.
Pero kapag ako na lang mag-isa o kaming mag-iina na lang ang magkakasama ay doon ko
nararamdaman ang malaking kulang sa buhay ko.

Gabing-gabi ay umiiyak ako nang patago habang yakap ang unan ni Lance na pinagawan
ko ng punda na may mukha niya. Tahimik akong nagdarasal na sana panaginip lang ang
lahat at isang araw ay gigising ako na nasa harap ko si Lance at nakangiti. Pero
araw-araw paggising ko, sinasampal pa rin ako ng katotohanan na totoo lahat ng ito.
Totoo na mag-isa na lamang ako.

At wala akong pagpipilian kundi ang tanggapin ang katotohanang iyon para sa mga
anak ko.

Araw-araw lumalaban ako para sa kanilang dalawa kahit parang gusto ko na lang
sumuko.

Hindi pala madaling mag-isa- napahinto ako sa pagmumuni-muni nang umiyak si Lance
Steve, ang baby boy ko.

Bumangon ako at binuhat siya, saka isinandig sa dibdib ko.

"Sshh, nandito lang si Mommy, baby ko." Malambing na sabi ko habang mabining
hinahaplos ang maliit na likod niya.

Hindi pa man tumatahan si Lance Steve nang umingit din si Lizz Shenaia. Sa ganitong
pagkakataon ako nahihirapan dahil gusto nilang sabay dumede at magpahele.

"Sshh, huwag naman kayong magsabay, mga anak."

Inuna ko si Shenaia na padedehin. Nang makatulog na ulit siya at si Lance Steve


naman ang pinadede ko.

Nang makatulog na rin siya ay ibinaba ko na siya sa tabi ni Shenaia.

Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakahiga ko ngunit hindi pa man nag-iinit ang likod
ko ay sabay na naman silang umiyak.

lyong tipong pipikit na ang mga mata ko sa antok pero hindi pa ako puwedeng matulog
dahil umiiyak na naman ang mga anak ko.

Bakit kasi iniwan mo 'ko. Bakit iniwan mo kami, Lance. Puno ng pagdaramdam na
piping usal ko. Kung nandito ka, may katuwang ako...

"Ang daya mo, Lance... I hate you!" Nakisabay na lang ako sa pag-iyak ng mga anak
ko.

GIRLONFIRE28
#vote# Maraming Salamat po sa inyong lahat!

Chapter 65

Chapter 65

Chapter 65

SHEENA POV

SOBRA ang struggles ko sa unang dalawang buwan ng pagiging ama at ina sa mga anak
ko. Maraming pagkakataon na sukong-suko na ako at gusto na ring sumunod sa asawa
ko. Ang hirap kahit nandiyan ang pamilya ko. Hindi ko puwedeng ipasalo sa kanila
lahat, eh.

Nakakapagod na rin. Gusto ko nang sumuko.

lyong iiyak na lang ako sa gabi kapag pagod na ang katawan at isip ko sa lahat ng
bagay. Struggles talaga kapag sabay na nag-alburuto ang kambal ko, hindi ko alam
kung sino ang uunahin ko sa kanilang dalawa.

Gigising pa lang ako sa umaga sila na agad ang priority ko hanggang gumabi na.
Minsan hindi na ako nakakasuklay, kapag liligo mabilisan lang dahil baka magising
sila.

Mabuti na lamang talaga at nandiyan ang pamilya ko para i-guide ako at tulungan sa
mga anak ko.

Tulad na lamang ngayon, aalis ako para um-attend ng worship at pagkatapos ay


makikipagkita na rin sa psychiatrist ko na tumutulong sa akin para hindi ako
mabaliw sa lahat ng pagsubok na kinakaharap ko. Ako na ang kusang nag-set ng
appointment dahil ramdam ko na malapit na akong bumigay, na ayaw ko namang mangyari
dahil sa mga anak ko.

Paano na lamang sila kung pati ako ay mawawala na rin. Kawawa ang mga anak ko.

"Lalaban si Mommy, mga anak. Lalaban ako," mahinang anas ko habang pinagmamasdan
ang mga anghel ko.

Ang sarap nilang pagmasdan habang himbing na himbing ang tulog. Nakaligo na kasi
silang dalawa kaya mabilis nang nakatulog. Fresh na kasi ang pakiramdam nila.

"Dito muna kayo, ha? Aalis lang sandali si Mommy para mabawasan ang bigat sa dibdib
ko," paalam ko na waring naiintindihan na nila ang sinasabi ko.

Napangiti ako nang ngumiti si Lance Steve habang natutulog. Aliw na aliw talaga ako
sa dimple niya. At habang lumalaki, mas nagiging kamukha siya ng Daddy niya.

"I love you, Lance Steve ko." Dumukhang ako at binigyan siya ng magaang halik sa
ulo. Pagkuwa'y si Shenaia naman ang binalingan ko.

"I love you, Lizz Shenaia ko. Huwag iiyak para hindi umiyak si Kuya Lance Steve mo,
ah." Tila nakakaunawang bilin ko sa dalaga ko.

Napapansin ko kasi na kapag umiyak siya, iiyak din si Steve.

"Babalik din agad si Mommy, mga anak."

Minsan ko pang pinagmasdan ang mga anak ko bago maingat na lumabas ng kuwarto.

Eksaktong pababa naman ako ng hagdan nang makasalubong ko si Mama.

"Ma, kayo na po ang bahala sa mga anak ko, ha? Babalik din po ako agad," bilin ko.

"Oo naman, ako na ang bahala sa mga apo ko. Mag-iingat ka, ha?"

"Opo, Ma."

"Oh, siya bumaba ka na. Nasa baba na si Rachel, hinihintay ka na niya. Ang papa mo
naman nasa labas na," pagbibigay alam ni Mama.

"Sige po, Ma. Bye po muna." Humalik lang ako sa pisngi niya at bumaba na.

Agad nang tumayo ang kaibigan ko nang makita ako.

"Tara na?" aya niya.

"Tara na."

Paglabas namin ay nakaabang na si Papa. Agad na kaming lumulan ni Rachel at


pagkuwa'y tinahak ang daan patungo sa church.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami roon.

"Tawagan mo na lang ako kapag tapos na kayo rito, ha?

"bilin ni Papa pagkahinto ng sasakyan niya.

"Sige po, Pa. Salamat po sa paghahatid."

Nginitian ako ni Papa. "Basta ikaw, Anak."

"Salamat po, Pa." Muling pasalamat ko, saka humalik sa pisngi niya bago tuluyang
bumaba ng sasakyan.

Kumaway pa ako sa kaniya bago kami pumasok sa loob ni Rachel.

Sa tuwing a-attend kami ni Rachel ng worship, mas pinipili ko sa may unahan


pumwesto. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil mas gusto kong marinig nang mas
malinaw ang mensahe Niya.

Habang nakikinig sa sinasabi ng aming Minister, nagtatayuan ang mga balahibo ko.
Aaminin ko naman na minsan sa buhay ko nawalan ako ng tiwala sa Kaniya. Dumating
ako sa punto na parang hindi ko na Siya kilala at inihingi ko na ng tawad iyon sa
Kaniya.

Tumungo ako at ipinikit ang aking mga mata, saka taimtim na nag-usal ng panalangin.
Lord, I'm sorry for questioning your plans for us. But now, Lord, I surrender all
my worries and fears. Please, give me a peace of mind and heart. Thank you for all
blessings, please don't let me suffer, I trust and believe in Your plans. Lord,
have mercy on me, heal me from this pain. Thank you, Lord. Amen.

Nakailang ulit ako ng silent prayers ko. Kahit papa'no, ramdam ko namang gumagaan
ang pakiramdam ko. Gano'n siguro kapag isinurrender mo lahat ng worries mo sa
Kaniya.

Inabot ng lagpas isang oras ang worship pero hindi ako nakaramdam ng pagkainip.

lyon nga lang, na-miss ko naman ang mga baby ko. Kaya pagkatapos namin sa church ay
nagpasama na kami kay Papa sa psychiatrist ko.

Kung dati, kapag um-attend ako ng counseling ay si Lance ang kasama ko, ngayon ay
si Rachel na.

May trente minutos din kami roon. Magkaagapay kaming naglakad palabas ni Rachel.

"Anong sabi ni Dra. Hernandez kanina?" ani Rachel habang naghihintay kami kay Papa.

"liyak lang at hindi susuko."

"Tumpak. Kaya ikaw, laban lang nang laban. liyak lang kapag mabigat na tapos punas
ng luha, tapos ngiti ulit. Gano'n."

Tipid akong ngumiti. "Salamat, besh."

Inakbayan niya ako.

"Ikaw pa ba? Kaya nga tayo magkaibigan, eh. Nandito lang ako para sa 'yo at sa mga
inaanak ko. Kaya kapag gusto mong umiyak, sabihin mo lang sa akin para masabayan
kita."

Natawa ako sabay kurot sa tagiliran niya.

"Oo nga, seryoso ako. Tawagan mo lang ako at liliparin ko ang kalawakan para
makarating ako sa tabi mo at sabay tayong iiyak magdamag."

"Baliw," ingos ko.

"Mahal na mahal ka ng baliw na 'to, 'no?"

"Sus, oo na. Mahal din naman kita."

"Alam ko. Pero seryoso, ah. I'm just one call away, besh."

"Salamat."

Nagkuwentuhan at nagkulitan lang kami habang naghihintay kay Papa. Hindi naman
nagtagal ay dumating na din siya.

Pag-uwi ko sa bahay, dama ko ang gaan sa dibdib ko. At sana, palaging ganito lang.

Pero siyempre, hindi dahil mas'yado pang sariwa ang mga pangyayari sa buhay ko.

Nagkaroon ako ng dalawang supling pero nawalan naman ako ng asawa na dapat ay
katuwang ko sa buhay.
Laban lang, self. Mapapagod lang tayo pero susuko.

KASALUKUYAN kaming naghahapunan nang magtanong si Papa.

"Wala ka pang balak pabinyagan ang kambal, Sheena?" aniya na ikinatigil ko sa


akmang pagsubo.

"Oo nga, Anak. Maglilimang buwan na ang kambal mo, ayaw mo pa ba?" segunda ni Mama.

"lyan din ang gusto ko sanang itanong sa 'yo, Bunso. Kapag may binyag na sila
puwede mo na silang isama kapag aalis ka. Ayaw mo ba niyon?" Si Kuya Simon.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo.

"Anong pumipigil sa 'yo?" Si Papa uli.

Nagbaba ako ng tingin at tumingin sa plato ko. Ano nga bang pumipigil sa akin?
Dahil umaasa pa ako na babalik si Lance? At kaming dalawa ang haharap sa Panginoon
para pabinyagan ang aming kambal?

Hanggang kailan, Sheena?

Hanggang kailan nga ba?

Isang desisyon ang ginawa ko bago nag-angat ng mukha at tumingin sa pamilya ko.

"Sige po, Ma, Pa, Kuya. Aasikasuhin ko na po ang pagpapabinyag ng kambal. Tama ka,
Kuya, maiilabas ko na sila ng bahay kapag may binyag na sila."

Gumuhit ang magandang ngiti sa labi nila.

"Tutulong kami sa preperasyon, Anak." Presinta ni Mama na hindi ko naman


tinanggihan.

Dalawang araw matapos kong magdesisyon na pabinyagan na ang anak namin ni Lance ay
nagsimula na akong mag-asikaso ng mga kailangan nila.

Kailangan pala ang marriage namin ni Lance kaya ngayon ay narito ako sa harap ng
bahay namin para kunin ang marriage contract namin.

Agad naman akong sinalubong ni Lolo Jaime at Ate Jenny na siyang naging katiwala ko
sa bahay namin ni Lance. Ang dapat ay love nest naming dalawa.

"Pasok ka, Sheena." Alok ni Lolo Jaime.

"Salamat po, Lo. Kumusta po kayo rito?"

"Maayos naman kami ng Ate mo. Naiinip pero ayaw naman naming iwanan itong bahay
ninyong mag-asawa." Nabasag ang boses ng matanda.

Alam kong kagaya namin, nasaktan din siya sa pagkawala ni Lance.

"Pasensya na po kayo kung ngayon lang ako nakapunta uli rito, Lo, Ate."

Nakakaunawa namang ngumiti ang mag-ama.

"Naiintindihan ka namin."

"Salamat po. Mas'yado pa lang pong sariwa at baka lalo akong malubog sa sakit at
pangungulila kung lagi akong makakakita ng mga bagay na may kaugnayan sa kaniya.
Masakit pa ho kasi..." Tumingala ako para sana pigilan ang pagtulo ng mga
nagbabadya kong luha. Ngunit mas lalo kong hindi napigilan iyon nang pagtingala ko
ay dumako ang mga mata ko sa wedding portrait namin ni Lance.

Habang nakatitig doon ay hinayaan kong maglandas ang mga luha ko.

"Sobrang miss na miss na kita, baby." Mahinang usal ko.

Ilang sandali pa akong nakatitig doon bago inayos ang sarili ko.

Nakita ko ang simpatya sa magmukha ng mag-ama na ngayon ay parehong pinangingilidan


ng luha.

"Pasensya na po. Taas po muna ako." Paalam ko at iniwan na sila.

Pagdating sa dating kuwarto namin ay lalong umantak ang puso ko. Walang lakas na
umupo ako sa napakalambot naming kami at pagkuwa'y humiga.

Ilang sandali akong nakatanga sa kawalan habang yakap ang unan ni Lance.

"Miss na miss na kita, Lance. Hindi ko alam kung paano at kailan ko matatanggap
nang tuluyan na iniwan mo na ako." Pagbuntong-hiningang usal ko at humigpit ang
yakap sa unan niya.

"Baka gusto mong magparamdam?" Hiling ko.

Naghintay akong lumamig ang simoy ng hangin pero walang gano'n.

"Bakit ayaw mong magparamdam sa akin? Pati ba naman iyon ipagkakait mo sa akin?"
Hinampong sabi ko.

Naghintay uli ako ng ilang minuto pero wala pa ring paramdam.

Napahikbi ako.

"Napaka-unfair mo, Lance. Ang dami mong pangako pero wala kang tinupad kahit isa.
May pasabi-sabi ka pang let's grow old together? Paano pa tayo sabay na tatanda
kung nauna ka nang mamatay na gago ka?" patuloy na himutok ko.

"Magparamdam kang gago ka!" Minura ko na siya sa pinaghalong inis at pangungulila.


"Kung ayaw mo, 'wag mo! Hinding-hindi na ako babalik sa bahay na 'to."

Para na akong loka-loka na nagsasalitang mag-isa.

Sa inis ko ay bumangon na ako at hinanap ang envelope na pinaglalagyan ng mga


importanteng papeles naming mag-asawa. Nakita ko naman agad sa pinakababa ng
drawer.

Bago tuluyang lumabas ng aming kuwarto ay sinilip ko muna ang dapat ay nursery room
ng kambal. Nandoon pa rin ang mga larawan ng baby angel ko.

"Batukan mo ang Daddy mo diyan, Anak. Ayaw magparamdam, eh."

Hindi na rin naman ako nagtagal at bumaba na rin dala ang brown envelope.

Nadatnan ko sa sala ang mag-ama. Napatitig sila sa akin at alam kong dahil iyon sa
namumugto kong mga mata.
"Lo, Ate, hindi na rin ho ako magtatagal, ah. May lalakarin pa ho ako para sa
binyag ng mga baby ko, eh." Paalam ko at inimbitahan na rin silang mag-ama.

"Aasahan ko ho kayo sa binyag ng kambal, ha? Babalitaan ko po kayo kapag may exact
date na po."

lyon lang at tuluyan na akong nagpaalam at umalis.

Bago dumiretso sa simbahan para dalhin ang marriage contract namin ay naisipan kong
dumaan muna sa sementeryo. Dadalawin ko lang ang mag-ama ko. Yes, magkasama sila s
libingan. At si Kuya Simon ang nag-decide niyon dahil sa kaniya ko ipinaubaya ang
urn ni Lance noon.

Pinatong ko ang dala kong bulaklak na nabili ko lang sa daan, saka nag-usal ng
panalangin.

Nang matapos ang hinaplos ko ang un ni Lance. Ito ang unang pagkakataon na
hinawakan ko iyon.

"I hate you but I love you..." gumaralgal ang boses ko.

"Kahit sinungaling ka, mahal pa rin kita." Napabuntong-hiningang usal ko.

"Papabinyagan ko na pala ang mga anak natin dahil wala nang pag-asa na bumalik ka
sa amin. Hayaan mo kapag nabinyagan na sila isasama ko sila rito. Ipapakilala ko
sila sa inyo ni baby angel sa susunod na dalaw ko rito. Lance Steve at Lizz Shenaia
pala ang mga pangalan nila."

Ilang sandali pa akong nanatili roon at kinausap ang mag-ama ko bago umalis.

Malapit na ako sa kotse ni Kuya Simon na hiniram ko nang may makabunggo ako. Sa
lakas ng impact ay napadaing ako dahil sa pagkakatama ng mukha ko sa matigas niyang
dibdib. At nang ma-a-out of balance ako ay maagap niyang hinatak ang beywang ko
dahilan para muli akong bumangga sa dibdib niya.

Para akong nakuryente dahil sa pagkakadaiti ng mga balat namin. Hindi agad ako
nakakilos dahil sa kakaibang damdaming lumukob sa buong pagkatao ko. Lumakas ang
tibok ng puso ko.

Bago ko pa man makita ang mukha niya ay nabitawan na niya ako at naglakad papasok
ng sementeryo. May dala siyang bulaklak sa kanang kamay niya.

Tanging likod na lamang niya ang nakita ko. Pinagmasdan ko siya mula sa
kinatatayuan ko.

Ilang metro na ang layo niya sa akin nang tumigil siya at narinig ko siyang
magsalita.

"I missed you."

Nanuot sa tainga ko ang boses niya. He's voice sounds familiar.

"Lan-" Napahiya ako nang bigla siyang yumuko sa harap ng isang puntod.

Mukhang iyon ang sinabihan niya ng I missed you. Namatayan din pala siya.

Tss. Bakit ko ba naisip na ako ang kausap niya.

Napapailing na naglakad ako palapit sa kotse at sumakay na.


I must be crazy para isipin na ako ang sinabihan niya ng I missed you. Hays,
Sheena, you're being paranoid again.

"Kasalanan mo 'to, Lance. Paasa ka kasi sa let's grow old together kuno mong gago
ka."

Napasandal na lamang ako sa headboard at pumikit. Ngunit sa pagpikit ko, ang


nakangiting mukha ni Lance ang nakita ko.

"Tulungan mo akong maka-move on sa sakit ng pang-iiwan mo, Lance."

Ang hirap na wala ka sa buhay ko. Gusto ko pa rin sanang umasa na babalik ka kaso
lolokohin ke lang ang sarili ko kapag ginawa ko iyon.

Chapter

Chapter 66

Chapter 66

SHEENA POV

PAGKATAPOS kong maasikaso ang binyag ng mga anak ko ay dumiretso na ako sa bahay.
Ang plano ko na dumiretso sa mall para sana bumili na ng mga kakailanganin nila sa
kanilang binyag ay ipinagpaliban ko muna.

Uwing-uwi na ako dahil miss na miss ko na ang mga anak ko. Ganito pala kapag nanay
ka na at nasanay na kasama mo sila bente-kuwarto oras, mawalay lang ng isang oras
ay miss na agad.

"Kumusta ang lakad mo, Anak?" Ang bungad ni Mama sa akin pagpasok ko ng bahay.

Nadatnan ko siya sa sala.

"Maayos naman po, Ma. May schedule na po ang binyag ng kambal, Ma."

"Ay kailan na puwede?"

"Sa isang linggo na po ."

"Talaga? Tamang-tama, Anak, bago pala mag-Pasko ay binyagan na silang dalawa.


Puwede na natin silang igala sa pasko," galak na sabi ni Mama.

Pati ako ay natuwa na rin dahil sa wakas makakagala na ang mga anak ko. Ngayon ko
naisip na sana pala noon ko pa sila pinabinyagan.

Wala, eh. Umasa ka pang isang araw ay babalik ang asawa mo kahit alam mo namang
hindi na.

"Nagbabalak mag-out of town ang kuya mo, isasama raw tayong lahat."

"Talaga po, Ma ?"

Nakangiting tumango si Mama.

Mayamaya ay nagpaalam ako na aakyat muna para tingnan ang mga bata. Natigilan ako
sa akmang pagpasok nang makita ko si Kuya Simon na hinehele si Lance.

Napangiti ako dahil humihimig pa talaga si Kuya. Feel na feel niyang magpaka tatay
sa mga anak ko na labis ko namang ikinakatuwa.

Bigla na naman akong nalungkot, na-imagine ko na naman na si Lance ang kumakarga sa


kanila. Na si Lance ang katuwang ko sa pag-aalaga sa kambal namin.
Nakakapanghinayang lang dahil hindi man lang naranasan ng mga anak ko ang kargahin
ng daddy nila.

Humugot ako ng malalim na buntong-hininga, saka tuluyang pumasok.

"Sheena!" Nagulat si Kuya nang malingunan ako." Kanina ka pa?"

Hindi agad ako nakasagot dahil napatulala ako sa kaniya. Nakasuot pala siya ng
maskara na may mukha ni Lance. Kaya pala titig na titig sa kaniya ang anak ko. May
kung anong klaseng damdamin ang lumukob sa puso ko dahil sa effort niyang iyon.

Napansin yata niya ang pagkakatulala ko kaya agad niyang inalis ang maskara at
ipinatong sa kama, sa tabi ni Shenaia na natutulog. Karga pa rin niya si Lance
Steve.

"Pasensya ka na sa maskara, bunso. lyak nang iyak si Steve kanina kaya sinuot ko,"
paliwanag niya.

Ngumiti ako. "Okay lang, Kuya. Thank you sa effort mo. Sobrang na-apprreciate ko
lahat ng ginagawa mo para sa aming mag-iina. Lalong-lalo na para sa mga anak ko.

"Sus, wala iyon. Sabi ko naman sa 'yo, hindi ka mag-iisa. Nandito ako palagi para
sa 'yo."

"Salamat, Kuya. Siguro kung wala kayo, sumunod na rin ako sa asawa ko."

"Kaya nga nandito kami palagi, eh. Alam namin na hindi madali ang pinagdadaanan mo
ngayon pero siyempre, laban lang. Doon din naman ang punta nating lahat, nagkataon
lang na nauna siyang umalis at naiwan pa tayo rito. Ibig sabihin lang hindi pa
tapos ang misyon natin dito sa lupa kaya nandito pa tayo."

Napabuntong-hininga ako. "Siguro nga, Kuya."

Inakbayan niya ako gamit ang libreng kamay. "Laban lang bunso, may dalawang
tsikiting ka pa para magpatuloy sa buhay."

"Alam ko naman iyan, Kuya. Pasensya na, ang dalas kong maging emosyonal nitong mga
nagdaang mga buwan. Nasa proseso pa rin ako ng pagtanggap sa mga nangyayari, eh."

"Walang problema, bunso. Basta kapag nabibigatan ka na at kailangan mo ng


maiiyakan, nandito lang ako. Kapag mabigat na, ilabas mo lang para hindi ka
malunod." Makahulugang usal niya at mayamaya ay iniba na ang usapan.
Nagtanong siya tungkol sa lakad ko at tuwang-tuwa din siya nang sabihin ko na
mabibinyagan na ang kambal. sa isang linggo. Nagpresinta pa siyang sagot na niya
ang catering ng mga anak ko.

"Salamat, Kuya. The best ka talaga. Lahat ng bagay pinapadali mo para sa akin."

"Because I love you, bunso."

"I love you din, Kuya." Yumakap pa ako sa beywang niya at sinilip ang baby boy ko
na ngayon ay tulog na habang karga pa rin niya. "Feel na feel niya sa bisig mo,
Kuya."

"Maki-Tito siya, eh."

"Kaya nga pero ihiga mo na, Kuya, para hindi masanay na karga siya kapag
natutulog."

"Okay, sige." Agad niyang inihiga si Steve sa tabi ni Shenaia.

Habang pinagmamasdan namin ni Kuya ang mga natutulog kong mga anak, naalala ko ang
lalaking nakabangga ko sa sementeryo.

"Kuya Simon," tawag ko.

"Hmm?"

"Noong nawala si Lance, tinanggap mo ba agad?" Nagulat din ako sa sariling tanong
ko.

Napatingin siya sa akin.

"Hindi," sagot niya na may kasama pang iling. "Actually, umaasa ako na buhay pa
siya at iyong bangkay na natagpuan ay hindi sa kaniya. Pero lahat ng
pagkakakilanlan ng bangkay na iyon ay kaniya. Mula sa damit na suot niya nang araw
na umalis ng bahay. Sa singsing na nakuha sa daliri niya bago siya i-cremate. Sa
report ng kaibigan niyang pulis na nakausap ko that time, sinigurado din niyang si
Lance ang may-ari ng katawan na iyon."

"May kaibigang pulis si Lance?"

"Marami namang kaibigan ang taong iyon, bunso. Kahit saan yata iyon mapunta ay may
naiiwang malapit na kaibigan. Hindi nga lang kasing-intact ng pagkakaibigan na
mayro'n kami."

"Kilala mo ba ang pulis na sinasabi mo, Kuya?"

"Kilala naman. Ilang beses ko rin siyang nakausap noong hinahanap namin si Lance sa
pinaglaglagan ng sasakyan niya. Pero isang araw lang siyang sumama noon tapos
nagkita at nagkausap na lang uli kami noong araw na matagpuan na ang katawan ni
Lance."

Sandali akong nawalan ng imik at pagkuwa'y muling nagtanong.

"Alam mo ba kung saan siya nakatira o saang istasyon qsiya nakadestino, Kuya?"

Siya naman ang natigilan at nagtatanong ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Kaagad ko namang ipinaliwanag sa kaniya kung bakit gusto kong makita at makausap
ang pulis na kaibigan pala ni Lance.
"Gusto kong malaman ang totoong nangyari ng araw na iyon, Kuya. Naisip ko na baka
kapag narinig ko na ang lahat, mas maging madali na para sa akin na tanggapin ang
lahat ng ito."

Nakakaunawang tumango ito.

"Kung sa tingin mo makakatulong sa 'yo kapag nakausap mo siya, sige. Ibibigay ko sa


'yo ang impormasyon ng pulis na iyon."

"Thank you, Kuya."

Ilang sandali pa kaming nag-usap ng kapatid ko bago niya kami iniwang mag-iina sa
kuwarto. Naligo muna ako bago lumapit sa mga anak ko.

Eksakto namang paglabas ko ng banyo ay nagising na ang baby girl ko kaya pinadede
ko na siya sa akin. Pasalamat na rin ako dahil sagana ako sa gatas kaya hindi
nauubusan ang mga anak ko.

"I love you, baby ko. Na-miss mo si Mommy? Hmm?" Pagkausap ko sa anak ko at ngumiti
siya sabay nguso.

"Oh, ang cute naman ng baby ko." Matunog ko siyang hinalikan sa noo.

Mayamaya nama'y nagising na rin ang baby boy ko, pinadede ko rin siya. Mabuti na
lang mabait ang Shenaia ko, naglalaro lang siya sa likuran ko habang pinapadede ang
Kuya Steve niya.

Kusa nang umayaw si Steve. Bumangon ako at nakipaglaro sa kanilang dalawa. Bawat
ngiti at hagikhik nilang dalawa ay napapangiti rin ako sa saya at tuwa. Tila naging
musika sa pandinig ko ang mga tawa nila. Tawa na siyang nagbibigay ng pag-asa sa
akin araw-araw.

"Mahal na mahal ko kayo, mga anak. Lalaban si Mommy para sa inyong dalawa. Lumaban
din kayo palagi para sa akin, ha?"

Tila nakakaunawang sabay na ngumiti ang dalawa at nagpapadyak. Tumatama sa mukha ko


ang mga paa nila pero hindi ako lumayo. Nakipaglaro ako sa mga anak ko hanggang
sila na ang kusang mapagod.

HINDI kita deserve, Sheena. Marumi ako. Marumi ako...

"Huh!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa isang panaginip.

Panaginip na naman. Napahawak ako sa dibdib ko. Ilang gabi nang laman ng panaginip
ko si Lance at palaging iisa ang laman niyon. lyong mukha niyang umiiyak ang laman
ng panaginip ko habang sinasabi niya na hindi ko siya deserve dahil marumi siya.

Ito ba ang way mo para magparamdam sa akin? Pero bakit iyon, hindi ba puwede na
iyong masasayang sandali natin ang maging laman ng panaginip ko? Hindi ba tayo
puwedeng maging masaya ulit kahit sa panaginip lang, Lance?

Ano ba ang gusto mong iparating sa akin? Na dalawin kita kasama ang mga bata?

"Gagawin ko iyon, hihintayin ko lang na mabinyagan ang mga bata. Dalawang araw na
lang naman, ha?" Mahinang usal ko at tinitigan na naman ang wedding ring namin. At
pagkuwa'y napatingin ako sa kwintas na hawak ko. Ang singsing ni Lance ang
nagsilbing pendant niyon.
Napatingin ako sa mga anak ko, tulog pa rin sila. Pagtingin ko sa alarm clock ay
alas dos pa lang pala ng madaling araw kaya nagpasya ako na muling bumalik sa
pagtulog. Ngunit kahit anong gawin kong pikit, hindi na ako nakatulog nang gabi na
iyon.

KINABUKASAN, tamad na tamad akong bumangon. Kahit dapat ay abala na ako sa


paghahanda para bukas. Pero wala, ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Siguro dahil
sa puyat at pag-iisip na naman kay Lance. Wala, eh. Palagi siyang laman ng isip ko.

"Sheena," narinig kong tawag ni Mama sa akin mula sa labas "gising ka na ba?"

"Opo. Bakit po, Ma?" nakahiga pa ring sagot ko.

"Lumabas ka muna, may dumating na deliver, eh."

Napakunot ang noo ko. Deliver? Wala akong natatandaan na may in-order ako..

"Ma, baka po wrong address. Wala po akong in-order sa kahit saan."

"Sa 'yo nakapangalan, eh." Dahan-dahang itinulak ni Mama ang pinto pabukas hanggang
sa sumungaw ang ulo niya sa pintuan. "Kung hindi talaga sa 'yo sasabihin ko sa
delivery man na ibalik na lang kung saan nanggaling iyon."

Bumangon ako. "Kanino po ba galing, Ma?"

Nagkibit-balikat si Mama.

"Sige po, bababa ako."

"Sige, ako na muna ang magbabantay sa mga apo ko."

"Sige po."

Naghilamos muna ako bago tuluyang bumaba at lumabas ng bahay. Awtomatikong kumunot
ang noo ko nang makita ang dalawang box na malaki na nasa semento, katabi ng
dalawang lalaki.

"Ma'am, may delivery po kami para sa inyo po," anang isa sa dalawang lalaki.

"Hindi ako nag-order ng mga iyan. Kanina ba galing ang mga iyan?"

Nagkatinginan ang dalawang lalaki at pagkuwa'y hindi malaman kung sino ang sasagot
sa kanilang dalawa.

"Hindi ko order ang mga iyan kaya hindi ko matatanggap iyan." Pinal na sabi ko.

Mukhang nataranta naman ang mga ito sabay kamot sa ulo.

"Ma'am, kunin niyo na po."

"Hindi ako tumatanggap ng mga bagay na hindi ko alam kung saan nanggaling. Baka
mamaya bomba ang laman niyan, mamatay pa karming lahat dito sa bahay," diretsang
sabi ko.

Tinawanan ako ng mga lalaki.

"Seryoso ako. Kaya ibalik niyo na iyan kung saan nanggaling."

"Pero, Ma'am-"
"Kapag hindi pa kayo umalis, ipapahabol ko kayo sa aso."

Muling nagkatinginan ang mga ito at nagsikuhan. Waring nagtuturuan kung sino ang
sasagot.

"Alisin niyo na iya-"

"Ma'am, bawal po kasing sabihin kung kanino galing, eh. Pero kami na po ang
nagsasabi na hindi po bomba ang laman nito." Pangungumbinsi ng isa sa kanila.

"Basta hindi ko tatanggapin iyan, tapos!" Tinalikuran ko na sila.

"Sabihin mo na kasi." Dinig kong udyok ng isa.

"Ikaw na kaya. Tutal ikaw naman ang nakakakilala sa nagpadala niyan, 'di ba? Sumama
lang ako sa 'yo."

"Eh sabi huwag na raw sabihin na sa kaniya galing, eh."

"Eh, paano iyan? Ang bigat kaya niyan tapos isasakay na naman natin sa motor
pabalik?"

Napataas ang kilay ko dahil sa naririnig na pagtuturuan nila.

"Wala tayong magagawa. Ibalik na lang natin," sabi ng isa na agad namang sinang-
ayunan ng isa pa.

Humarap ako sa kanila at nakita kong hinihila nila ang dalawang box palapit sa
motor. Pinanuod ko silang isakay iyon sa mga motor nila. Hirap na hirap sila dahil
mukhang mabigat nga ang laman niyon.

May tinawagan ang isa sa mga lalaki at dinig kong sinabi na ibabalik nila ang
parcel dahil hindi ko tinanggap.

Habang abala siya sa pagpapaliwanag sa kausap, abala naman sa pagkakarga ang isa.

Napatingin ako sa baba sa may paa ng lalaking may kausap dahil may nahulog mula sa
bulsa niya. Puting papel yata iyon. Dali-dali akong lumapit sa kanila at tinapakan
ang papel na nahulog.

"Ay kabayo!" Nagulat pa siya nang paglingon ay nasa likuran niya ako. Nasapo nito
ang sariling dibdib.

"Iyong nagpadala ba ang kausap ko?"

"Ah, Ma'am."

"Yes or no?"

"Or po." Sagot niya sabay ngiwi at kamot sa ulo. " Pasensya na talaga, Ma'am."

"Okay lang. Pasensya na rin dahil hindi ko matatanggap lyan."

"Sige po, Ma'am. Ibabalik na lang namin kahit mabigat ang mga iyan."

Sinubukan pa akong konsensyahin pero wala talaga akong balak na tanggapin iyon kung
hindi sasabihin sa akin kung kanino galing. For the safety na rin ng pamilya ko.
Hanggang sa makaalis sila ay nakatayo lang ako sa puwesto ko. Nang tuluyan na
silang mawala sa paningin ko ay saka ko pinulot ang papel na nahulog. Calling card?

City Of Mandaluyong

Police Department

Edwin L. Marinduque

Police Office

Operation Division

lyon ang nakalagay sa calling card na napulot ko.

Edwin? Edwin? Pinilit kong alalahanin kung saan ko ba narinig ang pangalan na iyon.
Hanggang sa...

"Edwin Marinduque? Tama! Siya iyong sinabi ni Kuya Simon na kaibigang pulis ni
Lance. Na ilang beses kong pinuntahan sa dating station niya pero ang sabi lumipat
na raw. Hindi ko naman nakuha ang impormasyon niya sa mga tao sa station na iyon.
Bawal daw kasi. Hindi ko rin alam kung bakit bawal.

Muli kong binasa ang impormasyon sa calling card. At pagkuwa'y tinawagan ko si Kuya
Simon para tiyakin na Marinduque nga ang surname ng pulis na iyon. At yes, siya na
nga ang hinahanap ko dahil kinumpirma na ni Kuya.

Kung gano'n, posible na siya ang nagpadala ng package na iyon? Pero kung siya nga,
bakit? Bakit padadalhan niya ako ng mga iyon?

Mga tanong na alam kong mabibigyan lang ng kasagutan kong pupunta ako sa address
siya.

Tama. Kailangan ko siyang makausap. At habang umaakyat ng hagdan pabalik sa kuwarto


ko ay hindi ko alam kung para saan ang pananabik na bigla kong naramdaman.

GIRLONFIRE28

#vote# Vote and comment hehe. Muahhh!

Chapter 67

Chapter 67

Chapter 67

SHEENA POV

NANG matapos ayusin ang sarili ko ay agad na akong nagpaalam kay Mama. Laking
pasalamat ko na kumagat ang paalam ko na pupunta lang ako sa mall para bumili ng
kulang sa binyag ng kambal bukas.

Sakay ng kotse ni Papa ay umalis na ako ng bahay na mag-isa. Wala akong


pinagsabihan kung saan talaga ang punta ko ngayon.

Habang daan ay abala ako sa pag-iisip kung bakit kailangang magpadala ng package ng
Edwin na iyon. Ni hindi ko nga siya kilala or nakikita pa man lang. Dahil lumipas
na ang ilang buwan pero hindi ako naglakas loob na mag-usisa tungkol sa kaso ni
Lance. Mas'yado pang magulo at groggy ang utak ko ng mga panahon na iyon.

At hindi ko rin alam kung bakit ngayon, bigla ay nagkaroon ako ng interes na alamin
kung bakit at paano namatay si Lance. At kung sino ang gumawa niyon sa kaniya.

Huminto ako sa isang fastfood restaurant nang makaramdam ng gutom at umihi na rin
muna ako habang naghihintay sa order ko. Hindi naman mas'yadong marami ang tao kaya
hindi na rin ako nagtagal sa loob.

Akma akong sasakay sa kotse nang matigilan ako, tila may mga matang nakamasid sa
akin. Tumingin ako sa paligid hanggang sa mapunta sa kabila ng kalsada ang tingin
ko. May malaking bulto na nakatayo. Sa bulto at tindig niya alam kong lalaki siya.
At pakiramdam ko ay siya ang nakatingin sa akin.

Nakaramdam ako ng panganib pero nawala rin iyon agad nang tumalikod ang bulto.

Salamat na pagmasdan siya at masayang ang oras ko ay bumalik na ako sa kotse ko at


pinaandar na iyon. Tila may bumulong sa akin, na ikutan ito.

Pagdaan ko sa kinaroroonan niya ay nakasuot na siya ng itim na mask, tanging mata


na lang ang kita. Hindi ko napagmasdang mabuti dahil tumungo siya nang tumigil ako
sandali sa tapat niya.

Umalis na rin ako dahil wala naman akong mapapala, mali-late lang ako sa lakad ko.
Malayo-layo na ako nang tumingin ako sa sideview mirror. Umalis na siya sa puwesto
niya.

Napailing na lamang ako at pilit iwinaksi ang isip sa taong iyon. Binilisan ko na
ang pagmamaneho.

Pagkalipas ng mahaba-habang sandali ay nasa tapat na ako ng gusali na sadya ko.


Hindi ako nahirapang hanapin iyon dahil gumamit ako ng wezz map.

Habang pababa ng sasakyan ay nakaramdam na naman ako ng kakaibang kaba sa dibdib


ko.

Bumuntong-hininga muna ako bago lumapit sa isang pulis na nasa labas ng station na
sadya ko.

"Magandang tanghali po, Sir, magalang na bati ko.

"Magandang tanghali din po. Ano pong kailangan niyo, Ma'am?" mabait na tanong niya.

"Ah, nandiyan po ba sa loob si Edwin Marinduque? Gusto ko po sana siyang makausap,


Sir." Wala nang paligoy-ligoy na sabi ko sa tunay na sadya ko.

Mukhang nagulat pa siya sa sinabi ko.

"Pakisabi naman po, gusto ko siyang makausap."

Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi naman nakakainsulto ang
tingin niya, parang gusto lang niyang makatiyak kung nasa mukha ko ba ang mag-
iiskandalo o manggugulo sa loob.

Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti. "Hindi po ako manggugulo sa loob, Sir.
May sadya lang po ako sa kaniya na importante."

Mukhang nasukol ko ang iniisip niya. "Pasensya na, Ma'am. Alam niyo na, iniiwasan
ko lang na may mapahiya na naman sa mga kabaro ko. Usong-uso pa naman ngayon ang
mga sugod-asawa. Nagtatatalak at kesyo buntis daw."

Natawa ako. "Hindi po ako kabit, Sir. May sariling asawa at mga anak ho ako."

Napapahiya naman siyang napakamot sa ulo.

"Pasensya na, Ma'am."

"Okay lang po, Sir. Nasa nature niyo na yata ang madaming chicks, eh."

"Ay judgemental ka, Ma'am."

"Parang ikaw lang din."

Sabay kaming napatawa at niyaya na akong pumasok. Sinamahan pa niya ako sa harap ng
opisina ng lalaking sadya ko bilang pambawi raw sa pagiging judgemental niya kanina
sa akin.

Kumatok siya ng dalawang sa nakasarang pinto.

"Come in," anang boses mula sa loob.

Dahan-dahang itinulak ng lalaki ang pinto at sumungaw sa pintuan. "Chief, may


naghahanap po sa inyo. Babae po."

May tumawa sa loob.

"Seryoso ako, Chief. May naghahanap po sa inyong babae. Papapasukin ko po ba?"

"Okay. Let her in." Pagpayag ng nasa loob.

Binalingan niya ako. "Pasok ka na." At nilakihan ang awang ng pinto.

"Thank you." Pasalamat ko pa bago isinara ang pinto.

Nakatungo ang lalaki habang abala sa pagbabasa ng kung ano.

Tumikhim ako upang kunin ang atensyon niya. Nag-angat naman siya ng mukha at nakita
ko ang pagkagulat na rumehistro sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Na para
bang kilala niya ako dahil kung hindi, bakit siya magugulat sa presensya ko.

Nakita ko ang nameplate niya. Edwin L. Marinduque nga.

"Good day po." Bati ko.

Kapansin-pansin ang pagiging uneasy niya.

"Yes? Do you need anything?" kapagkuwan ay tanong niya.

"Yes." Walang paligoy-ligoy na sagot ko. "Do I need to introduce myself?"


"Please?"

"I'm Sheena De Asis, wife of the late Lance De Asis."

"Oh, I'm sorry for your loss. Please have a seat."

Umupo ako sa katapat niya.

"Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa, Sir. Sinadya kita rito sa Mandaluyong mula
Cavite para lang itanong kung bakit pinadalhan mo 'ko ng package?"

"Package? What package, Miss." Maang-maangan pa niya pero hindi niya ako mauuto.

"Huwag na tayong maglokohan, Sir. Bumyahe ako ng mahigit dalawang oras para lang
personal na itanong sa 'yo ang tungkol sa bagay na ito."

"Hindi ko alam ang tungkol sa package-" Hindi niya natapos ang sasabihin nang may
kumatok sa loob ng pinto.

Naputol ang pag-uusap namin nang sumungaw ang pulis na kausap ko sa labas kanina.

"Sorry, Chief. May naghahanap na naman po sa inyo. Mukhang famous kayo for today."

"Pakisabi may kausap pa ako."

"Chief, kailangan na yatang kunin ang bayad niyo raw, eh. Hindi pa raw sila
kumakain."

Bumuntong-hininga si Edwin at sinabing papasukin na. Nagulat pa ang dalawang lalaki


na magkasunod pumasok nang makita ako.

Of course. Kilala nila ako dahil sila lang naman ang dalawang rider na nasa bahay
namin kaninang umaga. Bakas ang pagod sa mga mukha nila.

"Chief, balik na lang po pala kami," sabi ng isa.

"Oo nga po, Chief. Babalik na lang po kami-"

"No." Maagap na pigil ko nang lalabas na sila. " Tamang-tama lang ang dating
ninyong dalawa."

Napatingin sila sa chief nila na ngayon ay sukol na sukol na rin.

Pumwesto ako sa harap nilang tatlo at isa-isa silang tinapunan ng tingin. "Hindi na
kayo makakapagkaila dahil buko na kayo. Silang dalawa ang rider na pumunta sa bahay
kanina para ibigay ang package na galing sa ' yo, Chief Edwin."

"Ma'am, paano-" Napahinto sa pagsasalita ang lalaki nang itaas ko ang calling card
na dala ko.

"Patay!" Dinig kong sabi ng isa.

"Hindi ako ipinanganak kahapon. So, anong mayro'n at bakit kailangan mong magpadala
ng package sa bahay ko?"

Hindi agad sumagot si Edwin sa halip, inutusan niya munang lumabas ang dalawa
pagkaabot niya ng pera at pagkuwa'y muli kaming umupo.

"Hindi mo na maitatanggi ang ginawa mo, Sir."


Nagkibit-balikat ito. "Well, I admit it."

"Why? Sinong nag-utos sa 'yo para gawin iyon?"

"Walang nag-utos sa aki-"

"Hindi ako maniniwala na wala. First of all, bakit mo gagawin iyon gayong hindi
naman tayo close o kahit magkakilala man lang. I'd never met you before. Ni hindi
rin kita kilala maski sa pangalan mo kung hindi ka lang nabanggit sa akin ng
kapatid ko na kaibigan ka raw ng asawa ko," diretsang sabi ko.

"Pinuntahan kita sa dating station na pinagtatrabahuhan mo pero wala ka na raw


doon. Hindi sila nagbigay ng ano mang impormasyon kung saan ka na nalipat. Medyo
nawala na nga sa isip ko ang tungkol sa 'yo dahil naging busy ako sa pagprepera
para sa binyag ng mga anak ko. Tapos kanina, dumating ang delivery from someone na
ayaw sabihin ng dalawang iyon. Pero parang iniadya ng Panginoon na mahulog ang
calling card mo mula sa kanila para maalala ko ang tungkol sa 'yo."

Nawalan siya ng imik.

"Hindi pa ako tapos magluksa sa pagkawala ni Lance kaya ayokong makarinig ng kahit
na ano tungkol sa nangyari sa kaniya. Pero hindi ko alam kung bakit bigla kong
naramdaman na ikaw ang makapagsasabi sa akin ng katotohanan."

Hindi pa rin siya umimik. Nakatingin lang siya sa akin.

Inabot ko ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa.

"Si Lance ba talaga ang namatay ng araw na iyon?"

"O-Of course."

"Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling ka."

Tumikhim siya at kita ko ang pagpapawis ng noo niya.

"Hindi ako nagsisinunga-"

"Please, Edwin." Nakikiusap na ang tono ko. "Kung totoo man na siya iyong namatay,
gusto kong malaman kung paano, saan, at sino ang gumawa niyon sa kaniya. Pulis ka,
kaibigan ka niya. Ibig sabihin, pinagkakatiwalaan ka niya tungkol sa kapatid niya.
Please, gusto kong malaman kung siya talaga iyong ipinagluluksa ko o hindi."

"Wala na akong puwedeng ilabas na impormasyon dahil closed case na ang pagkamatay
ng asawa mo, Sheena. Hindi na natin puwedeng buksan-"

"May sinumpaan kang tungkilin, 'di ba? Sumumpa ka na maging tapat at maaasahan ng
mga taong nangangailangan ng tulong." Nagmamakaawa ko siyang tiningnan sa kaniyang
mga mata. "Kailangan ko ng tulong mo, Edwin."

Nagsimula ng maglandas ang mga luha ko.

"Gusto kong malaman ang totoo, kung patay na talaga siya wala na akong magagawa
kundi ang tanggapin iyon kahit sobrang sakit mawalan ng asawa. Pero kung buhay
siya, gusto kong malaman kung nasaan siya at bakit kailangan niya akong iwang mag-
isa..." napahikbi ako.

Kahit iyak na ako nang iyak sa harap niya ay nanatiling tikom ang bibig niya na
sagutin ang mga tanong ko. Ni wala akong narinig mula sa kaniya, basta nakatingin
lang siya sa akin.

Ilang sandali pa akong umiyak sa harap niya pero wala talaga kaya nagpasya na akong
tumayo. Nasa may pinto na ako nang huminto ako at humarap muli sa kaniya.

"Kung patay na talaga ang asawa ko, kahit masakit tatanggapin ko na. Pero kung
sakali mang buhay pa siya at trip lang na takbuhan ang responsibiliad sa aming mag-
iina, pakisabi na napakaduwag niya. Pakisabi rin na bukas ang binyag ng mga anak
namin na inabandona niya. Pakisabi na nahihirapan akong mag-isa dahil dalawa iyong
iniwan niya sa akin."

Pagkasabi ko niyon ay tuloy-tuloy na akong lumabas at umalis ng lugar na iyon.

Habang pabalik ng Cavite ay walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Biglang nahati
iyong nararamdaman ko.

Paano nga kung buhay pa si Lance at inabandona lang talaga kaming mag-iina? Hindi
ko alam kung alin ang mas masakit sa dalawa. Ang malaman na wala na talaga siya o
ang malaman na buhay pa siya pero hindi na niya kami mahal.

Napahikbi ako. Nang wala na akong makita sa dinadaanan ko dahil hilam na ng luha
ang mga mata ko ay huminto muna ako sa gilid ng kalsada. Doon ay hinayaan ko ang
sarili ko umiyak nang umiyak habang nakasubsob ang mukha sa manibela. Kahit
humagulhol ako ng iyak ngayon ay walang makakarinig at makakakita sa akin.

Bahagya akong napapitlag nang marinig ang pagtunog ng cell phone ko. Si Kuya Simon.

"Kuya?" Hindi ko pinahalata ang boses ko.

"Nasaan ka?"

"Pauwi na ako."

"Bilisan mo, may lagnat si Shenaia. Dadalhin na namin siya ni Mama sa hospital,
sumunod ka na lang."

Tanging tango na lamang ang nagawa ko kahit hindi naman niya ako nakikita. Binalot
na naman ng pag-aalala ang puso ko.

Dali-dali kong inayos ang sarili ko at mabilis na pinatakbo ang kotse. Halos
paliparin ko na iyon pabalik ng Cavite. Sa hospital na sinabi ni Kuya ako
dumiretso.

Hindi ko na naiparada nang maayos ang sasakyan ko at basta na lamang tumakbo


papasok ng hospital. Lord, talagang magwawala na ako kapag pati anak ko...

LANCE POV

"HANGGANG kailan ka magtatago sa pamilya mo, P're?" tanong sa akin ni Edwin.

