Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

6

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Mga Pangyayaring Nagbigay-Daan sa
People Power 1

1
Araling Panlipunan – Ika-anim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:Mga Pangyayaring Nagbigay-Daan sa People Power 1
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Dayna D. Sergio


Editor: Gervie S. Garces
Nery O. Sabulao
Tagasuri: Nieves S. Asonio
Josephine T. Sardan
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Richie C. Naingue
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Carmelita A. Alcala EdD
Joelyza M. Arcilla EdD Rosela R. Abiera
Marcelo K. Palispis EdD Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay EdD Elmar L. Cabrera

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa upang matulungan ka sa mga kasanayang dapat
mong matutunan sa baitang na ito. Nais nitong maiparating sa iyo ang aralin tungkol
sa Mga Pangyayaring Nagbigay-Daan sa People Power 1 kahit wala ka sa silid-aralan.
Matatalakay dito ang lahat na pwedeng mong matutunan tungkol sa kung ano ang
mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagbuo ng People Power 1 sa ating bansa at
ang koneksiyon nito sa kalayaang tinatamasa natin ngayon.
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Most Essential Learning Competency:


Natatalakay ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay-
daan sa pagwawakas ng Batas Militar:

MGA LAYUNIN:

K - Natutukoy ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagbuo ng “People Power


1”.

S – Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagbuo


ng’’People Power 1”.

A - Nabibigyang halaga ang kontribusyon ng “People Power 1” sa muling pagkamit


ng kalayaan at kasarinlan sa mapayapang paraan.

1
Paano mo ito ipinakita o
Subukin ipinadama? Bakit mo
naramdaman ito?

Panuto: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy ng mga pahayag sa Hanay A. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang kwaderno.
HANAY A HANAY B

1. Ito ang partidong kinabibilangan ni Marcos sa A. NAMFREL


kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa
nangyaring snap election.

2. Sa kanya nanumpa si Pangulong Corazon B. Ramon Aquino


Aquino bilang pangulo ng bansa.

3. Siya ang Vice Chief of Staff ng Sandatahang C. Jaime Cardinal Sin


Lakas na tumiwalag sa Administrasyong
Marcos.

4. Ito ay isang kilusan na kinabibilangan ng mga D. KBL


mamamayan na nagbibigay ng libreng serbisyo
para mabantayan ang mga presinto at maiwasan
ang pandaraya sa halalan.

5. Siya ang Ministro ng Tanggulang Pambansa na E. Arturo Tolentino


tumiwalag sa Administrasyong Marcos.

6. Siya ang kumalaban ni Pangulong Marcos sa F. Juan Ponce Enrile


pagkapangulo sa nangyaring snap election.

7. Sa kanya nanumpa si Pangulong Marcos bilang G. CAPM


diumano nagwaging pangulo sa snap election

8. Nanawagan siya sa estasyon ng radio sa mga H. EDSA


mamamayan na tulungan sina Enrile at Ramos.

9. Siya ang naging Bise-Presidente ni Pangulong I. Cory Aquino


Marcos sa nangyaring snap election.

10. Ang lugar kung saan nangyari ang People J. Fidel V. Ramos
Power 1
K. Claudio Teehankee

2
Balikan
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin kung ang
isinasaad nito ay tama o mali. Iguhit ang kung ito ay tama at kung ito ay mali. Gawin
ito sa iyong sagutang kwaderno.

______1. Marami ang sumang-ayon kay Marcos nang gamitin niya ang kanyang
kapangyarihan sa pagdeklara ng Batas Militar.

______2. Pinahuli at ipinaaresto ni Marcos ang mga piling taong kalaban niya sa
politika at komentarista sa radyo at telebisyon na tumuligsa sa kanya.

______3. Dahil sa lawak ng kapangyarihan ni Marcos, maging ang larangan ng


pangangalakal ay kanyang nakontrol.

______4. Maituturing na isang demokratikong bansa ang pamahalaang pinairal ni


Marcos noong panahon ng Batas Militar.

