Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

WASTO AT MATALINONG

PANGANGASIWA SA MGA
PANGUNAHING
PINAGKUKUNANG
YAMAN
LESSON INTRODUCTION

Ang Pilipinas ay isa lamang sa mga bansa sa buong mundo na sagana sa mga
pinagkukunang yaman. Makikita sa mga rehiyon at lalawigan ng bansa ang iba’t-ibang
pinagkukunang yaman na nagbibigay kabuhayan sa mamamayan at nagpapaunlad sa
kabuuang ekonomiya ng bansa. Maraming pakinabang ang nakukuha mula sa mga
pinagkukunang yaman. Kaya sa paksang ito, matututuhan ng mga mag-aaral ang wasto
at matalinong pangangasiwa sa mga pangunahing pinagkukunang yaman bilang
mamamayan ng bansa at ng mundo. Mahalaga na maisabuhay ang mga paraan ng
matalinong pangangasiwa upang makatulong sa pagtugon sa mga suliranin at hamong
kinakaharap ng mga pangunahing pinagkukunang yaman.

LESSON OBJECTIVES

(WHAT I NEED TO KNOW / ALAMIN)


Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naiisa-isa ang wasto at matalinong pamamaraan sa pangangasiwa ng mga
pangunahing pinagkukunang yaman.
2. Naipaliliwanag ang wasto at matalinong paraan ng pangangasiwa sa mga
pangunahing pinagkukunang yaman.
3. Napahahalagahan ang matalinong pangangasiwa sa mga pangunahing
pinagkukunang yaman sa pamamagitan ng isang malikhaing presentasyon.
4. Nakagagawa ng isang mabuti at matalinong gawain sa pangangasiwa sa mga
pangunahing pinagkukunang yaman.
5.
PRETEST

PANUTO: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng


bawat pahayag at MALI naman
kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Ang wasto at matalinong pangangasiwa sa mga


pinagkukunang yaman ay nagdudulot ng mabuting
epekto sa kabuhayan ng tao.
2. Ang pagputol sa mga punong may sapat na gulang ay
nagpapakita ng matalinong pangangasiwa sa yamang
gubat.
3. Napipigilan ang pagguho ng lupa kung patuloy ang
pagmimina ng walang sapat na kaalaman.
4. Ang paggamit ng mga nakalalasong kemikal sa
panghuhuli ng isda sa mga ilog at sapa ay nakakabuti
sa mga yamang tubig.
5. Isang halimbawa ng matalinong pangangasiwa ang

paggawa ng pataba sa lupa gamit ang mga nabulok


na dahon, basura, at dumi ng hayop sa compost pit.
LESSON PROPER

DISCUSSION (WHAT IS IT/TALAKAYIN)

Ang Pilipinas ay isa sa mga tropikal na bansa sa mundo na sagana sa iba’t-ibang


pinagkukunang yaman. Mayroon tayong mayaman na kagubatan, pangisdaan, at minahan na
nakatutulong sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng bawat mamamayan. Makikita ang mga ito sa
mga lalawigan at rehiyon sa buong bansa. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang mga
pinagkukunang yaman ay unti-unting nasisira at naglalaho dahil sa mga gawain ng tao na
nagdudulot ng masamang epekto sa mga ito. Ang malalakas na bagyo, pagbaha, pagguho ng
lupa, at unti-unting pagkaubos ng mga hayop sa kagubatan ay iilan lamang sa mga epekto ng
di matalinong pangangasiwa ng mga pinagkukunang yaman na nakakaapekto rin sa
pamumuhay ng mga tao. Ito ay katotohanang nangyayari hindi lang sa mga rehiyon at
lalawigan sa Pilipinas kundi pati na sa ibang mga bansa sa buong mundo.

Paano kaya natin mapapangalagaan ang mga pinagkukunang yaman? Anoanong paraan o
hakbang ang dapat gawin upang mapangasiwaan nang wasto ang mga ito? Narito ang ilang
mga paraan sa wasto at matalinong pangangasiwa ng mga pangunahing pinagkukunang
yaman.

Wasto at Matalinong Pangangasiwa sa mga Pangunahing Pinagkukunang Yaman.

Yamang Kagubatan Yamang Tubig Yamang Mineral Yamang Lupa

1.Pagtatanim ng 1.Pag-iwas sa 1. Pagkontrol 1.Pagpapalit ng


puno sa mga paggamit ng mga sapolusyong idudulot pananim upang
nakakalbo at kasangkapang ng pagmimina. makatulong sa
nakatiwangwang na nakapipinsala sa pagpapanatili ng
gubat. pangingisda. 2. Pag-aaral sa pagiging mataba ng
makabago at lupa.
2.Hindi 2.Pag-iwas sa siyentip-
pagpapahintulot sa paggamit ng ikong pamamaraan 2.Panghihikayat sa
gawaing pagkaingin. bangkang de motor ng pagmimina sa mga mama-
sa pangingisda. bansa. mayan na mag-
3.Pagputol ng tanim gamit ang
punong may sapat na 3.Pagsasaayos sa 3. Pag-iingat Bio Intensive
gulang lamang lugar ng bakawan sa sapagkasira ng Gardening (BIG).
pangingisda. lupang- minahan.
LESSON PROPER

DISCUSSION (WHAT IS IT/TALAKAYIN)

Wasto at Matalinong Pangangasiwa sa mga Pangunahing Pinagkukunang Yaman.