Ang nag-iisang tao na nakakaalam na buhay pa ako. Buhay pa pero para na rin namang
patay.

"Hindi ka ba naaawa sa asawa mo? Tang'na P're, gustong-gusto ko nang umamin sa


kaniya kanina nang umiyak siya sa harap ko habang nakikiusap na sabihin ko sa
kaniya ang totoo tungkol sa 'yo. Pero mabuti na lang at naisip kita," aniya pa.

"Salamat, P're at hindi mo inamin."


Napapailing siyang tumingin sa akin.

"Hindi ka ba naaawa sa kaniya? Sabi niya kung buhay ka pa, pakisabi raw sa 'yo na
napakaduwag mo."

"Alam ko." Nabasag ang boses ko. "Alam kong duwag ako, pero mas gusto ko pang
matawag na duwag at ituring nilang patay kaysa ang magpakita sa kanila na ganito na
ang hitsura ko. Halimaw sa paningin ng iba..."

Nag-umpisa na namang tumulo ang mga luha ko at napatungo na lamang. Sa araw-araw na


hindi ko nakakasama at nayayakap ang mag-iina ko ay para akong unti-unting
pinapatay sa sakit at pangungulila sa kanila.

"Mahal ka ng asawa mo, Lance. Sa tingin mo ba, hindi ka niya tatanggapin dahil
nasira ang kalahati ng mukha mo?"

"Ayokong lumaki ang mga anak ko na kinukutya ng mga kapuwa bata na halimaw ang
daddy nila. Ayokong hindi maging normal ang buhay nila habang lumalaki dahil sa
akin, Edwin. Ayoko na maging tampulan sila ng tukso na may halimaw na ama. Hindi
iyon ang buhay na pangarap ko para sa kanila, Edwin. Gusto kong ma-enjoy nila ang
buhay at hindi nila maranasan ang mga naranasan ko sa buhay."

Napasinghot ako.

"Ayokong maging traumatized ang childhood nila dahil. sa hitsura ko. Gusto kong
magkaroon ng normal na buhay ang mga anak ko kahit ang kapalit niyon ay ang lumaki
silang hindi ako kasama."

"Hindi naman porke hindi successful ang unang operation sa mukha mo ay mawawalan ka
na ng pag-asa. Sabi naman ng doktor mo, may pag-asa pa, 'di ba?"

Mapait akong napangiti. "Ayoko nang umasa. Unti-unti ko na rin namang natataggap na
ganito na ang mukha ko. Parang halimaw. Hindi ko kayang makita na sarili kong
pamilya ay pandidirihan din ako kagaya ng iba kapag nakikita ang mukha ko, Edwin.
Na hindi ko naman sila masisisi dahil ako sa sarili ko ay nandidiri rin."

Lalong namalisbis ang mga luha ko habang muling binabalikan sa isip kung bakit
nasira ang kalahati ng mukha ko. Masuwerte na pa rin ako at hindi ako nabulag dahil
sa kagagawan ng hayop na iyon.

Hinding-hindi ko pagsisisihan na ako mismo ang tumapos sa kaniya ng araw na iyon.


Dahil kulang na kulang pa ang buhay niya sa lahat ng ginawa niyang kahayupan sa
akin mula pa noong bata pa ako. Pakiramdam ko, kulang na kulang pa ang buhay niya
dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon. Naging halimaw ako dahil sa kaniya. Literal
na halimaw dahil sa ginawa niya sa mukha ko.

Wala akong magawa kundi ang iiyak na lang ang lahat dahil hindi naman nagtagumpay
ang surgery ko two months ago.

GIRLONFIRE28

#vote# Huhu ayan na buhay pala talaga siya pero ayaw na niyang magpakita.
Chapter 68

Chapter 68

Chapter 68

SHEENA POV

"THANK you, Lord." Mahinang usal ko habang nakapikit.

Labis-labis ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil walang malubhang sakit ang anak
ko. Normal lahat arig result ng mga test na ginawa sa kaniya kanina. Ayon sa doktor
ng baby ko ay dahil lamang sa vaccine kaya nagkalagnat ang anak ko.

Literal na nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Iyak talaga ako nang iyak habang
bumabyahe patungo rito sa hospital kanina. Grabe iyong takot na naramdaman ko para
sa anak ko. Hindi bale nang ako na lang ang magkasakit huwag lang silang dalawa.
Ang hirap kapag baby ang may sakit dahil hindi naman nila masasabi kung ano ang
masakit sa kanila, eh.

"Thank you po talaga, Lord. Hindi mo po pinayagan ang baby ko." Muling sabi ko at
inabot ang maliit na kamay ni Shenaia.

Pinaghahalikan ko iyon, saka idinikit sa pisngi ko.

"Pinag-alala mo si Mommy, Anak. Huwag mo nang uulitin iyon, ha? Mahal na mahal
kita. Kayo ng kapatid mo." Nabasag ang boses ko.

Naramdaman ko na inakbayan ako ni Kuya na nakatayo sa tabi ko habang ako nama'y


nakaupo sa silya na nasa tabi ng kama ng anak ko.

Bahagya ko siyang tiningala. "Maraming salamat, Kuya. Mabuti at nadala niyo agad ni
Mama ang anak ko rito. Salamat sa walang sawang paggabay sa akin. Salarnat sa
walang tigil na suporta."

Tumango at ngumiti ito.

"Kalma na, bunso. Wala na tayong dapat ipag-alala sa anak mo dahil okay naman na
siya. Puwede na nga natin siyang iuwi mamaya, 'di ba?"

Tumango ako at sumandal sa katawan niya.

Mayamaya ay nagpaalam siya at aasikasuhin daw ang babayaran niya rito sa hospital
bago kami lumabas maya-maya ng kaunti. Hihintayin lang namin na magising ang baby
ko. Si Mama naman ay umuwi na pagdating ko dahil si Papa lamang ang kasama ni Steve
sa bahay.

Habang nakatitig sa baby ko naiyak na naman ako at muli ay paulit-ulit na


nagpalasamat sa Panginoon dahil hindi Niya ako hinayaan na madurog na naman.

Sunod-sunod na ang mga masasakit na nangyayari sa buhay ko at hindi ko na talaga


kakayanin kung may kasunod na naman. Nakakangiti lang ako pero sa loob ko, durog na
durog na ako.

"Sa mga plano Mo na lang po ako kumakapit. Sana po sa lahat ng sakit na naranasan
ko, sana balang-araw maranasan ko po ulit na maging masaya." Mahinang usal ko at
napabuntong-hininga.

Pasimple kong tinuyo ang mga luha ko nang bumalik na si Kuya.

Hindi na rin naman kami nagtagal dahil nagising na rin ang anak ko. Cheneck lang
ulit ng nurse ang temperature niya at nang normal na talaga ay pinauwi na nga kami.
Pagdating sa bahay ay tulog uli ang baby girl ko kaya sa kuwarto na siya idineretso
ni Kuya Simon.

"Salamat, Kuya." Pasalamat ko nang maihiga niya ang. baby girl ko sa tabi ni Steve
na nadatnan namin na payapang natutulog.

Maingat akong umupo sa paanan ng kama at pagkuwa'y napabuntong-hininga na naman.

"Okay ka lang?"

Nag-angat ako ng tingin sa tanong ni Kuya Simon.

Tipid ko siyang nginitian. "Oo naman."

Mataman niya akong tiningnan na para bang hindi siya naniniwala na ayos lang ako.

"Puwede ba tayong mag-usap sandali bago ka magpahinga?" tanong pa niya.

Tumango ako at nagpatiuna palabas ng kuwarto. Baka kasi maabala pa namin ang tulog
ng mga anak ko.

Nang umupo ako sa puno ng hagdan ay umupo rin siya sa tabi ko. Namayani muna ang
katahimikan sa pagitan namin bago ako nagsalita.

"Nakausap ko na si Edwin, Kuya."

"Kailan?"

"Kanina." Hindi siya nagkomento kaya nagpatuloy ako sa pagkukuwento sa kaniya.

Sinabi ko lahat sa kaniya kung paano ko nalaman ang bagong address niya. At ang
tungkol sa package.

"Sa tingin mo, bakit niya ako padadalhan ng package?"

Hindi pa rin sumagot si Kuya kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita ko na parang
malalim ang iniisip niya.

"Anong iniisip mo?" Kapagkuwa'y tanong ko.

"Ikaw, anong iniisip mo?" Balik tanong niya.

"lyong totoo?" Tumango siya. "Iniisip ko ngayon kung totoo ba na patay na si Lance,
Kuya."

"Sheena..." Halatang nabigla siya sa sinabi ko. "Bakit?"

"Hindi ko rin alam pero habang kausap ko si Edwin kanina, pakiramdam ko may
tinatago siya tungkol sa asawa ko."

"Bakit niya sasabihing patay na ang asawa mo kung buhay pa naman pala?"
"Hindi ko alam. Pero iniisip ko, paano kung tama ako sa hinala ko. Matatanggap ko
ba iyon?" Napailing ako.

"Sheena, imposible naman yata na buhay pa siya."

"Imposible ba talaga iyon, Kuya?"

"Patay na siya. Nando'n kami noong i-cremate siya, Sheena. Nakuha pa nga natin
iyong wedding ring niya, '

di ba?"

Hindi ako umimik. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil.

"Huwag ko nang paasahin ang sarili mo, bunso. Wala na si Lance, tanggapin na lang
natin iyon nang maluwag sa dibdib. At isa pa, kung buhay pa nga siya, bakit siya
magpapanggap na patay na? Bakit hindi siya bumalik sa inyo, knowing na mahal na
mahal niya kayong mag-iina. At kami na mga kaibigan niya."

Hindi na ako sumagot dahil may punto naman siya at para hindi na humaba ang pag-
uusap namin.

Mayamaya ay nagpaalam na ako na magpapahinga muna. Pumayag naman siya at nang


isasara ko na ang pinto ay muli niya akong tinawag.

"Kuya."

"Huwag mo nang paasahin ang sarili mo, ha?"

Tango lang ang naging sagot ko at tuluyan nang pumasok sa kuwarto at ini-lock ang
pinto.

Humiga ako sa tabi ng mga anak ko at hinayaang tangayin ng pagod at antok.

KINABUKASAN, maaga kaming nagising ng pamilya ko at nag-asikaso para sa binyag.

Maaga ring nagsidating ang mga kaibigan ni Kuya na siyang mga Ninong at Ninang ng
kambal. Maging si Rachel ay dumating na rin. Si Lolo Jaime at Ate Jenny. Maging ang
ilang piling bisita ko mula sa dati kong pinagtatrabahuhan.

Bandang alas nuebe ng umaga ay gayak na kaming lahat at sama-samang nagtungo sa


simbahan kung saan bibinyagan ang mga anak ko.

LANCE POV

"HANGGANG kailan ka maduduwag, Lance? Habang-buhay ka na lang bang ganiyan?


Tatanawin mula sa malayo ang sarili mong pamilya?"

Hindi ako sumagot. Abala ako sa pagtitig sa pamilya ko na ngayon ay nasa loob ng
simbahan. Ngayon ang binyag ng kambal ko. Bago pa man sila dumating ay nandito na
ako, nakaabang sa pagdating nila. Hindi man ako makalapit, at least saksi pa rin
ako sa tatanggaping sakramento ng mga anak ko.

May luha sa mga matang napangiti ako nang mula sa pinagkukublihan ko ay nakita ko
na buhat ni Sheena ang baby girl namin. Habang ang best friend/ bayaw kong si Simon
ang may karga sa baby boy ko.

Sa kahelirang upuan ay naroon ang mga kaibigan ko na present lahat at ang pamilya
ng asawa ko.
Sa tulong ni Edwin, nalaman ko ang mga pangalan nila. At bilang ama, napakasarap sa
pakiramdam na sa akin sinunod ni Sheena ang mga pangalan nila.

"Mahal na mahal ko kayo." Mahinang sambit ko habang nakatingin pa rin sa mag-iina


ko.

Narinig kong pumalatak si Edwin pero hindi ko na siya pinansin. Abala ako sa
panunuod ng mga nagaganap sa loob. At kung nakakatunaw lang ang pagtitig ko sa mag-
iina ko, malamang kanina pa sila natunaw. Hindi ako magsasawang pagmasdan silang
tatlo.

Nang ianunsiyo ng pari na tapos na ang binyag ay isa ako sa mga pumalakpak. At nang
nagpi-picture an na sila ay kinuha ko rin ang dala kong camera at kinuhanan sila.

"Kung hindi ka lang duwag, kasama ka sana nila sa picture." Dinig kong sabi ni
Edwin sa tabi ko.

"Larawan sana kayo ng isang masayang pamilya," dagdag pa niya.

Hindi ko pa rin siya binigyang pansin. Abala ako sa pagkuha ng picture ng mag-iina
ko na ngayon ay sila na lang ang nakatayo sa unahan. Karga ni Sheena ang mga anak
namin at ngiting-ngiti sa harap ng camera mula sa mga dumalo.

"Pare..." usal ni Edwin.

"Hmm?"

May inabot siya na panyo sa akin. "Punasan mo iyang mga luha mo."

Doon ko lang na-realize na umiiyak na pala ako habang kinukuhanan ng mga pictures
ang mag-iina ko. Kung hindi lang nagkaganito ang mukha ko, kasama niyo sana ako
diyan ngayon. Isang masayang pamilya sana tayo pero dahil mahal na mahal ko kayo,
hahayaan ko kayong magkaroon ng normal na buhay-" natigil ako sa pag-iisip nang may
humila sa akin.

"Lance, kailangan na nating umalis baka makita nila tayo. Lalo na ako. Baka
magtanong na naman ang asawa mo. Mukhang hindi pa naman siya basta naniniwala."

Nagpahila naman ako kay Edwin at sumakay na kami sa kotse niya.

"Palabas na sila, P're."

"Dito muna tayo, please? Tinted naman 'tong sasakyan mo, 'di ba? Hindi nila tayo
makikita."

"Pero, P're-"

"Gusto ko lang silang makita nang malapitan, P're." Nabasag ang boses ko.

Laking pasalamat ko nang pumayag siya sa hiling ko.

Para akong aatakehin sa puso sa labis na tuwa nang maglakad palapit sa amin ang
mag-iina ko. Sinadya ko na ipatabi ang sasakyan ni Edwin sa sasakyan ni Simon para
mas makalapit ako sa kanila.

Tila sandaling tumigil sa pag-inog ang mundo ko nang tumigil si Sheena sa mismong
tabi ng bintana kung saan ako nakaupo.
"Oh, God! Baby..." mahinang usal ko at napahawak sa salamin.

"Baby ko, mga baby ko..." Parang sinasakal ang puso ko ng mga sandaling 'yon.
Gustong-gusto kong bumaba at ikulong sila sa mga bisig ko pero hindi ko magawa.

Nasinghap ako nang bumaling si Sheena paharap sa akin. Naramdaman yata niya na may
nakatingin sa kaniya. Pakiramdam ko nagtama ang mga mata namin.

Napaiyak na lamang ako nang mapagmasdan ko silang mabuti. I'm sorry, baby, kung
sinusulo mo ang mga responsibilidad sa kanila na dapat ay sa ating dalawa. I'm so
sorry, baby.

"Naramdaman yata ng asawa mo na may nakatingin sa kaniya."

"Oh, God... ang mga baby ko." Parang hindi ko na yata kayang pigilan ang sarili ko
na huwag silang lapitan.

Gusto ko silang yakapin. Gusto ko silang ikulong sa mga bisig ko. Gusto ko silang
makasama...

Hinawakan ko ang lock ng pinto sa gilid ko at akmang bubuksan iyon nang pigilan ako
ni Edwin.

Luhaang napatingin ako sa kaniya.

"Sa ganitong pagkakataon mo ba gustong ipaalam sa kanila na buhay ka pa?"


Nananantiya niyang sabi.

Doon ako natauhan at dahan-dahang napabitaw sa handle ng pinto.

"Baka magulat sila at magkagulo, P're." Pag-aalangan niya.

Mapait akong napangiti.

"Baka magtakbuhan sila kapag nakita ang mala-halimaw kong mukha or worst ay
mahimatay sila...

"It's not what I meant, Pare. Baka lang magulat sila at akalain na nagmumulto ka
na. Mas maganda siguro na bago ka magpakita, may kausapin ka muna sa kanila kahit
isa. Para may katulong kang magpaliwanag kung sakali na magpapakita ka na sa
kanila. Mukhang lahat naman sila ay mapagkakatiwalaan pero piliin mo iyong mas
maiintindihan ka sa desisyong ginawa mo."

Marahang tango ang isinagot ko saka muli kong binalingan ang mag-iina ko. May kung
anong kurot sa puso ko nang makita kong pasakay na ng kotse ang mag-iina ko.

Minsan pang lumingon si Sheena sa direksyon ko bago tuluyang pumasok sa sasakyan at


isara ang pinto.

Matinding kahungkagan na naman ang naramdaman ko habang tinatanaw ang papalayong


mga masasakyan nila.

"Gusto mo pa bang sumunod tayo sa kanila? Sabi ng tauhan ko, sa isang restaurant
ang venue."

"Hindi na muna siguro."

"Okay, ikaw ang bahala. So, saan tayo? Uuwi na?"


"Yeah."

Wala kaming imikan ni Edwin habang pabalik sa condo na tinitirhan ko. Hinayaan niya
ako sa pananahimik ko.

Malayo-layo na ang nararating namin nang... "Balik tayo, P're."

"Ha?" Gulat na sabi ni Edwin at biglang napapreno..

"Gusto ko pa silang makita at makasama."

"Tss! Pinagod mo pa ako." Palatak niya habang umiiling pero pinagbigyan din naman
ako sa request ko.

Mabilis siyang nagmaniobra at binaybay ang daan patungo sa restaurant kung nasaan
ang pamilya ko.

Bago bumaba ng sasakyan ay inilagay ko muna ang takip sa kabilang bahagi ng sira
kong mukha. Nagsuot din ako ng sumbrero para hindi talaga halata.

"Dito tayo pumwesto," aniya at sa medyo tagong bahagi ng restaurant umupo.

Nagpalinga-linga ako para hanapin ang pamilya ko.

"Hayun sila, o." Sinundan ko ang itinuturo ng nguso niya.

Nakita ko nga ang pamilya ko na nagsisimula nang mag-party-party sa bandang likuran


ng restaurant. Mukhang event place talaga ang likurang bahagi na iyon.

May kasamang mga bata ang ilan sa bisita nila.

Si Edwin lang ang um-order habang ako ay abala sa pagtanaw sa kanila. Mukhang
masayang-masaya silang lahat.

May inggit akong naramdaman sa puso ko.

"Psst! Hoy, saan ka pupunta?" sita ni Edwin nang tumayo ako.

"Doon lang sa kabilang table para mas malapit ako sa kanila."

"Careful." Paalala pa niya bago ako lumipat.

Abalang-abala ako sa pagmamasid sa kanilang lahat nang biglang may nag-alis ng


sumbrero ko at hinila ang takip ko sa mukha dahilan para malantad ang mukha ko.

Nagtangis ang mga ngipin ko nang marinig ang tili ng dalawang bata na tumatakbo
palayo sa akin.

"Monster!"

"Mommy, monster!" Takot na sigaw ng dalawang batang walang modo na humila sa takip
ng mukha ko.

Agad kong narinig ang mga bulong-bulungan ng mga kumakain sa paligid ko.

Grabe, pang-horror ang mukha.

Kaya nga, kadiri!


Napabuntong-hininga ako sa mga narinig ko at humigpit ang hawak sa cell phone ko.

"Lance, let's go." Pagkuwa'y yaya ni Edwin nang lalong lumakas ang pangungutya nila
sa hitsura ko.

"Ayun ang monster, Mommy!" Dinig ko mula sa batang babae. Pagtingin ko sa kanila ay
umiiyak na pala ang bata at takot na takot ang mukha.

"Lance, let's go."

Hindi pa sana ako aalis nang makita kong bumukas ang pinto ng likurang bahagi ng
restaurant. Dali-dali akong sumunod kay Edwin pabalik ng sasakyan.

Napasandal ako sa headboard.

"Okay ka lang?" Napatingin ako kay Edwin sa tanong nito.

Hindi ako umimik.

"Huwag mo silang pansinin, Pare. Mga bata lang iyon at nagulat."

"Hindi bata ang nagsabi na nakakadiri ako, Pare."

Nang sumunod na mga sandali ay binalot na ako ng awa para sa sarili ko.

Nagpahatid lamang ako sa condo ko at hiniling na mapag-isa muna. Alak agad ang
tinira ko pagdating.

Paano pa ako magkakalakas ng loob na magpakita sa pamilya ko kung sa tuwing lalabas


ako ng lungga ko pangungutya at pandidiri ang maririnig ko.

Kung sana lang naging successful ang operasyon ko para bumalik sa dati ang hitsura
ko. Sana....

Chapter 69

Chapter 69

SHEENA POV

"HOY!" Napaiktad ako nang marinig ang boses ni Rachel at tinapik ako sa likod bago
umupo sa tabi ko.

Narito pa rin kami sa restaurant kung saan ginaganap ang party ng mga anak ko
pagkatapos ng misa sa simbahan.
"Nakakagulat ka naman, eh," ingos ko sa kaniya.

"Tsori na. Bakit kasi nandito ka, eh nando'n ang mga bisita mo," aniya at inginuso
ang mga bisita na ngayon ay nagkakasiyahan pa rin at pinagpapasa-pasahan ang mga
anak ko.

"Nagpapahinga lang sandali. Napagod ako sa kakatayo, "pagdadahilan ko.

"Weh? lyong totoo?"

"Oo nga. Pabalik na rin naman ako ro'n." Tumayo na ako at nagpatiuna.

Agad namang sumunod ang kaibigan ko pabalik sa loob.

Gusto ko pa sanang mag-stay sa puwesto ko dahil bukod sa gusto ko talagang


magpahinga ay hindi mawala-wala sa isip ko iyong pakiramdam na tila may mga matang
nakamasid sa akin mula pa kanina pagdating namin sa simbahan.

Cha

Ang weird nga, eh. Sa halip kasi na matakot sa pakiramdam na may nakatingin sa akin
ay parang nasasabik pa ako na makita kung sino iyon. Kaya habang nagmimisa si
Father kanina ay pasimple akong lumilinga sa paligid. Nagbabakasakali na makita ko
kung sino ang nagmamay-ari ng tila mga matang nakamasid sa akin. Mas lumakas pa ang
pakiramdam ko na iyon nang makalabas kami ng simbahan. Napatingin pa nga ako sa
paligid bago sumakay ng kotse ni Kuya.

Napailing na lamang ako at iwinaksi sa isip ang pakiramdam na iyon. Baka mamaya
wala naman talaga at guni-guni ko lang ang pakiramdam na iyon.

Muli akong nakisiya sa mga bisita namin hanggang sa matapos ang party at isa-isa
nang magpaalam ang ibang mga bisita ko. Tanging pamilya ko at mga kaibigan ni Kuya
Simon ang naiwan.

Tinapos namin ang natitirang oras sa venue bago sabay-sabay na lumabas. Nasa
parking lot na kami nang magsalita si Kuya.

"Sa bahay tayo, guys!"

"Sure!" Maagap na sang-ayon ni Kuya Joven. "Kahit hindi mo kami sabihan, talagang
doon pa rin ang punta namin. 'Di ba, guys?" Baling niya kay Ate Made at Ate
Kristine.

"Yup! Bitin na bitin sa happenings," sang-ayon ni Ate Madeline na senigundahan ni


Ate Kristine.

Kaya ang ending, kasama nga namin sila dito sa bahay pag-uwi. At dito balak
itinuloy ang kaguluhan ng kanilang barkada.

"Sheena, balik ka, ha?" pahabol ni Ate Kristine nang paakyat na ako ng hagdan
habang buhat si Steve.

"Sige, Ate. Patutulugin ko lang ang kambal," tugon ko at dumiretso na sa taas.

Maingat kong inihiga sa kama si Steve habang si Shenaia naman ay nasa baba pa at
pinaglalaruan pa ni Rachel at Kuya Joven.

"Besh, akin muna si Shenaia, ah."


"Oo nga, Bunso. Amin muna si Shenaia, practice lang kami nitong future asawa ko.

"Feeling mo!"

Napangiti ako nang maalala ang pangdidiga ni Kuya Joven sa kaibigan ko. Baka silang
dalawa may forever, kami kasi ni Lance wala.

Para hindi na mas'yadong malungkot kakaisip sa kaniya ay inabala ko na lamang ang


sarili ko. Binihisan ko si Steve at pagkuwa'y ako naman ang nagpalit ng damit pang
bahay ko.

Nang umingit si Steve ay tinabihan ko siya sa kama at pinadede ko na. Mabilis


siyang nakatulog dahil sa pagod. Napagod siya sa kakapasa-pasa sa kanila ng
kakambal niya.

Eksakto namang himbing na si Steve nang pumasok si Rachel na karga si Shenaia.

"Tapos na kayong mag-practice?" Nanunudyong tanong ko.

"Loka!" Pinamulahan ng mukha ang kaibigan ko at ibinigay sa akin ang baby girl ko.

"Anong status niyo ni Kuya Joven?"

"Ako single pa rin, siya ewan ko."

"Akala ko taken." Pinandilatan niya ako ng mga mata na ikinatawa ko. "Wala namang
masama, ah. Binata si Kuya Joven-"

"Heh!" Aniya at nagmamartsang tinalikuran ako. "Diyan ka na nga."

"Eeh, excited makasama si Kuya Joven."

"Gaga, hindi, 'no. Diyan ka na nga."

Napapangiti ako nang tuluyan na siyang lumabas at kinabig pasara ang pinto.

"Napagod ba ang baby girl ko? Hmm?" Malambing na pagkausap ko sa anak ko.
"Bibihisan lang ni Mommy tapos tutulog ka na rin kagaya ni Kuya Steve mo, ha?"

Binilisan ko nang linisan ang anak ko dahil unti-unti nang tumitiklop ang talukap
ng kaniyang mga mata dahil sa antok. Natawa ako dahil bago ko pa man siya malagyan
ng diaper ay tulog na nga siya. Inayos ko na siya ng higa sa puwesto niya at
pagkuwa'y pinakatitigan ko silang dalawa.

"Welcome to Christian world, mga anak. Maiisama ko na kayo kapag aalis ako. Hindi
na ako magmamadaling umuwi kapag bumibisita ako sa kapatid at daddy niyo kasi
kasama ko na kayo. Madadala ko na kayo sa puntod nil-" kusa akong natigilan nang
sumagi sa isip ko ang pag-uusap namin ni Edwin kahapon.

May kung ano na namang maliit na tinig na tila bumubulong sa akin na may itinatago
siya. Pakiramdam ko talaga hindi siya nagsasabi ng totoo sa akin-katok sa pinto ang
pumukaw sa naglalakbay kong isip.

"Sheena, si Ate Madeline 'to."

Maingat akong umalis sa tabi ng mga anak ko at binuksan ang pinto.

"Ate."
"Tulog na sila?" aniya at sumilip sa loob. "Tulog na pala sila, eh. Halika na."
Yaya niya nang makitang himbing na ang kambal.

"Sunod ako, Ate."

"Promise?"

"Promise. Magbabanyo lang ako sandali tapos susunod na rin ako, Ate."

"Okay. Hintayin ka namin sa baba, ha?"

Pag-alis ni Ate Madeline ay dumiretso na nga ako sa banyo. Hindi nagtagal ay bumaba
na rin ako.

Nakasalubong ko sa hagdan si Mama at sinabi na siya muna ang tatabi sa mga apo
niya.

"Salamat po, Ma." Nakangiting sabi ko.

"Wala iyon, Anak. Siya nga pala nasa kubo na sila, doon ka na lang pumunta. Lumipat
sila roon at mas'yadong maiingay."

"Ay sige po, Ma. Punta na po ako roon."

"Sige. Enjoy, Anak." Nakangiting bilin niya sa akin bago tuluyang tumaas at
puntahan ang mga anak ko.

Ilang metro na lang ang distansya ko sa kubo nang matigilan ako. Napatingin ako sa
dating puwesto ni Lance sa tuwing nandito silang magbabarkada sa kubo. Bakante na
ang puwesto niya. At ilang beses ko na ring napansin na sa tuwing nandito silang
apat ay hindi nila inuukupa ang puwesto ni Lance. Walang umuupo roon.

Ganito ka nila pahalagahan, Lance. Piping usal ko at tumingala para pigilan ang
pagtulo ng namumuong luha sa mga mata ko bago naglakad palapit sa kanila.

Agad nilang napansin ang presenya ko. Sa dating puwesto ni Lance ako umupo.
Napansin ko na napunta sa akin ang atensyon nilang lahat.

"Bakit?" nagugulumihanang tanong ko.

"Puwesto ni Lance iyan," malungkot na sabi ni Kuya Joven. "Bigla ko lang na-miss
ang taong iyon."

Binalot ng katahimikan ang paligid. Tanging malalalim na buntong-hininga ang


naririnig ko.

"Whoa! Parang gusto kong umiyak," dagdag pa ni Kuya Joven at mapaklang tumawa.
"Wala, eh. Madaya si Lance, walang pasabi, basta na lang nang-iwan."

Kumislap ang mga mata ni Kuya Joven. At alam kong dahil iyon sa pinipigilang luha.

Ang dapat masayang inuman ng magkakaibigan ay nauwi sa malungkot na kuwentuhan.


Habang ako ay walang imik sa gilid at nakinig sa kanilang pagbabalik-tanaw sa
nakaraan na kasama ang asawa ko. Masasayang alaala nila na kasama si Lance ang
kanilang binabalikan pero dama ko na iyong tawa nila ay may halong sakit at
pangungulila.

"Ikaw, bunso?"
"H-Ha? Anong ako, Kuya Joven?"

"Nagsi-share kami ng masasayang alaala kasama si Lance, baka ikaw gusto mo rin."

Binigyan ko sila ng pilit na ngiti nang tumingin silang lahat sa akin at naghintay
ng sasabihin ko.

"Sige na, bunso. I-share mo na sa amin kung ano iyong pinakamasayang moment mo na
kasama siya." Udyok ni Ate Madeline.

"P-Pinakamasaya? Siguro iyong time na sinabi niya sa akin na mahal niya rin ako.
Iyong sinabi niya na matagal na niya akong mahal. At iyong iyong i-ikinasal ako sa
kaniya... iyong sabay kaming nangako sa isa't isa na bubuo kami ng sariling pamilya
at tatanda kami na- na magkasama." Dali-dali kong pinunasan ang dalawang butil ng
luha ko na gumulong sa pisngi ko.

"Pasensya na kayo. Naiiyak na naman ako, eh."

"Lahat yata tayo naiiyak, bunso. Pero normal naman iyong umiyak kapag nasasaktan
tayo," ani Kuya Simon na sinang-ayunan ng mga kaibigan niya.

"Nasasaktan din kami pero laban. Hindi magkakaroon ng katahimikan sa langit si


Lance kapag nakikita niya tayong malungkot. Pilitin nating maging masaya dahil kung
nasaan man siya ngayon for sure iyon ang gusto niya para sa atin. Ang makita niya
tayong masaya at pinipiling ituloy ang buhay na wala siya sa tabi natin pero
habang-buhay siyang mananatili sa mga puso natin. 'Di ba, guys?" ani Ate Kristine
sa mga kaibigan.

Sabay-sabay namang umuo ang mga ito at sinabing magsaya na lang kami para matuwa si
Lance. At iyon nga ang nangyari, ang lungkot na nararamdaman naming lahat ay
napalitan ng saya nang muli nilang balikan ang mga kalokohan nila noong college
days nila.

Ang lakas ng tawa naming mga babae nang ikuwento nila sa amin na may kaklase sila
noon na sinilipan daw ni Kuya Joven at Lance.

"Taena, ang gubat!" Reklamo ni Kuya Joven sabay hagalpak ng tawa.

Pati kami ay tawang-tawa dahil hindi maipinta ang mukha niya habang ikinuwento
iyon.

"Gano'n talaga ang napapala ng mga manyak." Si Rachel.

"Hindi manyak iyon, hindi namin kasalanan na pabuka-buka ang babaeng 'yon noon,"
depensa niya at kinindatan ang kaibigan ko.

Habang lumalalim ang gabi ay pakulit nang pakulit ang magkakaibigan na sinasabayan
naman ni Rachel.

Nang makaramdam ako ng antok ay nauna na akong magpaalam sa kanila. Iniwan ko na


sila sa kubo na nagkakasiyahan pa at dumiretso sa kuwarto ng mga anak ko. Tinabihan
ko sila sa pagtulog at niyakap nang mahigpit.

NANG sumunod na mga araw at linggo, pinilit ko nang iwaksi sa isip ko ang tungkol
kay Edwin. Minsan ko pa. kasing sinubukan na kausapin siya tungkol kay Lance pero
nanatiling tikom ang bibig niya. Iginiit niya sa akin na wala na raw talaga si
Lance. At iyong mga package na ibibigay dapat niya ay para pala sa mga anak ko.
Regalo lang daw niya iyon at walang ibang ibig sabihin.
Umiyak pa ako sa harap niya nang araw na sabihin niya sa akin na patay na talaga si
Lance. Umasa kasi ako. Umasa ako na baka buhay pa nga siya pero iginiit ni Edwin na
wala na raw talaga.

At maging si Kuya Simon ay ilang beses akong pinagsabihan na tigilan ko na ang


pagpapaasa sa sarili ko. At simula ngayon ay iyon ang gagawin ko.

Titigil na ako at pipiliing ituloy ang buhay kasama ang mga anak ko.

Malungkot na tinapos ko ang pagbibihis sa mga anak ko dahil aalis kami ngayon para
bisitahan ang mag-ama sa sementeryo. Dinala ko muna sa baba ang mga bata bago ako
nagbihis.

"Mag-iingat kayo, Anak." Bilin ni Mama nang paalis na kaming mag-iina kasama si Ate
Jenny na naging katuwang ko na sa pag-aalaga sa mga anak ko sa tuwing aalis kami ng
bahay. Bukod sa pamilya ko at mga kaibigan ni Kuya ay si Ate Jenny lang ang
pinagkakatiwalaan ko pagdating sa mga anak ko.

"Huwag kayong magpapagabi, Sheena. Baka sipunin ang mga bata," muling bilin ni
Mama.

"Opo, Ma. Sasaglit lang po kami sa mall pagkagaling namin sa sementeryo tapos uuwi
na rin ho kami," sagot ko at humalik na kay Mama.

"Sige. Mag-ingat kayo."

"Opo." Sumakay na ako sa driver's seat habang nasa backseat ang mga anak ko kasama
si Ate Jenny. "Ma, alis na ho kami!"

"Ang pagmamaneho, Sheena, dahan-dahan lang!"

"Opo, Ma." Kumaway pa ako sa kaniya bago tuluyang pinasibad ang sasakyan ni Papa.

Sa sementeryo ang unang distinasyon naming mag-iina. Tig-isa kami ni Ate Jenny sa
aking kambal nang pumasok sa sementeryo.

"Ito na iyong promise ko sa 'yo. Kasama ko na ang mga anak natin," sabi ko nang
makaupo sa nilatag na banig ni Ate Jenny.

"Sana masaya ka na dahil dinala ko na sila rito. Pasensya na at ngayon lang ulit
ako nakabisita sa inyo ni baby angel. Na-busy ako.. na-busy ako sa kakaasa na buhay
ka pa."

Mapait akong ngumiti habang nakatingin sa um ni Lance.

"Masakit pa rin sa akin pero susubukan ko ng tanggapin nang maluwag sa dibdib ko na


wala ka na talaga. Tama ang pamilya ko, hindi ako puwedeng magpatalo sa
pangungulila sa 'yo dahil may mga anak tayo na kailangan pa ako. Hayaan mo, gagawin
ko ang lahat para maging mabuting ina at ama sa mga anak natin. Sana lang gabayan
mo kami palagi, Lance."

Tumigil ako sa pagsasalita nang tumawa si Shenaia habang pilit inaabot ang urn ng
kaniyang ama. Pagtingin ko kay Steve ay nakangiti rin siya.

"Tingnan mo ang mga anak natin, ang saya-saya nila. At sana kung nasaan ka man
ngayon, sana masaya ka na rin." Tila may batong dumagaan sa dibdib ko ng mga
sandaling 'yon.

Inubos lamang namin ang nakasinding kandila at taimtim na nagdasal bago ako
nagdesisyon na umalis na. Kumulimlim kasi at baka abutan kami ng ulan.

Isang lingon pa ang ginawa ko sa loob ng sementeryo bago tuluyang pinasibad ang
sasakyan patungo sa mall.

Pagkalipas ng ilang sandali ay nakarating na kami sa mall. Kaagad kong ipinarada


ang sasakyan at pagkuwa'y magkakasama na kaming pumasok sa loob ng mall.

Tulak ko ang stroller ni Shenaia habang kay Ate Jenny ang stroller ni Steve.

Nakakatuwa dahil aliw na aliw ang kambal sa iba't ibang kulay sa loob ng mall.
Ngayon ko lang sila dinala rito dahil ayoko pa silang masyadong ma-expose sa
maraming tao. Mabuti na lang at weekdays ngayon, hindi sobrang dami ng tao.

Bumili ako ng laruan sa department store, kaso nang magbabayad na ako saka ko ang
na-realize na naiwan ko pala ang bag ko sa sasakyan. Wala akong choice kun'di ang
balikan iyon.

Napakunot ang noo ko habang naglalakad palapit sa sasakyan ko nang mapansin ko ang
itim na kotse sa tabi niyon.

Bakit parang pamilyar sa akin ang itim na kotse na iyon?

MEL 342? Basa ko sa isip ko ng plate number ng kotseng itim.

Nakita ko iyon, eh. Hindi ko lang matandaan kung saan.

MEL 342...MEL 342-Tama! Sa simbahan ko iyon nakita dati. Sa binyag ng kambal.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maramdaman ko ang tila pamilyar na
pakiramdam na may mga matang nakamasid sa akin. At hindi na ako puwedeng magkamali
ngayon, sa kotseng iyon nanggaling.

Sinusundan ba niya ako o coincidence lang na magkatabi na naman ang inga sasakyan
namin?

Malalaki ang hakbang na lumapit ako sa sasakyan ko at kinuha ang bag ko. Mabilis
akong lumingon sa itim na kotse, nandoon pa rin kasi ang pakiramdam na may
nakatingin sa akin.

"Hey!" Malakas kong kinatok ang bintana. "Hey!"

Tinted ang sasakyan kaya hindi ko makita ang sakay sa loob. Hindi ako tumigil sa
pagkatok hanggang sa dahan-dahang bumaba ang bintana at...

Chapter 70

Chapter 70
SHEENA POV

NAPASINGHAP AT HALOS mapatalon ako sa pagkabigla nang makita ko ang mukha ng taong
nakaupo sa driver's seat

Awtomatikong napaatras ang mga paa ko habang tutop ang sariling bibig

Sunog ang kanang pisngi ng lalaki hanggang sa may bandang leeg nito. Maging ang
kamay niyang nakahawak sa manibela ay may peklat din. Bumalik ang tingin ko sa
mukha niya at napatitig doon habang dahan-dahang umaatras.

Nakasuot ng sunglasses ang lalaki

"What do you want?" Dinig kong tanong ng lalaki sa husky na boses

Hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Anong nangyari sa mukha niya?
Nasunog ba siya?

"Halos gusto mo nang basagin ang bintana ng kotse ko sa pagkatok tapos ngayong
nakita mo ang mukha ko matatakot ka?" sarkasmong sabi niya.

Napakurap ako. Tama ba na sakit ang mababakas sa boses niya?

"Just go away kung hindi mo masikmura ang nakakadiri at nakakasuka kong mukha."

"Sandali!" Muli akong humakbang pabalik sa tabi ng kotse niya. nang akmang isasara
na niya ang bintana.

"What?" Hindi tumitinging angil niya.

"Are you stalking me?" Diretsang tanong ko. Hindi siya agad nakasagot kaya
nagpatuloy ako "You know what I'm talking about Hindi ako puwedeng magkamali,
natatandaan ko ang plate number ng itim na kotse na to. Ito rin ang kotse na naka-
park sa tabi ng sasakyan namin noon sa simbahan"

Mukhang nasukol ko siya dahil hindi siya nakasagot

"Bakit mo ko sinusundan? May masama ka bang balak sa pamilya ko?"

"Stop accusing me, Miss-

"Misis na ako. Now tell me, are you stalking me?"

"I don't know what are you talking about, Mrs. It was just a coincidence at hindi
ako stalker mo."

"I don't believe you. Grabeng coincidence naman yata 'to, Mr. dami ng bakanteng
parking space, dito ka talaga tumabi sa sasakyan ko?"

"Malay ko bang sa 'yo ang sasakyan na iyan-

"I'm not a fool, okay? Hindi ako naniniwala na coincidence lang ang nangyari. Hindi
ako kakagat sa mga palusot+

"That's your problem not mine." Pasupladong sagot niya at tangkang itataas na uli
ang bintana nang pigilan ko iyon.

"Stay away from my car, Mrs, utos niya.


Hindi ako kumilos para lumayo sa halip ay muli akong napatitig se pisngi niya.

"What happened to your face?" Mukhang nagulat siya sa pagtatanong ko.

Tila ba nailang din siya nang mapansin na pinag-aaralan ko ang mukha niya. Hindi ko
alam kung parehong pisngi niya ang sunog dahil nakatagilid siya kaya kanang pisngi
lang ang kita ko.

"Don't look at me like that. Wala kang mapapala sa pagtitig se mukha ko. It's
disgusting."

Bakas ang pait sa namamaos niyang boses. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil
sa halip na kabahan sa presensya niya ay hindi ko maramdaman iyon.

"What happened to you- Hindi ko na natapos ang itatanong ko nang mag-ring ang cell
phone ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Ate Jenny ang tumatawag

Syet! Ang mga anak ko. "Hello, Ate?"

"Nasaan ka na? Matagal ka pa ba riyan? Umiiyak na si Shenaia

"Pabalik na ako, Ate." Nagmamadali na akong naglakad pabalik ng mall. Malayo-layo


na ako nang maalala ko ang lalaking kausap ko na basta ko na lang iniwan.

Sandali akong natigilan nang paglingon ko sa kaniya ay nakatayo na siya sa labas ng


sasakyan niya at nakatingin din sa

akin

May kung anong damdamin ang lumukob sa buong pagkatao ko Bakit parang may kakaiba
sa titig niya sa likod ng itim na salamin na suot niya? Bakit parang kilala ko
siya? Bakit parang kumportable ako sa presensya Naputol ang ano mang iniisip ko
nang marinig ko ang iyak ni Shenaia sa kabilang linya.

Nawala sa isip ko na kausap ko pa pala si Ate Jenny Isang sulyap pa ang ginawa ko
sa lalaki bago ako magmamadaling. bumalik sa mga anak ko.

"Sheena, bakit ang tagal mo?" Bungad ni Ate Jenny nang balikan ko sila.

Agad kong kinuha sa kaniya si Shenaja na umiiyak pa rin. Pero tumigil din siya agad
nang kargahin ko na.

"Naku, na-miss lang pala ako ng baby ko. Sorry, baby, natagalan si Mommy. Napangiti
ako nang ngumiti ang anak ko at nagkakawag sa dibdib ko

Nagbayad muna ako sa counter bago muli ko siyang ibinalik sa stroller at itinulak
palabas ng department store at naglibot-libot pa kami sa kung saan-saan

"Ate Jenny, gusto mo bang kumain muna?" tanong ko nang medyo mangawit na ang mga
binti ko.

"Hindi pa naman pero nauuhaw na ako, eh."

"Ay, sige, Ate. Kumain muna tayo tapos mayamaye uwi na rin. tayo."

Sa isang restaurant kami pumasok para magtanghalian. Habang ang kambal ko naman ay
dumedede na rin sa feeding bottle nila.

Pagkatapos naming kumain, naglibot-libot lang kami ng kaunti at lumabas na rin


kapagkuwan.

Pinasakay ko muna si Ate Jenny, bago ko iniabot sa kaniya ang mga anak ko. At
pagkuwa'y inilagay ko na sa compartment ang mga stroller.

Pag-ikot ko se may driver's seat ay natigilan ako dahil may nakaipit na isang fresh
na white rose sa handle ng pinto ng kotse.

Napatingin ako sa paligid at pagkuwa'y sa white rose.

White rose? Napaisip ako sabay tingin sa cell phone ko kung ano ang ibig sabihin
kapag puting rosas ang ibinigay sa 'yo ng isang tao.

White Rose, it symbolize sincere apologies and seeking forgiveness.

Apologies and forgiveness? Muli akong napatingin sa paligid pero wala namang
kahina-hinala na puwedeng magbigay sa akin niyon.

"Sheena, may problema ba?" Napapitlag ako sa biglang pagsasalita ni Ate Jenny.

Nakadungaw siya sa nakabukas na bintana sa tapat niya.

"May problema ba?" Ulit niya.

"A-Ah, wala naman, Ate. Sumakay na ako sa kotse. Inilagay ko sa tabi ko ang puting
rose.

Nang paalis na kami sa parking lot ay saka ko naalala ang kotseng itim sa tabi ko
kanina. At iyong iyong lalaking sakay niyon.

Hindi kaya sa kaniya galing ang bulaklak? Pero bakit niya ako bibigyan niyon?

Oo nga naman, bakit ka niya bibigyan? Bulong ng kabilang bahagi ng isip ko.

Baka nga stalker siya. Pero bakit hindi ako kinakabahan o nakakaramdam ng pangamba?

"Sheena, napapa'no ka ba?" Untag ni Ate Jenny sa akin dahilan para matauhan ako sa
paglalakbay ng isip ko.

"May problema ba? Bakit parang hindi ka mapakali diyan?"

"Wala naman, Ate Tanggi ko at tuluyan nang umalis sa lugar na iyon.

PAGDATING sa bahay, si Mama muna ang pinag-asikaso ko sa mga anak ko habang si Ate
Jenny sa mga pinamili namin.

Hindi ako mapakali dahil sa puting rose at se meaning niyon. Kaya kinagabihan, nang
hindi na ako nakatiis, tinawagan ko si Rachel at humingi ako ng tulong sa kaniya.

"What?" Neilayo ko ang cell phone sa tainga ko dahil ang taas ng boses niya.
"Seryoso ka ba?"

"Yes, Besh. Please, tulungan mo akong malaman sa LTO kung sino ang may-ari ng
sasakyan na iyon. Sana ngayon ko na malaman, hindi ako makatulog, eh."

"Gaga, anong ngayon? Alas nuebe na ng gabi, Hija. Kanina pa sarado ang LTO.
"Baka magagawan ng paraan ni Tita Julie, besh." Tukoy ko sa Mama niya na roon
nagtatrabaho.

"Please?" Pagmamakaawa ko na

"Tulog na si Mama, Besh. Bukas ko na lang sasabihin sa kaniya ang concern mo."

"Sige, pasensya na sa abala."

"Sus, wala iyon Kung hindi lang masama ang pakiramdam ni Mama pag-uwi kanina galing
sa trabaho niya, gigisingin ko siya para sa'yo

"Salamat, besh."

"Welcome Hayaan mo, aagahan ko ang pagsasabi kay Mama, ha?"

"Okay, salamat. Sige na, tulog ka na ulit. Pasensya ka na ulit sa abala, ha?
Nagising pa kita."

Tumawa ito "Wala iyon Sige na, good night na. Matulog ka na rin et bukas malalaman
natin kung sino ang may-ari ng kotseng iyon

Napapabuntong-hiningana lamang ako na tinapos ang tawag at walang nagawa kun'di ang
maghintay ng bukas

KINABUKASAN, nangingitim ang ilalim ng mga mata ko dahil sa

puyat Hindi ako nakatulog nang maayos dahil s bulaklak at kotseng itim na iyon. At
dahil din sa lalaking sunog ang mukha na iyon

Wale sana akong balak bumaba nang umaga na iyon pero nakailang tawag na si Mama na
bumaba na ako.

Tulog pa naman ang kambal kaya iniwan ko muna sila sa kuwarto

Hindi ako makakain nang maayos dahil maya't maya ang tingin ko sa cell phone ko
kung may chat or text na si Rachel. Pero wala pa rin Maski reply sa mga messages ko
sa kaniya ay wala rin

Napabuntong hininga ako

"Sheena

Napatingin ako sa mga magulang ko

"Sino ba ang hinihintay mong mag-text sa yo at maya't maya kang nakatingin diyan sa
cell phone mo?" Seryoso ang mukha ni Papa

"Ah, si Rachel po, Pa

"Bakit? Sobrang importante ba niyan at hindi mo muna tapusin iyang pagkain mo?"

Napakagat-labi ako Kapag ganito ang tono ni Papa, alam kong pikon na siya. Ayaw na
ayaw niya sa lahat iyong pinaghihintay ang grasya, masaya raw kasi iyon.

"Sorry po, Pa."

"Tapusin mo muna iyang pagkain mo at kahit maghapon na kayong magtelebabad ng


kaibigan mo."

"O-Opo. Sorry ho."

Napapailing na lamang si Papa at tinapos ang pagkain. PAGSAPIT ng tanghali ay saka


pa lamang ako nakatanggap ng tawag mula kay Rachel.

"Kailan pa naging umaga ang alas dose ng tanghali?" Bungad ko sa kaniya, wala nang
hello hello.

"Gaga, sorry naman. May emergency kasi kami. Nasa hospital si Mama.

"Ha?!"

"Oo, nandito kami kaya hindi kita agad nag-reply an. Ngayon lang kasi naging stable
ang lagay ni Mama, eh."