______5. Lumaganap ang sistema ng nepotismo sa bansa sa panahon ng


paghahari ni Marcos.

______6. Lahat ng mamamayan ay nasiyahan sa pagpapatupad ni Marcos ng Batas


Militar sa bansa.

______7. Ang lahat na pangyayari sa panahon ng Batas Militar ay nagdulot ng


positibong epekto sa lahat ng mga mamamayang Pilipino. .

______8. Umiral ang Batas Militar sa bansa nang mahigit walong taon.

______9. Hindi binigyang-pansin ng administrasyong Marcos ang pagpapabuti ng


pisikal na kalagayan ng bansa gaya ng pagpapatayo at pagpapaayos ng
mga tulay at lansangan.

______10. Si Marcos ay namuno bilang isang diktador, kung saan, ang ganap na
kapangyarihang pamahalaan ng bansa ay nasa kanyang mga kamay sa
tulong ng militar.

3
Tuklasin
Panuto: Basahin ang tula. Sa iyong sagutang kwaderno, sagutin ang mga
sumusunod na mga tanong.

Mapayapang Rebolusyon
ni: Dayna D. Sergio

Mahigit tatlong dekada na ang nakalipas


Na ang mga Pilipino ay sama-samang nag-aklas
Laban sa rehimeng Marcos, sila ay nagpumiglas
Sa kalupitan at kasakiman, gusto na nilang makalabas.

Batas Militar na noon ay naghari


Naghatid ng takot, galit at pighati
Luha ng pait ang sa mga mata’y namutawi
Ekonomiya’y bumagsak, maraming buhay ang nasawi.

Ngunit magkaganoon pa man, Pilipino’y handang lumaban


Sila’y nagka-isa upang harapin problema ng bayan
Bitbit at sigaw: Katotohanan! Katarungan! Karapatan!
Nagsikap patalsikin ang Diktador ng Bayan

Kapit-bisig na hinarap ang magigiting na sundalo


Binigyan ng bulaklak, inumin, pagkain at rosaryo
Ipinahayag ang hinaing, mabuti’t isip ay nagbago
Mga tangke de gyera’t baril ay ‘di na ginamit sa mga tao

Mapayapang rebolusyon sa EDSA ay dapat pahalagahan


‘Pagkat dito nagwakas at nasupil ang pang-aaping naranasan
Napababa sa puwesto ang Pangulong makapangyarihan
At nakamit muli ang matagal nang inaasam na kalayaan.

1. Ilang dekada na ang nakalipas matapos maghari ang rehimeng Marcos sa ating
bansa?
2. Ano-ano ang mga epekto ng Batas Militar sa mga mamamayang Pilipino?
3. Ano ang ginawa ng mga Pilipino para masolusyunan ang problema ng bayan?
4. Sa ikaapat na saknong, ano pa ang masasabi mo sa mga sundalo maliban sa sila
ay magigiting?
5. Sa palagay mo, bakit kaya pinamagatang “Mapayapang Rebolusyon” ang tula?

