Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

BANGHAY-ARALIN

PANGALAN NG GURO RONALD FRANCIS S. VIRAY ASIGNATURA AT ANTAS KOMUNIKASYON AT


PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO GR 11
PETSA NG OBSERBASYON Nobyembre 20, 2023 SILID-ARALAN GR 11 SCIENTIA
ORAS 11:00 – 12:00 PANGALAN NG GUSALI SHS Building

Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa


PAMANTAYANG PANGNILALAMAN lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood (F11PD-IIb-88)

Ang mga mag-aaral ay makapagsasagawa ng isang pag-uulat ukol sa elemento,sangkap at


PAMANTAYANG PAGGANAP uri ng dula. Makapagsasagawa ng isang dula na kanilang gagayahin(Sa Pula Sa Puti ni
Francisco Soc Rodrigo.)

PAKSA
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula at Dula, Sitwasyong Pangwika sa Text, sa Social
Media/Internet at sa Kalakalan

Dula

Mga Uri ng Dulang Pilipino


 Komedya
 Trahedya
 Melodrama
 Parsa
 Parodya
 Proberbyo

Elemento ng Dula
 Iskrip
 Aktor
 Dayalogo
 Tanghalan
 Director
BANGHAY-ARALIN
 Manonood
 Tema

Sangkap ng Dula
 Tagpuan
 Tauhan
 Sulyap sa suliranin
 Saglit na kasiglahan
 Tunggalian
 Kasukdulan
 Kakalasan
 Kalutasan

Domain Kasanayang Tasks Kagamitan


Pagkatuto/ Layunin
Gamit Ang mga mag-aaral ay
ng Wika inaasahang…
Pagdarasal
sa
Lipunan Pambungad na Panalangin: Nakatalagang Mag-aaral (Pinapayagan ang mga mag-aaral na ipahayag ang kanilang sarili ayon
1. Natutukoy ang sa kanilang sariling doktrina o Pananampalataya) Pagbati at “Kamustahan
kahulugan ng
dula. Pagsisiyasat sa mga mag-aaral

Sisiyasatin ang mga lumiban sa klase at sisiyastin din ang silid para sa maayos at masiglang
2. Naiisa-isa ang talakayan.
mga
elemento,sangkap MGA PAALALA: PPT
at uri ng dula. Makinig Mabuti sa talakayan
Itaas ang kamay kung magsasalita,sasagot o may katanungan.

3. Nakapagsasagaw Pagsisiyasat sa mga mag-aaral kung handa na. (ang mga mag-aaral ay mag sasagawa ng thumbs-
a ng isang dula up)
BANGHAY-ARALIN
Pagbabalik-aral PPT

Magkakaroon ng roleta ng pangalan ng mga mag-aaral kung sino ang matatapatan ng pangalan ay
siya ang sasagot sa mga katanungan

PAKNERS

Ito ang nauusong laro sa Showtime. Bubunot ng dalawang mag-aaral at sila ang magiging
magkasangga para sa laro. Ang guro ay magbibigay ng kategorya at dapat ay pareho ang kanilang
sasabihin na kabilang sagot batay sa kategoryang inilahad. May premyo ang makasasagot.

Paghahabi sa layunin ng aralin/Pagganyak

Wika Rambulan

• Ipasasagot sa mga mag-aaral ang mga ginulong mga titik, ang mga ginulong mga titik ay mga
pelikulang napanood na nila sa sinehan.
• Halimbawa:
• A R D A N
• I T T A C I N
• S U I Q D E A G M
• T E H W O H S F O S U
• E K H S A R T T A E L NDA LLO R
• Pagbibigay ng mga layunin ng aralin (isang boluntaryong mag-aaral ang magbabasa ng mga
layunin ng aralin(-RASA BASA)

Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin/Presentasyon PPT

Pagganyak: Tatawag ng mga mag-aaral upang gayahin ang mga salita o katagang binitawan ng
mga artista sa mga sumikat na napanood na pelikula.
BANGHAY-ARALIN

VIDEO
/PPT

Magsasagawa ng Mahiwagang Salita,I-unlock mo kung kaya mo!

Magpapasagot sa mga mag-aaral tulad ng kanilang nakasanayan sa asignaturang


sipnayan/matematika, may mga larawan at mga titik na maaari nilang idagdag o bawasan upang
makabuo ng salita. Ang mga mabubuong salita ay nakaangkla sa araling tatalakayin.

HALIMBAWA:

PPT
BANGHAY-ARALIN

Ang guro ay magbibigay ng inihandang regalo sa mga makasasagot sa mga Gawain.


May kasamang pampagays na palakpak
MANILA
PAPER/PPT
Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

Pasimulang talakayan ng Guro

I. Dula
1. Kahulugan ng dula
2. Pagkakaiba ng dula at pelikula

PELIKULA
 Ayon sa wikipedia ang pelikula ay kilala rin sa tawag na sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na kung saan
ito ay gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining bilang bahagi ng industriya ng libangan.
 Ito ay nililikha sa pamamagitan ng pagrekord sa mga totoong tao na umaarte sa harap ng kamera.
 Ang wika ng isang pelikula ay batay sa pag-arte ng tinatawag na aktor na parang nagsasalita ng personal sa
tagapanood

DULA
 Ito ay isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo.
 Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
 Ang tagpo sa dula ay paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.

Ang mag-aaral ay maghahanda na para sa kani-kanilang pag-uulat.

