Q4_LAS_Arts4_Wk-5-8_LUMBA_ERISHMADELLE_TarlacCity

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

4 Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office III

Learning Activity Sheets


Arts 4
Quarter 4 – Week No. 5-8
Paglikha ng Banig Gamit ang mga
Kulay na Buri Strips o Anumang
Materyal na Maaaring Habi
MAPEH (Sining)–Ika-apat na Baitang
Learning Activity Sheet
Ikatlong Markahan – Modyul1:Paglikha ng Banig Gamit ang mga Kulay na Buri Strips
o anumang Materyal na Maaaring Habi

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon
paman,kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-aring mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aringiyon. Ang ano mang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihina lna may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng LAS

Manunulat: Erish Madelle L. Lumba


Mga Editor: Maria Teresa C. Perez
Bobby L. Isip
Tagasuri: Charito D. Corpus, Principal
Phoebe V. Concepcion, TI
Diosdado Mateo
MgaTagaguhit:
Tagalapat: Erish Madelle L. Lumba
Layout Evaluator: Ruel Delos Santos
Cover Designer: Paul Marion R. Vallentos

Tagapamahala: May B. Eclar, PhD,CESO III


Roda T. Razon,PhD ,CESO V
Librada M. Rubio,PhD,Chief-CLMD
Ma.Editha R. Caparas,EdD,EPS-LRMS
Engelbert B. Agunday,EdD,EPS-MAPEH
Rosauro M. Perez, EdD, EPS-MAPEH
Lily Beth B. Mallari, EPS-LRMS
Robert E. Osongco, EdD, Chief CID

InilimbagsaPilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address : Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando,
Pampanga
Telefax : (045) 598-8580 to 89
E-mail Address : region3@deped.gov.ph
I. Alamin

Sa katapusan ng araling ito ay inaasahang:

1. makalilikha ng isang maliit na banig gamit ang mga kulay na buri strips
o anumang materyal na maaaring habi, ipinapakita iba'ng ibang mga disenyo: mga
parisukat, mga tseke ng zigzag, at guhitan,

2. makalilikha ng sariling disenyo na katulad ng istilong ginawang isang local na


pangkat etniko,

3. maipagmamalaki ang iba’t ibang disenyo ng banig sa Pilipinas.

Paglikha ng banig gamit ang mga kulay na buri strips o anumang materyal na
maaaring habi (A4PR-IVf-g)

II. Subukin
Panuto: Sa sagutang papel, isaayos ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga
hakbang sa paglikha ng maliit na banig. Gamitin ang bilang 1 hanggang 5.

3
PAGLIKHA NG BANIG GAMIT ANG
Aralin MGA KULAY NA BURI STRIPS O
1 ANUMANG MATERYAL NA
MAAARING HABI

III. Balikan
Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.

1.Ipaliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng magandang disenyong tie-dye.

2.Upang maging kakaiba ang iyong sining, anong klaseng disenyo ang ginamit mo
sa paggawa nito?

IV. Tuklasin

Ang araling ito ay patungkol sa prosesong paggawa o paglikha ng "Banig". Ito


ang pangunahing mapagkukunan ng kita sa bawat sambahayan sa Samar.

Narito ang mga hakbang sa paggawa ng maliit na banig:

1. Ihanda ang mga linas( strip) ng dahon ng buri, niyog o papel ( magazines,
comics, o dyaryo) na gagamitin sa paglalala.

2. Simulan ang paglalala gamit ang dalawang linas na magiging pusod ng banig.

4
3. Tupiin ang isang linas at isingit ang isang linas nang pasalit-salit sa dalawang
linas.

4. Gawin ito nang paulit-ulit hanggang sa makuha ang nais na disenyo at lapad.

5. Gupitin ang sobrang buri sa dulo at itupi sa gilid para malinis tingnan.

6. Iligpit ang materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na pinaggagawaan.

Source: www.craftiments.com www.deped.gov.ph

5
V. Pagyamanin

Ang banig ay isang kagamitan na karaniwang ginagamit bilang higaan sa


pagtulog lalo na sa Pilipinas at sa mga bansa sa Silangang Asya. Bawat rehiyon
ng bansa ay may sari-sariling disenyo sa paglalala ng banig. Ang banig ay
maaaring gawa sa buri, pandan o dagat dahong damo. Isa sa bantog na lugar sa
paglalala ng banig sa Pilipinas ay ang Basey, Samar.

Masdan ang mga halimbawa ng mga disenyo sa larawan.

Source: K to 12 Learner’s Material in Arts First Edition 2015. www.deped.gov.ph

VI.Suriin
Sa sagutang papel, sagutin ang tanong.Bakit kailangan nating ipagmalaki ang
iba’t-ibang uri o disenyo ng banig sa iba’tibang rehiyon sa Pilipinas?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

6
VII.Isagawa
Pinatnubayang Gawain 1
Paggawa ng Tissue Holder

Panuto: Gumawa ng isang tissue holder na gawa sa banig.


Mga Kagamitan: dahon ng niyog o buri o anumang lokal na materyales na
maaaring gamitin sa paglalala, gunting, kahon ng sapatos at pandikit.

Mga hakbang sa Paggawa:

1.Gamit ang nalikhang banig, idikit sa kahon ng sapatos ang nilalang banig
para gawing tissue holder at mabuo ang isang 3D na likhang-sining.

2. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na


pinaggagawaan.

Pinatnubayang Pagsusulit 1

Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at


Mali kung hindi wasto ang ipinahahayag. Isulat ang sagot sasagutang
.
papel.