4
Suriin

1986 Snap Election


Dahil sa malalang kalagayan ng ating
bansa, ang mga dayuhang namumuhunan
at mangangalakal sa bansa lalo na ang
Amerika, pati na ang International Monetary
Fund at World Bank na nagpapautang sa
bansa, ay nangamba. Ibig nilang malaman
ang tunay na kalagayan ng bansa at
kredibilidad ni Pangulong Marcos. Para
patunayan na mabuti ang kalagayan ng
Pilipinas at may tiwala ang mga Pilipino sa
https://bit.ly/2DAXkX5 kanyang pamamahala, nagpatawag si
Pangulong Marcos ng Snap Election o biglaang eleksiyon noong Pebrero 7, 1986.
Tumakbong muli si Pangulong Marcos sa pagkapangulo. Siya ay lubos na
umaasa na siya’y muling magwawagi sapagkat ilang beses na niyang napatunayan
ang suporta sa kanya ng mga mamamayan. Ang kanyang nakatunggali ay si Corazon
“Cory” Aquino na sa katunayan ay hindi ninasang pumasok sa politika. Subalit marami
ang sumuporta kay Cory dahil sa paniniwalang siya ang karapat-dapat na kandidatong
lumaban https://bit.ly/2DAXkX5
kay Marcos. Bilang asawa ng pinatay na lider na si Ninoy, siya ang
pinakabuhay na biktima ng kasamaan ng rehimeng hindi marunong kumilala sa
karapatang pantao. Sa pamamagitan ng isang milyong pirmang kinalap ng Corazon
Aquino for President Movement (CAPM) sa pamumuno ni Joaquin “Chino” Roces si
Cory ay napapayag na lumaban kay Marcos. Si Marcos at ang kanyang Bise-
Presidente na si Arturo Tolentino ay nasa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan
(KBL) samantalang si Cory at ang kanyang Bise-Presidente na si Salvador Laurel ay
nasa ilalim ng United Nationalist Democratic Organization (UNIDO).

Sa panahon ng snap election ay


pinahihintulutang lumahok sa bilangan ang
NAMFREL o National Citizen’s Movement for
Free Elections na pinamumunuan ni Jose
Concepcion, isang mangangalakal. Ang himpilan
ng NAMFREL ay nasa La Salle Green Hills
samantalang ang COMELEC (Commission on
Elections) ang opisyal na namamahala sa
bilangan tuwing eleksiyon ay nakahimpil sa
Philippine International Convention Center Pangagampanya ni Aquino at Laurel
(PICC). Sa pagbibilang ng boto ay parehong https://bit.ly/3ibjVIF

5
gumamit ng computer ang dalawa, subalit nakapagtatakang, magkaiba ang itinatalang
resulta ng mga ito. Sa bilangan ng COMELEC, nanguna si Marcos ngunit sa
NAMFREL malinaw na nanguna si Cory. Pagsapit ng ikasampu ng gabi noong
Pebrero 15, 1986 ang mga taong nagbibilang sa COMELEC na may hawak ng mga
resulta ng boto ay nagwalk-out sa pangunguna ni Linda Kapunan dahil sa umano’y
pandaraya. Sa gitna ng kaguluhang ito sa bilangan ay iprinoklama ng Batasang
Pambansa noong ika-16 ng Pebrero 1986 na sina Marcos at Tolentino ang mga
nagwagi sa eleksiyon at may lamang na higit sa limang daang libong boto laban sa
mga katunggali nito. Samantala, ayon sa NAMFREL sina Cory Aquino at Salvador
Laurel ang nagsipagwagi sa halos 800,000 boto. Ito ay nagdulot ng malaking insulto
sa mga Pilipino sapagkat hayagang nagkakaroon ng dayaan sa mga oras ng bilangan.
Dahil sa resultang ito ay hinikayat ni Cory Aquino ang mamamayang Pilipino na mag
protesta. Isang kampanya nang di pagsunod o civil disobedience ang inilunsad ni Cory
upang paralisahin ang rehimeng Marcos.

Bilang reaksiyon sa ginawang proklamasyon ng Batasan ay nagdaos ng isang


rali na tinawag na Tagumpay ng Bayan ang sambayanang Pilipino sa pangunguna
nina Cory Aquino at Salvador Laurel sa Luneta Park sa araw ding idineklarang
nagwagi sina Marcos. Naging maalab ang suportang ginawa ng sambayanang Pilipino
sa panawagang ito. Ibinoykot ng mga mamamayan ang mga kalakal at paglilingkod
na nagmumula sa mga krony ni Marcos. Hinikayat din ni Cory ang mga mamamayang
huwag magbayad ng buwis, kuryente at tubig, at iboykot ang media na kakampi ng
pamahalaan, gayundin ang mga bangko at komersiyal na produktong katulad ng beer,
softdrinks at iba pa. Ang pagpanig ng maraming Pilipino sa kinikilalang tunay na
nagwagi sa snap election ay nagpakita lamang kung paano kinimkim ng
sambayanang Pilipino ang kanilang galit sa rehimeng Marcos.