"Gano'n ba? Sorry naman, bakit kasi hindi mo agad

sinabi?"

"Eh, paano galit ka na agad"

"Sorry Eh, kumusta si Tite?"

"Maayos na. Stable na siya"

"Okay Pasabi pagaling siya, ah. Tatawagan na lang kita kapag makakapunta ako mamaya
riyan"

"Okay, besh. Salamat."

"Sige, babush-

"Wait!" Maagap niyang pigil nang ibababa ko na ang tawag "A certain Edwin Lazırdo
Marinduque-

"Ha?" Naguluhan ako sa sinabi niya. "Paano mo nakilala si Edwin Marinduque?"

"Kilala mo na siya?" gulat na balik-tanong niya.

"Yes. Isa siyang pulis."

"At siya rin ang may-ari ng kotseng itim na sinasabi mo, Sheena.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Rachel.

Si Edwin

Marinduque ang mag-ari ng kotseng itim na iyon? Pero sino ang lalaking sunog ang
mukha na driver niyon kahapon? Hindi ko maipaliwanag ang malakas na kabog ng dibdib
ko.
Chapter 71

Chapter 71

SHEENA POV

PAGKATAPOS naming mag-usap ni Rachel ay kaagad kong kinuha sa wallet ko ang calling
card ni Edwin Marinduque at idinial ang numero ng cell phone niya.

Nakailang dial na ako pero walang sumagot ng tawag ko. Ngunit hindi ako nawalan
pag-asa. Hindi ako sumuko hanggang sa pang-apat na tawag ko ay may sumagot na.

"Hello?" Baritonong sagot ng lalaki mula sa kabilang linya.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa boses na iyon. He's voice sounds
familiar...

"Hello?" ulit niya. "Hello?"

Awtomatikong napahawak ako sa dibdib ko. Bakit gano'n? Bakit parang kilala ko ang
boses.

"P're, sino iyan?" Narinig kong tanong ng isa pang boses lalaki mula sa kabilang
linya.

"I don't know, Edwin. Unknown number, eh. Kanina pa siya tumatawag sa 'yo, baka
kako importante kaya sinagot ko na," anang boses ng sumagot sa akin.

"Unknown number? Tingin."

"Ito oh."

Ilang sandali na natahimik sa kabilang linya.

"Sino kaya 'to?" Dinig ko pang sabi ng pangalawang lalaki at saka nag-hello.

Hindi ko magawang magsalita dahil pilit kong inaalala at kinikilala ang unang boses
na nagsalita.

"Hello? Who's this?" May inis nang sabi ni Edwin.

Nadinig ko rin siyang pumalatak.

"Kung isa kang scammer na walang magawa sa buhay mo kun'di manloko ng mga tao,
huwag ako dahil kaya kitang i-trace kung nasaan at kung sino ka man!"

Hindi pa rin ako nagsalita para magpakilala.

"Kapag hindi ka pa tumigil sa masamang gawain, tiyak na may kalalagyan ka sa akin!"


Mainit na ang ulo na banta niya sa akin bago naging busy tone na ang linya niya.
Wala na sa kabilang linya ang mga boses pero nasa tainga ko pa rin ang cell phone
ko at napapatulala.

Hindi nag-iisip na muli kong idinial ang numero ni Edwin.

"Hello?! Who the hell are you?" galit nang sagot ni Edwin.

"H-Hello." Sa wakas ay nagawa ko nang magsalita.

"P're, babae." Dinig kong sabi ni Edwin sa kasama niya bago niya ako tinanong uli
kung sino.

Tumikhim muna ako bago nagpakilala. "It's me Sheena De Asis."

Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang malakas na singhap mula sa kanila.

"H-Hello? Sino 'to?" tila gusto niyang makasiguro kung tama ang kaniyang narinig.

"It's me Sheena. Edwin Marinduque, right?"

"Y-Yes. It's me. W-Why do you call?"

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ang tila panginginig ng boses niya.

"Do you need anything from me?"

"Yes. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Dalawang beses ko nang nakita ang kotse
mo sa tabi ng kotse ko."

"What?!

"Yes. At sabi ng kausap kong lalaki na sakay sa kotse mo, it was just a coincidence
daw. But I don't believe him."

"What? Wait lang. Anong kotse? Lalaki-"

"Lalaking sunog ang mukha." Sansala ko.

Malakas siyang napasinghap at mahinang nagmura.

"MEL 342, sa 'yo ang kotseng itim na iyon, tama?"

"How did you know that car belongs to me?" Manghang tanong niya.

"It's doesn't matter. Maniniwala na sana ako sa lalaking 'yon na coincidence lang
pero nang malaman kong sa 'yo ang sasakyan na iyon, nagduda ako. It's not just a
coincidence, Edwin."

Nawalan siya ng imik at mayamaya ay may naririnig akong nagbubulungan. Hindi ko


mas'yadong maunawaan dahil ang hina ng boses nila.

"Sino ang lalakin-" Napatigil ako dahil busy tone na ang kabilang linya.

Nang subukan ko uling tawagan iyon ay wala na. Out of reach na ang cell phone niya.

Nanlulumong napaupo na lamang ako sa paanan ng mga anak ko. At habang pinagmamasdan
ko silang dalawa ay bigla akong napaiyak sa hindi malamang kadahilanan.

Bigla akong naguluhan at napaisip kung bakit ko ba ginagawa 'to. Hindi ko alam kung
saan nanggagaling ang pakiramdam na parang may itinatago sa akin si Edwin. At iyong
lalaking sunog ang pisngi, hindi ko alam kung sino siya pero pakiramdam ko gusto ko
siyang makita ulit.

Naguguluhan na ako sa sarili ko kung bakit ko 'to nararamdaman at ginagawa.

Hinayaan kong maglandas ang mga luha ko. Natigilan ako sa pagsinghot nang
mapatingin ako sa mga anak ko at makitang titig na titig sa akin ang mga bilugan
nilang mga mata.

At habang nakikipagtitigan sa dalawang pares ng mga mata nila ay para akong


nakikipagtitigan sa ama nila. Nakuha nila ang kulay ng mga mata ni Lance, ang
pilik-mata at maging ang kanilang ilong.

"Miss na miss na kita, Lance." Napahikbi ako sa harap ng mga anak ko. "Bumalik ka
na... miss na miss na kita."

Hinayaan kong maglandas ang mga luha ko para kahit papa'no ay mabawasan ang sakit
at bigat na nararamdaman ko.

Nasa ganoong sitwasyon ako nang bumukas ang pinto ng kuwarto naming mag-iina at
sumilip si Mama. Agad na rumehistro sa mukha niya ang pagtataka nang maabutan akong
hilam ng luha.

"Anong nangyari, Sheena? Bakit ka umiiyak? May problema ka ba?" Sunod-sunod niyang
tanong at lumuhod sa paanan ko.

"Anong nangyari? Dahil ba 'to sa nangyari sa hapag-kainan kanina?" Umiling ako.

"Eh, saan? Bakit ka ba umiiyak? May problema ka? May masakit sa 'yo?"

Umiling uli ako.

"E, ano?"

Napahikbi ako at yumakap sa kaniya na sandali niyang ikinabigla.

"Ano bang problema mo?" Bahagya akong inilayo ni Marma sa katawan niya at tinuyo
ang basa kong pisngi. "Makikinig ako."

"Miss na miss ko na siya, Ma. Miss na miss ko na po si Lance, Ma..." Napahikbi na


naman ako..

Pati si Mama ay napaiyak na rin at awang-awang niyakap akong muli.

Bumitaw lang ako sa kaniya nang umingit ang kambal. Napatingin ako sa kambal ko na
abala pala sa paglalaro. Pilit nilang inaabot ang kamay ng bawat isa at sa tuwing
magkakatinginan ay sabay na tatawa.

"Alam kong hindi madaling tanggapin na wala na ang asawa mo pero sana isipin mo rin
na may iniwan naman siyang alaala sa 'yo. Hindi ka niya hinayaang mag-isa ngayong
wala na siya. Iniwanan ka niya ng mga anak, Sheena."

"Alam ko, Ma, pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nararamdaman ko
na buhay pa siya. May mga pagkakataon na-na pakiramdam ko nasa tabi-tabi lang siya,
Ma."

Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Mama nang aminin ko ang tungkol doon. Waring hindi
siya makapaniwala.
At kagaya nang dati, pilit niyang ipinapaunawa sa akin na wala na ang asawa ko at
tanggapin ko na lamang iyon para makaahon na ako sa pinagdadaanan ko.

Alam kong nagulat siya dahil ngayon ko lang sinabi sa kaniya na umaasa pa rin ako
na buhay si Lance. Sa mga nakalipas na mga buwan mula nang mawala si Lance sa
piling ko ay sinikap kong itago sa kanila kung gaano ako nasasaktan. Kung gaano ako
nangungulila sa asawa ko.

Hindi ako iniwan ni Mama habang hindi pa tapos umiyak. Sinamahan at inalalayan niya
ako ng mga sandaling iyon at sinabi na bakit hindi ako nagsasabi sa kaniya. Na
bakit daw ako nagpapanggap na okay sa harap nilang lahat kung hindi pa naman daw
pala talaga.

Iniwan lang ako ni Mama nang kumalma na ako. Ibinilin pa niyang matulog muna ako at
siya na ang bahala sa mga anak ko.

At sinunod ko siya, itinulog ko na lamang ang lahat ng iniisip ko.

HINDI ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog basta naalimpungatan ako dahil sa
pag-iingay ng cell phone ko.

Pupungas-pungas pa na kinapa ko ang cell phone ko sa ibabaw ng bedside table at


sinagot na hindi na tiningnan kung sino ang tumatawag.

"B-Besh..." Napadilat ako nang marinig ang paos na boses ni Rachel mula sa kabilang
linya.

"Besh, bakit?" Tuluyan nang nagising ang diwa ko sabay balikwas ng bangon. "Anong
nagyari? Bakit umiiyak ka?"

"Besh, si Mama." Umiiyak na sabi niya.

"Bakit? Anong nangyari kay Tita Julie?" Kinabahan kong tanong.

"Besh, Mama."

"Oo nga, ano bang nangyari? Puwede bang sabihin mo muna."

"N-Na stroke si Mama..." Kasunod niyon ay ang malakas na hagulhol ng kaibigan ko.

Napaawang ang bibig ko at ilang sandaling pinoproseso ang sinabi niya. At nang
tuluyang maunawaan ay tinapos ko na ang tawag niya at mabilis na gumayak para
puntahan ang kaibigan ko.

Bago dumiretso ng hospital ay dumaan muna ako sa isang coffee shop para bilhan ng
kape ang kaibigan ko.

Nakapila na ako sa counter nang maramdaman ko ang pamilyar na pakiramdam na iyon.


Ang tila pares ng mga matang nakamasid sa akin.

Pasimple kong iginala ang tingin sa kabuuan ng restaurant pero wala namang
nakatingin sa akin.

Napailing na lamang ako at binayaran na ang kapeng binili ko. Nang nasa labas na
ako ng coffee shop, pakiramdam ko palapit ako nang palapit sa mga matang iyon. Muli
akong tumingin sa paligid pero wala na naman akong napansin na kahina-hinala.
Tanging tatlong sasakyan sa parking lot ang naroon. Pang-apat ang akin.
Pinilit kong iwaksi ang kakaibang pintig ng puso ko at sumakay na sa koste ni Papa.

Pagdating ko sa hospital ay kaagad kong nilapitan at inalo ang umiiyak kong


kaibigan dahil sa labis na pag-aalala sa kaniyang ina. Maging ako ay nag-aalala rin
dahil parang ina ko na si Tita Julie.

"Sshh, tahan na. Gagaling si Tita, ano ka ba?"

"Sana nga, besh. Sana nga..."

Niyakap ko siya at ako naman ang nagbigay ng pagdamay sa kaniya.

Habang nasa kritikal na kalagayan si Tita Julie ay hindi ko iniwan si Rachel. Araw-
araw akong dumadalaw sa hospital para personal na ialo ang kaibigan ko. Hindi man
sobrang tagal dahil may mga anak din ako ay siniguro ko naman na hindi lilipas ang
maghapon na hindi ako pupunta rito sa hospital para samahan siya.

Gano'n ang naging routine ko for the past two week na nasa kritikal na lagay si
Tita Julie.

"Salamat, Sheena. Hindi mo naman 'to kailangang gawin dahil alam kong busy ka rin
sa mga bata."

"Hindi ko naman sila pinababayaan. Noong ako ang problemado, hindi mo rin ako
iniwan kaya ganito rin ang gagawin ko sa 'yo. Kaya nga tayo best friend, 'di ba?"

Napangiti siya sa sinabi ko at naiiyak na umiyak.

"Dito ka muna, ibibili lang kita ng pagkain sa labas bago ako umalis." Paalam ko
kapagkuwan.

"Salamat, besh."

Nginitian ko lamang siya at iniwan sandali.

Palabas na ako ng hospital nang may tumawag sa pangalan ko na boses babae.

"Sheena!"

Dahan-dahan akong napalingon at dalawang pamilyar na mukha ang nakita ko. Valerie?
Leira?

Naglakad sila palapit sa akin.

"H-hi." Walang bahid ng pagtataray na bati niya nang makalapit sa akin.

"Kumusta?" aniya pa na ikinakunot ng noo ko.

Anong nakain niya at bakit parang mabait na siya? Kailan ko ba siya huling nakita?
Matagal na rin, noong binigyan ko pa ng pera ang anak niya nang hindi niya alam.

"Close ba tayo para mangumusta ka nang ganiyan?" Hindi ko napigilan na tarayan siya
dahil bumalik sa isip ko ang lahat ng panggugulo na ginawa niya noon sa amin ni
Lance.

"Alam kong hindi tayo close at alam ko rin ang mga kasalanan ko sa inyo ni Lance."

Napaismid ako.
"Anong gusto mong mangyari ngayon? Manggugulo ka na naman? Hindi mo na magagawa
iyon dahil-"

"No. Hindi ako manggugulo."

Tinawanan ko siya.

"So, ano naman ang gusto mo ngayon kung hindi ka manggugulo?"

Dumaan ang lungkot sa kaniyang mga mata na ipinagtaka ko.

"Gusto ko lang kumustahin si Lance. Kumusta na siya-"

"Matagal nang patay si Lance."

Rumehistro ang pagkabigla sa mukha niya. "Patay na si Lance?"

"Kakasabi ko lang, 'di ba? Patay na siya kaya wala ka nang magugulo. At isa pa,
bakit gulat na gulat ka? Hindi mo ba narinig sa balita noon na patay na siya?" Inis
na tanong ko.

"Hindi, dahil pagkatapos ng bangungot na iyon ay umalis na kaming mag-ina patungo


sa ibang bansa at nagbagong buhay. Kababalik lang namin ni Leira, kaya nang
mamukhaan kita ay naglakas-loob ako na lapitan ka at kumustahin kayo. H-Hindi ko
alam na wala na si Lance."

Napakunot ang noo ko. Lalo na nang mangilid ang mga luha niya.

"Ngayon alam mo na."

"A-Ang sunog ba sa mukha niya ang ikinamatay niya?"

Sunog sa mukha? Tila tinambol ang dibdib ko nang marinig iyon.

"A-Anong sunog sa mukha ang sinasabi mo?"

Pinalayo niya muna sandali ang anak niya bago nagsalita sa mahinang boses.

"S-Sinabuyan siya ni Lander ng asido sa mukha habang nanlalaban ng araw na iyon. P-


Pinagtulungan siya ni Lander at ng step-father niya. Sinabuyan siya ng asido sa
mukha at sinubukang galawin ng step-"

"Tama..." Pigil ko.

Pakiramdam ko ay may napakalaking bato ang bumagsak sa akin na ikinadurog ko.

Parang sinasakal ang puso ko habang iniisip ang eksenang iyon.

Lumapit si Valerie sa akin habang umiiyak at bumulong.

"Nando'n ako ng mga sandaling 'yon...at a-ako ang pumatay kay Lander dahil sa
kawalanghiyaan niya. Muntik na rin akong matapunan ng asido sa pag-awat ko sa
kaniya dahil balak niyang sabuyan ang buong mukha at katawan ni Lance..." Impit na
umiyak si Valerie at nasa mukha ang takot.

Napatulala na lamang ako.

Sunog ang mukha ni Lance at patay na si Lander?


Oh, my God! Iyong lalaking sunog ang mukha na nakita ko ay posibleng si... oh, my
God!

Chapter 72

Chapter 72

SHEENA POV

Tinapunan ni Lander ng asido sa mukha si Lance, Sheena. Pinagtulungan siya ng step-


father at kapatid niya....

HABANG nakapila sa counter para um-order ng pagkain ni Rachel ay paulit-ulit kong


naririnig ang ipinagtapat ni Valerie sa akin kanina.

Para akong sinasakal hanggang ngayon dahil sa mga nalaman ko. Ngayon ko mas
naiintindihan. Ngayon ko napagtagpi-tagpi ang lahat. lyong pakiramdam na may mga
matang laging nakatingin sa akin, totoo iyon, hindi iyon guni-guni ko lang. Ang
lalaking nakatingin sa akin sa isang fastfood restaurant, iyong nakaitim ng
facemask. lyong sa binyag ng mga anak ko at iyong sa mall.

Hindi coincidence iyon. At iyong bulaklak. White rose na ang ibig sabihin ay
apologies and seeking forgiveness.

At ang lalaking nakasagot sa cell phone ni Edwin two weeks ago, posibleng si Lance
na iyon?

Tama ba ako? Tama lahat ang pakiramdam ko-natigilan ako nang may mag-abot sa akin
ng panyo.

Ang babae sa counter. May awa at simpatya sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa
akin.

"Wipe your tears, Miss," aniya sa mabait na tono.

"Thank you." Tinanggap ko iyon at dali-daling pinunasan ang basa kong mukha.

Hindi ko alam na umiiyak na pala ako habang nasa pila. Pagtingin ko sa paligid ko
ay hindi lang pala ang cashier ang nakatingin sa akin kun'di pati ang ilan sa mga
kumakain sa restaurant na iyon.

Nakikisimpatya ang paraan ng pagkakatingin nila sa akin. Tipid ko silang nginitian


para ipaabot na okay lang ako.

"May I take your order, Ma'am?" anang babae na nag-abot sa akin ng panyo.

Tumango ako at sinabi ang order ko. Pagkuwa'y naghanap ako ng bakanteng upuan para
doon hintayin ang order ko.

Lance, bakit kailangan mong pekein ang pagkamatay mo? Bakit kailangan mo akong
iwan, kami ng mga anak mo? Hindi mo ba kami mahal?Muling nag-init ang mga mata ko
sa mga tanong na iyon.

Mga tanong na gusto kong marinig ang mga kasagutan sa lalong madaling panahon. Sa
isiping 'yon ay kaagad na akong tumayo at pagkakuha ng order ko ay umalis na ako
para balikan ang kaibigan ko.

Habang naglalakad pabalik sa kinaroroonan ni Rachel ay para akong lutang sa dami ng


tumatakbo sa utak ko ngayon.

Nagulat pa si Rachel nang paglapit ko sa kaniya ay napansin na namumula ang mga


mata ko.

"Anong nangyari sa 'yo?" Napuno ng pagmamahal ang mukha niya. "Ayos ka lang?"

Walang imik na tumango ako.

"Kumain ka na, besh," sabi ko.

"Ikaw?"

"Sa bahay na ako kakain."

Nagsimula nang kumain ang kaibigan ko habang ako ay napatulala na naman.

Mariin akong napapikit habang binabalikan sa isip ang unang encounter namin ng
lalaking sunog ang mukha. Kaya ba hindi ako natakot sa kaniya? Kaya ba parang gusto
kong haplusin iyon noon dahil nararamdaman ng puso ko na siya ang lalaking
pinakamamahal ko?

"Besh." Napapitlag ako sa pagtapik ni Rachel sa kamay ko.

Napatingin ako sa kaniya.

"Bakit?"

Kumunot ang noo niya. "Ako dapat ang magtanong sa 'yo kung bakit. Bakit ka umiiyak?
May problema ba? May nangyari ba? Okay ka pa naman kanina bago umalis para ibili
ako ng pagkain, ah. O, baka namahalan ka sa pagkain ko kaya ka umiiyak."

Sinubukan pa niyang magbiro pero hindi iyon bumenta.

"Bakit nga?"

"Besh, b-buhay si Lance."

Napaawang ang bibig niya at nabitawan ang hawak na kutsara.

"A-Anong buhay? Sheena, matagal nang patay ang asawa mo, ano ka ba naman?"

Marahas akong umiling.

"B-Buhay siya." Giit ko na ikinalaki ng mga mata niya.

Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat habang magkatabi kami sa upuan. Lahat-lahat. Wala
akong pinalagpas na detalye para mas maniwala siyaal at mas maintindihan niya ako
kung bakit ko nasabi ka buhay pa nga anag asawa ko.

Pagkatapos kong magkuwento sa kaniya ay para siyang natuklaw ng ahas sa reaction


niya.

"Kung buhay nga siya, bakit hindi siya bumalik sa inyo? Bakit iniwan ka niya at
pineke ang pagkamatay niya?"

Napabuntong-hininga ako.

"Hindi ko rin alam."

"Anong plano mo? Kukumprontahin mo ba siya?"

"Hindi ko alam kung nasaan siya, Rachel. At ang Edwin na iyon ang makakasagot sa
akin pero nananatiling tikom ang bibig niya at iniiwasan ako. Hindi niya sinasagot
ang mga tawag ko."

Namayani ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tila parehong malalim
ang iniisip.

"Anong nararamdaman mo ngayon na malaki ang posibilidad na buhay nga siya?"


Mayamaya ay basag niya sa katahimikan.

Napatingin ako sa kaniya. "Ang dami..."

"Sheena."

"Ang dami at halo-halo ang nararamdaman ko ngayon pero alam mo kung ano ang mas
nangingibabaw?"

Nabasag ang boses ko at napasinghot bago nagpatuloy. " lyong saya at pagmamahal ko
sa kaniya. Hindi ko pa man naririnig ang rason niya kung bakit niya ginawa 'to pero
isa lang ang sigurado ako, na kung ano man iyon ay pakikinggan ko siya at
uunawain."

Hinawakan niya ang kamay ko at nakakaunawang ngumiti.

"Ngayon ko na-realize kung gaano kalalim ang pagmamahal mo sa asawa mo, besh.
Nakakahanga ang pagmamahal na mayro'n ka para sa kaniya. Sana lang ano man ang
rason niya ay valid iyon sa lahat ng sakit na dinanas mo habang nagluluksa sa
pekeng pagkamatay niya."

"Kahit siguro anong dahilan niya, magiging masaya pa rin ako dahil buhay siya."

Pinunasan niya ang mukha ko. "Ibang klase ka talaga. Sobrang buti mo kaya deserve
mong maging masay.

Besh."

"Salamat." Nagyakapan kaming magkaibigan.

Hindi na rin naman ako nagtagal dahil kailangan ko nang umuwi sa mga anak ko.

Pagkaalis ko ng hospital ay sa bahay na ako dumiretso.

Nadatnan kong nasa bahay ang mga kaibigan ni Kuya Simon at nilalaro ang mga anak
ko.
"Sheena, nandiyan ka na pala." Si Kuya Joven ang unang nakapansin sa akin.

"Hi, Sheena. May free time ako kaya heto na naman kami para laruin ang mga anak
mo." Si Ate Madeline na tumayo saglit para ibeso ako.

Gano'n din ang ginawa ni Ate Kristine.

"Kumusta ang mama ng kaibigan mo?" tanong ni Kuya Simon na ikinatingin ni Kuya
Joven.

"Gano'n pa rin, kritikal pa rin, Kuya."

Mabilis na tumayo si Kuya Joven at lumapit sa akin. "Anong kritikal, bunso?"

"Hindi mo alam? Akala ko ba may something na sa inyo, bakit parang hindi mo alam
ang tungkol sa mama niya?"

"Because she's avoiding me for no reason. Mag-iisang buwan na. Pero dito muna kayo,
aalis lang ako sandali."

Bago pa man kami makapag-react ay nakaalis na siya. Pero mayamaya ay bumalik para
itanong sa akin kung saang hospital naroon ang ina ni Rachel.

Pagkasabi ko kung saang hospital ay nagmamadali na siyang umalis at iniwan muna ang
mga kaibigan niya.

Pinagmasdan ko sina Kuya Simon na abala sa paglalaro sa mga anak ko. Ano kaya ang
mararamdaman ninyo kapag nalaman niyo na malaki ang posibilidad na buhay ang
kaibigan niyo?

Matutuwa kayo panigurado iyon.

Malungkot akong napangiti bago walang ingay na iniwan muna sila para maligo. Galing
ako sa hospital kaya kailangan kong maligo muna bago lapitan ang mga anak ko.

Mabilis na ligo lang ang ginawa ko at binalikan na sila sa baba. Nasa may pinababa
na ako ng hagdan nang matigilan. Napansin ko ang maraming regalo na nasa gilid.
Hindi ko iyon napansin kanina pagdating ko.

"Kanino galing ang mga iyan?" Napatingin silang lahat sa akin. At sinundan ng
tingin ang itinuro kong mga regalo.

"Hindi sa akin," si Ate Madeline.

"Hindi rin sa akin," segunda ni Ate Kristine.

Napatingin ako kay Kuya na nagkibit-balikat lamang.

"Kung hindi sa inyo, kanino galing iyan?" takang tanong ko.

"Itanong mo kay Mama, siya yata ang nag-recieve niyan kanina, eh. Nadatnan na namin
iyan kanina," sagot ni Kuya.

Tumango ako at iniwan muna sila. Habang naglalakad patungo sa kusina ay parang may
kutob na ako kung kanino galing ang mga regalo na iyon. Pero gusto ko pa ring
makatiyak.

"O, Sheena, nariyan ka na pala?" ani Mama na abala sa pagluluto.


"Opo, Ma, kani-kanina pa ho."

"Tamang-tama maluluto na 'tong meryenda."

" Ah .Ma."

"Hmm?"

"Kanino ho galing ang mga regalo sa sala?"

"Ay dumating man 'yan kanina. Galing iyan sa mga kaibigan ni Kuya mo."

Lalong nakumpirma ang hinala ko.

"Kaibigan po ni Kuya?"

"Oo, malamang kina Madeline iyan galing. Alam mo naman ang mga ninang ng mga apo
ko, mas'yadong galante," sagot ni Mama na sa kalan nakatutok ang atensyon kaya
hindi niya nakita ang pagkislap ng mga mata ko.

Hindi kina Ate Madeline galing ang mga regalong iyon, Ma! Gusto ko sanang sabihin
pero kailangan ko munang makasiguro.

"Ay, Ma, puwede ba akong umalis sandali?"

Napalingon si Mama sa akin. "Aalis? Kababalik mo lang, ah.

"Babalik din ho ako, Ma."

"Saan ba ang punta mo? Alas tres na ng hapon, ah."

Napatingin din ako sa malaking oras na nakasabit sa dingding. Alas tres na nga ng
hapon at kung pupunta ako sa Mandaluyong, two hours ang biyahe ko. Gagabihin ako
kung sakali. At baka hindi ko na rin siya madatnan sa station nila.

Sa isiping 'yon ay hindi ko na itinuloy ang pag-alis ko. Sa halip nakipaglaro na


lamang ako sa mga anak ko kasama sina Kuya.

Gustong-gusto kong sabihin kay Kuya ang laman ng isip ko pero hindi ko alam kung
paano magsisimula o kung paano sasabihin sa kaniya na hindi siya mag-o-over react.

Natapos ang bonding namin ng gabi na iyon pero hindi ko na nasabi kay Kuya ang
tungkol kay Lance.

Halos magdamag akong hindi nakatulog sa kakaisip kay Lance.

KINABUKASAN, itinuloy ko ang plano kong pagluwas pagkagaling ko sa hospital. Si


Rachel lamang ang nakakaalam na luluwas ako ngayon.

Nasa tapat na ako ng station na kinaroroonan ni Edwin. Siya ang puwedeng


makapagsabi sa akin kung ano talaga ang totoo. And this time, hindi ako uuwi na
hindi nakukuha ang katotohanan!

Bumuntong-hininga muna ako bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Nagtanong ako kung
nasa loob si Chief Edwin Marinduque.

"Ikaw na naman?" anang pulis na siyang nakausap ko rin dati nang pumunta ako rito.

"Si Chief na naman ang sadya mo? Gusto ko na talagang magduda na-"
Hindi ko na siya pinansin at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng istasyon nila.

Kinakabahan na kumatok ako sa nakasarang pinto ng opisina niya.

"Come in." Dinig kong sabi mula sa loob.

Hindi na ako nagsayang ng oras. Itinulak ko pabukas ang pinto at kitang-kita ko ang
gulat na rumehistro sa mukha ni Edwin nang makita ako.

Mabilis siyang napatayo.

"What are you doing here?"

"Nasaan si Lance?" Walang paligoy-ligoy na tanong ko na ikinalaki ng mga mata niya.

"What are you talking about-"

"Stop lying to me this time, Edwin!" Mataas ang boses na sabi ko.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"Iyong lalaking sunog ang mukha, siya si Lance, hindi ba?!"

"How?" Mahinang usal niya pero sapat na para marinig ko.

"Dalhin mo 'ko sa kaniya, ngayon din!" mariing utos ko.

"Sheena-"

"I want to see him, now!" Sumigaw na ako.

"Hindi ko alam ang sinasabi-"

"Kapag hindi mo ako dinala sa kaniya, magwawala ako rito!"

"Pero-"

"Utang na loob, Edwin! Alam ko na ang totoo. Kailangan ko ang asawa ko! Bakit mo ba
siya itinatago sa akin? Bakla ka ba? May relasyon ba kayong dalawa?! Iniwan ba niya
kami para sa 'yo?!"

Napaawang ang bibig niya at waring hindi makapaniwala sa tanong ko.

"Bakla ka at gusto mong solohin ang asawa ko?!"

Nagulat ako nang humagalpak siya ng tawa.

"Kapag hindi mo sinabi kung nasaan siya, ipagsisigawan ko sa lahat na bakla ka at


mang-aagaw ka ng asawa nang may asawa!"

"Tang'na, hindi ako bakla."

Tumigil siya sa pagtawa at napailing na lamang habang matamang nakatingin sa akin.


Tila may gusto siyang makita sa mga mata ko at nang makita ay ngumiti siya.

"Ibang klase ka ngang talaga." Dinig kong sabi niya at kinuha ang cell phone bago
lumapit sa akin.
"Gaano mo kamahal si Lance?" seryoso niyang tanong kapagkuwan.

Sinagot ko ang tanong niya sa paraang makukumbinsi ko siya na magsalita na at


aminin ang totoo sa akin.

Hindi ako nabigo. Nakuha ko ang mga sagot sa lahat ng tanong sa isip ko.

Habang lulan ng sasakyan niya patungo sa kinaroroonan ni Lance ay iyak lang ako
nang iyak.

Parang sasabog ang dibdib ko dahil sa samo't saring damdaming nakapaloob sa buong
pagkatao ko.

"Believe me, maraming beses ko nang gustong sabihin sa yo, Sheena. Pero gusto kong
irespeto ang desisyon niya," aniya at sinulyapan ako.

"Natatakot siyang katakutan niyo rin siya. Iniisip niya na baka hindi magkaroon ng
normal na buhay ang mga anak niyo dahil sa kaniya."

Hindi ako nagkomento. Tahimik lamang ako na umiiyak sa tabi niya.

"Hindi ko alam kung magugustuhan niya 'to. Ayaw na niyang bumalik dahil gusto raw
niya kayong bigyan ng normal na buhay. Halimaw, iyon ang tingin niya sa sarili niya
ngayon, Sheena. Para sa kaniya sirang-sira na siya."

Napasigok ako. "Bakit ba napakaduwag niya? Bakit palagi niyang pinapangunahan ang
mga bagay-bagay?"

"Dahil siguro sa mga kalbaryong dinanas niya."

Pagkatapos niyon ay wala na kaming imikan hanggang sa pumasok kami sa basement


parking ng isang condominium.

Sakay na kami ng elevator ay iyak pa rin ako nang iyak.

Nanginginig ako na hindi ko maintindihan.

"This way." ani Edwin Paglabas namin ng elevator ay igınaya niya ako patungo sa
isang nakasarang pinto,

Kumatok si Edwin. Sa pangalawang katok niya ay narinig ko ang mga yabag na


papalapit sa pinto.

Para na akong mahihimatay sa tindi ng emosyon sa dibdib ko.

Bumukas ang pinto.

"P're, ang aga mo yatang bumisita ngayon?"

Parang tumigil sa pag-inog ang mundo ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Hindi na iyon paos kaya sigurado na ako.

"M-May bisita ka, Pare," ani Edwin at dahan-dahang umalis sa harapan ko dahilan
para makita ako ni Lance.

Sabay kaming napasinghap nang makita ang isa't isa at napatulala.

God. Parang puputok ang dibdib ko habang nakatingin sa mukha niya. It's him. Oh,
God, it's him!
Sunog ang kanang pisngi niya. Maging ang kaliwa ay may bahid din ng sunog pero
hindi kasing lala ng kanang pisngi niya. Bumaba sa leeg niya ang mga mata ko at sa
nakahubad niyang katawan, may sunog din iyon hanggang sa dibdib niya. But it's him.

"Oh, God!" Parang piniga ang puso ko. Hanggang sa hindi ko na kayang lumipas pa ang
isang segundo na hindi siya nahahawakan at nayayakap.

Pero gano'n na lamang ang panlalamig ko nang tumalikod si Lance.

No! No!

Malalaki ang hakbang na pumasok ako sa loob at hinawakan siya sa braso at niyakap
nang mahigpit mula sa kaniyang likuran.

Sinubukan niyang baklasin ang mga braso ko pero hindi ako pumayag

"Let go of me. Let go of me..."

Parang dinudurog ang puso ko nang pumiyok ang boses niya.

No, no. I wouldn't let go of him. Never.

Pero mas malakas siya kumpara sa akin. Nagawa niyang makawala sa akin at umatras
palayo.

"Umalis ka na, Sheena." Taboy niya.

Napakasakit na makita na ganito na ang hitsura niya. It was so hard and painful to
see him pain and frustrations.

"Sheena, umalis ka na-"

"Shut up!" Singhal ko sabay sampal ng malakas sa kaliwang pisngi niya.

Gulat na gulat siya sa ginawa ko pero muli ko siyang sinampal. Nasapo niya ang
nasaktang pisngi.

"Sampal iyan para maalog ang utak mo! Para ma-realize mo kung gaano ka kababaw para
iwanan ako at ang mga anak mo!" Singhal ko.

"Hindi ko alam kung bakit mahal na mahal pa rin kita kahit napakaduwag mong buwisit
ka!"

"Sheen-"

"Kapag pinakawalan mo pa ako ngayon, hinding-hindi na ako babalik sa 'yo! At


hinding-hindi ka na makakabalik sa buhay naming mag-iina, tang'na ka!" Tinalikuran
ko na siya dahil sa inis ko.

Napakaduwag!

Hindi pa man ako nakakalabas nang tuluyan nang may mga brasong pumupulot sa beywang
ko kasabay ang mahinang pag-iyak.

"I'm sorry...."

GIRLONFIRE28
#vote# Merry Christmas mga langgal Masaya ang xmas ni Sheena kasi nakita na niya si
Lance. Deserve niyang masampal para maalog ang utak. hehe! Merry Christmas po!

Chapter 73

Chapter 73

LANCE POV

HINDI pa man ako nakakabawi sa sunod-sunod na sampal na natanggap ko mula kay


Sheena ay para na naman akong sinampal nang pagkalakas-lakas nang marinig ko ang
sinabi niya.

"Kapag pinakawalan mo pa ako ngayon, hinding-hindi na ako babalik sa yo! At


hinding-hindi ka na makakabalik sa buhay naming mag-iina, tang'na ka!"

Doon na yata tuluyang naalog ang utak ko.

Bigla akong nataranta nang makita kong mabilis na nagmartsa si Sheena palabas ng
pinto at tangkang aalis na.

Bawat hakbang niya palayo sa akin ay para akong unti-unting pinapatay. Kaya ko ba
silang mawala nang tuluyan sa buhay ko dahil sa kaduwagan ko?

No! No! Sa isiping 'yon at sa takot na tuluyan na silang mawala sa akin ay agad ko
siyang sinundan at mahigpit na niyakap sa kaniyang likuran.

"I'm sorry..." Mahigpit ko siyang niyakap at wala nang balak na pakawalan pa.

Pero nagpumiglas si Sheena, pinipilit kumawala sa mahigpit kong yakap. "I hate
you!"

"I'm so sorry. I'm so sorry, Sheena," umiiyak na sabi ko. "Naduwag ako. Natakot
ako. Natakot ako para sa kinabukasan ng mga anak natin...

Napasigok ako.

"Natakot ako na hindi kayo magkaroon ng normal na buhay dahil sa akin. Natakot ako
na hindi mo 'ko-"

Gamit ang kaniyang buong lakas ay binaklas ang mga braso ko sa katawan niya. Hilam
ang mga luha na humarap siya sa akin. She started hitting me. Sinusuntok ni Sheena
ang dibdib ko. Hinayaan ko siyang ilabas ang lahat ng inis at galit sa akin.

"Gago ka! Ganiyan ba kababaw ang pagkakakilala mo sa akin?!" galit na tanong niya
habang hindi tumitigil sa pagbayo sa dibdib ko.

Sinalo ko lahat ng suntok niya.


"Kahit siguro ikaw pa ang maging pinakapangit sa mundo, hindi niyon mababago ang
pagmamahal ko sa 'yo, tang'na ka!" malutong na pagmumura niya at muli akong
sinampal.

"Kulang pa ang lahat ng iyan sa lahat ng sakit at pagluluksa ko sa pekeng


pagkamatay mo, Lance! Napakaduwag mo, alam mo ba iyon?!"

Nanginig ang mga labi ko sa pagpipigil na huwag mapahagulhol sa harap niya. lyong
kahit galit siya sa akin hindi pa rin niyon kayang itago ang isang damdaming
nakasungaw sa kaniyang mga mata na nakapagpaiyak sa akin. Love Parang ang hirap
paniwalaan na habang nakatingin siya sa akin ay wala akong nakikitang pandidiri o
pagkaasiwa kahit katiting.

"Ang tagal kitang minahal, L-Lance. Sa tingin mo ba talaga, magbabago iyon dahil sa
hitsura mo ngayon?"

Parang dinudurog ang puso ko dahil sa sakit at hinanakit na nakalarawan sa luhaan


niyang mukha.

"Alam mo ba kung gaano kahirap magpanggap na okay lang ako kahit ang totoo, gusto
ko na lang ding sumunod sa 'yo!"

Muli siyang nagpakawala nang sunod-sunod na suntok sa dibdib ko.

"Masyado mong nilunod sa awa ang sarili mo, ni hindi mo man lang ako Inisip. Kung
paano ko kakayanin ang mabuhay na wala ka. Kung paano ko palalakihin ang mga anak
natin na ako lang mag-isa. Puro ka self-pity, puro ka duda sa sarili mo. lyong
palagi kitang itinataas pero parati mong ibinababa ang sarili mo. Gago ka!"

"I'm sorry." Umiiyak na ring sabi ko.

Tinangka kong abutin ang mukha niya pero umiwas siya.

"Mas'yado kang paladesisyon, Lance. B-Bakit palagi kang nagdedesisyon na iwanan na


lang ako sa halip na lumaban kasama ako? Hindi mo ba ako mahal na kagaya ng
pagmamahal na mayro'n ako para sa 'yo? Gano'n ba ako kadaling iwan at bitawan? Ha,
Lance?" Puno ng hinanakit na sumbat niya sa akin habang unti-unting umaatras palayo
sa akin.

Marahas akong umiling. "No, Sheena. It was not easy for me-"

"Ang hirap paniwalaan, Lance. Dahil pakiramdam ko, napakadali para sa 'yo na iniwan
ako. Ang bilis mong bumitaw, eh..."

"I'm so sorry, Oh, God, I'm sorry" Tinawid ko ang natitirang distansya namin at
muli ko siyang niyakap nang mahigpit. Idinikit ko ang ulo niya sa tapat ng aking
puso.

"I love you, Sheena. Totoong mahal kita! I love you so much na parang puputok ang
puso ko ngayon sa sobrang saya dahil nayakap uli kita. Ang tagal kong nagtiis na
tanawin ka lang mula sa malayo- Kumawala uli siya sa pagkakayakap ko at galit na
tumingin sa akin.

"Baby"

"Sino bang magsabi sa 'yo na tanawin mo lang ako sa malayo?! Sino bang nagsabi sa
'yo na magtiis ka?! Sino bang nagsabi sa 'yo na pekein mo ang pagkamatay mo?!"
Singhal niya sa akin.
"I'm so sorry. Akala ko-

"Shut up! Gago ka!" Gigil niyang sabi at dinutdot ang noo ko gamit ang hintuturo
niya.

Ramdam ko ang gigil at galit niya sa akin.

"Kung magpapakaduwag ka pa rin ngayon, hinding-hindi na ako babalik sa 'yo-" Naumid


ang dila niya nang yakapin ko siya uli.

Ang tahimik na pag-iyak ko ay unti-unting nagkaroon ng tunog hanggang sa maging


hagulhol na. Lalo na ng naramdaman kong gumanti ng yakap si Sheena at lalo pang
sumiksik sa hubad kong katawan.

I cried so hard. Nang mga sandaling 'yon, pakiramdam ko nakahanap ako ng


makakapitan. Pakiramdam ko, pagkatapos kong magpalutang-lutang sa gitna ng malawak
na karagatan ay nakakita ako ng bangka na maliligtas sa akin mula sa pagkakalunod.

"Sheena, baby..." humahagulhol na sambit ko.

Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap ni Sheena sa akin.

"Nandito ako, Lance. Hindi kita iiwan kahit ano pa ang maging hitsura mo. Hindi..."

Parang puputok ang puso ko sa sobrang saya nang marinig ang sinabi niya.

Kumawala sa pagkakayakap ko si Sheen. Akala ko lalayo siya sa akin pero hindi pala.
Sa halip tumingkayad siya at sinapo ang magkabilang pisngi ko.

Bigla na naman akong nahiya sa hitsura ko. Tangka akong mag-iiwas ng tingin pero
hindi siya pumayag.

Nagtama ang mugto naming mga mata.

"Sheena..." May kung anong mainit na bagay ang humaplos sa puso ko nang haplusin
niya ang sunog kong mukha.

Napalunok ako at muling napaluha. Hindi ko alam kung paano pa niya ako nagagawang
titigan nang ganito ngayon sa kabila ng pangit kong mukha.

"H-Hindi ka ba talaga n-nandidiri sa akin?"

Umiling siya habang patuloy sa paghaplos sa pisngi ko.

"H-Hindi... hindi na a-ako ang dating L-Lance," sabi ko sa nanginginig na boses.

"You're still the man I fell in love with, Lance. Kahit sobrang duwag mo, ikaw pa
rin ang gusto kong kasama sa pagtanda ko. Ikaw pa rin ang gusto kong makatuwang sa
pagpapalaki sa mga anak natin. Ikaw lang, Lance...ikaw lang at walang iba."

Doon na ako muling napahagulhol. Oh, God!

Tumingkayad si Sheena at pinahid ng mga daliri niya ang mga luha ko. And then she
kissed me, kissed me with all her heart.

Ramdam ko ang pagmamahal sa halik ni Sheena. Nag-alangan pa ako noong una, ngunit
kalauna'y hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na sumagot sa halik niya, ang
klase ng halik na pinagsasaluhan namin dati. It was deep, hot, and passionate kiss.
The kind of kiss that would surely leave both of us breathless.

Dahil sa halik ni Sheena sa akin, tila tuyong dahon na naglaho ang lahat ng agam-
agam sa puso ko. Pinapawi ni Sheena at ng pagmamahal niya ang lahat ng bigat sa
dibdib ko at pati ang panliliit sa sarili ko. Pakiramdam ko, kaya ko na uli na
ngumiti at tumawa gaya nang dati. Pakiramdam ko, kaya ko na uling harapin ang
malupit at mapanghusgang mundo dahil sigurado na ako na may isang taong hindi ako
ikakahiya at pandidirihan. Na sa kabila ng maraming mapanghusga, mayro'n pa ring
isa na sasamahan ako sa lahat ng laban ko.

Pareho kaming naghahabol ng hininga nang matapos ang mapamugtong halik. Muli, buong
pagmamahal akong tinitigan ni Sheena. Hindi na galit ang nasa mga mata niya kun'di
pawang pagmamahal na lamang.

"I love you. B-Bumalik ka na sa aming mag-iina, please? Bumalik ka na sa amin,


baby.." nakikiusap ang boses at pati mga mata niya habang sinasabi iyon.

"Huwag mo na uli kaming iwan, Lance. Ang lungkot kapag wala ka..."

"Oh, God!" Kinabig ko siya at muling niyakap.

Yakap na wala na akong balak na lumayo sa kaniya. Sa kanila ng mga anak namin.

NANG pakawalan ko si Sheena ay inakay ko siya papasok sa loob. Pinaupo ko siya sa


couch at iniwan sandali para tingnan sa labas ng unit ang kaibigan ko ngunit wala
na siya roon. Mukhang kanina pa yata umalis para bigyan kami ng alone time ng asawa
ko.

Nang matiyak na wala na siya roon ay isinara ko na ang pinto at binalikan ang asawa
ko.

Natigilan ako sa tangkang paglapit nang makita ko siyang hawak ang picture frame
nilang mag-iina. Kuha iyon noong binyag ng kambal namin.

"Tama lahat ng kutob ko," aniya kapagkuwan at nag-angat ng mukha.

Lumapit ako sa kaniya at tinabihan siya sa sofa.

"Paano mo kinakaya na hindi kami lapitan ng mga anak mo? Hindi mo ba sila gustong
makita at mayakap?" tanong niya habang nasa picture ang mga mata.

"Gustong-gusto..."

Tumingin siya sa akin. "Kung hindi ba ako pumunta rito, may balak ka bang magpakita
sa amin o wala na talaga?"

"Mayro'n."

"Baka sinasabi mo lang iyan-"

"No. It's true. Pagkatapos nating magkita sa parking lot ng mall nang araw na iyon,
hindi ako nakatulog magdamag sa kakaisip sa 'yo. Nang gabi na iyon, nakapagdesisyon
na ako na magpa-surgery uli. Sabi ko sa sarili ko, hindi man bumalik sa dati ang
mukha ko, kahit man lang mabawasan ng kaunti ang sunog sa mukha ko para hindi ako
katakutan ng mga anak natin sa oras na magpakita na ako sa inyo."

Inismiran niya ako, waring ayaw pa ring maniwala na plano ko na talagang magpakita
sa kanilang lahat. Which is true.
Kahit hindi siya pumunta ngayon dito ay plano ko nang magpakita sa kaniya.

Hindi ko makakalimutan kung paano ako tinakot ni Edwin na kung magpapatalo ako sa
pagiging duwag ko ay hindi na ako makakabalik sa pamilya ko, lalo na kapag
nakatagpo na ng ibang lalaki ang asawa ko.

Hindi ko napigilang balikan sa isip ko ang pananakot niya dahilan para magbago ang
desisyon ko na hindi na sana magpakita sa mag-iina ko.

"Maganda at bata pa ang asawa mo, P're. Makakapag-asawa pa siya kung saka-sakali.
Ang tanong, kaya mo bang makita na magkaroon uli siya ng ibang asawa? Kaya mo bang
isipin na ibang lalaki na ang hahalik, yayakap, at aangkin sa asawa mo? Kaya mo
bang makita na

magkakaroon ng bagong tatay ang mga anak mo?"

"Hell no!"

Ngumisi ang kaibigan ko.

"Aba, kumilos ka na kung ganoon. Baka bukas makalawa, kapag hindi ka na duwag na
humarap sa kanila ay huli ka na pala dahil pag-aari na ng iba ang mag-iina mo."

Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan ko pero tumawa lamang siya.

"Maniwala ka, sa ganda at bata pa ng asawa mo, for sure maraming pipila para maging
ama ng mga anak mo- Naputol ang pagbabalik-tanaw ko dahil sa paghawak ni Sheena sa
kamay ko. Napatingin ako sa kaniya.

Muling nagtama ang mga mata namin.

"Kahit kaunti, hindi ka ba talaga nandidiri sa akin?"

"Ano sa tingin mo?" Balik-tanong niya at hinawakan ang pisngi ko na may sunog.

Hinaplos niya iyon na hindi nilulubayan ng tingin. Bumaba ang kamay niya sa leeg
ko, pababa sa dibdib ko na may sunog din.

"Hindi ko matanggap ang nangyari sa akin," mapait kong sabi. " K-Kinakain ako ng
insecurity, ng self-pity. Dahil sa hitsura ko, natakot

akong bumalik sa inyo ng mga anak natin. Ayokong maranasan nila ang panghuhusga na
nararanasan ko sa tuwing lalabas ako ng lungga ko, Sheena. Ayokong masaktan sila
dahil sa akin. Ayokong layuan sila ng mga tao dahil sa akin." Tumigil ako sandali
para huminga.

"Lalo akong nawalan ng pag-asa nang hindi magtagumpay ang unang surgery sa akin.
Alam mo iyong pakiramdam na ninakaw na rin sa akin ang kakaunting kumpinyansa sa
sarili na mayro'n ako? Pakiramdam ko ang lupit ng mundo sa akin kaya ayaw ko na
kayong idamay. Pakiramdam ko, ako ang nagdadala ng problema sa 'yo. Nahihiya ako
dahil simula nang sumugal ako sa 'yo puro sakit at problema ang naranasan mo.
Kailan ka ba huling naging masaya sa piling ko?"

