Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

The Greatest

Love of All

Keypoints

1. Familiarize the greatest commandment of God and Jesus.


2. Understand the true value of the love of God and Jesus
3. Share with other people the love of God and Jesus that
saves for purifying one’s life.

Shincheonji Church of Jesus the Temple of


the Tabernacle of the Testimony
@2024 bibleprayeconnection.com. All Rights Reserved.
Terms of Use. Privacy Policy.
THE GREATEST LOVE OF ALL

Ayon sa mga Griyego, ang pag-ibig ay isang konsepto na bahagi ng buhay


ng bawat tao. Ito ang isa sa pangunahing responsable para sa mga
pagbabago at paggawa ng desisyon para sa buhay. Ngunit sa pag-ibig,
ano ba ang maituturing na pinakadakila sa lahat?

Matthew 22:36-39
“Teacher which is the greatest commandment in the Law?” Jesus replied “Love
the Lord your God with all your heart and with all your mind. “This is the first
and greatest commandment. And the second is like it: “Love your neighbor as yourself.”

Ayon sa Matthew 22:36-39, may


isang nagtanong kay Jesus kung
ano ang pinakadakilang utos o
batas ng Panginoon, at sinagot
ito ni Hesus na ang pinakadakila
sa lahat ay ang pag-ibig sa Diyos
ng buong puso, isip, at kaluluwa.
At ang pangalawa ay ang mahalin
ang kapwa tulad ng pagmamahal
natin sa ating sarili.

Ang Diyos ang unang nagmahal sa atin, at kikilos ang pag-ibig na ito
kapag naranasan natin ang pagmamahal ng Panginoong Diyos.
Sa pamamagitan ng Kanyang salita, ibinigay Niya ang balitang ito
na naglalaman ng Kanyang mga pangako at mga plano— ang buhay na
walang hanggan.

Deuteronomy 6:5-7
“Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your
strength. These commandments that I give you today are to be on your hearts. Impress
them on your children. Talk about them when you sit at home and when you walk along
the road, when you lie down, and when you get up.”

@2024 bibleprayeconnection.com. All Rights Reserved. 1


Terms of Use. Privacy Policy.
THE GREATEST LOVE OF ALL

Si Moses ay ang pinili ng Diyos para ipahayag ang Kanyang salita


at mga batas sa mga Israelita. Noong panahon ng Lumang Tipan
ay ibinigay na ng Panginoong Diyos ang pinakadakilang batas, at ito ay ang
ibigin ang Diyos ng buong puso, kaluluwa, at lakas. Binanggit din na mahalin
maging ang ating mga kaaway.

God’s love: The Greatest love of all

John 1:14
“The Word became flesh and made his dwelling among us. We have seen his glory,
the glory of the one and only Son, who came from the Father, full of grace and truth.”

Ang Panginoong Jesus ay dumating


2,000 taon na ang nakakaraan
at Kanyang ibinigay ang konsepto
ng pag-ibig na pinakadakila sa lahat.
Dahil ang pag-ibig na ito ay ibinigay
ng Panginoong Diyos gamit ang
katotohanan ng salita. Ang salitang
ito ang maglilinis sa atin upang ating
maintindihan ang pinakamalalim na
pag-ibig ng Diyos sa atin.

Sinabi sa Bibliya na ang ating Diyos ay ang Alpha at ang Omega.


Ang Diyos kapag nangako ay Kanyang tinutupad. Gayon na lamang
ang pag-big ng Diyos sa sanlibutan kaya binigay Niya ang Kanyang bugtong
na anak upang tuparin ang Kanyang mga pangako. Ang pagpapadala Niya
sa ating Panginoong Jesus at pagbibigay ng sariling buhay nito ang naging
katuparan ng mga pangako.

@2024 bibleprayeconnection.com. All Rights Reserved. 2


Terms of Use. Privacy Policy.
THE GREATEST LOVE OF ALL

Ang pag-ibig na mayroon ang Diyos ay di lang sapat kundi higit pa sa kahit
ano man ang mga pangyayari sa buhay ng isang tao. Kaya naman, bilang
isang mananamplataya, dapat maunawaan natin ang salita ng Diyos dahil
ang salita ng Diyos ay ang magsisilbing gabay upang mas makilala natin Siya.
Ninanais ng Diyos na matuto tayong magpatawad, magbigay, at maihatid
ang pag-ibig ng Diyos sa iba pang mga tao. Ginugusto rin ng Panginoong
Diyos na maligtas ang lahat ng mga tao.

Ephesians 3:17-19
“So that Christ may dwell in your hearts through faith. And I pray that you, being rooted
and established in love, may have power, together with all the Lord’s holy people,
to grasp how wide and long and high and deep is the love of Christ, and to know this love
that surpasses knowledge-that you may be filled to the measure of all the fullness of God.”

Mahalagang manatili ang


Panginoong Jesus sa buhay ng isang
tao. Ang pag-ibig na Kanyang itinuro
ang magsisilbing pundasyon sa
bawat gawain upang lubos nating
maunawaan ang nais ng Diyos dito
sa mundo. Walang makakapantay sa
pag-ibig na mayroon ang Diyos para
sa atin kaya ating masasabi na ang taong umiibig ay pinagpapala.