Ang 1986 EDSA PEOPLE POWER


Nangyari ang mapayapang rebolusyon sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986
bunga ng pagnanais ng mga mamamayang magkaroon ng pagbabago sa bansa. Ang
People Power ay nagsimula nang si Juan Ponce Enrile, ministro ng Tanggulang
Pambansa at si Heneral Fidel Ramos, ang Vice Chief of Staff ng Sandatahang Lakas
ay tumiwalag sa Administrasyong Marcos. Naniniwala
silang hindi si Marcos ang inihalal ng taong-bayan
kundi si Cory Aquino. Kaya noong ika-22 ng Pebrero
1986 ay ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa
tungkulin. Sa pamamagitan ng Radio Veritas ay
nanawagan sila sa mga mamamayan na suportahan
sila at bigyan ng proteksiyon ang mga militar na
Fidel V. Ramos at Juan Ponce Enrile
tumiwalag sa pamahalaan.
https://bit.ly/3gAmkfC

6
Sa pangyayaring ito ay nanawagan din si Marcos sa telebisyon, nakiusap siya
sa dalawang sumuko at itigil na ang kanilang ginagawang paglaban sa pamahalaan.
Subalit hindi sila natinag sa kanilang ginawang desisyon. Lalong tumibay ang kanilang
loob nang manawagan sina Jaime Cardina Sin at Agapito Aquino, kapatid ng yumaong
Benigno Aquino na magtungo ang mga tao sa EDSA (Epifanio delos Santos Avenue)
sa paligid ng Camp Crame at Camp Aguinaldo kung saan nagkubli sina Enrile at
Ramos kasama ang iba pang mga sundalo. Ilang saglit lamang ang lumipas at
dumagsa na ang napakaraming tao sa EDSA. May dala-dala silang inumin, pagkain,
bulaklak at rosaryo para sa mga sundalo. Dito
Mga Pangyayari sa EDSA People Power 1 ganap na nagsimula ang tinaguriang People
Power sa EDSA o People Power 1.
Nagpadala si Marcos ng mga sundalo at
tangke sa EDSA ngunit buong tapang itong
sinalubong ng mga mamamayan, kasama ang
mga pari at madre. May dala silang inumin,
pagkain, bulaklak at rosaryo. Ibinigay ang mga
ito sa mga sundalo. Pinakiusapan nila ang mga
loyalistang sundalo na huwag paputukin ang
mga baril at tangke sa kapwa nila Pilipino.
https://bit.ly/3fuMEX9
Inanyayahan nilang makiisa at sumama na ang mga ito sa kanilang panig. Nagdasal
at nagkantahan ng makabayang awitin ang mga tao.

Ang Pagwawakas at Resulta ng Rebolusyon


Noong Pebrero 25, ganap nang nagtagumpay ang sambayanang Pilipino. Sa
harap ni Mahistrado Claudio Teehankee si Corazon C. Aquino ay nanumpa bilang
pangulo ng bansa, samantalang si Salvador
Laurel ay nanumpa bilang pangalawang pangulo
sa harap ni Mahistrado Vicente Abad Santos sa
Greenhills, San Juan na dinaluhan ng libu-libong
Pilipino.
Sa kabilang dako, sa Malacañang ay
nanumpa rin si Marcos bilang nagwaging
pangulo diumano sa harap ni Punong
Mahistrado Ramon Aquino. Ngunit batid ng Ang panunumpa ni Pangulong Corazon Aquino
sa harap ni Mahistrado Claudio Teehanke
pamilyang Marcos na wala na silang magagawa
https://bit.ly/2XNvdeB
upang sila ay manatili pa sa posisyon dahil ang taumbayan na ang
kanilang kalaban. Dahil dito, noong gabi ng Pebrero 25, 1986, ang pamilyang Marcos,
kasama ang kanilang malalapit na kaibigan ay umalis sa Malacañang sakay ng
helicopter patungong Clark Field at mula rito ay tumuloy sa Hawaii sa Estados Unidos.
Sa wakas natapos na ang paghahari ng pamilyang Marcos. Ang mapayapang
rebolusyong tumagal nang apat na araw ang nagwakas sa paghahari ng pamahalaang
diktatoryal. Noong araw na iyon ay napuno ng kagalakan at pagdiriwang ang