"Palagi. Kahit ang dami na nating pinagdaanan sa maikling panahon, hindi ako
nagsisising pinakasalan kita."

Nabikig ang lalamunan ko.

"I'm sorry. Mahal na mahal ko kayo, Sheena. Hindi man ako nagpapakita pero palagi
akong nasa tabi-tabi, nakamasid sa inyong tatlo at sa mga kaibigan ko."

"Isa pa iyan, pati sila sinaktan mo. Bakit kasi puro negative palagi ang iniisip
mo? Sa tingin mo ba, sobrang babaw naming lahat? You think we will not accept you
because of your face? Gano'n ba ang pagkakakilala mo sa amin? Sa akin? If that's
what you really think of us then I'm hurt."

"Hindi naman iyon gano'n. Hindi iyon tungkol sa kung kaya niyo ba akong tanggapin o
hindi. Ako mismo ang hindi matanggap ang hitsura ko ngayon. Ang gulo ng utak ko, sa
dami siguro nang nangyari sa akin. Ayoko na lang kayong idamay..."

"Sana lang naalog na ang utak mo, Lance."

Napangiti ako. "Sa dami ng sampal mo, alog na alog na."

"Mabuti naman kung gano'n. Dahil kung hindi pa rin naaalog, sasampalin uli kitang
lalaki ka!"

Mabilis kong nasalo ang pulso niya nang tangka akong sasampalin.

"Bumalik ka na sa amin, Lance. Naghihintay kaming lahat sa 'yo." Pakiusap niya.

"Babalik ako. Aayusin ko lang ang lahat tapos babalik na ako sa 'yo. At hinding-
hindi na ako lalayo sa inyo maging successful man o hindi ang 2nd surgery ko."

Nagkaroon ng lambong ang mga mata niya.

"Maghihintay ako, Lance. Bilisan mong ayusin ang lahat para makasama ka na namin,
ha?"

Pinagdikit ko ang mga noo namin.

"I love you, Sheena. Wait for me, please?"

"Of course... ngayon pa ba ako hindi maghihintay eh alam kong buhay ka

"Maraming salamat sa wagas na pagmamahal mo, Sheena."

"I will wait for you. Do what you need to do and then come back to me, come back to
us, Lance."

"I promise I'll come back. Wala naman akong ibang gustong balikan kundi ikaw lang,
ang yakap mo, ang halik mo. Kayo ng mga anak natin. Know that I love you so much,
Sheena. Know that you're the only one for me. You have my heart."

Niyakap niya ako at gumanti ako nang mas mahigpit.

"Thank you sa totoong pagmamahal, baby. Kakayanin ko na lahat dahil alam kong
nandiyan ka.."

Isang mahigpit na yakap ang itinugon niya sa akin.

Sorry kung palagi Kitang pinagdududahan sa mga plano Mo sa akin. Sa tuwing dapang-
dapa na ako, palagi Ka pa ring nandiyan para ibinigay sa akin ang nag-iisang taong
kailangan ko para bumalik ang kumpinyansa ko. Kahit nawawalan na ako ng tiwala sa
lyo, pinatutunayan Mo pa ring nandiyan Ka

GIRLONFIRE28
Thank you! Sorry po sa 2days na absent ko. Na-busy lang sa pamilya at labahin.
Muahhh! Muah!

Chapter 74

Chapter 74

SHEENA POV

HABANG nagkukuwento si Lance sa akin ng mga nangyari sa kaniya nang araw na iyon ay
mataman lang akong nakatingin sa kaniya.

Magkatabi kaming nakaupo sa sofa, sa sala ng unit na pag-aari raw ni Edwin. Hawak
ko ang kamay niya habang bahagyang nakatagilid ang ulo ko para mas makita ko ang
kabuuan ng mukha niya.

Nanginginig ang boses niya habang nagkukuwento. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay
niya para iparamdam na lahat ng sasabihin niya ay paniniwalaan ko.

"A-Akala ko iyon na ang katapusan ko. Pero totoo pala talaga na kapag gumawa ka ng
mabuti ay may magbabalik sa 'yo niyon. Dumating si Valerie para iligtas ako sa mag-
amang iyon, Sheena."

Napangiti ako. Walang selos na nadarama ang puso ko para kay Valerie bagkus ay
pasasalamat ang nararamdaman ko.

Thank God, dahil tinuruan mo kaming maging mabuti. Tama lang na tinulungan ko ang
anak niya noon sa kabila nang mga ginawa niyang panggugulo dahil ibinalik niya ang
tulong na iyon sa asawa ko.

"Tama lang na pinalayo sila ni Edwin noon para hindi sila madamay sa gulong ginawa
ni Lander. Alam ko na biktima lang din siya sa panggagamit ni Lander para guluhin
ang buhay natin. Pagkatapos niya akong iligtas, sobra pa iyon para ibigay ko ang
kapatawaran na hinihingi niya. Ako naman ang may utang na loob sa kaniya na habang-
buhay ko nang tatanawin."

"Natin. Dahil kung hindi niya sinabi sa akin ang nangyari sa 'yo, hindi
magtatagumpay ang pagiging detective ko para matiyak na buhay ka pa."

Ikinuwento ko sa kaniya kung paano at kailan kami nagkita ni Valerie sa hospital


kung saan naka-admit ang ina ng kaibigan ko.

"Gano'n pala talaga kapag mahal mo ang isang tao, mararamdaman mo siya. Mabuti na
lang din hindi ako sumuko sa instinct ko na may itinatago si Edwin sa akin. Kahit
anong pagsisinungaling niya sa akin, malalaman at malalaman ko pa rin ang totoo
dahil iba kapag si Lord na ang kumilos. Lalong lumakas ang kutob ko dahil nalaman
ko na sa kaniya nakapangalan ang kotseng itim na sinasakyan mo that time."

Nagkaroon ng lambong ang kaniyang mga mata.


"Tama si Edwin, ibang klase ka ngang talaga. Ang talas daw ng pakiramdam mo."

Napangiti ako. "Gano'n siguro talaga kapag mahal mo, mararamdaman ng puso mo.
Ngayon alam ko na kung bakit hindi ako sumama para makita ang bangkay mo raw noon
bago i-crenate. At kung bakit hindi ako nagkaroon ng amor na iuwi sa bahay ang urn
mo. Kung bakit hindi kita madalas dalawin noon sa sementeryo, dahil hindi pala
talaga ikaw lyon.

Kinabig niya ako pasandig sa dibdib niya. Yumakap naman ako sa beywang niya at mas
isiniksik ang mukha sa dibdib niya.

"Thank you." Mayamaya ay usal niya sa nanginginig na boses habang nasa ganoong
puwesto pa rin kami.

"Hindi na ako ang dating Lance, ibang-iba na ako sa Lance na minahal mo noon. Pero
alam mo kung ano iyong nakakataba ng puso? lyong sa kabila ng lahat ng pinagdaanan
ko, sa kabila ng pagbabago ng hitsura ko, sa kabila ng pagiging duwag ko, may isang
tao pa ring hindi nagbago. May isang tao pa rin na tatanggapin ako nang paulit-ulit
at ipaparamdam sa akin na mahalaga ako," mahabang sabi niya at inilayo ako sa
katawan niya.

May luha na sa mga mata niya. Syet! Agad ding nag-init ang mga mata ko at hindi
napigilan ang pamumuo ng mga luha.

"Sa lahat ng nangyari sa akin, palaging may isang i-ikaw na handa akong tanggapin
at unawain. At h-hindi ko na alam kung paano ako makakabawi sa 'yo."

Tulad ko, wala ring tigil sa pagpatak ang mga luha niya.

"Alam mo kung ano iyong na-realize ko? lyong mas malaki ang pagmamahal ko sa 'yo
kumpara sa lahat ng sakit na naranasan ko sa piling mo."

"Oh, God..."

"lyong malaman ko na buhay ka pa, sobra-sobra na iyon para sa akin. Pero kung gusto
mo talagang bumawi, sige. Just be with me, be with us. Tuparin mo iyong pangako mo
na sabay tayong tatanda, na magkasama tayong magpapalaki sa mga anak natin. Kapag
nagawa mo iyon, absuwelto ka na sa lahat ng sakit na naranasan ko."

"I-I will. Just give me some time para ayusin ang lahat, ha? At pagkatapos niyon,
babalik na ako. At hinding-hindi ka na iiwan ulit dahil wala na ang mga taong
panggulo sa buhay natin. Hmm?"

"Hihintayin kita."

Muli, buong pagmamahal na tinitigan namin ang isa't isa bago sabay na inabot ang
labi ng isa't isa.

Magaang halik lamang iyon.

"I love you.." bulong niya, pagkatapos ay marahang idinikit ang ulo ko sa dibdib
niya. "Ikaw lang"

Pumikit ako. Ramdam ko ang tibok ng puso ni Lance. "I can hear your heart, Lance.
And I love you, too." Naramdaman ko ang marahang paghaplos ng kamay niya sa buhok
ko.

It felts so comfortable in his arms. Bigla akong nakaramdam ng kapanatagan ng loob.


NAPABITAW ako mula sa pagkakayakap ni Lance sa akin nang mag-ring ang cell phone
ko.

"Si Mama," pagbibigay-alam ko sa kaniya at sinagot ang tawag ng mama ko.

"Nasaan ka na?" Agad na bungad ni Mama sa akin mula sa kabilang linya.

Napatingin ako kay Lance bago sumagot. "Ah, pauwi na rin ho ako, Ma."

"Bilisan mo na, Sheena. Hinahanap ka na ng mga anak mo. Palitan na silang umiyak."

At narinig ko nga ang iyak ng kambal ko.

"Sshh! Tahan na, mga bunso. Pauwi na raw ang mommy niyo." Dinig kong pagkausap ni
Mama sa kambal, na ngayon ay sanib puwersa na sa pag-iyak.

"Hello, Sheena, bilisan mo na, ha?"

"Opo, Ma. Pauwi na rin ho ako."

"Sige, bilisan mo na riyan."

Pagkasabi niyon ay pinutol na ni Mama ang tawag. Ibinalik ko sa bag ang cell phone
ko at binalingan ang asawa ko na tahimik sa tabi ko.

"Gusto pa kitang makasama ngayon pero umiiyak na raw ang mga anak natin. Kailangan
ko nang umuwi."

Bagama't may lungkot na sumungaw sa mga mata ni Lance ay tumango na rin siya.

"Bakit kasi ayaw mo pang sumama sa akin pauwi, baby? For sure matutuwa sil-"

"Aayusin ko lang ang mga dapat kung ayusin, ha?"

"Okay, sige."

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

Nang magpresinta siya na ihatid ako sa station ni Edwin ay pumayag ako dahil gusto
ko pa talaga siyang makasama ngayon.

Tingin ako nang tingin sa kaniya habang patungo sa station ni Edwin kung saan
naiwan ko ang kotse ni Papa dahil sa kotse ni Edwin ako sakay kanina nang puntahan
ang asawa ko.

"Ayaw mo ba talagang magpakita sa kanila?" Pagbabakasakali ko na naman.

Sinulyapan niya ako. "Aayusin ko muna ang lahat. Gusto ko okay na lahat bago ako
magpakita sa kanila."

Nakangiting tumango ako sa kaniya.

Gamit ang libreng kamay ay kinuha niya ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa hita
ko, saka dinala sa mga labi niya. Hinalik-halikan niya iyon habang abala sa
pagmamaneho.

Panaka-naka kaming napapatingin sa isa't isa at pagkuwa'y magkakangitian.

May mga pagkakataon na para bang nahihiya siya lalo na kapag nahuhuli niya akong
nakatingin sa kaniya, particular sa kanang pisngi niya.

"Huwag mo akong titigan, baby," tila asiwa niyang sabi nang mahuli uli ako na titig
na titig sa kaniya.

"Baby, please, stop staring at me." Umungol pa siya nang hindi ako natinag.

Napangiti ako. Ang magkahugpong naming mga kamay ay dinala ko sa mga labi ko at
hinalikan nang buong pagsuyo ang likod ng palad niya.

Muling umungol si Lance at bahagyang tumingala bago ibinalik ang tingin sa daan.

"Baby, please?" pakiusap na niya.

"Bakit ba?" Natatawang sabi ko.

"Naiilang ako sa titig mo. Alam ko namang hindi na ako guwapo па kagaya noon. I'm a
monster-" Hindi ko siya pinatapos sa pamamagitan ng pinong kurot sa tagiliran niya.

"You're not a monster, Lance. Stop saying that, okay?"

"Okay. But stop staring at me, baby."

"Gusto kitang titigan, bakit ba?"

Napaungol na lamang siya at wala nang nagawa dahil hindi ko naman siya sinunod.
liling-iling na lamang ang asawa ko habang nasa daan ang mga mata. Alam ko kasi na
nararamdaman niya na nakatitig pa rin ako sa kaniya.

Hindi ko siya nilubayan ng tingin hanggang sa makarating kami sa istasyon ni Edwin.

Bigla ay nag-alangan akong bumaba dahil sa mga bintang ko kay Edwin kanina.

Napangiwi ako nang maalala kung paano ko siya pinagbintangan na bakla at gustong
solohin ang asawa ko.

Shucks! Nakakahiya....

"Hey! May problema ba?" tanong ni Lance.

"Huwag mo nang palabasin ang kaibigan mo. Pakisabi na lang na salamat, ha?"

"Okay. Makakarating sa kaniya."

"Thank you. Pero sige na, ha, kailangan ko nang bumalik ng Cavite."

Isang mabilis na halik sa labi ni Lance ang ibinigay ko bago tuluyang magpaalam sa
kaniya.

Pababa na ako ng sasakyan nang pigilan ni Lance ang braso ko.

Nilingon ko siya. "Lance."

"I love you so much, Sheena." Madamdaming pahayag niya at hinigit ako para siilin
ng halik.

Hindi naman ako nagdalawang-isip na tumugon sa kaparehong intensidad.

Parehong naghahabol ng paghinga nang pakawalan namin ang labi ng isa't isa.
"I love you. Ingat ka, ha?" Bilin niya na ikinatango ko.

"I love you, too, Lance."

Muli akong nagpaubaya nang siilin niya ako ng halik. Pagkatapos niyon ay tuluyan na
akong bumaba ng sasakyan niya at nagmamadaling nagtungo sa pagkaka-park ng kotse ni
Papa. Ngunit bago ako makarating doon ay siyang labas ni Edwin mula sa loob ng
istasyon nila.

Awtomatiko akong napangiwi nang magtama ang mga mata namin. Syet! Naalarma ako nang
maglakad siya palapit sa akin.

Malakas na tawanan ang kasunod kong narinig dahil sinadya niyang kumendeng habang
papalapit sa akin. Maging ang mga kamay niya ay sinadya niyang papilantikin
Makailang ulit din niyang inilagay kunwari ang buhok sa likod ng tainga.

Hiyang-hiya ako na napatungo na lamang. Shucks! Nakakahiya talaga!

"Pauwi ka na, girl?" Mala-bading na tanong niya nang makalapit sa akin.

Lumiyad-liyad pa siya sa harap ko dahilan para maghagalpakan ng tawa ang mga kabaro
niya.

"Ang landi, Chief!"

"Bagay sa 'yo, Chief!"

"Pa-kiss, Chief!"

Ilan lang sa kantyaw sa kaniya ng mga kapulisan.

"Maglaway kayo, tse!"

Muling umugong ang malakas na tawanan sa sinabi ni Edwin at sa ginawa niyang pag-
iswad ng puwet sa mga kabaro niya.

Hindi ko na rin napigilan ang mapatawa dahil sa pinaggagawa ni Edwin ngayon.

"Pasensya na po kung napagkamalan ko kayong bakla."

"Sus, okay langs, girl." Boses binabae pa rin niyang sagot. "Sana lang worth it
naman iyong pagtawag mo sa akin ng bakla."

"Yes. Pasensya na uli."

Umayos na siya ng tayo at seryoso akong tiningnan.

"Huwag kang mag-alala, sagot ko si Lance sa lahat ng ito. Ako ang bahala sa
kaniya," pangako niya na ikinangiti ko.

"Salamat, Chief Edwi-"

"Sus, kahit Edwin na lang."

Tumango ako at muling nagpasalamat sa kaniya bago tuluyang tinungo ang sasakyan ni
Papa.

Pasakay na ako sa driver's seat nang may pumigil sa akin.


"Lance?" Gulat na bulalas ko.

"Ihahatid kita sa inyo."

Kulang na lamang ay lumuwa ang mga mata ko sa tuwa.

"Seryoso?"

"Kasing seryoso na gusto kitang pakasalan uli pagkatapos ng mga dapat kong ayusin."

Awtomatikong gumuhit ang matamis na ngiti sa aking mga labi.

"Hindi mo na kailangang gawin iyon. Makasama lang kita habang-buhay ay okay na


ako."

Napangiti na rin siya at inalalayan akong makasakay sa passenger seat.

"Tulungan mo akong ayusin ang lahat, P're." Dinig kong sabi ni Lance sa kaibigan na
nakatayo sa gilid ng kotse.

"Areglado, P're."

"Salamat."

"Sa asawa mong detective ka magpasalamat. Pinagbintangan pa akong bakla at gusto


kitang solohin, tang'na."

Natawa ako nang marinig ang pagmumura ni Edwin nang tumawa ang asawa ko.

Ilang sandali pa silang nag-usap bago kami tuluyang umalis ni Lance sa istasyon.

GIRLONFIRE28

Maraming Salamat po sa inyong lahat! Medyo busy langs ako huhu. pauwi kasi ako ng
probinsya. Hehe excited ako makasama ang mga magulang ko. Muah! Advance Happy New
Year sa ating lahat

Chapter 75

Chapter 75

Chapter 75

SHEENA POV

ILANG metro na lamang ang layo namin mula sa gate ng bahay namin nang itigil ni
Lance ang kotse sa gilid ng daan.
At mula sa sideview mirror ay nakita kong huminto rin ang sasakyan ni Edwin na
kasunod namin. Sa sasakyan niya kasi sasakay si Lance pauwi ng Mandaluyong
pagkahatid sa akin.

"Iba rin ang samahan niyo ng Edwin na iyon, ah," nakangiting sabi ko.

Tiningnan niya ang sasakyan ng kaibigan sa rareview mirror bago ibinalik ang tingin
sa akin.

"Hindi kami madalas magkita at mag-usap dati kaya hindi ko in-expect na magiging
ganiyan siya kabait sa akin. Grabe iyong tulong niya sa akin at sobrang laki na rin
ng utang na loob ko sa taong 'yan, baby."

"Malalagot ka sa mga kaibigan mo kapag nalaman nila na mas pinagkatiwalaan mo si


Edwin kaysa sa kanila," kunwa'y pananakot ko. Napangiwi ito. "Hindi naman iyon
gano'n, baby."

Inirapan ko siya. "Gano'n iyon."

"Hindi gano'n," giit niya.

"Gano'n ang iisipin nila."

"Kaya tutulungan mo akong mag-explain sa kanila, 'di ba?"

"Oo naman. Basta bilisan mo nang ayusin ang mga dapat mong ayusin dahil gusto na
kitang makasama."

"I will, baby" Naging malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Naghinang ang mga mata namin. Para kaming nananalamin sa mga mata ng isa't isa.
Pag-ibig, lyon ang nag-iisang damdaming nakapaloob sa aming mga mata nang mga
sandaling 'yon.

"I love you." Madamdaming pahayag niya.

"I love you, too."

Sabay kaming napangiti sa isa't isa at tila walang may balak na putulin ang
malagkit na titigan.

Tunog ng cell phone ko ang tuluyang pumutol sa titigan naming dalawa.

Dali-dali kong sinagot nang si Mama ang tumatawag. Mukhang nainis na siya sa tagal
kong bumalik.

"Baby, kailangan ko na talagang pumasok sa loob, ha?"

Tumango siya at kinabig ako palapit sa kaniya. Pagkuwa'y hinalikan ang kanang
pisngi ko.

"Para iyan kay Steve, ha?" Tukoy sa halik na iyon. "Ito naman ang para kay
Shenaia," at hinalikan naman ang kaliwang pisngi ko.

Napanguso ako nang tangka siyang bababa.

"Why?" Nangingislap ang mga matang tanong niya.

"Nasaan iyong para sa akin?"


"Oh." Dumukhang siya palapit sa akin at binigyan ako ng matunog na halik sa aking
noo.

"lyon na iyon?"

Natawa siya sa pag-iinarte ko. "Saan mo ba gusto? Hmm?"

Ngumuso ako at pumikit. Naghintay ako na dumampi ang mga labi niya sa pisngi ko
pero hindi niya ako hinalikan sa labi.

Inis na nagmulat ako ng aking mga mata para lang sumalubong sa akin ang matiim
niyang titig. Hindi pa man ako nakakabawi ay siniil na niya ng mainit at mapusok na
halik ang mga labi ko.

Kusang pumikit ang mga mata ko upang namnamin ang init ng kaniyang halik. Halik na
matagal kong na-miss at pinanabikang maranasan uli sa piling ng asawa ko.

Kapuwa kami naghahabol ng paghinga nang pakawalan ang mga labi ng isa't isa.
Pinagdikit niya ang mga noo namin.

"Mahal na mahal kita, Sheena."

"Mahal din kita."

Isang mabilis na halik ang iginawad ko sa kaniya bago siya pinababa ng sasakyan ni
Papa. Eksakto namang tumapat si Edwin sa tabi ng sasakyan kaya agad na nakalipat si
Lance doon. Ako nama'y hindi na bumaba at lumipat na lamang sa driver's seat na
inalisan ni Lance.

Inilabas ni Lance ang kamay sa bintana at inabot ang kamay ko. Dinala niya iyon sa
mga labi niya at hinalikan nang hinalikan.

"I love you. I love you. I love you." Paulit-ulit niyang sabi.

"I love you, too. Sige na, papasok na ako sa loob."

Ngunit hindi pa rin binibitawan ni Lance ang kamay ko na ikinapalatak ni Edwin.

"Sumama ka na lang kaya sa kaniya, P're. Halata namang ayaw mo nang bitawan ang
asawa mo, eh."

Tumawa lang si Lance at napilitan na ring bitawan ang kamay ko.

"Ingat kayo pauwi, ha?" Bilin ko sa dalawa.

"I-kiss mo 'ko sa mga anak natin, ha?"

"I will. Call me when you get home, okay?"

Minsan ko pang pinasalamatan si Edwin bago tuluyang umalis ang dalawa. At bago ako
lumapit sa gate namin ay hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang sasakyan ni
Edwin.

Nasa bungad pa lamang ako ng pinto ng main door ay inihanda ko na ang sarili ko
para sa panenermon ni Mama dahil sobrang tagal kong nawala.

PAGPASOK ko sa kuwarto naming mag-iina ay nadatnan ko si Mama na todo na ang


pagsayaw habang karga ang baby Steve ko. Habang si Shenaia nama'y tulog na tulog sa
gitna ng malapad na kama.

"Ma," tawag pansin ko sa mahinang boses.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Pasensya na ho, Ma." Paghingi ko na lang ng pasensya kaysa maghabi pa ng kung anu-
anong kasinungalingan kung bakit ang tagal ko.

"Hawakan mo na 'tong anak mo, taeng-tae na ako kanina pa. Napakatagal mo." Reklamo
ni Mama at agad na ipinasa sa akin ang anak ko na tulog na rin pala.

Hindi ko napigilan ang pagtawa nang mapautot na si Mama habang sapo ang sariling
puwet.

"Shucks! Ang baho, Ma."

"May utot bang mabango? Lintik ka. Nakukuha mo pa talagang tumawa, buwisit ka!"

"Bilisan mo na, Ma, baka lumabas na iyan."

Dali-dali namang tumakbo si Mama patungo sa banyo dito sa kwarto ko. Bigla akong
nakonsensya nang marinig ang masakit na daing ni Mama. Mukhang kanina pa nga niya
pinipigilan ang paglabas ng tubol.

"Sorry, mga anak. Natagalan si Mommy, ha?" Pagkausap ko sa kambal nang ihiga ko na
si Steve sa tabi ni Shenaia.

Hinalikan ko sila tulad ng request ni Lance.

"Galing iyan sa Daddy niyo, mga anak. Malapit na natin siyang makasama ulit at
magiging kumpleto na tayo." Mahinang usal ko, saka mulig ginawaran ng halik ang
kambal para kay Lance.

Kinuha ko ang cell phone ko at pinicture an habang nakahalik sa pisngi nila.

Nakangiting umupo ako sa paanan nila at isinend kay Lance ang mga pictures naming
mag-iina. Agad naman akong nakatanggap ng message mula sa kaniya.

"Uwi ka na kasi sa amin, Daddy" Reply ko sa kaniya.

"Soon. Wait for me, Mommy. Kapag okay na ang lahat, hindi na tayo magkakahiwalay
pa. Excited na akong makasama kayo at pangako na magiging masaya ka na sa piling
ko."

Malawak ang ngiting nag-type ako ng reply sa kaniya. Pakiramdam ko, bumalik ako sa
dati na kilig na kilig sa tuwing paglalaanan ako ng atensyon at oras ni Lance noon.

"Sinong ka-text mo?" Muntik ko nang mabitawan ang cell phone ko sa biglang
pagsulpot ni Mama.

Sa sobrang abala sa pakikipagpalitan ng mensahe kay Lance ay hindi ko na napansin


na tapos na pala siyang magpasabog.

"Success ba, Ma?" Pag-iiba ko ng usapan sabay takip ng ilong. "Ang baho, Ma."

"Kasalanan mo, gaga. Ang tagal-tagal mo kasi!"

Muling tumunog ang cell phone ko. Hindi ko napigilang hindi basahin ang message ni
Lance na ikinahagikhik ko. Pakiramdam ko pinamulahan ako ng mukha dahil doon.
Sinabi lang naman niyang gusto na niyang makita ang kambal namin at iyong dinaanan
papasok ng kambal. Gago talaga.

Bilisan mo na kasi. Para makita mo na ang kambal natin. Reply ko habang ngiting-
ngiti.

Ngunit agad ding napalis ang ngiti ko nang sipain ni Mama ang paa ko na ikinadaing
ko.

"Para saan naman iyon, Ma?" nakangiwi kong tanong.

Agad kong naitago ang cell phone ko nang tangkain ni Mama na agawin.

"Bawal iyan, Ma. Invading my privacy iyan."

"Sino ba iyang ka-chat mo at parang kinikiliti iyang tinggil mo?"

Napahagikhik ako sa kabulgaran ng bunganga ni Mama.

"Hindi pa nag-iisang taon iyang mga anak mo, lumalandi ka na?"

"Sobra ka naman, Ma." Ingos ko.

"Umayos ka, Sheena. Baka mamaya nagpapaligaw ka na sa kung sino riyan, ha?
Malalagot ka sa Kuya mo kapag pinalitan mo agad ang kaibigan niya."

Tumayo ako at inakbayan si Mama. "Don't worry, Mama. Walang puwedeng pumalit kay
Lance sa buhay ko. Naming mag-iina."

Inirapan niya ako. "Eh, sino iyang ka-chat mo at parang kinikiliti iyang tinggil
mo?"

"Wala iyon, Ma."

"Siguraduhin mo lang, Sheena. Malalagot ka talaga sa Kuya mo."

"Opo, promise. At saka, walang lalaki ang puwedeng kumiliti sa akin kundi si Lance
lang, Ma. Wala na akong ibang mamahalin kundi siya lang habang-buhay." Tuwang-tuwa
naman si Mama sa naging sagot ko.

"At saka, may mga anak ka na. Sila na lang ang pagtuunan mo ng pansin."

"Opo, Ma. Salamat po pala sa pag-aalaga sa kanila habang wala ako, ha?" Taos pusong
pasasalamat ko, saka naglalambing na yumakap sa Mama ko.

"I love you, Mama. The best ka talaga palagi."

"Sus, nambola ka pa. O, siya bantayan mo na 'yang mga anak mo at mag-aasikaso naman
ako ng hapunan natin."

"Thanks, Ma!" Pahabol ko bago niya tuluyang kinabig pasara ang pinto.

Pagkaalis ni Mama ay binalikan ko ang cell phone ko at muling nakipagpalitan ng


message sa asawa ko.

May malawak na ngiti sa aking mga labi na humiga ako sa paanan ng kambal ko habang
nakapatong sa dibdib ang cell phone ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at binalikan
sa isip ang mga nangyari kanina.
Napuno ng saya ang puso ko dahil hindi panaginip ang lahat. Totoong buhay ang asawa
ko at sa mga susunod na mga araw ay makakasama na namin siya uli. Mabubuo na kami
bilang isang pamilya. Walang puwang sa puso ko ang galit o hinanakit dahil sa
desisyong pinili ni Lance noon.

Walang ibang mahalaga sa akin ngayon kundi ang malaman na buhay siya, mainit, at
humihinga.

NANG SUMUNOD na mga araw ay mas lalong naging maaliwalas ang mundo ko. Hindi ko
alam na may mas ibo-blooming pa pala ako dahil sa sobrang saya ng puso ko.

Simula kasi nang magkita kami ni Lance ay hindi na kami nawalan ng komunikasyon sa
isa't isa.

Araw-araw siyang tumatawag sa akin at nilalaro ang mga baby namin. Araw-araw niya
akong pinapakilig sa mga simpleng barnat niya Binabalitaan niya rin ako tungkol sa
mga bagay-bagay. Kumbaga, updated ako sa lahat ng ganap sa buhay niya sa
kasalukuyan.

Tulad na lamang ngayon, tumawag siya sa akin via video call para ibalita na hindi
na raw

magtatagal at maayos na nila ni Edwin ang lahat lalo pa't wala naman daw nagsampa
ng kaso noon tungkol sa pagkakapatay sa amain niya. Malakas din daw ang laban niya
kung sakaling may magsampa nga ng kaso dahil ayon kay Edwin ay self defense daw ang
nangyari noon.

Parang puputok ang dibdib ko sa sobrang saya. Pinangilidan ako ng mga luha habang
nakikinig sa kuwento niya.

"Kaunting panahon na lang, baby. Kaunti na lang at magiging maayos na ang lahat..."
Nabasag ang boses niya.

Hindi lingid sa akin na bukod sa pagkakasunog ng mukha niya ay isa rin sa rason
niya kung bakit naduwag siyang magpakita sa akin noon ay dahil feeling niya masama
siyang tao. Pakiwari niyang masama siya dahil napatay niya ang kaniyang amain.

Hindi pa malinaw sa akin kung paano niya napatay pero hindi na ako interesado sa
bagay na iyon. Ang mahalaga sa akin ay buhay siya at makakasama namin sa mga
darating na panahon.

"Huwag kang maiinip maghintay, ha?" Malambing na hiling niya.

"Ngayon pa ba ako maiinip? Pero sana tapos na iyan bago pa dumating ang first
birthday ng kambal. Gusto ko, nandito ka kapag dumating na ang araw na iyon, Lance.
Gusto ko, kasama ka naming magsi-celebrate at hindi ka lang basta nakatanaw mula sa
malayo. Maaari ba iyon?"

Lumarawan ang pag-aalinlangan sa mukha niya.

"Please? Gusto kong kasama kita sa araw na iyon. Napakahalaga ng araw na iyon para
sa kambal natin kaya dapat lang na kasama ka namin."

Hindi pa rin siya sumagot.

"Please, baby?" Pakiusap ko.

"Hindi kaya masira ang birthday-"


"Sshh! Ayan ka na naman sa pagiging nega mo. Kung nag-aalangan ka sa sasabihin ng
ibang tao then don't. At huwag kang mag-alala, malalapit lang sa atin ang
iimbitahan ko para maka-attend ka kung wala ka pang kumpyansa sa sarili mo."

"Gagawin mo iyon?"

"Yes. Aanhin naman namin ang maraming bisita kung wala ka?"

Napangiti si Lance, halatang kinilig ang loko dahil sa sinabi ko.

"Kaya darating ka sa birthday ng anak natin. Mangako ka."

"Darating ako. M-Makakasama niyo ako sa espesyal na araw na iyon ng mga anak natin,
baby."

"Thank you, Lance! Thank you so much, mahal ko!"

Kulang na lang ay tumili ako sa sobrang saya dahil sa pag-oo niya.

"No. Thank you. Ako dapat ang magpasalamat sa 'yo, sa lahat ng sakripisyo mo para
sa atin. Sa walang sawang pagpapadama kung gaano mo ako kamahal. Sa walang sawang
suporta at pagpapalakas ng loob ko araw-araw. Babawi ako, pangako."

"Makasama ka lang namin sa birthday ng mga anak natin, bawing-bawi ka na."

"Para sa 'yo siguro, oo, pero sa akin hindi pa. Babawi pa ako nang bongga."

"Gaano ba ka-bongga?" Pagsakay ko sa panghaharot niya.

"Iyong tipong masusundan na si Steve at Shenaia." Kakaiba na ang kislap ng mga mata
niya.

Napahagikhik ako. "Ay kailan ka ba babawi?"

Malakas na tumawa ang asawa ko. Huh, akala mo uurungan kita, ha?

"Gusto mo ngayon na?"

"Pupunta ka rito?" Panghahamon ko.

"Puwede?"

"Oo naman. Punta ka?"

"I'll think about it."

"Bilisan mong mag-isip para makaligo na ako." Napahagikhik na naman ako nang
manlaki ang mga mata niya.

"Naughty, huh?"

"Eeyy, uuwi na iyan." Tudyo ko sabay hila pababa ng damit ko.

Sunod-sunod na lunok ang ginawa ni Lance nang malantad ang balikat ko. Sinamantala
ko iyon para lalo siyang akitin at biglang umuwi sa akin.

"Umuwi ka na, baby." Pagkanta ko sa kantang Hanggang Kailan by Orange and Lemons.
"Umuwi ka na, baby. 'Di na ako sanay nang wala ka. Ang hirap mag-isa at sa gabi'y
hinahanap-hanap kita. Umuwi ka na, baby..."

"Syet, baby!" Pagmumura niya na may kasamang ungol.

"Hanggang kailan ako maghihintay na kasama kang muli-" Naputol ang pang-aakit ko sa
asawa kong lunok-laway na nang umiyak ang baby boy ko.

"To be continued, baby. Mukhang nagising ang anak mo." Sabi ko at iniwan sandali
ang cell phone ko para buhatin si Steve.

Bumalik ako sa harap ng cell phone habang kalong ang baby Steve ko.

Nang makita kong naghahagilap siya ng dede ay walang pagdadalawang-isip na inilabas


ko ang dede ko at pinadede si Steve.

Napahagikhik ako nang makita ko ang hitsura ni Lance habang titig na titig sa aming
mag-ina.

"Gusto mo rin, 'no?" Pilyang tanong ko.

"Argh! Baby, you're torturing me..."

"Uwi ka na kasi." Muli akong napahagikhik dahil lukot na lukot na ang mukha ng
asawa ko.

"Eyy, gustong dumede ni Daddy. Uuwi na iyan."

"Humanda ka sa akin."

"Tagal naman."

Napaungol na lamang ang asawa ko habang pinapanuod si Steve na dumedede sa akin.

Bahala kang maglaway diyan.

GIRLONFIRE28

Happy New Year, Everyone! Hindi ko kayo natiis kaya talagang kahit busy, nag-update
ako ngayon! Gusto ko pa sana ng isa hehe. Try ko bukas. Labyuuu Guys! Maraming
Salamat sa inyo sa pagsama sa akin sa mga stories ko. Sana kasama ko pa rin kayo sa
taong 2024 at sa mga darating pang taon! Mahal ko kayo at sana huwag kayong maumay
sa akin. Muahhh Muahhh! Happy New Year!

Chapter 76

Chapter 76
Chapter 76

LANCE POV

NAPAUNGOL na lamang ako habang pinapanuod ang aking asawa sa ginagawang pang-aakit
sa akin mula sa kabilang linya.

Tanging lunok at iling lang ang aking nagagawa ng mga sandaling iyon.

"Come home, baby..." Mariin akong napapikit nang marinig ang nang-aakit na tono ni
Sheena.

"You're torturing me, baby." Muli akong napaungol nang pagmulat ko ng aking mga
mata ay sumalubong sa paningin ko ang kabilang dibdib niya. Nakahain sa harap ko
habang ang isa ay nasa bibig pa rin ni baby Steve.

Gusto ko nang tumagos sa cell phone ko ng mga sandaling iyon para maparusahan ang
kapilyahan ng aking asawa.

Ramdam ko na ang pagwawala ng kaibigan ko sa loob ng short na suot ko. Na waring


ano mang sandali ay nagnanais nang pumutok ang kung anong nasa loob.

"Stop it, baby." Nakikiusap ang tono ko.

Ngunit sadyang gusto yata akong baliwin ng asawa ko dahil sa halip na tumigil sa
ginagawang pang-aakit ay mas lalo pang pinag-igi ang ginagawa. Lalo na nang bumalik
sa pagkakatulog ang anak namin at ibinalik na niya sa pagkakahiga sa tabi ni baby
Shenaia.

Hindi ko inaasahan ang kasunod niyang ginawa.

Napatuwid ako ng upo nang makita kong pumasok siya ng banyo na nasa loob ng silid
niya.

"What are you doing?"

Ngumisi lang siya at inayos yata ang pagkakalagay ng cell phone sa loob ng banyo
dahil nawala siya sa camera.

Halos lumuwa ang mga mata ko nang pagbalik niya sa harap ng camera ay hubo't hubad
na siya.

"Syet! Baby, what are you-" Hagikhik niya ang nakapagpahinto sa ano mang sasabihin
ko..

"Maliligo ako." Parang wala lang na sagot niya at nagsimulang basain ang ulo.

"In front of me?" Bulalas ko.

"Yup. Watch me, baby" Maharot na sabi niya at kinindatan ako sabay kagat sa ibabang
labi.

Jesus Christ. Ano mang sandali ay huhulagpos na ang pagtitimpi ko na huwag siyang
puntahan.

Nagtaas-baba na ang dibdib ko habang pinapanuod siyang maligo. Napasipol na lamang


ako nang magsimula siyang magsabon ng sariling katawan. Mula sa leeg, sa dibdib, sa
tiyan at sa pagitan ng mga hita niya.
"Syet! Baby, ang sakit mo sa puson!" Rekmalo ko na ikinahagikhik niya pang lalo.

"Join me, Daddy Lance..."

Lumiyad-liyad pa siya sa harap ko habang sinasabon ang mamayang dibdib. Lumaki iyon
kumpara noon, marahil dahil sa pagpapadede niya sa mga anak namin.

Nang hindi ko na kaya ang pananakit ng puson ko ay patakbo kong tinungo ang
bathroom dala pa rin ang cell phone ko. At walang pagdadalawang-isip na naghubad.

"C-Can we make love?" Hiling ko sa paos na boses

"How?"

Nang sabihin ko kung paano namin gagawin iyon ay hindi ko inaasahan na agad siyang
papayag sa hiling ko. Ang totoo, sinubukan ko lang kung papayag siya. I asked her
to make love with me over the phone. Yes, we now have phone s*x.

"Touch yours, baby" Hiling ko habang nagsisimula na rin akong paligayahin ang
sarili ko.

Nakikita namin sa harap ng camera ang isa't isa habang sabay na umuungol. Bawat
ungol ni Sheena ay mas lalong nadagdagan ang init na nararamdaman ko habang
pinapanuod siyang paligayahin din ang sarili.

Having sex with my wife over the phone was surprisingly. Hindi ko inaasahan na
magagawa namin ito.

"Oohh, baby! Spread your legs." Paos na hiling ko.

Muli, hindi ako binigo ng asawa ko. Mas binigyan niya ako ng mas malayang access
para makita ang kalangit-langitan niya. Pakiramdamko, mababaliw na ako sa pananabik
habang nakatingin sa pagkababaé niya.

Parang gusto ko nang tumagos sa cell phone ko ng mga sandaling iyon at aktwal na
mahawakan at mahalikan ang mala-porselena niyang katawan. Napuno ng pananabik ang
puso ko.

"Daddy...uhm!" Ungol niya habang sinasalat ang sarili sa harap ng camera.

Bahagya siyang nakatingila habang nakapikit ang mga mata na waring ninanamnam ang
masarap na pakiramdam dahil sa ginagawa naming mag-asawa.

"Daddy! Daddy!" Napansin ko ang panginginig ng buong katawan ng asawa ko.

Mukhang malapit na siyang makaraos.

"Yes, like that, baby" Sabi ko habang mabilis na ring nagtataas-baba ang sariling
palad sa kahabaan ko.

Napapapikit na rin ako dahil kahit palad lamang ay masarap pa rin iyon lalo na't
nakikita ko ang asawa ko.

"Daddy! I'm coming, Daddy!"

"Me too, baby."

Nang sumunod na mga sandali ay parehas na kaming nagmadali at pagkuwa'y sabay na


napaungol.
"Lance!"

"Sheena!"

Magkapanabay na sambit namin sa pangalan ng isa't isa nang sabay na makarating sa


dako pa roon. Napasandal kaming pareho sa tiles habang nakasalampak pa rin ng upo.

Mariing pumikit ang asawa ko habang nanginginig pa rin ang mga hita.

Napangiti ako. She's hot and beautiful as ever.

Mataman ko siyang pinagmasdan. At habang ginagawa ko iyon ay isang desisyon ang


nabuo sa isip ko. Bahala na. Basta isa lang ang gusto ko. Ang makasama ang mag-iina
ko.

Lalong lumuwang ang pagkakangiti dahil sa naging desisyon ko.

"Sheena." Mayamaya ay sambit ko sa pangalan niya.

Mabagal ang ginawa niyang pagmulat at tumitig sa mga mata ko. "

Hmm?"

"I love you so much."

Ngumiti siya. lyong ngiting kayang pawiin ang lahat ng pag-aalinlangan ko sa sarili
ko.

"I love you, too."

"Wait for me, ha?"

"I will." Sagot niya at muling bumukaka sa harap ko na ikinaungol ko." Isa pa?"

"Naughty, huh?"

"Ayaw mo?"

"Gusto ko." Mabilis na sagot ko at sinadyang papungayin ang mga mata ko.

"Round two?"

"Soon ang round two, baby."

"Gaano ka-soon?" Pinatulis niya ang nguso. "I miss you na."

God! "Basta soon and I miss you, too, baby."

"Promise?"

"Promise!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na tila nanunumpa. "I'l see you soon."

Nakangiti siyang tumango at pagkuwa'y nagyaya ng maligo. Sabay pa rin kaming naligo
at talagang sinamahan pa niya nang pang-aakit sa akin.

Pagkatapos naming maligo ay tinapos ko na rin ang tawag at agad na nagbihis.

NANG araw na iyon ay ginawa ko ang mga dapat kong gawin. Nakipagkita ako kay Edwin,
nakipagkita rin ako sa isang doktor na dating nag-offer sa akin ng isa pang surgery
pero tinanggihan ko na noon dahil sa kawalan ng pag-asa.

Naging maayos ang pag-uusap namin at nangako na tutulungan ako para maibalik sa
dati ang mukha ko. lyon nga lang kailangan kong umalis ng bansa para maisagawa
iyon.

Pero ngayon pa lang, alam ko nang susuportahan ako ng asawa ko sa mga plano ko.
Dahil simula't sapol, wala siyang ginawa kundi ang suportahan at mahalin ako.

Napakasuwerte ko dahil siya ang babaeng minahal ko at naging asawa ko. Maraming
beses na niyang napatunayan sa akin ang wagas niyang pagmamahal para sa akin at
ngayon,... Ako naman ang gagawa niyon para sa kaniya.

Babawi ako, baby. Sa loob-loob ko habang tinatahak ang daan patungo sa mag-iina ko.
Yes, patungo sa babaeng pinakamamahal ko.

Wala ng rason para ipagkait ko sa sarili ko ang kaligayahan na deserve ko at


deserve ng mag-iina ko.

SHEENA POV

HINDI mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko pagkatapos ng ginawa namin ni Lance
kanina. Ang pang-aakit ko sa kaniya at nauwi sa isang mainit na sandali. At hindi
ko akalain na magagawa ko ang makipag-phone séx sa asawa ko. Ni sa hinagap ay hindi
ko naisip na magagawa ko iyon pero magagawa ko pala dahil sa nag-iisang lalaki na
nagmamay-ari sa buong pagkatao ko.

Gano'n pala talaga kapag mahal mo, wala kang hindi kayang gawin para sa kaniya.

Malawak ang ngiting bumangon ako mula sa pagkakahiga sa tabi ng mga anak ko.

Palabas na ako nang mapadaan ako sa harap ng malaking salamin na nasa loob ng silid
ko. Napatigil ako roon at pinagmasdan ang sarili ko.

Agad namula ang magkabilang pisngi ko nang maalala ang kaharutan naming mag-asawa
kanina.

Grabe ka, Sheenatot! Sa isip-isip ko habang pulang-pula ang mukha. Masasakal ka ni


Mama kapag nalaman niya ang kaharutan mo.

"Malalaman niya kapag ikinuwento mo." Parang loka-loka na kinakausap ko ang sarili
ko sa harap ng malaking salamin.

Minsan ko pang pinagmasdan ang sarili ko bago tuluyang lumabas sandali para kumuha
ng makakain.

Nakakagutom pala iyon. Napahagikhik ako habang pababa ng hagdan.

Mabuti na lamang wala sa sala si Mama at si Papa. Hindi nila nakita na para akong
baliw na panay ang ngiti kahit mag-isa. Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng
puwedeng kainin sa refrigerator.

Wala akong nagustuhan kaya itlog na lamang ang kinuha ko at gumawa ako ng pancake.
Mabilis lamang naman iyong gawin kaya pagkatapos ng kinse minutos ay kumakain na
ako ng homemade pancake.

Ginutom talaga ako kaya nakatatlo ako bago nabusog. Nagmadali na


akong maghugas ng mga ginamit ko at baka umiiyak na ang mga anak ko.

Palabas na ako ng kusina nang mapatda ako dahil sa gulat.

"Kuya!" Bulalas ko, saka unti-unting nabura ang nakapaskil na ngiti sa mga labi ko.
"Nakakagulat ka naman. Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot? Para kang multo, alam
mo ba iyon?"

Hindi siya nagkomento. Nakatitig lang siya sa akin.

"Why? May dumi ba ako sa mukha?" Kinapa ko ang mukha ko pero wala naman.

"Tama nga si Mama." Tila wala sa loob na sabi niya. Napakunot ang noo ko. "Ano
iyon?"

"May nobyo ka na ba, Sheena?" Seryoso niyang tanong na ikinagulat ko.

"Kuya-"

"Gano'n kabilis mong pinalitan si Lance sa buhay mo? Na hindi pa man lang
nakakapagpababang luksa pero nagawa mo nang makipagrelasyon sa ibang lalaki?"

Napaawang ang labi ko.

"Ayokong maniwala dahil alam ko kung gaano mo kamahal si Lance, pero sa nakikita
kong kislap ng mga mata mo ngayon parang kumbinsido na ako na totoo nga." Patuloy
niya na hindi ko nagawang pasubalian.

"Bakit ang bilis mong kinalimutan ang kaibigan ko, Sheena? Akala ko ba mahal mo
siya?" May panunumbat niyang tanong.

Nakangiting nag-init ang mga mata ko. Mas lalo kong napatunayan ang sinabi ni Mama
sa akin na si Kuya Simon ang unang masasaktan at magtatampo kapag nakipagrelasyon
agad ako sa iba.

"Hindi pa tayo nakakapagpababang luksa sa asawa mo, Sheena."

Tinawid ko ang natitirang distansya naming magkapatid at yumakap sa beywang niya.

"Hindi ko sinasabi na huwag ka nang magmahal ng iba pero bakit ganito kaaga?"
Tangka siyang lalayo pero hindi ako pumayag

Humigpit lang lalo ang yakap ko sa kuya ko.

"Sheena-

"Kailanman ay hindi ko binalak na palitan si Lance sa buhay ko, Kuya Simon." Sabi
ko at bahagya siyang tiningala.

Nginitian ko siya. "Walang ibang lalaki sa buhay ko kundi ang kaibigan mo. Hindi ko
siya papalitan kahit na kailan. Ilang beses man niya akong iwanan, hinding-hindi
ako hahanap ng iba. Mananatiling si Lance lang ang lalaki sa buhay ko, Kuya,"
pangako ko.

"Kung totoo iyan. Sino ang dahilan ng pagbabago mo nitong mga nakaraan? Akala mo
ba, hindi namin napapansin na ang laki ng Ipinagbago mo? Laging kumikuti-kutitap
iyang mga mata mo. Palagi kang nakangiti kahit mag-isa ka"

"Si Lance. Siya lang ang nagpapasaya sa akin, Kuya." Napangiti ako lalo dahil
namutla ang kapatid ko

Mukhang natakot siya.

"Hindi ba dapat malungkot ka-"

"Walang dahilan para malungkot pa ako, Kuya. Masayang-masaya na ako dahil bumalik
siya sa akin. Binalikan niya kaming mag-iina. Binalikan niya tayo."

Lalong namutla si Kuya kasabay ng panlalaki ng mga mata.

"Anong bumalik? Sheena, anong pinagsasasabi mo?"

"Bumalik siya, Kuya. At siya ang dahilan kung bakit ang saya-saya ko nitong mga
nakaraan-

"Jesus Christ! Stop it, Sheena!"

"Totoo, Kuya-

"Stop it! Ano bang pinagsasasabi mo? Nababaliw ka na ba?"

Hintatakutang bulalas ni Kuya at sinapo ang magkabilang pisngi ko." Hindi pa huli
ang lahat, Bunso. Sasamahan kita sa psychiatrist, magpapagamot ka-"

"What?" Napahagikhik ako nang wala sa oras. Napagkamalan pa yata akong baliw ng
kapatid ko.