Matthew 5:46
“If you love those who love you, what reward will you get? Are not even the tax
collectors doing that?”

Sinabi ng ating Panginoong Diyos na pinagpapala Niya ang mga taong


marunong umibig kahit sa mga taong hindi kaibig-ibig. Katulad ng ginawa ni
Jesus noong una Siyang dumating sa mundo 2,000 taon na ang nakakalipas.

@2024 bibleprayeconnection.com. All Rights Reserved. 3


Terms of Use. Privacy Policy.
THE GREATEST LOVE OF ALL

Ipinakita Niya ang Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga


tao na kahit hindi Siya pinaniniwalaan ng mga ito, at Siya ay pinapatay. Kaya
nawa’y ito ang maging isang halimbawa kung paano ipapakalat ang pag-ibig
sa sanlibutan. Dapat na maranasan ng bawat isa ang pag-ibig na galing sa
langit at huwag itong limitahan kahit sa mga taong hindi kaibig-ibig dahil
pinagpapala ng Diyos ang mga taong marunong umibig.

Sinasabi rin sa 1 Corinthians 8:1 na ang pag ibig ay ang magpapatibay,


magbabalik, at magpapagaling sa kahit anong sakit na nararamdaman
sa puso ng tao. Ang pag-ibig lamang ng Diyos ang makakapagbuo
at makakapagpagaling sa atin.

1 John 4:18
“There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do
with punishment. The one who fears is not made perfect in love.”

Nang matapos ang pandemya hindi nawala sa atin ang pangamba dahil
sa mga bagay na ating nararanasan, ngunit kung may pag-ibig ng Diyos
na naghahari sa ating mga puso, tayo ay hindi matatalo ng mga pangamba
sapagkat nariyan lang Siya upang bantayan at gabayan tayo na Kanyang
mga nilikha.

@2024 bibleprayeconnection.com. All Rights Reserved. 4


Terms of Use. Privacy Policy.
THE GREATEST LOVE OF ALL

Laging tatandaaan na ang salita ng Diyos ay napaka-makapangyarihan. Ano


man ang pagsubok sa buhay ng isang mananampalataya, kung nasa kanya
ang salita ng Diyos ay hindi ito matatakot at siya ay magtatagumpay sa buhay.

Conclusion

1 Peter 1:22-23
“Now that you have purified yourselves by obeying the truth so that you have sincere love
for each other, love one another deepy, from the heart. For you have been born again, not
perishable seed, but of imperishable, through the living and enduring word of God.”

Bilang isang mananampalataya ng Diyos, kailangan natin Siyang sambahin


sa espiritu at katotohanan gaya ng nakasaad sa Bibliya. Malulugod ang
Diyos sa isang mananampalataya na nagbibigay ng pagsamba sa Kanya
sa pamamagitan nito.

Kaya gamit ang salita, mas makikilala natin ang ating Panginoong Diyos
at malalaman natin ang Kanyang kalooban, kagustuhan, at layunin dito
sa mundo. Kaya mahalagang malaman ang uri ng pagsamba na kinalulugdan
Niya. Sa pamamagitan nito ay hindi masasayang ang ating pagbibigay
ng papuri at pasasalamat sa Kanya at tayo ay ang mga mananampalatayang
katanggap-tanggap sa Kanyang harapan.

Tulad ng sinabi sa John 17:17, ginugusto ng Diyos na maging banal tayo gamit
ang katotohanan. Alam natin na ang katotohanan ay ang salita, at dahil ang
Diyos ay banal, marapat lamang na tayong Kanyang mga nilikha ay maging
banal din. At magiging banal lamang ang isang tao sa pamamagitan ng salita
ng Diyos at ng Panginoong Hesus. Bilang pamilya ng Diyos, dapat nating
ibahagi ang Kanyang salita at pag-ibig sapagkat ang pagpapakita ng pag-ibig
sa iba ay pagliligtas at pagbibigay ng buhay na walang hanggan na siyang
ginugusto ng ating Diyos Ama.

@2024 bibleprayeconnection.com. All Rights Reserved. 5


Terms of Use. Privacy Policy.
THE GREATEST LOVE OF ALL

@2024 bibleprayeconnection.com. All Rights Reserved.


Terms of Use. Privacy Policy.
THE GREATEST LOVE OF ALL

@2024 bibleprayeconnection.com. All Rights Reserved.


Terms of Use. Privacy Policy.
THE GREATEST LOVE OF ALL

@2024 bibleprayeconnection.com. All Rights Reserved.


Terms of Use. Privacy Policy.
THE GREATEST LOVE OF ALL

@2024 bibleprayeconnection.com. All Rights Reserved.


Terms of Use. Privacy Policy.
THE GREATEST LOVE OF ALL

@2024 bibleprayeconnection.com. All Rights Reserved.


Terms of Use. Privacy Policy.

You might also like