7
sambayanang Pilipino sapagkat sa wakas ay kanilang naibalik ang tunay na
demokrasya at katarungang matagal na nilang inaasam-asam.

Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga nakatalang pangyayari sa pamamagitan ng
pagsulat ng 1 hanggang 5 sa ibabaw ng linya. Gawin ito sa iyong sagutang kwaderno.

A. Snap Election
______ Nagwalk-out ang mga taong nagbibilang sa COMELEC.
______ Inilunsad ni Cory ang kampanyang civil disobedience.
______ Ipinagpatuloy ng Batasang Pambansa ang pagbibilang ng boto.
______ Lumikom ang CAPM ng isang milyong pirma para makumbinsing tumakbo
si Corazon Aquino sa pagkapangulo.
______ Nagdaos si Pangulong Marcos ng isang snap election.

B. Rebolusyon sa EDSA noong 1986


______ Ipinahayag nina Minister Juan Ponce Enrile at Heneral Fidel Ramos ang
kanilang pagbibitiw sa tungkulin.
______ Nanumpa si Aquino bilang pangulo ng bansa.
______ Nanawagan sina Jaime Cardinal Sin at Agapito Aquino na magtungo ang mga
tao sa EDSA.
_______Umalis papuntang Hawaii si Marcos kasama ang kanyang pamilya at ilang
kaibigan.
_______Nagpadala si Marcos ng mga sundalo at tangke sa EDSA ngunit buong
tapang itong sinalubong ng mga mamayan.

Gawain B

Panuto: Isulat ang kung ang ipinapahayag nito ay nagsasaad ng pagpapahalaga


sa EDSA PEOPLE POWER 1 sa pagbabalik ng demokrasya sa ating bansa at
kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang kwaderno.

_____ 1. Igalang ang karapatan ng kapwa.


_____ 2. Tumulong sa mga proyektong magpapaunlad ng bansa.
_____ 3. Samantalahin ang kahinaan ng kapwa.
_____ 4. Kamag-anak lang na kumandidato ang iboto tuwing eleksiyon.

8
_____ 5. Ipagtanggol ang bansa sa lahat ng oras.
_____ 6. Tangkilikin ang mga produktong galing sa ibang bansa nang higit sa mga gawang
Pinoy.
_____ 7. Umasa lagi sa tulong ng magulang at mga kamag-anak.
_____ 8. Kunin nang palihim ang mga bagay na gusto mo kahit hindi sa iyo.
_____ 9. Isumbong sa awtoridad ang mga gawaing kahina-hinala na iyong nakita.
_____ 10. Sundin ang mga batas ng pamahalaan.

Isaisip
Panuto: Punan ang mga patlang para makompleto ang graphic organizer. Hanapin
sa loob ng kahon ang tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang kwaderno.

Mga pangyayaring nagbigay-daan sa


pagbuo ng EDSA People Power 1

• Nagkaroon ng dayaan sa _______1________.


• Nagbitiw sa tungkulin sina _______2________, Ministro ng Tanggulang
pambansa at _______3________, Vice Chief of Staff ng Sandatahang
Lakas.
• Nanawagan sina _______4________ at _______5________ na kapatid ni
Ninoy Aquino na magtungo ang mga tao sa EDSA.
• Nagtipon-tipon ang mga tao sa _______6_______ na may dalang
_______7________, _______8________, _______9________ at
_______10________ para sa mga sundalo.