Pero lalo yata siyang natakot dahil sa pagtawa ko na iyon.

Rumehistro ang labis na pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Panay
pa ang usal niya ng oh, God daw.

"Kuya, I'm not crazy! Ano ka ba?" Malakas akong tumawa "Bakit hindi mo sinabi na
may pinagdadaanan ka, bunso? Saka niya ako sinugod ng mahigpit na yakap. "Akala
namin okay ka lang pero hindi mo na pala kinaya ang lahat."

At napagkamalan pa nga akong baliw ng kapatid ko

Papasubalian ko pa sana ang mga sinabi niya pero hindi ko na nagawa nang makarinig
kami ng doorbell mula sa labas ng gate.

Nagkatinginan kami at sabay na kumawala sa isa't isa.

"Kuya may tao sa labas ng gate." Sabi ko nang hindi siya kumilos para lumabas.

Nag-aalala talaga siya sa akin.

"Kuya-"

"Dito ka lang, mag-uusap pa tayo." Paalam niya at iniwan ako.

Tatlong minuto na yata ang nakakalipas nang marinig ko ang takot na takot na sigaw
ni Kuya dahilan para mapatakbo ako palabas ng bahay.

"Multooooo!" Muling hiyaw ni Kuya kasabay ng pagbuway ng tayo niya habang


nakatingin sa taong nasa harap niya.

Lance! Nanlaki ang mga mata ko. May takip ang kanang pisngi niya na may sunog. Ang
kaliwang pisngi lang ang kita.

"Multoooooo!" Pagiwang-giwang na umatras si Kuya.

"Kuya, hindi siya multo!" Malakas na sabi ko nang makabawi sa pagkagulat at tumakbo
palapit sa kanila. "Hindi siya multo, Kuya."

"May multo! M-May m-multo..." Usal pa niya bago tuluyang bumagsak sa damuhan.

Napaawang ang bibig ko. Nawalan ng malay ang kuya ko!

Agad dinaluhan ng asawa ko si Kuya. "Bayaw! Bayaw, gising, hindi ako multo."

Nagkatinginan kami ni Lance.

"Nahimatay ang kapatid mo."

"Bakit mo kasi binigla si Kuya?" Naninita ngunit natatawa kong tanong.

"Hindi ko alam na nandito siya, baby."

"Lagot ka diyan paggising." Pananakot ko.

Hindi ko ma-imagine na multo lang pala ang magpapatumba sa kapatid ko.

Chapter 77

Chapter 77

SHEENA POV

"KUYA SIMON, HOY, GISING!" Tinapik-tapik ko ang pisngi ni Kuya para magising.

"Bayaw, gising." Si Lance na tinapik-tapik naman si Kuya sa braso.

Mayamaya nama'y dahan-dahan nang gumalaw ang talukap ng mga mata ni Kuya dahilan
para magkatinginan kaming mag-asawa.

"Kuya, okay ka lang?" Tanong ko nang tuluyan na siyang dumilat at bumangon. "Ayos
ka lang?"

Pinigilan ko ang matawa dahil halatang nabigla talaga siya sa pagkakakita sa


sariling kaibigan.

"N-Nagmumulto si L-Lance, bunso."

Tumawa ako.

"Hindi ako nagbibiro, nandito siya kanin-"


"Hindi ako multo, bayaw."

Mabilis ang ginawang paglingon ni Kuya sa kanan niya at malakas na napasinghap.

"Tang'na! Nandito pa rin siya, bunso! Tang'na!" Malutong na pagmumura niya bago
muling tumirik ang mga mata at mapahiga sa damuhan.

"Gagi, nahimatay na naman siya." Sa halip na mag-alala ay napatawa na lamang ako


dahil sa kaduwagan ni Kuya Simon.

Wala, e. Matatakutin talaga sa mga ganito si Kuya simula pa noong bata pa kami.
Lalaban siya ng suntokan at basag ulo pero pagdating sa mga multo multo, tiklop
siya.

"Lagot na talaga. Hoy, gumising ka, Kuya, hindi multo si Lance. Ano ka ba?" Muli ko
siyang tinapik-tapik sa pisngi.

"Kuya, hoy!"

Mayamaya ay umungol na siya habang nakapikit pa rin.

"Pumasok ka na muna sa loob. Baka mahimatay na naman 'to kapag nakita ka pagmulat
niya."

Dumaan ang pag-aalangan sa mukha niya. "Sige na, baby. Don't worry,tutulungan
kitang mag-explain sa kanila."

"Baka masapak ako ni Papa-" Hindi na natapos ni Lance ang ano mang sasabihin dahil
sabay na sumulpot sa tabi namin ang mga magulang ko.

Sabay silang napasinghap nang makita si Kuya.

"Anong nangyari sa kapatid mo, Sheena?" Si Mama na nasa boses ang pag-aalala.

"Napa'no ang kuya mo-Lance!" Malakas na muling napasinghap si Papa habang


nakatingin sa asawa ko na bahagyang nakatingala sa kanila ni Mama.

Parehong nanlalaki ang mga mata nila at umawang ang bibig.

"Lance, Diyos ko!" Bulalas ni Mama nang makabawi sabay baling sa akin. "Buhay ang
asawa mo?"

"O-Opo, Ma. Buhay po siya."

"P-Pa'no nangyari iyon?" Nagugulumihanang tanong niya.

"Mahabang paliwanagan po, Mama. Pero mamaya na lang po kami magpapaliwanag kapag
gising na si Kuya, ha?"

Pumayag naman si Mama sa hiling ko at umungko sa tabi ni Kuya. " Kaya pala
nahimatay ang kapatid mo."

Binigyan ko ng espasyo si Mama. Tumayo ako at lumipat sa tabi ni Papa na wala pa


ring kibo. Tila ina-absorb pa niya ang nangyayari ngayon.

"Pa," tawag pansin ko.

"Kaya pala biglang bumalik ang kislap ng mga mata mo nitong mga nakaraan. Akala
namin ng mama mo, tanggap mo na ang pagkawala ng asawa mo iyon pala ay dahil buhay
siya."

Tumango ako. "О-Оро, Pa."

"Siya pala ang palagi kong naririnig na kausap mo. Akala namin may manliligaw ka na
kaya palagi kang masaya."

"Si Lance po ang nagpapasaya sa akin, Pa. Sobrang saya ko po dahil buhay
siya...binalikan niya po kaming mag-iina." Nangilid ang mga luha ko sa kadahilanang
wala nang rason para itago ko sa kanila na masayang-masaya ako.

Si Lance na mismo ang nagpakita sa kanila kaya alam ko na handa na siyang bumalik
sa aming mag-iina.

"Mamaya na natin ituloy ang pag-uusap na ito. Hintayin muna nating bumalik ang
ulirat n'yang kapatid mo," aniya at lumapit kay Lance." Tulungan mo akong buhatin
iyang kaibigan mo."

"S-Sige po, P-Pa Nauutal na sagot ni Lance.

Halatang kabado sa kaseryosohan ni Papa.

Walang imikan na pinagtulungan ni Papa at ni Lance ang kapatid ko na buhatin para


dalhin sa loob. Pero hindi pa man sila nakakalayo nang aksidenteng maalis ang takip
sa kanang pisngi ni Lance dahilan para matigilan si Papa at mapasinghap.

Napangiwi ako nang mabitawan ni Papa ang dalawang kamay ni Kuya kaya lumagatok ang
ulo ng kapatid ko sa semento. Na hindi yata napansin ni Papa dahil sa pagkabigla.

Nahimatay na nga nauntog pa.

"Oh, God!" Hindi napigilang bulalas ni Mama. "Diyos ko!"

Nakita nila ang sunog na mukha ni Lance. Nagkatinginan kami ng asawa ko na


nakahawak pa rin sa dalawang paa ni Kuya kahit nabitawan na ni Papa. Nginitian ko
siya at tinanguan para iparating na ayos lang ang lahat.

Nang hindi mawala ang pag-aalinlangan sa mga mata niya ay nilapitan ko siya. "It's
okay." Pagkasabi ko niyon ay binalingan ko si Papa. "Pa, nauntog na si Kuya, o.
Kawawa naman."

Doon bumalik sa huwisyo si Papa. Pinagtulungan na nilang buhatin si Kuya hanggang


sa sala. Inihiga nila sa malapad na couch ang kapatid ko.

Iniwan ko sila sandali dahil hindi pala sumunod si Mama. Binalikan ko siya sa
labas. Nakatayo pa rin siya sa kaniyang kinatatayuan habang shocked pa rin ang
nakalarawan sa mukha.

"Ma," untag ko.

Napakurap-kurap siya bago nagtatanong ang mga matang tumingin sa akin.

"Binuhusan po ng asido ang kanang pisngi ni Lance kaya po nasunog, Ma."

Napasinghap na naman si Mama.

"Tara na po sa loob, Ma. Si Lance na lang po ang magpapaliwanag sa inyo kung ano
ang tunay na nangyari noon."
Nang akayain ko si Mama pabalik sa loob ng bahay ay nagpatianod siya. Eksakto
namang pagpasok namin ay nagising na si Kuya "Pa, anong nangyari?" tanong niya
sabay tayo. "Pa'no ako napunta- Ahh!" Napasigaw siya nang mapatingin sa kaliwa at
makita si Lance.

Nagkasabit-sabit ang mga paa niya sa pag-atras.

"Ahh! Aray, syet!" Malutong na pagmumura ni Kuya nang tumama sa gilid ng center
table ang puwet bago napaupo sa carpet.

"Tang'na! Ang sakit, syet!"

Napangiwi ako. Kitang-kita ang sakit sa mukha niya habang himas ang nasaktang
puwet. Namutla na naman siya nang mapatingin kay Lance na prenteng nakaupo.

Pigil ko ang pagtawa nang kusot-kusutin niya ang mga mata upang tiyakin kung tama
ba ang nakikita niya. Mukhang iniisip pa rin niya na multo si Lance.

"Syet! Umalis ka na rito. Pangako, dadalawin kita bukas sa libingan mo pero utang
na loob, umalis ka rito." Gamit ang mga palad, nagtakip siya ng mga mata.

Natatawang nilapitan ko siya. Inakbayan ko siya na ikinaiktad niya. " Kuya, relax.
Walang multo, ano ka ba?"

"Nandito si Lance, bunso. Nagmumulto siya."

"Totoong nandito siya, Kuya, pero hindi siya multo. Buhay siya." Marahas siyang
bumaling sa akin.

"Buhay? Anong buhay ang pinagsasasabi mo?"

"Buhay si Lance, Kuya."

"B-Buhay? Paano nangyari iyon?" Hinawakan niya ang kamay ko. "Bunso, please, wala
na siya. Tanggapin mo na para hindi na siya magmulto rito sa bahay."

"Hindi nga siya multo, Kuya," giit ko.

"Totoo ang sinasabi ng kapatid mo, Simon. Buhay ang kaibigan mo." Si Papa na nasa
tabi na ni Lance ng mga sandaling 'yon.

"Nakikita niyo rin siya?" Tila wala pa rin sa sarili na tanong ni Kuya.

"Hindi nga kasi siya multo, Kuya. Nakikita namin si Lance dahil totoong nandito
siya." Pangungumbinsi ko.

Sandaling natigilan si Kuya at pagkuwa'y malakas na tumawa habang dahan-dahang


tumatayo mula sa pagkakasalampak ng upo sa carpet.

"Buhay ka pa? Hindi ka multo?" Paniniguro niya habang lumalapit sa kaibigan.

Tumango si Lance na ikinahagalpak ng tawa ni Kuya.

"Hindi ikaw si Lance." Aniya kapagkuwan.

"Ako to, Bayaw."

"Hindi ikaw ang kaibigan ko dahil wala akong kaibigang pangit." Walang prenong sabi
niya.
"Kuya!" Nabigla ako sa tahasang panglalait ni Kuya dahilan para lumarawan ang sakit
sa mukha ni Lance.

"Totoo naman, wala akong kaibigang pangit."

"Simon." Umawat na rin si Papa. "Hindi kita pinalaking mapanghusga sa kap'wa."

Hindi pinansin ni Kuya si Papa kahit lumipat ng upuan bagkus ay tinitigan lang ang
kaibigan hanggang sa makalapit. Magkaharap na ang dalawa at nagkatitigan.

"Ako 'to, Simon."

Tumawa si kuya at biglang umigkas ang kamao sa patungo sa mukha ni Lance.

"Kuya!"

"Simon!"

Sabay na bulalas namin ni Mama habang si Papa ay nakatingin lang sa magkaibigan.

"Kuya, bakit mo sinapak si Lance-Kuya!" Muli akong napasigaw nang

undayan niya ng suntok sa dibdib si Lance.

Nakasandal na si Lance habang si Kuya ay nakakubabaw na sa kandungan niya.

Hinila ko siya sa buhok para umalis sa asawa ko pero matigas. Parang hindi
nahimatay. "Kuya, ano ba?"

Pumiglas siya. "Huwag ka ngang makialam, Sheena. Gusto ko lang makatiyak na hindi
multo ang pangit na 'to."

"Kuya naman, e." Pinilit ko siyang hilahin paalis sa kandungan ni Lance at


nagtagumpay naman ako. Pero muli akong napairit nang suntukin niya sa hita ang
asawa ko.

"Buhay ka nga pala."

"Kuya naman, e!"

"Bakit ba? Masama bang tiyakin ko kung hindi nga siya multo?"

"Pero buhay nga-Kuya!" Mabilis ko siyang hinila nang tangkain na namang banatan ang
kaibigan. "Tama na, Kuya, puwede ba? Nasasaktan mo na siya, e"

"He deserve it, you know?" Kumawala siya sa pagkakahawak ko at umalis.

Pagbalik niya ay may dalang isang pitsel na tubig na siya rin naman ang uminom.

Namayani ang mahabang katahimikan. Waring lahat sila ay nililimi ang mga sarili sa
mga kaganapan.

"Simulan mo nang magpaliwanag, De Asis." Ani Kuya matapos ang mahabang katahimikan.

"Siguraduhin mo lang na katanggap-tanggap iyan dahil kung hindi, ako mismo ang
maglilibing sa 'yo... nang buhay."

"Kuya."
"Huwag kang makialam. lyong mga anak mo ang intindihin mo, umiiyak na sila."

Nagkatinginan kami ni Lance.

"Nakita mo lang ang asawa mo nabingi ka na." Sarkasmong sabi pa niya at tinaasan
ako ng kilay. "Ano pang tinatayo-tayo mo riyan? Akyat na."

Inirapan ko siya. "Huwag mong sasaktan ang asawa ko-"

"Layas na, Sheena."

"Pero-"

"Sheena." Wala na akong matapos sabihin dahil palagi niyang pinuputol. "Puntahan mo
na ang mga anak mo."

Hindi pa rin ako kumilos para umakyat.

"Sige na, baby. Puntahan mo na sila, kaya ko na 'to." Pangungumbinsi ni Lance.

"Sure ka?"

"Of course. Sige na."

"Sumigaw ka lang, ha." Tumawa siya. "Seryoso ako."

"I will. Sige na, baby."

"Okay"

Paatras akong naglakad palayo sa kanila. Tumalikod lamang ako nang nasa gitna na
ako ng hagdanan.

"Bayaw." Naulinigan kong sabi ni Lance.

"Bayag mo!" gigil namang sagot ni Kuya kasunod ang kalabog.

"Bayaw, masakit."

"Masasaktan ka talaga. Tang'na ka, akala ko multo ka!"

Lumakas ang kalabugan sa baba pero hindi na ako nagtangkang bumalik dahil naroon
naman si Papa at si Mama kung sakali.

NILALARO ko ang kambal nang bumakas ang pinto ng kuwarto ko. Sumungaw doon si Mama.

"Gising pa ang kambal?" tanong niya sa malat na boses.

"Opo, Ma. Kumusta po sa baba, Ma?"

Niluwagan niya ang bukas ng pinto, saka pumasok. Napatitig ako sa kaniya. Namumula
ang mga mata niya.

"Ma..." Umupo siya sa tabi ko. "Bakit po?"

"Napaiyak ako sa mga sinabi ng asawa mo. Hindi ko na kinaya ang mga ikinuk'wento
niya kaya umalis muna ako. Sapat na sa akin na buhay siya. Na makakasama pa natin
siya... na lalaki ang mga apo ko na kasama nila ang kanilang ama. O-Okay na ako r-
roon, Anak."

Napangiti ako sa sinabi ni Mama. "lyon din ang mahalaga sa akin, Mama. Mas'yadong
masakit at malupit ang mga pinagdaanan niya, Ma. At ayoko ng marinig iyon nang
paulit-ulit dahil nasasaktan din po ako para sa asawa ko. Ang mahalaga lang po sa
akin ngayon ay buhay siya at mabubuo pa po ang pamilyang noon pa man ay pinangarap
ko na, Ma. Sobrang masaya po ako at wala na akong ibang nais hilingin sa Panginoon
dahil ibinigay na Niya sa akin iyon. Pero gayunpaman po, kailangang marinig ni Kuya
ang paliwanag niya kung bakit kinailangan niyang magpanggap na patay na nang halos
isang taon." Mahabang litanya ko.

Naluluhang ngumiti si Mama sabay tingin sa mga apo niya.

"Hindi naman makitid ang isip ng kapatid mo, Anak, para hindi maintindihan ang
dahilan ng kaibigan niya. Kagaya natin, alam kong masaya rin siya para sa 'yo, lalo
na para sa mga baby nating ito." Parehas niyang binigyan ng matunog na halik sa noo
ang mga apo niya.

"Lalaki kayong buo at masaya, mga apo ko. Makakasama niyo ang daddy niyo. Masayang-
masaya ako."

Pinangilidan ako ng mga luha nang sabay ngumiti ang mga anak ko. Na para bang
naiintindihan na nila si Mama. Nagkakawag pa ang mga paa nila at itinaas ang mga
braso na waring gustong magpakarga.

Kinuha ni Mama si Steve na tulo na ang laway sa pagtawa.

"Ang saya-saya naman ng Steve namin na ito. Alam mo na bang nandito na ang daddy
mo, ha?" Pagkausap ni Mama.

Kinuha ko rin si Shenaia at kinarga.

"Magbi-birthday sila na kasama ang daddy nila, M-Ma." Doon na ako tuluyang
napaiyak.

"Anak."

"Para pa rin akong nananaginip, Ma. Hindi ko alam na sa dami ng nangyari sa akin,
sa atin... ay may maganda pa palang plano si Lord, Ma. "Lumuluhang sabi ko.

"Kaya hindi rin ako mas'yadong nagalit kay Lance sa naging desisyon niya kasi mas
gusto ko pong sulitin iyong pangalawang pagkakataon na ibinigay Niya sa amin kaysa
punuin ng hinanakit ang puso ko."

"Kaya nga proud na proud ako sa 'yo, e. Nakakatuwa bilang ina mo na napalaki kitang
ganiyan, Anak. Kaya sigurado ako na lalaking mabubuting mga bata ang mga anak mo
dahil hindi mo sila tuturuang magtanim ng sama ng loob sa kap'wa. Panatag ang loob
ko na magiging isang mabuting ina ka rin sa mga apo ko. Hindi ba, Steve, Shenaia?"

Nagkakawag ang mga anak ko na ikinatuwa ni Mama.

"Ang ganda ng regalo ng Panginoon sa inyo, mga apo ko. Magiging napaka-memorable ng
unang kaarawan ninyo dahil nandito na ang daddy niyo."

For sure iyan, Mama.

"Tapos na siguro silang mag-usap. Dalhin natin sa baba ang mga bata." Yaya ni Mama
na agad ko namang pinaunlakan.
Bumaba kami ni Mama. Karga niya si Steve at karga ko si Shenaia.

Nasa gitna pa lamang kami ng hagdan nang matigilan ako sa tagpong nakita ko. Si
Kuya Simon at Lance, magkayakap habang parehas na nakatayo sa gitna ng sala. Habang
si Papa ay nakangiting nakatingin sa dalawa.

"Kung noon ka pa bumalik matagal na sana tayong masaya, tang'na ka. Napakaduwag mo,
Lance." Dinig kong sabi ni Kuya.

"At ikaw?" Natatawang singit ni Papa.

"Siyempre, Pa... duwag din."

Kasunod niyon ay ang malakas nilang tawanan. Parang musika sa pandinig ko ang
hagalpak ng tawa nila.

"Magkaibigan nga kayo... parehong duwag." Nakangiting sabi ko at lumapit sa kanila.

Parang may isip na nagkakawag ang kambal ko habang nakatingin sa daddy nila. Si
Lance nama'y napatulala na lang.

"W-Welcome home, D-Daddy..."

GIRLONFIRE28

Thank you po sa inyong lahat! Muahhh

Chapter 78

Chapter 78

SHEENA POV

"ANO PA'NG HINIHINTAY MO?" tanong ni Kuya Simon sa kaibigan. " Tutunganga ka na
lang at hindi man lang sila yayakapin?" dagdag pa niya at kinuha si Steve kay Mama.

Napakurap-kurap si Lance nang iabot ni Kuya si Steve sa kaniya.

"S-Simon." Rumehistro ang pag-aalinlangan sa mukha ng asawa ko. Pero hindi pumayag
si Kuya Simon na hindi hawakan ni Lance ang anak ko.

"Ayusin mo ang hawak baka mahulog ang pamangkin ko," bilin ni Kuya, saka tinapik
ang balikat ni Lance. "Alam kong sabik na sabik ka nang yakapin sila. Kaya huwag ka
nang mag-aksaya ng oras."

"S-Salamat."

"W-Welcome home, Lance." Bahagyang pumiyok ang boses ng kapatid ko nang sabihin
iyon. "Utang na loob, huwag mo nang iiwan ang mag-iina mo," Bilin pa niya bago
tumalikod.
"Saan ka pupunta?" Pahabol na tanong ni Lance na ikinatigil ni Kuya sabay harap.

"Tatae. Bakit, sasama ka?" Pagbibiro niya na ikinailing ng asawa ko. " Tss! Akala
ko, sasama ka, e."

Bago tuluyang tumalikod at pumasok ng kusina si Kuya ay hindi nakaligtas sa akin


ang pagkislap ng mga mata niya. Alam ko, kagaya ko ay masayang-masaya siya dahil
buhay ang kaniyang matalik na kaibigan.

Nang ibalik ko ang tingin sa mag-ama ko ay agad na nag-init ang mga mata ko dahil
nakita ko na mahigpit na yakap ni Lance ang panganay namin.

"Oh, God... I-I'm so sorry. I'm so sorry, A-Anak," umiiyak nang sabi ni Lance
habang yakap si Steve.

Maging ako ay napaiyak na rin dahil sa eksenang 'yon na buong akala ko'y hindi na
mangyayari pa.

Mukhang nabigla si Steve dahil umiiyak na rin siya.

"Sshh! I'm your daddy, Anak. Nandito na ako. Hindi ko na kayo iiwang muli. N-
Nandito na ako..."

"Welcome home, Daddy Lance." Nilapitan ko ang mag-ama ko habang buhat si Shenaia.

Sinadya kong iharap si Shenaia sa kaniya. "T-Thank you for coming back, D-Daddy..."
umiiyak na sabi ko. "Huwag mo na kaming iiwan, ha?"

"Oh, God! I'm sorry. I'm so sorry, baby." Ang mahinang pag-iyak ni Lance ay unti-
unting nagkaroon ng tunog hanggang sa mauwi sa hagulhol.

Gamit ang libre niyang kamay ay niyakap din niya kami ni Shenaia.

"Oh, God! Oh, God!" ani Lance at mas kinabig ako palapit sa katawan niya.

At habang magkakayakap kaming mag-anak ay parang puputok ang dibdib ko sa labis na


saya.

Sabay kaming humagulhol ni Lance. Maging ang kambal namin ay umiiyak na rin.

"I love you, Sheena. I love you so much. So much na parang puputok ang puso ko sa
sobrang saya ngayong yakap ko na kayong tatlo. Gusto kong pagsisisihan ang
karuwagan ko dahil nalaway ako sa inyo pero sa halip na magsisi ay babawi na lang
ako. Babawi ako sa inyo. Oh, Sheena, I love you so much. Kayo ng mga anak natin."

Lumakas ang pag-iyak ko. Hinayaan kong maglandas ang mga luha ko, maging ang sipon
ko. Wala, e. Masayang-masaya ako,

"Hindi ko na kayo iiwan. Hinding-hindi na." Patuloy na pangako ni Lance sa paputol-


putol na boses dahil sa pag-iyak.

Napahikbi ako at bahagyang tumingala kay Lance. "I love you. We love you, too,
Lance."

Ilang sandali pa kaming nag-iyakan habang magkakayakap. Lumayo ako nang bahagya kay
Lance nang may marinig akong sigok mula sa gilid.

Nakita ko si Papa at si Mama na parehong luhaan habang nanunuod sa aming mag-anak.


Nahagip din ng tingin ko si Kuya Simon na nakasandal sa hamba ng pinto habang
pasimpleng nagpupunas ng sariling luha.

Nginitian niya ako nang makitang nakita ko siya. Nag-thumb up pa siya sa akin.

Nang ibalik ko ang tingin kay Lance ay nagtama ang mga mata namin.

Agad siyang ngumiti at kinuha sa akin si Shenaia. Karga na niya ngayon ang kambal
habang magkahinang pa rin ang aming mga mata.

"Welcome home again, Daddy."

"Y-Yeah. I'm home. In your arms, I'm home. And it's so good to be back." May nginig
pa rin ang boses na aniya. "Bumalik man sa dati o hindi ang mukha ko, hindi na
siguro mahalaga iyon dahil alam kong tanggap mo ako at ng pamilya mo anuman ang h-
hitsura k-ko..." Mulig nagbagsakan ang mga luha niya.

Tumingkayad ako at inabot ang pisngi niya para tuyuin ang kaniyang mga luha.

"Mahal na mahal ka namin anuman ang h-hitsura mo, Lance."

"I-I know..."

"Tahan na. Huwag ka nang umiyak, ha? Magkakasama na tayo at hinding-hindi na


magkakahiwalay pa kailanman."

"Thank you. Dahil sa 'yo at sa pagmamahal mo unti-unting nawawala ang takot ko na


makihalubilo sa iba kahit halimaw na ako sa paningin ng ibang tao."

"Dahil hindi ka naman talaga halimaw."

"I love you, Sheena."

"I love you, too, Lance."

Muli kong tinuyo ang luhang tumakas sa mga mata niya. At pagkuwa'y niyakap ko
silang tatlo.

"Mahal na mahal ko kayo..." ani Lance at hinalikan ako sa noo.

Puno ng galak ang puso na humigpit ang yakap ko sa mag-aama ko. Thank you, Lord.
Iba Ka talaga...

Akala ko, ang muli naming pagkikita ni Lance ang pinakamasayang araw sa buhay ko
ngunit hindi pa pala. Dahil para sa akin itong araw na to ang pinakamasaya sa lahat
dahil muli akong binigyan ng pag-asa ni Lord. Muli Niyang ipinaramdam sa akin kung
gaano Siya kabuti at kung gaano Siya makapangyarihan. Pinatunayan Niya lalo sa akin
at sa buong pamilya ko na walang imposible sa Kaniya. Lahat ng imposible ay kaya
Niyang gawing imposible kung iyon talaga ang kaloob Niya.

Mabuti na lang talaga at hindi Niya kaloob na mabiyuda ako nang maaga.

PAGKATAPOS NG MADAMDAMING tagpo sa pamilya ko ay hindi na binitawan ni Lance ang


mga anak namin.

Feeling ko nga nangangawit na siya dahil nasa magkabilang bisig niya ang kambal
habang natutulog. At bago ko sila iwanan sa sala kanina para tulungan sa pagluluto
si Mama ay tinangka ko nang kunin si Shenaia pero ayaw niya. Iginiit niya na sa
kaniya raw muna ang kambal namin kaya hinayaan ko na.
Habang hinihintay na maluto ang mga niluluto namin ni Mama para sa aming hapunan ay
sinilip ko muna uli sila sa sala. Kausap pa rin ni Lance si Papa at si Kuya habang
nasa kandungan pa rin ang aming kambal.

Naluluha na naman ako.

Parang anumang sandali, mawawala na sa kinalalagyan ang puso ko.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakamasid sa kanila nang maramdaman ko
ang paglapit ni Mama at inakbayan ako.

"Baka matunaw na ang mag-aama mo niyan."

"Ang sarap kasi nilang pagmasdan, Ma. lyong kung iisipin, napaka-imposible nang
mabuo ng pamilya ko, Ma. Pero heto, b-buo na kami." Nanginig ang boses at naninikip
ang dibdib ko.

"Masaya ba ang anak ko?"

"Kulang na kulang ang salitang masaya, Ma, para ilarawan ang sayang nararamdaman ko
ngayon. I'm so happy and blessed, Ma."

"Praise God."

"Thank God and thank you, Mama."

"Bakit pati sa akin?"

"Dahil hindi po ako magiging ganito kalakas na ina at asawa kung hindi dahil sa
inyo ni Papa. Thank you po dahil hinayaan niyo akong madapa at bumangon sa sarili
kong mga paa noon. Kung hindi niyo ako pinalaki sa ganoong paraan, baka hindi po
ako naging ganito kalakas at katatag sa lahat ng pinagdaanan ko."

"Dahil iyon naman talaga ang dapat, Anak. Kaya ikaw, huwag mong mas'yadong
bebebeyhin ang mga anak mo habang lumalaki na sila. Tamang alalay lang para paglaki
nila, pasasalamatan ka rin nila na gano'n mo sila minahal at pinalaki."

"Gagawin ko po 'yan, Ma. Salamat po sa lahat ng paalala, pagmamahal at pagkalinga


sa aming mag-iina. Salamat din po dahil mahal na mahal niyo ang mga anak ko."

"Sus, ikaw talaga. Natural na mahal namin sila dahil dugo't laman mo sila. Bunga
sila ng pagmamahalan ninyong mag-asawa."

Naluluhang yumakap ako sa beywang ni Mama. "I love you, Mama."

"I love you, Sheena."

Nagyakapan kami ni Mama at pagkuwa'y binalikan ang niluluto.

PAGKATAPOS NAMING maghapon ay tumambay muna si Lance sa sala kasama ang pamilya ko
at si Steve na hanggang sa pagkain ay karga niya. Habang ako nama'y nagpaalam nang
aakyat sa taas dahil kailangan ko ng padedehin ang bunso ko.

Iniwan ko muna sandali sa kama si Shenaia at naglinis ako ng katawan. Amoy kusina
at pawis kasi ako dahil sa pagluluto namin ni Mama kanina. Hindi naman ako nagtagal
sa banyo dahil baka umiyak ang anak ko.

Habang nagpapadede sa baby girl ko ay para akong loka-loka na panay ang ngiti kahit
mag-isa.

"Ang saya-saya ni Mommy, Anak. I'm sure kayo ring dalawa ni Kuya Steve dahil
makakasama na natin ang daddy niyo." Pagkausap ko sa anak ko na ngayon ay unti-unti
nang nakakatulog habang busy sa pagdede.

Bibitaw lang siya sa dede ko kapag mahimbing na ang tulog.

"I'm pretty sure, masaya rin si baby Angel sa langit ngayon para sa atin, Anak."

Bigla akong nalungkot sa pag-alala sa panganay ko. Napatingin ako bigla sa madilim
na langit mula sa salaming bintana.

"Kumusta ka na riyan, Anak? Miss na miss ka na ni Mommy. Mahal na mahal kita at


habang-buhay ka nang nakaukit sa puso ko. Kapag nakakaintindi na ang mga kapatid
mo, ipapakilala kita sa kanila. Na ikaw ang unang baby ko. Na ikaw ang unang regalo
sa akin ni Lord na kumumpleto sa pagkatao ko. I really really miss you, baby
Angel... p-palagi ka sa puso ko." Nabikig ang lalamunan ko nang sabihin 'yon.

Pasimple kong pinalis ang dalawang butil ng luhang tumakas sa mga mata ko bago
ibinalik ang atensyon sa baby girl ko na ngayon ay himbing nang natutulog.

Nabitawan na niya ang dede ko kaya ibinaba ko ang t-shirt na suot ko.

"Sleep well, Anak. Pangako na paggising mo, nandito pa rin si Daddy Lance sa tabi
natin. Hindi na niya tayo iiwan."

"Hinding-hindi na kailanman."

Mabilis akong nag-angat ng tingin nang marinig ang tinig ni Lance.

Nakatayo siya sa may pintuan ng kuwarto habang karga si Steve. Hindi ko namalayan
ang pagbukas niya ng pinto.

"Hindi ko na kayo iiwan."

"Lance" Naghinang ang mga mata namin.

Gamit ang paa ay mabagal niyang itinulak pasara ang pinto bago lumapit sa amin.
Dumukhang siya sa kama at maingat na inihiga sa tabi ni Shenaia si Steve na himbing
na rin ang tulog.

Umupo siya sa tabi ko at ilang sandaling pinagmasdan ang mga anak namin.

"Good night, mga mahal. Paggising niyo nandito pa rin ako. Hinding-hindi na ako
aalis at kung aalis man ako, isasama ko kayo. Dahil simula sa araw na 'to kung
nasaan ako dapat ay nando'n din kayo."

Nangingilid ang luhang napangiti ako habang pinapanuod kung paano titigan ni Lance
ang mga anak namin. Lalo na nang palitan niyang bigyan ng magaang halik sa noo.
That melts my heart.

Pakiramdam ko hindi ako magsasawang panuorin sila habang-buhay dahil ang sarap
nilang pagmasdan.

Huling-huli ako ni Lance sa ginagawang paninitig sa kanila pero hindi ako umiwas
bagkus ay matamis ko siyang nginitian.

"Ang tamis naman." Tukoy niya sa ngiti ko at tumayo mula sa pagkakaupo.


Inilahad niya ang kamay. At walang pag-aatubiling inabot ko iyon at nagpahila ako
sa kaniya patungo sa couch. Umupo siya rơ'n habang ako ay sa kandungan niya.

Pigil ang paghinga ko nang pumaikot sa katawan ko ang matitipunong bisig niya. At
pagkuwa'y sumubsob sa dibdib ko kasabay ang paghigpit ng yakap niya.

Napaigik ako. "L-Lance."

"Hmm?"

"Hindi ako m-makahinga." Lumuwag lang nang bahagya ang yakap niya.

"Nakakahinga ka na?"

"Hmm."

Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tanging ang
malakas na tibok ng aming mga puso ang maririnig.

"Anong nagpabago sa isip mo at nagdesisyon ka nang umuwi sa amin?" Mayamaya ay


tanong ko.

"Ito." Napaiktad ako nang halikan niya ang puno ng dibdib ko.

"Lance! Ano ka ba?" Nanulak ako pero hindi siya natinag.

"Dahil dito kaya napauwi ako kahit wala pa sa plano. Inakit mo 'ko, e." Kunwa'y
paninisi niya habang patuloy na hinalik-halikan ang dibdib at leeg ko.

Mariin akong napapikit sa pagdagasa nang kakaibang kiliti na hatid ng mainit niyang
hininga at labi.

"Lance, sandali. Nakikiliti ako. Ano ka ba? Mag-usap muna tayo."

"Pero miss na kita-"

"I missed you, too. Pero mag-usap muna tayo, ha? Nakatiis ka nga nang lagpas isang
taong wala, e. Ito pa ba?"

Doon siya tumigil sa ginagawang panghaharot sa akin.

Namumungay ang mga matang tumingin siya sa akin. Nakipagtitigan ako sa kaniya.

"Now tell me, bakit bigla kang umuwi?"

"Dahil hindi ko na kayang lumipas ang isa pang araw na hindi kayo kasama. At dahil
gusto kong bumawi sa 'yo at sa mga anak natin."

"Lance..."

"Sobrang dami ko nang pagkukulang sa inyo at ayoko nang dagdagan iyon. Baka hindi
na ako makabawi kapag naduwag pa ako kahit sinabi mo na sa akin na mahal at tanggap
mo 'ko sa kabila ng hitsura ko ngayon."

"Mabuti naman at natauhan ka na." Natawa siya sa sinabi ko.

"Inaakit mo 'ko, e. Ikaw ba naman ang pakitaan ng dede 'pag hindi ka naman napauwi,
ewan ko na lang."
"Loko! Ano 'to? Dede ko lang ang habol mo?" ingos ko sabay pitik sa noo niya.

Natawa siya at hinuli ang kamay ko. "Joke lang. Kung dede lang naman ang gusto ko,
maraming dede sa daan. Pero ikaw, ikaw ang gusto ko... ikaw lang, Sheena."

Lumabi ako. "Sigurado ka?"

"Hindi ka naniniwala? Gusto mo bang patunayan ko?" Nagkaroon ng lambong ang mga
mata niya. "Gusto mo? Hmm?"

Hindi pa man ako nakakasagot pero sinikop na niya ang mga labi ko.

Nang sumunod na mga sandali ay pinagsaluhan namin ang mainit at puno ng pananabik
na halik.

May umingit sa kambal pero hindi pa rin kami bumitaw sa labi ng isa't isa.
Nagpatuloy kami sa mainit na halikan.

Umingit ulit ang kambal kasabay ang isang tikhim.

"Kuya!"

"Bayaw!" Sabay na bigkas namin nang makita si Kuya Simon na nakatayo sa bungad ng
pintuan.

Nakataas ang isang sulok ng labi.

"Huwag mo raw papakin ang mommy nila."

Tila napapasong umalis ako sa kandungan ni Lance at nilapitan ang mga anak ko.

Shucks! Nakakahiya!

"You don't know how to knock?" Inis na tanong ni Lance.

"Tss! At ikaw? Atat na atat lang? Hindi man lang marunong mag-lock?"

"Dapat kumatok ka mun-"

"Whatever. Kaya pala atat na atat umakyat, may pinaplanong kababalaghan. Kunwari
pang si Steve ang gustong dumede pero ang totoo ay ikaw." Pangbubuko ni Kuya sa
kaibigan.

"Lumabas ka na nga."

"Kung ayoko?"

"Matutulog na kami."

Mahinang tumawa si Kuya sabay lapit kay Lance at pabirong tinuktukan.

"Neknek mo. Matutulog, kow, 'wag ako. Ang sabihin mo iisa ka na agad sa kapatid
ko."

"Anong masama? Asawa ko naman ang kapatid mo."

Oo nga naman. Walang masama do'n, Kuya. Sa loob-loob ko.


"Lumabas ka na nga. Bukas na tayo mag-usap, inaantok na kami." Muling taboy ni
Lance.

"Oo na! Gusto mo lang umisa."

"Mag-asawa kami." Giit ni Lance at pinagtulukan si Kuya palabas ng pinto. "Good


night, bayaw."

"Tss! Oo na. Basta iyong usapan natin, a."

"Fine." Dinig kong sang-ayon ni Lance bago pinagsarhan ng pinto si Kuya.

"Anong pinag-usapan niyo?" Usisa ko pagbalik ni Lance sa tabi ko.

"Gustong bumawi ng kapatid mo. Huwag ko raw munang sasabihin kina Joven, Made, at
Kristine na buhay ako. I-surprise din daw namin sa birthday ng kambal."

Napaawang ang bibig ko.

"Gusto niya ng karamay."

"Baka mahimatay din sila at isipin na isa kang multo."

"lyon talaga ang plano ng kapatid mo para makabawi."

Natutop ko ang bibig ko. Siraulo talaga si Kuya....

Chapter 79

Chapter 79

LANCE POV

NAPANGITI ako pagmulat pa lang ng aking mga mata. Agad na bumalik sa isip ko ang
mga masasayang nangyari kahapon. Hinagilap ng mga mata ko ang mag-iina ko na ngayon
ay mahimbing pa ang tulog sa tabi ko. Yes, sa iisang kama kami natulog. At habang
isa-isa ko silang pinagmamasdan ay parang puputok ang puso ko. I felt so inspired,
happy and blessed. I felt alive.

Masigla akong bumangon. It was a new day. Siguradong mas magiging maganda, masaya
at makulay ang mundo ko dahil sa kanila. The smile on my face would be sweeter. My
life would be brighter. It would be happier.

"Thank God for everything," taimtim na pasalamat ko habang hindi mawala-wala ang
malawak na ngiti.

Kahit sino siguro ay mapapangiti kapag gumising kang nasa tabi mo ang iyong mag-
iina, payapang natutulog.
Pinagsawa ko ang mga mata ko sa pagtitig sa mag-iina ko bago umalis ng kama at
pumasok ng banyo. Maaga akong naligo na nakasanayan ko na at nagbihis. Pagkatapos
ay iniwan ko muna ang mag-iina at bumaba.

Nadatnan ko sa kusina si Simon. "Good morning, Bayaw," bati ko.

Agad siyang tumayo at nagsalin ng kape sa tasa nang makita ako." Good morning.
Kape, o." Sabay abot ng tasa.

"Thank you." Pasalamat ko at humigop ng mainit na kape.

Hindi pa man nangangalahati ang kape ko nang marinig ko ang iyak ng kambal. Agad
akong nagpaalam kay Simon at bumalik sa kuwarto para tingnan ang mga anak ko.

Agad kong kinarga si Steve na umiiyak na. "Sshh, baby, nandito si Daddy.

Isinayaw-sayaw ko si Steve para tumahan pero lalo lang lumakas ang iyak niya. Kaya
nagdesisyon na akong ilabas siya ng kuwarto para hindi na maistorbo si Shenaia at
Sheena na himbing pa rin ang tulog.

Bumalik ako sa kusina na karga si Steve.

"Gising na pala iyan." Puna ni Simon, saka tumayo. "Doon tayo sa labas para
maarawan iyang anak mo."

Lumabas siya habang tangan ang dalawang tasa ng kape. Sumunod ako sa kaniya. Sa
gilid ng bahay-kubo kami pumunta. May katamtamang lawak ng hardin dito si Mama.

Puno ng pag-iingat na muli kong isinayaw-sayaw si Steve hanggang sa tumigil na siya


sa pag-iyak. Aliw na aliw siya sa sikat ng araw na tumatama sa kaniya.

"Every morning dito pinapaarawan ng asawa mo ang mga anak niyo."

Napatingin ako kay Simon nang magsimulang magsalita.

"Sobrang na-amaze ako sa pagiging dedicated niyang ina sa mga bata. Alam naming
lahat kung gaano kalalim ang sugat sa puso niya dahil sa pekeng pagkamatay mo. Pero
nakakabilib na kinaya niyang bumangon araw-araw at ngumiti sa harap naming lahat
kahit sa loob niya ay durog na durog na siya sa mga nangyari. I really admire her
not because she's my sister but because she's amazing in every way."

Mataman siyang tumingin sa akin.

"You're really a lucky man." Makikita ang matinding paghanga sa mga mata niya para
sa aking asawa.

"Napakasuwerte mo sa kapatid ko dahil hindi lahat ng babae ay kayang magpatawad at


tanggapin ka sa kabila ng karuwagan mo. Hindi lahat ay kayang magmahal nang kagaya
ng kung paano ka niya minahal. Hindi ka na makakatagpo nang kagaya niya, Lance.
Sheena deserve to be happy. She deserve to be love. She deserve better."

"I know." May pagmamalaki kong sabi.

"Ngayon ko mas napatunayan kung gaano kalalim ang pagmamahal niya sa 'yo. Akala ko
noong una, isa lang siyang babaeng may matinding paghanga sa 'yo pero nagkamali ako
roon. Mahal na mahal ka pala talaga niya at masaya ako dahil doon. Salamat sa
Panginoon dahil pinagbuklod Niya ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko. Ikaw at
ang kapatid ko."
Hindi agad ako nakaimik dahil sa pagbabara ng lalamunan ko. Nanliiyak ako.

Kapag ganito nang magsalita si Simon, tumatagos iyon sa puso ko. Siguro dahil
bihira kaming mag-usap nang ganito kaseryoso.

"Huwag mo nang saktan sa kahit na anong paraan ang kapatid ko, Lance," pakiusap
niya. "Mahal na mahal ka niya at deserve niya namang maging masaya ngayon. Siguro
naman pagkatapos ng mga ginawa niya para sa 'yo, magiging matapang ka na sa lahat
ng aspeto. Sana ikaw naman ang lumaban para sa kapatid ko," hiling pa niya sa basag
na boses.

Pasimple akong tumalikod at nagpahid ng luhang tumakas sa mga mata ko bago muling
humarap sa kaibigan ko.

"Makakaasa ka, bayaw. Babawi ako sa kapatid mo at magsisimula na ako. Kaya kahit
ganito kapangit ang mukha ko, naglakas-loob na ako dahil hindi ko na kayang malayo
sa kanila. Babawi ako, pangako."

"Paano kapag umalis ka na?" Tukoy niya sa plano kong pag-alis para sa pagpapaayos
ng mukha ko sa ibang bansa. "liwan mo na naman sil-"

"No." Maagap na putol ko. "Isasama ko sila. Hinding-hindi na ako papayag na


mapalayo sa mag-iina ko, Simon. Simula ngayon, kung nasaan ako dapat nando'n din
sila. Isasama ko sila kapag umalis ako." Pinal na sabi ko.

"Paano kung tumutol sina Papa at Mama na mapalayo sa mga apo nila?

"E, 'di isasama ko rin sila paalis."

Napangiti ito. Mukhang nagustuhan niya ang naging sagot ko.

"Alagaan mo sila, Lance."

"Pangak-" Natigilan ako nang maramdaman kong tila may mga matang nakamasid sa akin.

Napatingin ako sa taas. Sa bintana ng kuwarto namin ni Sheena. Agad namutawi ang
magandang ngiti sa mga labi ko nang makita roon ang asawa ko. Nakadungaw at
kumakaway. Kumaway rin ako pabalik.

"Good morning, Daddy Lance!" Malakas na bati niya sa akin habang ngiting-ngiti.

"I love you!" Malakas ding sagot ko.

"Tam-is." Ngumiti lang ako sa pasaring ni Simon, saka may pagmamadaling naglakad.

"Saan ka pupunta?"

"Sa asawa ko." Tila nagkaroon ng pakpak ang mga paa ko.

"Hoy! Namu ka! Ang aga pa para umisa!" Pahabol niya na tinawanan ko lang.

Pagdating sa kuwarto ay nadatnan kong pinapalitan ni Sheena ng diaper si Shenaia.


Maingat kong inihiga si Steve at nagpresintang palitan ng diaper ang baby girl ko.
Hindi naman ako pinagkaitan ni Sheena at hinayaan ako sa gusto ko.

"Galing, a. Parang hindi first time gawin." Tudyo niya matapos kong palitan ang
bunso namin.

"Basic." Pagyayabang ko.


"Talaga? Sige nga, palitan mo rin si Steve." Panghahamon niya habang ngiting-ngiti.

"No proble-" natigilan ako nang dumag-is si Steve at namaluktot ang mga binti.
Mukhang may ginagawa siyang milagro.

Napatingin ako sa asawa ko. Nasa mukha pa rin niya ang panghaharmon kung kaya ko
bang palitan.

"Tapos na ba siya?"

"I think so, Daddy."

"Okay."

Nilapitan ko si Steve at sinimulang tanggalin ang panjama. Isinunod ko ang diaper


niya at muntik na akong mapaatras nang manuot sa ilong ko ang amoy ng popo niya.
Maasim na hindi maintindihan.

"Wait lang, Steve. Papalitan ka lang ni Daddy, ha?" Ingat na ingat kong itinaas ang
dalawang paa niya para maalis ko ang diaper.

Gamit ang baby wipes ay nilinisan ko ang puwet ng anak ko. Matatapos na ako nang
biglang umihi ang anak ko. Sapol ng ihi niya ang mukha ko na ikinahagikhik ng asawa
ko.

Nakapaghilamos ako ng ihi.

Dali-dali kong pinunasan ang mukha ko. Ngunit huli na nang ma-realize ko na ang
naipunas ko sa mukha ko ay ang baby wipes na ginamit ko sa puwet ni Steve.

Hindi ako magkandaugaga kung paano aalisin ang maasim na amoy sa mukha ko habang
ang asawa ko ay tawa lang nang tawa.

"Basic pala, ha." Pang-aasar pa niya bago muling humagikhik.

"Help, baby."

"Kaya mo na 'yan. Basic lang, 'di ba?"

Napailing na lamang ako dahil hindi talaga niya ako tinulungan. Nilaro niya si
Shenaia habang ako ay tinapos na ang paglilinis sa baby boy ko.

"Wait lang, baby boy. Shower lang si Daddy." Paalam ko at nagmamadaling pumasok sa
banyo.

Habang naliligo ay narinig kong pumasok si Simon sa kuwarto. Dinig na dinig ko ang
malakas niyang tawa nang ikuwento ni Sheena na naihian ako ni Steve sa mukha at
nagpunas ng popo sa sariling mukha.

Napailing na lamang ako habang naririnig ang tawanan nilang magkapatid.

Mayamaya ay tumahimik sa loob ng kuwarto. Nakiramdam ako.

"Baby." Tawag ko sa asawa ko.

"Hmm?"

"Bakit tumahimik? Tulog na ang kambal?" Pinatay ko na ang shower para madinig ko
nang ayos ang sagot niya.

"Hindi, kagigising pa lang nila, ah. Isinama ni Kuya sa baba iyong dalawa.

Bigla akong napangiti. Nice. Sa isiping 'yon ay tinapos ko na ang pagliligo at


lumabas ng banyo na walang saplot.

"Isuot mo 'tong damit ni Kuv -^ *

Kitang-kita ko nang matigilan si Sheena bago napanganga nang pagharap sa akin ay


sumalubong sa kaniya ang kahubdan ko.