___________1. Ang paghabi ng banig ay isa sa mga sinaunang sining na hinabi


sa pamamagitan ng kamay ng mga tao.
___________2. Maaarikang gumamit ng mga linas ng dahon ng buri at papaya
na gagamitin sa paglalala.
___________3. Mahalagang maging malinis ang paligid habang gumagawa ng
sining tulad nito.
___________4. Ang paghahabi ng banig ay pagtitiklop ng pilas ng materyales
para makagawa ng kakaibang hugis at disenyo.
___________ 5. Makikita sa mga disenyo ng Pilipino ang pagiging malikhain at
mga disenyong ito naka salalay sa kasanayan ng bawat
rehiyon.

7
___________ 6. Dapat nating ipagmalaki ang mga sining na gawa natin.

___________ 7. Ang mga Pilipino ay ang bukod tanging nakagagawa ng banig.


___________ 8. Kayang-kayang gawin ng isang mag-aaral na tulad mo ang
isang magandang sining tulad ng paggawa ng banig.
___________ 9. Ang paglalala ay isang paraan ng pagsasalit-salit ng materyal
gaya ng buri na iniaanyo pahaba at pabalagbag upang
makabuo ng kahanga-hangang disenyo.
___________ 10. Hindi na maaaring dagdagan pa ng ibang disenyo ang
nagawang sining.

Pinatnubayang Gawain 2

Paggawa ng Placemat

Panuto: Gumawa ng placemat na gawa sa banig.


Mga Kagamitan: buri o dahon ng niyog o anumang bagay na maaaring gamitin
sa paglalala at gunting.

Mga hakbang sa Paggawa:

1. Pumili ng dalawang kumbinasyon ng matingkad (bright), at mapusyaw (light) na kulay


bago magsimula sa paglalala, at gumawa ng sariling disenyo sa paggawa ng placemat.

2. Lalahin ng salitan ang buri o dahon ng niyog o papel na ginagawa ang disenyong
napili.

3. Gupitin ang sobrang buri sa dulo at itupi sa gilid para malinis tingnan. Maaari din gupitin
sa nais na hugis ang placemat.

8
4. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na pinaggawaan.

Source: LRMS www.deped.gov.ph

Pinatnubayang Pagsusulit 2

Panuto: Pangkatin ang mga sumusunod na kagamitan kung ito ba ay ligtas at


maaaring gamitin sa paggawa ng tissue holder at placemat na gawa sa banig o
hindi.Gawin ito sasagutang papel.

pandikit kutsilyo karayom basag na bote kahon ng sapatos

dahon ng niyog malalaking bato dahon ng pandan gunting posporo

9
Panuto: Lagyan ng tesk( ) ang hanay ayon sa antas ng iyong naisagawa.

Pamantayan Nakakasunod Nakakasunod sa Hindi


sapamantayan pamantayan subalit Nakakasunod
nang higit sa inaasahan. may ilang sapamantayan
(3) pagkukulang (1)
(2)
1.
Naisagawa ko
ang disenyong
nais bilang
batayan sa
paglalala ng
banig.

Naisagawa ko
ang paglalala
ng banig gamit
ang dahon ng
niyog o
anumang
bagay na
nakikita sa
kapaligiran.
3. Ang
kumbinasyon ng
kulay at disenyo
ay naipakita ko
sa aking likhang
sining.

Nasunod ko
nang tama ang
mga
pamamaraan sa
paggawa.

Naisagawa ko
ng buong husay
at malinis ang
ginawang banig.
10
VIII. Isaisip
Ang bawat isa ay may angking kaalaman sa sining. Ang pagpapayabong ng
kahusayan at kaalaman tulad ng paglalala ng banig ay makakatulong sa pagpapanatili
ng mayamang kultura ng mga Pilipino. Sa paglikha ng mga iba’t-ibang orihinal na
disenyo na maaring gawin ng isang tulad mo ay makakabuo ng likhang sining ng isang
tunay na katutubong Pilipinong gaya mo.

IX. Tayahin
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.Gawin ito sa sagutang papel.

______ 1. Paano lilitaw ang magandang disenyo ng paglalala?

A. gamitin ang makulay na materyales.


B. gamitin lamang ang itim na kulay.
C. gamitin lamang ang mapusyas na kulay.
D. gamitin ang matingkad at mapusyaw na kulay.

______ 2. Ito ay may kumbinasyon ng mga linyang pahilis,pahiga at patayo sa


paglalala ng banig.

A. Disenyong Pazigzag
B. Disenyong Stripes
C. Disenyong Parisukat
D. Disenyong Checkered

______ 3. Sa pagsasagawa ng anumang likhang sining, ano ang hindi dapat gawin?

A. sumunod sa mga hakbang.


B. ipagawa sa kaklase/kapitbahay
C. maging malikhain.
D. gumawa sa gabay ng guro.

______ 4. Sa iyong natutunan at natuklasan sa mga pamanang-sining ng mga pangkat


etniko, bilang isang mag-aaral sa ikaapat na baitang, ano ang dapat mong
gawin upang mapanatili ang halaga ng mga ito?

A. ikahiya
B. tangkilikin
C. kalimutan
D. itapon

11
______ 5. Ito ang karaniwang materyales sa paglalala ng banig.

A. Buri
B. bulak
C. papel
D. kahon

Susi sa Pagwawasto

12
Sanggunian

K to 12 Learner’s Material in Arts First Edition 2015. Accessed February 25, 2021.
www.deped.gov.ph

13

You might also like