PEOPLE POWER 1

Fidel V. Ramos inumin damit


pagkain Corazon Aquino bulaklak
Juan Ponce Enrile Agapito Aquino snap election
Jaime Cardinal Sin rosaryo EDSA

9
Isagawa
Panuto: Iguhit ang mga pangyayaring naganap sa kasagsagan ng “EDSA People
Power 1”. Sa likuran na bahagi ng iyong guhit ay gumawa ng isang Liham
Pasasalamat sa mga taong nakiisa sa mapayapang rebolusyon sa EDSA.
Gawing gabay ang Rubrik sa pagsasagawa ng mga gawaing ito.

Rubrik sa Pagbibigay Puntos sa Guhit na Nagpapakita ng


Pangyayari sa EDSA People Power 1
Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan
pa ng Pagsasanay Puntos
4 3 2 1
Naipapakita ang Naipapakita ang Naipapakita ang Naipapakita ang isa
lahat na nangyari halos lahat na ilan sa mga sa mga nangyari sa
sa People Power nangyari sa nangyari sa People Power 1
1 People Power 1 People Power 1
Naipahayag nang Naipahayag May kahirapang Wala gaanong
maayos ang nang bahagya maunawaan ang mensaheng
mensahe sa ang mensahe mensahe sa naipahayag sa
iginuhit sa nabuong nabuong likha likha.
likha
Napakahusay at Mahusay at Katamtaman ang Hindi maayos ang
higit pa sa nakatugon sa elementong elementong display
elementong inaasahang display na visual na visual
display na visual elementong
display na visual
Malinis at maayos Maayos ang Katamtaman ang Ordinaryo at hindi
ang kabuuan at kabuuan ng kaayusan at naging kaakit-akit
naging kawili-wili likha kagandahan ng ang likha.
sa paningin likha
Nasusulat nang Nasusulat nang Hindi Hindi maintindhan
napakalinaw ang malinaw ang masyadong ang mensahe para
mensahe para sa mensahe para malinaw ang sa mga nakiisa sa
mga nakiisa sa sa mga nakiisa mensahe para rebolusyon at
rebolusyon at sa rebolusyon at sa mga nakiisa walang tamang
gumamit ng mga gumamit ng sa rebolusyon at bantas na ginamit
tamang bantas sa ilang tamang kaunti lang ang sa pagsulat
pagsulat bantas bantas tamang bantas
sa pagsulat na ginamit sa
pagsulat
KABUUANG PUNTOS

10
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano ang tinutukoy nito.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang kwaderno.

1. Sa mga araw na ito nangyari ang makasaysayang Rebolusyon sa EDSA.


A. Pebrero 19-22, 1986 C. Pebrero 22-25, 1986
B. Pebrero 16-19, 1986 D. Pebrero 24-27, 1986

2. Ito ang ahensya ng pamahalaang opisyal na namamahala sa bilangan tuwing eleksiyon.


A. NEM B. CAPM C. NAMFREL D. COMELEC

3. Ito ang partidong kinabibilangan ni Cory noong siya ay kumandidato bilang pangulo
ng bansa.
A. UNIDO B. Nacionalista C. Lakas D. Liberal

4. Dito tumungo ang pamilyang Marcos kasama ang kanilang malalapit na kaibigan
noong sila ay umalis sa Pilipinas.
A. Australia B. China C. Hawaii D. Singapore

5. Siya ang Bise-Presidente ni Corazon Aquino sa nangyaring Snap Election.


A. Arturo Tolentino C. Fidel Ramos
B. Salvador Laurel D. Jose Conception

6. Siya ang Vice Chief of Staff ng Sandatahang Lakas na tumiwalag sa Administrasyong


Marcos.
A. Fidel V. Ramos C. Salvador Laurel
B. Juan Ponce Enrile D. Arturo Tolentino