Ilalahad ng bawat grupo ang mga sumusunod:

Unang Grupo: Mga uri ng Dulang Pilipino

1. Komedya Kapag masaya ang tema, walang iyakan at magaan sa loob, at ang bida ay laging nagtatagumpay.
2. Trahedya Kapag malungkot at kung minsan pa ay nauuwi sa isang matinding pagkabigo at pagkamatay ng bida.
3. Melodrama o “Soap Opera” Kapag magkahalo naman ang lungkot at saya, at kung minsan ay eksaherado ang eksena,
sumusobra ang pananalita at ang damdamin ay pinipiga para lalong madala ang damdamin ng mga nang sila ay maawa o
mapaluha sa nararanasan ng bida.
BANGHAY-ARALIN
4. Parsa Kapag puro tawanan at walng saysay ang kwento, at ang mga aksyoon ay puro “Slapstick” na walang ibang ginawa
kundi magpaluan at maghampasan at magbitiw ng mga kabalbalan.
5. Parodya Kapag mapanudyo, ginagaya ang kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng
komentaryo, pamumuna o kaya ay pambabatikos na katawa-tawa ngunit nakakasakit ng damdamin ng pinauukulan.
6. Proberbyo Kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa bukambibig na salawikain, ang kwento ay pinaiikot dito
upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.

Ikalawang Grupo: Elemento ng Dula

1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay
naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. Ito ay ang pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari at sitwasyon sa pamamagitan ng mga karakter (aktor) na gumagalaw sa tanghalan.
2. Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng
dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula. Ang mga kumikilos at nagbibigay-
buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.

3.Dayalogo – ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging
mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga actor
4. Tanghalan –ang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa
kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.
5.Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa
itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa
interpretasyon ng direktor sa iskrip
6. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito
maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o
makanood.
7. Tema – ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng
mga sitwasyon at pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan. Naililitaw ang tunay na emosyon
ng mga aktor sa tulong ng paglinaw ng tema ng dula.

Ikatlong Grupo: Sangkap ng Dula

▪ Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
▪ Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas
ng dayalogo at nagpapadama sa dula
▪ Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong
suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na
isang suliranin ang isang dula
BANGHAY-ARALIN
▪ Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
▪ Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang
sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula
▪ Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o
pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
▪ Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pagayos sa mga tunggalian
▪ Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring
magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood

(Ang bawat grupo ay bibigyan ng pitong minute upang gawin ang task at pagkatapos ay iuulat sa harapan ang kanilang ginawa)

Ang guro ay magbibigay ng chocolate sa mga mag-aaral na nakilahok sa talakayan

• Post Activity: Pagpapalalim ng Aralin


• Pagtatasa ng bawat mag-uulat at karagdagang pagtalakay sa mga konsepto sa nakatalagang
paksa.

1. Ano ang kahalagahan ng Dula sa pang-araw araw na pamumuhay ng isang tao?


2. Sa inyong palagay kung magkakaroon tayo ng isang dula para sa mga ETNIKONG TAO
halimbawa ay ang mga AYTA o BADJAO ano-ano ang ating mga malalaman at makikita sa
dulang itatanghal?

PAGLALAHAT

Magsasagawa ng IBIGAY MO!

Tatawag ng dalawang mag-aaral na maglalaban para sa larong IBIGAY MO


Ang guro ay magbibigay ng natalakay at ilalahad ang mga kasagutan sa pamamagitan ng paunahan
sa pagpindot sa bell . Ang makasasagot ay may premyo.
BANGHAY-ARALIN
PAGTATAYA

Maikling Pagsusulit
Sagutang
papel
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at tukuyin kung anong elemento, uri o sangkap ng
dula ang tinutukoy.

_______________1. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula.


_______________2. Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang mga emosyon.
_______________3. Ito ay masaya ang tema, walang iyakan at magaan sa loob, at ang bida ay laging
nagtatagumpay.
_______________4. Ito ay magkahalo naman ang lungkot at saya, at kung minsan ay eksaherado ang
eksena, sumusobra ang pananalita at ang damdamin ay pinipiga para lalong madala ang damdamin
ng mga nang sila ay maawa o mapaluha sa nararanasan ng bida.
_______________5. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula
_______________6. Ito climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan.
_______________7. Ito ay puro tawanan at walng saysay ang kwento, at ang mga aksyoon ay puro
“Slapstick” na walang ibang ginawa kundi magpaluan at maghampasan at magbitiw ng mga
kabalbalan. PPT
_______________8. Ito ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pagayos sa mga
tunggalian
_______________9. Dito nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula
_______________10. Ito ay nahango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o
ikilos.
BANGHAY-ARALIN

KASUNDUAN

a.Ang mag-aaral ay magsasagawa ng dula ayon sa napiling Dula


b. Ang bawat pangkat ay malayang dagdagan ang nasabing dula huwag lamang maiiba ang ang
takbo ng istorya.
c. Ang mga gagamiting materyales o props sa gagawing dula ay galling sa mga resiklong kagamitan
Pag-unawa sa sitwasyon ng buhay. mas mabuting maging resourceful tayo ngayon. (Humanities)
(Science Subject)
e. Ang mga grupo ay kailangang magdagdag ng mga tradisyon , pamumuhay o kaugalian ng mga
nasa pangkat etniko upang mas lalong maging makilay ang dulang ilalahad/ipapakita.
d. Ang mag-aaral ay bibigyan ng sapat na panahon na makapaghanda, ilalaan ang ilang oras sa
talakayan upang makapaghanda ang mga mag-aaral sa isasagawang dula. Upang sa ganoon ay
maiiwasan ang pagkakaroon ng paghahanda sa labas ng paaralan

PPT
BANGHAY-ARALIN

Inihanda ni: Siniyasat nina: Binigyang puna:

RONALD FRANCIS S. VIRAY LEONISA ASUNCION MARIA CARMEN B. MALLARI ELMER L. MENESES, PhD
SST II Master Teacher I
Asst. Principal II Principal IV

You might also like