Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 8

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ang iyong
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang
itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. barangay b. paaralan c. pamahalaan d. pamilya
2. Ito ang pinakepektibong paraan upang gawing makatao at mapagmahal ang lipunan. Ano ito?
a. barangay b. paaralan c. pamahalaan d. pamilya
3. Kung walang pagmamahal, and pamilya ay hindi matatawag na _______________.
a. pamayanan ng mga tao c. institusyon ng lipunan
b. pag-asa ng bayan d. pamilyang may pagkakaisa
4. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
c. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
d. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama
nang habambuhay.
5. Ilan ang dahilang nagpapaliwanag na ang pamilya ay isang natural na institusyon?
a. lima b. anim c. pito d. walo
6. Ano ang konsepto ng pagtutulungan ay nagsisimula sa ____________.
a. ospital b. paaralan c. pamahalaan d. tahanan
7. Ang karapatan para sa _____________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
a. kalusugan b. buhay c. edukasyon d. pagkain at tahanan
8. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito
ay___________________.
a. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
b. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
c. pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
d. susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang.
9. Ang mga sumusunod na pahayag ay naglalarawan sa komunikasyon MALIBAN sa:
a. Ito ay anumang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kanyang iniisip at
pinahahalagahan, kabilang dito ang wila, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhuay at mga gawa.
b. Sa pamamagitan ng komunikaston ay naipapahayag ng mga kasapi ng pamilya ang kanilang mga
pangangailangan, ninanais at ang kanilang pagmamalasakit.
c. Nagkakaroon ng hindi-pagkakaintidihan ang bawat kasapi ng pamilya dahil sa paghahanapbuhay ng mga
magulang sa ibang bansa.
d. Sa pamamagitan ng komunikasyon, nagagawa ng mga kasapi ng pamilya na malutas ang mga suliraning
dumarating.
10. Ang diyalogo ay nagaganap sa pagitan ng _________ tao.
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
11. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng ________ bilang
paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang panlahat.
a. hanapbuhay b. libangan c. pagtutulungan d. kultura
12. Nalilinang ng tao ang kaniyang ________ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa mga
samahan.
a. pananagutan b. kagandahan c. talino d. kakayahan
13. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang magulang
b. Pagkakaroon ng mga anak
c. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
d. mga patakaran sa pamilya

14. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
a. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
b. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
b. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya.
d. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa.
15. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na
pagpapahalaga maliban sa:
a. pagtanggap b. katarungan c. pagmamahal d. pagtitimpi
16. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng
edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)?
a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak.
b. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa.
c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan.
d. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay.
17. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
a. pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral
b. pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga ito
ay matagumpay na malampasan
c. pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensiya at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila
ng Diyos upang paglingkuran at alagaan
d. malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng
kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito
18. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya MALIBAN sa:
a. pagtitiwala c. pagkakaroon ng ganap na kalayaan
b. pagtataglay ng karunungan d. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
19. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing
ispiritwal maliban sa:
a. ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
b. iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
c. maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya
d. ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya
20. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, maliban sa:
a. Naipakikita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika.
b. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan.
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa.
d. Naipahahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga.
21. Ano ang posibleng mangyari kung ang isang bata ay hindi naturuan ng mabuting pagpapasiya ng kanyang
magulang?
a. Makakatapos siya ng pag-aaral.
b. Magiging mabuti at masunuring bata ito.
c. Maaari siyang mapahamak dahil sa kanyang padalos-dalos na desisyon.
d. Mapapalawak pa ang kanyang kaalaman sa mga bagay-bagay sa mundo.
22. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving). Alin sa
sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
a. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang
maghahanapbuhay sa pamilya.
c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon sa
iskwela.
d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga nila nang
mabuti ang kanilang mga anak.
23. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa lipunan.
b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
d. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.

24. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang
hindi nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
b. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
c. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata.
d. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba.
25. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon naipapakita ang pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya?
a. Si Ana ang gumagawa ng lahat ng Gawain sa kanilang bahay.
c. Palaging nagtatalo ang mga magulang ni Ara dahil sa mga bayarin sa bahay.
c. Palagi na lamang pinagbubuhatan ng kamay si Angie ng kanyang ama tuwing ito ay nalalasing.
d. Tuwing umaga, mayroong kanya-kanyang tungkuling ginagawa ang pamilya nila Nena.
26. Ano ang maaaring mangyari kung walang pagtutulungan at pagmamahalan sa bawat kasapi ng pamilya?
a. Magiging masaya ang bawat kasapi ng pamilya.
b. Hindi magiging mahina ang pundasyon ng samahan ng pamilya.
c. Hindi magiging mabuti ang epekto nito sa isip at paglaki ng mga anak.
d. Magiging matalino ang mga anak dahil sa pagtuturo ng kanilang magulang.
27. Ano ang hamon sa komunikasyon sa pamilya sa modernong panahon?
a. pagpapalaglag c. nagkakasama ang pamilya tuwing araw ng Linggo
b. kawalang-galang sa nakatatanda d. Inilalayo ng mga anak ang sarili sa mga magulang
28. Araw-araw na lamang abala ang mga magulang ni Onyok sa kani-kanilang trabaho. Wala silang oras para
makipag-usap o kumustahin man lang si Onyok. Ano ang maaaring mangyari kay Onyok kung magpatuloy
ito?
a. Magiging matagumpay ang buhay ni Onyok.
b. Mahihilig na si Onyok sa pagkanta at pagsayaw.
c. Magiging palakaibigan at masayahin na si Onyok.
d. Maaaring maghanap ng kalinga si Onyok mula sa masasamang tao.
29. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
a. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.
b. Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya.
c. Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin.
d. Hindi maisusulong at maproprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung hindi nito alam
kung ano-ano ang karapatan at tungkulin nito.
30. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa
_______________.
a. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
b. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
c. pagtulong at pakikiramay sa kapwa
d. kakayahan ng taong umunawa
31. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao.” Ano ang ibubunga nito sa
isang tao kung ito ang kaniyang isasabuhay?
a. Nakatutulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema.
b. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang pakikipagkapwa tao.
c. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan.
d. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa
32. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, maliban sa:
a. Naipakikita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika.
b. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan.
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa.
d. Naipahahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga.
33. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng
magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
a. Buo at matatag c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
b. May disiplina ang bawat isa d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
34. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
a. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba
b. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya
c. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan
d. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang
mayroon siya
35. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagbabantay sa karapatan ng pamilya?
a. “Tutulan ang pagmimina sa Lingayen!”
b. Mahigpit pong ipinagbabawal ang panghuhuli at pagbebenta ng tiko sa baying ito!”
c. Suportahan po natin ang mga proyekting pabahay ng Gawad Kalinga!”
d. “Sahod itaas, Pasahe, ibaba!”
36. Anong karapatan ng pamilya ang itinataguyod ng naging sagot mo sa unang (#35) bilang?
a. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong sa pagpapatatag ng mga
pagpapahalagang pampamilya.
b. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
c. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito.
d. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal, at pang-
ekonomiyang seguridad.
37. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak?
a. Si Leonardo at Rose na nagpapaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa
kanilang mga anak.
b. Sina Edith at Jojo na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak ang
magandang buhay para sa kanilang hinaharap
c. Si Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga ito sa kanilang
mga gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang gagalawan lalo na sa
hinaharap.
d. Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan
ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban dahil malayo sila sa kanilang
pamilya.
38. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
a. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
b. Dahil sa bawat pagtulong na ginagawa ay may kapalit o bayad.
c. Sapagkat nagiging magulo ang pamilya kung nagtutulungan.
d. Sapagkat masaya ang magtulungan.
39. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
a. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng karapatan
ng magulang na sila ay turuan.
b. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa paaralan.
c. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
d. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.
40. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”
b. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
c. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”
d. “Bakit ba nahuli ka na naman?”

You might also like