7. Ito ay nangangahulugang isang mapayapang paraan ng pagtutol sa mga


ipinatutupad ng pamahalaan at di pagtangkilik sa mga serbisyong ibinibigay nito.
A. mapayapang demonstrasyon C. Lakas ng Bayan
B. coup d’etat D. civil disobedience

8. Ito ang uri ng pamahalaang umiral matapos mapabagsak ang rehimeng Marcos.
A. Aristokrasya B. Demokrasya C. Monarkiya D. Awtokrasya

11
9. Ano ang ginawa ng mg Pilipinong nakiisa sa People Power 1 sa mga sundalong
pinadala ni Marcos?
A. Sinalubong nila ito ng sigawan. C. Binigyan nila ng mga damit at inumin
B. Linabanan nila ang mga sundalo. D. Binigyan nila ng pagkain, inumin, at rosaryo

10. Bakit nagkaroon ng snap election?


A. Dahil matagal ng walang eleksiyong naganap
B. Para mapatunayan ni Marcos na may karapatang bumuto ang mga tao sa Pilipinas.
C. Para mapatunayan na may tiwala pa ang mga taong-bayan kay Marcos
D. Wala sa mga nabanggit.

Karagdagang Gawain

Ang mga pangyayari sa EDSA ay nabalita sa buong mundo, bagay na hinangaan ng


maraming nasyon. Sadyang kahanga-hanga ang kabayanihan, katapangan, at
pagkakaisang ipinamalas ng mga Pilipino makamit lamang muli ang inaasam-asam
na demokrasya at katarungan.
Mag-isip ka ng mumunting paraan na maipakikita mo ang iyong kabayanihan at wagas
na pagmamahal sa Inang Bayan upang mabigyang-halaga ang kontribusyon ng
People Power 1 sa kalayaang tinatamasa natin ngayon. Itala ang iyong sagot sa mga
bilog sa grapic organizer. Gawin ito sa iyong sagutang kwaderno.

Ang magagawa ko
para hindi
masayang ang
kontribusyon ng
EDSA People
Power 1 sa ating
kalayaan:

12
13
Pagyamanin Balikan
Gawain A Tuklasin 1. Subukin
A. Snap Election
1. mahigit tatlong dekada 2. 1. D
3
5 3. 2. K
2.
4 3. J
2 3. 4.
4. A
1 5.
4. 5. F
B. Rebolusyon sa EDSA 5 6. 6. I
1 7. 7. B
4
2 8. 8. C
5 9. E
9.
3 10. H
10.
Susi sa Pagwawasto
14
Karagdagang Tayahin Isagawa Isaisip Pagyamanin
Gawain 1. C - Gawing 1. snap election Gawain B
- Maaaring gabay ang
2. D
magkakaiba-iba Rubrik sa 2. Juan Ponce Enrile
ang mga sagot. 3. A pagbibigay ng
puntos. 3. Fidel V. Ramos 1.
4. C
5. B 4. Jaime Cardinal Sin 2.
6. A 5. Agapito Aquino 3.
7. D 6. EDSA 4.
8. B
7. pagkain 5.
9. D
8. inumin 6.
10. C
9. bulaklak 7.
10. rosaryo 8.
9.
10.
Sanggunian

Mga Aklat
Julian, A.B. and Lontoc, N.S. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.; 2018. 337-352 p.
Antonio, E. D. et al. Kayamanan. Quezon City: Rex Publishing; 2015. 258-260 p.

Mga Larawan
https://bit.ly/2DAXkX5 - Marcos at Tolentino
https://bit.ly/3ibjVIF - Pangangampanya ni Aquino at Laurel
https://bit.ly/3gAmkfC - Fidel V. Ramos at Juan Ponce Enrile
https://bit.ly/3fuMEX9 - Mga Pangyayari sa EDSA People Power 1
https://bit.ly/2XNvdeB - Panunumpa ni Cory

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like