Namula ang magkabilang pisngi niya.

"Panginoon ko!" Bulalas niya nang makabawi sabay takip ng mga mata at talagang
tumalikod pa.

Natawa ako. Walang pakialam sa sariling kahubdan na naglakad ako palapit sa pinto
at ini-lock iyon bago nilapitan ang asawa ko.

Mahirap na. Baka bigla na namang pumasok ang bayaw ko.

"Lance! Ano ba? Magbihis ka nga!" Nakatakip pa rin ang mga mata niya.

"Paano mo nalamang hubad pa rin ako?"

"Basta! Magbihis ka nga."

"Hindi ka na ba sanay sa katawan ko?"

"Medyo."

Hindi ko naman siya masisisi dahil matagal na mula nang huli niyang makita ang
kahubdan ko. Yes, totoo iyon. At kagabi ay walang nangyari sa amin maliban sa
mainit na halikan.

"K-Kaya mo bang makipag-make love sa akin kahit hindi pa bumabalik sa dati ang
kanang pisng-"

"Sshh!" Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang palad niya. "Stop it."

"B-Baby.."

Pinagsiklop niya ang mga kamay sa batok ko. "I love you so much. I love you,
Lance." Tumingkayad siya at hinalikan ako sa mga labi.

I was very much welcoming. Hindi ko lang basta tinanggap ang halik, tinugon din. At
ng mga sandaling 'yon, hindi lang halik ang gusto ko. I want her. I wanted to owe
her, to brand her. I wanted to be one with her- heart, body and soul.

TULUYAN kaming natangay at nadarang ng init na nag-umpisa sa halik. Inalis ni


Sheena ang mga kamay sa batok ko, saka nagsimulang dumama sa katawan ko. Lalong
sumiklab ang nag-aapoy na damdamin naming dalawa. Humaplos ang kamay ko sa likod
niya.

Naging mas malikot ang kamay ko. Dumadama at pumipisil.

Hindi ko napigilan ang paglabas ng ungol nang halikan ni Sheena ang dibdib ko sa
eratikong paraan. Na-tense ang katawan ko.
"Make love to me, Lance," sabi niya sa nang-aakit na boses.

"Baby-"

"I want you. Please make love to me..."

Hindi ako nagdalawang-isip. I claimed her lips senselessly and passionately.


Pagkatapos, dumapo sa kaniyang pang-upo ang mga kamay ko at binuhat siya.
Awtomatikong pumulupot ang mga hita niya sa beywang ko. Napasabunot siya sa buhok
ko at tinapatan ang init ng bawat atake ng mga labi at dila ko.

Malakas na napaungol si Sheena nang hawakan ko ang isa niyang dibdib at pisilin.
Ungol na naghatid lalo sa akin ng mas matinding pananabik na angkinin ang aking
asawa.

At last... after a while, muli kong naramdaman ang init na matagal kong
pinananabikang mangyari.

Making love to my wife was like a dream come true......

GIRLONFIRE28

Thank you po sa inyong lahat sa pagsama sa story nilang mag-baby. Malapit na silang
matapos, nalulungkot ako.

Chapter 80

Chapter 80

SHEENA POV

PAGKATAPOS ng mainit na sandaling pinagsaluhan namin ni Lance kaninang umaga ay


para akong timang na ngiti nang ngiti.

Maghapon akong masigla at puno ng buhay. Alam kong napansin iyon ng pamilya ko pero
tanging ngiti lang ang ibinigay nila sa akin. Sa maghapon na iyon ay nangyari ang
first bonding naming pamilya. Nagyaya rin si Lance sa sementeryo para dalawin ang
baby angel namin. Isang oras din kaming nag-stay roon bago umuwi dahil nakatulog na
ang kambal. Pagdating naman sa bahay ay muli siyang nakipaglaro sa kambal dahil
nagising din agad.

"Tired?" Nakangiting tanong ko kay Lance nang sumapit ang gabi.

Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang simpatiko siyang ngumiti. Mukhang may
kalokohang naglalaro sa utak niya.
"What?" Maingat siyang umalis sa kama, nilapitan ako. "Lance."

Hinayaan ko siya nang kabigin ako palapit sa katawan niya habang magkahinang ang
aming mga mata.

"Wala yata akong karapatang mapagod." Mayamaya ay anas niya. "At kahit mapagod ako,
hinding-hindi ako magrereklamo."

"Lance..." Naging malamlam ang kaniyang mga mata.

"Thank you dahil may isang ikaw na tinanggap at minahal ako nang walang pag-
aalinlangan. Salamat dahil hindi mo 'ko hinayaang mag-isa sa lahat ng laban ko sa
buhay. Sa tuwing nasa madilim na bahagi ako ng buhay ko, palagi kang dumarating
para hilahin ako patungo sa liwanag." Nanginig ang boses niya.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. "Sumumpa ako na hindi kita iiwan, na
sasamahan kita sa lahat ng oras at tutuparin ko iyon hanggang nabubuhay ako."

"Napakasuwerte ko sa 'yo. Ang daming nasayang na panahon dahil sa kaduwagan ko mula


pa noong una. Pero ngayon, hindi na ako magiging mahina. Ako naman ang magiging
malakas para sa 'yo at sa mga anak natin."

"Aasahan ko 'yan." Napalabi ako nang bumalik ang simpatiko niyang ngiti. "Bakit
ganiyan ang ngiti mo?"

"Wala bang continuation iyong ginawa natin kaninang umaga? Tulog na ang mga bata."

"Lance!" Impit akong napatili nang kargahin niya ako papasok ng banyo. "Lance, ano
ka ba?" anas ko,

Ibinaba niya ako dahilan para manuot sa talampakan ko ang lamig mula sa tiles.

"Hindi ka pa ba pagod? Maghapon kang nakipag-bonding sa mga bata na halos hindi mo


na ibaba, a." Kinabahan ako nang ngumisi siya.

"Maghapon akong nakipaglaro sa kanila kaya ngayon ay tayo naman ang maglalaro."

"Lance." Anas ko nang magsimulang dumampi sa leeg ko ang labi niya.

"Na-miss ko 'to, iyong sabay tayong maligo at ang paligayahin ka sa ilalim ng


malagim na tubig. Napatalon ako nang malaglag sa katawan namin ang malamig na tubig
mula sa shower.

Parehas na kaming basang-basa.

"I want you, baby. Here. Now." May pakiusap na anas ni Lance.

"Take me then." Wow, Sheena, wala man lang pakipot?

May halong pagmamadaling hinubad niya ang mga saplot namin sa katawan. Wala siyang
itinira.

Tila namamagnetong napatitig kami sa katawan ng bawat isa. Matagal, masuyo, at may
paghanga.

Nagkatinginan kami ni Lance at sabay na sinunggaban ang mga labi ng isa't isa.
Mainit kaming naghalikan habang naglalakbay ang mga palad sa katawan ng bawat isa.
Mas'yado akong nahibang sa ginagawa ni Lance. Namalayan ko na lamang na nakaluhod
na siya sa paanan ko habang nilalantakan ang pagkababaé ko.

Umalpas ang mahinang ungol sa bibig ko. Lalo akong nahibang nang ekspertong gumalaw
ang dila at labi niya sa hiwa ko. Tinutudyo, hinahalikan, sinipsipsip at pagkuwa'y
mahabang hahagurin ng dila paitaas. Paulit-ulit niyang ginawa ko.

Nakakabaliw, nakakahibang.

"L-Lance, ang sarap! Oh, hmm!"

"Feel it, baby." Anas niya at lalong pinagbuti ang ginagawa. Hindi magkamayaw sa
pagsamba sa katawan ko na waring doon niya ibinuhos ang pananabik.

"L-Lance... L-Lance" habang tila nahihibang na sambit ko.

Hindi niya ako tinigilan hanggang sa sumabog ang namuong tension sa puson ko

Hindi pa man ako nakakabawi sa panghihina nang angkinin ako ni Lance. Walang
kahirap-hirap na pinag-isa niya ang mga katawan namin sa patayong posisyon na
magkaharap.

Puno ng pananabik na sabay na umindayog ang aming mga katawan. Marubdob at mariing
nagsasalubong, pagkuwa'y maglalayo at muling magdidikit.

"Sheena Baby, I love you! I miss you like crazy! I am so happy!" hibang na ring
anas ng asawa ko.

Nagsimula na siyang maging marahas, tila nagagahol, at may bahagyang panginginig,


punong-puno ng pananabik.

Sinabayan ko siya, nais kong ipadama sa kaniya ang walang kahulilip na kaligayahan
at pagtanggap sa buong pagkatao niya.

"Sheena... oh, I miss you! I miss you, Baby!" Lalong nahibang sa paggalaw ang asawa
ko.

Patuloy sa paglalayo at pagtatagpo ang mga katawan namin, lalong ipinadama kong
gaano kami kasabik sa isa't isa....

NAALIMPUNGATAN ako mula sa pagkakahimbing nang umiyak ang isa sa kambal ko.
Pupungas-pungas pang kinuha ko si Steve sa tabi ng daddy niya at pinagpalit ang
puwesto nila ni Shenaia.

"Sshh! Stop crying, Steve." Mahinang anas ko habang inilalabas ang dede ko na agad
niyang sinunggaban.

Mukhang gutom na siya kaya umiiyak. Tumigil din naman siya nang makadede na at
muling bumalik sa pagtulog. Nang mabitawan na niya ang dede ko ay alam kong
mahimbing na ulit ang tulog niya.

Tiningnan ko ang orasan sa may gilid ko at alas singko pa lang pala ng umaga. Nang
makaramdam ng ihiin ay dahan-dahan akong umalis ng kama para magtungo sa banyo. At
habang naglalakad, bahagya akong napangiwi dahil sa pagsigid ng munting kirot mula
sa pagkababaé ko.

Nag-init ang mukha ko nang bumalik sa isip ko ang nangyari sa amin ni Lance kagabi,
not once but thrice. Kaya siguro medyo makirot ngayon ay dahil lagpas isang taon
din naman akong nabakante at hindi ko rin nai-normal delivery ang mga anak ko. Kaya
naniniwala ako kay Lance na tight pa rin ako.

Inaamin ko na ibinigay ko rin ang best ko kagabi dahil hindi ko naman Itatanggi na
na-miss ko ang asawa ko. Matagal-tagal ko ring hinahanap-hanap ang init na siya
lang ang tanging nakapagpapadama sa akin.

Lalong nag-init ang mukha ko nang maalala kung gaano kami ka-wild ni Lance kagabi.
Saksi ang bawat sulok ng bathroom kung gaano kami ka-wild. Kung hindi lang siguro
umingit ng dede ang baby boy ko baka nakaapat pa kami. Pareho kaming tila nakawala
sa isang damdamin na matagal naming ikinubli sa aming mga puso.

Kaya huwag ka ng magtaka kung bakit makirot ang kepay mo ngayon, Sheena. Kasalanan
mo, todo-bigay ka rin.

"Wala, e, na-miss ko siya." Napapangiti akong lumabas ng banyo.

Ang balak ko'y matutulog pa pero ilang sandali na akong nakabalik sa pagkakahiga ay
hindi na ako dalawin ng antok. Tuluyan nang nagising ang diwa ko. Pinagsawa ko na
lamang ang sarili ko na pagmasdan ang mag-aama ko na himbing na natutulog.

Mula sa pagkakahiga ay bahagya akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama.


Nakatagilid ako sa kanan paharap sa kanila.

Umaapaw ang ligaya sa puso ko habang nakatitig sa mag-aama ko. Nakatagilid paharap
si Lance kaya ang kaliwang pisngi niya ang kita ko. Nakayakap kay Shenaia ang
kanang braso niya.

Mayamaya ay umingit si Shenaia na agad namang tinapik-tapik ni Lance sa hita.


Magaang tapik na naging masuyong haplos sa hita ng baby girl ko.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko dahil doon. Ang saya lang isipin na mula ngayon
at hanggang sa pagtanda ko ay may makakasama at makakatuwang na ako sa pagpapalaki
sa mga anak namin. Hindi na ako mag-iisa. Though, palaging nasa tabi ko ang pamilya
ko, iba pa rin kapag may asawa ka na katuwang mo sa lahat ng oras at pagkakataon.

"Mahal na mahal ko kayo..." Mahinang sambit ko habang nakadukhang sa kanila.


Binigyan ko sila ng magaang halik sa noo bago bumalik sa pagkakasandal ko.

"We love you, too. I love you." Nagulat ako sa pagsagot ni Lance.

Hinintay ko siyang dumilat pero hindi nangyari iyon. Sa halip, mas naging banayad
ang kaniyang paghinga.

Baka nanaginip lang. Napangiti na lamang ako at minsan pang pinagsawa ang sarili sa
pagtitig sa kanilang tatlo. At hinding-hindi ko sila pagsasawaang titigan, alagaan
at mahalin habang ako'y nabubuhay.

BANDANG alas sais ng umaga nang magpasya akong bumangon na at magluto ng almusal.

Sobrang saya ng puso ko ngayon kaya naman may paghimig pa ako habang nagsasangag ng
kanin.

Nang dumating ka sa buhay ko oh, oh...

Binago mo ang lahat pati aking mundo

Binigyan mo ng ngiti at ligaya ang buhay ko

Pangako ko sa'yo na hindi kita iiwan... Pagkanta ko sa kanta ng' Bandang Lapis'
habang paindak-indak sa harap ng kalan.

Ilang sandali na ako sa solo concert ko nang mapatigil ako dahil sa isang tikhim
mula sa aking likuran.

Pagharap ko, nakita ko ang nakangiting mukha ni Kuya habang nakasandal sa hamba ng
pinto. Bihis na bihis na at mukhang handa ng umalis.

"Good morning, Kuya!" Puno ng buhay na bati ko na lalo niyang ikinangiti.

"Hindi maipagkakailang good ang morning mo. Ang tamis ng mga ngiti mo, e."

"Puwede na bang ilagay sa kape?" Pagsakay ko sa panunukso niya.

"Puwedeng-puwede na." Naglakad siya palapit sa akin. "Baka naman makaka-request ng


kape, bunso."

"Sure. Kape lang pala, e." Pinagtimpla ko siya ng kape.

"Sarapan mo ang timpla."

"Kailan ba ako nagtimpla ng kape na hindi masarap?"

"Matagal na. Simula noong ma-broken ka, lasang-lasa sa kape ang pait. Nito na lang
ulit sumarap. May inspiration na uli, e."

Natawa ako habang naghahalo ng kape niya.

"Here's your coffee, my dear Kuya." Inabot ko ang tasa.

"Thank you." Hinipan niya muna bago humigop. Hindi na niya ibinaba ang tasa at
tuloy lang sa paghigop kahit mainit.

"Sarap 'no?"

"Ngayon na lang ulit sumarap."

Siyempre, masaya na uli ako, e. Sa loob-loob ko, saka binalikan ang pagluluto.
Pagka-ahon ko sa sinangag ay nagprito naman ako ng ham. Gumawa rin ako ng sandwich
para paggising ni Lance ay iinitin ko na lang.

Sinimulan ko na ring linisan ang mga gamit na feeding bottles ng kambal.

"Hindi ba kayo nakarami kagabi?"

Napatalon ako sa gulat at muntik ng mahulog ang hawak kong sponge nang magsalita si
Kuya Simon. Sa sobrang tutok sa ginagawa ay nakalimutan ko na nandito pa pala siya
sa kusina

"Nandito ka pa pala, Kuya?"

"Ay wala, picture ko lang 'to."

Napasimangot ako sa pamimilosopo niya. "Bakit nandito ka pa?"

"Dahil hindi pa ako nakakaalis."

"Kuya!" Sinugod ko siya at hinampas sa dibdib na ikinatawa niya. Mang-aasar ka na


naman."
"Bakit ba? Tama naman, a"

"Tse!" Tinalikuran ko siya, saka binalikan ang pag-aayos sa mga feeding bottles.

Ramdam ko ang mga mata ni Kuya na nakatutok sa akin. Hindi ko siya pinansin. Tuloy
lang ako sa ginagawa ko.

"Alive na alive, a. Hindi ba kayo nakarami?"

"Nakarami ng ano?"

"Ng sayaw. Si Lance pa? Naku, kilala ko iyon kung paano trumabaho, polido. Kaya for
sure after nine months may pamangkin na naman ako."

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa sinabi ni Kuya. Hindi ako humarap sa
kaniya dahil tiyak na mabubuking niya ako na guilty.

Lihim akong nagpasalamat nang sa wakas ay tigilan na niya ako.

"Bunso." Mayamaya ay tawag niya.

"Oh?" Nakatalikod pa rin ako.

"Harap ka muna." Utos niya.

"Ayoko, aasarin mo lang ako."

"Hindi. Sige na, harap ka. May sasabihin ako."

Humarap ako. Seryosong mukha niya ang sumalubong sa akin. "Kuya." Nakangiting sabi
ko.

"I'm so happy for you. And I'm glad that you're back. Panatag na ako dahil alam ko
na ang mga ngiting iyan ay totoo na at hindi pagkukunwari lang." Tumayo siya at
lumapit sa akin.

"This time, alam kong magiging mas masaya ka na. Hindi na ako mag-aalala para sa
'yo. Hindi mo na kailangang magkunwaring okay at masaya dahil this time, babawi si
Lance."

Nang yakapin niya ako ay gumanti ako.

"Tandaan mo na mahal na mahal kita palagi, bunso."

Humigpit ang yakap ko sa kaniya. "Mahal din kita palagi, Kuya. Salamat sa lahat.
Maayos na ako kaya puwede ka nang mag-asawa. Puwede mo ng pakasalan si Ate Made."

"Soon, bunso."

Nakangiting kumawala ako sa kaniya at bahagyang tumingala." Congrats na agad, Kuya.


Deserve mo ring maging masaya kagaya ko."

"Yeah."

Ginulo niya ang buhok ko bago nagpaalam na aalis muna para pumunta sa store niya.
Pinabaunan ko siya ng sandwich na ginawa ko.

Naiwan akong mag-isa sa kusina at itinuloy ang ginagawa. Nagdilig na rin ako ng mga
halaman. Nang matapos ay saka ko binalikan ang mag-aama ko.

SA PAG-AAKALANG tulog pa ang mag-aama ko ay ingat na ingat ako na binuksan ang


pinto sa takot na lumikha ng ingay o kaluskos man lang. Para lang mapangiti nang
mabungaran kong gising na pala silang tatlo at nakikipaglaro na si Lance sa mga
anak namin.

Nakadapa silang tatlo habang magkakaharap. Hindi ako nakita ni Lance dahil
patalikod sa pinto ang puwesto niya.

Nagmistula silang isang napakagandang tanawin sa paningin ko.

Ilang sandali na ako roon pero hindi pa rin namalayan ni Lance ang presensya ko.

Walang ingay akong lumapit sa kanila.

"Mahal na mahal ko kayong dalawa," sambit ni Lance bago parehong hinalikan sa ulo
ang kambal.

"Silang dalawa lang?" Doon ko nakuha ang atensyon niya. "Paaпо naman ako?" kunwa'y
hinampong sabi ko.

"Bakit- Hindi pa ako tapos magsalita nang higitin niya ako dahilan para bumagsak
ako sa ibabaw ng katawan niya. "Lance!"

"Hindi mo pa rin alam na mahal kita?" Nakataas ang sulok ng mga labi niya.

"Hindi-,Lance!" Napatili ako nang dakmain niya ang pang-upo ko.

"Tara uli sa banyo para maipaalam ko sa 'yo kung gaano kasagad ang pagmamahal ko sa
'yo."

Natatawang hinampas ko ang dibdib niya. "Ibang sagad yata 'yang gusto mong mangyari
at sa banyo pa."

"Ayaw mo?"

"Hindi naman pero ang aga pa, Mister."

"Walang pinipiling oras ang pagmamahal ko sa 'yo." May kalakip na harot na sabi
niya.

Nang maramdaman kong gumalaw ang paglalaki niya na tumatama sa hita ko ay pinilit
kong makaalis sa ibabaw niya. Nagtagumpay naman ako pero muli niya akong hinila
paupo.

"Nakatingin sa atin ang mga bata, Lance," saway ko.

Agad namang inalis ni Lance ang kamay sa dibdib ko na ikinangiti ko.

Nang sumunod na sandali ay nakipaglaro uli siya sa mga bata habang ako'y masayang
nanunuod sa kanila. Walang pagsidlan ang saya sa aking puso.

Napatingin ako sa portrait namin ni baby angel. May lungkot pa rin pero tanggap ko
na. You're still my baby no matter what, anak.....
Chapter 81

Chapter 81

SHEENA POV

SIMULA NANG makasama kong muli si Lance ay napakalaki ng naging pagbabago sa buhay
ko. Ilang araw pa lamang mula nang mangyari iyon, ngunit ramdam ko na ang paggaan
ng lahat sa akin.

Tinutoo ni Lance ang pagbawi sa aming mag-iina, lalo na pagdating sa mga anak
namin. Sa ilang araw na iyon ay naging hands on si Lance sa mga bata. Siya ang
nagpapaligo, nagbibihis, at naghuhugas ng mga feeding bottles na nilalagyan ko ng
mga na-pump kong gatas. Siya rin ang napupuyat sa gabi kapag alive na alive ang mga
anak namin.

Minsan, may pagkakataon na kusang tumutulo ang mga luha ko lalo na kapag nagigising
ako sa kalagitnaan ng gabi o kaya sa madaling araw tapos makikita ko na karga ni
Lance ang kambal habang hinihele. Minsan sabay pa. Kapag kukunin ko ang isa,
sasabihin lang niya na go back to sleep, I can manage.

Sa maikling panahon, nakita ko ang effort ni Lance para makabawi sa amin. Hindi man
namin maibalik iyong mga nasayang na panahon at least ngayon, bumabawi siya at
pinupunan ang pagkukulang sa mga anak namin.

Walang hanggang pasasalamat, Panginoon- Natigilan ako nang makarinig ng katok sa


labas ng pinto. Sumungaw roon si Mama.

"Nasa baba na ang kaibigan mo, 'Nak." Pagbibigay alam niya.

"Sige ho, Ma. Bababa na rin ho ako."

"Sige. Ang kambal?"

"Tulog pa ho, Ma." Mahinang anas ko para hindi mabulahaw ang tulog ng mga anak ko.

Pagkatapos ko silang halikan sa noo ay walang ingay akong lumapit kay Mama. "Ma,
kayo na ho muna ang bahala sa mga bata. May na-pump na ho akong gatas, pakibigay na
lang ho kapag nagutom na sila."

"Ako na ang bahala, Anak. Umalis na kayo ni Rachel para maaga kayong makabalik."

"Sige ho, Ma. Salamat ho." Pagkatapos kong halikan sa pisngi si Mama ay bumaba na
ako.

Nadatnan ko sa sala si Rachel na agad na tumayo nang makita ako.

"Looking good, huh?"

Napangiti ako bago siya niyakap. "Am I?"


Nakangiting tumango ang kaibigan ko. "Iba ang ningning ng mga mata mo ngayon. I'm
happy for you, beshy. Pagkatapos ng lahat, heto ka pa rin, masaya. You deserve to
be happy after all the pain you've gone through. Iba ka rin kasing magmahal, e.
Sagad na sagad

"Wala, e. Gano'n talaga kapag nasapol ka na ni kupido." Tinapik ko ang balikat


niya. "Kaya ikaw, mag-ready ka na. Ibang pumana si kupido, sapol kung sapol."

"Hindi kami magkakilala ni kupido, sorry."

Natawa ako. "You'll never know."

"Ay naku, tara na nga." Nagpatiuna na siyang lumabas kaya sumunod na rin ako.

"What's going on with you two?" Mayamaya ay tanong ko habang binabagtas namin ang
daan patungo sa Mall.

Last minute kasi ay may kailangan pa palang bilhin para sa kaarawan ng kambal
bukas. Na kung hindi tumawag si Edwin kay Lance kagabi ay siya sana ang kasama ko
ngayon.

"So, anong score sa inyong dalawa ni Kuya Joven?" Ulit ko.

Sinulyapan ko siya nang hindi sumagot. Nakatingin siya sa labas ng bintana.

"Break na kayo?" Doon siya tumingin sa akin.

"Anong break? Hindi naman naging kami."

"Bakit?"

"Tss. Anong bakit? We are just not meant for each other, that's why."

Eksaktong natapat kami sa stop light kaya nagawa ko siyang tingnan.

"Did you not appreciate his effort to stay with you while Tita was in the
hospital?"

"I do."

"Then why?

"Nah, let's just not talk about him. Ang asawa mo ang pag-usapan natin.

Kuwentuhan mo na lang ako how he had survive, you know" Pag-iiba niya ng usapan.
Mukhang hindi talaga okay sa kaniya na pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Kuya
Joven kaya hindi ko na siya kinulit Habang daan, ikinuwento ko na lang ang tungkol
sa pinagdaanan ng asawa ko noong mga panahon na iyon. Sinabi ko rin sa kaniya na
wala pang alam ang mga kaibigan nila tungkol doon maliban sa kapatid ko. At tawang-
tawa siya nang ikuwento ko rin kung paano nahimatay si Kuya Simon dahil sa pag-
aakalang multo si Lance.

"Kaloka! Kahit sino iisiping multo siya dahil alam ng lahat na patay na siya. Kung
hindi ko alam na buhay siya, baka nahimatay na rin ako nang makita ko siya
kahapon." Tukoy niya sa pagkikita nila kahapon sa bahay.

"Grabe rin ang pinagdaanan niya, 'no? Kaya talagang deserve niyo rin ang maging
masaya sa piling ng isa't isa. Humayo kayo at magparami ng lahi."
"We will work on it, besh." Pagbibiro ko na ikinatawa niya.

"Landi, a"

Sabay kaming natawa at nag-asaran hanggang sa makarating sa Mail.

NASA COUNTER na kami para magbayad nang may tumawag sa pangalan ko na ikinalingon
ko.

"Valerie?" Bigkas ko sa pangalan niya at sandaling natuon ang pansin sa anak nitong
si Leira.

"Besh, let's go. Baka mamaya may dala na namang delubyo ang babaeng iyan." Akma
akong hihilahin ni Rachel paalis pero pinigilan ko siya. "Besh."

"It's okay." Napilitan siyang tumango.

Hindi nakaligtas sa akin ang ginawa niyang pag-ismid kay Valerie nang tuluyang
makalapit sa aming dalawa.

"Hi, Sheena," bati niya. "I'm sorry, nakita ka kasi ni Leira, e. Nagpumilit siyang
lapitan ka namin."

Hindi ako umimik. Nakatitig lang ako kay Leira.

Yumuko si Valerie sa anak. "Say hi to her, Anak."

"Hi po." Nakangiting bati niya.

Hindi ko ipinagdamot na gantihan ang matamis niyang ngiti. Hinaplos ko rin ang ulo
niya. "Hello, Leira. How are you?"

"I'm good po. Thank you po sa tulong niyo para gumaling po ako kahit naging bad po
ako sa 'yo."

Nagulat ako sa sinabi niya. Kung maldita siya dati ngayon ay hindi na Nasa maganda
at bata niyang mukha ang sinseridad.

"Sorry po, I was bad to you po."

Yumuko ako para magpantay ang mga mukha namin, "You're welcome. I'm glad to see
you."

"Salamat po. Sorry po."

"You're forgiven, Leira. Basta 'wag ka nang magiging bad, ha?"

"Opo. I promise po." Muli kong hinaplos ang buhok niya. "P-Puwede po kitang i-hug
bago po kami umalis ni Mommy?"

"Of course." Ako na mismo ang yumakap sa kaniya. Gumanti siya ng yakap sa akin at
muling nagpasalamat. "You're welcome. Promise me, lalaki kang mabuting bata, ha?"
Tumango siya.

Minsan ko pa siyang niyakap. Napilitan na akong pakawalan siya nang tawagin ako ni
Valerie.

"Yes?" Nabasa ko ang pag-aalangan sa mukha niya. "Valerie."


"C-Can we talk privately?"

Pinaunlakan ko siya. Naiwan si Leira sa kaibigan ko. Sa medyo hindi mataong lugar
kami pumwesto para makapag-usap.

"You what?" Para akong nabingi sa sinabi niya. Pinanlamigan ako.

"Yes, it's true. lyon ang totoong dahilan kung bakit nagpasya ako na bumalik ng
Pilipinas. Para itama ang mga pagkakamali ko sa 'yo, kay Lance, at sa anak ko.
Nadamay siya sa pagiging selfish at ganid ko."

Ilang sandali akong hindi nakahuma. Kaya pala napansin ko kanina na parang biglang
bagsak ng katawan niya kumpara sa katawan niya noong magkita kami sa hospital.

Napatingin ako sa kamay ko nang hawakan niya bago tumingin sa kaniya. "Valerie."

Kumislap ang mga mata niya dahil sa namumuong mga luha. "I know na masyadong
kalabisan ang gusto kong hilingin sa 'yo, but I have no choice, Sheena."

Natilihan ako. Hanggang sa magpaalam siya ay hindi na ako nakapagsalita pa.

Nang makauwi kami ni Rachel sa bahay ay parang doon pa lang nag-sink in sa utak ko
ang nangyari sa mall kanina.

KINAGABIHAN, dumating si Lance. Ikinuwento ko sa kaniya ang naging pagkikita namin


ni Valerie at Leira. Ibinigay ko rin sa kaniya ang sulat na iniwan ni Valerie para
sa kaniya.

Binuksan niya iyon at binasa ang laman sa harap ko mismo.

Lance,

Una, patawad sa lahat ng ginawa ko sa 'yo. Alam kong hindi sapat lyong pagliligtas
ko sa yo sa lahat ng kasalanan ko. I'm really sorry, Lance Sana'y ibigay mo iyon
para sa akin... bago man lang ako mawala.

Pangalawa, alam ko na napakalaking pabor ang gusto kong hilingin sa inyong mag-
asawa pero magbabakasakali pa rin ako na papayag ka. I'm dying, Lance... Wala akong
mapag-iiwanan sa anak ko kapag nawala ako. Ikaw na lang ang tunay na pamilya ni
Leira, Lance. Ikaw na lang ang pag-asa ko na nagmamalasakit sa kaniya. Please, be
her guardian... at least kahit habang lumalaki lang siya. I love her so much,
sayang nga lang dahil late ko nang na-realize iyon. Hinintay ko pang magkadaletse-
letse ang buhay namin bago ako matauhan. Sayang na kung kailang handa na akong
magpakabuting ina sa kaniya saka naman ako nawalan ng oras.

Ang tanga ko dahil huli na nang ma-realize ko na siya ang pinaka-importanteng tao
sa buhay ko... But at least, sa huling mga sandali ko sa mundo naging mabuti pa rin
akong ina. Please, grant my last wish.

I'm really hoping na tanggapin ninyong mag-asawa si Leira... my precious Leira

Valerie

Walang imik na tinupi ni Lance ang sulat at ipinatong sa ibabaw ng bedside table.

Namayani ang mahabang katahimikan. Mukhang kagaya ko, hindi rin niya inaasahan
iyon.
"Anong plano mo?" Mayamaya ay basag ko sa katahimikan.

"She's my niece, baby. Kahit gaano kahayup ang ama niya, I'm fully

aware na wala siyang kasalanan."

Tumango-tango ako. Dahil ang kasalanan ng ama ay hindi kailanman magiging kasalanan
ng anak..

"Papayag ka bang ampunin si Leira?"

Tumitig siya sa mga mata ko. "Kung papayag ka. But let's talk about it some other
time. Gusto ko rin munang kausapin natin si Valerie, then saka tayo mag-decide."

"I agreed. Pagkatapos ng birthday ng kambal, let's go to her para makausap natin
siya nang personal" Sang-ayon ko na ikinangiti ng asawa ko.

Ilang sandali pa kaming nagkuwentuhan tungkol sa naging pag-uusap nila ni Edwin


kanina. Good news ang nangyari sa lakad niya kaya naman natulog kami na parehong
may magandang ngiti sa aming mga labi.

Ngiting dala-dala naming mag-asawa hanggang paggising kinabukasan.

And today is our twins first birthday. Kaya maaga pa lang ay abala na kami ni
Lance. Not a typical birthday party na bongga at maraming bisita.

Mas pinili kong malalapit na kaibigan lang namin ang bisita ngayon dahil espesyal
ang araw na 'to para sa aming lahat.

Ngayon din malalaman ng mga kaibigan niya na buhay siya kaya kami-kami lang talaga.
And I'm pretty sure na magugulat ang mga iyon.

May inihanda pa rin naman kaming party ng kambal pero sa isang orphanage namin
gagawin iyon sa makalawa. And today, for our family muna.

KASALUKUYAN kong binibihisan si Steve nang pumasok si Lance at lumapit sa aming


mag-iina.

"Yes, Daddy? Do you need anything?"

"Nothing. I'm just happy and excited."

"Ako rin. Anyway, si Edwin lang talaga ang bisita mong parating?"

"Yes, Baby. Tumawag siya, parating na raw. Doon ko na siya pinadiretso sa bahay
natin." Tukoy niya sa bahay namin.

Yes, doon ang celebration ng birthday ng kambal. Naroon na si Kuya Simon at parents
ko para mag-asikaso. Susunod na lang kami dahil tinanghali ang gising ng mga anak
namin.

"Let me." Hinayaan ko siyang sapatusan si Steve kaya si Shenaia naman ang inasikaso
ko.

Pagkalipas ng ilang sandali ay lulan na kami ng kotse ni Lance patungo sa bahay


namin.

"Kailangan mo ba talagang takpan iyan?" Tukoy ko sa maskara sa kanang pisngi niya.


Pinasadya pa niya iyon.
"I feel comfortable with it."

"Okay. It's up to you. But always remember that I love you for who you are."

"I know." Nakangiting sagot niya bago itinuon ang tingin sa daan.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Agad kaming pumasok sa loob at
kulang na lang ay mahimatay si Lolo Jaime at Ate Jenny nang makita si Lance.

Nagkaiyakan silang tatlo.

Nang sabihin ni Kuya Simon na dumating daw si Edwin ay iniwan ko muna sila sa loob
para asikasuhin ang kaibigan ni Lance.

"Hi, Mrs. De Asis. Happy birthday sa mga bata," aniya at inabot ang regalo.

"Thank you for coming and for the gifts."

"Don't mention it. Where's Lance?"

"Nasa loob pa. Let's go insid-"

"Hello! Everybody home?" Ang masiglang boses na iyon ni Ate Kristine ang pumutol sa
pag-uusap namin ni Edwin.

Sabay kaming napatingin sa gate nang pumasok doon si Ate Kristine.

"Happy birthday to our twi- Ethan..." Mahinang sambit niya nang makita kung sino
ang nasa tabi ko.

"E-Ethan..." ulit niya at akmang hahawakan si Edwin pero umatras ang huli.

"My name is Edwin. I don't know who's Ethan."

"Nice try, Ethan."

Naguluhan ako bigla sa ipinakitang reaksyon ni Ate Kristine. Longing. lyon ang
nababasa ko sa mga mata niya.

GIRLONFIRE28

Thank you so much sa inyong lahat 3-4 CHAPTERS na lang sila. Maraming Salamat po
talaga Good night!

Chapter 82
Chapter 82

SHEENA POV

PALITAN kong tiningnan si Ate Kristine at Edwin. Ramdam ko ang namuong tensyon sa
paligid, lalo na nang mapatingin ako sa mukha ni Ate Kristine. Magkahalong sakit at
hinanakit ang mababasa sa mga mata niya. Habang si Edwin nama'y nakakunot ang noong
nakatingin kay Ate Kristine.

"N-Nice." Parang iiyak na si Ate Kristine habang pailing-iling. "A-Akalain mo iyon,


b-buhay ka pa pala..." nanginginig ang boses niya na mas lalong ikinakunot ng noo
ni Edwin.

"I really don't know what are you talking about, Miss-"

Mapait na ngumiti si Ate Kristine. "Sana nga namatay ka na lang kaysa ang
magpanggap na hindi ako kilala, Ethan."

Hindi ko napigilan ang pagsinghap.

"I don't know who you are-"

"Fvck you." Puno ng diin na sabi ni Ate Kristine dito, saka bumaling sa akin. "I'm
sorry, Sheena."

Nakakaunawang tumango ako sa kaniya at pagkuwa'y nagpaalam na papasok na sa loob.


Naiwan kami ni Edwin na parehong habol ng tingin ang papalayong kaibigan ni Kuya.

"Ngayon ko lang siya nakitang nagalit nang ganiyan. Ate Kristine is the sweetest
person I know." Napatingin si Edwin sa akin.

Bakas ang kalituhan sa mukha niya. "I don't know her. Hindi ko nga matandaan kung
nakita ko na siya."

"Baka napagkamalan ka lang niyang si Ethan na kakilala niya."

Nagkibit-balikat ito. "Maybe."

Mayamaya nama'y nakita kong naglalakad palapit sa amin si Lance. Sa kabilang pinto
siya dumaan.

"Thank you for coming, Edwin." Nakipagkamay si Lance sa kaibigan.

"Ikaw pa ba?" Nakangiting sagot ni Edwin. "Anything for you, man."

"Thanks."

Minsan pang nagkamayan ang dalawa bago kami pumasok sa loob.

Sinamahan ko sa malaking sala si Edwin habang ang asawa ko nama'y bumalik sa


pinaggalingan niya.

"Ma, Pa, Kuya, si Edwin ho kaibigan ni Lance. Edwin, parents at Kuya ko.
Pagpapakilala ko sa kanila.

Kinamayan ni Edwin ang pamilya ko. "Ikinagagalak ko hong makilala kayo."

"Ikaw rin, Hijo. Maraming salamat sa lahat. Utang na loob namin sa 'yo kung bakit
ngayon ay may kumpletong pamilya ang mga apo ko." Si Mama.
"He's a friend of mine, Ma'am."

Ilang sandaling nakipagkuwentuhan si Edwin sa pamilya ko. Ipinakilala ko rin siya


sa mag-ama ni Lolo Jaime. Parang matagal nang magkakakilala na nagkuwentuhan sila.
Hindi matapos-tapos ang pasasalamat nila kay Edwin dahil sa pagliligtas sa asawa
ko. Natigil lamang sila nang magsidatingan na ang iba pa naming bisita.

Tinulungan ako ni Kuya Simon sa pag-aasikaso ng buffet food. Nang sumunod na


sandali ay naging abala na ako sa lahat. Dumating na rin ang lahat ng piling mga
bisita namin kaya pinuntahan ko na si Lance sa taas. Sa kuwarto namin.

Naabutan ko siyang nakasilip sa bintana. Nakatanaw sa baba, sa kaniyang mga


kaibigan. Alam kong pinapanuod niya kung paano pagkaguluhan ng mga kaibigan niya
ang mga anak namin.

Nilapitan ko siya at niyakap mula sa kaniyang likuran. Nanigas ang asawa ko. Inalis
niya ang mga braso ko, saka mabagal na pumihit paharap sa akin.

"Excited ka nang makita ang reaksyon nila?" Nakangiting tanong ko.

"Yes, baby."

"So, tara na? Para makapagsimula na tayo sa simple but memorable birthday
celebration ng ating kambal."

"Yeah, let's go outside." Isang mabilis na halik muna ang iginawad niya sa akin
bago kami magkahawak-kamay na bumaba ng hagdan.

Sa pintuan sa likod kami dumaan. Umikot kami para makapunta sa likod ng tent kung
saan naroon ang buffet.

Sumilip ako. Eksakto namang nakita ako ni Kuya Simon. Sumenyas ako sa kaniya na go
na. Hindi nagtagal ay lumapit si Ate Jenny at si Mama sa amin na karga ang kambal.

Tig-isang kinarga namin ni Lance ang kambal. Akin si Shenaia na kagaya ko ang suot
niyang dress habang si Steve ay kay Lance. Minimi din silang mag-ama.

Hindi ko maipaliwanag iyong sayang nararamdaman ko ngayon. Lalo na nang


magkatinginan kami ni Lance at pareho kaming naiiyak.

"Whoa! Naiiyak ako, baby." Pumiyok ang boses ni Lance sabay tingala upang pigilan
ang pagtulo ng namumuong mga luha.

"A-Ako rin."

Mayamaya ay nagsimula nang magsalita si Kuya Simon sa mic.

"Napansin niyo siguro na tayo-tayo lang ngayon. Pawang malalapit na kaibigan at


pamilya lang tayo rito. Si Sheena ang nagdesisyon na ganito lang kasimple ang
birthday ng kaniyang kambal. Pero sa makalawa, may party pa sa orphanage. Doon tayo
magpapasaya ng mga bata," panimula niya.

"Ngayon, tayo muna ang pasasayahin ni Sheena at ng kaniyang p-pamilya." Nabasag ang
boses niya. Dinig na dinig ang buntong-hininga niya bago muling nagsalita. "This
celebration is simple yet memorable."

Nagtawanan ang mga bisita namin nang bumuga ng hangin si Kuya. Naka-mic pa kaya
rinig na rinig 'yon.
"Bakit ba parang iiyak ka na?" Nagkatinginan kami ni Lance nang marinig ang
nanunudyong boses ni Kuya Joven.

"Because I'm so happy. For my not so little sister and for her twins." Tumikhim
muna si Kuya at sumilip sa amin.

Tumango ako para ibigay ang go signal na lalabas na kami.

"And now, let us welcome our birthday celebrant and their parents!"

Malakas na palakpakan at hiyawan mula sa kanila. Saka kami lumabas mula sa


pinagkukublihan namin at tumayo sa gitna.

Ang malakas na hiyawan nila ay napalitan ng malakas na pagsinghap habang ang mga
mukha nila'y tila nakakita ng multo.

"Let us all welcome D-De Asis family!" Ani Kuya at sinabing kakantahan na ang
kambal pero walang kumanta.

Napatingin ako sa mga kaibigan ni Lance. Hindi na sila kumukurap habang titig na
titig sa asawa ko.

"Wala bang gustong mahimatay sa inyo?" Naiiyak na napatawa kami ni Lance.

"Wala talaga?" Ulit niya nang wala pa ring makuhang reaksyon sa mga kaibigan. "Kung
wala talagang gustong mahirnatay, kumanta na tayo."

"Hindi sila kagaya mo, Kuya." Pagbibiro ko na sinakyan niya.

"Out of shock pa sila," aniya at nagpasimuno ng kumanta.

Sinabayan siya ng mga magulang ko, ni Rachel at ng buong pamilya niya. Maging si
Edwin at ang mag-ama ni Ate Jenny ay nakisabay na rin. Masayang kumanta ang lahat
maliban sa tatlong nakatulala pa rin hanggang ngayon. Nang matapos ang kanta,
masigabong palakpakan para sa aming kambal.

"O, kayong tatlo diyan? Tutulala na lang talaga?" Naka-mic na sabi ni Kuya Simon.

Kinausap niya kaming mag-asawa na lapitan na ang tatlo sa table nila. Tumalima kami
habang buhat pa rin ang kambal.

Nang makalapit kami sa tatlo ay nakita ko nang magbagsakan ang mga luha ni Ate
Madeline at Ate Kristine. Maging si Kuya Joven ay namumula na rin ang mga mata
habang nakatingala sa kanilang kaibigan.

"Oh, God... Y-You're a-alive?" Umiiyak na tanong ni Ate Kristine. Tumango ang asawa
ko.

"H-How?" Humihikbing segunda ni Ate Madeline.

"I will tell you guys later," sagot ni Lance. Doon na humagulhol ng iyak ang
dalawang babae habang si Kuya Joven ay nakatingala pa rin.

Gamit ang kabilang kamay, tinapik ni Lance ang pisngi ni Kuya Joven para siguro
gisingin.

"Syet! O, man!" Bulalas niya nang matauhan sabay tayo. "Tang'na ka!" Malutong pa
niyang mura bago sinugod ng yakap ang kaibigan.
Napatingin ako sa dalawang babae. Puno ng luha ang mga mukha nila. Sabay silang
tumayo at nakiyakap sa dalawang lalaki.

Dali-dali kong kinuha si Steve sa asawa ko para hindi maipit na agad ding kinuha ni
Mama sa akin. Si Shenaia ay kinuha naman ni Rachel. Umiiyak na rin kasi ako.

Sa isang iglap, napalibutan si Lance ng mga kaibigan niya. Umiiyak na hinagilap ko


ng tingin si Kuya Simon. Nakita ko siyang nakatayo pa rin sa puwesto niya habang
nakangiti. Nang hindi na niya kayang manuod lang sa mga kaibigan ay patakbo niyang
sinugod ang apat at nakisali sa yakapan.

Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kanila Na-miss ko
silang makita na buo, masaya at puno ng pagmamahal sa isa't isa na daig pa ang
tunay na magkakapatid.

Pare-pareho silang luhaan nang bumitaw sa isa't isa.

Napabaling sa akin ang atensyon nila. Nilapitan ako ni Lance at niyakap bago
humarap sa mga kaibigan.

"Thank you sa inyong lahat dahil hindi niyo pinabayaan ang mag-iina ko habang wala
ako. Pinatunayan niyo sa akin na kahit alam niyong wala na ako, hinding-hindi niyo
pababayaan ang mga maiiwan ko. Alam kong madami akong kailangang ipaliwanag sa inyo
pero sa ngayon, i-celebrate muna natin ang birthday ng mga anak ko." Sumang-ayon
nama'ng lahat sa sinabi ng asawa ko.

Nang sumunod na sandali ay naging napakasaya ng mga bisita namin. Walang nahimatay
kagaya nang gusto ni Kuya Simon pero napakasaya naman.

Muli naming kinantahan ng happy birthday ang kambal. Nag-blow kami ng cake. Nag-
picture taking pa. Kagulo na nang ang magkakaibigan ang kukuhanan ng picture na
kasama ang aming kambal.

Karga ni Lance sa magkabilang bisig ang kambal habang nasa gitna ng apat. Sa kanan
ay ang kuya ko at si Kuya Joven. Sa kaliwa nama'y si Ate Madeline at Ate Kristine.

Larawan sila ng isang solidong pagkakaibigan na hindi matitibag ng anumang


pagsubok. Muli akong naluha. Hindi kayang itago ng mugto nilang mga mata ang labis
na kaligayahan ng mga sandaling iyon.

Isinama rin nila ako sa picture. Nang matapos ang picture taking ay saka pa lang
kami kumain.

Sobrang saya naming lahat. At nakakatuwa rin dahil hindi nagligalig ang aming
kambal. Siguro nararamdaman din nila na masaya ang lahat.

Bandang alas tres ng hapon nang makatulog sa bisig ko si Shenaia. Nagpaalam ako sa
kanila na iaakyat muna para kumportable ang tulog.

"Happy birthday, Anak. Sobrang saya ni Mommy." Magaan kong hinalikan sa noo ang
prinsesa ko bago maingat na umalis sa kama.

Napatda ako nang paglabas ko ng pinto ay mabungaran ko si Lance. Agad niya akong
niyakap at tinulak pabalik sa loob.

"Lance-hmp!" Naumid ang anumang sasabihin ko nang siilin niya ako ng halik.

Kaydali kong nadarang sa halik. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na mainit na


tumutugon sa mapang-angkin niyang halik. Pumaikot sa batok niya ang mga braso ko.

Lumalim ang halik. Uminit at mas nagiging mapusok. Lalo akong hinapit ni Lance.
Kinakapos na ako sa paghinga pero hindi siya pumayag na maputol ang halik.

Nang-aakit, nang-aangkin at nanggagalugad ang dila niya. Napaungol ako.

"Uhm!" Biglang may tumikhim.

Sabay kaming napabitaw at napalingon. Nag-init ang mukha ko nang makita si Kuya
Simon, karga si Steve na tulog sa bisig niya.

"lihi lang daw, hanep." Mahina niyang sabi bago lumapit sa kama at maingat na
inihiga sa tabi ni Shenaia si Steve.

"Mamaya ka na umisa, may mga bisita pa kayo." Natawa ako nang hilahin niya palabas
ng pinto ang asawa ko na walang nagawa kuridi ang mapakamot na lang sa ulo at
magpatianod.

Nilingon niya ako. "Ikaw bunso?"

"Susunod na lang ako, Kuya."

Minsan ko pang pinagmasdan ang mga anak kong payapang natutulog bago bumaba.
Nakasalubong ko si Mama sa sala, kasama niya ang parents ni Rachel.

"Anak, magpapaalam na raw muna sila sa 'yo."

"Oo, Sheena. Kami'y mauuna na muna, ha? Alam mo naman."

"Ay sige po. Thank you po sa pagpunta, Tita, Tito." Hinatid ko sila sa gate habang
si Mama nama'y umakyat na sa taas at sasamahan na raw ang mga apo niya.

Pabalik na ako nang matigilan. May narinig akong kaluskos sa kabilang bahagi ng
malagong halamanan. Out of curiosity, lumapit ako at tiningnan kung ano iyon.

"How many times do I have to tell you that I'm not Ethan. And I don't even know
you."

Nakaharap sa gawi ko si Ate Kristine kaya nakita ko ang sakit na lumawaran sa mukha
niya.

"Tang'na mo! Napakasinungaling mo, Ethan. Pinagsisisihan kong minahal pa kita,


gago!" Napasinghap ako nang malakas niyang sampalin si Edwin.

Hala siya!

"Pagkatapos nito, ibabaon na kita sa limot at iisipin ko na lang na patay ka na.


Ulol!" Pagkatapos niyon ay malalaki ang hakbang na nagmartsa si Ate Kristine.

Nagmamadali akong umalis sa pinagkukublihan ko at bumalik sa tabi ni Lance. Agad


niya akong kinabig sa beywang at pinaupo sa kandungan niya.

Mayamaya nama'y dumating na si Ate Kristine na nakangiti. Palihim ko siyang


pinagmasdan. Tila walang nangyari sa likod ng halamanan kanina kung makangiti siya
sa mga kaibigan.

