Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Paaralan Baitang 4

MATATAG K TO 10 Guro Asignatura GMRC


KURIKULUM Petsa at Oras ng Pagtuturo Hulyo 12, 2024 Markahan Unang Markahan

I. NILALAMAN, MGA PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO NG KURIKULUM


A. Pamantayang Pangnilalaman Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa sariling kakayahang mag-isip at
magmahal na natatangi sa tao
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga kilos na nagpapakita ng kakayahang mag-isip at
magmahal ng tao bilang tanda ng pagpapahalaga sa sarili
C. Lilinanging Pagpapahalaga Pagpapahalaga sa Sarili (Valuing oneself)
D. Mga Kasanayanag Naisasabuhay ang pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng pagbibigay-halaga sa
Pampagkatuto mga sariling kakayahan na wala sa ibang nilalang (hal. kakayahang magpasiya,
umunawa ng damdamin ng iba)
a. Nailalarawan ang mga katangian ng tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya
sa ibang nilalang.
b. Naipaliliwanag na ang sariling kakayahang mag-isip at magmahal na
natatangi sa tao ay magagamit niya upang mapabuti ang kaniyang mga gawi
at pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
c. Nakapag-aangkop ng mga kilos na nagpapakita ng kakayahang mag-isip
at magmahal ng tao bilang bahagi ng kaniyang pagkabukod-tangi.
E. Mga Layunin a. Naiisa-isa ang mga katangian ng tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya sa ibang
nilalang
b.Nailalarawan ang mga katangian ng tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya sa
ibang nilalang
c. Nakapagbabahagi ng mga katangian ng tao na nasaksihan mula sa videoclip na
napanood
F. Integrasyon Gender Equality, Diversity
II. NILALAMAN/PAKSA Sariling Kakayahang Mag-isip at Magmahal na Natatangi sa Tao
III. MGA KAGAMITANG PANTURO AT PAMPAGKATUTO
A. Mga Sanggunian Matatag K to 10 Kurikulum, Maganda Maging Kakaiba/Kwentong May
Aral/Multiple Intelligence Story/Pagmamahal sa Sarili
http://sharevideo1.com/v/ZURkZlQ3MWdwZnM=?t+ytb&f+me
B. Iba pang Kagamitan Ppt presentation, videoclip, mga larawan, worksheet, pentel pen, metacards
IV. MGA PAMARAANG PANTURO AT PAMPAGKATUTO
Bago Ituro ang Aralin
Panimulang Gawain  Simulan ang aralin sa pamamagitan ng isang panalangin at pagbati.

Pagganyak:
Laro: Bahagi Ko, Buoin Mo!
Mekaniks:
1. Hahatiin ang klase sa dalawang grupo.
2. Ang guro ay may mga pira-pirasong larawan na ibibigay sa bawat grupo.
Ang bawat grupo ay mag-uunahang buoin ito at idikit sa pisara.
3. Ang grupo na unang makatapos at makasigaw ng Hooray!ang tatanghaling
panalo.

Gawaing Paglalahad ng Layunin ng Aralin Tara! Alamin Natin!


Hayaang pagmasdan at suriin ng mga mag-aaral ang mga larawang kanilang nabuo
at ipinaskil sa pisara. Hingin ang kanilang obserbasyon sa mga larawan sa
pamamagitan ng mga sumusunod na tanong:

Ano-ano ang mga larawang inyong nabuo?


Ano ang sinasabi nito tungkol sa halaman, hayop, at tao?
Alin ang mas nakahihigit sa kanilang tatlo?

Sabihin:
Sa araw na ito inaasahang mailalarawan ninyo ang mga katangian ng tao na
nagpapabukod-tangi sa kanya sa ibang nilalang.
Gawaing Pag-unawa sa mga Kahulugan Ko, Ibigay Mo!
Susing-Salita/Parirala o Mahahalagang Ipapaskil ng guro ang mga salitang katangian, talento at bukod-tangi sa pisara.
Konsepto Sa loob ng isang minuto, hahayaan niyang pumunta ang mga bata sa unahan upang
sa Aralin isulat ang kanilang ideya sa bawat salita.