Yamang Kagubatan Yamang Tubig Yamang Mineral Yamang Lupa

4.Pagbili ng mga 4.paggamit ng 3. Paggamit ng


pinutol na puno. lambat na may mga nabubulok na
malalaki o dahon, basura, o
5.Paghuli ng mga katamtamang dumi ng hayop sa
ibon sa panahon butas. compost pit bilang
lamang ng open pataba ng lupa.
season. 5.Hindi pagtatapon
ng dumi o basura 4. Pagtatanim sa
sa dagat, ilog, lawa pagitan ng mga
o sapa. pananim upang ang
lupang ibabaw ay
mapanatiling
mataba.

Mga Tanong:
1. Ano-ano ang wasto at matalinong pamamaraan sa pangangasiwa ng mga
pangunahing pinagkukunang yaman? Bakit mahalaga na malaman ang tungkol
dito?

2. Ano-ano ang posibleng epekto sa tao kung hindi mapangangasiwaan nang may
katalinuhan ang mga pinagkukunang yaman?

3. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong maaring gawin sa mga inilahad na
pamamaraan sa matalinong pangangasiwa ng mga pangunahing pinagkukunang
yaman?
LESSON PROPER

GENERALIZATION (WHAT I HAVE LEARNED/ISAISIP)

PANUTO: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat pahayag. Iguhit sa patlang ang masayang
mukha kung tama ang isinasaad ng pahayag, at malungkot na mukha naman kung mali.

_______1. Mapapangalagaan ang mga pinagkukunang yaman kung ang tao ay may
wasto at matalinong pangangasiwa sa mga ito.
_______2. Ang pagpapatupad ng mga pamantayan o batas ay hindi nakatutulong sa
pangangalaga ng mga pinagkukunang yaman.
_______3. Ang Yamang Lupa, Yamang Kagubatan, Yamang Mineral, at Yamang Tubig
ay mga pangunahing pinagkukunang-yaman.
_______4. Lalong maghihirap ang mga tao at babagsak ang ekonomiya kung may
matalinong pangangasiwa sa mga pinagkukunang yaman.
_______5. Malaki ang papel na ginagampanan ng mga pinagkukunang yaman sa
pagpapaunlad ng hanapbuhay ng tao.
LESSON PROPER

APPLICATION (WHAT I CAN DO/ISAGAWA)

Upang mailapat ng mga mag-aaral ang kanilang natutuhan sa leksyong ito, hahatiin ang klase
sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay magtatampok ng isang epektibo at matalinong paraan sa
pangangasiwa ng mga pinagkukunang yaman. Maaring ang paraan ay ginagawa na sa bahay,
paaralan, o komunidad. Pagkatapos ay ibabahagi nila ito sa klase sa pamamagitan ng isang
malikhaing paglalahad. Gagamitin ang rubriks bilang gabay sa Gawain.

Pamantayan Napakahusay Mahusay Kailangang


Magsanay
Nilalaman Napakalawak ng Malawak ang Hindi tiyak ang mga
impormasyong impormasyong impormasyong
binigay. ibinigay. ibinigay.
Paglalahad Napakalinaw at Malinaw at maayos Hindi gaanong
napakaayos ng ang paglalahad. malinaw at maayos
paglalahad. ang paglalahad.
Kaayusan Napakaayos ang Maayos ang Hindi gaanong
pagkasunod-sunod pagkasunod-sunod maayos ang
ng mga ng mga pagkasunod-sunod
impormasyon. impormasyon. ng mga
impormasyon.
ASSESSMENT

TAYAHIN
PANUTO: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat pahayag.
Isulat ang WASTO kung ang kilos na isinasaad ay tumutukoy sa
matalinong pangangasiwa ng pinagkukunang yaman at DI-
WASTO naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Maagap na pagtatanim sa mga nakakalbo o tiwangwang na


gubat.

2. Pagmimina nang kulang ang kaalamang panteknolohiya.

3. Pag-iwas sa paggamit ng mga kasangkapang nakapipinsala


sa pangingisda.

4. Paggamit ng lambat na may malalaki o katamtamang mga


butas ay isang matalinong pangangasiwa sa mga yamang
tubig.

5. Pagtatapon ng duming mula sa mga pabrika sa katubigan na


nagdudulot ng polusyon.
ANSWER KEY

PRE-TEST REVIEW ACTIVITY


1.TAMA 1.PAGMIMINA 1.X
2.TAMA 2.PAGGUGUBAT 2.
3.MALI 3.PAGSASAKA 3.X
4.MALI 4.PANGINGISDA 4.
5.TAMA 5.
ENRICHMENT GENERALIZATION ASSESSMENT
ACTIVITY
1.MASAYA 1.WASTO
2.MALUNGKOT 2.DI-WASTO
“Depende sa 3.MASAYA 3.WASTO
sagot ng bata” 4.MALUNGKOT 4.WASTO
5.MASAYA 5.DI-WASTO
THANK YOU!
GOD BLESS!

You might also like