Mamaya ko na lang tatanungin si Lance kung may alam siya sa nakaraan ng dalawa.
CHAPTER BEFORE ENDING

CHAPTER BEFORE ENDING

LANCE POV

HINDI mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan ang mga anak ko
na kasama ng mga biyenan ko sa tabing dagat. Kitang-kita ko ang pagmamahal at pag-
aalaga ng mga biyenan ko sa aking mga anghel. At habang-buhay kong ipagpapasalamat
sa Panginoon na binigyan Niya ako ng mababait na biyenan. Hindi man ako sinuwerte
sa tunay na mga magulang, may ibinigay naman Siyang mas higit pa.

Sa kabilang dako naman ng dagat ay naroon ang grupo ng mga kaibigan ko. Parang mga
batang nagsasabuyan ng tubig. Pagdating pa lang namin kanina dito ay nag-uunahan na
sila sa paglusong.

Kami-kami lang ang narito dahil pribado ang resort na kinaroroonan namin ngayon. Si
Simon ang pumili sa resort na ito. Bukod sa kilala niya raw ang may-ari ay talagang
maganda rito. Na totoo naman dahil nakaka-relax ang ganda ng paligid.

Isang linggo matapos ang selebrasyon ng aking kambal sa orphanage ay nagyaya ang
bayaw kong si Simon na mag-outing para magkasama-sama kaming lahat na
magkakaibigan. Lahat ay sang-ayon sa plano niya kaya narito kaming lahat para mag-
bonding.

At habang pinapanuod ang kakulitan nila, hindi matatawaran ang sayang nararamdaman
ko. Sino ba'ng makapagsasabi na pagkatapos ng unos sa buhay ko ay muli kong
mararanasan ang ganitong klaseng kaligayahan at kakontentuhan sa piling ng mga
taong tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sa akin.

"Thank you, Lord." Naisatinig ko habang nakatingala sa maaliwalas na kalangitan.

Ang sarap sa pakiramdam na may mga taong handa kang tanggapin maging sino at ano ka
man.

Nakangiting ibinalik ko ang tanaw sa kanila. Bumalik sa isip ko ang naging reaksyon
nila nang makita ako ng araw na iyon. Hindi sila makapaniwala na buhay ako pero
hindi sila nahimatay kagaya ng bayaw ko. Hindi matatawaran ang saya ko nang sabay-
sabay nila akong yakapin. At ang eksenang iyon ang isa sa hindi ko na makakalimutan
sa buong-buhay ko.

Lalong tumibay ang loob ko nang ipatanggal nila ang maskara ko. At ni katiting na
pandidiri mula sa kanila ay hindi ko naramdaman ng mga sandaling iyon sa kabila ng
nangyari sa kanang pisngi. Sabi pa nila, hindi ko na kailangang magsuot niyon dahil
ang mahalaga raw ay buhay ako tulad ng ipinagdarasal nila. Noong nakaraang araw ko
lang din nagawang isalaysay sa kanila ang buong pangyayari.

Binatukan lang naman ako ni Joven at sinabihan ng gago pagkatapos. Gigil at mariing
sabunot naman mula kay Madeline at Kristine ang nakuha ko na may kasamang malutong
na tang'na.

"Bakit nandito ka?" Naudlot ang pagmumuni-muni ko nang marinig ang boses ng asawa
ko mula sa aking likuran.

Pumihit ako paharap sa kaniya. Awtomatikong napaawang ang bibig ko nang tumambad sa
paningin ko ang magandang katawan ng asawa ko. Napaka-sexy niya sa suot na korean
style swimsuit-high waist striped two piece bikini.

"Wow!" Humahangang anas ko sabay kabig sa kaniya palapit sa katawan ko.

"Sus, maka-wow ka naman diyan, Mister."

"Sinong hindi mapapa-wow? Napaka-hot mo, baby. Hot Mama..."

"Bolero," aniya at tumanaw sa mga kaibigan ko. "Ayaw mo bang samahan ang mga
kaibigan mo roon?"

"Kanina gusto ko pero ngayon hindi na."

"Why?"

Pinihit ko siya paharap sa akin. Nagtama ang mga mata namin.

"Samahan mo na sila roon." Udyok niya. Umiling ako. "Bakit?"

"Mas gusto kitang kasama kaysa sa kanila. Sa inyong lahat, ikaw ang pinaka na-miss
ko..."

"Naku, echos ka." Nagkulay kamatis ang mukha ng asawa ko nang hapitin ko siyang
lalo. Nakapaikot sa katawan niya ang mga braso ko.

"Totoo. Hindi ka naniniwala?" Umiling siya. "Anong gusto mong patunay, ha?"

"Lance, ano ba?" Napahagikhik siya nang simulan kong halikan sa pisngi patungo sa
tainga. "Lance!"

"Gusto mo bang patunayan ko ngayon? Hmm?" Tumatama sa bandang puson niya ang
pagkalalaki ko. Pumintig iyon dahilan para magkatinginan kaming mag-asawa..

"Naramdaman mo ba iyon?" Nang-aakit ang boses na tanong ko.

"Umayos ka nga. Makita tayo ng pamilya natin."

"E, ano naman? Mag-asawa naman tayo."

"Kahit na ba. Nandito tayo para mag-swimmi-Lance!" Pinandilatan niya ako ng mga
mata nang dakmain ko ang kanang dibdib niya.

"Tara sa kuwarto natin?"

"Heh! Tumigil ka nga. Tirik na tirik pa ang araw, Lance."

"E, ano naman kung tirik na tirik ang araw? Ayaw mo niyon? Sabay kayong titirik?"
Nakangising tudyo ko.

Hinampas niya ako sa dibdib habang pulang-pula ang mukha. "Sira. Mamaya na lang sa
gabi."
"Bakit mamaya pa kung puwede naman na ngayon?" Hirit ko.

"Hay naku, tigilan mo 'ko, Lance. Ang aga-aga puro kahalayan na naman 'yang
tumatakbo sa utak mo."

"Mahalaga ang bawat oras, wife. Kaya natutunan ko na ang puwede nating gawin ngayon
hindi na dapat ipinag mamaya o ipinagpapabukas. lyong puwede naman nating gawin
ngayon, gawin na natin." Hirit ko dahilan para makatikim ako ng kurot mula sa asawa
ko.

Pinilit niyang kumawala sa pagkakayakap ko at tumakbo patungo sa dagat. May


kumislap na kapilyuhan sa utak ko nang makitang sa malayong direksyon siya patungo.
Sa walang tao.

Naku, gusto rin. Sa isiping iyon ay may pagmamadali akong sumunod sa kaniya.

Malakas siyang napatili nang buhatin ko at dalhin sa parteng malalim.

"Lance!" Nagkakawag siya at nais kumawala pero mas malakas ako sa kaniya.

Tumatawang inihagis ko siya sa tubig.

"Lance!" Malakas na sigaw niya bago tuluyang lumubog sa tubig.

Wala akong sinayang na sandali. Lumubog din ako at sumisid. Agad kong ipinulupot sa
beywang ni Sheena ang mga braso ko, saka sabay kaming umahon.

Suminghap-singhap ang asawa ko at nakasimangot akong sinabuyan ng tubig sa mukha.

"Tarantado, lulunurin mo ba ako?" Asik niya.

"Yes. Lulunurin kita sa pagmamahal ko..." Sinimulan kong damhin ang katawan niya sa
ilalim ng tubig. Napangiti ako nang sunod-sunod na lumunok ang asawa ko. "Malulunod
ka sa gagawin ko ngayon...dito mismo."

"L-Lance. B-Baka makita nila-ooh!"

Napangiti ako nang makita ang reaksyon niya nang ipasok ko sa gilid ng bikini niya
ang isang kamay ko. Sinimulan kong damhin ang bahaging iyon ng katawan niya.

"L-Lance..."

"I love you." Puno ng pagmamahal na anas ko habang gumagawa ng sariling landas ng
daliri ko. "Try natin ang underwater?"

"Baka makita nila tayo." Nasa mukha niya ang pag-aalinlangan pero halatang gusto
rin niyang subukan.

"I don't think so, baby. Busy sila kaya hindi nila tayo mapapansin dito."

"S-Sure ka?"

Isang tango ang isinagot ko bago lumubog sa tubig. Pumwesto ako sa pagitan ng mga
hita niya na awtomatikong naghiwalay dahilan para mapangiti ako. Sabi na, gusto rin
nitong Misis ko.

Sanay ako sa matagal na sisiran dahil sa training namin dati kaya hindi ako
mauubusan agad ng hangin. May pagmamadali kong ibinaba ang bikini ng asawa ko at
sinimulang kainin ang pagkababaé niya. Ramdam ko ang paninigas niya kaya mas
pinagbuti ko ang pagkain sa kaniya.

May isang minuto kong ginawa iyon. Habol ang paghinga ko nang umahon sa tubig.

"Ang sarap mo, baby." Anas ko habang naghahabol pa rin ng paghinga. "I can't get
enough of you."

Akma akong lulubog ulit nang pigilan niya. "Why?"

"Tama na. Baka maubusan ka pa ng hangin. Okay na ako." Pinamulahan siya ng mukha.

"Hindi pa ako okay. Gusto pa kitang kainin... underwater."

"Pero-" Hindi ko na siya pinatapos at muling sumisid.

Kung kanina ay dila lang ang pinagana ko, ngayon ay pati gitnang daliri ko.
Pinagsabay ko iyon. Marubdob at may halong pananabik kong dinilaan, sinipsip at
hinimod ang pagkababaé niya. Kahit kinakapos na ng paghinga ay nasiyahan pa ako
nang ipagduldulan ni Sheena ang pagkababaé sa mukha ko. Kulang na lamang ay sumakay
siya sa ulo ko.

Umahon ako sandali para huminga at pagkuwa'y lumubog ulit. Umahon lamang ako nang
sumabog ang asawa ko.

Pareho kaming naghahabol ng paghinga nang umahon ako. Nagtama ang mga mata namin.

"Nagustuhan mo?" Paos na tanong ko.

"Uhm, yes. N-Nagustuhan ko..."

"Great." Napamulagat ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa pagkalalaki ko. "No!"
Maagap ko siyang hinila pataas nang akmang lulubog sa tubig.

"Why? Ayaw mo ba?" Tukoy sa gagawin sanang pagpapaligaya sa akin.

"I want to but you don't have to."

"Pero-"

"Next time, baby. Baka malunod ka pa." Pagkasabi ko niyon ay may pagmamadali kong
ibinaba ang short na suot ko sabay hila sa kaniya at binuhat pasaklang sa beywang
ko.

Agad naman niyang nakuha ang nais ko. Pumaikot sa batok ko ang mga braso niya, at
sa beywang ko naman ang mga binti niya.

Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Agad kong ipinasok ang pagkalalaki ko sa loob
niya nang walang kahirap-hirap. Marubdob na nagsalpukan ang mga katawan namin sa
ilalim ng tubig. Sobrang sarap niyon.

Kakaibang experience ito para sa aming mag-asawa.

"L-Lance! Uhm, aah!"

"I love you, baby! Ang sarap mo!" Hibang na anas ko kasabay ang mariin at mabilis
na hugot-baon.

"I love you, too! Aah! Lance, ooh!"


"I'm coming, baby!"

"Me too!"

Ilang ulos pa ang pinagsaluhan namin bago kami sabay na sumabog. Isinagad kong
maige sa loob niya ang pagkalalaki ko at inubos sa kaibuturan niya ang mainit na
likidong inilabas ko.

Habol ang paghinga na sumubsob siya sa balikat ko. Mahigpit kong yakap ang katawan
ko.

"You're amazing, baby."

"Ikaw rin," sagot niya habang nakasubsob pa rin sa akin.

Hinayaan ko siyang makapagpahinga sandali bago ko siya ibinaba at ibinalik sa ayos


ang bikini. Ako nama'y nagtaas na rin ng short. Pagkatapos, sabay kaming lumungoy
na parang walang nangyari.

Nang mapagod ay bumalik na kami sa pangpang. Dumiretso kami sa cottage. Naroon na


palang lahat ang mga kaibigan ko at may kani-kaniyang naglalarong ngisi sa mga
mukha.

Napahawak sa braso ko si Sheena, waring hiyang-hiya dahil sa tinging ipinupukol ng


pamilya namin.

"Solve?" Nakangising tanong ni Joven. Nagkatinginan kami ni Sheena.

"Quicky pa more." Banat ni Madeline na lalong ikinapula ng mukha ng asawa ko.

"Sabik na sabik?" Tirada ni Simon.

"Mabuti na lang hindi dinikitan ng dikya 'yang puwet mo, dude." Muling hirit ni
Joven na ikinahagalpak ng tawa ng mga ito.

"Gago!" Sabi ko.

"Ikaw ang gago. Napakalibog mong lintik ka. Puwede ka namang umisa sa kuwarto pero
talagang nag-underwater ka pa." Nakasimangot na sita ng bayaw ko.

"Hamo na, babe. We can try it too if you want." Pagbibiro ni Madeline sa nobyo.
"Kumusta ang underwater escapade, bunso? Masarap ba?" Ang asawa ko ang binalingan
niya.

Hiyang-hiyang sumubsob sa dibdib ko ang asawa ko.

"Ouch!" Napahiyaw ako nang gigil niyang kagatin ang u***g ko at pinong kinurot ang
tagiliran ko.

Inulan kami ng panunukso mula sa kanila. Maging sina Rachel, Ate Jenny at Lolo
Jaime ay nakisali na rin. Tinigilan lamang nila kami nang dumating ang mga biyenan
ko, kasama ang mga anak ko. Galing pala sila ng kuwarto dahil pinalitan ng damit
ang kambal.

Nang sumunod na mga sandali ay naging napakasaya naming lahat. Dala-dala namin ang
kasiyahang iyon hanggang sa huling gabi namin sa resort. Limang araw at apat na
gabi kami rito.

At ngayon ngang huling gabi na namin dito ay pinlano ko na ring kunin ang
pagkakataon para ipaalam sa kanila ang napag-usapan naming mag-asawa.

Magkahawak-kamay kaming tumayo sa harap nilang lahat at sinabi ang plano namin.

"Kailangan mo pa bang gawin iyon?" Tukoy ni Joven sa plano kong pag-alis para
ipaayos ang mukha ko sa ibang bansa.

"Oo nga, tanggap ka naman namin, e." Segunda ni Kristine.

"E, 'di lalayo ka na naman niyan? Gaano katagal? Wala namang kaso sa amin kahit ano
pa ang hitsura mo, e." Si Madeline.

Isa-isa ko silang tiningnan. "I know. From the start naman, pinaramdam niyo na sa
akin ang pagtanggap niyo. Pero kagaya nang sinabi ko kay Sheena, hindi ito tungkol
sa pagtanggap niyo sa akin. Tungkol ito sa sarili ko, ayokong lumaking tampulan ng
tukso ang mga anak ko. Gagawin ko ito para sa sarili ko at para sa mag-iina ko."

Minsan ko pang ipinaliwanag sa kanila ang gusto ko at sa huli, nakuha ko ang basbas
nilang lahat.

"Basta tandaan mo na anuman ang maging resulta ng pag-alis ninyong mag-anak,


tandaan mo na maghihintay kami sa pagbabalik niyo. Okay?" Nakangiti ngunit naiiyak
na sabi ni Madeline.

"Thank you, Made. Babalik ako, babalik kami. Anuman ang mangyari sa pag-alis namin
ay tatanggapin ko. Gusto ko lang subukan ulit."

"Cheers!" Biglang singit ni Joven habang tangan ang basong may lamang soft drinks.

Kani-kaniya silang kuha ng baso at ikinampay.

"Para sa matagumpay na operation na inaasam nating lahat para sa ating kaibigan.


Cheers!" Si Simon.

"Cheers!" Sabay-sabay naming sabi.

"Para sa solid na pagkakaibigan natin. Cheers!" Si Simon ulit.

"Cheers!" Ulit naming lahat.

"Para sa palaiyot na si Lance, Cheers!"

"Tado!" Malakas kong binatukan si Joven dahil sa kaniyang kalokohan.

Malakas namang nagtawanan ang mga ito habang ang biyenan kong lalaki ay kunot-noong
nakatingin sa akin.

Nagkatinginan kami ng asawa ko. Isang pamatay na kindat ang ibinigay ko sa kaniya.
At nang walang nakatingin, isang mabilis na nakaw na halik sa labi niya ang ginawa
ko. lisa pa sana ako pero isang tadyak sa tuhod ang natamo ko mula sa bayaw ko.

GIRLONFIRE28

Maraming Salamat sa lahat ng sumubaybay sa story ni Lance at Sheena! Palapit na


talaga sa ending... nakaka-sad pero tuloy lang. Gagawa na lang ako ng SC nila.
Sunod nila si Edwin at Kristine pero slow update siguro kasi tatapusin ko muna si
Ivan. muah muahhh
FINALE

FINALE

LANCE POV

EIGHT MONTHS LATER

HABANG nagtutuyo ng buhok at katawan, hindi ko mapigilang titigan ang aking sarili
sa harap ng malaking salamin sa loob ng bathroom. Katatapos ko lang maligo, ngayong
araw ang huling balik namin ni Sheena sa doktor ko.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti kapag napapatitig sa sariling repleksyon ko.


Hinawakan ko ang kanang mukha ko. Dalawang buwan na mula nang matapos ang second
plastic surgery ko pero hindi pa rin kami umuuwi ng Pilipinas, lyon ang utos ng
plastic surgeon na gumawa sa nasira kong mukha.

At hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na magiging matagumpay ang


plastic surgery sa kanang mukha ko. Hindi naging madali ang lahat, maraming
proseso, maraming isinaalang-alang. Isa na roon ang mental health ko. Katunayan,
dalawang beses na isinagawa ang operation bago tuluyang bumalik sa dati ang kanang
mukha ko. Mahirap, matagal, masakit. Na kahit naayos na ang mukha ko, hindi pa doon
natapos ang lahat. Maraming bawal at hindi puwedeng gawin pero lahat ng iyon ay
nakaya ko dahil may isang taong hindi bumitaw sa kamay ko. Mayro'n akong Sheena na
palaging nasa tabi ko para palakasin ang loob ko.

Ang pagkakaroon ng isang asawang kagaya ni Sheena ang habang-buhay kong


ipinagpapasalamat sa Panginoon. Isang asawang hindi lang asawa kundi kaibigan,
katuwang, karamay, kasangga at kakampi ko sa lahat ng bagay. She's not only my
wife, she's also my mentor and my best friend. At sa loob ng anim na buwan na
pamamalagi dito sa Thailand, mas pinagtibay ang pagsasama naming dalawa. Mas
minahal namin ang isa't isa. Mas napatunayan namin na kaming dalawa ang itinadhana
para sa isa't isa.

Nakakatuwang isipin na sa dami ng pinagdaanan naming dalawa mula nang sumugal kami
isa't isa ay makakamit pa rin namin ang masaya at buong pamilya. Na hindi siguro
mangyayari kung hindi siya ang naging kabiyak ko sa buhay. Dahil natitiyak ko na
kung hindi si Sheena, matagal na akong mag-isa.

"Baby?" Natigilan ako sa ginagawang pagmumuni-muni nang marinig ko ang mahinang


katok sa labas ng pinto. Kasabay ang napakalambing na boses ng aking asawa. "Baby?"

Napangiti ako lalo. Hanggang ngayon, sa tuwing tatawagin niya akong baby para pa
rin akong teenager na kinikilig.

"Baby?" Ulit niya kasabay ang mahihinang katok. "Hindi ka pa tapos? Baka ma-late
tayo sa appointment mo kay Doc."

Binuksan ko ang pinto. Natawa ako nang mapasinghap si Sheena kasabay ang pamumula
ng mukha. Alam kong dahil iyon sa kahubdan kong nakabandera sa harapan niya.

Napako ang mga mata niya sa katawan ko.

"You can touch me if you want, baby." Sinadya kong samahan ng harot ang boses ko.

Mula sa katawan ko ay nag-angat siya ng tingin.

"Alam kong maganda iyang katawan mo pero hindi ito ang oras para harutin mo 'ko,
Mister. May last appointment ka sa doktor mo, remember?"

"Ayaw mo talaga? Quicky?" Pinalambong ko ang mga mata ko pero bumungisngis lang
siya. "Baby..."

"Ayoko 'no? Ikaw lang naman ang nasasarapan sa quicky na gusto mo." Napaawang ang
bibig ko at pagkuwa'y malakas na tumawa.

"Totoo naman." Aniya at tinalikuran na ako.

"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Really kaya bilisan mo na riyan."

Nagmamadali kong binalot ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan ko, saka sumunod
sa kaniya. Nadatnan ko ang asawa ko na hawak ang bihisan ko.

"Bilisan mo na. Naka-ready na kaming tatlo, ikaw na lang ang hindi." Inabot niya sa
akin ang damit ko.

Tinanggap ko iyon at nagmadali na ako sa pagbibihis. Nakakahiya sa mag-iina ko na


naka-ready na pala. Sobrang tagal ko yata talaga sa bathroom.

Pagkatapos kong magbihis ay nilapitan ko ang mga anak kong nakadapa sa kama habang
abala sa paglalaro ng kanilang lauran.

Parang kailan lang nang mag-isang taon sila pero ngayon, mahigit tatlong buwan na
lang ang hihintayin namin at dalawang taon na silang dalawa. Minsan nakakagulat pa
rin ang bilis ng panahon.

Nawala ang atensyon ko sa mga bata nang mag-ingay ang cell phone ng aking asawa.
Inabot ko iyon mula sa bedside table. Napangiti ako

nang makita kung sino ang tumatawag sa kaniya.

Sinagot ko ang tawag dahil pumasok sa bathroom ang asawa ko.

"Hi, Mommy Sheena!" Masiglang boses na bungad ni Leira sa kabilang linya nang
sagutin ko ang tawag niya.

"Hey, it's me. Mommy Sheena went to the bathroom, nakangiting sagot ko.

"Oh, good morning, Daddy! Did I disturb you?" Malambing niyang tanong kapagkuwan.

"No, of course not. Gising na kami, may check up si Daddy today." Malambing ding
sagot ko.

"Oh, good luck po sa check up mo, Daddy. Sina kambal po, gising na rin?"

"Yes, Ate. They're awake. Alam nilang may check up si Daddy today."
"Can I talk to them, Daddy?" Napangiti ako sabay loud speaker sa cell phone ni
Sheena. Inilapit ko iyon sa kambal.

"Twins, Ate Leira wants to talk to you both." Tila naiintindihan nang sabi ko sa
mga anak ko.

"Hello, babies! I miss you both." Rinig kong sabi ni Leira.

Habang kinakausap niya ang kambal ay hindi ko maiwasang balikan kung paano siya
napunta sa pangangalaga ko. Naming mag-asawa. Pagbalik namin noon galing sa family
outing, nakatanggap kami ng tawag mula sa isang hospital sa Maynila. Sinabing gusto
raw kaming makausap ng pasyente nilang si Valerie. Kaya ng araw ding iyon ay
lumuwas kaming mag-asawa sa Maynila para puntahan ang hospital na iyon. Parang
sinaksak ang puso ko nang madatnan naming umiiyak sa isang sulok si Leira habang
nag-aagaw buhay ang kaniyang ina.

Kahit sino sigurong matigas ang puso ay lalambot kung nakita ang sitwasyon niya.
Pitong taon pa lang siya noon at mas'yado pang bata para mabugbog nang matindi ang
kalooban. Nakakahabag na sa murang edad niya ay puro masasakit ang nararanasan
niya. Pakiramdam ko ng mga panahon na iyon, bumalik ako sa kabataan ko. Nakita ko
ang sarili ko sa kaniya noon na sa murang edad ay bugbog na agad sa pakikibaka sa
buhay.

Awang-awa kaming mag-asawa sa kaniya noon. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon
dahil doon ko mas napatunayan kung gaano kabusilak ang puso ng aking asawa.
Hanggang ngayon, sariwa pa sa isip ko ang eksenang iyon nang yakapin ni Sheena si
Leira dahilan para mapahagulhol ng iyak ang pamangkin ko.

At kahit hindi pa man namin nakakausap si Valerie noon, nagpasya na kami na sa amin
siya mapupunta. Na ako ang tatayong ama sa kaniya. Nagpasya kaming mag-asawa na
ampunin si Leira bago pa man namin makausap si Valerie.

Kaya nang tanungin kami ni Valerie tungkol sa huling hiling niya ay umuo kaming
dalawa. At sa naghihingalong sitwasyon niya ay nagawa pa niyang humingi ng tawad sa
akin lalo na sa aking asawa. At dahil likas na mabuti at may mababang kalooban ang
asawa ko, walang pag-iimbot na ibinigay niya kay Valerie ang kapatawarang hinihingi
niya. At nangako ang asawa ko sa kaniya na siya na ang bahala kay Leira. Tila ba
iyon lang ang hinintay niya dahil tuluyan na siyang binawian ng buhay pagkatapos
niyon.

Kaya ang plano naming pag-alis noon ay naantala pa ng dalawang buwan para sa pag-
aasikaso ng custody ni Leira. Hindi naman natagalan ang proseso dahil sa mga taong
nagpatutuo na sa aming mag-asawa inihabilin ang bata. Idagdag pa ang iniwang liham
ni Valerie. At isa pa, nakita at napatunayan ng DSWD na may kakayahan kaming mag-
asawa na mag-adopt at mabigyan ng maayos na buhay si Leira.

Pagkatapos ng mga proseso ay saka pa lang kami natuloy sa pag-alis. lyon nga lang
hindi namin naisama si Leira dahil wala siyang passport at mga dokumento na
kinakailangan para makaalis ng bansa. Panatag naman ang loob naming mag-asawa dahil
ang mga biyenan ko ang nag-aalaga sa kaniya ngayon sa Pilipinas. Maging si Ate
Jenny ay katuwang ni Mama sa pag-aalaga sa kaniya.

"Daddy? Hello, Daddy?" Napakurap-kurap ako nang marinig na tinatawag pala niya ako.
"Daddy?"

"Yes, Ate?"

"Face time po tayo. Gusto ko pong makita sina baby Shenaia at baby Steve, e."
Nakikiusap ang tinig niya.

Nagkatinginan kami ni Sheena, nakuha niya ang ibig kong sabihin kaya kinuha niya sa
akin ang cell phone at nakipag-face time kay Leira.

"Hi, Mommy!" Matinis na boses na bati niya sa ina nang makita sa monitor.

"Hi, Leira."

"Kumusta po kayo, Mommy?"

"Mabuti kami rito, Ate. Mamaya na tayo magkuwentuhan, ha? Paalis na kami ng Daddy
at mga kapatid mo. Mali-late na si Daddy Lance sa appointment niya."

"Okay po, Mommy Sheena! Tawagan niyo po ako, ha?"

"Yeah, I promise."

"Thank you po, Mommy Sheena. I love you po!" Malambing na sabi ni Leira

"Oh, how sweet. I love you, Ate. We call you later, ha?"

"Okay po. Ingat po kayo, Mommy. Pasabi po kay Daddy na I love him po."

Napangiti ako. "I love you, too, Ate!" Malakas na sabi ko para marinig niya.

Hindi pa ako nagpapakita sa kanila, wala silang alam na okay na ang mukha ko. Kaya
iniiwasan ko talagang makipag-vedio call sa kanila.

"I miss you po, Mommy, Daddy!"

"We miss you, Ate. I love you!" Muli kong sagot na ikinatuwa niya. Hiniling pa niya
na i-kiss daw namin siya sa kambal.

Katakot-takot na I love you pa ang sinabi niya bago tuluyang tinapos ang tawag.

Nagkatinginan kaming mag-asawa.

"She's so sweet, Baby." Nakangiting sabi ng asawa ko.

"Yeah, she is. And thank you for treating her like your own."

"Because she is. Tayo na ang pamilya niya. Anak natin si Leira, Lance. At hindi
natin ipaparamdam sa kaniya na hindi natin siya dugo't laman. Tayo ang gagabay at
magbibigay sa kaniya ng pamilya. Hmm?"

Tumayo ako at kinabig siya palapit sa katawan ko. Hinalikan ko siya sa ulo. "Thank
you, baby. Thank you so much for being so kind. For loving us...especially me.
Unconditionally."

Gumanti siya ng yakap. Mas mahigpit, mas mainit.

Parehong may malawak na ngiti sa mga labing naglayo kaming dalawa at pagkuwa'y
nagtitigan nang malagkit.

"I'm falling so so hard to my best friend's little sister."

Natawa siya. "And I am so much in love with my brother's best friend." Naglalambing
siyang nanlambitin sa batok ko. "Kung noon palihim kitang minamahal, ngayon hindi
na. Malaya na akong mahalin ka nang wagas, nang matindi at walang pangamba. At ang
sarap sa pakiramdam na malaya kong ipagsigawan sa buong mundo na mahal na mahal ko
ang best friend ng kuya ko."

Napangiti ako at naging malamlam ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. "Ang sarap
magmahal... at proud kong ipagsisigawan sa buong mundo na mahal na mahal ko ang
kapatid ng best friend ko."

Pumaikot sa beywang niya ang mga braso ko at muli siyang kinabig palapit sa katawan
ko. "I love you so much, my better half." Puno ng pagmamahal na anas ko.

"I love you more."

Minsan pa naming tinitigan ang isa't isa na puno ng pag-ibig sa aming mga puso.
Nagpalitan kami ng matatamis na ngiti at pagkuwa'y magkaagapay na lumabas ng bahay
habang karga ang mga anak namin.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang ngumiti sa bawat taong makasalubong namin at


napapatingin sa amin. Ngiting punong-puno ng pagmamalaki dahil sa mag-iina ko sa
aking tabi. Ngiting mayroon ding kaakibat na pag-asa.

Sa lahat ng nangyari sa buhay ko, dalawa lang ang natutunan ko. Ang magtiwala sa
Kaniya; Just trust God with all our hearts and soul. Give him our trouble, our life
and He would heal us. At pangalawa ay huwag matakot magmahal at sumugal. Yes, dahil
sumugal ako. Sumugal ako kahit alam kong off-limits siya.

And now, her heart is all mine, forever and always. Hanggang nasa tabi ko ang aking
asawa, hanggang nagmamahalan kami ay walang hindi namin kakayanin.

GIRLONFIRE28

THANK you so much po sa inyong lahat na nandito. God bless you all po!

Special Chapter 1

Special Chapter 1

LANCE POV

"GOOD AFTERNOON, Ladies and Gentlemen. This is Captain David Anthony Montana
speaking, we have safety landed at our destination. Please ensure that your
seatbelts are fastened until the fastened seatbelt sign is turned off. And on
behalf of the entire crew, I would like to thank you for choosing DA MONTANA
AIRLINES for your travel needs.

Nagkatinginan kami ni Sheena nang marinig ang anunsiyo ng piloto. Sa wakas,


pagkalipas ng mahigit isang taong pananatili sa Thailand ay nakabalik na kami ng
aking pamilya dito sa Pilipinas.

Kaming mag-asawa ang nagdesisyon na huwag munang bumalik para masiguro na ayos na
ako. At ngayon, masasabi kong ayos na ako. Nalampasan na namin ang lahat at panahon
na para balikan ang aming pamilya.

"Our ground crew is preparing the aircraft for departure. And we anticipate that
boarding will begin shortly." Muling anunsiyo ng piloto. " We wish you a safe and
enjoyable onward journey. Thank you and good day!" dagdag pa niya.

Hinawakan ko ang kamay ng aking asawa gamit ang libreng kamay. "We finally here,
baby" Nakangiting sabi ko.

"Kaya nga, finally, baby! Nandito na tayo sa Pilipinas, excited na ako," ngiting-
ngiting sabi ni Sheena.

Hindi maikakaila ang excitement na nakalarawan sa kaniyang magandang mukha. Alam


kong sabik na sabik na siyang makabalik dito sa Pilipinas para makasama ang
pamilya, lalo na't ito ang unang pagkakataon na nawalay siya nang matagal. Mahigit
isang taon din iyon.

Mukhang ang aming kambal ay excited na rin dahil kanina pa kawag nang kawag sa
aming kandungan.

"Excited na rin ba kayo, mga anak?" Pagkausap ni Sheena sa mga bata. "Ilang sandali
na lang, makikita at makakasama na natin sila."

Parang nakakaintindi nang tumawa ang aming kambal at nagtatalon sa kandungan namin.
Sa kaniya si Shenaia at nasa akin naman si Steve.

Mayamaya ay nagsimula nang magsibaba ang mga pasareho ng eroplanong sinakyan namin.

"Let's go, baby." Tumayo na ako habang karga si Steve. Inalalayan kong makatayo ang
mag-ina ko hanggang sa makababa.

Hindi kami nahirapang buhatin ang kambal habang hila ang aming mga maleta dahil may
suot kaming hip seat baby carrier na nakalagay sa aming harapan.

Hila ko ang dalawang malaking maleta palabas ng DA MONTANA AIRPORT habang isa naman
sa aking asawa. Sa darni ng taxi na nakaparada sa labas ay hindi na kami nahirapang
magtawag. Agad kaming nakasakay patungo sa Cavite.

Habang lulan ng taxi ay panaka-naka kaming napapasulyap sa isa't isa ni Sheena. At


pagkuwa'y magkakangitian.

"Sa tingin mo, magugulat sila?" Tukoy ko sa walang pasabi naming pag-uwi.

"Sigurado iyan, baby. Baka maglupasay sila kapag nakita tayo. Tamang-tama dahil
kumpleto sila ngayon para kay Leira, 'di ba?"

Napangiti ako at na-excite. Ngayong araw ang ika-8 na kaarawan ni Leira at binigyan
siya ng mga kaibigan ko ng engrandeng birthday party dahil hindi siya nakapag-
celebrate noong ika-7 birthday niya. Kasalukuyang nasa hospital na raw noon ang
kaniyang ina. Kaya talagang pinaghandaan ng mga kaibigan ko ang araw na ito para
kay Leira. Lalo na si Madeline at Kristine na siyang punong abala talaga.

Pero siyempre, hindi puwedeng wala akong pasabog. Kakutsaba na naming mag-asawa ang
event host para mamaya at ako ang magiging last dance niya. Kaya tamang-tama ang
dating namin dahil alas-diyes pa lang ng umaga. May pagkakataon pa kaming
magpahinga bago dumiretso sa birthday party ng anak namin. Alas tres pa naman iyon
ng hapon kaya hindi namin kailangang magmadali.

Mula DA MONTANA AIRPORT hanggang Cavite ay isang oras lamang ang ginugol namin sa
daan bago nakarating sa aming bahay.

Gamit ang duplicate key na matagal ng nasa akin ay nakapasok kami sa loob.
Katahimikan ang sumalubong sa amin. Walang tao rito ngayon dahil nasa mga biyenan
ko ang mag-ama ni Lolo Jaime at Ate Jenny.

Inihiga namin sa kama ang mga bata. Nasa taxi pa lamang kami ay tulog na sila.

"Tired?" Mayamaya ay tanong ko sa aking asawa. Lumiyad-liyad siya at nag-i-stretch


ng magkabilang braso.

Tired but happy."

Ibinuka ko ang mga bisig ko. "Come here, I'll give you a massage."

"No thanks." Inirapan pa niya ako na ikinatawa ko.

"Why? Ikaw na nga ang ima-massage, ayaw mo pa?"

"Dahil kilala kita," ingos niya. "Alam na alam ko kapag ganiyan ang hilatsa ng
pagmumukha mo, 'no?"

Napahalakhak ako. "Wala akong ibang gagawin, baby. Massage lang." Pangungulit ko.

"Sus! Kilala kita, massage now s*x later." Muli akong napahalakhak." Ssh! Huwag
kang maingay, magising ang mga bata." Saway niya sabay irap.

"Ayaw mo talagang i-massage kita?"

"Ayoko."

"Final answer?"

"Final answer. Magpahinga muna tayo kahit isang oras lang."

Hindi ko na siya kinulit dahil bakas naman talaga ang pagod sa mukha niya. Tumayo
ako at hinila siya pahiga sa kama. Sa paanan ng mga bata kami pumwesto.

Nakahiga kami patagilid, paharap sa mga bata habang nasa likuran niya ako at
nakayakap sa katawan niya.

"Baby," anas ko, habang pinapatakan ng maliliit na halik ang likod ng kaniyang ulo.

"Hmm?"

"Thank you."

"Para saan?"

"Sa lahat. Lalong-lalo na sa wagas na pag-ibig mo. Without you, I am nothing...

"Sabi ko magpahinga ka at hindi magdrama, Mister."

"Hindi ako nagdadrama."


"E, anong tawag mo riyan?" Natatawa niyang tanong sabay pihit paharap sa akin.
Malamlam ang mga mata niyang tumitig sa akin.

"When I look into your eyes, I know I have found the mirror of my soul..." anas ko.

Lance

"I love that you are the last person i want to talk to before going to sleep at
night, and I love that you are the mother of my children. I love you." Madamdaming
pahayag ko.

"Ang sweet." Kinilig ako nang hagkan niya ang noo ko at pagkuway muling tumitig sa
mga mata ko bago nagsalita. "I love you for who you are, what you have been, and
everything you will be. Forever"

Pinagdikit ko ang mga noo namin at pinagkiskis ang mga ilong. Nang mga sandaling
iyon ay umaapaw ang pag-ibig sa aming mga puso.

At ang plano naming pagpapahinga ay nauwi sa kuwentuhan na may kasamang lambingan.

Bandang ala-una ng tanghali nang magpasya kaming bumangon at gumayak na para sa


birthday party ng aming si Leira. Eksaktong pagkatapos namin ay nagising na ang
kambal. Sila naman ang binihisan ng aking asawa.

Isang oras bago ang pagsisimula ng party ay nakatanggap kami ng

tawag mula sa bayaw kong si Simon. Ipinaalam niyang mag-live siya sa ganap kay
Leira.

"Thank you, Kuya! Nai-send ko na sa 'yo ang video greetings ko para sa kaniya, ha?"
sabi ni Sheena sa kapatid.

"Yeah, nakita ko na. Sayang, hindi kayo nakarating. Kailan ba kasi kayo uuwi?" Tila
naiinip nang tanong ng kaibigan ko.

"Malapit na, Kuya."

"Tss. Malapit ka nang malapit na pero mahigit isang taon na nariyan pa rin kayo.
Ano pa bang pinapabago niyang asawa mo? Kamo, umuwi na."

"Miss mo na siya?" Tudyo ng asawa ko.

"Bakit ko naman siya mami-miss? Ikaw at ang mga tsikiting mo lang ang nami-miss
ko!" Sinadya niyang lakasan iyon nang sabihin.

Nagpaparinig.

"Sabihin mo sa lalaking iyan 'wag nang bumalik-"

"Narinig ko nal Hindi na talaga, oy. Dito na kami titira ng mga anak namin.
Napangiti ako nang marinig ko siyang nagmura.

"Subukan mo lang na hindi ibalik ang kapatid at pamangkin ko, babalatan kita nang
buhay!"

Napahalakhak ako. "Ikaw ang babalatan ko nang buhay Ilang sandali pa kaming
nagbatuhan ng asaran bago siya tuluyang nagpaalam dahil may aasikasuhin pa raw.

Pagkalipas ng ilang sandali ay lulan na kami ng sasakyan ko patungo sa pagdadausan


ng party. Eksaktong nagsisimula na ang party nang dumating kami roon. Sa likod na
bahagi kami dumiretso. Naroon ang assistant ng event host, siya ang nag-asikaso sa
aming mag-anak.

Naghintay kami roon. Pinanuod namin sa TV ang kaganapan sa labas. Hindi na kami
makapaghintay na mayakap silang lahat.

"Ang ganda niya." Puno ng paghangang anas ng asawa ko habang pinapanuod si Leira sa
TV. Nakaupo siya sa gitna, suot ang napakagandang red ball gown.

"She is, baby." Maluha-luha ako nang magsimulang magbigay ng 7 things sa kaniya.

Habang si Sheena ay tuluyang napaiyak nang magbigay ng 7 wishes ang mga kaibigan
ko. Kabilang doon si Mama at si Papa.

"And now we're going to go for her seven roses. We begin with her Papa Victor,"
anang babaeng host.

Nakita kong nagpunas ng luha ang asawa ko nang makitang tumayo ang ama at nilapitan
si Leira habang hawak ang pulang rosas.

Nagsimulang magsayaw ang dalawa hanggang sa sunod-sunod na sila. Si Simon, Joven,


at tatlong batang lalaki. Mga kaklase at kaibigan daw ng aming si Leira.

Hanggang sa naiwang mag-isa sa gitna si Leira kasabay ang anunsiyo ng host. "Let us
now move on to her final dance with her special someone. Someone who wants to
surprise her and all of you."

Nakita naming nagkatinginan ang mga naroon. Kani-kaniyang tingin at hagilap sa


paligid.

"Huwag na nating patagalin pa! Special visitor, come out please."

"Go, baby!" Pagtataboy ni Sheena habang nangingilid ang mga luha.

"Sumunod na kayo, ha?" Bilin ko bago naglakad patungo sa harapan. Eksaktong


pumailanlang ang kantang Dance With My Father ni Luther Vandross.

"Let's all welcome our special guest, none other than our Vice Admiral Lance De
Asis!" Kasabay ang anunsiyo ng host ay ang paglitaw ko mula sa likod.

Their reaction was priceless.

Lahat sila ay nakanganga habang nanlalaki ang mga mata na waring hindi makapaniwala
na nasa harapan na nila ako.

Malawak ko silang nginitian bago isinayaw ang dalaginding ko, na ngayon ay umiiyak
na rin habang nakatingala sa akin.

"D-Daddy Lance... Yumuko ako para pahirin ang mga luha niya.

"Don't cry, Ate." Garalgal ang boses na sabi ko. "Happy birthday, Anak. You are so
beautiful."

Lalong naglandas ang mga luha niya at humagulhol na yumakap sa beywang ko. Gumanti
ako ng yakap.

"I love you po, Daddy Lance. Thank you for coming po." Lumuhod ako sa
harap niya at muling tinuyo ang mga luha niya.

Napasibi siya. "Si Mommy Sheena po? A-Ang mga kapatid ko po?" Hikbing tanong niya.

Eksakto namang lumabas na rin ang mag-iina ko dahilan para lalong mawalan ng kibo
ang mga bisita, especially our family.

Kinuha ko kay Sheena ang kambal at hinayaan siyang yakapin si Leira. Pagkuwa'y
tumayo kaming mag-anak sa harap nila,

"Wanna hug me?" Humihikbing tanong ng asawa ko sa kanila.

Mayamaya ay nakita kong tumatakbo palapit sa amin si Mama Elena at Papa Victor.
Kagaya namin hilam din ng luha ang mga mukha nila.

"Anak!" Ani Mama Elena kay Sheena.

"M-Ma! P-Pa!" Humahagulhol na nagyakapan ang mag-anak. Maging si Simon ay nakiyakap


na rin.

Pinagitnaan nila ang asawa ko. Nag-iyakan sila.

Nang pakawalan nila si Sheena ay kinuha nila sa akin ang kambal. Niyakap at
pinaghahalikan. Bakas ang pagkasabik sa mga mukha nilang lahat.

"Lance! Tang'na ka!" Malakas akong dinibdiban ni Simon na ikinaigik ko nang


bahagya. "Ang guwapo mo na, tang'na ka!"

Umalingawngaw ang malakas na hiyawan nang yakapin niya ako at halikan sa pisngi.

"Akala ko ba hindi mo ako na-miss, ha?" Tudyo ko at gumanti ng yakap.

"Hindi talaga. Hindi kita miss kundi miss na miss! Langya ka!"

Natawa ako habang umiiyak. Puwede pala talaga iyon. Ang umiyak habang tumatawa.

Mayamaya pa'y pinagkaguluhan na ako ng mga kaibigan ko. Tila batang halinhinang
nagpakarga sa akin si Madeline at Kristine.

"We missed you, Lancelot!" Umiiyak na sabi ni Madeline. "Ang guwapo mo na ulit!
Ikaw na ikaw na ulit ang aming si Vice Admiral Lance De Asis!

"Successful pala ang surgery mo pero wala kayong pasabi. Nakakatampo ka." Hirit ni
Kristine at hinila palayo sa akin si Made at siya naman ang yumakap sa akin.
"Welcome back, my friend! I missed you so damn much."

"Sobrang na-miss ko rin kayo, guys. Thank you for everything-" Hindi ko natapos ang
sasabihin ko nang may humalik sa magkabilang pisngi ko.

Si Simon at Joven.

"Hey! Puro laway na ako!" Kunwari'y reklamo ko nang muli nila akong paghahalikan na
ikinahagikhik ng mga bisita.

"We missed you, Buddy!" Si Joven, na mabilis kong dinakot ang mukha nang akmang
hahalik na naman.

"Group hug!" Si Simon at nagpasimuno sa pagyakap. Nagsisunod naman ang mga kaibigan
namin.
Bumitaw ako sa kanila at ang mag-iina ko naman ang niyakap ko kasama si Leira.

"Sali ako!" Si Joven at nakiyakap na rin.

"Kami rin!" Si Kristine at nakiyakap na nga silang lahat.

Nang sumunod na sandali ay naging napakasaya naming lahat. Maging ang ibang mga
bisita ay naging masaya para sa aming lahat.

Pinutol ko muna ang kuwentuhan namin dahil araw ngayon ng panganay namin. Hiningian
ako ng host ng mensahe para kay Leira at nagpaunlak ako kahit mugto ang mga mata.

Natuon sa akin ang atensyon ng lahat nang tumayo ako sa unahan kasama si Leira.

"First of all, happy birthday, Ate. Wala akong ibang hiling kundi ang lumaki kang
malusog at mabuting tao. Na hindi ka na maging sakitin. Tatandaan mo palagi na
mahal kita. Mahal ka namin ng Mommy Sheena at mga kapatid mo. Mahal ka ng lahat,
Leira. At sana maging sapat ang pagmamahal naming lahat sa 'yo para hindi mo
maramdaman na may kulang sa pagkatao mo. Hindi ka namin pababayaan, kami ang
pamilya mo at huwag na huwag mong kakalimutan iyan. Nalintindihan mo?"

"O-Opo, Daddy S-Salamat po sa pagtanggap sa akin." Humihikbing sabi niya. "M-Mahal


na mahal ko rin po kayo. Pangako po na magbabait po ako sa inyo.

"Don't cry, Ate. We love you."

"I love you rin po, Daddy Lance Niyakap ko siya.

Mayamaya ay lumapit ang asawa ko karga ang kambal. Agad kong kinuha si Steve.

Nang mga sandaling 'yon ay larawan kami ng isang masayang pamilya. Masigabong
palakpakan ang ibinigay nila sa amin.

Hindi nagpahuli ang mga kaibigan ko at muli kaming sinugod ng mahigpit na yakap.

Wala nang sasaya pa kapag tanggap ka ng lahat anuman ang pinagdaanan mo. Mapapa-
thank you Lord ka na lang kapag nakatagpo ka ng pamilyang kagaya ng natagpuan ko...
iyong hindi ka nila kadugo pero tatanggapin ka bilang kapamilya.

GIRLONFIRE28

Thank you so much everyone!

Special Chapter 2

Special Chapter 2
Special Chapter 2

SHEENA POV

KULANG na lamang ay mapunit sa sobrang pagngiti ang mga labi ko habang pinapanuod
ang mag-aama ko mula sa bintana ng aming silid. Abalang-abala silang mag-aama sa
pagba-bike. Hindi ko alam kung gaano na sila katagal nag-i-enjoy sa baba, basta
nagising ako kanina na mag-isa na lamang sa kama.

Nang marinig ko ang malakas na tawanan ng mga bata ay napadungaw ako sa bintana at
doon ko nga nakitang nagba-bike ang mag-aama ko.

Hindi ko napigilang matawa nang maunahan si Lance ng tatlong bata. Sabay-sabay pa


nilang tinukso ang kanilang ama na looser daw.

"Sinong looser, ha? Sino?" Malakas na sabi ng asawa ko at binilisan ang pagpadyak
sa bike.

Kaniya-kaniyang tilian naman ang mga bata at pandalas na rin sa pagpadyak para
huwag maabutan ng kanilang ama.

"Nandiyan na ako!" Humalakhak si Lance nang maunahan ang tatlo.' Sinong looser,
ha?"

Parang batang nakipag-asaran ang asawa ko sa aming mga anak.

Ang mataginting nilang tawa ay tila isang napakagandang musika sa pandinig ko.
Musikang hinding-hindi ko pagsasawaang marinig hanggang sa huling sandali ng buhay
ko.

"Hay... napakabilis talaga ng panahon." Naisatinig ko habang nakatanaw pa rin sa


kanilang apat.

Parang kailan lang, kaka-8 birthday pa lang ni Leira at dalawang taon naman ang
aming kambal. Pero ngayon, may teenager na kami. Yes, Leira is now 13 years old.
May second year high school student na kaming mag-asawa. At matangkad siya sa edad
na trese. Madalas siyang mapagkamalang dalaga ng mga taong hindi siya kilala. Kaya
si Lance ay mas nagiging over protective sa kaniya. Ang nakakatuwa lang,
nagdadalaga ang panganay namin na mabait at masunuring bata. Ni minsan hindi siya
naging sakit ng ulo naming mag-asawa. Ibang-iba siya sa dating Leira noong
nabubuhay pa ang kaniyang tunay na ina.

Ang kambal naman namin ni Lance ay kakapitong taon lamang nitong nakaraang buwan.
Nagmana silang dalawa kay Lance na matangkad.

Mabuti na lang din at hindi sa akin dahil 5'3 lang naman ako kumpara sa ama nilang
6'0 ang taas.