Upang mas lalo nilang maunawaan ang mga susing-salita, ipabasa ang mga ito sa
kanila.
katangian/talento- ay tumutukoy sa likas na kakayahan, husay, o kakayahan ng
isang tao sa isang partikular na larangan o gawain. Ito ay maaaring kaugnay sa
sining, musika, pagsusulat, pagsasayaw, pag-awit, magagandang kaugalian at
marami pang iba.

bukod-tangi- ‘natatangi’ o "isa sa kakaiba” na ginagamit upang tukuyin ang isang


bagay, tao, o konsepto na may espesyal o natatanging katangian na nagpapahiwatig
ng kakaibang halaga o distinksiyon mula sa iba.

Mahalaga rin na malaman na habang may mga likas na talento, ang pag-unlad ng
mga ito ay nangangailangan pa rin ng tamang pagsasanay, dedikasyon, at
pagsusumikap. Ang simpleng talento ay maaaring mapalakas at mapabuti sa
pamamagitan ng edukasyon, praktis, at patuloy na pag-aaral.

Habang Itinuturo ang Aralin


Pagbasa sa Mahahalagang Halika, Usap Tayo!
Pag-unawa/Susing Ideya Ibigay ang mga sumusunod na tanong at iproseso ang sagot ng mga bata.
Maaari ba ninyong isa-isahin ang inyong mga katangian na sa tingin ninyo
ay bukod tangi?
Nasisiyahan ba kayo sa pagkakaroon ng katangian/talento?
Ano-ano ang inyong dapat gawin upang lalo pa kayong humusay sa inyong
natatanging kakayahan/talento?
Pagpapaunlad ng Kaalaman at Kasanayan Pangkatang Gawain:
sa Mahahalagang Pag-unawa/Susing Ideya Hatiing muli ang klase sa dalawang grupo.

Unang Grupo: Manunulat Group


Bibigyan sila ng mga larawan ng isang babae at lalaki. Sa nakalaang papel, isusulat
nila ang mga katangian ng isang babae at isang lalaki na bukod-tangi sa kanila.

Ikalawang Grupo: Artist Group


Pipili ang grupo ng isang larawan mula sa mga ibibigay ng guro. Pagkatapos,
ilalarawan nila ang katangian ng mga ito sa pamamagitan ng pag-arte.

Pagpapalalim ng Kaalaman Maganda Maging Kakaiba


at Kasanayan sa Mahahalagang Isang videoclip ang ipanonood ng guro sa mga bata. Bago ito, ipaalala sa kanila ang
Pag-unawa/Susing Ideya mga dapat maging gawi habang nanonood.

Mga Tanong Pagkatapos Manood:


1. Ano ang katangian ni Angela na nagpabukod-tangi sa kaniya sa kanyang
mga kaklase?
2. Ano-ano naman ang mga katangian ng kaniyang mga kaklase ang naipakita
sa iyong napanood?
3. Dapat ba nating husgahan ang isang tao kung siya ay may kakaibang
katangian? Bakit?
Pagkatapos Ituro ang Aralin
Paglalapat at Paglalahat  Bibigyan ang mga bata ng kani-kaniyang worksheet.
Pamagat: Pagbuo ng Graphic Organizer ng katangian niya bilang tao na
nagpapabukod-tangi sa kaniya sa ibang nilalang. Ipabahagi sa klase ang kanilang
sagot pagkatapos.

 Ipabasa sa mga bata. Hingin ang kanilang saloobin tungkol dito.


Natatangi kang tao na nabubuhay sa mundong ito. Wala kang katulad at hindi ka
naulit sa kasaysayan. Tawagin mang ito ay isang talinhaga subalit ito ay tototo. Sa
madaling salita, ikaw ay espesyal, mayroon kang taglay na kakayahan na siyang
nagpapabukod-tangi sa iyo.

Pagtataya ng Natutuhan Panuto: Ilarawan ang sumusunod na katangian ng tao na nagpapabukod-tangi sa


kaniya sa ibang nilalang.

Mga Dagdag na Gawain para sa Paglalapat


o para sa Remediation (kung nararapat)
Mga Tala
Repleksiyon

Inihanda ni: Nirebyu ni: Pinagtibay ni:

You might also like