Minsan, parang gusto kong hilahin ang panahon sa sobrang bilis. Hindi ko na kasi
sila makarga kagaya ng dati dahil mababalian ako ng buto kapag ginawa ko iyon.
Hindi pihikan ang mga bata kaya kain nila kahit anong ihain sa hapag. Pangita naman
sa kanilang mga katawan na kaybibilog.

"Stop it, Daddy!" Ang matinis na irit ni Shenaia ang nagpatigil sa pagmumuni-muni
ko.

Buhat ni Lance ang dalaginding namin habang kawag nang kawag na may kasama pang
irit.
"Put me down, Daddy! Daddy...!"

Mataginting na tumawa si Lance at hindi tigilan sa pagpupog ng halik sa kaniyang


anak.

"I won't! Because I want to kiss my baby girl! And you are my baby girl!" Anang
asawa ko.

"Kuya Steve, Ate Leira, help me!" Paghingi niya ng saklolo sa mga kapatid. "Daddy,
stop! Daddy!"

Tinigilan lamang ni Lance ang aming bunso nang kilitiin siya ng dalawa.

"Gusto niyo ring mahalikan, ah. Gusto niyo rin, ah. Fine!" Humalakhak si Lance nang
mabilis pa sa alas kuwatrong magtakbuhan ang mga bata palayo sa kaniya habang
magkakahawak-kamay ang mga kamay.

"Faster, twins!" Sigaw ni Leira habang hawak sa magkabilang kamay ang kambal.

"Hurry up! Daddy gonna get you!" Pananakot ni Lance habang habol ang

tatlo.

"Ate, nandiyan na si Daddy!" Irit nang irit ang bunso ko.

Mabilis silang tumakbo.

Napairit ako nang sabay-sabay madapa ang tatlo. Kinabahan ako dahil baka nasaktan
sila ngunit nawala rin ang kabang iyon nang marinig ko na naman ang hagalpakan nila
sa ibaba.

May kung anong damdamin ang lumukob sa puso ko nang makitang nakahiga na silang
apat sa damuhan. Ang buong akala ko'y tapos na silang magharutan pero hindi pa pala
dahil mayamaya ay dinaganan si Lance ng tatlo at pinagtulungang kilitiin.

Muling umalingawngaw ang mataginting na tawa ng mag-aama ko.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nanunuod sa kanila nang lumingon ang
asawa ko. Agad siyang kumaway nang makita ako. Kinawayan ko rin siya at matamis na
nginitian. Kinuha niya ang

atensyon ng mga bata dahilan para tumingin din sa gawi ko.

"Good morning, Mommy!" Sabay-sabay na bati ng mga bata at kumaway.

"Downstair and join us here, Mommy!" Anang unico hijo ko.

"Later, anak!" Ganting sigaw ko.

Nang makita kong tumango ang mga bata ay umalis na ako sa may bintana at nagtungo
sa banyo. Ni hindi pa pala ako naghihilamos, masyado akong nalibang manuod sa
paghaharutan ng mag-aama ko.

Napatda ako nang pagbukas ko ng pinto ay naroon pala ang asawa ko. Nakatayo at
mukhang hinihintay ang paglabas ko.

"Good morning, baby." Aniya sa napakalambing na tono.

"Good morning. Ang aga-aga, pawis na pawis ka."


"Pinagkaisahan ako ng mga anak mo." Kunwari'y reklamo niya at sinadyang patulisin
ang nguso. "They've grown up so fast! Natatakot ako sa bilis ng paglaki nila."

Natawa ako. "Why?"

"Dahil baka isang araw bigla na lang may tumao po sa gate natin at sabihing
manliligaw sa panganay natin. I cannot."

Lumakas ang tawa ko na lalong ikinalukot ng mukha niya. "Anong gagawin mo kapag
dumating ang araw na iyon?"

"Ipapahabol ko sila sa aso."

"Sira! Hindi mo puwedeng gawin iyon."

"Why not? Hindi pa puwedeng ligawan ang mga anak natin."

Tinawanan ko siya at iniwan. Sumunod siya sa akin. Hindi na ako nagulat nang mula
sa likuran ay yakapin niya ako. Pinatakan niya ng maliliit na halik ang batok, leeg
at pisngi ko.

"Anong kailangan mo?" Mayamaya ay tanong ko.

Mahina siyang tumawa. "Anong bakit? Masama bang halikan kita?"

"Hindi. Pero kapag ganiyan kang humalik, alam kong may kailangan ka." Pumihit ako
paharap sa kaniya. "So, anong kailangan mo?"

Sa halip na sumagot ay ngumiti siya nang may kasamang pang-aakit.

"Tigilan mo ko. Ang aga-aga pa, Mister."

"Sige na, habang nasa baba pa ang mga bata. Please?" Nagpaawa pe talaga.

"No

Lumabi ito. "Bakit parang ang hirap mo nang yayain ngayon? Dati namian isang ungot
ko lang bumibigay ka na. Pero ngayon, kailangan ko pang magmakaawa para lang
pumayag ka."

"Tigilan mo nga ako-

"Wala na ba talaga akong amor sa 'yo? Hindi ka na ba talaga naaakit sa akin? Hindi
na ba ako masarap? Hindi na ba ako magaling?"

Napatawa ako sa pagdadrama niya.

"Ano? Tatawa ka na lang? Dati naman napakalambing mo sa akin, madalas noon ikaw pa
ang nangangalabit."

Sa halip na mahabag sa hitsura niya ay lalo akong natawa, lyong nagpapaawa talaga
ang hitsura niya.

"Noon, magugulat na lang ako hubo ka na. Hindi mo man lang ako tinatanong kong
gusto ko ba pero tinanggihan ba kita? Kahit pagod ako, pinagbibigyan kita, kinakain
kita."

"Sira! At kailan ako naghubo sa harap mo?


"Madalas. Inuupuan mo pa nga ako sa mukha-, Ouch!" Napahiyaw siya nang kurutin ko
sa tiyan.

Hinuli niya ang kamay ko. "Sige na..."

"Bawal nga. Alam mo namang ayokong gawin lyon kapag gising ang mga bata. Malalaki
na sila-^ *

"lyon lang pala, e." Tinungo niya ang pinto at ini-lock, saka bumalik sa harap ko.
"Hindi nila tayo makikita."

"Ayoko pa rin."

"Bahala ka, ayaw mo pang samantalahin habang tumitigas pa. Kapag ito hindi na
tumigas, bahala k * a deg

Napahalakhak ako. "Okay lang, may dila ka pa naman."

Napaawang ang bibig niya. At nang makabawi ay malakas ding tumawa bago ako kinabig
palapit sa katawan niya

"Naughty!"

"Dila mo pa lang solve na ako kaya kahit hindi na tumigas iyan."

Napahalakhak siya at hinila ako patungo sa malambot na kama. Parehas kaming


napahiga. Hindi pa man ako nakakabawi nang mabilis siyang kumilos at kinubabawan
ako. Idinagaan niya sa akin ang kaniyang buong bigat.

Naghinang ang mga mata namin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko, tumaas ang mga kamay ko patungo sa mukha niya at
sinapo.

"Dati pangarap lang kita. Dati laman ka lang ng imagination ko, pero ngayon? Asawa
na kita. Tatay ka na ng mga anak ko. Mahal na mahal kita, Lance."

Kumislap ang mga mata niya. "Mahal na mahal din kita, Sheena. Ang sarap mabuhay
dahil kasama kita, kayo ng mga bata. Kayo ang pinakamagandang nangyari sa buhay
ko..."

Nahigit ko ang aking paghinga nang gahibla na lamang ang pagitan ng mga mukha
namin. Isang taon na lamang at mag-iisang dekada na kaming kasal pero parang lagi
pa rin kaming bagong kasal sa inaakto namin.

lyong kahit balik-trabaho na siya ay hindi kami nawalan ng quality time. Gaano man
siya ka-busy, hindi siya nawawalan ng oras sa akin at sa aming pamilya.

"I love you so much, Sheena."

Hindi na ako nakatugon dahil tuluyan na niyang sinakop ang mga labi ko. May pag-
iingat niyang inangkin ang mga labi ko. Hindi ko siya binigo. Agad ko siyang
tinugon sa kaparehong intensidad....

Mayamaya pa'y lumalalim na ang halikan namin. Maging ang mga palad niyang nagsimula
na ring gumawa ng sariling landas sa aking katawan.

Napaliyad ako nang damhin niya ang isang dibdib ko.


"I love you, baby." Anas niya sa pagitan ng mainit na halik.

"I love you, too."

Hinayaan ko na siyang gawin ang gusto niya. Nakahawak na siya sa laylayan ng damit
ko para itaas sana nang makarinig kami ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng
pinto.

Napatingin kami sa isa't isa at sabay na napangiwi.

"Wrong timing naman." Reklamo niya at napilitang umalis sa pagkakadagan sa akin.

"Later na lang ang ana-ana, baby" Anas ko sabay kindat.

Tss. Ano pa nga ba?" liling-iling siyang lumapit sa pinto at binuksan." Maglaro
muna kayo sa baba, mga anak."

Napanganga ako sa sinabi niya. Loko-loko talaga!

"Pagod na po kami, Daddy." Dinig kong sagot ni Steve.

"Maganda sa katawan ang init sa umaga, mga anak. Mas lalakas kayo." Napangiti ako
sa ginagawa niyang pagtataboy sa tatlo.

Ngunit hindi niya mauutakan ang mga anak namin. Matatalino sila.

Wala nang nagawa si Lance nang sunod-sunod na pumasok ang tatio at patakbong
lumapit sa akin sabay sampa sa ibabaw ng kama.

Tumabi sila sa akin at pinupog ako ng halik. Napahagikhik ako nang marinig ang
palatak ng asawa ko habang pailing-iling.

"Tss. Purnada na naman." Mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko.

Nang sumunod na sandali ay napuno ng tawanan ang aming silid dahil sa kakulitan ng
mga bata. Tumigil lamang kami nang tawagin kami ni Ate Jenny na kakain na raw.
Sabay-sabay kaming dumulog sa hapag-kainan.

PAGKATAPOS naming kumain ay nagyaya si Lance na pumunta kami sa himlayan ni Baby


angel. Tuwang-tuwa naman ang mga bata at super excited sila.

Sa ilang taong lumipas, never naming nakalimutan si Baby Angel. At habang-buhay na


siya sa mga puso namin.

Mahigit isang oras din kaming nag-stay sa sementeryo bago dumiretso sa bahay nila
Mama. Tuwang-tuwa sila nang dumating kami. Miss na miss na raw nila ang mga bata
kahit tatlong araw pa lamang ang nakakalipas mula nang huli nilang makita.

Nakakatuwa dahil hindi lang si Steve at Shenaia ang mahal nila kundi pati si Leira.
Tunay na apo ang trato nila sa panganay namin at palagi kong ipinagpapasalamat iyon
sa Panginoon.

Hindi ko tuloy mapigilang mapakanta habang naghahanda ng meryenda. Kalaro ng mga


bata si Papa at for sure pagod at gutom sila pagkatapos.

"Ang saya ng anak ko, a." Napangiti ako nang marinig ang boses ni Mama.

Nilingon ko siya saglit bago ibinalik ang tingin sa ginagawa.


"I'm so happy for you, anak."

"Thanks, Ma." Nagtaka ako nang mataman niya akong tingnan. "Bakit po?

"Wala naman, parang ang blooming mo lalo ngayon."

"Asus, si Mama nambobola."

Nagtawanan kami at nagkuwentuhan. Tinulungan niya ako sa ginagawa kong meryenda.


Nang makaramdam ng uhaw ay binuksan ko ang refrigerator pero bigla akong naglaway
nang makita ang tatlong hilaw na mangga. Natakam ako kaya pinakialaman ko iyon at
kinain maski may balat pa.

Mauubos ko na ang isa nang mapansin ko na titig na titig si Mama." Mama

"Naglilihi ka?"

"Po?" Maging ako ay nagulat. "Naglilihi po? Ako?" Tumango siya. "Paano niyo po
nasabi?"

"Dahil hindi ka naman mahilig sa maasim." Napatanga na lamang ako. Oo nga. Oh, my
God! Possible kayang buntis uli ako? Kailan ba ako huling dinatnan?

Natutop ko ang bibig nang ma-realize na dalawang buwan na akong delayed

Hindi pumayag si Mama na hindi masiguro ang good news kaya talagang bumili siya ng
pregnancy test kit ng oras ding iyon. Agad niyang pina-test ang urine ko. At yes!
Positive! Magkaka-baby ulit kami na hindi ko na talaga inaasahan dahil sa tagal
naming nag-concieve ay hindi kami makabuo ni Lance.

Nagkaiyakan kami ni Mama na walang kaalam-alam ang mga kasama namin sa bahay.

NAKAUWI na kami sa aming bahay pero wala pa ring ideya si Lance na masusundan na
ang kambal.

Pero hindi ko yata kayang lumipas ang gabing ito na hindi ko nasasabi sa kaniya ang
magandang balita. Kaya hinintay ko siyang pumasok sa aming kuwarto. Nasa kuwarto pa
siya ng mga bata at pinapatulog.

Mayamaya nama'y pumasok na rin siya at sumampa sa kama.

"Tulog na sila. Ang bilis, napagod sa kakalaro sa bahay nila Mama." Aniya nang
tumabi sa akin. "Puwede na nating ituloy ang laban, baby."

Sa isang iglap, nasa ibabaw ko na siya na agad kong itinulak nang bahagya.

"Let's start, baby." Nagsimula na siyang mangharot.

"Wait lang"

"Talagang gusto mo akong bitinin, a."

"May ibibigay lang ako sa 'yo." Burmangon ako at kinuha sa loob ng drawer ang may
katamtamang laki ng box na nakabalot ng gift wrap." Gift ko sa 'yo."

"For what? Matagal pa ang birthday ko, baby."

"Open it. Magugustuhan mo iyan, promise."


"O-Okay." Habang abala siya sa pagbubukas ay nagsimula nang mangilid ang mga luha
ko. "What is it-malakas siyang napasinghap." Oh, my God!" Tumingin siya sa akin
habang namimilog ang mga mata. " Baby..."

Tila namamalikmatang tiningnan niya ulit ang pregnancy test na hawak niya.

"Oh, my God! This is for real? We're having a baby?"

"Y-Yes. I'm pregnant!" Umiiyak na ako.

Namilog ang mga mata niya. "Yes! Yes! Yes! Whoa! Magiging Daddy na ulit ako? Yes!"
tuwang-tuwa niyang sabi habang sumusuntok sa ere. " Whoa! Thank you, Lord! Thank
you!"

"Sshh! Magising ang mga bata."

"Sorry. Sobrang saya ko lang. Imagine, ilang taon nating trinabaho 'to pero ayaw
talaga. Nawalan na nga ako ng pag-asa tapos, syet! Ang saya ko."

"Bakit ka umiiyak kung masaya ka?"

"Tears of joy. Whoa! I can't wait to see them."

"Them?"

"Yes, baka kambal ulit, 'di ba?"

"Kahit isa lang, basta healthy."

"Yes. That's the most important, baby, I love you. So so much..."

"I love you more..."

Nang sakupin niya ang mga labi ko ay taos-puso akong nagpaubaya at tumugon. He's my
husband. We can do whatever we want. Forever.....

GIRLONFIRE28

THANK you for reading! Salamat po at nakarating kayo dito. huhu. Labyu all po!
Salamat sa mga moon po at comment.

Special Chapter 3

Special Chapter 3

Lance POV
"NASAAN KA NA BA? Ang iritableng bungad na tanong sa akin ni Bayaw nang sagutin ko
ang tawag niya.

Hindi na ako nagulat na inis na siya dahil pang-apat na tawag na niya bago ko
nasagot ko.

"Paalis na ako," sagot ko habang nililigpit ang mga papeles sa mesa ko.

"Pambihira naman, Lance, o. Anong petsa na? Malapit nang maglabasan ang mga
estudyante."

"I know. Kaya nga nagmamadali na ako rito, e." Sa pagmamadali ko ay lalo lamang
natagalan dahil aksidenteng nabitawan ko ang mga papeles kaya kinailangan ko pang
pulutin.

"Tss! Bilisan mo na. Sinabi ko na sa 'yo na maaga ang out nila ngayon pero ang
kupad mo pa rin." Patuloy na sermon niya.

"Ito na nga. Ibababa ko na ang tawag mo para matawagan ko ang adviser nila na 'wag
papalabasin ng classroom hangga't wala ako."

"Fine. Basta bilisan mo na. Alam mo namang napakainipin ni Shenaia."

"Of course, I know that. She's my daughter."

"Tss! Sige na, bye." Pagkatapos niyon ay tuluyan na siyang nawala sa kabilang
linya.

PAGKATAPOS kong pulutin at ilagay sa drawer ang mga papeles ay nagmamadali na akong
lumabas para makaalis na. Ako ang susundo sa mga bata ngayon sa school. Hindi nila
alam na pauwi ako mula sa aking trabaho at nais ko silang surpresahin.

Nadaan ko sa hallway ang mga kasamahan ko.

"Boss, mukhang madaling-madali na tayo, ah." Nakangiting puna ni Jhon, kasamahan


ko.

"Yes. Ako ang magsusundo sa mga anak ko sa school," sagot ko.

"Naks! Ayos iyan, boss, tapos valentine's day ngayon." Segunda ni Migs,

ang aming junior officer.

"Yes. Gusto kong i-surprise ang mag-iina ko ngayon. Hindi nila alam na pauwi ako."
Ngiting-ngiti na sagot ko.

Sabay-sabay na sumipol ang mga kasamahan ko at kaniya-kaniyang panunukso.

"Sana all may pamilya, Boss."

"Ang sarap siguro kapag may uuwian ka mula sa maghapong trabaho."

"Nakaka-inspire panigurado."

Ilan lang sa mga sinabi nila.

"Magsipag-asawa na rin kayo. Masarap ang may pamilya. Anyway, gustuhin ko mang
makipag kuwentuhan pa sa inyo pero nagmamadali na ako. Baka mainip na ang mga anak
ko." Paalam ko sa kanilang lahat.

"Go ahead, boss. Family first!"

"Yes, I gotta go, guys!" Paalam ko at iniwan na sila.

"Ingat, boss!"

"Enjoy!"

"Thank you!" sabi ko.

Eksaktong paglabas ko ng building ay nakasalubong ko ang delivery man mula sa isang


flower and gift shop na in-order ko ng mga bulaklak. Na muntik ko nang makalimutan
sa pagmamadali kong makaalis.

Kaagad kong pinermahan ang papel na inabot niya. At pagkatapos ay maingat kong
inilagay sa backseat ang tatlong bungkos ng mga bulaklak at ang isang robot na
laruan para kay Steve.

Sandali ko lamang ininit ang engine at mabilis na iyong pinasibad paalis. Habang
daan ay nakangiti lang ako. Excited na akong makita ang mga anak ko dahil every
weekend ko na lang sila nakakasama dahil sa trabaho ko.

Today is Valentine's day. Ayoko namang matapos ang araw na 'to na walang ginagawa
para sa aking mag-iina. Lalo na sa masungit kong asawa na nasa stage pa ng kaniyang
paglilihi. At ako ang paborito niyang pagsungitan.

Malapit na ako sa school ng mga bata nang muling tumawag si Simon. Wala na sana
akong balak sagutin iyon pero sadyang makulit kaya sa pangalawang tawag ay
napilitan na akong sagutin.

"Where the hell are you?" Bungad niya.

"I'm here." Eksaktong nasa tapat na ako ng gate.

"Tumawag ang teacher nila, wala ka pa raw. Nagagalit na ang asawa mol Bakas ang
inis sa boses nito.

Natawa ako. "Bakit ba ang sungit mo? Daig mo pa ang may regla, a."

"Tss! Kanina pa ako pinuputakan ng asawa mo dahil hinahanap na nila ang mga bata."

"Sabihin mo pauwi na. Nandito na ako sa tapat ng gate nila. I'll hang up the phone.
Susunduin ko na sila sa loob."

"Fine" Kasunod niyon ay busy-tone na ang narinig ko.

Pagkatapos kong mai-park ng ayos ang sasakyan ko ay saka ako bumaba at pumasok sa
loob para sunduin ang mga bata.

Ilang metro pa lamang ang layo ko nang matanaw ko si Shenaia at Steve, may mga
kasama silang ibang bata. Mukhang naghihintay rin ng mga sundo nila.

Nakita na ako ng teacher nila. Sumenyas ako na 'wag maingay dahil sasabihin niya
sana sa kambal na dumating na ako.

Habang mabagal na naglalakad patungo sa kanila ay nakahanda na ang ngiti ko. Ngunit
agad ding nabura kasabay ng panlalaki ng aking mga mata at mabilis na napatakbo
palapit kay Shenaia.

"No!" Malakas na sabi ko dahilan para magulat ang mga batang naglalaro. "Oh, God!
No..." Ngunit hindi sapat ang bilis ko para hindi maituloy ng batang lalaki na
halikan sa kanang pisngi ang prinsesa ko.

"Daddy!"

"Daddy!" Magkasabay na sambit ng kambal ko at dinaluhong ako ng yakap.

Buong pagmamahal na gumanti ako ng yakap sa mga anak ko. Nang bumitaw sila sa akin
ay muling nanlaki ang mga mata dahil muntik na namang halikan ng batang lalaki ang
pisngi ng anak ko. Mabuti na lang at nailayo ko agad si Shenaia.

Syet! "Why did you kissed my precious daughter, young man?" Malumanay kong tanong
sa bata.

"Because she's my girlfriend, Daddy."

Nalaglag ang panga ko sa naging sagot niya. "What did you call me?"

"Daddy po." Ulit niya. Ni hindi ko nakitaan ng kaba ang mukha ng bata sa halip ay
diretso siyang nakatingin sa mga mata ko.

Jesus! How old is he? "Do you know what are you talking about, young man?"

"Opo. When I get older I will marry Shenaia po. I will be the father of her child"

"Oh, God!" Bulalas ko na ikinatawa ng mga sundo ng mga batang kasama ng kambal ko.
Maging ang teacher nila ay tawa nang tawa.

Bigla yata akong nanlambot dahil sa batang ito. Lumuhod ako para magpantay ang mga
mukha namin. "What is your name?"

"I am Alexander McQueen po. 8 years old." Matatas niyang pakilala sa sarili at
literal akong napahanga sa batang ito nang maglahad ng kamay sa akin.

Tinanggap ko ang maliit nitong kamay. "Okay, Alexander. I'm Shenaia's Father. And
as her father, I will not allow you to kiss her again. Because you are both so
young, this will be the first and last. Now, study hard, become a better person,
and when you two are older, I will let you court her. Do you understand,
Alexander?"

"I do."

"Good"

"Promise me, you will allow me to be the father of her-"

"Stop!" Awat ko. God! Kanino bang anak 'to? Walong taon pa lang pero ang dami ng
plano sa anak ko. I cannot! Not my precious daughter.

Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakalunod at binuhat ang anak ko.

Naglalambing na yumakap sa batok ko si Shenaia. "I like Alexander, Daddy. Allow him
to be my-"

"Oh, Jesus!" Bulalas ko na lamang at niyaya na silang umalis.


Naiwang nagtatawanan ang mga sundo ng mga bata. Habang ako nama'y pailing-iling
habang karga si Shenaia patungo sa sasakyan namin. Sa backseat ko sila pinaupo.
Inilapit ko sa passenger seat ang mga bulaklak habang ang isa ay ibinigay ko na sa
anak ko.

"Happy Valentine's, my Shenaia. I love you." Sabay abot ng maliit na bouquet.

"Thank you so much po, Daddy! I love you, too po." Kasunod niyon ang matunog na
halik sa pisngi ko.

"And this is for you, young man. Inabot ko kay Steve ang robot na

favorite niyang laruan.

"Thank you po, Daddy. I love you po."

"I love you, too, son." Kagaya ni Shenaia, hinalikan niya rin ako.

Nakakatuwa na hindi nagpapatalo sa ka-sweet an itong lalaki ko.

Pagkatapos naming maglambingan na mag-aama ay umalis na kami. Binagtas namin ang


daan patungo sa school ni Leira. Paghinto namin sa tapat ng gate ng campus nila ay
naroon na siya. Naghihintay ng sundo. At gusto yatang uminit ng ulo ko ng mga
sandaling iyon nang makita kong may lumapit na lalaki rito at binigyan siya ng
bulaklak.

Tinanggap ni Leira iyon na ikinangiti ng lalaki. Tinapatan ko sila at binuksan ang


bintana sa gawi ko.

"Happy Valentine's, Leira. I really hope you like it." Dinig na dinig kong sabi ng
lalaki.

"I do. Thank you for the flowers, Xandrei."

Aba, aba! Alexander kanina tapos Xandrei naman ngayon.

"Ehem!" tikhim ko dahilan para mapatingin sa akin ang mga ito.

"Daddy!" Bulalas ni Leira nang makita ako. "Daddy, you're here!"

"Yes, I'm here." Sa teenager na lalaki ako nakatingin. Hindi ko siya nilubayan ng
tingin kahit nang bumaba ako ng sasakyan.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagsisikuhan nila na parang kinabahan bigla.

Kinuha ko ang bulaklak na para kay Leira sabay abot sa kaniya. "Flowers for you,
Anak."

"Thank you so much, Daddy. I love you. You're really the best."

"I am. Akin na 'to, ako na ang magdadala." Tukoy ko sa bulaklak na galing sa
lalaki. Hinarap ko siya. "Thank you, young man, but I can buy flowers for my
daughter."

Napayuko ito. "Sorry po ."

"Kung gusto mo ang anak ko, please, 'wag muna."

"S-Sir."
"Look at me." Utos ko. Tumingin naman siya. "Study hard, and become a better
person." Payo ko sa malumanay na tono. "Bata pa kayo. Hindi niyo muna dapat isipin
ang ganitong bagay. May tamang panahon para

sa ganito. Enjoy your childhood and don't rush things."

"Daddy..." tawag ni Leira na namumula ang magkabilang pisngi.

Tiningnan ko lang siya at ibinalik sa lalaki ang tingin. "Do you understand?"

"Opo, Sir, Sorry po ulit."

Ginulo ko ang buhok niya. "Mag-aral muna kayong mabuti." Paalala ko bago niyayang
sumakay ang anak ko.

Sa front seat ko siya pinaupo. Habang daan ay tahimik karning apat. Bigla yata
akong nanghina dahil sa mga lalaking bobot na umaalingid na agad sa mga prinsesa
ko.

Mukhang ngayon pa lang ay sasakit na ang ulo ko, lalo na sa Alexander na iyon.

PAGDATING sa bahay ay pinauna ko nang bumaba ang mga bata. Binilinan ko silang 'wag
munang sasabihin sa mommy nila na narito ako. Para ma-surprise din sana kaso
mukhang hindi mangyayari iyon dahil mabilis akong napatakbo sa loob ng bahay nang
marinig ko ang malakas na tili ng mga bata.

Napasugod ako sa kanila. "Bakit?"

"Oh, God! Daddy!" tili ni Leira habang nagtatatalon, nakaturo sa labas ng bintana
ang daliri.

Sinundan ko iyon ng tingin at halos panawan ako ng ulirat nang makita ko si Sheena
na nakaakyat sa puno ng mangga. Nakadukhang at pilit inaabot ang sanga na may
bunga. Syet!

"Daddy! Bilisan mo po!" Si Shenaia.

"Baka mahulog si Mommy, Daddy!" Si Leira.

Wala na akong sinayang na sandali at tinakbo ang kinaroroonan ng aking asawa. Syet!
Napamura na lang ako sa isip ko nang makita kong maliit na sanga ang inaapakan
niya.

"Baby, God! What are you thinking?" Puno ng panggigilalas na sambit ko.

"Lance, gusto ko ng mangga..."

"Okay. But please, bumaba ka na. Baka mahulog ka-Jesus!" Hintatakutang bulalas ko
nang tuluyang maputol ang sangang tinatapakan niya. "Hold tight, baby!"

"I will. Alis ka riyan, bababa na ako."

"No! Come here, aabutin ko ang kamay mo." Umakyat ako sa ladder na inakyatan niya.
Pinilit kong abutin ang kamay niya habang nanatiling nasa dulo ng ladder na
nakasandal sa puno.

Mas'yado akong mabigat, baka hindi ako kayanin ng sanga.


"Baba ka ng kaunti, baby. Abutin mo ang kamay ko." Pigil ang paghinga ko habang
hinihintay ang kamay niya.

"Oh, God! Thank you." Nasambit ko na lang nang tuluyang mahawakan ang kamay niya at
maibaba ng ligtas. Napaupo ako sa ugat ng mangga habang sapo ang mukha.

Tinabihan niya ako at naglalambing na yumakap. "Galit ka ba?"

"Kayong mag-iina ang papatay sa akin, baby." Anas ko dahil tinakasan yata ako ng
lakas.

Namangha ako nang humagikhik ang asawa ko. "Natakarn ako sa mangga, e kaya umakyat
ako. Kaso dalawa lang ang nakuha ko."

Nanginginig ma'y umakyat ako para ikuha siya ng mangga. Ngiting-ngiti siya nang
makababa ako.

"Ang dami! Thank you, Daddy."

"Give me a kiss." Demanding na utos ko. Tumalima naman siya.

Naghiwalay lamang kami nang lumapit ang tatlo. At doon mismo, sa lilim ng punong
mangga ay kinain namin ang mga mangga. Hindi pumayag si Sheena na siya lang ang
kakain kaya wala kaming choice kun'di ang pagbigyan ang buntis na moody.

PAGKATAPOS naming kumain ng mangga ay niyaya ko na silang pumasok sa bahay.


Sinabihan kong magbihis sila dahil may date kaming pamilya. Nagpresinta si Leira na
siya na ang bahala sa mga kapatid.

Bitbit ang bulaklak ay sinundan ko ang asawa ko sa aming silid. Nalaman ko agad na
nasa loob siya ng shower room dahil sa lagasgas ng tubig. Napangiti ako nang
makaisip ng kapilyuhan.

Agad kong inalis ang mga saplot ko sa katawan bago pumasok sa loob. Nilukob agad ng
kakaibang init ang buong katawan ko nang makita ang likod ng asawa ko.

"So, ano? Titingnan mo lang ako?"

Natawa ako at maagap siyang niyakap mula sa kaniyang likuran. Hindi ko napigilan
ang sarili ko na damhin ang magkabilang dibdib niya. Hindi maikakaila na malusog na
iyon ngayon.

"Happy Valentine's day, my wife..." anas ko sa punong tainga niya bago hinalikan.

"Happy Valentine's, hubby. Ba't wala akong flowers?" Pumihit siya paharap.

"Who told you na wala ka?"

E wala kang binigay, e."

"Kung saan ko na lang naipatong kanina dahil sa nerbiyos ko. Pero mamaya ko na
ibibigay, ha?"

"Okay. Ba't ganiyan ang ngiti mo?"

Sa halip na sumagot ay lumuhod ako sa harapan niya. "Lancel"

"Let me have my favorite flower, hmm?" Hindi ko na siya hinintay makasagot dahil
agad ko nang pinaghiwalay ang kaniyang mga hita.
Puno ng pagmamahal na sinamba ko ang aking asawa mula sa kaniyang mga binti,
patungo sa hita, sa singit hanggang sa makarating sa pakay ko

Muli, pinaramdam ko kay Sheena ang langit sa piling ko.

GIRLONFIRE28

Happy Valentine's day, mga langga! May another SC po dahil need ko makuha ung word
count na need ko. 2800 WC pa kasi kaya wala pang complete tag! Salamat sa inyong
lahat!

HAPPY ENDING

HAPPY ENDING

SHEENA POV

FIVE YEARS LATER

"HELLO, EVERYBODY!"

Sabay-sabay kaming napatingin ng mga anak ko sa pintuan kung saan nagmula ang
malakas na boses ng asawa ko.

"Daddy! You're finally home!" Ang matinis na boses ng aming apat na taong gulang na
bunso na si Shantia Louiseville.

Mabilis siyang tumayo at tinakbo ang kinaroroonan ng daddy niya. Sinalubong ito ng
asawa ko at kinarga.

"Hi, Dad!" Masiglang bati ni Leira sa ama na iniwan ang ginagawa para yumakap sa
ama.

Maging ang kambal ay gano'n din ang ginawa.

"You're early, Daddy." Si Shenaia na nakayakap sa beywang ng ama.

"Yeah, miss ko na ang mga prinsesa at prinsipe ko, eh."

Sabay-sabay na humagikhik ang mga bata.

"How about your Queen, Daddy? Did you miss her?" Si Steve sabay tingin sa akin.

Tumikwas ang kilay ko nang matuon ang atensyon nilang mag-aama sa akin. Hindi agad
sumagot si Lance, nakatitig lang siya sa akin. Titig na para bang hanggang ngayon
ay binata at dalaga pa rin kami.

"What?" Angil ko kunwari."

"Sumagot ka kasi, Dad." Udyok ni Leira na sinigundahan ng mga kapatid niya.

Isa-isang binalingan ni Lance ang mga bata bago muling ibinalik ang tingin sa akin.
"I always do."

Kilig na kilig na tumili ang mga bata. Aliw na aliw sa kanilang ama.

"Gaano ka-miss, Dad?" Si Leira uli.

"lyong tipong nanginginig ako habang papauwi. Na para bang gusto ko na lang lumipad
para makarating agad dito." Pagsakay naman ng asawa ko na ikinatili ng mga bata.

Pinakamalakas ang tili ni Shenaia na ngayon ay labing-dalawang taon na.

"Minu-minuto ang mommy ninyo ang laman ng puso't isip ko." Dagdag pa niya dahilan
para lalo akong tuksuhin ng mga bata.

"Ang darni mong alam, Mr. De Asis." Natatawa kong sabi at tumayo.

"Totoo iyon, hindi ako magsisinungaling sa harap ng mga anak natin. Pero ikaw ba,
na-miss din ako?"

"Kaunti."

Sabay-sabay na napa-aww ang mga bata.

"Saklap naman niyan, Daddy" Pang-aasar ni Steve sa ama.

"Sus, 'wag kayong maniwala diyan sa mommy ninyo. Ayaw lang niyang umamin, pero dati
noong mga dalaga at binata pa kami, patay na patay sa akin iyan. Ginapang nga ako,
eh."

Pinamulahan ako ng mukha na parang teenager. "Sira. Anong ginapang ka riyan."

Karga pa rin niya si Shantia na lumapit sa akin. "Bakit hindi ba?"

"Hindi. Ikaw ang nag-insist nang gabing iyon, ha."

"Ako ba?"

"Oo ikaw."

"Ikaw pala, Daddy, eh." Si Steve.

"Sige na nga, ako na. Pero kung hindi ako nag-insist nang gabing iyon, wala akong
ganito ka guwapong anak," sabay kabig kay Steve. "At ganito kagandang anak," tukoy
kay Shenaia bago si Shantia naman ang ginulo ang buhok. "At ganito kaganda at
kabibong bunso."

Akala ko nakalimutan na niya si Leira pero hindi pala dahil ginulo din niya ang
buhok. "At ganito kabait, karesponsable at kagandang panganay.

Tila maiiyak na lumabi si Leira. "Akala ko nakalimutan mo na 'ko, Dad."

"Sus, puwede ba naman iyon? Pare-pareho ko kayong mahal. Walang mas mahal dahil
pantay-pantay ang pagmamahal ko sa inyong apat."

May kung anong klaseng damdamin ang lumukob sa buong pagkatao ko nang sabay-sabay
na yumakap sa kaniya ang mga bata.

Nag-init ang mga mata ko habang pinagmamasdan silang mag-aama ko. Parang kailan
lang mga baby pa sila, pero ngayon may dalaga na.kami. Katunayan, magde-debut na si
Leira sa susunod na linggo kaya abala kami sa preperasyon. Si Steve at Shenaia ay
labing-dalawang taon na at si Shantia na aming bunso ay kaka-apat na taon pa
lamang.

Wala na kaming balak sundan, umayaw na si Lance dahil nakita niya nang manganak ako
sa bunso namin. Natakot siya dahil nalagay ako sa bingit ng kamatayan ng manganak
ako. Maging ako ay natakot din dahil kung nahirapan ako sa kambal ay mas nahirapan
kay Shantia. Kaya wala na talaga kaming plano na sundan at dagdagan pa. Sobrang
masaya na kami at kontento na sa apat na anak.

Hindi madali ang maging mga magulang, pero dahil magkatuwang kami ni Lance ay
kinaya namin at kakayanin pa. Sa nakalipas na mga taon, hindi naman perpekto ang
pagsasama namin ni Lance. Kagaya ng normal na mag-asawa, nagtatalo din kami,
nagkakatampuhan at may mga hindi napagkakasunduan. Pero ang maganda lang pagdating
sa mga anak, pareho kami ng mga desisyon. At siyempre, palagi naming pinipili na
magpakumbaba sa isa't isa. Palagi naming inaayos dahil wala namang gagawa niyon
para sa amin kundi kaming mag-asawa.

"Tulala na naman si Mommy, Dad."

Napakurap ako nang marinig ang sinabi ni Leira, sabay ngiti. "Ang sarap n'yo kasing
pagmasdan kaya natutulala ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na mayro'n akong
kayo."

"Naku patay, iiyak na naman ang mommy n'yo." Tudyo ng asawa ko.

"Hindi, ah." Tanggi ko pero naramdaman ko na nabasa ang pisngi ko. Tears of joy
lang 'to."

Ibinaba ni Lance si Shantia at kinabig ako palapit sa katawan niya. "I love you, my
Queen."

"I love you."

Hinalikan niya ako sa noo dahilan para ulanin kami ng panunukso mula sa mga bata.
Sa kabila nang paglipas ng panahon, lalong yumayabong ang pagmamahal namin sa isa't
isa at ang nakakatuwa, hindi kami nahihiya o naiilang na ipakita sa mga bata na
ganito pa rin kami kalambing sa isa't isa.

"Group hug!" Anunsiyo ni Leira at sabay-sabay silang yumakap sa aming mag-asawa.

Napuno ng tawanan ang buong sala.

Pagkatapos naming maglambingan na pamilya ay pumunta muna ako sa kusina para


maghanda ng mamemeryenda. Si Lance nama'y umakyat na sa taas para magpalit ng
damit.

Gumawa ako ng bread roll para sa mga bata. Paborito nila iyon. Nagtimpla din ako ng
juice.

Dala ang tray ay binalikan ko sila sa sala. Abala pa rin ang panganay ko sa
paggagawa ng mga DIY souvenirs katulong ang kambal..
"Ate Leira, mas maganda kapag may ganito, o." Dinig kong suhestiyon ni Shenaia sa
ate niya.

"You think so, sis?"

"Yup. But that's for me lang. Ikaw pa rin po ang masusunod because it's your
birthday."

Ginulo ni Leira ang buhok ng kapatid. "But I love your opinion, sis. It's more look
elegant."

"Talaga, Ate?"

"Yes. Thank you, sis. Ang galing talaga ng taste mo."

"Of course. Mana yata ako sa 'yo, Ate."

"Naku, binola mo pa ako."

"Of course not. That's true, Ate."

"Sige na nga, naniniwala na ako sa 'yo."

"Dapat lang, Ate."

Lalong naging matamis ang ngiti ko nang magpalitan ng ngiti ang dalawang dalaga ko.

Nakakataba ng puso na ganito sila ka-close sa isa't isa. Knowing na alam nilang
pareho na hindi sila tunay na magkapatid. It's our mutual decision na sabihin ang
totoo sa mga bata, 'ika nga mas masarap mamuhay na walang itinatago. Ang mahalaga,
magkakapatid ang turingan nila sa bawat isa.

"Mamaya na iyan, magmeryenda muna kayo, mga Anak." Saka ko pa lang nakuha ang
atensyon nila.

"Thanks, Mom." Si Leira at iniwan sandali ang ginagawa, saka nagmeryenda na.

Gano'n din ang ginawa ng kambal.

"Nasaan pala ang daddy at kapatid n'yo?"

"Pinapaliguan po ni Daddy si Shantia, natapunan po ng gatas sa damit,' My." Sagot


ni Shenaia.

"Umiral na naman siguro ang kalikutan ng kapatid ninyong iyon."

"Sinabi mo pa po, "My. Nilagyan niya ng straw lyong baso tapos itinagilid niya."
Sumbong ni Steve.

Sinabayan ko silang magmeryenda. Mayarnaya nama'y dumating na rin ang mag-ama na


parehong bagong paligo. Masayang pinagsaluhan

namin ang ginawa kong meryenda.

Nang matapos, bumalik kami sa pagpapagawa ng DIY souvenir. Habang si Lance at


Shantia ay naghaharutan sa couch. Nakahiga si Lance habang nakadagan sa kaniya ang
bunso namin.
"Daddy, what are you gonna do when I get married?"

Sabay-sabay na nabaling ang tingin namin sa mag-ama. At kitang-kita ko kung paano


malukot ang mukha ni Lance dahil sa out of the blue na tanong ni Shantia. Sobrang
daldal at tatas niyang magsalita sa edad na apat.

"Answer me, Daddy. What are you gonna do?"

"I live with you .^

"No, Daddy. You can't."

"Why not? I'm your father."

"Because Mamu taught us that married people should live on their own. Like you and
Mommy." Tukoy niya sa Mama ko.

"Yeah, but I want to live with you." Giit ni Lance, saka iniba ang usapan pero
mukhang hindi pa tapos ang bunso niyang inisin siya.

"Daddy, when I grow up, I want to have my own family. I want to have my own
children and my own husband." Inosenteng banat na naman ni Shantia.

"Matagal pa iyon, Anak. You only 4 years old kaya saka na natin pag-usapan iyan,
ha?"

"I want to marry when I am 50 years old, Daddy."

Natawa ako. Maging si Lance ay biglang umaliwalas ang mukha.

"Okay, you can get married when you are 50."

Natatawa ako sa pag-uusap nila nang bumaling sa akin si Shantia." Mommy, what age
are you when you marry Daddy?"

"I'm 24 years old." Napahagikhik ako nang pandilatan ako ni Lance. Tila.ba sinasabi
na bakit ko sinabi ang totoo.

"Oh, Daddy, wait. I changed my mind, I'll marry when I'm 24"

Mauutas ako sa kakatawa habang si Lance ay lukot na lukot ang mukha.

"Ate Leira, how about you? What age are you planning to marry? Patay! Ngumisi kasi
ito at turningin sa ama.

"I intend to marry at the age of 24 as well." Dagdag pang-iinis sa ama.

"Oh, God." Bulalas ni Lance. "That will be six years from now. I cannot

Tawang-tawa kami ni Leira dahil sa hitsura ng kanilang ama. Nang tanungin ni


Shantia si Shenaia ay 24 din daw ang gusto niyang age bago magpakasal.

Mauutas na ako habang si Lance ay tila nalaglag ang panga sa plano ng mga anak
niya.

"Why are you laughing, Mommy? It's not funny. Right, Daddy?" Si Shantia.

"Yes, it's not funny." Bumangon si Lance at tumayo.


"Where are you doing, Daddy?" Si Shenaia habang nakangisi sa ama.

"Sa kuwarto, inaantok ako."

"But Dad, we're still talking about marriage-"

"Stop it, Leira. Kapag hindi n'yo ako tinigilan, hindi ako a-attend ng debut mo."
Pananakot nito. "Humanap ka ng ibang daddy."

"Okay, Dad. Uncle Simon is always available."

"Leira!" Pinandilatan niya ang anak.

Tawang-tawa kaming mag-iina.

Nang makita naming pikon na ito ay saka pa lang namin tinigilan.

NANG MGA sumunod na sandali ay abala pa rin kami sa paggagawa ng souvenirs ni


Leira. Tumulong na rin sa amin si Lance. Habang busy, tuloy ang kuwentuhan naming
pamilya tungkol sa magaganap na debut ng aming panganay.

Hinayaan namin siyang pumili ng lahat para sa birthday niya. May tiwala kaming mag-
asawa sa taste niya at habang pinapakita niya sa amin ang lahat, masasabi kong tama
lang na hinayaan namin siya.

Mayarnaya'y pare-pareho kaming napatingin sa pinto nang marinig naming may nag-
doorbell.

"Ako na po ang magbubukas ng gate." Presinta ni Leira. Tumayo na siya't lumabas

Mayamaya'y bumalik. Halata sa mukha na kinakabahan.

"Bakit, Anak?" usisa ko. Na-gets ko naman ang gusto niyang iparating nang tumingin
sa akin. "Papasukin mo."

"Sige po." Muli siyang lumabas.

"Sinong papapasukin?" Kunot-noong tanong ni Lance.

"Si Xand-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang pumasok si Leira kasunod si
Xandrei MacQuen.

Ang lalaking gustong manligaw sa anak ko. Hindi pala siya nag-iisa, kasama ang
bunsong kapatid na si Alexander.

Napangiti ako nang pagtingin ko kay Shenaia ay pulang-pula ang mukha. Tumayo ako at
nginitian ang magkapatid.

"Good afternoon po, Sir, Ma'am." Magalang na bati ni Xandrei at walang kaabog-abog
na kinuha ang kanang kamay ko at nagmano.

Gano'n din ang ginawa ni Alexander dahilan para hindi ako makahuma.

"Mano po-"

"Oh, wait a minute." Napaatras si Lance nang wala sa oras at itinago ang kamay sa
likuran. "Huwag muna, utang na loob. Puwede na ako sa tango lang, ha."

Hindi ko napigilan ang matawa sa hitsura ni Lance. Tumingin siya sa anak namin at
naghihintay ng eksplinasyon kung bakit narito sa bahay namin ang binata.

"Dinala lang po nila ang regalo sa birthday ko, Daddy."

"Bukas pa ang birthday mo."

"Opo, pero ngayon niya po gustong ibigay."

"Oh, really?" Hanggang sa mapadako ang tingin nito kay Alexander na titig na titig
sa isa pang anak. "Syet!" Mahina niyang pagmumura kasabay ang panlalaki ng mga mata
nang mahuli na kinindatan si Shenaia.

Oh, God. Huling-huli ko na tila maiihi sa kilig ang anak ko.

"Kung wala na kayong kailangan sa mga anak ko, utang na loob magsiuwi na kayo."
Hinampas ko siya sa braso. "What? Can't you see that? Pinopormahan ng mga McQuen na
iyan ang mga prinsesa ko."

Natawa ako. "Dalaga na si Leira."

"And what about Shenaia? She's only 12 years old for Pete's sake, Sheena

Hinila ko siya papunta sa kusina.

"Lance." Tawag ko nang tangkang babalik sa sala.

"What? Pauuwiin ko na sila."

"Ano ka ba? Crush crush lang iyon."

"Kahit na."

Tinawanan ko siya dahilan para lalong malukot ang mukha. "Tubig, gusto mo?"

"Please." Binigyan ko siya ng tubig at pabirong hinagod ang likod. "Bakit ba ang
bilis ng panahon."

"Gano'n talaga. Wala tayong magagawa dahil doon talaga ang punta ng mga anak natin.
Hindi pa man tayo handa, darating at darating pa rin ang panahon na magkakaroon
sila ng nobyo at magkakapamilya. Kaya kapag may dumating para magsabi sa 'yo na
manliligaw sa mga anak mo, tanggapin mo nang maayos. Ayaw mo ba nang ganiyan, iyong
dito sa bahay pupuntahan ang mga anak natin at hindi sa kung saan-saan?"

Doon nawala ang gatla sa noo niya, saka ako inakbayan. "Siyempre gusto ko na dito
sa bahay, pero nagugulat pa rin ako. Kinakabahan ako, mga baby pa sila. Lalo na si
Shenaia, God, mukhang pilyo pa naman ang Alexander McQueen na iyon. Minsan na niya
akong tinawag na daddy"

"At least, hindi torpe."

"Sheena!"

"Joke lang. Don't worry crush crush lang iyan."

"I cannot. My precious daughters, oh, God."

Pabiro ko siyang kinurot. "Dalaga na ang panganay natin. At wala tayong dapat ipag-
alala dahil pinalaki natin siyang responsableng anak. Kilala natin si Leira kaya
pagkatiwalaan natin siya. Okay?"
Napilitan siyang tumango. "O-Okay."

Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay bumalik kami sa sala. Sabay kaming napahinto
nang makita na magkatabi si Leira at Xandrei sa couch.

Habang pinapanuod namin sila, parang nakikita ko ang sarili ko kay Leira. lyong
pilit itinatago ang kilig kahit parang sasabog na ang dibdib.

"Look at our Leira, ganiyan na ganiyan ako kapag nasa tabi kita, lyong kapag hindi
ka nakatingin, saka kita tititigan at mabilis na mag-iiwas ng tingin kapag titingin
ka

Naramdaman kong niyakap ako ni Lance mula sa likuran. Ipinatong ang baba sa balikat
ko. "Ayoko pa sana. Hindi pa ako handa, baby. Pero tama ka, pinalaki nating
responsable si Leira kaya pagkakatiwalaan ko siya"

Hinarap ko siya at yumakap sa beywang. "Gagabayan natin siya sa mga desisyong


pipiliin niya."

"Yeah I love you"

"I love you, too, Lance. Forever"

"And ever" Sagot niya bago namin sabay na inabot ang labi ng isa't isa.At ito na
talaga iyon. I finally got my happy ending

SECRETLY IN LOVE WITH MY BROTHER'S BEST FRIEND IS NOW Officially signing off!

GIRLONFIRE28

Maraming Salamat po sa inyong lahat. Tapos na po sila at kay Ivan at Trisha naman
ako. Finale na rin sila at SC then kay Annika at Derek na ako. God bless you all.
Lablab ko po kayong lahat.

You might also like